Thursday, July 28, 2011

FRESH START - The Legend of Self-Control

Photobucket

BLOG: gabrielfads.blogspot.com
FB: gabifad@yahoo.com

Akda ni K.G. Fadriquella


Chapter 4



Pagdating namin sa plaza kung saan kami binaba ng bus ay naghiwalay kami pero bago kami maghiwalay, he asked for my number para makontak nya ako syempre

“Gab, okay lang ba kunin ko number mo para text kita if I’m on my way” sabi nya saakin

Agad ko naman binigay yung number ko para makaagready na ako pag nagtext sya

Sumakay ako ng trycicle pauwi sa bahay namin, lintek naman kasing kotse ko, hanggang ngayon sira parin, hindi naman pinapagawa nila Mama, pano, dapat ako nagpapagawa nun, eh kalimutan na nga muna yan ngayon, may Gimik pa ako mamaya

Pagdating ko sa amin, agad ako sinalubong ng mga pamangkin ko, at ni Ate ko

“Kumain ka na?” tanong ng ate ko saakin

“Hindi pa “ sagot ko sakanya

“Oh! Kumain ka na dyan, may ulam pa dun sa table” sabi ni ate

“san si Kuya? Tska si CJ?” hanap ko sa dalawang kapatid ko

“Naku, tulog na yung dalawa, si Mama tsaka si Dade nasa farewell party nung ka batchamte yata ni Dade nung highschool” sabi ni ate

“Ahhhh…” yun lang ang naisagot ko sakanya, di kasi ako makapagisip ng maayos, basta! Ewan!

Ewan hindi naman ako makakain, basta hinihintay ko yung text ni Ivan, exited ako na makasama ko sya tonight ngayon lalo na mahilig ako sa seaside, basta masarap pagmasdan yung tubig ng dagat at pag malakas yung hangin, ang sarap din tignan nung mga alon na nagsasapa ewan, ewan, nature lover din naman ako kahit papano.

“Uyyyy” boses ni Kuya ang narinig ko, syet! Nagising si Kuya ko

“Kala ko tulog ka na?” sabi ko sakanya

“Nagising ako, ingay mo eh” sabi nya saakin

Nakakmiss din yan si Kuya, sakanya ko din kasi unang nasabi na Bi ako, hindi kasi pwede malaman sa bahay, and hanggang ngayon, kahit si ate ko or yung bunso naming kapatid hindi alam ito. Paano, bi din si kuya ko, kaya alam ko na maiintindihan nya ako. It was never revealed to my family kasi they expect so much from me, kasi alam na nila na bi nga si kuya, basta parang sakin nila ineexpect lahat ng mga dreams nila ay tutuparin ko, si kuya ko kasi pasaway, nag Engineer kahit gusto ni Dad ko na maging Doktor sya, pero hindi naman nila pwede sisihin si kuya, kasi kumikita naman ng maayos si uya ko sa trabaho nya, kaya kahit di nya nasunod si Dade, at sinunod nya ang gusto nya, naging maayos padin ang buhay nya.

“Kamusta na si Arvin?” tanong ni kuya ko, ahhh, pinaalala pa, matagal na kasi ako hindi nakakauwi and hindi ko naman naibalita sakanya na nagbreak kami ni Arvin

“Wala na! kinain ng galit nya” sagot ko sabay tawa

“Ha? Ano?” tanong ni kuya ko, bigla ko tuloy naalala lahat,

“Nako kuya wag mo na itanong, basta, wala na yun okay na ako” hayysst! Okay nga ba ako? Bigla nawala sa isip ko si Ivan at bigla nanaman bumalik ang isip k okay Arvin, shet! Bakit ba nagkaganun kami, sana naman mawala nato, sana sumaya na ako, kasi alam ko I deserve to be happy.

“Wala na ba kayo Gab?” tanong ni kuya ko

Sabay iling ko lang sakanya na alam ko naintindihan nya na wala na nga

“Ano ba nangyari sainyo?” tanong ni kuya “Alam mo naman pag ganyang problema maasahan mo si Kuya diba?” sabi nya

“Can we talk about this bukas kuya? May lakad pa ako eh, pero thank you kuya ah” sabi ko sakanya

Sobrang cool ni kuya ko no? pero kahit alam nila na ganun si kuya, sobrang discreet din ng kapatid ko, kung tutuusin, mas lalaki pa sakin kumilos yan eh, hindi mo mahahalatang bi sya unless gwapo ka at nginitiian mo sya! Hahaha, gwapo ng boyfriend ni kuya, sa sobrang discreet nilang dalawa, parang barkada lang sila, barkadang naghahalikan tsaka nag sesex hahaha, bakit may barkadang ganun ah? Diba?

“Eh kayo ni Dale? Kamusta na?” tanong ko naman

“Wala! Walang bago malapit na mag 3 years” sabi nya

Hay…. Buti pa si kuya ko, mahal na mahal nila ni Dale yung isa’t isa, shit! Lalo ko tuloy namimiss yung mga times na naiinggit si kuya sakin dahil kay Arvin, hehe, well tapos nay un. Ako naman ang naiinggit sakanya ngayon.

Isang oras na ang nakaraan at hinihintay ko pa rin yung text ni Ivan, ang tagal naman, haha, minamadali. Syota? Ganun? Haha. Hanggang maging halos 3 oras ko na sya hinihintay, halos mamawis na yung kamay ko kasi hindi ko binibitawan yung phone ko, hindi ko naman sya matext kung nasan na sya, hindi ko alam yung number nya at kung alam ko, hindi ko rin naman sya itetext, nakakahiya, sya nalang nagaaya ako pa yung mamimilit. Magkausap lang kami ni Kuya ko sa may terrace sa labas, naikwento ko na rin sakanya lahat ng nangyari at kung paano kami nagkahiwalay ni Arvin

“Okay lang yun Gab, madami pa ibang nagmamahal syao dyan” payo ni kuya ko sakin

Lahat nalang yun ang sinasabi sakin, wag ako malungkot kasi madami namang nagmamahal sakin, hay, sana nga, and ako? Hindi ako napapagod magmahal, kahit ibigay ko lahat para sa pagmamahal, kasi taoyng lahat pinanganak tayo para mahalin tsaka magmahal, at iyun naman ang naging inspirasyon ko para simulan ang SBLS- The Letters, kung saan nagfocus sa isang kakaibang istorya ang bida duon na si JL, na iniwan ng mahal nya, pero nakaktanggap sya ng mga letters ng namatay nyang boyfriend na kinakamusta sya, pero ang point ng story is to make us realize na madaming nagmamahal satin, an gang purspose natin sa mundo ay ang pagmamahal, iyun lang, kasi kahit anong bagay na gawin mo ng may pagmamahal, sigurado, magtatagumpay at magtatagumpay ka, pero hindi ko agad natapos ang The Letters, unti unti ko syang sinulat hanggang matapos ko siya

Shet! Mag alalas 2 na ng madaling araw, apat na oras ko na hinihintay yung text ni Ivan, so hindi na ako umasa na dadating pa sya, ang ginawa ko nalang, nakipagusap nalang ako kay kuya sa terrace, hanggang wala pang sampung minuto makalipas ang alas 2 ay may kotseng pumarada sa harap ng bahay naming

“Bago kotse natin kuya?” tanong ko kay kuya na akala ko ay sila Mama ang sakay ng kotse

“Hindi! Sino ba yan?” tanong ni kuya, maya maya lang ay huminto ang makina at lumabas ang driver ng kotse kasabay ng paghinto ng makina ay sabay ng paghinto ng mundo ko sa nakita ko (joke! Hindi naman tumitigil ang mundo sa pagikot) SHET! Si Ivan! Ang gwapo gwapo, naka polo (ano konek! Haha)

“Oh! Paano mo nalaman bahay namin?” tanong ko kay Ivan

“Kinukwento mo kaya sa bus kanina, or kagabi I mean, oo nga kagabi” sabi nya pa “Hindi ko nga alam kung saan exactly sa street na to buti nakita kita dito sa labas” dagdag nya pa

“Bakit di ka nagtext?” tanong ko sakanya

“Papasukin mo bisita mo Gab” sigaw ni Kuya, ay oo nga naman! Naku basta gwapo bilis magreact ng kapatid ko

“Ahhh, oo nga pala, tara Ivan pasok ka muna, ahhh, si kuya ko nga pala, kuya PJ, si Ivan” pakilala ko kay Ivan sa kuya ko

“Paul pare” lalaking lalaking pakilala ni kuya ko, sabay tingin sakin ni Kuya at ngiti, hala! At aagawan pa yata ako

“Ivan po” pakilala naman ni Ivan sakanya “ay Gab, hindi mo ba narecieve yun mga texts ko? O mali yung number? Kasi I tried to call the number din kaso busy eh” sabi pa nya

“Patingin ako ng number” sabi ko sakanya, pagtingin ko sa tinype kong number kanina ay, pucha! Kaya pala! Mali nga, yung dalawang digits sa dulo napagpalit ko, Shit! Kaya pala wala akong narerecieve, pero okay nadin, effort narin na hanapin nya yung bahay namin, aiiii! I smell LOVE, shet! Ang gwapo ko talaga (haha joke)

Kaya pala ang tagal ni loko, ilang oras din akong parang tangang hinihintay sya ah, lintek naman kasing pag ka disoriented ko kanina, mali pa tuloy naibigay kong number

“Ahhm Gab? Okay na ba? Tara!” aya nya sakin?

“Tuloy pa tayo sa Gapo?” tanong ko sakanya

“Oo naman” sabi nya

Nagpaalam na ako kay kuya at bago ako umalis, sinenyasan ako ni kuya at may ibinulong sya na nabasa ko naman sa mga labi nya “Ingat, galingan mo!” yun ang sabi ni kuya, o tama ba? O hindi, basta kung hindi man exact, ganun yun! Ahahahahaha…. Shet! Akala ko di sya dadating, buti nalang, buti nalang. Ayiiii it’s going to be a long night for me, for us pala, hahaha, self control GAB, self control, that’s all you need.. SHET! Ang gwapo nya! Hahahaha CONTROL sabi eh! Hahaha


(itutuloy...)

No comments: