Friday, December 30, 2011

My Year-End Message


Hi there Fall in Love With Dalisay followers, readers, friends and family. Hello to my InternetSerye, BOL  and MSOB Family.

Matatapos na ang taong ito at sasalubungin na naman natin ang panibagong yugto ng ating mga buhay. This year has really been good to me if I may say. Marami akong nakilala ng husto na dati ay nakaka-chat ko lang dito sa fb, sa chatbox ng BOL, ng sarili kong blog at sa chatbox ng mga luka-lukang nilalang na tinatawag naming Tralala. Bagama't hindi ko pa nami-meet ang kahit na sino sa aking huling nabanggit ay pamilyar na ang aking puso sa kanila.

Hindi ako magpapaka-plastik mga kaibigan. Nawalan ako ng gana na magsulat sa mga nagdaang buwan for reasons I cannot tell you. Buntis ako. Choz! Nawala kasi ang inspirasyon ko sa pagsusulat and it was really hard to come up with an idea. Kapag nasa harap na ako ng monitor, blangko ko nga ang screen ng MS Word, blangko pa ang aking isip. Walang gana ang aking mga daliri na itipa ang mga nakatengga kong nobela sa aking blog. Salamat na lang sa mga nagko-contribute sa FILWD kundi ay matagal na itong natulog sa kangkungan.

For that, I offer my gratitude to those who kept FILWD active. Kenji, Emray, Ace, Uri-Kido, Aerbourne and to my loyal readers na hindi nagmaliw sa pagtangkilik at pagsuporta, gayundin ang mga bagong mambabasa ko... Salamat ng marami. Makakatagal pa kaya ng panibagong taon ang blog ko? Sana...

Hindi ako mangangako katulad ng nauna kong nasabi noon. Tatapusin ko ang One More Chance, The One Who Could Not Be Taken at ang Task Force Enigma: Perse Verance. Malaki ang utang na loob ko sa mga nobelang ito kaya hindi ko sila maaaring balewalain.

And thank you, guys, for bearing with this foolish girl. 

Oo. Girl ako. Hindi ko ba nasabi iyon?

Sa mga nagdaang buwan, nakakatanggap ako ng e-mail, fb messages at death threats (LOL) tungkol sa mga nakabinbin kong nobela. Nakakatuwa ang mga ganoong gestures. Nakakataba ng puso ang mga compliments. Sobrang nakakataba na natatakot akong mauwi ito sa heart failure. Thank God, I don't have a weak heart.

May mga pagkakataon din na talaga namang hindi ko malaman kung matutuwa o maiinis kapag may e-mail akong natatanggap na ganito ang nilalaman; "Hi Idol Dalisay, kamusta po. Gustong-gusto ko ang mga stories ninyo. Lalo na yung No Boundaries..." Mabuti na lang at anak ko si Emray. Kaloka!

Anak. Napakarami ko na niyan sa mundo ng internet. Nasimulan ng panganay kong si Gboi sa BOL Chatbox. Sinundan nila Jerick, Eric, Marlon, Marc, James at ni Rick. Sila ang mga una kong anak. Nasundan ito nila Fireflies, Vinny, Sam Ikki, Shiro at iba pang hindi ko na maalala ang pangalan. Hanggang sa maging aktibo ako sa pagsusulat ay mayroon pa rin akong mga naging anak. Naunang tumawag sa akin ng "Mama" ay si Rovi, sinundan ni Dhenxo at Alexander. Sila ang mga pioneer ng pagiging Mama Dalisay ko sa BOL Blog. Later on, sila Emray, Half, Kearse at kung sinu-sino pa ang mga nagsitawag sa akin ng Mama kahit na hindi ko na matandaan ang ilan sa kanila. Nagkaroon din ako ng mga apo. Isa sa kanila si Dalian at si Gabriel; ang batang malansa. Ayon sa nanay niya.

And for that, guys, I'm sorry and thank you.

Siyempre ay kung may mga naging anak ako, mayroon din namang mga naging kapatid ang turing ko at siyempre... Crushes. Itago natin sila sa mga pangalang Benedict at Jaime na mga kapatid ang aking turing. Sa mga naging crush ko, si FULL at si Gabi ang nangunguna. Sila ang aking mga naging inspirasyon sa ilang nobela ko na naisulat na.

Trivia: Si Full ay si Pancho ng Kung Kaya Mo ng Sabihing Mahal Mo Ako. Alam ito ni Gboi. 

And for that, Full and Gabriel... Salamat sa kilig moments na naranasan ko kahit sa chat at messages lang tayo nagkakausap.

Marami rin akong mga naging kaibigan. Self-declared pa nga ang ilan sa kanila. Wala kasi akong kuya dahil ako ang panganay. Kaya naman, I forced my way to Michael Juha's heart. Malapit siya sa akin hindi dahil sa parehas kaming manunulat. Malapit siya sa puso ko dahil nakikita ko sa kanya ang KUYA na hindi ako pinalad na magkaroon. Hindi mo alam ito Mikey but you are one of those few that easily captured my attention. I care for you like I care for my siblings.

And for that, Mikey... Thank you for the friendship.

Nagkaroon ako ng pagkakataon na mag-branch out sa mundo ng straight stories. Salamat sa nag-iisang Bathala ng IS na nakakuha ng aking atensiyon. Hindi mo alam ito, Onjing, pero authentic ang pagtubo ng crush sa puso ko ng makita ko ang picture mo sa FB as one of Camilla's friend. Then, nakapasok ako sa IS. Marami akong nakilala, naging kaibigan, kakilala, kainisan at kapatid at ka-love team. 

Eventually, ang crush ko sa Bathala ay napalitan ng pure unadulterated friendship. Natuwa ako! May guwapo akong kaibigang manunulat. Makulit at isip-bata minsan ngunit ismarte at totoong tao. Idagdag mo pa si Papa Ohan. Kaloka. Nakilala ko rin ng husto ang Reyna na later on ay naging kapatid ko... sa nobela ng sira-ulong Bathala. Hahaha. Nagkaroon din ako ng Reptilya, Kalove-team na mansanas, kalove-team na mala-Angelina Jolie ang lips, at isang may kilay na kasing talim ng blade. Nadagdagan din ako ng isa pang kapatid. Itago natin siya sa pangalang Patrice Valmer. Mga makukulit na nilalang na tumanggap sa aking mga nobelang kahindik-hindik na nagtatakip pa ng mata si Melai o kung sinuman ang mag-e-edit ng MS ko. IS always makes me feel appreciated and welcomed.

And for that, guys, Salamat rin ng marami. Mga 500. :)

Nang matapos ko ang aking ika-pitong nobela, Earl and the grumpy Flirt named Ronnie, ay may mga nakilala akong mga baguhang manunulat. I'm not very good at remembering names, lalo na ng mga pen name, but I'm very particular with one's writing style. Hindi man best-seller ang mga naging collaboration at published works ko, I am entitled to my opinion lalo na sa mga umuusbong na bagong writers na nanghihingi ng pointers. Nakakatuwa. Flattering. But at the same time, overwhelming. Lalo tuloy akong na-pressure magsulat kasi akala nila ang galing-galing ko. Eh, bago rin akong halos maituturing kung tutuusin. Kakaloka.

Sa maraming pagkakataon, marami pa rin ang nagagawang maging speechless si Dalisay. Sa mga comments. Mensahe sa FB. Sa email. Nakakalula. And I'm not even a celebrity for that matter! 

So for that, guys, for the nth time. Salamat.

Kung magtatanong kayo kung bakit ako may year-end message... PAKI NIYO BA? ahaha!!! I saw my idol's year-end message kaya nakigaya ako. Bakit ba? Libre naman ang espasyo dito so why not utilize it.

Ito na rin ang pagkakataon ko para pasalamatan ang Maykapal sa talentong ibinigay. I may be jobless this year but I am looking forward for the coming year with so much excitement. Magkakatrabaho na ulit si Dalisay. Hopefully ay maging successful ako sa field na iyon. Secret muna. Pray for me.

Gusto ko ring pasalamatan ang mga kaibigan ko na hindi nagmaliw ang pagmamahal at pang-unawa. Sa mga magulang ko na bagama't hiwalay ng landas ay patuloy na nakasuporta sa maganda nilang anak. Sa mga kapatid kong si Shaun, Eliza at Ayla ay nagpapasalamat din ako. Lalo na sa aking mga pamangkin na nagpapasaya sa akin.

I am selfish, immature at times... hard to handle. But if you cannot handle me at my worst, then you're sure as hell don't deserve me at my best. I don't require my friends their time. I don't want them to adulate me. I just want them all to laugh with me. Cry with me. Poised or not. Injured or not. 

And I will always say this... Hindi kailangang laging nagkikita ang magkakaibigan. Ang mahalaga, malayo man o malapit, ang pagmamahal at pang-unawa ay laging nariyan.

Mahal ko kayong lahat and enjoy this coming year!!!

6 comments:

Brye Servi said...

bongga. ay teka. pwede namang mag-comment diba? :D kaya naman pala hindi mo naituloy yung 3 nobela. may pinagdadaanan ka pala. ayos lang yun. basta ituloy mo ah. ang feeling close ko no? :)) SALAMAT kasi ikaw ang nagsabi sa akin na "write from the heart". wala pa man akong matinong maisulat ngayon at nakukuntento na sa pagyi-year end message sa sarili kong blog, i know someday, magiging writer din ako at babasahin ng mundo ang mga gawa ko. sa una kong libro, gusto kitang ilagay sa acknowledgement. una, para magpasalamat sa inspirasyon; pangalawa, pampuno ng space. :) BASTA! yung 3 nobela nakatengga ah, tapusin mo. kahit gaano katagal, maghihintay kaming mga readers mo. may God bless you, the people you love, and in every aspect of your life.

HAPPY NEW YEAR! :)

Jayson said...

good luck sa career na pipiliin mo this year..

DALISAY said...

Thank you Brye and Jayson. :)

Lawfer said...

ay angcute ng msg, seryosong kalog hehe :3

Happy new year ms.D :3

Brye Servi said...

walang anuman. :)

DALISAY said...

Thanks Rue, and Happy New Year too. :)