SOOOOBRANG TAGAL NG UPDATE KO! :P
Sa mga naghintay ng kasunod nito. I want you to know that I lost inspiration in writing nitong mga nakaraan araw katulad ng sinabi ko sa year-end message ko. But hey! Now I'm back and I do hope that tuloy-tuloy na ito.
This is for all the people who waited, loved and cherished this novel. Thank you all.
Chapter 9
Malakas ang tawanan sa parteng iyon ng Clubhouse.
Magarbo ang pagkaka-set ng buffet at mayroon ding iba't-ibang klase ng alak ang makikita sa isang lamesa na isini-serve ng mga unipormadong waiters. Inilibot niya ang mga mata sa paligid upang hanapin ang partikular na taong nagpapa-tuliro ngayon sa isip niya.
And he saw him.
Looking so sweet yet witty in his simple shorts and t-shirt. Napaka-plain kung tutuusin ng hitsura ngunit hindi maipagkakailang that this man is more than what meets the eye.
He sighed.
Wala siyang makapang lakas ng loob para lapitan ito sa ngayon. Parang nakukuntento na lang siya na panoorin ang pakikipagtawanan nito sa mga kaibigan. Hinuha niya, mga manunulat rin ang mga ito. They all share the same aura.
Sweet but witty.
Unconventional na combination yet so obvious with the way they moved and talked. Halatang hindi paloloko ang mga ito sa mga katulad niyang itinuturing na alam na ang lahat.
Lalakad na sana paalis si Gabriel sa lugar na iyon ng may tumawag ng kanyang pansin.
"Gabriel?"
Nilingon niya ang may-ari ng boses. It was Mikey.
"Saan ka nanggaling? Kanina ka pa namin hinahanap kay Dalisay but he said that you were sleeping. Come on. Join us." Anito sabay hatak sa kanyang braso. Ni hindi na siya nakapagsalita sa bilis ng pangyayari.
"Guys... Here come's loverboy. Siya yung sinasabi ko sa inyo na boyfriend ni Miss D," pagpapakilala sa kanya ni Mikey sa grupo.
He was welcomed with "ahh's and ohh's" but he ignored them. Nakatuon lamang ang pansin niya sa iisang tao. Kay Dalisay na nakamatyag lang din sa kanya. Giving him an intense look. A look that he knew so well sa loob lamang ng maiklig panahon na nakasama niya ito. He was shouting from his eyes the words "Play this game that you started, you freak!"
And so he smiled. And greeted everyone in front of him.
"Hi guys! I'm Gabriel." Aniyang inilahad ang kamay sa unang tao sa harap niya.
"His name's Dhenxo." Came from the sweetest voice he's ever heard. Napalingon siya rito. Tinaasan naman siya nito ng kilay. Pasimple nga lang.
"Nakakatakot ka naman Mama," said Dhenxo then shook hands with him.
"Oo nga. Makapagbigay ng reprimanding look sa jowa eh ganun na lang," anang isa naman.
"Hi, I'm Rovi." sabi ng huling nagsalita.
"Hi." Gabriel replied with a grin. Dinededma ang naiinis na tingin ni Dalisay.
"That's MM, Puti, and Ford," pagpapatuloy pa ni Rovi.
"It was nice knowing you guys." Taos-pusong sabi ni Gabriel. Which left him wondering. Why? Bakit ang gaan ng pakiramdam niya ngayong nakilala niya ang mga tao na nakapaligid kay Dalisay.
"Likewise, Gabriel." said Mikey na may iniabot sa kanya.
"Toast tayo. Para sa MSOB at sa ating lahat." anito na ikinatuwa ng lahat.
Pagkatapos ng toast ay nilapitan niya ang nagsusungit-sungitan na si Dalisay. Nagulat siya sa naramdaman habang papalapit dito. It was getting intense as he step further. Then, finally, he was a foot closer to him. Nakipagtitiga lang siya dito. He tried to stay and look calm as much as he could muster.
"Hi." Gabriel said with a smile.
The proud chin of this sinfully talented man raised a notch higher. Giving him access to the brown of his eyes. It was blank. Then all of a sudden, it glinted like a star came across his eyesight.
"Hi yourself, handsome." sagot nito.
Para siyang tinadyakan ng kabayo sa dibdib ng ngumiti ito sa kanya.
Hush dude! Have some shame.
Huminga muna siya ng malalim bago muling nagsalita.
"Galit ka pa ba?" he said with uncertainty.
Umiling ito. "No."
"Peace na tayo?"
"Yes."
"Sure ka?" may pag-aalinlangan pa rin niyang sabi.
"Gabriel, I'm not mad. I'm just a little shocked."
Natigilan siya sa sagot ni Dalisay. Kung direktor lang siya ng pelikula, bibilihin niya ang arte nito ngayon. Mukha nga itong na-shock sa hitsura nito.
"Sorry kung nabigla kita." aniya ng makaapuhap ng sasabihin.
"It's okay. Baka akalain mo naman napaka-prude ko." Dalisay smiled shyly.
He was rendered speechless once again. Ano ba itong pinapalabas nito ngayon. Shy and coy? Hindi ba ito mauubusan ng gimik? Then he realized, they were actually there for a show!
He left out a sigh.
"Okay. Let's talk." sabi niya rito.
Dalisay suddenly got confused. "But we are talking now."
"I mean... let's go somewhere quiet."
"Ahh... okay." Hesitant nitong sambit.
Hahawakan na sana niya sa kamay si Dalisay ng magsalita ang isa sa kasamahan nila. Come to think of it. He was actually oblivious of the people they are with. Anong nangyayari sa kanya?
"Hep, hep! Bailing out already? Maaga pa para maglaho kayong dalawa. Halos kararating lang ninyo pareho."
It was Rovi.
"We're just going to talk, anak. We'll be back soon." Sagot rito ni Dalisay.
"Go. Talk. Ayusin niyo kung anumang problema mayroon kayo. Hindi iyong nagpapanggap kayong okay sa harp namin." said Rovi na ikinagulat niya.
Natawa lang si Dalisay sa isinagot nito. "Later, 'nak."
Naglakad sila palayo sa mga ito. Nang makarating sila sa bahaging hindi inaabot ng maingay na musika at sapat na para magkarinigan sila ay nagsalita siya.
"Did you say something to them?"
Dalisay looked at him straight in the eye.
"I did not."
"Eh bakit parang may alam si Rovi tungkol sa totoong sitwasyon natin?"
Napabungtong-hininga si Dalisay saka parang frustrated na nagsalita.
"First of all, walang "natin" Gabriel. Mabilis lang makadama ang isang iyon kung may problema sa paligid. Partikular na sa akin. Expect him to do that kapag nagkakilala kayo ng personal. Second, isn't it about time to unveil our masks. Napapagod na ako sa pagpapanggap at pagtatakip sa totoong meron sa pagitan natin. Kapag nalaman nila ang totoo, sino sa tingin mo ang mapapahiya ng husto? Ikaw ba? You don't know them personally at kahit na maiintindihan pa nila ako ay tatatak pa rin sa kanila ito. They're not a bunch of idiots and shallow persons but I have my pride to save in the first place. And lastly..."
"Stop. Just stop." pigil niya sa mga sasabihin pa nito.
Dalisay's mouth formed an "O", probably to say something but decided not to.
"Let me talk, okay?" medyo desperado na niyang sabi.
Nang hindi ito magsalita ay nagpatuloy siya.
"Hindi ko intensiyon na pahabain pa ang sinasabi mong pagpapanggap or pahiyain ka kung sakali sa mga kaibigan mo. But come to think of it. Ikaw pa ang nagpapalawig ng kung anuma ang totoong meron sa ating dalawa. Ikaw ang nagpapakumplikado ng lahat."
Magsasalita sana ito ng awatin niya ulit. "Hindi pa ako tapos. Hindi ba at pwede mo namang sabihin sa kanila na isa lang akong pesteng lalaki na nagpanggap na reporter na nabuko mo at nakagat pa ng aso mo para lang makalapit sa'yo? Simple lang naman yun diba? At totoo naman. So bakit hindi mo ginawa? Kasi..."
"Kasi ano?" naiinis na sabi ni Dalisay.
"You started to care for me already. At hindi mo maitatanggi yun." Kumpiyansang sabi ni Gabriel.
Napanganga lang si Dalisay sa sinabi niya. And he took advantage of it.
He lowered his head fast and claimed Dalisay's lips. Akala niya ay papalag ito but to his delight he was welcomed by his mouth with equal desire and hunger na kanina pa niya nararamdaman.
He savored the kiss. It was sweet. Like lemonade. And the feeling that he was feeling right now is so good. As if a swift yet soft wind was carrying him into the depths of the world. Wala siyang magawa kundi saluhin ang batok nito at palalimin pa ang halik na pinagsasaluhan.
It was like an eternity when the kiss ended. Pareho pa silang pinangangapusan ng hininga ng matapos sila. He looked into Dalisay's eyes and found out that his own emotions were reflected into his lovely eyes.
"That was... that was..." anitong hindi makaapuhap ng sasabihin.
"Good?" Nngingiting sabi ni Gabriel.
"No..." Lito nitong sabi.
Nangunot ang noo niya. Mukhang sisirain pa nito ang magandang pangyayari sa pagitan nila kani-kanina lang.
"That was... perfect." Kagat-labi pa nitong sabi.
His laughter echoed the place. Nakarinig rin siya ng palakpakan mula sa di kalayuan. It was Dalisay's friend. Napuno ng pagmamalaki ang puso niya. Ibig sabihin lang niyon, nakamit na rin niya ang planetang hindi pa nadidiskubre ng mga dalubhasa. Ang taong hindi pwedeng makamit nino man according to Charlie is now close to being his. He felt triumphant at the moment.
"You creep. Tuwang-tuwa ka siguro ngayon?" namumulang sabi ni Dalisay.
"Yes. Sobra. Hindi ko maipaliwanag." Tapat niyang sabi.
"So? Anong ibig sabihin ng kiss na iyon?" Dalisay asked.
A glow sparked in his eyes. Finally, ang mga knowing questions na naririnig niya sa ibang nakarelasyon na niya ay naririnig na niya ngayon kay Dalisay.
"Depende sa'yo. Ano bang pakahulugan mo sa halik na iyon?" sabi niya. It was a guided question. To lure Dalisay out of his comfort zone and make him an ordinary Joe looking for a relationship.
"Nothing."
Shock was evident on his face when he heard him answer.
"W-what? You can't be serious?"
He looked at him mockingly. "Try me?"
He was again speechless at parang itinulos sa kinatatayuan ng marinig ang sumunod nitong sinabi.
"I don't kiss anyone just for the heck of it, Mr. Fadriquella. Given na yung pagiging magaling mo humalik, ngunit yung ibigay mo pa sa akin ang responsibilidad na pakahulugan ang halik na pinagsaluhan natin kanina ay ibang punto na. Ikaw ang nanghalik kaya ikaw ang magbigay ng kahulugan doon. I don't play with people's minds. I say what I want to say and for me that kiss is nothing since you yourself cannot tell me what exactly that kiss meant to you."
Iyon lang at binirahan na siya nito ng alis. Naiwan siyang nakatulala at tuliro all at the same time.
Itutuloy...
Itutuloy...
DISCLAIMER: All the characters in this story have no existence whatsoever outside the imagination of the author, or have no relation to anyone having the same name or names. They are just distantly inspired by any individual known to the author, and all the incidents are merely invention.
8 comments:
Finally! Ms. D welcome backkkkk!
Grabe nakakatuwa. Salamat at nagbalik ka na.
I really love how you ended this chapter. Akala ko ending na agad yun pala may bwelta pa.
Sana tuloy tuloy na ulit. :)
Oh Yeaaaaaaah! MOooooooooore! I mean, grabeeeeee! pahabilin lang yang si Gabriel! bwahahahha!
@Erwin: Thank you for reading. I love surprises kaya sinigurado ko na masosorpresa kayong mga mambabasa.
@Dyo Chii: Salamat sa pagbabasa. Ahihihi... Akin lang si Gabriel ha. Magkaliwanagan lang. hahaha
Ang tagal nag-update nito. I missed this. :)
-hardhat
Weeeeeeeeeeeeeee. Now I have reason to be more online. :)
-Kapatid
Hayyy? Sinong kapatid yan? Melai? :)
Nice one.
waw!
aq man napatanga sa huli :o
Post a Comment