Tuesday, September 25, 2012

Tres Adonis 7



AKO: "Hala anu tong ginawa ko?! Ba't ako bumili ng Ticket?!" Anu tong nararamdaman ko? bakit gustong gusto kong makita ang hayop na yun?" Ito ang mga tanong na hindi ko masagot sagot sa mga oras na iyon.




Pakiramdam ko ay nagising ako mula sa pagkakagising, kaya kahit nakabili na ko ng ticket ay dali dali akong tumalikod at bumalik sa kotse para lumayo sa lugar na iyon.



BRANDON: "Pagkakataon nga naman! makikita din pala kita dito, sinusundan mo ba ko?" sabay bitiw ng ngiting nakaka loko.




AKO: "(Sa isip ko) Takte ba't di ko napansing kotse na di kalayuan ang kotse ng hayop".



AKO: "Sigurado ka bang sinundan kita? oh kabaliktaran? Are u gay?" sabay tawa




BRANDON: "Aba't.....(Gigil) ako pa babaliktarin mo. You gay!!"



AKO: "Whatever! sabay sakay sa kotse at nilisan ko ang lugar na iyon"




BRANDON: "Hey! Di pa ko tapos, wag kang bastos! Hey!"



Nilabas ko lang kamay ko sa bintana at nagbabye habang palayo ang sasakyan ko.




AKO: "Whew! mukhang nakaganti na ko sa mokong na yun ah! sarap! galit na galit amputcha! hehehe" sabay patugtog na malakas na sounds sa sasakyan at sinasabayan ko pa ng kanta...




Nung mga oras na iyon ay kuntento na ko sa pagkakaganti ko kay Brandon. Bahala na kung anu sunod na mangyayari. Basta ang tumatakbo sa isip ko ay wag na siyang patulan at tuluyan siyang iwasan. Pakiramdam ko kasi ay hindi maganda ang susunod kong mararamdaman towards him. Alam ko yun....



Makalipas ang ilang araw ay nakalabas narin si Tristan sa ospital. HIndi ko mawari kung anu ang nagyari. Pero biglang bawi ang aura ni Tristan, di ko mabasahan ng anu mang kalungkutan sa mga mata. Tila walang nangyari at biglang siya na ulit ang dating si Bunso na makulit..



Di ko na natiis ang obserbasyun kong iyon..



AKO: "Tristan? Are you OK?"



Malakas na batok ang dumapo sakin. "AraaaaY!!!!!!!"



DADDY: "Kitang ok na yung tao, nagtatanong kapa" pagigil na bulong ni dad.



TRISTAN: "Kaya nga ko nakalabas agad ng ospital kasi ok na ko kuya" sabay bitiw ng pagkatamis tamis na ngiti




Lalo tuloy ako nagtaka at napatitig sa kanya.




DADDY: "(Pabulong padin) Aba't loko ka talaga Cadreck" sabay pitik sa ilong ko"




AKO: "ok na dad!!! ako na!!! ansakit sakit nun ah!!!"




Pero salikod ng isip ko ay gustong gusto ko malaman kung anu ang tumatakbo sa isip ni Tristan at alam kung may dapat akong alamin.


TRISTAN: "Ayos kayo ah?! nagkukulitan ng di ako kasali!" may tampong himig.


AKO: "Kung ganyan narin lang ang kulitan, ok na sakin ang walang pansinan tol, itong si dad lagi ako sinasaktan, papabantay bata ko na kayo eh" reklamo ko.




DADDY: "Bata mo mukha mo!" pitik naman sa tenga ko.




AKO: "Papa!!!!!!!! sa Daddy binubugbog ako!!!!"




Sabay ang tawanan ni dad at Tristan.





PAPA: "Uy! tama na yang kulitan niyo, kakain na tayo!  Tawagin niyo na kuya Greg niyo  at sabay sabay tayong maghahapunan, at ikaw naman (baling kay dad) tanda tanda na ng anak mo binubugbog mo pa" sabay irap.




DADDY: "Grabe! naniniwala ka sa anako mong yun eh sira ulo yun" sabay tawa




PAPA: "Uu sira ulo manag mana sayo, buti nalang si candreck lang nagmana ng kabaliwan mo"




Samantalang sabay naming tinungo ni Tristan si Kuya Greg. Pagkabukas namin ng pinto ng kwarto, animoy sinalubong kami ng matinding liwanag na nagmumula sa kinang ng isang bagay (hehe OA)..




TRISTAN: "Aysus Kuya sobrang kintab na ng vase na yan kakapunas mo, akina nga't ng mabasag na yan, nakakairita na eh, akin na't maitapon yan" (Gigil)




Habang sinasabi ni Tristan nag mga katagang yun ay nakayakap ako sa likod niya at pinipigilan siya.




AKO: "Oh easy lang bunso, yaan mo na..hehe"



KUYA GREG: "Oo nga mas mahala to kesa sa inyong dalawa" walang reaction ang mukha



AKO: "Aba't sumusobra na yang vase na yan ah" ako naman ang gigil na gutong bumasag ng vase.




TRISTAN: "Oh is ka din kuya eh. pinipigilan moko tas ikaw din pala..hehe"




KUYA GREG: "Hehe di na kayo mabiro, Pagbigyan niyo na ko, balang araw makakaya ko din na di na makita to, Oh kakain na ba tayo? o magluluto muna ko ulam?" pag iiba niya sa usapan. nakangiti siya pero may lungkot sa mga mata nito.




"Hindi na!!!!!!!" sabay naming tugon ni Tristan. (hehe)




AKO: "May ulam na tayo kuya"



TRISTAN: "Oo nga meron na kuya"


Nangiti na lamang si kuya Greg..



KINABUKASAN NG UMAGA:




PAPA: "Cadreck anu ba? tanghali na di kapa bumabangon late kana sa trabaho! mga kapatid mo ay nagsipasukan na"




AKO: "Pa! ayoko na magtrabaho dun, hahanap nalang ako ng iba geh na pa" sabay takip ng unan sa mukha ko para matulog ulit.




DADDY: Yaan mo na anak natin, asikasuhin mo na ko at paalis na ko"




PAPA: "Kaya namimihasa yan kasi kinukonsente mo eh, Hindi pwede Cadreck maging responsable ka ah, papasok ka sa ayaw at gusto mo!"




AKO: "Pa nilalamig ako mukhang magkakatrangkaso ako" sabay arteng nilalamig nga.




PAPA: "Naku tigilan moko Cadreck ah, araw araw nalang ganto set up natin"




AKO: "Ok cge na pa, papasok na po" nagtatampong sagot ko sabay bitiw ng paawang ekspresyon ng mukha.




PAPA: "Di moko makukuha sa paganyan ganyan mo Cadreck, dali na, pagkatapos magbihis ay kumain kana ng sumabay kana sa dad mo at maihatid ka sa trabaho.




Wala akong nagawa kundi ang pumasok sa opisina..




SA OPIS:




SIR ROM: "Mr Cadreck!! late kana naman! Anu  nangyayari sayo bata ka"




Ako naman ay parang walang pakialam na nilampasan siya. Napatalikod nalang sa Inis si Sir Rom.




AKO: "Oh Joan? Ba't anjan ka sa table ko? asan na mga gamit ko?" pagtataka ko.




JOAN: "Ayon oh!" sabay nguso sa table malapit sa pinto ng Office ng presedente.



AKO: "bakit?"



JOAN: "Malay ko, kiss me and i will tell you everything" sabay ngusong nakapikit.



Walang anu ano'y hinalikan ko siya sa labi, maganda naman si Joan kaya pwede na tsaka lahat naman sa opis ay crush ako.(hehe yabang). Parang namulto sa gulat si Joan at napako na sa pagkakatitig sakin.




AKO: "oh anu na? akala ko sasabihin mo sakin pagnahalikan na kita"




JOAN: "ah eh ah uu nga pala" utal niyang tugon



AKO: "Anu?"




JOAN: "Ah ang totoo di ko alam kung bakit pero utos yan ni Sir Brandon, siya na kasi hahawak na office na to, kanikanina lang inanannounce, hinahanap ka nga ni Sir Brandon kanina" Tila nakabawi na sa pagkagulantang sa halik ko si Joan.




Ako naman ay magkahalong galit, kilabot at gulat ang naramdaman ko. Sabay tapon ng nanlilisik na tingin sa pinto ng opisina ni Brandon.




JAON: "in fairness gwapo din siya kahit parang may sugat sa paa kung maglakad, gagaling pa naman yun kaya dalawa na kayong crush ko" kinikilig.




Masamang tingin din ang pinukol ko kay Joan.





JOAN: "Sabi ko nga magttrabaho na ko" sabay bulatlat ng mga papers sa table niya




Napilitan ankong ayusin ang mga gamit ko sa mesang ini assign sa akin ng Bago kong Boss. Sinandya ko bilisan ang trabaho at kunin ang isang outside meeting para makaalis sa opisinang yun.



Kinabukasan pagpasok sa opisina ay wala dun si Brandon. May Seminar daw at One week iyon. Ako naman ay tuwang tuwa at enenjoy ang one week na iyon.



SAMANTALANG:




TRISTAN: "Pinipilit ko palang bumangon mula sa isang kabiguan kaya itigil mo na yan Loyd"




LOYD: "Hmmp! First love never Dies daw, totoo kaya yun kaya lagot ka"





TRISTAN: "Ewan ko sayo, Talaga So mahal mo ba si Bea, siya First love mo diba? hahaha"




LOYD: "Di ah! tsaka niligawan mo din naman dati yun eh"




TRISTAN: "dati pa yun nung maganda pa siya.




Sabay tawanan silang dalawa.




TRISTAN: " Di ko alam Loyd madami namang babae nagkakandarapa sakin,bakit pa kasi iba nag gusto ko. Sana naging kagaya mo ko, Straight, hindi kumplikado ang buhay"





LOYD: Ganun talaga pre, pero lahat naman siguro ng kagay mo dumadaan sa ganyan. nandito lang naman ako kahit anu kapa, kumpare mo pa din ako. hehe" oh balik na tayo sa first love mo na si Matt" hehehe



TRSITAN: "Sira ulo!" sabay suntok sa braso ni Loyd





LOYD: "Hehehe, lika nga dito (sabay akbay kay Tristan) kaya mo yan, sasaya ka ulit pre"



TRSITAN: "Sana nga bukas agad, mga 6am pagkagising ko sana masaya na ko ulit" hehe




LOYD: "Putcha ambilis naman nun..hehe"



SA BAHAY ULIT:




KUYA GREG: "(may kausap sa phone) Pwede ba magkita tayo ulit, mag usap lang tayo, kung anu desisyon mo handa ko ng tanggapin yun."




ELWOOD: "Di na pwede eh"




KUYA GREG: "Bakit naman?"




ELWOOD: "Magagalit si..si Bob"




KUYA GREG: "Sinong Bob?" pagtatake niya




ELWOOD: "(katahimikan) pa..partner ko Greg, naglilive in na kami...




Wala sa isip ni kuya Greg na dahan dahang iba iba ang cellphone hangggang sa tuluyan niya itong mabitawan..





Sa OPIS ULIT:




Habang tinatapos ko ang paperworks ko para mahabol sa deadline sabay ineenjoy ang kawalan ni Brandon..




BRANDON: "Oh long time no see ah, pagtimpla mo ko kape, bring it to my office, sabay talikod at pumasok sa opisina niya.




AKO: "(SA ISIP KO) huh?! akala ko one week? panung? bakit andito na siya?" gulat kong tanong sa sarili...





ITUTULOY.....





3 comments:

DALISAY said...

Welcome back, Jai-jai! Mishu!

rj169 said...

bakit wala n pong part 8 ang tres adonis? -_-

Anonymous said...

Wattpad Part 8