FB:iheytmahex632@gmail.com
Twitter:@roviyuno
Author:Rovi Yuno / Unbroken
Blog: http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com
Twitter:@roviyuno
Author:Rovi Yuno / Unbroken
Blog: http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com
Daniel saw
the guy gazed at him. He was really thinking of something else that
time but he sensed that someone was observing him. Alas! Tama sya, he
saw his stares in his peripheral vision.
FR was amazed on how this guy in
longsleeves looks. Alam nyang hindi ito mahirap dahil sa kinis ng
balat na meron ito. Tinignan nyang mabuti ang physique ng isang ito,
may kapayatan, oo, pero hindi maipagkakaila ang kakisigang taglay
nya. Kitang-kita rin ang matangos na ilong nito dahil ito nga ay
patagilid na nakasandal sa pinto ng kotse.
Daniel smelled his own scent nang
biglaang napalakas ang hangin. Napangiti sya nang maamoy pa din ang
Fahrenheit na pabangong gamit nya na binigay sa kanya ng kanyang
kaibigan si Miguel noong kanyang birthday.
Humarap si Daniel sa lalaking kanina pa
nakatingin sa kanya.
Daniel felt that the guy seems to be
interested pero di nya mawari kung bakit. Their eyes met. Nakita nya
sa malayo kung gaano kaganda ang mata ng isang ito. Kung sa kanya ay
maliit at matalim, iba ang mata ng isang ito, malaki, bilugan at
napakaamo. He was thinking if the guy has almond eyes or a down
turned one. He smiled. Unconsciously, naramdaman nalang nyang
lumalakad ang kanyang paa sa kinalalagyan ng estranghero.
Nakita ni FR ang pagngiti ng lalaki.
Hindi nya maiwasang magtaka kung bakit parang natutuwa sya nang
masilayan ang ngiti nito. Bumalik na naman kaya ang pagkagusto nya sa
mga lalaki? Is he actually attracted to this guy? Thoughts ran to his
mind. Sya ay napabuntong hininga. Nagpakawala sya ng isang ngiti na
hindi nya alam kung bakit at para saan.
Nagulat si FR nang makaramdam ng bigat
sa kanyang balikat. Nakita nyang may nakaakbay sa kanya. Sinundan nya
ng tingin ang braso, tinunton ang mukha, nagitla sya nang makitang
ang lalaking nakalongsleeves ito.
Gustong kumawala ni FR pero di nya alam
kung bakit ayaw sumunod ng katawan nya. He froze there in silence.
Hindi din alam ni Daniel ang sasabihin, he must admit na weird ang
pakiramdam ng umakbay sa isang lalaking hindi mo kakilala pero for
some strange reasons, parang naeenjoy nya ito.
Ang bango naman nitong isang to. FR
thought
Natahimik silang
pareho. Hindi inaalis ni Daniel ang pagkakaakbay kay FR. Si FR naman
ay walang imik at nakayuko. Iisipin ng lahat ng makakakita na may
relasyon ang dalawang ito. Hindi man sila at hindi man sila
magkakilala eh parang magnobyo sila dahil sa akbay na iyon.
“Hmmm.
Mabigat po braso mo.” mahina at nahihiyang sabi ni FR
Napangiti si
Daniel. Tumitig ito kay FR. Kahit nahihiya, dahan-dahang inangat ni
FR ang kanyang mukha at nasilayan kung gaano kagwapo ng lalaking ito
sa malapitan.
Jesus Christ!
“Daniel.”
sabi nito sabay abot ng kamay kay FR
Nagaalangan, pero
kinuha ni FR ang kamay nito. Nahawakan nya, pangmayaman, malambot.
“FR.”
They both smiled.
“A-anong
ginagawa mo dito?”
“Ha?
Ah inaantay ko yung amo ng nanay ko. Nasa loob kasi sya ng hotel.”
mahinang sabi ni FR
“I
see. Gusto mong gumala muna?”
Nagulat si Daniel
sa sinabi nya. Hindi sya ganoon. Kahit di sya nanghuhusga ng tao base
sa looks at features nito, di sya nagaaya sa mga taong di nya kilala.
At sino ba naman ang matinong taong gagawa non?
Nagulat si FR sa
narinig.
“Ga-gala?
Saan?”
“Dyan
lang sa may market sa taas. Maganda don. Gusto mo?”
Shit. What's with my tongue today?
Ano ang nangyayari? Why am I asking a guy I do not know who?
Sabi ni Daniel sa sarili
Bago pa man bumuka
ang bibig ni FR para magsalita, naunahan na sya ni Daniel.
“And
I won't take no for an answer.” sabi nito sabay ngiti
Nakita ni FR kung
gaano kapula ang labi nito. Maging ang mga ngipin ay pantay-pantay.
Mabango pa. Ano pa ba ang hihingiin nito sa kanya? Ano pa ba?
“Ha?
Baka lumabas na yung Amo ng nanay ko eh. Hahanapin ako non.”
Daniel didn't say
anything at all. Hinatak nalang nya si FR at sapilitan nya itong
pinasok sa kanyang itim na kotse. FR felt surprised at di sya
makapaniwalang sumama sya sa isang estranghero. Having said that,
weird at di sya nakaramdam ng takot o pagdududa sa motibo ni Daniel.
Naisip nya na marahil ay gusto nya din ang mga nangyayari.
Agad na pinaandar
ni Daniel ang kotse at nagmaneho.
Nakita ni FR ang
loob ng kotse ni Daniel. Mabango ito, malinis. Halatang masinop ang
isang ito sa gamit. May mga tissue din sa mga drawers at maayos na
nakasalansan ang mga ito.
Daniel noticed that
FR was looking at his things. He smiled.
“Ahh?
Yan bang mga yan? Wala lang yan. Mahilig kasi akong kumuha ng tissue
kapag kumakain kami sa mga fastfood. Nilalagay ko sa kotse tapos
gagamitin ko pag kailangan talaga. Pero kadalasan pinanglilinis ko
lang ng sapatos lalo na pag maputik.”
Tumango lang si FR.
Naamaze si FR on
how economic Daniel is. Siguro ay may pagka-OC din ito dahil wala ka
nga talagang makikitang dumi sa loob ng sasakyan nito.
Ang tahimik naman nito. Bakit parang
nahihiya sya? Sabi pa ni Daniel
sa sarili
“Hey.
Bakit ang tahimik mo?”
Namula si FR.
Nagsimula na nyang pagalawin ang kanyang tuhod, senyales na nahihiya
sya at kinakabahan.
“Ha?
Wa-wala.”
“Ano
nga?”
“Wala
lang po.”
“Po
ka dyan ng po. Baka nga magkaedad lang tayo eh.”
“Wala
nga lang po.”
“Hmmm.
Sige na nga para di ka mahiya, ako muna ang dadaldal ng dadaldal.
Tapos magsalita ka na rin ha?”
Nakulitan si FR sa
gesture na yun ni Daniel. Parang ang lambing na di nya malaman.
Napangiti sya.
“Hmmm
ano ba? Daniel Matilla. Nagaaral ako ng Fine Arts ngayon sa isang
university sa Manila.”
“La
Salle, I suppose.” biglang sabi ni FR
Nagulat at
napangiti si Daniel.
“How
did you know that?”
Napangiti si FR.
Nakita nya kasi ang ID ni Daniel na nakasabit sa may front mirror ng
kotse.
“A
wild guess.” sabi nitong nakangiti
“Ohh.
I wasn't convinced.” Daniel pouted his lips
Tumawa si FR. He
finds Daniel cute lalo pa't napakarare sa isang lalaki ang magpout ng
lips.
Nice lips. Nice lips. I don't know
why I'm wishing na sana madampi sa akin yan. FR
thought
“Nakita
ko sa ID mo.” sagot ni FR
“Shit.
You saw my ID? Where?” natatarantang sagot ni Daniel
Daniel looked and
see his ID hanging on the front mirror of his car. He instantly
grabbed it and hid it between his lap. FR kept on giggling.
“What's
the point of hiding your own Identification card when you have
formally introduced yourself?” pangaasar nito kay Daniel
“Errr.”
“See?
No need to hide your ID na. Kasi nagpakilala ka naman sakin ng
maayos. Unless...” pambibitin ni FR
“Unless
ano?”
“Hmmm.
Unless you faked some information.”
Daniel stared at
FR's eyes. He looked in disbelief. Kumunot ang noo nito.
“Hindi
ahh.” pagdedepensa nito sa sarili
“Oh?
Eh bakit ayaw mong makita ko yung ID mo? Eh nakita ko na naman yung
Logo ng La Salle?” sagot ni FR
“Ka-kasi...”
Bago pa man
makapagsalita si Daniel ay mabilis na dinukot ni FR ang ID nya sa
pagitan ng kanyang mga hita. Bakas kay Daniel ang pagkataranta at
mabilis na napreno ang sasakyan. Mabuti nalang walang kasunod na
kotse. Para silang mga batang nagaagawan ng laruan. Todo-iwas si FR
sa t'wing kinukuha ni Daniel ang ID, todo-kuha naman si Daniel pero
magaling si FR.
After few minutes,
they felt tired and stupid of what they are doing. Kita mo ang
pagkahingal sa kanilang paghinga. Daniel looked so pissed, FR looked
so happy with the way Daniel looks.
“Ano
ba!” pasigaw na sabi ni Daniel
Nagulat si FR. Di
sya sanay ng sinisigawan sya. Lalo pa't di nya kilala at di nya
kaclose.
“Anong
ano ba?” Balik na sigaw nito
“Akin
na nga yang ID ko!” sigaw ni Daniel
Lalong nag-init ang
ulo ni FR.
“Mahirap
bang intindihin na ayaw kong ipakita ang ID ko sayo? Ha!” sigaw pa
ni Daniel
Huminga si FR.
Ramdam nya ang matinding pagkainis.
Inabot nya ang ID
kay Daniel. Tahimik.
“Ayoko
sa lahat ng sinasagawan ako. Kung ang nanay ko nga di ako
sinisigawan, ikaw pa. Sino ka ba? Sabagay, anak-mayaman.” mahina at
seryosong sabi ni FR
Naalarma si Daniel.
Di nya alam pero bigla syang natakot na baka magalit si FR sa kanya.
He tried to compose himself by fixing the collar of his longsleeves
and took a deep breath.
“Salamat
sa ride. Bababa na ako.” mahinang sabi ni FR
Mabilis na lumabas
ng kotse si FR at binagsak ang pinto ng kotse.
Alam nyang
malayo-layo ang kanyang lalakarin. Tanaw pa nya kung gaano kalayo ang
kotseng kanyang iniwanan nang hatakin sya ni Daniel papasok. Mabilis
syang naglakad, nakatikom ang mga kamao, senyales na naiinis talaga
sya sa nangyari.
Sabagay Anak mayaman. Kaya marunong
manigaw. Kupal sya. Ang angas!
Lakad-takbo syang
lumayo sa kotse. He never looked back.
Kala nya. Makikita nya. Pag yumaman
ako babalikan ko sya!
Nangangalahati na
sya sa paglalakad nang mapansin nyang sinusundan sya ng kotse. Pero
dedma. Inis sya at di sya makikipagusap dito.
Narinig nya ang
pagbusina nito sa kanya. Hindi nya pa rin pinansin.
Beep!
Beep! Beep!
Beep! Beep! Beep!
Dedma.
Nakita nyang
nilagpasan sya ng kotse biglang nagmaneobra at hinarangan ang
kalsadang kanyang lalakaran.
Anong gusto nito? Away?
“Sorry
na FR. Please?”
Nanatili syang nakatayo. Di nya pinapansin si Daniel.
Nanatili syang nakatayo. Di nya pinapansin si Daniel.
“Dali
na FR. Please?”
Nakita nya ang mga
paparating na kotse.
Kung hindi sya aalis, magtatraffic.
“FR.
Please? Sorry na?”
Daniel feels so
worried sa nagawa nya kay FR. Hindi nya alam kung bakit, pero parang
ayaw nya na magalit ito sa kanya. Alam nyang mali sya sa pagsigaw kay
FR, pero nainis din naman sya na ayaw ibigay ni FR ang ID nya. Hindi
nya alam kung paano nya susuyuin ang isang to.
“FR!
Sorry na please!”
Daniel kept on
shouting. The cars started accumulating. Naguumpisa ng magtraffic
dahil sa nakaharang na sasakyan ni Daniel. Naiirita na ang mga
drivers at patuloy na ang kanilang pagbusina na lalong ikinarindi ni
FR.
Daniel got out of
his car and went near FR.
“Sorry
na please? Tara na, nagtatraffic na”
“Adik
ka pala eh! Tama ba namang iharang mo ang kotse mo sa daan?” bakas
sa boses ni FR ang sarcasm
“Wala
akong pakialam.” sagot ni Daniel
Nagulat si FR sa
narinig.
“Hindi
ako aalis dito at dadami lalo ang sasakyan dyan kung di ka sasakay sa
kotse ko.” seryoso ang tono ni Daniel
Dumami lalo ang
sasakyan. Mas naging maingay ang busina. Natataranta si FR.
“Wala
akong pakialam kung gumawa tayo ng eksena dito. Wala akong pakialam
kung magalit yang mga drivers na yan. Basta ang gusto ko magkabati
tayo. At sumakay ka sa kotse ko.” sabi ni Daniel
Nakita ni FR ang
gigil sa mata ni Daniel. Nakaramdam sya ng takot.
“Sasakay
ka ba o hindi?”
“FR.”
Tinitigan sya nito
sa mata. Gustong malusaw ni FR. Namumula sya at nahihiya sa mga
nangyayari.
Bago pa sya
makapagsalita, kinuha ni Daniel ang kamay nya at hinawakan ito.
Magkasabay silang naglakad pabalik sa kotse.
I T U T U L O
Y...
No comments:
Post a Comment