Monday, October 3, 2011

Minahal ni Bestfriend (part 15)

            Sa lahat ng readers at followers ng blog na ito, ako po sana ay may konting favor sa inyo. At sana pagbigyan nyo po ako dito.

            Kasali po ang ating minamahal na writer na si MICHAEL JUHA, sa dinadaos na PEBA (Pinoy Expat Blog Awards), kaya gusto ko po sana hingiin ang inyong supporta. Si MICHAEL JUHA po ang may akda ng "Ang Kuya Kong Crush ng Bayan", at maraming pang storya na ating minahal at sinubaybayan. Sana po ay supportahan natin sya. I will give out instructions kung pano nyo po kami matutulungan. :)

            Una, BASAHIN AT MAGCOMMENT: (This is a great story indeed! MUST READ!!)
             PEBA ENTRY - PANTALAN
             http://michaelsshadesofblue.blogspot.com/2010/05/pantalan.html


            Pangalawa, ILIKE ang PAGE:
             PEBA FB PAGE
             http://www.facebook.com/PEBAWARDS

             Pangatlo, paki LIKE and COMMENT sa PIC:
             PEBA PIC ENTRY
             http://www.facebook.com/photo.php?fbid=10150327552732974&set=a.10150283934452974.356615.134794097973&type=1&theater


             Pang-apat, BUMOTO sa POLL: (#24 Entry. Michael's Shades of Blue.)
             POLL VOTING



             Sana po ay pagbigyan nyo ang aking munting hiling. Ito po ay pakiusap ko sa inyo. Na sana ay pagbigyan nyo din po. Maraming salamat po. :)





              Sa lahat po ng nagaabang ng kwentong ito, nais ko pong muling magpasalamat sa inyong lahat.. Pagpasensyahan nyo na din kung nalalate ang pag update ko ng kwento.. Pero salamat po sa mga naghihintay. :)

              Muli ay nais kong pasalamatan sina ..Sir Mike, Mama Dalisay, Rovi Yuno, ang utol kong si dhenxo, zekie, Archie, Jojie(Pare ko!!), at sa hubby nyang c chack!! J , Emray08, Rich, ace.vince.raven(BUNSOOOOO!!! J), 07, JhayCie, Jaro, John, Arl, Rue, Jack, Roan, o_0mack^2, nick.aclinen, Jhay L, rheinne, jesome, Uri_KiDo, dada, Cyrus Perez, Mars, wastedpup, mico, wisdom, jex, -SLUSHE_LOVE-, pisceskid06, Ernes aka Jun, ZILJIAN, Dave17, Ako si 3rd, pink 5ive, ram,  alex tecala, J.C, , Jay, Erion, DM, Ace, russ, Jay, Jayfinpa, X, JV, my fb friends na naghihintay din..  at lalo na po kay “JEH”, sa bago kong kumapre na si “yos” (pare ko!! Apir!!!!),  “Jayfinpa”, “Brent Lex” na lageng naghihintay at walang sawang nagcocomment ng ilang beses sa bawat chapter.. At sa mga Anonymous at silent readers ng story thanks po talga sa inyo.. Maraming maraming salamat po talaga.

              Gusto ko din po magpasalamat sa aking “bembem” na walang sawang sumusuporta at nagbibigay pagmamahal sa akin. Salamat sa lahat ng tiwala na binigay mo sa akin. Alam ko andyan ka for me plagi.. And for that, I;m very very thankful. J Love lots!! J

     COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED!!!!!! :))))

              ENJOY!!!!!!!

             Kinakabahan ako habang hawak ang Liemposilog at bag ko. Hindi ako mapakali. Naamoy ko ang amoy ng pagkain pero di tulad kanina na takam na takam akong kainin ito. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Dinadaga ako. Napautot pa ko sa sobrang kaba. HMP! Ang baho! Pero sobrang kabado talaga ako. Hindi ko alam kung didire direcho lang ba ko papasok ng bahay at di sya papansinin, o aawayin ko sya at palalayasin. Pero bahala na! Bahala na si Tarzan!

            Tuloy tuloy lang ang paglalakad ko papunta samin. Nakatalikod ang lalakeng naghihintay sa harap ng bahay ko. Alam ko si Philip yun. Ayan na, ilang hakbang pa ay nasa bahay na ko. Biglang lumingon yung nakatayo sa direksyon ko. Shit! Hindi ko alam pano magrereact. Habang palapit ng palapit ay nararamdaman ko na umuusbong ang galit para sa dating kaibigan. Akala ko ay awa ang mararamdamn ko pero hindi. Binigyan ko sya ng masamang tingin kahit pa medyo malayo ako. Nanggagalaiti talaga ang aking mga mata at punong puno ng galit. Sa talas nga ng tingin ko ay pwede itong makahiwa. Dire direcho ako papunta sa direksyon ng bahay ko. Nagdidilim ang paningin ko sa galit. Pero ng makarating sa harap ng bahay at naharap ko na sya. Imbis na mas lalong matinding galit ang naramdaman ay biglang panghihina at pagkahiya ang naramadaman ko. Hindi ko inaasahan ang makikita ko at mararamadaman ko. Hiyang hiya ako.

            At andun nga ako, nakatayo hawak ang bag ko at ang liemposilog na inorder ko. Galing sag alit ay napalitan ang aking emosyon. Pagkamangha at pagkahiya ang naramdaman. Hindi ko alam kung pano magrereact sa harap nya. Nararamdaman kong namumula ang mukha ko dahil sa kaninang galit at ngayon naman sa hiya. Bigla tuloy akong nanliit.

            “James…. Ikaw pala…..”, pilit kong tinago ang hiyang sinabi sakanya.

            “Hahahaha! Oo, ako nga..”, natatawa nyang sinabi sakin. Mas lalo tuloy akong nahiya.

            “So..sorry.. Kala ko kasi..”

            “Akala mo kasi si Philip? Kaya nga medyo natakot ako sa tingin mo kanina. Para kang papatay sa tingin mo sakin kanina. Hahahaha!”, mas natatawa nyang sinabi. Mas lalo tuloy akong nanliit sa sarili ko.

Nampucha naman kasi! Sobra silang magkamukha, kung di mo talaga lalapitan ay di mo malalaman kung sino ba tlga sila si Philip o si James. Sa sobrang galit ko pa ay di ko tuloy napansin na si James pala yun. Hays! Kakahiya!! Kakainis!! Grrrr!!

Agad kong binuksan ang gate at pinto ng bahay at pinapasok sya. Kumuha ako ng maiinom sa ref at binigyan sya habang nakaupo sya sa sofa. Sabi ko naman na hintayin ako at magpapalit lang ako ng damit. Pagkapalit ay nahihiya akong nilabas si James.

“Napasugod ka ata. May problema ba?”, nahihiya kong tanong sakanya.

“Ah eh.. Kasi ano eh…”, utal utal nyang sinabi.

            “A-a-a-a-no?!”, pabiro kong ginaya sya.

            “Hahahaha! Hmm.. May favor sana ako sayo.”

            “Oh, ano yun?”

            “Ah..ah kasi, papagawa sana ako sayo ng book report.”

            “Oh.. tapos? Anong problema dun?”

            “Eh.. kasi.. ano eh.. Jerry, nakakahiya kasi.. Ahm.. kasi.. alam mo naman na dahil lang sa pagvavarsity namin kaya kami nakapag aral dyan diba? Kung di kami varsity, malamang, sa public highschool kami nagaaral.. Ah.. eh.. Hmm.. What I’m trying to say is.. wala kasi ako mababayad sayo..”. nahihiya at utal nyang sinabi sakin.

            Nagisip ako ng paraan. Hmmmm.. Alam ko na!!!

            “Hmmmm.. Ganun ba.. O sige.. ganto na lang. Papayag ako gawin yang book report mo. Hindi na rin kita pababayarin.”, ngiti kong sinabi sakanya.

            “TALAGA?!”, sabik nyang tugon.

            “Ops ops ops! Pero may kapalit yun….”, sinabi ko ng may pilyong ngiti na sinabi sakanya.

            “Ha? A..ano naman yun?!”

            At dahan dahan akong lumapit sakanya at nilapitan sya ng mas malapit. Tiningnan sya sa mata habang may pilyong ngiti. Mukhang kinakabahan sya sa paglapit ko dahil bigla syang biglang nagfreeze sa kinakatayuan at namula.

            “Bat ka namumula?”, pilyo kong tinanong sakanya.

            “HA! Hindi ah!! Ano ba kasi yun?!”, medyo irita nyang sinabi.

            “Oops! Bat galit ka agad dyan?! Ganto, pumunta ka dito sa isang araw.”, ngiti kong sinabi sakanya.

            “HAA??! Bakit?! Ano gagawin ko dito?”, medyo kabado nyang tinugon sakin.

            “Relax! Diba gusto mo gawin ko yang book report mo pero di ka makakabayad? Pwes, ang kapalit ng pag gawa ko  nun ay..”

            “Ay ano??”

            “Ano pa ba! Tutulungan mo ko gawin ung isa kong project! Pagddrawing kasi yun diba?! E magaling ka kaya dun!!”, natatawa kong sinabi.

            Bigla namang nawala ang bakas ng kaba sa mukha ni James. At medyo natawa ito.

            “Sus! Yun lang pala!! Akala ko naman kung ano na!! Hahahaha!”

            “At ano naman sa tingin mo ang ipagagawa ko sayo?! Paglinisin ng bahay? Paglaba? Hahahaha! Di naman ako ganun kasama noh! Hahahaha!!”

            Nagtawanan naman kaming dalawa. Di ko maiwasan ang hindi tumawa ng todo lalo na naiimagine ko ng paulit ulit ang ichura nya kanina na kinakabahan. Kulang na lang ay gumulong ako sa sahig kakatawa. Nakita ko rin sya na tumatawa sa sarili kaya mas lalo akong natawa. Hahahaha!

            “Hahahaha! Teka, kumain ka na ba?! Tara kain tayo!”, natatawa ko pa rin sinabi.

            “Hindi na. Medyo late na rin ee. Tsaka kumain na ko kanina sa bahay bago pumunta dito. Naki favor na nga ako, makikikain pa ko. Nakakahiya naman.”

            “Sus! Tara na! Tatlong kanin naman yung inorder ko ee. Tig isat kalahati nalang tayo!” At naghain na nga ko ng dalawang plato sa lamesa. Wala na syang nagawa dahil hinila ko na sya sa lamesa at pinaupo. Nahain ko na rin kasi ang pagkain at nahati ko na. Wala na syang choice.

            “Salamat ha. Nakakahiya naman.”, nahihiya nyang sinabi.

            “Nako, wag mo na isipin yun! Kaso pasensya ka na! konti lang ulam natin. Di ko naman alam kasi na andito ka. Eh?! Teka, pano mo nga pala alam kung anong oras ako umuuwi?”, paguusisa ko sknya.

            “Ah.. yun ba? Tinanong ko kasi kay Jenny. Alam ko kasing gumagawa ka ng book report ng iba kaya nagbakasakali ako. E sabi sakin ni Jenny mga gantong oras ka daw nauwi. Nahihiya naman ako magtanong sayo sa school dahil hindi naman talaga tayo ganun ka close.”, pagpapaliwanag nya.

            “Ahh.. ganun ba.. sus! Dapat nilapitan mo na lang ako sa school!”, tugon ko sknya habang kumakain kami.

            “Ah, eh.. Nahihiya nga kasi ako kasi wala akong pambayad. Kay asana gusto kita makausap kaya sinadya na lang kita dito sa inyo.”

            “Hmmm.. Ganun ba. O sya, kumain ka na jan. Basta punta ka dito sa isang araw ha. Di kasi ako pwede bukas. May training kami sa pep ee.”

            “Wow! Sumasayaw ka din pala?! Narinig kasi kitang kumanta dati. Pero di ko alam na sumasayaw ka din pala.”

            “Aba! Oo naman noh! Ako pa! Multi talented ata ako.”, sabay tumayo ako at sumayaw ng ala macho dancer ng onti sa harap nya.

            “Hahahaha! PWede ka ng macho dancer!”, natatawa nyang pinagmasdan ako.

            “Ulul! Hindi ako macho dancer noh! Hahahahah!”

            At natapos na kami kumain. Sinamahan nya ko maghugas ng pinagkanan namin. Hindi pa kasi sya nakakatulog sa bahay kaya hindi ko sya hinayaang maghugas ng plato. Ewan, sabi kasi yun sa pamahiin ee. Wla namang masama kung susundin.

            Habang naghuhugas ako ng plato ay nagkkwentuhan naman kami ni James. Hindi ko alam na makulit pala ito at napaka palakwento. Hindi tulad ni Philip na medyo tahi tahimik at medyo seryoso. Si James ay natural na komedyante din. Nagkwentuhan kami ng mga 30 mins bago pa sya tuluyang umuwi. Pagkauwi naman nya ay natulog na ako agad dahil may pasok pa kami kinabukasan.

            Friday nun kaya huling araw ng klase para sa linggo. May training pa din kami pagkatapos ng klase at bukas naman ang pagpunta ni James sa bahay. Medyo excited na rin ako sa pagpasok dahil bumalik na sa normal ang lahat. Sya nga pala, nagbreak na din kami ng girlfriend kong si Maria. Iba yung pangalan noh?! Wala na kasi kami ni Joyce, dalawang linggo na. Tapos kakabreak lang naming ni Maria 2 days ago.. Sa ngayon ay single ako. Dalawa nalang ang babae sa buhay ko that time. Ang dalawa kong bestfriend na babae na sila Jenny, at Leah.

            Natapos na ang klase at agad akong dumirecho sa training ng pep kasama si Jenny. Mas naging pahirapan ang training di tulad noon. Ilang linggo na lang kasi at araw na ng competition na sasalihan namin. Pero dahil Friday ngaun at walang pasok bukas ay nagyaya ang grup na maginuman. Balak naming magmalate sana, kaso nakakahiya dahil mga naka jogging pants lang kami. Wala naman kaming alam na bar na medyo di nakakahiya pumunta kahit naka jogging pants pa rin kami. Nagiisip ang lahat ng bigalng nagsalita si Jenny.

            “Kaila Jerry walang tao.”, bigla nyang sinigaw sa grupo. Bigla tuloy akong napatingin sakanya. At sinasabi sa tingin ko na “anong pinagsasabi mo dyan!”

            At ayun! Dahil sa sinabi ni Jenny ay kinulit ako ng makasama ko na sa bahay na lang daw. Napatingin ako kay Jenny at dinilaan ako habang nakangiti at naka peace sign pa sakin. Hays, ano pa bang magagawa ko?! Imbis na sana magpapahinga na ko!! Oo nlng!!!!

            Wala na kong nagawa dahil nakakahiya namang tumanggi. Kaya pumayag na rin ako na sa bahay na lang ganapin ang inuman. Kinurot ko si Jenny sa tagiliran dahil sa inis ko. Pero syempre pabiro kong ginawa yun. Tinawanan lang nya ako.

            At nakarating na nga kami sa bahay. Kasama ang halos lahat ng miyembro ng pep. Maliban sa iba na malayo pa tlga ang bahay. O kaya ay pagagalitan pag di umuwi agad. Pero halos lahat talaga, andun. Kasama si Gab, ang coach namin. First time ko sya maksama sa labas. Sa training ko lang kasi sya talaga nakakausap. Madalas kasi ay sya ang nagsspot sakin sa stretching. Para mas mapabilis daw ang pagiging flexible ko ay sya na ang bahala sakin. Pero aside from training, di ko talaga sya nakakausap.

Nagsimula ang inuman at nasa kwarto kami nag inuman. Kanya kanya kaming pwesto, Nasa kanto ako ng kwarto, dun ako pumwesto at umupo. Hindi ako nakadikit mismo sa kanto, kasya pa ang isang tao kung tutuusin. Katabi ko naman si jenny sa kabila pa. Tapos kanya kanyang pwesto na ang lahat.

            Umiikot na ang tagay at nagkakasarapan ng kwentuhan. Mga past competetions din na nasalihan nila ang topic, mga superb na routine ng ibang bansa ang pinaguusapan at kung ano ang pwede naming gayahin sa mga yun. Sobrang interesado naman ako sa topic kasi bago lahat yun sakin. Kaya sobrang nakikiusisa talaga ako.
           
           
            Nang medyo tumagal ang inuman ay tinamaan na ko ng espiritu ng alak. Dahil din sa pagod, marami samin an medaling tinamaan. Hindi pa naman lasing pero alam mong tipsy na ang karamihan. Hindi ko na lang napansin na akin nanaman ang tagay. Pero ang mas kinagulat ko ay iba na ang nag abot sakin ng tagay. Hindi na ang kaninang nsa harap ko na si Lj ang nag abot. Si Gab, ang coach ko na ang nakaupo sa kaninang pwesto ni Lj. Sya rin ang nag abot ng tagay sakin. Pagka abot ko naman ng tagay ay pumwesto na syang tuluyan sa tabi ko. Sya ang umupo dun sa sulok at espasyo sa tabi ko. So ngayon, dalawa na ang katabi ko. Si Gab na nasa kaninag bakanteng sulok, at sa kabila naman ay si Jenny. Hindi ko alam bat tumabi sakin si coach Gab since di naman kami close. Pero hindi ko din alam na kung bakit sat wing nagtatama ang balat naming ay may kakaibang init na dumadaloy sa katawan ko. Shit! Lasing na ata ako.

            Madaling araw na at natapos na din ang inuman. Ang iba ay nagsiuwian na rin. Maging si Jenny ay nagpaalam na ring umuwi. Sinakay ko sya ng taxi pauwi sakanila. Ang iba naman ay nagpaiwan dahil mamaya nalang daw sila uuwi dahil malayo ang bahay nila at di na rin daw sila makakauwi dahil sa lasing na. Wala namang problema sakin dahil sanay naman ako na may nakikitulog sa bahay. Ang pinagtataka ko lang dahil pati si Gab, ang coach naming ay dun na rin natulog. At tumabi pa sakin sa paghiga!!!

            Patay na ang ilaw at sobrang dilim ng paligid. Itim pa ang kurtina ko. Ayaw ko kasing may pumapasok na liwanag kahit konti sa kwarto ko. Lalo na nung panahong depress ako. Pinalitan ko ang kurtina ko ng itim para kahit umaga ay di ako masilaw sa liwanag ng sikat ng araw. Remember? Naging lasinggero ako dahil sa mga sunod sunod na problema. Kaya ayun, nakasanayan ko na itim na ang kurtina ko.

            At ayun na nga, magkakatabi kaming lahat sa pagtulog. Katabi ko sa aking kaliwa ang paderr at sa kanan ko naman ay si Gab, ang aming coach. Yakap yakap ko ang isang mahabang unan habang nakaharap sa pader. Lasing at antok ako pero di ako makatulog. Nararamdaman ko kasi ang katawan ng coach ko sa tabi ko na napakainit dahil sa pagkakainom ng alak. Nagiinit pa ako lalo dahil nakainom ako.

            Pinilit kong matulog at wag mag paapekto sa init na nararamdaman ko. Pero sadya kong ikinagulat ng biglang gumalaw si coach. Bigla itong tumagilid paharap sa akin. Ramdam ko na tuloy ang kanyang mainit at amoy alak na hininga sa aking batok. Na sya namang nagdadala sa aking mas nakakapasong init na talagang dumadaloy sa buong katawan ko. Tinitigasan na ko.

            Nasa ganoong position kami ng biglang naramdaman ko ang kamay ni coach Gab sa bewang ko. Nakapatong lang yun dun. Medyo matagal. Pero mamayat maya ay gumagalaw ito. And before I knew, nakayakap na ito ng tuluyan sakin at hinawakan ang kaliwa kong kamay. Alam kong gising sya. Pero di ko alam kung alam nyang gising ako. Pero hindi din ako gumalaw para ipaalam na gising na ako. Naghihintay lang ako sa susunod nyang gagawin. Tahimik. Nakakabinging katahimikan. Tanging ang tunog lang ng mahinang aircon ang maririnig mo. Malamig ang hangin na galing sa aircon pero mainit naman ang singaw na nilalabas ng katawan namin ni coach Gab. Gumalaw naman bigla ang kamay at  biglang lumalapit ang kamay nya papunta sa aking bukol. Nang bigla nyang dakmain ito ay napagalaw ako sa gulat. Bigla naman ako nitong niyakap ng mahigpit. Hinawakan ko ang kanyang kamay para hindi nya na gawin ulit yun. Sumenyas ako sa kanya na inaantok na ako at wag nya ng ipagpatuloy ang balak. Natakot ako. Hindi ko alam kung bakit. Kaya naman mas nilapit ko ang unan sa bukol ko para di nya na ulit mahawakan. Mas hinigpitan ko ang yakap sa unan. Hanggang sa dahil sa sobrang hilo at lasing ay nakatulog na ako.

            Nagising kami ay bandang alas 9 na ng umaga. Agad namang nagsiuwian ang mga natirang kasamahan ko sa pep pati na rin sa coach. Wla akong binitawang salita sakanya at ganun din naman sya. Dedma. Parang hindi naganap ang nangyari kagabi. Pero nakita ko na bago ito umalis ay nakangiti ito sa akin at kinindatan ako. Shit! Anong eksena mo!!
           


Bumalik ako ng 3pm sa school dahil may training pa din kami. Kahit pa medyo naiilang ay pumunta pa rin ako. Pagdating na pagdating ko sa school ay hindi pa nagsisimula ang training dahil wala pa si coach at ang iba pang members. Actually 4 pa naman kasi talaga ang training. Kaya ng makita ko si Jenny ay agad kong kinwento ang nangyari nung nag lights off na sa bahay.

            “Hahahahaha! Obvious naman kasi na type ka ni coach! Hello! Ako nga captain na ng highschool pero once lang ako na spot nyan sa stretching. Tapos ikaw, lage ka nyang iniispot? HAHAHAHA!!”, natatawa nyang sinabi sakin. Natahimik alang ako at di sumagot. Napanisin ni Jenny yun kaya nagtanong ito ulit.

            “Type mo?”, curious nyang sinabi.

            “Hindi noh!!!!”, sarkastikong kong sagot kay Jenny.

            “Nako Jerry, ayan ka nanaman ha. In denial nnmn ang drama mo sa buhay ha! Nakooooo!!”

            “Ano ka ba! Kahapon ko nga lang nakausap talaga yung tao ee! Ano gusto mo, mahal ko n rin agad?! At tsaka isa pa…… alam mo na….”

            “Hmmmm.. O sya, basta keep me posted ha. Kung ano ng mangyayari sa inyo ha.”

            “Nako, walang magiging “inyo” dahil hindi magiging “kami”.”, tanging tugon ko kay Jenny.

            At dumating na nga ang iba pa naming kasamahan namin at si coach Gab. Sinimulan na naming ang training. Una ay nag jog muna kami around the area bago pa nagstretching. Sya nanaman ang nagspot sakin. Kung dati ay walang malisya sakin kung sya man ang mag spot sakin, ngayon ay meron na. Hindi ko maiwasang mahiya lalo na pag nakikita ko syang nakangiti sakin habang iniistretch ako. Minsan pa ay kumikindat ito sakin lalo na pag magkaharap kami. Hindi tuloy ako makapag focus sa ginagawa ko. At mas lalo ata akong pinagpawisan.

            Nag sisitups ako nun at nakatuhod naman sya sa paa ko. Sa twing aangat ako ay nakikita ko syang ngumingiti sakin habang binibilangan ako. Mas hinihingal tuloy ako agad. Don ko lang kasi napansin talaga ang mukha nya. Noon kasi ay di ko masyado ito napapansin, or rather, di ko tlga pinapansin. Pero eto ngayon, mas napapansin ko ang mapupungay nyang mata, makapal nyang kilay, manipis nyang lips, at mukha nyang maliit. Gwapo naman neto! Hanggang nsabi ko sa sarili ko. “Mukha talaga pala syang pusa. Hihihi”

            Natapos na ang training at nagcool down na kami. Pagod na pagod kaming lahat dahil medyo may hang over pa ng konti sa inuman. Yung iba nga ya nagyaya pa ng inuman ulit sa bahay kaso tumanggi muna ako dahil nga may usapan kami ni James ngayon. Nanghihinayang man ang iba, lalo na si coach Gab dahil bakas ito sa kanyang mukha ay wala silang nagawa. After naming magcooldown ay nag meeting muna kami at pagtapos ay nagpahinga muna ng konti.

            Nang matapos makapagpahinga ay nagpalit na kami ng damit. Nakasando na lamang ako at nakajogging pants at tsinelas. Tinago ko na sa bag ko ang dalawang tshirt na nagamit ko at ang rubber shoes na ginamit ko. Niyaya ko na si Jenny na mauna na kami. Gusto sana ni Jenny na sumama sa iba para mag inuman kaso mas pinili nyang samahan nlng ako sa paguwi.

            Nakarating na kami sa pintuan ng gym at akmang bababa na sa hagdan ng biglang nagulat kami sa nakitang nakaupo patalikod sa may hagdan at tila may hinihintay. Nang mapansin naman kami ay bigla itong tumayo at humarap samin. Mas kinagulat ko pa ng malamang kung sino ang taong nakaupo.

            “James?” 


             (Itutuloy...)

3 comments:

Uri_KiDo said...

bagong mga characters, I mean mga ka love team? hehehe

Sige ka Jerry di ka na makakawala niyan, malululong kana diyan apat pa ang mag aagawan sayo.... gwapo mo... hahaha

Anonymous said...

Nasan na si art.... :( mas gusto ko Si art para sa kaya hehe... Cant wait for him to return in jerry's arms, wala pa kasig nangyayari sa kanila!!! Manyak pala si coach meow ( mukha daw kasing pusa according To jerry ) more more stories!!!

Anonymous said...

HABA NG BUHOK MO TEH, GANDA GANDA MO.