Friday, February 18, 2011

Task Force Enigma : Cody Unabia 6

Task Force Enigma Cody Unabia

CHAPTER 6

"HELLO !!! Bakit ko naman susundan ang lalaking iyon ? Eh hindi naman kami talaga close !" pangangatwiran ni Kearse sa sarili habang tinatanaw ang bus na sinakyan ni Cody.

Nang makatawag ito sa kaibigan nitong ‘Perse’ daw ang pangalan ay nanghiram na lang ito sa kanya ng pamasahe. Kailangan na raw nitong makaalis at may importante itong gagawin. Nainis siya sa sarili niya dahil ayaw niya pa itong umalis. Pero hangga’t nandoon naman ito sa bahay nila ay malamang na pagpantasyahan lang niya ng pagpantasyahan ito ng harapan. Worse, make himself drool over him.

Napabugha siya ng hangin. Curious lang siguro siya talaga dito. Kasi naman, hindi araw-araw na may makikita siyang duguang lalaki sa daan, dadalhin niya sa bahay, pagpapalain, at pagpapantasyahan ? Err… este hindi iyon kasama sa agenda. Bonus na lang siguro na ang gwapo nito at ang sarap pa ng katawan.

Pinaandar niya ang sasakyan at wala sa loob na nag-drive. Hinatid niya lang sa terminal si Cody kaya siya naroroon. Nagulat pa siya ng makitang sinusundan na pala niya ang bus na sinasakyan nito.

Okay ! Siguro ay gusto niya lang talagang ma-satisfy ang curiosity niya sa binata.

Binata ? Teh, baka may asawa na yun. Singit ng malditang bahagi ng isip niya.

‘Wala akong nakitang wedding ring !’ parang timang na pakikipag-usap niya sa sarili.

Fine ! Echozerang tugon pa nito.

Wala. Malala na siya. Kinakausap na niya ng literal ang sarili niya. Alam niyang inaagiw ang utak niya minsan pero not to the point of having discussion with himself.

Mabilis ang takbo ng bus kaya naman may ekstrang bilis rin siyang effort sa pagda-drive. Nakadama siya ng kakaibang excitement habang nagmamaneho. Never pa niyang nagawa ito kaya naman kakatwa ang excitement niya.

Nasa Maynila na sila ay nakabuntot pa rin ang sasakyan niya sa bus. Nang huminto ang sasakyan sa Buendia ay nakita niyang bumaba si Cody. Huminto ito sa tapat ng isang establisyemento na waring may hinihintay.

Inihinto niya ang sasakyan sa may hindi kalayuan dito pero hindi pinatay ang makina. Nag-signal lang siya ng hazzard para hindi siya turetehin ng mga nagkalat na traffic enforcers doon.

Habang pinagmamasdan si Cody ay hindi niya maiwasang hangaan ito ng lubusan. Simpleng puting t-shirt lang ang suot nito na pagmamay-ari pa ng kapatid niya at isang kupasing maong.

Malaking lalaki rin ang kapatid niya pero parang nagmukhang fit dito ang suot nitong hiram na damit. Why, Cody is a big man. Lampas siguro sa anim na talampakan ang taas nito kumpara sa kanya na hindi pa umabot ng lima at sampung pulgada.

May point of comparison ? Para saan ? Iyon na naman ang epal na bahagi ng isip niya.

‘Wala ! Shuta ka !’ gigil na sagot niya.

Nasa ganoong eksena siya ng may lumapit na motorsiklo kay Cody. Isang lalaki ang sakay nun. Nanghubarin nito ang helmet ay napanganga siya.

Oh my gulay ! Ang gwapo naman nun. Iyon ba ang kaibigan nito ? Well di na nakapagtataka kasi birds of the same feather, flocks together. Hindi niya maatim na ang papangit ng kaibigan ni Cody.

Me ganun ? Close kayo ? singit na naman ng bahagi ng isip niya na bida yata sa Malparida.

Hep ! Plugging yan ! Magbayad ka ! singit ng author ng kwentong ito sa kanya.

‘Sorry naman Miss Author. Ang epal kasi niya eh.’ Sagot niya sa author. Oo. Sa author. Hindi sayo na nagbabasa nitong kwentong ito. Okay ?

‘Gets niya yan. Kasi matatalino ang readers ni Miss Dalisay.’ Pagtatanggol niya pa sayo. Oo, Ikaw. Ikaw na nakaharap sa monitor at binabasa ang 2nd installment ng Task Force Enigma Series ni Dalisay Diaz.

Bago ka pa tuluyang mabaliw sa pakikipag-usap ng author sa bida at ng bida sa author ay ibabalik ko na ang kwento sa mga tunay na kaganapan.

Hayun na nga at nakikipag-usap ng seryoso si Cody sa lalaking nakamotor. Parang hindi ito ang lalaking kwela na nakakausap niya pa nitong mga nakaraang araw. As a writer, ugali na niyang mag-observe. At ayon sa kanyang henyong obserbasyon ay nakita niyang may bahid ng panganib ang ibinabadya ng gwapong mukha nito.

The other man’s face reflected nothing. Pero hindi maitatangging gwapo rin ito. Napaka-serious nga lang ang mukha.

Nasa mataman siyang pag-oobserba ng may kumatok sa bintana ng salamin niya. Nagulat pa siya ng makitang isa iyong traffic enforcer. Nagtatakang ibinaba niya ang salamin ng sasakyan.

‘Good Afternoon po Sir. May problema po ba ?’ magalang na tanong nito sa kanya.

‘Ha, eh wala naman po. N-naghahanap lang ako ng cd na patutugtugin.’ With that being said agad niyang binuksan ang glove compartment para kunwari maghanap ng cd sa mga cd na naroroon.

‘Eh kasi sir… nasa no parking area po kayo.’

‘Huh ?’ gulilat na sabi niya. Agad ang pagbaling niya sa side ng kalsada na mayroong nakalagay na karatula. NO PARKING.

Nilingon niya uli ang traffic enforcer at alanganing napangiti. ‘Ah S-sir… Manong Bossing… Pasensiya na po . Hindi ko napansin.’ Umaasa siyang palalagpasin na siya nito.

‘A-aalis na lang po ako. Nakita ko naman na po ang CD na hinahanap ko. Ayoko lang kasing maaksidente habang naghahanap ng mapapatugtog. Tama naman di ba Sir, Manong Bossing ?’ pang-uuto pa niya rito saka itinaas ang kung ano mang CD ang nakuha niya.

‘Ang galing naman Sir. Kahit pala mayaman Idol si April Boy.’ Nakangiting sabi nito sa kanya habang nakatingin sa iwinawasiwas niyang CD.

April Boy ? Yuck ! Batikos sa kanya ng maldita niyang isip.

Nagugulumihanan siyang napatingin sa cd na hawak. At ngek ! Kay April Boy nga iyon. Kaninong CD ito ? Litong tanong niya sa isip.

Anyway. Kung si April Boy ang makakapagligtas sa kanya sa pagkakahuli ng dahil sa illegal parking then so be it. Salamat ng marami April Boy.

‘Ah o-Oo nga manong. Magaling kasi siya.’ Nakangiwing ngiti niya pa dito.

‘Oo naman Boss.’ Excited na sabi pa ng traffic enforcer. ‘Peyborit ko ang kanta niyang ‘Di ko kayang tanggapin ! Na mawawala ka na sa akin !’ Biglang birit ni Kuyang traffic enforcer.

Napangiwi na siya ng husto. Nag-aalala siyang baka may makakuha ng atensiyon sa mga tao sa paligid habang nagko-konsiyerto si Manong. At iyon na nga ang sinasabi niya, napansin na sila nila Cody.

Nakakunot ang noo nitong inaninag siya sa loob ng hindi tinted na sasakyan niya. Pilit naman siyang yumuyuko habang wapakels si Manong sa labas ng sasakyan niya at nag-a-ala Idol.

Hindi siya pwedeng makita ni Cody at ng kasama nito. Nakakahiya !

Haller ! Yun lang sundan mo yung bus na sinasakyan niya hanggang Maynila eh nakakahiya na. Nakakapagtakang nakakadama ka ngayon ng hiya. Kilala mo naman na siguro kung sino nagsabi niyan ? Okay. Let’s proceed.

Shutang author na ito. Are you ignoring me ? imbernang sagot ng bahagi ng isip niya kay Miss D.

I’m not ignoring you. You’re just insignificant. Mas mataray na sabi ni Miss Dalisay.

Bumaligtad na yata ang kwento. Siya na si Kearse Allen Concepcion na siyang bida sa kwentong ito ang naging narrator at naging bahagi na ng kwento si Miss D at ang bahagi ng isip niya.

Matagal na akong bahagi nito noh ? Echozera ! patutsada nito sa kanya.

Oo nga eh, hindi ko alam kung bakit sa lahat ng kwento ko buhay ka at nagmamaldita. Sagot ni Miss D.

So malamang naloloka ka na habang nagbabasa nito kaya ibabalik ko na ang kwento sa totoong mga bida. Sorry for the inconvenience.

Nataranta na siya ng husto ng lumapit si Cody sa kotse niya at kinatok ang kabilang bahagi ng bintana.

Napilitan siyang harapin ito at ibaba ang salamin sa bahaging iyon. Nagtatakang binati siya nito.

‘Kearse ?’

‘Ah—Hi Cody ! Fancy meeting you here.’ Aniya saka ngumiti. Patay !


Aliw na aliw si Cody habang kausap niya si Kearse sa loob ng kanyang bahay sa parteng iyon ng Taft. Isa iyong apartment na minana niya pa sa mga magulang. Nagulat siya ng makita ang sasakyan nito sa kalye habang may nagko-concert na traffic enforcer sa tabi nito.

Nahuli raw ito sa salang illegal parking pero buti na lang at mabait ang sumita rito kaya hindi na ito tuluyang hinuli. Alam niyang sinundan siya nito base sa pagkakataon ng pagkikita nila sa Maynila.

Nag-convoy na lang sila ni Perse na siya sanang susundo sa kanya pagkababa niya ng bus. Hindi niya maiwasang ma-cute-an sa paraan ng pagku-kwento ni Kearse sa mga pangyayari.

‘Hay nako, buti na lang at nandoon kayo kung hindi, magdamag akong kinantahan ni Manong traffic enforcer doon.’ Naka-emote pa nitong sabi kay Perse na poker faced lang sa harap nito.

Nang makitang walang natanggap na anumang reaksiyon sa kaibigan at kasamahan niya sa TFE ay nahihiyang tumahimik ito.

Natatawang nilapitan niya ang kaibigan saka sinagot si Kearse. ‘Pasensiya ka na dito sa kaibigan kong Major, Kearse. Hindi kasi marunong maki-ride on ito sa mga biruan. Ito ang taong-tuod. Next to Lt. Col. Rick Tolentino.’ Nakatanggap siya ng malakas na suntok sa braso na hindi niya agad naiwasan.

‘Arekup, Pare naman. Kagagaling ko lang sa bugbog sa mga tauhan ni Alexa. Hindi pa ako lubusang nakaka-rekober.’ Reklamo niya.

‘Ako pa ang ginawa mong tuod. Si Rick lang iyon. Hindi ako.’ Walang-emosyon na sabi nito.

Lumayo na siya rito bago pa siya bigyan ng jab. Umupo siya sa tapat ni Kearse. Nasa mukha nito ang pagtataka at galit ? Bakit galit ito ?

‘Hey ! Bakit galit ka ?’ sabi niya rito.

‘Eh paano akong hindi magagalit ? Pinaghirapan kang pagalingin ng mga kapatid ko. Tapos susuntukin ka lang ng walang emosyong lalaking ito ? Hindi ka pa lubusang magaling !’ galit na galit na sabi nito at balewala lang na dinuduro ang kaibigan niya.

‘Ah… Kearse ang walang emosyong lalaking iyan ay walang iba kung hindi si Major Perse Verance. Ang aming assistant team leader sa TFE.’ Paliwanag at pagpapakilala niya rito.

‘At ako si Queen Elizabeth !’ asar na sabi ni Kearse. Obviously, walang paki-alam sa ginawa niyang pagpapakilala sa kaibigan.

‘Pulis ka ba ?’ tanong nitong bigla sa kaibigan niya. Parang nahulasan at nag-sink in na ang lahat ng sinabi niya rito. Nakahinga siya ng maluwag.

‘Oo.’ Matabang na tugon ni Perse.

‘Eh… peace tayo Officer ha ?’ naka-peace sign pa na sabi ni Kearse.

Natawa siyang bigla. Matalim naman ang tingin na ibinaling sa kanya ng huli. Dagli siyang umayos, kunwari.

‘Kasi naman, bakit mo sinasaktan ang kaibigan mo. Saka mo na bugbugin iyan kapag nakapagpagaling na ng husto.’ Ani pa ni Kearse na tila biglang naging maamong tupa.
Tao nga naman. Kapag nalamang pulis ang kaharap eh lumalambot ang buto-buto.

‘Pulis siya. Kaya nga Major eh. At ang totoo niyan, ako rin. Pero sa Marines ako. At dati pa iyon. Doctor na ako ngayon.’ Singit niya sa usapan ng dalawa kahit wala naman talagang matinong pag-uusap sa paligid nito.

‘Doktor ka ?’ baling sa kanya ni Kearse. Ang cute na mukha nito ay puno ng pagkagulat.

‘Yup !’

‘Eh bakit di mo sinabi ?’

‘Eh di ka naman nagtanong eh.’

‘Kahit na.’ Inis na sabi nito.

‘Okay. Sorry.’ Sabi na lang niya para tumigil na ito. ‘Sorry kung di ko nasabi. Hindi ko naman kasi alam na dapat ko palang ipagsabi iyon. Saka magagaling naman na nurse ang mga kapatid mo.’ Pagpapaliwanag pa niya and that seemed to pacify him.

Nakatitig lang ito sa kanya. Para siyang inaalisa. For the first time in Cody’s life, parang gusto niyang mailang sa titig ng isang tao. Nakipagtitigan na siya sa mga taong may pinakamasamang intensiyon na manggulo sa mundo pero hindi sa klasa ng titig na ibinibigay sa kanya ni Kearse.

Feeling niya, isa siyang specimen sa laboratoryo. Eh di ba siya ang nag-eeksamin ng mga tissue samples ? Lang’ya. So ganun pala feeling ng mga samples na iyon kapag tinitingnan niya.

‘Okay.’ Anito kapagkuwan.

‘Okay ?’ tanong niya.

‘I believe you.’ Saad nito saka ngumiti.

Ewan lang ni Cody pero talagang iba ang dating ng cute na cute na ngiti na iyon ni Kearse.

Hindi ito ang typical na lalaking magugustuhan niya. Actually, ayaw niya sa mga tipo nito. Maiingay. Madadaldal. At masyadong out.

Ang mga past boyfriends niya, lahat iyon, katulad niya. Straight kumilos. Masculine. Pero iba si Kearse. Ang cute ng pagka-chubby nito. Sapat lang sa height nito ang sukat ng katawan. Pasable na para sa iba.

But what differs Kearse from others is the way he talk. Parang lahat ng bagay ang gaan-gaan at may solusyon agad.

Siya man ay masayahin din but it was just a facade. Something to cover up his dark past. Bilang isang doctor ng mga patay ay doon siya nararapat. Dahil matagal ng patay ang anumang kakayahan niyang magbigay ng halaga sa ibang tao. Maliban siyempre sa mga kaibigan niya sa TFE na itinuring na rin niyang kapatid.

‘So, you’re a doctor na dating member ng Marines. At itong kaibigan mo na si Perse ay isang Major naman.’ Anito sa tonong mas nagsasabi ng nalaman kaysa nagtatanong.

‘Ano naman itong TFE ?’

Napa-angat ang kilay ni Perse sa tanong na iyon. Nakatingin ito sa kanya. Hinahamon siya kung sasagutin niya ang tanong ng buong katotohanan.

‘Remember what you promised me Cody ?’ Kearse asked hastily, as if he felt that he is hesitant to answer.

‘Ah yeah.’ Aniyang nag-alis ng bara sa lalamunan.

‘That once you’re healed. Sasabihin mo sa akin ang circumstances ng pagkakatagpo ko sayo sa kalsada ng gabing iyon.’

Naalala niya iyon. Marahan siyang tumango.

‘I want to know the truth now.’

Nasa tinig ni Kearse ang paki-usap. Pwede siyang magtahi-tahi ng istorya pero parang hindi niya maatim na maglihim dito.

‘I’m waiting Cody.’

‘Tell him Pare.’ Sabat ni Perse.

Iyon lang ang hinihintay niya para sabihin ang lahat kay Kearse. As he went on the process of telling him the truth about him and the group ay palaki ng palaki ang mata ni Kearse, as if discovering worlds’ wonders bit by bit.

Nang matapos siya magkwento ay nanghingi ito ng tubig. Mas ito pa ang hiningal sa mga ikinuwento niya imbes na siya dahil siya ang nagkwento.

Pagkainom nito ng tubig ay inabot niya ang isang daang piso rito na hiniram niya. Tinanggap naman nito iyon ng walang tanong-tanong.

‘Salamat.’ Aniya rito.
Tumango lang ito at saka tumayo.

Parang robot nitong tinungo ang pinto.

‘Kearse ? Saan ka pupunta ?’ tanong niya rito kahit pa may hinala na siyang iiwas na ito sa kanila.

Not everyone can easily accept and understand that they were a part of a demolition team once.

Parang kahoy na estatwa itong bumaling sa kanila.

‘Ahmm… I need a breather.’ Iyon lang ang nasabi nito saka lumabas.

Maya-maya pa ay nagkatinginan na lang sila ni Perse ng marinig ang tunog na makina ng sasakyan ni Kearse.

Cody smiled bitterly.

‘Goodbye Kearse…’


Itutuloy…

18 comments:

Anonymous said...

Natatawa ako sa usapan ng author at ng bida. Hahaha. Kulit much!

Infairness, ang haba nito. Hehehe. I guess, Cody is starting to fall for Kearse. Just a thought. :D

DALISAY said...

Salamat Russ... tinopak lang ako kaya nagkaganyan hahaha... Comedy kasi ang genre kaya ko nilagyan ng conversation sa author. ahaha Salamat at nagustuhan mo...

And about Cody... let's see

Anonymous said...

Honggondo.

Naloka lang ako sa effort ni Kearse na magstalk. ahah. winner. :P

-cody

Manny21 said...

Ms. Dalisay super love ko po tong series neo na TFE kaya nga inaabangan ko lagi kaso po parang sa chapter na to parang nahirapan akong basahin kasi minsan di ko na alam kung sino ung nagsasalita... un lng naman po comment ko pero super like ko pa rin to hehe!!!

Anonymous said...

WAAAAAAAAAAAAAAAAAA....Tuod pala si tenyente! WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA.....Pwede kayang batukan yung dalwa? TUOD pala ha!ahahahahaahhaahahahhahahah.... grabe ang tawa ko ha! lalo na dun sa usapan ng author at ni kearse! parang gusto ko rin sumagot dun eh!....
ganda...ganda...ganda ng story ni cody!!!
Napaisip tuloy ako ano naman kaya ang mangyayari sa story ni tenyente? ahahahahahaha......
....HoneyBun....
(Mama naman eh!!!)

Anonymous said...

Pero natutuwa ako tlaga sa mga stories na gawa ni Mama!!! ....
Napakaganda talaga!!!! Keep it up!!!!
pwede ba dito ang 101 stars???
.....HoneyBun....

DALISAY said...

@Manny21:Sorrydear ha kung medyo na-confuse ka. But this has beenmy writing style for the past few years. Pasensiya nakung dimo minsan ma-gets Kung sino ang nagsasalita. Anyways,okay lang kasi like nalike monaman itong story.:))

DALISAY said...

@Cody: Salamat sa patuloy na pagbabasa ng story na ito kahit ninanakawan na kita ng dangal. Hahaha!!!

DALISAY said...

@HONEYBUN: Salamat din sayo. Napaka-espesyal ng pakiramdam kio kasi tumawag ka pa talaga to express your gratitude at pagkatuwa sa story na ito. Hahaha, SOrry kung sinabi kong tuod ka dito. Choz lang yun, alam mo namang labs na labs kita. hahaha

Anonymous said...

Hehehehe ang ganda at ang dawi kong tawa. Sana next chapter na po...

DALISAY said...

Salamat po sa ANONYMOUS #10. :))

chinitoako said...

Kakulit naman ng chapter na ito. jejeje nest na po Miss D. jejeje

Anonymous said...

Ang kulit ng usapan ng author at ng isipan ni Kearse. Nice one!

Anonymous said...

Galing!!! Galing!!! Galing!!!


----lupin35

Anonymous said...

Nalito ako, tapos andami nang tawa. =))
Next chapter. :) Thanku ulit Dalisay.

-Mat

DALISAY said...

Salamat kay CHINITOAKO na napaka-cute. Kay Lupin35, kay Mat at sa isang anonymous reader. Love you guys!!!

Jhay L said...

ang kulit talaga..wahahaha..natakot si kearse ah..heheehe ano kaya mangyayari sa susunod...tnx dalisay

Anonymous said...

wow! this is my first time to read such an artistic work of writing blend with humor and wits.

ibang klaseng style ha...ang author at ang character nagpapalitan ng "wisdom" hehehehe!
effective Dalisay...thumbs up ako!

One revelation...tenyente (Lt.),honeybun, ikaw ay isang tuod. hahahhaha! can't believe it! lolz............ArchiMedes!