Author:Rovi/Unbroken
BLOG:http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com/
Bakit madilim? Bakit madilim dito? Nasaan ako?
Masakit ang ulo ko. Sobra. Ano bang nangyari sa akin?
Iginala ko ang aking mga mata sa loob ng lugar na aking kinalalagyan. Wala akong maaninag. Wala. Wala akong maramdaman. Tila ba manhid, tila ba walang buhay. Pinakiramdaman ko ang paligid. Malamig.
Nabaling ko ang aking paningin sa labas. Kita ko ang pagsayaw ng puting kurtina habang ito ay mariing nasisinagan ng ilaw na nagmumula sa buwan. Tila sumusunod ang kurtina sa ihip ng malamig na hangin. Naramdaman ko ang kapanatagan. Muli, isinara ko ang aking mga mata at dinama ang gabi.
Nakapikit ang aking mata habang gising na gising ang aking diwa. Naalala ko ang mga nangyari kaninang umaga. Ang mga kalmot at mga hickey. Ang mamasa-masa kong alaga. Ang mga ungol at sarap na aking nadama. Ang misteryo. Ang pagpunta ni Kath sa aking bahay. Ang aming paguusap. Ang mga paulit-ulit na katanungan. Nakakalito.
All of a sudden, naramdaman ko ang pagkirot ng aking ulo. Tila ba minamartilyo ito sa sakit. Agad akong napaupo sa sakit. Sinapo ng aking mga kamay ang aking ulo. Patuloy ang pagkurot nito sa aking sistema. Napabaluktot ako dahil sa sakit na nararamdaman.
“Ahhhhh!” napasigaw ako.
“Relax Jared.”
“Raf?”
Nagulat ko ng marinig ang boses ni Raf. Sa buong oras na ito ay akala ko mag-isa lang ako sa kwarto. Hindi ko alam na nandito pala si Raf.
“Raf? Nasaan ka?”
Pagkasabi ko noon ay naramdaman ko nalang muli ang init ng kanyang katawan sa akin. Ramdam ko ang pagyakap ni Raf sa akin mula sa aking likod. Pinatong ni Raf ang kanyang baba sa aking mga balikat, amoy ko ang kanyang hininga, tila ba naghalong amoy ng mabangong hininga at ng yosi. It really turns me on.
“Saan ka galing? Bakit di kita nararamdaman kanina?” tanong ko.
Hindi sya sumagot. Naramdaman ko nalang ang pagdampi ng kanyang labi sa aking kaliwang balikaw.
“Raf, Wala na kami. I cancelled the wedding.”
“Alam ko.”
“Huh? Paano?”
“Narinig ko syang nagsisisigaw, humihingi ng tulong. Hindi ko pinansin. Nung wala namang nagrerespond sa mga sigaw nya, nagmadali na syang tumakbo papalayo ng bahay. Sumakay sya sa kotse.”
“Si Kath? Hinayaan nya lang ako? Hindi nya ako inasikaso?”
“Hindi.”
Nakaramdam ako ng kakaiba. Unang pagkakataon ito na marinig ko na di ako inasikaso ni Kath. Parang may mali, parang may kakaiba.
“Paglabas nya narecognize ko na sya nga yung nasa larawan dito sa dingding. Tapos pumasok ako sa loob, nakita kitang nakahandusay. Tumama ata yung ulo mo sa sahig. Pinasok kita sa kwarto at inasakiso.”
Isang mahabang katahimikan.
Tila ba walang gustong magsalita. Ang mga hininga lang ang nagmimistulang musika sa kwarto.
“Nagu-guilty ako Raf.”
“Bakit? Hindi ka ba masaya na ako ang pinili mo?”
“Ma-masaya.”
“Yun naman pala eh.”
“Na-natatakot lang ako sa mga pwede nilang sabihin. Kung bakit ako kumalas. Sobtrang okay ng pagsasama namin ni Kath kaya wala akong pwedeng maging dahilan kung bakit kami maghihiwalay.”
“Hindi yun yon Jared eh. Hindi ka masaya sa kanya. Ako ang makakapagpasaya sayo.'
Tila ba magnet ang mga sinasabi ni Raf. Hindi ko maiwasang hindi tumango. Sa mga sinasabi nya ay para bang assured na assured ang aking kinabukasan.
“Raf, natatakot ako.”
“Bakit?”
“Da-dahil masyado ng magulo lahat. Masyado ng kumplikado. Baka di ko kayanin.”
“Nakikita kita Jared. Alam ko lahat ng sakit na dinaranas mo. Wag kang matakot sa bukas,kahit anong mangyari,andito ako. Ako ang kaisaisang taong hindi tatalikod sa’yo. Ganoon kita kamahal.”
“Salamat Raf.”
“Wag kang magalala. Mahal na mahal kita.”
“Mahal din kita Raf.”
Ginawaran ako ng halik sa aking labi.
Nagtagal kami ng ilang minuto sa ganoong posisyon. Dinama ang init ng isa't-isa. Ang mga maiinit na hininga, ang mga banayad na dampi ng labi aking balat, ang mga marahang haplos. For some strange reasons, nakaramdam ako ng contentment.
Napaliyad ako sa sakit na dala ng aking ulo.
Umalis si Raf sa kama. Tumayo sya at tumayo sa aking harap. Kita ko ang kanyang silhoutte. Napakasexy. Nakita ko na pumamewang si Raf.
“Nakakamiss yung ginagawa natin dati Jared.”
“Ang alin?”
“Yung ginagawa natin dati. Alam mo na yun.”
“Ano nga? Marami tayong ginagawa noon.”
“Di mo na ba talaga matandaan?”
Ako ay tumango.
May dinukot si Raf sa kanyang bulsa. Isang sachet ng di ko malamang bagay.
“Eto? Tanda mo pa?”
Inaninag ko ang hawak nyang sachet. Muling bumalik ang mga ala-ala ng nakaraan. Naramdaman ko ang pagkauhaw at gusto kong sunggaban agad ang pakete pero may boses na nagsasabi sa akin na wag kong ituloy.
Ako ay napalunok.
“Eto Jared oh? Do you remember this?”
“Raf. I stopped it years ago. Ayoko na.”
“Di mo ba namimiss Jared? Miss na miss ka na nito.” sabi ni Raf na parang nanunukso
“Ayoko na. Please Raf. Itigil mo na yan.”
“Dali na Jaaaareeed.”
Umupo si Jared sa sahig, Nilabas nya ang iba pang mga paraphernalia at inihanda ang sarili para sa isang “jamming”. Pinapanuod ko sya sa lahat ng mga ginagawa nya. Bakas sa kanyang mukha ang matinding excited. Makikita mo ang kanyang pagkagat labi na nagpapahiwatig ng kanyang matinding antisipasyon sa mga susunod pa na mangyayari.
“Jared. Ayaw mo ba talaga?”
Di ako nakasagot. Half-hearted ako. Gusto kong magpakatama pero gusto ko namang gawin ulit.
Nakita ko ang pagdila ng apoy ng lighter sa foil na kinalalagyan ng depektos. Nakita ko ang paghithit ni Raf dito. Kita ang walang hanggang kasiyahan sa kanyang mga mata.
“Dali na Jared. Ang sarap oh. Heaven to.”
“Ayoko Raf.”
Mas naging mabilis ang paghithit ni Raf sa depektos. Kita ko ang pangdedemonyo sa kanyang mga mata. Alam kong gusto nyang gawin ko din ang ginagawa nya, ang ginagawa namin noon.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Eto na naman ako sa aking mga kalokohan.
Unti-unting nabalot ng usok ang aking kwarto. Nalanghap kong muli ang usok na nagdala sa akin sa ibang dimensyon noon.
Sa hindi mapaliwanag na dahilan, nilamon ako ng demonyo.
Ako ay tumayo, lumapit sa kung nasaan si Raf, nagpaubaya.
Kita ang ngiti sa kanyang mga labi.
“Welcome back Jared. Welcome back.”
Inabot nya sa akin ang aking parte.
Muli, nalasap ko ang aking matagal ng hinahanap.
Muli, narating ko ang artipisyal na langit.
Muli, naramdaman ko ang kapangyarihan.
Muli, natikman ko ang kapayapaan.
Malakas ako. Sobrang lakas. Walang makakatalo sa akin. Ako ang pinakamalakas na lalaki sa buong mundo. Mahal ako ni Raf. Mahal ko si Raf. Sapat na yun.
Muli, ako ay nalamon ng dilim.
I T U T U L O Y . . . .
A compilation of my thoughts, dreams and fantasies. Stories that describes best my simple wishes in life. In addition to that, I asked friends to contribute their talents in this site where reality and fantasy are as one. Welcome to my site. Welcome to my heart. I am Dalisay.
No comments:
Post a Comment