Saturday, October 22, 2011

Punit-punit Na Tiwala [2: Last Part]

By: Mikejuha

Author’s Note:

Gusto ko pong anyayahan ang mga readers, fans, followers at supporters ng MSOB na suportahan ang MSOB entry ng PEBA

1) Dito po kayo bumoto: http://www.pinoyblogawards.com/2011/04/heroes-homecoming-towards-change.html. Paki-click lamang po ang link. Hanapin sa right side ng page ang entry # 24 (Michel’s Shades Of Blue) at i-click ang box na katabi nito. I-click muli ang “Submit Vote”. Kapag nakaboto na kayo, paki-email sa akin kung pang-ilang boto kayo upang ma counter-check ko sa Poll ng PEBA. Ito po ang email address ko: getmybox@hotmail.com

2) Paki-like po ang fb page ng PEBA: http://www.facebook.com/#!/PEBAWARDS at pagkatapos, paki-like ang photo ko doon:  http://www.facebook.com/#!/photo.php?fbid=10150327552732974&set=a.10150283934452974.356615.134794097973&type=3&theater. Maaaring magcomment na rin po dito dahil kasama p ito sa boto.

3) Ito po ang entry ko: http://michaelsshadesofblue.blogspot.com/2010/05/pantalan.html at inimbitahan ko rin po kayong mag comment.

Maraming salamat po!

Opppssss! Special mention to Dalisay! Regards daw sabi ng anak ko. Nag follow up pa talaga kung na-extend ko na ba ang regards niya.

Miss u Miss D!

:-)

-Mikejuha-

-----------------------------------------------------

Tinawagan ko si Rodney sa cp niya. Walang sagot. Tinext ko rin. Walang reply.

Kinahapunan, nagpunta ako ng gym. Ngunit hindi ko siya nakita doon. Ang sabi nila, hindi raw siya makakarating.

“Ah… baka may hangover pa” sa isip ko lang bagamat nagtaka din ako kung bakit hindi man lang siya nagtext s akin.

Sa sunod pang araw pumasok din siya sa gym. Syemre, excited akong makausap siya. Ngunit laking pagkadismaya ko dahil hindi man lang niya ako pinansin. Parang iniiwasan niya ako at imbes na siya ang mag-assist sa akin, hindi siya lumalapit. Nalungkot ako.

Pagkatapos ng session, tinext ko siya, kinumusta. Ngunit hindi pa rin siya sumagot. Na-guilty tuloy ako. Sumiksik sa isip na maaaring ang ginawa ko sa kanya ang dahilan. Hindi niya nagustuhan ito kaya nagalit siya sa akin.

Gusto kong umiyak. Gusto kong sisihin ang sarili.

Ang ginawa ko, nakisuyo ako kay Steve na kausapin si Rodney; na gusto kong makipag-usap sa kanya. Iyon ay upang malaman ko kung ano ba talaga ang kasalanan ko.

Pumayag si Rodney na mag-usap kami, sa gym mismo kapag nagsialisan na ang mga nag-gi gym.

“S-salamat at pinaunlakan mo ang pakikipag-usap sa akin. Gusto ko sanang humingi ng tawad Tol… nagkasala ako sa iyo. Patawarin mo ako.” Ang sabi kong hindi makatingin-tingin sa kanya.

“Madali ang magpatawad, tol. Ngunit ang tiwala, mahirap nang ibalik. Akala mo siguro hindi ko alam ang mga pinaggagawa mo sa akin. Lasing lang ako, ngunit buhay na buhay ang aking isip. Alam ko ang mga pangyayari sa aking paligid. Alam ko ang mga ginagawa mo.”

Tahimik. Hindi ako magawang sumagot sa kanyang sinabi. Parang may bumara sa aking lalamunan. Hiyang-hiya ako sa sarili.

Alam mo bang na noong sinabi sa akin ni Steve na may crush ka sa akin, ang una kong reaksyon ay hindi makapaniwala. Akala ko kasi, lalaking-lalaki ka. Ngunit aaminin ko, na habang iniisip ko iyon, parang may unti-unti ding gumapang na excitement sa aking katauhan. Marahil ay nakita kong hindi ka lang physically attractive ngunit may malinis kang kalooban. I thought of you as someone na may mataas na integridad, mataas ang trustworthiness, malinis ang hangarin. Higit sa lahat, masarap maging kaibigan. Alam mo bang sumagi din sa isip ko ang posibilidad na baka ligawan mo ako? At alam mo rin ba kung ano ang nasa isip ko sa posibilidad na iyon?”

Hindi pa rin ako kumibo, nanatiling nakayuko.

“… sinabi ko sa sarili na ‘Ok lang siguro’ kasi, malinis naman ang hangarin noong tao. At alam mo ba kung ano ang nasa isip ko kung nangyaring niligawan mo ako?”

Hindi ko na napigilan ang aking mga luha. Pinahid ko ito...

“Sabi ko sa sarili na ‘bahala na… bakit hindi ko i-try’. Ito ay dahil ang bilib ako sa ipinakita mong kabaitan. Para sa akin, ok lang siguro kung magka-syota ako ng kagaya mo, o kung may mangyari sa atin dahil napakabait mo. Ngunit… nagkamali ako. Binaboy mo ako. Hindi mo ako binigyang respeto at ipinababa mo pa ang sarili mo. Bakit????”

At doon, napahagulgol na ako. Tama naman ang sinabi niya. Hindi ko na nga siya binigyang respeto, pati ang pagkatao ko ay sinira ko rin sa mga mata niya.

“Pumayag akong sumama sa iyo, makipag-inuman na tayong dalawa lang dahil nagtiwala ako sa iyo. Ngunit ano ang ginawa mo…? Sinira mo ang tiwala kooooo!!!! Tanginnnaaaaaa!!!!” bulyaw niya.

“M-mahal kasi kita, Rodney!” ang paliwanag ko.

“Tanginang pagmamahal na iyan! Anong klaseng pagmamahal iyan? Babuyan? Hindi mo ba alam kung ano ang ibig sabihin ng respeto? Hindi ba kasali sa pagmamahal iyan? Ang pagmamahal ay kusa, hindi dahas!” bulyaw niya.

“N-naalipin ako ng tukso…”

“Pwes you don’t deserve my love kasi… kapag tunay kang nagmamahal, pipilitin mong gawin ang tama, magbigay ng respeto, at labanan ang tukso para sa taong mahal. Bagsak ka d’yan! You don’t deserve to love me.”

“P-paano ko maibalik ang tiwala mo sa akin Rodney?”

“Hindi ko alam…” sabay tayo at, “Magsara na ang club kaya uuwi na ako” sambit niya.

Kaya tumayo na rin ako at tinumbok ang pintuan, iniwanan siya sa loob.

Sa sunod pang mga araw, pinilit kong ibalik ang tiwala ni Rodney. Nand’yang pinapadalhan ko siya ng pagkain, ng regalong damit, pantalon, brief, libro, at kung anu-ano pa.

Ngunit hindi pala niya nagustuhan ito. Kinausap niya ako at ibinalik sa akin ang lahat ng mga ibinigay ko. “Napakababaw naman ng tingin mo sa akin. Kung gusto mong maibalik ang dating respeto ko sa iyo, hindi sa mga bagay-bagay. Ginawa mo akong isang taong ipinagbebenta ang pagtitiwala eh. Hindi katumbas ng mga bagay-bagay lamang ang pagtitiwala ng isang tao. Mas malalim pa ito dito. Ang tiwala ay kinakamit; hindi binibili o idinadaan sa suhul… Ang pagmamahal ay ipinapadama, hindi ipinapataw.”

Hindi ko alam kung bakit niya isiningit ang tungkl sa pagmamahal. Marahil iyon ay dahil alam niyang mahal ko siya.

“Bigo na naman ako… Wala na yata akong nagawang tama.” ang malungkot kong sabi, punong-puno ng awa para sa sarili.

Dahil doon at sa hiya na rin, tuluyan na akong umalis sa gym. Ang saklap kasi ng nangyari sa akin. May pagkakamali akong nagawa at lahat na yata ng nagawa ko ay puro mali. At isa pa, natsi-tsismis na rin ako sa gym at syempre, damay siya. Kaya upang hindi na lumala pa ang lahat, maiwasang lalo pa siyan mapahiya, iyon ang ginawa ko.

Ngunit nanatili ang pagmamahal ko kay Rodney. Walang oras na hindi siya sumasagi sa aking isip.

Lumipas ang isang taon, nabalitaan kong may girlfriend na siya at balak niyang pakasalan ito.

“Good for him…” ang sabi ko kay Steve na siyang naghatid sa akin ng balita.

“Wala ka na bang nararamdaman para sa kanya?”

“I tried na kalimutan siya…”

“You tried. Pero nag-succeed ka ba? Burado nab a siya sa puso mo?”

“Hindi naman nawawala iyan eh.” Ang malungkot kong sagot. “Pero tanggap ko na hindi siya para sa akin at manatili na lamang siyang isang ala-ala. Alam ko naman na sa kalakaran ng pagiging ganito, hindi mangyayaring magiging kami ni Rodney. Lalaki siya; iba ang pangarap niya, at hindi ako bahagi noon...”

Alam ko, na-awa din si Steve sa akin. “A-ayaw mo na ba siyang kausapin? Kahit man lang reconciliation para kahit papaano, magkaibigan pa rin kayo kahit magkakaroon na siya ng asawa.”

“P-papayag kaya siya?”

Ipinaabot nga ni Steve kay Rodney ang aking hiling. At pumayag ito.

Sa restaurant na iyon kung saan kami unang nag-usap kasama si Steve doon uli kami nagkita. Kasama pa rin si Steve. Ngunit binigyang daan lang kami upang makapag-usap, sa isan gmesa lang siya naupo.

Sa muli naming pagkikita, parang hindi ako makapaniwalang ang taong mahal na pilit ko nang kinalimutan ay naroon sa aking harapan.

Lalo siyang gumuwapo sa aking tingin. Nakasuot ng kasual simi-fit na blue nd red t-shirt at bakat na bakat ang kanyang matipunong katawan, naka-straight cut na jeans. Hunk na hunk ang dating.

“Musta ka na?” ang tanong ko kaagad sa kanya.

“H-heto… ok naman” ang maiksi niyang sagot.

“P-parang kailan lang… dito tayo unang nag-uusap”

“Oo nga…”

“L-lalo kang gumaguwapo…”

Napangiti siya. “Ikaw rin… mas pumogi.”

“Na-miss kita, sobra.”

“N-namiss din naman kita eh. Namiss ko ang thoughtfulness mo sa akin, ang mga biruan natin, ang bonding… ang mga activity na kasama ka sa gym, na-miss ko lahat iyon, kala mo ba…”

Napangiti rin ako. “N-nice naman. P-pasensya ka na sa mga pinaggagawa ko ha? Sobrang hiya ko sa sarili… at kaya umalis na rin ako sa gym upang makalimutan kita at makaeskapo na rin sa mga pangungutya ng iba pang mga taga-roon. At upang hindi ka madamay sa mga intriga.”

“Salamat… Alam kong masakit iyon para sa iyo ngunit ginawa mo pa rin. Tiniis mo.”

Sa sinabi niya, bigla tuloy dumaloy ang mga luha ko. Iyon bang feeling na kahit hindi man mangyari na maging kami, ngunit na-appreciate ko pa ring nakita niya kung gaano kasakit iyon para sa akin. “W-wala akong choice e. Una, nagkasala ako. Kailangan kong umalis sa lugar na pakiramdam ko ay hindi ako kailangan. Pangalawa, lalaki ka. Syempre, babae ang hahanapin mo, hindi isang katulad ko. Kaya tama lang din siguro na pilitin ko ang sariling layuan ka, limutin… isiksik sa isip na hindi ako nararapat sa iyo… Iyan kasi ang hirap sa ganitong klaseng pag-ibig. Wala kang kasiguraduhan sa pagmamahal. Minsan inaapi, minsan iniwan, at kadalasan, iibig na lang sa isang taong nakalaan para sa iba...”

Natahimik siya sandali. “May aaminin ako sa iyo…” napahinto siya ng sandalai. “Alam mo bang napamahal ka rin sa akin noong mga panahong iyon? Kaso, nasaktan ako sa ginawa mo.”

Napangiti ako. May naramdaman ding bahid ng panghihinayang. Kaso, nagkasala nga ako kaya, “I guess ganyan talaga. Huli na an glahat di ba? May nagawa akong hindi maganda kaya dapat pagdusahan ko ito. Di ko itatwa na may mga natutunang bagay din naman ako sa nangyari: ang pagpakumbaba, ang pagbigay respeto, ang pagtiis para sa taong mahal, at ang pagbigay daan upang lumigaya siya.”

“Salamat.” Sambit niyang parang may awa ring nadarama para sa akin.

“N-nalaman ko rin na ikakasal ka na. Congratulations. Ang swerte-swerte ng magiging asawa mo sa iyo. Mapapangasawa niya ang isang taong may paninindigan, mabait, guwapo…”

Npangiti siya ng hilaw. “Hindi naman. Actually m-may problema pa kami.”

“Hayaan mo. Mahal mo naman siya, di ba. Malulusutan mo rin ang problemang iyan” ang sabi ko na lang, hindi na inalam kung ano ang problema nila.

“S-sana…”

“Gaano mo ba siya kamahal?”

“Mahal na mahal…”

“Paano ako makakatulong sa iyo?”

“Wala… salamat. Wala kang maitutulong” ang sagot niyang bakas sa mukha ang lungkot. Doon ko napagtanto na baka malaki nga ang problema nila.

At iyon… naibalik ang aming pagiging magkaibigan sa aming pag-uusap na iyon. Malaki ang pasasalamat k okay Steve.

Noong kami na lang ni Steve ang naiwan. “May binanggit siyang problema nila ng kanyang girlfriend?”

“Oo… kasi ang babaeng iyan ay may pagka-gold digger ata? Tama bang magdemand kay Rodney ng isang diamond na singsing para sa kanilang wedding ring? 250K ang halaga! Saan kukuha ng ganoong halaga ang pobreng tao? E, sa sweldo niya nga sa gym kulang pa ito sa kanyang pag-araw-araw na pangangailangan? Ni boarding house nga ay pinoproblema dahil hindi niya halos mababayaran ito.”

Namangha naman ako. Hindi makapaniwala sa narinig. Iyan ang problema niya? Sobrang mahal nga. At grabe naman ang babaeng iyon…” Ang sambit ko. At lalo naman akong naawa kay Rodney. Alam kong kapos siya sa pera. Nasabi nga rin niya sa akin isang beses na kung may mahanap lang siyang boarding house na mas mura sana ay doon na siya. Nanghinayang nga siya noong isang beses habang naglalakad kami sa may labasan lang ng gym nila, may nadaanan kaming isang house and lot for sale na hindi kalakihan ang halaga. Sabi niya, “Kung may pera lang sana ako, bibilhin ko na ang house and lot na iyan.” Hindi ko malimutan iyon. Kasi nasabi ko ring pabiro sa kanya na, “Kung may pera lang din ako, bibilhin ko na iyan para sa iyo.”

“Oo. At napaka arte pa, at snob ng girlfriend niya. Palibhasa, maganda at isang beauty queen. Nagtaka nga kami kung paano nagustuhan ni Rodney iyon sa kanyang ugali.” Dagdag ni Steve.

Hindi ko na pinakinggan pa ang huling sinabi ni Steve. Ang nasambit ko na lang ay, “Tutulungan ko si Rodney Steve.”

“Ano? Huwag mong sabihing agawin mo siya sa babaeng iyon?”

“Hindi ah! Dapat silang magkatuluyan. Mahal na mahal siya ni Rodney e…”

“Bibilhin mo ang singsing para sa kanya? Saan ka kukuha ng pera? Ni iyong inutang mong laptop ay hanggang ngayon hindi mo pa nabayaran ng buo?”

“Basta… may naisip ako.”

Kinagabihan, nagresearch ako sa internet tungkol sa naisip kong paraan upang matulungan si Rodney. At nakahanap naman ako ng tamang-presyo sa naisipan kong ibenta. Nagkasundo kami.

Bago tuluyang naisagawa ang operasyon, ipinaalam ko it okay Steve ito. “Nagulat man siya at pilit na tumutol, itinuloy ko pa rin ang pagpapaoera. Ibinenta ko ang aking kidney sa halagang 250,000 pesos. May isang milyonaryong nagpa-advertise sa internet ng kidney donor at qualified akong mag donate.

Bigalng dumaloy ang aking mga luha noong nakahiga na ako sa stretcher at itinulak na ito patungong operating room. Hindi ko alam kung bakit. Nagtatanong ang isip kung tama ba ang aking ginawa…

Ngunit ang mukha pa rin ni Rodney ang nakikita ko, ang mga nagawa kong kasalanan sa kanya at ang kanyang sinasabing, “Ang tiwala ay kinakamit; hindi binibili… Ang pagmamahal ay ipinapadama, hindi ipinapataw”

Hanggang sa inilagay na sa aking bibig at ilong ang isang tila isang gas mask at nawalan na ako ng malay-tao.

Noong magising ako, nasa tabi ko na si Rodney. Malungkot ang kanyang mukha at bakas sa kanyang mga mata ang awa.

Binitiwan ko ang isang pilit na ngiti. “M-matuloy na rin ang kasal mo…” ang sabi ko.

Ngunit isang tanog ang kanyang isinagot sa sinabiko. “Bakit mo ginawa ito???” ang

“B-bakit? Kagustuhan ko naman ito eh… Para, matuloy ang kasal mo. P-para ka lumigaya.”

“Paano ako liligaya? Hiniwalayan ko na ang babaeng iyon?”

Parang may isang malakas na pagsabog akong narinig sa sinabi niya. “B-bakit??? Di ba mahal na mahal mo siya? Iyan ang sabi mo sa akin?”

Binitiwan niya ang isang malalim na buntong-hininga. “Sobrang taas ng presyo ng kanyang pagmamahal. Sa isang hamak na manggagawa lamang na katulad ko. Hindi niya ako mahal. Sarili lang niya ang mahal niya. Ang gusto kong mahalin ang taong ipinadama sa akin ang kanyang pagmamahal.”

Hindi ako nakaimik. Naalala kong sinabi niya isang beses na “Ang pagmamahal ay ipinadama, hindi binibili…”

“At… ramdam ko sa puso ko ang pag-ibig mo. Bilib ako sa ipinakita mong pagmamahal at pagmamalasakit; ito ay hindi makasarili. At ang ang pagparamdam mo nito ay tumagos sa kaibuturan ng aking puso. Sa ginawa mong ito, m-mahal na rin kita...”

At namalayan kong dumaloy na pala ang luha sa aking mga mata. Pinahid iyon ni Rodney.

“S-salamat. Hangad ko lang naman ang kaliga—“

Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin gawa ng pagdampin ng mga labi niya sa mga labi ko. Naghalikan kami, hindi alintana ang nurse at si Steve na nakatingin sa amin.

Iyon ang simula ng pagiging magkasintahan namin ni Rodney.

Noong naibigay na sa akin ang bayad ng aking kidney, ipinasya kong bilhin ang house and lot na nadaanan namin isang beses malapit sa kanilang gym.

“Waahhhh! Bakit mo ako dinala dito? tanong niya.

“Kasi po… dito na tayo titira. Di ba nangarap kang bilhin ang house and lot na ito? Pwes binili ko na!”

“Huh! T-talaga? S-saan ka kumuha ng pera? P-paano natin mababaya--”

“Uhmmmmmmmpppp!!!” Hindi na magawang ituloy pa ni Rodney ang kanyang sasabihin gawa ng paglapat ko ng aking mga labi sa mga labi niya.

Wakas.

No comments: