Tuesday, June 7, 2011

Earl and the Grumpy Flirt named Ronnie - Chapter 9

Photobucket


Chapter 9 (Battlefield)


Panay ang buntong-hininga ni Earl sa bahaging iyon ng classroom. Wala siyang ibang makuhang gawin. Kahit ang isipin ang mga importanteng subjects na kailangan niyang aralin. Maging ang lahat ng mga raket niyang term papers di rin niya maintindi. Wala siyang ganang intindihin ang lahat ng iyon at iisa lang ang dahilan ng lahat ng kaguluhang nagaganap ngayon sa sistema niya. 

Si Ronnie.

Kung bakit naman kasi nagbalik pa ito kung kailan pinaghahandaan niya na ang paglimot dito.

Nililimot mo nga ba?

Hindi siya makasagot sa sariling tanong. Totoo naman kasi na nagpapanggap lang siya, but the truth is, he's not over Ronnie yet. Kaya ngayon, nagkakandapeste-peste ang dati nang payapa niyang buhay. Iniisip niya na kung hindi dahil sa panghahalik na ginawa nito sa kanya noong gabi ng birthday ni Freia ay hindi sila magkakaroon ng ugnayan na dalawa.

It started with a kiss.

Indeed. Now, he was confused. Dapat na ba niyang tigilan si Ronnie o ipaglalaban pa niya ang pagsintang purorot na meron siya rito?

Which is which?

"Haayy!!! Ang hirap mag-isip!" parang timang na pagkausap niya sa sarili.

"Ano namang iniisip mo?" anang isang tinig.

"Ay kabayo!" tili niya.

Natatawang inagapan siya ng hawak sa isang braso ng may-ari ng tinig. Nang mapatingin siya kung sino ito ay laking panghihinayang niya. Si Russ lang pala.

Bakit? Hoping ka na si Ronnie ang gugulat sa'yo?

Iwinaksi niya ang malditang bahagi ng isip niya. "R-russ! Ikaw pala."

Ngumiti ito. "Masyadong malalim ang iniisip mo kanina. Para tuloy gusto kong bilhin ng piso ang mga iyon."

Umingos siya sa lantarang kakornihan nito. Mabuti na lang at siya lang mag-isa ang nasa loob ng room nila kung hindi ay may nakarinig na sa slight flirtations na ginagawa nito.

"Makita ka ni Freia dito." sabi na lang niya.

"Hindi naman siya ang pinuntahan ko rito eh."

"Tse! Kapag nag-away kami ng kaibigan kong iyon ng dahil sa'yo, kukulamin kita."

"Kinulam mo na nga yata ako eh. Hindi ka na maalis sa isip ko."

Nasamid siyang bigla. "Dahan-dahan ka nga sa mga banat mo. Kinikilabutan ako."

"Is that a good thing or not?" kunot-noong sabi ni Russ.

"It's a joke." aniyang pinanlalakihan ito ng mata.

"Ah... alam mo ang cute mo talaga Earl."

"Matagal ko ng alam iyan kabayan."

"Di ka rin mayabang no?"

Umiling siya. "Ang tawag diyan, confidence."

"Ah... akala ko charm. Kasi, it looked like you charmed your way through my heart the first time I saw you."

Napapalakpak siya. 

"Hanep ang banat mo tsong! Kay Freia mo kaya sabihin iyan."

Napa-iling ito sabay bugha ng malalim na hininga. "Earl... kailan mo kaya ako seseryosohin?"

Siya naman ang natigilan at marahas na nilingon ito pagkuwan. "Teka... seryoso ka ba sa sinasabi mo?"

Tinitigan siya ni Russ bago nagsalita. "Mukha ba akong nagbibiro lang Earl?"

"A-aba... malay ko?" 

"I really like you Earl. Kahit ano pa ang sirkumstansiya na nakapaligid sa atin."

"Wow pare... ang lalim. Paki-explain."

"I know you know what I'm talking about."

Naumid ang dila niyang bigla. Og course he knew. Ex ito ng boyfriend niyang si Ronnie and that's what make it complicated.

Excuse me. Pretend boyfriend mo lang siya.

Mapakla siyang napangiti. Oo nga pala, hindi nga pala sila ni Ronnie sa totoong kahulugan ng salitang magkarelasyon nabibilang. Nagpapanggap lang pala sila. Sinabi na rin nito iyon mismo.

"Did you have to rub it in?" mahinang bulong niya.

"I'm sorry. I didn't mean to confuse you more." halos pabulong rin na sagot ni Russ.

Napailing siya. Mabuti na lang at hindi nito na-gets. Dahil ang katagang binitiwan niya ay para rin sa sarili niya. Nahihibang na talaga siya. Mabuti pa ang adik, may mga relapses na nagaganap sa sarili dahil sa pagte-take ng bawal na gamot. Eh siya, ni cough syrup nga hindi pa nakatikim pero para siyang adik na nagkakaroon ng relapses.

"It's not your fault Russ. Kung sana, ganoon lang kadaling ilipat ang pagtingin sa isang tao. Pero hindi eh. Wala kang choice kundi ang maghintay na kusang mawala ang nararamdaman mo para sa taong minamahal mo. Kung kailan iyon, walang makakapagsabi. Para lang isang magnanakaw na bigla na lang darating. Bigla ring mawawala."

Hindi ito nakasagot sa sinabi niya. Nanatili lang na nakatitig sa kanya si Russ hanggang sa tumunog ang bell hudyat ng pagsisimula ng panibagong subject nila. 

Namalayan na lang niya ang pagtalikod nito palabas ng silid-aralan nila. Pero bago ito tuluyang makalabas ay nilingon siya nito at nagbitiw ng nakakalokang salita.

"Aagawin kita kay Ronnie, Earl. Aagawin kita sa kanya." anito sabay kindat.

Naiwan siyang hindi makahuma hanggang sa nagsipagdatingan ang mga kaklase niya.



"Please lang friend, huwag mo ng ituloy ang balak mong iyan. Ano ba ang nangyayari sa'yo? Hindi naman ganoon kabigat ang kasalanan sa'yo ni Ronnie ah?"

Mataas na ang tinig ni Freia sa kaibigang si Jay. Nakorner niya ito sa Photography club kung saan miyembro din ito. Doon ay nalaman niyang itutuloy nito ang pagbabandera ng mga eskandalosong pictures na nakuha nito para ipang-ganti kay Ronnie at sa isa pa nilang kaibigan. Si Earl.

"Hindi na si Ronnie lang ang pinag-uusapan ito Freia. Kung di pati si Earl. Trinaydor niya ako." galit na sabi nito.

"Trinaydor? Bakit? Kailan? Saan? Paano?" sunod-sunod na tanong niya rito.

"Nakalimutan mo ang "Ano?", friend." sarkastikong balik nito.

"Don't do this Jay. Para namang wala kayong pinagsamahan ni Earl kung makapagsalita ka."

"Iyon na nga eh, kung iniisip niya ang pinagsamahan namin, hindi sana siya nakipag-relasyon kunwari sa Ronnie na iyon. Alam naman niyang galit ako sa pamintang iyon at gusto kong gantihan iyon, pero ang ginawa niya? Inuna niya ang kalandian niya." galit na galit na ratsada nito.

"You knew?" nanlalaki ang matang sabi niya

"Of course I knew!"

Hindi agad nakapagsalita si Freia sa narinig. Ganoon ba ito kababaw? Hindi ito ang kaibigan niyang si Jay. Alam niya ay napakamaunawain nitong tao.

"I don't get you Jay." frustrated niyang sabi.

"I don't expect you to, Freia. Mabuti pa ay umalis ka na. Tutal naman, alam ko na kung kanina ka pumapanig tungkol sa isyung ito."

Naramdaman niya ang pagtatampo sa tinig ng kaibigan pero hindi niya isinatinig ang protesta niya sa sinabi nito.

"I won't tolerate this Jay. Isipin mo na ang gusto mong isipin pero kaibigan kita. Magkakaibigan pa rin tayo."

"Then don't Freia. Kahit kailan naman hindi ko naramdaman na kaibigan ang turing mo sa amin ni Earl. We never felt that. Kaya huwag kang magpanggap na concerned ka sa nangyayaring ito. Hypocrisy doesn't suit you."

Napasinghap siya sa rebelasyong iyon at hindi agad nakapagsalita.

"A-after all this time, iyon pala ang nararamdaman mo?" hinang-hinang sabi niya.

"Oh cut the theatrics Freia! Huwag mo akong paandaran ng pagiging aktres mo. Lumayas ka na sa harap ko kung pwede lang."

Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at binirahan niya ito ng layas. Hindi siya makapaniwalang sa ganoon lang masisira ang pagkakaibigan nila. At hindi siya makapaniwalang hindi pala nito naramdaman ang pagiging sinsero niyang kaibigan.

He must do something. Kung kailangang gumamit ng koneksiyon, gagamit siya. Para que pa at isa ang magulang niya sa pinaka-maimpluwensiyang tao sa San Bartolome.



"Saan na naman tayo pupunta?"

Naiinis na tanong ni Earl kay Ronnie. Pagkatapos kasi ng engkwentro nilang tatlo nila Russ ay naging consistent na ito sa pagbabantay sa kanya. Mabuti na nga lang at hindi nito nakita si Russ kanina dahil may sarili ring klase ito. Kung hindi ay baka nagkagulo na.

"Kakain lang tayo sa canteen."

Napataas ang kilay niya. Kahit gustong-gusto niya ang pakiramdam na hawak-hawak siya nito sa kamay ay hindi naman iyong halos kaladkarin na siya nito.

"Kakain lang pala eh, di bitiwan mo ako o di kaya magdahan-dahan ka ng lakad mo. Hindi naman tayo hinahabol ng kung sinong masasamang loob eh. Kapag napingasan ang mukha ko ng dahil sa kagagawan mo, ipapahabol kita sa mga aso ni Friea." naiinis na pagtatalak niya habang hila-hila pa rin nito ng bigla siyang mabunggo sa likuran nito.

"Aray ko!" Naiinis na tinampal niya ang likod nito.

"Sabi mo huminto ako."

"Huminto? Baliw ka ba? Sabi ko bitiwan mo ako o di kaya magdahan-dahan ka. Hindi ko sinabing huminto ka. Kainis ha." Hinimas niya ang nasaktang mukha. Iyon kasi ang sumubsob sa matipunong likod nito ng bigla itong huminto.

"Masakit ba?"

Napipi na naman siya. Bakit ba tuwing may gagawin itong kapalpakan sa buhay niya eh babawian siya nito ng pagiging sweet. Ronnie was driving him insane just by a mere touch of his hand to his face.

Tinampal niya ang kamay nito. "Tsansing na yan kabayan!"

Ronnie twitched the corner of his lips to form a little smile. Simpleng ngiti lang iyon but when Earl saw it, his heart did a triple somersault. He couldn't actually believe the novelty of it.

"Halika na. Mukhang okay ka na eh." sabi nito saka muling hinawakan siya sa kamay.

Hinanda na niya ang sarili sa muling pangangaladkad nito pero hindi iyon nangyari. Bagkus, sapat na bilis lang ang ginawa nitong paglakad para makasabay siya and Earl thought that it was a bit... sweet?

Hay, naloloka na talaga siya sa lalaking ito. Walang preno ang pabago-bagong mood ng kapreng ito. But even though Ronnie was a walking contradiction. He would still love him no matter what. He would still love the touch of his skin to his. Most importantly, he would love to savor his kisses, again.

Nakarating sila ng cateen ng nagde-day dreaming pa rin siya. Wapakels siya sa mga nakataas ang kilay na estudyanteng nakakakita sa kanila. Basta kasama niya si Ronnie, come hell or high water ang drama niya.

"Friend!!!" malakas na sigaw ng isang tinig na kilalang-kilala niya.

"Si Friea yun ah." Hinanap niya ang kaibigan at nakita itong tinatakbo ang distansiya nila. Hindi kasi niya ito kaklase kanina kaya hindi sila magkasama.

"Freia." ganting sigaw niya.

Nang makalapit ito sa kanila ay hingal-kabayo itong napaupo sa isang libreng upuan sa canteen. "Earl... m-may... m-may... s-sabi-hin ako s-sayo..."

"Wait lang friend. Pwede kang magpahinga muna. Ronnie, kuha ka nga ng maiinom." baling niya sa kasama.

"T-thanks Ronnie..." si Freia habang hinihingal pa rin.

"Take a deep breath friend." utos niya rito.

Saktong kumalma na ang paghinga nito ng bumalik si Ronnie dala ang isang baso ng juice. Halos pangahalatiin ito ng inom iyon.

"Ano bang problema?" tanong ni Earl sa kaibigan.

"O-order lang ako ng food natin." Singit ni Ronnie. Napatango na lang siya rito.

"Ah... friend. Si Jay. He's on to something." pagsisimula ni Friea.

Napabugha siya ng hangin sa narinig.

"I know."

Kumunot ang noo ni Freia sa sinabi niya. "You knew?"

"Yes."

"And you're not going to stop him?"

"Why should I?"

"He will ruin your friendship, Earl. Hindi lang iyon, pati sarili niya sisirain niya."

"And you think I should stop him?"

Nababaghang tiningnan siya ni Freia. "Why are you saying that? What do you mean? Hahayaan mo na lang siya kung ganoon?"

"We all have a choice Freia. Choice niya ang magpatangay sa galit. Kung pipigilan ko si Jay sa puntong ito na galit na galit siya ay lalo lang siyang magagalit. Paghahandaan ko na lang siya sa kung ano mang gagawin niya. And besides, wala akong lakas para mag-isip ng anupaman sa ngayon."

"So sinasabi mong choice mong huwag gumawa ng hakbang?" naninimbang nitong sabi.

"Oo. At sana ay maintindihan mo. Nauunawaan ko ang concern mo Freia, but this is something between me and Jay alone. You don't have to do anything except to hope. Hope that one day we will be able to patch things up."

Nakakaunawang tumango si Freia. "But tell me one thing friend. Do I look like a fake friend to you?"

Napauwang ang labi siya sa kabiglaan. "No!"

"Salamat. Alam kong iba ka kay Jay." naiiyak na sambit ni Freia.

"Why? Did he tell you anything?"

"Ayoko na sanang palakihin pero di ko maiwasang magtampo. Sa kabila ng effort ko sa pagkakaibigan natin, sinabihan niya pa akong hindi raw niya naramdamang trinato ko kayong totoong kaibigan."

Naiiling na nasandal siya sa upuan. Only to find out na dibdib pala iyon ni Ronnie. And it felt comfortable. Safe. Home.

"Do you mind?" tanong niya rito habang nakasandig.

"Mind? I've been yearning for you to feel my body once again, so don't ask if I mind baby. Just feel free to do so." Ronnie said huskily in his ear.

Hindi niya maiwasang panginigan ng balahibo. Agad siyang nakaramdam ng kakaiba. At nakalimutan mo na si Freia.


Shit!


"Sorry friend." aniyang agad itong dinaluhan. Pero sa pagkakalayo ng katawan nila ni Ronnie, parang may malaking bahagi ng puso niya ang pinilas. At it felt empty.

"Okay lang friend. At least alam kong di kayo parehas ng nararamdaman ni Jay. Aalis na ako. Magkita na lang tayo sa next subject natin. Ako ng bahala sa sarili ko."

"Are you sure?" paniniyak niya.

"I am."

Nang makaalis si Friea ay nahulog siya sa malalim na pagiisip.

"A penny for your thoughts..."

Nilingon niya ang nagsalitang si Ronnie at sinalubong siya ng napakagwapong mukha nito. Naalala niya si Russ sa sinabi nito, parehas iyon, magkaibang version nga lang and he thought liked Ronnie's very much. And that cemented his decision, kakalas na siya rito. Kahit masakit. Para magkalinawan na sila ni Jay.

"Kung sakaling naipagbibili nga ito Ronnie, siguro milyonaryo na ako."

Ngumit ito ng bahagya. Hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa kanyang noo. "I won't sell my thoughts Earl. Iyon lang kasi ang meron ako kapag wala ka sa tabi ko."

"Walang nakakarinig sa ating kakilala natin Ronnie. Huwag ka ng magpanggap. Let's stop this once and for all."

"The question is, do you really want to stop?"

Natigilan siya. Earlier he was sure. Now, hindi na niya alam. And he's hoping it's not too late to change his mind.

ITUTULOY...

24 comments:

dhenxo said...

The comeback! :DD Kudos mom!

DALISAY said...

Thanks Dhenxo. Nabasa mo na agad?

Migs said...

Napakahusay talaga ng author na ito.

DALISAY said...

Bolero ka talaga Migs. Hahahaha, salamat.

erick vladd said...

waw! i was wondering when will be the next update.. i hope later there will be another.. XD


kudos dalisay!

Nat Breean said...

yieh! sana tuloy tuloy na ulit to. Mama D. :)

DALISAY said...

@Erick Vladd: thank you. Let's see next week?

@Nat Breean: Hope so too... ayaw makisama ng net ko eh... :-)

Anonymous said...

next na po. please! :)

Anonymous said...

sana masundan na po kaagad ito .. <3 love this story

DALISAY said...

Thanks mga anonymous...

dhenxo said...

Of course naman mom. Ako pa? Updated ako sa blog mo 24/7. Heheh! :DD

DALISAY said...

Ahihihi... Hope you liked it Dhen... :-) love you son...

Anonymous said...

yay may update na!! :D

DALISAY said...

opo, may update na po. ahihihi

Anonymous said...

hay salamat. wagas! i'll wait for the next chapter. :)

-- andrei

DALISAY said...

Thanks Andrei...

Migs said...

ANG TAGAL NAMAN NG KASUNOD. haha! ^_^v

Jun said...

haha.. un my update na.. sa wakas.. :) tnx.. gnda.. hehe

nin said...

whew... i really love your stories..... heheheh

DALISAY said...

Hintay lang po Migs, Jun and Nin... :-)

Anonymous said...

I really love this story I am glad I read the story of Orly and Monty which makes me understand some part of it which Monty and Orly are in. Good Job Dalisay. :)

I can't wait to read the next CHAPTERS of his novel. :]


--SLUSHE_LOVE--

allendoggie said...

parang nabilisan lang po ako sa facing..
pero maganda parin cant wait for the next chapter. :D

DALISAY said...

Thanks Slushe Love and allendoggie :-)

emray08 said...

shet talaga!!! ang tagal ko itong inintay....hehehe..sige earl, makipaghiwalay ka na kay ronnie...itigil mo na ang kahibangan mo...piz!