Saturday, March 12, 2011

Earl and the Grumpy Flirt named Ronnie - Chapter 3

Photobucket



For the Nth time, let me say this, MARAMING SALAMAT GUYS. Ang sarap sa pakiramdam ng inyong pagsuporta. :)


Gusto kong pasalamatan ang LAHAT ng mga nagbasa at naka-appreciate ng kwentong ito. Tutok lang.


Enjoy!!!















Chapter 3 (Caught in the act)




Halos mahilo si Earl sa pagbangga niya sa katawan ni Ronnie. He was wearing his uniform and he looked very regal on it. Para itong prinsipe imbes na estudyante. Nakakapnlambot ng tuhod ang kakisigan nito. Kahit pa ayun na naman ang forever ng kunot sa noo nito.

But that doesn't made him less attractive. In fact,  lalong nakadagdag iyon sa sangkatutak ng appeal nito. Walang halong eksaherasyon. Pawang katotohanan lang.

"R-ronnie?" nanlalaki ang matang sabi niya.

Bigla ang pagsasal ng tibok ng puso niya. Natakot tuloy siyang marinig nito iyon sa sobrang proximity nila. Tila napapasong lumayo siya rito, but he held his right arm captive.

"Bitiwan mo ako." matigas na sabi ni Earl.

Hindi niya alam kung ano ang problema nito at ang aga-aga eh pinepeste siya. Napestehan na nga siya duon sa dalawang kamag-anak ng kaibigan ni Dora the Explorer. Nakakainis na ha! Teka! Baka...?

Tiningnan niya sa mata si Ronnie at nakita niya ang galit sa mga iyon. Bigla siyang natuyuan ng laway. Feeling niya, uhaw na uhaw siya. Hindi sa tubig o kung ano pa man. Basta. Uhaw siya.

"R-ronnie! Ano ba?" singhal na niya rito. Pilit pinakakalma ang nanginginig na tinig.

"Nag-enjoy ka ba kagabi at ipinagkalat niyo agad ng kaibigan mo ang tungkol sa halikan natin?" bakas ang galit sa tinig nito bagaman mahina ang pagkakasabi.

"Wala akong alam diyan!" Earl said defiantly. Slightly raising his chin to give emphasis to his point.

"Walang alam? Eh ito nga at kalat na kalat na sa buong campus ang ginawa natin kagabi!" bahagyang bulyaw pa nito.

"Don't get too confident Mr. Alfonso! Hindi porke't magaling kang humalik ay ipagkakalat ko agad ang bagay na iyon."

"See? Sa iyo na mismo nanggaling..."

"Anong sa akin nanggaling?" singhal niya. Salamat at galit na siya kaya naging diretso na ang takbo ng tinig niya.

"Na magaling akong humalik." Ronnie, the brute he is, just raised his eyebrow. "Sapat ng dahilan para ipagkalat mo. Ibig sabihin nag-enjoy ka." he added then smiled cockily.

"Hah! Some nerve you got! Hindi ka lang pala bitter no? Mayabang ka rin. Nuknukan ka ng yabang! Bitiwan mo ako!" sumisigaw ng sabi niya.

Napatingin ito saglit sa paligid. Maging siya rin. At iyon nga, nagsisimula na silang makakuha ng atensiyon. May curious. May nakataas ang kilay. At meron ding nagtatawa.

"Come with me." biglang sabi ni Ronnie sabay hila sa kanya at hindi na siya binigyan ng pagkakataon na makatanggi pa.

Nang makarating sila sa may bahagyang secluded na lugar ng campus ay saka siya binitiwan nito. Sa sobrang higpit ng hawak nito ay namula iyon ng husto. Halata sa kanyang napakaputing kutis. Bahagya rin iyong nananakit kaya hinilot niyang kaunti.

"Salamat ha!" sarcastic na sabi niya habang nakayukong hinihilot ang bahagyang nasaktang braso.

Nagulantang ang bong sistema niya nang hawakan nito ang kaniyang braso na namumula. Hindi siya agad nakakilos dahil sa masuyong paghilot nito doon. Kahit balak niyang bawiin ang kamay ay tila nawalan siya ng lakas. Paano pa niya gagawin iyon ganoong nagbagong bigla ang pakikitungo nito sa kanya.

Natitilihang tiningnan niya ang mukha nito. Nakatitig ito sa braso  niya na tila ba mawawala ang pamumula nun sa ginagawa nito. Bakit ganon? Syet!

This man never fail to amaze him. One minute he's arrogant and grumpy, the other he's sweet and caring. Shucks! At pareho niyang gusto at hindi kayang pakitunguhan ang papalit-palit nito ng emosyon. Paanong nangyari iyon?

"Masakit pa ba?" nagulat pa siya sa biglang pagsasalita nito.

Bigla niya tuloy binawi ang braso at sa natatarantang boses ay nagsalita. Pakiramdam din niya ay umakyat ang lahat ng dugo niya sa mukha at sobrang pula na ng mukha niya.

Gosh! He caught me ogling him!

"Earl..." Ronnie almost whispered his name. And it was like music to his ears.

"R-ronnie... o-okay lang ako." 

"Good." biglang sabi nito.

Gone was the sweet gesture. Balik na naman ito sa gloomy at aroganteng side nito. Napapa-roll eyes na lang siyang tumingin dito.

"Ronnie. Let me just get one thing clear. Okay?"

Nakatitig lang ito sa kanya. Waring naghihintay ng sunod niyang sasabihin and that urged him to continue.

"Wala akong pinagsabihan ng nangyari sa atin kagabi. Infact..." hinubad niya ang shades na suot. "Hindi ako halos nakatulog ng dahil doon." at napakagat siya ng labi. Halos gusto niyang batukan ang sarili sa ginawang pagtatapat.

Nang tingnan niya ito ay nakita niyang halos naka-angat ang sulok ng labi nito. As if he was suppressing a... smile? Halos maloka siya sa ginawang pag-amin tapos tatawanan siya nito?

"Stop smiling!" naiinis na sabi niya.

"Sinong nakangiti?" Ronnie asked innocently.

"Ah... wala... wala..." halos di siguradong sabi niya. Guni-guni lang nga siguro iyon.

"Okay. Now, about the kiss..."

Bigla siyang nataranta. "Mga halik Ronnie." pagtatama niya sa maayos na tinig. Wala sa loob ang pagtatamang iyon pero gusto niyang i-congratulate ang sarili sa pagiging kalmado ng boses niya kahit pa nangatal bigla ang tuhod niya sa sinabi nito.

"Yes. Plural nga pala. Those kisses. Paanong nalaman iyon nila Daphne at Panky?" tanong nito.

Nangunot ang noo niya sa binanggit nitong mga pangalan. Parang nahulaan naman nito ang problema niya ng mga oras na iyon.

"Iyong dalawang humarang sa iyo kanina. Sila Daphne at Panky iyon."

Nanlaki ang mata niya sa nalaman. Hindi dahil sa pangalan ng dalawang pangit na iyon. Kundi sa kaalamang Ronnie has been watching him since he entered the school premise.

His mouth formed an "O" to say something but decided against it. Ayaw niyang lumabas na mayabang. Mamaya mali pa ang assumption niya.

"So paano nila nalaman?" tila naiinip ng tanong ni Ronnie.

Inayos muna niya ang sariling damdamin na gulong-gulo na sa mga oras na iyon bago nagsalita. "I don't know. Promise. Nagsasabi ako ng totoo."

Ayun na naman ang nanunuot na titig nito. Wala siguro itong ideya na nagkakaroon ng welga sa buong sistema niya ng dahil lang sa mga titig nito. Samu't-saring damdamin na na hindi niya mapangalanan ang bigla na lang sumisibol sa puso niya. 

"Please... don't make an issue out of it. Hindi naman nila kayang patunayan na ako nga ang nagkalat eh."

"At ikaw rin." wika nito.

Natameme siya. Oo nga naman.

Frustrated siyang tumingin dito. "Ano bang gusto mong gawin ko para maniwala ka? Nagsasabi naman ako ng totoo. Saka..." tumingin siya sa relo. Alas-otso kwarenta y singko na! Malapit ng magsimula ang first class niya. "...male-late na ako."

Tumikhim muna ito bago nagsalita. 

"Simple alng ang solusyon ko dito Earl." walang emosyong sabi nito.

"Ano?"

Ngmiti ito ng bahagya and his heart almost skipped a beat. Mistulang lumiwanag ang buong kapaligiran kahit pa maliwanag naman talaga. Parang mas kuminang. 

"Be my guy."

Para siyang biglang nahilo sa sinabi nito. "W-what?"

"I said, be my guy. Let's be an item." balik na naman sa pagiging seryoso ang mukha nito. Muntik na tuloy niyang kumbinsihin ang sarili na nananaginip lang siya when Ronnie flashed him his precious smile. 

"Are you in drugs?" sa halip ay tanong ni Earl dito.

"No."

"Are you insane?"

"No. Are you?" balik tanong nito.

"Of course not!" he said indignantly. His nose suddenly flared and in protest turned red  with mortification at this irreverent piece of mimicry.

Sa lahat ng ayaw niya ay iyong ginagaya ang sinasabi niya at pinaglalaruan  siya. Hindi kayang itolerate iyon ng kakaunti lang na powers niya.

"Go to hell Ronnie." Earl said hissing.

Nagtaas lang ito ng kilay g-habang pigil na pigil niya ang sariling bulyawan ito at paulanan ng mura. kung anu-anong expletives na ang pumapasok sa utak niya para lang dito. Nakakainis na talaga ang lalaking ito!

"Hey, don't get so mad. Kunwari lang naman. Ikaw lang din ang iniisip ko." sabi ni Ronnie.

Bigla siyang naguluhan. Ano raw?

"At paanong ako ang naging concern mo? Kailan ka pa natuto niyan?" naiinis na sabi niya.

"Actually, I'm not sorry I kissed you last night. You know I did that to shut you up. Pero nahihiya ako sa ginawa ko." saad nito. 

Napamaang siya ng tuluyan. Yun na ang pinakamahabang pangungusap na narinig niya rito. Siguro, dahil nakatanga lang siya rito ay nagpatuloy na lang itong magsalita. Which is way better for him. Speakless pa kasi siya. Pramis!

"I don't want you to think na pinagsasamantalahan kita kagabi. Hindi ko ugaling manghalik na lang ng basta-basta ng maiingay kahit pa napakaraming maingay sa paligid ko. Pero hindi ko maintindihan kung bakit ko nagawa iyon."

There. Ang paliwanang nito sa nangyari kagabi. Hindi lang pala siya ang naguluhan. Buti naman. Pero teka? He's not sorry daw for kissing him. Oh la la!

Hindi pa rin siya sumagot agad dito dahil parang may pakiramdam siya sa kakaibang kislap ng mata nito habang nagpapaliwanag kanina. Parang nanduon pa rin ang pagnanais nitong hagkan siya ulit sa mga sandaling iyon. And in his heart of hearts, he really wished thta Ronnie would.

Ambisyosa! Tili ng isang bahagi ng isip niya.

"Let's... forget about it." sa wakas ay sabi niya. Para bang ang ginawa nitong paghalik ay isang kaswal na bagay na ginagawa nila sa araw-araw. 

Ipokrita!

"At kalimutan mo na rin ang offer mo. Kaya kong harapin ang tsismis. I'm sure kaya mo rin iyon." aniyang humanda ng talikuran ito.

"Not so fast." pigil nito sa braso niya.

Tingnan niya ang braso niyang hawak nito. Parang napapagod na siyang makipagtalo rito. Paulit-ulit na lang sila eh.

"Let go, Ronnie." he said in a very soft voice.

"I won't. At hindi ko gustong kalimutan ang mga iyon." 

Napatitig siya rito. Na isang pagkakamali dahil malapit lang pala ang mukha nito sa kanya. His fresh breath fanning his face. Earl felt his cheeks turned red. Pero hindi siya umiwas at sa halip ay nakipagtitigan pa rin dito. He felt a delicious tingling on his spine.

Nanatili lang sila sa ganoong ayos sa tila napakahabang sandali. None of them dared to break the eye contact. As if it was their lifeline.

Kaya naman namangha siya ng abutin ng isang kamay nito ang kanyang batok para kabigin siya at muli, sa ikalawang pagkakataon ay hingkan siya nito.

It was a demanding kiss. No, a tender one. No, demanding! No! It was delicately persuading! Nalilito na siya! Hanggang sa kusa ng huminto ang utak niya sa kung ano ang dapat i-expect at itawag sa halik na iyon. 

But he responded to Ronnie's kisses with pent-up longing. Na tila ba ito lang ang makapagtitighaw sa kanyang uhaw na nararamdaman sa loob ng mahabang panahon.

Tumaas ang kamay niya sa ulo ni Ronnie at idiniin ng husto ang mukha nito sa kanya. Ipinagapang rin niya ang mga daliri sa buhok nito that made him groan almost aloud. 

Ronnie made a guttural sound of approval the kiss deepened. Narinig rin ni Earl ang sariling daing. Sa wari ba niya ay huminto ang oras ng mga sandaling iyon dahil sa walang katapusang halik na namamagitan sa kanila. And he didn't eve want it to stop.

Until they heard a clicking sound and saw a flash.

Napatigil sialng pareho at hinanap kung saan iyon nagmula.

"Nice shot!" sabi ng may-ari ng tinig na gumambala sa kanila.

"Jay!"

"Ikaw?"

Magkapanabay pang sabi nila ni Ronnie.

Itutuloy...








3 comments:

Anonymous said...

Eksena si Jay oh! Hahaha.

At sa ikalawang pagkakataon na naglapat ang kanilang labi. ako'y kinikilig. Haha

Parabg ayaw na bumitaw ni Kearse eh, kahit malate na sya. Hehehe

DALISAY said...

Parang ibang kwento sinasabi mo Russel? ahahaha malapit ka ng lumitaw dito.

Anonymous said...

Hahaha. Err! Masyado akong nadala sa TFE eh. Hahaha. Sorry, I stand corrected. It's supposed to be EARL. Hehehehe. Carried-away kasi gawa ng ang last part din eh halikan. Hahaha.

Hmmm. Malapit na pla ako umeksena dito? Hahaha