Wednesday, August 1, 2012

Minahal ni Bestfriend: Ryan part 15




             Kamusta pong muli sa inyong lahat? ^_^ Opo, sa lahat lahat po ^_^


             Una sa lahat ay talaga naman pong sobrang ikinagagalak ko po ang mga positive comments po na binibigay nyo po. Nakakataba po ito ng puso. Kaya muli, maraming salamat po.


             Pangalawa, sobrang naaliw ako sa comments. SPOILER ALERT!!! Hahahaha. joke lang. Pero, ano nga kaya ang nangyari? Masasagot din po ang lahat sa next chapters. :) Sana lang ay di ko kayo madisappoint sa mga next scenes..


            Pangatlo, gusto ko pong magpasalamat kaila Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay Jojie na syang gumawa ng cover, Kay Zeke, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee,  Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy,  ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil, jae.jae, RGEEE, Jim of Pangasinan, xheanne, eric sioson, Cloyd, LEI, Moon Sung-Min, meloh, _june_, JD Javra, d^,^b camotes \m/hunk, nam, itsmethirdy, =jess=, Marcanthony, knight_in_shining_armor(hehehe), nam, Danielle, alejojohn,   _unspoken_words_, akosijames, Nicholadia, Enrique, lloydie, LemLem, Jayar, Nico, Unknown, Aldrin, , _alelojohn, Dada Marcelo, cris bautista, Malachimark, -erickboi-, Yoshi, Karl rickson, online via ginno, Nikko Ramos, toffer lopez, Prince Pao, ALex, ja, kris, ramzter, Jm_virgin2009, Marlone, edrich of cebu, Archivald, russ, Mars, foxriver, Burj of Abu Dhabi, maybe, pd, mykel22, ampugeh, mark5337, ALDRIN, Al, brenthotz18, toffer lopez, Prince Pao, MarcAnthony, - marcus -, Nikko Ramos, Rands of QC, harry, alex, .paisano, jay.19.bi, Pancookie, cris bautista, Bri, Alexis Gacayan, Paolo Escaba, tj, nikk, eric sioson, -rom-, shingha, Mr.handsome, Mac, nivz, MP of Pasig, ilyrars, erik, .lordsun pogie, Enzo12, Tnito Schrugs, aeigh27 of binan laguna, cris bautista, JC SHIN, marlboro, monty, cazlhers@yahoo.com, fixboy, jay Tagaro, kris, Keanu Reeves, Marky, -rom-, foxriver, diumar, P.Y.S.H, edrich of cebu, bon-bon, Gerald, dhenxo (UTOL!!), kira, Uri_KiDo, Arnold Lachica, iamfree, chadie, IgnorantengFrog, ericka, em_bie24, , arvin of Taiwan, nikk, A L P O, rain, shingha, pein_kyoya, Gian, Enzo12, MIMI RAGE, at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :)


             Pangapat, ipopromote ko lang po ang aking blog. Hehehe. Sana ifollow nyo kung may time kayo. ahehehe.. www.darkkenstories.blogspot.com -At syempre po, pwede nyo pa rin po akong i-add sa fb -dizzy18ocho@yahoo.com - PAKIUSAP lang po na magmessage po kayo sa akin po upon adding me po. Maraming salamat po talaga. Thank you po!!


             COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED








Sinubukan ko buong linggo na magpakatatag kahit pa may dinadalang problema. Nagfocus lang ako sa pagaaral at sa term paper ko.

Aaminin ko, hindi naging madali para sakin ang harapin ang araw araw. Lalo na pag nakikita ko si Larc sa school. Mas nahihirapan ako makapag move on. Hindi sa nararamdaman ko para sakanya pero kungdi sag alit na nararamdaman ko para sakanya. May mga gabi kasi na nagigisng ako bigla dahil napapanaginipan ko ang ginawa sakin ni Larc.

Pero higit kong pinagpapasalamat na andyan si Karen para sakin. Gumagabay at sumusuporta sakin lalo sa mga gantong panahon. She has been a real friend to me. Hindi, para ko na talaga syang kapatid.

Friday na. Half day lang ang klase dahil magsisimula na ang pinakahihintay ng lahat. Ang araw ng championship! Yay!

Sumakay na kami sa bus papunta sa game. Sumabay kami ni Karen kasama ang mga pep squad. Salamat kay Chelsea at nagawan nya ng paraan na doon kami sumabay.

Pagdating naming ng Araneta ay hindi naman kami nahirapan sa paghanap ng mauupuan. Kung tutuusin we have one of the best seats dahil sa pass na binigay samin ni Andre. Nakakatuwa dahil kitang kita talaga namin ang game. Mas parang malakas tuloy ang tension.

Nagsipasukan na ang mga players at nag wawarm up naman sila. Nakita kong kumaway kaway sa amin si Andre. Nginitian ko lamang ito. Paglingon ko naman ay nakita ko si Larc. Ngayon ko lang ulit sya natitigan. Napansin ko agad ang pagbagsak ng katawan nya at pagkahagard ng mukha nya. Gusto ko maawa sa nakita ko pero hindi kaya ng loob ko. Naalala ko pa rin kasi ang kahayupang ginawa nya.

Nagsimula na ang game. Mainit agad ang umpisa. Kanya kanyang estilo ang mga manlalaro ng bawat kupunan. Napansin ko naman na wala sa sarili si Larc dahil  kungdi ito makashoot ng bola ay naagawan naman ito ng bola. Nakita ko namang sigaw ng sigaw ang coach. Naririnig ko na pinapagalitan nito si Larc dahil captain pa man din ito at championship pero hindi maayos ang paglalaro. Napatingin lang sakin si Karen. Hindi naman ako nagbigay ng kahit anong reaksyon.

Half time break. Kahit pa hindi maayos ang laro nila Andre ay lamang pa rin sila. Nagsipuntahan naman na sila Chelsea at nagsayaw. Since kami ang lamang ay sila ang unang sasayaw.

Grabe! Ang husay pala talaga ni Chelsea sa pagsasayaw. At halatang sanay na dahil kahit pa hinahagis hagis sya sa ere ay super poised pa rin ito at hindi nawawalan ng ngiti. Nagsisigawan naman kami ni Karen para makicheer ng biglang tumunog ang cellphone ko. Si Andre.

Beep. Beep.

“Sna wag kmi matalo. :(“

Beep. Beep.

“Kya nyo yan! Andito ko para sayo! Galingan mo ha! :)”

Beep. Beep.

“Opo! Ngayon pa na andyan ka. Papasikat talaga ako! He.he.he”

Beep. Beep.

“Korny mo pa rin talaga. Galingan mo ha!”

Beep. Beep.

“Wala bang pampabwenas? :P”

Beep. Beep.

“Pampabwenas?”

Beep. Beep.

“Kiss. =”>”

Natawa naman ako bigla. Pero talagang napangiti ako.

Beep. Beep.

“Pag nanalo ka. :P”

Beep. Beep.

“Panalo to! Sigurado! :)”

Napangiti naman ako. Natapos na din ang sayaw nila Chelsea. Agad itong lumapit sa amin.

“Friend…”, nahihiyang sabi nito.

“Hmmmm? Anyare sayo?”, pagbibiro ko.

“May favor kasi ako…”, nahihiyang sabi ni Chelsea.

“Oh, ano yun?! Ikaw pa! Lakas mo sakin!”, maligalig kong tugon.

“Eh kasi… Friend. Bakla…”, nahihiyang sagot samin ni Karen. Naghihintay naman kami sa sagot nya.

“Ano ba yun?! Bakla ka! Sabihin mo na kasi.”, iritang sabi ni Karen.

“Huwag ka naman kasi magalit. Eh kasi kanina, nakausap ko si Larc. Alam mo naman, Ms. Friendship ang lola nyo kaya pinansin ko sya…”, alinlangan sabi nya.

“Oh, ngayon?! Ano namang pabor mo?!”, direchong tanong ni Karen.

“Eh kita nyo naman na hindi maayos ang laro nya…”

“Obviously!”, sarkastikong sagot ni Karen.

“Teka, direchuhin mo na nga kami.”, pagsabat ko.

“Eh kasi, gusto ka daw makausap kahit sandali lang…? Hihihi.. Look, alam kong may eksena about the fame thing pero para sa game na lang? Alam ko selfish. Pero…”, nahihiyang sagot ni Chelsea.

“NO.”, matigas na sabi ni Karen.

“Eeeeeeeeee sabi ko nga.”, sagot ni Chelsea.

“Ok.”, biglaan kong sagot.

“RYAN!!!”, galit na sabi ni Karen sakin.

“I can handle this.”, may galit kong sabi. Napalunok naman si Karen. Ngayon nya lang ako nakitang ganito.

“Anong balak mo…?”, alalang tanong ni Karen.

“Wala. What could I possibly do. He wants to talk? Fine. Ill do this for Chelsea.”, matigas kong sagot.

“Teka, sure ka ba dyan?”, alalang tanong ni Karen sakin. Nasense ko ang matinding pagaalala kay Karen.

“Oo.”, galit kong tugon.

“Ay bat may ganun? May galit sa puso?”, pagbibiro ni Chelsea.

“This is for you sweetie.”, sagot ko.

“Thanks??”, alinlangang sagot ni Chelsea sabay tingin kay Karen.

“Bakla ka!”, may angst na sabi ni Karen kay Chelsea.

“Sorry…”, pacute na sorry ni Chelsea.

Sinamahan naman ako ni Chelsea kung saan naghihintay si Larc. Nasa medyo private kami na lugar. Iniwan naman kami ni Chelsea.




“Make it quick.”, malamig kong panimula.

“Ryan… Alam kong hindi mo ko mapapatawad sa ginawa ko sayo.”

“Alam mo naman pala, eh. Bat mo pa ko gustong makausap?!”

“Ryan. I just need to get this off my chest. Ryan, totoong mahal kita.”

“So I heard…”

“Seryoso ako Ryan.”

“And I’m supposed to care?!”

“Alam kong hindi. Pero can you give me a chance to talk?”

“Hindi pa ba tayo naguusap?!”

“I mean yung tayong dalawa lang. Hindi dito.”

Nagisip ako.

“Ok, win the game, at papayag ako.”

“Talaga?”, masayang tugon ni Larc.

“Ops. Sabi ko usap lang. Don’t keep your hopes up.”, malamig kong tugon.

“I know. Pero that’s good enough for me.”

“Whatever. Good Luck sa laro.”, sabay walk out. Narinig ko na rin kasing natapos na ang sayaw ng kabilang grupo. Bumalik naman na ako sa kinauupuan namin nila Karen.

“Now it’s my game you’ll have to play…”, nasambit ko sa sarili habang naglalakad pabalik.

Bumalik ako sa kinauupuan namin ni Karen. Ramdam ko pa rin ang galit at poot. Pero aaminin ko, at the same time, masakit. I never thought na lalabas mula sa bibig ko ang mga ganung salita. Worst, kay Larc ko pa ito sinabi.


“Kamusta? Anong nangyari? Bakit daw?”, agad na tanong ni Karen.

“Same old bullshit.”

“Ano nga?”

Kinuwento ko kay Karen ang pinagusapan namin ni Larc. At halos mamatay naman sya kakatawa. Ang laki na daw ng pinagbago ko bigla. Pero atleast I’m stronger na daw. Susme! Sino ba naman ang di magiging strong after ng pinagdaanan ko sakanya?!

“My gawd, you actually said that?! WOW!”, gulantang na sabi nya sabay tawa.

“Yep.”, simpleng sagot ko.

Kapansin pansin naman ang pagbabago ng takbo ng laro. Pinapasok muli si Larc sa laro at iba na ang drive nito sa paglalaro. Mas ganado, focused. Nahuhuli ko itong tumitingin sa akin lalo na pag nakakashoot sya. Dedma.

Syempre hindi nagpatalo ang manok naming si Andre. Sya pa rin ang lamang sa mga nakakapoints sa group. Halata ang saya sa mukha nito at twing nakakashoot ito ay tumatayo talaga ako at sumisigaw para sakanya.

Naging napakainit ng tension ng pinakahihintay na laro. Malakas ang mga sigawan ng tao. Kanya kanyang suporta para sa kupunan na sinusuportahan. Hindi naman din kami papatalo sa sigawan.

“2 points for Casanova!!”, sigaw ng announcer. Naging mas malakas naman ang sigawan ng mga tao. Nakita kong hinanap ako ni Larc sa madla. Tumitig lang ako. Dedma. Ni hindi man lang ako sumigaw ng dahil sa tuwa.

“And another 3 points from Castillo!”, muling sigaw ng announcer. Napatayo naman ako at nagsisigaw. Nakita kong tumingin muli si Larc at halatang malungkot sya dahil kay Andre lang ako nagchicheer, hindi sakanya.

Natapos ang laro ng kami ang nagtagumpay. Tuwang tuwa ang lahat dahil sa aming pagkapanalo. Malakas na nagkantahan ang mga taga University namin ng anthem. Halatang proud sa galing ng mga players namin. Nagsibabaan pa ang iba para lumapit sa mga players.

Tulad ng napagusapan ay magkakaroon ng victory party pagtapos ng game. Sinubukan kong hanapin si Andre para man lang maka bati sa pagkapanalo nila ngunit hinila na ako agad ni Karen dahil kailangan pa daw naming umuwi para makapag ayos para sa party mamaya.

“Hoy! Mamaya mo na hanapin si Andre! Uuwi pa tayo para mag-ayos!”, pagbibiro ni Karen.

“Huh?! Hindi ko naman sya hinahanap eh!”, pagtanggi ko.

“Sus! Eh halos mabali na yang leeg mo kakalingon sa mga tao! Tara na! Itext mo na lang sya. Total magkikita naman kayo mamaya!”, pangaasar nya.

At wala na nga akong nagawa kungdi sumama na kay Karen. Kailangan pa rin naming kasi umuwi dahil may kalayuan ang bahay nila sa Araneta.

Habang nasa sasakyan naman kami ni Karen ay walang tigil sa pagkukwentuhan tungkol sa highlights ng naganap na laro. Inaasar nya pa ako na sa twing makakashoot si Andre ay todo sigaw ako. Pagkarating naman namin sa bahay ay agad kaming naghanda para sa nasabing victory party. Nang makapag ayos na ay hinintay ko na lang si Karen.

Maya maya ay kumatok na ito sa kwarto ko.

“Ready to go…? OMG Ano ba yang suot mo?”, gulat na tanong ni Karen.

“Hah?! Panget ba? Eh kayo kaya namili nito noon.”, mas gulat kong sagot.

“Hindi. I mean, it looks good kaso di bagay sa party.”

“Hindi bagay?”

“Oo. Super makaporma ka naman kasi. Pool party kaya yun!”, natatawang sabi ni Karen.

“Huh?! Pool party ba?!”, natawa naman si Karen at agad akong pinagpalit.

“Atat kasi…”, pangaasar nya pa.

Pasado alas sais na ng makarting kami sa resort na pinuntahan namin. Andun naman na halos lahat maliban sa amin ni Karen. Pagkapark naman namin ay agad kong nakita si Andre na tila naghihintay sa parking. Kaya pagkababang pagkababa namin ay agad itong lumapit samin.

“Tagal nyo naman..”, bungad ni Andre.

“Paano, pumorma ng sobra tong si Ryan kanina. Pinagpalit ko pa tuloy at pinaghanda ng gamit para pang swimming.”, pangaasar ni Karen.

“Salamat ha Karen!!”, sarkastiko kong sagot.

“Wow, pinaghahandaan mo ko ha…”, dagdag na asar ni Andre.

“Kapal ha! Hindi rin…”, inis kong sagot.

“Wushu! Oh sige na po. Tara na at ng makakain na kayo.”, paanyaya ni Andre.

Pero bago pa man din kami makapasok ay hinila ko si Andre.

“Oh, bakit?”

“Congratulations pala.”, nahihiyang sabi ko. Yumakap naman sya agad.

“Ngayon ramdam ko na ang pagkapanalo namin. Ang pagkapanalo ko.”, seryosong sabi nya habang nakayakap. Natawa naman ako. Pero at the same time ramdam ko ang pamumula sa narinig.

“Alam mo, hanggang ngayon, korny ka pa rin!”, pang aasar ko.

“Ok lang na korny. Pero you still owe me.”

“Owe you?”

“Yeah, you still owe me that kiss.”, sabay kindat nya.

“Ha? Wala akong natatandaan na ganung usapan ha.”, pagkukunwari ko. Naramdaman ko naman ang pamumula ko.

“Yeah, right.”, pagtawa lang nya.

Sabay kaming pumasok nila Andre at Karen. Pagpasok naman namin ay sinalubong kami agad ni Chelsea at ng tropa at pinakain. Mukhang napakasaya ng lahat dahil ang iba ay nagsswimming na agad. At ang iba naman ay nagiinuman na habang nagkakaraoke.

“Kain ka ng madami, ha.”, ngiting sabi ni Andre habang nakatitig sa pagkain namin.

“Makatitig ka naman, kumain ka na rin nga!”

“Ok na. Busog na ko eh.”, pag ngiti nya.

“Ewan ko sayo.”, pagbibiro ko.

After naming kumain ay nakipagharutan at kulitan naman kami nila Karen sa grupo nila Chelsea. Andun din kasi sila Andoi at Melai kaya naman walang tigil na biruan at hagalpakan sa kakatawa ang naganap noong gabing yun.

Sa kabilang banda, napansin ko din naman si Larc. Hindi sa sinasadya sya hanapin ng mata ko, ha. Pero parang kahit saan ako mapatingin o yung mga biglaang tingin ay nakikita ko sya. Andun lang sya, nagiinom. Hindi din halos nagsasalita. Tulala pa nga kung minsan. Kung di pa kakausapin ng mga ka-team nya ay hindi talaga sya magsasalita.

“Uy! Sali daw tayo! Spin the bottle daw!”, paanyaya samin bigla ni Chelsea habang nagkukulitan ang lahat. Agad namang sumang ayon ang lahat.

Nagpabilog kaming mga sumali. Andoon sila Kulas, Gino, Bryan, Larc, Andoi, Melai, Chelsea, Andre, at syempre si Karen at Ako.

Unang napunta ang bote kay Gino at dare ang pinili nito. Kaya naman bilang parusa ay pinainom ito ng dalawang bote ng beer. Straight. Lahat naman ay agad na nagkatawanan dahil halos mabilaukan si Gino sa paginom. Hindi pa naman ito malakas uminom.

Sumunod namang napunta ang bote kay Kulas. Dare din ang pinili nito kaya naman bumawi ng ganti si Gino at sinabing sumayaw daw si Kulas ng sexy dance sa harap namin. Game na game naman si Kulas at agad itong nagpunta sa gitna at gumiling giling. Nagtanggal pa ito ng shirt at ng shorts kaya boxers na lang ang naiwan dito. Mas nagsigawan naman ang mga naglalaro at ang mga nakikinood.

Umikot ng umikot ang bote at kung ano ano ang mga pinagawa sa mga nag dare. At mga personal na tanong naman sa mga pumili ng truth. Merong mga nakakagulat na rebelasyon dahil sa mga tanong na mas lalo namang nakapagpasaya sa laro.

Habang nagkakatuwaan naman ang lahat ay niyaya ako ni Andre na lumabas at maglakad lakad. Tumingin naman ako kaila Karen at tumango lang ito. Sumenyas na ok lang na mawala ako panandalian. Kaya naman tumayo kami ni Andre at lumabas.

Lumabas nga kami ng resort at naglakad lakad. Maganda ang gabi. Malamig ang simoy ng hangin at malinaw ang kalangitan. Naalala ko tuloy bigla ang ichura rin ng kalangitan ng matagpuan ako ni Andre sa park noon.

“Ang ganda ng gabi, noh?”, bungad ni Andre.

“Oo nga eh.”

“Kamusta ka naman na? I mean, yung tungkol sa nangyari?”, alinlangang tanong nya.

“Hmmm.. Honestly, medyo naiilang pa din ako ng konti pero di ko naman masyado na dinadamdam. Salamat na rin kaila Karen, at syempre sayo.”, pagngiti ko. Bigla namang napatahimik si Andre.

“Oh, bat tumahimik ka?”

“Wala."

“Bakit nga?”

“I saw how he looked at you…”, alinlangan at malungkot nyang sagot.

“Sino?”

“Si Larc…”

“Ah..”

“Simula kaninang game, nakita ko kung paano ka nya titigan. Kitang kita sa mga mata nya na lahat ng pagod nya para sa game ay inaalay nya para sayo.”

“Ganun ka din naman, diba?”

“Oo naman.”

“Eh ganun naman pala eh. So anong problema…?”, alalang tanong ko.

“Nakita ko rin kung paano ka nya titigan simula kanina pa. Sumisimple kasi ako ng tingin sakanya. At sa twing ginagawa ko yun ay nakikita ko na nakatingin lang sya sayo. At sa mga tingin nya, alam kong namimis ka na nya. Alam ko rin na nagsisisi na sya sa ginawa nya…”, malungkot na sabi ni Andre. Hindi ko naman alam ang isasagot.

“Mahal ka din nya. Alam ko yun. Kitang kita naman, eh.”, dagdag nya.

“Bakit ka ba nalulungkot? Ikaw naman ang kasama ko, diba?”, pagtanong ko.

Hindi sya sumagot.

“Ano…? Bat di ka nagsasalita?”, dagdag na tanong ko.

“Kasi nakikita ko din kung paano mo sya tingnan… Para kasing… Para akong nakikipagkumpetensya sa isang taong alam kong hindi ako mananalo.”, malungkot na tugon nya.

“Ganyan ba talaga ang paniniwala mo?”, tanong ko.

“Ayoko sana. Kasi mahal kita, eh. Minamahal na kita, Ryan. Kaya natatakot ako.”

“Natatakot sa?”

“Paano kung dumating yung araw na kaya ka na din nyang ipaglaban? Paano pag dumating yung araw na kaya na rin nyang sabihin na mahal ka nya? Sa kwento ni Alex, alam kong matagal mo na syang minamahal. Ano namang laban ko?”

“Sumusuko ka ba?”, malungkot na tanong ko.

“Hindi! Hinding hindi ako susuko. Handa akong lumaban kahit pa sa labang alam kong malabo akong manalo.”

“Andre…”

“Mahirap pala, noh? Hindi ko kasi alam kung dadating yung panahon na ako na ang laman nyan. Hindi ko alam kung dadating ba yung panahon na kaya mo din akong tingnan ng tulad ng sakanya. At hindi ko din alam kung dadating ba ang araw na kaya mo sabihin na mahal mo din ako.”, malungkot na sabi nya. Nakita kong namuo ang mga luha sa mata nya.

“Andre…”

“Pero till that time comes, hindi ako titigil sa pagkatok sa puso mo..”, sabay patak ng mga luha nya.

“Andre…”, pagtawag kong muli. Tumingin lang sya sa akin. I can see tears falling from his eyes. Kita ang lungkot sa mga mata nya pero at the same time, kita ko din sa mga matang yun ang determinsayon. Nginitian ko naman sya.

“Bakit ka nakangiti?”, tanong nya. Hindi naman ako sumagot at tumitig lang habang nakatitig sa mga mata nya.

Nakatitig lamang sya at naghihintay ng isasagot ko. Pero tinitigan ko lang din sya habang nakangiti pa din. Nakita kong muling pumatak ang mga luha nya.

“Ryan…”, naluha nyang banggit sa pangalan ko.

Kinuha ko ang isang kamay nya at nilagay yun sa leeg ko. Pagtapos naman ay pinunasan ko ang mga luha sa mata nya. Pinagmasdan ko syang mabuti. Tinitigan ang buong mukha nya. Ang mga malalam na mata nya, ang haba ng pilik mata nya. Ang mga luha na umaagos pa din dahil sa emosyong nadarama. Ang balat nyang walang kasing kinis, matangos na ilong, at ang mapupulang labi. Hinawakan ko ang dalawang kamay ang mukha nya.

Pumikit ako.

Lumapit.

Nararamdaman at amoy ko na ang paghinga nya.

Hanggang sa tuluyan ko ng idinampi ang mga labi ko sa mga labi nya.

Halata ang pagkabigla ni Andre dahil naramdaman kong umigta ito sa pagkagulat ng halikan ko ito. Pero hindi ko din alam. For me, that was the right thing to do.

It was magical. Parang isang eksena sa pelikula ang eksena. Tamang tama ang timpla ng gabi. Ng kalangitan. At ng kapaligiran. It was the exact thing to do in the exact moment. Naramdaman ko naman ang paghalik ni Andre. Malumanay, mahinahon, banayad, at napakatamis. Pagtapos ng ilang minuto ay agad naman din na ako kumalas.

“No, one more.”, agad nyang sabi pagka kalas ko sabay halik muli sakin. Ako naman ang nagulat sa ginawa nya. But still, I kissed back. It was then again, a very passionate kiss.

Pagka kalas naman nya ay ngumiti ito sakin at yumakap ng pagkahigpit higpit. Pero bigla akong kumalas for some reason. Bigla ko kasing naalala ang yakap ni Larc nung gabing may nangyari samin.

“I’m sorry…”, nahihiya nyang sabi.

“Hindi, di lang kasi ako makahinga. Ang higpit kasi.”, pagkukunwari ko sabay ako naman ang yumakap. Niyakap naman ako ni Andre dahan dahan.

“Bakit mo ko hinalikan…?”, tanong ni Andre pagka kalas sa yakapan namin.

Ngumiti lang ako.

“Does this mean, na may chance ako para sa pagmamahal mo?”, galak na tanong ni Andre.

“Huh?! Diba sabi ko hahalikan kita pag nanalo kayo sa game?”, pang iinis ko.

“Ah.. Oo nga.”, medyo malungkot nyang tugon. Tumawa naman ako at tinitigan syang muli.

“Of course this means na may chance ka. Baka nga…”

“Baka nga?”, aligagang tanong ni Andre.

“Baka nga naiinlove na ko sayo, eh.”, sabay ngiti ko. Agad naman itong yumakap.

“Hinding hindi ako titigil. Pangako! Pangako yan! Yes! YES! YES!!!”, tuwang tuwa at maligalig na pagsisigaw ni Andre.

“Sssssshtt!! Ang ingay mo!”, pagpipigil ko.

“Wala akong paki sakanila! Woooh!”, pagsigaw nyang muli. Halata ang tuwa sakanya. Sabay halik muli sakin. Pinigilan ko naman ito.

“Oh, sumosobra na, ah!”, pagbibiro ko.

“Nagbabakasakali lang.”, nahihiyang sabi nito.

“Nako, tara na nga! At matagal na tayo nawala. Pasok na tayo ulit!”, paanyaya ko.

Naglakad kami pabalik sa resort. Kaso ng papasok naman na kami ay naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko. Agad ko itong kinuha. Nakita ko naman ang tawag mula sa aking Ina.

“Mauna ka na. Tumatawag kasi sila Mama.”, pakiusap ko kay Andre.

“Balik ka agad, ha. Baka mamis kita, eh.”, pagbibiro nya.

“Ang korny mo pa rin!”, pangaasar ko naman. Pumasok naman na si Andre at sinagot ko ang tawag ng aking Ina.

“Hello nay?”

“Oh, anak.”

“Napatawag po kayo?”

“Ah, wala naman. Nangangamusta lang. Namis kasi namin ikaw ng Itay mo bigla.”

“Ang sweet talaga ng Inay. Okay naman po ako. Namimis ko na nga rin po kayo ng Itay eh.”

“Nako, lalo na ang Itay mo. Walang araw na di nya ikaw kinekwento dito sa atin. Halos lahat ng mapadaan dito ay kinekwento ka nya.”

“Ang itay talaga. Napaluha tuloy ako.”

“Oh basta anak, magiingat ka dyan, ha. At wag mo kalimutan ang magdasal. Ingatan mo sarili mo, ha!”

“Opo, Inay.”

“I love you, anak!”

“I love you din po.”

Napaluha naman ako sa tawag ng Inay. Namis ko tuloy umuwi sa amin.

Papasok na sana ako muli sa resort ng may nakita akong nagpark ng babaeng palapit sa direksyon ko. Ng mapansin nito na nakatingin ako sa kanya ay agad na lumapit ito sakin.

“Hi. Dito ba yung party nung nagchampion sa basketball?”, mahinhin na tanong ng dalaga.

“Ah, oo miss. Dito nga. Pasok ka.”

“Nako, nahihiya kasi ako.”

“Ah, sige. Samahan na kita papasok.”, paanyaya ko.

“Ah hindi na. Maghihintay na lang ako dito.”

“Ganun ba. Ay ako nga pala si Ryan.”, magiliw na pagpapakilala ko.

“Nice to meet you. Ah, Ryan, kilala mo ba si Andre?”

“Ah, oo naman. And you are?”

“Ay sorry. Rizza. I’m Rizza. Andre’s girlfriend.”









1 comment:

Uri_KiDo said...

OUCH!!!!!!!!!!!
ARAY!!!!!!!!!!!
ARAGUY!!!!!!!!!
ARUY!!!!!!!!!!!

YUN NA YUN!!!!!