Wednesday, November 14, 2012

4 Minahal ni Bestfriend : Desperado part 5



             Kamusta po sa lahat? ^_^

             Una po sa lahat, paki basa po yung announcement na ginawa ko sa isa pang post po. Pero para madaling mahanap po, ay ibibigay ko na ang link. >>>> http://darkkenstories.blogspot.jp/2012/11/minahal-ni-bestfriend-readers.html

             Pangalawa po ay, gusto ko humingi ng pabor. Hahaha! Pa follow naman po ng blog.. Heheheh. Sige na :P Hahaha!! And nga pala guys, you can add me up on fb pa din. We have a growing community sa fb and I hope ay i-add nyo ko ng mai-add ko din kayo sa ating group. We will be having events soon so sana sumali po kayo. :) Ito po ang link ng aking fb acct. :)  http://www.facebook.com/kenji.bem.oya PAKIUSAP lang po na magpakilala lang kayo upon adding para ma add ko na kayo agad sa group :) Thanks!! So.. ito na!!

              Pangatlo, ay gusto ko pasalamatan ang aking Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay MIMI RAGE na syang gumawa ng cover, Kay Jojie,  at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee, Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy, ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil, jae.jae, RGEEE, Jim of Pangasinan, xheanne, eric sioson, Cloyd, LEI, Moon Sung-Min, meloh, _june_, JD Javra, d^,^b camotes \m/hunk, nam, itsmethirdy, =jess=, Marcanthony, knight_in_shining_armor(hehehe), nam, Danielle, alejojohn, _unspoken_words_, akosijames, Nicholadia, Enrique, lloydie, LemLem, Jayar, Nico, Unknown, Aldrin, , _alelojohn, Dada Marcelo, cris bautista, Malachimark, -erickboi-, Yoshi, Karl rickson, online via ginno, Nikko Ramos, toffer lopez, Prince Pao, ALex, ja, kris, ramzter, Jm_virgin2009, Marlone, edrich of cebu, Archivald, russ, Mars, foxriver, Burj of Abu Dhabi, maybe, pd, mykel22, ampugeh, mark5337, ALDRIN, Al, brenthotz18, toffer lopez, Prince Pao, MarcAnthony, - marcus -, Nikko Ramos, Rands of QC, harry, alex, .paisano, jay.19.bi, Pancookie, cris bautista, Bri, Alexis Gacayan, Paolo Escaba, tj, nikk, eric sioson, -rom-, shingha, Mr.handsome, Mac, nivz, MP of Pasig, ilyrars, erik, .lordsun pogie, Enzo12, Tnito Schrugs, aeigh27 of binan laguna, cris bautista, JC SHIN, marlboro, monty, cazlhers@yahoo.com, fixboy, jay Tagaro, kris, Keanu Reeves, Marky, -rom-, foxriver, diumar, P.Y.S.H, edrich of cebu, bon-bon, Gerald, dhenxo (UTOL!!), kira, Uri_KiDo, Arnold Lachica, iamfree, chadie, IgnorantengFrog, ericka, em_bie24, , arvin of Taiwan, nikk, A L P O, rain, shingha, pein_kyoya, Gian, Enzo12, MIMI RAGE, Brent Angelo, Lawfer, Levin, Ramm, razhly, luilao, kajiki_anton, Jerwin Caraang, slushe.love, Jamespott, pein_kyoya, monja, paul ni joseph ponce, iamdarkdreamer, trutsofme, 12334, Paopi Lopez, dyasper dyokson, Rj, Bequillo, jhexter vhon, Redrockerz, Jamespott, cheryllee, Kimpoy Feliciano, Yrec, Karl Ricson, kierlynez, jon888, archerangel, Cholo Sevilla, ramzter, cy, ian of k.s.a, krisluv, dro, allen mark, manuel, franklin alviola, sora cesar aloner, justine of QATAR, cap, vash18, ramy from qatar, hot_andrew_21, derek ramsey, Jm Fab, ARSTEVE, edward_cavite, g, jhayc, jaycee mejica, kiero143, MorLuck, Tagadxb, Charo Santos, Choy Sevilla, Chris Evans, PauuulFabian, Pao, Ayen, Lee, Toffer(charmedboy09), anita baker, -kiss-, lm_rix, jhay ar tabz, Saykz, hajji alivio, ryval winston, jaycee mejica, Leowenstein, nashdane, Manuel, Louis, Dylan of Jeddah, carlo lovendino, ireneomercado, LeonardCruzL@yahoo.com, johnjamesjohn, eelkahr, hormy, manila_sex_actor,DyEyD, carlo lovendino, Yhno, alphongx, zapfyre_01, -Dylan-, jumpin rooftops, Coffee Prince, KYLE DEXTER RIVERA, Dante Espinosa, Mon Tee, Lexin, PIP, akosichristian, rc, Vice Ganda, dylan of jeddah, Kierl Ynez, ireneomercado, MICO,  cef, Jordan Rey, -john el-, juanes, rascal, Acnologia, YUME, yahiko, =KierBurry=, Izteepen, -mans-, alfredo eufemio, twilightminds, gian, London, Francis Louigie Aviso, jii, LeonardCruzL@yahoo.com, Vintoy122092, A D A N, giantantrum, popoy, jayemx57, ziedrick garcia, XxXjinXxx, devi, dee azrael, iamkljan, at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :) At syempre po sa mga friends natin sa fb.


             COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED.







“Tutulog ka na?”

“Hindi pa.”, sagot ko.

“Pahinga ka na. Alam ko pagod ka.”

“Hindi naman. Okay lang.”

“Nye hindi ka ba nagsasawa sa trabaho mo?”

“Hindi naman. Kasama naman kita. Tsaka recently hindi. Ansaya kasi kausap ni Nikko.”

“Huh?”

“Oo.”

“Huh?!”

“Anong huh?”, pagreply ko.

“Hoy! Sino ba katext mo dyan!”, biglang litaw ni Cedric mula sa bintana ko na siyang kinagulat ko.

“Oh! Katext lang kita, ha!”, sagot ko.

“Huh?”, blangko at takang tanong ni Cedric.

Agad nagvibrate ang phone ko. Aligaga ko namang binuksan ang message.

“Si Nikko to eh.”, halos mamutla naman ako ng mabasa ko ang text. Hindi ko napansin na unregistered number lang pala ang text. Nasanay kasi ako na sa mga ganitong oras ay si Cedric lang ang nagtetext sakin.

“Hah.. Ah, eh. Sorry. Ikaw pala yan.”, pagreply ko.

Bigla ko namang nilingon si Cedric.

“Ano nga pala ginagawa mo dito?”, takang tanong ko.

“Bakit? Masama?!”, biro nito.

“Tamo to. Nagtatanong lang, eh. Masama din?!”

“Hahahah! Ikaw. Alam ko naman kasing wala kang pagkain at binigay mo nanaman saki…”, napatahimik na sabi ni Ced ng makita ang ballot ng pagkain sa kama ko.

“Meron kaya.”, takang sagot ko kay Ced.

“Ah..”

“Oo, bigay ni Nikko kanina.”

“Grabe, ha. Ano yan tira tira?”, pagbibiro ni Cedric.

“Uy, hindi ah! Pina out nya yan talaga. Akala ko iuuwi niya sa bahay. Nagulat na lang ako ng sabihin niya nung bago umuwi na akin daw yan.”, ngiti kong sagot.

“Ah.”, simpleng sagot ni Ced.

“Oh, edi kain na tayo! Mas marami tayong pagkain.

“Hindi, sige, sa bahay na lang ako kakain.” Sabay angat ng sarili sa bintana.

“Oh, eh akala ko ba kakain tayo! Arte, ha!”, sabay pigil ko kay Ced.

“Syempre joke lang! Papapigil lang. Hehe”, sabay balik ni Cedric at upo sa kama.



Beep.Beep.

“Gcng k p? Ano na gawa mo?”, pagtext ni Nikko habang kumakain kami.

“Ay! Sorry. Kumakain kasi ako. Salamat nga pala ulit sa fuds ha! :)”, pagreply ko.

“Sarap ba. Yayain mo naman ako. Kahit sa text lang.”

Halos mabilaukan naman ako sa pagkain ko dahil bigla akong natawa at nahiya at the same time.

“Hehehe. Sorry… Kain tau. :P”, sabay ngiti ko pagka send.

“HOY! Ano ba yan! Sino ba yang katext mo at ngiti ka ng ngiti? At kumakain kaya tayo!”, medyo inis na sabi ni Cedric.

“Eh bat ka nagagalit? Tatay?!”, biro ko.

“Oo. Tatay. Kaya itigil mo muna yan at kumain ka dyan!”, sabay hablot ni Cedric ng cellphone ko.

“Hala!”, sabay simangot ko.

“Kumain ka dyan!”

“Opoooo..”

Tahimik. Kain lang.

“Sino ba yun?”, ngiting tanong ni Cedric.

“Sino ang alin?”, taka ko.

“Yung katext mo!!”, sarkastikong biro ni Ced.

“Ahh.. Si Nikko.”, casual kong sagot habang tuloy pa din sa pagkain.

“Ahh.”, simpleng sagot nito.

Pagkatapos naming kumain ay doon na rin natulog si Cedric.



Beep. Beep.

“Good Morning”

Pagkagising na pagkagising ko kinatanghalian ay yan agad ang nabasa ko. Ngunit nagulat ako na paglingon ko ay katabi ko pa rin si Cedric na tulog na tulog sa tabi ko.

Beep. Beep.

“Si Nikko to, ha. :P”

“Ang aga namang cellphone nyan.”, rinig kong sabi ni Cedric. Hindi ko napansin na gising  na pala ito.

“Oh, aga mo ata nagising. Tulog ka pa. Maaga pa, oh!”

“Huh. Ah, nagising na ko, eh. Alis ka na ba?”

“Oo. Syempre, magtitinda pa ko, diba?”

“Samahan na kita.”

“Sigurado ka?”

“Oo. Bakit ayaw mo?”

“Ewan ko sayo! Nagtanong lang naman!”

“Tamo to! Ang aga aga, ang sungit!”

“Hoy! Hindi ah!”

Tara na nga! Mananghalian na tayo ng maka alis na tayo.”, pag ngiti sakin ni Cedric sabay tayo.

Hindi katulad ng dati na naiinip ako sa paglalakad ko sa pagtitinda, ngayon kasi ay panay naman ang tunog ng cellphone ko. Wala din kasing humpay ang pagtetext ni Nikko.

“MAAAIIISSSS!!!”, pagsigaw ng malakas ni Cedric sa tenga ko.

“Ano ba! Naririnig naman kita! Tsaka hindi ganyan ang pagsigaw! Paano sila bibili sayo?!”, irita kong sabi.

“EH paano ka naman kasi, ikaw tong hindi sumisigaw ng paninda mo! Mas paano sila bibili sayo eh text ka ng text dyan.”

Napangiti ako.

“Hehe. Sorry naman.”, pa cute kong sabi.

“Eeeeee, sino ba yan katext natin?”

“Ah, wala. Si Nikko.”, casual kong sagot.

“Uuuuyy!! Teka nga, umamin ka nga, nanliligaw ba sayo yang Nikko na yan?”, nakangiting sabi ni Cedric.

“Huh?! Hindi noh!! Isa ka pa!”

“Anong hindi? Eh tamo nga, inaraw araw na ang pagpunta sa bar!, curious na tanong ni Cedric.

“Eh araw araw naman talaga yun dati pa, noh!”

“Pero kinakausap ka niya na ngayon. Hanggang text pa! Tsaka anong isa pa ako? May iba pang nakakapansin. Nako! Malamang may gusto yan sayo!”

“Hay nako! Magsama nga kayo ni Rovi.! Parehas kau mag-isip! Mabait lang yung tao at sabik lang sa kausap…”, pagpapaliwanag ko.

“Sabik daw sa kausap. Eh nakikita ko pag nasa bar, halos di inaalis ang titig sayo!”

“Ano bang sinasabi mo?! At teka, bat tumataas ang boses mo? Galit ka ba?”, lito kong tanong.

“Hindi!”, pasigaw na sabi ni Cedric.

“Hah? Ah.. eh ok.. Pero kung oo man, okay lang.”

“Okay lang na ligawan ka nya?!”

“Ah eh, oo naman! Bat naman hindi! Eh single naman po ako!”

“Eh siya ba single? Gaano mo na ba sya kakilala para magpaligaw ka?”

“Eh kaya nga kikilalanin ko, diba? Kaya nga kinakausap ko po…”

“Alam mo, masama kutob ko dyan, eh. Maghanap ka na lang ng iba.”, pagpapayo ni Cedric.

Natawa naman akong bigla.

“Ops, teka nga.. Bat naman ako maghahanap ng iba? Eh hindi nga sya nanliligaw. Tsaka kung nanliligaw man sya, sasabihin ko agad sayo, noh!”, nakangiti kong sabi.

“Ewan ko sayo!”, sabay lakad ng mabilis bitbit ang kariton ko.

“Hoy teka! Ititinda ko pa yan!”

Habang nagtitinda kami ni Cedric ay napa isip ako sa mga sinabi ni Cedric. Pati na rin ang mga pasaring ni Rovi. What if tama ang kutob nila? Pero imposible eh.

Pagkatapos naming magtinda ay pinauna na kong umuwi ni Cedric. Since maaga naman kami natapos ay binagalan ko ang lakad pauwi. Hindi ko naman kasi kailangan magmadali umuwi.

Dahil nga sa mabagal akong naglakad ay anong oras na rin ako nakauwi. At kahit ganon pa ay may oras pa din ako para makatulog kahit sandali.

“Shit!”, malakas kong sabi pagpasok na pagpasok ko.

Nagulat ako dahil biglang may yumakap mula sa likuran ko. Paglingon ko, si Cedric.

“Totekk naman, oh! Makapanggulat naman!”, inis kong sabi.

“Hahahaha! Mukha nga, eh! Halos mapatalon ka nga eh!”, tawang tawa na sabi ni Cedric. Doon ko napansin na nakayakap pa din sya sakin.

Natahimik ako at di tumawa. Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko. I can still hear him  laughing hanggang sa humina.

Humina ng humina.

Katahimikan.

“Hmmm..”, pilit kong basag sa katahimikan.

Doon biglang kumalas ng yakap si Cedric.

“Puto. Ito, may dala pala akong puto. Baka kasi napagod ka sa pagtitinda.”, tarantang sabi ni Cedric.

“Hah.. Ah eh, salamat. Pero bakit? Ako na nga tong sinamahan mo, ako pa nilibre mo.. Teka, bili lang ako ng maiinom.”, taranta ko ding sagot.

“Huh, wag na. Uwi na rin ako, eh. Kita na lang tayo mamaya. Sige!”, dali daling sabi ni Cedric sabay labas.

Hindi ko naiwasan magtaka sa biglang kinikilos ni Cedric. Nawirduhan talaga ako. Hindi naman kasi sya ganun dati. I mean, hindi ganon ka weird.

“Sa-lamat…”, pahina kong sabi dahil biglang lumabas agad si Cedric.

Agad akong natulog pagkatapos magmeryenda. Hindi ko na rin agad pinansin pa ang mga nangyari.

Sabay pa rin kaming pumasok ni Cedric papasok ng trabaho. Pero di tulad ng dati ay tahimik lang ito buong byahe. Twing sinusubukan ko naman mag open ng conversation ay tinatapos niya agad ito. Yung mga tipong sagot na, “ah., ganun ba?” or kaya, “Oh?”. Hindi ko na din sya pinilit dahil kausap ko din naman si Nikko sa text.

Pagdating na pagdating namin sa bar ay nakita kong naka abang na si Geoff sa labas ng bar. Tila hinihintay kami.

“Oh, may problema ba?”, takang tanong ni Geoff kay Ced pagkakitang pagkakita sa amin.

Nagulat ako ng biglang tumakbo palapit si Cedric kay Geoff at agad yumakap ito. Mahigpit itong yumakap sabay kalas at tingin kay Geoff.

“Namiss kasi kita agad, eh..”, malambing na sabi ni Cedric kay Geoff.

Nakita ko na biglang hinalikan ni Cedric si Geoff. Para naman akong hindi makahinga bigla sa nakita. Oo, sanay na ko makita silang sweet, pero mas masakit pag ganitong harap harapan ko nakikita. Gustuhin ko man magselos ay wala akong karapatan.

Nakita ko pang tumingin ito sa akin habang kahalikan si Geoff.

Napatanga lang ako.

“I missed you too..?”, halata ang pagkabigla ni Geoff sa ginawa ni Ced.

“Hindi ka ba masayang nakita mo ko?”, paglalambing ni Ced sa kasintahan.

“Ofcourse I am.”, pag ngiti ni Geoff.

Biglang tumingin sakin si Cedric.

“Tara, pasok na tayo?”, pag ngiti nito sa akin.

“Hmmm.”, pagtango ko lang. Halos tulala naman akong pumasok papasok ng bar.

Pagpasok na pagpasok ko ay nakita ko kung paano naglakad papalayo ang dalawa. Nilingunan pa ako ni Cedric sabay bigay ng isang ngiti sabay umakbay kay Geoff.  Ako naman ay agad dumirecho sa dressing room at nagbihis.

Tulala.

Tulala.

Pagkabihis ko ay agad akong lumabas ng dressing room.

Tulala.

Hanggang sa narating ko ang bar.

Tulala.

“HUY!!”, biglang pag gising sakin ng isang boses na sya namang ikinagulat ko. Pagtingin ko, si Nikko.

“Hah?”

“Okay ka lang ba? Kanina pa ko nagpapansin, di mo ko pinapansin. Okay ka lang ba?”

“Huh, ah, oo.”, tuliro kong sagot.

Agad akong lumingon kila Cedric. Nakatingin din ito sa akin.

“Andito ka na pala…”, casual kong sabi.

“Oo kaya. Ngayon mo lang talaga napansin? Eh tatlong linggo na ko maaga dito.”, preskong sabi ni Nikko.

“Hah? Ano yun?”, tuliro ko pa ring sabi.

“Ayos ka lang ba?”, alalang tanong ni Nikko.

“Oo naman. Teka, trabaho muna ko, ha.”

Hindi naalis sa isipan ko buong magdamag ang nakita ko. It was as if sinadya ni Cedric ang lahat. Ayoko magbintang, pero yun talaga ang pakiramdam ko. Para bang gusto nyang makita ko ang mga yun.

Natapos ang trabaho na pagod na pagod ako talaga. Parang tatlong araw sunod sunod akong nagtrabaho. Feeling ko ganon ako kapagod. Kahit kung tutuusin ay di naman talaga dapat ako ganito kapagod.

Naging awkward din kahit ang pauwi. Sabay nga kami ni Cedric umuwi ngunit hindi kami naguusap dalawa. Wala ni isa sa amin ang nagsalita.

Malapit na kaming makarating sa bahay ng biglang magsalita si Cedric.

“Kain tayo?”, pagyaya ni Cedric.

“Huh. Hindi, busog ako. Tsaka pagod ako. Gusto ko na din matulog.” Derecho kong sagot.

“Ganun ba.”

Hindi na ako sumagot. Naglakad na lang ako hanggang makarating sa tapat ng bahay namin.

“Sige, bukas na lang.”, paalam ko.

“Sure ka, ayaw mo kumain?”, tanong muli ni Cedric.

Umiling lang ako.

“Ah, Cyrus..”

“Oh?”

“Galit ka ba sakin?”

“Hah?”

“Tahimik ka kasi.”

“Pagod lang.”

“Pero…”

“Pagod lang ako Cedric. Kita na lang tayo bukas.”, pilit kong ngiti.

Pagkapasok ko ay pumunta agad ako sa kwarto ko, pinatay ang ilaw at humiga.

Nakatingin lang ako sa kawalan at sa kadiliman ng kwarto ko ng makita ko ang mga nangyari kanina. I saw how Cedric kissed Geoff. At hindi pa rin maalis sa isip ko na sinadya kong makita yun. Pero kung ganun nga, bakit?

Naluha ako.

Hay. Ito nanaman ako. Nasasaktan na wala namang karapatan. Nagseselos kahit walang karapatan.

Matutulog na sana ako ng biglang nagvibrate ang phone ko. Agad ko itong kinuha.

“Goodnight.”, sabi sa text, Galing kay Cedric. Usually ay nagrereply ako ngunit hindi ako nagreply ngayon. Binura ko na lang ito at tinabi ang cellphone ko.

Naalala ko nanaman. Ang pagyakap nya sakin paguwi ko at ang pagyakap nya kay Geoff.

Napaluha nanaman ako.

Beep. Beep. Pagvibrate nanaman ng phone ko. Bwisit naman! Nagmomoment ako.

“Gising ka pa?”, sabi sa text.

“Patulog na nga sab…”, pagtype ko ngunit binura ko agad.

Napatingin ako sa cellphone ko. Bumalik sa message. Shit, si Nikko pala.

“Oo. Kaso patulog na din. Bakit?”, pagreply ko.

“Ah, may pabor sana ako.”

“Ano yun?”

“Pwede ba samahan mo ko?”

“Ngayon na?”

“Oo sana.”

“Huh? May problema ba?”

“Oo, eh.”

“Ano yun? Asan ka?”

“Dito malapit sa circle.”

“Oh sige, hintayin mo ko. Mahirap na kasi ang sakayan dito.”

“Pasensya na ha.”

“Ok lang. Basta hintay lang sandali, ha.”

Bigla akong kinabahan sa text ni Nikko. Hindi ko kasi ito masyado nakausap kanina nga dahil tuliro ako. Baka may problema yung tao at di ko man lang napansin. Kaya naman agad akong nagbihis muli at lumabas ng bahay.

Maswerte naman ako na nakahanap agad ng jeep papunta sa circle. At maya maya nga ay nakarating na ko. Marami pa ding mga naglalakad. Nang matext ko sya na nakarating na ko ay sinabi nya kung nasaan sya. Agad ko naman syang pinuntahan.

“Oh, ano? May problema ba?”, alala kong tanong.

“Can we discuss it somewhere else? Hindi kasi ako komportable dito sa labas.”

“Sure. San tayo?”

Sumakay ako sa sasakyan ni Nikko at pumunta kami sa isang restaurant. Dahil na rin hindi ako sanay umorder sa mga mamahaling restaurant ay sinabi ko na sya na lang ang pumili for me. Nahihiya din kasi ako. Kaya kahit damputin man lang ang menu ay di ko nagawa.

“Bat naman dito pa tayo? Ang mahal dito. Wala akong pambayad!”, inis kong sabi.  Bigla namang natawa si Nikko.

“I’m paying.”, ngiti nito.

“Dapat lang noh! Hindi ko kaya magbayad sa ganito!”, pagbibiro ko din sabay ngiti.

“Ngumiti ka din…”, nakangiting sabi ni Nikko.

“Huh?”

“Kanina kasi ni hindi man lang kita nakitang ngumiti.”

“Ah..”, simple kong sagot.

Katahimikan.

“Ah! Ano nga pala yung problema mo?”, pambasag ko sa katahimikan.

“Ah, kasi ano eh.. Medyo nakakahiya eh.”

“Ano nga?!”, taka ko.

“Actually pinapunta kita dito para tanungin..”

“Na?”

“Okay, I was worried about you.”

“Hah? Asan ang tanong don?”

“No. I wanna ask you if you’re ok.”

“Ano ibig mong sabihin…?”

“Well, I was just worried dahil buong gabi kang tulala. Halos hindi mo rin ako pinansin. May problema ba?”

Napabuntong hininga ako. Hindi alam ang isasagot.

“Yeah, I’m okay…”, mahinahon kong sagot.

“I guess…”, dagdag ko.

Tumingin sa mga mata ko si Nikko. Those eyes hit an impact sa akin. I felt something with those eyes. I felt that I could trust him.

“You can tell me if you want?”, alinlangang tanong nito.

“Wala yun.”, simple kong sagot.

“You sure?”, alala ulit nito.

“Yeah, oo naman.”

Nagbigay ako ng isang tipid na ngiti. Sakto naman na dumating ang order namin.

Tahimik kaming kumain dalawa. The food was really good, pero hindi ko tuluyang maenjoy. Naalala ko nanaman kasi ang mga nangyari kinahapunan.

“You know what? Fuck it! For the first time, I wanna be honest.”, bigla kong sabi.

“I’m listening…”, sabay tigil nito sa pagkain.

“No, sige. Kumain ka. Let me talk while we eat.”

“Ok.”

Napatingin ako sa lamesa. I didn’t know where to start.

“You like him, don’t you?, sabat ni Nikko.

“Yeah…”

“I figured that much…”

“Pero bawal.”, maikling sagot ko.

Hindi sumagot si Nikko.

“Have you ever felt the feeling na lagi kang rejected? Na parang umaasa ka sa isang bagay na alam mong hindi mangyayari yet pumupusta ka pa rin sa bagay na yun?”, malungkot kong tugon.

“Yeah, I guess so. In one point of my life, yeah.”

“Alam kong mali.”

Tiningnan lang ako ni Nikko.

“Susme ka! Pinalabas mo ko ng bahay ng alas tres ng madaling araw para lang pagdramahin!”, biro ko.

He was just staring at me.

“I’m okay now. Don’t worry. Nasabi ko na rin ang gusto kong sabihin.

Hindi pa din sya nagsalita.

“You should talk now… Really.”, sarkastiko kong sabi.

Tumingin sya sa akin at ngumiti.

“I’m willing to be there for you. Anytime.”

Natouch ako. Napakasimpleng mga kataga ngunit bumaon sa puso ko ng todo. That is what I need most right now. Someone to be there for me.

“Salamat.”, pag ngiti ko.

Pagkatapos naming kumain ay nagpresenta si Nikko na ihahatid ako pauwi. Hindi na sana ako papayag ngunit naging mapilit ito. Kaya naman napapayag ako ito na ihatid ako hanggang bahay.

Tanaw ko na ang daan papasok sa aming bahay kaya naman sinabihan ko si Nikko na dito na lamang ako. Hindi rin naman kasi makakapasok ang sasakyan nya dahil sa napaka kipot ng daan. Tanging pedicab lang at tao ang makakadaan dito. Pero nang pagbaba ko ay bumaba rin ito.

“Ano ka ba! Okay na ko dito. Sige na, umuwi ka na.”, pagreklamo ko.

“Hatid na kita sa inyo. I just wanna make sure na makauwi ka ng safe.”

“Ako siguradong safe. Pero sa ichura at porma mo, ikaw ang delikado dito.”, pagbibiro ko.

“Wala ng maraming dada. Tara na.”, sabay lakad ni Nikko.

“Teka, san ka pupunta?”, takang tanong ko.

“Ihahatid ka.”

“Kasi sana hindi nagmamarunong. Dito po kasi ang daan papunta sa bahay ko.”, pagbibiro ko.

Napailing lang ako at natawa.

Nagpalitan pa kami ng biruan hanggang sa malapit na kami sa bahay. Presko lang talaga ang dating ni Nikko. Pero he was nice. Pero halata din ang pagkailang nya sa lugar naming. Palibhasa, anak mayaman, hindi sanay sa ganitong lugar.

“Pasensya ka na dito sa amin, ha.”

“What do you mean?”, takang tanong nito.

“Ewan ko sayo! Eh halata namang naiilang ka sa lugar namin.”

“Ganun ba ka obvious?”, hiyang tanong nito.

“Oo, pero ok lang. naiintindihan ko naman.”

Natigilan lang ang munting tawanan at biruan naming ng makarating ako sa tapat ng bahay naming. Parehas kaming nagulat ni Nikko. Lalo na ako.

Hindi ko alam kung anong nangyayari at bakit sya andoon. Pero hindi maganda ang timpla nito. Nakasandal ito paupo sa tapat ng bahay naming. There he was, as if waiting for someone. And that someone was me.

“Cedric?”


No comments: