Monday, February 28, 2011

SONGS WE USED TO SING : MORE THAN WORDS

Three


“Now I've tried to talk to you and make you understand.
All you have to do is close your eyes
and just reach out your hands and touch me.
Hold me close dont ever let me go.”
-Extreme



MATAPOS ko'ng dumaan sa hospital (na inaasahang makikita ko'ng muli si Viktor o kaya naman ay hindi pa ito lalabas) ay nagpagupit ako nang buhok. Ang mala-bao kong buhok ay pinaiklian ko hanggang sa halos hindi ko na ito mahila ngunit hindi naman ito nalalapit sa army-cut, ni Viktor.

Namili din ako nang ilang libro nang mapadaan ako sa isang bookstore at bagamat tambak na ang libro sa aking kwarto ay hindi ko napigilan ang aking sarili dahil sa ang mga librong ito ay ang mga kopyang matagal ko nang hinahanap. Sa paghahanap ko nang mga babasahin, nakita ko ang isang libro na umagaw sa aking atensyon. Noong una ay nag-dadalawang isip ako kung bibilhin ko ba ito, ngunit di naglaon matapos kong basahin ang buod sa likod ay 
isinama ko na din ito sa aking babayaran. Tungkol ito sa isang lalaki'ng iniwan ang kanyang asawa upang bumalik sa kanyang unang pag-ibig.
Tinago ko ito pauwi upang hindi makita nang kapatid kong babae na isang beses isang linggo ay pumupunta sa aking kwarto upang humiram nang mababasa.

Hindi ko muna binuksan ang kahon'g binigay sa akin ni Bernadette na iniwan daw ni Viktor nang umalis ito noong tanghali. Mula pa lamang sa lalagyan at sa nakasulat, kahon ito nang hopia'ng baboy at isinulat nya sa takip ang aking pangalan. Sa baba nito nakalagay ang "Salamat po'Sir. Viktor."
Hindi naman ako nasasabik sa laman nang kahon ngunit ang pinaka-inaasahan ko na lamang ay ang ibang laman. Pinagmasdan ko nang mabuti ang kahon nang hindi ko ito binubuksan at maya-maya pa ay tinanggal ko na ang takip nito upang silipin. Gaya nang inaasahan ko, isang dosenang hopia'ng baboy lamang ang laman nito at wala nang iba pa (Ano pa ba ang gusto ko'ng matanggap maliban sa nakasulat sa kahon). Kumuha ako nang isang piraso at agad ko itong kinain. Habang nginunguya ko ang hopia ay nakaramdam ako nang pag-kahinayang, matamis ang hopia ngunit mapait ang aking pakiramdam.

At sa bawat nguya'ng aking ginagawa ay napapabuntong hininga na lamang ako.
Tinangka ko nang takpan ang kahon nang maibaligtad ko ang kartong takip nito. At dito ay nabasa ko ang isang adress na isinulat gaya nang pagkakasulat sa aking pangalan sa labas. Noong una ay naisip ko'ng baka ito ang adress nang kompanya'ng gumawa nang tinapay ngunit iba ang nasa isip ko at iyon ang higit ko'ng inaasahan. Lumabas ako nang aking kwarto upang ibahagi ang mga hopia sa aking kapatid at ang takip naman ay naiwan sa aking higaan.

Sabado nang umaga matapos ako'ng mag-jogging sa Cultural Center nang maisipan ko'ng puntahan  ang adress na ibinigay sa akin ni Viktor. Hindi ko malaman kung tama ba ang aking gagawin dahil hindi din naman ako sigurado sa naghihintay sa akin doon. 

Pasado alas-onse na nang marating ko ang lugar.
Itinuro sa akin nang isang tindera sa isang sari-sari store na adress nang isang construction site ang aking hinahanap.
Nang marating ko ang sinasabing lugar, napalilibutan ang lugar nito nang yero'ng pininturahan nang kulay puti at tanaw ko lamang mula sa itaas nang mga ito ang higanteng kalansay nang ginagawang gusali. Binalak ko'ng ikutin ang palibot nang pader na yero upang hanapin kung saan ang papasok sa loob nito, bagamat naisip ko naman din'g hindi ako makakapasok sa loob nito dahil sa delikado.

Mga ilang metro mula sa pader na kaharap ko nang lumabas ang isa sa mga trabahador nang gusali at matapos na makita kung saan sila lumalabas ay 
agad ko itong (patakbo'ng) nilapitan.

"Ah' magandang tanghali po...".

"Ay' ano po yun?". 

Tugon nang lalaki habang tinatanggal nito ang helmet sa ulo.

"May hinahanap kasi akong tao mula dyan sa site nyo...baka sana matulungan mo ako..."

"Sige ho'...ano ho ba'ng ngalan nya?..."

"Viktor...John Viktor Andres.."

"W-wala po akong matandaan na may ganyang ngalan sa mga kasama ko e'...kasi po araw-araw ay mayroong umaalis sa amin dahil sa naaayos
o natatapos na ang trabaho nila at hindi na kailangan...at sobrang dae po namin dito...pasensya ka na ho..." Paglalahad nito.

Hindi ko naitago ang pagkadismaya at halata sa akin na ayaw ko nang marinig pa ang mga susunod nyang sasabihin.

"O-okay lang...sige' salamat ha...".

 Tugon ko kahit na kabaligtaran ang ibig ko'ng sabihin.

"Teka'...may problema ho' ba?..." Pagtatanong nito.

"Ah'...wala naman, kaibigan ko kasi sya at may naka-pagsabing dito sya nagtatrabaho..." Matapos magsalita ay nagsimula na akong maglakad paalis at hindi na ako lumingon pa.

Binalak ko'ng tumakbo ngunit sa pagod ay hindi ko na rin ginawa pa. Ilang metro na ang layo ko mula sa lugar nang may tumawag sa aking pangalan.
Noong una ay hindi ako sigurado ngunit habang papalapit ang boses ay unti-unting lumilinaw ang pangalan ko habang ito ay binabanggit.
Sa sigurado'ng pagkakataon ay nilingon ko ito at nakita ko'ng humihingal si Viktor nang naka-ngiti sa aking harapan. Hindi muna ito nagsalita at lumingon nang sandali sa mga kasamahan nitong
nakatingin sa amin.

"Mga kasama!, sige mauna na kayo sa karinderia...susunod ako!...si Dok Angelo to'..."

Kumaway naman mula sa akin ang mga kasamahan nito, ang iba ay sumaludo pa at nag-patuloy na rin'g lumakad palayo. Doon ko din napansin na mukhang tanghalian na nilang lahat dahil sa naglalabasan na ang ibang trabahador nang gusali.

Humarap na sa aking muli si Viktor at...

"Ang tagal po kitang hinintay...apat na araw?..."

Tumango ako dito at ngumiti. Sinabihan ko kung okay lang ba na kumain kami nang sabay nang tanghalian na kahit ako'y nagugulat sa aking mga sinasabi.
Magiliw naman syang sumangayon at sinabi nyang ililibre nya daw ako dahil kasusweldo lamang daw nito. Napansin ko din na bahagya'ng tabingi pa ito kung maglakad kaya tinanung ko sya kung kamusta na ang kanyang kalagayan at kung okay lang ba na nagtatrabaho na syang agad.
Sinabi naman nitong mabuti na ang kanyang pakiramdam at ang paglalakad nya nang tabingi ay dahilan lamang siguro nang hindi nya pag-gamit  sa isa nyang paa nang matagal. Inikot namin ang buong lugar upang maghanap nang karinderia'ng makakainan ngunit bawat lugar na puntahan namin ay 
puno na nang tao. Kaya naisip ko'ng dalhin sya sa isang fast food chain na sya nya namang ikinagulat dahil aaminin nya daw na hindi nya ako kayang ilibre
dahil pang-karinderia lang ang kanyang pera. Sinabi ko namang huwag syang mag-alala at ako na ang bahala, pumasok na kami habang paulit-ulit syang nangangakong ikakain nya din ako sa mamahaling kainan.

Nang pinapili ko sya nang pag-kain, sinabi na lamang nitong ako na daw ang bahala at dito'y sinobrahan ko ang nakikita ko'ng normal nyang kinakain na nagbigay na naman nang paraan upang paulit-ulit syang magpasalamat sa akin. Habang kumakain ay patuloy ang kanyang pagkukwento tungkol sa kanyang trabaho at sa paglalagay nya nang adress sa regalo'ng binigay nya sa akin.

"Paggising ko po nang umaga, tinanung kita sa nars na nagpainom sa akin nang gamot nung umaga...,"

Dito ay nagsimula akong mamula at iniisip ko kung ano pa'ng ibang bagay ang itinanong ni Viktor kay Bernadette.

"kung nasaan ka...tapos sabi nya nga po na day-off mo daw...nagalala po ako noon...kasi baka hindi na kita makita,..."

Nilahad nya ang mga ito nang hindi tumitingin sa akin at patuloy sa pagkain.

"Natakot ako nun'...kaya naisip ko na sulatan yung binigay ko sa'yo....ay' teka! kumakain ka po ba nung hopia na baboy...
hindi naman talaga baboy yun, yun lang po ang tawag..."

"Haha...oo naman, ano ka ba." 

Habang kaharap ko sya ay kinakagat ko ang aking dila upang pigilan ang aking sarili sa paulit-ulit na pagngiti. Ngunit minsan ay hindi ko ito napipigilan.

Hindi ko alam kung ano ang pinasok ko ngunit hindi ko talaga mapigilan.
At ang mga bagay na nangyayari sa akin ngayon ay talagang ngayon ko lamang naramdaman at aaminin  kong ngayon lang ako naging ganito kasaya. 

Bago kami umalis sa food chain ay ibinigay nya sa akin ang natirang tissue na hindi namin nagamit at sinabi nyang huwag ko daw bubuksan hanggang hindi kami naghihiwalay. Tinanong ko sya kung bakit hindi ko pa buksan ngayong nasa harap ko sya.

"Nahihiya po ako sa sinulat ko e'..."

Ang tangi nya lamang sinabi, na nagbigay sa akin nang ideya kung ano ang nakalagay dito. Binalak ko din'g gawin ang naiisip ko'ng ginawa nya ngunit mabuti at inunahan nya ako.

Nang maghihiwalay na kami ay tatlong beses nyang pinisil ang aking mga braso at habang papalayo kami sa isa't-isa ay paulit-ulit syang kumakaway at patuloy na lumilingon hanggang sa hindi ko na sya makita.

Itutuloy

Sunday, February 27, 2011

SONGS WE USED TO SING : ALL I WANT

Two



“And it won't matter now. 
Whatever happens to me.
Though the air speaks of all we'll never be
It won't trouble me.”

-Toad The Wet Sprocket






AKO nga pala si Angelo. Marion Angelo Ebenezer Alcantara.

Oo', ganyan kahaba ang pangalan ko. Galing sa lola ko, paboritong author nang aking ama at nakuha naman ni mama sa isang diksyonaryo nang mga pangalan.
Pero Angelo lamang ang palaging itinatawag sa akin, sa bahay man o sa aking trabaho. Limang taon na akong staff nurse sa isang pampublikong ospital na bagamat hindi ganoon kalaki ang sahod ay ayos din naman sa dala nitong mga benipisyo.
Nagkaroon nang dalawang girlfriend na taon din naman ang itinagal ngunit hindi ko lang talaga alam ang dahilan kung bakit ngayon ay hindi ko na sila kasama. Iyong una ay ipinagpalit ako sa kanyang first love samantalng ang isa naman ay "It's all about me, not you" ang dahilan. Sa mga panahong kasama ko sila, nagawa ko namang ibigay ang lahat nang aking makakaya lalo na ang oras ko sa mga ito. Ngunit ganoon lamang talaga siguro kapag hindi talaga para sa isat-isa, wala kang magagawa. Pero naniniwala pa rin akong ang lahat nang ito ay nangyayari dahil sa kanilang kagustuhan at sa kanilang mga desisyon na kanilang isinakatuparan.

Hindi ko alam kung dapat ko bang ilahad ang lahat nang aking nararamdam,
(dahil sa hindi naman talaga ako palakwento, maliban na lang kung ako'y tanungin) ngunit hindi ko mapigilan na hindi tumugon.

Dalawang araw na ang nakalipas nang ma-admit dito si Viktor. John Viktor Andres ang kanyang buong pangalan. Aaminin kong hindi ko alam ang gagawin sa tuwing papasok ako sa kanyang kwarto. Bagamat may mga bagay na kailangan ko talagang isakatuparan gaya nang pagpapainom nang gamot at pagkuha nang kanyang vital signs ay nakikita ko'ng madalas na balisa ang aking sarili sa mga araw na nakalipas. Mabuti na lamang at makwento ito, na ang tanging gagawin ko na lamang ay ang makinig. Nabiyayaan sya nang mahaba at kulot na pilik-mata, kaya ang pag-iwas na sya ay tingnan ang isa sa mga bagay na hirap kong gawin sa tuwing nasa loob ako nang kanyang kwarto. Ang mga mata nito na tila ba walang kulay puti na lalo pang nawawala sa tuwing sya ay tumatawa (na madalas nyang gawin) at halos nagmumukhang guhit na lamang ang mga ito sa kanyang bilugang mukha.
Malaki ang kanyang pangangatawan (na siguro ay dahil sa tipo nang kanyang trabaho) ngunit may mga oras na umaasta syang parang bata na sa tuwing may makikitang kakaiba sa kanyang paligid ay ngingiti ito at mamamangha.

Madalas nyang ikwento sa akin ang buhay nya sa kanilang probinsya.
Panganay daw sya sa pitong magkakapatid kaya sya lamang ang inaasahan nang kanyang mga magulang. Kaya sobra nyang ikinalulungkot (kahit hindi halata) ang sinapit niyang aksidente. Madalas nya rin'g itanong sa akin kung magkano na ba ang kanyang babayaran sa kanyang pamamalagi dito sa ospital. At dahil hindi ko naman alam ang sagot sa kanyang katanungan ay sinasabi ko na lamang sa kanyang huwag na itong alalahanin at intindihin na lang ang kanyang paggaling. Isa pa, sigurado naman akong tutulungan sya nang kompanyang kanyang pinapasukan sa kanyang mga gastusin.

Ikaapat na araw na nito nang tanungin nya ako kung pwede ko daw bang sulatan o pirmahan ang cast sa kanyang binti. Tinanggihan ko ito dahil naisip kong magdadala lamang ito nang suspetsya sa aking mga kasamahan at kahit hindi ko sa kanya sinabi ay naisipan ko din'g huwag nang dalasan ang pagbisita sa kanya kung hindi naman talaga kinakailangan. Nang sumapit na ang hapon sa araw na iyon at nang magpainom na ako nang gamot sa kanya ay inabutan ako nang mga kasamahan nito sa trabaho. May dala ang mga itong pasalubong para sa kanya na hindi ko naman malaman kung bakit ko ikinatutuwa.

Tumango ako sa mga kasamahan nito upang ipahayag na lalabas na ako at magalang din namang ngumiti ang mga ito sa akin. Nang hawakan ko na ang door knob nang pinto ay tinawag ako ni Viktor.

"Sir Angelo. Kain ka po..."

“Ay oo nga po dok'..."

Alok din nang iba pa.

"Sige..."

Ang tangi ko lamang naisagot at tuluyan nang lumabas.
Nang maisara ko na nang mabuti ang pinto, narinig ko na lamang ang boses nyang magiliw na nagkukwento.

"Baka bukas mga pare ay maka-uwi na ako..."

At patuloy na akong naglakad palayo.
Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan matapos itong marinig ngunit alam kong ang isang dahilan nito ay dahil day-off ko bukas.

Bago ako mag-out nung gabi ay huli ko syang binisita sa lahat bago ako umuwi.
Nakita kong mayroon nang mga pirma ang kanyang paa na marahil ay nagmula sa kanyang mga kasamahan.

"Yan po sir, pwede ka nang maka-pirma...madami na sila..."


Sambit nya sa akin nang naka-ngiti habang iginagalaw-galaw pa ang parteng ito nang kanyang katawan. Bago ako magpaalam ay nag-pasama pa ito sa akin sa comfort room sa loob nang kanilang kwarto. Bagamat kaya nya na daw ang tumayo, ay inalalayan ko pa rin sya papunta dito. Inantay na lamang sa labas at sinabihang tumawag lamang kung mayroon syang kailangan. Maliban sa tunog nang tubig mula sa gripo na tumatama sa loob nang drum, inakala ko nung una na umiiyak ito kaya kinatok ko syang agad. Saglit pa ay lumabas na ito at bago pa man mag-ingay ang katahimikan sa aking hindi pag-sasalita ay nagpaalam na ako sa kanya. Tiningnan nya lamang ako mula sa kanyang pagkakaupo sa kama. Noong una ay inakala kong bigla syang iiyak dahil nakita ko'ng nagsisimulang kumislap ang kanyang mga mata. Ngunit bago pa man pumatak ang inaakala kong luha ay bigla na lamang syang ngumiti. Hindi ko maipaliwanag ang aking naramdaman nang mga oras na iyon.Ngunit lumuha pala ako nang hindi ko namamalayan. Malamang ay luha iyon mula sa sobrang saya na hindi ko alam kung saan nanggagaling.

Nang mapansin nyang ako ay lumuha, bahagya syang napalapit sa akin at agad na pinunasan ang aking mukha gamit ang kanyang kaliwang kamay.
Hinayaan ko lamang ito at maya-maya pa ay bigla nyang kinuha ang aking mga kamay at mahigpit itong hinawakan. Pinagmasdan nya ito nang mabuti at walang ni isa man sa amin ang nagsalita. Hanggang sa basagin ko ang katahimikan at sinimulang magsalita.

"Kailangan ko nang umuwi."

Tanghali na nang ako ay magising at mabilis akong nag-ayos matapos kong idilat ang aking mga mata. Nagmamadali ako sa isang bagay na hindi ko sigurado kung ano. Sa tuwing day-off ko ay sa bahay lang ako nag-papalipas nang oras o madalas ay buong araw na natutulog upang makabawi sa pagod sa trabaho. Bihira din naman akong mamasyal dahil ayokong gawin ito nang mag-isa.

Agad akong pumunta sa ospital at agad na nag-tungo sa aming station.
At dahil sa hindi ako naka-duty ay magmasid at makipag-kwentuhan na lamang sa aking mga katrabaho ang aking magagawa. Sa mga oras na iyon ay gusto kong tanungin o tingan ang chart ni Viktor ngunit hindi ko ito kayang gawin.
Pinipigilan ko ang aking sarili at gusto ko din'g puntahan ang kanyang kwarto na ilang lakad lamang ang layo mula sa aming station.

Maya-maya pa ay lumabas ang isang nurse na aking kaibigan sa kwarto ni Viktor at nang makita ako nito, malayo pa lamang ay batid ko na ang kanyang mga ngiti.

"Aba, aba, aba...ano'ng ginagawa mo dito?..."

Tanong sa akin ni Bernadette.
Na isa sa itinuturing kong mabuting kaibigan at hindi lang kasama sa aking trabaho.
Si Bernadette na walang kwentong hindi naka-lagpas sa kanyang pansin. Ewan ko na nga lang sa mga usapan pagdating sa akin.

"Eto', pinapanuod ang mga toxic..."

Pinilit kong tumawa, kahit na hindi talaga ako mapakali. Gusto ko ding
tingnan ang hawak nitong chart kung bago ba ito o yung kahapon pa din.

"Sira ka talaga ...ay teka...may pinabibigay pala sayo yung alaga mo..."

Nakukuha ko naman ang respeto’ng inaasahan ko sa lahat nang aking katrabaho, maliban kay Bernadette na lahat ay nasasabi sa akin nang harapan na dala na din siguro nang aming matagal na pagkakaibigan. Wala nga lang akong ideya kung ang bagay na pinaka-tatago ay kanya ding nalalaman. Nang marinig kong sinabi nya ito, pakiramdam ko'y bigla akong pinana sa dibdib sa pagkaka-alam na wala na nga sya dito at sa kung anong bagay ang kanyang iniwan. Nakita ko'ng kinuha ni Bernadette ang isang maliit na kahon mula sa maliit naming refrigirator at agad nya itong iniabot sa akin.

"O' yan...galing yan sa pasyente mo...mamigay ka ha'...haha...pasalamat ka at di ko pinag-tangkaang kainin...".

"Haha...ikaw talaga...".

Napansin ko ang kahon at nakita ko dito ang pangalan nang aking kliyente.
Ang isa sa dalawang babaeng aking inalagaan na na-discharge na noon pang isang araw.

"O' napadaan lang ako, alis na din ako...hmm.. Gusto mo?..."

Sambit ko dito.
At inalok ko sa kanilang lahat ang tsokolate.

Nalungkot ako sa pag-kakaalam na iyon na marahil ang huli naming pagkikita. Bagamat pinilit kong maging masaya, tingin kong hindi ko naman ito lubusang naitago. Kaya agad na din akong nag-paalam sa kanila upang maka-alis. Nang papalapit na ako sa elevator upang makababa, narinig kong muli ang boses ni Bernadette na tumatawag sa aking pangalan. Nang lumingon ako dito, nakita kong may hawak na naman itong kahon at sumesenyas sa akin na upang lumapit.


Itutuloy...

Dreamer C15

Dreamer

Chapter 15

Brotherly Love

“Sino siya pare?” tanong ni Mando kay Tino.

Humugot muna nang isang malalim na buntong-hininga si Tino bago nagsalita – “Siya ang tatay ni Vince.” diretsong sinabi ni Tino kay Mando.

“Anong sinasabi mo Tino?” galit na wika ni Mando.

“Pare, siya si Donald ang tunay na tatay ni Vince.” giit ni Tino.

“Ako ang tunay na tatay ni Vince!” pilit ni Mando. “Ako lang at wala nang iba.” sabi pa nito.

“Pare!” simula ni Donald. “Alam ko namang mapamahal na sa iyo ang anak ko!” sabi pa nito. “Pero, huwag mong ipagkait sa kanya ang karapatan bilang isang anak ko.” sagot pa ni Donald.

“Anak ko si Vince!” pilit na giit ni Mando. Pinipilit niyang huwag bumigay na kahit na nga ba ang katotohanan ay nais nang bumigay ng mga tuhod niya dahil sa nalamang balita na iyon. “Anak ko so Vince at hindi mo anak! Maliwanag!” buong diing wika pa nito na pinipilit palakasin ang sarili.

“Pero pare!” wika ni Tinos aka nasa aktong papalapit kay Mando.

“Huwag kang lalapit!” pigil ni Mando. “Umalis na kayo dito!” saad pa nito.

“Mando naman!” wika ni Tino.

“Sabi ko umalis kayo dito!” nanggigilaiting wika ni Mando.

“Sige, aalis kami ngayon, pero sana isipin mo si Vince. Karapatan ni Vince na malaman ang buong katotohanan. Wala kang karapatan para ipagdamot sa kanya iyon.” pamamaalam ni Tino.

“Hindi Tino!” awat ni Donald. “Hindi ako aalis dito hangga’t hindi ko nakikita si Vince!” wika nito. “Hindi ako aalis dito hangga’t hindi ko nakikita ang anak ko!” madiing wika ni Donald.

“Itakbo mo ang bata!” wika nang nanghihinang lalaki.

“Teka sandali lang!” tila pagtulong naman ni Mando sa lalaking iyon.

“Iwan mo na ako! Mahalaga mailigtas mo ang bata!” pakiusap pa nito.

Ngunit imbes na sundin ni Mando ang lalaki ay buong lakas pa din niya itong tinulungan. Isinakay sa trike na dala niya at dinala sa pinakamalapit na ospital.

Makalipas ang ilang oras at –

“Kamusta na po siya dok?” tanong ni Mando sa doktor.

“He’s fine!” sagot ng doktor.

Tila nabunutan naman ng tinik si Mando sa balitang iyon ng doktor.

Makalipas ang ilang araw –

“Kamusta ka na?” tanong ni Mando sa tinulungang lalaki.

“Salamat sa pagliligtas.” pasalamat nito. “Nasaan na ang bata?” tanong pa nito.

“Ah si Vince ba? Inaalagaan ng asawa ko sa bahay.” sagot ni Mando.

Wari bang nakahinga ng maluwag ang lalaking iyon sa sinabi ni Mando.

“Ako nga pala si Mando.” pakilala ni Mando sa lalaki.

“Tino!” sagot ng lalaki.

“Ano nga pala ang nangyari sa’yo bago kita iligtas?” pag-uusisa ni Mando.

“May humahabol kasi sa akin!” sagot ni Tino. “Gusto nilang patayin ang bata.” sagot pa nito.

“Ano kamo?” tila naguguluhang tanong ni Mando. “Bakit naman nila gustong patayin ang anak mo?” tanong pa ni Mando dito.

“Hindi ko anak ang bata! Anak yan ng kaibigan ko. Ibinilin sa akin yan ng kaibigan kong hinahabol din ng sindikato.” pagsisimula ni Tino sa kwento niya.

“Taga-saan ka ba?” usisa pa ni Tino dito.

“Laguna!” agad na nagbigay ng tiwala si Tino sa kausap niya. Hindi na niya ipinagdamot pa ang tiwala dito dahil na din sa nagawa siya nitong iligtas sa panganib.

“Anong ginagawa mo dito sa Bulacan?” tanong ni Mando na lalong naguluhan.

“Tumawag sa akin ang kaibigan ko at humingi ng tulong dahil nga sa may gustong pumatay sa kanila. Agad akong pumunta dito, ibinigay niya sa akin ang anak niya at sabing ilayo ko daw. Nang makita kaming patakas na ay kami naman ang hinabol hanggang sa makita mo nga kami.” kwento ni Tino.

Iyon ang bagay na naglalaro sa isipan ni Mando habang nag-uusap silang tatlo, ang tunay na kasaysayan kung bakit napunta sa kanya si Vince. Ipinagkatiwala ni Tino si Vince kay Mando at nangakong babalikan din ito bago sila iwanan.

“Please Mando!” pakiusap ni Donald. “Hayaan mo naman akong makilala ang anak ko.” pakiusap nito.

Samantalang –

“Ano naman kaya ang pag-uusapan nila?” tanong ni Vince sa kinakapatid nito.

“Aba’y malay ko!” sagot ni Emil.

“Halika na nga!” wika pa ni Vince saka inakbayan si Emil.

“Kung makaakbay ka!” bati ni Emil na may isang pilyong ngiti.

“Bakit masama?” sarkastikong sagot ni Vince. “Bakit bawal ba? Sinong maysabi? Si Ken?” saad pa nito.

“Aba!” sagot ni Emil. “Paanong nasama sa usapan si Ken?” saad pa ni Emil na nakaramdam na ng kaba sa pagbanggit ni Vince sa pangalan ni Ken.

“Nakakahalata na kaya ‘tong mokong na’to?” tanong ni Emil sa sarili.

“Shit ka Vince! Bakit iyon ang sinabi mo?!” pangaral naman ni Vince sa sarili.

“Ikaw talaga!” pagbawi ni Vince sa unang sinabi niya. “Hindi ka na nabiro.” pagkasabi ay saka pinisil ni Vince ang ilong ni Emil.

“Ang tangos na ng ilong ko sa kakapisil mo!” pabirong inis na wika ni Emil.

“Pasalamat ka nga at tumangos ang ilong mo dahil sa akin!” sagot ni Vince saka muling inakbayan si Emil. Sa pagkakatang ito ay mas madiin at mas mahigpit ang pagkakaakbay niya dito.

Hindi pa man sila nakakalayo at –

“Sabi ko umalis kayo!” wika ni Mando na naulinigan ni Vince.

“Si tatay iyon ah!” nag-aalalang wika ni Vince.

“Si ninong nga iyon!” sang-ayon ni Emil.

“Puntahan natin!” aya ni Vince saka tumabo pabalik sa bahay nila na nag-aalala para sa ama.

“Try mo kaya akong hintayin!” habol ni Emil sabalit tila walang naririnig si Vince at diretso pa din ito sa pagtakbo.

Maya-maya pa at –

“Hindi Tino!” awat ng lalaking kasama ni Tino. “Hindi ako aalis dito hangga’t hindi ko nakikita si Vince!” wika nito. “Hindi ako aalis dito hangga’t hindi ko nakikita ang anak ko!” madiing wika pa nito.

“Aaannno ddaaw tatay?!” putol-putol at naguguluhang tanong ni Vince kay Mando.

“Vince!” gulat na gulat si Mang Mando pagkakakita kay Vince. “Wala iyon anak!” wika pa nito.

“Hindi tay!” giit ni Vince. “Ano iyong sinasabi ng lalaking iyan?” hindi makapaniwalang paglilinaw ni Vince.

“Vince hijo!” si Mang Tino. “Eto si Donald.” biting wika pa ng ama ni Emil saka lumingon sa gawi ni Mando. “Ito ang..” putol niyang wika dahil sa pagsingit ni Mando.

“Tumahimik ka Tino!” galit na galit na pagputol ni Mando na kababakasan mo naman ng kaba at pag-aalala. “Ganito kasi iyon anak!” wika pa ulit ni Mando saka lumapit kay Vince.

“Ako ang tatay mo!” singit ni Donald.

“Ano?!” tila ayaw tanggapin ni Vince ang kung anumang narinig niya.

Bigla namang napaupo si Mando sa sinabing iyon ni Donald.

“Tay?!” baling ni Vince kay Mando. “Totoo po ba?” tanong pa nito na halatang may pagpipigil sa pagtulo ng luha.

Tango lang ang sinagot ni Mando.

“Bakit?!” mahinang usal ni Vince. “Bakit ngayon ko lang nalaman?” saad pa nito saka kumawala ang mga luha sa mata niya.

“Anak!” tanging nasambit ni Mando.

“Patawarin mo ako!” wika ni Donald saka lumapit kay Vince.

“Huwag kang lalapit!” pigil ni Vince. “Si tatay lang ang tatay ko!” madiing wika nito.

“Pero anak!” giit ni Donald. “Matagal akong nangulila sa’yo.” pagmamakaawa ni Donald sa anak.

“Huwag mo akong tawaging anak!” sabi ni Vince. “Hindi mo ako anak at hindi kita tatay!” malakas na sigaw ni Vince.

“Pero anak!” singit ni Donald.

“Lumayas ka!” madiing wika ni Vince saka pinuntahan si Mang Mando. “Tay! Kayo ang tatay ko di ba?” tanong ni Vince kay Mang Mando.

Walang nagawa sina Mang Tino at Donald kung hindi iwanan na lang sila Mando at Vince.

Nakasalubong nila Mando at Donald si Emil pagkalabas nila ng pinto. Hingal na hingal ito at kagagaling lang sa pagtakbo.

“Anong nangyari?” tanong ni Emil sa ama niya.

“Patawad anak!” paghingi nito ng dispensa sa anak.

“Anong patawad?” naguguluhang tanong ni Emil saka pumasok sa loob ng bahay ng ninong Mando niya.

“Ninong? Vince?” lalong naguluhan si Emil sa nakita muli siyang lumabas para kausapin ang ama.

Sa bahay nila Emil –

“Tay, ano po ba talaga ang nangyari?” tanong ni Emil sa ama.

“Si Donald ang tunay na ama ni Vince at ngayon nga ay nalaman na ito ni Vince.” sagot ni Tino.

“Ano?” nagulat at nabiglang reaksyon ni Emil.

Naging mahaba man ang usapan at ang pagkukwento sa nakaraan ay naunawaan naman ni Emil ang gustong sabihin ng ama at naunawaan din niya na kailangan ni Vince ng isang kaibigang makakasama at karamay kaya naman –

“Ah Vince!” bati ni Emil nang makitang nakadungaw sa bintana ang kinakapatid.

“Bakit?” tanong ni Vince.

“Pwedeng makiupo?” tanong ni Emil.

“Sige!” wika ni Vince saka umusog ng kaunti para makaupo si Emil.

Nanatiling tahimik ang dalawa –

“Biruin mo” simula ni Emil sa usapan “magkapatid pala kayo ni Ken.” wika ni Emil.

Napakunot ang noo ni Vince sa sinabing iyon ni Emil. “Ano daw? Kapatid ko si Ken?” tanong pa ni Vince sa sarili.

“Alam ko na ang lahat.” tugon ni Emil sa reaksyon na iyon ni Vince. “Maswerte ka nga ngayon kasi magiging dalawa na ang tatay mo.” wika pa ni Emil. “May Ninong Mando ka na, may Direk Donald ka pa.” nakangiting saad ni Emil na wari bang pinapagaan ang loob ni Vince.

“Pasalamat ka nga kasi magiging dalawa ang tatay mo, samantalang ako ngayon ko lang nararanasan ang magkaroon ng magulang.” saad pa ni Emil na tipong nagpapaawa pa kay Vince. “Maswerte ka kasi bukod sa isang mabait at magaling na direktor ang tunay mong ama, isang mabait at maunawaing sikat na artista pa ang kapatid mo.”

“Nasaktan ako Emil!” wika ni Vince sa kinakapatid. “Masakit dito.” wika pa niya saka kinuha ang palad ni Emil at inilagay sa dibdib niya.

“Normal lang yan!” sagot ni Emil. “Hindi mo pa kasi napapakinggan ang buong kwento at sarado pa ang isip mo para makinig. Dapat nga matuwa ka, kasi binabalikan ka ng tunay mong ama at matuwa ka kasi itinuring kang tunay na anak ni ninong.”

“Salamat Emil at nasa tabi kita ngayon.” pasasalamat ni Vince.

“Walang anuman!” wika ni Emil. “Sana matanggap mo si Direk Donald bilang ama mo, at si Ken naman bilang kapatid mo. Parang ako, kahit anong sakit ang dinanas ko, tinanggap ko pa din si tatay bilang tatay ko at si Kuya Benz bilang kuya ko.”

“Salamat talaga Emil!” wika ni Vince saka niyakap si Emil.

“Isa lang ang tandaan mo, kahit na anong sakit ang idinulot ng nakaraan at kahit na anong kamalian ang nagawa ng nakaraan, kaya naman iyang itama ng kasalukuyan.” paalala pa ni Emil.

“Salamat talaga!” saad ni Vince at lalong hinigpitan ang yakap kay Emil.

“Emil!” madiing wika ng isang pamilyar na baritonong tinig.

“Ken!” naalarmang sagot ni Emil na may damdamin nang pagkatakot.

“Anong ibig sabihin nito?” simulang tanong ni Ken.

“Kasi Ken!” simula nang pagpapaliwanag ni Emil.

“Emil! Ipinagpalit mo na ba ako?” wika ni Ken sa sarili.

“It’s not what you think.” tutol ni Emil na wari ba ay nabasa niya ang nasa isipan ni Ken.

“Then?” tanong ni Ken.

“Kailangan lang ni Vince ng kausap.” hindi malaman ni Emil kung bakit ba siya nagpapaliwanag kay Ken.

“At bakit?” sarkastikong tanong ni Ken.

“Kasi magkapatid pala tayo!” mataas na tonong sagot ni Vince.

“Kapatid?” naguluhang sagot ni Ken. “Anong kapatid?” tanong pa niya dito.

“Biruin mo magkapatid pala tayo, hindi ko alam!” simula ni Vince sa kwento. “Itanong mo kaya sa tatay mo kung anong panggugulo ang ginawa niya dito at sinabing anak niya ako.” sarkastiko na ding turan ni Vince.

“Totoo ba Emil?” hindi makapaniwalang tugon ni Ken saka tumingin kay Emil na wari ba ay nangungusap ang mga mata nito para sa katotohanan.

Tango lang ang naging tugon ni Emil.

Kabaliktaran sa inaasahang reaksyon mula kay Ken ay sumigla ang mukha nito –

“Kuya!?” saad ni Ken nagliwanag ang mga mata. “Kung ganun, ikaw nga ang kuya ko!” wika pa nito saka lumapit kay Vince at niyakap.

“Ken?!” nabiglang saad ni Vince.

“Matagal ka nang hinahanap ni Papa at kahit hindi ka namin nakikita pa mahal na mahal na kita bilang kuya ko.” saad ni Ken. “Hindi ko akalaing ikaw pala ang kuya kong matagal nang hinahanap ni papa.” masayang turan ni Ken na lalong hinigpitan ang yakap.

Natuwa naman ang puso ni Vince sa ginawang iyon ni Ken. Sa tingin niya ay nabawasan ang sama ng loob niyia para sa tunay na ama dahil naging pagtanggap sa kanya ni Ken at sa tingin niya ay hindi siya mahihirapang tanggapin ang tunay na pamilya sa nakikita niyang mamahalin siya ng mga ito ng lubusan.

“Magkapatid nga talaga tayo dahil iisa din ang nagustuhan natin.” bulong ni Ken kay Vince.

“Tandaan mo, hindi porke’t kuya mo ako at mas bata ka sa akin, papabayaan ko na lang na mapunta sa’yo si Emil. Hindi kita pagbibigyan tandaan mo yan” ganting bulong ni Vince dito na may hinig nang pagbabanta.

“Lalo namang hindi ko hahayaang mapunta sa’yo ang Bien ko kahit na nga ba kuya kita. Hindi ako magpaparaya kahit na ikaw ang matagal na naming hinahanap na kapatid ko.” sagot ni Ken.

“May the best man win!” sabay nilang wika.

Naguguluhan man ay binalewala na lang ni Emil ang mga huling sinabing iyon ng dalawa.

“Emil!” bati kay Emil nang bagong dating na si Benz. Dumaan na din si Benz kila Emil galing sa lumang bahay nila Vaughn. Balak na din niya itong isama sa condo niya para maki-celebrate sa farewell party ng LD.

“Ikaw pala kuya Benz!” masayang bati na din ni Emil dito. “Akala niyo kayo lang ang magkapatid!” wika pa niya saka tumingin sa dalawa.

“Anong drama meron dito?” tanong ni Benz saka umakbay kay Emil.

“Hindi lang pala tayo ang magkapatid dito.” wika n Emil.

“Sino pa?” tanong ni Benz.

“Sila Ken at Vince!” sagot ni Emil.

“Paanong nangyari?” gulat ding tanong ni Benz.

“Mahabang kwento.” putol ni Ken. “Basta mahalaga, nakita na namin ang long lost brother ko.” saad pa nito.

“Ewan ko sa inyo.” wika pa ulit ni Benz. “Basta ako, masaya ako sa kapatid ko at mahal na mahal ko ang kapatid ko!” turan pa nito saka lumingon sa gawi ni Emil.

“Mahal na mahal ko din ang kuya ko!” masaya at nakangiting sagot ni Emil.

“Salamat na lang kay Vaughn na nagbigay linaw sa lahat!” saad ni Benz sa sarili.

“Ayan, dahil ayos na ang lahat, happy happy na dapat!” suhestiyon ni Emil.

“Oo Emil, sabi mo!” tugon ni Ken na hinawakan ang mga kamay ni Emil saka tumingin sa mga mata nito.

“Nadamay ako!” sagot ni Emil na nahiya sa ginawa na Ken. Pakiramdam niya ay kinukuryente ang buo niyang katawan dahil sa inasal na iyon ni Ken. Sa palagay niya ay may hatid na libong kiliti ang pagdadaiti ng kamay nila ni Ken. Iba sa pakiramdam at lalong iba sa kung anumang kumikinig-kinig sa puso niya.

Sa gitna nang mga pangyayari ay may isang bagay pa din ang naglalaro sa isipan ni Benz at ito ay ang kung anuman ang nakita niya sa lumang bahay nila Vaughn. Hindi niya mawari at lalong hindi niya alam kung papaanong haharapin ang isa pang sikretong kanyang malapit nang matuklasan.