Saturday, August 21, 2010

EPILOGUE:Kung Kaya Mo ng Sabihing Mahal Mo Ako

Photobucket


Salamat sa mga nagmahal at sumubaybay sa seryeng ito. Kaunti lang kayo kaya alam na ninyo kung sino-sino kayong hinaharass kong magbasa nito. Sadyang nalulungkot ako na kailangan ko na itong tapusin ngayon. I will miss Pancho and Gboi for sure.

But, but but!!!

Paki-abangan ang pagsilang sa nagkikisigan at nagga-gwapuhan ng miyembro ng TASK FORCE ENIGMA. Una sa listahan si Sgt. Rovi Yuno. Isisingit-singit ko na lang siguro ang ibang updates sa buhay-pagibig ni Gboi at Pancho sa mga susunod na nobela. May malaki akong sorpresa sa mga nagbasa ng Kung Kaya Mo ng Sabihing Mahal Mo Ako pero saka na iyon. Malalaman ninyo rin iyon.

Bati mode.

Hi sa kapatid ng aking ex (Kaloka!) na si Mark Briones. Nagbabasa raw siya rito tamad lang daw siya mag-comment. Kapag nabasa mo itong chapter na ito malamang mag-comment ka na. Hahaha...

Special thanks sa mga friends ko sa Musiko Bar and Restaurant. Nag-enjoy ako sa jamming session natin. Sana kayo rin ay makapunta sa gig namin at kayo naman ang maki-kanta. Jenny Gray at Mikay, salamat ng marami mga babaeng bakla. :D

At sa'yo Echo. Matulog ka na! Nangungulit ka na naman. Aalis pa tayo bukas.


____________________________________________________________________________




Maganda ang panahon ng araw na iyon. May mangilan-ngilang foreigner at Pilipino ang nasa laot din tulad niya habang nakasakay sa surfboard. Kahit paano ay naaaliw siya at napapalipa ang kanyang oras ng hindi niya kailangang mag-isip. He dreaded the idea of getting home. Magiging mag-isa na naman siya at di na naman niya mapipigilang mag-isip.

Nang matapos mag-surf ay nagliwaliw pa siya ng kaunti sa isla. Tumingin-tingin siya sa mga souvenirs na nasa mga tindahan. He was in Siargao. Pero hindi siya doon nagtatago. Paiba-iba siya ng destinasyon. He can't afford to stay in one place for he didn't want Pancho to see him again. The last time he saw him ay nasaktan pa niya ito sa kakapilit na mag-usap sila.

Sa nakalipas na limang buwan ay ganoon ang sistema niya. Gamit niya ang sariling yate na binili niya sa isang kaibigng taga-Marina ng magpasya siyang lumayo dahil sa mga natuklasan. May kalakihan iyon kaya halos gawin niya ng bahay iyon. Convenient para sa kanyang naglalagalag.

Nakakatawa na para sa edad niyang iyon ay saka siya nag-istokwa. Pero iyon talaga ang nararamdaman niya. Para kasing sasabog na ang pakiramdam niya kung hindi siya lalayo muna. Nahihirapan pa rin siyang tanggapin na ng dahil sa pera ay halos maubos ang kanyang pamilya. Puro may intensiyon ng paghihiganti ang nakapalibot sa kanya kaya kahit si Pancho ay hindi niya makuhang mapalapit ulit. Natatakot na siyang sumugal.

Noong araw na "inilayo" siya ni Rick ay nagtungo sila sa Cebu. Panay ang tawag noon ni Pancho na hindi naman niya sinasagot. Pati kay Rick ay humihingi pa ito ng tulong kung hindi lang niya napaki-usapan ito na ilihim kng nasaan siya. Nang sumaglit to sa Maynila para sa follow-up ng tungkol sa kaso ay tumalilis siya papuntang Olongapo by booking the last flight for that day sa Subic.

Pagdating doon ay tinawagan niya si Attorney Pangan para ipagbilin ang lahat. Ang kumpanya ay ini-lease niya for sle sa may pinakamataas na share dito kasunod sa kanya na kaagad namang binili nito in a condition that the employees would not be affected by the transition of owners.

Ipinagbili na rin niya ang mansiyon at sa villa na lang pinatira ang tiyahing si Mercy ng magkamalay ito. Sa ngayon ay nakarekober na ito bagama't naka-cast pa rin ang nadamaged na binti. As for Elric, tinakasan nito ang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagtalon sa bintana ng ospital ng makatulog ang bantay nito. Hindi niya inaasahan na ganoon ang gagawin nito. He felt sad na hindi ito mako-convict sa mga pagkakasala nito but the other side of him is telling him that justice was served already.

He strolled the beach a little while carrying his diving board. Ilang saglit lang ay napag-pasyahan na niyang magbalik sa dock area kung saan naroon ang kanyang yate. Malapit na siya ng marinig niyang bukas ang stereo ng sasakyan. At naka-full blast iyon and it was playing an Aerosmith song. Kinabahan siya. Paborito niya iyon. Dali-dali siyang umakyat doon at galit na galit na hinanap ang paki-alamerong nagpapatugtog doon.

Pababa na siya sa cabin ng makilala niya ang boses na sumasabay sa kantang iyon ni Steve Tyler. Singing his heart out. At maganda ang boses. Nasa may bandang pantry ito. He was wearing a board shorts that fitted his masculine hips and those oh so adorable pair of butt cheeks.

That kinda lovin'
Turns a man to a slave
That kinda lovin'
Sends a man right to his grave...

Pagpapatuloy pa rin nito sa pagkanta. It was his favorite rock song. And this guys has no right singing it not because he can't sing well. He was invading his turf. And why did he have to be so damed sexy while cooking in his little kitchen?

He didn't have a shirt on. Instead, he was wearing his apron. Nakatalikos sa kanya ito exposing beautifully muscled back. Nag-flash back sa isip niya ang mga sandaling nakakapit siya sa katawan nito. That alone made him ache for this guy. Pero hindi na siya makapagtitiwala rito.

I go crazy, crazy, baby, I go crazy
You turn it on
Then you're gone
Yeah you drive me
Crazy, crazy, crazy, for you baby
What can I do, honey
I feel like the color blue...

Hinayaan niya muna itong magngangawa duon. Hindi naman masama sa pandinig ito eh. Saka nag-e-enjoy pa siyang pagmasdan ito. Sa sobrang enjoy niya siguro ay hindi na niya namalayang pinatay na nito ang stereo sa pamamagitan ng remote at ngayon ay nakaharap na ito sa kanya at kumakanta habang papalapit sa kanya. Looking at him intently.

Come Here baby
You know you drive me up a wall the way you make good on all the nasty tricks you pull
Seems like we're makin' up more than we're makin' love
And it always seems you got somn' on your mind other than me
Gboi, you got to change your crazy ways
You hear me

He smirked as heard his name on the song. Aminin man niya o hindi ay kinikilig siya. Pero hindi siya nagpahalata. Nagtaas siya ng kilay ng lumapit pa ito ng husto. He was now an inch closer to him. Tinititigan siya nito ng husto. Gusto namang matunaw ng mga buto niya sa tuhod. He felt like jell-o all over. Iba talaga kapag tinitingnan ka ng taong mahal mo. Dama niyang lahat ng pag-aalinlangan na nadarama niya ng mga nakaraang araw ay katulad na lamang ng mga nagdaang araw na iyon. Lumipas na.

"Hello Sweetheart. Did you miss me?" he said huskily. Never for a moment that his eyes left his. Napapaso siya sa maamo at masuyong pagtingin nito sa kanya pero ayaw niyang tigilan ang pakkikipag eye to eye contact dito. Masarap kasi sa pakiramdam.

"Hmm? You asked something?" he teased.

"Did you hear me? Nakapaloob lahat sa kantang iyon ang nilalaman ng damdamin ko. Kung paanong naloloko na ako sa kakaisisip sa'yo." Pancho said as he moved a litle closer. Magkadikit na magkadikit na halos ang mga katawan nila. His breath fanning his face. He smelled fresh. Di niya maiwasang titigan ang mga labi nito na tila nag-aanyaya ng ilang libong pangako ng ligaya. Napalunok siya;

"Did you say something?" he concentrated on his eyes.

"I just sang sweetie. Hindi ka talaga marunong makinig." Pancho still seriously looking at him.

"I didn't hear you." he joked.

"Sayang. Kasi nasa kantang iyon ang lahat ng nilalaman ng damdamin ko. Pero okay lang. Hindi naman ako magsasawang sabihin sa'yo ang nararamdaman ko." seryoso pa ring pahayag nito.

"I told you Pancho. Its not going to work. Ayoko ng makipag-relasyon." biglang sabi niya. Obviously trying to look tough in front of him. Mukhang mahirap pero kailangan niyang pangatawanan.

"Ikaw lang ang nag-iisip niyan. I told you I'm sorry Gboi. Kung nagawa kong lokohin at gamitin ka para sa sarili kong intensiyon ay may balik naman sa akin iyon."

"And what is it?"

"Hindi mo kasi ako pinakikingan eh. I'm always trying to say I love you pero lagi mo akong itinataboy. Nang tinangka kitang paibigin, It backfired. I just didn't notice it a t first." halos desperado na nitong sabi sa kanya.

A very good feeling surrounded his heart. But he had to be sure. Ayaw na niyang magkamali ulit. The last time he let his heart decide over his fate it only turned his world outside down.

"You love me? Gaano kadali para sa iyo na bitiwan ang mga salitang iyan Pancho? At gaano kadali sa tingin mo ay paniniwalaan ko ang mga sinasabi mong iyan? mapait niyang tanong.

Bumalatay ang sakit sa gwapong mukha nito. Umiling-iling muna ito bago nagsalita. "You think it was a very convenient lie for me? Ano ba sa tingin mo ang mapapala ko kung sabihan kitang mahal kita?"

"I don't know. Money perhaps?"

"Damn you Gboi. I don't need your money. I have mine to last me a lifetime. Kaya ko ring suportahan ang luhong kinasanayan mo o makipagsabayan man lang sa mga kapritso mo." nanggigigil na sabi nito.

"How on earth did that become possible?" naguguluhang tanong niya.

"Maybe its time you get rid of that Pancho name. I'm Carmencito Vergara, President and the sole owner of Vergara Motors. 32 years old. Wala naman akong anak sa pagkabinata sa pagkaka-alala ko. Certified single pero ang puso ay taken." seryosong sabi nito at inilahad pa ang kamay sa kanya.

Napatunganga siyang saglit sa nalaman. May-ari pala ito ng isa sa pinakamalalaking car manufacturers sa bansa at sa ibang panig ng mundo. Hanggang natawa siya sa ginawa nito pero di niya tinanggap ang kamay na inilahad sa kanya. "Funny you should do that Pancho. Nagawa na natin halos ang lahat ng bagay pero hindi pala kita kilala ng lubos bukod sa ang alam kong tawag sa iyo ay Pancho. So, kung nagawa mong ilihim sa akin ang lahat ng iyan, paano at bakit pa kita paniniwalaan? It only shows how little I know from you pero nagawa kong ibuhos ang damdamin ko sa'yo." pagpipilit pa rin niya.


"Hindi ka rin madaling kumbinsihin no? Paano ko ba ipapaliwanag sa iyo yun noon? Ganito ba? Ah hindi totoong Pancho ang pangalan ko at ginawa ko lang iyon para makalapit ako sa iyo at magantihan ko si Elric na kapatid mo. How about that?" naiinis nang tanong nito.

He almost burst into laughing pero nagpakapigil-pigil siya. He was enjoying it. The proximity between them is intolerable. Gusto na niyang yakapin ito at kuyumusin ng halik. Pero may time pa naman. Later na. Pilyong sabi ng isip niya.

"Iyon na nga eh. Wala akong kinalaman sa inyong dalawa. Bakit ako nadamay at naging collateral damage pa." nagtatampong sabi niya kunwari.

"I know and I'm sorry for that. Hindi ko alam pero ng mahuli kitang nakatingin sa akin sa airport eh iyon na ang pumasok sa isip ko kaagad. Maybe I didn't know I was really attracted to you. Well who wouldn't? Ang cute-cute mo kaya." pinisil pa nito ang pisngi niya.

"So ganoon na lang iyon? Sorry na lang ako. Babalewalain ko na lang iyong sakit ng loob na natamo ko ng dahil sa iyo?" pagpapanggap pa rin niya kahit umaapaw na ang kilig niya.

"Hay! Nag-eenjoy ka dito eh no? Gustong-gusto mong mahirapan ako pero deep inside eh kilig na kilig ka naman." he stepped back a little that he felt something was taken from him that he couldn't fathom what.

"I'm not the one who just barged in here and took the liberty of turning my stereo on and cook something..." he looked at the cooking pan in he stove. "...toasted?" then he laughed.

With that being said, Pancho hurried back to the stove and turned it off. Agad nitong inilagay sa sink ang nasunog na niluluto nito. Halos maglupasay na siya sa kakatawa ng balikan siya nito na nakangiti rin.

"I'm glad I made you laugh." sabi nito at ikinulong ang kanyang kamay sa mga kamay nito.

Naputol ang pagtawa niya at hindi agad siya makapagsalita. He tried to pull his hands away but he wont let go. Hinayaan na lamang niya. Talo naman siya palagi sa lalaking ito.

"Thank you Gboi." he said sincerely.

"For what?"

"For this."

"This what?"

"For leting me stay here. Kahit na galit ka."

"Tama ka. Galit pa rin ako. Pero hindi sa iyo. O kahit na kanino pa man." that was true. Nawala na ang galit sa puso niya para rito. Natira na lang ay pag-aalinlangan.

"Then how come you won't keep me?" tanong nito.

"I'm just afraid Pancho or Ito or Mr. Vergara or whatever your name is. I'm just afraid." sabi niyang bahagyang nakangiti.

"Afraid of what?"

"Afraid to love again." he looked in his eyes. "To trust again." he added. "What if I indulge myself with your offer and you hurt me again? Ano lang ang mangyayari sa akin?" malungkot niyang tanong.

Pancho stared at him. Hindi niya inalis ang tingin dito. Gusto niyang makita ang sinseridad na hinahanap niya.

"Don't be afraid to love Gboi. Don't." he said as he touched the contour of his face. "For whatever we try to do. Love will always be the most fragile thing in this world. And we are not its best caretakers. Kahit gaano pa natin protektahan ang sarili natin mula rito or ito mula sa atin. We just meddle through it and do the best we can. Hoping that this fragile thing would survive, against all odds." his words felt like a warm blanket that covered his cold heart.

Tama ito. Hindi niya dapat ito iwasan. Hindi siya dapat matakot magmahal muli. Mahal naman niya ito eh. Hindi siya tumigil sa pagmamahal dito.

"But what if you hurt me again. What if I screw-up habang tayo pa?" huling hirit na niya ito.

"We're not perfect Gboi. Any of us. We make mistakes. We screw-up. But we forgive and move forward. Walang rason para mabuhay tayo sa galit. Naranasan ko iyan and I'm telling you. It didn't feel good."

He sighed. He's absolutely right. Kailangan lang niyang magtiwala rito. Hindi na siya dapat magpatumpik-tumpik pa. Siya na ang yumapos dito para tuluyang magdikit ang mga katawan nila.

"Salamat Pancho."

"No. Thank you. Thank you for coming to my life."

"Ang corny mo."

"Ganoon talaga. Hindi ko nga mabilang ang oras at araw na halos mabaliw ako sa kakaisip kung paano kita makukumbinsi to take a chance on me."

"Really? I didn't know you were that persistent." he teased.

"Ah ganoon." he kissed him. Wantingly, he grabbed his nape para mas dumiin pa yun. "WHoa!" natatawang kumalas ito sa kanya. "Relax sweetie." sabi nito saka pinisil ang baba niya. Nakuntento na lang ito sa pagkakahawak nila ng kamay.

"Let's talk first. Okay?"

He rolled his eyes. "We've been doing that since thirty minutes ago." natatawang wika niya pero nagpaubaya siya.

"Paano mo pala nalaman kung nasaan ako?"

May itinaas itong isang maliit na monitor na pang GPRS at may signal na kulay pula na umiilaw. Napapantastikuhang tumingin siya rito.

"I'm bugged? But where?" takang tanong niya.

"I don't know. Rick gave this to me after I punched the hell out of him ng hindi niya sabihin kung nasaan ka." he said casually.

"Ikaw ang hilig mong manakit."

"Eh ikaw, bakit sa kanya ka pa nagpasama?"

"Nagpatulong lang ako. Kita mo nga tinakasan ko siya."

"Alam mo kasing may gusto sa iyo yung tao kaya di ka niyaya mo."

"Patawa ka. Si Rick? May gusto sa akin?"

"Nya nya, si Rick? May gusto sa akin?" he parroted in a child's voice.

He chuckled on that sweet jealous gesture. Yumakap siya rito. He just hugged him tight. Naiiyak na halos siya sa sayang nararamdaman. Namamasa na ang mata niya.

"I love you." anas niya.

"Mas mahal kita."

"Kailan pa?" tanogn niya.

"Maybe when I first saw you. Maybe when I first kissed you. I don't know. All that matters to me is, kahit ano ka pa, kahit nasaan ka pa. Hahanapin kita dahil mahal kita. Kaya nga lapit ako ng lapit sa'yo kahit galit ka na kasi Mahal kita. Mahal na Mahal. And I'm willing to move heaven and earth to make you realize that you still love me at hindi totoo ang ipinasabi mo kay Rick na hindi mo na ako mahal." madamdaming pahayag nito.

Naalala niya iyon. Natawa ulit siya."Damn you Gboi. I didn't know na ang makukuha kong reception sa pagtatapat ko ay pagtatawanan lang ako. Much worst is by the man I love." galit na sabi nito.

He cupped his adorable face. Kissed him hard. Kissed him wet until he felt his own reaction to that intense kisses. Hinihingal na kumalas siya rito.

"What was that for?" takang tanong nito.

"Ang daldal mo kasi." nakangising sabi niya.

"Ang kulit mo kasi. Tawa ka ng tawa pagkatapos kong magtapat." nagmamaktol na sabi nito.

"It doesn't matter for me kung kailan mo ako minahal. Ang mahalaga, mahal mo ako. Mahal na mahal. At mahal na mahal din kita." puno ng pag-ibig na sabi niya.

"So we're on? Officially?"

"Asus. Oo, official na tayo." tukso niya.

"Guide me through this Gboi. Bago lahat sa akin ng nararamdaman ko ngayon. Lalo na sa ganitong relasyon." sinserong pahayag nito habang nakatingin sa kanya ng puno ng pagmamahal.

"Of course. Just always listen to what your heart is saying. And I don't think I will need again my list."

"What list?"

"The list I made until you can tell me you love me too."

"Where is it?"

Itinuro niya ang sentido at puso. Nakaka-unawang inakbayan siya nito palabas sa upper deck. Hindi niya inalis ang kamay nito at inihilig pa ang ulo sa balikat nito. He kissed his forehead. Their eyes met. Nagsusumamo ang mga mata nito na bumababa taas ang tingin sa kanyang mata at labi. He initiated the kiss. A very sweet kiss that melted his heart and made it surrender to his feelings;

Nasa kalagitnaan na sila ng paghahalikan ng makarinig sila ng mga palakpakan at flash ng mga camera. Nahihiyang yumuko siya habang si Pancho ay parang balewala lang. Gusto sana niyang bmaba na ng dahil sa hiya. Those pictures will surely hit the newspaper tomorrow but Pancho wouldn't let him go. Niyakap lang siya nito ng mahigpit.

"Huwag kang matakot. Nandito lang ako. Wala tayong paki-alam sa kanila. Okay?" puno ng seguridad na sabi nito.

"Hahaha, sige. I don't have anything to lose now." natatawang wika niya. Inakbayan ulit siya nito at kumaway pa sa mga miron na nagpi-picture sa kanila.

"Are you a couple?" sabi ng foreigner.

"Yes mam." nakangiting sabi ni Pancho sa nasa kabilang yate.

"How sweet." anito saka inaya ang asawa na mukhang natulala na sa nasaksihan na halikan nila.

"Why don't we give him a show?" Pancho asked.

"Sure." pagsakay niya.

Then they kissed again. And hurried downstairs to make up for the lost time. True to his words, Their picture was on the news the next day. Tinawanan lang niya iyon. Inulan sila ng tawag na napilitan siyang magpalit ng numero. They became celebrity because of that although wala silang pinapayagan na interview. Maybe some other time. Kay Boy Abunda siguro na tinawagan din sila.

Sa ngayon ay i-eenjoy muna nila ang isa't-isa. Masyado pang bago ang relasyon nila and they want to take it one at a time. They have the world ahead of them. And he have Pancho to hold on to. Wala na siyang paki-alam sa iba. Silang dalawa lang ang importante.


WAKAS

8 comments:

Lonely402 said...

Nuk nukan naman ang story nato..
napa ka haba...


pero ang ganda naman..

God Bless...

Anonymous said...

ang haba-haba nga pero ag ganda naman ng mga twist ng kwento... inspiring...

DALISAY said...

Salamat sa inyo. Ngayon ko lang napansin. Hahaha

Salamat sa pagbabasa ng napakahabang kwento na ito. :)

Anonymous said...

the story was actually superb.

makes me wanna believe true love exists with bi people

How I wish someone will love me like that....

When will i have my own Pancho?

DALISAY said...

Thanks Anonymous for reading... :) We are all Gboi and Pancho in so many ways... maybe in time, you'll fine your own 'Pancho' :) tc

Anonymous said...

kaloka ka... natapos din sa wakas.. grabe. nka 1950 pesos ako para lang i-print lang. ahhaha.. ok lng kht npagastos ako atlis maganda. hahaha

DALISAY said...

Thanks dear... napagastos ka pa tuloy. kaloka.

Anonymous said...

:) good story sana may next pa
nga pala anu nangyari kay katrina?? hmm