A compilation of my thoughts, dreams and fantasies. Stories that describes best my simple wishes in life. In addition to that, I asked friends to contribute their talents in this site where reality and fantasy are as one. Welcome to my site. Welcome to my heart. I am Dalisay.
Thursday, March 31, 2011
Daglat presents:
Tigil muna ang STRATA presents -
Hindi ko kasi alam kung papaano icompress ang "Bulong ng Kahapon" into five parts eh..
Anyways, sana po ay suportahan natin ang Daglat presents -
Ang Daglat presents ay mga serye ng maiikling kwento na hinati sa lima hanggang sampung bahagi. Hindi tulad ng Strata presents, ang Daglat presents ay mas sasalamin pa sa buhay ng kasama sa Third Sex, mas malalim ang kwento.
(this time, pipilitin kong ma-integrate ang mga kulang na element sa Strata)
Wednesday, March 30, 2011
Task Force Enigma: Cody Unabia 12
Hello! Inaalay ko po ang chapter na ito sa napakagandang bida ng istoryang ito. Malapit na itong matapos at tiyak na mami-miss ko ang kalokohan ng mga tauhan dito lalo na ang nag-iisang si Kearse Allen Concepcion. Siyempre, inaalay ko rin ito sa napakagwapo at napakamachong si Cody Unabia. Kayo na talaga ang love-team ng milenyo.
Sa nalalapit naman na pagtatapos ng TFE:Cody Unabia, ay inihahandog ko ang ikatlong installment ng Task Force Enigma na pinagbibidahan naman ni Major Perse Verance.
Sana po ay ma-enjoy ninyo ang kabanatang ito kagaya ng na-enjoy ko siyang i-edit at gawin. Matatapos na ang paghihirap mo Melvin. Ahaha!
Lovelots pumpkins!!!
Enjoy Reading!
Chapter 12
"Masakit na Cody. Bitiwan mo ang kamay ko!"
Naiiritang sigaw ni Kearse ng makalabas sila ng Coffee Haven. Nagtitinginan pa rin ang mga usisero at usiserang customer na nakasaksi sa eksena nila kaya napilitan siyang itulak ito sa van na kinaroroonan ni Jerick.
"Ano bang problema mo?" badtrip pa ring sabi niya.
Nanatili lang itong nakatingin sa kanya ng nakakunot-noo. Madilim na madilim ang mukha na parang gusto siyang sapakin. Gusto niyang manlamig sa tingin na iyon pero galit rin siya dahil naalala niya ang pangloloko na ginawa nito sa kanya.
Ang paglilihim ng tunay na sexual orientation nito sa kanya.
Big deal iyon. Promise. Maaaring di siya mage-gets ng iba, pero kabilang siya sa mga old school na bading sa henerasyon ngayon. Ayaw niya sa Kapwa Ko, Mahal Ko. Ayaw niya ng tansuan. Ayaw niya ng lasunan. Ganoon lang iyon.
"Tell me Cody, bakit ka ba nagkakaganyan?" nauubos na ang pasensiya niya sa pananahimik nito.
"Tinatanong mo pa?" balik-tanong lang na sagot nito.
"Ha? Eh okray ka pala eh. Anong tingin mo sa akin? Manghuhula?"
"Ang problema ko, hindi mo ginagawa ang trabahong ipinangako mo sa amin ng maayos!" mahinang bulyaw nito.
"Ay? Sorry Bossing ha? Hindi ko alam na incompetent pala ako. Wala kasi akong training sa mga ganito. Pasensiya na. Hindi ko naabot ang expectations mo." Kearse said sarcastically.
"Hindi iyon eh. You're actually flirting with our suspect!" tila napupunding sabi na rin nito.
"Ay? Hindi ba ang purpose ng paglapit ko sa kanya eh maging feeling-close? What do you expect me to do? Mag-yoga sa harap niya?"
"Huwag kang pilosopo Kearse. Naiinis na ako sa'yo."
"Mas naiinis ako sa'yo! I'm doing my best to keep my part of the bargain. Hayaan mo ako sa diskarte ko! And for your information, kung naiinis ka na, ako galit ako. Galit ako sa'yo!" humihingal na sabi niya.
Biglang lumamlam ang hitsura ni Cody na kanina lang ay napakadilim. Para bang may nasabi siyang ikinabahala agad nito. Ano? Naloka siya ng sinabi kong galit ako? Ganoon ba iyon Miss Author?
Dedma ang author. Busy siya.
Nagbugha ito ng malakas na paghinga.
"Anong ikinagagalit mo sa akin?"
Bigla siyang tinamaan sa sudden softness na ipinakita ni Cody. Kung kanina galit na galit siya, ngayon naman nalilito na siya. Napaka-unpredictable ng kumag na ito. Ang sarap kutusan at halikan ng sabay.
Humalukipkip siya. Kunwari ay hindi apektado sa biglaang pagbabago ng mood nito.
"Hindi mo alam?" tanong niya.
Nagtaas ito ng kamay. "Promise. Hindi ko alam." sabi pa ni Cody.
Siya naman ang nagbuntong-hininga. Nangmakita niya ito pagkaalis ni Jhay-L ay parang nawala na ang tampo niya rito. Pero ng mag-emote ito ng hindi maganda ay nanumbalik ang galit niya. Tapos, ngayong nagbago na naman ang mood nito, nalilito na naman siya. Ano ba talaga Kuya?
"Task Force Enigma : Cody Unabia ito. Hindi Pinoy Big Brother." epal ng magandang author sa train of thoughts niya.
Tse ka Mama D!
"You didn't tell me you're gay." nabigla siya sa pagiging malumanay ng boses niya.
Nakita niya ang pagkagitla nito. Confirmed!
"Why Cody? Why didn't you tell me you're one of us? Nanananso ka ba talaga?" puno ng panunumbat ang tinig niya.
Hindi kasi niya matanggap na ang lalaking gusto niya ay alanganin ding katulad niya.
Nag-alis ito ng bara sa lalamunan bago nagsalita. Muli, naging madilim ang buong mukha nito.
"Is that why you're mad at me?" Mahina, pero may bigat ang mga salita nito.
"Yes." pag-amin niya.
"I didn't tell you because you didn't even bother to ask. Hindi ko alam na pre-requisite pala ng mga lalapit sa'yo na sabihin agad kung ano ang sexual orientation nila. How did you know anyway?"
"Jerick told me. Pero hindi iyon ang punto. At hindi ko kailan man naisip yang sinabi mong pre-requisite. The point is, you decieved me."
"I did not."
"You did."
"Okay. Siguro nga hindi ko nasabi sa'yo. Pero hindi ba obvious? Hahalikan ba kita kung straight ako?" naiirita na namang sabi nito.
Nagtaas si Kearse ng kilay sa narinig. "What do you mean? Hindi ako pwedeng halikan ng straight guy?"
"I didn't say that."
"Pero iyon ang ipinupunto ng sinabi mo!"
"That was entirely a different thing!"
"No it aint!"
"Bahala ka na nga sa sinasabi mo Kearse." resigned na sabi ni Cody.
"Talaga!"
Napalabi siya sa inis. Ang kapal ng mukha nitong sabihin na hindi siya pwedeng halikan ng straight na lalaki. The nerve. Sinungaling na, malakas pang mang-insulto. Kumukulo talaga ang dugo niya.
"Look Kearse." sabi ni Cody sabay hawak sa braso niya.
Napapitlag siya sa init na dulot ng pagkakadaiti ng kamay nito sa balat niya. Parang may mabilis na enerhiyang bumalot sa bahaging iyon. Hindi niya talaga ma-explain. He hates the idea of still yearning for Cody's touch inspite of beeing fooled by him.
He shivered from the thought. Napilitan siyang tumingin dito.
"Hindi kita niloko. Akala ko kasi, gets mo nang gay rin ako. Nakita mo naman kung paano kita landiin di ba? Naramdaman mo naman sigurong gusto kita sa mga halik ko? Hindi ako basta-basta nanghahalik lang Kearse, not unless I like the person so much." halos desperado nitong sabi.
Napatda siya sa winika nito.
He liked him? Cody liked him?
"And I didn't mean to insult or offend you kanina. I don't know the right words to say Kearse, so please, don't make it hard for me. Madaldal ako pero hindi ako magaling magpaliwanag."
Gustong-gusto ng mapangiti ni Kearse sa naririnig na sinasabi ni Cody pero ayaw ng isang bahagi ng isip niya. Hindi pa rin niya matanggap na naloko siya nito.
"I don't like boys who like boys." sa wakas ay sabi niya.
Mahina lang iyon pero sa reaksiyon ng mukha ni Cody ay parang binagsakan ito ng mortar sa mismong harapan nito.
"Ganoon ba?" bagsak ang balikat na sabi nito.
"Oo."
"Malas talaga ako pumili." mapait na sabi nito.
Pinagmasdan niya ang hitsura nito. Mukha talaga itong naluging bumbay sa ayos nito. Pero sa kabila noon napaka-gwapo pa rin nito.
"Mukha nga." mahina pang sabi niya.
"Please Kearse... don't rub it in." mahinang pakiusap nito.
Ang kanina pang pinipigilan na kilig, ngiti at gigil para sa lalaking ito ay hindi na niya napigil. Inuna niya ang tawa. Tumawa siya ng tumawa ng malakas. Iyong tipong tatalunin si Sisa. Maluha-luha pa siyang lumuhod sa lupa.
"Damn it Kearse! How cruel can you get? Nakuha mo pa akong pagtawanan?" pigil ang galit na sabi ni Cody.
"Eh nakakatawa eh." aniyang tawa pa rin ng tawa.
Naloka na lang siya ng biglang may kumalabog. Nakita niyang sinuntok ni Cody ang pinto ng van. Yupi iyon. Imbes na mag-alala ay lalo siyang natawa. Yumayo na siya.
"Anong ginagawa mo?"
Matalim ang tinging binalingan siya nito.
"I'm still amazed you have the nerve to ask matapos mo akong pagtawanan." gigil nitong sabi.
Tinitigan niya ito. Tinaasan ng isang kilay. His arms akimbo. Parang si Selina lang sa Mula sa Puso.
"Dahil ayokong sinasaktan mo ang sarili mo Cody."
Sarcastic itong ngumiti. "Salamat ha."
"I said I don't like boys who likes boys..."
"Paulit-ulit? Unli?"
Dinedma niya ang sarcastic remark nito.
"But you're the only boy who likes boys that I like."
"Salamat... anong sabi mo?" maang na sabi nito.
"Sorry, expired na unli ko."
"Narinig ko iyon. You like me too?" naninigurado nitong sabi. Nabigla pa siya ng makalapit agad ito sa kanya at mahigpit siyang niyakap.
"Hep, hep, di ako makahinga!" angal niya kunwari.
"No. I won't let you go. That has been my promise since I fell in love with you." madamdamin nitong sabi sa gilid ng tainga niya.
Nanayo ang lahat ng balahibo niya sa katawan. Napuno ng galak ang puso niya. Ganoon pala iyon, kapag isinuko mo ang kagustuhan ng puso mo at dinedma mo ang dikta ng isip mo magiging ganap kang maligaya. Pero teka? Kanina, like lang ngayon love na? Ano ito, lokohan? Naiinis na itinulak niya ito.
"B-bakit?" nagtatakang tanong ni Cody.
"Umamin ka nga. Paanong love mo na ako samantalang kanina lang like pa lang ang sinasabi mo. Niloloko mo ba ako?"
Natatawang umiling-iling pa si Cody.
"Hay nako, suko na talaga ako sa'yo. Siyempre, may pride naman ako no? Ayoko na sa rejection eh. Dala na ako. Kaya like lang ang sinabi ko sa'yo. Magda-drama ba ako ng ganoon kung di kita mahal? Sasaktan ko ba ang sarili ko dahil lang gusto kita? Hindi ko gagawin iyon unless mahal kita."
"Alam ko nabibilisan ka Kearse, pero totoo. Sa Maynila pa lang tayo alam ko gusto na kita. Pero ng halikan mo ako, ayun naging full blown love na siya."
Napangiwi si Kearse sa terminong ginamit ni Cody. "Para namang malalang sakit yang sinasabi mo."
He chuckled. "Oo nga ano?"
"So love mo na ako?" tanong niya rito. Naniniyak ang tono.
"Oo naman. Sure ako diyan."
Napalabi siya.
"Paano yan? I'm still in the process of accepting the fact that I actually liked you. Promise. Hindi madaling sumuko sa dikta ng puso ko, pero anong magagawa ko? Alangan namang pigilan ko ito." tapat niyang sabi.
Nagpakawala ito ng makalaglag-panty na ngiti saka siya niyakap ulit. Somehow, this guy always managed to disarm him everytime. His embrace makes him melt like marshmallows on fire. His knees trembled and it felt like jell-o all over. Napilitan siyang kumuha ng suporta sa katawan nito.
"Okay lang. I promise to sweep you off your feet everytime we're together. Walang makakalapit na kahit na sinong herodes sa'yo para magpa-cute. Ako lang dapat ang cute sa mata mo."
Kinilig siya ng husto sa sinabi nito. Duda siyang hindi ito mahihirapan sa misyon nitong paibigin siya ng tuluyan. Malamang nga na doon siya agad mapunta. Dahil hindi pa man ito nagpapa-cute, kakaiba na ang pintig ng puso niya. Titig pa lang nito, gusto na niyang tumambling ng three-hundred sixty degrees. What more pa kung sasadyain nito ang lahat para makuha lang ang matamis niyang OO.
Ikaw na nga! singit ng mala-the wicked girl na bahagi ng isipan niya.
Hinigpitan niya rin ang iginanting yakap rito ng may makaagaw ng atensiyon niya. Bahagya niyang inilayo si Cody sa kanya at nalolokang tinanong ito.
"Ano iyon Cody?"
"Alin?" nagtatakang tanong nito.
Inginuso niya ang matigas na bagay na nakadikit sa tiyan niya. Matangkad kasi ito sa kanya kaya damang-dama niya ang bagay na iyon na tila balak butasin ang tiyan niya. Natawa ito.
"Ah iyan ba?"
Natawa na rin siya.
"Oo nga. Iyan nga." Bigla ang paglikot ng imahinasyon niya. He felt big. Nag-flashback sa kanya ang gabing nakita itong nakahubo't-hubad at duguan.
"Hayaan mo lang iyan."
"Bakit naman?"
"Ganyan talaga ang reaksiyon niyan kapag nakadikit ka sa akin. Laging handa." natatawang sambit nito.
Napailing siya sa sinabi nito at kinilig.
"Promise? Baka ini-stir mo lang ako ha?"
"Oo nga. Bakit ano bang plano mo diyan?"
Lumingon siya sa van. Napalingon din ito.
"Baliw. Nandiyan si Jerick." sabi nito.
As if on cue, bumukas ang pinto ng van at bumulaga ang gwapong sarhento.
"Tapos na ba ang drama niyo at balak niyo ng mga rated x dito sa van kahit nandirito ako? Mga imoral!" natatawang sabi nito.
"Tse! Panira ka ng moment." sagot ni Kearse dito.
Natawa lang ang dalawang alagad ng batas. Nagtinginan ang mga ito saka nag-apir ng hindi siya binibitawan ni Cody.
"Hanep pare, parang makakawala ang isang iyan ah." si Jerick.
"Mahirap na. Medyo may kalandian ito eh."
"Hoy! Nandito lang ako." natatawang singit ni Kearse.
"Sorry naman Love." amo sa kanya ni Cody.
"Yuck!" umarteng nasusuka si Jerick.
"Kakainin mo rin iyang sinabi mo pare." balik rito ni Cody.
"That'd be the day." sabi lang ng kaibigan nito.
"Teka lang mga pogi." sabi ni Kearse. "Paano si Jhay-L? Itutuloy ko pa rin ba ang pagsunod sa kanya?"
"Oo Kearse, lalo pa at may gusto pala sa'yo ang mokong na iyon." sagot ni Jerick sa tanong niya.
Napalingon siya kay Cody para tingnan ang reaksiyon nito.
"O bakit? Inaalala mo kung magseselos ako?" nakangiting tanong nito.
"Hindi nga ba?" panunubok niya.
"Never. Unless hindi na kailangang lumandi eh lumalandi ka pa."
"Kapal! Trabaho lang, walang personalan."
"Dapat lang my Love. Dahil kapag sineryoso mo ang pagiging seryoso niya, babalian ko iyon ng tadyang, at ikaw..."
"Anong ako? Anong gagawin mo sa akin." agaw ni Kearse sa sinasabi ni Cody.
He gave him a devilish grin. "I'll lock you up inside your room and fuck you till you're blue. Walang labasan. Wala ring kainan. Ako lang ang kakainin mo. Intiendes?"
Sa halip na matakot ay lalo pa siyang na-excite. Parang gusto niyang sumuway na agad. Napahalakhak siya sa galak.
"You're on." sabi niya.
"Neng, di ka halatang excited." si Jerick.
Natawa lang siya ulit.
"So here's the plan para sa Oplan: Hulihin si Jhay-L Lagman." at inilahad na ni Jerick ang plano na naisip nito para sa panghuhuli sa suspected drug dealer.
Itutuloy...
Tuesday, March 29, 2011
Task Force Enigma: Perse Verance
TEASER
by: Dalisay
by: Dalisay
Nagkaroon ng matinding dagok si Perse sa buhay noong bata pa siya na nagresulta sa pagpapalit niya ng pangalan at ng pamumuhay. Kasama na doon ang iwan si Alexander ng walang anumang malinaw na paliwanag.
Ngunit sa kakaibang biro ng tadhana ay nagkita ulit sila at kinailangan nito ng kanyang tulong. Dahil doon, nagsimulang magulo ang kanyang puso at isip.
Makakayanan ba niyang pagsabayin ang protektahan si Alexander sa mga humahabol rito pati na ang kanyang puso na unti-unti na namang nahuhulog sa karisma nito?
O aalis na naman siya sa buhay nito ng walang sabi-sabi sa kabila ng hindi nito pagpayag?
Abangan...
Si Joseph at Ako (Part 3)
No Copyright Infringement Intended
Source: kwentongka*******.net
Author: Louiekalbo23
Note: This is my all-time favorite gay-themed story. I edited some parts dahil na rin sa pagiging "kontrobersiyal" ng mga tagpo sa story na ito. Baka mamaya, himatayin ang mga taong involved. Hindi ko na rin ito itinuloy sa I.S. para walang conflict. Nagbibiro lang naman ako in the first place. Ahahaha,. Dahil sa pagmamahal ko sa story na ito, I decided to have it posted here for everyone else to see. At isa pa, para ma-enjoy ng mga tao ang ganitong version. It's not everytime naman na nakakaunawa ang mga mambabasa ng kakaibang genre. To LOUIEKALBO23, the credit goes to you. Isipin mo na lang, parang MILLS AND BOON ang story na ito at ginawan ko ng sarili kong version. :)
Edited and translated by Dalisay
Chapter 3
May nangyari sa kanila ni Joseph, parang pinaghalong kidnap and rape with consent na getaway. Bumalik sila sa place nang kanilang childhood at doon tinapos ang pagiging mga estranghero at bata sa isa't isa.
"Shit Joseph, 17 ka palang" naalala niya pagkatapos ibuhos ang pananabik at curiosity sa katawan ng isa't isa. Sabi naman nito'y magiging 18 na rin sa loob ng tatlong buwan, pwede na nitong pakasalan kapag ‘nadisgrasya’ siya nito at pwede ring akong iboto sa darating na eleksyon. "First time ko," dadag pa ni Jo, bagay na alam niyang hindi totoo.
"Gago! If I know, pa-booking ka, alam mong itutok yang ano mo sa bibig ko. Tapos ang galing mong umayuda, first time mo? Tarantado!" Dahil dito ay umain siyang may experience na siya sa bading at all the way naman sa babae, pero iginiit nito na siya daw ang unang kina-anal sex. Not that he thought it was then emotionally significant pero ang worry niya ay pumutok ang condom na gamit nito kanina. Ni hindi niya masabing "what if" pakawala ang kina-all the way nitong babae. Basta sinabi niyang may posibilidad silang magkahawaan ng AIDS. Bagay na parang ikinasama ng loob ni Joseph dahil hindi daw ganoon ang nagalaw na nitong babae.
Isang memorable na bout of intimacy na muntik nang ma-sabotage ng matalas niyang dila. Medyo naayos naman nila ang paghihiwalay sa pagsasabi niya ng "sorry" at may promise naman pang magkikita sila everytime na uuwi si Joseph mula sa trabaho niya sa Laguna.
Pero meron na siyang ibang plano, palibhasa guilty na nasaktan niya kaagad ang puppy love tapos sa isang iglap ay mawawala na naman sa kanya. Not now, not when may nangyari na sa kanila at not now na merong tenderness siyang nakita sa pakikitungo nito. As if isa siyang babae. Kabahan ka hoy! Ngayon pa, nasa edad na siya at meron na silang choice? Sabi tuloy niya sa sarili, I will make things work for us.
With that thought, naglinis siya ng katawan at pumasok sa munisipyo. Kung akala nang iba, a-attend lang tuwing session ang pagiging municipal councilor, e baka artista yung mga konsehal ng mga taong yon. Sa maliliit na bayan na walang masyadong budget para sa staff, ang trabaho ng konsehal na seryoso sa tungkulin ay marami-rami din. Nandyan ang mag review ng mga panukalang barangay at municipal resolutions at ordinances na isasalang sa susunod na session. Nandyan na gawin ang sariling legal at legislative research. Nandyan ang pagkikipag-konsulta sa masa tungkol sa mga panukalang ito. Nandyan ang social responsibilities na pag-attend sa mga functions hindi lang mga baryo, kundi hanggang sa kapitolyo ng probinsya. Sabagay, kahit saan namang bagay kung seryoso ka sa ginagawa mo, marami kang trabaho.
Pag dating niya sa maliit na cubicle ay mayroong note na gusto daw siyang makita ng mayor. Agad siyang tumungo sa office ni Papa Mayor, pareho silang alumnus ng UP Econ, pero anak ito ng old rich na pamilya sa probinsya. Mestisuhin talaga ito at talagang pwedeng maging artista ang career kung hindi nagka-utak. Ito rin ang kaniyang mentor sa local politics, meron itong vision para sa bayan na gusto niyang pakisalihang isakatuparan at yon ang common ground nila, kahit alam nitong bading siya. Well, pinakagusto talaga siguro niya ay yung tanggap nito from the start at kinuha siya sa partido kahit na badingger-Z siya. Ilang taon lang naman ang agwat nila kaya magkaibigan ang turingan kapag wala sila sa mga pormal na functions.
"Congrats sa successful na pa-disco mo kagabi konsehal. Nag pay-off na naman ang pagpe-prepare mo nang matagal, at nabawasan din ang problema natin sa financing ng Inter-town Cup." Sabi nito sa kanya.
"Thank you, Mayor. Pero I feel na hindi tungkol sa disco kaya mo ako pinatawag?" aware kasi siyang marami ding trabaho ang taong ito kaya diniretso ko na ito ng tanong.
"You're right. You were seen exiting the premises of your own activity last night, aboard a vehicle na minamaneho ng isang batang lalake?"
"For Christ's sake, Edwin," in-address na niya ang Mayor sa first name nito.
"Hindi na bata ‘yon, he is turning eighteen in August and as you yourself said, sya ang nagda-drive at hindi ako ang nanghila sa kanya. Isa pa, it's a personal matter na way beyond my duty here na hindi dapat minamanmanan. Tsaka kung magsalita ka parang ang tanda tanda ko na e 22 pa lang din naman ako."
Itinaas agad ni Edwin ang kamay para pa-prenuhin siya. Nag-aalala yata ang Mayor na baka sinasapian na siya ni Miriam Defensor Santiago. "Unang-unang hindi ka minamanmanan. It's just that you are a very popular figure and everybody could not help but know kung nasaan ka. Pangalawa, I am just relaying this to you para ma-test kung papaano mag-se-settle sa judgment mo ang being intimate with a minor dahil alam kong discreet kang tao pero kagabi, parang naging reckless ka yata na ibig sabihin gusto mo talaga yung binata. Lastly, I am making you aware of what the party might think when they find this out, kung ano ang impact nito for your succeeding candidacy at pati na rin sa kalaban mo, baka gawin nilang issue ito."
"You know my stand on my candidacy Mayor. Pumayag akong sumama sa partido dahil naniniwala ako na kailangan ng young blood ang governance ng bayan natin. The deal was gagawin ko ang best ko sa term na ito at hindi na ako masi-seek ng re-election. Marami pang young blood diyan na deserving at willing magsilbi sa bayan natin, now that there is you na willing na bigyan sila ng chance. Heck, hindi ko pa nga inaayos ang pagiging CPA ko."
"I thought you might cast aside that dream for this one kasi parang masaya ka sa ginagawa mo dito e. Akala ko tutuloy ka pa."
"Thank you for the vote of confidence pero masaya ako dahil alam kong I am doing this out of sheer service to the people. Afterwards I can be a shark and sniff blood in the corporate world without flinching dahil tapos ko na ang serbisyo ko para sa konsensya at bayan."
"Hindi mo na ako mahal, ipagpapalit mo na ako sa private career at sa bago mong toy boy," ginawa na nitong personal ang appeal ng argumento.
"At least tama pa rin ang basa mo sa akin on both counts. Yeah, I will move on to a private career para less-strained ng public opinion ang relationships ko. Mahal ko rin siguro yung boy, because I am willing to make a stand and take risks for him. At saka ang tagal pa nang susunod na elections, ang dami pa nating pwedeng gawin and who knows magbago ang ihip na hangin."
"Oo nga naman. I'm glad that you have been consistently honest with me on this, Daniel kahit personal na bagay ito. That's what people love in you sa bayan na ito. And for your own sake, pwede bang isara mo pa yang isang butones ng polo shirt mo dahil ang laki ng chikinini mo sa leeg."
Yun lang at alam na nila nang boss niya ang stand sa isang issue: huwag ibalandra ang chikinini. Pero seriously, alam niya, He have been forewarned. Kung gusto niya nang future sa politika, okey din lang na magpakabading pero hanggang certain level lang dahil kailangan pa rin ng nod of approval ng partido na may pera sa pangangampanya. Mayorang bading? Hmmm palagay niya hindi masyadong popondohan. Grabe no? Politics and showbiz sometimes do look like the same animals. Pati lovelife kasali.
In the mean time, na inspire naman siya sa trabaho at sinipagan pa ang community outreach (kahit makipagchikahan lang sa tabi ng bakod para malaman ang opinion ng mga constituents, bah outreach na yan). Si Ericka, ang kaibigang parlor diva ang siyang sounding board niya sa bayan namin. Ito rin ang tagakalap niya ng mga intelligence information.
"O hayan ang address nang Joseph na yan sa Laguna. Kumpleto sketch yan. Kasi nahahalata ko na habang lumiliit yang marka mo sa leeg e nagiging balisa ka na."
‘Salamat, Jers, alam mo naman na matagal ko nang pangarap yung hombreng yun. Maganda na sana ang simula namin kaya lang sinapian ako ni Tetay kaya parang na bad trip yata. Babawi lang ako ng ilang points para okey na talaga kami."
"Uhmm at saka Dakota Harrison Ford Indiana sabihin mo. Na-kukang ko na yata ang barkada non, at sabi ng barkada niya, siya ang kingpin sa grupo nila."
"Ate in-lababo na naman ako!!!" tuluyan niyang pag-amin.
"Siya, humayo ka at magparami ng kissmark. Basta ilakad mo ako kay Konsehal Reyes ha? Sabihin mo kahit may asawa na siya okay lang akong mistress. Libre sya gupit at facial sa akin."
Tumuloy siya sa Sta. Rosa, isa sa mga pagawaan ng machine parts doon ang trabaho ni Joseph. Dala sa loob ng lumang traveling bag ang isang 6-pack na Hanes na panloob man lang nito para sa trabaho, isang bote ng vitamins na alam niyang hindi priority na bilhin ng mga kabataang malayo sa bahay nila, ilang medyas at saka kalahating dosenang jockey kagaya ng suot nito noong nagkatagpo sila sa kubo. Pinamili niya ang mga ito nang dumaan siya sa Manila. Sigurado siyang matutuwa si Joseph sa mga ito. Habang nasa bus ay maraming tanong sa isip niya. Magiging mag-on na ba kami formally? Bakit ba kasi inuna pa ang jug eh. Magkakatabi kaya ulit kami mamaya?
Pag dating sa address na nakasulat sa papel na bigay sa kanya ni Jers, ay kumatok siya sa pintuan ng isang luma at malaking bahay. Typical iyon na family residence na ginawang boarding house. May lalaking kulot na nagbukas ng pinto, nakangiti, "Hi, ano yon?" tanong nito.
"E, dito ba nakatira si Joseph Castillo? Tiga Nueva Ecija ako, kaibigan niya, dadalawin ko lang sana sya."
"Aaa, si Jo, padating na yon, tuloy ka muna. Ako si Pido, kasama niya dati sa kwarto ng mga bedspacers. Hintayin na lang natin," sabay bukas ng pinto patungo sa isang maluwang na salas, kita ang dalawang magkasunod na pinto ng mga kwarto bago makarating sa isang maluwang na kusina. Kung ganoon din kaluwang ang second floor ng bahay, mga apat sa kwarto pa sa itaas, na palagay ko ay puno din ng mga bed spacers.
"Kami-kaming mga lalake dito sa ibaba. Mga babae, isang nagli-live-in at isang may pamilya naman ang mga nakatira sa kwarto sa itaas. Kasama namin ang landlady namin, duon siya sa bungad na kwarto sa itaas" paglalahad ni Pido.
Nasa ganoon kaming kwentuhan nang bumukas ang pinto, dumating si Joseph kasabay ang ilang mga naka-uniform ng asul na polo, malamang kasama sa trabaho – maiingay at parang tuwang-tuwa sa pagtatapos ng isa na namang araw ng trabaho. Parang namutla si Joseph nang makita siya. Siguro nagulat, natutuwa, sabi niya sa sarili.
"Konsehal!" malakas nitong bati sabay abot ng palad sa kanya. Yung palad na namang yon, doon nabuhay ulit ang mga pantasya niya rito noong huli kaming nagkita. Nang iangat niya ang mga mata para tingnan si Joseph, may parang pagkaalangan sa tingin nito. Na-sense niya, merong hindi tama.
"Si Daniel Danzalan, konsehal sa bayan namin, at kaibigan ko" pakilala nito sa grupo. Konsehal? Kaibigan? Akala ko ba papakasalan ako nitong galawgaw na ito pag nabuntis niya ako? Isa-isa nitong ipinakilala sa kanya ang mga kasamahan nito sa boarding house na karamihan ay kasama rin sa trabaho. Nang mapadako ang pagpapakilala nito sa mga babae, una nitong ipinakilala ang nasa tabi na noon niya lang napansin. Petite, maputi, mahaba ang buhok at nabunutan ang maayos na kilay. Bago pa man niya maitanong kung mayroong muse na posisyon sa trabaho nila ay narinig niya ang pagpapakilala ni Jo dito.
"Ito naman si Karen…asawa ko," parang kumulog ng sobrang lakas noong marining niya iyon at nabingi siya pagkatapos. Parang naging pipi ang buong mundo. Asawa? Teka muna e di ba…
Parang gusto niyang magsisisigaw pero parang may pumigil sa kanya. Poise? Siguro nakakagat siya sa labi kaya di siya makapagsalita, o siguro rinerendahan siya ng utak na huwag magpaka gaga. Sabi na nga ba something was amiss.
"A-asawa?" yon lang ang nasabi niya.
Parang napakagat din si Joseph sa labi bago nagsabing, "E..nagsimula na po kaming magsama noong nakaraang buwan" Pinupo pa ako ng walanghiya. Sigaw niya sa isip. Parang gusto niyang pasabugin ang boarding house na iyon. Hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari. Di ba dalawang linggo lang before nang magkatabi kami? Ito ang babaeng sinabi niyang na all-the-way niya na hindi pokpok? Parang wala akong makitang pagkakaiba. Naghuhuramentado na ang tagilid niyang isip.
Dahil siguro sa sa tagal na natahimik sila ay nagsalita na ang babaeng si Karen na kumapit pa sa braso ni Joseph. Parang possessive pang selosa ang bruha. "Bakit nga po pala kayo napadalaw dito?" tanong nito na medyo nakataas ang kilay. Wag mo akong pupoin, isa ka pa! At walang nagtataas ng kilay sa akin, pokpok! Yun ang sigaw ng puso niya na pakiramdam niya ay isinubo na sa gilingan habang nakakabit pa sa dibdib. Pinapatay siya ng mga ito sa sakit habang nakatayo doon at pinagmamasdan ng maraming tao.
"Mmm..dinala ko itong napanalunan niyang sponsor's jackpot sa disco sa amin. Maaga kasi syang umuwi noon e. Balita ko bumalik din siya dito kinabukasan. May trabaho ako sa Quezon City kaninang umaga kaya ko naisipang tumuloy na dito at ihatid ko na lang ito" sabay abot sa bag ng mga pinamili para dito.
Liars go to hell pero at least hindi siguro siya sa pinakamainit na parte itatapon dahil may konting katotohanan yung sinabi niya. SIYA yung jinakpat na sponsor at totoong maagang umuwi si Joseph nung gabing yon dahil nag-date sila. Shit! Na-one night stand ako under false pretenses. Si Joseph na mahal ko noon pa, ginudtaym lang ako?
"Salamat po, nakakahiya naman," sagot ni Joseph, halos nakayuko. Hindi niya alam kung saan ito nahihiya. Basta gusto niya itong dambain, kalbuhin at paduguin ang ilong.
Inalok siya ng grupo nito na doon na maghapunan. At dahil parang hindi pa niya kayang maglakad o mag-isip sa mga nalaman, tumango na lang siya at umupo sa sofa ng salas na yon. "Thank you, medyo pagod nga ako sa biyahe."
Sa isip niya, Diyos ko, kunin mo na ako dito. Physically man akong mag disappear o mamatay on the spot ay parang blessing na sa akin lalo na sa puntong ito. Hindi niya alam kung ano ang hitsura niya nakipagkwentuhan sa mga kaibigan ni Joseph, at kung papaano siya humarap sa malaking mesa sa kusina ng boarding house na yon. Ni hanggang ngayon hindi niya maalala kung ano ang kinain niya doon. Pagkatapos na pagkatapos ng hapunan, nagpaalam na siya at idinahilan ang mahaba pang biyahe pauwi.
"Ihahatid ko na po kayo sa labasan," alok ni Joseph. Putang inang ito, pinupupo pa talaga ako e pinatay na nga ako.
"Sorry Dan, hindi ko alam kung pa'no ipaliwanag…" simula nito paglabas pa lang namin ng gate. Tumulo agad ang luha niya. Hindi na rin namalayang mabilis na pala ang paglakad dahil sa tangkad ni Joseph, pahabol na itong sumasabay sa kanya.
"Wag na Jo, di ko rin maiintindihan ngayon. Kahit kailan, wag na." Dalawang linggo lang pagkatapos nilang mag-dyug, yon ang unang pagkakataon nilang sarilinang mag-usap at ganon pa ang tema ng usapan. Yung maliit na tuwalyang laging mayroon sa backpack niya, mabilis nang nababasa ng luha.
"Basta ginawa ko lang ang alam kong tama," parang gusto pa nitong mangatwiran.
‘Tama?! Kulang na lang na mabaliw ako sa ginawa mo sa akin doon sa loob ng punyetang love nest ninyo! Wala akong ka alam-alam! Tama ba yon?" hindi niya na napigilan ang bibig. Napatingin ang mga pedicab driver at nagtitinda ng barbecue sa kantong hinintuan nila.
"Dan…Dan…please hindi ganito ang gusto kong mangyari sa atin. Bata pa ako, pero problema itong sinuot ko at di ko tatakbuhan ito. Hindi nga siguro dapat ako magpaliwanag ngayon pero please, maniwala ka, hindi ko gustong saktan kita." Parang nabaligtad ang persona nila. Siya ang brusko, ito ang malumanay, yun lang hindi ito makapag-sorry nang maayos. Ni hindi siya nito mahawakan sa lugar na yon and he never felt so alone sa buong buhay niya.
"Ginawa mo na Jo. Tang ina, sinaktan mo na ko." Hinanap niya ang Ray Ban sa loob ng backpack. Hindi naman siya ang unang weirdo na naka-shades kahit papadilim na. Pinara niya ang papadating na jeep at saka sumakay. Ayaw niya sanang lingunin si Joseph pero hindi niya napigil ang sarili.
Malayo na ang natakbo ng jeep sa highway pero nandoon pa rin si Joseph nakatayo sa kantong pinag-iwanan niya rito.
Itutuloy...
Itutuloy...
Subscribe to:
Posts (Atom)