Monday, November 7, 2011

Exchange of Hearts 1

Heto na po yung pinangako kong kakambal na kwento nang Without You... Bakit po kakambal? malalaman niyo rin ito habang papalalim ang kwento...

Sana po pareho nang pagtangkilik ninyo sa Without You ay tangkilikin niyo ri po itong bago kong kwento na hinahandog sa inyo.

Exchange of Hearts

by Uri_Kido

This is a story about chances, taking the crossroads in life and looking for that perfect someone to be with for the rest of your life. But life has its countless blessings, blessings that only a person with full endearment could appreciate, blessings that are often neglected by others. Sometimes we want to live our lives the way we want but we can never get through it without the challenges that we would encounter.

This is a story about two persons finding their true self and ending up finding each other.


Chapter 1: Oras

6 O’Clock


Alarm clock rings at the exact same time at two different places. Yung isa nasa isang magarang kwarto, katabi nang queen sized bed na mala hotel room ang dating, yung isa naman nasa isang typical rum nang isang lalaki, medyo messy pero cool.


Pinatay noong nasa magarang kwarto ang alarm clock niya, yung isa naman ay pinindot ang snooze. Tumayo ang may magarang kwarto naka black sando siya na may pajama pants na beige. Pumasok ito nang banyo, yung isa nanatiling tulog, walang pakialam sa buhay.


6:30


Lumabas nang banyo ang binata naka tuwalya lang nakapang ahit na ito at nakapagsipilyo at nakapabango na, Gumising na yung isa dhil tumunog ulit ang alarm.


Kumuha nang polo shirt ang isa, ang isa inukay pa ang cabinet para hanapin ang kanyang favorite superman shirt. Nagsuot nang magarang damit yung una, naligo naman nang mabilisan ang isa bago sinuot ang pang casual na kasuotan.


7:00


Bumaba ang isa para mag almusal sa veranda nang bahay nang mag isa, marami ang handa niya pero tinapay lang at itlog ang kinain nito. Habang ang isa naman ay tinapos ayusin ang sarili bumaba at kumain kasama ang kapatid niyang lalaki na naka school uniform na.


Lumabas na ang una sa bahay niya at sumakas sa kanyang Vios, ang isa naman ay lumabas narin at sumakay sa kanyang motor na second hand.


Sabay nilang binaybay ang kahabaan nang traffic, hindi alintana ang oras nang pagdating nila sa kanilang paroroonan.


Dalawang taong napakalayo nang antas nang pamumuhay na sa iilang sandali lang ay mag-iiba ang takbo nang kanilang kapalaran.


Ang una ay si Carlsen, isang mayamang eredero nang isang multi billon company ditto sa pilipinas, may anking siyang kagwapuhan at hindi alintana na isa siya sa mga Eligible Bachelors of the land. Pero palagi itong bugnutin, parating walang pakialam sa kanino man.


Ang pangalawa ay si Lance, college student palang ito, ginapang nang ina niyang nagtitinda nang cosmetic products sa mga bahay-bahay at ang amang jeepney driver para magkapag-aral, may anking din siyang kagwapuhan gaya nang nauna at katalinuhan kaya siya nagging scholar nang pinapasukang eskwelahan.


7:45


Dumating si Carlsen sa opisina niya, inaabangan siya ni Mildred ang secretarya niyang maganda at sexy.


“Good Morning Sir, I am Mildred, and I am your secretary, you are to proceed to the board room at 8 for the meeting” sabi niya, tama ang narinig ninyo unang araw ni Carlsen sa trabaho. Pero hindi alintana sa kanya ang kaba para sa kung anu man ang nakaabang sa kanya sa loob nang opisina.


Dumating din si Lance sa kanyang eskwelahan, sinalubong siya ni Dennis, ang bestfriend niyang crush nang bayan. “Op, pare, hinintay talaga kita, marami akong ikukwento ngayon tungkol sa nangyari sa amin ni Julia kagabi” Sabi ni Dennis. “panu ka naman magkakaroon nang affair sa kay Julia eh ako ang mahal mo?” Sabi naman ni Lance. Tama nga ang nabasa ninyo alam ni Lance na may pagtingin si Dennis sa kanya pero hindi niya rin naman ito tinugunan dahil magkaibigan silang matalik. “eto naman oh parang hindi mabiro” sabi ni Dennis.


Papasok si Carlsen sa loob nang kanyang lobby lahat ay bumabati sa kanya nang “Good Morning Sir” pero wala itong tugon sa kanila, dirediretso lang ito sa paglalakad papasok nang elevator. Halos marami din ang maaga pang nagpapaflirt kay Lance na di hamak na kasing guwapo ni Carlsen, maag pa ay may pabati bati na sa kanya na kinikilig sa tuwing dadaan ito papuntang Commerce Building.


8:00


Nasa boardroom na ang lahat nang members nang board of directors nang companya pati ang mga stockholders nito. Hinihintay na nang lahat si Carlsen, nandoon narin ang ina niyang si Luisa delos Santos-Montenegro.


“May I all present to you the new President and C.E.O. of Montenegro group of Companies, Mr. Carlsen Andrew Montenegro” sabi nang isang lalaki na agad namang tumayo sa katabi ni Donya Luisa. At pumasok si Carlsen nang buong galak at pananabik.


Si Carlsen Andrew Montenegro, anak nina Felix at Luisa Montenegro, Isa sila sa pinaka mayamang angkan sa buong pilipinas. Kasama sa Elite circle nang mga negosyante sa bansa. At ngayong araw na ito ang kanyang 21st Birthday at dahil doon pinangalan na sa kanya ang buong kumpanya sa kadahilanang hindi pa bumabalik at kasalukuyang nawawala ang ama nitong si Felix Montenegro. He has been the sole heir of luxury hotels and resort. Buong buhay niya yun ang tanging focus niya, yung maging proud ang pamilya niya sa kanya.


Namulat si Carlsen sa marangyang buhay, na hindi kailanman naghirap at nagdusa. Pero sa luob luob niya marami ang kulang, marami ang pagdududa, marami ang kasinungalingan.


“It will be a pleasure working with you guys. I know my father will be so proud of me. Wherever he is now I wish he was here to guide me. But then again life must go on. At nandito ako para sa inyo at alam kong nandiyan din kayo para sa akin.” Paunang bati ni Carlsen sa mga kasama. At nag-umpisa ang kanilang meeting sa mga bagong development nang companya na iprinisenta nila sa batang may-ari.


8:30


“Mga kaklase did aw makakarating si Prof. May mahalagang meeting daw ngayong umaga wla na raw tayong klase” Sigaw nang isang kaklase ni Lance. Graduating student ito at medyo nangungulelat sa klase pero pursigido at napakamasipag mag-aral, bakit siya nagungulelat? Dahil kabilang siya sa star section at lahat doon ay nag cocompete sa mataas na marka kaya nahilera parin ito sa talagang matatalino.


“Lance, patawag ka ni Dean sa office about siguro sa proposal mu sa College Activity natin.” Pahabol nung nag announce niyang kakalase. “Samahan na kita, basta samahan mu ako mamaya ha” sabi sa kanya ni Dennis. “Sure pare, no problem ako diyan.” Masayang sabi ni Lance.


Simplang bata lang si Lance, matulungin sa ina at sa amang umaruga sa kanya,alam niyang Ampon lang siya matagal na pero lubos ang pasasalamat niya sa mga taong umaruga sa kanya mula pagkabata at hindi nagpakita sa kanya nang kalupitan at kababaang asal. May dalawang bagay lang na hangad si Lance; una aya ang makita at makilala ang tunay niyang pamilya at pangalawa ay ang makapagtrabaho sa Villa Montenegro bilang isa sa administrative staffs nito. Maraming kuwento ang nabangit sa kanya nang kanyang mga magulang tungkol sa haciendang ito duon daw kasi sila nagtatrabaho noon.


“Lance Mercado, maupo ka at may pag-uusapan tayo” Sabi nang Dean pagpasok ni Lance.


“I am so proud of you Anak” sabi ni Donya Luisa kay Carlsen.


“It will be my pleasure Ma’am lahat gagawin ko para lang matuloy itong project nato and I won’t stop until I get it right” tugon ni Lance sa Dean.


“I know na gusting gusto mo to kaya I approve this project para naman magkaroon nang bago dito sa ating college” sabi ni Dean.


“I will make you proud of me” Sabi ni Carlsen sa kanyang mama.


Halos magkapareho ang dalawa over achiever at may malakas na sense of responsibility.


10:30


“buti naman at sinamahan mo ako dito sa bahay bro ako lang kasing mag isa dito” sabi ni Dennis sa kay Lance. “Ay Dennis kahit ano pa yan basta ikaw okey lang talaga sa akin” sagot ni Lance sa kanya.


Pumasok sila sa bahay ni Dennis at saka “Surprise!!!! Happy 21st Birthday Lance” sabi nang mga kaibigan niyang kanina pa naghinhintay sa kanila.


“Oh bakita kayo nandito, Dennis ano toh?”


“Bro, It’s your 21st birthday hinding hindi ko palalampasin ang araw na ito na hindi ka nag celebrate nang birthday mo”


“kaw naman talag oo, salamat tol ah the best ka talaga”


11:00


Umuupo si Carlsen sa loob nang bago niyang opisina binabasa ang list of properties at companies nila na sa kanya nang pamamahala.


Nang pumasok ang isang babae sa loob nang kanyang kuwarto.


Tinignan niya ito mula paa hanggang ulo, maganda ang babae at maputi.


“Good Morning sir, I’m Eunice your new personal secretary, inasign po si Mildred sa bagong pumalit sayo sa Board of directors si Mr. Trinidad” sabi nang babae nang mahinhin na pamamaraan.


“Eunice… okey you may go” masungit niyang sagot, alam nang lahat nang empleyado sa Montenegro Group of Companies kung ano ang ugali ni Carlsen dahil matagal din itong nagging head of the board bago binigay sa kanya ang titulong C.E.O.


“You have a visitor should I let her in?”


“So would you let her rot on your side of the office then?” sarcastiko nitong sagot.


Umalis nalang si Eunice at tinawag ang bisita. Pumasok ang isang babaeng napaka sexy at may alta sa siyudad na postura.


“Babe, ang ganda nanag bago mong office” pamungad nang babae.


“Valerie, ikaw pala… I miss you babe” naghalikan agad sialng dalawa, mapusok at punong puno nang pananabik. Matagal at mamasamasa.


Then may nag knock sa pintuan natigil ang masarap na laplapan anng dalawa. “Damn it… can’t you see we were busy?” sabi niya na medyo galit.


“Sorry po Sir pero naghihintay na po ang mga planners nang birthday party niyo mamayang gabi sa board room, importanante daw na makipagkita ka sa kanila sabi nang mama niyo” sabi ni Eunice na pumasok sa loob na walang pasabi.


Nag tinginan sila ni Valerie “Okey lang babe, I just dropped by to personally greet you a happy birthday… magkita nalang tayo ulit mamaya” nagahalikan din sila pagkatapos noon.


12:00


Kakatapos lang nang handaan sa bahay nina Dennis at naiwan nalang sialng dalawa doon.


“salamat pare ha, sinurpresa mo talaga ako doon.” Sabi ni Lance.


Hinawakan ni Dennis ang kamay nito at “Lance, Mahal na mahal kita, lahat gagawin ko para sayo matanggap mo lang ang pagmamahal ko…” at tinangkang halikan ni Dennis si Lance.


“Dennis wag!” agad naman itong bumitiw at tiningnan si Lance.


“Dennis, Hindi pa ako handa, may nararamdaman din naman ako pero hindi ko alam kung ano ito, if you could just give me the time and then maybe masusuklian ko din yang pagmamahal na yan.”


He just smirked and stood up “pupuntahan mo ba ang gig mo mamaya sa may Mirasol Resort?” tanong niya dito.


“Pera din naman yun pare” Sabi ni Lance sa kanya sabay tayo nito at sinundan si Dennis sa kusina.


Nagsimula nang maghugas sa Dennis nang mga plato nang bigla siyang niyakap ni Lance. “Thank you talaga sa pagmamahal pare” at mas lalo pa nitong hingpitan ang yakap, damang dama ni Dennis ang sinseridad nang binata sa kanyang turing.


“Sunduin nalang kita mamaya!” sabi ni Dennis nang binalikan niya ang paghuhugas nang mga plato.


3:00pm


“Handa na ba ang pinagagawa ko?” sabi nang isang babae sa telepono.


“yes, Maam naplanta ko na po ang bomba sa may ilalim nang lamesa na lalagyan nang cake… hindi nila malalaman” sabi nang isang goon na papalabas sa Mirasol Resort.


“Good, they will never know what hit them. Hahahahahaha” sabay tawa nang babaeng nakapulang gown.


5:00pm


Nakahanda na ang lahat sa may Garden nang resort at pinapanood lang ni Carlsen ang mga nagsisidatingang bisita. Naka suot na ito nang pantalon at sapatos pero naka sando parin. Pumasok ang isang matandang babae na nakadamit pormal pero hindi naka gown.


“Iho naman! Nagsisimula na ang lahat pero hindi ka parin nakapagbihis.” Sabi nito habang kinukuha ang polo ni Carlsen na nakasabit pa sa harap nang aparador. At binigay ito sa kanya.


“Yaya Glorya, hindi na ako bata para pagbihisan ninyo, malaki na ako oh, 21st Birthday ko na kaya.”


“He, ikaw parin ang batang binibihisan ko noon, pinapaliguan kapag nahulog sa kabayo, ang batang pinapagalitan ko kapag hindi nakapag mano sa mga matatanda, ang bataang inalagaan ko mula pa nung pagkabata, kaya hanggat mamatay ka pagsisilbihan kita.” Sabi nang matandang babae habang pinapasuot naman nito ang amerikana ni Carlsen.


“Ya, Kinakabahan ako, kinakabahan akong harapin silang lahat… akala nilang lahat mapagmataas na ako, mayabang, matapobre, pero ginagawa ko lang naman ito dahil kailangan kon g maging matapang para kay papa, kailangan hindi ako magpatalo, hindi ako lalampa-lampa, kasi alam ko wherever he is he will be proud of me.”


“Anak, kung nasaan man ang papa mo, sigurado ako proud na proud yun sayo, lumaki ka bilang isang matapang at matipunong bata, kaya ipakita mo na sa kanila kung anu ang tinay na pagkatao ni Carlsen Andrew Montenegro.” At ngiti ang ginanti niya sa babaeng tinuring na niyang pangalawang ina.


7:00pm


Waiter noong gabing iyon ang sideline ni Lance sa party ni Carlsen, dahil sa marami ang bisita nag imbita ang management nang resort na magdagdag nang waiter kahit sa gabing iyon lamang. Nakamaskara ang lahat nang waiter. Pati narin ang mga bisita.


Nagsimula narin ang salo-salo nang pormal na ipakilala si Carlsen sa madla.


“Let me now welcome the President and CEO of Montenegro Group of Companies and the Birthday boy Himself Mr. Calsen Andrew Montenegro.” Sabi nang Host noong gabing iyon.


Umabang talaga si Lance para makita ang taong may party nang biglang, “Mercado, tawag ka ni boss sa loob” pinatawag siya nang kanilang boss sa loob nang hotel. Agad din naman itong sumunod.


“Good evening everyone, I have lived my 21 years inside the company of my Father, Mr. Felix Montenegro na hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik sa amin. I know he is still alive dahil buhay pa ang Companya na naipundar nang mga magulang niya para sa kanya, buhay niya ang Montenegro Companies at heto ako, living up to his expectations as a shepherd to his flocks, lahat nang to para sa kanya and he will always be remembered. Thank you everyone for coming and enjoy the night” speech ni Carlsen.


Nang bumaba ito sa podium sinalubong siya nang kanyang mama para halikan at pinakilala nito ang mga kasama nila, “My son I would like you to meet Diego and Melissa Trinidad, sila ang bumila nang bagong shares nang companya” agad namang nangamusta si Carlsen.


“It’s a pleasure meeting you sir and your lovely wife”


“Salamat iho, you should meet our son siya ang uupo sa board ninyo. Paparating na siya any minute now” Sabi ni Mr. Trinidad.


“I would love to sir, maiwan ko na po muna kayo at aasikasuhin ko pa po ang ibang bisita, again it’s a pleasure meeting you and enjoy the night”


Nakita niya si Valerie na nakikipagtawanan sa ibang bisita. “Oh Val nandito ka lang pala kanina pa kita hinaahanap” sabi ni Carlsen na humalik din kay Valerie pagkatapos noon. “Babe, Nagtatawanan lang kami nang mga tita mo, nakakatawa kasi yung childhood mong pinaguusapan namin.


Kasama niya pala ang mga tiyahin ni Carlsen na sina Elenor at Criselda, mga kapatid nang ama nito sa ama.


“Iho happy birthday” sabi nang tita Criselda niya sabay beso dito.


“Tita kasama niyo po ba si Tito Greg?”

“nasaloob nag uusap sa ibang investors baka daw makahanap siya nang bagong buyers”


“Tita Elenor… (sabay beso dito) kamusta na po kayo? Balita ko po meron na kayong bagong nobyo” sabi ni Carlsen.


“yun bah? Nako wala nay un, your tita is once again single iho” sabay tawa nilang tatlo na malakas na napansin ni Carlsen na naka pulang gown.


9:00


Lumalim na ang gabi nang may nadaanan si Lance na babaeng naka pula sa likod nang mga bushes, hiindi niya ito namukhaan dahil naka maskara ito.


“Naplanta mo ba talaga nang maayos ang bomba?... Good? Mamatay narin ang heredero nag Montenegro Companies hahaha… Aalis na ako dito in 120 seconds gusto kong pasabugin mo na ito, kung hindi siya mamamtay doon may mga goons pa naman ako na hahabol at papatay sa kanya” binaba nang babae ang phone at nag dalidaling umalis nang resort.


Nabahala si Lance sa narinig at hinanap agad ang may kaarawan din noon. “pare sino ba diyan ang may birthday ngayon?” tanong niya sa isang kasamahang waiter. “ayun pare ang naka gold na mask, siya lang ang may gold na mask sa lahat nang bisita.” Sabi nang kasama.


Lumapit ito dito “Mr. Montenegro, kailangan niyo na pong sumama sa akin” sabi ni Lance kay Carlsen.


“Bakit? Sino ka ba?”


“ako ang liligtas ninyo kung sasama lang po kayo sa akin” nakita ni Lance na may isang bisita na nakahalata na parang gusto niyang takasin si Carlsen kaya bumunot ito nang baril. At pinaputok ito sa itaas.


“Shit!” sigaw ni Carlsen sa pagkabigla, “Hali na po kayo at baka sumabog pa ang bomba” sabi ni Lance habang hinahatak si Carlsen papalayo, nagsitakbuhan naman ang mga bisita palabas nang resort.


Tumatakbo ang dalawa dahil hinabol na sila nang tatlong lalaki na naka maskarang itim na kanina pa sila pinapuputukan, nang biglang may sumabog nang malakas. Babalik sana si Carlsen dahil nagalala siya sa buhay nang ina at mga kapamilya pero pinigilan siya ni Lance.


Nakaabot na silang dalawa sa gubat hanggang sa mapadpad sila sa isang hanging bridge na merong ilog.


“malapit na sila! Kailangan nating tumalon” sabi ni Lance.


“What? Jump? Are you out of your mind? Ang taas kaya niyan?” pagsalungat ni Carlsen.


“Talon o buhay mo? Mamili ka” sabi ni Lance. “Just trust me…” Sabay hawak niya sa kamay nito.


At pinutukan sila nang humahabol sa kanila at sabay silang tumalon.


Nakarating sa hanging bridge yung tatlo at tinangka pa nong isang paputukan ang ilog. “Huwag na pare patay na yung mga yun di naman kalaliman yang ilog eh hali kana at bumalik na tayo.” Sabi nang isa sa kanila sa tumaya nang baril sa ilog.


Umalis lang sila nang lumitaw si Lance karga si Carlsen na hinimatay dahil siguro sa takot nang free fall mula sa taas.


Pinahiga niya si Lance sa gilid nang ilog, kinuha niya ang maskara niya at tiningnan kung humihinga pa ito. Humihinga pa naman ito. Gusto niya nang kunin ang maskara nito dahil takang taka na ito kung anu ang itsura nang binata.


Kinakabahan man ay ginawa parin ito ni Lance at nagulat sa kanyang nakita.


“Hindi, Imposible… paano nangyari to?” ang tanging nasabi nito.


_Abangan_

7 comments:

Anonymous said...

waaaaaaaaaaaaaaa..... idk kung its my 1st time to comment hir... anyway... nyc ng 1st chap... kaabang-abang... but reklamo lng... may same title nah ganito... but xmpre different ng laman ng story... anyway... keep it up... waiting for the next chap... ']

gel

Lawfer said...

hmmm...i think parang cindirella man ang itatakbo nito...peo ewan q lng...ttgnan tgnan q to otor, so far d pa q nkakta ng kakaiba...

Anonymous said...

tingin ko, kambal sila...
nice start.

dada said...

Hmm kambal nga cguro....

Axil Je said...

maiba ako, sino yung nasa picture Dalisay?

DALISAY said...

I don't know Axil Je. :)

Uri_KiDo said...

uri here... Tumblr friend ko yang nasa picture... kinuha ko lang yung pic niya... posting part two very soon... sorry po talaga sa delay :)