Tuesday, December 13, 2011

Without You 7



Sorry po talaga dahil matagal na akong hindi nakapag-update... been busy with internship duties the whole time hindi ako makapag touch nang computer.

Thank you nga pala sa lahat nang bumasa at nagsusubaybay nang Without You. Don't worry po tatapusin ko po talaga itong kwentong to. and abangan niyo rin po ang part 2 nang Exchange of Hearts :)

Bati portion na, Thanks to Miss D., sir Jayson P., bagong blog bagong buhay, hehehe, Jayfpina na parating nakaabang sa site ko, kina Russ, Rue, joseph, joed12, ramy from qatar, na walang sawang nagpapa-abot nang kagalakan sa kwento ko, andrei, dark_ken, Ross, Coffee Prince, Calle 'aso, Chris, Zirjay S. at sa mga anons at sa mga nag e-mail, type ko pa ulit yung scene na yun... soon you will be updated... thank you talaga mula sa kaibuturan nang puso ko.

Website: urikido.blogspot.com
Email: uri_kido10@yahoo.com
Facebook: www.facebook.com/urikido10
7th Installment na and more to go and don't mind to leave a comment, i would highly appreciate it even if you do go Anon :)

Sa mga panahong labis na nasaktan si Caleb ano kaya ang nararamdman nag bidang si Sophie?

CHAPTER 7: Failure of Success
Sophie’s Story

Naghihinala na siguro si Caleb sa akin. I need to put an end to this.

Caramel”,): Magkita tayo sa simbahan this 4pm

HoTfUDge<3: What is this all about?

Caramel”,):Basta magkita nalang tayo doon.

HoTfUDge<3: Sige may sasabihin din naman ako sayong importante eh.

Alas quarto y media na nang dumating ako gusto ko talagang mauna siya sa akin. He was sitting on his favorite spot nung nadatnan ko siya. Looking blankly across the chapel. Tinabihan ko ito.

“Akala ko di kana dadating” sabi niya na hindi ko naman pinansin, nakatitig parin siay sa kawalan. Tahimik kaming dalawa walang may gustong mag-umpis. Kinakabahan ako sa mga nangyayari hindi ko alam kung saan maguumpisa.

“Anu nga pala yung sasabihin mo?” sabay naming nasabi. “sige ikaw na mag umpisa” sabi ni Caleb sa akin. “Hindi ikaw na mag umpisa” I insisted. Then nagkahiyaan na naman kami, halos mga minute din ang binilang ko, puro kaba ang nasa isip ko. Uumpisahan ko na sana nang biglang.

“totoo ba?” atnong niya sa akin nang biglang tumodo ang kabog sa aking dibdib. “ang alin?” agad ko namang sinagot na para bang wala akong alam.

“Yung sa inyo ni Jay?” bigla niyang tanong habang tinitigan ako sa mga mata… aapila pa sana ako ngunit di ko na nagawa, tumango nalang ako sa pag aamin na kasalanan ko.

Lumipas din ang ilang Segundo bago siya nagsalita ulit. “kasalanan ko ang lahat” nagulat ako sa sinabi niya kaya hindi ko ito sinang-ayunan. “hindi ako ang may kaslanan, you trusted me with my yes na ligawan mo ako pero nagpaligaw din naman ako sa iba”

“no its not you! Its me… I wasn’t consistent with my thoughts and my feelings for you… kaya siguro nakahanap ka nang ibang taong makapagbibigay sa iyo noon. I was the one who pushed you away, wala kang kasalanan Sophie, ako ang nagkulang… pinaubaya ko sa iba ang dapat ay sa akin” he grabbed my hand at nangiyakngiyak.

“bago ka pa mag desisyon please give me a chance… please let me win your heart again this time gagawin ko ang lahat para mabalik ka sa akin… I won’t loose you without giving a fight!” nagulat ako sa sinabi niya, akala ko ay he will give me up that easily, yun pala ay hindi.

Mas naging malakas ang loob kong ibigay kay Caleb ulit ang buong puso ko pagkatapos nang tagpong iyon, papauwi n asana ako na may mga ngiti sa labi ko nang bigla akong tinawagan ni Stanley kaibigan ni Jay sa basketball.

“Sophie, Nasaan ka ngayon?” sabi niya.

“Pauwi na ako Stan, bakit anu ba ang nangyari at napatawag ka?” tanong ko.

“Si Jay dinala namin dito sa Ming-Tan Hospital, sinumpong na naman siya nang migraine niya, puntahan mu siya dito please kailangan ka niya.” Tinapos din niya ang tawag. Agad din akong sumakay nang taxi papuntang hospital.

Pagdating ko doon nasa room na si Jay, room 260 yun pagpasok ko ay si Stanley nalang ang natira doon. “Salamat naman at dumating kana Sophie, alis na kasi ako kanina pa ko hinahanap ni nanay eh” nagpaalam din naman siya at hinintay kong magising si Jay, hindi ko na namalayan na nakatulog na ako sa inuupan ko sa tabi nang kanyang kama.

Nagising nalang ako nang naramdaman kong sinusuklay nang kamay niya ang buhok ko. Nagising ako at tiningnan ko siya “Salamat sa pagbantay sakin best ha… the best ka talaga.” Ngiti lang siya nang ngiti, nakakahumaling ang mga ngiti niya. “kaya nga mahal na mahal kita” agad niyang dagdag.

Biglang pumasok ang Doctor, medyo bata pa ito at may kagwapuhan. “Hello, I’m Doctor Lim, are you his sister?” tanong niya sa akin.

“Bestfriend lang po niya ako” sabi ko naman. “Oh, I see… Uhm Mr. Dela Fuente, I have a good news and a bad news, alin ang gusto mung unahin ko” sabi nang doctor. Agad na hinawakan ni Jay ang mga kamay ko at tiningnan ako na puno nang kaba. “Doc unahin mo na ang bad news” sabi pa niya.

“Okey, May tumor kaming nakita sa iyong right parietal lobe…” nagulat ako sa narinig at naramdaman kong mas naging mahigpit ang hawak ni Jay sa kamay ko. “… But the good news is… it’s benign. Hindi ito kakalat and it’s not that serious, kailangan lang namin itong kunin through and operation” nakahinga ako sa sinabi nang doctor at nakita ko sa mga mata ni Jay ang mga luha nang kasiyahan. Tinawagan niya agad si mama niya na nasa ibang bansa para ibalita ang kanyang kondisyon.

“Can I talk with you outside?” sabi nang doctor sa akin.

Lumabas kaming dalawa at nagusap kami sa hallway nang 2nd floor nang hospital.

“You are Sophie Aldeguer am I right?”

“Yes sir, uhm how did you know my name?”

“I’m Dr. Janshen Tan-Lim, Pinsan ako ni Caleb, and I know about you two, kung hindi mo kayang panindiagan ang pinsan ko please iwan mo na siya, kasi nakikita ko na hindi lang isang kaibigan ang turing ko sa kay Jay, and we both know that, kaya ako na ang nagsasabi sayo, leave my cousin alone para din naman ito sa inyong dalawa”

Nabigla ako sa sinabi ni Doc kaya pala kanina pa niya ako tinitignan, kilala niya pala ako. Bigla kong naalala si Caleb nang mga panahong iyon, hindi ko siya kayang iwan kaya napag desisyunan ko din noon sa kinatatayuan ko na iiwan ko na si Jay para kay Caleb.

Pumasok ako ulit sa kwarto at alam ko na ang sasabihin ko kay Jay, pero nabigla ako nang niyakap niya ako nang mahigpit. “Sophie, Ngayon kita kailangan… ako nalang ang piliin mo, hindi ko to kakayanin kung mawawala ka, please!” naramdaman ko na tumulo ang luha niya sa likod ko, and I had no choice hindi ko kayang iwan siya ngayon, ngayon na may sakit siya.

Araw din ang lumipas, hindi ako nagpaparamdam kay Caleb, kung kakayanin niya ang maghintay sa akin ay siya parin ang pipiliin ko pagkatapos nito. Sana ay kakayanin niya, kahit hinding hindi ko na kaya.

Birthday ko noon at may matagal na kaming plano na lalabas noong araw na iyon, kaya sobrang saya ko, ngunit hindi ko magawang ipakita sa kanya ito dahil alam kong masakit na para sa kanya ang nangyayari. Marahil ay naramdaman niya ito nang lumabas ako nang bahay para umalis na kami.

“thank you!” sabi niya.

“Sa alin?” sagot ko.

“Sa pagpayag na samahan mo ako ngayong araw?” dugtong pa niya.

Blanko ang emotion ko, pero alam kong hindi niya na talaga kaya, at namumuo na ang luha sa mga mata niya, hindi ko siya kayang makita nang ganon, doble ang sakit para sa akin.

“halika na!” sabi ko sa akin sabay lakad papalayo, para hindi niya mahahalata ang mga luha ko para sa kanya. Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at hinila ako pabalik sa piling niya.

May kinuha siya sa kanyang bulsa, “Shit parang singsing yun ah, anu toh, wag naman ganito” sabi ko sa sarili at agad niya itong sinuot sa daliri ko. “Happy Birthday!” sabi niya, at bumuhos na ang luha mula sa mga mata ko at tinignan ko ang singsing sa daliri ko, hindi parin ako makapaniwala na sa araw na ito pa. Bago kasi mamatay si lola ay sinabihan niya ako na “ang singsing ang simbulo nang wagas na pagmamahal at kung sino man ang taong nagmamahal sayo nang tunay ay siyang magbibigay sayo nang un among singsing.”

“Mahal nga niya ako, at mahal ko rin naman siya” sabi ko sa sarili. Pinatingin niya ako sa kanya at nakikita ko na naman ang kanyang mga mata, ang mga matang nagpahulog sa akin noong una palang kaming nagkakilala. Gusto ko siyang halikan at sabihin sa kanyang mahal na mahal ko siya.

“let’s stop pretending now, ayokong nasasaktan ka sa mga ginagawa ko, I know I lost this fight… matagal na, gusto ko lang isauli sayo ang mga nagawa mu sa aking kabutihan, at kung meron man eh pagmamahal narin” sabi niya sa akin nang maiyakiyak.

“Caleb…” gusting gusto ko na talagang umapila at sabihin sa kanya ang lahat-lahat.

“Stop it… masasaktan lang ako kung anu man iyang sasabihin mo maraming salamat sa lahat lahat Sophie”

Tumalikod siya at naglakad papalayo.Tumalikod siya sa akin “Goodbye Sophie!”

Agad akong tumakbo papasok nang bahay, at binuhos lahat nang hinanakit at hikbi sa kwarto ko, napakasakit alalahanin ang lahat-lahat, masakit isipin ang mga panahong dapat ay amin pero hindi nangyari, napakasakit ang sakit.

Tumawag si Jay, ayoko sanang sagutin pero naka dalawampung miscall na siya kaya nag aalala ako. Sinagot ko ito pero hindi ako nagsalita. “nasalabas ako nang kwarto mo at kanina pa kita naririnig diyan sa loob, papasukin mo na ako oh.”

Pinapasok ko siya at nakita niya ako na umiiyak, niyakap niya ako at pinatahan, pinabihis at linabas nang bahay, sobrang hina na ako nang mga panahong iyon kaya wala na akong ginawang pagtutol sa ginawa niya. Kumain kami sa restaurant na paborito niya.

Malapit kami sa may bintana nang restaurant, nag-uusap kami nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko “sa makalawa na ang operasyon ko, at alam kong pwede ko din na ikamatay ito, kaya kahit na ganun gusto kong maramdaman na ako ang pipiliin mo” sabi niya sa akin. “Please be mine Sophie, and you will never cry again, ikaw lang talaga ang mamahalin ko just give me a chance.” At nilabas niya ang singsing sa loob nang isang box na pula, hindi ako ngumiti o nagbigay nang kahit anung hiwatig nang pagiging masaya pero tiningnan ko ang singsing ni Caleb na suot-suot ko pa noon. Nakita siguro ito ni Jay saka niya kinuha ang singsing at pinalit ang singsing niya, at hinalikan niya ako doon din, unang halik niya sa akin, halik na wala akong naramdaman, na hindi ko ginantihan, ngunit ako ay nagpa-ubaya, at wala nang nagawa.

Tama nga kayo, naging kami ni Jay, at tuluyan na niyang napuno ang pagkukulang ni Caleb na naging sanhi nang madali kong pagkalimut nang aming dalawa. Kaya ang minsan naging pangarap lang ay tuluyan na naging pangarap magpakailanman.

Pero di din ito nagtagal… iniwan din niya ako para sa iba.


_Abangan_

2 comments:

Lawfer said...

ayan ang malaking kawaling pupukpok sa ulo...kung cnu pang pnili m xa pang mangiiwan sau tsk tsk tsk

Anonymous said...

flirt much