Saturday, October 2, 2010

THE MARTYR, THE STUPID AND THE FLIRT 5

the martyr the stupid and the flirt

MARAMING MARAMING SALAMAT SA LAHAT NG NAGBABASA AT PATULOY NA SUMUSUPORTA SA AKING MGA AKDA RITO SA BOL.

Mula sa aking dalisay na puso ay aking ipinapaabot ang napakalaki kong pasasalamat. Mula sa Kung Kaya Mo ng Sabihing Mahal Mo Ako, hanggang sa Task Force Enigma hanggang dito sa seryeng ito, hindi kayo bumitaw.

I've gained new friends through this. Sana madagdagan pa ang mga kaibigan ko rito. Salamat Zach sa pagpapaunlak na makapag-post dito. MICHAEL salamat sa poster anak. :)

Bati Mode:

Ang mga binabati ko sa Task Force Enigma ay iba rin sa binabati ko dito. Hindi pala, parehas lang pala halos. Kayo-kayo rin yun eh. haha

Kokey: Kamusta si kekay? Mambabasa pala kita haha ngayon ko lang napagtanto.

Half: na friend ko na sa FB. Salamat sa pag-add. Natawa ako sa message niya na, "psst... ako si half!"

Ibanez: hello sa iyo! Kiligin ka naman sana ngayon.

Kearse: na nakatanggap ng tawag mula sa Psychotic Hotline. Naloka ka no? Haha

Earl of Dubai: Huwag ka ng ma-sad kay Ronnie. Magkaka-eksena rin sila ni Monty.

Adik_ngarag: Na natawa raw sa "mukhang-aso" na punch-line.

Unbroken: May pag-asa pa talaga anak. Huwag mawawalan ng pag-asa.

Migs: Na kinilig at nagpapatay-malisya sa nahuli kong nakiki-paglandian sa MSOB.

Mark_roxas45: na naguluhan daw. Sana maguluhan ka pa. hahaha... joke!

Woody: na hindi pa sinasabi kung sino si MIDNIGHT SHOULDER!!!(kala ko dedma na :p)

Alexander: Salamat sa daldalan natin. :)

Dhenxo: na nawala raw ang pagka-bwisit. :)

VinceSaavedra: Salamat po.

ChinitoAko: Hay naku. Ang batang ito ay ang cute-cute. Sana di ka poser hijo. Malulungkot ako. Hahaha Honglande!!!

Jim: Salamat sa pagko-comment. Daldalan ulit sa chatbox kapag may time.

Jerick: TEAM ORLY? Twilight ba ito? Hahaha

Emray08: na nakikipag-palitan ng Poke sa akin. Haha... Poke back mo ko.

Honeybun: I love you po anak.

Eric: Manugang ko, huwag ka sanang tamarin sa GBN. Isipin mo lang QUAF yun. Hahaha

Gabriel: Salamat sa pagbati sa akin sa comments sa "Reverie:Dos" mo. Kinilig ako. hahaha

And sa iyo Mahal Ko... Ang pag-iingat mo sa sarili ay katumbas ng pagiingat mo sa pagmamahalan natin. Ikaw ang pinakamagandang pangyayari sa buhay ko.


CHAPTER 5 (BATIBOT)




"Sorry Pet, di kita mahahatid ngayon ha. May practice pa kasi kami ng team." malambing na sabi ni Orly sa kanya habang nasa batibot sila. Isa iyong paikot na bench at may malaking puno sa gitna. Ika-limang araw na nila bilang official na mag-boyfriend.

"Okay lang mahal ko." tinapik niya ang pisngi nito.

"Ang sarap naman nun." sabi nito sabay akbay sa kanya.

Kinikilig naman na humilig siya sa dibdib nito. Nararamdaman niya ang pagpintig niyon. Maligayang-maligaya naman ang pakiramdam niya dahil nakasandal siya sa pinakagwapong lalaki sa campus.

"Ano yung masarap?" Monty said grinning.

"Yung tawag mo sa akin. Para tuloy naluma yung "pet" na tawag ko sa'yo." nagmamaktol kuno nitong sabi.

"Asus! At nakipag-kumpetensiya raw ba ang mamang ito." kinurot niya ang pisngi nito. Gawain niya iyon dito kapag naglalambing. Siyang-siya naman ang kumag kapag hinaharot niya.

Halos isang linggo na rin sila sa kanilang relasyon. Bagama't hindi pa niya naririnig ang mga salitang "I Love You" mula rito ay ayos lang sa kanya. Ang mga salita naman ay madali lang bigkasin kahit hindi bukal sa kalooban mo.

"Pet." masuyong sabi nito sa ibabaw ng ulo niya.

"Yes Mahal ko?"

"Sarap naman. Salamat ha?" sabay yakap nito sa kanya mula sa likod.

"Para saan na naman?" natatawang sabi niya. Iginala niya ang paningin para sa mga possible ingiterang schoolmate. Wala naman siyang nakita so tuloy ang ligaya.

"Para dito. Na I finally have you." madamdaming sabi nito.

Nilingon niya ito. Di makapaniwalang nasabi iyon ni Orly. He was welcomed by his soulful brown eyes. Kitang-kita niya ang sinseridad sa mga iyon. Napababa ang mata niya sa mapupulang labi nito. They looked so inviting. His face is only an inch away to his. He could feel and smell his fresh breath. Napalunok siya temptasyong nasa harapan.

"Seryoso ka Orly?"

"Oo naman. Mukha ba akong nagbibiro?"

Napahugot siya ng hininga sa sinabi nito. Kayang-kaya talaga siya nitong pakiligin. Sabagay, kahit ano naman ang gawin nito, magsalita man o hindi, abot-langit talaga ang kilig niya para dito. At mukhang nag-level up na iyon ng husto.

"Bakit mo naman nasabing "I finally have you?" Ano yun? Ipinagdasal mo ba ako?" he teased.

"Hindi lang ipinagdasal. Ipinag-novena pa kita." natatawang sabi nito.

Sumimangot siya kunwari. "Niloloko mo lang ako eh."

"Hindi kaya. Remember nung 1st year pa lang kayo. Hindi ba lagi akong visible sa Education Department kahit Architecture ang course ko. Kasi I'm hoping na sana makasalubong kita kahit isang beses lang." nahihiyang pag-amin nito.

"Hindi nga? Walang stir?" di makapaniwalang tugon niya.

"Ayaw mo pang maniwala? Eto na nga ebidensiya o. Nakalingkis ako sa'yo ng parang walang bukas." sabay hinigpitan pang lalo ang pagkakayakap sa kanya.

Kinilig naman siya ng sobra-sobra-sobra-sobra. Walang paki-alam na inabot niya ang labi nito and gave him a quick wet kiss. Kiber lang sa paligid.

"Whoa! What is that for?" natatawang sambit nito pagkahiwalay ng kanilang mga labi.

"Nothing. Ako ang dapat mag-thank you sa'yo." namamasa ang matang sabi niya.

"Bakit?"

"Kasi the last five days of my life were the happiest. At ikaw ang rason nun. Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko."

"You too Pet. And you're welcome."

They kissed again. Slowly this time. Taking their sweetest time to enjoy each other's lips. Tila wala namang paki-alam ang lahat sa ginagawa nila. Medyo kubli naman ang bahaging iyon kaya pwede na ang torrid kiss sa paligid. Hindi nga lang pwede all the way.

"Whew!" sabi ni Orly after the earth-shattering kiss.

"Nakaka-aliw ka mahal ko. Ganoon ba epekto ng halik ko?" he teased.

"Opo. Nakaka-uhaw. Nag-init ako." he matched his grin then poked his sex on his back.

Natatawang sinaway niya ito.

"Orly! Ang bastos mo." pa-demure na sabi niya rito. Nanlalaki ang mga mata kunwari sa pagkaka-eskandalo. Pero sa tagong bahagi ng pagkatao niya ay ang kilig at excitement na nag-uumapaw.

"What?" painosenteng sabi nito.

"What-what ka diyan. Ikaw ha, ang naughty mo."

Tumawa ito. Then he grinned mischievously. May ibinulong ito sa kanya.

"Sa bahay ka matulog mamaya." nagtaas-baba pa ang kilay nito habang nakangisi ng mala-demonyo.

"Ano na naman ang binabalak mo Orly?" kinikilig na sabi niya.

"Alam mo na yun. Sige na, wala naman si Mommy eh, umalis sila kaninang umaga ng maid namin. Home alone ang drama ko." pamimilit pa nito.

"Ay ayoko. Baka kasi kung anong gawin mo sa akin." pakipot kunwari niyang sabi.

"Asus, if I know, excited ka na." tukso nito.

"Hindi kaya."

"Weh, eh bakit kinikilig ka?"

"Hindi kaya, slight lang!" tuluyan ng bumigay na sabi niya.

"O kita mo na." natatawa ring sabi nito.

"Sige, sige. Sa inyo ako matutulog. Pero tulog lang ha? Walang hanky-panky na eksena."

"Oo. Walang hanky-panky. Kinky lang." natatawang pangako nito.

"Tse! Huwag kang atat Orly. Nag-aaral pa tayo. Baka mabuntis ako." todo-emote pa rin niya.

"Huwag kang mag-alala. Papanagutan kita." pakikisakay nito.

"Baliw!"

"Oo. Baliw na baliw ako sa'yo."

"Alam mo Orly, nahawa ka na sa kabaliwan ko."

"Ang lakas kasi ng pagkabaliw mo. Parang contagious na sakit. Sapol ako dito oh." sabay sapo nito sa puso.

Naantig na naman ang damdamin niya. Is this man really for real? Baka naman pinapasakay lang siya ng tadhana para ganitong klaseng kilig. Hindi kasi makatwiran eh. Pero sa isang banda, diyosa naman siya. So dapat lang talaga sa kanya si Orly.

Tumingin ito sa kanya. Matiim. Saka nagsalita. "Now how long will you hold that breath in wonder? Am I for real? Is that what you're thinking?" seryosong sabi nito.

Hala ka! Nabasa pa yata nito ang isip niya. Nahihiyaang nagyuko siya ng ulo. Habang nag-uumapaw pa rin ang kilig niya.

"Nope Orly." nagtaas siya ng mukha at sinalubong ang mata nito. "Alam kong totoo ka. Nahahawakan kita, nararamdaman. Itong nangyayari ngayon ang hindi ko mapaniwalaan. Hindi ko alam kung parte lang ba ito ng isang napakagandang panaginip. Sana lang huwag akong gisingin agad. Kasi papatayin ko talaga sa sakal ang mangbubulabog ng tulog ko."

"Maniwala ka pet. Maniwala kang totoo ang lahat ng ito." niyakap siya nito para marahil ipadama na totoo nga ang lahat.

"It felt surreal Orly."

"Dadagdagan ko pa ang kilig mo sa bawat araw Monty. Basta ang ipangako mo sa akin, hindi mo ko iiwan. Na ipaglalaban mo yung nararamdaman mo para sa akin. Na hindi mo ako bibitawan."

"Nangangako ako Orly. Hindi mo na kailangang ipaalala sa akin iyan. Ikaw nga ang inaalala ko. Baka kasi, diversion lang ako sa buhay mo." nag-aalinlangan na sabi niya.

"Please don't say that. Huwag mo ring isipin na ganoon ka sa buhay ko dahil hindi. Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya na kasama kita."

"Parang hindi totoo Orly. Hindi ko maiwasang mangamba na baka mauwi lang sa wala ang lahat ng ito. This is indeed too good to be true."

"This is true Monty. Huwag ka ng mag-alinlangan, please?"

"I'll try not to Orly. Para sa'yo gagawin ko iyan. But not if I can't help it." tapat niyang sabi.

"Fair enough pet. Fair enough. Pangako, papawiin ko ang alinlangan mong iyan. Sisimulan ko mamayang gabi." nakangisi na nitong sabi.

"For the record Orly, hindi lang sex ang habol ko sa'yo."

"Alam ko. Ikaw pa, patay na patay ka sa akin."

"Kapal mo." kinurot niya ang hita nito.

"Aray! Aba'y muntik na yun sa "restricted area" ah." Natatawang sabi ni Orly. Hinuli nito ang talipandas na kamay niya at hinalikan iyon.

"Sorry. Masakit ba?" nakakalokong sabi ni Monty.

"Huh! Humanda ka sa akin mamaya."

"Can't wait!" kinikilig na sabi niya.


NAG-AABANG si Monty ng masasakyan papauwi ng may isang malaking motorsiklo ang huminto sa harapan niya. Kinakabahan na napahakbang siya paatras.

Hinubad ng may-ari ng motor ang helmet at tumambad sa kanya ang gwapong mukha nito. Biglang kinain ng kaba ang kanyang puso. Alanganin din niya itong nginitian.

"H-hi Ronnie!"

"Hop-in!" sabi nito.

"Excuse me?" sagot niya.

"Hop-in Monty. Ihahatid na kita."

"Thanks but hindi ako sumasakay sa motor. Mahal ko pa ang buhay ko." pagtanggi niya.

"I won't take no for an answer Monty. Besides, may utang ka sa aking sampung date." sabi nito sabay flash ng ngiting nagpalambot sa kanyang tuhod.

"But I didn't agree on that." protesta niya.

"Sabi mo willing kang bumawi sa akin. Or baka naman wala kang isang salita?" taas-kilay na tanong nito.

"Huwag mong kwestiyunin ang salita ko. Sige na nga. Let's get this over and done with." naaasar na sasampa na sana siya sa motor nito ng pigilan siya nito at isuot sa kanya ang helmet nito.

"Para safe ka." sabay tapik sa pisngi niya na nakalabas sa helmet.

Naumid ang dila niyang bigla. Ang balak na tuloy-tuloy na pagtataray ay naipon na lang lahat sa bibig niya.

Sumampa na sila sa motor. Inilagay niya ang kamay sa balikat nito pero tinanggal nito iyon at ipinalibot sa beywang nito.

Nanigas ang katawan niya sa ginawa nito. Naramdaman marahil ni Ronnie iyon at nagsabing, "Relax ka lang Monty. Akong bahala sa iyo. Hindi kita ipapahamak."

His words felt re-assuring. Kumalma ang kanyang kalamnan na nagiging on-the-double parati kapag ito ang kaharap. Nagsimula itong magpatakbo. Napapahigpit ang kapit niya rito kapag binibilisan nito ang pagpapatakbo. Sa inis, ibinaon niya ang mukha sa likod nito na isang malaking pagkakamali. His scent assaulted his senses. He felt tingly all over. Teka? Bakit ako kinikilig sa lalaking ito katulad ng pagkaka-kilig ko kay Orly?

Naiiling na hinigpitan na lang niya ang pagkakayakap dito. Then, He heard him chuckled.

Itutuloy

No comments: