Saturday, October 15, 2011

HOROTIKA - Soulmate 1

Nakaramdam siya nang kakaiba sa kanyang sarili hanggang sa masaklot niya ang kanyang pagkalalaki: ang pag-aari na unti-unting naninigas na tila nasasabik nang makapasok sa lagusan ni Eba.



S O U L M A T E

Sa Panulat ni JonDmur






Ang Simula ng Lagim

Si kuya, si kuya
Humiga sa kama
Mayroon siyang kasama
Hindi niya nakikita

SUMILAY ang mga ngiti ni Rohan nang marinig ang boses ng nakababatang kapatid. Nagdra-drawing ito habang binibigkas ang tulang hindi niya batid kung paano iyon nabuo. Bata pa ang kanyang kapatid, at sa edad nito ay imposibleng makabuo ng isang tula.
“Bunsoy, ganda ng tula mo,” aniya sa batang kapatid. Tumigil ito sa ginagawang pagguhit saka iniabot sa kanya ang papel na pinag-drawingan nito.
“Yuya, tingnan mo.” Napanganga siya sa nakita. Isang lalaki ang nakahiga sa kama at katabi nito ang isang babaeng tila naaagnas na bangkay.
“S-sino ang gumuhit nito?” Ang kanyang tinig ay sumabay sa paglangitngit ng pintuan nang bigla itong naitulak ng hangin.
“Ako po,” agad nitong wika. Kumuno’t ang noo niya sa sinabi nito. Maganda at maayos ang pagkakaguhit ng larawan, at sa unang tingin ay hindi mo aakalaing isang bata ang gumuhit nito.
 “Ows, talaga lang ha?” Tumawa ang bata saka lumipad ang hintuturo nito na parang may itinuturo sa gawing likuran niya.
“Siya po! Siya ang tumulong sa akin yuya.” Bigla siyang napalingon at halos mapatalon siya sa sobrang pagkasindak nang tumambad sa kanya ang tila naaagnas na bangkay ng isang babae.
Agad itong lumapit sa kanya saka agad na sinakmal ang kanyang leeg. Pumalag siya subalit malakas ang enerhiyang kumakapit sa katawan ng babae – hindi siya makawala.
Biglang namula ang mga mata nito kasabay nang paglabas ng isang malaking uod na tila nasasabik na makawala sa matagal na pagkakabilanggo.
Bumuka ang bibig nito at kasunod niyon ang paglabas ng isang maliit na paru-paro na agad namang dumapo sa kanyang ilong. “Ako ang soulmate mooo,” nakakapanindig balahibong wika nito sa kanya. Ang kanyang sigaw ay nilamon ng hangin hanggang sa magdilim ang kanyang paningin.

            NAPAPITLAG siya nang may biglang tumapik sa kanyang balikat – si James, ang matalik niyang kaibigan na mahilig gumamit ng mga love potion.
            Wake up bro! Don’t tell me, napapanaginipan mo na naman ang soulmate mo?” pabirong tanong nito sa kanya. Kinuha nito ang tasa na nakapatong sa mesa saka agad na ininom. “Langya! Eh,  mas malamig pa yata ito sa bangkay.”
 “O, akala ko ba may ipapakilala ka sa akin. Nasaan na?” Sumilay ang pilyong ngiti ng kaibigan. Inakbayan siya nito saka inilapit ang bibig nito sa kanyang kanang tenga.
            “Nararamdaman ko na malapit mo nang makilala kung sino ang soulmate mo,” pabulong na wika nito sa kanya. Lumiwanag ang kanyang mukha subalit kasunod nito ang pagkunot ng kanyang noo. “Pare, isang ritual ang natuklasan ko, kung saan magagawa kong hanapin ang soulmate ng isang tao,” lintanyang wika nito sa kanya.
            “Loko ka talaga! Anong ritual  na naman ang ginawa mo? Baka naman ritual ‘yan sa loob ng banyo,” biro niya sa kaibigan na sinamahan niya ng pilyong ngiti.
            “Tol, maniwala ka. Eh, alam ko namang nasasabik ka nang makilala ang soulmate mo? Pagbalik ko, kuwento ko sa’yo ang ginawa ko sa ritual,” tugon nito sa kanya.
“O, saan ka pupunta?“ usisa niya sa kaibigan.
Just relax, bro! Hindi kita iiwan,” tugon nito bago tumungo sa rest room.
            Binalot ng excitement ang puso niya. Sino kayang babae ang magiging kapalaran niya? Biglang pumasok sa kanyang alaala ang isang babaeng naging bahagi ng kanyang buhay: si Sofia, ang babaeng pinagtaksilan niya matapos niyang makuha ang pagkababae nito.
            Para sa kanya ang babae ay isang pagkaing madaling pagsawaan, isang putaheng napapanis na kailangan nang itapon kung kinakailangan.       
            Subalit, biglang nagbago ang kanyang paniniwala. Gusto niyang ituwid ang kanyang mga pagkakamali. At magagawa lamang niya ito kung matatagpuan na niya ang babaeng ihaharap niya sa altar – ang soulmate niya.
            Kinuha niya ang kutsara saka pinaglaruan ng kanyang mga daliri:  pinaikut-ikot niya iyon sa mesa sa pamamagitan ng kanyang mga daliri. Ilang saglit pa, nakaramdam siya nang pagkahilo subalit panandalian lamang iyon.
Tumayo siya upang tumungo sa banyo. At habang naglalakad ay iginagala niya ang kanyang paningin sa bawat madaraanan niya; wala na ang mga estudyanteng kanina lamang ay maingay na nag-uusap, wala na rin ang mag-syota na kanina lamang ay masayang naglalambingan, wala na ang matandang babaeng na kanina lamang ay nahuli niyang sumusulyap sa kanya, at wala na ang mga waiter na kanina lamang ay palakad-lakad upang kumuha ng mga orders ng mga customers. Kumunot ang kanyang noo. Nasaan na ang mga tao?
            Sa ginawa niyang paghakbang, nahagip ng kanyang paningin ang isang babaeng nakatayo sa di-kalayuan; nakasuot ito ng puting bestidang humapit sa katawan nito, isang babaeng tila naghihintay sa kanyang pagdating, at isang babaeng may malabong imahe na parang nababalutan ng usok. Bumaba ang kanyang paningin hanggang sa mapadpad ito sa malaki nitong dibdib.
Nakaramdam siya nang kakaiba sa kanyang sarili hanggang sa masaklot niya ang kanyang pagkalalaki: ang pag-aari na unti-unting naninigas na tila nasasabik nang makapasok sa lagusan ni Eba.
            “Halika, lumapit ka,” ang tinig nito ay bumihag sa kanyang puso hanggang sa kusa nang dumaloy ang kuryenteng matagal nang nahihimlay sa kanyang pagkatao.
            Lumapit siya hanggang sa maglapat ang kanilang mga dibdib. Ramdam niya ang mainit nitong katawan na tila nagliliyab. Bumibilis ang pagkabog ng kanyang puso hanggang sa maramdaman niya ang paglapat ng palad nito sa matigas niyang pag-aari. Napapikit siya nang dukutin nito ang kanyang ari mula sa pantalong bumibilanggo sa katigasan nito. Hindi na siya nakatiis, agad niyang tinaggal ang sinturong sumasagabal sa ginagawa nitong pagdukot. Binuksan niya ang zipper saka iniluwa ang kabuuan ng kanyang pagkalalaki.
            “Putang ina!” Napahawak siya sa ulo ng babae nang maramdaman ang maiinit nitong dila na lumalasap sa kanyang pagkatao. Ang mga kamay nito ay malikot na gumagapang sa dalawang bolang naghahanda sa kanyang pagsabog.
            Lalong bumilis ang takbo nang oras. Ang mga labi nito ay walang sawang pinaglaruan ang buong sandata niya. Halos manginig ang kanyang katawan sa ginawa nitong pagkagat sa ulo ng kanyang ari na tila hinihigop nito ang katas ng kanyang pagkalalaki.
            Iminulat niya ang kanyang mga mata nang matuklasang nalalagas ang mga buhok nito mula sa kanyang pagkakahawak. At halos lasunin ng takot ang puso niya nang magkaroon ng linaw ang mukha nito: nakakakilabot ang anyo ng babae na parang nabuhusan ng kumukulong mantika.
            Sumigaw siya nang sumabog ang katas niya sa naaagnas nitong bibig, at halos mawalan siya nang ulirat nang matuklasang tila ahas ang dila nito habang nilalasap ang kanyang pag-aari. Itinulak niya ito subalit parang na-magnet ang kanyang ari sa mga labi nito – hindi siya makapalag.
            Tuluyan nang binalot nang pagkasindak ang buo niyang pagkatao. Huminga siya nang malalim saka kumuha nang lakas upang makawala sa babae. Nagtagumpay siya, subalit nasugatan ang kanyang ari na naglikha ng isang malaking sugat. Nasapo niya iyon hanggang sa muling maikubli sa loob ng kanyang pantalon.
            Biglang kumabog ang kanyang dibdib nang may umagos na dugo mula sa mga kuko nito. Humakbang siya patalikod upang makatakas, subalit parang napako ang kaliwang paa niya. Hindi niya iyon maihakbang. Ilang sandali pa, iniamba ng dalaga ang matulis nitong kuko saka biglang itinarak sa sariling mga mata. Halos mangalisag ang mga balahibo niya sa katawan nang tumalsik sa kanyang mukha ang nadurog nitong mga mata.
Sumigaw siya nang sumigaw subalit tila walang nakakarinig sa kanya. Humakbang siya subalit parang may pumipigil sa kanyang mga paa. Hindi siya makakilos hanggang sa napako na ang kanyang mga paa. Tumalikod siya, at sa ginawa niyang paglingon ay tumambad sa kanya ang mukha ng kaibigan.
            “Tol! A-ano bang nangyayari sa’yo at mukha kang na-praning?” Natigilan siya sa narinig. At halos mamula ang kanyang mga pisngi nang matuklasang bumalik na ang lahat sa dati. Nananaginip lamang ba siya? “Hoy! Okay ka lang?” pahabol na tanong nito sa kanya.
            “H-ha?” Huminga siya nang malalim saka pansamantalang ipinikit ang kanyang mga mata. At sa kanyang pagmulat, tumambad sa kanya ang mukha ng isang magandang babae.
“Ako ang soulmate mo! Maniwala ka!” agad na wika nito sa kanya. Ang mga mata nito ay tila bumihag sa kanyang puso. Mayamaya pa, bumaba ang kanyang paningin hanggang sa mapako iyon sa dibdib ng babae. Halos mangatog ang kanyang mga tuhod nang makilala ang damit nito, ang malaking dibdib na kanina lamang ay nahawakan niya sa kanyang mga panaginip.
            “Hindi ikaw ang soulmate ko.” Nagulat siya sa kanyang sinabi. “U-umalis ka sa harapan ko.” Nakita niya kung paano nabigla ang babae. Ang mga mata nito ay namumula na tila gusto nang sumabog ang mga luhang matagal nang nakaimbak rito.
            Isang malakas na batok ang kanyang natanggap. “Tol, ano ka ba? Sino ba ang kinakausap mo?” pasigaw na wika ni James sa kanya. “Pinagtitinginan tayo nang mga tao, akala nila ako ang sinasabihan mo.” Tila nabuhusan siya nang malamig na tubig sa natuklasan niya. Imahinasyon lamang ba niya ang lahat?
            “Pare, relax lang! Pinagtatawanan na tayo ng mga tao dito. Isipin nila may kasama akong praning.”
            Sasagutin pa sana niya ang kaibigan nang biglang may humawak sa kanyang kanang balikat. Isang matanda na animo’y isang manghuhula.
            “M-mag-ingat ka!” Ang tinig nito ay tumagos sa kanyang tenga hanggang sa umeko ito sa buong paligid. “Patahimikin mo ang kanyang kaluluwa.” Naramdaman niya ang init ng hininga nito na tumama sa kanyang pisngi.
            Napatingin siya sa kaibigan. Alam niyang hindi ito isang imahinasyon lamang.
            “P-pare sino ang babaeng ito?” usisa sa kanya ni James na tila naguguluhan sa mga pangyayari.
            Muli niyang hinarap ang matandang babae. “A-anong ibig n’yong sabihin? Sino kayo?” usisa niya sa matanda. “Bakit ako matatakot sa _” Naudlot ang kanyang tinig nang may biglang  sumigaw mula sa labas ng Cafeteria. Ang mga tao ay nag-umpukan sa kalsada na tila may nasaksihang kaganapan.
            Agad nilang tinungo ang pinanggalingan ng sigaw, at halos bumaliktad ang sikmura niya nang masilayan ang bangkay ng isang babae, durog ang mukha nito na tila nayupi ng isang gulong ng sasakyan.
            Hinila niya sa braso ang kaibigan upang lumisan subalit naka-focus ang atensyon nito sa bangkay ng babae – ayaw magpapigil na tila gustong alamin ang buong detalye. Tila kinakabahan habang pinagmamasdan ang bangkay. Lumapit siya saka nakipagsiksikan sa mga tao upang mapagmasdan ang  bangkay. At halos mapasigaw siya sa nasaksihan. Wasak ang mukha ng babae na halos hindi na ito makilala.
            Ayon sa imbestigasyon, nahulog ang bangkay sa trak ng basura, at paniniwala nila na hit and run ang biktima.
            “Basag ang bungo. Kawawa naman ang babae,” ani ng isang matabang babaeng nagbibigay ng impormasyon sa mga imbestigador. “Nang dumaan ang trak, bigla na lang nahulog ang bangkay,” dugtong nito habang nakatingin sa camera. “Kuya, anong channel po ba kayo para mapanood ko sa TV ang mga interviews,” habol nito sa camera man na ngayon ay abala sa bangkay ng babae.
            Muli niyang pinagmasdan ang biktima. Nilalangaw ang buo nitong katawan na siyang naglikha ng masangsang na amoy. Mayamaya, nabulabog ang mga langaw sa ginawang pagbuhat ng mga pulis sa bangkay nito. Halos masuka siya nang magsidapuan ang mga langaw sa kanyang katawan. At doon niya natuklasan na may isang malapot na bagay na dumikit sa kanyang damit. Pinagmasdan niya ito. At halos mapapitlag siya nang matuklasang mata ang dumikit sa kanyang baro. Nagpumiglas siya hanggang sa malaglag ang matang kumapit sa kanyang damit.
            Mag-ingat ka!, natigilan siya nang may bumulong sa kanyang mga tenga. Lumingon siya hanggang sa mahagip ng kanyang paningin ang matandang nakatayo mula sa di-kalayuan. Ipinikit niya ang kanyang mga mata, at sa kanyang pagmulat ay wala na ito sa dating kinatatayuan. Nasaan na ang matanda?
            Sari-saring tanong ang bumabalot sa kanyang isipin. Sino ang misteryosong babaeng gumugulo sa kanyang isipan, at sino ang matandang babaeng nagbibigay takot sa kanyang dibdib?”


Author: JonDmur

2 comments:

jondmur said...

Sana magustuhan nyo.... it is a horror story na may rated X - hehehe - enjoy reading.... para na ito sa holoween na post ko.....

^___^

Lawfer said...

ok lng ung ganyan sir, wg lng oa sa pgdscribe ng dugo ah,bka d q na i2loi bsahn eh xD

kakaibng aproach, 2loy lng po sir^^