Monday, December 27, 2010

Boom Boom Jairus 3

BY: Jai-jai Sabado
Published on: Bi Out Loud

CHAPTER 3

GABRIEL:"oo na! alam ko nagulat ka dahil sinundan kita. worrid lng kasi ako, halata kasing nainsulto ka kay James kanina. I\'m here para humingi ng sorry"

JAIRUS: "wala yun, di naman kasi karaniwan na lalake ang namamalengke, tsaka kaya mo palang lumabas ng bahay ng naka boxer shorts lng, may brief kaba?"

GABRIEL: "shit!!!!!!!! di ko napansin!!!!

JAIRUS: "wahehehe pasok kana sa bahay niyo, sige na.. ok lang ako"

GABRIEL: "sige tol, nakakahiya sayo, bukas kita tayo sa training ha?"

JAIRUS: \"ok tol!\" sabay talikod


Pinagpatuloy ko ulit ang aking paglalakad puntang palengke. May pagkatanga din pala tong si Gabriel, pero na touch ako na hinabol pa talaga ako para lng mag sorry.. ayeeeeeh, kilig to the BALLS..wahehehe

Pagkatapos ko mamalengke ay dumerecho na ko sa kwarto, nagpahinga ng kunti, jakul ng mabilis at naglinis ng katawan. After nun nahiga na ko. Ayun di na ko nakapag dinner dahil nakatulog ako. Di kasi ako pde gisingin pagnatutulog na, iba ako mag alburuto.


KINABUKASAN.......

AKO: ma! ba't di niyo ko ginising para magdinner? nakakahalata na ko senyo ah"

MAMA:"gusto namin ng tahimik at matiwasay na haponan beboy kaya di kana namin ginising"
sabay tawa.

AKO: " ma naman eh, makaligo na nga"


AFTER MY DAILY MORNING RITUALS..


Napagpasyahan ko ulit mag lakad puntang red cross.. Pagdating ko sa training room, biruin mo\'t andun na si Gabriel, kausap si Noime.

Noime: "speaking of the devil" hahaha

AKO: "bakit? ako ba pinaguusapan niyo?"

GABRIEL: " yup, akala ko matagal na kayong friends ni noime, dito lang din pala kayo nagkakilala"

AKO: "yup! si Noime kasi eh, di napigil ang sariling makipag close agad sakin" sabay tawa

Noime: "Gusto mo ata ipagkalat ko kung sino crush mo dito" may himig pagbabanta

Namutla ako sa sinabing yun ni Noime. Shit!!! nakatingin pa si Gabriel sakin..

Noime: "wahahaha namutla! ampogi mo pala pagnamumutla baby Jairus"

AKO: "tae ka!" sabay tawa

GABRIEL: "ba't ayaw mo ipalam crush mo tol? malay mo matulungan kita sa panliligaw"

AKO: "hala dito na si maam! upo na tayo" pag iwas ko sa sinabi ni Gab.


LECTURE....DEMONSTRATION...RETURN DEMO...


Sabi ng instructor namin find your partners daw at magpractice before mag return demonstration. Ayun! napili ako ni Gabriel as his partner.at nagpractice na nga kami. Hindi ko ipinakita sa kanya na naiilang ako sa tuwing nagpaparactice kami..

Nagulat ako nung ako na ang kunwaring pasyente.......


AKO: "cge Gab, 2 initial blows muna tapos check mo na ulit for signs of life"

GABRIEL" "ok" sabay dikit ng labi niya sa labi ko.

Mabilis lang yun, parang smack lng pero nagulantang ang buo kong pagkatao sa halik na yun.

AKO: "adik! ba't mo ginawa yun?"

GABRIEL: "hehe sorry na po, binibiro lng kita, liked it?"

AKO: "baliw! wahehehe pasalamat ka walang nakapansin" sabay talikod


Nagpunta muna ako sa my parteng terrace ng training area sa second floor. May naalala kasi ako sa halik na yun.

Di ko namalayang tumulo ang luha ko.

AKO: "Ba't mo kasi ako iniwan?" sabay patugtog ng music sa cp ko "WE BELONG ni TONI G."

Ayoko na sana pakinggan pa ang kantang to na favorite ko dati pero namimiss ko na siya. Nagsisimula nang maging masagana ang luhang tumutulo sa mata ko habang pinakikinggan ko ang kanta at nanumbalik sa alaala ko ang mga katagang "WOW SARAP NG HALIK NA YUN! KAHIT SMACK LANG PARANG NAG BOOM BOOM ANG PUSO KO! SABI NG PUSO KO BOOM BOOM JAIRUS I LOVE YOU"

At di ko na napigilang humagulgol habang nakaupo ako sa sahig.Parang nanumbalik lahat ng sakit at pangungulila sa puso ko.

GABRIEL: "tol!!!! tol?!! what happened? ba't ka umiiyak?" sabay luhod at yakap sakin.

AKO: "wala toh" iyak padin ako ng iyak.

NOIME: "Baby Jairus!! anung nangyari?"

Para maiwasan ang pagdami ng taong makakapansin sa pag iyak ko ay nagpasya akong tumayo at ayusin ang sarili ko. Nagbitiw ako ng isang napakalalim na hinga...


AKO: "Nagddrama lang ako, hehehe practice may play kasi sa baranggay mag aaudition ako..wahehehehe"

NOIME: "Hay naku baby jairus, atleast naiiyak mo na yan.. kaw talaga nakukuha mo pang magbiro jan..basta andito lang ako babay jairus for you"

At si Gabriel nakatignin lang siya na parang may malalim na iniisip at di kumbinsido sa pagtawa ko at pagiging masaya ko ulit.


Bumalik kami sa room at tinuloy ang practice. Mejo napagod ako kaya napili kong umupo muna sa tabi, nasa likod ko si Noime at Gab naguusap, di cguro nila alam na kahit nagbubulungan sila ay nadidinig ko sila.

GABRIEL: "Alam mo ba problema ni Jairus?"

NOIME: \"Clueless ako eh, pero may gagawin ako mamaya para malaman ko kung anu yun, sobrang biglang nagbago mood niya, as in super duper nagbago talaga\"

GABRIEL: "Nagsimula yun nung lumabas siya ng training room after ko siyang.. ah eh uhmmmm... wala wala.."

NOIME: "Ewan ko sayo, di pa sabihin eh,pero worried ako sa kanya talaga, ganun pala siya umiyak, nakakaawa\"

GABRIEL: "Yeah"


5pm... Tapos na training.. Uwian na..


GABRIEL: "Tol hatid na kita, may dala akong sasakyan"

AKO: "wahehehe wag na tol, maglalakad nalang ako para exercise na din at tipid pamasahe" sabay tawa ako ng malutong

NOIME: "Wala akong date now baby jairus, samahan mo muna ako mag gala please"

AKO: "Cge simba tayo, gusto mo?"

NOIME: "Like ko yan! obvious naman sa itsura ko na maka diyos ako at pala dasal.i 'm so angelic hahahaha

AKO: "Baliktad ata lahat ng sinabi mo, kunwari kapa eh, namutla ka akaya nung sabihin kong magsimba tayo.." tawa na naman ako

BATOK!...KUROT... at BATOK ulit inabot ko kay NOIME.

GABRIEL: "Sama na ko sa inyo! matagal narin ako di nakakpasok ng church..hehe"

NOIME: "GO! para wala ng pamasahe, dun tayo sa kotse mo" hehe

GABRIEL: "sang simbahan tayo?"

AKO: " Pwede BACLARAN tayo? kung ok lng?"

GABRIEL: "No problem"


SA BACLARAN CHURCH...


AKO: "Noime, gusto mo bili tayo water?"

NOIME: "di naman ako na uuhaw, bakit? are thirsty?(NAKS) "

AKO: "namumula kana kasi, baka bidla ka mag apoy pagpasok natin" wahehehe sabay takbo..

Hinabol ako ni Noime, dahil sa madami ang tao, nahiya ako tumakbo ng mabilis kaya inabutan ako ni Noime at nakatikim ulit ako ng masarap na BATOK.

AKO: "Gab! ba't di moko pinagtatanggol sa halimaw na to" hehe

GABRIEL: "hehe kayo talaga.. tara na nga"

Inakbayan ako ni Gab papasok ng simbahan, di ko na pinansin yun. hinawakan ko naman sa kamay si NOIme at pumasok na kami at nagdasal.

Di ko maipaliwanag pero parang may kakaiba sa araw na ito. Palabas na ko ng simabahan nang makita ko si Tita Lina nakaupo at tila katatapos lng magdasal.

AKO: "Tita.. kumusta na po?" at nagmano ako sa kanya.

TITA LINA:"Ito mabuti naman, di mo ako binigo iho alam kong magsisimba ka din dito ngayon.. salamat at natatandaan mo pa ang kaarawan ni Morris ang kaisa isa kong anak"

Nakita ko ang pangingilid ng luha sa mata niya, naawa ako kaya umupo ako sa tabi niya at niyakap ko siya at hinayaan ko na ding dumaloy ang masaganang luha ko.

AKO: (habang umiiyak] "Tita I'm sorry, patawarin niyo ko"

TITA LINA: \" Hindi ako galit sayo pati na ang tito Alex mo, ginawa ni MORRIS yun kasi mahal ka niya at alam kong masaya siya sa ginawa niyang pagsasakripisyo para sayo" at humagulgol na si TITA LINA

AFTER 45 minutes na usapan at iyakan

Napagpasyahan naming ihatid si Tita Lina sa parking lot kung saan siya hinhintay ng driver nila.. Pagkatapos ay umuwi na din kami, una munang inihatid ni Gab si Noime.. Habang nasa biyahe kami nakonsensya naman ako kasi di ko naman talaga naalala ang kaarawan ni MORRIS, kaya pala iba ang pakiramdam ko nung araw na yun.

SA KOTSE....

GABRIEL: "Sino si morris?, ba't ka niya mahal?, asan ba siya? ba't mo siya iniiyakan ng ganun?"

May bahid galit ang boses ni Gabriel. Kung nadinig niya ang buong pag uusap namin ni tita Lina, malalaman sana niyang patay na si MORRIS. Nagtataka ako, bakit siya galit? bakit galit ang nakikita ko sa mukha ni Gab?"


Itutuloy.................

1 comment:

Jadey said...

Bills dumamoves ni Gabriel haha.