What to Let Go?
By
Karl Marx S.T.
“Wala pong nasasaad sa
bibliya na ang lalaki ay pwede sa kapwa nya lalake, ganoon rin po ang sa
babae.”
Sambit
ng isang babaeng –kung ano man sya- sa isang reporter sa telebisyon.
“Sira. Hindi mo yan
sasabihin kung naging bakla ka o tibo.”
Kailan
ba nangyari na bakla o tibo ang nagsabing mali ang kanilang ginagawa? Matapos
kong sagutin ang palabas na animo’y sumasagot lang tulad ng ginagawa ng mga
matatanda sa isang palabas na akala mo’y naririnig sila ng bida, ay pinatay ko
na ang telebisyon. Dito ay nagdilim na ang buong paligid. Nakita ko ng higupin
ang babae at reporter ng dilim hanggang sa maging isang tuldok ng liwanag na
lamang ang aking nasa harapan, binunot ko ang kurdon ng mawala ang ga-tuldok na
liwanag. Tanging ang maliit at pulang liwanag na lamang ng radyo ang syang ilaw
sa aming sala. Nakamasid ako sa pulang ilaw, maliit ito pero pinapagaan nya ang
aking kalooban.
Bago
ako bumaba at makita ang palabas sa Tv ay nagtungo ako sa kwarto ng aking Kuya
si Erwin. Ang panganay sa aming tatlong magkakapatid. Pangalawa si Kuya Elbert pero
‘di na sya nakatira dito at nagbo-boarding house na lang malapit sa kanyang
opisina, paminsan-minsan ay nagagawa pa rin naman nyang umuwi sa bahay. Ang
papa at mama ko, nasa trabaho. Ako, walang pasok.
Hindi
ko alam kung bakit ako pumasok sa loob ng kwarto since may pagka-OC si Kuya at
kahit na wala kang galawin ay malalaman nyang pumasok ka sa kanyang kwarto. Nakalimutan
nya rin siguro itong i-lock, pero nakabukas ang pintuan? Dito rin naman ako
dati natutulog, at nang umalis na si Kuya Elbert ay naging akin na ang kanyang
kwarto. Ayos na rin ito.
Nagmasid
ako sa buong paligid. Sa apat na sulok ng kanyang kwarto. Dati kasi ay nakakita
ako ng plastik mula sa Quiapo. Yung supot na kulay itim kung saan nilalagay ang
napamili mong DVD. Inangat ko ang kama ni Kuya kung saan ko minsan nakita ang
supot at gulat ng makita ang nasa ilalim nito. Bukod sa napaka-raming mga libro
na nasa loob ng kwarto at kung ano-ano pang mga babasahin ay puno ng kung
ano-anong memorabilia ang silid ng aking kapatid. Mga movies, poster, pigurin,
mga medalya na kanyang nakuha, sa pag-aaral man, patimpalakan at mga sport’s
contest, sulat, litrato at kung ano-ano pa. Kaya naman sumagi sa aking isipan
na sa kakumpletuhan ng mga gamit ni Kuya ay hindi ako magkakamaling mayroon din
sya ng isang bagay na aking natagpuan sa ilalim ng kanyang kama. Mga Cd’ng
bold. Syempre, halos lahat naman yata ng lalaki ay mayroong ganito sa tagong
sulok ng kanilang bahay, ng kwarto. Pero bold na kung saan ang bida ay lalaki
sa lalaki. Nagsusubuan, naguusbungan ang pagkalalaki, ay ang syang bagay na
hindi ko talaga inaasahang makita. Hmm, medyo natuwa ako ng makita ko ito at
hindi ko alam kung ano ang dahilan.
May
mga babasahin din na puno ng hubad na lalaki ang laman. Pumupwesto na akala mo
ay isang babae sa isang panlalaking babasahin. May naliligo, may studyante, may
businessman, friendly kapitbahay na gustong tumulong na bombahin ang nabutas na
sasakyan ng iyong gulong na sa mga susunod na pahina ay natutuloy sa bombahan
ng mga sarili. Cover palang may laman na, paano pa kaya ang loob nito? Kumuha
ako ng ilan sa mga magazine matapos na tingnan ang mga Cd na para bang
tumitingin lang ng litrato, parang tumitingin lang ng baraha.
Kinuha
ko ang mga ito sa tagong pagkakaipit sa ilalim ng kanyang kama at bahagyang
pinagpag. Nakita kong sumayaw ang mga alikabok mula dito sa tulong ng liwanag
na nakapasok sa bukas nyang bintana. Tiningnan ko ang babasahin. Nangingiti
ako.
Bakla
ako at hindi ko inaasahang ganoon din si Kuya. Hindi ko alam kung ikatutuwa ko
ba ito o hindi. Wala na yatang paraan para masabi pa natin ang tunay na lalaki
sa pekeng lalaki. Bakit pa pala kailangan ng salitang tunay na animo’y wala ng
totoo? May peke bang lalaki? Si Kuya Jamie kasi e’ hindi ko inaasahang isang
bading, bakla ako at dapat na alam ko ito. Siguro ay dahil sa magkapatid kami
kaya hindi ko ito nakikita. Kapag nagbabasa ako ng masyadong malapit sa akin
ang libro ay hindi ko ito naiintindihan.
Ang
tuwa na aking nararamdaman dahil sa aking nadiskubre ay tila ba pumatche sa
sakit na aking nararamdaman. O tuluyan nya na talaga itong tinapalan?
Kaka-break lang kasi namin ng boyfriend ko. Pwede kong sabihin na kaka-break
nya lang sa akin. O kaya hindi na ako masyadong naiiyak o nalulungkot dahil sa
hindi ko sya talaga ganoon kamahal? Pero hindi, kung hindi nya naman ako iniwan
e’ ‘di sana at kami pa rin.
Magiisang
taon na kami ng sabihin nyang ayaw na nya sa akin. Hindi naman nya diretsong
sinabi na ayaw na nya sa akin pero ganoon ang kanyang ginawa. Busy sya palagi
sa kanyang trabaho at ako din naman. Ang pinagkaiba lang namin ay may oras ako
para mag-text sa kanya, kamustahin sya at araw-araw na balakin ang aming
pagkikita. Madalas nya lang namang sabihin sa akin na busy sya, next time,
pagod, at kung ano-ano pa. Dito nagiging emosyonal ako, at sa oras na bumuhos
na ang aking nararamdaman at sumobra na ako ay mayroon syang masasabi na sa
huli ay aking mapag-iisipan. Baka naman kasi masyado lang akong possesive,
masyadong ma-drama at compulsive. Sige, maari nga. Pero naisip ko naman na
hindi mo naman magagawang mag-tanong kung nakukuha mo na ang sagot na gusto mo.
Gusto ko rin na mayroon kaming tawagan, pero nahihiya daw sya at ‘di pa sanay.
Sige, saan sya nahihiya e’ sa text ko lang naman pinapagawa yun? Minsan kasi e’
tinawag ko syang Baby, habang naglalakad kami sa mall. Kami lang naman ang
maaaring makarinig noon at mahina lang naman din ang pagkakasabi ko dito.
“Itigil mo nga yan.
Mamaya mayroong makarinig sa’yo.”
Iritadong
sagot nya.
“E’ ano namang pakialam
nila?”
Gusto
kong sabihin pero nanahimik na lang ako.
Tapos
na rin naman ang lahat. Basta ako ginawa ko ang lahat upang maging maayos ang
relasyon namin. Kung may babae kasi sa aming dalawa, yung malambing –hindi sa
sinasabi kong hindi malambing ang mga lalaki- yung maaalalahanin, yung
maasikaso e’ ako na iyon. Pero minsan nalulungkot lang din talaga ako. Kapag
kasi tinitingnan ko sya sa mga mata, e’ nakakaramdam rin ako ng awa, at
nagi-guilty sa mga kaartehan ko. Pero ano ang gagawin ko?! Gusto ko tuloy
itanong na ‘kung hindi kaya ako naging makulit, maaalalahanin at balakin ang
bawat pagkikita natin e’ tatagal kaya tayo ng ganito? Kung hindi kaya ako
kikilos e’ gagawin mo rin kaya ang lahat ng mga ginawa ko?’ Oo, may halong
panunumbat pero hindi ko maiwasan. May mga bagay na dapat sabihin sa tamang
oras at panahon. Ngunit hindi ko ito mapigilan, dala na rin siguro ng pagiging
desperado-desperado saan?- e’ nakakabanggit ka ng mga bagay na kalahati lang
dito ang totoo. Gusto ko ring sinasabi ang kanyang mga kakulangan upang malaman
nya ito dahil tila ba wala syang ideya na mayroon syang mali.
Sa
internet nya lamang ako binitiwan. Ang sa amin ay hindi yung tulad ng nagsasama
na sa iisang bahay. Ang sa amin ay yung nagtetext lamang upang magkita,
pumupunta-punta sa boarding house nya-maniwala kayo at walang nangyari sa amin
sa buong oras ng aming relasyon-namamasyal at magkikita sa mall, kakain,
manunuod ng sine, mag-kiss habang walang nakatingin sa dilim at sa pagitan
namin, sa ilalim ng mga upuan ng sinehan, ay magkahawak ang aming mga kamay.
“Pasensya ka na pasmado
ang kamay ko ah...”
Sambit
ko pa sa kanya ng unang date namin.
“Ayos lang...”
Kapag
inaalala mo talaga ang mga dating bagay, yung nakaraan e’ pinapagaan ang bigat
ng kasalukuyan.
“Halikan mo ako.”
Hinalikan
nya ako.
“Gusto ko sa labi.”
Hinalikan
nya ako. Ngunit mabilis lang, inilapat ang kanyang labi sa akin.
“Matagal.”
Ito
yung unang panahon na dinala nya ako sa boarding house nila.
“Kulit mo naman.”
Sambit
nya ng nakangiti.
Ginawa
namin ito ng matagal pero natigil ng ilabas ko ang aking dila papunta sa loob
ng kanyang bibig.
“Eeee. Ayoko ng dila.”
Malambing
nyang sinambit. Bagkos na mainis ay natuwa pa rin ako ng kaunti kahit na
nabitin.
“Bakit? Nadidiri ka ba
sa akin?”
“Sira hindi ‘no.”
Pero
malabo na ang lahat upang maulit pa ang mga iniisip ko. Alam kong hindi na ito
muling mauulit, sinasaktan ko lamang ang aking sarili. Bumabalik ang noon
gayong naghihintay ang ngayon na mapait para sa akin.
Gaya
ng aking sinabi ay hindi kami nagse-sex sa panahong magkasama kami. Naiisip ko
tuloy kung dahil ba dito kung bakit nya ako iniwan? Pero ako naman e’ hindi ko
talaga gusto yon. Totoo yan ah. Yakap, halik at simpleng mga bagay lamang ang
gusto ko. Pero mahirap gawin ang simpleng bagay ‘no kapag ayaw mo talaga? Kaya
bahagya ko talaga syang naiintindihan. Kahit naman magpaka-bitter ako e’ wala
ng mangyayari. Tapos na e’.
“uy.”
Bungad
nya sa akin. Ang hindi ko alam na ‘hello,
goodbye’ nya na pala sa akin. Isa pa ito sa kinaaasar ko. Ang
pakikipaghiwalay nya sa akin na sa text lang naganap. Kahit ang maabutan ko na
naka-online lang sya sa chat ay nagbibigay na ng tuwa sa akin.
“hello, bibi ko. sana
magkita na po tayo. gusto na talaga kita makita po eh. :)”
“weh? niloloko mo lang naman ako eh.”
“huh?”
“sige na.”
“teka. joke ba ‘to?”
“hindi.”
“ano po ba prob ha?L bakit mo ako inaaway
po?”
Kinakabahan
ako noon habang nagtatype. Hindi pa naman ako naluluha pero may emosyon na ang
aking sinusulat. Wala akong ideya kung nagpapa-awa lang ako noon. ‘Di ko
sigurado.
“sige na. out na ako.”
“bakit po ba?! ano po
ba ang ginawa ko sa’yo? huhu di naman kita niloloko e’. naging tapat naman ako
sa iyo ah! huhu.”
Ayan
na.
“niloloko mo lang naman
ako e!”
Dito
ako napaisip. Alam nya kaya o nababasa ang mga pahapyaw kong reply sa
Friendster ng hi sa mga lalaking naghe-hello sa akin? Pero kahit na, alam ko sa
sarili ko na hindi ko sya niloko. Kahit kaunting atensyon ang naibibigay nya sa
akin, ay tiniis ko ang mga nangyayari dahil alam kong mahal nya ako. At mahal
na mahal ko sya.
“hindi po kita
niloloko. please. wag mo ako iwan po. huhu. L”
Hindi
kaya sya natawa noon na pati ang pagiyak ko ng huhu ay tina-type ko din?
Kakainis! Haha.
Signed out.
Matapos
nito ay sa text naman nauwi ang aming sagutan.
Tatlong
beses nya akong sinaksak.
Burahin mo na num. ko.
Huwag na huwag ka ng magtetext
sa akin.
Ayoko na.
Pinilit
ko syang sabihan na magkita muna kami bago nya ako hiwalayan hindi yung sa text
lang ito mangyayari. Pero wala na akong nagawa pa.
Kahit
na humuhupa na ang iyak ko noon ay patuloy pa rin akong nagtetext at
nanunumbat. E’ ano ba naman kasi ang nagawa ko? Pinapakain nya ako ng salitang
hindi ko naman talaga katangian. Bago matapos noon ang madaling araw ay tumigil
na rin ako sa pagsesend ng message sa kanya. Nakakapagod din naman magmukmok
kung wala ka ng lakas o emosyon para gawin pa ito. Nagpapaawa na lang yata ako
sa sarili ko noon kaya ako umiiyak pa. Para akong nagpipiga ng kalamansi ng
todo kahit alam kong wala na akong mapipiga pa. Bukang liwayway na ng makatulog
ako, paga ang mata at pagaw ang boses kahit na sa text lang naman ako dumaldal
ng dumaldal. Binalak kong tumawag noong una pero pinapatay nya lang ang
celphone.
Naka-move
on na rin naman ako matapos na hindi magparamdam sa kanya ng limang buwan.
Nalulungkot pa rin ako na hindi na sya nagtetext. Well kahit kamusta lang?
Siguro ayaw nya na talaga sa akin. Siguro hindi nya talaga ako nami-miss. Hindi
lang siguro ako makamove-on na nakamove-on na sya sa akin. Oo, sapul ako nung
kanta.
Kung
kailan ko nasabi sa sarili ko na naka-move on na ako ay saka naman ako kinukutya
ng pagkakataon. Iniinis ako ng tadhana. Lalaitin ako ng mga pangyayari.
Sinusubukan kung ano ba ang aking gagawin, kung ano ang aking hahawakan. Kung
ano ang aking bibitiwan.
Nakita
ko si John sa mall minsan. Ako magsolo. Si John yung boyfriend ko. Hindi ko
mabanggit ang kanyang pangalan dahil sa masyado ito pangkaraniwan. Kung
saan-saan ko nakikita ang kanyang pangalan, kung saan-saan ko naririnig at sa
tuwing mangyayari ito ay nasasaktan ako.Naiiyak, nalulungkot.
Kasama nya yung mga katrabaho nya. Masaya sila
at nagtatawanan. Mag-isa ako noon at nagpanggap na hindi ko sya nakikita kahit
na gustong-gusto kong mapansin nya ako. Mabuti, maayos at presentable ako ng
mga oras na yun, gusto kong makita nya ako para maisip nya kung ano ang kanyang
pinakawalan. Ang lalaking nakaalpas. Gusto kong makita din nya na masaya ako,
hindi ko alam kung papaano ko yun ginawa kahit na mukha akong tanga na dinala
pa yung half-drink kong juice mula sa fastfood na kinainan ko. Ang lakas ng
tibok ng puso ko ng makita kong nakamasid sya sa akin. Oo, nagpapa-cute ako sa
pag-emphasize ng gestures ko, para mapansin nya ako. Ginagalaw galaw ko yung
nguso ko para mapansin nya. Habang ginagawa ko ito, napansin ko na nakaalis na
sila ng grupo nya. Talo na naman ako. Katangahan pero naiiyak pa rin ako nung
oras na yun. Akala ko ba busy sya? Pero ngayon at gumagala kasama ang mga
kasamahan sa trabaho na animo’y hawak nila ang kanilang oras.
“Baby ko patingin naman
ng butas ng puwit mo...”
Sambit
ko sa kanya minsan sa isa sa bilang na pagpunta ko sa kanyang boarding house.
“Ano?!”
“Dali na...”
“Eeee.”
“Please?...”
“Ang kulit mo. Bakit
ba?”
“Syempre tayo. Gusto ko
makita yung pribadong parte mo...”
“Ano ba yan. Sira ka
talaga.”
Nakahiga
kami noon sa kama nya. Nakatingin sa kisame. Nasisilaw na ako sa ilaw kaya
tumayo na rin ako.
“Dali.”
Matapos
kong makatayo ay pumatong ako sa kanyang likuran. Nakadapa naman ito kaya hindi
na rin sya tumanggi pa.
“Ha ha ha! Nakikiliti
ako!”
Tumawa
lamang ito ng tanggalin ko ang suot nyang short at brief upang makita ko sa
unang pagkakataon ang parte ng katawan nyang iyon. Hinawakan ko ito na para
bang nagmamasa lamang ng harina upang gawing tinapay.
“Aray!”
Sambit
nya.
“Bakit mo kinagat?”
Habang
nakadapa ay nakita kong tumalikod sya upang makaharap sa akin. Ginawa nya ito
ng mapansin nyang wala na akong ginagawa at biglang nanahimik.
“O’...bakit ka
umiiyak?”
Ang
kanyang sinambit ng makita nya ang aking mukha.
“Mahal na mahal kita...”
Hindi
ko talaga maiwasang balikan ang nakaraan. Kaya ayoko ng walang pasok e’.
Naiisip ko sya sa tuwing wala akong ginagawa...
Itutuloy...
Dalisay's Note:
Sa kagustuhan po ng author na si Jubal Leon Saltshaker, pinuputol ko po ang inyong pagbabasa ng maikling kwento na ito. Sa mga nakabasa na, maswerte kayo, sa mga inabutan na ang pagkakaputol nito, pasensiya na po. Mababasa nyo po ang karugtong ng istoryang ito sa nalalapit namin na Book Anthology. Kaya naman ang masasabi ko lang, ABANGAN... :)
No comments:
Post a Comment