Thursday, January 6, 2011

Boom Boom Jairus 8

BOOM BOOM JAIRUS

akda ni Jaime Sabado




"TUMAWAG KAYO NG AMBULANSYA"


Yun ang mga huling salitang narinig ko.



Nagkamalay ako sa isang lugar na pamilyar ang setting.


AKO: "Anu to? ba't andito ka?"


Nakita kong papalapit si mama sa akin at umiiyak..


Mama: "beboy? beboy? gising kana nga..., Erwin dali tumawag ka ng doctor gising na si kuya mo" sabay yakap at halik sa akin.


Biglang nanumbalik sa diwa ko ang mga nangyari bago ako mawalan ng malay. Ilang sandali pa ay dumating na ang doctor at tiningnan ang lagay ko.


Doctor: "so nurse jairus, ok na ba pakiramdam mo?.. mabuti at di ka masyadong napuruhan ng sasakyan. Ang pagiging unconsious mo ay sanhi ng pagod, gutom at stress kaya naging triggering factor nalang ang nangyari para mawalan ka ng malay. Pinagsabay sabay mo talaga sa katawan mo yun kaya sobrang hina mo ngayon wag mo munag pilitin ang sarili mong tumayo o maglakad hanggang bukas ah? Complete bed rest ka muna baka kasi bigla kang matumba o mahilo, at siya nga pala baka next week din you can go back to work na agad." sabay ngiti sa akin


AKO: "eh sorry po doc, alam niyo naman ang tao, madaming kargong problema sa buhay..wahehehe"


Napatawa ang doctor na mejo pamilyar na din sa akin, sa kadahilanang naadmit ako sa ospital kung saan ako nagtatrabaho. Lumabas na sa kwarto ang doctor at naiwan kami ni mama sa loob.



Mama: "anak gusto mo kumain?"


AKO: "mamaya na po mama.. mama sorry po ah? binigyan ko pa kayo ng problema.."


Mama: "shhh wag mo na isipin yan anak.. mahal na mahal ka namin"


Erwin: "Oo nga kuya, mahal na mahal ka namin.. siguro iniwan ka ng syota mo noh? kaya ka nawala sa sarili..wahehehe"


AKO: "adik ka.. pagtinanggal na tong swero ko patay ka sakin.. liligawan ko girlfriend mo na obvious na may gusto sakin"


Erwin: "kuya naman di na mabiro..peace!..wahehe"


Habang nag-uusap kaming tatlo ay tatlong mahihinang katok ang nadinig namin mula sa pinto. Inuluwa ng pintong iyon ay ang huling taong nakausap ko bago ako maaksidente.... si NOime. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala, pagkahiya at takot. Parang nag aalangan siyang lumapit at kita ang mga luhang namumuo sa mga mata niya. Ako man ay di ko magawang tingnan siya ng ganun katagal kaya napayoko ako.


Mama: "Erwin, samahan moko sa labas at may bibilhin ako.. dito muna kayo beboy ah.. Good evening iha" sabay ngit kay noime.


Niome: "good evening po tita"


Waring nasense ni mama na may kailangan kaming pag usapan ni Noime kaya cguro siyang nagpasyang umalis muna.


NOime: "Ja... jai.. "


Wala akong naging tugon. nahihiya ako, lalo na't naipamukha na nila sakin kung ganu kalayo ang agwat ng pamumuhay nila sa akin, sa akin. Gusto kung umiyak pero pinigil ko iyon at derecho ang tingin ko sa TV.


Noime: "jai.. pansinin mo naman ako.. sabihin mo kung galit ka sakin.. sampalin mo ko jai"


AKO: "wala ako sa posisyon para gawin yun.. niloko ko kayong lahat diba.. kaya ok na yun.." abay bitiw ng ngiti


Noime: "Wag ka namang ganyan jai.." tuluyan nang kumawala kay noime ang emosyong kanina pa niya pinipigilan at napa upo siya sa isang silya malapit sa kama.


Nataranta akong makitang umiiyak siya ng ganun. Di ko alam pero parang dinudurog ang puso ko habang pinagmamasdan siya sa ganoong sitwasyon. Kaya pinilit kong tumayo kahit mejo nanghihina pa ko. Pinilit kong mag lakad papunta sa direksiyon niya, di ko inalintala ang advice ng doctor kanina na wag muna ako tumayo at maglakad.


AKO: "NOims.. wag kana umiyak please.. wag mo naman dagdagan ang pagkadurog ng puso ko" tila matutumba na ko kaya napakapit ako sa sandalan ng silyang kinauupuan niya..


NOime: "jai sorry..." tuluyan akong niyakap ni Noime habang umiiyak padin.


AKO: " oo kalimutan mo na yun noims ha (halik sa ulo niya), noims hatid mo naman ako pabalik ng kama please..di ko na ata kaya bumalik..wahehehehe"


Nangiti si noime sa sinabi kong iyon at piningot pa ilong ko.


NOime: "kaw kasi lumapit kapa, syempre nag eemote muna ako dito tapos saka ako lalapit sayo.. yun kaya napapanood ko samga teleserye.."


AKO: "eh sa di ko kayang panoorin kang ngumangawa eh, Noims nung niyakap moko pansin kong tumaba ka..wahehe di kana sexy"


NOime: "wala ako pakialam.. basta napatawad na ko ni daddy jai"


HIndi natapos ang gabing iyon na hindi kami nagkakasundo ulit ni nOime. Masaya ako ngunit tila may mabigat padin akong dinadala sa kalooban ko. At iyon ay ang galit sakin ni Gabriel...


Mabilis ang naging pag galing ko. sa tulong narin ng supporta at pagmamahal ng pamilya ko at ng kaibigan kong si NOime. Gaya nga ng sinabi ng doctor, Nakapag umpisa na agad ulit akong magtrabaho nung sumunod na linggo. Nadelete ko na din ang account ko sa website na iyon.


SA TRABAHO...................


7am to 3pm ang duty ko kaya 6:45 plang ng umaga ay dumating na ko sa ospital.


Head nurse: "Siya nga pala Mr. jairus, mamayang 8pm papasok na ang new batch ng mga volunteer nurses, here's the list of their names.. pakibantayang maigi please naku, daming errors nung last batch ng volunteers natin"


AKO: "Ok po maam.. fofollow up ko po sila from time to time"


Ilang sandali ay dumating na si NOime, derecho sa station, binuklat ang bag at nag make up na naman.


AKO: "Noims may mga volunteer nurses daw tayo mamayang 8am, pinapafollow up sa atin, malay mo may magustuhan ka.wahehehe"


NOime: "tigilan moko baby jai, I'm not interested.. sapat ng magandang maganda ako" sabay tawa ng malutong


It was 8am and indeed nagsidatingan na ang mga volunteers for thier orientation, kaya kinuha ko na nag list ng names nila at nagsimula na akong mag roll call. To my surprise.... Gabriel Que and James Lopez was on the list pero nung tumingin ako sa kumpol ng volunteers ay wala sila. Napansin ni Noime ang pamumutla ko kaya inigaw niya ang listahan, di na nakapagtataka ang naging reaction ni NOIme.


NOime: "Anu ba talaga ang gusto nila?" kita ang inis sa mukha.


Few minutes later ay dumating na ang dalawa...


James: "oh, well well well, nandito pala kayo? tingnan mo nga nman ang pagkakataon"


Gabriel: " di bagay" sbay bitiw ng pekeng tawa


Noime: "Wala tayo sa labas kaya irespeto niyo si Jairus bilang staff at mag fofollow up sa inyo. binabalaan ko kayo"


james: "fine"


Pinili kong di na pansinin iyon kahit na mahirap... nasasaktan parin akong makita na magkasama sila. Ito siguro ang balak nila, ang saktan ako.


AKO: "ok mukhang complete na tayo, ok I'll start the orientation.. sisimulan natin sa tour niyo sa buong area"


Pinilit kong maging propesyonal kaya kahit nasasaktan ako na makita silang minsan ay aakbay si Gabriel kay james ay pinilit kong iignore yun.


AKO: "so ngayon nakita niyo na ang buong area, i'll discus naman ang magiging duties and responsibilities niyo dito"


Nadiscuss ko na lahat at nagpahabol ako ng proper atittude towards patient at proper na kilos bilang nurse sa institution namin.


James: " meron kaya siya nun? immoral lang eh" sabay ngiti


Nangiti din si gabriel sa sinabi ni James na iyon. halatang clueless naman ang mga kasamahan nilang volunteers. Nagalit ako sa nadinig kong iyon pero pinilit kong magpigil. Mabuti at nasa rounds si NOime baka hindi na nkapag pigil yun.


AKO: "ok you can go now to your respective stations, doon niyo malalaman ang mga ka buddy up niyo"


Volunteers: "thank you sir"


AKO: "welcome" sabay ngiti


Gabriel: "di talaga bagay" tawa padin siya


Nung mga panahong iyon ay gusto sanag mag collapse sa sakit ng dibdib ko na parang gustong sumabog pero wala ako sa tamang lugar. Nakita ko na bumalik si james.


james: "nga pla mr..., Let me remind you, ingat ka sa kilos.. kaya kitang ipasipa dito, pasalamat ka volunteer lng pinasok namin dito" sabay tapik sa balikat ko.


Gabriel: "ba't ka humawak? dumi na ng kamay mo" haha


Pagtalikod nila ay tuluyan na akong bumigay, di ko na napigil ang luha ko. tamang tama naman dumating si Noime at nakasalubong niya ang dalawa.


NOIme: "jai? anung ginawa ng dalawang yun sayo?"


AKO: "ok lng ako noims"



Lumipas ang buong duty hours ko ng mabigat sa dibdib. Panu ako makakapagtrabaho ng mabuti kung nandito sila. Ni makita lng si gab na kasama si james ay masakit na how much more ang marinig at makita ang reaction niya sa akin.



Laging ganun ang naging set up sa trabaho ko simula nung mag volunteer sila gab doon. may mga pagkakataong pati sa canteen ay pinariringgan nila ako at nalaman din nila na dinelete ko na account ko sa website.


james: "nahiya siguro kaya denelete..haha pasalamat siya di ko prinit mga litrato niya dun.. sigurado tanggal lisence niya"


naging napakasakit sa akin ang magtrabaho ng kasama sila. Pero dumating ang punto na hindi ko na napigil si Noime. Nasa labas kami ng hospital nang daanan kami ng sasakyan nila gab at ibinato sa amin ang isang supot na may lamang basura.


James: ops... sorry.. akala namain trash can"


Sumabog na si Noime at binato ang salamain ng sasakyan at nabasag ito. Bumaba si Gab mula sa sasakyan at galit na galit.


gabriel: "anung ginawa niyo?!!!! ikaw??? (dinuduro ako) kaya mo bang bayaran yan? ha? magbalot balot na kayo ng pamilya mo sa apartment at lalayas na kayo bukas!! ang inadvance niyong bayad ay pambayad na yun sa binasag mong salamin. Ang puta nga naman wlang breeding!!!"


At sinapak ako ni gabriel, tumilapon ako sa may gitna ng daan..


Noime: " tama na!!!!!!!!!!!! anu bang problema mo gab kung ginawa niya iyon?? bakit? syota ka ba niya that time? ha?. Anung karapatan mong husgahan si jairus? alam mo ba ang rason kung bakit nagawa niya iyon ha?


At naikwento nga ni Noime kay gabriel ang lahat lahat habang nagpupuyos ito sa galit at umiiyak.


Noime: "kaya wala kang karapatang tratuhin siya ng ganun kasi hindi mo pinagdaanan lahat ng iyon!!!! Kung mahal mo si jairus dati pa, gaya nga ng sinabi mo sa kanya!! sana di ka agad humusga, sana ay tinanong mo muna siya ba't niya ginwa iyon!!!! sana hindi mo inisip ang sarili mong emosyon na purket nasaktan ka at sana naisip mo na wala siyang ideyang nasaktan ka sa bagay na iyon dahil di niya alam na mahal mo siya noon!! ANg kakapal ng mukha niyo...


Hinawakan ko si nOime sa kamay at inayang umuwi na.. Tila naman napako sa kinatatayuan niya si gabriel sa lhat ng nadinig nito.


AKO: "Noims uwi na tayo.. kailangan ko pang sabihin kayna mama na aalis na kami"


Noime: "pero jai"


AKO: "NOIms, wala naman akong obligasyon na papaniwalain sila sa mga totoong nangyari, nga po pala Sir. gabriel magreresign na din po ako sa hospital ninyo sana po ay hindi niyo na ako guluhin... at di po ako hihingi ng tawad sa ginawa kong iyon na ikinagalit niyo kasi dahil dun naging mas mabuting tao ako"



Tumalikod na kami ni Noime at tuluyan ng umalis. Pagdating ng bahay ay sinabi ko agad kay mama ang mga nangyari. Napakaswerte ko at nagkaroon ako ng maunawaing pamilya. Agad akong nagbihis at sinamahan ko si papa at si erwin na maghanap ng bagong malilipatan bukas na bukas din.



Malalim na ang gabi ng dumating kami sa apartment. swerte at nakahanap kami ng malilipatan. May kamahalan ngunti wala kami magagawa kasi kailangan talaga. Nasa may gate na kami ng kinausap ako ni Papa.


Papa: "beboy, lahat ng pera natin naibayad ko na sa 3 months advance 2 months deposit. baka kulangin na tayo sa pangggastos natin para sa susunod na buwan. Mag-eexam pa ang mga kapatid mo, matagal padin ang ani sa taniman kaya magtitiis tiis na muna tayo."


AKO: "Pa ok lang yun. patawarin niyo ko at binigyan ko na naman kayo ng problema"


Papa: "wag mo na isipin yun anak"


AKO: "Pa, mauna na po kayong pumasok, may naitabi pa po ako sa bangko, kukunin ko para may panggastos tayo. yaan niyo pa maghahanap agad ako ng bagong trabaho. kailangan ko lng po kasi talagang magresign sa trabaho"


PApa: "wag mo na kami isipin anak... salamat at nagkaroon ako ng anak na katulad mo"



Pumasok na sila papa sa gate at ako naman ay naiwan sa labas para maghanap ng ATM para makuha ang natitira kong ipon sa savings ko. Pinili ko ang maglakad lakad nalang para madali para sa akin ang makahanap ng mapag wiwithdrawhan. sa paglalakd ko ay umabot ako sa isang banko malapit sa isang mall, dun ko piniling mag withraw.


AKO: " ok na to" pansamantala ay gumaan ang loob ko.


Naglalakad na ko paponta sa isang fast food chain para bumili ng pasalubong sa mga kapatid ko ay nakasalubong ko si Glen.


Glen: "oi jairus! kumusta kana?, nabalitaan ko nangyari sayo"


AKO: "ayos naman glen, san si Noime?"


Glen: "nasa bahay na at mukhang malungkot nga eh.. nga pala kakain ka din ba jan?hehehe"


AKO: "actually magtatake out lng sana ako"


Glen: "naku, libre kita samahan moko kumain cge na please?"


AKO: "cge"


Masayang kakwentuhan si Glen parang si Noime din kalog. Pero bigla siyang sumeryoso.


Glen: "di mo ba talaga siya kayang mahalin?"


AKO: "ha? sino"


Glen: " ang kapatid ko, alam mo bang mahal ka niya?lagi siyang umiiyak pag naikkwento ka niya sa akin"


HIndi ko nang nagawang sagutin amg pahayag na iyon ni Glen. nabigla kasi ako sa sinabing iyon ni Glen. Patuloy ang pananahimik naming pareho hanggang sa nagpaalam na si Glen para umuwi.


Pagdating ko ng bahay ay tinulungan ko sila mama na mag ayos ng mga gamit para sa paglilipat at ibinigay ko ang pera ko kay mama para sa isang buwan naming panggastos. Kinabukasan ay hindi ko nagawang tumulong sa paglilipat dahil maaga ang pasok ko at magpapasa pa ko ng resignation ko. Nabigla ang lahat sa ospital dahil sa naging disesyon ko. Si Noime naman ay tahimik lang at bakas ang sobrang kalungkutan. nakita ko siyang lumakad palayo papunta sa may CSR, sinundan ko siya para kausapin.

sa lobby ay nakita kong papunta sa direction ko sila james at Gabriel ngunit nauna akong lumiko dahil sinundan ko si Noime. Muling nadurog ang puso ko when I saw Noime na umiiyak sa pasilyo papasok ng CSR.



AKO: "NOims, wag kana umiyak please, malapit lng naman ang lilipatan namin at kahit di na tayo magkatrabaho magkikita padin naman tayo"


NOime: "Jai, may sasabihin ako sayo, sana ay di ito makadagdag sa problema mo"


May idea na ko sa sasabihin niya ngunit hinayaan ko padin siya na makapagsalita..


NOime: "remember the first time na pumunta ka ng bahay at nag inuman tayo dahil sa sama ng loob mo kay gab?"


AKO: "yup.. what about that night?"


NOIme: "di ba sabi mo nanaginip kang may nangyari satin?... (umiiyak).. HIndi panaginip yun, totoo yun jai.. I'm so sorry" napahagulgol na si Noime.


Wala akong masabi sa pag amin niyang iyon kaya niyakap ko nalang siya ng mahigpit. Ngunit bumitiw si noime sa akin.


NOime: "jai, gusto ko sanag itago sayo to...... buntis ako jai..Hindi naman kita inuubligang panagutan ako basta kilalanin mo lang ang magiging anak ko jai" muling napahagulgol si NOime


Mistulang bombang sumabog ang pakiramdam ko sa nadinig ko kay NOime. Natulala ako at hindi ko mahanap ang mga tamang salita na dapat sabihin sa kanya.


NOime: "Inuulit ko jai, hindi kita oobligahing panagutan ako.. sapat na sa akin ang manatili tayong magkaibigan at kilalanin mo lng ang bata"


AKO: " Hindi pwede" walang emosyong mababakas sa mukha ko.


Sa pag aakalang hindi ko tanggap ang batang dinadala niya ay napahagulgol si noime at napa upo sa sahig.


AKO: "NOims hindi pwedeng hindi ko panagutan ang nangyari. Tandaan mo anak ko din yan"


Noime: "pero panu... panung...."


AKO: " pakasalan moko nOims"


NOime: "jai?..."


AKO: "I said marry me.. hindi lalaki ang anak natin ng hindi buo ang pamilya niya, NOims sa lahat ng ginawa mo sakin sa pagtatanggol mo sa akin, sa pagdamay mo sa akin, lahat yun ipinagpapasalamat ko.. at lalo kong ipagpapasalamat kung hahayaan mo akong maging mabuting ama sa magiging anak natin" tuluyan na din akong umiyak..


NIyakap ko si NOime at hinalika ko siiya sa ulo noo niya.


AKO: "NOims kakayanin natin lahat ha?... wag ka bibitiw ha?.. magsisikap ako para sa inyo sabay himas sa tiiyan niya"


Noime: "Oo jai... nasa likod mo lang ako palagi"



Pagkatapos ng usapan naming yun ay nagpasya na kaming bumalik sa station namin. Nasa isip ko padin ang pagpapakasal na gagawin ko. Pansamantalang napuno ng excitment ang puso ko sa ideyang magkakaanak na ko kaya na i-announce ko sa station ang pagpapakasal ko kay noime. Hindi na nagulat nag iba sa mga katrabaho namin dahil dati pa ay pinagchichismisan na kaming mag syota. Ang ikinagulat nila ay ang balitang magkaka baby na kami. Kinongratulate kami ng lahat.



Malapit sa station ay napansin ko si gabriel na nakatingin sa dako namin, ngunit binawi naman agad niya ang tingin nung hinawakan siya sa kamay ni james at naglakad na sila papalayo sa lugar na iyon. Mistulang tinutusok ang puso ko ng makitang magkahawak kamay sila, mabuti nalang at hindi napansin ni noime ang pagtingin ko sa dako nila gab.. sa ngayon ay ayokong saktan si noime at buo na ang desisyon kung panagutan ang nangyari samin.



Kinahaponan ay nagpasya akong ihatid na muna si Noime sa bahay nila at napag usapan naming bukas na bukas ay ipapaalam na namin sa mga pamilya namin ang magandang balita..



Naglalakad na ko papunta ng sakayan pa- uwi sa bago naming nilipatan nang makita ko ang isang pamilyar na sasakyan. Ngunit nilampasan ko iyon at nagpatuloy sa paglalakad..


Gabriel: " jai!!!! jai wait"













Itutuloy.........................................

Tuesday, January 4, 2011

Task Force Enigma: Rovi Yuno 21

Photobucket

Para kina Jhay L, Filmark, at King Punisher ( na dumayo pa from Pex! )

Enjoy Reading!


Chapter 21

Lihim na nagpasalamat si Rovi at kaswal na lang ang usapan pagkabalik na pagkabalik ni Bobby kasama ang Tiya Edna nito. Naguguluhan pa ng bahagya ang matanda ng makita siyang nakaupo sa may kusina. Nangingiting tiningnan niya ito.

"Magandang araw po Aling Edna."

"Ganun din naman sa'yo." ganting-bati nito.

"Bakit po kayo pinagtago ng isang ito?" pang-aasar niya kay Bobby.

"Ay hindi ko alam sa dyaskeng batang ire. Akala ko nga'y sinugod na kami ng mga kalaban. Diyos ko po!"

Nahihiyang nagkamot ng batok si Bobby. "Hindi ko naman po kasi alam na si Rovi pala ang dumating Tiyang."

"Ay hamo na't mabuting hindi ang mga sumugod sa atin kanina ang nagsidating. Kumain na lang tayo at mukhang tutumba na ang isang ito." pambabalewala ng matanda sa pamangkin sabay tukoy sa kanya.

"Kaya pa naman Aling Edna."

"O siya. Kumuha ka pa ng isang plato Bobby."

"Opo Tiyang."

Tinapunan niya ng nakakalokong ngiti ang lalaki na sinuklian naman nito ng isang ingos. Pagbalik nito ay sinaway na naman ito ng tiyahin.

"Magdamit ka nga Bobby. Igalang mo ang hapag at huwag kang magburles dito."

Napahagikgik siya ng mamula ito sa pagpuna ng tiya. Matalim ang tingin na ipinukol nito sa kanya. Tinaasan lang niya ito ng kilay na parang nagsasabing, "Pahiya ka no? Akala mo kasi eh."

Tumango lang ito sa tiyahin at kinuha ang damit na hinubad. Bahagya naman siyang nakadama ng panghihinayang ng mawala ang napakagandang view na ibinilad sa kanya kanina ni Bobby. Pero para naman siyang natakam ng husto dahil ang fit na t-shirt nito ay pinamumukulan ng nakatagong mga masel.

Ano ba kuya? Anak ng teteng naman oh!

Padaskol itong naupo sa tabi niya. Kinilabutan naman siya agad-agad sa pagkakalapit nilang iyon. Feeling niya ang biglaang pagbilis ng tibok ng kanyang puso ay epekto ng ilang pulgada lang na pagitan nila ni Bobby. Kung tutuusin pwede niyang idikit ang braso dito ng hindi kunwari sinasadya pero nagpipigil siya. Baka kasi madakma niya ito sa harap ng tiyahin nito.

"Hmm. Masarap ang pagkakaluto mo Bobby." anang matandang babae na tinitikman na ang sinigang.

Patamad kunwari siyang sumadok ng ulam pagktapos ni Aling Edna. Pasimple niyang tiningnan si Bobby ng akmang titikman na niya ang luto nito. Nakatingin nga ito sa kanya. May bahagyang antisipasyon sa mata.

Masarap. Iyon ang unang pumasok sa isip niya. Pero hindi siya nagpahalata. Hindi rin siya nagsalita. Animo hindi naman mapakali sa tabi niya si Bobby na naghihintay marahil ng reaksiyon.
Nagpatuloy siya sa pangde-dedma.

"Okay lang ba?" hindi nakatiis na sabi nito.

Tinatamad na sumulyap siya rito. "Okay lang." Ang matabang niyang tugon.

Napasimangot naman ito sa kawalan ng sigla sa kanyang salita. Padabog pa itong sumandok ng sariling ulam. "May problema ka ba Bobby?" Nagtatakang tanong ng tiyahin nito.

"Ah w-wala po."

"Umayos ka sa harap ng hapag." iyon lang at nagpatuloy na ang matanda sa pagkain.

Hindi niya mapigilan ang mapangiti na iglap niyang itinago na magbaling ng tingin sa kanya si Bobby. Pero nahuli yata nito iyon.

"Nag-eenjoy ka rito no?" naasar na wika nito kahit pa nakangiti.

"Ha? Oo naman." nagmamang-maangan niyang sabi.

"Humanda ka sa akin mamaya." pabulong nitong wika.

Inasar niya lalo ito ng isang matamis na ngiti.

"May sinasabi ka ba Bobby?" tanong na naman ni Aling Edna.

"Ah w-wala tiyang."

"Huwag kang magsasalita kapag kumakain. Baka mabulunan ka." paalala ng matanda.

"Oo nga naman. Baka mabulunan ka Bobby." panggagatong niya sa inis nito.

Ngumiti ito ng matamis. "Hindi ako mabubulunan Sarhento. Hinding-hindi."

Nakarmdam siya ng malisya sa sinabi nito. Parang nagpalpitate na naman ang puso niya na bahagya lang kumalma mula pa kaninang tumabi ito sa kanya. Hay! Bakit ba parang ang tagal matapos nitong kainan portion?

Hindi na lang siya umimik pa at binilisan na ang pagkain. Nang matapos ay mabilis din siyang tumayo agad at lumayo sa kusina. Nagtataka man hindi na siya tinanong ng mag-tiya. Lalo si Bobby na biglang naging blangko ang mukha ng tapunan niya ng tingin.


"Pare. Wala pa rin bang balita kay Unabia?"

"Wala pa eh. Iyong tukmol na iyon bigla talagang nagdi-disappearing act. Mabuti at sanay na tayo."


Kausap niya si Perse sa kabilang linya. Na-i-dispose na raw ng mga ito ang mga dapat itago. Bilib talaga siya sa pagiging resourceful ng kumag.

"Sinabi mo pa." aniya rito.

"Kamusta naman ang mag-tiyahin?"

"Okay naman Perse. Sobra nga lang tahimik dito. Pero ang ganda at mahusay ang view. Mabuti nga at hindi ako naligaw papunta."

"Kamusta naman kayo ni Bobby?" panunukso nito.

"Next question please."

"Pare, kung hindi ko pa alam. Nag-side trip ka na sa isang iyan."

"Hunghang!" namula siya sa sinabi nito.

"Uy! Nag-blush! Aminin." natatawang tukso pa rin nito.

"Ang sarap mong barilin. Pasalamat ka wala ka sa harap ko." asar-talo naman niyang sabi.

"Kung makakatama ka 'tol." mayabang na saad nito.

Nagkibit-balikat siya na para bang nakikita nito ang reaksiyon niya. "Sabagay."

"O sige. Tatawag na lang ulit ako sa iba pang development. Kung bumaba si Rick kanina ng sasakyan, isa lang ibig sabihin nun."

"Ano?"

"Haharapin nun ang isa sa kambal."

"Ganoon ba?"

"Oo. Sige na. Kupal ka."

"Tigas mo tsong! Ikaw kaya."

Natatawang nag-disconnect na ito ng linya. Pagharap niya ay laking gulat niya ng matunghayan si Bobby na nakasandal sa hamba ng pinto at matamang nakatitig sa kanya.

"A-anong ginagawa mo riyan?"

"Nagpapahangin. Malay ko bang nandiyan ka." pabalang na sagot nito.

"Ang taray ah. Meron ka ba?" nang-iinis niyang tugon.

Nanningkit ang mata nito. Akala niya ay susugod na naman ito sa kanya pero hindi pala. Namulsa ito at lumapit sa kanya. Para naman siyang timang na itinulos sa kinatatayuan. Naging alerto ang lahat ng senses niya sa paglapit nito.

"May gusto sana akong itanong."

Napalunok siya. Bakit parang naging husky ang boses nitong bigla?

"Pwede bang magtanong Rovi?"

Napapikit siya ng makalapit na ito. Ilang dangkal lang ang pagitan nila. Naamoy niya ang mabangong samyo nito. Lalaking-lalaki.

Lumalandi na naman ang ilong mo Rovi.

Pagdilat niya ay parang nabuhusan ng kung anong mainit na bagay ang pakiramdam niya. Damang-dama niya ang init na iyon na hindi kailanman naging pamilyar sa kanya.

"Pwede ba?"

Parang nanunuyo ang lalamunan niya. Hinahanap niya ang boses niya kanina pa. Alam niya meron eh. Kakatapos lang kaya niyang makipag-usap kay Perse!

"A-ano ba iyon?"

Nag-alis ito ng bara sa lalamunan. Lumapit pa ng bahagya. bigla siyang kinabahan. Lumakas lalo ang pintig ng puso niya at nag-aalala siyang baka marinig nito iyon sa sobrang lakas.

"Sino si Allan?"

Natameme siyang bigla. Parang gulong na biglang binutas ang pakiramdam. Sino daw si Allan? Sino nga ba, ha, Rovi?

"Siya ba ang dahilan kung bakit hindi mo magawang masaya kahit pa may nangyari na sa atin?"

Lalo siyang naguluhan. Ano bang pinagsasabi ng kumag na ito?

"P-paano mong nasabi iyan?" aniyang biglang nandilim ang anyo.

"Huwag kang magalit sa akin. Ako ang dapat magalit dahil sa kabila ng pagpapaubaya ko sa'yo ay nakuha mo pang magmalaki na para bang balewala lang sa'yo ang lahat."

"Uulitin ko. Anong gusto mong mangyari? Magtatalon ako sa tuwa?"

"Hindi. Pero siguro naman ay may eksplanasyon ang pagiging malamig mo pagkatapos mong magpakasaya sa piling ko."

Naantig ang kalooban niya sa galit na nakarehistro sa mukha nito. Kailan pa naging isyu sa lalaki kung nasuso siya ng kapwa niya lalaki? Hindi ba at common thing na iyon? Wala namang nawala dito ah.

"Kung makapagsalita ka parang ako lang ang nasiyahan. Huwag ka ngang umarteng parang babae na ninakawan ng dangal." Naiirita na niyang sabi.

"Hindi ako umaarte Rovi. Oo. Aminado ako na nagustuhan ko rin ang ginawa natin, pero ang itrato mo akong balewala pagkatapos ang hindi katanggap-tanggap." nag-iigtingan na ang ugat nito sa leeg sa galit.

Napaingos siya sa sinabi nito. "Bakit ba big deal sa'yo ang nangyari? Kung ako nga hindi na nagsasalita tungkol doon, ikaw pa itong lalaki ang sobrang makapag-bring up ng issue. What happened is a physical joining of our bodies. Nothing more. Nothing less. Mag-move on ka na. Anong gusto mong gawin ko? Pakasalan kita?" Pikon na pikon na sabi niya rito.

Napipilan naman ito. Walang maapuhan na sasabihin. Nakabuka lang ang mga labi pero walang tinig na lumalabas. Hindi makapaniwala ang reaksiyon. Pagdaan ng ilang sandali ay naglapat ang mga labi nito at sa isang mapaklang ngiti ay nagsalita ito.

"Ganun ba ang pagkakaintindi mo? Akala mo ba naghahabol ako? Ulol ka Rovi."

"Huh! Same to you."

"Siguro nga tama ka. Ulol nga rin ako. Dahil gusto kong ulitin ang ginawa natin."

Napatda siya sa tuwirang pag-amin na iyon. Ang haba ng buhok mo! Tse!

"Masaya ka na? Iyon ba ang gusto mong marinig? Pero sorry ka na lang. Hindi naman ako tanga para isiksik ang sarili ko sa'yo ganyang ayaw mo naman pala."

"May sasabihin ka pa?" balewala niyang tugon.

"Oo. At makinig ka. Hindi ko kilala si Allan. At wala na akong panahong kilalanin siya. Ang sa akin lang. Hindi ako siya. Ano man ang nagawa niya sa'yo para maging ganyan ka kalamig sa lahat ng gustong mapalapit sa'yo ay hindi ko na pagkakaabalahan na alamin. Tutal naman, bago pa alng kami makapasok, ayaw mo na agad. Daig mo pa ang sentro sa basketball kung makabox-out. Sana masaya ka. Sana masaya ka na ikinukulong mo ang sarili mo sa isang pangyayaring hindi mo na kailanman mababago pa. Wala kang time-machine Rovi. Pahiram lang ha, mag-move on ka na rin." saka ito walang paalam na tumalikod at pumasok ng bahay.

Mahabang saad ni Bobby na nagpahindik sa kanya ng husto. Para siyang binuhusan ng napakalamig na tubig. Wala mang inidikasyon na may alam ito tungkol kay Allan ay talaga namang nagkaroon siya ng pakiramdam na para siyang inalog-alog ng malakas habang nasa loob ng isang kahon.

Ang lakas ng impact ng sinabi nito. Sana sinampal na lang siya kaysa iyong napagsalitaan siya ng walang kalaban-laban.

O ano ngayon? Naturete ka? Tama naman siya di ba?

Oo nga. Tama si Bobby. Patay na si Allan pero iyon pa rin ang issue niya. Ang mga what-ifs kung nabubuhay pa ito. Ang mga shoulda, coulda, woulda na naiisip niya. Maraming eksena ang naglalaro ngayon sa utak niya. Iyong pagkahaling niya kay Bobby at nito sa kanya.

Ano man ang nagawa niya sa'yo para maging ganyan ka kalamig sa lahat ng gustong mapalapit sa'yo ay hindi ko na pagkakaabalahan na alamin. Tutal naman, bago pa alng kami makapasok, ayaw mo na agad. Daig mo pa ang sentro sa basketball kung makabox-out. Gusto ba nitong mapalapit sa kanya? Gusto ba siya nito?

Nalilito ang isip na naupo siya sa kawayang upuan. Hindi nga pwede na magkaroon sila ng ugnayan nito. Ang gulo ng buhay niya sa ngayon. Kung idadawit pa niya ito ay kawawa lang si Booby at ang Tiya Edna nito.

Napahilamos siya ng palad sa mukha. Ang duda pa niya ngayon, baka ginugulo lang ni Bobby ang isip niya para makaganti ito sa kanya sa mga nakaraang pamamahiya niya rito. They both know that he was a "sure thing". Kung hindi pa nito alam iyon ay ewan na lang niya. Kasabay kasi ng pagkulo ng dugo niya sa inis rito ay ang pagtaas naman ng boiling point ng libido niya.

Nahahapong bumugha siya ng hangin. Mukhang mas marami pang eerhiya niya ang nasayang sa kumprontasyon na iyon kaysa sa naging engkwentro nila sa pabrika. Nakita niya ang papag na kawayan na may sadalang puno. Naisip niyang lumipat doon. Pagkalapat na pagkalapat ng likod niya sa higaan ay agad siyang dinapuan ng antok. Nakatulog agad siya sa pagod.



Pinakiramdaman niya ang paligid. Pinakinggan ang mga nagsasalita. Ang tatlong bantay niya kanina ay nabawasan na ng isa ayon sa mga pag-uusap. Pasugod daw ang mga ito sa hideout nila Rick. Kailangan niyang makatakas. Pinilit niyang bumangon.

"Aba at buhay ka pa pala." Tinig iyon ng isa sa dalawang bantay.

Ngumiti siya ng nakakaloko kahit pa sarado ang kabilang mata niya sa pamamaga.

"Malas niyo. Binuhay niyo pa ako. Kapag nakawala ako dito. Tapos kayong pareho sa akin."

"Huwag kang mayabang. Kahit pakawalan pa kita ngayon ay siguradong hindi ka makakalaban sa kalagayan mo."

"Ows, di nga."

Subukan mo lang tanga!

"Huwag ka ng maangas kupal!"

"Ikaw ang kupal. Subukan mo akong kalagan. Wala pang sampung minuto patay ka na."

"Talaga ha. Hawakan mo ito pare."

Ibinigay nito ang baril sa kasama at nagtatawang lumapit sa kanya. Nakita niyang ibinaba ng isa ang baril sa lamesang katabi.

"Sampung segundo ha?"

"Oo naman." nakakaloko pa niyang ganti.

Nang makalapit ito ay kinalagan siya sa kamay. Hindi pa man ganun kaluwag ay nagawa na niyang ilusot ang isang kamay at dali-daliang dinakot niya ang leeg nito at walang-awang binali iyon. Nagitla ang nakaupong kasamahan nito pero madaling kinuha ang baril at pinaputukan siya. Mabilis nyang iniharang ng husto ang lalaking kapapatay lang sa sarili at mabilis na sinugod ang bumabaril habang nakaharang ang kasamahan nitong tumatanggap ng lahat ng bala.

Nang makalapit sa bumabaril ay iglap lang at bulag ang matang napaluhod ito kasabay ng pagkalagot ng hininga dahil sa pagkabali ng leeg. Agad niyang kinuha ang mga baril at magazine na meron ang mga ito at naghintay sa pagdating ng iba pang kasamahan ng mga ungas. Nang walang marinig ay lumabas siya at di na nag-abalang magbihis pa. kailangan niyang makatakas sa lugar na iyon. Kailangn ng tulong nila Rick.

Walang tao sa paligid. Marahil ay patungo na ang lahat sa kinaroroonan ng mga kasamahan niya sa TFE. Lalong nag-umigting ang pagnanais niyang makalayo sa lugar na iyon. Paglabas ay tinahak niya ang madilim na kakahuyan. Mahaba-habang lakaraan at ang mga matatalim na damo ay binabalewala na niya.

Nang makarating sa highway ay may nakita siyang paparating na sasakyan. Hindi na siya nag-atubiling iharang ang sarili para makahingi ng tulong. Ang malakas na pag-ingit ng gulong ang huli niyang narinig bago nawalan ng malay.


Itutuloy...

A Little Rose

I'm sharing you this beautiful and very touching poem I learned from Father Jerry Orbos. Hope you liked it. :)

Bring Me All The Flowers Today.

I would rather have a little rosefrom the garden of a friend Than flowers strewn around my casket When my days on earth must end.

I would rather have a living smile From one I know is true Than tears shed around my casket When this world I bid adieu

Bring me all the flowers today Whether pink, or white, or red, I would rather have one blossom now Than a truckload when I am dead!!!



Let's not forget to always say Thank You.

Learn to say I'm Sorry.

And always tell the one you dearly love I LOVE YOU.


Have you said Thank You enough?

Have you said I'm sorry enough?

And have you said I Love You enough?

If not, then now is the time to do so. :)


Dalisay

Boom Boom Jairus 7

BOOM BOOM JAIRUS


Akda ni Jaime Sabado


Chapter 7

Tumaas ang kilay ni Noime sa nabasa niya......

Noime: "Anu to? nagsosorry siyang di siya nakatext sayo kagabi dahil nakatulog siya agad?" sabay bitiw ng pagak na tawa

AKO: "Alam ko namang kasinungalingan yan Noims, kasama niya si James kagabi" naging malungkot na naman ang mood ng mukha ko.

Lumapit si Noime sa likod ko at niyaka niya ako.

Noime: "baby Jai, gaya nga ng sinabi ko, you don't deserve all of this" nanginginig boses niya.

Sobrang pasasalamat ko sa diyos na nakakilala ako ng isang katulad ni Noime, nung mga oras na yun naisip kong sana si Noime nalang.. masarap sa pakiramdam ang yakap niyang iyon. feeling ko sobrang safe ako at di ako tatablan ng kahit anung pananakit ng mundo.

AKO: " maraming salamat noims, sana di ka magsawang damayan ako" naiyak na naman ako

Noime: "baby jai, dito lang ako parati sa likod mo, di kita iiwan sa ere" naiyak na din si noime.

AKO: "Noims, pede ba mag request?"

Noime: "anu yun jai?"

AKO: "pwede bang sakyan ko ang panloloko ni Gabriel kahit tatlong araw lang? gusto ko lng siya makasama and after that lalayuan ko na siya"

Noime: "kahit sabihin ko namang wag, alam kong gagawin mo padin yun, kaya cge pinapayagan nakita pero mag iingat ka Jai, wag ka magpapadala masyado sa nararamdaman mo"

Pinagmasdan ko ang mukha ni Noime, sobrang kalungkutan ang nakikita ko, sobrang lalim ng nababasa kong kalungkutan sa mga mata niya.

Noime: "Anu ba? don't look at me like that, naeestress ako, alam kong maganda ako kaya wag mo nang gawing obvious ok?..wahehehe"

AKO: "hehe para tayong mga adik noims, iiyak tapos tatawa.. i love you noims, swerte ko at ikaw naging kaibigan ko"

Noime: "i love you too baby jai" sabay pahid niya sa basa kong mata..

Di na namin napansin ang pagdating ng kuya glen ni Noime.

Glen: "Good morning!!!! wow! tamang tama almusal na pala" sabay ngiti

Noime: "oh kuya halika na sabay kana samin, naku nakipagsex ka na naman kagabi noh? manyak ka talaga" wahehehe

Glen: "hoy! anu kba? nakakahiya kay Jaitus..hehe"

AKO: "Ok lang yan tol, wahehehe mukhang totoo naman eh: sabay tawa na rin

Noime: "wahehehe alam mo kuya nagsex din kami ni baby jairus kagabi kaya patas lang"wahehe

Halata sa mukha ni glen ang pagkabigla, at tinitigan niya akong mabuti at parang nagtatanong..

Noime: "charing!!!!! anu kaba kuya,joke lng"hahaha

Glen: "hehehe akala ko totoo na, ipapakasal ko na sana kayo..hehe"

AKO: "haha magiging kuya glen na pala kita kung nagkataon"wahehehe

Right after ng breakfast ay naligo na muna ako at tuluyang nagpaalam kay noime at glen para umuwi na sa bahay.

Noinme: "baby jai?"

AKO: "yes?"

Noime: "pahug nga ulit, gusto ko yakapin si baby jai para di na siya malungkot"

AKO: "hehe cge, lika noims hug me tight please, i need that now" sabay yakap ng mahigpit..

Ayun at tumalikod na ko sa kanya, palabas na ko ng gate when..............

Noime: "baby jai!!!!"

AKO: "yes noims? yakap ulit?hehe"

NOime: "di ah!!!.. ingat ka.."sabay bitiw ng napakatamis na ngiti

AKO: "likewise" sabay flying kiss naman sa kanya..wahehe

Pagdating ko ng bahay ay nadatnan ko si mama sa sala at parang hinihintay talaga ako.

Mama: "beboy? may problema ba?"

AKO: "mama akala ko po ba ok na?"

Mama: "Nag-aalala lng ako, unang beses mong ginawang hindi umuwi ng bahay ng hindi nagpapaalam man lng"

AKO: "biglaan lang kasi mama" sabay yakap ng mahigpit "love you mama"

Mama:"naku ginamitan mo na nman ako ng powerful na paglalambing na yan, anu nag almusal kna ba?"

AKo: "done na po ma, akyat na po ako sa taas ah mama"

Pagkaakyat ko sa kwarto ay binagsak ko ang katawan ko sa kama, at nag isip ng malalim kung panu ko susulitin ang tatlong araw with gab.Tamang tama pagtingin ko sa phone ko, ay tumatawag si gab.

AKO: "hello?"

GAbriel: "kanina pa ko tawag ng tawag, ba't di mosinasagot?" may himig pag aalala ang boses niya


AKO: "ah eh silent mode kasi phone ko gab eh..hehe sorry" (sarap sana ko\ung totoo ang pag aalala niyang yun)

Gabriel: "I'm sorry pala di kita na natext o natawagan man lng kagabi, nakatulog kasi ako kaagad"

AKO: "ayos lang yun, atleast nakapagpahing ka, ayos ba tulog natin kagabi?"

Gabriel: "ayos na ayos..hehehehe,"

Parang dinudurog ang puso ko ng madinig ko yun because i know na ang sinabi niya ay may double meaning, alam kong ayos na ayos ang gabi niya dahil kaama niya si James.

AKO: "ahh mabuti naman..hehe" tumawa ako ngunit may mga luhang dumadaloy sa mga mata ko

Gabriel: "ahh Jai me, james and the rest of our friends are going on a vacation sa tagaytay.. ok lang ba?, bale sa isang araw na yun"

AKo: "sa isang kondisyon"

Gabriel: "anu yun jai?"

AKO: "pde ba tayong lumabas ngayon?"

Gabriel: "talaga? ansaya ko jai!!!! cge cge punta ako jan ngayon na susunduin kita"

AKo: "ok cge ingat"

Gabriel: "i love you"

AKO: "I love you too gab" inoff ko phone ko at tuluyan na kong umiyak na NAMAN.

Nakakasawa ng umiyak kung tutuosin, pero di ko maiwasan kasi kung magbabakasyon sila with friends, bakit di ako inayang sumama?, part na ba to ng paghihiganti niya? di ko alam kung anu ang tumatakbo sa niya.

AKo: "bahala na, adik ka jairus. ngawa ka ng ngawa.. pinasok mo yan kaya matuto kang lumabas jan sa sitwasyon mo" wahehehe baliw

At napag disisyunan ko na ang tatlong araw ay gawing isang araw, susulitin ko na to.. kahit ganu kasakit tatanggapin ko ang paghihiganti niyang yun, kasi mahal ko siya. Nagbihis na ko at lumabas na ng gate para hintayin siya dun. After 5 minutes ay nandun siya.

Pagpasok ko kotse ay ginawaran ako ni gab ng halik sa labi, ginantihan ko iyon, di ko alam baka ito na ang huling halik namin.

Gabriel: "wow sarap nun ah"

AKO: "wahehehe adik, masarap talaga ako" sabay tawa

Tawanan naman kami pareho.

Everything went well sa date naming yun, kumain kami, nanood ng sine, namasyal kung san san. Sobrang sweet ni gab, isang bagay na pinanghihinayangan ko. Pinakita ko din naman ang sweetness ko sa kanya.

Gabriel: "grabeh jai, lalo kitang naging mahal na mahal..sobrang sweet ng mahal ko"

AKO: " kaya malas mo pag pinakawalan mo pa ko"

Nagulat ako sa sinabi kong yun..Napakagat labi ako..

Gabriel: "sino naman nagsabing pakakawalan pa kita, over my dead body jai, i love you"

AKo: "hehehe wala lng expression ko lng yun.. love you 2"

Nasa isnag mall kami ni Gab ng makasalubong namin si james. Iyon ang pinakamasakit na moment na nangyari sa buhay ko. Nung makita namin si James ay bumitaw si gab sa pagkakahawak sa kamay ko. Siguro akala niya di ko napansin iyon pero gusto kong umiyak sa pagkakataong iyon.

James: "hey hey.. sweet naman, andito pala kauo" sabay ngiti at tinitigan ako mula ulo hanggang paa.

Gabriel: "hehe syempre naman,"

James: "oh Hi. Jairus.. kumusta pamamlengke?" hehe

AKO: "Ayos lng, ganun padin, mahal padin amga bilihin" sabay bitiw ng pilit na ngit.

Di pa pala nalilimutan ni james yung moment sa bahay nila gab nung sinabi ko sa kanila ni gab na mamamalengke pa ko..

Gabriel: "haha psensya kana Jai, palabiro kasi tong si james"

AKO: "hehe ok lng"

james: "Nga pala Gab.. yung lakad natin baka makalimutan mo ah?" sabay tapon ng tingin sakin na parang may ibig ipagiwatig

Gariel: "di ko nakalimutan yun, ako pa"hehehe

James: "cge i'm sure mag eenjoy tayo dun. cge una na ko sa inyo...."

gabriel: "cge ingat"

AKO: "bye"

Napatingin ako sa isang side ng nall at nung bigla kung binalik ang tingin ko kay gab ay nakita kong may sinabi siya kay james, yung tipong LIP READING ang ginawa ni james at sa tingin ko ay nagkaunawaan naman ang dalawa.. malakas ang kutob ko na I love you ang sinabing iyon ni Gab.

Ang sandaling kaligayahan ay biglang napalitan ng lungkot, takot, at panghihinayang.

Gabriel: "san tayo now?"

AKO: "pagod narin ako Gab, tara uwi na tayo"

Gabriel: "cgurado kaba?,"

AKO: "oo naman"

Gabriel: "tara cge"

Hinatid ako ni Gabriel sa bahay, di ko na siya inayang pumasok, ginawaran ulit ako ni gab ng isang napakatamis na halik sa labi.. gustong sumabog ng emosyon ko that time kasi alam kong iyon na ang huling halik ko sa kanya at huling sandali na magkasama kami..

Una akong bumitiw sa halik na iyon at tuluyan ng nagpaalam at pumasok na ko sa gate.


Nagtext pa si gab: I LOVE YOU JAI, KAHIT ANU MANGYARI MAHAL NA MAHAL KITA.

Binura ko ang text na iyon dahil alam kong walang katotohanan ang sinabi niyang iyon. Pagkapasok ko ng kwarto ay pinigil ko na ang umiyak. Nakakpagod na kasi mula pa kahapon.

Nahiga ako sa kama at pinatugtog ang player ko sa kwarto, pumili ako ng kantang bagay sa mood ko.

Forever ni Martin Nievera at Regine Velasquez ang napili kong pakinggan. (hehehe emo)

We've come so far
To leave it all behind
I wonder why

Or did you go away?
And left me all alone
No words can say
My love, please stay.

REFRAIN:
You and I, we have moments left to share
(Moments left to share)

You and I, we can make it anywhere
(Make it anywhere)
You and I, we belong in each other's arms
There can be no other love
Now, I know that we could have it all forever

Each night I pray
That we can be together once again

Forever more
We'll stay and love this way
No matter what they say

Until the end.

Now I know that we could have it all forever.


Ramdam na ramdam ko ang melody ng kantang yun, naalala ko si Gab at kasabay nito ang sakit na nararamdaman ko. Lumipas ang buong araw na napaka lungkot. At di na naman nagtext o tumawag si gabriel kinagabihan.

KINABUKASAN........................................

Nagising ako ng maaga at nabasa ko sa phone ko ang text ni gab na maaga silang umalis papuntang tagaytay. Ang isiping solong solo siya ni james dun ay parang patalim na sumasaksak sa dibdib ko, pero pinilit konh maging matapang at wag ng umiyak. Pinalipas ko ang araw na iyon ng walang iyakang naganap.

Lumipas ang isang araw.. dalawang araw.. isang linggo, dalawa, isang buwan, dalawang buwan. Wala na kong nabalitaan kay Gabriel, kay James,. Masakit ang mga unag araw na hindi ako kinocontact ni gabriel.. iyak ako ng iyak.. Ilang gabi din kaming nag inuman si nOime..

FLASHBACK..........................

Isang linggo matapos magpaalam ni gabriel para magbakasyon. Nakita ko sa common frends namin ng RC FB ACCOUNT angFB account ni Gabriel, swerteng hindi naka private ang photos niya. Dun ka nakita ang pictures nila ni James.. mula sa unang taon nilang magkasama hanggang sa bakasyon nila sa tagaytay, Open pala ang reayon nila sa ibang tao. nasabi ko iyon dahil marami sa mga litratong iyon ay magkayakap sila. Halatang masayng masaya silang dawala..Dun ko na pagtanto na ang biglang pag alis ni gab ay ang katuparan ng paghihiganti niya sa akin. At nagtagumpay nga siyang saktan ako.

Isang gabi habang umiinom ako sa bahay nila Noime ay humagulgol ako, malakas na iyak ang ginawa ko dahil sa sakit..

Noime: "Jairus! anu ba??!!! hahayaan mo nalang ba na lamunin ka na kalungkutan mo?" umiiyak na si Noime..

Noime: "Nasaan na ang jairus na kilala ko? ang jairus na matatag at masayahin?.. Ibalik mo siya sa amin!!!!!!..Napapariwara na ang buhay mo dahil sa kakaisip sa walang kwentang taong yun!!!" at tuluyan akong niyakap ni Noime.

AKO: "Noims, masakit talaga eh, lagi nalng akong dinadaanan ng mga tao sa buhay ko.. di ko na kya.. ayoko na.. ayoko na..."

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko, ngunit di niyon napatigil ang pag iyak ko. nayoko nalng ako sa hiya ko kay Noime.

Noime: "Jai, andaming taong nagmamahal sayo, di lang ikaw ang nasasaktan sa nangyayari a buhay mo, maawa ka naman sa sarili mo at sa amin na nagmamahal sayo"

Ang mga sinabing iyon ni Noime ang nagpa isip sa akin ng malalim. Unang una ay ayoko ng may mga tao akong nasasaktan, at si noime ang nagpaalala sa akin na madami silang nagmamahal at nasasaktan para sa akin. Ayoko ng ganun, gusto ko masaya silang lahat.

Kaya mula ng sinabi iyon ni Noime ay, binago ko ang takbo ng buhay ko, tinulungan ako ni Noime na mag apply sa ospital na pinapasukan niya.. Luckily ay natanggap ako at magakasama kami ni Noime sa area, dahil narin cguro sa malakas ang mga magulang ni Noime sa Administration..hehehe

Ginawa kong busy sa trabaho ang sarili ko, hanggang sa unti unting nanunumbalik ang dati kong disposisiyon kahit na sa loob loob ko ay mahal ko parin si gabriel, walang ni katiting na galit para sa kanya.

KASALUKUYAN SA OSPITAL.....

Noime: "haay naku, masyadong reklamador na pasyente, arrrggggghh nakakawala na poise" sabay bulatlat ng bag at retouch na naman

AKO: "wahehehe kasalanan mo, ba't ka nag nurse kung di mo ala kaya ihandle pasyente mo"

Noime: "naku babay jai tigilan moko ah at baka sayo ko maibaling ang inis ko"

AKO: "waaaah parang awa mo na wag po..huhuhuh"

wahehehe pag naiinis kasi si Noime sa akin ay sinasama niya ko sa bahay nila ng kuya niya pag mag general cleaning kami dun..wahehehehe

Noime: "kaya behave ka jan, wala na nga ako boyfriend ngayon, nakakalungkot talaga"

AKO: "e di sagutin mo lahat ng manliligaw mo.. adik to"

Noime: "hello? sa ganda kung toh? wala sa kanila pumasa sa standards ko" sabay bitiw ng tawang malutong

AKO: "cge na cge na..hehehe tama na yang kaka make up mo, nasa ospital ka, wala ka sa mall"

Noime: "napapanisin ko ayaw mong masyado akong nagpapaganda, gandang ganda ka siguro sakin no?"

AKO: "oo gandang ganda ako sayo.. yuckssss!!!"

Noime: "Dahil jan, sa off natin ponta ka sa bahay.. Wag kang sasagot!!!!!!!!!" wahahaha

AKO: "Noims naman eh.. libre kita gusto mo?"

Noime: "Go go go..." wahehe

Basta libre talaga nawawala galit ni Noime.....

Nasa mall kami ni noime paponta ng food court para kumain muna ay bigala kong hinila ni Noime..

NOime: "doon tayo baby jai, ayoko jan... ah wag nalang tayo kumain.. tara dali na.."

Namumutla si Noime kaya nag alala ako...

AKO: "bakit may problema ba? anu nakita mo dun?" lumingon ako pabalik ng food court

BUong pagkatao ko ay nagulantang when I saw James, Gabriel at friends sa lugar na yun.
Huli na nung makita ako ni Gabriel na nakatingin din sa kanila..

Nagulat ako dahil papalapit si gab sa direction namin ni Noime. nakita iyon ni noime at dali dali akong hinila palayo..

Gabriel: "jai!! jai!! wait"

Naabutan kami ni gabriel..

Noime: " anu? anu kelangan mo?"

Gabriel: "so musta kana "WHORE"..hehehe"

Noime: "Anung sinabi mo?.. Ba't ganyan ka magsalita kay Jairus? napaka walang hiya mo gabriel!! sa ginawa mo sino sa tingin mo ang whore?!!"

gabriel: "isa ka pa eh, magsama kayo"

Noime: "Aba't"

AKO: "Noims tama na.. tara na"

Gabriel: "tama nga mag-hanap akyo ng laman jan sa tabi tabi..Akala mo ba di ko pa alam, befor tayo magkita ulit alam ko na at nakita ko na mga patunay na madumi kang tao jairus"

James: "well well well.. nandito din pala kayo, dito na ba ang bagong tambayan ng mga bayaran, at naka uniform pa kayo, hinay hinay at baka matanggal kayo sa ospital huhu?" sabay tawa

Gabriel: "3 years ago james showed me you're account sa website na yun, kapal ng mukha mong magpost ng hubad at magpabayad... magkano kaba? ng mabili kita" tawanan sila ni james

AKO: "wala akong alam sa sinasabi niyo, at wala akong interes na intindihin kung anu man yang pinagsasasabi ninyo"

At tuluyan na akong tumalikod palayo. nasa malayo na ako when i saw Noime na humahabol sa akin, kaya tumigil ako at hinitay siya doon..

Noime: "Tara sa bahay dali" .....

Nagtataka man ngunit sumama ako sa kanya sa bahay nila..

Noime: "they gave me the website, titingnan natin"

AKO: "anu ba noims? papatulan mo sila?"

Ngunit tila walang narinig si NOime, she turned the pc aon at pinuntahan ang website..
Sa gulat ay napatakip ng bibig si noime when she saw the pictures in there.

Noime: " Jai, is that you on the picture? sagutin moko?!!!!!!!!!"

Tuluyan nang bumagsak ang luha sa mga mata ko....

AKO: "Oo noims ako yan"

Noime: "jai? bakit? bakit?"

AKO: "Noims matagal na yan, nawala sa isip kong idelete ang account na yan"

Noime: "sagutin moko kung bakit? nakakadiri ka jai"

Ako: "Noims" lalapit na sana ako ngunit tinulak ako niya ko

NOime: "bakit?!!!!!!!!!!!!!"

Natahimik ako at tuluyan kung isinalaysay kay Noime ang mga pangyayari..

"Kamamatay lang ni Morris, galit ako sa lahat, galit ako maging sa diyos. Nung una kasi ay nagalit muna sakin ang pamilya ni MOrris, ni sa libing ay di ako pinapunta, pinagtabuyan ako dun. Sinabayan pa ng problema sa pamilya, sa pera, sa lahat ng bagay.. wala akong maisip na gagawin noims.. Walang ani sa palayan at coprahan namin.. wala trabaho si papa that time.. wala kami pambayad sa bahay, kuryente, tubig, wala na ko matakbuhan.. Nung mag open ako ng pc para magbaka sakaling makahanap ng sulosyon ay natagpuan ko ang site na yan, in one week ay palalayasin na kami sa apartment kaya yun nalang talaga ang sulosyong nakikita ko.. Pinost ko ang mga litratong yan para maka ingganyo ng papatol sa akin at bibigyan ako ng pera.. Noims.. may isang nag message sa akin dun at nakipagkita sa akin. Nag check in kami noims, madami siyang tinanong tungkol sa buhay ko at naikwento ko sa kanya lahat. Noims mswerte ako at nakilala ko siya..Di niya sinamantala ang sitwasyon kong iyon, Pinahiram niya ako ng pera sa kundisyong magsisimba ako linggo linggo at aattend ako ng stress debreifing sessions na siya ang sasagot sa bayad.. Tumupad ako sa usapan namin,at naging mabuti ko siyang kaibigan. Pinakilala niya ko sa asawa't mga anak niya, naging malapit ako sa pamilya niya. Bihira lang ang taong gaya niya. Pinayuhan niya akong magpaliwanag sa pamilya ni Morris no matter what it takes ipagtanggol ko daw sarili ko. Ginawa ko nga din yun at aawa ng Diyos ay napatawad ako nila Tita Lina at naintindihan nila na ako man ay sobrang nasaktan sa pagkawala ni MOrris. Bumalik ako sa dating pamumuhay ko ng wala na sa piling ko ang tangi kong karamay na si MOrris, at yun ay dahil sa lalaking nakilala ko sa website, ibinalik niya ang tiwala ko sa diyos at tinulungan niyang maka ahon ulit ang pamilya namin. Kaya yun Noims nawala sa isip ko yung website at di ko na na delete ang account ko doon."

NAKATINGIN LANG SI NOIME SA AKIN.

AKO: "ikaw, si gabriel, si james lahat kayo di niyo naman kasi naranasan ang maghirap kaya yan agad ang initial reaction niyo, pero naiintindihan ko kayo. Pero wag niyo naman sana akong husgahan at itulak palayo. masakit ang pakiramdam ng ipagtabuyan kaya di ko na hihintaying gawin mo na iyon sakin noims "


At tumalikod na ko kay Noime habang umiiyak, masakit madinig mula sa kanya ang sinabi niyang nakakadiri ako.

NOime: "jai!!!!" sigaw niya


Ngunit di na ko humarap pa sa kanya at pinagpatuloy ko ang paglalakad palayo. Sa puntong to, nag iisa na naman ako, panu ko ipagtatanggol ang sarili ko sa mga taong nanghuhusga sa akin, ang masakit pa dun sila pa ang mga taong mahalaga sa akin.


Patawid ako ng kalsada ng madinig ko ang isang malakas na busina, pagtingin ko sa kaliwa ay dalawang nakakasilaw na ilaw ng sasakyan at sinundan ng malakas na kalampag....

" TUMAWAG KAYO NG AMBULANSIYA!!!"

Yun na ang mga huling salitang nadinig ko..........................................







Itututloy..................

Monday, January 3, 2011

Boom Boom Jairus 6

BOOM BOOM JAIRUS


Akda ni Jaime Sabado



CHAPTER 6



AKO: " bakit meron ka nito?"

Gabriel: "eh dapat talaga meron ako niyan, Graduation picture yan nung grade
six diba? tingnan mo kaya katabi mo jan" hehe

Tiningnan ko maigi ang nasa picture, isang payat na bata na muknhang walang ka nutri-nutrition sa katawan at nakasalamin pa ng makapal.

AKO:" ah kilala ko na kung sino to, si anu to eh, ah bestprend ko to nung grade six eh, si anu to.. ah.. si Ga...si Gab... (napatigil ako). Teka.. teka.........(napatitig ako kay Gabriel at punogn puno ng pagkagulat ang dibdib ko)"

Gabreil: "bakit?" haha

AKO: "ikaw to? pero panu?.. panung??"

Gabriel: "oo ako yan, my super hero" hehehe

Takang taka ako sa nalaman ko. Ibang iba kasi ang itsura ni gabriel sa Litrato, naala ko tuloy nung grade six kami..

GARDE SIX......................................................(FLASHBACK)..WAHEHEHE


(school bell ringing)

AKO: "weeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeh kainan na!!!!!" wahehehehe

Teacher: " Jairus? hinaan mo boses mo, kaw talagang bata ka, wag ka gagawa ng gulo sa labas ah? susumbong kita sa mama mo"

Ibang iba ako nung elementary.. Biglang Bait nga daw ako nung nag high school ako eh...wahehehehe Siguro dahil narin sa environment..

AKO: "opo teacher!" sabay takbo sa labas para mag snack


Paborito kung snack ang lutong pansit ni NANAY PURITA sa canteen kaya excited na ko, sa kadahilanang ayaw kong makipagsisiksikan sa covered walk ay sa likod ako ng library dumaan para lang matikman ko ulit ang pansit ni nanay purita. Ok lang kahit maputik sa likod..wahehehehe

AKO: "(kanta) ako si Jairus, Bait na bata.. la la la la.."wahehehe


Habang naglalakad ako ay may nadinig akong tawanan ng mag bata sa bakanteng lugar sa pagitan ng Library at P.E room kaya dali akong pumunta at sinilip kung anu pinagkakaabalahan nila doon. Pagsilip ko ay nakita ko ang bago naming kaklase na si Gabriel na naka upo sa lupa at pinalilibutan ng mga Grade 5 pupils.

Bata 1: "gusto mo ibalik ko tong polo mo?, hahaha subo mo pototoy ko, dali na"

Tawanan lahat sila. Isa isang naglabas ng pototoy and tatlo pang bata at papalapit sila kay gabriel. Dahil sa kaalaman ng matalino kong kuya na nakamamatay daw ang ihi..wahehehe kaya dali dali akong umeksena..


AKO: "Hoy!!!!!!!!!!!!!!11 anu yang ginagawa niyo?" sabay lapit sa Bata 1 at kwenelyuhan ko sabay apak sa paa

AKO ulit: "anu lalaban ka ha? sabay suntok sa sikmura at tulak sa bata, anu tinitingin tingin niyo jan? Gusto niyo gamitan ko kayo ng ULTRA SLASH KO Aat MEGA SWORD ha?"

Takbuhan lahat sila sa sinabi kong kasinungalingan..wahehehe Pinulot ko ang polo ni Gab at tinulungan ko siyang isuot iyon.

AKO: "buti di natuloy yun, siguradong patay kana ngayon kasi maiinom mo ihi nila, nakakamatay yun eh"

Gabriel: "salamat ah, di ko kasi sila kaya" sabay iyak

AKO: "ayos lng yan, ito talaga ang tungkulin naming mga power rangers tsaka ultraman tska batman tsaka bioman"

Gabriel: "talaga? power ranger ka?"

AKO: "shhhhhhhhh wag mo pagsasabi, sa susunod papakita ko sayo na magtataransform ako" (wahehehe sinungaling)

Gabriel: "cge ! ang galing mo naman"

AKO: "hahahahaha ako pa! tara kain tayo ng pansit sa canteen"

Gabriel: "kinuha na nila pera ko eh"

AKO: "ako bahala, ibibili kita, madami ako pera bigay ng kuya ko"

Gabriel: "cge salamat ulit, pwede ba maging frends na tayo?"

AKO: " oo ba! mula ngayon dikit kana sakin para di kana mapapahamak, ako magiging super hero mo" (wahehehehe yabang naman)

Simula nun ay lagi na kaming magkadikit sa eskwelahan.. 2nd grading na nung maging kaklase namin si gabriel kaya kunti lng ang time na nakasama ko siya nung grade six. Dagdag pa nung bigla siyang naglaho after graduation. walang naikwento si gabriel tungkol sa pamilya niya, kung saan ang bahay niya at kung anu anu sa buhay niya, siguro kasi puro ako ang nagsasalita dahil sa kadaldalan ko.wahehehehe


KASALUKUYAN......................


AKO: "eh ba't ka biglang nawala? ba't ang gwapo mo na ngayon?"wahehehehe


Gabriel: "pangit pala ako dati?" may himig pagtatampo boses niya.

AKO: " Oo naman, grabeh ampayat mo nun, tapos haba ng buhok mo at magulo pa lagi ang ayos" wahehehe

Gabriel: "grabeh di a parin nagbabago" hehehehe, "pero alam mo jai kaya ako naging ganito dahil sayo" (naging seryoso ang moment). naging inspiration kita, naging idolo at sinabi ko sa sarili ko gagayahin kita. salbahe ka nga nun sa mata ng iba pero ako na nakasama mo kahit sa sandaling panahon, ay nalaman kung busilak ang puso mo, madaldal nga lng.hehehe"

AKO: "Ok na sana yung line mo eh, dinagdagan mo pa ng madaldal" wahehehe

Gabriel: "Nawala ako dahil kinuha ako ng lola ko para sa Davao naman mag high school, dun ko sinimulan ang transformation ko, iniimagine ko kasi panu ka matutuwa pag makita mong di na ko payatot. Jai, umuuwi ako tuwing bakasyon pero wala ka naman.

AKO: "ah eh nalipat kasi kami sa apartment na pinauupahan niyo, benenta kasi ni papa bahay namin para isalba yung taniman namin sa probinsya, ayun nasalba namin at maunlad na ngayon, di na kami bumili ulit bahay dito kasi pagnatapos sa pag aaral bunso namin ay sa probinsiya na kami titira, nakakatawa naman, di moko nahanap eh nandun lang ako sa paupahan niyong apartments..wahehehe"

Gabriel: "siguro para sayo nakakatawa yun" biglang nalungkot

AKO: "sorry"

Gabriel: "Bawat bakasyon na umuuwi ako dito at di kita nakikita ay nasasaktan ako, dahil ang kaisa isang taong tinanggap ako at alam kong tatanggapin ako sa khit anung magiging kalagayan ko ay wala na" umiiyak na si Gab

Nagtataka ako bakit ganun nalang ka emosyonal si gabriel...

Gabriel: "magsesecond year college ako when i finally saw you sa isang restaurant malapit dito, naka nursing uniform ka, tuwang tuwa ako kasi parehas pala tayo ng kurso, lalapitan na sana kita when I saw a guy na nilapitan m rin at hinalikan mo, God!!!!!! Jai, I felt like it was the end of me.. Akala niyo siguro walang nakakita, pero nakita ko ang halik na yun.

Wala akong naisagot.. Alam kung si Morris ang nakita niyang kasama ko pero nagtataka na ko sa nagiging reaction ni Gabriel sa mga nangyari kaya tinitigan ko siya as if nagtatanong ako kung bakit?"....


Gabriel: "Yes jairus, katulad moko, katulad niyo ko ni Morris...Noon pa man ganito na ko, una kung naranasan ang humanga sa kapwa ko is nung grade 6 at ikaw yun jai. Sa araw araw nating pagsasama at sa araw araw mong pag papakita ng "care" sakin na hindi ko naranasan sa ibang tao, ay evetually more than paghanga na ang naramdaman ko para sayo, pero pinigil ko iyon coz natatakot akong di moko matanggap at ang pagkatao ko, ikamamatay ko yun.

Gabriel: "Nung makita ko kayo sa resto Jai, inisip ko na kalimutan kana, tutal madami naman naghahabol sakin, babae man o bisexuals hinahabol ako. Madami akong napasukang relationship pero lalo lamang nito ipinamumukha sakin na iba ka sa lahat Jai, kasi ikaw tinggap mo na ako dati pa at tatanggapin moko no matter what...Jairus 9 years na kitang minamahal.. kahit anung gawin ko di ka maalis dito (turo sa utak) at dito (turo sa puso)." Nagdisisyon akong pumunta sa amerika para kalimutan ka, at nung akala kong tuluyan na kitang nalimot ay umuwi ako para asikasohin ang trainings at papers ko para pagbalik ko ng states ay ok na lahat ng requirements ko. To my surprise at ankita kita sa training Jai and at that very moment, lahat ng nararamdaman ko for you ay bumalik, galit na galit ako sa sarili ko, bakit mahal pa kita?! at bakit di kita malimot?!"


At dun na kumawala ang emosyon ni gabriel, humahagulgol si gab.. Di ko alam kung anu gagawin ko para i comfort siya. Ang ginawa ko ay lumapit at niyakap siya.

AKO: "Gab, tama na please, wag kanang umiyak.. nadudurog ang puso ko habang umiiyak ka"

Sa maniwala't sa hindi ay iyon ang totoong naramdaman ko

Gabriel: "jai?.... totoo ba narinig ko?"

Wala akong ibang naisagot kundi simpleng pagtango lang.. Sa tuwa ni Gabriel ay niyakap niya ko at umiyak na naman.

AKO: "siguro di kita minahal nung mga oras na mahal mo na ako, pero isang bagay ang sigurado ako...... minahal na kita mula nung unang kita ko sayo. at masaya ako dahil nalaman ko na ngayon kung bakit ganun kita kabilis minahal"


At tuluyan nang naglapat ang aming mga labi. Punong puno ng pagmamahal ang halik na iyon, ramdam ko ang pananbik ni Gabriel. And the next thing that happened was we made love, di lang isang beses. Madaming beses naming ginawa yun that night.

Kinabukasan ay nagising akong wala si gabriel sa tabi ko, dali dali akong nagbihis at tumayo sa kama, tamang tama namang dumating si gabriel.

Gabrie: "dyaraaan!!!!!!!!!!! breakfast in bed" hehe

AKO:" wahehehe sweet naman, parang sa movie lang to ah" wahehehe

Gabriel: "Higit pa samga nakikita mo sa movie ang ipaparanas ko sayo Jai.. I love you"

AKO: " i love you too" wahehehe nakakahiya.


Sabay naming kinain ni Gab ang pagkaing dinala niya, iyon na ang pinaka masayng sandali ng buhay ko simula ng mawala si Morris, at alam kung masay din si Morris para sakin ngayon.

That day, sabay na kaming pumasok sa training ni Gabriel, pinahiram niya ko ng damit niya para daw di na ko umuwi sa bahay para magbihis. syempre tinawagan ko si mama para ipaalam na hapon pa ko that day makaka uwi.

SA TRAINING AREA....................

Nasa loob pa kami ng kotse when gab kissed me...


Gabriel: "love u ulit"

AKO" "wahehehe daming i love you ah.. love you din ulit" sabay kiss ulit kay gab.

Pagpasok namin sa room ay nakita ko si Noime, animoy inip na inip at may hinihintay.. samantalang si gabriel ay dumerecho muna sa dako nila william para makipagkwentuhan..

AKO: "Noimz!!! good morning" wahehehe

Noime: "hhhmmp!!!!" kinuha ang bag at nag make up

AKO: "Noimz? may problema ba?"

Noime: "oo may problema, bakit di ka nagtext man lng kung anu kaganapan senyo kagabi?, nagtatampo ako baby jai, nagtatampo ako..hmmpppp"

AKO: "Noimz naman eh" sabay kiss sa pisngi niya
"ayan tatawa na yan"

Noime: "che! chansing nito, sana sa lips nalang para gumaan loob ko" sabay irap

AKO: "wahehehe adik sa lips talaga, sorry na"

Noime: "cge na nga, pero mamaya kwento ma sakin ng detailed by detailed ah pati period and exclamation point"

AKO: "wahehehe adik ka talaga"

As usual dumating na ang instructor at tuloy tuloy na ang Training namin maghapon..
Uwian na naman at excited na ko umuwi sa bahay para matulog ng derederecho..wahehehe

Noime: " nakakainis naman si maam, tuloy tuloy na retdem di ka tuloy nakapag kwento.. may utang kapa sakin baby jai ah, kwento mo, mukha ka di masaya ngayon ah.. kayo na ba? ha?"

AKO: "wahehehe"

Noime: "wag moko tatawanan pagtinatanong kita, baka nakakalimutan mong INA mo ko...CHAR!!!!..hehehehe, seriously jai anu na?"

Tumango lng ako at yun na, nagsisigaw si Noime sa tuwa..

Noime: "haaay lord what a happy new year and a prosporous day"

AKO: "Noims mahiya ka nga, parang ikaw ang may bagong syota ah" wahehehe

Noime: "Happy lng ako, tara na at maki hits na tayo sa BF mo..ayeeeh"

Nauna na sa kotse si gab kaya dun din kami paponta ni noime.. hihits kami kay gab..waheheh.

Malapit na kami sa Kotse ng may nadinig kaming boses na animoy nagtatalo. Dahil natural na samin ni noime ang pagka chismoso at chismosa..wahehehe Sinilip namin ito at nagtago kami sa likod ng van malapit sa kotse ni Gab..waheheh trip trip lang..

To my surprise nung makita ko si James, na bestfriend ni gab sa pagkakaalam ko at kaharap niya si gabriel. Galit na galit ang mukha ni james.

James: " So change plan na naman?.. Gab naman!!! nung makita mo ang jairus na yan sa training ay hinayaan kitang makasama mo siya atleast for the rest of the training period para matupad yang plano mo, pero bakit ngayon yan na naman ang hinihiling mo sakin?"

Gabriel: "james intindihin mo naman ako please"

James: "Hanggang kelan gab? bakit? Mahal mo na ba ulit si jairus ha? mahal mo na ba ulit siya?"

Gabriel: "James wag dito please, padating na sila anytime"

James: "bakit? natatakot ka gab ha?!!!!!!!! sagutin moko!!!!!!! mahal mo na ba siya ulit?!!!!

Gabriel: "Tama na!!!!!!!!! Hindi ko siya mahal, alam mo naman di ba kung bakit gustong gusto ko siyang gantihan!! please james gusto ko lng iparamdam sa kanya ang ginawa niyang pananakit sakin dati at sa pinsan ko, nag uumpisa palang gumanda takbo ng mga balak ko. James look.. I LOVE YOU, 3 years na tayo, ngayon ka pa ba mag dodoubt sakin?

James: better be sure na part pa yan ng mga plans mo gab or else...Alam mo namang mahal na mahal kita..

Gabriel: "same here james, mhine wag kana magalit ah?" sabay akbay kay james

James: " oh siya cge.. i better go at baka maabotan pa tayo dito ng Jairus mo" sabay bitiw ng tawang nakaka insulto.

Gabriel: "Kita tayo tonight.. hihintayin kita"..hehe

James: "naku yang mga tingin na yan, pilyo ka talaga, cge tonight..hehehe"

Tuluyan nang naglakad palayo si james at sa di kalayuan nakaparada ang kotse niya, si gab naman ay kinuha ang cellphone niya at tinwagan ako.. Good thing naka vibrate mode lng cp ko.

Di ko sinagot ang tawag niyang yun sa halip ay timext ko siya gamit ang cp ni Noime at sinabi kong sinamahan ko si Noime sa lakad nito at emergency kaya di ko na nasbi agad.

Tuluyan ng sumakay sa kotse si Gab at umalis na......

Noime: "Jai ok ka lng ba?"

Di ako makasagot.. natulala ako sa nasaksihan ko.. Tuluyan ng dumaloy ang mga luha ko sa mata..

AKO: "Noimes? anu bang kasalanan ko kay gab?

Noime: "tska sa pinsan daw niya, ay sorry"

AKO: "Noimes wala akong kakilalang pinsan niya Noims"

Nakita kong nag iisip si Noime....

Noime: "Baka si MOrris? napansin ko nataranta si Gab nung makita mo mama ni Morris, hinila nga niya ko papunta sa may sindihan ng kandela tapos di na siya sumama pabalik sayo at hinitay nalang niya tayo sa koste niya diba?.. sa tingin mo my point ako?"

Hindi ko na inintindi ang sinabi ni Noime at tuluyan ng sumabog ang pagkabigo sa dibdib ko, umiyak ako sa harap ni Noime. Hinila ako ni noime pabalik sa loob ng gate sa redcross at naupo kami sa isang bench doon..

AKO: "diyos ko anu bang kasalanan ko sa inyo..." umiiyak padin........

Noime: "jai" at tuluyan na ding umiyak si Noime...

AKO: " noimz, ba't ka umiiyak?"

Noime: "kasi umiiyak ka eh, tska may kasalanan din kasi ako..pinilit kitang ituloy ang pagpunta kena Gab at nag advice pa ko sayo"

AKO: "Noims, wag kana umiyak please? wag moko agawan ng moment.. moment ko to eh"

Natawa naman si Noime sa sinabi kong yun..

Noime: "alam mo jai, napakabuti mong tao, kahit nasasaktan kana ay nagagawa mo parin magpatawa ng iba... hindi ka worth it sa mga nangyayari sa buhay mo ngayon kasi napakabait mo, may karapatan ka din namang sumaya"

AKO: "ayoko ipakita kay Noime na iiyak na naman ako kaya nayuko ako, pero di ko talaga mapigilan ang humagolgul...

Hinayaan ako ni Noime sa ganoong kalagayan.. Habang umiiyak ako ay inisip ko kung bakit ganun nalang ang galit ni Gab sa akin. Kung totousin ay wala akong ideya sa nararamdaman niya para sakin noon. Magaling palang artista si gabriel. pagkukunwari lang pala yung ginawa niyang pag iyak na yun..At lalong nagpasakit sa loob ko ang ideyang si James ang tunay niyang mahal....

AKO: "diyos ko....mahal na mahal ko na po siya, " humahagulgol padin ako..

Mga ilang sandali pa ay tumigil na ko sa pag iyak, pero di ko padin alam kung anu gagawin ko at panu ko pakikitunguhan si Gab.

Noime: "Jai, gusto mo makalimot muna?"

AKO: "Panu?"

Noime: "tara sama ka sa bahay, kami lng ni kuya doon now, inom tayo"

Di na ko nag dalawang isip pa, di na din ako nakapag paalam sa mama ko at sa dad ko..

Sa bahay nila Noime ay nadatnan namin ang Kuya niya na nagbubuhat na mga paso ng halaman..

Noime: "kuya si jairus, yung kinikwento ko sayo, dito siya matutulog tonight.. nga pla baby jai, si kuya glen ko"

AKO: "magandang hapon po, kumusta po"

Glen: "hahaha tanggalin mo na ang po, nice meeting you Jairus right?"

AKO: "yup!"

Glen: "umiyak kaba? anu ginawa sayo ni noime, sabihin mo lng at nang masaktan natin" hehehe

Noime: "napuwing lang yan kuya, malas nga kasi dalawang mata pa talaga"

Glen: "ganun ba? sis? inuman ba mamaya?hehehe"

Noime: "kaya nga kami andito now kasi gagalor kami tonight dito sa bahay"

Glen: "sayang naman, may date ako tonight"

Noime: "ok lng kuya, kaya naman naming uminom ng kami lng..waheheh"

Pumasok na kami sa bahay nila Noime, sinamahan ako ng kuya glen niya sa kwarto nito para pahiramin ako ng damit pambahay.

Glen: "Don't worry alam ko na tungkol sayo, parehas tayo"

AKO: "oo nga eh..hehehe salamat dito sa damit ah"

Glen: " no prob.. cge at magpprepare nadin ako para sa date ko.. minsan dalaw ka dito tol ah? pag wala na ko lakad"

AKO: "sure no prob"

Mga 6 pm plang ay nag dinner na kami ni Noime, nakaalis na si Glen ng mga oras na yun at sinabing bukas pa siya makaka uwi sa dahilang dun siya matutulog sa bahay ng syota niya.. After kumain ay inumpisahan na namin ang inuman..Red horse lng naman.

Habang umiinom kami ay ibinuhos ko lahat ng hinanakit ko sa mundo sa larangan ng pag ibig. dahil siguro sa kalasingan ay tumatawa nman ako at maya maya ay iiyak.. Malalim na ang gabi ng magpasya si noime na itigil na inuman namin, kunti lang nainom ni noime kaya di siya masyadong nalasing. Inakay niya ko papunta sa kwarto ng kuya niya para magpahinga na.

AKO: "noimz, ang ganda mo pala..wahehehe"

Noime: "yes i know, kaya matulog kana jan baby jai"

AKO: "noimz dito ka lang sa tabi ko"

Noime: "oh cge at ipaghehele kita..wahehehe"

Ayun na nga't nakatulog na ko..Kinabukasan ay nagising ako na mag isa sa kwarto at napansin kung iba na ang damit ko..

AKO: "patay nakita na ni noime si junjun ko..wahehe"

Bumaba ako at naabutan ko si Noime na naghahanda ng almusal,

Noime: "jai gising kana pala tara kain na tayo, sarap nag luto ko"wahehe

AKO: "Noimz ba't moko binihisan? nakakahiya"

Noime: "sa akin kapa nahiya..wahehehe"

AKO:" alam mo noimz, nanaginip ako"

Noime: "anung panaginip?"

AKO: "nagsex daw tayo" wahehehe

Noime: "Ewwwwwnesss to the tenth power, super yuck naman yang panaginip mo"wahehehehe

AKO: "sarap nga eh"wahehe

Noime: "Eww baby jairus... ok kna ba?" pag iiba niya sa usapan

AKO: "di ko alam, wala pa akong plano kung anu magiging hakbang ko noimz, alam mo ba ba't ako umiiyak kagabi? kasi diba magkikita daw sila kagabi? si gab at james, alam kung habang umiinom tayo ay may nangyayari sa kanila.."

Noime: "jai, kumain muna tayo ha? wag ka umiyak pls.. di mo deserve umiyak"

Kumakain na kami when I remembered na kunin muna ang phone ko to check if may message si mama. And indeed may text nga, kaya tinawagan ko agad si mama at sinabi kung nasan ako at nag aliby ako na nag practice kami for retdem. after ng tawag na yun ay tiningnan ko ulit ang inbox at may mga message dun si gabriel at nang basahin ko ay.............


AKO: " noimz basahin mo?"

Binasa iyon ni noime..

Noime: "huh?"







Itutuloy.................

Boom Boom Jairus 5

Boom Boom Jairus

By Jai-jai Sabado


Chapter 5


AKO: "anu eto?" nasabi ko sa aking sarili..

Di ko namanlayang nakitingin pala sa cp ko si Noime kaya nakita niya yung MMS na pinadala ni Gabriel..

Noime: "Anu pa? e di heart na may malaking I LOVE YOU sa baba, ayan oh..." sabay turo sa screen ng cp ko.

AKO: "hoy! anu kaba? tsismosa nito"

Tinginan sakin ang iba pa naming mga kasama. Mejo napahiya ako ng kunti kaya inakbayan ko si Noime at mejo sinakal ng kunti..wahehehe

Noime: "Anu ba? wag moko halikan baby jairus!!" pabirong sabi ni Noime

Lalo akong napahiya sa mga kasama namin.

AKO: "patay ka sakin mamaya" pabulong kong sabi kay Noime

Noime: "Oo alam kong crush moko, ganda ganda ko kaya" sabay tawa ng malutong.



Kung hindi ka sanay sa pang aasar na ganun ay mapipikon ka talaga kay Noime.

Nasa loob na kami ng training room at wala pa naman ang instructor namin nang nilapitan ako ulit ni Noime.

Noime: "oh.. maya kana gumanti di ako prepared, maiba tayo.. I saw kung kanino galing yung MMS.. Gusto ka niya baby jai.. ayeeeeh" sabay kurot sa tagiliran ko

AKO: "ipagpalagay na nating totoo.. naks! wahehehe kapal ko,(kurot sa pisngi ni Noime).. seriously, if ever totoo at hindi nagttrip si Gabriel, bakit ang bilis naman ata Noimz?"

Noime:" walang mabagal o mabilis sa pag ibig baby jai, di naman isyu sakin yan.. ang isyu is......(pabulong)Bi din pala si Gab"..wahehehe

AKO: "di ko nga rin ineexpect" tawa din ako

Noime" "Ba't ba dumarami ang lahi niyo? di naman kayo nanganganak ah? at ang masakit pa nito, kepopogi niyo pa.." kunwari nalungkot ang expression ng mukha.

AKO: " yaan mo na, ganun talaga.. waheheh. di ba ampogi ng bf mo??.. halaka paimbistigahan mo na yan at baka isa samin yan..wahahahaha"

Noime: " uy!!! wag ka magbiro ng ganyan, magpapakamatay ako" sabay sign of the cross

Natawa ako sa naging reaction ni Noime. Di pa man natatapos ang usapan namin ay dumating na ang instructor namin at nagpatuloy na ang training.

TRINING....TRAINING....TRAINING...

Alas sinko ng hapon, uwian na naman..

AKO: "Noimz??"

Noime: "yes? gaganti kana ba sa pangungulit ko kanina? wait magreretouch lang ako" wahehe

AKO: "Hindi yun, saka na yun.. ahhh Noimz, sa tingin mo ba kailangan ko tuparin yung promise ko kay Gab na pupunta sa kanila?"

Noime: "sa bibig mo na rin nanggaling na nagpromise ka, kaya tuparin mo, kawawa yung tao nag-eexpect na dadating ka"

AKO: "naguguluhan kasi ako, nababasa ko kasi sa mga BLOG stories to eh(wahehehe). Yung papupuntahin ka sa bahay ng taong may gusto sayo, tapos magtatapat ng pagmamahal, tapos may mangyayari sa inyo, tapos magiging masaya kayo, tapos darating ang problema, yung iba namamatay pa nga yung love interest ng bida..masakit yun noimz" mejo nalungkot ako..

Noime: "Ewww nagbabasa ka pala ng mga ganung blog?, si kuya din napupuyat kakabasa ng mga ganyan sa net.. mga baklang toh.. Teka nga, wag mo ihalintulad sa mga kwento sa Blogs ang mangyayari sa inyo ni Gab. Nasa real world kayo wala kayo sa loob ng computer, grabeh ka naman mag-isip"

AKO: "Alam ko naman yun... tska Noimz, don't you think he's too fast?"

Noime: " Nasabi ko na kanina, walang mabilis o mabagal pagnagmamahal ka"

AKO: "Alam mo Noimz, ngayon ko lang sasabihin to, unang kita ko palang kay gab nakaramdam na ko ng kakaiba, naramdaman ko na din to dati kay Mor.... ah wala pala.. Basta Noimz natatakot ako"

Noime: "Baby jai, kung sino man si Morris sa buhay mo, hindi ko naman alam anu story niyo, all i know is that, he is in heaven now at nakita ko sa mata mo kahapon how much you loved him..pero bahagi na lamang siya ng nakaraan mo.. kaw na din ang nag sabi na nararamdaman mo ngayon kay Gab ang naramdaman mo for Morris, why don't you enjoy that feeling? wag ka matakot"

AKO: "Wow!!!!!!!!!!!! Hanep!!(palakpak ng malakaz).. galing mo pala pag seryoso ka" wahehehe

Noime: "syempre (sabay pose ng pang beauty pagent), pero seriously baby jai.. sana sundin mo payo ko.. yaan mong sumaya ka ng TOTOO, hndi puro pagkukunwaring masaya ka"

Iyon ang mga katagang gumulat sakin, basang basa pala ako ni Noime. Totoong masayahin ako at makulit, pero alam ko sa sarili ko na may ginagawa akong pagpipigil sa tunay kong emosyon.

AKO: "Oo na madam Noime" wahehehe

Noime: " ewan ko sayo, di mo naman ako sineseryoso...oh siya andito na fafa ko, date mode muna kami baby jai"

AKO: "baka sex mode" wahehehe

Noime: "loko! hehehehe... bye baby jai.. luv yah!!!!"

AKO: "bye.. ingat kayo"wahehehe

Di man lang ako ipakilala ni Noime sa Bf niya..wahehehe. Nagpasya akong sumakay ng pedicab pauwi para makapaghanda sa gyera este sa pagbisita ko kay Gabriel.

SA BAHAY.......

AKO: Ma!!!!!!!!!!!!1 Ma!!!!!!!!!!!!!! Ma!!!!!!!!!!!!!!

Mama:"Beboy!!! anu nangyari sayo?, ba't ka sumisigaw? pinagtripan kaba sa labas?" alalang alala si mama

AKO: "wala po ma, parang gusto ko lng po sumigaw..wahehehe"

Mama: "nakung bata ka talaga! (sabay kurot sa tagiliran ko), magkakasakit ako sa puso sayo"

AKO: "wahehehe sorry po ma, ma punta po pala ako sa kaibigan ko, dun po ako mag oovernyt, naimbitahan po kasi ako"

Agad namang pumayag si mama. Malaki tiwala sakin ng mga magulang ko kasi kahit kelan di ako nagsinungaling sa kanila about sa mga lakad kong pinupuntahan at mabait akong anak..wahehehehehe.

Ayun na nga't naligo na ko, nagdala ako ng bag na may lamang short at sando para pantulog ko mamaya.

AKO: "wala pala akong condom(wahehehe nag-eexpect)... wala naman cguro mangyayari, kung sakali di ko rin hahayaan na may mangyari, di namn ako ganun ka atat sa entotan"wahehehe"

Nagpaalam na ko sa mama ko..

AKO: "ma tuloy na po ako"

Mama: " oh cge iho, mag iingat ka"

ERwin: "kuya pasalubong ah, susulat ka.. mamimiss ka namin" wahehehe

AKO: "baliw! sulatan ko yang noo mo eh, cge tol" hehehe


Naglalakad na ko papunta sa bahay nila Gabriel ng may bumusinang sasakyan sa likod ko.
Beeep!!!! (wahehehehe beeeep talaga).. Napatigil ako at nakita kong si Gab ang bumaba sa sasakyan.

AKO: "akala ko ba may sakit ka?, eh mukhang mas healthy ka pa nga tingnan kesa sakin eh" (Haay naku sabi na nga't ganto ang mangyayari, nabasa ko na to eh..hehehe)

Gabriel:" gumaling na ko eh, lalo na ngayon nasa harap ko gamot ko" sabay ngiti

Diyos ko, kapoging tao at kinilig pa ako sa sinabi niyang gumaling na siya. Tumigas pa etits ko..wahehehe

AKO: " mukha pala akong paracetamol, so anu? di nalang ako pupunta sa inyo?" wahehehe

Gabriel: "kaya nga ko nandito kasi susunduin kita" ngiti ulit

Isang ngiti nalang at mapupunit na brief ko sa tigas ng ari ko..wahehehe

AKO: "ah eh.. tara na"

Gabriel: "tara hon este jairus pala"

Nangiti lang ako sa pagpaparinig niyang yun.. punog puno ng kilig ang katawan ko that moment, alam kong sobrang bilis ng mga pangyayari pero ang importante is masaya ko. Napagdasisyunan kong sundin ang payo ni noime..

Pagdating namin sa bahay nila Gab ay ganun padin ang naramdaman kong pagkamangha sa tinitirahan nila.


Gabriel: "tara derecho muna tayo sa dining area, gutom na ko eh..hehehe"

Ako: "cge kumain na ko" (hehe nahiya pa)

Gabriel: "cge wag na tayong kumain" may himig pagtatampo

Ako:" sa bagay nagutom din ako sa beyahe, imagine 5 minutes din tayo naglakbay..waheheh" pagbawi ko naman.

Gabriel: "nakakatuwa ka talaga..hehe" sabay akbay sakin na mejo payakap ng kunti.

Ayeeeeeeeeeh.. nilalamig ako sa sobrang kilig, nanghihina tuhod ko..hehehe

Ayun at kumain na kaming dalawa, syempre kunti lng kinain ko, nakakahiya ilabas ang lamon mode ko. pang bahay lang yung skill ko na yun..hehehe. Naikwento din ni Gab na nasa states ang mommy niya para sa annual check up nito.


Ako:" magpapacheck up lang sa states pa..hehe, sabagay andun namn talaga magagaling na doctor" sabi ko sa sarili ko.(baliw mode)


Pagkatapos namin kumain ay dumerecho kami sa kwerto ni Gabriel, di mawala sa utak ko ang ideyang maaaring may mangyari samin ni Gab. Pagkapasok namin sa room niya ay pinili kong maupo sa sahig..wahehehe lambot ng carpet, pwede ng sapin pantulog. Natawa nman si Gab sa ginawa ko.


Pagkaupo kong yun ay may inabot na litrato sakin si Gab...



AKO: "huh?! anu to?! Ba't meron ka nito?" labis na pagtataka ang nangibabaw sa akin.







Itutuloy............

Torn Between Two Lovers? iv

Kasalukuyan akong nag-stroll sa department store nun sa bayan nang makita ko si Arnel. Mukhang nag-iisa lang siya. Lumakad ako papalapit sa kanya pero wala akong balak na magpakita muna.

Sinusundan ko siya san man siya magpunta. Stalker kumbaga. Mukhang masaya siya at ano kaya ang dahilan. Maya-maya pa may lumapit sa kanyang babae. Namangha naman ako sa kanila. Ang sweet nilang tingnan. Nakaangkla ang braso nung haliparot sa braso ni Arnel at eto namang isa nag-eenjoy.

Bigla bigla ang pag-akyat nang dugo sa mukha ko at tila ba bulkan na handa nang sumabog. Lalabas na sana ako para harapin sila nang sa kung saan eh biglang sumulpot si Francis.

"Kuya, andito ka din pala. Sinong kasama mo?" Nagulat pa ako sa presensya niya.
"Ah.. Eh.. Ako lang. Ikaw sino kasama mo dito?"
"Sila mama. Bibili kasi sila nang regalo para kay papa."
"Ah ganun ba? Asan na sila ngayon?" Tanong ko.
"Andun sa may clothes for men section. Gusto mong gumawi muna dun?"

Di na ako nakasagot pa kasi agad na niyang hinila kamay ko papunta dun sa direksyon na sinabi niya. Sa kabila nang papausbong na saya sa dibdib ko ay hindi padin nakaligtas sa akin ang namasdang kasiyahan sa mukha ni Arnel kasama yung babae na yun.

Hawak-hawak ang kamay ko nang ipakilala niya ako sa mama at ate niya.

"Ma, ate si Kuya Dhenxo kaibigan ko po." Tumingin muna saglit samin yung mama niya at nangiti sabay sabi nang 'nice meeting you'.

Sasagot sana ako nang mapansin kong nakatingin yung ate niya sa mga kamay naming dalawa na magkadikit pa din. Napahiya ako kaya naman pilit kong inaalis yung pagkakasugpong nang mga kamay namin pero hindi ko magawa dahil lalo niyang hinigpitan pagkakahawak niya.

Tiningnan ko siya at tumingin din siya sakin sabay ngiti.

"Hey ate, natutunaw na kami sa titig mo tumigil ka na." Pagsaway niya pero nakangiti.
"Ah bunso sensya naman. Masyado na kasing madaming langgam sa pagitan niyong dalawa kaya naman sinusubukan ko silang takutin sa pamamagitan nang tingin." Sabay tawa nang ate niya. Nakitawa din ako.
"Oo nga naman anak, bakit di mo muna pagpahingain yang mga kamay niyo. Baka hindi na matanggal iyan dahil sa natuyong pawis niyo." Seryoso padin itsura niya pero halatang nagjo-joke.
"Ayaw ko nga ma, baka pag binitawan ko kamay niya bigla siyang mawala. Hirap kayang hagilapin nito. Palos eh."
"Oo nga naman Francis, medyo namamawis na din kamay ko. Nakakahiya na." Nasabi ko na lang.
"Sige bibitawan ko pero sa isang kundisyon." Sagot niya.
"Anong kundisyon naman yan bunso?" Di na napigilang makisawsaw ulit nang ate niya sa usapan namin.
"Samin ka matutulog mamayang gabi." Nagulantang ako sa kundisyon niya.
"Pero..."
"Ma, di ba pwede naman matulog si kuya sa bahay and para makilala na din siya na papa?"
"Oo nga naman hijo. Have time with us mamaya and bukas ka na nang hapon umuwi para maenjoy mo celebration nang birthday ni daddy." Speechless ako.
"Oh teka, ibalik natin yang kamay mo sa kamay ko." Sabi ko bigla nang tanggalin ni Francis yung pagkakahawak niya sa kamay ko. Natawa silang lahat lalo na si ate.

Sumama na ako sa kanila para mamili nang ireregalo sa papa niya. Masayang kakwentuhan si ate. Si tita naman kakatapos lang nang botox treatment niya 3days ago kaya hindi pa masyadong makangiti. Nag-eenjoy ako sa pagsama sa kanila nang bigla kong maalala na may bibilhin din pala ako dun.

Nagpaalam muna ako saglit para bilhin yung pinapabili nang kapatid ko na school supplies. Bago pa ako pinayagan ni Francis eh naghabilin pa siya na wag na wag akong titingin sa iba. Natawa ako sa reaction ni ate lalo na nung batukan niya ito.

Namimili na ako nang magandang notebooks nun nang biglang nagsalita si Arnel sa tabi ko. Akala ko okay na ako pero biglang nanumbalik yung sakit na pansamantalang naiwaksi kanina.

"Bakit magkasama kayo?" Bungad niya.
"Nagkataon lang." Tipid kong tugon.
"Nagkataon? Mukhang hindi ito nagkataon lang Dhen."
"Ayaw mong maniwala di wag. Di naman kita pinipilit." Hindi ko man lang siya nilingon man lang dahil busy ako sa pagpili.
"Kayo na ba?" Napahinto ako bigla.
"Kami na nga ba? Sa tingin ko hindi." Sagot ko. Napikon ata siya sa tinuran ko.
"Bakit ka ba nagkakaganyan? Sinasaktan mo ako alam mo ba iyon?"
Tumingin ako sa kanya sa wakas. "Sinasaktan ba kita? Mukhang di naman halata ah. Tsaka mukha ka pa ngang masaya oh."
"Masaya? Paano ako naging masaya kung harap-harapan mo akong binabalewala."
"BESTFRIEND, hindi kita dinededma. Nagkataon lang din na ngayon may kasama na ako at may kasama ka. Tsaka hindi ko naman alam na andito ka din pala."
"Paanong mapapansin mo ako eh busy ka diyan sa Francis na yan ni hindi mo nga magawang tumingin sa paligid mo kung may kakilala ka ba o wala."
"Teka nga, walang patutunguhan itong pag-uusap natin. Puntahan na lang kita sa bahay niyo sa makalawa."
"Ngayon na natin to pag-usapan dahil hindi ako sigurado kung pupunta ka nga sa bahay. It is now or never!" Sabi niya na may pagbabanta.

Sasagot na sana ako nang sumulpot sa kung saan ang babae niya. Muli na naman akong nakaramdam nang inis at selos. Since magaling naman akong magtago nang nararamdaman, nagkunawri akong busy ulit sa pagtingin nang mga notebooks.

"Hon, alin dito ang mas maganda?" Tama ba ang nadinig ko, hon? Hindi ko siya nilingon.
"Ui, Dhenxo ikaw pala iyan. Kamusta ka na?" Sabi niya.
"Ah okay lang naman ako." Ngayon ko lang naalala kung sino siya. Siya si Jessa, ang girlfriend niya nung high school. Hindi ko alam na nagkabalikan pala sila.
"Ah Jessa, Arnel una na ako sa inyo sa counter huh. May pupuntahan pa kasi ako eh." Paalam ko sa kanila.

Tama ang desisyon ko dahil hindi ko alam baka biglang bumagsak luha ko dahil sa sama nang loob. Dumiretso nga ako sa counter at nagbayad nang mga binili ko. Parang ang tagal nung cashier na i-punch yung mga items ko. Ganun ba talaga ang nararamdaman ko sa ngayon? Nasaktan nga ba talaga ako? After kong makuha yung mga binili ko, nag-decide na akong umuwi. Wala sa sariling naglakad ako palabas nang store.

"Oops, where do you think your going mister?" Si Francis.
"Ah, eh. Sa labas lang. Papahangin." Palusot ko.
"Wag ka na. Hindi ka din naman makakatakas sakin eh. Anong akala mo makakaalis ka dito nang basta basta. Kanina pa kita binabantayan." At tumawa pa ang gago.
"Papahangin lang talaga ako tsaka medyo ginutom ako kaya tambay lang sana ako dyan sa may siomai stall." Bigla niyang hinawakan ulit yung kamay ko.
"O siya tara, magmerienda muna tayo. Gutom na din ako eh."
"Oh eh bakit nakahawak na naman yang kamay mo na yan aber? Nawiwili ka na ah."
"Hindi naman sa ganoon. Masaya kasi ako kapag hawak hawak ko kamay mo. Feeling ko akin ka na."
"Feeler ka sobra." Di ko maiwasang mapadako ang tingin sa kinatatayuan nila Arnel. Nagkatitigan kami pero ako na ang bumawi.

Sa labas, bumili kami nang siomai at maiinum. Nakatambay kami sa may stall habang kumakain at naghihintay kila tita. Hindi din naman sila masyadong nagtagal pa dahil agad na silang iniluwa nang dept. store. Inaya na kami na sumakay na sa kotse para umuwi. Tatanggi sana ako dahil hindi pa ako nakapagpaalam pero mukhang natunugan ako sa balak ko.

"Ah ma, si ate na lang po muna mag-drive sa inyo pauwi. Dadaan pa kasi kami sa bahay nito." Paalam niya.
"Ipagpaalam mo na din siya dear brother sa parents niya para tuloy ang ligaya natin mamayang gabi." Sabad ni ate.
"Sure ate, akong bahala kay ma- este kil tito and tita." Bago umalis yung car, kumindat muna si ate kay Francis. Hindi ko alam kung anong dahilan pero mukhang masaya si Francis dun.
"So, papara na ako nang trike natin huh."
"Bakit kailangan mo pang ipaalam kung pwede ka namang basta pumara na lang di ba?" Sabad ko naman. Ngiti lang tugon niya sa akin.

Nakapara naman agad siya. Papasakay na ako noon nang tawagin ako ni Arnel. Napahinto naman ako sa labas at hinintay siya. Hingal kabayo pa ito nang makalapit.

"Bakit?" Tanong ko.
"Sasabay ako."
"Bakit?" Tanong ko ulit.
"Dadalaw ako kila tita." Tiningnan ko muna si Francis. Nakatingin siya sa ibang direksiyon na waring ayaw niyang isama ko si Arnel.
"Ah okay." Tanging tugon ko sabay pasok na sa loob. Sumunod sakin si Francis at huli si Arnel.

Ang hirap nang puwesto ko sa sasakyan. Imagine, katabi ko sa Francis samantalang sa may harapan ko (patagilid) pumwesto si Arnel. Naiipit ako sa kanila. Ang lalaki naming mga tao nagsiksikan sa maliit na sasakyan. Kaya naman nang natapat sa harap nang bahay yung tricycle at bumaba na silang dalawa, saka pa lamang ako nakahinga nang maluwag.

Dali-daling pumasok ang bestfriend ko at agad nambulahaw sa mga tao doo. Samantalang si Francis naman ay waring isang Maria Clara este ginoo pala na hindi makabasag pinggan sa tindi nang kanyang pag-iingat sa kilos. Kung gaano siya ka-open sa family niya eh siya namang tiklop niya sa bahay. Hindi niya kaugali si Arnel na bagamat matagal nang kilala nang pamilya eh sadyang mapagbiro lalo na kila mama at papa.

"Tita mano po. Tito mano po."
"Kaawaan ka nang Diyos anak." Naki-mano na rin si Francis.
"Bakit ang tahimik mo hijo?" Tanong ni papa.
"Ah, eh.."
"Naku tito, malamang sa totoo nahihiya po sa inyo yan." Si Arnel sabay tawa.
"Hoy ikaw, wag mo nga masyado inaalaska yung tao. Bago siya dito kaya naman ganyan siya umasta." Sabay irap ko sa kanya.
"Nga pala, ma, pa, si Francis po. Ka-department ko po pero lower year. Francis parents ko." Pagpapakilala ko sa kanila.
"Nice meeting you po..." Napansin nila na nag-aalangan pa din ito sa kanila.
"Tito and tita na lang para hindi masyadong old." Sabay tawa ni mama.
"Nice meeting you po tito and tita." Sabay flash nang isang nakakainspire na ngiti.

Nagsisimula nang maging at ease si Francis nun sa bahay. Nagagawa na nitong makisakay sa mga biro ni papa sa kanya. Para silang mag-ama kung tutuusin dahil sa pareho ang mga hilig nila lalo na sa palabas. Maya-maya pa dumating na yung kapatid kong babae galing school.

"Kuya, sino yang bisita mo? Ang cute niya. Kunin ko nga number niya." Sabi nito sa akin.
"Tumigil ka! Gusto mo isumbong kita kila papa at sabihin kong ambata bata mo pa lumalandi ka na?" Pananakot ko sa kanya.
"Tse! Sungit!" Sabay takbo at nagmano kila mama at papa.

Hinahanap ko si Arnel dahil bigla siyang nawala. Nakita ko siya sa may terasa at mag-isang nakatingin sa kawalan. Dahan-dahan akong lumapit at balak kong gulatin kaso ako ang nagulat nang makita siyang sobrang lungkot.

"Psst, bakit andito ka? Hindi ka makikihalubilo samin sa loob? Nagkakasiyahan sila dun oh."
"Naku hindi na. Mas gusto ko dito sa labas. Tahimik, lahat nakikiayon sa nararamdaman ko."
"Ang drama mo ikaw huh. Baka gutom ka lang kaya ka ganyan."
"Hindi naman sa ganun. Busog pa ako, kakameryenda lang namin ni Je-- kakameryenda ko lang."
"Ah ganun ba. Di puwede yan teka papakuha ako nang pagkain." Tinawag ko yung kapatid ko at nagpakuha nang kahit na anong meryenda. Maya-maya dumating ito.
"Merienda tayo ulit habang nagmomoment." Isang pagkakamali na nasabi ko ito.
"Dhen, hindi pa ba ako sapat sa iyo?" Nasamid ako sa sinabi niya. "May kulang ba sa akin? Hindi ba pwedeng ako na lang?" Sunod-sunod niyang tanong.
"Len (tawag ko sa kanya), naguguluhan pa ako sa ngayon. Hindi ko alam kung sino sa inyo ang gusto kong maging kasama. Tsaka..." Natahimik ako saglit. "ayokong makasakit nang tao lalo pa at isa siyang babae." Pero hindi niya pinansin yung huli kong sinabi.
"Pero malaki ba ang pag-asa ko sayo o kulang pa?"
"Hindi ko alam."
"Pero mas nauna ako kesa sa kanya."
"Oo alam ko yun. Pero ayoko munang mamili. Nag-eenjoy ako sa company niyong dalawa. Hindi mo naman kailangang makipagkumpitensiya sa kanya eh. Bestfriend kita kaya andito ka na sa puso ko."
"Iba ang gusto kong maging estado natin eh. Hindi ba talaga tayo pwedeng maging more than bestfriends?"
"Alam mo..." Matama siyang nakikinig. "gutom lang yan kaya kumain ka na baka maunahan ka nang mga langaw diyan sa pagkain mo." Sabay tawa. Kumuha naman siya at kumain.
"Ang drama mo ngayon Len huh. Ikaw ba talaga yan?" Pang-aasar ko sa kanya.
"Sige lang, hindi kita kokontrahin ngayon."
"Wag na kasi emo. Pumapangit ka niyan eh." Tumingin siya sa akin at dali-daling binigyan ako nang smack. Isang hampas ang itinugon ko. Paano pag may nakakita sa ginawa niya.

Pagpasok namin sa loob, nagulat pa kami ni Arnel nang makita ang isang backpack sa may upuan. Nagtatakang tumingin ako sa kanila. Ayoko sa lahat yung pinapakialaman yung bag ko lalo na nang walang pasabi.

"Ma, bakit nakalabas yung bag ko?"
"May overnight daw kayong mga officers nang department niyo at kailangan niyo daw magpakita lahat doon. Inihanda ko na ang mga gamit mo para ready ka nang lumarga anytime."
"Pero ma naman. Baka ginulo niyo cabinet ko!" Sagot ko.
"Wag ka na ngang mag-inarte diyan kuya. Magpasalamat ka dapat dahil nabawasan trabaho mo." Sabad nang kapatid ko. Pinandilatan ko lang siya.
"Totoo ba yun?" Bulong sakin ni Arnel. Napatingin muna ako kay Francis bago ako tumango sa kanya. "Kung ganun naman pala, aalis na ako. Tito, tita uwi na po ako. Gumagabi na din po." Sabay walk out nang mokong.
Hahabulin ko sana pero pinigilan ako ni Francis.

---

Habang asa daan papunta sa bahay nila, hindi ko pa din maiwasang maalala yung itsura ni Arnel bago siya umalis. Malungkot siya. Siguro dahil naramdaman niyang nagsinungaling ako sa kanya. Nagi-guilty ako pero wala na akong magagawa pa. Kahit gustuhin ko man siyang itext, may puwersang pumipigil sa akin.

Lumilipad pa ang utak ko nang kalabitin ako ni Francis at sabihing nasa tapat na kami nang bahay nila. Bigla naman akong kinilabutan. Hindi ko alam kung bakit. Inaya na ako ni Francis na pumasok sa loob.

Pagdating sa may sala, napahinto ako sa ganda nang interior nang bahay nila. Simple but elegant ang dating. Nakakaengganyong tumira sa bahay nila. Agad naman niya akong niyaya para magpahinga sa kuwarto niya. Pinauna niya ako dahil kukuha muna siya nang meryenda namin. Naglakad ako papuntang pintuan nang room niya at nang matapat ay bigla na naman akong kinabahan.

Pinihit ko yung door knob at itinulak yung door, nagulat ako sa nasaksihan ko. Para akong tinuklaw nang ahas at hindi makagalaw.

(itutuloy...)

The Encounter with The Flirt 6

Geeky



Chapter 6



PINAKAMAHIRAP harapin ang umagang iyon pagkatapos ng lahat ng mga nangyari sa kanila ni Billy. Na-realize iyon ni Eiji nang magising siya kinabukasan. Napatingin siya bedside table at napagilalas siya ng makitang alas-otso pa lang ng umaga. Huling sulyap niya doon ay iyong bago siya makatulog ng mag-a-alas tres. Nasapo niya ang ulo. It was pounding like crazy and his whole body felt sore. Ganun pa man ay nanatili siyang nakadapa.

Grabe ang gana ni Billy kagabi. Parang hindi nito first-time. Sa unang beses na may nangyari sa kanila ay iginiya niya lang ito sa dapat na gawin. Wala rin siyang plano na magpa-bottom dito but the idea of giving Billy his first head, his first fuck not to mention his first kiss is quite novelty for him. Wala siyang pinagsisihan sa naganap. He was insatiable last night. Saglit lang itong nagpahinga at ng magkaroon ng pagkakataong magdikit ang kanilang mga katawan ulit ay umulit ito. Umulit ng umilit. Kaso nga lang, ngayong tapos na ang bugso ng kanilang damdamin ay medyo naiilang siyang di mawari.

What the hell are you thinking man? You don't give a damn whenever you had sex with someone before. Tili ng isang bahagi ng isip niya.

That was before. Pilit na pagrarason niya. Iba si Billy. Iba ito sa mga naka-sex niya. At hindi iyon sex para sa kanya. He was made love to. Wonderfully. By Billy.

Whoa! Don't get there man! You're being over-dramatic!

Well siguro nga. Nagiging ganoon lang siya siguro kasi first-time man ni Billy sa sex ay first-time din niyang maging guro sa sex. Iba ang feeling niya. Parang gusto niyang maulit lang ng maulit ang pagtuturuan nila.

Iyan ang napapala mo Eiji. Sukat ba namang sunggaban mo agad si Billy.

But he could not deny that along with those unwanted symptoms his feeling right now. The soreness and etc. He Was also gratified. Billy was an excellent lover. All those he made love to before failed in comparison.

Billy left no part of his body unexplored. Hindi naman siya nagpadaig dito dahil talagang in-explore din niya ang buong katawan nito. He was hard. Like that of a Demi-god. Fascinated na fascinated siya sa anatomy nito. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang ang lalaking geeky na iyon ay may itinatagong biyaya ng langit. At siyempre pa, sino ba naman siya para tanggihan iyon. Billy's body was like a perfect example of God's creation.

But if Billy was so perfect, bakit problemado siya ngayon?

Kinapa niya ang parteng hinigaan nito. Wala na pala ito doon. Natatakot kasi siyang bumangon agad at baka kausapin siya ni Billy tungkol sa maaksiyong gabi nila, buti na lang at wala pala ito sa tabi niya. Nagpasya siyang bumangon na when realization struck him.

Napaungol siya. Paano nga ba niya haharapin si Billy nang umagang iyon? Kung pwede lang sanang umalis na lang itong bigla para hindi na sila magharap pa. Pero alam niyang imposible iyon. Nakatali si Billy sa isang proviso na kagagawan ng tiyuhin nito.

"Oh Franny! I could kill you!" sambit niya sa sobrang frustration.

Oo nga pala, patay na ito. Sumalangit nawa. Mabigat ang katawang nagtuloy siya sa banyo. Nasulyapan niya ang maayos na pagkakatupi ng damit niya at ni Billy. Napabungtong-hininga na naman siya. Kung pwede lang sanang maghapon siyang magkulong sa kwarto pagkalipat niya doon para lang ma-delay ang pagkikita nila ng lalaki pero alam niyang hindi niya mapipigil iyon. He might as well face him now.

What's the big deal man? It's just sex!


Mabilisan siyang nag-shower at nakaroba lang na lumabas ng kwarto nito para lumipat sa sariling silid. Nang makapag-palit ay bumaba siya para lang salubungin ng mabangong amoy ng isang putaheng iniluluto. Didiretso sana siya sa kusina ng makasalubong niya si Thomacito.

"Good Morning Sir Eiji. Mukhang maganda ang gising niyo ngayon?"

Hindi niya alam kung nahalata nito pero bahagyang nag-init ang punong-tainga niya sa tanong nito. Wala naman siguro itong alam sa nangyari? Pero sino bang hindi magtataka kung kapwa sila hindi kumain ng hapunan kagabi ni Billy dahil ang isa't-isa ang ginawa nilang pagkain.

Napalunok siya at bahagyang napangiwi bago sumagot. "O-oo nga. Medyo masaya ang g-gising ko."

Napangiti ito sa sagot niya. "Of course. Alam ko iyon Sir Eiji." sabi nito sabay pukol ng makahulugang ngiti at tingin sa kanya.

Nagmamadaling tinungo niya ang kusina. Bumungad sa kanya ang samyo ng ulam na iniluluto ng kung sino. Napapikit pa siya para lasapin iyon para lamang pangapusan halos ng hininga ng makitang si Billy ang nagluluto.

Kumabog ng husto ang dibdib niya. He was naked from waist up. Napabilis ang hakbang niya patungo sa kusina. Nakatalikod sa kanya si Billy, wearing only his boxers shorts.

"A-ano iyang ginagawa mo?" panggagambala niya rito.

Pumihit ito paharap sa kanya. Para siyang pinalaso sa puso ng makitang nakangiti ito. His handsome face is radiating. Ayaw niyang isipin na dahil sa nangyari sa kanila kagabi kaya parang nag-go glow ang mukha nito. Yabang mo 'tol!

"Magandang umaga." bati nito.

"Good Morning." ganting-bati niya. Saka niya lang napansin na ang suto nito ay isang pink na apron. Napapangiwing nagtanong siya rito.

"Kaninong apron iyan?"

"Ah ito ba? Sa chef. Hiniram ko lang." Billy said shrugging his shoulders. "Hindi ba bagay?" nahihiyang tanong nito.

"N-no!" nabibiglang sagot niya.

Totoo naman. Hindi nakabawas sa masculinity nito ang kulay pink na apron. In fact, he looked devastatingly sexy with his outfit. "Nagluto na ako. Nagugutom na kasi ako eh. I wanted to make it special kaya naman ako na mismo ang naghanda. Kain na tayo." yaya nito sa kanya.

Napatango lang siya sa kawalan ng masabi. Malisyoso kasi ang pumasok sa utak niya ng sabihin nitong nagugutom ito. Last night, he acted as though he was really starved. Kaso hindi siya gutom sa pagkain. Muntik na siyang mapangisi sa pilyong saloobin niya.

"Maupo ka muna. Malapit ng maluto itong fried chicken."

Sumunod siya sa sinabi ni Billy. Humila agad siya ng upuan at kaagad na naupo roon. Kailangan niya ng suporta dahil parang nawawalan siya ng balanse at bibigay anumang oras ang tuhod niya. Ganoon kalakas ang impact sa kanya ni Billy. The mere presence of him was turning his bones into jelly.

"Masarap ba iyan?" paguusisa niya. Pilit niyang ginagawang kaswal ang pakikipagusap dito kagaya ng ginagawa nito. How could he look so damn cool this morning?

"Of course. Parang ako lang." natatawang sambit nito.

Napalunok siyang bigla. Biglang natuyuan ng lalamunan sa narinig. Dyaskeng lalaking ito! Ang aga-aga pa ay nanunukso agad!

"May ready-to-made gravy diyan. Nakita ko kahapon." nagpapaka-kaswal pa rin niyang sabi.

"Nakita ko na. Pero gumawa na rin ako ng sawsawang kamatis at asin. Sariwa iyon kaya masarap." anito sabay kindat sa kanya. Napahugot siya ng hininga sa hantarang panunukso nito.

Napailing siya. Hindi pa niya nasusubukan ang sinasabi nito pero parang willing siyang subukan. Malala ka na nga Eiji. Since when did you start patronizing men? Tumayo na lang siya para itaboy ang nagsisimulang pagbi-build up ng komosyon sa sikmura niya. Parang may nag-iikutang paru-paro sa loob niyon.

Wala siyang pinaluguran sa mga nakarelasyon niya. Mapa-babae man o lalaki. Lahat ng iyon ay nagdadaan lang sa buhay niya. Masyado siyang strong-willed para lang paluguran ang kahit na sinong mapaugnay sa kanya.

Pero iba si Billy. Ramdam niyang kaya nitong paikutin siya sa mga palad nito. Hmm... Scary...

It was all new to him. And the feeling was overwhelming.

Lumapit siya sa cupboard. "Gusto mo ng kape Billy?"

"Okay lang ba na ipagtimpla mo ako?"

"Oo naman. Kape lang ito. Ikaw naman nagluluto ng breakfast natin."

"Sanay ako sa kusina. Ako ang nagluluto para sa sarili ko. Kahit isama mo pa ang lunch at dinner pwede kitang ipagluto araw-araw." nakakaengganyo ang ngiting sabi nito.

Bahagya naman siyang natilihan sa sinabi nito. Why was he talking about cooking for him everyday? May plano ba itong ipagluto siya habang naririto sila? Napabilis tuloy ang pagsalin niya ng mainit na tubig.

Gumiwang ang thermos at natapunan siya sa kamay na nakahawak sa mug. Mabilis na nakalapit sa kanya si Billy at hinipan ang kamay niya. "Anong nangyari?"

"Napaso ako. Shit!"

Muli nitong hinipan ang kamay niyang napaso. Ngunit imbes na maginhawaan ay parang mas napaso siya sa ginawa nito. "Okay na?" tanong nito.

"O-okay na." Hinila niya ang kamay mula dito. Bumalik siya sa pagtitimpla ng kape. Their intimacy was evoking so many intimate memories of last night. He could feel his manhood reacting to their intimacy.

"Dalhin mo na sa mesa iyan, 'Ji. Doon na natin inumin iyan."

"Okay."

Nauna na siyang nagtungo sa lamesa. nagmamadali ang kilos niya dahil ayaw niyang mahalata ni Billy na para siyang sinisilaban kapag kasama ito. Baka kasi bigla na naman niyang mahablot ito at kung saan na naman sila mauwi.

"Breakfast na tayo!"

Napapantastikuhan siya sa kasiglaan na meron ito ngayong umaga. Para siyang hari na pinagsilbihan nito. Nilagyan siya nito ng sinangag sa plato at ang napili nitong fried chicken ay iyong paborito niyang parte. Naiinis na pinagalitan niya ang sarili dahil sa maliit na bagay na iyon ay bigla na naman siyang kinilig.

Tinikman niya ang pritong manok at tama ito. Masarap nga. Only he'd prefer Billy more. "Ang sarap. Anong ipinangtimpla mo dito?"

"M-in-arinate ko iyan sa suka, bawang, asin at paminta. Okay ba?"

"The best." iyon lang ang masabi niya dahil parang energy bar ang kinakain niya at sunod-sunod ang naging pagsubo niya. napadighay siya ng malakas pagkatapos kumain na umani ng amused na tingin mula kay Billy. "Grabe. I'm so full! Tataba ako kung palaging ganito kasarap ang pagkain!" Masayang deklara niya.

"Okay lang na tumaba ang boyfr-- err girlfr-- err, ano bang gusto mong itawag ko sa'yo?" nahihiya pero nakangiting sambit nito.

Nanlalaki ang matang napatingin siya dito.

"What?"

"I said, ano ba ang tamang tawag sa'yo? Boyfriend ko o girlfriend?" nakangiwing sabi ni Billy.

"Whoa!" nanggigilalas na sambit niya. Napatayo siyang bigla.

"Why?" takang tanong nito.

"H-hold it right there Billy."

"Why? Ano bang pinagsasasabi mo?" nakakunot na ang noong sabi nito.

"Ikaw ang kung ano ang pinagsasasabi diyan? Naririnig mo ba ang sinasabi mo?"

Napabugha ito ng hangin. "I know what I'm saying Eiji."

"Yeah right." sarcastic niyang balik dito.

"Why are you acting like you don't care? May nangyari sa atin Eiji. Not just once, not twice..."

"Whoa! Hold it right there dude!" putol niya sa sinasabi nito. Napapalakas na kasi ang boses nito.

"Hold it right there Billy, at please, huwag kang magsalita ng ganyan. Nangingilo ako." Nahilot niya ang batok na biglang sumakit yata.

"Bakit?"

Napailing siya. Ano ba ito? "Hindi pa tayo magkakilalang lubusan Billy. How can you talk about us getting into a relationship?"

"Pero may nangyari nga sa atin..."

"I'm not denying it. Pero hindi rason iyon para magkaroon agad tayo ng relasyon." Susme, mukhang old-fashioned din pala ang nadale niyang papa.

"I don't get it. Di ba at ganun naman ang gusto ninyo?"

"Hindi lahat. Ibahin mo ako Billy. Besides, aminado man akong may atraksiyon ako para sa'yo but I don't think attraction should be binding. Hindi ako nakikipag-boyfriend for wrong reasons." Naloloka siya sa scenario. Hindi niya ma-imagine na ganoon ang magiging eksena nilang dalawa ngayon. Dinaig pa niya ang babae. Kung nagkataon pala ay inalok na siya ng kasal nito. Thank God!

"Hindi kita maintindihan." sabi nito.

"Basta huwag mo ng ipilit."

"Ganoon na lang iyon? Ganoon ba palagi iyon?"

"Diyos ko po Billy. Think of it as your hands-on training. Hindi ba at may isusulat kang article about sex? Kasama iyon sa proviso ng mamanahin mo kay Franny. Consider it as my help." naiirita niyang sabi.

Tahimik na lang nitong ipinagpatuloy ang pagkain. ganoon din siya. OBviously ay pareho silang tinabangan ng kumain. Nakakabingi ang katahimikan sa pagitan nila. Bahagya pa lang nitong nagagalaw ang pagkain ng tumayo ito. Akma nitong liligpitina ng pinakainan ng pigilan niya ito.

"Ako na ang bahalang magligpit dito Billy."

Tumango lang ito. His hadsome face devoid of any emotions. "Aakyat na ako."

"S-sige."

Tuluyan na itong lumabas ng kusina. Nakaramdam siya ng paninikip ng dibdib. Parang biglang lumapit sa kanya ang mga pader at sinu-suffocate siya. Nakapagitan iyon sa kanila ni Billy. Napailing na lang siya.

This is all your fault Eiji.

Bumuntong-hininga siya. Hindi na niya makain ang fried chicken na isinusubo niya. Parang nawalan na iyon ng lasa. Iniligpit na lang niya ang kinakain. Hindi siya makapaniwalang iyon ang kapalit ng ilang oras na kaligayahan sa piling ni Billy ng nagdaang gabi.

He just wished the feeling wouldn't stay longer than he could handle.


Itutuloy....