Friday, December 30, 2011

Daglat Presents: TEE LA OK III - part 3 and 4

ahahaha.. sa mga naghihintay sa NAPAKATAGAL kong update.. well, new year's gift ko na po ito.. two chapters na po ang laman nitong post na ito.. ayan ah.. peace na tayo.. :-)


Ikatlong Bahagi: /ee-kat-long/ - /ba-ha-gee/

Titik C, Bilang 3

“Where did you come from?” simulang tanong ng mama ni Gabby sa anak.

Siyam na araw na ang nakakalipas mula nang ihatid nila si Harold sa huling hantungan at ngayon lang siya muling bumalik ng Maynila. Mabigat man sa kalooban ay kailangan niyang harapin ang umaga at magsimula ng bagong-buhay. Isang bagay lang ang pare-parehas nilang gawin, ito ay ang mag-move on.

“I’m from Tarlac.” sagot ni Gabby.

“So, it means you chose Harold more than I.” sagot ng ginang.

“No Ma! Harold convinced me na balikan kayo. Hinintay ko lang na mag-siyam na araw si Harold. I just waited the ninth day of his burial.” may pigil na pagluhang sagot ni Gabby na muling nararamdaman ang kirot at sakit.

Nakita ang pagkagulat sa anyo ng ginang –

“Whhaaat do you … meean?” tanong ng ginang kay Gabby.

“I said, the ninth day of his burial. Hindi kasi namin alam kung kailan siya namatay, we considered his death mula nuong makita siya sa Nueva Ecija.” sagot ni Gabby.

“Whaaat’s the story?” tanong pa ng ginang.

“You don’t need to know! For in the first place, paborable sa’yo ang nangyayari and I’m sure you’re very happy.” sagot ni Gabby.

“Son.” sagot ng ginang.

“I’m just here para tulungan ang kumpanya na makabalik sa dating pwesto. I don’t want my efforts be wasted dahil lang sa pride ninyo at lintik na tradition na iyan.” sabi pa ni Gabby saka lumabas ng opisina.

“Si Harold namatay na?” nagtatakang bulong ng ginang sa hangin. “How come? Paanong nagyari? Hindi kaya…” biting wika ng ginang saka napatakip sa bibig.

Makalipas ang dalawang buwan –

“I’m Gabriel Fabregas!” pakilala ni Gabby sa kausap.

“I’m Heidi Ayala.” pakilala naman ng dalagang paupo na sa kabilang side ng table. “Aren’t you going to pull my chair?” nagtatakang tanong ng babae.

“I’m sure you can do it! You have your hands to move the chair.” sagot ni Gabby.

Isang napakalalim na buntong-hininga lang ang sinagot ng dalaga saka umupo.

“Waiter!” tawag ni Gabby sa waiter.

“Yes Sir!” mabilis na tugon ng waiter.

“Give her what she asked!” utos ni Gabby.

“Give me your specialty.” sagot ng babae.

Agad namang tumalima ang waiter at nag-serve kaagad sa table ng dalawa. Pareho lang ang binigay ng waiter kay Gabby at kay Heidi. Ang main course ay lamb spareribs marinated in rice and red wine na may kasamang tenderloin na steamed sa Worcester sauce. Ipinirito sa olive oil saka pinakatas at inirolyo sa malutong at manipis na crust kasama nang chopped cucumber, julienne cut na carrots at spring onion. Ipinatong ang binalot na spareribs sa relyenong tuna na nilasing sa pure grape wine.

Tahimik lang ang pagitan ng dalawa habang kumakain –

“Tapos ka na?” tanong ni Gabby kay Heidi nang makitang inilayo na nito ang pagkain sa harap.

“Yeah!” sagot ng dalaga. “I’m on my diet and I’m not fond of eating meat.” saad pa ng dalaga.

“Kung malaman ni Harold to malamang inaway na niya si Heidi. Kung si Harold man to, malamang simot na ang pagkain.” napangiting wika ni Gabby sa sarili.

“Is there any problem?” tanong ni Heidi.

“You should not waste. There are many people out there who cannot eat this evening. Aren’t you concern about them? Lots of them don’t have even a single coin to afford the cheapest food.” wika ni Gabby saka inilapit kay Heidi ang pagkain nito.

“When did you pay concern for those people?” nagtatakang tanong ni Heidi.

“Lately!” sagot ni Gabby saka nginitian si Heidi.

“Well! As I said, I’m on a diet! Kaya hindi ko na kakainin yan.” katwiran pa din ni Heidi.

“If Harold can see you, I’m sure he will say – kayo talagang mga mayayaman, napakamakasarili ninyo! Habang ang iba hindi kumakain dahil walang pambili ng pagkain, kayo naman hindi kumakain dahil ayaw ninyo ng pagkain.” muling napangiting laro sa diwa ni Gabby.

“You should eat this!” pamimilit pa ni Gabby saka muling nilapit kay Heidi ang pagkain niya.

“I said no!” sarkastikong sagot ni Heidi.

“Ano ba?!” pasigaw nang giit ni Gabby.

“Sabi ng ayoko di ba?” inis na sagot ni Heidi saka tulak sa pinggan.

“Hay!” sabi ni Gabby saka buong lakas na itinulak ang pinggan kay Heidi.

“Shit!” nasabi ni Heidi saka napatayo. “Look what you did! You ruined my night.” singhal ni Heidi saka lumakad palayo.

“Hay! Kasalanan mo iyan!” bulong ni Gabby saka kumuha ng pera sa wallet at naglagay nang pera sa table at lumakad paalis.

“She’s so numb, senseless, insensitive and, and, and! Kung makaarte akala mo helpless! Ugali nga naman ng mga mayayaman! They cannot appreciate the simplicity of life. They do whatever they wanted and so selective. Feeling nila kanila ang lahat sa mundo, feeling nila sila lang ang tama na sila lang ang may karapatan! Kung buhay pa si Harold malamang pinagsisigawan na niya si Heidi at sinundan kung saan man pumunta.” bulong ni Gabby sa sarili.

“I really miss you Harold!” mga katagang biglang nausal ni Gabby saka muling pumatak ang luha sa mga mata. “No! Hindi na ako iiyak! I know Harold hates to see me crying! He wants me to be strong and alam kong kasama ko lang siya.” pagpapalakas ng loob ni Gabby sa sarili. “Tama! Harold and I will be together forever.” komento pa niya.

Sa bahay –

“Ano ka ba naman Gabby?!” galit na simula ng pangaral nang mama ni Gabby pagkapasok pa lang ng binata. “Tumawag na sa akin si Heidi and she’s very disappointed. Pinahiya mo daw siya sa mga tao and by simply having left-over inaway mo na ang anak ng isa sa pinakamayamang tao sa bansa.” pangaral pa ng ginang.

“They’re just following our rank Ma!” kontra ni Gabby.

“Kahit na kasunod lang natin sa ranking, if we want to establish our position in the society we need people like them.” sagot ng ginang.

“Don’t worry ma! Alam ko naman ang responsibilidad ko bilang tagapagmana ninyo. Kailangan kong makapag-asawa ng mayamang babae para masigurado ang mas lalaong pagyaman natin. Why should I settle to the one least to us if I can have a girl richer than us? Kailangan kong mag-asawa para sa merging ng kumpanya at hindi dahil sa mahal ko. Kailangan kong mag-asawa kasi responsibilidad kong makapag-asawa ng mayaman para sa sinasabi ninyong status quo. Don’t worry ma! Mula ng mamatay si Harold, wala ng makakapigil sa gusto ninyo kasi hindi na tumutibok pa ang puso ko. Mag-aasawa lang ako dahil gusto ninyong yumaman at hindi dahil sa gusto kong lumigaya. Mag-aasawa ako at magkakaanak para magkaruon nang tagapagmana na muling sasakalin ng status quo at muling mag-aasawa para sa business. Mag-aasawa ako para magkaanak saka hahayaan at papanuorin kong mahirapan dahil hindi niya makasama ang taong mahal niya. Everything is measurable by money.” paliwanag naman ni Gabby. “Don’t worry ma! Magkakaapo kayo, pero hindi ko maipapangako kung matutulad ang kapalaran niya sa kapalaran ko.” habol pa ni Gabby saka diretsong lumakad papaakyat sa silid niya.

Isang taon, dalawang taon, apat na taon, limang taon – napakahaba na nang panahon mula ng mamatay si Harold ngunit heto pa rin si Gabby, lagi at laging ang isang tulad ng kasintahan ang hinahanap.

“Hi I’m Marissa!” pakilala ng isang babae kay Gabby saka abot ng kamay. “Alone?” tanong pa nito.

“I’m Gabby.” pakilala ni Gabby. “Actually I’m waiting for my date here.” sagot pa ng binata.

“I see!” sagot naman ng dalaga.

“Riza! Come here, malapit na tayo.” tawag naman kay Marissa ng isang lalaki.

Sinundan lang ng tanaw ni Gabby si Marissa at hindi na inalis ang mga mata sa stage. Ilang saglit lang at lumabas na si Marissa kasama ang kanyang banda.

“When I was just a girl

I made a list of things I wanted to be

A pocket full of dreams

And I could be the master of my destiny

But apparently that was wrong

I was meant to pick just one

I couldn't understand

Why I never fit in

I was living in two worlds

Full of contradiction

If I didn't believe

That there's a possibility for me to live the dream

I couldn't see a purpose

I wouldn't see the light

I'd give up the fight

I'd lay down and die

There's too much wrong

And so little right

I've been spat on and rat on and tested

With love and lies

In a world full of anger and so much abuse

I'd suit up for protection to cradle my youth

And I could be a warrior

Or a mermaid fighting sharks

The Sugar Plum Fairy

I could even be...a popstar

If I didn't believe

That there's a possibility for me to live the dream

I couldn't see a purpose

I wouldn't see the light

I'd give up the fight

I'd lay down and die”

(Beatrice Dream, Siobhan Magnus)

“She has a nice voice like Harold.” napangiting komento ni Gabby. “But Harold is way better.” kontra pa ng binata.

“Did you enjoy my number?” tanong ni Marissa kay Gabby pagkababa nito ng stage.

“Beautiful!” sagot ni Gabby. “Performer ka pala dito.” wika pa ng binata.

“Yeah! Ayaw nga ng parents kong sumasama ako sa gig, pero ako, pasaway, madalas tumakas. May date nga ako ngayon sa isang fine dining restaurant kaso pinalipat ko dito. Alam mo na, pinagbibiyan ko lang din sila mama at papa.” sagot naman ni Riza.

“Pareho pala tayo, waiting for our dates.” napangiting pahayag ni Gabby. “I really need to find my mate para sa merging ng kumpanya. Alam mo na, ganito nga talaga atang mag-isip ang mga mayayaman, pati ang kasal business.” komento pa ni Gabby.

“I think I like you!” komento naman ni Riza.

“Why?” nagtatakang tanong ni Gabby.

“Similar lang ang sentiments natin, ako pinipilit magpakasal sa kahit kaninong nasa top 10 ng pinakamayaman sa bansa para lang sa stability ng stocks and sales.” sagot ni Riza. “It’s not a big deal naman para sa akin, kasi ako, I really don’t care kung makapag-asawa ako o hindi, mas importante sa akin ang magkaanak. So what kung broken family or hindi ko mahal iyong mapapangasawa ko? Ang mahalaga lang dito I can raise my children well.” dugtong pa ni Riza. “Iyon nga lang, selective ako, dapat good blood ang mapapangasawa ko.” biro pa ng dalaga. “Dapat iyong makakasundo ko din, kasi malay mo bigla akong madevelop, mauntog akong isang umaga na mahal ko na pala ang mokong.” kwento pa ni Riza.

“Sure ka ba sa sinasabi mo?” tanong ni Gabby.

“Yeah! Immoral ba?” tanong naman ni Riza. “Well, exaggeratedly liberated na nga siguro ako. Ganuon kasi ako kung i-describe ng mga kasamahan ko. I just need to prove one thing! It is about equality of man and women, iyong tipong gumagawa na ako ng sarili kong social field na kung saan ako ang hari.” lahad pa ulit ni Riza.

“Bakit hari? Di ba dapat reyna?” tanong ni Gabby.

“See, pag sinabing hari at reyna, mas mataas pa din ang hari kaysa sa reyna and thinking, lalaki lang ang pwedeng maging hari.” sagot ni Riza. “Basta, hindi ako immoral. Fighter lang ako.” nakangiting sabi pa ng dalaga.

“You think very similar sa kaibigan ko.” sabi pa ni Gabby. “He’s so liberated na walang kilalang boundaries.” nakangiti pa nitong pahayag.

“I want to meet him.” masayang sabi ni Riza. “What’s his name?” tanong pa ng dalaga.

Biglang nalungkot ang mukha ni Gabby. “He’s Harold and he died five years ago.” malungkot na wika ni Gabby.

“Sorry to hear that.” sagot ni Riza. “Well, change topic, what’s your date’s name?” tanong pa nito.

“I’m waiting for Krista Ann Chavez. Pero sa tingin ko hindi na darating iyon.” sagot naman ni Gabby. “Ikaw? Baka hinahanap ka na ng date mo.” komento pa ni Gabby.

“Gabriel Fabregas?” tanong ni Riza.

“Ako nga.” sagot ni Gabby. “Meaning ikaw si Krista Ann Chavez.” paninigurado ni Gabby.

“Oo, ako nga.” sagot ni Riza. “Biruin mo, ikaw pala ang ka-date ko.” nakangiting wika ni Riza. “Nabunutan ako ng tinik, kasi akala ko walang kwenta na namang mag-isip iyong ipapa-blind date sa kin.” komento pa ng dalaga.

Napangiti na lang si Gabby kay Riza at naging mahaba ang gabi sa kanila. Sa tingin ni Gabby ay nakita na niya ang babaing hinahanap at sa wakas ay maisasakatuparan na niya ang responsibilidad na pilit ipinapatanggap sa kanya.

Isang taon na, natutunan namang mahalin ni Gabby si Riza at ganuon din si Riza na hindi nahirapang mahalin si Gabby. Pareho sila kung mag-isip at ng pananaw sa buhay. Kakaiba sila sa mga karaniwang mayayaman. Gaya nang naging pangako ni Gabby ay tanging si Harold pa rin ang may-ari ng puso niya ngunit ngayon ay ipinagkatiwala na muna niya ang kalahati nito kay Riza. Tumibok ang puso niya sa hindi inaasahang pagkakataon at hindi niya mapigilang mahalin ang isang tulad ni Riza na katulad ni Harold kung mag-isip. Alam din ni Riza ang buhay ni Gabby, ang katauhan ng binata at open-minded naman ang dalaga para tanggapin ang nakaraan ni Gabby.

“Ano Gabby? Handa ka na ba bukas?” tanong ni Riza kay Gabby.

“Siyempre naman!” sagot ng binata. “Sumama ka sa akin ngayon ah.” suhestiyon pa nito.

“Saan naman?” tanong ni Riza.

“Business to! Saka ipapakilala na din kita sa bagong kapartner ng kumpanya natin. I’m sure, iba pa din kung makikilala ka niya.” sagot ni Gabby.

“Sana lang payagan ako ni Lola! Alam mo namang istrikto iyon sa pamahiin.” sagot ni Riza.

“Asus! Di ba mahilig ka namang tumakas?” tanong ni Gabby. “Takas ka na lang.” pangungunsinti pa ng binata.

“Kunyari ka pa, you will miss me and gusto mo lang ako makasama.” sagot ni Riza.

“Hindi kaya!” namumulang tugon ni Gabby.

“Sige na nga! Sasama na ako.” sagot ni Riza. “Basta after the wedding pupunta ulit tayo sa Tarlac para kumain dun sa restaurant ninyo ng ex mo.” pangungundisyon ni Riza.

“Oo naman!” sagot ni Gabby.

Samantalang sa Tarlac naman kila Luis –

“Sir, paorder po ulit ako ng special chicken clucks ninyo saka ang fountain of youth soft tea.” order ni Joseph kay Luis.

“Ibabalot pa ba ulit?” tanong ni Luis.

“Opo!” sagot ni Joseph.

“Six years na po kayong pabalik-balik sa amin halos lingo-lingo pero laging pabalot at ayaw bumaba ng boss mo.” komento naman ni Luis.

“Very private po kasi na tao si Sir Collantes.” sagot ni Joseph.

“Ganun ba? Siguro sobrang big time ng boss mo?” tanong ni Luis.

“Opo! At favorite niya talaga ang chicken clucks at fountain of youth ninyo.” komento naman ni Joseph.

“Ito na!” sabi ni Luis saka abot kay Joseph ng paper bag na pinaglalagyan ng order.

Wala pang ilang minuto ay bumalik na si Joseph sa kanya.

“Oh?” nagtatakang tanong ni Luis.

“Pwede daw po bang malibot iyong ancestral house?” tanong ni Joseph kay Luis.

“Kasi boss may package yan eh.” sagot ng lalaki.

“Sir Collantes is ready to pay any amount para malibot iyong bahay.” pamimilit ni Joseph.

“Ano kasi?!” napakamot sa ulo si Luis.

“Name your price Sir!” sabi ni Joseph saka abot kay Luis ng blank check. “Interesado lang po talaga si Sir Collantes na malibot ang bahay.

“Kasi mahigpit po ang policy namin sa bahay na iyan. Mula po kasi ng mamatay iyong huling taong nakatira d’yan we made an agreement na for consultation bago magpapasok sa loob.” paliwanag ni Luis.

“Baka po magtampo sa inyo si Sir Collantes niyan.” sagot ni Joseph.

“Mahirap magdesisyon mag-isa eh.” sagot ni Luis.

“Di po ba kasama ninyong may-ari nito si Mr. Gabriel Fabregas?” tanong ni Joseph. “May business deal kasi sila ni Mr. Collantes mamaya, why don’t you try calling him para naman makapagbigay na ng approval.” pagsosolusyon ni Joseph.

“Sige, please wait for a minute.” sagot ni Luis saka idinial ang cellphone.

“Gabby!” simula ni Luis.

“Bakit Luis?” tanong ni Gabby.

“May gustong pumasok sa bahay ni Harold mapilit kasi.” sagot ni Luis.

“Di ba may agreement tayo d’yan? We should give respect kay Harold kaya dapat matinding analysis muna ang gagawin natin.” sagot ni Gabby.

“Mr. Collantes daw ang may request at may business deal daw kayo mamaya.” sagot ni Luis. “And he’s offering a blank cheque.” sabi pa ng binata.

“Kahit na sino pa iyan.” sagot ni Gabby.

“May business meeting nga daw kayo mamaya.” habol pa ni Luis.

“Tell him na pag-uusapan pa natin mamaya.” sagot ni Gabby.

“Pero Gabby six years na din siyang pabalik-balik dito. Siya iyong customer na mysterious na kinukwento ko sa’yo. Feeling ko nga di ba somehow kamag-anak nito si Harold at ayaw lang magpakilala.” sagot ni Luis.

“So?” tanong ni Gabby.

“Why don’t we let him in? Malay mo nga may missing link pa si Harold.” sagot ni Luis.

“You have your point. Sige na nga, papasukin mo na pero make sure na mananatili ang lahat sa pagkakayos.” sagot ni Gabby.

“Yes Gabby!” sagot ni Luis saka pinindot ang end call.

“Sige daw!” sagot ni Luis saka sinamahan si Joseph papunta sa kotse. Pumasok si Joseph sa kotse samantalang naghihintay sa labas si Luis.

“Mysterious masyado.” komento ni Luis pero may matinding kaba siya nararamdaman.

“Ah Sir Luis!” simula ni Joseph pagkababa sa kotse. “May request po sana si Sir Collantes.”

“Ano iyon?” tanong ni Luis.

“Pwede daw po bang mag-isa lang siyang pumasok sa loob?” tanong ni Joseph.

“Bakit?” tanong ni Luis.

“Gusto daw po kasi niyang manatili ang privacy ng identity niya.” sagot ni Joseph.

“Pero…” tutol pa sana ni Luis.

“He promised not to take anything sa loob ng bahay.” sagot ni Joseph.

“Sige na nga.” sagot ni Luis saka binigay kay Joseph ang kaisa-isang susi ng bahay ni Harold.

“Sir Luis, balik na po kayo sa restaurant para makababa na si Sir Collantes.” pakiusap pa ni Joseph na agad namang sinunod ni Luis.

Mula sa malayo ay pinagmamasdan ni Luis kung ano ang anyo ni Sir Collantes subalit bigo ang binata dahil sobrang ingat ang ginagawa ni Joseph para maitago ang identity ni Sir Collantes. Tanging likod lang nito ang nakikita niya, nakasuot ito ng coat at alam niyang kahit nakatalikod ito ay bata pa at sa tantya niya ay mas matanda pa nga siya dito.

“Drew!” sabi ni Joseph pagkabukas ng pintuan.

Diretso naman si Sir Collantes sa loob at may isang direksyong diretso niyang tinumbok. Pinihit ang pintuan subalit naka-lock kaya naman may kinuha mula sa bulsa at iyon ang pinambukas ng pinto.

“Drew, ano ba ang kukuhanin natin dito?” tanong ni Joseph nang makasunod sa binata sa loob ng silid ni Harold.

“Isang bagay na sa akin.” nakangiting tugon ni Sir Collantes. “Ang family pendant ko.” nakangiting saad pa nito saka sinuot ang kwintas na pag-aari ni Harold.

“Tara na, makikipagkita pa tayo kay Mr. Fabregas.” wika ni Sir Collantes saka diretsong lumakad palabas. “Lock the door.” utos pa nito kay Joseph.

Hinabol naman siya ni Joseph saka tinakpan para hindi makita. Agad na sumakay ng kotse at binalik ang susi kay Luis.

“Salamat boss!” pasasalamat ni Joseph kay Luis. “Napasaya ninyo si Sir Collantes.” habol pa nito.

“Sa uulitin.” nakangiting pasasalamat ni Luis.

Habang nasa biyahe paluwas ng Maynila –

“Nasa dyaryo na naman ang pagpapakasal ni Gabby.” saad ni Sir Collantes.

“Natural lang iyan dahil isa siya sa pinakamayaman sa buong bansa at mapapangasawa niya ang isa pa sa pinakamayaman.” sagot ni Joseph.

“Alam mo Joseph, kahit saan ko tingnan dapat bang paulit-ulit at araw araw nilang ipagsigawang magpapatali na sila? Ano iyon? Isang buwang countdown?” tanong ni Sir Collantes.

“Hindi naman po Sir Collantes.” mapang-asar na wika ni Joseph.

“Don’t call me that way.” kontra ni Sir Collantes. “Kinikilabutan ako.” nakangiting saad pa ng binata.

“Kanina nga feel na feel mo ang Sir Collantes.” pang-aasar pa ni Joseph.

“I had no choice.” sagot ni Sir Collantes. “Saka masyado ba akong bossy?” tanong pa nito.

“Sobra! Grabe ang tindi!” sagot ni Joseph. “You have a choice, to reveal who you are or not. Kaso ang pinili mo iyong not.” sagot ni Joseph.

“Alam mo naman di ba ang dahilan ko.” sagot ni Sir Collantes.

“Yeah! At Drew, sigurado ka na ba mamaya?” tanong pa ni Joseph.

“Oo naman! Nakahanda na ako.” sagot ni Sir Collantes. “Don’t call me Drew again coz I’m back.” sagot pa nito.

“As you wish Mr. Harold Mark Aguilar.” sagot ni Joseph saka pinaharurot ang kotse.

“Nice one Mr. Joseph Collantes.” sagot ni Harold. “Salamat sa pagpapahiram ng mabaho mong apelyido.” komento pa nito.

“Gabby oras na para lumantad ako! Ayokong makasal ka ng hindi mo nalalamang buhay ako. Wala akong dahilan na sirain ang kasal mo, pero sa oras na magkita tayo, isasampal ko sa iyo ang katotohanan. Ipaparanas ko sa’yo ang sakit na naramdaman ko, ipaparamdam ko sa’yo kung paanong mamatay ng unti-unti. Ikaw ang may kasalanan ng lahat, ang pamilya mo ang may kasalanan kung bakti muntikan na akong mamatay. Dahil ngayon, mabubuhay ang matagal nang patay!” matatalim na sudsod ng isipan ni Harold. “Ito na ang pinakamatamis na pagbabalik ko sa buhay mo!” habol pa ni Harold.


==========================

Ikaapat na Bahagi: /ee-ka-a-pat/ - /na/ - /ba-ha-gee/

Titik D, Bilang 4

Iminulat ni Harold ang mga mata at pinipilit na paganahin ang nahihilo pa niyang diwa. Sinusubukang alalahanin kung ano ang mga naganap at pinipilit tukuyin kung saan siya naparoon. May mga tinig siyang naulinigan kasunod ay mga hiyaw na wari bang nagmamakaawa at humihingi ng saklolo.

“Umamin ka na kasi!” sigaw ng isang lalaking buong-buo ang boses na talaga namang katatakutan.

“Hindi nga talaga!” impit ng isang paos nang tinig subalit sigurado pa rin siyang lalaki ito at nagdanas ng matinding hirap.

Ang liyong diwa ni Harold ay pilit siyang pinapabangon at pinapatayo. Dahan-dahan niyang ikinilos ang manananhid niyang mga kamay at sa pakiramdam niya ay may kung ano ang sumasakal dito. Ngayon lang niya napansin na nakabitin pala ang kanyang katawan sa itaas ng puno at anumang oras o maling pagkilos ay sigurado ang pagbagsak niya.

“Nagising ka din!” nakangising wika ng isang lalaki na buo din ang boses na sa wari niya ay nananakot kasunod niyon ay initsahan siya ng napakalamig na tubig.

Nanginig ang buong katawan ni Harold sa lamig. Kalagitnaan nang gabi at kasalukuyang nagpapalit na ng araw, ramdam na ramdam ng kalamnan ni Harold ang ginaw at lamig. Tagos na tagos iyon sa kanyang buto na ngayon ay nangangalisag na din dala ng kaba at takot sa kung ano ang maaring mangyari sa kanya.

Walang anu-ano ay bigla siyang nalaglag sa puno at nuon lang niya napagtantong hindi naman pala kataasan ang pinagtatalian sa kanya.

“Aaanooong kaailangaaan nininyo sasasa aakin?” nanginginig na tanong ni Harold sa lalaki.

“Huwag kang mag-alala, malalaman mo din.” nakakaasar na turan ng lalaki. “Isang tanong lang naman, answerable by yes or no.” mayabang pa nitong dugtong.

Nanatiling tahimik lang si Harold at nahulog sa malalim na pag-iisip sa tunay na pakay sa kanya ng mga lalaki at kung bakti kailangan pa siyang dalhin sa masukal na kabundukan. Sigurado si Harold na nasa mataas sila na lugar, iba ang lamig dala ng maraming humidity ng hangin at naninibago din siya sa paghinga dahil sa mataas na altitude.

“Iupo na ninyo iyan!” utos nang lalaking kausap kanina ni Harold saka turo sa isang tumpok ng lupa na may kaunting liwanag.

Tila hayop siyang hinatak ng dalawa pang lalaki saka pilit na iniupo sa tumpok ng lupa. Naninibago pa ang mga mata ni Harold sa liwanag at medyo nasisilaw pa ang mga mata ng binata.

“Saan nagtatago ang mga kasamahan mo?” tanong ng lalaki na ngayon ay nasilayan na niya ang mukha. Semi-kalbo ang lalaki na sa tantya niya ay nasa trenta na ang edad, malapad ang balikat at kita na banat sa training at physical exercise.

“Anung saan nagtatago?” tanong ni Harold. “Mga kasamahan? Sinung mga kasamahan?” tanong pa ng binata.

“Gago!” tutol ng lalaki. “Sumagot ka ng maayos.” galit na wika pa nito.

“Please specify your answer!” nagmamatapang at inis na tugon ni Harold. Ang ayaw niya sa lahat ay masyadong generalize ang katanungan at pinipilit siyang sumagot ng hindi niya alam ang sagot. Baliwala ang takot at kaba na nararamdaman niya dahil mas umiral na naman sa kanya ang pagiging bata kung mag-isip at bugnutin.

“Mayabang ka!” sagot ng lalaki. “Alam mo bang hawak ko ang buhay mo?” tanong pa nito.

“Alam ko! Hindi naman ako tanga.” sagot ni Harold na wala man lang katakot-takot na mababakas. “Humanda kayo pag nakatakas ako! Isusumbong ko kayo sa Commission on Human Rights!” pagbabanta pa ni Harold sa sarili.

“Matapang ka!” sagot ng lalaki. “Saan ang kuta ng NPA?” tanong pa nito.

“Iyon lang pala!” nakahinga ng maluwag sa tugon ni Harold. “Malay ko! Bakit sa akin ka nagtatanong?” balik na tanong ni Harold. “Saka akala ko ba yes or no lang ang sagot ko?” kasunod pa nitong tanong.

“Ulol!” galit na wika ng lalaki saka sinampal si Harold.

Malakas ang pagkakasampal, napabiling nito ang mukha ng binata. Namumula, mahapdi, masakit, makapanginig ng laman.

“Isusumbong kita sa CHR!” naibulalas ni Harold.

Walang anu-ano ay ang kabilang pisngi naman ang sinampal ng lalaki.

“Ang ingay mo! Sagutin mo na lang iyong tanong ko.” inis na tugon ng lalaki.

“Bugnutin!” bulong ni Harold.

“Ano ka mo?” tanong ng lalaki.

“I know nothing!” sagot ni Harold.

“Huwag mo akong ginagago!” madiing wika ng lalaki. “Sumagot ka ng maayos.” dugtong pa nito.

“Sumasagot naman ako ng maayos di ba?” kontra ni Harold. “Hindi naman ako masokista para pahirapan pa ang sarili ko kung may alam ako.” dugtong pa ng binata.

“Pahirapan iyan! Huwag titigilan hangga’t hindi kumakanta.” utos ng lalaki sa dalawan pang lalaki.

“Kakanta lang pala!” wika ni Harold saka –

“Through the fire,

To the limit to the wall,

For a chance of loving you

I take it all the way.” kanta ni Harold.

“Gago!” inis na wika ng lalaki saka binatukan si Harold. “Ibitin na iyang pilosopong iyan.” utos pa nito.

“Sabi mo kumanta!” isip batang tugon ni Harold na pilit lang na inaalis ang kaba at takot sa maaring mangyari kaya naman kung anu-ano ang pumapasok sa kukote niya.

“Gawin ninyo lahat para mapagsalita!” inis na turan pa ng lalaki.

“Nagsasalita naman ako!” pilosopong tugon pa ni Harold.

“Tingnan ko lang ko mapilosopo mo pa kami pagkatapos ka naming gutay-gutayin.” wika ng isang lalaki saka tinaliuan sa paa si Harold.

“What are you doing?” tanong ni Harold na sa isang iglap lang ay nakabitin na patiwarik.

“Hey! Ibaba ninyo ako dito!” maingay na tutol ni Harold.

“Nasaan na sinabi ang kuta ng mga kasama mo?” tanong pa ng lalaki.

“Hindi naman ako manghuhula para malaman ang sagot sa tanong mo.” mabilis at walang prenong tugon ni Harold.

Biglang iwinasiwas ng lalaki si Harold na tila isang swing sa puno.

“Magsalita ka na kasi. Umamin ka na.” pamimilit pa ng lalaki.

“Shitness! Anung aaminin ko? Tang ina! Hindi naman ako NPA para malaman ang sagot sa tanong mo.” maingay pa ding tugon ni Harold.

Kasunod nuon ay nilatigo ang nakabiting patiwarik na si Harold.

“Ahh!” sigaw ni Harold na hindi magawang mamilipit sa sakit.

Ang isa ay nasundan pa ng isa pa at nang isa pa, puro daing lang ang naririnig kay Harold, sakit, kirot, hapdi at pakiramdam nga niya ay nagsususgat ang bawat hampas sa kanya ng latigo. Ngayon lang niya nararamdaman ang takot sa mga nagyayari, kung kanina ay may yabang pa siya dala nang masamang pagkakagisisng, ngayon ay sinasampal na sa mukha niya ang realidad na wala na siyang takas pa. Nagsisismula na siyang balutin ng takot at pangamba para sa sariling buhay at sa kapahamakang maaari niyang maranasan.

“Magsalita ka na.” pamimilit pa ng lalaki.

“Wala kang makukuha sa akin.” matapang ngunit natatakot na tugon ni Harold.

“Ganun!” walang pagdadalawang-isip na binagsak ng lalaki si Harold saka tila hayop na kinaladkad si Harold sa buhok.

“Saan naman ninyo nakuha ang ideyang NPA ako.” tanong pa ni Harold nang makarating sila sa isang drum na puno ng maruming tubig.

“Wala ka ng pakialam duon!” wika ng lalaki saka inilublob si Harold. Walang kamay na maikakampay si Harold dahil nakagapos ang mga ito at tanging katawan lang niya ang nagbibigay senyales na hindi na niya kayang manatili sa tubig.

“Mali ang asset ninyo sa impormasyon!” komento pa ni Harold na muli ay nilublob sa maruming tubig.

“Tumahimik ka na lang kung hindi mo sasagutin ang tanong namin.” madiing utos pa ng lalaki.

“Anung sagot ba ang gusto ninyong gawin ko?” tanong ni Harold. “You’re not listening and believing.” komento pa ni Harold nang muling makaahon sa tubig. “You relied so much to your asset but how sure are you na tama ang sinasabi niya?” tanong pa ni Harold.

“Madami ka pang satsat!” inis na tugon ng lalaki saka muling nilublod sa tubig si Harold.

Habang nakalublob ay naramdaman ni Harold na para bang may gumagapang sa katawan niya, mga maliliit na paang lumalakad sa kanyang balat. Kumakati, humahapdi at nakakakiliti sa pakiramdam.

Muli siyang inahon at itinulak ng dalawang lalaki. Napaupo ang kawawang si Harold na pilit lumalaban sa putikan. Binuhusan ng mas maraming hantik ang binata, mula sa likuran ng damit niya at sa loob ng pantalon na suot, nagkikisay si Harold sa kati at hapdi.

“Magsasalita ka na ba?” tanong ulit ng lalaki.

“Wala nga akong sasabihin.” sagot ni Harold na paikot-ikot sa putikan.

“Ang tibay mo!” wika ng lalaki saka hinagupit muli ng tatlong ulit ang kawawang binata.

“For heaven’s sake! Mga wala kayong puso!” naluluha at nahihirapan nang magsalitang sabi ni Harold na naubos na din ang lakas sa katawan.

“Seph! Kunin mo na ang HV 4.” utos nang lalaki sa kasamahan.

“Sigurado ka ba Joe?” tanong naman ni Seph.

“Oo!” sagot ng lalaking tinawag na Joe.

“Pero…” tututol sana si Seph.

“Ako ang senior mo kaya sumunod ka na lang ng matapos na ang trabaho natin dito!” madiing utos ni Joe.

Sandali lang ang lumipas at agad nang pumasok ang lalaki na may bitbit na tila maletang maliit. Pagkapasok nang lalaki ay muli siyang binitin ni Joe sa puno, binuhusan ng malamig na tubig at naramdaman niya ang kirot ng mga sugat at hapdi nang mga latay at kagat ng hantik. May ibinitin din sa paa niya at ramdam niya kung gaano iyon kabigat. Pakiramdam ni Harold ay para bang hinahatak siya pababa at ang mga buto niya ay magkakalagas-lagas dala ng bigat. Maluha-luha subalit buo pa din ang kumpyansa ng binata, wala nga siyang alam sa NPA at totoong hindi siya kasapi nuon, alam niyang sina Sean at Kenneth ang may kakayahang sagutin ang mga tanong sa kanya ng lalaki subalit ayaw niyang mapahamak ang mga ito kaya maingat siya sa pagsagot at umiiwas sa pagbanggit ng pangalan.

“Ang hirap naman nito! Wala nga akong alam pero pinapahirapan pa ako!” usal ni Harold na bagamat natatakot na at nahihirapan ay pinipilit pa ding maging mayabang para paniwalaan siyang wala talaga siyang alam.

“Tingnan ko lang kung makapagyabang ka pa!” wika ni Joe saka isang napakalakas na hagupit ang binigay kay Harold.

“Arrghhh!” hiyaw ni Harold.

“Sige na Seph!” utos ni Joe.

Hindi na nakita pa ni Harold kung ano ang ginawa ni Seph at bigla na lang siyang nanginig. Nakaramdam siya ng kuryenteng dumaloy sa buo niyang katawan mula sa mga daliri sa kamay at paa. Literal na kinukuryente nang mahinang boltahe si Harold at halos sumuko na ang puso niya sa pahirap na iyon.

“Ano?!” tanong ni Joe.

“Wala nga.” isang walang pag-asang Harold na ang sumagot na nakaramdam ng panghihina. Ang tingin na niya sa kausap ay isang demonyong nagkatawang tao na walang puso para maawa at mahabag. Isang taong walang kaluluwa at walang kunsensya na may kakayahang tiisin ang nakikita.

“Isa pa!” utos ni Joe kay Seph.

“Baka nga wala talaga siyang alam.” tutol ni Seph kay Joe.

“Lintik ka!” wika ni Joe saka tinabig si Seph at siya na ang gumawa ng pinapagawa.

“Arghh!” hiyaw na Harold na ramdam ng buong katawan na mas mataas na boltahe na ang dumadaloy sa katawan niya.

“Sige! Magmatigas ka!” natutuwang wika pa ni Joe na waring sayang-saya na nakikita si Harold na nahihirapan.

Maluha-luha at wala nang mailabas na salita pa si Harold. Damang-dama ng buo niyang katawan ang panghihina at pamamanhid dala ng kuryente. Suko na ang katawang lupa ni Harold at malapit-lapit na siyang bumigay.

“Gabby! Hindi ko na kaya!” puno ng kalungkutang bulong ni Harold sa sarili saka napapikit at dumaloy ang matipid na luha sa mga mata. Naramdaman niyang bigla siyang bumagsak at tumama ang katawan niya sa mabigat na bagay na nakakawit sa paa niya kanina pa. Naramdaman din niyang may mainit at mapanghing likidong umaagos sa likuran niya na lalong nagpahapdi sa mga sugat. Baliwala na lang iyon kay Harold, tinanggap na niya na ang gabing iyon ang tinakda para lisanin niya ang mundo.

“Sige na Joe at Seph! Ako na muna ang bahala dito.” madiing utos ng lalaking kaninang kaharap ni Harold.

“Yes Sir Vin!” sagot ng dalawa na sa wakas ay napangalanan na.

Hinatak nito sa damit si Harold subalit dahil nga sa may pampabigat na nakabitin sa paanan ng binata ay napunit ang damit nito. Pakiramdam ni Harold ay daig pa niya ang baboy, baka at kalabaw na nasa slaughter house dahil siya ay unti-unting pinapatay. Tipong humihiwalay na ang kaluluwa niya sa katawang-lupa ngunit laging naiipit at muling bumabalik para damhin ang bawat sakit.

Kinalag ni Vin ang pampabigat sa paa ni Harold saka ito muling hinatak nama sa buhok papunta ulit sa lugar na may ilaw. Nakahandusay na lang ang nagpapaubaya at kawawang si Harold, hinayaan na lang ang anumang kapalarang nakatakda sa kanya. Nagising na lang ang diwa ng binata dahil sa malamig na tubig na isinaboy sa kanya.

“Magsasalita ka na ba?” tanong nito kay Harold. “Wala pa sa kalahati ang nararanasan mo.” dagdag pa nito.

Nanatilnig tahimik lang si Harold. Naglalakbay ang diwa sa kawalan at tupok na ang pag-asang makakaligtas. Inaalala si Gabby na baka nag-aalala na ito sa kanya at ang nais niya ay mahagkan naman sana ang binata kahit sa huling pagkakataon. Dumaloy ang masaganang luha mula sa singkit na mata ng binata na hindi na magawang idilat dahil sa hirap at sakit.

“Sir Vin! May tatlong tumatakas!” balita ni Joe na humahangos pa.

“Habulin ninyo! Huwag ninyong hayaang makalayo! Lagot tayo niyan!” utos ni Vin.

“Yes Sir!” sagot ni Joe.

Agad namang tumayo si Vin at tinalian sa mga kamay at paa si Harold. Ngunit dala nang pagkataranta ay hindi niya nasigurado kung nahigpitan ba ito o hindi. Nagising ang diwa ni Harold sa mga kaluskos mula sa likuran niya, may isang kamay na nagkakalag sa mga tali niya sa katawan.

“Ahh!” wika ni Harold.

“Huwag kang maingay! Itatakas kita.” sabi ng tinig.

Nabuhayan naman ng loob si Harold dahil sa wakas ay nakakita siya ng liwanag para makaligtas.

Nang nakalag ang tali ay inalalayan ng lalaki si Harold para makatayo. Nakabawi na din naman ng lakas si Harold at tila may bagong lakas dala ng bagong pag-asa kaya mabilis at maliksi din itong nakakilos. Kasama niya ang binatang tumakbo sa gitna nang kakahuyan, nagtatago sa mga puno kapag may nakikita silang anino na tila hinahabol sila.

“Harold nga pala pare!” pakilala ni Harold nang masiguradong nakalayo na sila sa kampo at kutang impyernong pinagdalhan sa kanila.

“Jhey-Ehm!” abot ng kamay ng binata. “Dito na muna tayo magpalipas habang hinahabol pa nila iyong tatlo. Saka na tayo sumibat pag tahimik na ang lahat.” suhestiyon pa nito.

Pakiramdam ni Harold ay mali ang plano dahil pag nagkataon ay mabilis at madali silang matutukoy kung nasaan, pero wala na sa plano pa ni Harold ang makipagtalo at makipag-away. Sinang-ayunan na lang niya ang plano nito dahil wala din siyang alam sa lugar at sa mga kaaway na pinagtataguan.

“Sirang-sira si Sun Tzu sa sitwasyon kong ito.” nasa isip ni Harold.

“Alam mo, kailangan na kailangan ako ng pamilya ko ngayon.” simula ni ng drama Jhey-Ehm sa kwento ng buhay niya. “May sakit ang mama ko at kailangang kumpleto kami. Alam ko, sobrang nag-aalala na sila sa akin pero hindi ko naman alam kung papaano makakatakas kanina.” lahad pa ni Jhey-Ehm.

Niyakap na lang ni Harold si Jhey-Ehm na katulad niya ay tadtad na din ng sugat at galos ang buong katawan. “Ayun oh! Di ba ilaw na iyon nang kalsada?” sabi ni Harold na nakuha pang makisimpatya kay Jhey-Ehm.

“Oo nga!” wika ni Jhey-Ehm saka maligayang napatayo.

“Bang!!!!!!!!!” ingay na umalingawngaw sa kanila.

“Lagot na!” wika ni Harold saka hinatak paupo si Jhey-Ehm.

Kailangang magdesisyon ni Harold, kailangang may mabuhay kahit isa sa kanilang dalawa. Kailangang may magparating sa mga kaibigan niya kung anuman ang sinapit niya, wala na siyang pamilya at tanging mga kaibigan na lang ang babalikan. Isang bagay na lang nag naiisip niya, may isang taong dapat mabuhay at hindi siya iyon –

“Jhey-Ehm! Iligtas mo na ang sarili mo, lilituhin ko sila, ilalayo ko sila dito sa pwesto na’to, magtago ka at hintayin mong makalayo sila saka ka dumiskarte nang pagtakas.” utos ni Harold.

“Paano ka?” tanong ni Jhey-Ehm.

“Kailangan mong makabalik sa pamilya mo. Kailangan ka pa nila at dapat mong isipin kung paano makakababa dito. Humanap ka ng resbak o tulong basta mahalaga may makababa dito at mabilis na makahingi ng saklolo.” pagpapayo ni Harold. “If ever na wala ka nang abutan, please pumunta ka ng Maynila, hanapin mo si Gabby Fabregas, pakibigay sa kanya itong singsing ko.” pakiusap pa ni Harold saka hinubad ang singsing sa kamay at ibinigay kay Jhey-Ehm.

Hindi pa man natatapos ang dalawa ay may kasunod ng putok ngg baril ang narinig.

“Pati itong kwintas.” sabi ni Harold sabay hubad sa kwintas, inilapag sa hita ni Jhey-Ehm at agad na tumayo at tumakbo at iniwan ang binatang tumulong.

Tago dito, tago duon, lahat nang panlilinlang na alam ni Harold ay ginawa na niya para mailayo ang mga humahabol sa kanila. Akyat ng puno, gawa ng ingay dito at duon pero ang lahat ng paghihirap ni Harold ay mauuwi din sa wala dahil siya na mismo ang nakagawa ng daan para makabalik sa imyernong kuta.

“Babalik ka din pala dito.” nakangising wika ni Vin.

Ang plano sana ni Harold ay makababa din kung saka-sakali at makatakas, pero dala ng hindi niya alam ang tinatakbong lugar ay naligaw siya at kusang nakabalik sa lungga. Nakita ng dalawa niyang mga mata na mga nakadukdok sa lupa at nakahiwalay na ang dalawang kamay sa mga katawan ng iba pang nahuling kagaya niya samantalang ang isang pamilyar na kamay ay nakita niyang ginigilitan pa lang ang kanang kamay.

“Jhey-Ehm?” tanong ni Harold nang makita ang singsing niya sa daliri ng binata.

“Sorry Harold!” wika ni Jhey-Ehm.

“Huwag!” nanghihinang tutol ni Harold. “Please, hayaan na ninyong attached ang kamay niya.” pakiusap ni Harold. “Ako na lang ang putulan ninyo ng kamay.” sagot pa ng binata.

“Oh! Magpapakadakila ka na lang din bakit hindi mo pa lubusin.” tugon ng lalaki.

“I know so much na hindi kayo magpapakawala kahit isa sa amin or kahit may makuha man kayong impormasyon siguradong matutulad kami sa kanilang naghihingalo na.” buo ang loob na wika ni Harold.

“Magaling na bata!” wika ng Vin. “Sige na, putulan na ninyo ng daliri iyan. Unti-untiin ninyo hanggang siya na mismo ang magsabing patayin na siya. Pero dahan-dahan lang.” utos ni Vin. “Ihagis na iyan sa pagpiprituhan para mabawasan na tayo ng isa.” utos pa nito.

Tinalian naman ng iba pang lalaki si Jhey-Ehm at si Harold ang unang hinarap ng mga ito. Hinawakan ang kamay at pilit pinaunat ang mga daliri. Idiniin ang kutsilyo at –

“Stop that!” puno ng kapangyarihang utos ng isang tinig mula sa likuran niya.

“At sino ka naman?” galit na tanong ni Vin.

Hindi alam ni Harold kung ano ang mararamdaman pero matapos marinig ang utos na iyon ay agad na siyang binawian ng malay. Hindi na niya narinig pa ang sumunod na pangyayari. Basta, ang alam niya, kung mamamatay man siya ngayon, si Gabby ang pinaka-unang lalakbayin ng kaluluwa niya.

“Tiktilaok!” maingay na pagbati ng mga manok.

Dahan-dahang iminulat ni Harold ang mga mata, nakakasilaw ang liwanag, masakit sa mata na tipong binubulag siya.

“Paumanhin apo ko!” wika ng isang tinig ngunit hindi niya makilala ang anyo nito.

“Sino po kayo?” tanong ni Harold.

“Hindi ko inaasahang ganito ang iyong kahihinatnan. Ang gusto ko lang naman ay mabigyan ng katuparan ang kasunduan namin ni Philip at mabigyan ng liwanag ang apo niyang si Gabby. Paumanhin apo ko! Hindi ko inaasahang sa ganitong sitwasyon ka mapupunta.” wika pa ulit ng mahiwagang tinig na hindi sinagot ang tanong ni Harold.

“Lolo? Kayo po ba iyan?” tanong ni Harold na patuloy na kinikilatis ang maliwanag at nakakasilaw na kapaligiran.

“Oo apo!” pagsagot ng tinig na sa wakas ay nabigyan na nang mukha.

“Lolo! Kayo nga.” sagot ni Harold saka niyakap ang lolo niya. “Sinusundo na po ba ninyo ako? Nasaan po sila nanay at tatay?” tanong ulit ni Harold.

“Paumanhin apo! Sa akin ang punu’t dulo ng lahat. Nagkamali ako nang tantya at sukat sa mga pangyayari.” wika nang matanda saka nag-iwan ng ngiti kay Harold.

“Teka lolo! Ano po ba ang sinasabi ninyo?” tanong ni Harold.

Ngumiti lang ang matanda saka sinundan nang isang nakakbinging –

“Tiktilaok!”

“Lolo!” hiyaw ni Harold sa papalayo niyang lolo.

“Lolo!” hiway ni Harold saka biglang napabangon mula sa isang malalim na panaginip. “Buhay ako?” tanong pa niya nang makita ang katawan at ang nasa paligid niya.

“Kamusta na?” tanong ng pamilyar na tinig kay Harold. Iyon ang boses na narinig niya na nagpatigil sa pagputol sa kanya ng daliri.

“Sino ka?” tanong ni Harold na nakaramdam ng takot.

“Huwag kang matakot Harold!” nakangiting tugon ng lalaki.

“Kilala mo ako?” tanong ulit ni Harold.

“Oo naman!” sagot ng lalaki na unang beses lang nakita ni Harold.

“Kilala ba kita?” tanong naman ni Harold.

“Hindi mo ako kilala pero kilala ako ng lolo at lola mo pati na ang nanay at tatay mo saka ng tito at tita mo.” nakangiting tugon ng lalaki.

“Huh?” naguguluhang tanong ni Harold.

“Kapatid ako sa ama ng nanay mo at mula nang mamatay si ama hindi na ako muling bumalik sa Tarlac dahil itinuloy ko na ang pagsusundalo.” sagot naman ng lalaki sa katanungan ni Harold.

“Tito kita?” naguguluhan pa ding wika ni Harold.

“Oo Tito mo ako at siya naman si Joseph ang pinsan mo at anak ko.” pakilala naman ni Joseph kay Harold.

“Di ba ikaw iyong…?” naguguluhang pagtatanong ni Harold.

“Oo, ako nga! Kung sakali muntik ko na palang patayin ang pinsan ko.” sagot ni Joseph. “First time ko lang sumalang sa interrogation at hindi ko akalaing ganun pala ang ginagawa nila.” komento pa nito.

“Sandali! Kailangan kong balikan si Gabby at ang mga kaibigan ko.” naisip agad ni Harold. “Kailangan ko ding pumunta ng CHR para magawan ng aksyon ang dinanas ko.” dugtong pa nito.

“Sandali lang Harold!” pigil ng tyuhin niya. “Hindi mo pa alam ang kwento at ang lahat.” sabi pa nito.

“Sapat na sa akin na malamang bergudo kayo at walang awa at patawad, pati iyong walang alam dinamay na ninyo.” singhal ni Harold.

“Malaking dilemma sa mga interrogators iyon Harold. Kaya nga ako hindi ako tumagal at nagpapalit agad ako. Intindihin mo na kung papalayain iyong mga inosente kuno, malamang na mas malaking gulo ang harapin ng army. Be in there place.” sagot naman ng tito ni Harold.

“It’s their choice! Pinili nilang magpabulag sa nasa pwesto. Imbes na paglingkuran ang mga mamamayan, iyong mga may katungkulan sila bumubuntot at buong giliw na inaamoy ang utot.” kontra ni Harold.

“You should first listen sa kwento ko bago ka kumilos. Pag-isipan mo kung itutuloy mo ba o hindi ang plano mo.” pamimilit ng tyuhin ni Harold.

“Okay!” sagot ni Harold na kahit papaano ay interesadong pakinggan ang naganap sa kanya.

“Para sa mga kaibigan mo patay ka na! Inilibing ka na nila kahapon at alaala ka na lang.” simula ng tyuhin ni Harold.

“Paano?” tanong ni Harold.

“Iyong lalaking may suot ng singsing mo, buong akala nila ikaw talaga iyon at lalo silang nakumbinsi sa nakuha pa nilang kwintas mo malapit sa pinaghagisan sa katawan ng lalaki.” kwento naman ng tyuhin ni Harold.

“Si Jhey-Ehm?” napuno ng awa ang damdamin ni Harold sa naging kapalarang ng binata. “Mga wala kayong puso!” sigaw ni Harold. “Kung ituring ninyo kami parang mga hayop na walang karapatan.”

“Harold! Tungkulin nila iyon para mapanatili ang katahimikan.” sagot ng tyuhin ni Harold.

“Mapanatili ang katahimikan o manatiling nang-aapi ang mga mayayaman at inaapi ang mga mahihirap?” tanong ni Harold sa tyuhin niya. “Ganyan ba talaga ang katahimikan sa inyo? Ang manatiling gutom at namamatay ang mga tao dahil walang makain? Iyan ba ang konsepto ninyo ng katahimikan? Ang pabayaang gumapang sa putik ang karamihan samantalang iilan lang ang nakakalakad nang may sapin sa paa? Ang matulog nang marurumi ang mga kamay samantalang ang iba ay nagpipilit maghugas ng kamay?” habol na tanong pa ni Harold.

“We’re talking about NPA’s here hijo!” sagot ng tyuhin ni Harold.

“Wala akong alam sa NPA dahil hindi ko sila kakilala o hindi ko alam ang pinaglalaban nila. Sabi nila komunista daw ang NPA pero ano naman ang masama kung ang hangad nila ay pagkakapantay-pantay ng lahat? Alam ko impossible iyong mangyari sa estado ng lipunan ngayon, alam ko marahas ang gusto nilang laban, pero ang para sa akin, bakit kailangang maging berdugo kayo at pati ang walang alam ay madamay?” tanong ni Harold.

“You got it right! Wala ka ngang alam, alam mo ba na sila mismo ay mga berdugo din?” tanong kay Harold. “Tulad nga ng sinabi ko, malaking eskandalo sa military kung makakalabas lahat ng underground actions. Kaya nga masusi ang mga researches at sigurado sa bawat hakbang.” sagot pa ng tyuhin ni Harold.

“Mga berdugo nga ba o pinapalabas nyo lang na berdugo para masira sila sa mata ng mga tao?” balik na tanong ni Harold. “Para sa akin, wala namang perpekto sa mundo, lahat may butas, may kamalian, basagan ng trip, paniniwala at kung anu-ano pa. Alam ko madami ding pagkakamali ang mga NPA kung sakali at alam ko din na may mas malaking pagkakamali ang military.” tugon ni Harold. “Matinding research pala! Eh bakit ako nadamay?” balik na tanong ng binata. “Sa dinanas ko, naunawaan ko na kung bakit masakit pala ang maging panig sa bayan, sa mga mahihirap at sa mga inaapi.” tugon ni Harold.

“Kung binabalak mo talagang ituloy ang pagsusumbong sa CHR, hindi kita pipigilan, pero hindi ko kayang ipangako na matitigil ang ganito, dahil hangga’t may kaliwa at kanan, magpapatuloy ang madugong tradisyon nang pakikipaglaban. Pero unahin mo muna ang sarili mo Harold! Wala ka ng dapat alalahanin pa sa lahat ng militar na nanakit sa’yo at nagpatunay na NPA ka, they are all demoted and under probation dahil sa wrong information na nakalap at pinaniwalaan nila. Ang mahalaga ngayon, pakinggan mo muna ang kwento ko.” pamimilit na sinabi ng tyuhin ni Harold.

Malalim na buntong-hininga lang ang sinagot ni Harold kasabay ang mga pigil na luha dala ng sakit na dinanas niya. Pisikal na sakit at ang pananabik kay Gabby.

“Magpasalamat ka sa lolo mo dahil siya ang nagligtas sa’yo.” simula ng tyuhin ni Harold. “Will you believe na nagpakita siya sa akin sa panaginip? He told me that you need help, na nasa panganib ka at nataon naman na bumungad sa akin ang isang folder na may files at pictures mo. Naiwan iyon ni Joseph at sa tingin ko gumawa ng paraan ang lolo mo para masundan kita. Nakita ko ang picture mo, ang address ng bahay at lahat ng personal information. Kinutuban ako kaya agad akong pumunta sa interrogation camp. Tama ang hinala ko, ikaw nga ang nawawala kong pamangkin.” sabi ng tyuhin ni Harold.

“Are you saying na some sort of magic ang nangyari? Baka naman co-incidence lang?” tanong ni Harold.

“Yeah! Impossibleng co-incidence lang dahil literal na nakapatong sa dibdib ko iyong folder. To tell you honestly, matagal nang may usapan sa pamilya na marunong gumawa ng orasyon at gayuma ang ama, may mga kaibigang dwende at maligno, tumira sa Mt. Banahaw nuong kabataan at nag-train ng mga albularyo. He didn’t confirm kung totoo iyon o hindi, pero sa nangyari, pakiramdam ko totoo.” sabi naman ng tyuhin ni Harold.

Naalala ni Harold ang sumpa sa kanilang dalawa ni Gabby, ang sinabi ng Tito Ronnie niya, ang kwento ni Gabby sa pagiging magkaibigan ng lolo nila, ang panaginip niya bago siya magising. Mahirap man paniwalaan pero nakukuha na niya ang nais sabihin ng lolo niya, at sa kwento ng tyuhin niya, pinagtibay nuon ang dati pa niyang hinalang lolo nga niya ang may kagagawan ng lahat.

“Ipina-trace ko kung saan nanggaling ang tawag na nagsabing NPA ka.” simula ulit ng kwento ng tyuhin ni Harold. “Pero sa tingin ko hindi mo na nanaiisin pang bumalik sa dati mong buhay pag nalaman mo ang katotohanan.”

Kinakabahang diretsong tinitigan ni Harold ang tyuhin niya sa mga mata nito –

“The call was from Fabregas Construction Company and ang tumawag ay nagngangalang Joel.” pagbabalita pa nito.

“What?” hindi makapaniwalang tugon ni Harold. “Ssii Joel?” tanong ni Harold.

“We bring him here! Siya na ang bahalang magkwento sa’yo kung bakit niya nagawa iyon.” sabi pa ng tyuhin ni Harold saka naman lumabas si Joseph at agad na pinapasok si Joel.

Malamlam ang mata ni Harold na tila nagtatanong sa binata kung bakit niya nagawa iyon sa kanya. Nahihiya si Joel na tingnan si Harold ng diretso lalo na at naawa siya sa sinapit nito. Siya ang naging dahilan ng muntikan nitong kamatayan.

Tumutulo ang luha sa mga mata ni Harold habang nakikinig sa kwento ni Joel. Napuno nang galit ang puso niya sa mga nalamang pagtataksil ng kaibigan. Sakit, galit at paghihinagpis, mga magkakahalong emosyon na gustong sumambulat sa munti niyang damdamin.

“Bakit Joel?” tanging katagang lamabas sa bibig ni Harold.

“Sorry Rold! Sorry!” paumanhin ni Joel.

“Your sorry will never heal the pain!” sagot ni Harold na lalong dumalas ang mga luha sa mata.

Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa buong paligid. Naglalakbay ang diwa niya, blanko, tabularasa, bigla siyang nabobo at natanga dahil kahit anung pilit ay bakante ang nasa isip niya.

Matagal-tagal ding nasa ganuon silang anyo, ay biglang may pumasok sa kukote niya. Isa lang ang nasa isip niya ngayon, dahil sawa na siyang lagi na lang inaapi, kailangan niyang kumuha ng kapangyarihan, kailangan niyang gumapang paangat at paitaas. Papatunayan niyang makakaya niyang maging mayaman sa malinis na paraan. Papatunayan niyang hindi na kailangang mang-apak ng ibang tao at manira ng karapatan para lang makaangat. Isang bagay pa – papatunayan niyang hindi totoo ang kasabihan “the slaves of today are the oppressors tomorrow.” Pangunahing ibinabato sa kanilang mga aktibista.

Unti-unti nang nabubuo ang plano ni Harold kung papaano siya babangon at magsisimulang muli. Sandaling kinalimutan ang iba at uunahin niyang ayusin ang mga plano sa sarili.

“Ako nga pala si Jonas Collantes!” pakilala ng tyuhin ni Harold para naman matapos na ang katahimikan sa pagitan nilang apat.

“Collantes?” tanong ni Harold.

“Hindi ko ginamit ang surname ni ama na Oliveros, instead ginamit ko ang sa ina ko.” sagot ni Tito Jonas.

“Tito, pwede po bang pagamit ng pangalan ninyo?” nakangiting pakiusap ni Harold.

“Ayos lang Harold Mark Collantes.” sagot ni tyuhin ni Harold.

“Andrew Collantes po tito.” sagot ni Harold na senyales nang pagsisimula ng kanyang pagbangon.

Dahil na din sa pagpupursigi at sa pera ng kanyang tyuhin ay pinagtulungan nila ni Joseph ang pagtatayo ng negosyo. Labag man sa sariling paniniwala, tulad nang pagmamahalan nila ni Gabby, ay pinili niyang maging kapitalista, isang makabayang kapitalista. Pinagpatuloy niya ang pagiging freelance ghost writer at humanap ng mga publishing house na pwedeng mag-publish ng mga akda niya na nakapangalan lahat sa isang Andrew Collantes. Tanging si Joseph lang ang nagpapakita sa mga meetings, at kinakatawan at nanatiling pribado si Andrew Collantes. Naging mata naman niya si Joel sa FabConCom at sumusubaybay sa lahat ng kilos ng mga tao duon, si Joel din ang ispiya niya para kamustahin ang kalagayan nila Gabby, Kenneth at Sean, samantalang lagi naman silang bumibisita sa lumang bahay niya sa Tarlac at kinakamusta si Luis sa pamamagitan ni Joseph.

Anim na taon na at oras na ng pagpapakilala at pagbabalik. Masakit para sa kanya na malamang ikakasal na ang taong pinakamamahal, ngunit wala siyang balak na sirain ang kasal nito. Ang gusto lang niya ay makita siya ni Gabby na buhay na buhay bago ito tuluyang magpatali sa babaing pinalit sa kanya. At ayon sa kwento ni Joel, masaya at mahal na mahal ni Gabby si Riza kaya naman wala siyang dahilan para pigilan ang kasal. Masakit man, pero dapat niyang tanggaping nakita na ni Gabby ang babaeng kauri niya.

Gugulatin ang lahat sa muli niyang pagbangon at pagkabuhay. Ito na ang simula para makilala nila ang katauhan ni Andrew Collantes at ang bagong Harold Mark Aguilar na minsang inabuso ng lipunang pinatatakbo ng pera.

3 comments:

Midnytdanzer said...

Ang ganda na po. Exciting... Sana mbilis ang update para di maputol ang momentum nga kwento.

HAPPY NEW YEAR

emray said...

thanks! :-)

Brye Servi said...

Yan ang sinasabi kong twist! woohoo! kung may kinalaman man ang nanay ni gabby sa false info na naging dahilan para pahirapan ng militar si harold, yari sa akin ang babaeng iyan. AVADA KEDAVRA! affected masyado? :)) good job! aantayin namin ang next update. HAPPY NEW YEAR! :)