BATI MODE: Hello there guys! I'm sure pinagbabalakan na ninyo ako ng masama dahil sa hindi ko pagpopost ng mga stories kong nakatengga. Hindi na ako mangangako kung kailan pero ang katotohanan ay itutuloy ko silang lahat. Isa-isa nga lang. LOL. Well, I just want you all to have a Merry Christmas and what's the better way to share it with you? It's the TFE way. Here's Perse, Cody and Jerick sa isang kapana-panabik na Christmas Special. Enjoy reading everyone! Comments are appreciated. Don't be a bitch this Christmas. ^_^
For Rovi, Rick, Cody, Jerick and Perse (Ayhian). Merry Christmas mga anak! I love you all!
JUSTICE SERVED
(A Task Force Enigma Special)
(A Task Force Enigma Special)
Ni Dalisay Diaz
"What do we
have here?" Tanong ni SPO4 Perse
Verance sa mga SOCO Investigators na inabutan niyang busy na sa ginagawa.
May natagpuan daw na isang babaeng nakahandusay sa likuran ng isang sikat na
bar sa Tomas Morato.
Napapalatak siya. Ibang klase talaga magbiro ang tadhana sa kaniya. Kakasimula pa lang ng bisperas ng Pasko, heto siya at may aasikasuhing murder case. Malamig ang panahon ngunit hindi niya iyon alintana.
"Sir Perse." Bati ng isang pulis na nauna sa
kanya roon.
"Kumusta, Suarez?"
"Mabuti naman, Sir. Kayo pala ang imbestigador."
"Oo. Wala naman akong ginagawa sa ngayon. Ako na ang
hahawak dito."
"Ganun po ba? Dito po tayo." Nagpatiuna ito sa
kanya sa mismong kinalalagyan ng babae. Nakasilid ito sa isang malaking itim na
plastic bag na nasa loob naman ng malaking dumpster. Mukhang bata pa. Maganda ang
hugis ng mukha na ngayon ay duguan na.
Maraming basag na salamin ang nakabaon sa mukha nito. Sinilip niya ang ilang
bahagi ng katawan ng biktima na maari niyang makita. May nakita rin siyang mga
salamin sa braso nito. Kinunan niya ng litrato ang mukha ng
babae gamit ang cellphone.
"May nakita ba kayong pagkakakilanlan?"
"Wala po Sir Perse. Wala kaming nakitang ID."
"Ganun ba?"
"Opo."
"Sino raw ang nakakita?"
"Yung isang crew ng Guilty Island. Magtatapon sana ng basura nang makitang may babaeng
nasa loob ng basurahan."
"Nasaan siya?"
"Sandali po Sir at tatawagin ko." Tinanguan niya
lang ito.
Iginala niya ang paningin sa paligid. May kalayuan ang
pintuan na patungo sa loob ng bar at may kadiliman ang lugar. Base sa hitsura
ng babae ay mukhang ilang oras pa lang ito namamatay. May isang eskinita na
nagdudugtong sa main road patungo sa dumpster. May kasikipan iyon. Tama lang sa
isang tao. Kung itinapon lang ang biktima sa lugar na iyon ay mahihirapan ang
gumawa niyon o ang mga gumawa dahil sa sikip ng dadaanan.
Tiningnan niya ang relos. Alas-kwatro ng madaling araw.
Marami-rami pang tao sa loob ng bar pero ang mga tao sa labas ay panaka-naka
lang. May pagkakataon nga ang suspek na madala ang biktima sa dumpster.
"Sir, ito na po yung nakakita sa biktima."
Kasama ni Suarez ang isang may katangkaran na lalaki. May
suot pa itong apron. "SPO4 Verance." pagpapakilala niya.
"Gelo po sir."
"Buong pangalan?"
"Godofredo Dela Bajan po." nahihiyang sambit
nito.
"O sige Gelo na lang." natatawang sabi niya.
Napakamot naman ito sa ulo.
"Anong oras mo nakita ang biktima?"
"Ah, bale mag-a-alas tres y media yata sir."
"Ikaw lang ba mag-isa?"
"Opo. Natakot nga po ako. Kasi parang kakakita ko lang
kay Ms. Brenda ng mga alas-onse."
"Huh? Ibig mong sabihin ay parukyano siya rito?"
"Opo. Suki po iyan dito."
"Sinong may-ari nito?"
"Iyong may-ari po nitong bar?" confused na tanong
ni Gelo.
"Nariyan ba siya?"
"Ah... Di ko po alam Sir. Nasa kusina po kasi ako
madalas. Nadaanan ko lang po sa labas si Ms. Brenda kanina eh."
"Sige, ako ng bahalang maghanap sa amo mo. Isang
tanong na lang."
"Sige po. Ano po iyon?"
"Wala ka bang nakitang ibang tao dito ng makita mo ang
katawan ng biktima?"
"Wala po."
"Sige. Makakaalis ka na. Salamat."
"Walang anuman po Sir."
Pagkatapos makipag-usap kay Gelo ay napag-isip siya. May
tatlong malabong eksena na siyang nabubuo sa isipan. Una, Maaaring ang suspek
ay taga-Guilty Island din. Pero kung ganoon nga ay bakit dito lang sa likuran
itinambak ang katawan ng biktima?
Pangalawa, kung ang babae ay suki ng bar, malamang na ang
suspek ay isang masamang loob na naghihintay ng bibiktimahin sa labas at ang
babaeng si Brenda ang minalas. Nawawala kasi ang mga gamit nito. Imposibleng
wala itong dalang bag or kahit ano sa paglabas ngayong gabi. Pero bakit may mga
salamin na nakabaon sa mukha nito? Kung isang simpleng kaso ng murder with
hold-up ang isang ito ay bakit salamin ang gagamitin sa biktima? Usually, mga
patalim at baril ang ginagamit ng mga masasamang-loob.
Pangatlo, Kung sa ibang lugar ito pinatay, bakit
mag-e-effort ang suspek na dito sa likod ng bar itapon ang katawan ng biktima?
Napatingin siya sa bar. Mukhang may kinalaman ang lugar sa kaso.
"Suarez,” tawag niya sa tauhan.
"Sir?"
"Naitanong mo ba kung nariyan ang may-ari?"
"Opo sir. Nariyan daw. Pero di raw muna siya
magbibigay ng statement. Wala naman daw kinalaman ang bar kahit sa likod nito
nakita ang biktima. Makakasira daw sa imahe ng business iyon sabi ng sekretarya
ng may-ari."
"Nakaisip kaagad sila ng dahilan. Business sucks. Pero
humanda sila mamaya."
"Bakit Sir? Anong gagawin mo?" Takang tanong ni Suarez.
"Tawagan mo si Hepe. Magpahanda kamo ng warrant first
thing in the morning. May tatawagan lang ako."
"Yes Sir."
Nang makaalis si Suarez ay tinipa niya ang numero ng
kaibigan niyang alam niyang makakatulong sa kanya.
"Pare! Alang-hiya ka nakabaon pa ako! Mamaya ka na
tumawag." naiinis na sagot ng nasa kabilang linya.
"Huwag kang ungas Unabia.
Kaya mong tapusin yan kahit kausap mo ako."
"Tarantado! Tumawag ka after ten minutes." at
nawala ito sa linya.
Natatawang ipinasok niya ang cellphone sa bulsa.
Kasalukuyan ng inilalagay ang labi ng babaeng si Brenda sa loob ng cadaver bag.
Sa ngayon, pangalan lang ang meron siya nito. Naisipan niyang tawagan si Jerick na isa pang kaibigan na maraming
alam kalkalin na files. Mapa-legal man or illegal.
"Pare." aniya pagkasagot nito sa kabilang linya.
"Uy, Perse! Anong sa atin?"
"Ganoon pa rin. Teka, natutulog ka ba? Si Cody nakabaon
pa pagtawag ko. May kinakana ang loko."
"Gago. Marunong naman kaming matulog 'tol. Ikaw ang
dapat mag-aral nun."
"Salmorin, kumpara naman sa inyo, kilala ko ang tulog
sa gabi."
"Nagsalita ang santo. Sige, ikaw na. O anong
atin?"
"Kaya mo bang i-check kung may membership list ang
Guilty Island?"
"Yung bar?"
"Oo."
"'Lang'ya ka Perse, magpapasko, kung anu-ano inaasikaso mo. Sandali lang sa request mo 'tol." Natatawang sambit ni Jerick. Nakarinig
siya ng pagtipa sa keyboard.
"Walanghiya, nakakabit ba sayo yang laptop mo?"
"Oo. O eto, ungas ka! Nakapasok na ako. Anong meron sa
site nila?"
"Narito kasi ako ngayon sa likod ng Guilty Island. May
natagpuang patay. At ayon sa nakakita, customer daw ang babae dito. May
nakikita ka bang Brenda ang pangalan?"
"Sandali, tingnan ko sa member list."
"Okay."
Ilang saglit lang ay nakabalik agad ito sa kanya. "May
tatlong Brenda dito 'tol. Anong hitsura ng babae?"
"Sandali, may ise-send ako sayo."
Pinutol niya ang tawag at nag-send dito ng picture ng
Brenda na biktima. Nang matanggap ni Jerick iyon ay ito na ang tumawag.
"Pare, kilala ko na ang Brenda mo. Mukhang
magkaka-brenda ka nga diyan sa isang yan."
"Huh? Bakit?”
“See it for yourself. Send ko sa cellphone mo yung
file. Merry Christmas na lang 'tol. "
"Okay. Same to you."
Curious man ay hinintay niya ang sinasabi nitong file. Napangiti siya ng mapakla ng maalala ang pagbati ni Jerick. Ganoon talaga ang trabaho ng mga pulis na katulad niya. Naglakad siya patungo sa harap ng bar. Pumasok siya doon at muling sinubukan
kung makakausap niya ang may-ari pero tumanggi pa rin ang mga itong ipakiusap
sa kanya ang lalaki.
Bumalik siya sa sasakyan ng makitang paalis na rin sila
Suarez. "Sir, papagawan na raw ni hepe ng warrant. Makukuha mo daw iyon ng
alas-nueve."
"Salamat Suarez."
"Sige sir."
Pagsakay niya sa sariling sasakyan ay tumunog ang kanyang
cellphone. Nang buksan niya ang file ay napailing siya sa nalamang file ni
Brenda David. Anak ito ng isa sa most wanted drug lord na si Francisco David na
pinaghahanap sa buong Asya at maging sa Pilipinas. Malaking problema ang
nakikinita niyang dala nitong kaso na ito sa kanya.
Tinawagan niya ulit si Cody. Sinabi niya rito ang pakay.
Kailangan niya ito sa pag-aaral sa katawan ni Brenda. Ang expertise nito ang
sadyang nararapat sa kasong ito. Lalo pa at bigatin ang kalaban nila.
Naiiling na binuksan niya ang stereo na isa palang malaking pagkakamali. Iglap ang pagbaha ng alaala ng isang partikular na tao sa kanyang isipan nang marinig niya ang pumailanlang na awitin.
Greeting cards have all been sent
The Christmas rush is through
But I still have one wish to make A special one for you...
The Christmas rush is through
But I still have one wish to make A special one for you...
We're apart that's true
But I can dream and in my dreams
I'm Christmas-ing with you...
Napasimangot siya at naiinis na pinatay ang stereo saka mabilis na umalis sa lugar na iyon.
***
10:00 AM
"DO you
know Brenda David?"
Kausap niya ngayon si Larry Salazar. Ang may-ari ng Guilty
Island. Nasa loob sila ng opisina nito. Isa itong gwapong lalaki na may
kaliitan ang height. Nasa late twenty's lang siguro.
"Nope."
"As the owner, don't you feel a little bit responsible
that one of your club members died on your club's premise?"
"It's an unfortunate accident. And I don't have to
feel responsible for it. Walang kinalaman ang club ko."
"Diya ka nagkakamali."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Dahil dito huling nakitang buhay si Brenda. Ayon sa
statement ng nakakita sa katawan niya ay nadaanan niya sa labas ng mga
alas-onse ang biktima bago niya ito natagpuang walang-buhay sa likuran. Ngayon
mo sabihin na hindi ka responsable para doon."
Natigilan ito. Pero madaling nakabawi. "Still, wala
akong kinalaman diyan. Hindi ako ang pumatay sa kanya."
"Wala kaming sinasabing ikaw ang pumatay sa
kanya."
"Doon din patungo ang mga tanong niyo. I won't talk
without my lawyer."
"Okay. That will give us a lot of time to search this
place."
"Fine. Just let my crew clean this place. It's quite
messy here."
"Oh don't worry. It's our job to clean messy
things."
"Whatever." Kibit-balikat nitong sabi.
Umalis ito ng opisina at hinayaan silang dalawa ni Suarez
na maghanap-hanap sa paligid. Binuksan niya ang desktop nito at tiningnan ang
mga files. Nakita niya ang membership ni Brenda David at ng ilan pang miyembro.
Nang buksan niya ang ilang files ay natigilan siya ng makitang magkasama si
Larry at nasa isang compromising na position.
Isinalang niya ang USB at kinopya ang pictures. Si Suarez
naman ay natutuwang tinawag siya. "Sir Perse."
"Bakit?"
"Gusto mong manood ng movie?"
Nangungunot ang noong tiningnan niya ito. Na-gets niya
kaagad ang ibig nitong sabihin ng makita ang CD na hawak nito galing sa
nakabukas na surveillance video control booth na hindi mo mahahalata dahil
nakatago sa isang panig ng pader.
"Mukhang may mga pag-aaralan tayo ng husto."
"Mukha nga Sir."
Pagkatapos sa opisina ay bumaba sila para tingnan ang
mismong bar. Bakas doon ang iniwang kalat ng nagdaang gabi. Hindi pa
nakakapagligpit ang mga crew dahil na rin sa utos niya. Nilapitan niya ang
sinabing pinuwestuhan ni Brenda. Inilabas niya ang finger print kit at kinuhaan
ang lamesa at upuan. Nang makakuha ng ilang sample ay umalis na sila doon.
***
11:30 AM
"The victim
is Brenda David. Daughter of Francisco David, Asia's Most Wanted. Tiyak kong
malaking krimen ito. At hindi magugustuhan ito ng ama ng biktima."
Napatango siya sa sinabi ni Cody. Kasalukuyan nitong
tinatanggal ang mga salamin sa mukha, ulo at braso ni Brenda. Mukhang hindi
iyon sa alak. Masyadong malinaw iyon.
"May needle marks ang biktima sa braso. Sa mismong
vein."
"Mukhang user ang isang ito. Look."
Sinundan niya ang itinuro ni Cody. "May mga puting
residue sa ilong ng biktima. Must be cocaine."
"We have to test her blood."
"In a minute."
Kumuha ito ng sample ng white residue sa ilong ni Brenda at
pati na rin blood samples sa braso nito.
"Hintayin mo na lang mamaya. Daan ka na lang ulit
dito. In the meantime, pwede ba akong mag-lunch?"
Natawa siya. "Sige. Sabay na tayo 'tol."
"Pero itong mga salaming ito ay subukan mong ipaayos
ang pattern sa lab."
"Sure. Tatawagan ko si Suarez."
***
1:00 PM
"NAGSINUNGALING
ka sa amin."
Nagtaas ng kilay si Larry sa pagbalik nilang iyon sa
opisina nito. Napanood kasi nila ang videos at nakita nilang nagkausap pa ang
biktima at ito nung gabing bago nangyari ang krimen. Nakita niyang
ipinakaladkad ito ng lalaki sa isang bouncer. Nagwawala ang babae sa video na
napatahimik lang ng lapitan ulit ni Larry at may ibinulong na kung ano na
siyang nagpalabas ng tuluyan kay Brenda sa club.
"Kayo na naman?"
"Oo. Nakita namin sa CCTV mo na nagkausap pa kayo
kagabi bago siya umalis. Anong sinabi mo sa kanya na nagpa-upset sa
kanya?"
"Nakita niyong upset siya sa video?" Tila hindi
na ito nagtaka na nakita nila ang surveilance booth.
"Oo. What did you tell her?"
"Nothing. I told her I don't want to see her face
again. It's bad for business and besides, malilintikan ako kay Francisco."
"Kilala mo ang tatay niya?"
"Sino bang hindi. Kaya nga hindi ko siya pinatulan sa
pagwawala niya. Magagalit sa akin ang ama niya kapag pinatuloy ko siya dito at hinayaang
maglasing."
"But that didn't stop you from having an affair with
her."
Nagkulay suka ito. Inilabas niya ang folder na mayroong
larawan ng mga ito. Lalo itong pinagpawisan sa nakita.
"You sneaked into my desktop?"
"You specifically said "Whatever" to us when
we did our search."
"That's invasion of privacy." galit na sabi nito.
"And that's obstruction of justice. Kung ako sa'yo ay
sasabihin ko na ang lahat ng alam ko."
Napabugha ito ng malakas na hangin.
"That bitch… she said she'll never come here again ng
matuklasan ng ama niya ang relasyon namin. Nalaman kong pinagsasabay niya kami
ni Alfie, iyong isa pa niyang boyfriend. I loved her. Kaya naman nalungkot ako
sa pagkamatay niya. At hindi ako ang pumatay kay Brenda."
Napailing siya. "We'll let the evidence speak. So far,
wala namang nagtuturo sa'yong suspect. Saan ang address nitong Alfie na
ito?"
"Sa Libis. May condo siya doon."
"Okay. I will need his full name."
"Alfie Quinita."
***
2:05 PM
NASA harap siya ngayon ng bahay ni Alfie Quinita dala ang isang
search warrant. Madali lang para sa kanya ang kumuha nun dahil tutukan siya
kung mag-solve ng kaso. Isang araw lang hangga't maaari.
Itinanong niya sa gwardiya kung saan ang unit nito
pagkatapos magpakilalang pulis. Kumatok siya pagtapat nila ni Suarez sa pinto.
Bumungad sa kanila ang isang medyo may edad ng lalaki. Sakto sa picture ng file
na nakuha ni Jerick ng ipahanap niya ang pangalan nito.
"Alfie Quinita?"
"Oo. Bakit? Anong kailangan nila?"
Ipinakita niya ang badge. "SPO4 Verance. QCPD Homicide
Division. Magtatanong lang kami tungkol kay Brenda David."
Nagitla ito. "What about her?"
"She's dead. Natagpuan sa likuran ng bar ni Larry
Salazar."
Nanlaki ang mata nito sa narinig. "Larry Salazar?"
"Why? Does it ring a bell?"
"He's Brenda's other boyfriend."
"So you knew."
"Knew what?"
"That she was a player."
Napatango ito. Biglang nagmukhang pagod.
"Nasaan ka ng mga bandang ala-una hanggang alas-tres y
media?"
"Narito lang. Maaga akong natulog kagabi."
"Kailan ang huling pag-uusap niyo ng biktima?"
"Noong isang araw pa. Nanlalamig siya sa akin eh.
Hindi na siya nagpupunta dito."
"Okay. So, do you mind if we take a look around?"
"What? I didn't kill her."
"Wala kaming sinabing ganyan."
"Wala kayong warrant."
"I thought you'd never ask." Inabot niya ang
papeles na hinahanap nito. Sumusukong ibinalik nito iyon sa kanya.
"Okay. Just don't break anything."
"We'll be careful. Promise."
Umalis muna ito ng unit nito. Nakita niya ang cellphone ni
Alfie na nakapatong sa ibabaw ng ref. Inabot niya iyon at pinasadahan ng tingin
ang call register.
Bingo!
Nakarehistro doon ang pagtawag na naganap kagabi ng
alas-dyes. Nagsinungaling ito sa kanya. Kinunan niya ng litrato ang nakalagay
na impormasyon at saka pasimpleng ibinalik ang aparato sa pwesto.
Napatuon ang pansin niya sa center table. Parang may kulang
doon. Napansin niyang malinis ang kapaligiran. Sumnghot-singhot siya.
"Bleach."
"Oo nga, Sir." sagot ni Suarez
"Padaanan mo ang center table ng blue light."
Tumalima ito at tama nga ang hinala nila. May blood
splatter na marka doon. Kumuha ng buds si Suarez at ipinunas doon saka may
ipinatak na solution. Nagkulay dugo ang tip ng cotton buds.
"Positive, Sir."
"Sige, bumalik na tayo sa lab. Mukhang nakita na natin
ang crime scene. Solidong ebidensiya at motibo na lang ang kailangan
natin."
***
3:10 PM
Pagbalik nila sa laboratoryo ay sinalubong sila ng
nakasimangot na si Cody. Naiinis na ibinalibag nito ang report sa harap niya.
"It’s contaminated."
"Ang alin?" nagtatakang tanong niya.
"The victim's blood."
"Paanong nangyari iyon? E di ba ikaw ang kumuha
nun?"
"I know right? May nakita akong alien na blood
components sa dugo niya. It's from an A+ male."
Napahalakhak siya. "Subukan mong kumuha sa ibang
bahagi ng katawan niya."
"Ginawa ko na 'tol. Hinihintay ko na lang.
"Alas-kwatro na. Merienda tayo."
"Susme, nagugutom ka lang palang ungas ka."
"Mas makakapagtrabaho ako ng maayos kung busog
ako."
"Ulol. Sige na nga. Suarez, umorder ka ng pagkain.
Yung pinapatapos kong project sa'yo?"
"Tapos na po siguro. Pinaayos ko kay Marco. Kunin ko
na lang po ang report."
Inabutan niya ito ng pera at mabilis na nawala sa paningin
niya.
"Saan ka magpapasko, pare?"
Natigilan siya tanong na iyon ng kaibigan. Sa totoo lang, wala pa siyang plano para bukas. Malamang ay sa loob lang siya ng bahay niya.
Sasagot sana siya sa tanong nito ng may kumatok sa pinto. Binuksan iyon ni Cody at may iniabot rito ang pinagbuksan. Result siguro iyon ng lab tests ni Brenda.
"Oh my God!" Malakas na wika ni Cody.
"Bakit?"
"You won't believe this. Ang ikinamatay ng biktima ay
isang maling blood transfusion."
"What?"
"The victim's blood type is O positive. The unknown
male donor is an A positive. The process killed her instantly. Mabilis ang
reaction ng ganyang transfusion sa katawan ng biktima. That explains the needle
marks."
"How about the white residue?"
"It's not just cocaine. It's laced with
pesticide."
"What?"
"She definitely took a lot. But how can you explain
the glasses on her face?"
"It's a fish bowl."
Napaangat silang pareho ni Cody ng ulo. Bumungad si Suarez
na may dalang folder. Binabasa nito ang nilalaman niyon habang papalapit sa
kanila.
"Sigurado ka?" tanong niya.
Tumango ito at ibinigay sa kanya ang papel. "Opo sir.
Marco studied the pattern at iyon ang nakuha niyang malapit na match sa mga
bubog na nakuha sa biktima. May nakuha rin kaming prints. At iyon ay match kay
Quinita."
"Good job Suarez. Ibigay mo rin nga yung nakuha nating
sample na bahay ni Quinita. Pakitingnan pare kung match sa biktima."
baling niya kay Cody pagkatapos pasadahan ang paeles.
Nang makuha ang blood sample sa buds ay tama nga ang hinala
niyang kay Brenda ang dugo na nakamarka sa center table. Nakita niya ang
scenario sa isip.
Nang ilagay ni Brenda ang inakala niyang cocaine sa lamesa at
singhutin at nagkaroon ito ng reaksiyon sa utak ng babae. Malamang na
kinumbulsyon ang biktima at naihampas ang mukha sa lamesa. Saktong naroon ang
fishbowl. That explains the glass fragments on the victim's body.
Siguro ay isang attempt na pagliligtas sa male donor na
iyon kung pagbabasehan ang ginawa nito. Iyon nga lang namali ito ng akala.
Hindi ito nakatulong bagkus ay napahamak pa ang biktima.
"Pumunta ka kay hepe at magpahanda ng warrant of
arrest para kay Alfie Quinita. Magpagawa rin ng Hold Departure order para dito.
Pupuntahan ulit natin siya sa bahay niya." utos niya kay Suarez
"Sir, may tawag sa radyo, may nagaganap daw na barilan
sa Guilty Island. Dalawang lalaki daw." singit sa kanila ng sekretarya ng
hepe nila.
"Showtime guys!"
"Galingan mo 'tol." pahabol ni Cody.
"Inom tayo mamaya."
"Sige ba."
"Tara Suarez."
"Yes Sir!"
***
3:55 PM
"Bakit mo
pinatay si Brenda?!" inabutan niyang
sigaw ni Alfie kay Larry.
Nagpaputok ito ng ilang ulit. Hindi makalapit ang mga pulis
dahil pinapaputukan din ang mga ito ng dalawa.
"Hindi ko siya pinatay!" sigaw ng huli.
"Sinungaling!" Sigaw ulit ni Alfie.
"Mukhang kailangan ko ng tulong ni Cody dito."
sabi niya. Akmang tatawagan niya ito ng marinig niya ang boses nito.
"Hinanap mo raw ako?" nakangiting sambit ng
sira-ulo.
"Hanep, ang lakas ng radar."
"Curious ako eh. So paano. Papatulugin ko ba ang dalawang
iyan. May baon akong dalawang vials."
Pampatulog ang mga iyon. Tinanguan niya ito at pumuwesto
na. Ito ang sniper ng Task Force Enigma –isang top secret search and destroy
team na kinabibilangan ng army, police, air force at navy, siya ang second in command
ng grupo- kaya alam niyang kayang-kaya nito iyon. Though hindi lahat ay alam ang
tungkol sa sikretong organisasyon nila.
"Pwesto lang ako."
"Sige. Signal ka na lang kung kailan mo gagawin."
"Sure manure."
Kinuha niya ang megaphone. "Quinita. Sumuko ka na.
Inaaresto kita sa pagpatay kay Brenda David."
"Hindi ako ang pumatay sa kanya. Itong ugok na ito
iyon." ganting sabi nito.
"Nakuhanan namin ng dugo ni Brenda ang unit mo.
Nagkalat iyon sa center table. Nawawala ang fishbowl mo di ba?" nang-aasar
na sabi niya sa megaphone.
"Hindi ko siya pinatay. Patay na siya ng makita ko
siya doon."
"Sa husgado ka magpaliwanag."
"Totoo ang sinasabi ko. Hindi ako ang pumatay sa
kanya. Wala na siyang buhay ng abutan ko. Ang tanging mali ko ay itinapon ko
siya sa likod ng bar ng tarantadong ito." tukoy nito kay Larry.
"Ulol. Huwag mo akong idamay. Narito lang ako sa bar
ko buong gabi."
"Sumuko na kayo. Kung hindi..." pambibitin ni
Aries.
"Kung hindi ano? Papasukin niyo kami? Sige,
magkamatayan na." galit na sabi ni Alfie.
Tumunog ang radyo niya. Ready na raw si Cody. "Sige,
tol. Bibilang ako ng tatlo."
"Copy that."
"Sumuko na kayo. Bibilang ako ng tatlo. One.
Two..."
Pagsambit niya ng three ay natahimik ang lahat ng
umalingawngaw ang dalawang putok. Pinalipas niya ang ilang sandali at inutusan
ang mga tauhan na pumasok. Pagpasok niya ng Guilt Island ay nagulat siya ng
makitang sabog ang ulo ng dalawang lalaki. Tinawagan niya si Cody.
"Pare. Bakit mo dinale?"
"Ha? Hindi nga ako naka-tira eh. Nawala yung dalawa.
Biglang tumumba si Quinita."
"Eto oh, dedbol na."
"Nakow... mukhang may ibang tumira diyan. Promise ‘tol.
Wala akong alam diyan."
"Punta ka dito. Dali."
"Sige wait."
Naiiling siyang lumapit sa katawan ni Alfie. Nagtaka siya
ng walang makitang needle marks sa braso nito. Ilang beses niyang tiningnan
ulit ngunit wala. Natatarantang lumapit sa kanya si Suarez.
"Sir. Tingnan mo si Larry."
Tumango siya at sumunod dito. Laking gulat niya ng makita
ang markang hinahanap kay Quinita ay naririto pala. All along, nagsasabi ng
totoo si Alfie.
"Namputsa. Mas sure shot sa akin ang tumira
'tol."
Si Cody iyon.
"Tama ka. Mukhang nabalitaan na ng tatay ng biktima
ang pangyayari," ani Perse sa kaibigan.
"Mismo." Ang iiling-iling na sagot ni Cody.
“Hindi talaga papaya si Francisco David na di mabigyan ng
katarungan ang anak niya. Para sa kanilang mga nasa ganoong uri ng organisasyon,
katarungan na ang pagbabayad ng buhay,” madilim ang mukha niyang sabi.
Napapalatak na lumabas sila ng Guilty Island. May mga dumaang grupo ng kabataan sa di kalayuan na naka-costume para mangaroling.
"Beer?" tanong niya kay Cody.
"Sure."
Naglakad silang dalawa palayo sa lugar na iyon habang nagkakagulo ang mga rumespondeng pulisya at paramedics. Kapwa pa sila natigilan ng may pumailanlang na awiting pamasko.
Merry Christmas darling
We're apart that's true
But I can dream and in my dreams
I'm Christmas-ing with you...
Holidays are joyful
There's always something new
But every day's a holiday
When I'm near to you
The lights on my tree
I wish you could see
I wish it every day
Logs on the fire
Fill me with desire
To see you and to say
That I wish you Merry Christmas
Happy New Year, too
I've just one wish
On this Christmas Eve I wish I were with you...
Logs on the fire
Fill me with desire
To see you and to say
That I wish you Merry Christmas
Happy New Year, too
I've just one wish
On this Christmas Eve
I wish I were with you I wish I were with you...
We're apart that's true
But I can dream and in my dreams
I'm Christmas-ing with you...
Holidays are joyful
There's always something new
But every day's a holiday
When I'm near to you
The lights on my tree
I wish you could see
I wish it every day
Logs on the fire
Fill me with desire
To see you and to say
That I wish you Merry Christmas
Happy New Year, too
I've just one wish
On this Christmas Eve I wish I were with you...
Logs on the fire
Fill me with desire
To see you and to say
That I wish you Merry Christmas
Happy New Year, too
I've just one wish
On this Christmas Eve
I wish I were with you I wish I were with you...
Napalingon siya ulit sa mga nangangaroling. Parang walang naganap na patayan kanina lang at hindi iyon inaalintana ng mga ito. Sabagay, wala namang alam ang mga ito.
Napabuga siya. He needed more work than the usual. He can't just sit around doing nothing but think of someone from his awful past. He needs a diversion. A big one.
"Pare, saka mo mo na isipin ang ibang bagay. Inuman na lang tayo," anyaya sa kanya ni Cody.
Tiningnan niya ito. His friend has always been a cheerful one. Sana lang magaya niya ang katangian nito. Kahit mahawaan man lang siya ng kaunting kakengkoyan sa katawan. Muli, napabuga siya.
"Saan tayo?" tanong niya.
"Sa bahay mo na lang. Mamaya niyan, magpatiwakal ka pa. Pupuyatin mo pa kami sa burol mo," pagbibiro ni Cody.
"Gago!"
Natatawang tinakbuhan siya ng kaibigan. Napangiti siya. At least, may makakasama na siya para sa pinaka-iiwasan niyang araw. Isang kaibigang hindi magtatanong. Dadamay lang at aakayin ka kapag nalasing ka na. Sinipat niya ang relos. Alas kwatro y media na. Isang buong araw lang ang itinagal ng kasong iyon sa kanya. Alam na niya ang gagawin niya bukas. Magpapasko siya sa opisina. For the meantime, magse-celebrate muna sila ni Cody.
"Hintay lang 'tol." aniya.
Huminto si Cody at hinintay siyang makalapit. Inakbayan siya ng loko kaya nakatikim ito ng kutos sa kanya. Tatawa-tawang sumakay sila sa kaniya-kaniyang sasakyan at umalis sa lugar na iyon.
WAKAS
4 comments:
I miss the TFE boys! Sana ituloy na yung kay Perse! Thanks for this Miss D.
----lupin35
Loved it Miss D.
parang yan din ung...
"Think Outside the Box Series : The It Girl Murder Case"
na inayos lang
>_<
:)
Post a Comment