Monday, September 17, 2012

The One Who Could Not Be Taken - Chapter 11

Photobucket

To those who believed in me. This chapter is made especially for you. Thanks for your support guys!


Chapter 11

Pabiling-biling sa kanyang hinihigaan si Dalisay. Kanina pa siya gising ngunit tinatamad siyang tumayo. Hindi rin niya iniintindi ang kanina pa kahol ng kahol na si Eneru na nasa bakuran niya. Patamad siyang nag-inat at nahagip ng tingin ang orasan.

Alas-otso na.

Usually ay tapos na siyang mag-ayos sa loob ng bahay sa mga oras na iyon. Nakaligo na rin siya at naghahanda ng magtrabaho sa kanyang work-room. Pero tinatamad talaga siya. Hindi naman siya buntis. At lalong wala siyang dinaramdam na kung anoman. Maliban na lang sa isang bagay.

Antisipasyon.

Isang buwan na rin ang nakalipas ng huli silang magkita ni Gabriel. Ayaw man niyang aminin ay gustong-gusto na niya itong makita. Kung sinoman ang nagpa-uso ng kasabihang "Absence makes the heart grow fonder" ay gusto niyang kutusan ng malakas at palakpakan at the same time.

Napabuga siya. Inis na inis sa sariling discriminasyon sa larangan ng pag-ibig. Bakit ba kasi niya hinayaan na mawala si Gabriel sa kanya? Mabibilang sa patak ng ulan ang mga pagkakataon na nagkakaroon ng interes sa kanya ang mga lalaki at kapwa niya bading dahil na rin sa pagiging mistulang anti-social niya.

Napailing-iling siya at ipinasyang tumayo.

Ang kinasanayang routine ay hindi muna niya ginawa. Kadalasan, nagsisimula siyang magligpit ng pinaghigaan at mag-ehersisyo pagkatapos. Maglinis. Magwalis. Magpakulo ng tubig na may itlog. Maliligo. Maglilinis ng banyo. Magbibihis. Papatayin ang pinakuluan. Ititimpla ang pinagpakuluan ng itlog sa kape. Mag-a-almusal. Aasikasuhin si Eneru. Magdidilig. Saka siya tutuloy para magtrabaho.

Subalit hindi ngayon.

Lahat ng kinasanayan niyang gawin ay nilaktawan niya. Just for this day. Wala naman sigurong mawawala kung hindi niya gagawin ang lahat ng iyon.

Imbes na magligpit ng pinaghigaan ay bumaba siya at lumaktaw sa pagpapakulo ng tubig. Pero wala iyong kasamang itlog.

Bagkus, kinuha niya ang kawali. Isinalang. At nagpasyang mag-omelet.

Kinuha rin niya ang kaning-lamig. Dinurog at isinangag pagkatapos maluto ng itlog. Pinatay na rin niya ang takure saka nagtimpla ng kape.

Napangiti siya.

Hindi niya sukat akalain na ang pagbali niya sa nakasanayang gawi ay magbibigay ng kakaibang kasiyahan sa  kanya. Isinunod niya ang paghahain saka lumabas para pakawalan si Eneru na tuwang-tuwa ng makita siya. Dinamba pa siya nito para dilaan na ikinatawa niya.

"Good boy." Aniya sa alaga.

Nang bumalik siya sa kusina ay nag-almusal siya kahit hindi pa nagse-sepilyo at naghihilamos. Wala namang nakakakita sa kanya kaya dedma lang.

Nang matapos ay inilagay lang niya sa lababo ang mga pinagkainan. Pinakain din niya si Eneru saka ito iniwan para iligpit ang mga gamit niya sa kwarto.

Hindi pa siya nakaka-akyat ng husto ay naririnig na niya ang pag-iingay ng kanyang cellphone. Nangungunot ang noong dinampot niya iyon nang makapasok.

2 Messages Received.

Binuksan niya ang mga mensahe at nakitang galing iyon kay Doc Roblen at Charles.

Kumusta ka? Attend ka naman ng meeting. Hindi ka na nakakapunta rito eh. Anang butihing doctor ni Eneru.

Sige. Anong oras? Sagot niya.

Binuksan niya naman ang kay Charles at nakitang ganoon din ang mensahe maliban sa karugtong nito na may sasabihin daw itong importante. Nag-reply siya ng OK saka ibinaba ang aparato sa side-table.

Nagliligpit na siya ng pinaghigaan ng mag-ring ang kanyang cellphone.

It was Doc Roblen.

Sinagot niya agad ito.

"Hello, Doc. Good Morning!" masigla niyang bati.

"Hi! Buti naman at sumagot ka. Akala ko joke lang yung pagtatanong mo kaya tinawagan na kita," sagot ni Doc Roblen.

"Pwede ba namang maging joke yun?"

"I don't know. May pagka-aloof ka kasi. Hindi ako sanay na sumasang-ayon ka kaagad sa amin. Anyway, bago pa magbago ang isip mo. Mag-start kami ng meeting ng mga one o'clock. Same place. Sa Something's Fishy sa Libis. Pumunta ka. May bago tayong member. Gwapo ito." Sunod-sunod na pag-i-inform sa kanya nito.

Napailing siya sa tinuran ni Doc Roblen. "I will. Kahit wala pa kayong kasamang gwapo. I-kumusta mo ako kina Lance at sa iba pa."

"Sure. See you." Anito at tinapos na ang tawag.

Nangingiting inilapag niya ulit ang aparato saka itinuloy ang mga gawain. Naglinis na rin siya sa bahay at naligo.

Pagkatapos ay saka siya nag-check ng mga e-mails at sinagot ang ilan sa mga iyon. Tinapos din niya ang mga naka-pending na first page credits para sa mga nobela niyang katatapos lang gawin.

Napangiti ulit siya.

He felt accomplished. Light.

Tiningnan niya ang oras. Alas-onse na. Sakto lang para magbihis siya at bumiyahe sa editor niya at pumunta sa meeting nila Doc Roblen na matagal na siyang niyayayang sumali sa entrepreneur's club na pinamumunuan nito.


NAGHAHANAP siya ng pagpaparadahan nang makita niya si Charles na naglalakad. Tatawagin niya sana ito subalit napigilan siya ng makitang may kasama itong pamilyar na pamilyar hindi lang sa kanyang mga mata kundi pati sa kanyang puso.

Medyo nangayayat ang ito subalit hindi noon nabawasan ang kagwapuhang taglay ng nilalang na tinititigan niya. Nagulat pa siya ng makarinig ng malakas na busina sa kanyang likuran. Napa-preno siya ng malakas. Muntikan na siyang makabangga pala sa kakatitig kay Gabriel.

Yes. It was Gabriel who made him unaware of almost everything.

Napapalatak siya. Mabuti na lang at hindi siya nadisgrasya. Mabilis siyang tumingin sa panig nila Charles at Gabriel at laking pasasalamat niya na hindi ito nakatingin sa nangyari.

Hindi niya sukat akalain na ang simpleng pagtanaw dito ay magdudulot ng ganoong pakiramdam sa kanya. Mistula siyang school-girl na natulala ng makita ang crush sa kauna-unahang pagkakataon.

Nang makaparada ay tinalunton niya ang daan papunta sa Something's Fishy. Natanawan niya agad ang grupo nila Doc Roblen na nasa loob na ng establisyimento ng makapasok siya.

Malamig ang hanging bumungad sa kanya pagpasok doon ngunit hindi iyon ang dahilan kung bakit siya biglang nanigas sa kinatatayuan.

Sitting beside Doc Roblen and Charles is the most handsome creature he ever laid his eyes on. Naka-crew cut ito. Exposing his beautiful eyebrows and chiselled chin. Naramdaman siguro nito na may nakatingin dito kaya nagbaling ito ng tingin sa gawi niya.

Their eyes met.

Ang kaninang walang buhay na mata nito ay biglang kuminang pagkakita sa kanya at pakiramdam niya ay ganoon din siya ng mga oras na iyon.

Nagulat pa siya ng tawagin siya ni Doc Roblen. "Dalisay! Mabuti at nandito ka na."

Napapitlag siya ng kaunti at inayos ang sarili. Ngumiti siya ng tipid at sinagot ito habang naglalakad. "I promised to come, hindi ba?"

Nang makalapit siya sa table ng mga ito ay para siyang robot na bilang na bilang ang gagawin. Nahugot niya ang paghinga ng ipaghila siya ng silya ni Doc Roblen katapat ang silya ni Gabriel na hindi siya tinatantanan ng tingin. Ilang na ilang tuloy siya.

"Buti naman at lumabas ka sa lungga mo," si Lance.

Binalingan niya ito at binati. "Hindi kasi ako busy," dagdag pa niya.

"Good," kibit-balikat na sabi nito.

"Dalisay. I want you to meet Gabriel. He's our newest member dito sa club. Gabriel, the incomparable writer Dalisay." Pagpapakilala sa kanya ni Doc Roblen sa binata.

Ngumiti sa kanya si Gabriel at inilahad ang kamay sa pagtataka niya. "Hi, I'm Gabriel."

Na-miss niya ang boses nito. Muntik na siyang mapaluha ng magpakilala ito sa kanya kundi lang niya naalala ang kundisyon na ibinigay niya rito.

We'll treat each other as strangers the next time we meet...

Iniabot niya ang kamay dito and the moment their palms meet, thousands of electric shocks was sent into his system. Bahagya pa siyang kinilig. Dalangin lang niyang hindi nito iyon naramdaman.

"Hello. I'm Dalisay." Kimi niyang sagot.

"Hindi ko alam na may sikat pala kayong member," ani Gabriel na hindi binibitiwan ang kanyang kamay.

"Ah... Hindi pa siya member dito. Magpapa-member pa lang. Hindi ba, Dalisay?" sagot ni Doc Roblen sa inquiry ni Gabriel kahit pa walang partikular na tinatanong ang huli.

"O-oo nga." Nauutal niyang sabi.

Siya na ang kusang bumitiw dito kahit pa ayaw niya. Kung pwede lang, kukunin niya ang lahat ng sadaling maaari silang maghawak o magdikit man lang. Ganoon niya ito na-miss.

"Ok. Since nandito na ang lahat. Pwede na tayong magsimula," putol ni Doc Roblen sa pagmo-moment niya ng mga sandaling iyon.

"T-teka lang..." Si Charles.

Lahat ay takang napalingon dito. Maging silang dalawa ni Gabriel. Sa hitsura at timpla nito, mukha itong constipated na ewan.

"Ano iyon Charles?" tanong ni Doc Roblen dito.

"Ah... Eh... Pwede ka bang m-maka-usap, Jordan?" Charles asked nervously.

Nangunot ang noo niya sa tinuran nito. Ginamit nito ang tunay niyang pangalan kaya malamang ay importante ang sasabihin nito.

"Why?" he asked.

"D-doon sana sa labas. Y-yung tayong dalawa lang." Kabado pa ring sabi nito.

Nagtataka man ay pumayag siya. Sandali niyang sinulyapan si Gabriel na nang mga oras na iyon ay bahagyang nagdilim ang anyo.

"W-we'll be right back." Nahihiya niyang sabi sa mga naroroon.

Nang makalabas sila ni Charles ay mukha pa rin itong tuliro na palad-lakad. Halos makarating na sila sa Richmonde Hotel ay hindi pa rin ito nagsasalita.

"Charles!" tawag niya rito.

"Y-yes?!" natitigilang sambit nito. Tumigil din ito sa paglalakad.

"Wala akong planong sundan ang paglalakad mo buong araw. Kaya kung may sasabihin ka, sabihin mo na agad. Nakakahiya sa mga iniwan natin doon." Naiinis na sabi niya.

Bantulot itong humarap sa kanya.

"Anong sasabihin mo?" His arms akimbo.

Nakita pa niya ang paglunok nito baga nagsalita. "I-i m-made a mistake. Sana m-mapatawad mo a-ako."

Lalo siyang naintriga sa sinabi nito.

"What do you mean?"

"G-ganito kasi yun. Nakipagpustahan ako kay Gabriel. Y-yung pinakilala sa iyo kanina. And the bet was about someone who could not be taken." Nagkakanda-utal na sabi pa ni Charles.

"What? Anong konek nun sa akin?" asar niyang sabi.

Paglalakarin siya nito sa katanghaliang-tapat sa Libis tapos yun lang pala ang sasabihin nito. Na nakipagpustahan ito kay Gabriel about someone whou could not be taken. Kaloka.

"Taken by whom?" tanong niya.

"B-by him. W-we made a bet na hindi lahat ng bading o bisexual ay makakaya niyang maging boyfriend. I was so frustrated to prove him wrong. K-kaya naman... Kaya naman... naisip kita," pagpapatuloy nito.

Kinabahan siyang bigla. Mukhang hindi niya magugustuhan ang ibig nitong tukuyin.

"W-what do you mean?" kabado na rin niyang tanong.

"I-i told him that there is a particular person who could not be taken by his charms. Na hindi pa niya natutuklasan ang lahat ng planeta. Na hindi niya kayang gawing jowa ang lahat ng popormahan niya. And I told him that you were that someone who could not be taken," dire-diretso nitong sabi.

Natigilan siya. Sinasabi na nga ba niya. Hindi siya makapaniwala sa mga narinig. After all this time. Isang pustahan lang pala ang nasa likod ng pangungulit sa kanya ni Gabriel noon. That he was taking him for a fool. At gaga naman siya para magpa-uto dito na totoo ang lahat ng sinasabi at nararamdaman nito sa kanya noon. How cruel!

"J-jordan! Sorry! Sana mapatawad mo ako. I-i lost the bet. Na-in-love sa iyo si Gabriel. He told me himself. Pero hindi ko kayang maging masaya na nanalo nga ako ng two-hundred thousand pero pinagpustahan ka naman namin kahit pa totoo naman na in-love siya sa iyo."

Kung sa ibang pagkakataon ay nagtatalon siya sa tuwa sa deklarasyon na iyon ni Charles. But the revelations just now are difficult to swallow. Wala siyang matanggap sa mga rason na sinasabi sa kanya ng kausap niya ngayon. Pero may isang bagay na malinaw sa kanya. Pinaglaruan siya.

Ito at si Gabriel.

"Jordan..."

Hinamig niya ang sarili.

"Magkano ulit ang pustahan ninyo?" he asked.

"T-two hundred thousand. Saka yung Audemars Piguet watch ko."

Napabuga siya.

"At least, mahal ang pustahan ninyo," aniya sa kontroladong tinig.

Gusto niyang palakpakan ang sarili sa pagkakataong iyon dahil hindi siya nagpapadala sa emosyon niya. Kung iba iyon, malamang umiyak na ng umiyak at nagwala sa galit. Ngunit hindi siya ganoon.

Not Dalsiay Diaz.

"I'm sorry, Jordan." said Charles.

Nagtaas siya ng mukha. "Save your sorry Charles. Kakausapin ko lang ang kaibigan mo. Tatanungin. Ako ang magdedesisyon kung patatawarin ba kita o hindi." aniya rito saka mabilis na tumalikod at bumalik sa lugar kung saan naroon si Gabriel nang mabangga siya sa isang solidong katawan na gad siyang inalalayan.

"Hindi na kailangan. I'm already here."

Mahilo-hilo man siya ay kilalang-kilala naman niya ang taong nagmamay-ari ng katawang iyon. Though his senses was assaulted by the man's scent, he wouldn't let it cloud up his senses. Hindi pwede. Hanggang hindi sila nagkakaliwanagan.

Itutuloy...



DISCLAIMER: All the characters in this story have no existence whatsoever outside the imagination of the author, or have no relation to anyone having the same name or names. They are just distantly inspired by any individual known to the author, and all the incidents are merely invention.

7 comments:

Lawfer said...

aun! bukingan na :D
exciting :))

thanks sa update ms.D ^w^

DALISAY said...

Salamat din sa pagbabasa, Lawfer.

dhenxo said...

Nice chapter mom. I miss them lalo na ung unang nag-comment. :)))

robert_mendoza94@yahoo.com said...

Wow! At last may update na. . . Hope magka aus clang dalawa at mag bloom ang pagmamahalan nila. Update sna ule. Tnx!

DALISAY said...

Salamat, Robert. finale na ang kasunod.

DALISAY said...

May ganoong factor, nak? Haha

Chiichoi/Sophia Victoria said...

WOW! Hindi ko alakalaing bukingan portion na pala! Oh yeah! What is gonna happen next? WOW talaga!