Sunday, July 31, 2011

FRESH START - Rationalization

Photobucket

BLOG: gabrielfads.blogspot.com
FB: gabifad@yahoo.com

Akda ni K.G. Fadriquella











Special Chapter
FRESH START : Rationalization 



Tanga ba ako?

Yun ang gusto ko itanong sa inyo, kasi from the start of our relationship hanggang matapos, I know hindi ako nagkulang, kung nagkulang man I make sure na I fill in for whatever inadequacy. 

TANGA nga siguro akong matatawag.

Kasi hanggang ngayon mahal ko pa sya






Siguro The End of Entrance Exam was the happiest day of my life.... SO FAR... that's why I'm still waiting for something to top that. And the Beggining of FRESH START siguro ang pinakamasakit na nangyari. So you missed every single moment na we were together. 


I could really say, kung sa tingin nyo mahal nya na ako sa Entrance Exam, hindi nyo alam kung gaano nadagdagan yun nung naging kami. At kung paano nag iba sya sakin, but hindi nyo alam kung ano yung nangyari, kaya siguro mas mararamdaman nyo yung sakit na nararamdaman ko every time I think of him kung alam nyo lang yung nasa gitna ng EE at FS.

Pero From that things palang na alam nyo siguro naman karapat dapat na akong tawaging


ISANG MALAKING TANGA...... kasi hanggang ngayon mahal na mahal ko parin sya


Hanggang sa oras na to....

FRESH START - The Closure

Photobucket

BLOG: gabrielfads.blogspot.com
FB: gabifad@yahoo.com

Akda ni K.G. Fadriquella











Chapter 7 


Shit talaga! I was not expecting to see him here, it’s been almost 2 years? 2 years simula nung iniwan nya ako, hahaha! Basta bigla akong nag hype nung nakita ko sya. Umalis si Andy nung 2nd year college kami, 1st semester, para sumunod sa Mama nya sa U.A.E. and I thought he would be gone forever, but shit! He’s back
“Ikaw ba yung nagtext sakin Andy?” tanong ko sakanya
“Oo, ako yun!” sabi nya
“Ai! Andy! Si Ivan, tropa, Ivan! Si Andy ex ko” pakilala ko sakanilang dalawa
“Ex mo?” tanong ni Ivan
“Ex Bestfriend ko” sabi ko sakanya
“Adik! Iniwan lang kita ex bestfriend mo na ako! Ganun na? nakalimutan mo na lahat?” sabi ni Andy
Ewan sobrang saya ko na makita ko ulet si long lost bestfriend ko, kasi simula nung nagpunta sya ng U.A.E. halos mawalan na kami ng connection, and ito, surprise. Andito na sya bigla. Basta, sobrang saya ko naman! Nabunutan tuloy ako ng tinik sa dibdib, akala ko nga nabunot na until nagpaliwanag si Andy kung bakit nandito sya
“Nga pala, si ex mo” sabi nya
“Ha? Sino?” tanong ko
“Si Arvin! Ayun nagpapatulong nanaman sakin” sabi ni Andy
“Baket?” tanong ko
“Eh nagkita kami sa Trinoma the other day, and ayun nga nabalitaan ko na wala na kayo, tagal na rin ano, eh etong si Mokong naman gusto ka kausapin, kaso nahihiya, kasi daw alam nya masakit yung ginawa nya” sabi ni Andy “He asked me kung pwede ka nya makausap” sabi nya
“Nasaan sya?” tanong ko
“Nandun samay Lighthouse, sa hotel, nag check in muna kami dun kagabi kasi ginabi na nga kami tsaka, hindi pa daw sya ready. Ayun dun muna kami natulog” sabi nya
“Shet! Ikaw din yung nakita ko kagabi na lumabas sa kotse ni Arvin! Kaya pala sabi ko sobrang pamilyar nung likuran mo! Naka shades pa kasi, gabing gabi na” sabi ko
“Adik! Alam mo ba kung saan ako galing nun?” sabi nya “Galing ako sa bahay nyo, I wanted to talk to you, Eh, wala namang sumasagot sa bahay nyo nung tumawag ako, kaya bumalik nalang ako ng Subic” paliwanag nya
“Sorry, andito din kami kagabi, dyan lang samay labas din ng lighthouse, tambay lang” sabi ko
“Ahhhh, sayang, sana nakausap na kita kagabe palang” sabi nya
“Ehh, hindi naman kita nakilala, sana kung nakilala kita, inambahan kita agad ng yakap sa likod” 
Nakita ko yung muka ni Ivan pagkasabi ko na inambahan ko sana si Andy ng yakap sa likod. Siguro akala ni loko, may something between us… ayiii, nagseselos sya! Ako naman nangingiti sa reaksyon nya! Aminin mo na kasi Ivan! (haha ayan nanaman ako! Paulet ulet! Unlimited!) Magreregister na nga ako sa SUPERUNLI ASSUMING to 8888 hahahaha
“Haha! Namiss kita Gab” sabi ni Andy sakin. Nakita ko ulet yungreaction sa muka nya na parang nagseselos talaga, whooo! Ayiiii… sige pa Andy punuin mo ng mag walk out. (sama ko) hahaha! Ang cute nya padin magselos, parang mukang okay pero yung muka nya iba talaga. Basta, paano ko alam? Ganyan din ako magselos eh! Hahahaha
“Lalo naman ikaw!” sabi ko kay Andy
Nagkakwentuhan kami ni Andy and okay naman nagkausap din naman sila ni Ivan, hahaha, ngayon Ivan pagsisisihan mo yung alok ni kuya ko kagabi na tinanggihan mo! Hahahaha joke! Sama ko
“Oh! Hindi ba pupunta dito si Arvin?” tanong ko kay Andy
“Ikaw? Kaya mo na ba sya kausapin?” tanong ni Andy sakin
“Wow! Mukang magkakaayos na kayo ni Arvin” sabi ni Ivan
“Sana nga” sabi ko
“We’re not sure, walang sinasabi si Arvin sakin, all he said is, he wants to talk to you” sabi ni Andy
“Papuntahin mo sya dito! I’m ready” sabi ko. Naalala ko tuloy dati, all he was asking for is maging ready ako para maging kami, tapos ngayon ganito na kami, pero para malaman ko narin kung ano talaga gusto nya mangyari, game! Kaya ko to!
“Okay! I’ll just text him” sabi ni Andy
Nag order muna kami ni Ivan habang hinihintay si Arvin, pati din si Andy napakain dahil samin. Promise kung steak ang hanap mo, Meat Plus! Ahhh, the best! Nawala tuloy yung kaba ko naka focus ako sa steak na kinkain ko. Kwentuhan muna kaming tatlo habang kumakain. Hanggang sa sobrang focus ko sa pag-uusap namin na hindi ko napansin na may nagsalita nalang sa likod ko
“Hey!” Fuck! Napashit ako sa utak ko. Ahhhh, nagnhina talaga ako sa boses nya, na hindi ko narinig for 4 months, namimiss ko yung boses nya, sobrang nanghina ako kasi alam ko nasa likod ko lang sya, at dun ko napatunayan na humihinto pala talaga ang mundo kahit mga 5 seconds lang (kontrahin ko yung sinabi ko nung previous chapters) shet! Huminto lahat ng tao, basta nag black and white lahat ng paligid, sobrang pati si Andy at Ivan hindi gumagalaw (schitzo lang pala ako, hahaha OA na tama na), basta sobrang kaba, I wanted to look behind me pero baka hindi ko mapigilan hahalikan ko to! Hahaha, shet! Nakatalikod palang yung puso ko kumakabog na. Ano pa apg nasa harap ko na sya. Ayan na! Fuck! 
“Oh Arvin! Eto na si Gab oh” sabi ni Andy
“Ui, namiss kita ah” sabi ko kay Arvin, sobrang sakit na makita ko sya na parang walang nagbago, parang sobrang saya padin. Sobrang gwapo parin, iba, and his half smile habang nakaupo sya sa harap ko, walang pinagbago, Arvin na Arvin ko padin. Fisrt time ko sya nakita sa gate 2 ng FEU, ganung ganun padin. Last time na nakita ko sya is sa Paddis point sa SMB bay by the city sa MOA, wala! Etong gwapo parin na ito yung dahilan kung bakit hindi ako maka move on sa buhay ko. Kung bakit sa Grieving process hindi ko maabot yung acceptance, I’m still stuck on depression.
“You don’t know how much I missed you” sabi nya sakin. SHET! Lalo ako nanghina sa sinabi nya, my tears wanted to fall from my eyes (iyakin) pero pinipigilan ko lang. I’m just glad that he misses me
“Oh? Namiss mo ko? Parang hindi naman” sabi ko sakanya
“Sorry Gab ah, I’m so sorry” sabi nya sakin
Sa sinabi nya pala na yun. Wala nako magawa lalo kung hindi pigilan nalang yung mga luha ko, sniff to death, singhot lang ng singhot, hinga ng malalim, para hindi lumabas, I was looking down, si Ivan at si Andy nakatingin lang saakin. Basta until I got the courage to pull my head up and I looked straight to him para sabihin kung ano yung nararamdaman ko para sakanya. Exact words, alalang alala ko
“Gago! Gago ka!” sabi ko sakanya
“I’m sorry” sabi nya
“Pero mas Gago ako” sabi ko “Kasi hanggang ngayon di padin kita makalimutan” sabi ko sakanya
“Gab!” makaawang sabi nya
“Arvin! Mahal padin kita! Ako naman mag so-sorry ngayon” sabi ko
“I’m so sorry…” 
Napuno ako. I don’t want to make a scandal sa meat plus, bago pa ako mag wala, mahinahaon nalang ako lumabas sa Meat plus, walang ingay, walang luha. Papunta ako sa kotse ng marinig ko na may tumatakbo sa likuran ko. Si Ivan na yun sa isip isip ko, uuwi na ako, hindi ko na kaya, wala pang 10 mins. Kami naguusap di ko na kaya.
“Gab! Please” sabi ni Arvin. Akala ko si Ivan yung nasa likuran ko, si Arvin pala yung humabol sakin. Ivan! Nasan kana! Tara na! nakita ko na si Ivan nasa loob parin hindi lumalabas, siguro hinahayaan lang kami para makapagusap kami.
“Ano pa ba? Sorry nanaman? Okay na! para matapos na to! Okay na!” sabi ko sakanya, habang hindi ko na napigilan na umiyak sa harapan nya, ang daming tao sa paligid namin so I opened up the car and pumasok ako pero mabilis syang nakapasok sa front passenger’s seat, I want go out pero he was holding me, and kahit hindi mahigpit yung hawak nya, hindi ko alam, I just can’t resist, nawawalan ako ng lakas.
“Gab! Look at me” sabi nya sakin. Tumingin ako sakanya and he continued talking “Gab naman! Ayoko na ng ganito, ayoko na galit ka sakin, alam mo naman na lahat ng realtionship will come to an end di ba?” sabi nya sakin “pero! PERO!!! Alam mo naman na kahit ano mangyayari andito parin ako para sa’yo” dagdag pa nya. “Kasi paano ko ba makakalimutan yung lalaking una kong naka sex!?? Paano ko ba makakalimutan yung unang lalaking humalik sakin?? at yung lalaking nagpa realize sakin na I’m worth loving… Gab! You’re the best boyfriend in the world, siguro nga you made me realize na I’m woth loving, pero ako? Kung ako yung para sa’yo?, I’m not worth enough, kasi you’re giving too much…. more than I can handle” sabi nya
Hindi ko alam kung bakit hindi ko napigilan yunng sarili ko. I pulled his head closer to mine, I kissed him, sobrang namiss ko yung lips nya, for 4 months, eto lang yung inaasam ko, while sniffing, habang yung mga luha ko na lumalabas sa magkabilang mata ko, ramdam na ramdam ko yung mga labi nya, sobrang sarap humalik ni Arvin. Walang pinagbago. WALA! Habang umiiyak, may biglang isang malakas na katok sa bintana ang narinig ko, napahinto ako sa paghalik kay Arvin at gulat na nakita ko si Dade ko na nasa labas ng kotse. Galit na galit ang itsura. SHIT! Puta talaga. No! katatapos lang ng isang problema, eto meron nanaman.
Shit! Si Dade ko, galit na galit, nakita kaming naghahalikan ni Arvin, puta! Ano gagawin ko.
Natapos ang isang problema ko. Eto nanaman! Shit! Pero I’m glad natapos na yung samin ni Arvin. And kahit sa huling beses, I got to kiss him kahit ang ibig sabihin pa ng kiss na yun is Goodbye, wala na akong pakialam, basta ang alam ko ay ayos na kami
Ang susunod kong problemahin dapat ay yung pag uwi ko sa bahay namin. Buti umalis na si Dade sa may kotse, basta ang alam ko galit syang nag drive paalis sa parking lot dun. Shit
Nagpaalam na muna ako kay Andy at Arvin para narin makauwi ako at ayusin kung ano man yung problema ko pa.
“So, ano gagawin mo paguwi mo?” tanong sakin ni Ivan
“Hindi ko din alam, ewan! Bahala na” sagot ko
We drove home para narin makauwi na ako. Shit kinakabahan ako umuwi samin. And I’m sure alam na ni mama yun, sinumbong na ako ni Dade ko. HInatid ko muna si Ivan sa bahay nila at ako eto. Harapin kung ano man ang kailangan harapin. Pagdating ko sa bahay, nandun na yung kotse ni Dade, Shet! Andyan na sya. Act normal, pero kinakabahan. Pagkababa ko ng kotse, mukang tahimik naman sa bahay. So tahimik naman akong pumasok at pagpasok ko, nandun si Mama at si Dade, nasa dining table, naguusap. Tumingin sakin si Mama, wala akong nakitang galit sa muka nya, pero kabaliktaran yung nakita ko sa muka ni Dade, punong puno ng galit, sobrang galit, hindi napigilan ni Dade na tumayo at lumapit sa akin, Hinablot yung T-shirt ko at inambahan ako ng suntok
“Ano ha? Nahawa ka na dyan kay Kuya mo? Ha!!!????” sigaw ni Dade sakin
Walang nagawa si Mama, kung hindi umupo lang at tumingin sa salamin ng lamesa.
“Hindi po, Dade, eto po yung gusto ko Dade, Masaya po ako dito!” sagot ko
“Bakla na yung kapatid mo! Ikaw din! BAKLA KA? Mga putangina nyo, mga binabae kayo” sagot ni Dade
Hindi ko napigilan ang emosyon ko, tinulak ko si Dade para bitawan nya ako
“Eh ano naman! Ha!!??? Bakla ako?? Eh ano! Sinusunod ko lahat ng gusto nyo! Etong lintek na Nursing na ‘to, gusto ko ba yan? Ha ‘De? Gusto ko ba yan pero ginagawa ko yan para sundin ko kayo!” sagot ko sakanya
“Wala kang utang na loob” sabi nya sakin
“Kung wala! Sana matagal na ako nagloko sa school! Matagal na ko nawala sa Manila, pero ‘De 4th year na ako, isang sem sem nalang, graduate na ako. Iyun ba yung suwail? Walang utang na loob?” sagot ko
“Tarantado ka! wag mo ko sasagot sagutin ng ganyan ah” sabi ni Dade ko
Hindi ko tuloy napigilan magmura at nakapagmura ako sa harap nila “Shit! Tangina! Ayoko na ‘De! Ayoko na! Sana naman kahit ganito ako maintindihan nyo ako! Ginagawa ko lahat ng gusto nyo! Eto! Eto nalang yung ginagawa ko para sumaya ako! Ganito pa!?” sagot ko
“Putangina mo! Wag mo kami mumura murahin” sabi nya
“Wala akong minura ‘De! Wala!!!” 
Wala akong nagawa, walk out (dyan naman ako magaling eh) Di ko mapigilan yung emosyon ko. Sumakay ako ng kotse ni Ate ko. At nag drive ako kung saan man ako dalhin ng manibelang hawak ko. 
Ang naiisip ko lang, kailangan ko muna lumayo, kailangan yung hindi nila ako makikita. Kung saan pwede ako mag-isip. Kung saan pwede ko ilabas lahat ng sama ng loob na nararamdaman ko…

Itutuloy...

Saturday, July 30, 2011

DAglat presents: TEE LA OK part 4

Daglat Series presents

Tee – La - Ok

Ikaapat na Bahagi: /ee-ka-a-pat/ - /na/ - /ba-ha-gee/

Letter D

“Sige, dun ka na sa loob matulog.” suhestiyon ni Harold kay Gabby. “Samahan ko na sina Sean dito sa labas.” habol pa ng binatang nasa katawan ni Gabby.

“Pero…” tanggi sana ni Gabby.

“May electricfan dun sa loob, kesa dito sa labas na sa lupa ka hihiga at malamok.” sabi pa ni Harold.

“Remember you have my body so, dapat ingatan mo iyan sa mga kagat ng insekto and huwag mo masyadong pinapapawisan at pinapabaho.” paalala ni Gabby kay Harold.

“Anung pinapalabas mo?” tanong ni Harold.

“Tabi na tayo sa loob matulog.” diretsong sagot ni Gabby.

“Alam mo, sa lahat ng mga kasama, ikaw lang ang matutulog sa loob ng bahay. Paano mo naman naisip na kasya tayo sa loob? Ikaw nga ipapasiksik na lang kita duon tapos mag-iinarte ka pa.” sabi ni Harold.

“So, kung ayaw mo eh di sasamahan kita magdamag!” sabi pa ni Gabby.

“Bahala ka nga!” asar na sabi ni Harold.

Hindi nagawang makatulog ni Gabby sa buong magdamag. Kinabukasan ay maagang naghawalay sina Gabby at Harold, pumasok na sa opisina si Harold na nasa katawan pa din ni Gabby at si Gabby naman na nasa katawan ni Harold ay pumasok na sa eskwelahan.

“Kamusta na Harold?” simulang bati kay Harold pagkadating niya sa classroom. “Talagang nagiging socialite ka na dude!” sabi pa nito.

“Yeah! I really need transformation!” sagot naman ni Gabby.

“And look! Spokening dollar ka na ah!” komento pa ng binata na nakangisi.

Hindi alam ni Gabby kung bakit magaan ang pakiramdam niya sa kaklaseng ito ni Harold. Iba kasi ang dating at angas nito kung ikukumpara sa iba. Simple manamit pero may dating, calm ang personality at may itsura din naman.

“This is part of my transformation!” tugon naman ni Gabby na trap pa din sa katawan ni Harold.

“Part din ba ng transformation mo na makalimutan mo ang pangalan ko last day?” nakangising tanong pa ng binata dito.

“Sorry ‘bout that Martin! It was a joke.” paumanhin ni Gabby sa binata.

“Hay!” buntong-hininga ni Martin.

“For what is that?” tanong ni Gabby.

“Feeling ko hindi si Harold ang kaharap. Para kasing ibang tao ka, compare sa Harold na kilala ko.” pagpansin ni Martin sa kilos ni Gabby. “Tapos kung saan ka pa nauupo, eh dati, gustung-gusto mo akong katabi then discussion din tayo madalas.” paliwanag pa ni Martin.

“May anung namamagitan sa mokong na ito at kay Harold?” tanong ni Gabby sa sarili na nag-ngingitngit. “I don’t feel na fishy ang relasyon nila ni Harold, but I can’t help it na isiping may something dito sa dalawa.” sulsol pa ng diwa ni Gabby.

“Ayan na si Sir Amable!” sabi ulit ni Martin na pumutol sa pag-iisip ni Gabby.

“Aguilar, Harold Mark!” sabi ng propesor nila Harold.

“Rold! Gising!” tapik ni MArtin kay Harold. “Attendance na si Sir!” sabi pa nito.

“Present Sir!” sagot ni Gabby. “Corny naman! May roll call pa! I hate this part, attendance! And Harold Mark Aguilar pala ang pangalan ng mokong na iyon!” sabi ng diwa ni Gabby.

“Masungkal, Emartinio!” tawag sabi pa ng propesor.

“Present Sir!” sagot ni Martin.

“So, Emartinio Masungkal pala ang pangalan ni Maritn.” natatawang wika ni Harold sa sarili.

Pagkatapos ng klase –

“Don’t be surprised class to receive your last grade from me today, though we still have two more weeks in the university calendar but I guess five of you were running as cum laude. As expected, these five got a 1.25 grade, three got 1.75 and the remaining ten got 2.25 to 2.75.” pagbabalita pa ng propesor nila. “Harold Mark Aguilar, Simeon Inclino, Mark Francis Macatongtong, Emartinio Masungkal and Al Farwane Kate Rodriguez, congratulations and you excel in my class.” pagwawakas ng propesor saka iniabot kay Harold ang lahat ng classcard.

“Matalino pala si Harold!” komento ni Gabby habang inabot ang classcard.

“I told you, sana nag-file ka talaga ng honors nung nag-apply tayo sa graduation!” sabi ni Martin kay Harold.

“Hindi ba ako nag-file?” biglang napa-isip na tanong ni Gabby. “What’s in between Harold and Martin?”

“Hindi! Kasi sabi mo hindi na ako qualified kaya hindi ka na lang mag-apply.” sagot ni Martin. “Hoy Harold, wala ka na naman ba sa sarili mong katinuan?” pang-aasar ni Martin. “Your transcendental being, nawawala na naman!” komento pa ni Martin.

“Sorry ah.” sagot ni Gabby.

Lunchtime –

“What kind of place is this?”? tanong ni Gabby kay Sean.

“Anung arte yan ha?” nahihiwagaang tanong ni Sean kay Harold.

“So cheap, so…” sagot ni Gabby saka pinahid ng daliri ang isang mesa. “hay!” napabuntong-hininga pa niyag sabi. “This is not conducive for eating Sean! Look, tables are messy, there are so many flies and insects. This is not well-ventilated and I cannot eat in this kind of place.” reklamo ni Harold.

“You’re kidding right?” sabi ni Sean. “Lagi naman tayong dito kumakain ah.” sabi pa ng binata.

“I lost my appetite, kayo na lang ang kumain!” reklamo ulit ni Gabby saka lumakad palayo.

“Hayaan mo na si Harold!” pigil ni Kenneth kay Sean nang makitang hahabulin nito si Harold.

Kinagabihan –

“Anung ginagawa mo dito?” tanong ni Harold na nasa katawan ni Gabby kay Gabby na nasa katawan niya.

“Bahay ko ito di ba?” balik na tanong ni Gabby kay Harold.

“Oo, alam ko!” sagot ni Harold.

“So, I have my rights to sleep here!” sagot ni Gabby. “Prepare me a dinner!” utos pa ni Gabby kay Harold.

“Remember, nasa katawan kita and you should live the life I have.” sagot ni Harold kay Gabby.

“But I am the real Gabby and not you! You may have my body but not my consciousness, identity and right!” sagot ni Gabby.

“You have the consciousness but not the rights and identity!” sagot ni Harold. “Remember, rights and identity were part of your physical existence and since this is our situation, meaning I have the rights and identity belonging to you. Besides sinung maniniwala na ikaw si Gabby at ako si Harold kung ang nakikita nila ako si Gabby at ikaw si Harold.” dugtong pa ni Harold.

“Okay! Fine!” sagot ni Gabby. “But the fact that we know our situation, I have all the rights and identity of Gabby and inuutusan kita, prepare me dinner.” utos pa ni Gabby. “Pero kung ayos lang sa’yo I will make a new identity for Harold kung talagang feeling mo ikaw si Gabby.” pananakot pa ni Gabby.

“Okay! Sige! Ipagluluto na kita, basta maintain Harold’s identity and personality.” sabi pa ni Harold.

Habang kumakain –

“You’re good at cooking.” komento ni Gabby.

“Simula kasi ng mamatay si nanay ako na ang nagluluto para sa amin ni tatay. Eight pa lang ata ako nun nung mag-start akong magluto. Magaling kasing cook si nanay at tatay so, parang inherited ko na.” sagot ni Harold.

“Sorry to hear that. Wala ka na palang nanay. Ang tatay mo?” tanong pa ulit ni Gabby.

“Si tatay? Five years na siyang patay.” sagot ni Harold.

“Sorry ulit!” paumanhin ni Gabby.

“Ayos lang iyon!” pilit ang ngiting sagot ni Harold.

“Sino ang kasama mo sa probinsya?” tanong ni Gabby.

“Wala! Kaya nga ayokong umuuwi sa amin kasi ako lang mag-isa sa bahay.” sagot ni Harold.

“Eh paano ka nabubuhay? I mean, source of income mo?” tanong ulit ni Gabby. “Ilang araw na ako sa katawan mo pero wala pa naman akong pinapasukang trabaho?” tanong ulit ni Gabby.

“Ah, freelance ghost writer kasi ako, tapos contributor din ako sa isang glossy magazine. Kasama ko si Martin, siya naman editor. Si Francis naman ang nagpasok sa amin dun.” nakangiting sagot ni Harold. “Saka si tatay, may naiwang business and lupa kaya na-uutilize ko din iyon para naman mabuhay ako.” sagot ni Harold. “High school pa lang ako isa na akong ulilang walang kahit isang kamag-anak na kilala at binubuhay mag-isa ang sarili. Maswerte na lang at may iniwang mana sa akin.” paglalahad pa ni Harold.

“Ano nga pala ang koneksyon mo kay Martin?” tanong ni Gabby kay Harold.

“Best friend ko si Martin kaya please lang huwag mong wawalanghiyain iyon!” sagot ni Harold.

“As you wish!” nakangising sagot ni Gabby.

“Huwag mong gagalawin iyon! Lagot ka sa akin sa oras lang na malaman kong winalanghiya mo si Martin.” pagbabanta pa ni Harold.

“Oo nga po!” sagot ni Gabby. “Don’t you have any questions to ask?” tanong pa nito.

“Business?” balik na tanong ni Harold.

“Nope! Something personal.” sagot ni Gabby.

“Hindi naman ako interesado sa buhay mo at sa iyo so what’s the reason of asking you questions.” tugon ni Harold.

“Hay! Kahit ano!” sagot ni Gabby.

“Aha!” waring may naalalang pahayag ni Harold. “Why are you using Fabregas?” tanong nang binata. “Di ba, ang mama mo ang Fabregas? Ano ang surname nang Papa mo?” kabuntot na tanong ni Harold.

“It’s a long story!” sagot ni Gabby.

“Naguguluhan lang ako kaya kwento mo na.” pamimilit ni Harold.

“Akala ko ba hindi ka interesado sa kwento ko?” pang-aasar ni Gabby kay Harold.

“Kasi hindi ko lang ma-imagine na hindi ko kilala ang papa mo. Paano kung may magtanong?” tanong pa ni Harold.

“It’s a very long story.” tugon ni Gabby saka tumayo.

“Gaano kahaba? Short cut mo.” tuloy na pamimilit ni Harold.

“Kahit i-short cut ko o i-summary pa, mahaba talaga.” tugon ni Gabby na medyo naaasar na sa kakulitan ni Harold.

“I will listen! Ilang oras ba? Isa? Dalawa?” tanong ulit ni Harold na tipong sinasadya na ang pang-aasar dahil nangingisi pa ito.

“Hay!” napabuntong-hiningang turan ni Gabby. “Makulit ka din!” komento pa nito.

“Ikaw may sabing tanungin kita tapos maaasar ka? Pikon ka pala eh!” sabi ni Harold. “Ang galing mong mang-asar eh pikones malditos ka pala.” kantyaw pa nito.

“Hindi ako pikon!” kontra ni Gabby.

“Ikwento mo na iyong tanong ko.” pahayag ni Harold.

“Okay!” sagot ni Gabby. “I am using my mother’s surname kasi galing ako sa broken family.” simula ng kwento ni Gabby.

“So? Anung connection nang pagiging broken family mo sa surname mo?” tanong ni Harold.

“My mother married my father for business purposes. Feeling ko nga bato si mama kasi she never loved a man before she met my father, laging sunud kay lolo at sa gusto ni lolo nakabatay ang buhay niya. Lolo wanted my mother to marry my father kaya ayun, nagpakasal sila, then when she’s starting to fall in love sa papa ko, my father realized that he loves another woman. Duon nagsimula ang problema, laging nag-aaway until my father decided to leave my mom. Duon na din nagsimula ang downfall ng mga kumpanya ni lolo, malaki kasi ang naging lugi. Sa galit ni mama kay papa, she decided na papalitan ako ng surname, wala naman akong karapatang tumutol dahil I was fifteen that time, si lolo isinumpa din ang pamilya ni papa kay hindi ko na nakita pa si papa ulit, balita ko nga he flew to Europe kasi isinumpa din siya ng pamilya niya sa ginawa niyang pag-iwan kay mama. Duon nagsimulang isumpa ni mama ang salitang pagmamahal. Kaya nga I understand why she acts such way.” kwento ni Gabby na pilit pinipigil ang emosyon.

“Akala ko ba mahaba?” tanong ni Harold. “Fifteen minutes ka lang nagkwento ah.” pang-aasar pa ni Harold. “Alam mo, ganyan talaga ang buhay, hindi porke’t mayaman ka, iiwanan ka na ng problema.” dugtong pa ni Harold.

“Matulog na nga tayo!” suhestiyon ni Gabby.

“Kanina ko pa gustong gawin iyan.” sagot ni Harold.

Naunang humiga si Harold at ilang sandali pa ay tinabihan na siya ni Gabby. Walang pagdadalawang-isip na niyakap ni Gabby si Harold.

“Oh!” biglang reaksyon ni Harold.

“Pwede ba Harold! I just want to know what’s the feeling of embracing myself. I want to feel what others feel pag yakap nila ako.” sagot ni Gabby.

“Ang yabang talaga!” sagot ni Harold habang pumipiglas. “May topak ka talaga!” komento pa nito.

“Pwede ba?” sarkastikong tanong ni Gabby. “Just imagine that you’re embracing yourself too! Huwag ka ng maarte!” matigas na wika pa din ni Gabby na lalong hinigpitan ang yakap kay Harold.

“Hay!” sagot ni Harold. “Umayos ka nga topak!” sabi pa ng binata.

Hindi pa man lumilipas ang ilang sandali at hinalikan ni Gabby si Harold. Biglang huminto ang mundo ni Harold sa halik na iyon ni Gabby. Pakiramdam niya ay tinupok ng halik na iyon ang isang damdaming nais na sanang kumawala at naghihiyaw para magsisigaw. Maalab, mainit, masarap, isang halik na nagpabago sa nararamdaman niya.

“I just want to feel my lips! Kaya huwag mong isiping lust ang reason kung bakit ko ginawa iyon. Pure and romantic pa din ang pagtingin ko sa’yo!” simpatikong turan ni Gabby saka lalong inilapit sa kanya si Harold.

Napipi si Harold at hindi niya alam kung ano ang sasabihin.

“Tulog na tayo!” sabi ulit ni Gabby saka ipinikit ang mga mata.

“Bakit ba affected ako ng halik niya? I’m confused! Sobra! Mahal ko na ba talaga itong tao na kaharap ko? Is there any possibility na magkatotoo ang happy ending sa pagitan namin? This can’t be! Hindi pwede! Ayoko sa nararamdaman ko! Mali! Hindi tama! Katarantaduhan! Kalokohan! Kagaguhan! Kabaliwan! Insanity, yeah, love can drive anyone crazy, pero bakit naman ako tinamaan sa maling tao? Sa isang tao na hindi naman ako maiintindihan kahit kailan! Bakit ba siya pa ang may kakayahan to drive me to insanity? Why? I admit, bakla ako and I wont deny it and tanggap ko nang bakla ako, pero sa dinami-dami ng lalaki sa isang uri pa niya! Sa isang Cinderella story na in real life walang happy ending. Sa isang fairytale na tragic. I don’t know how to be in his world or does his world ready for me? Sa isang iglap lang pwedeng tsugi na ang love story namin but, all the shitness in this world, very ironical! I can’t and will never will!” bulong ng di mapanatag na diwa ni Harold. “Heaven! Please show me the light! I need your divine illumination!” pakiusap pa nito sa langit.

Samantalang si Gabby –

“Now that you’re in my arms, I have nothing else to ask

But to love me tenderly behind the shadows passed in blast

I can make you feel my love in this crazy sheet of untold sleet

To last resort that no one can take you away in the speed of bleat.” saad naman ng diwa ni Gabby habang yakap si Harold.

“Hay Harold! Kahit na yakap kita, still, I can feel the loneliness in my heart. When will you realize that you and I were meant to be? I do have all the richness in this world, but to have you is that precious and so hard to have. Para kang isang wild boar na kasing liit ng guinea pig. I can hunt you para makuha ko pero you’re so cute that my conscience cannot attain hurting you.” bulong pa din ni Gabby sa sarili.

“Strictly, you are no one

And you can’t be anyone

You will never be someone

For my heart you’re the only one.” nakangiting sabi ng diwa ni Gabby.

Kinaumagahan –

“Good morning Sir Gabby!” nakangiting bati ni Joel kay Harold.

“Good Morning Joel and Nick!” ganting bati ni Harold kay Joel.

“Why are you greeting them? You’re the boss and you should not be doing that!” sabi ni Gabby.

“Ihahatid na muna natin si Harold saka tayo pupuntang office.” tila walang narinig n autos ni Harold.

“Hay!” napabuntong-hiningang reaksyon ni Gabby. “How will they obey you if you’re too kind with them?” pamimilit ni Gabby. “You suppose to be very strict!” patigas na saad pa din ni Gabby.

“Just ignore this crazy man!” sabi pa ni Harold.

Lalong naguluhan sina Nick at Joel sa pagbabago ni Gabby at ngayon naman ay ni Harold.

“Hey Gabby! That’s not the kind of personality you have! You should act like Gabby!” madiing utos ni Gabby kay Harold.

“May hang-over lang itong si Harold. Pero mabait din naman itong lokong ito, may topak lang talaga ngayon!” paliwanag ni Harold nang makita ang punung-puno ng pagtatakang mga mata nila Joel at Nick.

Katanghalian –

“Sir Gabby!” katok ni Joel saka binuksan ang pinto ng boss.

“Ano iyon Joel?” tanong ni Harold kay Joel.

“May dapat po kayong pirmahan.” sagot ni Joel. “This is about sa deal sa lupa sa Pulilan.”

“Patay!” mahinang usal ni Harold. “Hindi ko pa nga pala nasasabi iyong sa lupa sa Pulilan.” sabi ni Harold sa sarili.

“I’ll read this later.” nakangiting tugon pa ni Harold.

“Nice song Sir!” bati pa ni Joel sa boss habang nakikinig sa pinapatugtog ni Harold. “Dati Sir ayaw ninyo ng maingay sa office, kahit music ayaw din ninyo.” sabi pa ng binata.

“Dito ko nahanap

Ang hanap ko na buhay

Dito nadalumat

Ang kabuluha’t saysay

Na pinatitining

At pinatitibay

Dinidilig, pinapanday

Ng pag-ibig na di mamamatay

Buhay kong kaisa-isa

Tanging kayamanan

Magmula nang makasama ka

Naging makasaysayan

Ang iyong mga anak

Laging patnubayan

Tungo sa paglaya mong ganap

O sinisintang bayan

Sa lupang sagana

Aba ang karamihan

Kung kaya kasama

Ng buong sambayanan

Sa digmang payapa

At digmang digmaan

Ilulunsad, iluluwal

Ang maunlad na bayang maydangal”

(Sinisintang Bayan, Gary Granada)

“It was from Harold!” sabi pa ni Harold. “Pinatugtog niya kasi kagabi and nagustuhan ko naman.” paliwanag pa ni Harold.

“Sige Sir! Labas na po ako!” paalam pa ni Joel.

“Okay!” nakangiting tugon ni Harold.

Samantalang si Gabby –

“Sean, let’s talk.” anyaya ni Gabby kay Sean.

“Ano naman iyon Harold?” medyo asar nang tugon ni Sean kay Harold. “Magrereklamo ka na naman ba?” tanong pa nito.

“So, I’m sorry for what I’ve done these few days. I just want to know one thing.” tanong ulit ni Gabby.

“Ano naman iyon?” tanong ni Sean.

“Have you ever been fall in love?” tanong ni Gabby. “I’m quite interested about your love life.” dugtong pa nito. Gusto talaga ni Gabby na makasigurado kung may gusto si Sean kay Harold dahil napansin nito na lumulungkot ang mga mata ni Sean sa bawat araw at nagiging apektado din ang binata sa pagiging iba ni Harold na siya naman talaga. Sa pakiwari din kasi niya ay iba ang dahilan ni Sean kung bakit laging ipinagtatanggol siya ni Sean sa tuwing may kakaiba siyang gagawin, gawaing hindi ginagawa ng totoong Harold.

“Oo naman! Siguro three times na din. Iyong dalawa natuloy sa relationship pero iyong pangatlo, going nowhere.” sagot ni Sean.

“Hmm! Okay!” maikling tugon ni Gabby.

“Di ba alam mo naman iyong kwento ko? Bakit itinatanong?” saad ni Sean. “Kung hindi ko lang nakikita ang mukha ni Harold sa’yo or kung may kakambal man si Harold, talagang sigurado akong hindi ka si Harold.” sabi pa ulit ng binata.

“Medyo ni-rerefresh ko kasi, alam mo na I want to know you more, kasi feeling ko these past days medyo nawawala ako sa sarili.” nakangiting tugon ni Gabby na pilit pinapa-sweet ang dating para maging kumbinsidong siya si Harold.

“That’s what I’ve missed!” nakangiting turan ni Sean saka inakbayan si Harold. “Tagal ko na ding hindi nakikita na ngumungiti ka.” saad pa nito. “Akala ko talaga mawawala na ang masayahin, mabait at matinong kausap na Harold.” dugtong pa nito.

“Iyong sa ngayon, bakit hindi pa natutuloy sa relasyon? Bakit kayo nagkahiwalay nung mga nauna?” curious na tanong ni Gabby.

“I feel the emptiness, iyong tipong kahit magkasama na kami, parang wala pa din iyong presence niya. I can say love really goes out and the only connection na nagbind sa inyo is iyong panghihinayang sa mga araw na pinagsamahan. Pero kahit na, darating din ang araw na kahit anung ingat, if you’re not meant to be magkakahiwalay kayo.” sagot ni Sean. “Iyong sa bago, alam ko kasing siya na iyong hinihintay kong bubuo ng kulang sa puso ko, kaso takot ako na siya na mismo iyong tumanggi na tulungan ako, natatakot din akong hindi pala kami pareho nang nararamdaman. Natatakot akong sa bandang huli, kung kailan okay na, saka naman siya biglang kuhanin ng iba.” sabi pa ni Sean na hindi magawang tumingin sa mga mata ni Harold.

“I sympathize!” tugon ni Gabby na medyo nabibigyan na ng linaw lahat ng tanong niya. “Had you tried telling this person?” tanong ni Gabby kay Sean.

“Hindi pa din! Alam mo iyong feeling na wala pa man, naduduwag ka na? Sa ngayon hanggang tingin lang ako, hanggang ngiti. Hindi ko nga din alam kung ano ang nararamdaman niya eh.” sagot ni Sean.

“How can your questions be answered if your afraid of telling this person what you feel?” tanong ni Gabby.

“It’s not important at all! May iba siyang focus at ako man, iba din ang focus ko. Besides, malamang sa oo, maka-apekto ako sa buhay ng iba ko pang mga kasamahan. Natatakot lang akong malamatan ang samahan natin sa partido at alam kong ayaw niyang malamatan iyon.” sagot ni Sean na napabuntong-hininga.

“Who is that lucky one?” tanong ni Gabby kay Sean na nakatanaw sa malayo.

“Ako na lang ang nakakaalam nun!” nakangising sagot ni Sean saka tumayo.

“Hoy!” pigil ni Gabby kay Sean. “Naturingang buddy tayo pero ayaw mong sabihin!” sabi pa nito.

“Read between the lines buddy! Huwag ka lang maging manhid!” sagot ni Sean.

“Now I’m sure!” sabi ni Gabby sa sarili. “With your expressions, actions and your story, I’m sure it is Harold!” saad pa ni Gabby sa sarili.

Sinundo ni Harold si Gabby sa dorm dahil nga sa usapang duon na matutulog si Gabby kasama niya. Pagkadating sa bahay ay nagulat na lang sila nang salubungin sila ng mama ni Gabby –

“What are you doing here ma?” tanong ni Gabby sa ina.

“Ma?” nagtatakang tanong ng mama ni Gabby. “At bakit ka nakiki-mama?” tanong pa nito.

“Sorry madam!” paumanhin ni Gabby nang maalalang nasa katawan nga pala siya ni Harold.

“And you Gabby! Sa dinami-dami ng babae na may class, socialite, at may magandang background, bakit sa isang hampas-lupang lalaki ka pa nakikisama?” galit na pangaral ng matanda sa anak.

“Ma!” awat sana ni Harold na nasa katawan ni Gabby.

“No! I wont stop!” sabi pa ng mama ni Gabby. “I wont hangga’t hindi mo pinapaalis iyang pulibing iyan sa bahay mo!” madiing utos pa nito.

“Ma! Hindi mo pwedeng paalisin dito si Harold.” sagot ni Harold.

“At bakit? Seryoso ka bang talaga d’yan sa hampas-lupa na iyan?” tanong ng ina ni Gabby. “Pera mo lang ang gusto n’yan! Ang mga taong katulad niya, manggagamit ng ibang tao para makaangat sa buhay!” sabi pa ng ina. “Malaking kahihiyanan na sa pamilya Gabby ang pagiging silahis mo kung silahis ka man! Pero sana huwag mo ang dagdagan pa, huwag mo nang sayangin pa ang natitirang dignidad na mayroon ka! Layuan mo na iyang pobreng mahirap na manggagamit na iyan! Bigyan mo kami ng kahihiyan!” sabi pa ng ginang.

“Ma! Hindi ganuong tao si Harold! Mabuting tao at may prinsipyo! Hindi siya tulad ng iniisip ninyo!” kontra ni Harold na nasa katawan pa din ni Gabby.

“Kung may prinsipyo, sana alam niyang wala siyang lugar sa mundo natin! Sana alam niyang hindi siya kayang tanggapin ng mundo natin! Sana alam niyang ang kagayan niyang hampas-lupa ay walang lugar sa mundo natin!” giit ng matanda.

“Pero ma! Mali ang…” katwiran sana ulit ni Harold.

“Tama na Gabby! Your mother is right and you cannot change her ideas that quick! She does not understand how love works and what the meaning of love is. I’m sure, she marries your father for the sake of business, kasi sa mundo ninyong mayayaman, marriage is a sacred investment. Marriage is simply to extend property, business matters most; love is equivalent to assets and mas mayaman mas malaking asset ang makukuha. Mas mayaman, mas malaking investment. Your argument about love is invalid dahil iba kayo ng definition.” sagot ni Gabby na nasa katawan ni Harold.

Isang malutong na sampal ang binigay ng ina ni Gabby kay Gabby na nasa katawan ni Harold.

“Wala kang alam! Isa ka lang latak ng lipunan! Isang baklang kaladkarin!” sabi pa ng nanggigigil na ginang. “Layuan mo na ang anak ko kung ayaw mong sirain ko ang buhay mo!” banta pa nito.

“Wala ka bang ibang alam kung hindi manira ng buhay ng ibang tao?” tanong ng tunay na Gabby sa ina.

“Harold!” awat ni Harold kay Gabby.

“She’s right Harold! Sige, babalik na ako sa dorm ko! Sa dorm ng mga dukha, mahihirap at hampas-lupa!” sabi pa nito saka tumalikod.

Pagkaalis ni Gabby –

“Ikaw naman!” sabi ulit ng ginang. “Magtira ka naman ng kaunting kahihiyan sa pamilya natin! Pakalalaki ka naman! Ano na lang ang magiging reaksyon ng lolo mo pag nalaman niyang bakla ka? He’s not happy in heaven for sure! Huwag mo naman gawing kahiya-hiya ang pamilya natin dahil sa desisyon mo!” sabi pa ng ina.

“What’s with being gay? It’s not a big deal! Being gay is being myself! Being gay is being my own reflection, I don’t want to pretend to be someone whom you’re trying me to be. I cannot change myself just for your sake. I have my own will, my freedom, my consciousness, my life. It’s my choice and please, being gay doesn’t affect my performance as a businessman.” paliwanag ni Harold sa ina ni Gabby. “Anung gusto ninyong mangyari? Mag-role playing tayo na gaganap ako sa gusto ninyo sa akin? Aarte ako sa buong buhay ko? I’m not good in acting, and it means I will fail. I’m not created just to be your lazy puppet! I’m drawn up to this world not to be a puppet for others’ eyes, for their entertainment by playing the character I’m not. This is not imperfection but my struggle to be semi-perfect in ways I know.” sagot ni Harold. “I’m not sure kung ganito ako sa inyo dati pa, pero please try to understand my situation.” sagot pa nito.

“Gabby!” naluluhang sabi ng ginang. “I can’t imagine your doing this.” sabi pa nito.

“With regards to Harold…” putol na sabi ng binata saka kumuha ng isang malalim na hininga, “matatapos din ito! Huwag kang lang pong mainip, malapit na, konting panahon lang.” pagwawakas pa ni Harold saka umakyat sa taas ng bahay ni Gabby.

May mga pigil na luha sa mga mata ng binata. May isang damdamin ang kumikirot sa kanya, sakit at hirap na maaring makuha ng isang taong nasaktan at bigo, sakit na higit pa sa maari niyang makuha sa pukpok at palo ng mga pulis sa rally.

“Na-experience kaya ni Cinderella itong nangyayari sa akin? I bet hindi! Letseng Cinderella! Mahilig magpaasa na basta true love pwedeng magkatotoo, laging may happy ending. Does she know about classes in the society? Letse s’ya! Paasa!” ngitngit ng loob ni Harold. “Harold dear! You must now learn your lesson, Gabby and you together is really impossible. Wake up, dapat mapabilis na ang pagbalik sa dati para matuldukan na ang nararamdaman ko para sa’yo.” sabi pa ulit ng diwa ni Harold.

Diretso si Harold sa may veranda ng kwarto ni Gabby at duon niya nakita ang ina ng binata na paalis na.

“Bakla! What’s wrong being gay? I’m just being myself kasi ayokong magpanggap na straight kung hindi naman totoo. Mahirap piliting maging lalaki kung ang puso mo ay tumitibok para sa same sex. Kung pwede lang sanang alisin ang puso, then go kaya kong maging lalaki! Straight na straight! But heart is essential for living and removal of heart means death. Love and heart can be equated, therefore, removal of love means death. Death in a sense that ending what is oaght to be, the death of man’s freedom and expression of his desires and emotions. Being someone is typically the death of the nature of man. Pretending that I’m straight will mean death of my sexuality. I am free and being a gay, homo or bisexual is an expression of freedom.” bulong nang mapangahas na puso ni Harold.

Samantalang si Gabby, pagkabalik sa dorm ni Harold ay hindi na nakuhang mag-inarte dahil laman padin ng utak niya ang mga sinabi niya sa ina at sinabi ng ina sa kanya. Masakit, masakit na masakit ang lahat ng narinig niya mula sa ina, sa mababang pagtingin nit okay Harold at sa katotohanang sinabi sa kanya.

“I’m sure I love you, and I know I can stand strong

I doubt, if I can still be your prince this time so wrong

I realized that love is nothing if we cannot hold on.

I must face the reality of bridging the world I don’t own.” linyang naglalaro sa isip ni Gabby. Kinuha niya ang cellphone at saka tiningnan ang picture ni Harold.

“Harold, you give me reasons to continue

Fighting this stumbling irony of desperation

I know the winds will guide me to I don’t know

I’m sure it will lead me to where you stand below.” isang linya nang nagpapahayag ng pagbabalik ng pag-asa mula kay Gabby.

“Harold! I know, I can take all the pain, can carry all the troubles and every burden for the promise of you to be mine.” sabi ng diwa ni Gabby saka ipinikit ang mga mata.

Friday, July 29, 2011

STRATA presents: Bulong ng Kahapon 5

STRATA presents

BULONG NG KAHAPON


PART 5 – Ang Wakas

“Gising ka na pala hijo!” nakangiting bati ng isang hindi pamilyar na mukha kay Arman.

“Sino po kayo?” tanong ng binata sa kausap.

“Ako’y nagligtas sa’yo mula sa bangin.” kwento nang matanda.

“Bangin?” tanong ni Arman.

“Nakaligtaan kang iligtas mula sa nabanggang bus dahil nagtuloy-tuloy ka sa bangin na malapit sa kubo ko.” sagot ng matanda. “Alam mo bang hindi ka na halos humihinga nang makita kita.” pagbabalita pa nito.

“Salamat po kung ganuon.” sagot ni Arman at muli niyang naalala ang pakay sa lugar na iyon.

“Huwag ka na munang bumangon. Hindi ka pa lubusang nakakabawi sa sinapit mo.” tutol nang matanda ang makitang nagpupumilit umayo si Arman.

“May kailangan po akong hanapin.” sagot ni Arman.

“Tutulunga kita hijo, ngunit hayaan mo na munag makabawi ka ng lakas para naman hindi ka kung mapaano na lang.” wika nang matanda.

“Salamat po.” sagot ni Arman. “Arman nga pop ala.” pakilala pa ng binata.

“Tawagin mo na lang akong Lolo Mencio.” sagot nang matanda.

“Kailangan ko po talagang hanapin si Mercedes.” saad pa ni Arman.

“Matutulungan kita hijo at mabilis mong mahahanap si Mercedes basta ba’t hayaan mo munang dito ka mamalagi. Hindi pa lubusang gumagaling ang mga bali mo sa katawan at mahihirapan kang bumiyahe at lumibot.” paalala pa ng matanda.

“Pero Lolo Mencio…” tututol pa sana si Arman ngunit biglang nanakit ang likod niya. “Aray…” pagdaing pa ni Arman.

“Sabi ko sa iyo!” sabi nang matanda. “Huwag lang mag-alala dahil may ituturo ako sa iyo para naman hindi ka mainip.” lahad pa nito.

Namangha si Arman nang makita niyang kausapin ni Lolo Mencio ang alaga nitong pusa. Manghang-mangaha ang binata dahil totoong kapani-paniwalang nagkakaintindihan ang tao at ang pusa.

“Bakit ganyan ka makatingin sa akin apo?” tanong nito kay Arman.

“Nauunawaan po ba talaga ninyo ang pusa?” hindi makapaniwalang tanong ni Arman.

“Oo naman hijo! At iyan ay isa lang sa mga bagay na ituturo ko sa iyo.” saad nang matanda.

Hindi alam ni Arman kung ano ang magiging reaksyon. Halu-halo na ang problema niya ay idadagdag pa niya si Lolo Mencio kung totoo ba ang sinasabi ng matanda.

“Phillip! Hindi kita kayang iwanan at ayokong magkahiwalay tayo pero ayoko namang itakwil ako ng pamilya ko dahil sa pagsama ko sa iyo. Ito na nga ba ang kinakatakutan ko sa lahat, ang pagdating ng araw na ito.” bulong ni Arman sa sarili saka napabuntong-hininga.

“Bakit apo?” tanong ni Lolo Mencio.

“Wala po.” sagot ni Arman. “Mercedes! Saan ka naman ba nagtungo? Pinag-aalala mo ako. Hayaan mo, hahanapin kita sa oras na umayos ang pakiramdam ko.” wika ng diwa ni Arman.

Kinagabihan –

“Lolo, wala po ba kayong kasama dito?” tanong ni Arman habang kumakain sila ng hapunan.

“Ako lang ang mag-isa sa buhay.” wika nang matanda.

“Talaga?” hindi makapaniwalang tanong ni Arman.

“Oo apo!” sagot ng matanda. “Buhat nang maligaw ako sa bundok Banahaw ay hindi na ako umalis pa dito. Paminsan-minsan nama’y lumalabas ako para magtungo sa bayan subalit babalik din naman ako kaagad.” kwento pa ng matanda.

Isang buwan na nanatili si Arman sa kubo ni lolo Mencio at hindi niya lubos maisip na matututo siya ng mga mahikang akala niya ay sa mga nababasang kwento lang mangyayari. Hindi niya lubos maisip na totoo pala ang sinasabi ng matanda sa kanya. Ngayon nga, tulad nang pangako nang matanda ay tutulungan niya si Arman na hanapin si Mercedes at sa tulong nang mahika ay madali niyang natunton kung nasaan ang dalaga. Nalaman niyang nasa kalapit na nayon lang nila ito nagtatago.

“Sige po Lolo Mencio.” paalam ni Arman saka nagmano sa matanda.

“Mag-iingat ka apo.” wika ng matanda saka may ibinigay kay Arman.

“Ano po ito?” tanong ni Arman.

“Nakikita kong may darating na bago sa bundok na ito at sa kasamaang palad ay hindi ko na aabutan pa ang lalaking iyon. Sa nakikita ko ay Ronnie ang pangalan nang susunod na tagapag-ingat nang mutyang ito. Hasain mo siya at ituro mo ang laaht ng itinuro ko sa iyo at mga bagong malalaman mo. Makakatulong din siya sa iyo sa hinaharap.” paglalahad pa ulit ng matanda.

“Opo Lolo Mencio.” sagot ni Arman at nakahandang gawin ang sinabi sa kanya ng matanda bilang pagtanaw ng utang na loob.

Pagkabalik niya ng probinsya –

“Alam ko na po kung nasaan si Mercedes.” simulang pagbabalita ni Arman sa ama ni Mercedes.

“Saan?” tanong nito.

“Sa bahay po ni Elisa.” sagot ni Arman.

Natunton nga nila si Mercedes at nakapag-usap na din nang masinsinan ang dalawa. Napapayag ni Arman si Mercedes na pakasal sa kanya at naitakda na ang petsa kung kailan sila mag-iisang dibdib. Nalaman ni Arman na katulad niya ay may pagtingni na din sa kanya si Mercede smula nuong nasa mataas silang paaralan. Nasaktan lamang siya nang malamang may ugnayan sila ni Phillip ay dahil muling umuusbong ang damdamin niya para kay Arman.

“Patawarin mo ako Phillip! Hindi ko kayang ipaglaban ang pagmamahal ko sa iyo. Sana maintindihan mong naduduwag ako at natatakot.” wika ni Arman sa sarili.

Bago nagpakasal ay nakipagkita muna si Arman kay Phillip –

“Totoo pala.” malungkot na wika ni Phillip.

Tango lang ang tugon ni Arman saka pagpatak nang mga pigil na luha.

“Patawarin mo ako Phillip! Labis lamang akong duwag para ipagpatuloy ang ugnayan natin.” wika ni Arman.

“Alam mo bang nasasaktan ako?” tanong ni Phillip.

“Oo, batid ko dahil nasasaktan din ako sa naging pasya ko.” sagot ni Arman.

“Bakit Arman?” tanong ni Phillip.

“Dahil duwag ako! Dahil hindi ko kayang panindigan ang pagmamahalan natin.” sagot ni Arman.

“Bakit ka naduwag Arman?!” pigil ang mga luhang tanong ni Phillip.

“Hindi ko alam Phillip! Basta nakaramdam ako ng takot, mga takot at bangungot na ayokong mangyari.” sagot ni Arman.

“Arman.” wika ni Phillip saka pumatak ang mga luha sa mga mata.

“Patawarin mo ako Phillip.” paghingi ulit ng kapatawaran ni Arman.

“Mahal mo ba si Mercedes?” tanong ni Phillip.

Ayaw na lalong masaktan ni Arman si Phillip kaya naman isang tahimik na tango lang ang tugon niya kasunod ang pagpatak ng masagang luha.

“Arman…” naiiyak na saad ni Phillip saka niyakap si Arman.

“Patawad Phillip.” muling paghingi nang kapatawaran ni Arman.

“Sige, pipilitin kong maging ayos ang lahat.” sabi ni Phillip.

“Ayokong may magbago sa atin.” pakiusap ni Arman.

“Hindi ko masisigurado ngunit pipilitn ko.” sagot ni Phillip na may pilit na ngiti.

“Salamat Phillip! Asahan ko ang mga sinabi mo.” tugon pa ni Arman.

“Iingatan mo ang sarili mo.” wika ni Phillip saka tumalikod.

“Siguro ay hindi pa angkop sa panahon natin ang uri ang damdaming mayroon tayo, maaring naduwag lang ako o natakot. Gayunpaman, umaasa akong sana’y nauunawaan mo ako at hayaan na lang na ang mga apo natin ang magpatuloy sa pagmamahalan hindi natin naituloy, hayaan natin silang ipagpatuloy kung ano ang hindi natapos, baka sa panahon nila, kung pareho man sila ng kasarian ay mas matanngap sila nang mga tao, baka mas matapang sila para ipaglaban ang hindi ko nagawa at kayang gawin.” winika ni Arman bago tuluyang makaalis si Phillip.

Masakit ang damdaming nagpaalam sa isa’t-isa. Ang pagmamahalang biglang naramdaman ay ang damdaming pilit nilang kakalimutan. Biktima sila ng nakaraan, nang panahon at nang kanilang sariling takot at alinlangan. Ang ganitong uri nang bangungot ay patuloy pa ding nangyayari sa kasalukuyan na tipong ang kahapon ay bumubulong lang sa bawat puso ng mga nagmamahalan sa kaparehong dahilan at sitwasyon. Ang bulong ng kahapon ay nagpapatuloy na magpasakit at sugatan ang puso nang mga tapat na nagmamahalan dahil ang pagtigil nito ay hindi tiyak kung kailan.

STRATA presents: Bulong ng Kahapon 4

STRATA presents

BULONG NG KAHAPON


PART 4 – Ang Malapit sa Wakas

Mabilis na lumipas ang araw, ang panahon at ang mga buwan dahil sa wakas ay kanila nang makakamit ang pinaka-aasam na dimploma para ibitn sa harapan ng kanilang bahay at ipangalandakan sa mga bibisita na nakapagpatapos sila ng anak. Sa magkaibang paaralan nag-aral sina Mercedes at Arman ngunit magkalapit lang ang kanilang inuuwian kaya nagagwa pa din nilang makapagkita araw-araw.

“Ang aking pagbati Mercedes!” simulang bati ni Arman sa kaibigan.

“Walang anuman!” sagot ni Mercedes. “Binabati din kita sapagkat sa wakas ay nakuha mo na ang minimithi mo.” tugon pa nito.

“Ano na ang mga balak mo?” tanong ni Arman.

“Papasok akong guro sa ating bayan.” sagot ni Mercedes. “Iyon naman ang tinapos ko, ang pagguguro. Pipilitin ko ding makapagpatayo ng pampublikong elementary sa ating nayon para naman iyong malalayo sa bayan ay may malapit na mapapasukan.” saad pa nito.

“Mainam kung magkaganuon.” sagot ni Arman.

“Ikaw? Itutuloy mo bas a pag-aabogasya ang tinapos mo?” tanong ni Mercedes.

“Alam mo namang mahirap ang pag-aabogasya at higit sa lahat mahirap din iyon sa bulsa kaya malamang ay hindi na lang muna.” sagot ni Arman.

“Ano na ang plano mo?” tanong ni Mercedes.

“Tatanggapin ko na muna ang alok sa aking makapagtrabaho sa pamahalaan.” maikling tugon ni Arman.

“Mainam naman at may plano ka na.” tugon ni Mercedes.

“Arman!” tawag ni Phillip mula sa likuran.

“Phillip! Ikaw pala.” sagot ni Arman.

“Phillip.” nagulat namang tugon ni Mercedes saka umakmang tatalikod.

“Sandali lamang Mercedes.” awat ni Phillip.

Natuwa naman si Arman dahil sa wakas at sa unang pagkakataon ay magkakausap na ang dalawa.

“Bakit?” maikling tanong ni Mercedes.

“May nais lamang akong ipagtapat sa iyon.” tugon ni Phillip.

Hindi mawari ni Arman subalit naging mabilis ang tibok ng kanyang puso ng mga oras na iyon. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isipan ni Phillip subalit nakakasigurado siyang hindi maganda ang sasabihin nito kay Mercedes.

“Ano iyon?” tanong ni Mercedes.

“Si Arman ang dahilan kung bakit ako nakipaghiwalay sa’yo.” turan ni Phillip.

“Phillip!” madiing pagtutol ni Arman.

“Anung ibig mong sabihin?” tanong ni Mercedes.

“Mahal ko si Arman nang higit sa pagmamahal ko sa iyo.” wika ni Phillip. “At una ko siyang minahal. Sana Mercedes, ngayon ay nauunawaan mo na ang dahilan kung bakit ako nakipagkalas sa iyo.” wika ni Phillip na muling nalumbay ang tinig.

“Hindi ito totoo!” saad ni Mercedes saka tumakbo palayo.

“Mercedes!” hahabulin sana ito ni Arman –

“Huwag na Arman!” tutol ni Phillip.

Iwinasiwas lang ni Arman ang kamay ni Phillip saka mabilis na hinabol si Mercedes.

“Arman!” pigil ni Phillip saka hinabol na din niya ang binata.

Kahit na anung hanap ay hindi nagawang makita ni Arman si Mercedes. Nagalit din ito kay Phillip dahil sa ginawang hindi man lang siya kinukunsulta.

“Malamang ay pauwi na iyon sa inyo.” saad ni Phillip.

“Ano ba sa tingin mo ang ginawa mo?” tanong ni Arman.

“Sinabi ko lamang ang totoo.” wika ni Phillip.

“Ngunit bakit ngayon pa at sa tono nang pananalita mo ay parang hindi mo siya minahal.” sagot ni Arman.

“Malinaw ang sinabi kong mas minahal kita ngunit hindi ko sinabing hindi ko siya minahal.” sagot ni Phillip.

“Ganyan ka ba takaga mag-isip?” tanong ni Arman. “Wala ka na ba talagang puso para kay Mercedes. Kung saktan mo siya ay ganun na lang na tila ayos lang ang lahat.” paninisi pa ni Arman kay Phillip.

“Ngunit karapatan niyang mabatid ang katotohanan.” giit ni Phillip.

“Mali ang pamamaraan mo Phillip at iyon ang ikinagagalit ko.” sagot ni Arman saka lumakad nang mabilis palayo sa binata.

“Arman sandali lang!” pigil ni Phillip saka hinabol si Arman.

“Ano na naman ang sasabihin mo? Igigiit mo na namang tama ka at ako ang mali?” tanong ni Arman.

“Patawarin mo ako.” sinserong paumanhin ni Phillip. “Hindi ko sinasadyang masaktan ka.” dugtong pa nito. “Ayokong magkahiwalay tayo ngayong araw na may sama ka ng loob sa akin.” turan pa ng binata.

“Sa susunod ay iisipin mo kung ano ang sasabihin mo.” turan at pagpapayo pa ni Arman.

“Pinapatawad mo naba ak sinta?” tanong ni Phillip.

“Oo naman!” maikling tugon ng binata.

“Salamat! Pangako, hindi ko na uulitin.” masayang reaksyon at pangako ni Phillip saka niyakap si Arman.

Sa probinsya nila Arman naman ay agad na nagtungo ang pamilya nila Arman sa bahay nila Mercedes. May maliit kasing salu-salo na inihanda ang pamilya ni Mercedes dahil nakapagtapos na ito sa pag-aaral. Hindi magawang magtinginan nang dalawa dahil nagkaka-ilangan pa ang mga ito dahil nga sa hindi inaasahang pangyayaring kagagawan ni Phillip.

“Arman at Mercedes” simula ng ama ni Arman nang makaalis na ang mga bisita ng dalaga. “Alam naman nating mula pagkabata pa ay lagi na kayong magkasamang dalawa.” dugtong pa ng ama ni Arman.

“Napagkasunduan naming bakit hindi nalang kayo ang ipakasal para naman lalong tumibay ang samahan nang dalawang pamilya.” dugtong naman ng itay ni Mercedes.

“Hindi po maaari!” tutol ni Mercedes na biglang napatayo.

Agad namang nakadama ng kaba si Arman at batid niyang may panibagong problema siyang dapat harapin at may mas malaking unos na darating.

“Bakit hindi?” tanong ng itay ng dalaga. “Hindi ba’t hiwalay na kayo ni Phillip.” dugtong pa ng itay ng dalaga.

Tinitigan naman ni Arman si Mercedes at tila may pagmamakaaawa sa mata nitong huwag sasabihin ang tungkol sa lihim nilang relasyon.

Tumingin naman si Mercedes kay Arman at sa mata nito. Hindi niya kayang tagalan ang titig nang binata na animo nakikiusap sa kanyang huwag sasabihin ang kanyang lihim.

“Dahil si Arman at Phillip ay may pagtangi sa isa’t-isa.” nawika ni Mercedes saka ito tumakbo palabas.

“Mercedes!” awat ng ama ng dalaga.

“Hintayin mo ako!” tumayong habol ni Arman.

“Dito ka lang!” pigil ng ama ni Arman.

“Hhabulinn ko ppo ssi Meerceedees.” nanginginig na usal ni Arman.

“Gaano katotoo ang sinabi ni Mercedes!” nabigla subalit nananaig ang galit sa tinig ng ama niu Arman.

Nanatiling tahimik lang si Arman.

“Sumagot ka!” sigaw ng ama nito.

“Tama na! Natatakot na si Arman.” awat naman nang ina ni Arman.

“Huwag kang papasok sa loob ng bahay hangga’t hindi mo nakukumbinsing pakasal sa iyo si Mercedes.” madiing utos ng ama ni Arman.

“Pero aman…” tutol pa sana ni Arman.

“Pero totoo ang sinabi ni Mercedes?” tanong at paniniyak ng ama ni Arman.

Hindi alam ni Arman kung tatango ba siya o iiling. Natatakot siya at ito na ang simula ng bangungot para sa kanya.

“Hindi ako nagpapapasok sa bahay ko ng isang salot!” madiing lahad ng ama ni Arman saka ito umuwi na sa bahay.

“Arman!” pang-aalo naman ng ina ni Mercedes sa kanya. “Pagpasensyahan mo na ang anak ko.” turan pa ng ginang.

“Sige po tita.” paalam naman ni Arman sa ina ni Mercedes.

Sa bahay nila Arman –

“Hudas ka!” simula ng ama ni Arman saka ito sinampal. “Ngayon mo sa akin sabihin hindi totoo na may pagtatangi kayo ni Phillip para s aisa’t-isa.” galit na galit pa nitong tugon.

“Totoo po ama ang tinuran ni Mercedes. Hindi ko naman po sinasadya kung madadala ako sa nararamdaman ko. Ang alam ko lang po ay masaya ako at masigla ako sa bawat araw na kasama ko si Phillip.” paliwanag ni Arman.

“Hindi kita pinag-aral sa Maynila para maging ganyan Arman!” madiing pahayag nang ama ni Arman. “Madami akong pangarap sa iyo at hindi kasama duon ang pakikiapid mo sa kapwa mo lalaki.” wika pa ng ama ni Arman.

“Ama! Hindi naman makakaapekto sa mga pangarap mo sa akin kung makikisama ako kay Phillip.” sagot ni Arman.

“At sinasagot mo pa ako!” wika ng ama ni Arman saka muli nitong binigyan ng sampal ang anak. “Sa bahay na’to ako ang masusunod at kung sinuman ang ayaw sumuno sa akin ay makakalayas na ngayon palang.” madiing utos nang ama ni Arman.

“Ama!” tutol pa ni Arman.

“Ama! Wala kang karapatang tawagin akong ama! Damuho kang bata ka! Matapos ka naming alagaan at palakihin ganyan ang igaganti mo sa amin. Nagayon, kung ipagpapatuloy mo ang pakikisama sa Phillip na iyan, magbalot ka na at lumayas ka na dito.” utos nang ama ni Arman.

“Pero ama…” tutol ni Arman.

“Mamili ka na ngayon!” madiing utos nito.

“Opo, susundin ko po ang nais ninyo.” naisagot ni Arman.

“Hanapin mo si Mercedes at kumbinsihin mong pakasalan ka.” madiing utos nito sa anak.

“Opo!” masakit man sa dibdib subalit kailangan niyang sumunod sa ama.

“Ngayon na!” utos pa ng matanda.

Dala ng takot ay mabilis siyang nagtungo sa bahay nila Mercedes –

“Tita, nasaan po si Mercedes?” tanong ni Arman sa ina ng dalaga.

“Nag-aalala na nga ako dahil hindi pa din siya matagpuan nang tito mo.” wika nang matanda.

Tumulong na sa paghahanap si Arman buong magdamag subalit walang Mercedes silang nakita. Nabalitaan na lang nilang may nakakita daw sa dalagang pasakay ng bus at pa-byahe pabalik ng Maynila. Bumiyahe din si Arman pa-Maynila at una siyan gnakipagkita kay Phillip.

“Phillip! Ilang araw na naming hinahanap si Mercedes subalit hindi namin makita.” puno nang pag-aalalang simula nito ng kwento.

“Sinubukan mo na bang hanapin sa mga kaibigan niya?” tanong ni Phillip.

“Hindi pa, ngayon pa lang ako magsisimula.” sagot ni Arman. Wala pa sa balak niyang sabihin ang lahat kay Phillip dahil batid niyang lalo lang siyang maguguluhan sa kung ano ang maaring maganap.

Sinuyod nila ang ka-Maynilaan para mahanap si Mercedes subalit bigo ang dalawang binata hanggang sa –

“Dumito siya nung nakaraang gabi at kumuha ng ilang pirasong gamit. Ang paalam niya sa akin ay pupunta siya sa Quezon para magbakasyon.” sabi ng may-ari ng paupahang bahay na tinigilan ni Mercedes nuong ito’y nag-aaral pa.

“Phillip samahan mo ako sa Quezon.” aya ni Arman sa binata.

“Hindi ako pwede, kailangan pa ako ni papa sa negosyo.” malungkot na saad ni Phillip.

Mag-isang biniyahe ni Arman ang sinabing lugar na iyon ng matanda at sa hindi inaasahan ay nabangga ang sinasakyan niyang bus papunta nang Quezon at ang kawawang si Arman naman ay nahulog sa bangin kaya hindi ito napansin ng mga rescuers.