Thursday, May 16, 2013

INCORRIGIBLE VERSION 1: CHAPTER 5

 photo lunapic_13676041329098_4_zpsfd0a81b8.jpg


CHAPTER 5

            Maaga pa lang ay inihahanda na ni Jon ang lahat ng kailangan nila ni Rodgie para sa araw na iyon. Aakyat kasi sila ng bundok tulad ng napag-usapan nilang dalawa tatlong araw na ang nakalilipas.
            May ngiti sa kanyang mga labi habang isa-isang isinisilid ang mga gamit niya sa bag. Sinisigurado niyang mayroon silang sapat na kagamitang tatagal ng talong araw. Masaya siya habang naghahanda. Bakit? Dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay may taong kayang sabayan ang kakaibang hilig niya.
            Ang hilig niya sa sex.
            Hindi niya kayang ipaliwanag ngunit kahit sino ang mahawakan niya ng tatagal pa sa dalawampung segundo ay awtomatikong yayayain siya ng sex ngunit hindi naman tumatagal ang mga ito pagkatapos ng mainit na eksena at bigla na lang mawawalan ng malay.
            Naaalala pa niya ang unang pagkikita nilang dalawa. Limang araw na ang nakalilipas. Nabunggo siya nito sa daan at nalaglag ang mga pinamili niyang mga de lata mula sa perang nadelihensiya niya sa isang kawawang biktima.
            “S-sorry!”
            “Anak ng…”
            Naiinis na pinulot niya ang mga pinamili. Nang kukunin niya ang isang lata ng sardinas sa di kalayuan sa kanya ay nakasabay pa niya sa pagdampot ang isang lalaki.
            Walang iba kundi ang nakabunggo sa kanya.
            Bibitiwan sana niya ang kamay nito ngunit hindi ito bumitiw. Asar na tumingin siya dito upang bulyawan nang salubungin siya ng isang pares ng magandang mata.
            Lahat ng sasabihin niya ay nanatili sa kanyang lalamunan. Tila nagkaroon ng sariling isip ang mga iyon at piniling huwag lumabas.
            “Sorry.”ulit nito.
            “Ah… eh… O-okay lang.”
            Napangiti ang lalaki sa kanya saka nagpakilala.
            “Ako si Rodgie. Pasensiya ka na pare. Di kasi kita napansin.” Anito na nakatitig pa rin sa kanya at hawak-hawak ang kaniyang kamay.
            Napabitiw siya ng maalala ang kanilang pagkakadikit.
            “Ah… eh… O-okay lang nga sabi ako, pare.” Aniyang nagtanggal pa ng bara sa lalamunan. Lihim na napangiwi ng mapagtanto niyang nagmumukha na siyang tanga sa harap nito.
            “Tulungan na kita.”
            “Ha?”
            “Sabi ko, tulungan na kita.” Saka nito dinampot ang mga nahulog na pinamili niya.
            “Ako na, ‘pre. Wag ka ng mag-abala. Ako na. Kayang-kaya ko na ito.” Natataranta niyang sambit sabay luhod upang imisin ang mga de lata.
            Nang makatayo ay napansin niya ang tindig ni Rodgie. Matikas at mukhang malakas. Sanay sa pagbabanat ng katawan tulad niya ngunit mas malaki ito.
            “Pasado ba?”anang baritonong tinig nito.
            “Ha?”
            Natawa ito. “Mukhang kabisado mo ang lugar na ito. Saan kaya ako pwedeng umupa dito? Iyong mura lang sana para makatipid ako. Maghahanap pa ako ng trabaho eh.”
            “Uupahan?” biglang nakaisip siya ng paraan para kumita.
            “Oo, ‘pre.”
            “Kung gusto mo, sa akin ka na tumuloy. Hati tayo sa upa. Tatlong-libo ang upa ko. Hati na tayo. Para di ka na rin mahirapang maghanap. Mukhang mabait ka naman eh.” Ani Jon sa kausap.
            “Sige ba. Pagod na rin ako ‘pre. Pero sasama ako sayo, kung sasabihin mo ang pangalan mo.”
            Alam niyang namula siya sa sinabi nito pero hindi siya nagpahalata. Ewan ba niya kung bakit ganito ang epekto sa kanya ng lalaking ito.
            “J-jon. Ako si Jon. Ikaw si Rodgie di ba?”
            “Oo. Halika. Ituro mo na sa akin yung inuupahan mo.” Anito na nagpatiuna na sa kanya.
            Pagdating sa kwartong tinutuluyan ay agad na ipinakita niya kung saan ito mahihiga kung sakali. Pati na kung nasaan ang kasilyas at ang paglalabahan ng maruruming damit.
            “Disente naman pala itong tinutuluyan mo rito. Sino ba ang kasama mo ditto, matanong ko lang?”si Rodgie.
            “Ah… Ako lang. Wala ng iba pa.” sabi niyang iniiwas ang mata rito.
            “Salamat. Magkano nga pala ang hati ko sa upa?”
            “O-one thousand five hundred.”
            Dumukot si Rodgie ng pitaka at naglabas ng apat na tig-lilibuhin at isang limang-daan. “Advance ko na yung sobra, ‘pre.”
            Agad niya iyong kinuha. Ang totoo, kalahati ng kabuuang upa na sinabi niya rito ang totoong presyo ng inuupahan niya. Pagkakataon na niyang kumita ng instant, bakit pa niya palalampasin?
            “Okay na ‘to, pare. Sige, ilagay mo na yang gamit mo sa isang cabinet. Wala naming gumagamit nun eh. Tanggalin mo na lang yung mga kalat dun.
            “Sige. Ah… pare, pwede palang magtanong?”
            Natigilan siya bahagya. Saka alanganing sumagot. “O-oo naman.”
            “Bakla ka ba?”
            Nanlaki ang mata niya sa narinig. “Gago ka pa-“
            “Okay lang naman kung ganoon ka. Callboy kasi ako dati, pare. Kaya ayos lang sa akin. O silahis ka? Meron naming ganon di ba? Lalaking-lalaki tingnan pero lalaki rin naman pala ang hanap.” Putol ni Rodgie sa kanya sa tonong di nang-aasar o kung anupaman.
            “Ulol!” sigaw niya dito. “Ako? Bakla? Silahis? Gago! Pumapatol ako sa babae at lalaki kasi paminsan-minsan, callboy din ako. Kaya tigilan mo ako sa kakatanong mo na iyan o sasamain ka sa akin!” duro pa niya rito.
            Napag-isip din niya. Kung lalabanan nya ito, lugi siya. Limang-talampakan at pito lang siya kumpara sa taas at tikas nito.
            “Okay.” Nakataas ang kamay na sabi ni Rodgie. “Pasensiya na, ‘pre. At least ngayon, alam ko na pareho pala ang likaw ng bituka natin.”
            Napakunot siya sa sinabi nito.
            “Pareho?”
            “Pareho tayong malibog.”
            Nauwi sa ngisi ang ngiti ni Jon.
            “Paano mo naman nasabi?”
            Napakamot sa harapan niya si Rodgie. Natuon doon ang pansin niya at napalunok. Sa panggigilalas niya, kinuha nito ang kamay niya at inilagay sa umbok nito.
            Matigas.
            Mainit.
            At kahit sa kabila ng makapal na maong na suot nito ay hindi niya maipagkakaila ang nakakakilabot na pintig na nasa ilalim nito.
            “Huwag mo akong hawakan.” Anas ni Jon.
            Nagsisimula na siyang mag-init at pangapusan ng hininga.
            “Ayoko.”
            “Please… Baka di ka makatagal. Magagaya ka lang sa iba.”
            “Bakit di mo ako subukan?”
            Iyon lang ang kailangan niyang marinig at saka niya sinibasib ng halik si Rodgie. Lumaban din ito. Marubdob ang nagging pagtugon sa kanyang labing mapaghanap.
            Tila sabik na sabik sila sa isa’t-isa at kailangan nilang matugunan ang pangangailangan na nararamdaman ng bawat isa.
            Nang mawala na ang lahat ng suot nila ay dahan-dahan silang humiga sa kutson. At doon… pinagbigyan nila ang init na kanina pa kumakawala sa kanila.

            “O? Iyan na ba lahat ng gagamitin natin?” tanong ni Rodgie mula sa likuran ni Jon. Naramdaman niya ang pagyapos nito sa kaniya. Agad ang pag-iinit ng katawan niya. Ngunit hindi katulad noon na nag-aalala siya sa mga nadidikit sa kanya, isiniksik pa niya ng husto ang sarili sa matigas na pangangatawan nito.
            “Hmm… Ang aga-aga, ang tigas-tigas mo.” Tukso niya rito ng maramdaman ang matigas na bagay na dumudunggol sa kanyang likuran.
            “Ikaw kasi. Ang aga-aga ang sarap mong papakin.”
            “Ang landi mo, Rodgie.”
            “Mana lang sa’yo.”
            Nagkatawanan sila sa winika nito. Nang matapos, saka niya ipinihit ang katawan upang magkaharap sila.
            “Nagtataka pa rin ako kung bakit di ka tinatablan ng kung anong meron ako, pero natutuwa ako, dahil sa kauna-unahang pagkakataon, wala akong allalahanin kapag nadidikit ako sa isang tao. At natutuwa ako, na ikaw ang taong iyon.”
            Napangiting muli ito sa kanya. Saka siya ginawaran ng matamis na halik sa labi. Ayaw na niyang matapos sana iyon ngunit inistorbo sila ng mga katok ng kapit-bahay.
            “Iyong sinaing niyo, sunog na!”
            Natatarantang bumitiw sila sa isa’t-isa at dinaluhan ang pobreng sinaing na nakasalang mula pa kanina. Natatawang pinatay niya ang kalan.
            “Mahal kita, Jon.” Ani Rodgie.

ITUTULOY...

Tuesday, May 14, 2013

INCORRIGIBLE VERSION 1: CHAPTER 4

 photo lunapic_13676041329098_4_zpsfd0a81b8.jpg


CHAPTER 4
            

             “It was fun, Mike.”
            Hindi mapigilang bulalas ni Paul matapos ang dinner nilang dalawa ni Michael sa isang restaurant sa Cubao. Dalawang linggo na buhat ng makilala niya ang wirdong si Karl at iwan sila ng isang napakadaling trabaho. Limang araw na niyang nakakasa-kasama ang target niya sa paglabas at pagpunta sa kung saan-saan.
            “It was?” diskumpiyadong tanong ni Michael sa kanya.
            Napangiti siya. Sa panahon ng pagiging callboy niya, mas na-enjoy niya ang paglabas-labas kasama ang kapwa lalaki sa mismong oras na iyon.
            Bilang isang straight kasi, naaasiwa pa siya noong una kapag ang customer niya ay isang bakla o silahis. Mas kumportable siya sa mga matrona ngunit hindi naman siya siguradong kikita ng malaki kung ganoon lang ang gagawin niya. Pero sa sandaling oras na kasama niya si Michael, iba ang pakiramdam niya. Bagama’t hindi nito alam ang tunay na dahilan ng pakikipaglapit niya rito, hindi naman maitatanggi na gusto niya ito. Gusto niyang kasama ito.
            “Oo naman. I was actually thinking of…” pambibitin niya.
            “Of what” tuloy nito sa sasabihin niya.
            He made a face. Faking the act of saying something but opted not to.
            “Come on! Say it!”
            Natawa siya sa eagerness na nasa boses ni Michael. Mabuti na lang at nasa harap na rin sila ng condo na tinutuluyan nito na bahagyang nakabukas ang pinto at walang tao sa paligid.
            “Nah! I don’t think you’ll buy it. I think I should go.”
            Michael reached for his hand and held it tight.
            “I’m sorry, dude, but you don’t get to decide on that.”
            Napahinto si Paul sa narinig. Halos mapangiti pa nga siya ngunit pinili niyang magmukhang nagtataka kesa natutuwa.
            Hinila siya ni Michael paloob sa unit nito. Nang maisara ang pinto ay isinandal siya nito doon at saka marubdob na hinalikan.
            He was taken aback for quite some time but he replied the kisses with doubled hunger and fierceness like he never did before with his male clients.
            Their tongues met. Wet and wild. Hot like a volcanic eruption.
            Michael’s hand started to roam his body with intense fervor. Like he was panicking. But that did not stop him. Neither did they break the kiss.
            Their lips are locked. Nobody wants to break from the whirlwind they caught in to. As if their lives depended on it. Like a life line.
            Hanggang sa hilahin ni Paul paitaas ang damit ni Michael. Sa saglit na paghihiwalay ng kanilang mga labi, waring may malaking kamay na pumiga sa puso niya at kailangan niyang maibalik ang pagkakadikit ng kanilang mga labi upang maibalik sa ayos ang kaniyang pakiramdam.
            And they did.
            Nang mahubdan sila kapwa ng mga damit ay hindi na sila tumigil. Tanging mga ungol na lamang at kalansing ng mga bagay na nasasanggi nila sa paghahanap ng magandang pwesto para pagbigyan ang layaw ng kanilang mga katawang nagbabaga sa pagkakadikit.
            Michael went down. Slowly. Taking all his sweet time in the world. As if he’d die if he didn’t. He tasted all the parts of Paul’s upper body. Every nook and cranny. Then he found it. The moist raging shaft that smelled of woods.
            Its bulb was glowing pink and was owerflowing with precome. He tasted it. Then he savored the taste for a minute.
            He raveled the part where the thread of his hairy meat was full. He kissed him there and he heard Paul moan in delight. He grabbed his manhood not so gently. Jerked it a little then started with butterfly kisses all over its body.
            Paul shivered and put his hands on his shoulders for support. He was so big and he was tasty. A very convenient combination that he looked for every man he was ending having sex with.
            Then he tried to consume the length of it.
            Inch by inch.
            Slow at first. When he found his rythmn… there was no stopping him.
            “Michael…”
            He almost gagged when he heard Paul call out his name. That means he was doing great. And he was not finished yet.
            “Yes, Paul…” he replied teasingly.
            Michael was rewarded with a luscious smile and eyes glowing with desire. “I’m gonna come if you keep doing that.”
            It was a plea that he was happy to obey.
            “Hindi pwede. Kaya ko nga itinigil. I still have more to show.”
            Napangiti si Paul sa sinabi niya.
            “Come on, show it to me.”
            Without prelude, Michael put the rubber to him and rode like a cowboy.

            “THAT was intense!”
            Tuwang-tuwang sabi sa kanya ni Michael. Hindi maipaliwanag ang saya na nakikita niya sa mga mata nito. At nahahawa siya.
            “Sabi mo nga, intense.” Nakangiti niyang sagot dito.
            “Ako ba o yung sex?” tanong nito sa kanya.
            “Both?”
            Humalakhak ito sa sagot niya. He was like a child when laughing. Hindi alam ni Paul kung ano ang eksaktong nararamdaman ngunit sigurado siya sa isang bagay. Gusto niyang palaging nakikitang masaya si Michael. Na ang kasiyahan nito ay kasiyahan niya rin.
            “Ganoon ba ka-intense yun?” tanong ulit nito.
            “Oo nga sabi,” nanggigigil niyang pisil sa pisngi ng kasuyo na nauwi sa halakhakan. Nang matapos sila sa pagsasaya ay nauwi iyon sa matagal na pagtititigan. Animo binabasa ng isa ang kaloob-loban ng bawat isa.
            And it was nice.
            Paul liked the idea of having Michael’s hands in his hands. And he was sure that the feeling is mutual. He just had to make sure that it won’t fall apart like the last time he tried having a relationship again for this was too big for him.
            All of it.
            He might not take it for the second time around. But his heart thought otherwise.
            “I love you…”
            And Michael smiled.

ITUTULOY...

Saturday, May 11, 2013

INCORRIGIBLE VERSION 1: CHAPTER 3

 photo lunapic_13676041329098_4_zpsfd0a81b8.jpg


CHAPTER 3
           
            It was a windy night. 

          Madilim at waring nagbabadya ang isang hindi magandang panahon ng mga oras na iyon. Makapal ang ulap sa kalangitan at walang mga bituin.
            Sa isang panig ng kalsadang iyon ay nakatayo ang isang kumikislap-kislap na poste ng ilaw. Wala masyadong tao sa lugar na iyon kaya naman gustong-gusto ng mga callboy ang tumayo at maghintay ng mga parukyano na daraan at tatangkilik sa kanila.
            “Mukhang uulan pa yata?” tinatamad na wika ni Rodgie.
            “’Wag naman sana.” Segunda ni Paul.
            Parehas silang labing-siyam na taong gulang. Parehong ulila sa ina. Parehong istokwa. Parehong patapon ang buhay.
            Si Paul, matangkad. Nasa anim na talampakan at dalawa ang taas. Katamtaman ang laki ng medyo may kaputiang katawan. Mahilig siyang magpatawa. Si Rodgie, limang-talampakan at labing-isa ang taas. Tindig modelo ang pangangatawan at medyo may kaitiman. Madaling mag-init ang ulo.
            Nagkakilala ang dalawa sa negosyong napasukan. Dahil magkaedad, hindi naging hadlang ang pagkakaroon ng pagkakasunduan sa kabila ng pagkakaiba ng ugali.
            It was like the wind hugging the fire.
            Pinagkukunan ng lakas ng isa ang isa. Papalit-palit lang sila ng posisyon. Paulit-ulit. Ngunit hindi sila nagsasawa. Dahil para sa kanila, ito ang nagbibigay ng rason para pilitin pa nilang bumangon at isabuhay ang bawat araw na nagigising sila.
            “Mag-drawing ka nga ng araw sa semento,” utos ni Paul sa kasama.
            “Ulol!” sagot ni Rodgie sabay batok sa una. “Nagiging habit mo na yang mga corny jokes mo. Itigil mo yan. Masasaktan ka palagi sa akin.”
            Natatawang kinamot-kamot ni Paul ang nasaktang ulo. Normal na sa kanya ang pagiging mainitin ang ulo ni Rodgie.
            “Ikaw talaga. Ano ba naman yung magpatawa ako? Tayong dalawa lang naman palagi ang nandito. You’re so quarrelsome, man.” Ani pa niya sa kasama.
            Akmang babatukan siya ulit ni Rodgie ng tumakbo na siya palayo dito. Tatawa-tawa pa siya ng magsalita ito habang hinahabol siya.
            “Gago ka! Huwag mo akong inaasar. Porke’t nakapag-aral ka, iniingles mo na ako. Paksyet ka. ‘tol!”
            “You talaga, hindi ka na ma-joke. I’m just practicing my English, man. What if I bumped into an Englishman one day? How do I talk to him-“ aniyang tumatakbo ng palayo ngunit nakaharap dito.
            Biglang tumigil sa pagtakbo si Rodgie na ipinagtaka niya. Madalas ay aabutan siya nito saka sila magpapambuno na mauuwi sa isang mainit na halikan sa loob ng madidilim na eskinita na regular nilang ginagawa kapag walang customer. Ipininasya niyang huminto rin at alamin kung ano ang nakapagpahinto sa kaibigan.
            Napako ang mga mata niya sa isang malaking lalaking nakasuot ng magarang kadamitan na kadalasan ay nakikita niya lang sa mga pelikulang Ingles. Naka-amerikana itong itim na bukas lahat ang butones. Naka-kurbata at may nakapasak na tabako sa bibig. Bata pa ang hitsura nito para sa napiling get-up ngunit bumagay iyon dito.
            Napangiti siya.
            “Uy, mukhang may customer na tayo.” Ani Paul.
            Narinig niya ang nagmamadaling yabag ni Rodgie papalapit. “Mukhang may maipanglalaklak tayo sa isang ito ah.” Sabi pa nito.
            “You talk to him,” anang bagong dating.
            Nagkatinginan ang dalawa.
            “Ano daw?” magkasabay pa nilang sambit.
            Napangiti ang lalaki at lumapit sa kanila. “You asked what you would do if you bumped into an Englisman one day? Well, you almost did, boy,’ ani pa nito sa weird na tono.
            Pasimpleng bumulong si Rodgie sa kaibigan.
“Baliw ba ‘yan?” Hindi malaman kung paano itatago ang pagbuka ng bibig sa wirdong lalaki. “Eh, mas pangit pa nga yan mag-Ingles sa’yo eh.”
Mabilis na siniko ni Paul ang kaibigan sa sinabi nito. Naintindihan niya ang sinabi ng lalaki. Hindi lang niya alam na magkakatotoo ang biro na binitiwan niya sa kaibigan. Mahilig siyang manood ng mga palabas na ang bida ay mga artistang Briton kaya naman alam niyang British accent ang ginamit nito sa kanila kanina ng magsalita ito.
Ang ipinagtataka lang niya, hindi ito mukhang foreigner na galing sa UK pero hindi rin naman ito mukhang call-center agent sa porma nito. Masyado itong out-of-place sa lugar at sa sitwasyon.
“What? Cat got your tounge?” sabi pa ng lalaki sa kanila.
Sa experience niya sa panonood ng mga pelikula at palabas na gumagamit ng ganoong lenggwahe, iisa ang masasabi niya. Ibang level ang husay nito sa paggamit ng accent na iyon.
“N-No. We were j-just… We’re just surprised to see you. T-that’s all.” Aniya sa katulad na tono.
“You’re English is not that bad. And I loved your accent. I feel like I’m in my own country.” Sagot nito.
Napangiti si Paul.
“Hoy, anong sinabi mo sa kanya? Gago ka.” Si Rodgie.
“Don’t worry. Wala siyang sinabing hindi maganda sa akin,” nakangiting sabi ng bagong dating na ikinagulat ng dalawa.
“Putang-ina…” ani Paul.
“Whoops! That’s not English. And please… don’t curse.” Ang estranghero.
“Sira-ulo ka ‘no?” maiinit ang ulong sabi ni Rodgie. “Akala naming kanina porendyer tapos magsasalita ka ng tagalog tapos mag-i-ingles ka na naman? Baliw ka na-“
“Kumalma ka lang, Rodgie. Wala akong balak na paglaruan kayo. Nakisali lang ako sa lambingan ninyo.”
Natigil sa akmang pagsugod ang kaibigan ni Paul habang siya ay napatulala sa lalaking kalmado lang na pinatigil ang pagngangalit ni Rodgie.
“S-sino ka ba?” ang tanging nasambit niya.
“Paul. Paul Arenas. Muntikan ng makatapos ng kolehiyo kung hindi lang namatay ang ina at nalulong sa bisyo ang ama. Tumakas sa bahay at ipinasyang magpakalayu-layo at napadpad dito. Sa lugar na ni sa panaginip ay hindi gugustuhin ng mga magulang mo para sa iyo. Poor child.”
“At ikaw, Rodgie Tan. Hindi nakapag-aral ng husto. Literal na Grade 1 lang ang inabot. Alam lang isulat ang pangalan at magbilang. Ginapang ng amain mo na ang buong akala mo ay tunay na lalaki. Namatay lang ang nanay mo, ikaw na ang gustong asawahin. Kaya tumakas ka nang magkaroon ng pagkakataon. Ngunit saan ang bagsak mo? Dito din sa lugar na kung saan ay nakita mo ang pagkakaroon ng pagkakataon na kumita gamit ang iyong katawan.”
“Saka kayo nagkita. Nagkakilala. Nagkasundo. Hindi lang ang mga ugali kundi pati ang inyong katawan sa tawag ng laman. Mali ba ako?”
Nagimbal silang dalawa sa mga sinabi ng estrangherong lalaki. Bukod sa alam nito ang kanilang mga pangalan, alam rin nito ang kanilang nakalipas. Nangingilabot na nagkatinginan silang dalawa.
“Huwag kayong mag-alala. Ako si Karl. Karl Torres. Hindi ang ibunyag kung ano ang nalalaman ko sa inyong dalawa ang pakay ko rito. I’m here for business.” Ani Karl.
Nangunot ang noo ni Rodgie.
“B-business?”
“Anong klase?” si Paul.
“Well, hindi katulad ng usual ninyong ginagawa sa mga customer ninyo. May mga tao akong gusto kong makilala at kung maari… kaibiganin ninyo.”
“Mga tao?” ani Rodgie.
“Hindi kami papatay ng tao. Just so we’re clear.” Sagot naman ni Paul.
“Wala kayong papatayin ultimo na lamok sa inaalok kong trabaho. Just so we’re clear.” Karl replied mockingly.
“Gusto kong sundan ninyo ang dalawang ito. Pewde kayong magkahiwalay na gawin ito, ngunit iisa lang dapat na maging katapusan ng lahat ng ito.”
“Ano?” magkasabay nilang sabi.
Ngumiti si Karl at may iniabot na papel sa kanilang dalawa.
“Kailangang nariyan sila ng alas-dos ng hapon.”
Kinuha nila ang papel upang tingnan at nang ibalik na nila ang tingin kay Karl ay may sinalubong sila ng malakas na sinag ng ilaw mula sa isang sasakyan at naglalakad na ito palayo. Narinig na lang nila ang boses nito habang nakayuko sila.
“Nasa lapag ang paunang bayad sa inyong dalawa. Sana magawa ninyo ang ipinapagawa ko sa lalong madaling panahon. Huwag kayong magtatangkang lokohin ako. Alam ko kung saan kayo hahanapin. See you.”
Iyon lang at umalingawngaw ang malakas na pag-arangkada ng sasakyan na sumundo kay Karl.
“Tang ina.”

ITUTULOY...


Wednesday, May 8, 2013

INCORRIGIBLE VERSION 1: CHAPTER 2

 photo lunapic_13676041329098_4_zpsfd0a81b8.jpg

CHAPTER 2

            Maingay ang lugar na iyon sa Divisoria. Halu-halo ang mga taong nag-aalok ng kani-kanilang mga produkto. Bawat isa ay may pakulo para pumunta sa kanilang pwesto ang mga mamimili. May iba na may pinapatunog na recorded na boses para siguro hindi mamaos sa pagsigaw.
            Lahat ng klase ng paninda ay dito mo matatagpuan. Mula sa labacara hanggang sa pinakamahal na imitasyon ng latest na cellphone.
            Kung mayroong mga nangangalakal, mayroon din namang mga nag-aabang ng mga mabibiktima. Sila yaong mga mandurugas ng kalakhang Divisoria. At isa siya roon.
            Siya si Jonathan.
            Sa umaga, snatcher. Sa gabi, hold-upper.
            Lahat ng panggagantso na maaari niyang gawin para makawala sa malaking kumunoy na kinasusuungan niya sa ngayon ay gagawin niya. Tutal naman, ulilang lubos na siya. Hindi niya itinuturing na pamilya ang sira-ulong madrasto na siyang dahilan kung bakit nagkaganoon ang buhay nilang mag-anak.
            Inilibot niya ang paningin. Naghahanap ng mabibiktima mula sa kulumpon ng mga taong nagkakagulo sa pnag-umagang ingay na iyon ng Divisoria.
            Mula sa kawalan ay nakita niya ang isang lalaking hindi pangkaraniwan ang bihis kumpara sa ibang dumaraan doon.
            Napangiti siya.
            Mukhang sinuswerte siya at may mayamang balewala lang kung maglagay ng wallet sa bulsa nito sa likuran.
            Pasimple siyang lumigid upang makakuha ng pagkakataon. Dala na rin niya ang props na plastic bag na gagamitin niya para sa kanyang operasyon.
            Simple lang naman ang modus niya.
            Babanggain niya ang lalaki sa harapan at ilalaglag ang plastic bag. Hahayaan ang biktima na pulutin ito para sa kanya saka kukunin ang wallet nito sa back-pocket.
            At ganoon nga ang ginawa niya ng makatiyempo.
            Napangiti siya ng maisakatuparan ang plano ng walang nakakahalata.
            “I'm sorry.” sabi pa ng lalaki sa kanya.
            Tumango lang siya at iniwanan ito. Pasimple rin siyang pumunta sa kanyang “hide-out” upang tingnan ang laman ng wallet na nakuha niya sa walang kamuwang-muwang na biktima.
            “Ang tanga naman talaga ng lalaking iyon. Mukhang tiba-tiba ako nito. Ma-check nga ang laman-”
            Laking-gulat niya ng makitang ang makapal na wallet na hawak niya ay walang lamang pera kundi mga dahon.
            “Putang-”
            “Mukhang naloko ka ng dinukutan mo, hijo?”
            Napalingon si Jon sa kinaroroonan ng tinig. Lalo siyang nagitla ng makitang ang lalaking dinukutan niya ay nakatayo sa bukana ng iskinitang ginagawa niyang hide-out.
            “Gag-”
            Naputol ang pagmumura sana niya ng bigla siyang tumilapon sa ere papunta sa mga basurang nakatambak sa maliit na iskinitang iyon.
            “Arekup!” daing niya mula sa pagkakatilapon.
            “Hindi ko nais ang ikaw ay saktan, hijo, ngunit hindi makatarungan ang gusto mong gawin sa akin. Ikaw na nga ang may kinuha na pag-aari ko, ako pa ba ang sasaktan mo?”
            Sa tagal na niyang nakikipagpatintero sa mga pulis at mga nabibiktima niya sa Divisoria, alam na ni Jonathan kung ang nakakaharap niya ay kaya niyang takasan o hindi.
            Ito ang unang pagkakataon na may nagpatalsik sa kanya mula sa kinatatayuan kaya alam na niyang hindi ito ordinaryong tao. Kung aaminin niya sa sarili, hindi ito tao. Bagama't sa anyo nito ay mukha itong  tulad niya.
            Napangiti ang estranghero.
            “A-anong kailangan m-mo?” aniya sa namimilipit na tinig.
            “Jonathan. Wala akong balak na makipaglaban sa iyo. Nais ko lang ang kausapin ka. Patawarin mo ako kung mali ang naisip kong paraan para kunin ang atensyon mo.” Nakangiting sambit ng lalaki sa kanya.
            Nagtataka man ay pilit na pinapagana ni Jonathan ang hinahon sa isipan niya. Paano nitong nalaman ang pangalan niya? Siguro ay matagal na siya nitong minamanmanan. Pero hindi iyon ang mahalaga sa ngayon. Ang importante ay makalkula niya kung paanong lulusutan ang isang ito. Mahirap makipaglaban sa isang hindi nakikilalang kalaban.
            “Hmm... Iniisip mo akong takasan, hindi ba, Jonathan?”
            Nagitla siyang bahagya. “Ha? H-hindi!”
            Ngumiti itong muli.
            “Nais ko lang kausapin ka tungkol sa iyong ama.”
            Nangunot ang noo niya sa tinuran nito.
            “H-hindi ko na nakakausap si Tatay Jerry,” tukoy niya sa step-father.
            Muli itong ngumiti.
            “Ang tunay mong ama ang tinutukoy ko.”
            Muli, nangunot ang kanyang noo.
            “Hindi ko kilala ang tunay kong ama. Kaibigan ka ba niya?” tanong niya.
            “Oo. Hindi lang iyon. Gusto ko ring malaman mo na mayroon kang kakambal na lalaki.”
            “Ano?!”
            “Tama ang iyong dinig. Gusto mo ba silang makilala?”
            Napatahimik siya ng katanungang iyon.
            Buong buhay niya ay halos mag-isa lang siya. Maagang namatay ang kanyang ina sa gulang niyang siyam. Ngayon ay dalawampu't-isa na siya. Kailangan pa ba niya ang mga ito sa ngayon? Kaya naman niyang buhayin ang sarili niya. Isa pa, baka hindi rin siya kilalanin ng mga ito. Lalo na kung...
            “Hindi mo kailangang isipin na hindi ka nila matatanggap. Ang inaalok ko lang sa iyo ay kung gusto mo ba silang makilala. Magkaiba ang dalawang bagay na iyon.” sambit nito na pumutol sa paggugunam-gunam niya.
            Napatingin siya sa lalaki. Mukhang marami itong alam tungkol sa kanya at sa totoong pagkatao niya.
            “Ano pang alam mo tungkol sa akin?”
            “Wala na. Iyon lang.”
            Tintitigan niya itong mabuti. Mukhang nagsasabi naman ng totoo.
            “Sige. Saan ko sila makikita?”
            Napangiti itong muli.
            “Sa mga susunod na araw, dadalawin kitang muli, Jonatahan. Pagkatapos niyon, makikita mo na ang iyong ama at kakambal.
            Napatango siya.
            Tumalikod na ang lalaki at nagsimulang maglakad ng may maalala siyang isang bagay.
            “S-sandali!”
            Tumigil ito sa paglalakad.
            “Ano ang iyong pangalan?” tanong ni Jonathan sa lalaki.
            “Karl. Karl Torres.” anito na hindi lumilingon saka nagpatuloy sa paglalakad.
            “S-salamat, Karl.”

ITUTULOY...

Monday, May 6, 2013

INCORRIGIBLE VERSION 1: CHAPTER 1

 photo lunapic_13676041329098_4_zpsfd0a81b8.jpg


CHAPTER 1

            “Kumusta?”

            Napalingon siya sa pinanggalingan ng tinig na bumati sa kanya. He was welcomed by a pair of brown eyes. It was warm. The way the stranger was eyeing him sent shivers down his spine.

            Napalinga siya sa paligid. Hindi kasi niya naramdaman na lumapit ito sa kanya.

            Kanina pa siya naka-upo sa bahaging iyon ng coffee shop sa loob ng mall. Maraming tao sa paligid at nakaharap siya sa mga iyon. Kahit paano sana ay nakita o naramdaman niya ang paglapit nito sa kanya. Ngunit hindi.

            Muli niyang ibinalik ang tingin dito. Nakangiti ang mga mata ng estranghero. Pero hindi ito ngumingiti katulad ng mga mata nito. May kung ano sa taong ito nagsasabi sa kanya na pagkatiwalaan ang simpleng pangungumusta nito sa kanya.

            Nag-alis ito ng bara sa lalamunan na nagpatigil sa imahinasyon na biglang bahagyang bumalot sa kanyang isipan.

            “Ah... eh... O-okay naman. T-teka, s-sino po sila?”

            Natawa ito ng bahagya. Revealing a lop-sided smile that almost cost him his heart leaping out of its cage.

            “I'm Karl.”

            Nangunot ang noo niya. Hindi niya ito kilala.

            “K-Karl? I d-don't know you.” He said matter-of-factly.

            The stranger named Karl rewarded his reply with a knowing smile.

            “I know, Michael. I know.”

            Bahagya siyang nagulat ng banggitin nito ang kanyang pangalan. Kilala siya nito ngunit hindi niya ito kilala. Kamag-anak siguro nila ito o isang malayong kaibigan ng pamilya nila.

            Pamilya?

            You don't have one Michael.

            Napalunok siya.

            Mukhang isang malaking misteryo ang hatid ng lalaking ito sa kanya. Wala na siyang masasabi niyang pamilya sapagkat namatay limang buwan na ang nakalilipas ang kanyang amang si Arnulfo. Siguro ay mapanganib itong tao na naghihintay ng pagkakataon na lokohin siya kapag nakakuha ng tiempo. Ngunit ang ipinagtataka niya ay hindi siya nakadarama ng kakaiba o anumang panganib mula rito.

            “Hmm...” ani pa nito.

            “I-I'm sorry. But I really don't know you,” magalang niyang sambit.

            He heard him chuckled for the second time.

            “Of course you don't. Pero sigurado akong alam mo na kilala kita.” Nakangiting sabi ni Karl sa kanya.

            “Halata ko nga.”

            Tumango ito.

            “As I've said, my name is Karl. Karl Torres. Kaibigan ako ng iyong ama.”

            He frowned from the declaration. Again.

            “Kilala mo si Papa?”

            “Kung ang tinutukoy mong “Papa” ay si Senyor Arnulfo, hindi siya ang tinutukoy ko.”

            “Ha! Nagpapatawa ka, Ginoo kung ang ibig mong sabihin ay may iba pa akong “ama” maliban kay Papa Arnulfo.”

            It was Karl's turn to frown.

            “You mean, you didn't know?”

            “What are you talking about, Mr. Torres? Ginugulo mo ang pananahimik ko rito and you are confusing me with your words. Please, I don't have time for this.” aniya sa iritableng tono.

            Akmang tatayo na siya ng pigilan siya ng mga sumunod na sinabi nito.

            “You're adopted, Michael. Or should I say, Mike?”

            “What?!”

            “You're adopted. And I know who your real father is.”

            Nanlaki ang mata niya sa mga sinasabi ni Karl. Hindi siya makapaniwala na ang nananahimik niyang mundo kanina ay guguluhin ng lalaking ito na ni sa hinagap ay hindi niya nakilala.

            Inis na inis na sinagot niya ito. “Kung inaakala mong maniniwala ako sa'yo, Ginoo ay nagkakamali ka. Hindi ako ampon kagaya ng ipinapaunawa mo sa akin. Ako ang nag-iisang anak ng aking Papa Arnulfo mula sa aking Mama. Huwag mo sanang ikasama ng loob, ngunit hindi ko pinapatulan ang mga kabobohang pinagsasasabi mo rito sa harapan ko. Maiwan na kita.”

            “Hindi ako nagsisinungaling. Kung gusto mo, sumama ka sa akin. I will show you where your real father is. Para magkita na rin kayong dalawa ng kakambal mo,” dagdag pa ni Karl sa mga kabalintunaang sinasabi nito sa kanya.

            “This is preposterous! Kanina ay sinasabi mong ampon ako. Ngayon naman, sasabihin mong may kakambal ako?”

            “Yes.”

            “That is bullshit! Katulad ng sabi ko kanina, nag-iisa akong anak ni-”

            “Ang kinasanayan mong katotohanan ay taliwas sa tunay mong pagkatao. Tutal naman, nakuha mong kausapin ang isang estrangherong katulad ko mula pa kanina, why don't you try to be more generous of your time and join me. That way, malalaman mo kung totoong nagsisinungaling ako o hindi.”

            “Wala akong-”

            “Three hours, Michael. Iyon lang ang kailangan ko para kumpirmahin sa iyo na totoo ang mga sinasabi ko,” putol ni Karl sa mga sasabihin pa niya sana.

            Tinititigan siya nito sa napakakalmadong paraan. Para siyang walang magawa kundi sumunod sa sinasabi nito at paniwalaan ang mga kasinungalingang kanina pa niya pilit itinataboy sa kanyang isipan.

            He sighed in resignation.

            “Kailan mo ako kailangan?” tanong ni Michael.

            “Sa mga susunod na araw. Kukumustahin kitang muli. Pagkatapos nun, pupuntahan na natin ang iyong ama at kakambal.”

            Iyon lang at muling napatunganga si Michael kay Karl. Ang kaninang nararamdaman niyang inis ay wala na. Tinitigan din siya nito ng maigi. Hindi na lang niya namalayan na nawala na ito sa kanyang harapan.

            Muli. Hinanap niya ito sa paligid ngunit hindi niya ito nakita pa.


ITUTULOY...

Saturday, May 4, 2013

INCORRIGIBLE VERSION 1: PROLOGO

 photo lunapic_13676041329098_4_zpsfd0a81b8.jpg


Hi guys!!!

I know I have been so very busy for quite a while but you know what, I have this novel for you. Sa mga kakaunting bumibisita rito sa blog ko, sana makita niyo ito. What I'm going to share with you guys is my supposed entry sa isang book anthology. Yes, for the second time around, I will be joining a pool of great writers. MSOB Book Anthology 2 will be released this year so pakiabangan. Sa mga may kopya ng Book 1, thanks you! My deepest gratitude sa inyo. So heto na, hindi ko na patatagalin. Incorrigible Version 1 all for your entertainment.

Ciao!

Dalisay


PROLOGO

            “Ibaba mo ang baril, Jonathan!”

            Sigaw ni Michael na ikinagulat ng nabanggit. Hindi niya inakalang masusundan siya nito sa lugar na iyon. Sa lugar na inilihim niya sa kahit na sino. Kahit sa mga kapamilya at kaibigan niya.

            “Ibaba mo iyan, Jon.” Pakiusap pa nito sa kanya.

            Unti-unti itong lumapit sa kinatatayuan niya. Hindi matinag ang nag-aalalang tingin na ibinibigay nito sa kanya. Waring nagsasabing magiging maayos din ang lahat.

            Itinuon ni Jonathan ang tingin saglit sa taong tinututukan niya ng baril. Nakangiti ito sa kanyang pagngingitngit. Waring sinasabing suwayin niya ang sinasabi ni Michael at paputukin ang baril na kanina pa nakatutok dito.

            “What's the matter, sweetie? Aren't you gonna fire that gun just now, are you?” nanguuyam na sambit nito sa kanya.

            Naningkit ang mata niya sa sinabi nito. Bahagya niyang itinaas ang armas at akmang kakalabitin na ang gatilyo.

            “Huwag, Jon!” sigaw ulit ni Michael na ikinalingon niya.

            Malapit na malapit na ito sa kanya. Hindi niya mapagdesisyunan kung itutuloy ang pagkalabit sa gatilyo upang wakasan ang buhay ng taong nasa harapan niya o susundin ang pakiusap sa kanya ni Michael.

            “Bakit ka ba nagkakaganyan? Hindi mo dapat ginagawa ito,” paki-usap pa rin sa kanya ng bagong dating.

            “Tell him, Jon. Tell him!”

            “Shut up, Karl!” sa wakas ay singhal niya sa nasa harapan.

            “K-Karl?” tanong ni Michael.

            Napabuga siya.

            “Oo. Siya si Karl.” Sagot niya.

            Nangunot ang noo ni Michael. “P-paano'ng nangyari iyon?”

            “Mahabang kwento, Mike.”

            Huminto ito sa dahan-dahang paglapit sa kanya.

            “I'm all ears, Jon.”

            Napangiti siya.

            “Are you sure?”

            “Sure as hell, Jon.”

            “Very well then...” sambit niya.

            BANG!!!

            “Jon!!!” ang umaalingawngaw na sigaw ni Michael sa paligid.

            Napaluhod ito sa nasaksihan.

            “Don't worry, Mike. I'll tell you the whole story...” ang nakakakilabot na sambit ni Karl.

ITUTULOY...

Incorrigible (Teaser)

 photo lunapic_13676041329098_4_zpsfd0a81b8.jpg



INCORRIGIBLE

Ni Dalisay Diaz



“Kahit alam kong mali, gagawin ko. Kasi, yung halik na iyon? Akin na ‘yun. Akin. At… willing akong magbayad para doon.”


Teaser:



Isa siyang callboy pero maliban doon, hindi na niya alam kung ano at sino siya. He can be anyone he want. Your long lost friend. Your short fling. Ultimate dream-boy. He can be all of that. For a price. Lahat ay may katapat na presyo bago siya maging sino man ayon sa "hiling" ng kanyang mga customer.


Subalit ang lahat ng ito'y magbabago ng mapunta siya sa isang lugar na tila ayaw siyang pakawalan. At sa bawat pagtatangka niyang makalabas ay may "kliyenteng" haharang sa kanya hindi lang para "upahan" siya kundi para na rin guluhin ang isipan niya.

Sa mapaglarong ikot ng tadhana, makikilala ba niya ng lubusan kung sino siya? Magagawa ba niyang makawala sa larong hindi niya kailanman hiniling na masuungan? At sa huli, sino ang magwawagi? Siya o ang tadhana?


SOON ON MSOB ANTHOLOGY: BOOK 2.