I did it! Haha... Finally, malapit ng matapos ang nobelang ito na napakatagal ng inabot na panahon para mabuo. :P
Sa lahat ng mga sumusubaybay na katulad nila Chii-Choi, Erwin, Kapatid at Hardhat. Maraming Salamat. Pati na sa 70+ viewers ng Chapter 9. Patunay lang na marami-rami ang hindi nakakalimot sa akin. That made my day.
Here's the next chapter. Enjoy reading.
P.S. I dedicate this to Rovi. Yu'll find yourself dear. Promise.
Chapter 10
Galit na galit na nilisan ni Dalisay ang kasiyahan. Ni hindi na niya nakuhang magpalam ng maayos kay Mikey at sa iba pang naroroon. Nagpupuyos ang kalooban niya sa nakakairitang ending ng halikan nila ni Gabriel. Akala niya kanina ay may magandang patutunguhan ang tagpong iyon. Hindi kasi niya akalaing magugustuhan niya ng husto ang halik nito.
Ang arte mo na 'teh.
Napailing-iling siya. Kinokontra na naman siya ng malanding bahagi ng isip niya.
Oo na. Maarte na kung maarte. Pero tama bang siya pa ang pag-isipin nito kung ano ang kahulugan ng mainit na tagpong iyon?
Bilang "mananakop" ng kanyang hindi masyadong eksperyensyadong mga labi. Hindi ba at ito ang dapat na sumagot sa tanong niya? Bakit ipinapasa nito sa kanya ang responsibilidad na pakahulugan iyon?
'Teh, it was nothing but a kiss. No harm done. Dapat bang bigyan kaagad ng kahulugan ang bagay na iyon?
Napasimangot siya sa sinabi ng isang bahagi ng isip niya.
Binilisan niya ang lakad patungo sa elevator.
Iyon na nga ba ang sinasabi niya. Kaya nga ayaw niyang may umaaligid na lalaki sa buhay niya dahil iyon ang problema. Hindi niya hinahanap ang kanyang Prince Charming, but it doesn't mean na ang unang lalaking magpapakita ng interes sa kanya ay susunggaban na niya kaagad.
Not even if it's the hunky Kirby Gabriel Fadriquella?
"Yes," mahinang anas niya sa pagitan ng frustration at confusion na nararamdaman ng mga sandaling iyon.
Echozera!
"No!" Napapalakas niyang sabi.
Ikaw na yan.
Napabuga siya. Kahit kailan talaga, kontrabida ang isang bahagi ng isip niya sa mga desisyon niya. Kung may nakakarinig lang sa kanya sa mga oras na iyon malamang ay pinagtatawanan na siya. With that in mind, ipinasya niyang lumingon and he got the shock of his life to see that there were two teen-age girls behind him, suppressing their smile.
"What are you smiling for?" Mataray niyang tanong.
Tinaasan naman siya ng kilay ng isang dalagita bago sinagot ang pagtataray niya.
"We are not smiling, Mister."
Marahan niyang hinarap ang mga ito saka muling nagsalita. "Oh really?" Putting his arms akimbo he continued. "If you think that I don't know what your smile is for, you have another think coming. Bakit? Ngayon lang ba kayo nakakita ng taong nagsasalita ng mag-isa? Hindi ba ninyo alam na pribilehiyo naming mga nagbabayad ng napakalaking tax ng gobyerno na kausapin ang sarili kapag may sandamakmak kaming mga problema? Alam niyo ba 'yun? Hindi. Kasi hindi pa kayo nagbabayad ng tax. Wala pa kayong mga silbi sa bayang ito. Kaya wag niyo akong lolokohin na hindi ako ang pinagtatawanan ninyo dahil ako lang naman ang mag-isang nagsasalita dito kanina pa!"
"That's enough!" Malakas na sabi ng isang tinig na nagpatigil sa kanyang pagbubusa.
It was Gabriel.
"Let's go. Mukhang nababaliw na talaga siya," anang isa sa mga dalagita na pinagagalitan niya.
Napahugot siya ng malalim na paghinga ng makilala ang nagmamay-ari ng boses na sumaway sa kanya. Nasa boiling point na talaga siya kanina pa at dumagdag na naman ang pasaway na lalaking ito. Nakita pa niya ng lampasan ito ng mga dalagitang kumakaripas ng takbo mula sa mga rantings niya.
"Kawawa naman iyong mga bata," bungad nito sa kanya.
Ipinasya niyang huwag itong tingnan.
"Kung galit ka sa akin, huwag kang mandamay ng mga inosente," patuloy pa nito.
Dedma pa rin siya sa sinasabi nito.
"You know, I didn't expect you to be like this."
Nanatili siyang kunwari ay walang naririnig kahit pa na-curious siya sa sasabihin nito.
"I thought you were intelligent enough to know that a simple kiss might mean nothing. Hindi ko akalain na kapag nahalikan ka pala, nagiging clingy ka na. It's just a kiss, you know," patuloy ni Gabriel.
Napataas ang kilay niya.
Clingy? Siya? No way, Hussein!
But he remained silent. Waiting for the damn elevator to open. Bakit ba parang dekada na ang nakalipas bago ito tuluyang makababa?
He heard Gabriel sigh.
"Okay. Kung talagang ayaw mo akong kausapin, then don't. I won't talk to you anymore. Hindi ko hahayaan na pagmukhain akong tanga ng isang tao dahil lang sa isang halik na alam ko namang nagustuhan rin niya. You're such a hypocrite, Dalisay. I'm beginning to dislike you."
The words hit home. Sasagot sana siya ng mag-ingay ang pesteng elevator.
Ting!
Napigil ang lahat ng sasabihi niya ng magsimulang lumabas ang mga taong sakay niyon. Tiningnan niya si Gabriel. Nakabalatay ang inis sa mga mukha nito ngunit halatang gwapo pa rin. Nagulat pa siya ng makitang nakasakay na ito sa elevator.
"Going up?"
Doon lang niya na-realize na kanina pa niya ito tinitingnan. And to make matters worst. He actually liked it. Masarap itong tingnan. Magaan sa pakiramdam.
"Aakyat ka ba?" Tanong ulit nito.
"Y-yes." Natataranta niyang sabi saka maliksing pumasok.
Nakakabingi ang katahimikan na namayani pagkasara ng pinto. Kapwa sila nagpapakiramdaman ni Gabriel. Dama niya ang tensyon sa paligid. Alam niya iyon sapagkat ilang beses na niyang naisulat ang mga ganoong tagpo sa mga nobela niya.
Dumako ang tingin niya sa mga pindutan ng elevator. Naka-ilaw ang floor kung saan naroroon ang silid niya. Napatingin siya rito.
"Kukunin ko lang ang mga gamit ko sa itaas. And by the way, nasa sasakyan ko si Eneru. Paki-kuha na lang dahil aalis na ako pagkakuha ko ng bag ko," animo ay mind reader na sabi nito.
Napangiti siya.
Napakunot-noo naman ito ng tingnan siya.
"What's funny?" Tanong ni Gabriel.
"Nothing," aniyang nagpipigil ng ngiti.
"You're weird. Don't you know that?"
"So I was told. And I don't care," nakangiti pa rin niyang sabi.
"You really are a work of art."
Napangiti siyang muli ng marinig ang sarcastic remark nito sa kanya.
"Thank you." Sagot pa niya.
"Stop mocking me, Dalisay. Or you'll be sorry." Mapanganib na ang tono ni Gabriel ngunit nakakapagtakang hindi siya natatakot.
"I want to push my luck, Gabriel. I know you won't hurt me," lakas-loob niyang sabi.
Napapikit lang ito ng mariin saka nagbuga ng malakas na hangin.
Napangiti ulit siya. Hanggang sa magbukas ang elevator sa floor nila ay nakangiti pa rin siya. Ewan niya kung bakit ngunit may isang bagay ang pilit na naghahari sa kalooban niya. And he liked it. Call him crazy but he was actually starting to like Gabriel.
Kaya siya kanina biglang napangiti.
He liked it when he was angry because he looked so damn cute. He liked it when he was confused because he was so adorable. He like his eyes. His nose. His lips. At lahat ng realization na iyan ay ngayon lang bumubuhos lahat! To think na nakipaghalikan na siya dito. Not just once, but twice!
Pagdating sa pintuan ng kanyang silid ay tinipon niya ang lahat ng lakas ng loob na mayroon siya at hinarap ito.
"I like you, Gabriel."
Tila itinulos naman ito sa kinatatayuan sa narinig.
"I like you. I really do."
Still no response from Gabriel. His face devoid of any emotion.
"But I don't think that we should continue what we are doing right now. Even if we both like each other, it is not enough for us to be bonded. I think we should go on our separate ways," pagpapatuloy niya.
Doon tutluyang nagdilim ang paningin ni Gabriel at mabilis na hinaklit ang braso niya.
"Are you making fun of me? Ang galing mo ring magpaikot 'no? Anong tingin mo sa akin? Bata?" Galit na galit na sabi nito.
"Hear me out first," kalmado niyang sabi. Kahit pa napakamapanganib na ang hitsura ni Gabriel ay hindi siya nakakadama ng takot. Masakit ang bahagi ng braso niya na hawak nito ngunit nanatiling kalmante ang pakiramdam niya.
"Kung maghihiwalay tayo ng landas ngayon at magpapanggap na mga estranghero sa isa't-isa sa muli nating pagkikita, I think, and I'm sure, we have a better chance on working our situation out."
Natigilan ito.
"Ang hirap kasi ng ganito, Gabriel. We both like each other but we started out in a wrong foot. Mananatiling nakatatak iyon sa isip ko dahil iyon na ang impression ko sa'yo. Manloloko. At ako naman ang ipokrito ayon sa bokabularyo mo. So I thought na mas magandang maghiwalay tayo ng landas ngayon, then, if by chance, magkita tayo ulit. Let's treat each other like strangers and start anew." Mahabang paliwanag niya.
Unti-unti ay lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanyang braso. Nakahinga naman siya ng maluwag. Kanina pa pala siya nagpipigil ng paghinga, hindi lang niya nahalata.
"So magpapa-alam tayo sa isa't-isa then bahala na kung anong mangyayari kapag nagkita tayong muli. Ganoon ba?" Finally ay nagsalita ito.
Tumango siya.
"Paano kung sadyain kong magkita tayo ulit?" tanong ni Gabriel.
Kinilig siya ngunit hindi nagpahalata.
"That won't count. Siguraduhin mo lang na di ko malalamang sinadya mo," malandi niyang sabi.
"I will make sure you won't." sagot nito sabay kindat.
His heart made a triple somersault.
"Get your bag now. Bago pa magbago ang isip ko, Mr. Fadriquella."
Natatawang kinuha nito ang susi mula sa kanya saka binuksan ang pinto. Pagkakuha ng bag ay sinamahan niya ito as parking area para kunin si Eneru at papasukin sa sariling sasakyan.
He waved goodbye to the man who easily captured his heart.
Lahat ng standard na isi-net niya at ginawang panuntunan ay itinapon na niya sa hangin. He was now willing to take a risk. Bahala na ang tadhana. Bahala na si Batman. I-e-enjoy niya lang muna kung ano man ang kahihinatnan ng mga bagay-bagay na mangyayari sa paligid niya. Sa pagitan nila ni Gabriel. At sa hinaharap.
Itutuloy...
4 comments:
This chapter is quite interesting. Ang gulo ng mga isip nila. Lalo na si Dalisay.
nkakaexcite icpin pnu cla mgmmeet ulit x3
Thanks Lawfer! and to Mr. Anonymous as well. :) xoxo
I know I am late sa pag-rereact. Busy sa buhay walang asawa. choz! hahahah! Anyways, Kalowka mats itong si Dalisay pero I like what his thinking! Aba kung magkikita at magkikita nga sila in the future, malamang na faith nila iyon. if sinadya man then it means that Gab will do everything for them to be together at hindi yung maghihintay na lang ng pagkakataon. :P Goodjob again, Dyo YA!
Post a Comment