Author:Rovi/Unbroken
FB:Iheytmahex632@gmail.com
BLOG:http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com/
NOTE:Salamat sa lahat ng nagbasa at nagcomment sa story na to. Salamat sa iilan. Haha!
:)
Napatitig nalang ako sa kawalan.
Halfhearted na ako kung sasama ako kay Raf o hindi. Hindi ko alam kung bakti bigla nalang syang tumawag at madali akong pinapupunta doon sa may intersection. Ni hindi ko pa naayos ng husto ang aking mga gamit. Natataranta na ako sa mga maaari pang mangyari.
Isang malalim na hininga. Yun ang kailangan ko for the moment.
Unconsciously, naramdaman ko nalang na kumikilos mag-isa ang aking katawan. Dali-dali kong inimpake ang ilan sa aking mga damit. Sapat na ito para sa akin. Kinuha ko ang aking mga cards at ilan sa aking mga ID's, just in case na kailanganin ko ito.
Naayos ko ang aking mga gamit. Masyadong mabilis.
“Aasahan kita bukas ng gabi. Pag di ka dumating di mo na ako makikita ulit. Kahit kailan.”
Patuloy na nag-eecho sa aking utak ang sinabi na yan ni Raf sa akin. Ito siguro ang dahilan kung bakit, kahit alam kong mali at ako ay parang ako ay magpapakatanga lang. Having Raf with me forever will truly be happiness, pero I think that equates na dapat kong talikuran lahat ng tao sa kwento ko, habangbuhay.
Hindi ko alam. Kaligayahan ba ang pipiliin ko o magstick ako sa mga bagay na nakasanayan ko kahit alam kong di nila ako mapapasaya?
Iniwan ko ang aking bag sa kama at nagpasyang pumunta sa banyo para maligo.
Habang tumatama ang malamig na tubig mula sa shower ay naiisip ko ang mga bagay-bagay na dati pa bumabagabag sa akin.
Ako pa ba ito?
Bakit parang ibang-iba na ako ngayon?
Ganoon ba ako talaga katanga pagdating sa pagibig?
Handa ko ba talagang iwanan ang mundo ko para kay Raf?
Ano ang dapat kong i-expect sa gagawin naming pagtakas sa mundo?
Nasaan ba si Raf?
Bakit kailangan pa nya akong papiliin ngayon?
Sasaya ba talaga ako sa isang diktador na gaya nya?
Ano ba talaga ang gusto kong gawin?
Tumulo ang aking luha.
Natapos akong maligo na punong-puno ng pagtataka ang aking utak. Alam kong dapat masagot ang lahat ng mga ito pero di ko alam kung paano. Siguro nga, dapat akong pumunta sa meeting place natin para hanapin lahat ng kasagutan. Pag nasagot nya lahat, dun ako sasama sa kanya. Hindi ko alam ang dapat kong gawin.
Kaya ko to.
Nagbihis ako at kumuha lamang ng isang simpleng white T-shirt at maong pa pantalon.
I put my favorite scent on. Mabilis akong bumaba ng bahay at lumabas. Hindi ko na dinala ang aking mga inempakeng mga gamit. Hindi ako sasama pag hindi ko nagustuhan ang kanyang mga paliwanag. Sasama ako pag naging okay ang aming paguusap. Marahil ay tama ito. Kahit kaunti ay may katinuan pa palang natitira sa utak ko.
Lumabas ako ng gate ng bahay. Nag-aabang ako ng taxi nang biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Parang wala akong nararamdaman, ininda ko ang mabigat na patak ng ulan sa aking balat. Ilang segundo pa, may dumating ng taxi at ako ay mabilis na nakasakay.
“Manong, intersection lang po tayo.”
“Sir, gabi na po. Delikado na sa intersection.”
“Manong okay lang. Urgent lang po.”
“Sigurado ho kayo Sir?”
“Oo Kuya.”
“Sige po.”
Wala pang 20 minutes ay narating ko na rin ang intersection. Maingat akong bumaba ng taxi at alertong luminga-linga sa paligid. Wala akong nakikitang tao. Kahit papaano, nakaramdam ako ng ginhawa. Pinipilit kong maging kalmado kahit alam kong pugad ng patayan ang lugar na ito.
I stood near the flickering post light. Walang anino ni Raf.
I didn't know what to feel. Nagmamadali syang pumunta ako pero wala sya. Ano ba naman yun? Maybe he's just tripping. He's up for a ride. At hindi ko alam kung ano yun.
May 5 minuto na ang nakakaraan, wala pa rin sya. Tinignan ko ang paligid at may mangilan-ngilan na dumadaan. So far, wala pa nama akong suspicious na nakikita. Mukha naman silang normal at parang di naman gagawa ng masama. Pero kahit na, natatakot pa rin ako.
Nasaan na ba si Raf?
Nanatili akong nakatayo sa patay-sinding ilaw ng poste. Creepy kung tutuusin dahil sinasabayan pa ng malamig na hangin. Pero hindi ko ininda, dapat makausap ko si Raf ngayon.
Lumipas ang 15 minuto, wala pa rin si Raf.
Naiinip na ako.
Lumakad ako papalapit sa kalsada. Biglang may huminto na kotse sa akin.
Binaba nito ang bintana, isang matandang Chinese ang aking nakita.
Ngumiti ito sa akin at nagwika.
“Magkano?”
“Ha”
“Magkano?”
Hindi ko maintindihan ang sinasabi nya.
“Ano po?”
“Magkano ang isang gabi?”
Napatulala ako sa kanyang sinabi at natauhan.
I smiled and just gently refused.
“Di po ako ganun. May inaantay lang ako.”
Ngumiti lang sya at nagdrive ng papalayo.
Naiwan akong muli mag-isa.
Lumipas ang 30 minuto. Wala pa rin si Raf. Hindi ko alam kung aalis na ba ako o hindi.
“Jared!”
I tried to recognize the voice. It's Raf's. Hinahanap ko agad kung saan nanggaling ang boses na iyon at nakita ko si Raf na nakatayo malapit sa poste na kinatatayuan ko kanina.
Naaninag ko si Raf mula sa aking kinatatayuan. Nagulat ako, bakit parang ang payat nya at parang nagmukha syang matanda? Bakit parang iba na yung balat nya? Bakit parang ang tuyot? Bakit parang may mali. Hindi ko alam kung ano, pero parang may mali sa kanya. He looks weird.
“Jared!”
Marahan akong lumapit sa kanyang kinatatayuan. Inaninag ko kung sya ba talaga si Raf.
“Jared!”
“Raf? Ikaw ba yan?”
Kita ko ang excitement sa mata ni Raf. Hindi ko alam pero ang saya nya nang makita nya ako. Kahit na nagaalangan, dahan-dahan akong lumapit sa kanya. The moment I saw his face, gusto ko ng tumakbo. Hindi sya ang Raf na kilala ko, ibang-iba ang kanyang mukha.
Nakaramdam ako ng kakaiba. Well oo, may resemblance sya pero alam kong hindi sya yon. Same set of eyes at moreno, pero bakit ang laki ng itinanda nya? Hindi to pwede, siguro dala lang ito ng tinira ko kanina. Hindi to maari.
Naramdaman ko nalang ang pagdampi ng kamay ni Raf sa aking mukha. Kung tutuusin ay dapat masaya ako dahil sa aming pagkikita, pero hindi ko maipaliwanag kung bakit iba ang pakiramdam ko. Dama ko ang mainit nyang palad na gumagalugad sa aking mukha, ramdam ko ang init ng kanyang katawan, pero di ko alam, may mali.
Imbis na makaramdam ng kilig ay nakaramdam ako ng takot. Ngayon, nakikita ko na ang mukha ni Raf. Si Raf nga sya, oo. Lubog na lubog lang ang kanyang mata at parang luluwa na ito sa laki. Kita ko rin ang labis na pamumula nito maging ang maliliit nitong ugat. Kita ko rin ang mga kunot sa kanyang noo. Hindi ko alam.
Totoo ba ang nakikita ko? O lumilipad na naman ako? Ano ang nangyayari sa akin?
“Jared? Bakit wala kang dalang gamit?”
The question caught me off-guard.
“Ha?”
“Bakit wala kang gamit na dala? Akala ko ba aalis na tayo? Bakit wala kang dalang bag at gamit?”
Rumehistro ang galit sa mukha ni Raf. Hindi ko alam ang gagawin ko.
“E-eh kasi Raf, ano eh.”
“Anong-ano? Di ka sasama sakin Jared? Ha?”
“Raf gusto ko lang linawin lahat. Ang dami kong mga tanong at alam kong ikaw lang ang makakasagot nito.”
Nanahimik si Raf. Halatang may iniisip.
“Anong gusto mong malaman Jared?” nasabi nito, nagpipigil ng galit
“5 o 6 na taon kang nawala. Saan ka nagpunta?” nanginginig kong tanong
Tumitig ito sa akin at tiim-bagang nagwika.
“Wala ka bang tiwala sa akin Jared?”
“Raf, meron! Pero gusto kong malaman kung ano ba talagang nangyari sayo? Bakit bigla kang nawala! Bakit iniwan mo ako noon!”
Hinawakan nito ang aking braso, mahigpit. Ramdam ko ang sakit, hindi ito basta lang hawak, pinipiga nya ang wrist ko.
“Anong sabi ko sayo Jared?”
Tahimik.
“Anong sabi ko sayo Jared!” pasigaw nitong sabi
“Wag mo akong sigawan!”
Mabilis akong kinaladkad ni Raf pababa sa gilid ng gutter. Hindi ako makapalag dahil hamak na mas malakas sya sa akin. Hawak pa rin nya ako sa aking braso. Mas bumigat ang kanyang pagpiga dito, di ko maiwasang di mapangiwi.
“Anong sabi ko sa'yo Jared? Diba ang sabi ko sayo, wag na wag kang magtatanong!”
“Gusto ko lang malaman Raf. Ang laking puzzle sa utak ko kung ano ba talagang nangyari!”
“Wala ka bang tiwala?”
“Me-meron naman. Bakit ba ayaw mong sabihin!” napasigaw na rin ako
Natahimik kaming dalawa. Naramdaman namin ang unti-unting pagihip ng malamig na hangin sa madilim na sulok ng intersection na aming kinalalagyan. Dahan-dahan nyang niluwagan ang pagkakapiga nya sa aking braso. Mabilis akong kumalas at lumakad papalayo.
“Saan ka pupunta Jared?”
“Uuwi na ako sa amin!”
Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng galit. Bakit ba parang lagi nalang akong sunod ng sunod? Bakit parang konting kibot nya ay mangingig na ako sa takot? Bakit para akong aso na tango nalang ng tango?
“Hindi ka sasama sa akin?” galit na sabi ni Raf
Hindi ko sya iniintindi. Patuloy ako sa paglakad papalayo sa dilim.
“Ano Jared? Hindi ka na ba sasama sa akin ha?” pasinghal na sabi nito
“Putang ina ka pala eh!”
“Hoy Jared! Akala ko ba aalis na tayo! Bakit ngayon aalis ka? Ano ba!”
Hinayaan ko syang maglitanya. Puro sigaw, pulos mura ang naririnig ko sa kanya. Sya ba talaga ang lalaking minahal at inantay ko ng pagkatagal-tagal?
Tumayo ako sa ilalim ng ilaw. Nagantay ng taxi. Nakita kong nakabuntot sa akin si Raf.
“Ayoko na Raf.”
“Jared!”
“Ang sabi ko ayoko na.”
“Bakit? Putang ina!”
Tinignan ko syang muli. Ang pula ng mata nya. Halatang hayok na hayok na naman sa droga.
“Bakit Jared? Ahhh, sabagay di mo naman ako minahal eh.”
“Minahal mo lang ako kasi sex lang naman ang habol mo sakin Jared eh.”
“Ayan, ngayong nakatikim ka na naman ng iba, ayan iiwan mo na ako.”
“Eh putangina ka pala eh? Ano ako parausan mo lang Jared? Alam kong hindi mo naman ako minahal o mahal. Sex toy lang ang tingin mo sakin.”
Nairita ako sa mga narinig ko.
“Raf? Naririnig mo ba yung sinasabi mo?”
Tumingin si Raf sa akin,blanko.
“Paliwanag. Yun lang ang hinihingi ko.”
“Hindi naman siguro masamang humingi ng kahit konting paliwanag Raf? Ilang taon mo din akong iniwan sa ere. Tapos babalik ka at imamando mo ang buhay ko?”
“Raf? Mahirap bang magpaliwanag kung anong nangyari at bakit mo ako iniwan?”
“Mahirap ba yon?” pasigaw kong sabi
“Eh sa ayokong magpaliwanag eh!”
“Fine! Tapusin na natin to!” galit kong sagot
“Tapusin na natin? May reserba ka nga pala. Yung syotang mong pumapatol sa bakla!”
“Hayop ka Raf!”
“Mahal kita, pero kung hindi mo maibigay yung simpleng paliwanag na hinihingi ko, mabuti pang magsimula nalang ako ng bagong buhay kasama ang fiancee ko.” dagdag ko pa
Napapikit ako at nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga.
Dinilat ko ang aking mga mata. Wala si Raf sa paligid. Mas lumakas ang iyak ng hangin. Mas ramdam ko ang nakakakilabot na hagod nito. Luminga-linga ako sa paligid, wala si Raf. Hindi ito maari.
Ramdam ko ang kakaibang takot. Sino yung kausap ko kanina? Sino yung kaaway ko kanina? Nasaan si Raf? Nasaan si Raf? Bakit? Bakit bigla syang nawala? Nasaan na ako? Bakit nagkakaganito?
Biglang bumuhos ang malakas na ulan. Kita ko rin ang pagguhit ng kidlat sa langit. Nabasa ako. Nanatili akong nakatayo sa ilalim ng poste. Nasaan si Raf? Nasaan si Raf? Bakit nawala si Raf?
“Jaaareeeeddd.”
“Jaaaarrreeeddd..”
Andyan na naman sila. Kukunin na nila ako. Bakit? Wala akong ginagawang masama.
“Jarrreedddd.”
“Jaaaarrreeeeeedddd...”
“Jaaaaarrreeeeeeddddd”
Mas lumakas ang ulan at mas naging frequent ang pagkidlat. Hindi ito maganda.
Patuloy pa rin ang pagtawag nila sa pangalan ko.
“Jaaarrrreeeed”
“Jaaaaaarrreeeeeddd...”
“Sumaaammaaaa kaaa naaa saa aaaaakkiiinnnn.”
Hindi. Hindi ako sasama. Hindi ako sasama!
Mabilis akong tumakbo. Mabilis akong tumakbo. Lumayo ako at gumitna sa kalsada. Hindi nila ako mahahabol. Hindi ako mahahabol ni Raf. Hindi nya ako makukuha. Magkikita kami ni Kath at magpapakasal kami. Hindi nila ako maisasama sa impiyerno! Hindi nila ako maisasama sa impyerno.
Hindi.
Ayan na. May kasalubong akong isang liwanag. Ayan na. Magtatama na kami at magiging ligtas na ako. Maililigtas na ako ng liwanag. Takbo. Takbo. Takbo.
Liwanag! Malapit na akong makarating sa iyo. Malapit na!
Tumama ang aking katawan sa isang matigas na bagay na pinagmumulan ng liwanag. Ramdam ko ang pagtilapon ng aking katawan. Matindi ang pagbagsak ng aking katawan sa malamig at basang kalsada. Muli, ako ay kinain ng kadiliman. Muli, ako ay kinain ng kadiliman. Muli, ako ay kinain ng kadiliman.
W A K A S
A compilation of my thoughts, dreams and fantasies. Stories that describes best my simple wishes in life. In addition to that, I asked friends to contribute their talents in this site where reality and fantasy are as one. Welcome to my site. Welcome to my heart. I am Dalisay.
No comments:
Post a Comment