Wednesday, October 20, 2010

THE MARTYR, THE STUPID AND THE FLIRT 7

Photobucket


A MILLION THANKS TO YOU LORD.

I was busy typing the next TFE Series ng biglang i-announce ng AM Station na pinakikingan ko ang mga apektadong lugar ng Bagyong Juan. Grabe ang kaba ko for Dhenxo lives in Isabela. Then Perse is from Tarlac and my Ex-Boyfriend Rey is from Santo Tomas, La Union. I immediately prayed for the safety of those I dearly love. Tapos itong si Rovi nhold-up. Good thing he was not hurt. Kung hindi, It'll be war. Choz! Glad you're all safe guys. I love you. Pwera sa'yo Rey. Hahaha!!!

This is the seventh installment of TMTSATF.

I want to know what Celeste and Wingless think upon reading this story. That is, kung nasimulan nila ito. :)

I have 19 followers na! Hahaha!!! Love this site talaga! :)

Follow my lovely blog.

dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
or simply type sa address bar ninyo, Fall in Love with Dalisay. :))
Vote kayo sa poll ha.








CHAPTER 7 (The Show)



NAKASUOT si Monty ng makapal na shades pagpasok sa eskwelahan kinabukasan. Hindi kasi siya nakatulog ng maayos pagkatapos nilang maghiwalay ni Orly kagabi. Ang usapang sa bahay ng mga ito siya matutulog ay hindi natuloy dahil sa pag-aalala niya sa mga sinabi ni Ronnie. Actually, hindi siya nag-aalala. Nalilito ang buong sistema niya sa mga naging pahayag nito.

Pagkatapos nito ideklarang ‘aagawin’ siya nito kay Orly ay parang nanlaki ang ulo niya. Inihatid pa siya nito sa kanila bagama’t wala silang imikan sa daan. Ganoon ba siya kaganda para pagbalakan nitong agawin sa boyfriend niya? Sa totoo lang, hindi niya maisip ang intensiyon sa paglalahad na iyon ni Ronnie. Parang may mali. Sa pakiramdam kasi niya ay may mas malalim na dahilan ang pakikipaglapit nito sa kanya. Kung ano man iyon ay kailangang malaman niya.

Nasa malalim pa rin siyang pag-iisip ng may umakbay sa kanya na ikinapitlag niya. ‘Huh ! Ano ka ba naman Orly ! Ginulat mo ako.’’ Naiinis na sabi niya sa katipan.

Napahagikgik ito dahil sa reaksiyon niya. ‘Grabe ka naman Pet, kanina pa kita tinatawag pero dinededma mo ako. Sobrang lalim ba ng iniisip mo ?’’ nakangiting tanong nito.

‘Oo. Sobrang lalim. Hindi na ako makaahon.’’ Impit na sigaw ng isip niya.

‘Wala naman. Hindi lang ako nakatulog ng maayos kagabi. Inatake ako ng insomia ko.’’ Pagdadahilan na lamang niya.

‘Bakit hindi ka nakatulog ? Siguro masyado mo na naman akong inisip no ?’’ panunukso ni Orly sa kanya.

Matipid siyang ngumiti. ‘You have no idea Orly.’’ Sasabihin sana niya.

‘Sino pa ba ang iisipin ko mahal ko ?’’ sa halip ay sabi niya.

‘Ang sweet naman non.’’ Sabay halik nito sa pisngi niya. Nanlambot ang tuhod niya sa gesture na iyon ni Orly. Kahit paano na-divert nito ang kanina’y magulong pag-iisip niya.

Marahan niyang tinampal palayo ang pisngi nito. ‘Mukha mo sweet ! Nambola ka pa.’’ Saka siya impit na napatawa.

‘Oy hindi ako bolero ha. Kahit itanong mo pa sa mga ka-team ko. Di ba team ?’’ sagot ni Orly na hinuli ang ipinangtampal niyang kamay pagkatapos ay hinalikan ang likuran ng palad niya.

‘Oo naman boss !’’ korong sagot ng mga ka-team mate nito.

Noon niya lang napansin na nasa paligid lang pala ang mga ito. Kilig na kilig naman na siniko niya ito ng marahan.

‘Aray ! Nakakarami ka na Pet ha !’’ nagtatampo kunwaring sabi nito.

Ngumuso lang siya saka inirapan ito. Laking gulat niya ng bigla siya nitong kabigin at halikan ng marubdob sa harap ng mga estudyante. Nagpalakpakan ang mga miron at ang ilang nakatambay sa mga bench na naghihintay rin marahil sa pagsisimula ng klase.

It was a very hot kiss. Orly’s kissing him as if there’s no tomorrow or like they had only so much time left. There was too much passion. Too strong an edge to the way Orly’s lips crushed his. But he liked it. Monty surrendered wholeheartedly and wantonly. In fact, he didn’t mind that there are people watching them kiss. He even raised his hands to his nape. It seemed like an eternity when Orly stopped kissing him. Nanginginig pa ang tuhod niya sa pagkakatayo kaya kumapit siya ng husto sa batok nito.

Humihingal na nagsalita ito. ‘Anong sabi ko sa’yo about pouting your sweet lips?’’ his eyes teasing him.

Tinampal niya ang pisngi nito. ‘Salbahe ka !’’ natatawang wika niya. Narinig niya ang hagikgikan at ang makulit na palakpakan sa paligid. Mabuti na lang at kaunti pa lang ang estudyante sa campus. Maaga pa kasi. Kalahating-oras pa bago mag-alas siyete.

‘Ikaw ang salbahe. Nananakit ka kaya.’’ Tukso nito.

‘O sige na. Ako na.’’ Natatawang pagsuko niya. Kumalas siya rito at inayos ang bahagyang nagusot na polo.

‘Ayan tuloy.’’ Kunwaring paninisi niya rito.

‘Sorry pet. Sabi ko kasi sa’yo huwag kang ngunguso. Hindi tuloy ako nakapagpigil.’’ Nakangisi nitong sabi sabay akbay sa kanya. Naiiling na nagpatuloy na lang sila sa paglalakad sa pathway patungo sa department nila. Pagdating doon ay nakita nila na naghihintay si Jordan.

‘Hello friend.’’ Bati niya rito sabay beso.

‘Kamusta ang love birds ?’’ sabi nito pagkatapos humalik sa kanya.

‘Okay lang.’’ Si Orly ang sumagot.

‘Ang aga-aga eh nilalanggam kayo. Nagpahatid ka pa talaga para lang ingitin ako no ?’’ nakasimangot kunwaring sabi ng kaibigan niya.

‘Hindi ah.’’ Painosente niyang tugon.

‘Tse ! Diyan ako nagtae !’’ pakwelang sagot ni Jordan.

Napuno ng halakhakan nilang tatlo ang hallway na iyon dahil sa sagot ni Jordan. Sinaway naman sila ng ilang estudyanteng busy sa pagre-review kunwari.
‘Ay sorry naman.’’ Di totoo sa loob na paumanhin ng kaibigan sa mga nasa paligid.

‘Ang gross naman kasi nun friend.’’ Nangingiwing sabi ni Monty.

‘Gross ka diyan.’’ Naka-irap na sabi nito pagkatapos ay tinampal sa dibdib si Orly. ‘Hoy !’’

‘Aray ! Magkaibigan talaga kayong dalawa .’’ natatawang sabi ng nobyo niya.

‘Of course, The Corrs. Parehas kaming maganda.’’ Sabi ni Jordan.

‘At parehong mabigat ang kamay.’’ Tukso ni Orly.

‘Ewan. Kayo bang dalawa eh nag-do na ?’’ eskandalosong tanong nito sa kanila.

‘Shuta ka !’’ nahihiyang saway ni Monty sa kaibigan. Natawa lang si Orly.

‘What? May mali ba sa tanong ko ?’’ pakunwaring inosente ni Jordan kahit pa punong-puno ng amusement ang mata.

‘Baliw ! Kailangan mo ba talagang itanong iyon ? Nakakahiya.’’ Pa-demure niyang sabi.

‘Virgin ‘teh? pang-aasar nito.

‘Huwag kang mag-alala D. Kapag nangyari iyon, malalaman mo rin.’’ Nakangising sagot ni Orly saka tumingin sa kanya na nagtaas-baba pa ang kilay.

Siniko niya ito ng mahina. ‘I didn’t know na kiss and tell ka pala Mr. Diamond.’’ Galit-galitan niyang sabi.

Gumibik ito ng bahagya at tumatawang tumugon. ‘Of course not Pet. I don’t do kiss and tell. Ang ibig kong sabihin ay mahahalata niya kasi iika-ika kang lalakad kinabukasan kapag may nangyari na sa atin.’’ Pabulong nitong sabi sa kanya.

Nanlaki ang mata ni Jordan sa pagkakarinig. Siya naman ay umawang ang bibig sa kilig at pagkahiya na rin. Eskandaloso namang tumili si Jordan. ‘Ay !!! Ako muna friend. Please !’’ sabay hawak sa braso ni Orly para hilahin ito sa kung saan.

Maagap naman na hinablot niya ang buhok ng kaibigan kaya napaatras ito. Natatawang hinila rin ng nobyo ang sarili mula sa ‘ahas’ niyang kaibigan. ‘Shutanginamels ka ! Ahas !’’ natatawang sabi niya.

Hinaplos naman ni Jordan ang nasaktang buhok saka siya marahang hinampas ng bag nito. Natatawang umilag siya. ‘Aray ko ! Ito naman. Hihiramin ko lang. Siyempre, kumbaga sa pagkain dapat may food testing. Paano kung di pala masarap ?’’ naka-ingos na sabi nito sa kanila.
‘Oy masarap ako ah.’’ Depensa ni Orly.

‘I know dear. Kaya nga tetestingin ko nga muna sana yung ‘produkto’ mo para mabigyan ko ng tip si friend.’’ Ang sabi ng luka-luka.

‘Baliw ! There’s no need for that.’’ Naaaliw na sabi niya.

‘Ang damot mo !’’ nagdaramdam na sabi ni Jordan.

‘Talaga. Pagdating sa lalaking mahal ko, madamot ako.’’ Aniya sabay yakap kay Orly.

Yumapos din ito sa kanya at hinalikan siya sa ulo.

‘Tse !!! Ang bababoy niyo. Parehas kayong lalaki no tapos nagmamahalan kayo.’’ Baliw-baliwan nitong sabi sa kanila.

‘Inggit ka lang.’’ Sagot ni Monty sa kaibigan.

‘Oo nga.’’ Sagot ni Jordan sabay tawa.

May sasabihin sana si Orly ng mag-ring ang bell na siyang hudyat na magsisimula na ang klase. Nagmamadaling humalik ito sa labi niya. Saka nagpaalam. ‘Kita tayo mamayang break.’’ Sabi nito sa kanya. Tango na lang ang naging sagot niya dahil nagmamadali na siyang hinila ni Jordan para pumasok sa classroom nila.



BABA muna tayo sa canteen. Hindi ako nakapag-agahan eh.’’ Yaya sa kanya ni Jordan. Hindi pa nila break. Wala lang ang instructor nila sa isang subject na pang alas-diyes kaya mahaba-haba ang break nila.

‘Sige. Pero doon na lang tayo sa Wendy’s. Treat kita. May ikukwento ako sa iyo eh.’’ Sagot niya sa kaibigan.

‘I know. Kanina ka pa tulaley sa klase. Buti na lang hindi ka nakita ng mga professors natin kung hindi, malamang na napahiya ka.’’ Sabi nito habang isinusukbit ang mga gamit at kinipkip ang mga librong dala.

‘Oo nga friend. Halika na.’’ Tumayo na siya at sumabay ng lakad dito.

‘What is it friend ?’’ tukoy ni Jordan sa problema niya.

Hindi na siya nag-alinlangan na sabihin dito ang gumugulo sa isip niya. ‘It’s Ronnie.’’

‘What about him ?’’

‘Nag-date kami kahapon.’’

‘Then?’’

‘He said something.’’

‘He said something… What?’’

‘Aagawin daw niya ako kay Orly.’’ Di makatinging sabi niya sa kaibigan.

‘Shit! Ikaw na. Diyosa ka pala eh!’’

‘Sira. Yun nga ang sinabi niya.’’ Frustrated na sabi niya.

Jordan rolled his eyes. ‘Ang simple lang ng problema mo eh. E di don’t entertain Ronnie. That is, kung hindi pa siya nakakapasok diyan sa puso mo.’’ Sabi nito.

Hindi siya agad naka-imik agad. Nakapasok na nga ba si Ronnie sa puso niya ? Wala siyang ideya. Basta ang alam niya lang ay nalilito siya.

Tinapik siya ni Jordan sa likuran. Napatingin siya rito. ‘Oh my god!’’ sabi nito sabay iling.

‘What ?’’ nalilitong tanong niya.

‘Nalilito ka lang friend.’’

‘Tell me something I don’t know Jordan.’’

‘Loka. I mean, nalilito ka kasi may dalawang lalaking nagpahayag sa iyo ng pagkagusto. It is something na hindi madalas mangyari sa ating mga diyosa. Now, the problem lies diyan mismo sa pagkalito mo. Napakasimple lang friend. Kung mahal mo talaga si Orly, hindi ka dapat nalilito ngayon. Ang dahilan kasi ng pagkalito mo ay parang ego-tripping na lang. Imagine, may boyfriend ka ng hunk may delicious ka pang admirer on the side. Sino bang hindi matutuwa non ? Pero dahil nga ayaw mong mawala sa’yo si Orly kaya ka nalilito ngayon. Kung papatulan mo ba ang mga sinabi ni Ronnie na hindi naman dapat kasi may boyfriend ka na ? Or paiiralin mo ang awa mo sa taong iyon kasabay ng pag-eenjoy na bukod sa main course, isinabay mo ng kainin ang side dish.’’ Mahabang paliwanang ng kaibigan.

He thought so. Para ngang natuwa siya na bukod kay Orly ay meron pang Ronnie na nagkakagusto sa kanya. Para tuloy naging bloated ang ego niya sa pangyayari. Kasabay ng pamomroblema niya kung paanong hindi malalaman ng nobyo ang tungkol kay Ronnie. Maganda talaga na nai-share niya sa kaibigan ang gumugulo sa isip niya. Ngayon, medyo malinaw na ang dapat niyang gawin. Iiwasan na lamang niya si Ronnie.

Hinawakan niya sa braso ang kaibigan. Napatigil ito sa paglalakad at tumingin sa kanya ng may pagtataka. ‘Salamat friend.’’ Nakangiting sabi niya.

‘Your welcome loka. Akala ko kung ano na.’’ Naiiling ngunit nakangiting sabi nito. Nagpatuloy sila sa paglalakad.

‘Hay. Half-problem solved na ako.’’ Deklara niya sabay pakawala ng malakas na hininga.

‘O bakit half lang?’’ nakataas-kilay na sabi nito sa kanya.

‘Kasi I still need to talk to Ronnie na hindi na namin itutuloy yung ten dates na sinasabi niya. Kesohoda pang sabihan niya akong walang isang-salita. Kiber ko sa kanya.’’ Pahayag niya.

‘Koyek!’’ ayon ni Jordan sa sinabi niya.

‘Pero alam mo ba friend. Sayang si Ronnie.’’ Sambit ni Jordan kapagkuwan.

‘Loka. Ginugulo mo na naman ang isip ko niyan eh.’’ Natatawang tinampal niya ang ulo nito.

‘Loka ka rin. Hindi naman para sa’yo eh. Para sa akin.’’ Anito saka humalakhak.

‘Sorry girl. I tried to tell him na irereto ko siya sa iyo, pero wiz daw niyang bet ang beauty mo. Atashi lang daw ang beth-tamayo niya.’’ Pang-aasar niya rito.

‘Ikaw na diyosa.’’ Mataray na sabi nito.

‘Salamat.’’ Ganti niya rito.

‘Oy teka. Si Orly yun di ba?’’ sabi nito sabay turo sa isang lalaking papalabas din ng gate ng campus.

‘Anong ginagawa niya dito sa labas ? May klase sila ah.’’ Takang tanong niya.

‘Aba malay ko ? Bakit ako tinatanong mo ?’’ pamimilosopo ni Jordan sa kanya.

‘Baliw. Ang ibig kong sabihin eh hindi siya dapat nandito kasi may klase siya. Dala pa niya ang gamit niya oh.’’ Tukoy niya sa nobyong nagmamadali sa paglalakad.

‘Sundan natin.’’ Yaya niya sa kaibigan.

‘Teka. Pero kakain pa tayo.’’ Reklamo nito.

‘Mamaya na yun. Alamin lang natin kung saan patungo si Orly. Iba kasi ang kutob ko eh.’’ Sabi niya saka ito hinila. Wala ng nagawang sumunod ito sa kanya.


SHHH… Huwag kang maingay bakla.’’ Saway niya sa kaibigan.

‘Ikaw na lalaki.’’ Mahinang anas nito.

‘Loka. Magtago ka.’’

‘Oo na.’’ Asar na sabi nito.

Nakarating sila sa may bakanteng bahay na nakatirik sa isang malaking lote sa likuran ng campus. Ang alam niya, tambayan iyon ng fraternity. Agad ang pagbangon ng pagdududa sa kung ano ang pakay ni Orly doon. Sumali ba ito sa fraternity ng hindi niya alam? Maaaring kailangan nito ang makukuhang benepisyo sa pagsali sa frat pero maaari rin itong masaktan sa gagawin nitong pagsali.

Lumapit sila ng kaunti sa may bintana. Sumilip sila ni ng kaunti. Nakita niya ang nobyo na ibinababa ang gamit saka nakipag-kamay sa kakaibang paraan sa mga nasa loob. Medyo nakatalikod sa kanila ang mga ito kaya kumbinyente ang pwesto na iyon para sa kanila ni Jordan.

Matapos ang pakikipagkamay sa isa’t-isa ay nagsalita ang isang lalaking nasa harapan. Kilala niya iyon bilang leader ng frat sa SBU. Fourth-year engineering student ito. Pumalakpak na kinuha nito ang atensiyon ng lahat.

‘Gusto kong ipaalam na ang final initiation rights natin ay bukas na. I’ve given you two weeks para ayusin ang first task ninyo bilang mga bagong sali. Ngayon, kukumustahin ko ang progress ninyo para malaman kung sino ang kasali sa big night.’’ Mahabang turan nito.

Isa-isa ang ginawang pagtatanong. Kinakabahan naman si Monty mula sa pwesto. May pakiramdam siyang hindi maganda ang maririnig niya ngunit ipinagpatuloy pa rin ang pakikinig. Napahigpit ang kapit niya sa balikat ni Jordan ng dumating ang turn ni Orly para sumagot.

‘Ikaw Orly. Anong task ang ibinigay sa’yo ?’’ tanong ng lider.

‘Ahm… Bungguin ang unang taong tatawid sa field habang may practice ang football team. Pagkatapos ay gagawan ng paraan na mapalapit dito in a very sweet manner.’’ Diretsong sabi nito.

Napasinghap siya sa narinig. Naramdaman niya ang pagkabig sa kanya ni Jordan.

‘Halika na friend. Huwag ka ng makinig.’’ Naaawang anas nito sa kanya.

He felt numb. Like he was hit by a bullet train. Ganoon pala iyon? Sinadya akong banggain ni Orly dahil sa task niya iyon sa pagsali sa frat. Pero bakit kailangan siya nitong syotain?

‘At sino naman ang nabangga mo ?’’ tanong ng lider kay Orly.

‘The campus sweetheart Monty Labrador.’’ Tugon ng nobyo.

‘Ah… Kaya pala may kumakalat na balitang kayo na ng campus sweetheart na si Monty. Well, anong progress ?’’ anang leader ng frat.

‘Well, it’s our sixth day today.’’ Sagot ulit ni Orly.

‘Are you enjoying it ?’’ malisyosong tanong ng pinuno ng frat.

‘You can put it that way.’’ Maikling sagot ng katipan.

Para siyang tinamaan ng bala ng kanyon. O sinaksak ng ilang libong punyal sa narinig. So lahat ng nangyayari sa kanila ni Orly is just for a show. Kaya pala parang napakabilis ng lahat. Tama lang pala ang pag-aalinlangan niya sa simula pa lang. Napakawalang-hiya nito.

‘Halika na friend.’’ Anas ng kaibigan niya.

‘O-oo.’’ Sang-ayon niya saka sila mabilis na tumalilis sa lugar na iyon.

‘Huwag ka ng umiyak. Walang kwenta ang Orly na iyon.’’ Matigas na sabi ni Jordan.

‘Sinong umiiyak ?’’ takang tanong niya.

‘Ako. Ako. Ako ang umiiyak.’’ Naiinis na sabi nito.

Kinapa niya ang pisngi. Basa nga iyon ng luha. Hindi niya namalayan na kanina pa pala siya umiiyak. Sa pagka-alala ng panloloko ni Orly ay napahagulgol na naman siya. Ang lahat ng sama ng loob na natipon sa pagkarinig ng mga pahayag nito kanina ay muling nagbalik.

‘Ang sama niya friend.’’ Humahagulgol na yumakap siya sa kaibigan.

‘Alam ko. Sige lang. Umiyak ka lang. Iiyak mo ng lahat ngayon. Para pagkatapos nito hindi ka ulit luluha pa. Ubusin mo na lahat ngayon.’’ Garalgal ang boses na sabi sa kanya ni Jordan.

‘I don’t deserve this friend. I don’t deserve this.’’ Umiiyak pa rin na sabi niya.

‘No one does, sweetie.’’ Pagsang-ayon nito. Hinagod ni Jordan ang likod niya. Somehow, it felt good na may napagbubuhusan siya ng sama ng loob.

Inilayo nito ang katawan sa kanya then cupped his face. ‘Cry sweetie, if you must. I know you’re aching. So iluha mo lang lahat. Pagkatapos noon, mararamdaman mong medyo magaan na sa pakiramdam. Let’s skip class for today. Umuwi na tayo. Ihahatid na kita.’’ Umiiyak na sabi nito saka siya niyakap ulit.

After what it seemed like an eternity of crying. Mabilis na pumara si Jordan ng taxi na nagdaan sa tabi nila. Sumakay sila doon at mabilis na nagpahatid sa bahay nila. Habang lulan ng taxi ay nakapagisip-isip siya. Two can play this game. Ipaparamdam niya kay Orlya ng feeling ng nasasaktan. Ng napapahiya. Hindi lang ito ang aktor. Siya rin. Sinabi niya kay Jordan ang napag-isipan at tumatangong sumang-ayon ito.

Itutuloy….

1 comment:

Anonymous said...

ang sakit talaga nun.... parang lottery ang situation n monty....malaking pa premyo kapag nakuha... kawawang monty... tsk tsk tsk...

ramy from qatar