Wednesday, September 26, 2012

3 Minahal ni Bestfriend : Memories part 11


             Kamusta po sa lahat? ^_^

             Una po sa lahat ay gusto ko humingi ng tawad sa aking late posting. Pasensya na po talaga at maraming salamat po sa inyong pag intindi.

             Pangalawa po, ay gusto ko naman magpasalamat sa lahat lahat ng bumati sa akin noong aking nakaraang kaarawan. Sobrang salamat po.

              Pangatlo, ay gusto ko po pasalamatn ang aking aking Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay MIMI RAGE na syang gumawa ng cover, Kay Jojie, Zeke, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee, Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy, ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil, jae.jae, RGEEE, Jim of Pangasinan, xheanne, eric sioson, Cloyd, LEI, Moon Sung-Min, meloh, _june_, JD Javra, d^,^b camotes \m/hunk, nam, itsmethirdy, =jess=, Marcanthony, knight_in_shining_armor(hehehe), nam, Danielle, alejojohn, _unspoken_words_, akosijames, Nicholadia, Enrique, lloydie, LemLem, Jayar, Nico, Unknown, Aldrin, , _alelojohn, Dada Marcelo, cris bautista, Malachimark, -erickboi-, Yoshi, Karl rickson, online via ginno, Nikko Ramos, toffer lopez, Prince Pao, ALex, ja, kris, ramzter, Jm_virgin2009, Marlone, edrich of cebu, Archivald, russ, Mars, foxriver, Burj of Abu Dhabi, maybe, pd, mykel22, ampugeh, mark5337, ALDRIN, Al, brenthotz18, toffer lopez, Prince Pao, MarcAnthony, - marcus -, Nikko Ramos, Rands of QC, harry, alex, .paisano, jay.19.bi, Pancookie, cris bautista, Bri, Alexis Gacayan, Paolo Escaba, tj, nikk, eric sioson, -rom-, shingha, Mr.handsome, Mac, nivz, MP of Pasig, ilyrars, erik, .lordsun pogie, Enzo12, Tnito Schrugs, aeigh27 of binan laguna, cris bautista, JC SHIN, marlboro, monty, cazlhers@yahoo.com, fixboy, jay Tagaro, kris, Keanu Reeves, Marky, -rom-, foxriver, diumar, P.Y.S.H, edrich of cebu, bon-bon, Gerald, dhenxo (UTOL!!), kira, Uri_KiDo, Arnold Lachica, iamfree, chadie, IgnorantengFrog, ericka, em_bie24, , arvin of Taiwan, nikk, A L P O, rain, shingha, pein_kyoya, Gian, Enzo12, MIMI RAGE, Brent Angelo, Lawfer, Levin, Ramm, razhly, luilao, kajiki_anton, Jerwin Caraang, slushe.love, Jamespott, pein_kyoya, monja, paul ni joseph ponce, iamdarkdreamer, trutsofme, 12334, Paopi Lopez, dyasper dyokson, Rj, Bequillo, jhexter vhon, Redrockerz, Jamespott, cheryllee, Kimpoy Feliciano, Yrec, Karl Ricson, kierlynez, jon888, archerangel, Cholo Sevilla, ramzter, cy, ian of k.s.a, krisluv, dro, allen mark, manuel, franklin alviola, sora cesar aloner, justine of QATAR, cap, vash18, ramy from qatar, hot_andrew_21, derek ramsey, Jm Fab, ARSTEVE, edward_cavite, g, jhayc, jaycee mejica, kiero143, MorLuck, Tagadxb, Charo Santos, Choy Sevilla, Chris Evans, PauuulFabian, Pao, Ayen, Lee, Toffer(charmedboy09), anita baker, -kiss-, lm_rix, jhay ar tabz, Saykz, hajji alivio, ryval winston, jaycee mejica, Leowenstein, nashdane, Manuel, Louis, Dylan of Jeddah, carlo lovendino, ireneomercado, LeonardCruzL@yahoo.com, johnjamesjohn, eelkahr, hormy, manila_sex_actor,DyEyD, carlo lovendino, Yhno, at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :) At syempre po sa mga friends natin sa fb.






              Pwede nyo po pala ako macontact sa mga sumusunod. Favor na rin pala. Hehehehe ^_^

              Fb Add- http://www.facebook.com/kenji.bem.oya
              Fb Fanpage Like - http://www.facebook.com/minahalnibestfriend
              Blogsite - darkkenstories.blogspot.com

              COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED





Sa una ay medyo grogy pa si Ryan, yung tipong feeling ng bagong gising at di pa nakaka adjust ang mata sa liwanag. Pero mamaya maya ay sinubukan nitong ifocus ang tingin. Nakita ko syang nakatingin sakin. Agad ko syang nginitian. Tumango naman ito. Hinawakan ko muli ang mga kamay nito..

“Mahal ko…..”

Tiningnan ako nito na medyo hilo hilo pa.

“Hmmmm?”, mahinang sagot nito.

“Hinintay kita…”, umiiyak kong tugon.

“Hah?”

“Sa wakas! Gumising ka na.”, luha luha kong sabi.

Pero ang mga sumunod na nangyari ang tuluyang nakawasak sa mundo ko. At ang kinabigla ng lahat.

“Mahal?”, buong pagtatakang tanong ni Ryan.

“Asan ako?”, dagdag nito.

 “Huh? Nasa hospital ka. Naaksidente ka.”, umiiyak kong tugon.

“Eh teka doc, paanong?”

“Hah? Doc? Ako to si Andre.”

 “A-Andre? Sinong Andre?”, halatang confused ito.

Halos mabagsakan ako ng langit sa narinig. How could this be happening?

“Tumawag kayo ng doctor!”, biglang sigaw ni Chelsea. Lumabas naman si Andoy at Melai para tawagin ang doctor. Pinindot na din naming yung pantawag sa mga nurse.

Lumapit ako lalo kay Ryan at hinawakan ang mga kamay nito. Halata naman ang pagkagulat nito.

“Ryan. Ako to. Si Andre…”, pagpipilit ko.

“H-hindi kita kilala… Te-teka, A-aray ang sakit ng ulo ko. Asan ba ko?”, mahinang usal ni Ryan.

“Friend, andito tayo sa hospital. Naaksidente ka. Hindi mo ba natatandaan?”, alalang sagot ni Karen.

“Hospital? Naaksidente? Ako? Te-teka, Karen, andito ka? K-kelan pa? Bat andito ka?”, gulong gulong tanong ni Ryan. Lalo akong naiyak.

“Oo. Hospital, dito sa Manila. Naaksidente ka habang nagddrive.”, sagot ni Karen.

“Maynila? Nasa Manila ako? Teka, kung naaksidente ako.. Hah.. Sino ba sila?”, takot na sagot ni Ryan. Napatingin ito sa paligid at parang may hinahanap na kung sino. Ngaguguluhan naman ito na tila walang kilala ni  isa sa aming tropa nya. At ako, na mahal nya.

“Ryan, mahal ko.. Ako to si Andre…”, mangiyak ngiyak kong tugon sabay hawak muli sa kamay ni Ryan. Binawi naman nito agad ang kamay.

“Ma-mahal…? A-ako?? Karen!! Sino to?!”, tarantang sagot ni Ryan. Lumapit naman si Karen sa tabi ni Ryan at hinawakan ang kamay nito. Kapit na kapit naman ang hawak ni Ryan sa kamay ni Karen. Parang takot na takot at gulong gulo ang reaksyon sa mukha ni Ryan.

“Ryan, hindi mo ba sila natatandaan? Si Chelsea, Andoy, Melai, Gino, Brian, Kulas, at si Andre.. Ang boyfriend mo.”, pagpapaliwanag ni Karen.

Nakita kong biglang tumingin si Ryan sakin at pilit iniistema ang ichura ko.

“B-boyfriend….? Sya…? Pero paanong.. Teka, asan ba si Larc..?!”, tugon ni Ryan. Muli itong tumingin tingin sa paligid. Lumapit naman dahan dahan si Larc at tila naguguluhan din sa mga nangyayari.

Halos pakiramdam ko ay kainin ako ng lupa. Parang gusto kong isuka ang kalamnan ko. Nararamdaman ko ang pagbaliktad ng sikmura ko. Hindi ako matandaan ni Ryan. Bakit?!

Maya maya ay dumating ang doctor at chineck ang kalagayan ni Ryan. Matapos namang icheck ay lumapit ito sa amin at ipinaliwanag na mukhang nagkaroon ng amnesia si Ryan dahil sa trauma. Normal lang daw ito sa mga katulad nya na nagkaroon ng malalang head injury. Pero ang hindi lang daw nya matitiyak kung kelan, o kung babalik pa ang ala-ala nito.

Halos manlumo ako sa mga narinig. Nagiiyak ako at niyakap naman ako ni Karen.

“Bakit si Karen at Larc, natatandaan nya?”, tanong ko.

Ang sagot naman ng doctor ay hindi naman total amnesia ang nangyari kay Ryan. May certain point lang daw na  ang huling naaalala ni Ryan. Ang suhestiyon naman ni Karen ay baka ang pagpunta sa Maynila ni Ryan ang huli nyang natatandaan. At kaya sila natatandaan ay dahil magkakakilala na sila bago pa man din sya pumunta ng Maynila.

“Hindi maari to.. Pero pano…”, nanlulumo kong sabi.

Hinawakan naman ako ni Karen ng mahigpit sa paligid.

“Umayos ka nga! Hindi ito ang panahon para magbreak down ka. Ngayon mo mas higit kailangan magpakatatag, dahil mas ngayon ka kailangan ni Ryan.”, matigas na sabi ni Karen.

“Anong gagawin ko?”, lumo ko pa ring tanong.

“Kung alam ko lang ang sagot.. Pero pagtutulungan natin to.. Tsaka sa dami ba naman ng pinagdaanan nyo.. Ngayon ka pa susuko?!”

Napatango lang ako sa sinabi ni Karen. Tama sya, hindi ito ang panahon para manghina ako. Mas kailangan ako ni Ryan ngayon.

“Maaalala mo ko Ryan.. Maaalala mo ang lahat sa atin.. Pangako.”, mahina ngunit matapang na sabi ko sa sarili.

Dahil sa shock na natamo ni Ryan sa pagkagising ay sumakit ang ulo nito kaya pinagpahinga muna sya ng doktor.

Nakita kong  nakaupo lang sa tabi ni Ryan si Larc. Tahimik at nakatitig sa natutulog na si Ryan. Hindi ko alam ang iniisip nito. Pero kinakabahan ako. Lalo na ngayon ang natatandaan ni Ryan ay ang bago pa sya makapunta ng Maynila.. Ang ibig sabihin, ang alam nyang mahal nya, ay si Larc…..

“Ku-kuya….”, mahinang tawag ni Aaron sa akin. Niyakag ako nito na lumabas muna ng kwarto at magtungo sa park sa labas ng hospital.

“Oh, Aaron, bakit…?”, alalang tanong ko sa kapatid.

“Kuya… Sorry… So-sorry talaga… Kasalanan ko to… Hwag mo sabihing hindi ako ang may kasalanan dahil alam kong ako!! At ngayon, nawalan ng alalaala di Kuya Ryan ng dahil sa kaartehan at kalandian ko!!”, masamang masamang loob na daing ni Aaron sa akin. Agad ko naman itong niyakap.

Ayoko sisihin ang kapatid. Hindi ko sya sinisisi, at alam kong si Ryan ay ganun din. Ngunit wala akong naisagot sa kapatid kundi yakapin lang ito habang umiiyak. Ramdam ko sa pag-iyak nya ang lungkot at pagsisisi habang paulit ulit na nagsosorry.

Nang medyo kumalma na ako sa pag-iyak ay kinausap ko ng maayos ang kapatid.

“Look, Aaron.. Hindi ako galit sayo, at nasisiguro ko sayo na kung naaalala man tayo ng Kuya Ryan mo ngayon ay yun din ang sasabihin nya sayo. Hindi ko siguro maalis sayo yung pakiramdam ng guilt, pero ang magagawa natin ngayon ay tulungan ang Kuya Ryan mo na maka-alala.”pagpapaliwanag ko kay Aaron.

“Kuya, Hindi ako titigil. Kahit ano, gagawin ko para matulungan kayo.”, umiiyak ngunit paniniguro ni Aaron. Niyakap ko lang ito.



Si Ryan…

“Anong nangyayari..?”, tanong ko sa isip ko.

Nakapikit ako at ayaw ko muna dumilat dahil ibang iba sa huli kong natatandaan ang mga nangyari. Totoo ba ito? Bakit nangyayari to? Bakit wala akong matandaan? Totoo bang dalawang taon na ang lumipas? Ibig sabihin.. Graduate na ako? Bakit hindi ko matandaan? At teka, sino nga ba si Andre at bat sinasabi nyang boyfriend ko sya? Paano? Hindi ba si Larc ang mahal ko? Paanong naging si Andre ang boyfriend ko?

Naramdaman ko ang pagkapagod sa pagiisip. Kaya naisipan kong dumilat at harapin kung ano mang nangyayari kahit pa sobrang naguguluhan pa din ako.

Nakita ko agad si Larc pagdilat na pagdilat ko. Nakaupo lang ito sa tabi ko at nakatingin sakin. Nakita nya na akong dilat ngunit hindi sya nagsasalita. Bakit?

“Ryan…”, rinig kong salita. Agad akong napatingin sa pinanggalingan ng boses. Isang lalakeng mugto ang mga mata. Si A-Andre ata pangalan nya. Yung nagpakilalang boyfriend ko.

“Hmmm…?”, alinlangan kong sagot.

“May masakit ba sayo? Nagugutom ka ba..?”, tanong ni Andre. Nakaramdam din ako ng alinlangan sa boses nya.

“Ah.. Na-uuhaw ako.”, mahinang sagot ko. Agad naman nya akong kinuhanan ng maiinom.

Pinagmasdan ko sya habang kumukuha ng inumin. Hindi ako makapaniwala na boyfriend ko itong taong ito. I mean, kasi napaka obvious ng pagkakaiba naming. Sa ichura at pananamit nya palang, alam mo ng may kaya sya. Eh hamak na simpleng tao lang naman ako. Paano kaya naging boyfriend ko ang taong to.

“Ito…”, pag abot nya sa akin ng tubig. Uminom naman ako dahan dahan.

“Salamat.”, mahina kong tugon.

Tumingin ako sa paligid ng kwarto. Wala akong kilala talaga bukod kay Karen at Larc. Pero lahat sila ay kilala ako. So ibig sabihin, talagang nangyari ang lahat? Pero teka…!

“Ahm… A-Andre…?”, nahihiya kong tawag.

“Bakit Ma-mahal ko…”, medyo hininaan nya ang salitang mahal at napansin ang lungkot sa mukha nya.

“Asan ang mga magulang ko?”

“Ah! Papunta na sila…”, marahang sagot nya.

“Ganun ba…”

Napatingin ako muli sa loob ng silid. Napansin ko uli si Larc. Hindi pa din sya nagsasalita. Bakit ang tahimik nya? Nakakapanibago. Ni hindi man lang nya ako kinausap o binati simula ng magising ako.

“Huy Larc..!”, casual na tawag ko. Magulat naman ako sa rekasyon nya dahil parang nagulat sya.

“A-ah.. Uy.”, tipid nyang sagot.

“Ano bang nangyari sayo dyan at ang tahimik mo?!”, pagtatanong ko. Nakita ko syang napatingin kay Andre.

“Hah. Hindi. Pagod lang.”

“Aah.. Halika nga dito at lumapit ka. Para namang hindi mo ko bestfriend.”, sabay bigay ko ng ngiti.

Lumapit si Larc at umupi sa tabi ko. Napansin ko ang pamumuo ng luha sa mga mata nya. Bakit sya umiiyak?

“Oh, eh bat ka umiiyak?”, takang tanong ko.

Umiling lang ito at ngumiti sakin. Ang weird. Hindi ko alam pero iba ang pakiramdam. Parang may nagbago, o bago. Hindi ko maexplain.

“W-wala. Masaya lang ako, gising ka na.”, pagsagot nito.

“Eh bat ang tahimik mo pa din? Diba nga dapat masaya ka dahil gising na ko?”

“Masaya ako, Ryan.. Masayang masaya…”, sabay tulo ng luha nya.

“Alam mo, ang OA mo. Nakakapanibago ka, ha.”, pagbibiro ko. Pero hindi sya tumawa.

“Pagod nga lang ako..”

Napatingin ako kay Andre at nakita kong malungkot ang mukha nya. Hindi ko alam kung bakit. Pero somehow, affected ako sa mga tingin nyang yun.

“Kuya…”, pagtawag sakin ng isang binata.

“Y-yes..?”, pagsagot ko.

“K-kamusta ka na? Ako nga pala si Aaron. Kapatid ni Andre.”, magalang na pagpapakilala ng binata.

Aaron…? Aaron……? San ko ba narinig ang pangalan na yun?

“Medyo maayos naman. Hindi ko lang maigalaw pa ang mga paa ko.”, sagot ko. Bigla namang nagiiyak si Aaron na sya namang kinagulat ko.

“Kuya sorry.”, paglapit ni Aaron at hawak sa kamay ko. Nagulat nanaman ako.

“Sorry saan?”

“Ako ang may kasalanan kuya.. Kung di lang sana..”, pagiyak nya. Pinigil naman ito ni Andre.

“Aaron, huwag muna. Hayaan mo muna makapagpahinga at makauwi satin si Kuya mo.”, pagpigil ni Andre sa kapatid.

Ano daw? Uwi sakanila?! Magkasama kami sa bahay? Eh dib a ang plano ay kaila Larc ako magsstay?!

“Teka, sa inyo ako tumutuloy?”, tanong ko.

“Oo, Ryan.”, sabat ni Larc. Nagulat ako. Bakit?!

Nakita kong may pumasok ng pintuan, si Karen. May kasa kasama itong isang lalaki at babae. Hawak ng lalaki ang bag nya. Alam kong bag nya yun dahil bag pambabae ang dala. May boyfriend na si Karen?

“Oh, gising ka na pala ulit…”, alalang sabi ni Karen.

“Oh, Karen…”, sagot ko.

“Kamusta ka na?”, pagbati ng lalakeng kasama nya. Nakatingin lang ako. Siniko naman ni Karen ang lalake.

“Ay! Oo nga pala. Amnesia. Ako si Kulas. Pogi kong to, nakalimutan mo?”, pagbibiro nig nagpakilalang si Kulas. Medyo natawa naman ako sa pagka confident nya.

“Ako naman si Chelsea. Buti naman okay ka na friend.”, singit ng isang babae.

“Nako, alam ko naguguluhan ka Ryan.. Pero kapag naging okay na ang lahat ay ikkwento ko sayo ang lahat. Sa ngayon, magpahinga ka na lang muna. Parating na din sila tita.”, mahinahong sabi ni Karen sabay pakaawala ng ngiti.

“Mas gumanda ka Karen…”, pagsagot ko.

“Nako, iumpog kaya kita uli? Maganda naman talaga ko, noh! Hehehe.”, pagbibiro din ni Karen.

“Wala akong maalala..”, malungkot kong tugon. Umupo naman sa kama sat bi ko si Karen at hinaplos ang buhok ko.

“Okay lang yan. Huwag mo pilitin. Babalik din yan. Maaalala mo din ang lahat.”, paninigurado nya.

Napagod akong muli kaya sinabi kong matutulog muna ako ulit. Hindi ko alam pero ang dali ko mapagod. Kung totoo man nacoma ako ng matagal, bakit inaantok pa din ako eh ang tagal ko na ngang tulog.



Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog pero pag mulat ko ay nakita ko na ang Inay at Itay. Agad itong lumapit sa akin at niyakap ako.

“Susko, anak ko.”, pagiyak agad ng Inay.

“Nay….”, tanging nasambit ko.

“Mabuti naman at ayos ka na anak. Ang tagal ka naming ipnagdasal n asana magising ka na.”, sabi ng Itay.

“Kamusta ka na anak?”, luhang sabi ng Inay.

“Medyo nanghihina po, pero medyo mas maayos nap o. Hindi ko lang po maramdaman ang mga paa ko.”, pagsagot ko.

Nagkaroon kami ng kamustuhan mag-anak. Naikwento nila na iba na nga ang trabaho nila dahil may negosyo na daw kami. Nagulat ako at namangha sa mga nalaman. Kaya naman pala medyo naiba na rin ang ichura ng aking mga magulang. Hindi na masyado sunog ang balat sa pagtratrabaho ni Itay sa bukid. At hindi na ganun kapagod ang ichura ni Nanay sa paglalako at pagtratrabaho kung saan saan.




Nakalipas ang ilang araw at pwede na daw akong lumabas ng hospital. Doon daw ako iuuwi sa bahay naming nung Andre. Medyo alinlangan naman ako dahil hindi ko nga kilala si Andre. Or atleast hindi ko sya matandaan na nakilala ko sya.

“Asan si Larc?”, tanong ko.

“Ay friend, hindi sya makakapunta dahil may work sya.”, sagot ni Karen.

Nagtaka ako dahil bakit wala sya dito. At bakit nga ba ang cold nya sakin kahit pa nitong mga huling araw.

Sinakay ako sa wheelchair dahil hindi pa din ako makapaglakad ng maayos. Kailangan daw muna ako I therapy dahil sa tagal kong hindi nakapaglakad. Makakatayo pa naman daw ako, pero baka mahirapan ako.

Marahan akong isinakay sa sasakyan ni Andre. At tahimik lang ako sa loob ng sasakyan. Andun din si Karen at ang Kulas, na boyfriend nya nga pala talaga. Ang awkward sa loob ng sasakyan dahil tahimik ang lahat.

Pagdating naming sa bahay naming ni Andre ay umasa ko na pag nakapunta ako doon ay kahit papano, may maalala ako. Ngunit pagdating naming ay wala pa ding nagbago. Nanibago ako dahil kahit nakapunta na daw ako doon at doon pa nakatira, wala talaga akong maalala na nakapunta na ako dito.

“Welcome home.”, pagpasok ko ay may nakita akong banner na nakapaskil. Napatingin naman sa akin si Andre at naghihintay sa magiging reaksyon ko. Pero ano ba dapat kong i-react? Masaya ba? Paano?

Nagbigay ako ng tipid na ngiti. Niyakap nya ako. Nailang naman ako dahil kasama naming si Karen at Kulas.

“Salamat.”, nahihiya kong sabi.

Lumuhod si Andre sa harap ko dahil nga nakasakay pa din ako sa wheelchair. Nakatingin lang sya sa akin at nakangiti. Nakakailang.

“Mahal na mahal kita…”, sambit nya. Mas awkward sa feeling. Pero ngumiti ako ng bahagya.

“P-pasensya ka na.. Pakiramdam ko kasi….”, nahihiya kong sagot ngunit pinigil ako ni Andre.

“I know. Okay lang.. Maghihintay ako..”

Hintay. Maghihintay. Hintayin. Teka…

“Ano nga ulit yun?”, tanong ko.

“Ang sabi ko maghihintay ako…”, rinig kong buong sinceridad nyang sagot.

Gusto kong maawa para sakanya. Just looking at Andre, alam kong totoo ang sinasabi nya. Pero paano? Kung sa sarili ko ay hindi ko maramdaman o maalala kung ano nga bang meron kami. He was a complete stranger to me. Yun ang pakiramdam.

Nakatingin lang ako sa paligid ng tinutuluyan ko “daw” na bahay. Marangya ito. How can I be staying at this place? Totoo ba ito? Bakit dito ako napunta? Okay, I pictured in my mind na kung magsabi man ako kay Larc ng aking damdamin at ganun din ang nararamdaman nya ay sa ganto akong bahay din matutuloy dahil nga sa alam kong mayaman sila. Pero dahil nga wala naman akong balak sabihin sakanya ay nasa isip ko nab aka ka-level ko lang ang magiging kasama ko sa buhay.

Pero teka? Ano nga ba nangyari sa amin ni Larc? Bakit ba hindi na ako nakatira sakanila? Sigurado ako na tumira ako sakanila dahil yun ang plano naming. Talaga bang nagawa kong kalimutan ang pag-ibig ko para kay Larc? Bakit? Anong rason?

Sa pagmamasid ko sa buong kabahayan ay nakuha ng atensyon ko sa isang lamesa. May dalawang figurine ng angel dito at ang katabi naman ay isang picture frame. Inilapit ko ang sarili kahit medyo hirap. Hindi naman kasi ako sanay kumilos gamit ang wheelchair.

Kinuha ko ang picture frame at tiningnan ang larawan, kaming dalawa ni Andre. Hindi ko alam pero it felt very nostalgic. Hindi ko maalala kung kelan ba ito kinunan pero ramdam na ramdam ko na totoo ito. Lalo na dahil na rin sa ichura n gaming mga ngiti ni Andre. Andre looked so happy and I seemed very contented. Yun ang pinapakita ng larawan.

“May naalala ka ba?”, litaw ng isang boses. Napalinga ako at nakita si Andre. He was teary-eyed.

Napailing lang ako.

“Aah.. Ganun ba…”, malungkot nyang sabi. Hindi ko alam pero nakakaguilty sa pakiramdam.

“Ah..! Pahinga ka muna! Malamang pagod ka!”, pagpunas bigla ni Andre ng luha. He tried to compose himself. Pero kita sa mukha nya ang lungkot.

“Sorry ha.”, naiilang kong sagot.

“It’s okay.. Sabi ko sayo, maghihintay ako..”, kalmado nyang sagot.

“Maghihintay…?”, nasabi ko sa sarili ko habang tinutulak nya ang wheelchair papunta sa isang kwarto. Siguro ito ang kwarto naming dalawa.

Nang makapasok ay isinandal ni Andre ang likod ko sa kama at inayos ang mga paa ko. Dahil nga sa matagal tagal kong hindi nagamit ang mga paa ko ay hindi ko ito makilos pa ng maayos. Nakita ko naman si Karen na umupo sa tabi ko. Nasa likod naman nya ang pinakilala nyang boyfriend, si Ku…Kulot ata yun. Basta parang ganun.



SI Andre.

Masakit. Ano ba ang kasalanan ko at naging ganto ang pinagkahantungan naming ni Ryan? Ito nab a ang kabayaran sa mga kasalanan ko?

Hindi nya talaga ako naaalala. Kahit pa naka uwi na kami sa amin ay wala syang naalala kahit isa. And worst, ang hinahanap nya ay si Larc. Should I tell him kung anong ginawa sakanya ni Larc? Ayoko maging selfish. Nangako ako kay Ryan na hihintayin ko ang pagbabalik nya. He’s half way there. Hihintayin ko pa rin sya.

Lumabas muna ako ng kwarto. Iniwan si Ryan kasama sina Kulas at Karen. Ayoko ipakita kay Ryan na namumuo nanaman ang mga luha ko. Hindi ito makakatulong. Kailangan ko magpakatatag para sakanya.

“Hey… Are you alright..?”, alalang tanong ni Karen na di ko napansin na sumunod pala sa akin.

“Wala pa rin syang naaalala.”, simple kong sagot.

“Give it some time… Total, kakauwi pa lang naman nya. I’m sure, Ryan will remember everything soon.”, page encourage ni Karen.

“Yeah.”, sabay patak muli ng luha sa aking mata.

Nagulat na lang kami ng may narinig kaming nagsisisigaw mula sa kwarto ni Ryan. Agad kaming nagtatakbo ni Karen. Naabutan naman naming na umiiyak si Ryan at galit nag alit kay Kulas.

“Anong nangyayari dito?!”, pagsigaw ko.

“Umalis ka!!!!!!”, pagsigaw ni Ryan.











No comments: