Wednesday, September 22, 2010

GWAPITO'S BY NIGHT 3

Photobucket


ITO NA PO NEXT CHAPTER. DITO NAMAN PO AY IPAPAKILALA KO SA INYO SI GOJI. SALAMAT PO SA MGA NAGBABASA NG GWAPITOS AT MABUHAY PO KAYONG LAHAT.

SA MGA CO WRITERS KO SALAMAT SA COMPANY. KAY ATE DALISAY, SANA HAPPY LAGI^^


MAMA TAN HAPPY MONTHSARY SA ATIN MAHAL NA MAHAL PO KITA..


TOL ALEX IDOL IKAW NA SUNOD^^












__________________________________________________________________________________



DYNE: "Goji!!!!!!!!! josko!! takaw tulog ka talaga, as expected ikaw ang pinaka kunti ang nainom yet pinaka madami ang nakaing pulutan, kanina pa nagriring yang phone mo baka nanay mo na yan, inumaga kasi tayo"


AKO: "Goji? sino yun?" sabay balik sa pagkakapikit ko.


Isang malakas na batok ang dumapo sa akin at as usual galing iyon kay Jethro na ginawa nang 3 o'clock habit ang pagbatok sa akin.

JETHRO: "ikaw yun, adik ka rin eh.. nalasing sa kakainom ng juice at kakakain ng pulutan..hehehe" sabay akbay sa akin.


AKO: "ah ako ba yun? anyways wag mokong aakbayan, mas sanay ako sa batok mo." kunwaring pagtatampo ko.


EA: "Oh siya tama na yan, Goji tawagan mo kaya yung kanina pang misscol ng misscol sayo"


AKO: "I only have zero balance in my account, please reload a new call and text card to continue availing the ff services thank you" sabay balik sa pagkakatulog


EA: "Loko! here, you can use my phone. baka kasi emergency yan"


Sa loob loob ko ay nahihiya pa ko kay EA dahil nga sa katayuan niya sa buhay.


AKO: "ah eh, cge" sabay kuha ng phone niya


Tiningnan ko sa phone ko kong sino ang tawag ng tawag. Laking gulat ko ng makita ko na phone number ng hospital namin ang nakarigester.


Dali dali akong tumawag dito.


AKO: "Hello? si Nurse Goji to from Operating room department kagigising ko lang po kasi kaya di ko nasagot tawag niyo"


Natatawa naman ako sa mga kaibigan ko dahil silang lahat ay tahimik at nakikinig sa pakikipag usap ko sa phone.


AKO: "Anu?!!!!!!!!!!!!!!!!!! cge cge papunta na ko" sabay bigay ng phone kay EA at dampot ng dala dala kong back pack.


EA: "Uy! may problema ba?" nagtatakang tanong nito



AKO: "naka on call ako ngayon, may emergency surgery daw at kailangan ako as scrub, buti nalang dala dala ko palagi uniform ko.wahehehehe"


FRANCO: modelo ng makabagong kabataan, si Goji, dala dala ang trabaho kahit san pumunta.haha kaya pala kadalasan ay naka back pack ka kahit san tayo pumunta, uniform pala laman niyan."


AKO: "oo biglaan kasi minsan ang procedures sa OR.hehehe"


Napansin kong kami kami nalang ang tao doon kaya di na ako nangimi sa mga kaibigan ko.


AKO: "Guys sino may pabango jan? penge ako, di na kasi ako makakaligo"


AE: "eto, sabay hagis sakin ng pabango niya"


AKO: "uy, mamahalin, baka pati buong pagkatao ko ay bumango pag ginamit ko to..wahehehe" sa isip ko

AKO: "Pikit muna kayo at maghuhubad na ko, dito na ko magbibihis, pasensyahan tayo nagmamadali ako.hahaha. Isa pa, wag niyo ko pagpapantasyahan alam kong maganda ang katawan ko." sabay tawa ulit


Una kong hinubad ang shirt ko sunod ang pants, lantad na lantad ang katawan ko sa harap ng mga kaibigan ko na parang mga kapatid ko na rin kaya wala nalang sa amin ang maghubad sa harap ng isa't isa.


DYNE: "Goji, mamasahiin kita mamaya ah, libre pa" sabay tawa ng malakas


AKO: "Loko! si nanay nagmamasahe sa akin langis ng EL SHADDAI pa gamit nun, naghihimala daw yun sabi ni nanay" sagot ko habang nagbibihis.


Pagkatapos ko magbihis ay dali dali akong nagpaalam sa kanila at dumerecho na ng hospital.


AKO: "Oh mga pare, una na ko ah, papayaman muna ako..wahehehe" sabay takbo palabas.


(AKO SI GOJI)


Ako nga pala si Goji, isang nurse na nagtatrabaho sa isang public hospital malapit sa lugar namin. Galing ako sa mahirap na pamilya, natapos ko ang ang aking pag aaral dahil sa scholarship na iginawad ng mayor namin sa akin, kapalit ng pag eescort ko sa anak niyang dalaga sa taunang sagala.

Oo. Apat na taon akong naging escort ng anak niyang dalaga sa sagala. Ang normal sa sagala kasi, bawat taon iba iba ang reyna elena pero sa lugar namin ang anak ni mayor ang grand slam reyna elena at ako lagi ang nirerequest sa tatay niya na maging escort. Siyempre kapalit nito ang apat na taon kong pag aaral sa koleheyo. hahaha Ngayon ay malaya na ko dahil nasa amerika na ang anak ng mayor namin na nasa pangalawang termino na sa posisyon niya ngayon.

(BALIK SA KWENTO)


Pagkatapos ng surgery na iyon ay dali akong pumunta sa locker at nagbihis para makauwi agad at makaligo na.


Naglalakad ako pauwi ng may tumwag sa akin.


AEREL: "Goji!!!!!!!!!! uy hintayin moko"


Tumigil ako sa paglalakad at hinitay siya.


AKO: "oh anu ang emergency?.. nga pala ba't di ka nakasama kagabi?"


AEREL: "bakit? nakasama ka ba?"


AKO: "oo naman"


AEREL: "eh sabi umaga na kayo natapos, panung nakapagtrabaho ka pa?"


AKO: "Ako pa! kaya kong lusutan ang pagka busy ko..wahehehe" sabay tawa at pahalatang bilib na bilib sa sarili


AEREL: "Yabang!"


AKO: "totoo naman, siya nga pala bakit moko tinawag?"


AEREL: "Wala lang, bumili kasi ako ng meryenda jan sa kanto tas nakita kita, tutal along the way naman bahay niyo kaya sumabay na ko"


AKO: "ah ok..bilis bilisan mo at naiimagine ko ang nanay mo na alalang alala at maluha luhang hinihintay ka sa labas ng gate niyo..hehehe"


AEREL: "hehehe adik.. OA ng imagination mo.hahaha"


Tuloy ang paglalakad namin sa bahay. nauna akong nakarating kaya nagpaalam na ko at dumerecho na sa loob.


AKO: "nay dito na po ako.. oh yeah ang kalat ng bahay, nay asan ba mga kapatid kong magagaling?"


NANAY: "may practice daw sa sayaw anak." sabay kuha ng walis para maglinis


AKO: "nay ako na po jan, magpahinga nalang po kayo at baka atakihin kayo ng hika ninyo. Nga pala nay bumili ako ng paborito niyon pusa..Dyaraaan!!!!!!!" sabay hugot sa bag ko ng isang plastik na may lamang dalawang siopao


NANAY: "salamat anak, at makakatikim ulit kami ng tatay mo ng siopao. Nasa karatig bayan pala siya ngayon dahil may nagpapakumpuni ng sirang tubo doon"


AKO: "Yaan niyo nay, pag mayaman na mayaman na ko, isang sakong siopao na ibibili ko sa inyo..wahehehe"


NANAY: "Di mo man lang kami ikakain ng tatay mo sa pang mayamang restaurant?"


AKO: "ah yun ba gusto niyo nay? ay cge po ikakain ko kayo doon at oorder tayo ng madaming madaming siopoa..wahehehehe"


NANAY: "Palabiro ka talaga anak puro siopao."


AKO: "Cge na po nay at kainin niyo na po iyan. at ako na po bahala sa mga gawaing bahay"


NANAY: "Pero anak di ka pa nakakapagpahinga at ngayong pa............."


AKO: "Ayos lang ako nay, mana ako kay tatay na malakas katawan..hehehe"


Nagbihis muna ako ng pambahay at inumpisahan ko ng gawin ang paglilinis, sunod ay maglalaba at saka palang ako maliligo.


Ganito ang buhay ko bilang Goji, Dobladas ang kayod, kayod sa trabaho at kayod sa bahay. sa liit ng kinikita ng tatay ko sa pagsiside line niya ay halos ako na din ang nagpapakain sa pamilya namin at ako nagpapaaral sa dalawa kong kapatid. Mahirap, at masakit sa ulo ang ginagawa kong pagbubudget sa pera ko, sinabayan pa ng sakit ni nanay na kailangan ng gamot, madalas tuwing gabi ay tahimik akong umiiyak sa labas ng bahay namin.

Lahat ng kahirapan sa buhay ko ay dinadaan ko nalang sa biro at madalas na pag ngiti, wala naman kasing magagawa ang pagmumukmok.


Hapon na ng matapos ko ang gawaing bahay. Mga Alas sais na ng gabi ako nakapagsampay sa terrace namin ng mga nilabhan ko.


AKO: "Wag sanang umulan ng malakas para di maabot mga sinasampay ko" sa isip ko.


EA: "Di ka ba marunong mapagod?"


Laking gulat ko ng makita ko si EA sa labas ng bahay namin. bagamat mejo ilang ako ay inaya ko siyang tumuloy.

AKO: "wahehehe walang pagod pagod, maya maya naman ay tulugan na kaya babawi narin ako"

Ang bahay pala namin ay nasa likod ng tinitirahang unit ni EA at tabi namin ay bahay naman nila Dyne.

AE: "kanina pa kasi ako nakasilip sa bintana, at sa nakita ko di ka pa nagpapahinga, anu ka robot?"


AKO: "hindi? tao..hehehe"


Dyne: "Goji?.."


AKO: " tol dito ako sa terrace derecho kana dito"


DYNE: "tol malabo din ba TY niyo? nagloloko ata cable eh, uy! pareng EA dito ka pala, makatambay nga rin..hehehe"


AKO: "Ginawang tambayan ang bahay ko, hehehe"


EA: "ito kasing si Goji, kanina ko pa napansing gawa ng gawa, di pa nga siguro natutulog to mula kagabi eh"


DYNE: "Talaga? uy pahinga ka muna tol, akina nga at ako na mananampay, major major din kasi mga nilalabhan ko sa bahay kaya magaling ako manampay" sabay pinaupo ako sa gilid


GOJI: "naks! swerte ko naman, sana araw araw laging ganito..wahehehe"


EA: "Kaninong kotse yun?"


Napatingin ako sa directiong tinatanaw ni EA.

AKO: "patay, tago niyo ako mga tol please..huhuhu" sabay dumapa ako sa sahigmalapit sa kinauupuan ni EA.


LALAKI: "excuse me? dito po ba nakatira si GOji?.."


EA: "dito nga ho? pero wala po siya ngayon nasa duty pa po, actually kaaalis nga lang po eh"


LALAKI: "ah ganun ba? cge salamat nalang" sabay talikod at tuluyan ng umalis.


EA: "Uy wala na" sabay batok


AKO: "aray ko, naging pasyente ko kasi yun nung nasa ward pa ako, alam niyo namang lapitin ako diba..hehehe"


DYNE: "wow! bakit alam niya bahay niyo?"


AKO: "iyon ang di ko alam, pinagbigyan ko lang naman siya isang beses tapos di na ko tinantanan"


EA: "your fault, nakipagsex ka pala sa lalaking yun, siguro nag aassume na may something special sa inyong dalawa"

DYNE: "Oo nga, baboy mo talaga GOji..hehehe"


Naging seryoso ako at napayoko......................


DYNE: "aw! sorry tol." nahihiyang sambit nito


AKO: "baboy na ba talaga ako tol?, hindi ko alam tumataba na pala ako" seryoso padin


AE: "adik! hindi katawan ang baboy sayo, yung ginawa mo" sabay batok


AKO: "ah ganun ba? wahehehe sorry slow ako eh... kakabatok niyo sa akin nabobobo na ko" (KUNG ALAM NIYO LANG)


DYNE: "adik, akala ko pa naman ay seryoso ka talaga kanina..hehehe"


Maya maya ay dumating na ang dalawa kong mahal na kapatid.


KAPATID 1: "kuya! dito na kami"


AKO: "Alam ko, yan ka nga oh..hehehe"


KAPATID 2: "One point para kay Kuya! wahehehe"


KAPATID 1: "kuya naman eh.. nga pala kuya, eto oh para sayo, sensya na yan lang naipon namin ni Bunso"


AKO: "wow salamat! sabay yakap sa dalawa"


Sa totoo lang, Birthday ko ngayong araw pero si Aerel lng ang may alam, ayoko lang ipaalam sa iba. Pakiramdam ko kasi dagdag gastos, problema at pasanin ang birthday ko.hehehe


Pero malas nga naman at dumating ang epal.


Aerel: "Goji?!!! tol jan kaba?!! Happy birthday inuman na!!!!!!!!! weeeehhhh!!!"


EA: "Birthday mo ngayon?!!!"


DYNE: "Birthday mo ngayon??!!"


Batok ang iginawad ko kay Dyne.


AKO: "Epal paulit ulit?, oo na birthday ko na, Big deal ba yun?"


EA: "of course it is!!!!!!!! Panung?..haay nakakapagtampo ka talaga


DYNE: "Oo nga nakakapagtampo ka"


BInatukan naman ni Aerel si Dyne.


AEREL: "ako na bumatok para sayo goji..hehehe"


EA: "Magcecelebrate tayo nagyon din, ako na bahala" sabay labas ng wallet


AKO: "hala, wag na mga tol, salamat nalang sa inyo.. sobrang nakakahiya naman"


EA: " magkakaibigan tayo kayo wag nang magkahiyaan, uy Dyne tawagan mo na yung iba, para matuloy na pagcecelebrate natin. Aerel samahan moko mamimili ng panghahanda natin"


AEREL: "Game tara!"


Dahil kay EA ay nagkatipon tipon ulit kami at sa bahay pa namin. Nagpresenta ang nanay ko na siya nalang magluluto ng mga pinamili ni EA at tumulong mga kapatid ko.


Masaya ang naging biglaang celebration. Malalim na ang gabi ng magpasyang matulog na si nanay at mga kapatid ko kaya kaming anim nalang ang nasa terrace at nag iinuman.


AKO: "Asan si Dyne?"


FRANCO: "Lumabas, pumunta ata sa likod"


AKO: "Cge check ko at baka sumuka na naman yun"


Pinuntahan ko sa likod si Dyne. Nkita ko siyang nakaupo sa Tambayang ginawa ng tatay ko.


AKO: "Uy! ba't nag iisa ka dito?" pag uusisa ko.


Magkakapatid na ang turingan naming anim pero pinaka close kami ni Dyne, dahil na din siguro sa magkadikit bahay namin.hehehe


DYNE: "wala lang, gusto ko lng tingnan ang mga stars..wahehehe"


AKO: "cge dalawa tayong magbilang ng stars...hehehe"


DYNE: "cge dito ako sa left side ikaw sa kabila..hehehe"


AKO: "hehehe adik, tara tol balik na tayo sa kanila"


DYNE: "Dito na muna ako"


AKO: "ok kaw bahala tol, pero panhik ka agad ah?"


DYNE: "Ok tol, sunod ako agad"


Pabalik na ko sa terrace namin ng mag ring ang phone ko, iksang text msg ang natanggap ko mula sa isang di kilalang number.


TEXT: "LALO LANG MALALAMAN NG LAHAT KUNG PAGTATAGUAN MO AKO"










(IKAW NA ANG NEXT DYNE!!!)

GWAPITO'S BY NIGHT 2

Photobucket


sa lahat ng nagbasa at sumuporta sa Gwapito's by Night 1, maraming salamat,

sa mga kasunod kong magsu-sulat dito, goodluck

sa mga nagbasa, nag-comment, nag save ng copy, sumuporta sa mga kwento sa BOL, pagpatuloy nyo lang po,

yan na, kinakabahan na ako, parang takot pa ako, pero sige eto na

sana magustuhan ninyo,

have a glimpse of Jethro's life

cheers (,")

sweet :-)





----------------------------------------






Chapter 2




‘I have to do something’. Yan ang paulit-ulit na imiikot sa utak ni Jethro.

“Uy, emote” pag-para ni Goji sa nagbibiyaheng isip ni Jethro.

“Hindi” biglang preno ni Jethro. Pero patuloy pa ring umandar ang utak niya para magpasakay ng mga ideya kung paano matulungan si EA.

“Meron kang ibang iniisip, baka pwede namang i-share” pagsakay naman ni Dyne.

“Wala nga, ang kulit ninyo” pag-kambyo ni Jethro. Pero kailangan pa ring bumiyahe kasi baka sakaling makasagasa siya ng plano para ma-divert ang atensyon ni EA.

“Bakit hindi tayo mag-laro ng Truth or Truth pero si Jethro lang ang sasagot” pag-para rin ni EA.

‘Oo nga, magandang ideya, kahit hindi ako sanay na mag-open up ay papayag na rin ako para kahit sa sandaling oras ay mawala si Elton sa isip ni EA’ at tuluyan ng gumarahe ang utak ni Jethro.

“Sige, call ako” pagpayag ni Jethro.

Nagtaka at nabigla ang mga kaharap niya, hindi nila aakalain na papayag si Jethro dahil sa ilang taon na pagsasama nila, madalang na madalang lang kung mag-kwento ito sa buhay niya, madalas ay nagbibiro, nagbibigay ng payo, o nakikinig lang ito.

“Ok game, history in making” sabay palakpak ng kamay ni Franco.

“Sino ang unang magtatanong?” si Aerel.

“Sandali lang” pagpigil ni Jethro.

Ini-atras niya ang upuan kung saan hindi siya nasisikatan ng liwanag ng mga ilaw sa loob ng bar. Ayaw niyang makita ng mga kasama ang magiging reaksyon sa mga tanong na ibabato sa kanya at kung paano iyon sagutin, mahirap na baka sa unang pagkakataon ay masulyapan ng mga kaibigan ang luha niya. Pagkatapos ay kumuha siya ng isang stick ng marijuana sa wallet niya at sinindihan, eto ang tutulong sa kanya para lumakas ang loob.

“Anong effect yan, Hot Seat in the Dark with Smoke” pagpansin ni EA.

“Pagbigyan na natin siya, madalang lang mangyari ito, excited na ako” si Goji.

“EA, tutal ideya mo yan, ikaw na rin ang unang magtanong” mungkahi ni Aerel.

“Simulan ko na. Kapag pinag-uusapan ka namin, limitado lang ang mga detalye na alam namin tungkol sa’yo, marami kang hindi sinasabi sa amin at bilang mga kaibigan mo ay nirerespeto namin iyon” pag-simula ni EA.

“Pinagtsi-tsismisan ninyo pala ako kapag wala ako” sarkastikong sabi ni Jethro at sabay buga ng usok.

“Hindi sa ganoon, masyado lang kami pre-occupied sa mga biro at payo mo kaya hindi namin napapansin na konti lang ang alam namin tungkol sa iyo” paliwanag ni EA.

“Biro lang, mga kaibigan ko kayo at pwede ninyong gawin at pag-usapan kahit anong tungkol sa akin, at pwede nyo rin akong pagpantasyahan” pabirong sabi ni Jethro.

“Eto naman, seryosong usapan na nga hahaluan pa ng biro” si Goji.

“At dahil dyan, paabot naman ng sisig” paki-usap ni Jethro kay Goji sabay inom ng alak.

“Hindi naman kasi kayo nagtatanong at hindi talaga ako sanay mag-kwento, mas gusto ko yung makinig lang” paliwanag ni Jethro sabay subo ng isang kutsara ng sisig.

“Kailan mauulit ito?” si Franco.

“After fifteen years. Kaya eto na ang pagkakataon ninyo para itanong ang lahat ng gusto ninyong itanong sa akin” sagot ni Jethro.

“Height?” tanong ni Aerel.

“5’10”” si Jethro.

“Weight?” si Dyne

“Ewan, sampung taon na noong huli akong magtimbang” pabirong sagot ni Jethro.

“Hair and eye color?” si Goji.

“Depende sa mood, sa pagkakataon at sa pangangailangan, pero natural color, buhok ay itim at dark brown ang mata” sagot ni Jethro.

“Define Love and Life” si EA ulit.

“Love is a four-letter word, L-O-V-E. Life, enjoy” sagot ni Jethro sabay hithit sa dahon na hawak niya.

“First kiss?” si Franco.

“Di ko na maalala. Sandali, nakakahalata na ako, ano ito slumbook? Paabot muna ng calamares” paki-usap niya kay Franco.

“Bakit sumagot ka naman?” pagbulyaw ni Aerel.

“Na-miss ko kasi. Noong high school ang daming nagpapa-sagot ng slum book nila, kulang na lang pa-photocopy ako ng bio-data at ipamigay ko sa buong campus” biro ni Jethro sabay inom ng beer.

“Seryoso. Anong paborito mong sideline?” si Dyne.

“Photography. Noon pa man ay hilig ko ng kumuha ng mga litrato, stolen shots ng mga kaklase at mga pinsan ko, ang galing nga capture talaga yung emotion at memory. Pero ngayon interesado ako sa nature at sunset sa beach” paliwanag ni Jethro sabay kain ng calamares.

“Mga susunod na paborito mong sideline?” tanong ni Goji.

“Pagsusulat. Kung ano-ano, blogs, newspaper articles, kwento. Sa pagsusulat kasi lumalabas yung emotion at kung ano-anong mga malilikot na ideya na pumapasok sa utak ko. Pangatlo, pag-gawa ng programs, thesis, research papers, term papers, at kung ano-ano pa na required ng mga professors. Karamihan ay estudyante sa University Belt ang mga suki ko, mababa lang ang kita pero tinatanggap ko na rin, kahit graduate na ako gusto ko pa rin yung pakiramdam na parang nag-aaral pa rin para mas maraming natutunan” kwento ni Jethro.

“Illegal na sideline?” nag lakas-loob na pagtatanong ni EA, sabay inom ng kanyang Jack Daniels.

Naghihintay ang lahat sa isasagot ni Jethro habang siya naman ay humithit muna ng dahon.

“Meron” sagot ni Jethro pagkatapos bumuga ng usok.

“Anong trabaho?” si Franco, sabay abot ng french fries kay Jethro.

“Salamat, parang alam mo ng papa-abot ko sa’yo yan. Dispatcher ako. Naghahatid ng kung ano-anong bagay na galing sa mga pulitiko at sindikato, naka-envelope, naka-kahon, at kung minsan ay buong sasakyan na merong mga kargamento sa loob” sagot ni Jethro sabay inom ng beer.

“Paano nag-simula?” si Aerel at inabot din ang isang platitong mani kay Jethro.

“Mukhang alam mong mahabang paliwanagan ito, salamat Aerel. College ako noon ng isama ako ng isa sa mga kaklase ko, may part-time daw kami. May pinuntahan kaming lugar, hindi ko nakita kung sino ang mga kausap niya basta sinama na lang niya ako noong lumakad na siya. Kinabukasan ay binigyan niya ako ang pera, bayad daw sa pagsama ko sa kanya. Naging interesado ako sa trabaho kasi malaki ang kita. Makalipas ang ilang buwan ay pinaubaya na niya sa akin ang pag-dispatch kasi meron pa siyang ibang illegal na gawain at mas malaki ang kita” kwento ni Jethro.

“Hindi ka ba natatakot?” sunod na tanong ni Dyne.

“Hindi ako takot, tiwala ako sa contact ko, hindi niya pinapabayaang ako ang humarap sa mga ka-deal niya, ibibigay lang niya sa akin ang kailangan i-despatch at ihahatid ko ito base sa instruction niya. Pero nag-iingat pa rin ako, kahit hindi ko sila nakakaharap ay kilala ko kung sino ang mga pulitikong iyon at kung sino ang nasa likod ng sindikato. Kailangan mag-disguise ako kapag may lakad at lahat ng usapan ay naka-record din, kung may pagkakataon ay titignan ko ang laman hawak ko, at pagkatapos kong ihatid ay pupunta muna ako sa mga mataong lugar para maligaw ko kung sakali mang may nakasunod sa akin” pagpapatuloy ni Jethro at muling bumuga ng usok.

“Naisip mo ba ang pamilya mo at kaming mga kaibigan mo?” seryosong tanong ni Goji.

“Nasa lowest level of illegality ang ginagawa ko, at hindi ko papasukan ito kung alam kong mapapahamak ako, kaya nga doble-dobleng ingat ang ginagawa ko para hindi madamay ang mga taong malalapit sa akin. Magaling daw ako sabi ng contact ko, pinipilit akong bigyan ng ibang mga trabaho pero tumanggi ako, sabi ko kuntento na ako sa kinikita ko bilang dispatcher. Huwag kayong mag-aalala, hindi kayo mapapahamak dahil sa akin. At isa pa, madalang lang naman kung may ipa-dispatch, malaki lang talaga ang kita kaya hindi ko maiwanan” pagtatapos ni Jethro sabay ubos ng beer.

“Susunod na tanong, magkwento ka naman tungkol sa pamilya mo” muling naglakas loob si EA sa pagtatanong.

“EA, tawag ka na, second set na daw” sigaw ni Jethro sa kaibigang bokalista.

“Oo pala, napasarap kasi ang tanungan, ituloy natin ito pagkatapos ng second set namin” paki-usap ni EA kay Jethro.

“Sige, walang problema, napasubo na rin ako. Yung request ko pala, huwag mong kalimutan” si Jethro kay EA.

Muling nagpunta si EA sa stage para sa second set ng pagtugtog ng kanyang banda. Samantala ay nahinto muna ang pagtatanong kay Jethro para makatayo naman siya sa Hot Seat at para mapanood din nila ang kaibigang si EA. Nang marinig ni Jethro ang pagtugtog ng banda ay bumaba na siya at iniwan ang mga kaibigan na nahilo sa alak at nalasing sa mga rebelasyon.


We get it on most every night
When that moon is big and bright
It’s a supernatural delight
Everybody’s dancing in the moonlight

Sakto ang pagpasok ni Jethro sa dancefloor ng simulang tugtugin ng banda ni EA ang kanyang paboritong kanta. Nang makita siya ng ibang mga tao sa dancefloor, merong lumapit para makipag-sayaw, makipag-halikan at meron din mga nanghihipo sa kanya.

Dancing in the moonlight
Everybody’s feeling warm and bright
It’s such a fine and natural sight
Everybody’s dancing in the moonlight

Kapag nasa dancefloor, wala siyang pakialam kahit anong gustong gawin sa kanya, mapa-lalake, babae, o bakla ay pagbibigyan niya, kapag nasa dancefloor, lahat pagmamay-ari siya.


Natapos ang second set ng banda kaya bumalik muli ang mga magka-kaibigan sa iniwan nilang set-up, “Hot Seat in the Dark with Smoke” ulit si Jethro. Nawala ang epekto ng beer at dahon sa katawan niya kaya muli siyang humingi ng beer at nagsindi ng dahon ng simulan ang ikalawang installment ng pang-gigisa sa kanya.

“Let’s talk about your lovelife. Ang daming naghahabol sa’yo, lalake, babae, at bakla pero bakit hanggang ngayon wala ka pa ring pinapakilala sa amin na BF o GF mo?” unang tanong ni EA.

“Masyadong personal na yan, biro lang. Hindi pa kasi ako handa, gusto ko yung parang kanina sa dancefloor, nakikipag-flirt lang” sagot ni Jethro.

“Bakit hindi mo gayahin ang Kuya Ethan mo?” mungkahi ni Franco.

“Si Kuya Ethan, yung pinsan ko, hindi ko kaya yung ginawa nila ni Kuya Bryan na ipaglaban ang pagmamahalan nila. Masaya ako para sa kanila kasi malaya na silang namumuhay na magkasama ngayon. Ang galing nga, para silang mag-asawa” paliwanag ni Jethro, sabay ulit buga ng usok.

“Baka naman hindi ka naghahanap, malay mo nakita mo na siya at hindi mo lang pinansin?” tanong ni Aerel.

“Seryoso naghahanap ako. Ang dami ko ng nakilala at nakasiping, mula sa pagiging escort service, sa pakikipag-chat, hanggang sa pagfi-flirt sa disco, pero wala pa rin” si Jethro at muli na naman uminon ng beer.

“Anong katangian ng tao ang hinahanap mo?” si Dyne.

“Ayokong mag-lista at maghanap ng katangian sa isang tao, sabi nga ni Kuya Ethan, makakaramdam ako ng kakaibang spark sa puso ko kapag nakaharap ko na ang taong para sa akin. At kapag dumating iyon, hindi siya makakawala sa akin” sagot ni Jethro.

“Nag-iingat ka ba sa mga nakakasama mo sa kama?” nag-aalalang sabi ni Goji.

“Oo naman, nakinig ako ng husto noong mag-lecture ka sa akin about Safe Sex. At sinisigurado ko rin na babayaran nila ako. Dahil dyan, paabot naman ng crispy pata” si Jethro.

“Bakit wala kang permanenteng trabaho?” muling pagbubukas ng bagong topic ni EA.

“Ayaw kong pumasok sa corporate world o private companies, ayaw kong may nagmo-monitor sa attendance at galaw ko, ayaw kong inuutusan ng supervisor, ayaw kong sinesermunan ng manager, ayaw kong nira-rush dahil meron pasyente sa ER, ayaw kong nag-aatend ng press conference, ayaw kong naghihintay ng taong pipili sa akin para magpamasahe, ayokong nape-pressure dahil sa dami ng order sa restaurants, ayokong gumawa ng lesson plan, ayokong magbasa at sumunod sa mga companies rules ang regulations, basta ayaw ko” sabay hithit ng dahon si Jethro.

“Kailan at paano nabuo ang ideya mong mabuhay sa pagsa-sideline?” sunod na tanong ni Franco.

“Dahil sa paghihigpit ng magulang ko noon, pakiramdam kinulong nila ako sa amin, lahat ng gusto nila kailangang sundin ko, mula sa damit na isusuot hanggang sa pagpili ng kaibigan. Nag-sawa ako sa pag-kontrol ng magulang at mga teachers sa buhay ko, kaya bukod sa mga subjects na tinuturo sa eskwelahan, nag-aral din ng photography, video editing, pagsusulat, driving, at kung anu-ano pa na pwede kong matutunan para kapag nag-graduate ako ng college, marami akong alam gawin. Gusto ko kasi after college, kontrolado ko ang oras ko, ako ang namimili ng trabaho, ako ang pipili sa makaka-trabaho ng ilang oras o araw, ako ang tumatanggi sa trabaho, gusto ko iba-iba ang ginagawa ko” paliwanag ni Jethro sabay ubos ng beer sa hawak niyang bote.

“Kung gusto mong lumaya, bakit hindi ka humiwalay sa magulang mo?” si Aerel sabay abot ng iba pang pulutan kay Jethro.

“Matagal ko ng gustong gawin iyan, pero parang merong hindi maipaliwanag na pwersa na pumipigil sa akin para iwanan sila” sagot ni Jethro.

“Bakit ang dami mong alam gawin?” si Dyne.

“Siguro madali akong matuto at madami akong interest. Ginamit ko ang katawan, talino at emosyon, dagdagan mo na rin ng time management, kaya ang dami kong alam gawin ngayon. At sinuwerte naman ako na pinakikinabangan ko ang lahat ng nalalaman ko. Kung sinasabi ninyo na sideline lang ang ginagawa ko, para sa akin eto ang trabaho ko” paliwanag ni Jethro.

“Masaya ka ba?” parang ewan na tanong ni Goji.

“Oo, alam ko masaya at malaya na ako ngayon, eto ang pangarap kong gawin sa buhay, ang gumawa ng kung anu-ano para mabuhay. Masaya ako na wala ng kumokontra sa mga gusto kong gawin, masaya ako kasi kahit ano nagagawa ko, masaya ako kasi kahit sino pwede ko ng makilala, masaya ako kasi kahit saan pwede na akong pumunta, basta masaya ako, lalo na kasama ko kayo” parang ewan din na pag-sagot ni Jethro.

Yan si Jethro, madaming alam gawin, cross stitch, pag-tutor ng foreign language, pag-coach ng iba-ibang klase ng sports, paggawa ng crossword at pagsagot ng sudoku, pagpapakain ng manok, baboy at kalapati, magpa-utang, pagkumpuni ng computer, pagme-mekaniko, pag-install ng software at pag-aralan ito, video editing, pagsusulat, driving, pagkumpuni ng tubo at linya ng kuryente at telepono at kung anu-ano pa. Kahit saan man mapunta, kahit sinong kasama, at kahit anong panahon, siguradong mabubuhay at hindi mawawalan ng pera.


I got a feeling that tonight’s gonna be a good night
that tonight’s gonna be a good night
that tonight’s gonna be a good good night wooh hoo

Sa last set ng pagtugtog ng banda ni EA, nagpunta ang mga magkaka-ibigan sa dancefloor para pagbigyan ang mga taong sabik makipag-sayaw sa kanila. At sa kalagitnaan ng set, pinaubaya ni EA ang pagkata sa ibang ka-banda para samahang sumayaw ang mga kaibigan niya.

Tonight’s the night night, let’s live it up
I got my money, let’s spend it up
Go out and smash it, let go o' my guard
Jump off that sofa, let’s get get up

It’s a good night indeed for them, the six friends celebrated their six years of friendship that night with revelations from Jethro.

Let's do it and do it and do it and do it and do it
And do it and do it and live it
Up and do it, do it, do it, do it, and do it

At tuluyan ng nag-alisan ang mga tao sa ReZ Dente Party Music.


“Meron pala akong regalo sa inyo” sabay abot ni Jethro ng tig isa-isang paper bag sa mga kaibigan.

“Adik ka talaga, ano to, condom at brief” si Aerel at nakisabay na ring magbukas ang iba.

“Huwag ka ng mag-reklamo, napilitan nga akong makipag one-night-stand para may pambili ako niyan, hindi pa kasi nagbabayad yung mga pautang ko” biro ni Jethro.

“Ang ganda, animal head printed in black colored brief” si Dyne.

“Tiger, Cobra, Lion, Hawk, Panther, Panda Bear, iba ka talaga at dahil diyan ikaw na naman ang makakatanggap ng Scene Stealer Award, dinaig mo na naman ang moment ko” sabay abot ng bote ng Jack Daniels ni EA kay Jethro.


“Tagay pa ng kape” si Goji.

“Cheers” sabi ng iba.

“Hindi ako nagka-kape, hot chocolate sa akin” si Jethro.

Umaga na sa Kalye Gwapito.

Itutuloy

Task Force Enigma: Rovi Yuno 8

By: Dalisay
E-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com
Blog: http://dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
Other details: I was taken by the most amazing man in the world. Kenneth Nicdao.





Gusto kong magpasalamat sa mga nakakadaldalan ko sa FB chat. Sa mga hindi ko pa friends na readers dito ito na po ang pagkakataon para ma-i-add niyo ang kadalisayan ko. angelpaulhilary28@yahoo.com iyan po ang e-mail ko sa lahat ng account ko.

I've been down nitong nakalipas na araw, hindi ko lang ipinapahalata. Pero maraming nagpangyari para sumambulat ang lahat ng iyon kahapon that lead me into crying. Almost maghapon. Hindi po ako nagsusumbong. Nagkukwento lang. Ngayon ay okay na po ako. Tuloy ang buhay. Sa ibang pagkakataon ay maaaring maikwento ko rin sa inyo.

Bati mode:

Jaime: Habang ginagawa ko ito ay naka-post na ang GWAPITO'S BY NIGHT 3 na ikaw ang may akda. Salamat sa iyo at Happy Monthsarry sa inyo ni Mare. :p

James Wood: Hello Woody!

MarQymarc: Salamat sa pag-comment mo.

Jan and Lemuel: Ganoon din sa inyo.

Mr.Brickwall: Hello again.

Fences: Hello dear.

Kearse: Salamat. Alam mo na yun.

Honeybun: Salamat sa pagbabalik mo. Ang pinakamamahal na anak. Lt. Col. Rick Tolentino.

Dhenxo, Rovi, Attorney and Alex: Congrats sa atin. Sa Gwapito's at sa lahat ng iba pang writers dito.

And especially, SON-IN-LAW: Your comments somewhat appeased me. No it was an understatement, I am really flattered I could die. :p Salamat sa friendship. Salamat sa pagbabasa ng aking akda. Love you dear Son in Law.

To Echo: I love you. You are the wind beneath my wings. :))


Enjoy readong guys. :))


CHAPTER 8


"Partner, hindi na ako makahinga." biro sa kanya ni Allan.

"S-sorry, Partner." aniyang namumula.

"Hindi, okay lang. Kamusta ka na?" tanong nito sa kanya sabay haplos ng namamasa niyang pisngi.

Natigilan siya sa inasal nito. Ito rin naman. Nagkatitigan silang dalawa. Ang ang kulay-tsokolateng mata nito ay maalam ang pagkakatitig sa kanya. Parang tinutunaw ang buong pagkatao niya. Naramdaman niya ang panlalambot ng mga tuhod.

"Huwag na huwag kang iiyak sa mga ganoong pangyayari Rovi. Normal lang ang mga ganyang bagay sa trabaho natin." masuyong wika nito.

"Hindi naman ako umiiyak ah. Ikaw kaya sumuka ng wala ka namang isinusuka?" umiingos na sabi niya. Hindi makapaniwalang nagawa niyang ipakita rito ang bahagi ng pagkataong itinatago sa lahat.

"Ganun ba?" tumatawang wika nito.

"Oo. Masakit kaya sa pakiramdam." sagot niya.

"Pero alam mo Partner, bilib ako sa'yo. Hindi ka naramdaman ni Loreto sa pagpasok mo." sabi nito sabay lapit sa kaniya upang akbayan at ginulo ang buhok niya.

"Ah! Ano ba? Nananahimik ang buhok ko eh." natatawang sambit niya.

"Eh kaya nga ginugulo ko eh." sabi rin nitong humahalakhak.

Natatawang kumalas siya rito at tinungo ang sasakyan nila. Hindi nila napansin ang nagtataka at nang-uuyam na ngiti sa labi ng mga nakakakitang kasamahan nila. Nagtatawanan sila ng makarating sa nakaparadang sasakyan.

"Hey lovebirds! Ang sweet naman ninyo."

Nilingon nila ang pinanggalingan ng tinig. Natigilan siya ng makilalang ang kasamahan nilang si Captain Rico Mendoza ang nagsalita. Ito ang head ng Homicide Division sa departamento nila. Ang operation na iyon ay pinamumunuan nito.

"Sir. Kayo po pala." magalang na sabi ni Allan dito.

"Good work, Lovebirds. Mukhang kumportableng-kumportable kayong dalawa bilang magka-"partner". The man grinned maliciously while quoting his last word to give emphasis to his point.

Umalma ang kalooban niya sa ginawa nito. "Thank you Sir. But with all due respect, Sir. Are you implying something to what you just said?" pigil ang ngitngit na sagor niya rito. After all this man was his superior.

"Do I have to explain myself to you Private First Class Rovi Yuno?" maanghang na balik nito sa kanya in a very intimidating tone.

But he knew that he was mocking him and it was not necessary at this point of time. He had to stand-up for his pride and ego. Rovi retaliated to his superior, albeit nervous, He should make this man realize that he was not the type to be mocked easily.

"With all due respect again Sir. I believe that there is a hint of mockery and malice that lie between those words. You wouldn't be calling us "Lovebirds" then quote it as if to emphasize your point of disgust." matapang na wika niya.

"Why, are you denying that you are lovers? Your act a while ago gave credit to what I believe you two are doing behind our backs." maigting na sabi nito. Ayaw magpatalo.

"With all due respect Sir. That's a very strong accusation Sir. Coming from you, a respected Captain. What you said is very uncalled for. That is Class B Misdeameanor for you are practicing the offense called Conduct unbecoming an Officer and a Gentleman." si Allan na hindi nakatiis na sumabat sa kanilang mainit na usapan.

Natigilan ito sa sinabi ng partner niya. Pero agad ding tumawa sa kanila. "Seriously, do you know what you're referring to? You two, of all people is showing dishonor and disgrace to the armed forces while acting like some silly pussies madly in-love with each other. How dare you brought up that offense in me! Don't talk to me about indecency!" nangangalit ng sabi nito.

"Forgive us Sir. But our acts a while ago meant nothing. And of course, not everyone is or can be expected to meet unrealistically high moral standards like you do. But there is a limit of tolerance to what an officer or a gentleman can take. And we can only take too much." mapagpakumbabang sabi ni Allan dito.

Sa pagkakataong ito ay natigilan ng husto ang mapaghinalang Kapitan. Hindi makasagot sa sinabi ni Allan. It was a retaliation to make him come to his senses.

"Hindi po kami mga bakla Sir. At kung sakali mang totoo yun, nakita naman ninyo ang kaya naming gawin. Nagbibiruan lang po kami ni Rovi kanina. First time niyang nakakita ng patay na babaeng ginagahasa. Kahit ako ay maduwal-duwal kanina. Ipagpatawad niyo kung may nakita kayong hindi sakop ng pag-uunawa ninyo." mababang pagpapatuloy ni Allan saka tumingin sa kanya.

"Ah, aherm! Pasensiya na kayo. Hindi kasi ako sanay sa nakita ko. It was a very good job guys. Lalo ka na Rovi. And one thing more..." putol nito sa sinasabi matapos makabawi sa pagkabigla kanina.

"Its okay Sir. Ano po iyon?" nangingiti ng sabi niya.

"You're the only police officers that took a stand against me in a conversation. Nakaka-aliw kayo guys. Mukhang kabisado pa yata ninyo ang articles ng ating code of conduct. Good Work guys. Expect yourselves to be corporals, soon." nangingiting sabi na nito saka tumalikod.

"What? Is that true Sir?" nanlalaki ang matang sabi ni Allan.

"You heard it boys." hindi lumilingong sagot nito sa kanila.

"Sir Thank you, Sir!" sabay pa nilang banggit sabay saludo rito.

Parang nakikitang sumaludo rin ito. Natatawang nagyakap silang dalawa ni Allan. Unaware of the gesture. Tuwang-tuwang nahalikan nito ang pisngi niya. Ikinagulat niya ang aksiyong iyon.

"Hanep! Irerekomenda tayo ni Sir Mendoza para sa promotion. Hanep ang galing natin Partner." tuwang-tuwang sabi nito sakanya sabay yakap ulit habang hindi naman mapakali ang isip niya sa mga ginagawa nito.

Bakit ba kung makahalik ito ay ganun na lang? Napabugha siya ng hangin ng wala sa loob. Napansin iyon ni Allan.

"Bakit partner? Hindi ka ba natutuwa?" nagtatakang tanong nito.

"Huh?" Nahuhulasan niyang tanong rito. Obvious na ba siya masyado?

"Kako, hindi ka ba natutuwa? Mukhang mapo-promote tayo dahil dito." masiglang sabi nito.

"O-oo naman! Mukha ba akong di masaya?" pilit ang ngiting sagot niya.

"Para kasing ang lalim ng iniisip mo kanina eh." sabi nito.

"Hindi naman. Iniisip ko lang kung paano tayong pinaghinalaan ni Sir Mendoza." malungkot niyang sabi.

"Ewan ko sa kanya. Sweet naman talaga tayo sa isa't-isa diba? Saka ano ka ba Partner. Huwag kang paapekto sa kanya. Kita mo natauhan din siya sa sinabi ko." mayabang na sabi nito.

"Sira. Mukha ba tayong bading kanina?" tanong niya rito. Almost choking in his words. Buti na lang hini nito nahalata iyon.

"Huwag mo na sabing isipin iyon eh. Ang mahalaga, alam natin ang totoo. Hindi tayo yung iniisip niya Partner. Sigurado ako sa sekswalidad ko. Kaya kong manghalik ng babae at kapwa lalaki ng hindi tinitigasan." sabi nito sabay kindat sa kanya.

He felt like his heart skipped a beat or two. Nagwalang bigla at nagrigodon ang sutil niyang puso. Pasaway naman ito. Kailangan ba talagang kiligin ako sa kindat na iyon? And what did he meant by that? Casual lang para rito ang mga halik na iyon? Paano yung kanina? May nalalaman pa itong ganoon pa rin ang epekto. Kung alam lang nitong tumambling ang buong mundo niya sa ginawa nitong paghalik sa kanya kanina.

"Buwang. Hindi nga. Bakit ka nga pala nanghalik bigla kanina?" pagpipilit niyang ibalik sa halik ang topic.

"Alin? Iyong kanina? Wala iyon." natatawang sabi nito.

"Anong wala?"

"Wala. As in wala. Di ba sabi ko pampaswerte nga."

"Paanong pampaswerte? Eh hindi naman normal na pampaswerte yun eh." maktol niya.

"Pwes ibahin mo ako partner. Ako lang ang may ganoong klaseng pampaswerte." sabay ngiti nito ng nakakaloko.

Lihim siyang kinilig sa sinabi nito. Aba eh, kung tuwing may misyon sila at iyon ang igagawad nitong "pampaswerte" sa kanya eh, sino ba siya para tumanggi sa grasya.

"Weh, di nga?" pangungulit niya.

"Oo nga? Teka Partner? Huwag mong sabihing apektado ka ng halik ko?" natatawang sabi nito sabay suntok sa balikat niya.

"Ulol! Mukha mo!" ingos niya rito sabay himas ng braso kunwari para itago ang pamumula ng mukha. Nacaught-off guard siya nito sa tanong na iyon.

"Uy si parner namumula." sabay akbay nito sa kanya.

"Pangit! Ako na naman nakita mo." namumula pa ring sabi niya. Unable to meet his eyes ng iangat nito ang baba niya para magtama ang paningin nila.

"Pero promise partner, sayo ko lang sasabihin to." sabi ni Allan sa kanya. Matiim ang pagkakatitig at nawala ang ngiti sa labi.

"A-ano yun?" he stammered.

"Yours is the sweetst lips I ever taste. Parang kendi. Ang sarap tikman. Ang sarap ulit-ulitn." Allan said with sincerity.

Nalulunod siya sa damdaming ipinapadama nito sa kanya. Nalipat ang tingin nito sa labi niya. At ganoon din siya. Hindi niya malaman ang gagawin. Nanuyo ang labi niya sa init na biglang bumalot sa kanya.

"A-allan." Rovi said almost whimpering.

"Rovi." Allan, while looking intently to him. "Amoy pawis ka na." sabi nito sa kanya sabay tawa habang nagmamadaling tumakbo sa kabilang side ng sasakyan.

Napapalatak siya. He was sure, all of the things he said before was partly true. Siguro nalilito rin itong tulad niya. But then, pagkatapos ng saglit na eksena na iyon kanina between them. Realizations flooded him. He was attracted to Allan, albeit confused, he knew that the attraction was growing fast.

Maamin niya kaya sa partner niya na he liked him. Na hindi na isang kaibigan or katrabaho ang turing niya rito. What if itakwil siya nito? What if pagtawanan siya nito? But the way he defended him a while ago contradicts his anxiety over Allan's would be reaction to this matter.

Ah! Fuck! Help me please! Nakapasok na silang pareho sa sasakyan ng magsalita ito.

"Partner, pwede makitulog sa inyo?" sabi nito sa kanya habang ini-start ang makina.

"Huh? Bakit?" napamulagat siya.

"Ikaw naman. Parang ngayon lang ako makikitulog sa inyo." kunwaring maktol nito saka pinaandar ang sasakyan.

"Heh! Sige na nga. Bakit ka nga pala di pwedeng matulog sa inyo?" takang tanong niya.

"Maraming bisita si Ermats. Dun na lang muna ako sa inyo. Mga ilang araw lang. May kwarto ka naman di ba?" tanong nito.

"Oo. Sige lang Partner. Okay lang. Sa lapag ka na lang matulog." sabi niya rito.

"Tingnan mo itong lokong ito. Itong laki kong ito, sa lapag mo ako patutulugin?" nakalabing sabi nito.

Ang cute ng loko!

"Joke lang. Bahala ka, malikot akong matulog." babala niya. Kinikilig na naman siya ng lihim. Sabik sa magiging pangyayari sa pagtulog nila. Hah! Asa ka pa!

"Hindi ka makakapaglikot sa akin. Dadaganan kita eh." nakakalokong sabi nito sabay ngisi sa kanya.

"Tatadyakan naman kita." natatawang sabi niya.

"Tingnan natin tibay mo mamaya." sabay kindat sa kanya.

He stiffened. He felt the sudden stirring of his loins. Putcha! May ibig sabihin ba ito doon? Sure it was no pun intended. Siya lang siguro ang malisyoso. Mabuti at nakaharap ito sa daan kaya hindi na napansin ang pananahimik niya.

Should I tell him later? Paano kung umiwas siya? Ah! Bahala na! Pinagmasdan na lang niya ang paligid at tahimik na sumandal sa upuan. Lahat ng stress sa nangyari kanina ang nagpangyari para maidlip siya sa kinauupuan. Maya-maya he felt butterfly kisses all over his face.

"Rovi. Andito na tayo."


Itutuloy...

Monday, September 20, 2010

THE MARTYR, THE STUPID AND THE FLIRT 2

Nakakatuwa ang naging reception ninyo sa Chapter 1 nito kaya naman pinag-isipan ko ng husto kung paanong gagawin ang paglalahad ng istoryang ito ng aking kaibigan sa mas interesanteng paraan. Maraming salamat sa inyong suporta.

Congratulations sa mga magtatapos na istoryang Unbroken ni Rovi and Inihaw na Pag-ibig ni Alex. Spoiler iyan. Sa kanila galing ang info about that. :))

Bati mode.

To UNO, na takot magpakilala sa comments.

To Mr.Brickwall, salamat sa pagbabasa ng mga akda rito sa BOL.

To Fences, ayan binati kita ulit.

To Lorenso, sana magawan mo ri ito ng poster.

At sa inyong lahat na hinaharass kong magbasa at mag-comment sa aking mga isinusulat dito. Alam na ninyo kung sino kayo. Hahaha...

Pagpasensiyahan na po ninyo ang aking kabaliwan sapagka't ako ay ang diyosa ng walang hanggang kadiliman. :p Lovelots...


CHAPTER 2 (Another Accident)



NAGMAMADALI na naman si Monty sa pagpasok. Lunes ngayon at talaga namang mapapagalitan na siya kapag late na naman siyang papasok. Pinag-iinitan na siya ng matandang dalagang instructor nila na si Miss Villanoy. Ito kasi ang first class nila buong linggo. Physics naman nila ito kapag MWF. Ang tadhana talaga, kung makapagbiro, minsan OA.

Tinakbo na niya ang pathway. Wala naman siyang dala-dala. Wala ring football team na babangga sa kanya. Sure yun, kung hanggang doon ba naman ay mababangga pa siya ni Orly or ng kahit na sino sa team nito ay baka makutusan na niya ng bonggang-bongga.

May mangilan-ngilang estudyante na naka-istambay sa mga bench na provided talaga sa kanila ng SBU. Kipkip sa dibdib ang report niya ay lumiko siya sa corridor na papuntang Education Department. Sakto sa oras na nakarating siya ng room nila. Wala pa ang terror na instructor nila. Nakahinga siya ng maluwag.

"Hey! Bakla! Dito ka na umupo." tawag sa kanya ng friend niyang si Jordan.

"Nahiya naman ako sa'yo. Ikaw na ang lalaki. Kami na ang bakla." aniya rito habang lumalapit.

"Loka! Diyosa ako. Hindi katulad mo, isang hamak na mortal." natatawang sabi pa nito habang nakikipagbeso sa kanya.

"Parang nakakahiya tumabi sa'yo teh. Nagkape ka ba?" pang-aasar niya rito.

"Ssshh! Huwag kang maingay. Baka may makarinig sa'yo, sabihin pa number one fan kita." nakakalokong banat nito.

"Okray ka talaga! Sige na! Ikaw na! Ikaw na ang pinagpalang tunay." pagsang-ayon niya sa kalokohan nito.

"Thank you very much!" may intonation pa na sabi nito sabay halakhak.

Jordan was his friend since elementary. Kapitbahay rin nila ito. Masasabing swak kaagad sa isa't-isa ang ugali nila dahil parehas sila ng ugali. Sabay rin halos ang lahat ng first nila. Sabay silang naka-buking noon ng first year high school sila. Pinagtripan sila ng mga ka-eskwela nilang mga third year na. Malalandi kasi silang mga 1st year students noon. Pinupuntahan pa talaga nila sa tambayan ng mga cute na campus crushes para lang lumandi. Na sa masaya naman nauwi dahil ang mga crushes nila ay game din. Curious ding tulad nila. Umuwi sila noong may mga ngiti sa labi.

Naputol ang pagmumuni niya ng pumasok na si Jackie Chan, este si Miss Felissa Villanoy. Ito ang adviser nila sa taong iyon. Sabi nga ni Jordan, "Kung mamalasin ka nga naman, friend. Pinapahirapan tayo ng anak ng kalungkutang-buhay na ito." sabay kmpas ng maaarte nitong kamay.

"Beks, shumahimik kana. Anditeklaboom na si Jacki Chan-nelity Number 5." sabi niya sa kaibigang humahalakhak pa rin.

"Ay, oo nga teh. In fairview, witititchikolabambambini cologne summer fresh kez na-noseline ang mujer. Nagpakatchora ang lolabells mez. Noseline palachi nyatikwaboom si Jun Encarnaciones!" mahinang bulong nito sa kanya.

"Okay class! Good Morning." bati ni Miss Villanoy.

"Good Morning Miss Villanoy." bati nilang lahat pero si Jordan ay humagikgik pagkatapos. Iba kasi ang pagbati na ginawa ni friend. Nahawa siya sa nakakatawang ekspresyon nito.

"Seems to me that you're happy today Mr. Polison?" tukoy ni Ma'am sa kaibigan. Nakakunot ang noo nito.

"Oh, yes Miss Villanoy. This is quite a beautiful day. I just can't help but thank the Lord above for letting me live to witness another wonderful day. Aren't you happy yourself Miss Villanoy." maarteng wika ng kaibigan niya sa matandang instructress.

Isa sa mga talent ng kaibigan niya ang pag-arte kaya alam niyang itinatago nito ang tawa sa likod ng mga ngiting iyon. Alam niya ang kalokohan ng hitad na ito dahil siya man ay ganoon din. Mas magaling lang ito sa kanya. Ito ang presidente ng Theater Group nila.

"Of course, I am." sagot ni Miss Villanoy na bahagyang natigilan sa sinabi ni Jordan. Mukhang hindi nito na-detect na nagkukunwari lang ang estudyante.

"Glad to hear that from you Ma'am. Can I take a seat now?" anang kaibigan niya rito.

"You may take your seat now Mr. Polison."

"Thank you."

Nagtinginan silang dalawa then giggled silently. Nagpatuloy naman ang natameme nilang tigresang teacher sa pagtuturo. Lumipas ang halos isa't-kalahating oras at natapos ang first subject nila. May break silang 30 minutes bago ang susunod na klase kaya ipinasya nilang dalawa na magpunta sa canteen.

"Hoy chika, may balitang umaalingawngaw sa kweba at kabundukan ng tralala tungkol sa iyo at sa pagkasarap-sarap na si Orly Diamond. Anong katotohanan sa likod ng nakaka-iritang balitang ito?" tanong ng diyosa este ni Jordan sa kanya.

"Ano po ba ang nakaka-iritang balita na ito kamahalan?" pagsakay niya sa trip nito bilang diyosa-diyosahan. Kwentuhan lang naman eh, hahayaan na niya muna.

"Na kayo raw ay nagkakamabutihan na ng prinsipeng si Orly. Nakita raw kayo ng mga dama at mga kawal na magkahawak-kamay noong isang linggo. Umamin ka. Kung hindi ay ipapatiris ko ang mga whiteheads at blackheads mo sa dragon!"

"Hindi po totoo iyan kamahalan." aniya pa na yumukod dito. "Ipagpatawad po ninyo ang mga kabalintunaan na nasasagap ng inyong dalisay na tainga. Subalit, wala pong katotohanan ang mga balitang iyan." he chuckled to his words.

Of course it was true. Nakakapagtaka lang na ngayon lang nito nalaman ang bagay na iyon. Although he was not telling him that bizzare incident between him and Orly, he was sure that Jordan would eventually find out about it. Hmm... Maybe his friend was not telling him something. Tiningnan niya ito habang engrossed na engrossed sa pagpapanggap na diyosa, animo'y nasa entablado.

Speaking of Orly, wala na siyang narinig rito after that incident. Hindi na rin sila nagkakasalubong or nagkikita mag-iisang linggo na. Kaya naman ang pag-asa niya na mapansin ito through their newfound friendship ay unti-unti ng gumuguho. Jordan snapped a finger to his face.

"Walang katotohanan?" Kasinungalingan. Usap-usapan nga ito sa batis, habang naglalaba ang mga hampas-lupa. Sa parlor habang nagdadaldalan ang mga bakla. At sa kusina habang nagluluto ang mga kusinera. Paanong hindi ito katotohanan?"

"At bakit po ba ngayon niyo lamang ito nalaman, aking kamahalan? Siguro kasi ay busy ka sa lalaking nakita kong kasama mo noong isang araw sa terrace ng bahay niyo." panonopla niya kay Jordan.

Nagkulay-suka ito at hindi nakakibo. It was a bluff, but since matagal na niya itong kilala, he was 100% sure that the reason behind his not being updated of his activities is because the bitch was also busy with his own affair.

"Cat got your tongue?" nang-aasar na sabi niya rito.

"Peste ka girl! Paano mo kami nakita? Wala ka naman sa bahay niyo nung nandoon si Eric ah." tuluyan na nitong pag-amin sa kanya.

Natawa siya ng tuluyan dito. Kung anong galing nitong magpalusot sa iba. Sa kanya talaga ay hindi uubra ito. Siya ang tanging kahinaan nito.

"Alam mo friend, hindi ko naman kayo nakita eh. Hinuli lang kita." sabi niya rito. Nanlalaki ang matang hinabol siya nito.

"You bitch! Naisahan mo ako doon ah!" natatawang sabi nito. Tumakbo siya papunta sa pintuan ng canteen. Nilingon niya itong saglit kung malapit na ba sa kanya ang kaibigan ng biglang bumangga siya sa pagkatigas-tigas na bagay.

"Argh! Shit!"

That was from the man he bumped into. He was so solid. Nahihilong bumagsak siya. Pero bago pa siya bumagsak ay nahawakan na siya sa beywang ng kung sino mang sumalo sa kanya.

"Friend! Friend! Monty! Are you all right?" tinig iyon ng nag-aalala niyang kaibigan. Mas nahilo siya sa ginagawa nito sa kanya. Tama bang iyugyog siya nito? Inangat niya ang libreng kamat at binatukan ito.

"Aray!" nasaktang sabi nito.

"Looks like he's okay now." Sabi ng may hawak sa kanya.

"Ah.." sabi niya, pilit inaaninag ang mukha ng naka-alalay sa kanya.

"O-orly?" disoriented niyang tanong. Umiikot pa rin ang paningin.

"No. I"m Ronnie. Ronnie Alfonso." sabi ng baritonong boses sa kanya.

Hindi siya si Orly? But he smelled like Orly. And from his blur vision, his lips looked like Orly's. Pinilit niyang ayusin ang sarili at tumayo ng maayos.

"Monty. Girl! Ayos ka lang ba?" sabi ni Jordan sa kanya.

"I-i guess I w-will be fine." pinilit niyang tingnan ito ng diretso. Nagtagumpay naman siya. Wala na ang kanyang hilo ng bahagya.

"Good. Bakit ka kasi tumakbo?" naiinis na tanong nito sa kanya sabay kurot sa tagiliran niya.

"Aray! Letse ka! Eh Hinabol mo ako eh. Saka, natakot ako sa'yo. Kala ko monster ka." nakuha na niyang magbiro.

"Ayun! Kakahiya naman sa kinis mo. Pasalamat ka rito kay Kuyang Pogi at nasalo ka niya. Kung hindi malamang nabagok ang beauty mo. Nasirang Monty Labrador ka na sana." maarteng wika nito at biglang nagpapa-cute na lumingon sa lalaking hanggang ngayon ay hawak siya sa beywang. Kaya pala mainit sa pakiramdam.

Tiningnan niya ang lalaking nagpakilalang Ronnie. Muntik na siyang mapatulala sa nakita niyang kagwapuhan na nakadikit sa kanya. Hindi tuloy niya malaman kung kakalas dito sa hiya o isisiksik ang katawan sa katigasan ng katawan nito.

Pinili niya ang una. Sayang! sabi ng isip niya. Inignora na lang niya ang kahungkagang naramdaman niya ng maghiwalay ang mga katawan nila.

"Ronnie right?" tanong niya rito.

"Yup. And you are?" sabi nito.

"Oh, I'm Jordan, but you can call me Dalisay. The purest of them all! Tama nga yata ang horoscope ko. May makikilala akong Tall, Dark and Gorgeous ngayong araw na ito." pang-aagaw ng kaibigan niya sa kamay nitong nakalahad.

"Oh Hi Dalisay. I'm Ronnie Alfonso. Nice to meet you. But interesado ako rito sa kaibigan mo." magiliw na sabi nito kay Purity Princess na ikinawala naman ng ngiti ng huli.

"Huh? Ako?" nagtatakang tanong niya.

"Oo ikaw." then he smiled at him.

Muntik na siyang atakihin ng ngumiti ito sa kanya. Parang nagbabaan ang mga anghel at nagsi-awitan ng papuri para dito. Dapat hinuhuli ang mga taong may killer-smile. Hindi kasi makatarungan iyon. Natutureta pa naman siya kapag may ganito kagandang ngiti ang kaharap niya.

"Hoy! Nawala ka na sa huwisyo diyan. Punasan mo nga yang laway mo. At ikaw Mr. Ronnie. Bakit ka naman interesado sa kanya?" mataray na tanong ni Jordan, feeling niya bad trip ito.

"Kasi siya lang ang tanging tao na nakabanga sa akin ng hindi agad nagso-sorry." sabi nito. Smiling dangerously at him. Oh! Be still my heart! Natatarantang saway niya sa sarili.

"Ah eh, naku. Pasensiya ka na ha. Hindi ko sinasadya Ronnie. Please, huwag ka ng magalit. Gagawin ko ang lahat huwag ka lang magalit. Kahit pa bugbugin mo itong friend ko, dedma lang. Gusto mo tulungan pa kita." pagmamaka-awa niya rito kunwari. He sensed that Ronnie was harmless. Mukha ngang ang pilyo nito.

Isang batok naman ang inabot niya kay Jordan. "Uhm! Ungas ka! Ako pa pagbabayarin mo sa kasalanan mo! Wala kang kwentang kaibigan. Sige Ronnie, katawan ko na lang ang kunin mo. Huwag ka nga lang masyadong marahas dahil virgin pa ako." umemote pa itong nahihiya.

"Uhm! Virgin ka diyan." ito naman ang binatukan niya.

To their amazement, Ronnie actually laughed his heart out. And he looked like a demi-god while laughing. Napagmasdan niya tuloy ito ng husto. He was wearing a fitte white collared shirt and a tight fitting jeans that hugged his thighs like a second skin. Maluha-luha itong humarap sa kanila habang pigil ang pagtawa.

"You two are really funny. Sayang naman ang ganda ni Dalisay kapag ginawa ko iyon. And hmmp! I remember you aid na gagawin mo ang lahat. Tama ba?" sabi nto pagkarekober sa pagtawa.

Napatango siya ng wala sa loob.

"Good. Then have a snack with me." he offered.

"As in now?" puzzled niyang tanong.

"Yep. Break nyo rin di ba? May 20 minutes pa tayo." pangungumbinsi nito.

"Wait, you said you're Ronnie Alfonso, right?" tanong ni Jordan dito.

"Right Dalisay." anitong ngumiti at hindi inalis ang tingin sa kanya kahit pa sumagot sa tanong ng kaibigan niya. Hindi tuloy siya mapakali. Ang lakas ng trip ng lalaking ito ah. Ito yata ang hilo pa sa pagkakabanggaan nila.

"How are you related to that Alfonso na founder ng Tau Gamma Phi?" tanong ni Jordan na nagpamulagat sa kanya.

Nangunot ang noo ni Ronnie. "You know my father?"

"Huh? So member ka rin, tama ba?" tanong ni Jordan.

"Yes." maiksing sagot nito.

"Saan tayo mag-i-snack?" tanong agad niya.

"Wait, I'm not forcing you Monty. Monty right?" tumango siya.

"I was just asking you to have snack with me. Not because I was Tau Gamma Phi member." nagdaramdam pa nitong sabi.

"Hindi naman sa ganoon. Male-late na kasi kami sa next subject kung lalayo pa tayo." maagap niyang paliwanag.

"Nope, hindi na kita yayayain na mag-snack. Nawalan na ako ng gana." tuluyan na yata nitong pagtatampo sa kanila.

"No, pwede pa naman kami mag-snack. Di ba, Jordan?" sabi niya sa kaibigan.

"Hindi na kami pwede mag-snack Ronnie, but..." sabi ng kaibigan niya.

"But what?" sabi ni Ronnie.

"You wan ask my friend to Lunch. Mamayang 12:30 na ang next break namin. Sunduin mo na lang siya sa Education Building. Room 207." malanding sabi nito na ikinalaki ng mata niya.

"What?" sabi na lang niya.

Napangiti si Ronnie at lumapit kay Jordan. Tinapik ito sa balikat saka bumaling sa kanya. His breath almost fanning his face. Mas matangkad pala ito sa kanya. Ngayon lang niya napansin. Nakatingala siyang tumingin dito.

"See you later Monty." he said, pinched his cheek then walked away.

"Someone's getting some later." nanunuksong sabi ni Jordan sa kanya.

"Tse!" then he laughed nervously and excited at the same time.


Itutuloy...

Friday, September 17, 2010

Task Force Enigma: Rovi Yuno 7

By: Dalisay
E-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com
Blog: http://dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
Other details: I was taken by the most amazing man in the world. Kenneth Nicdao.






Wow! Salamat sa mga nag-welcome ng The Martyr The Stupid and The Flirt. Nakakataba ng puso ang mga comments ninyo guys. Dahil diyan ay may special greeting ako sa ilang mambabasa ko ito sa BOL.

Bati mode:

To Rovi: I used his name, hope you don't mind. Wala akong maisip eh. :)

To Russ James, salamat sa pagkukumpara ng aking mga isinusulat dito na ka-lebel ng mga pocketbooks. Sana nga ay may magkamali ring mag-publish nito. Haha...

To Fences, na matagal na raw "fan". Salamat sa pagsubaybay mo sa mga akda ko.

To Mrbrickwall, salamat sa pagbabasa.

And to Enso, ang GUMAWA ng poster na ito. Salamat sa iyo baby. Ayan nabati na kita.

Of course, Echo, mahal ko. Pagaling ka.


To Zach, ang paulit-ulit na pasasalamat sa pagpapaunlak na magpost ako rito. :)


To everyone, Enjoy Reading. Lovelots.


CHAPTER 7


NAIINIS na tinalunton ni Rovi ang dalampasigan. Hindi siya makapaniwala sa nangyari kani-kanina lang. Paano niyang nagawang pagsamantalahan ang isang taong natutulog? O mas tamang sabihing pinatulog niya. Naguguluhan na napaupo siya sa buhanginan.

Its been so long since he last kissed a straight guy. At ayaw na niyang maalala ang tagpong iyon pero parang makulit na lamok na pilit na dumadapo sa kanyang balat para makasipsip ng dugo ang pagdagsa ng ala-ala sa kanyang isipan.


Mahigit anim na taon na ang nakakalipas ng minsang hayaan niyang mainvolved ang sarili niya sa isang lalaki. Kay Allan. Kasamahan niya itong pulis. Bago lang sila pareho sa pulisya. Tago pa noon ang kanyang pagkatao. Hindi pa nabubuo ang TFE ng mga panahong iyon.

Magandang lalaki si Allan. Kamukha ni Cogie Domingo. Maaaring mas gwapo pa nga. Nang minsang ipatawag sila ng hepe nila ay nagulat siya ng malamang ito ang ipa-partner sa kanya. Nakikita na niya ito dati pero hanggang tanguan lang ang kanilang nagiging engkwentro sa isa't-isa. Kaya naman talagang laking-gulat niya ng ito ang magiging opisyal na niyang kasama sa mga misyon.

"P01 Pineda, ito si P01 Yuno. Kayo ang bagong magkakasama sa Homicide Division. Paki-kuha na lang sa sekretarya ko ang details ng mga assignment ninyo. Marami kasing bagong kaso kaya hahayaan na namin ang mga baguhan sa pag-aasikaso ng mga iyon. Do you copy?" anang hepe nila.

"Yes Sir." magkapanabay pa nilang tugon nito.

"Okay. Be back here kapag may appropriate actions na kayong naisip in solving these petty crimes. Karamihan sa mga iyan ay gang war lang. Dismissed." halos patamad na lang nitong pahabol na bilin sa kanila.

"Thank you Sir." sabay ulit nilang tugon.

"Anong batch ka Yuno?" tanong ni Allan sa kanya pagkalabas nila ng opisina ng hepe nila.

"Class 2003 lang ako. Saka Rovi na lang pare. Magkapartner na tayo, huwag ka ng masyadong pormal." nakangiti niyang sabi rito.

"Ganoon ba? Buti naman sa'yo na nanggaling iyan. Masyado kasing seryoso ang hitsura mo kanina. Parang nakakahiya kang kausapin sa totoo lang. By the way Class 2002 ako. Sa Caloocan talaga ako naka-destino. Nagpalipat lang ako ng station kasi lumipat kami ng bahay." mahabang sabi nito sa kanya then smiled boyishly. Revealing a perfect set of white teeth.

Napahugot siya ng hininga ng ngumiti ito. Naging uneasy bigla ang pakiramdam niya. Great, just great. Give me a cute guy for a partner. Sabi niya sa isip. Hindi niya namalayan na nagbago pala ang expression ng mukha niya ng mga sandaling iyon. Nangungunot ang noong tinanong siya ni Allan.

"Anong problema pare. Bakit biglang naging parang seryoso ka na naman? May nasabi ba akong mali? nagtatakang tanong nito.

"Ha? A-ah eh wala naman. Medyo sumakit lang b-bigla ang ulo ko." Damn! Bakit siya nag-i-stammer? Parang ngayon lang siya nakakita ng gwapo.

"Whew! Akala ko kung ano na. Pasensiya na p're, medyo may kadaldalan ako eh." nakangisi nitong sabi sa kanya.

"Okay lang iyon pare. Maganda nga iyon. At least may madaldal sa ating dalawa." Huwag ka lang ngingiti ng ganyan kumag ka! Dugtong niya sa isip sa sinabi niya.

"Tara pare. Kape tayo. Alas-tres na naman eh. Mamaya na natin pag-aralan yung reports na sinabi ni Sir. Bonding na rin natin." masiglang yaya nito sa kanya.

Hay! Kung minamalas ka nga naman. Bakit ang bait ng isang ito? Kung hindi lang ito cute sana. "Sige pare. Doon na lang tayo sa canteen." pagpayag niya sa alok nito.

Simula noon ay hindi na sila mapaghiwalay na magpartner. Sabik silang magpakitang-gilas sa departamento nila. Siguro dahil na rin sa kaalamang parehas pa silang bata at kaya pang makipaghabulan sa mga tinutugis nilang kriminal.

Mula sa mga kaso ng gang war na tinugis at nirondahan nila sa may kahabaan ng Congressional Road hanggang sa mga talamak na pananakit ng mga hold-upper sa mga estudyante ng mga sikat na unibersidad ay hindi nila pinalampas.

Katulad ngayon. May nakuha silang prints ng isang hinihinalang Rapist/Serial Killer na nangbibiktima ng mga babaeng ginagabi ng uwi sa may Batasan Hills. Nakatakas ang huling biktima nito sa tulong ng pepper spray na baon nito. Nahawakan ng salarin ang bag ng babae at doon nila nakuha ang finger prints nito. Bagama't may tama ng saksak ang babae sa iba't-ibang bahagi ng katawan ay ligtas na ito at nagawa nitong ilarawan ang talipandas sa cartographic sketch na tumugma naman sa isang delingkwente na nasa files nila.

Na-spot-an nila ang bahay ng suspek sa isang hindi mataong subdivision sa parteng iyon siyudad. Mukhang may kaya ang tinamaan ng magaling. "Redford Loreto ang pangalan ng hinayupak na rapist na yan. Pasukin na natin at baka makatakas pa." mainit na sabi agad ni Allan sa kanya.

"Huwag pare. Katukin na lang natin ng maayos at imbitahan sa presinto. Wala pa tayong warrant." pagpapakalma niya rito.

"Partner, di na kailangan yang warrant na yan. Posotibo na siyang itinuro ng biktima. Ano pa bang kailangan nating pruweba?" pilit pa ring sabi nito.

"Bakit ba atat na atat ka na makorner yan? Alam mo partner, hindi sa ayokong hulihin ang talipandas. Pero may due process tayo. Nandito lang tayo para magmanman. Hindi pa natin pwedeng hulihin iyang si Loreto." mahinahon niyang sabi kay Allan.

"Partner, Rovi. Puro ka by the book. Yan ang hirap sa'yo. Makakatakas pa iyang kumag na iyan eh. Kapag di pa natin sinugod yan ngayon makakatunog na iyan."

Partner, Allan." panggagaya niya rito. "Walang masamang sumunod sa rules. Kaya nga tayo mga alagad ng batas eh. Paano pa kapag tayo mismo ang bumali ng batas na ipinapatupad natin."

"Ang drama mo Rovi. Sinong kukwestiyon sa atin ngayon? Tayo lang nandito. Okay. Ganito na lang. Toss coin tayo. Heads you win. Tails, we're kicking that motherfucker's ass!" Ano game?" sabi nito saka naglabas ng barya.

"Tsk!Tsk! Ang kulit mo p're. Sige, ganito na lang. Hintayin natin na sumagot sa text si Verano. Kapag parating na sila in ten minutes, pasukin na natin. Madali na lang naman yang lusutan kung sakaling magreklamo." sumusukong pagpayag niya sa kakulitan nito. Maano bang mag-break sila ng rules minsan.

"All right! Sabi ko na nga ba hindi ka mananalo sa kakulitan ko. Hmp! Pa-kiss nga." sabay mabilis nitong dampi ng halik sa pisngi nya.

Nanlalaki ang matang napatitig siya rito. Ninakawan siya ng halik ng hudyo! Napahaplos siya sa pisngi niya ng wala sa loob.

"Oh, anong nangyari sa'yo? Nagyon ka lang ba nahalikan sa pisngi?" tanong nito ng mapansin na nakahawak siya sa pisnging hinalikan nito.

"Parang halik lang. Ganyan ka ba pag nahahalikan? Ang arte nito. May papunas-punas pang nalalaman." nang-aasar na sabi ni Allan sa kanya.

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Oo nga, bakit para siyang virgin kung maka-arte? Normal lang iyon. Makulit lang talaga si Allan.

"H-hindi naman pare. Yung laway mo kasi eh. Yuck!" sagot niya rito ng makabawi mula sa pagkakabigla.

"Ulol! Hindi basa ng laway ang labi ko." natatawang sabi nito.

"Ungas! Ayan oh, basa." ipinahid niya rito ang palad na may laway nito kunwari.

"Yuck! Kadiri ka Partner!"

"Ungas! Sayo din galing yan!"

"Hehe, joke lang. O paano, sinong papasok sa ating dalawa?" putol nito sa harutan nila.

"Ako na lang. Baka kasi paputukan mo agad yung tao." biro niya kay Allan.

"Tange, papuputukin ko talaga bao ng ulo niyan." sabi nito.

"Eh di wala na tayong suspek. Malamang matanggal pa tayo sa serbisyo."

"Oo nga no? Teka, Partner, sigurado ka ba? Baka naman kinakalawang na ang skills mo sa "B" and "E"? nakakagagong ngumiti pa ito sa kanya.

"Ulol! Ako pa. Huwag ka na ngang makulit diyan at haharapin ko pa ang tinamaan ng magaling." akma na siyang bababa ng bigla siya nitong saklitin sa braso at hinila pabalik.

"Sandali lang partner!" sabi nito.

"O bakit?" nagtatakang tanong niya rito.

"Ako na lang kaya papasok?" sabi ni Allan sa kanya.

"Para ka namang timang eh. Ready na ko. Saka ka pa nangungulit diyan. Nag-text na si Verano oh." saka niya ipinakita ang cp rito.

"O siya, sige." taboy nito sa kanya pagkabasa nito ng mensahe.

"Tulok ka talaga!" natatawang sabi niya.

"Sandali! Pampaswerte lang." hinila siya ulit nito.

Lahat ng sasabihin niya ay nakulong lahat sa lalamunan niya dahil nagtagpo ang mga labi nila. Mainit ang halik na iyon. Buti na lang at tinted ang salamin at walang tao sa kalsada. Tinugon niya ng mas mainit ang halik na iyon. Hindi naman nagtagal at pinutol nito ang halikan nila saka nakangising nagsalita.

"Walanghiya! Ganoon pa rin ang epekto Partner! Parang noong una nating ginawa. Naalala mo?" natatawa nitong sabi.

Siya naman, imbes na magtanong ay napapatulala na lamang at sumaglit sa ala-ala ang pagpapanggap nilang mag-jowa para lamang mahuli ang hold-upper sa may UP. Napilitan silang maghalikan noon ng matutukan sila ng kutsilyo ng hinuhuli nila. Natulala ito sa ginawa nila kaya nagawa nila itong pabagsakin ng makakuha ng tiyempo.

"Gago ka talaga." aniya rito ng magbalik ang huwisyo niya. Nagmamadaling bumaba na siya para maisagawa na niya ang pakay. Mamaya na niya ito kakastiguhin. Sa ginawa nito, lalo lang siyang ginanahan sa gagawin niya.

Ito ang ikatlong breaking and entering na gagawin niya. Nakiramdam siya sa paligid. Inilapat niya ang tenga sa pinto para marinig kung may tao sa loob. Nakarinig siya ng mga kaluskos at mga ungol. May tao sa loob at mukhang may milagrong ginagawa. Naririnig din niya ang mahinang volume ng TV.

Inilabas niya ang tools na ginagamit niya sa pag-pick ng lock ng mga pinapasok nila ng walang paalam. Bilang pulis, kasama iyon sa training nila. Narinig niya ang mahinang click ng lock saka niya hinugot ang Glock 21 sa beywang at inumang iyon sa harap ng pintuan habang dahan-dahan niya itong binubuksan.

Nang makapasok siya ay nakalanghap siya ng amoy ng isang bagay na makakapagpa-high sa kanya kung lagi niyang sisinghutin. Marijuana. Natigilan siya ng marinig ang impit na ungol mula sa kwarto. Bukas ang tv sa sala pero walang tao. Ang ungol ay hindi madalas. Parang pigil. Parang hinihingal.

Tinumbok niya ang kwarto at iniikot niya ang seradura ng pinto. Bukas iyon. Dahan-dahan niya itong binuksan at ganoon na lamang ang pagkagimbal niya sa nakita. Isang babae ang nakabusala ng labi at nakagapos ang magkabilang kamay sa headboard ng kama. Nakadilat ang mata nito na may bakas na luha sa pisngi habang may lalaking nakapatong dito at umaayuda ng mababagal na ulos.

Malansa ang amoy ng kwarto. Nakakasulasok. Nang magbaba ng katawan ang lalaking nakapatong ay ganoon na lamang ang gimbal niya ng makitang laslas ang leeg ng babae. Patay na pala ito. At ang lalaking gumagamit dito ay sarap na sarap sa ginagawang pambababoy sa babae.

Napansin niya ang damit sa paligid na nagkalat. Nakilala niya ang uniporme ng babae na malamang ay teller sa isang bangko. Kung bakit ito ginabi ay malamang na gumimik pa ito at minalas na nakita nitong si Loreto.

Maingat siyang lumapit sa lalaking mukhang lulong at sabog na sabog sa ipinagbabawal na damo. Iniumang niya ang baril rito. Saka ito tinawag.

"Loreto. Mukhang sarap na sarap ka diyan ah!"

"Huh!" Bumalikwas ito at tumayo. Hindi malaman kung tatakpan ang sarili o tatakas.

"Hep Hep, Huwag kang magkakamali. Pasmado ako, baka makalabit ko ito." nakakalokong sabi ni Rovi sa pusakal. Tiningnan niya ang katawan ng loko. Natawa siya ng makita ang tigas na tigas na pag-aari nito.

"Walanghiya ka. Kaya pala nangre-rape ka eh wala ka naman palang ipagmamalaki. Aba'y hindi pa umabot iyan sa hinlalaki ko ah." pang-aasar niya rito.

"Huh! Huwag niyo po akong sasaktan. Maawa po kayo!" pagmamaka-awa ng kumag.

Nagpanting ang tenga niya sa sinabi nito. "Maawa. Eh tarantado ka pala eh." tinadyakan niya ang balls nito. Napa-aringking ito sa sakit.

"Ikaw ba naawa sa babaeng ito? Sa pamilya nito? Huwag kang magsasalita ng pagpapa-awa dahil hindi bagay sayong talipandas ka!" sigaw niya rito.

Idi-nial niya ang cp at tinawagan ang partner niya. Nang sumagot ito ay dali-daling pumasok ng bahay ng malaman ang sitwasyon. Sakto pagdating nito ay nagdatingan na rin ang ibang kasamahan nila na may kasamang warrant.

Agad na pinosasan ang walang-hiya saka tumawag ng SOCO at ambulansiya. Nanginginig siya sa galit ng makalabas sa bahay na iyon. Sa sobrang emosyon na nararamdaman niya ng sandaling iyon ay napasuka siya sa labas ng bakuran.

Naramdaman niya ang paghagod ng kamay sa kanyang likuran. "Ayos ka lang Partner?" si Allan na puno ng simpatya ang mata.

"Eto. Uminom ka." sabay abot nito ng bote ng mineral water sa kanya.

Inabot niya ang bote at nilagok ang laman non. Wala naman siyang naisuka, bagama't mas masakit sa tiyan ang ganoong insidente. Ang pait pa rin ng panlasa niya. First time niyang makakita ng ganoong eksena sa tanang buhay niya. Nakakabaligtad pala talaga iyon ng sikmura. He felt really sorry for the girl.

"Ayos lang yun. At least. Matitigil na ang halimaw na iyon." pang-aalo pa rin nito sa kanya.

Tumingin siya rito at alanganing ngumiti. Nanghihina talaga siya. Kaya nasabi na niya ang request na di niya dapat nasabi.

"Pwedeng pa-yakap? Please partner? Nanghihina ako eh."

Natigilan si Allan. Nakita niya ang pagtaas-baba ng Adam's apple nito. Then his lips formed a pure smile. "Sure Partner." then he hugged him tight.


Itutuloy....

Thursday, September 16, 2010

THE MARTYR, THE STUPID AND THE FLIRT

Ang pangalan ng mga pangunahing tauhan ay sadyang pinalitan. Ayaw kasi nilang magpabanggit ng pangalan. This is a story of my friend and his partner for 6 years. Grabe ang tagal na ninyo guys. Congrats.

To all my readers at sa readers ng BOL. Here is a diversion from the Task Force Enigma ko. Maiksi lang ito. Promise. :))

Bati mode.

To Kearse, si Bobby na lang ang papupuntahin ko sa inyo. Haha... Or si Ethan na lang? LOLZ

To all of my FB/BOL friends at sa mga co-authors ko sa Gwapito's By Night. I love you all.


CHAPTER 1 (The Accident)


Naglalakad siya sa loob ng campus ng may pagmamadali. Kung bakit kasi hindi gumana ang isi-net niyang alarm clock. Tinanghali tuloy siya ng gising. Five minutes na siyang late sa first class niya. Masungit pa naman ang adviser nilang Instructor na si Ms. Villanoy. Palibhasa matandang dalaga. Napa-ismid siya ng maisip ang malalaki nitong mata na itinatago ng malaki rin nitong salamin.

Lakad-takbo ang ginagawa niya. Kung bakit din naman kasi ang layo ng Education Department mula sa gate. Hindi na nga siya gaanong fresh ng umalis ng bahay dala ng pagmamadali. Siya nga pala si Amoranto Labrador or "Monty" sa mga kaibigan at kakilala niya. A second year Education student.

May taas na 5'11", 19 years old at medium built ang pangangatawan. Ang mukha ay wala sa ordinaryong Pinoy dahil ang kanyang ina ay may lahing Chinese. Habang ang tatay niya, bagama't mabaho ang apelyido ay isang mestizo na tubong Zamboanga. Nagkakilala ang mga ito ng minsang magdeliver ng mga silver goods ang kanyang ama sa Ongpin at presto, wala pang dalawang buwan nabuo na siya sa tiyan ni Jean. Ang kanyang ina.

Parehas sila ng kanyang ina na hate na hate ang apelyido ng kanyang ama. Paano ba naman. "Ang" ang maiden name ng mama niya. So ang siste, ito ang tunog ng pangalan niya kapag binuo. "Amoranto Ang Labrador". Ang sagwa di ba?

Anyways, balik tayo sa lakad-takbo niyang ginagawa. Nasa open field na siya ng San Bartolome University at nagmamadali papuntang College of Education. Kapag kasi sa pathway pa siya naglakad eh malamang na ma-late siyang lalo. Mabuti na doon, aabutin lang ng saktong 10 minutes ang late niya. Dasal niya lang na huwag siyang igisa masyado ng terror na instructor.

Sa sobrang pagmamadali niya sa paglalakad. Hindi na niya napansin ang nagtatakbuhang mga nilalang na patungo sa kanya. Paano, engrossed na engrossed siya sa pag-iisip ng kung anong excuse ang pwede niyang gamitin para makalusot kahit paano. May quiz pa naman sila sa Nat. Sci nila.

BLAG! Halos panawan siya ng ulirat ng tumilapon siya sa damuhan. Literal na tumilapon siya dahil nabangga siya ng kung sino na halos pader yata sa tigas. Umiikot pa ang paningin niya at nakikita pa niya ang mga estrella na nakapalibot sa ulo niya ng may magsalita sa harap niya.

"Sorry. Ayos ka lang ba?" tanong ng tinig sa kanya.

Gustong rumipeke ng bibig niya sa pagkakataong iyon? Pero nahihilo talaga siya. Sino ba ang magiging okay kung bigla na lang may babangga sa iyo na kung ano at titilapon ka ng mga isang kilometro, joke, mga limang metro lang naman ang layo. Pero kahit na. That was beyond the point! Nabundol siya kung kailan nagmamadali siya. With that in mind ay nahimasmasan siya at tumayo para harapin ang talipandas na nakabangga sa kanya.

"Ayos?" aniya na nagpapagpag ng damit. Napangiwi siya ng makitang kulay lumot na ang kulay krema niyang polo-barong. Buti at dark-brown ang pants niya. Pero still, he was a total mess. Ang gamit din niya ay naka-kalat sa field.

"Mukha ba akong ayos? Sa tingin mo? Banggain kita ng malakas na malakas tapos tanungin kita ng "Ayos ka lang ba?" sa tingin mo matutuwa ka..." naputol ang pagtatalak niya ng makilala kung sino ang kaharap. Bumilis ang pintig ng puso niya.

"I'm sorry Monty." apologetic ang boses nito at nakangiti ng alanganin sa kanya.

Kinalma at hinamig niya ang sarili. Hindi siya makapaniwala na ang kaharap niya ay ang campus heartthrob at ang Captain ng football team ng SBU. Si Orly or Orlando Diamond ayon sa registrar ng minsang ipatanong niya iyon dala ng kalandian. 3rd year ito sa kursong Architecture. Transferee ito sa school nila noong ikalawang sem ng first year nito.

Oh he was out. Hindi niya kailanman itinago ang sekswalidad. Mula ng matutunan niyang isa siyang bading ay hindi niya na itinago iyon. Although hindi siya pa-girl, hindi rin naman siya nagpapanggap at hindi siya straight acting. "I am what I am" ang motto niya. Kiber naman niya sa nagtataas ng kilay sa kanya? Mapapagod din ang mga iyon at ibababa rin nila yun.

Balik tayo sa pagkakabangga sa kanya ni Orly. Suddenly, bigla siyang naging uneasy. Suddenly, he felt like batting his eyelashes demurely in front of him. Suddenly, he felt like he's getting wet all over. Suddenly, naramdaman niyang hindi na iyon ilusyon. Nababasa na talaga siya. Umuulan na pala. Walanghiya, nagpapa-cute pa siya eh.

"Monty, halika doon. Sumilong muna tayo. Team, break muna tayo." Ang mga salita nitong iyon ang nagpabalik sa huwisyo niya at tinapunan ng tingin ang team-mates nito. Nawindang ang buong sistema niya ng makitang nakatingin ang lahat ng ito sa kanila at may nanunuksong ekspresyon sa mukha, bago nagpulasan para sumilong sa may stage na pinakamalapit na masisilungan.

"Ah eh, s-sige Orly. Nababasa na tayo." pa-sweet niyang sagot dito.

Tumambling ang kaluluwa niya ng hawakan nito ang kamay niya at hinila siya patakbo sa stage. "Let's go." nakangiti nitong sabi sa kanya.

Natuturete siya and feeling Queen of the World sa pagkakahawak nila ng kamay na iyon. Haba ng hair ko. Malanding sabi niya sa isip. Si Papa Orly ang may hawak ng kamay niya at itinatakas siya sa kastilyo palayo sa dambuhalang dragon. He can't help but suppress a smile.

Nang makarating sila sa stage ay nagpalakpakan ang mga ka-team nito. "Mabuhay ang bagong kasal!" sigaw pa ng mga tinamaan ng magaling. Siyempre, pa-demure siyang bigla at bumitaw sa kamay nito. Kahit naman ganoon may kahihiyan naman siya kahit konti. Konti lang. Promise. Kasi nang mga oras na iyon feeling niya talaga ikinasal sila ni Orly at well-wishers nila ang mga ungas nitong team-mates.

"Mga baliw talaga kayo." natatawang saway ni Orly sa mga ito. Nagtawanan lang ulit ang mga ito pero huminto na sa panunukso.

"Okay ka na ba? I mean, hindi ka na ba nahihilo? Shit! Dapat sa clinic kita dinala. Paano kung may nabali sa'yo? Paano kung may concussions ka?" sunod-sunod na tanong nito bakas sa mukha ang pag-aalala.

Astounded by Orly's reaction, hindi niya halos makuhang magsalita. Nabawi naman niya ang boses ng magsigawan ulit ang mga ungas na kasama nito ng makita at marinig ang sinabi nito sa kanya.

"H-hindi Orly. O-okay lang ako." alanganin niyang tugon.

"Sure ka?" kunot-noong tanong nito.

"Oo. Wala akong broken bones, concussions or anything. Damuhan kaya iyon. Nahilo lang talaga ako kanina ng kaunti." mabilis niyang paliwanag saka ngumiti ng matipid.

Pa-demure ka 'te! sabi ng isang bahagi ng pagkatao niya, este! isip niya.

Hayaan mo na. Minsan lang naman. sabad naman ng isa pang bahagi.

"Okay. Here! Take this, punasan mo na lang iyong katawan mo. Saka hubarin mo na yang uniform mo. Shit! Its a mess! Sorry talaga." Apologetic na naman ang kumag.

He felt elated sa kabila ng nangyari. Pero siyempre, dalagang pilipina siya. Kukurutin siya sa singit ng Lola Maria Kearse este, Maria Clara niya kapag hindi siya umarteng matimtimang birhen.

"Its okay Orly. Hindi mo kasalanan ang nangyari. It was actually my fault kasi hindi ko dapat tinawid yung field. Nakalimutan kong may practice kayo every morning ng team mo." pagre-reason out niya rito para mawala na ang guilt feelings nito. He really looked guiltya nd sorry that he bumped to him.

"Okay. Granting that it was your fault. But its me who bumped into you kaya ganyan ngayon ang hitsura mo. Let me buy you a new uniform please. Hindi ako matatahimik eh. Please? I insist." nagsusumamo pa nitong sabi sa kanya pagkatapos sang-ayunan ang sinabi niya.

Hindi eksaheradong sabihing gwapo talaga ang lalaking ito. Mas matangkad ito sa kanya. Sa taas niyang iyon ay nakatingala pa siya rito sa pakikipag-usap. Kaya nga type niya ito. He hate talking with nis head down. Pwera na lang kung may ibang rason ang pagyuko niya.

Orly's eyes were pleading. Nagtanong tuloy siya sa isip, nagpapa-cute ba ito? Assuming ka te. sabi ng atribidang bahagi ng isip niya. "If you insist. Sino ba ako para mag-reklamo? Saka isa pa." ayon niya rito saka itinaas ang hinubad kaninang uniform. "Hindi rin ako pwedeng lumarga rito ng amoy-lumot at mukhang taong-grasa."

He left out a sigh of relief ahil sa pagpayag niya. Nagpaalam itong saglit at may kinausap para sa uniform niyang ipinabili nito. May bilihan ng uniform sa campus nila. Inayos niya ang sarili at tinaggal ang mga damong dumikit sa braso, sa nadumihang uniform at sa slacks.

Pinunasan niya iyon ng bimpong binigay ni Orly. Mabango iyon ng inamoy niya. Amoy pabango nito. Hindi siya partikular sa pabangong panglalaki pero gusto niya ang amoy na iyon. He smelled of woods and forest. Kinilig siya sa ideyang inaasikaso siya ng crush niya.

But what will happen after this? Tanong niya sa isip. Magkaibigan na ba sila? Bagama't magka-iskwela sila ay nagbabatian lang sila. A nodding acquaintance to be exact. Kung hindi lang sila parehong campus figure, ito bilang Captain ng Football Team, siya bilang member ng Theater Group at consistent Dean Lister. Aside from that, hindi sila close. Kaya nga nagtaka siya na feeling chummy sila nito eh.

He concluded na maaring ganoon talaga ito kapag may kasalanan ito or guilty sa isang bagay. Ginagawa ang lahat para ma-appease ang naargabyado. Siguro nga ganoon iyon. Tumingin siya sa wrist watch niya. 7:45 na!

"Oh my god! I'm so so late! Hindi na ako makakapasok nito." nag-aalala niyang sabi.

"Orly, I have to go." tawag niya rito.

"W-wait. Wala pa yung uniform mo. Saan ka pupunta?" nagtatakang awat nito sa kanya. He caught him by his arm.

Naramdaman niya ang tila kuryenteng dumaloy sa kanyang katawan. Nanginig siyang bahagya. He only hope he didn't felt his shiver kung hindi nakakahiyang tiyak.

"Ah eh, late na ako ng husto kay Miss Villanoy." sabi niya. Unable to free his arm unnoticed. His grip was firm.

"Late ka na rin naman. Dumito ka na at hintayin mo na ang uniform. Pinatakbo ko na si Jose." pangungumbinsi nito sa kanya.

Siyempre, minsan lang naman itong mangyari na makasama niya si Orly ay pumayag na siya. Tutal, late na rin naman talaga siya at 15 minutes na lang tapos na ang first class nila. Buti na lang at Martes na iyon. Sayang nga lang yung quiz.

"Sige na nga." napipilitan niya kunwaring pagpayag then he pouted.

"That's my girl." malapad ang ngiti nitong sabi saka pisil sa pisngi niya.

Girl?! Hala! Ano yun? Ang lambot mo teh! sigaw na naman ng isip niyang kamag-anak yata ni Rubi.

"Ouch!" sabi niya kunwari. "What was that for Orly?" tanong niya rito in a fake irritation and pouted again.

"Wala lang. Ang cute mo kasi kapag naka-nguso kang ganyan." sabi nito sa kanya.

"Weh, di nga." natatawa at kinikilig niyang sabi. Hindi niya malaman kung nakikipag-flirt ito sa kanya or sadyang malambing lang ito sa mga kaibigan.

"Oo sabi. Kaya huwag kang magpa-pout ng ganoon at baka mahalikan kitang bigla." he said without taking his eyes off him. Orly was smiling mischievously that easily caught him off-guard.

Muntik na siyang mapanganga sa sinabi nito. Dyaskeng lalaking ito. Nagpi-flirt nga yata. Well, magandang pangitain yan. Sinakyan niya ang biro nito.

"Talaga lang ha. I'm pouting kasi its good for my health po!" he then pouted again that made Orly laugh.

"Ha, gusto mong maka-isa ha." tukso nito sa kanya.

"Hindi ah. Pag-gising ko sa umaga naka-pout na talaga yang lips ko. Ewan ko ba kung bakit." He said pouting.

Orly burst again with laughter. Nakakatuwa itong pagmasdan. tumaas ang football uniform nito kaya nakita niya ang kanina pa inaasam ng mata niyang makita. Naka-tights kasi ito na talaga namang hapit dito. Medyo mahaba ang hindi nakatuck-in na pang-itaas kaya hindi niya makita ang "the bulge" na kanina pa niya ini-spot-an.

Finally, he got a clear glimpse of it. Confirmed! Mukhang kamag-anak ni Totoy Mola si Papa Orly. Pasimple alng naman ang naging tingin niya sa bahaging iyon. Nakitawa na siya rito at sa gulat niya ay inakbayan siya nito.

"You're really funny Monty. I'm glad na kaibigan na kita ngayon." sabi nito sa kanya while looking at him intently and smiling.

He felt goosebumps gawa ng pagkaka-akbay nito. Alanganin siyang ngumiti at tumingin dito.

"Sure ka? Friends na tayo?" sabi niya rito. Di ba pwedeng more than that? muntik na niyang maidugtong.

"Oo naman. Kaya kapag may nang-bully sa iyo rito, lagot sa akin." mayabang na sabi nito.

"Wow, feeling ko naman damsel-in-distress ako. I can manage Orly. But thanks for the friendship. Salamat at may kaibigan akong gwapo. Captain ball pa." malandi niyang tugon. His hope about his flirting with him awhile ago vanished immediately on thin air.

Orly was just being nice and friendly. Nothing more, nothing less. Madali lang siyang nakabuo ng ilusyon dahil sweet ito sa kanya. Hay! Buhay parang life. Dumating ang ipinabili nitong uniform niya. Tinanggal niya ang tag at nakitang 600 pesos iyon. He insited on paying the half of it but Orly told him that he'd be mad kung ipipilit niyang humati sa bayad.

Flattered siya na gumastos ito ng ganoon sa simula pa lang ng friendship nila. Iingatan niyang tiyak ang uniform na iyon. Tumila na ang ulan. And the bell rang. Kailangan na niyang makapunta sa department nila. Magpa-paalam na siya kay Orly ng sabihin nitong hintayin na niya ito at magbibihis lang ito saglit.

"Bakit?" tanong niya.

"Tutulungan kitang magpaliwanag kay Miss Villanoy." sabi nito.

"Okay. Pero bilisan mo. Huwag ka ng masyadong magpa-gwapo." sabi niya rito.

"Hindi na kailangan no. Given na yun." mayabang na sabi nito sabay takbo sa locker room ng mga ito na malapit lang sa stage.

After ten minutes ay lumabas na ito looking fresh all over. Ang sarap papakin nito in his school uniform. Napapatingin ang lahat dito. Mapababae, lalaki, bading, paminta, tomboy, kulisap, langgam, ibon, rattlesnake, monster at marami pang iba. LOLZ, he exuded such aura na talaga namang napaka-aliwalas at nakakahalinang tingnan.

Ang nakakaloka pa, sa kanya lang ito nakatingin at nakangiti. Feeling tuloy niya ay siya si Cinderella na sinusundo ni Prince Charming. Ikaw na nga! Sigaw na naman ni Rubi, este, ng isip niyang kontrabida.

"Let's go?" tanong nito paglapit sa kanya.

He snapped a finger to his face. Namula ang mukha niya ng makita ang nanunukso nitong tingin at ngiti sa kanya. Bumulong ito.

"Huwag kang masyadong halata na crush mo ko." sabi nito sa kanya.

Umakyat yata ang sa ulo niya ang dugo niya. He was beet red. Nakakahiya. Pwede bang bumuka ang lupa at kainin siya nito? Natawa ito ng makita ang pamumula niya.

"Joke lang. Huwag ka ng mag-blush. Tara na at baka mapagalitan ka na ng husto ni Miss Villanoy." sabi ni Oliver sa kanya.

He held his hands again and walked through the pathway connecting to his department. He seemed oblivious of people watching them holding hands. Kumakaway pa ito at nakakalokong tumatawa pa sa mga nanunukso.

Monty can't help but sigh. Well, he'll just savor the moment. Mukhang mapagbiro lang talaga si Orly. Walang kahulugan para dito ang ginagawa nitong iyon. Nangingiting sinabayan niya ang kalokohan nito.


Itutuloy....

Wednesday, September 15, 2010

Task Force Enigma: Rovi Yuno 6

By: Dalisay
E-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com
Blog: http://dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
Other details: I was taken by the most amazing man in the world. Kenneth Nicdao.




ERRATUM:

I would like to take this chance to say sorry for mistaking BX's UNTITLED as one of the stories that is coming to its last posting. For that, my friend I'm really sorry.

On the other hand, I would like to Congratulate Jaime for the success of Lance na lang para Pogi that truly inspired a lot of readers if not, touched the very heart of them.

Bati mode:

Single-out ko lang sa pagbati ang isang mambabasa rito sa BOL na si FORD. Thanks for being a wonderful diversion. Nawork-out ang aking tinatamad na brain cells. I owe that to you.

Siyempre, to the readers turned writers, thank you sa pagse-share ng talento. Salamat sa maga papuri ninyo na kaming mga writers dito ang nag-inspire sa inyong mag-share ng story ninyo. Sweethearts, you are all good. We are just here to entertain, thank you sa pagtuturing bilang instrumento ng inyong inspirasyon. In behalf of all the writers here, salamat sa inyong muli.


To ECHO, how about meeting your Lola this weekend. I miss the dear old lady. :)


Happy reading guys... Lovelots...



CHAPTER 6



"NAKATAYO si Bobby paharap sa papasikat pa lang na Haring Araw. Nakatanaw sa malawak at tahimik na karagatan na animo'y may hinihintay. Ikatlong araw na nila sa safehouse na iyon sa Calatagan. Kahapon ay natanong na rin ito ni Rick ng mga impormasyong maaaring makatulong sa kanila. Sa ngayon, kailangan nilang protektahan ang mag-tiya mula sa galamay ni Park Gyul Ho. May mga nagpunta raw kasi sa tinutuluyan ng magtiyahin kahapon ayon na rin sa iniwan nilang magmamasid doon.

Humugot ng malalim na hininga si Rovi bago ipinasyang lapitan si Bobby na hindi pa rin natitinag sa pagkakatayo sa harap ng dagat. Dinala niya ang dalawang mug ng kape at muling tumingin dito. Nakadagdag ito sa dati ng magandang tanawin. Ang pagkakatingin niya sa lalaki ngayon ay parang isang modelong lumabas mula sa magasin.

Naka-board shorts ito na bulaklakin pero hindi nagmukhang masagwa dahil sa totoo lang. Parang gusto niyang maiinggit sa tela ng suot nitong short. Mukha kasi iyong mga binti ng babae sa pagkakahapit sa hita nito. Namumukol ang dapat mamukol. Naalala na naman niya ang eksena sa kwarto nito. Lastug!

Itinaas niya ang paningin sa katawan nito. Nakabukas ang lahat ng butones ng polo nito. Revealing his perfect and gorgeous torso. Kahit nakatagilid ito sa paningin niya ay nakikita niya ang namumutok na pandesal nito sa tiyan. Sturdy features with a look an angel. Iyona ng naisip niya ng ibaling naman niya ang tingin sa maamong mukha nito.

Shit! Si Rico Yan talaga ang kamukha niya. Sigaw ng isip niya. Pero mas, gwapo ng di hamak si Bobby sa aktor at buhay na buhay. Tama! Sang-ayon ng malanding parte ng isip niya. Inaagiw na naman ang utak mo, Rovi. Singit naman ng kabilang bahagi. Napu-frustrate at marahas na napabugha na lamang siya ng hangin habang hindi inaalis ang tingin sa lalaki.

May ilang dipa na lamang ang layo niya rito ng mapagpasyahan niyang umibis ng direksiyon at ibaba ang mga mug sa isang tabi sa napakatahimik na paraan. Maigi na rin iyon at ng mapraktis niya ang stealth moves na paboritong-paborito niya.

Nang maibaba ang mug ay dahan-dahan niya itong nilapitan ng parang isang pusa at walang kaingay-ingay ang bawat hakbang. May isang metro na lamang siya ng magsalita ito ng hindi tumitingin sa kanya.

"Ano na naman iyang plano mong gawin, Sarhento?" matabang na sabi nito.

Natigilan siya. Hindi agad nakahuma si Rovi. Kinakalawang na ba ang stealths niya? Mukhang kailangan na niyang mag-training uli. Pero hindi, something must've gone wrong. Siguro nakita na siya nito kanina pa at ipinasya lang na magpatay-malisya.

"Kanina ko pa alam na paparating ka." sabi ulit nito na hindi tumitingin sa kanya.

Putsa! Nabasa pa yata nito ang isip niya. Naiirita siyang lumayo rito at kinuha ang mugs ng kape sa buhanginan. Naiinis pa rin siyang bumalik dito na ngayon ay nakaharap na sa kanya at tinititigan siya. Showcasing his chiseled upper-body all for his eye's satisfaction. Busog na busog ang mata niya sa napakagandang tanawin sa harap niya.

Nang itaas niya ang tingin sa mukha nito ay nahimasmasan siya ng kanti pagkakita sa nakakalokong ngiti sa labi nito. Grr.. I'm gonna wipe that stupid grin off your face someay. Nangangalit na sigaw niya sa isip. Pinili niyang gawing blangko ang ekspresyon ng kanyang mukha. Iniabot niya ang mug dito, kinuha naman nito iyon pero kasama ang kamay niya. Nalukot muli ang mukha niya sa ginawa nito. Nananadya ang hudyo! Well, kung ganoon, tingnan niya kung kaya ng sikmura nito ang igaganti niya. Napapangiti na humakbang siya palapit dito. Nasa kalahating-dipa na lang ang layo nila sa isa't-isa.

"Oopss. Sorry." nang-iinis na sabi nito at binawi ang kamay sa kanya. Inignora ni Rovi ang kuryenteng pumaikot sa sistema niya sa simpleng pagkakadaiti na iyon ng mga balat nila. Hindi pwede iyon. Erase! Erase!

He chose to remain passive. Walang magandang patutunguhan kung papatulan niya ang pang-aasar nito. "Binigyan lang kita ng kape Bobby. Huwag kang maangas sa akin." matabang niyang sabi rito.

"Talaga lang ha? Eh, bakit kailangan mo pang ilapag muna ito kung ibibigay mo rin lang naman?" nakakalokong sabi nito.

Hindi agad siya nakasagot. Sasabihin ba niyang, "Balak ko kasing gulatin ka sa pamamagitan ng pagbali sa leeg mong talipandas ka!" Naiinis na talaga siya ng husto. Feeling close ang ugok na ito sa kanya. "Bakit ikaw ba hindi feeling close? Bakit mo siya ipinagtimpla ng kape?" Nangiinis na balik ng isip niya sa kanya. Humugot siya ng malalim na hininga at marahas na pinakawalan iyon bago sumagot.

"Gugulatin sana kita kanina para malaman kung may alam ka sa selfe-defense." kalmadong sagot niya. Gusto niyang palakpakan ang sarili at nagawa niya iyon ng walang kahirap-hirap gayong gusto na niyang pilipitin ang leeg nito sa inis.

"Hindi nga, Rovi?" sabi nito sa kanya. Halatang hindi naniniwala. Ngumiti pa ito ng pagkatamis-tamis. Be still, my heart!

"Oo. Marunong ka bang depensahan ang sarili mo?" tanong na lang niya rito ng makabawi ng hininga sa ginawa nitong pagngiti.

"Siyempre naman no. Anong akala mo sa akin? Kaya kong protektahan ang sarili ko gaya ng kahit na sinong lalaki sa mundo." mayabang nitong sabi saka humigop ng kape.

Typical chauvinist. Tingnan nga natin. Gustong-gusto na niyang parusahan ito sa kayabang nitong taglay. "Ows, di nga? Baka naman away-kalye lang ang alam mo?" pang-aasar niya.

"Eh ano naman? Sa kalye ako lumaki, Miss. Para sa kaalaman mo, hindi ako basagulero pero matigas ang kamao ko sa mga naghahamon ng away sa akin. Miss." nakakalokong sabi nito.

Ang walang-hiya! Inalis na nga ang Sarhento at naging Rovi na lang kanina. Ngayon naman, Miss?! Ah! He just waged war! Inalis na niya ang pagkukunwaring hindi naiinis pero kalmado pa rin siyang nagsalita.

"Hindi ka talaga marunong gumalang no?" mababa ngunit mapanganib niyang tugon.

Mukhang na-sense nito ang pagbabago ng tono niya pero sa halip na matakot ay mukhang ikina-excite pa ng kumag. Ibinaba nito ang mug sa lupa, ganoon din siya.

"Bakit? Apektado ka ba, Miss?" panggagatong pa nito sa umaalagwa na niyang inis.

"Sige nga, tingnan natin ang ibubugha mo sa bakbakan?"

"Sigurado ka ba, Miss?" sagot ni Bobby. Nang-aasar pa rin.

"Naku, huwag mo kong alalahanin. Sige na, subukan natin kung kaya mo akong tamaan. Mukha kaisng ang lampa-lampa mo eh." panghahamon niya sa pagkalalaki nito.

Mukha namang epektibo. Lumaki ang butas ng ilong nito sa hayagang insulto niya. Nag-girian sila paikot na para bang may isang malaking bilog kung saan sila nakapaloob. Unti-unti nang sumisikat ang araw.

"Huwag mo akong sisihin kapag napuruhan kita." asar na tugon nito.

"Ang daming daldal. Bading ka ba?" balik ni Rovi dito. Iyon lang ang kailangan niyang sabihin at umunay na ito ng suntok.

Mula sa fighting stance niya ay sinalag niya ng kaliwang braso ang suntok na nagmula sa kanang-kamao nito at sa isang iglap ay binigyan niya ito ng isang bira sa sikmura nito. Napagibik ito at napapaluhod na bumagsak sa buhanginan.

Nakita ni Rovi na halos pangapusan ito ng hininga sa ibinigay niyang jab sa upper abdomen nito. Mukhang napalakas yata masyado. Nangingiwing sabi niya sa isipan. Umubo-ubo pa si Bobby at nagpipilit na tumayo. Ah, mukhang kaya pa niya.

"Tang-ina, ang sakit nun ah." galit na galit na sabi nito.

"Iyon lang, masakit na? Hindi pa nga bigay-todo yun eh." pang-aasar niya rito.

"Humanda ka! Ha!!!" sa nagagalit na ekspresyon ay sumugod ito sa kanya. Bobby charged to him with his might. Pulang-pula ang mukha nito sa galit.

As Bobby approached him, Rovi he spinned with his left foot clockwise and cupped the right wrist of his attacker with his left hand. Swiftly grabbing his wrist with a solid grip then twisted it while moving his left-foot anti-clockwise and knee-led down fast for a throw that caught Bobby for a surprise. Umaringking ito sa sakit ng pagkakapilipit ng kamay. Nakahiga ito sa buhangin habang ang kanyang kanang tuhod ay iniipit ang braso nitong karugtong ng pinipilipit niyang kamay.

"Aaaah! Gago ka, masakit yan!" sigaw nito sa kanya.

Hearing those words ay lalong umapaw ang inis niya rito. "Nakukuha mo pang magmura hayup ka ha." pang-iinis niya. Hindi ito makapalag. Naglalabasan ang ugat nito sa mukha at sentido. Tanda ng tinitiis na sakit. Pinagpapawisan na rin ito.

"Tama na! Tama na! Aray!" namimilipit na sigaw nito.

Binitiwan niya ito saka gumulong palayo at mabilis na tumayo. Dumapa si Bobby habang hinihimas ang nasaktang kamay.

"Ayan lang naman ang kayang gawin sa iyo ng Miss na ito!" mayabang na askad niya rito.

"Hayup ka! Makakaganti rin ako sa'yo!" sigaw nito sa pagkakadapa nito.

"Huh! Nanginginig naman ako sa takot." saka siya humalakhak.

"Puta, binali mo yata ang kamay ko." naiinis na sabi nito. Mamasa-masa ang mata nito sa pinipigil na luha. Sabagay, kahit sino naman maluluha. Pero ang ikinagulat niya ay, kahit sobrang galit na nito. It only mae him more appealing. The more dangerous he looked, the more it excite him. Hala! Naloko na! Napansin niya iyon?

Napatitig tuloy siya sa nakahantad na pang-taas nito. He looked delectable with the sands all over his muscled stomach and perfect chest. Umakyat siguro ang lahat ng dugo niya sa ulo at sa isa pa niyang... ulo? His manhood stood up in attention easily from the visual stimulation in front of him. He swallowed a lump on his throat. Nanuyo yata ang lalamunan niya bigla dahil napakahirap lunukin ng laway niyang biglang naging maramot sa kanya. Marahas siyang tumalikod.

"Hoy! Saan ka pupunta?" sigaw nito.

Lumingon siya ng may pagtataka. Nakatayo na ito bagama't hawak pa rin ang nasaktang kamay. From there, he already gave him his respect. Malakas ito. Hindi basta mapapatumba. He just need training. And He could give him that.

"Bakit? Lalaban ka pa ba?" Rovi's face still passive.

"Oo naman. Anong akala mo, napatumba mo na ko? Di pa uy!" mayabang pa rin nitong sabi sa kanya. Again with that stupid grin on his face.

"Buburahin ko iyang ngiti mong iyan sa susunod na gagawin ko sa iyo. At hindi pa napapatumba? Last I checked, ikaw ang umaaringking sa sakit kanina habang nakadapa sa buhanginan." he retaliated with insult to his ego.

"Huh, sinuwerte ka lang. Mano-mano lang. Walang balian ng kung anu-ano. Sapakan lang. Tang-ina, may training ka lang Miss. Ako, labang-kalye lang alam ko." umaapoy sa galit na sabi nito sa kanya.

"Sure. Kung makakatama ka." panghahamon niya.

Muli sa isang imaginary na bilog ay umikot sila. Desperasyon at galit sa mga mata ni Bobby ang nakikita niya. Gusto niya itong inisin sa pamamagitan ng pagtawa rito at pagpapakita ng pagka-aliw pero minabuti niyang huwag ng dagdagan ang galit nito. Kapag galit ang tao ay dumodoble ang adrenaline nito at lalong lumalakas.

Sumuntok ito. Umiwas siya. Sunod-sunod na suntok ang pinakawalan nito habang iwas lang siya ng iwas. Papagurin niya na lang ito. "Tang-ina! Lumaban ka. Suntok!" galit na galit nitong sabi.

Sa isang suntok na mula sa kanang kamao nito ay sinalag niyang muli iyon. Sinadya niyang bagalan ang pagpwesto ng kanang kamay sa beywang at iminuwestra iyon para sa isang suntok. Nakita niya ang pagbaba ng tingin ni Bobby doon at alam niyang napaghandaan na nito iyon.

Sinuntok niya ito at tulad ng inaasahan ay nasalag nito iyon. Ang hindi nga lang ito inaasahan ay ang sumunod niyang gagawin. Sa isang iglap. Ipinatama niya ang noo sa ilong nito. Isang perpektong head-butt. Ikinaduling niya ng bahagya iyon. Pero dahil sanay na ay madali niyangnabawi ang huwisyo.

Sa isang banda ay nawalan ng lakas ang mga kamay na nakakapit sa braso niya at unti-unting dumausdos ang katawan nito pababa. Duguan ang ilong nito. Knock-out. Napabuntong-hininga siya. Great! Napalakas yata.

Sa mabilis na kilos ay binuhat niya ito at isinampa sa likod. Basic na sa kanya iyon. Kapag may napupuruhan silang kasamahan dati ay ang one-man rescua ang laging option nila para mabilis na makatakas. Tinungo niya ang bahay. Mataas na ang sikat ng araw. Hindi nila iyon namalayan.

Malapit na siya ng bumukas ang pinto at lumabas si Rick. "Anong nangyari diyan?"

"Pinatulog ko." kaswal na sabi niya.

"May bukol ka. Huwag mong sabihing..."

"Oo. The Devil's Kiss. Ang paborito kong pampatulog ng kalaban." putol niya sa sasabihin nito.

"Walang-hiya ka, Pare. Pinatulan mo pa iyan, paano kung napuruhan iyan?" natatawang iling nito.

"Kung ikaw ang naka-sparring nito kanina, malamang tulog ito ng tatlong araw. Swerte siya. Mababa na ang dose oras niyang tulog sa inabot niya." sabi niya rito kahit ang totoo ay mahilo-hilo pa rin siyang konti, dagdagan pa ang dead-weight ni Bobby sa likuran niya.

"O siya sige. Ipasok mo na iyan. Buti hindi pa bumabangon ang matanda." tukoy nito sa tiyahin ng binata.

"Sige." paalam na rin niya.

Pagdating sa looba y ini-akyat na niya agad ito at inihiga pagpasok ng kwarto. Kumuha siya ng basang bimpo at pinunasan ang ilong niotn duguan pa. Nang maampat niya ang pagdurugo ay binihisan niya ito. Puno kasi ng dugo ang polo nito. Malamang ang damit rin niya sa likod.

Pinunasan niya ang mabuhanging katawan nito. Grabeng torture iyon para sa kanya. Imagine, nagpupunas ka ng napakagandang katawan ng isang lalaking walang-malay? Kung anu-ano na naman ang pumapasok sa isip niya habang pinupunasan iyon. Natutukso siyang hawakan din ang umbok na iyon na tuksong nakahain sa harap niya.

Lord, tulungan mo ko please! Dasal niya sa isipan. Napansin niyang may mga buhangin din sa bandang tuhod paakyat sa hita nito. Napalunok siya ng husto ng madaiti na naman ang kamay niya sa balat nito. Nagmamadaling pinagpagan niya ang mga parteng iyon. Itinagilid din niya ang katawan nito para pagpagan ang likuran nito.

Pawis na pawis siya kahit nakatutok ang electric fan sa kanila na binuksan niya pagkalapag sa binata. Panay rin ang lunok niya. Kaunting tiis na lang! Sigaw ng isip niya. Nang matiyak niyang wala ng buhangin sa katawan nito ay nagmamadali siyang lumayo. Humakbang siyang paatras para pagmasdan ito.

Napaka-amo ng mukha nito. Malalantik na pilik-mata. Matangos na ilong na bahagyang namamaga at namumula dahil sa head-butt niya at mapupulang labi. Natural ang pagkapula. Napalunok na naman siya. Binatukan niya ang sarili para mawala ang agiw doon na tumatakip sa naturalesa niya.

Nagtagumpay na sana siya kung hindi lang kumilos ito at kumamot sa harapan. Napatulala siya. Ano ba? Parang ngayon ka lang nakakita ng lalaking nagkakamot ah? Virgin? Salakay na naman ng isipan niya.

Lapitan mo na, tulog naman eh. Dadamahin mo lang naman. Sabi naman ng pilyong isip niya. Nalilito na siya sa nararamdaman. Siguro, dahil na rin sa tagal na wala siyang ka-sex. Tinatalo siya ng libido niya. Sa huli, nanaig ang tukso. Lumapit siya sa kinahihigaan nito.

He traced the contour of his angelic face equipped with a luscious lips. What a lethal combination indeed! Napapalunok niyang ibinaba ang mukha para dampian ito ng halik sa labi. Naramdaman niya ang payapang paghinga nito. Itinuloy niya ang pagbaba ng labi sa mga labi nito hanggang sa magdikit ang mga iyon.

Rovi was astounded by the kiss. Napapa-igtad na lumayo siya ng bahagya rito. It sent electrical waves down his spine and through his stomach and then to his aching loins. It was heaven. His lips are sweet. Ayaw niya ng dampi lang. His lips descended to Bobby's once again and claimed it gently. So gentle he left out a soft groan. Like a wounded wolf from a hunter's gunshot.

He let the kiss deepened. Wala na sa isip ang pananamantala sa lalaking bumagsak sa head-butt. To his horror, when he tried to part Bobby's lips with his invasive tongue, the sleeping man's lips sucked it that he was momentarily at a loss for words. The meeting of their mouth sent him to another dimension. He was already oblivious to his surrounding when the realization of how this sleeping man could return his kisses with equal fire and intensity dawned on him.

He abruptly ended the kiss and stared to Bobby. Ganoon pa rin ang paghinga nito. Payapa. Dahil sa mga training niya sa Task Force kaya alam niya kung tulog o nagtutulog-tulugan ang isang tao. And Bobby was not faking his sleep. He must have been dreaming kissing someone else. From that thought, Rovi felt a strong pang in his chest. Something akin to jealousy. Wait a minute? He uttered in his consciousness. I am not falling for this guy already, aren't I?

Flabbergasted, he stood up. Kailangan niyang makalayo rito. Hindi siya pwedeng ma-involved dito. Straight ito. Magiging kumplikado ang lahat. Nalilitong lumabas siya ng kwartong iyon ni Bobby without taking a second glance to the man who evoked feelings familiar to him.

Not again. Not now. Not with Bobby!


Itutuloy...