Tuesday, August 28, 2012

What to Let Go?

letting-go

What to Let Go?
By Karl Marx S.T.

“Wala pong nasasaad sa bibliya na ang lalaki ay pwede sa kapwa nya lalake, ganoon rin po ang sa babae.”
Sambit ng isang babaeng –kung ano man sya- sa isang reporter sa telebisyon.
“Sira. Hindi mo yan sasabihin kung naging bakla ka o tibo.”
Kailan ba nangyari na bakla o tibo ang nagsabing mali ang kanilang ginagawa? Matapos kong sagutin ang palabas na animo’y sumasagot lang tulad ng ginagawa ng mga matatanda sa isang palabas na akala mo’y naririnig sila ng bida, ay pinatay ko na ang telebisyon. Dito ay nagdilim na ang buong paligid. Nakita ko ng higupin ang babae at reporter ng dilim hanggang sa maging isang tuldok ng liwanag na lamang ang aking nasa harapan, binunot ko ang kurdon ng mawala ang ga-tuldok na liwanag. Tanging ang maliit at pulang liwanag na lamang ng radyo ang syang ilaw sa aming sala. Nakamasid ako sa pulang ilaw, maliit ito pero pinapagaan nya ang aking kalooban.
Bago ako bumaba at makita ang palabas sa Tv ay nagtungo ako sa kwarto ng aking Kuya si Erwin. Ang panganay sa aming tatlong magkakapatid. Pangalawa si Kuya Elbert pero ‘di na sya nakatira dito at nagbo-boarding house na lang malapit sa kanyang opisina, paminsan-minsan ay nagagawa pa rin naman nyang umuwi sa bahay. Ang papa at mama ko, nasa trabaho. Ako, walang pasok.
Hindi ko alam kung bakit ako pumasok sa loob ng kwarto since may pagka-OC si Kuya at kahit na wala kang galawin ay malalaman nyang pumasok ka sa kanyang kwarto. Nakalimutan nya rin siguro itong i-lock, pero nakabukas ang pintuan? Dito rin naman ako dati natutulog, at nang umalis na si Kuya Elbert ay naging akin na ang kanyang kwarto. Ayos na rin ito.
Nagmasid ako sa buong paligid. Sa apat na sulok ng kanyang kwarto. Dati kasi ay nakakita ako ng plastik mula sa Quiapo. Yung supot na kulay itim kung saan nilalagay ang napamili mong DVD. Inangat ko ang kama ni Kuya kung saan ko minsan nakita ang supot at gulat ng makita ang nasa ilalim nito. Bukod sa napaka-raming mga libro na nasa loob ng kwarto at kung ano-ano pang mga babasahin ay puno ng kung ano-anong memorabilia ang silid ng aking kapatid. Mga movies, poster, pigurin, mga medalya na kanyang nakuha, sa pag-aaral man, patimpalakan at mga sport’s contest, sulat, litrato at kung ano-ano pa. Kaya naman sumagi sa aking isipan na sa kakumpletuhan ng mga gamit ni Kuya ay hindi ako magkakamaling mayroon din sya ng isang bagay na aking natagpuan sa ilalim ng kanyang kama. Mga Cd’ng bold. Syempre, halos lahat naman yata ng lalaki ay mayroong ganito sa tagong sulok ng kanilang bahay, ng kwarto. Pero bold na kung saan ang bida ay lalaki sa lalaki. Nagsusubuan, naguusbungan ang pagkalalaki, ay ang syang bagay na hindi ko talaga inaasahang makita. Hmm, medyo natuwa ako ng makita ko ito at hindi ko alam kung ano ang dahilan.
May mga babasahin din na puno ng hubad na lalaki ang laman. Pumupwesto na akala mo ay isang babae sa isang panlalaking babasahin. May naliligo, may studyante, may businessman, friendly kapitbahay na gustong tumulong na bombahin ang nabutas na sasakyan ng iyong gulong na sa mga susunod na pahina ay natutuloy sa bombahan ng mga sarili. Cover palang may laman na, paano pa kaya ang loob nito? Kumuha ako ng ilan sa mga magazine matapos na tingnan ang mga Cd na para bang tumitingin lang ng litrato, parang tumitingin lang ng baraha.
Kinuha ko ang mga ito sa tagong pagkakaipit sa ilalim ng kanyang kama at bahagyang pinagpag. Nakita kong sumayaw ang mga alikabok mula dito sa tulong ng liwanag na nakapasok sa bukas nyang bintana. Tiningnan ko ang babasahin. Nangingiti ako.
Bakla ako at hindi ko inaasahang ganoon din si Kuya. Hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba ito o hindi. Wala na yatang paraan para masabi pa natin ang tunay na lalaki sa pekeng lalaki. Bakit pa pala kailangan ng salitang tunay na animo’y wala ng totoo? May peke bang lalaki? Si Kuya Jamie kasi e’ hindi ko inaasahang isang bading, bakla ako at dapat na alam ko ito. Siguro ay dahil sa magkapatid kami kaya hindi ko ito nakikita. Kapag nagbabasa ako ng masyadong malapit sa akin ang libro ay hindi ko ito naiintindihan.
Ang tuwa na aking nararamdaman dahil sa aking nadiskubre ay tila ba pumatche sa sakit na aking nararamdaman. O tuluyan nya na talaga itong tinapalan? Kaka-break lang kasi namin ng boyfriend ko. Pwede kong sabihin na kaka-break nya lang sa akin. O kaya hindi na ako masyadong naiiyak o nalulungkot dahil sa hindi ko sya talaga ganoon kamahal? Pero hindi, kung hindi nya naman ako iniwan e’ ‘di sana at kami pa rin.
Magiisang taon na kami ng sabihin nyang ayaw na nya sa akin. Hindi naman nya diretsong sinabi na ayaw na nya sa akin pero ganoon ang kanyang ginawa. Busy sya palagi sa kanyang trabaho at ako din naman. Ang pinagkaiba lang namin ay may oras ako para mag-text sa kanya, kamustahin sya at araw-araw na balakin ang aming pagkikita. Madalas nya lang namang sabihin sa akin na busy sya, next time, pagod, at kung ano-ano pa. Dito nagiging emosyonal ako, at sa oras na bumuhos na ang aking nararamdaman at sumobra na ako ay mayroon syang masasabi na sa huli ay aking mapag-iisipan. Baka naman kasi masyado lang akong possesive, masyadong ma-drama at compulsive. Sige, maari nga. Pero naisip ko naman na hindi mo naman magagawang mag-tanong kung nakukuha mo na ang sagot na gusto mo. Gusto ko rin na mayroon kaming tawagan, pero nahihiya daw sya at ‘di pa sanay. Sige, saan sya nahihiya e’ sa text ko lang naman pinapagawa yun? Minsan kasi e’ tinawag ko syang Baby, habang naglalakad kami sa mall. Kami lang naman ang maaaring makarinig noon at mahina lang naman din ang pagkakasabi ko dito.
“Itigil mo nga yan. Mamaya mayroong makarinig sa’yo.”
Iritadong sagot nya.
“E’ ano namang pakialam nila?”
Gusto kong sabihin pero nanahimik na lang ako.
Tapos na rin naman ang lahat. Basta ako ginawa ko ang lahat upang maging maayos ang relasyon namin. Kung may babae kasi sa aming dalawa, yung malambing –hindi sa sinasabi kong hindi malambing ang mga lalaki- yung maaalalahanin, yung maasikaso e’ ako na iyon. Pero minsan nalulungkot lang din talaga ako. Kapag kasi tinitingnan ko sya sa mga mata, e’ nakakaramdam rin ako ng awa, at nagi-guilty sa mga kaartehan ko. Pero ano ang gagawin ko?! Gusto ko tuloy itanong na ‘kung hindi kaya ako naging makulit, maaalalahanin at balakin ang bawat pagkikita natin e’ tatagal kaya tayo ng ganito? Kung hindi kaya ako kikilos e’ gagawin mo rin kaya ang lahat ng mga ginawa ko?’ Oo, may halong panunumbat pero hindi ko maiwasan. May mga bagay na dapat sabihin sa tamang oras at panahon. Ngunit hindi ko ito mapigilan, dala na rin siguro ng pagiging desperado-desperado saan?- e’ nakakabanggit ka ng mga bagay na kalahati lang dito ang totoo. Gusto ko ring sinasabi ang kanyang mga kakulangan upang malaman nya ito dahil tila ba wala syang ideya na mayroon syang mali.
Sa internet nya lamang ako binitiwan. Ang sa amin ay hindi yung tulad ng nagsasama na sa iisang bahay. Ang sa amin ay yung nagtetext lamang upang magkita, pumupunta-punta sa boarding house nya-maniwala kayo at walang nangyari sa amin sa buong oras ng aming relasyon-namamasyal at magkikita sa mall, kakain, manunuod ng sine, mag-kiss habang walang nakatingin sa dilim at sa pagitan namin, sa ilalim ng mga upuan ng sinehan, ay magkahawak ang aming mga kamay.
“Pasensya ka na pasmado ang kamay ko ah...”
Sambit ko pa sa kanya ng unang date namin.
“Ayos lang...”
Kapag inaalala mo talaga ang mga dating bagay, yung nakaraan e’ pinapagaan ang bigat ng kasalukuyan.
“Halikan mo ako.”
Hinalikan nya ako.
“Gusto ko sa labi.”
Hinalikan nya ako. Ngunit mabilis lang, inilapat ang kanyang labi sa akin.
“Matagal.”
Ito yung unang panahon na dinala nya ako sa boarding house nila.
“Kulit mo naman.”
Sambit nya ng nakangiti.
Ginawa namin ito ng matagal pero natigil ng ilabas ko ang aking dila papunta sa loob ng kanyang bibig.
“Eeee. Ayoko ng dila.”
Malambing nyang sinambit. Bagkos na mainis ay natuwa pa rin ako ng kaunti kahit na nabitin.
“Bakit? Nadidiri ka ba sa akin?”
“Sira hindi ‘no.”
Pero malabo na ang lahat upang maulit pa ang mga iniisip ko. Alam kong hindi na ito muling mauulit, sinasaktan ko lamang ang aking sarili. Bumabalik ang noon gayong naghihintay ang ngayon na mapait para sa akin.
Gaya ng aking sinabi ay hindi kami nagse-sex sa panahong magkasama kami. Naiisip ko tuloy kung dahil ba dito kung bakit nya ako iniwan? Pero ako naman e’ hindi ko talaga gusto yon. Totoo yan ah. Yakap, halik at simpleng mga bagay lamang ang gusto ko. Pero mahirap gawin ang simpleng bagay ‘no kapag ayaw mo talaga? Kaya bahagya ko talaga syang naiintindihan. Kahit naman magpaka-bitter ako e’ wala ng mangyayari. Tapos na e’.
“uy.”
Bungad nya sa akin. Ang hindi ko alam na ‘hello, goodbye’ nya na pala sa akin. Isa pa ito sa kinaaasar ko. Ang pakikipaghiwalay nya sa akin na sa text lang naganap. Kahit ang maabutan ko na naka-online lang sya sa chat ay nagbibigay na ng tuwa sa akin.
“hello, bibi ko. sana magkita na po tayo. gusto na talaga kita makita po eh. :)”
 “weh? niloloko mo lang naman ako eh.”
“huh?”
“sige na.”
“teka. joke ba ‘to?”
“hindi.”
“ano po ba prob ha?L bakit mo ako inaaway po?”
Kinakabahan ako noon habang nagtatype. Hindi pa naman ako naluluha pero may emosyon na ang aking sinusulat. Wala akong ideya kung nagpapa-awa lang ako noon. ‘Di ko sigurado.
“sige na. out na ako.”
“bakit po ba?! ano po ba ang ginawa ko sa’yo? huhu di naman kita niloloko e’. naging tapat naman ako sa iyo ah! huhu.”
Ayan na.
“niloloko mo lang naman ako e!”
Dito ako napaisip. Alam nya kaya o nababasa ang mga pahapyaw kong reply sa Friendster ng hi sa mga lalaking naghe-hello sa akin? Pero kahit na, alam ko sa sarili ko na hindi ko sya niloko. Kahit kaunting atensyon ang naibibigay nya sa akin, ay tiniis ko ang mga nangyayari dahil alam kong mahal nya ako. At mahal na mahal ko sya.
“hindi po kita niloloko. please. wag mo ako iwan po. huhu. L
Hindi kaya sya natawa noon na pati ang pagiyak ko ng huhu ay tina-type ko din? Kakainis! Haha.
Signed out.
Matapos nito ay sa text naman nauwi ang aming sagutan.
Tatlong beses nya akong sinaksak.
Burahin mo na num. ko.
Huwag na huwag ka ng magtetext sa akin.
Ayoko na.
Pinilit ko syang sabihan na magkita muna kami bago nya ako hiwalayan hindi yung sa text lang ito mangyayari. Pero wala na akong nagawa pa.
Kahit na humuhupa na ang iyak ko noon ay patuloy pa rin akong nagtetext at nanunumbat. E’ ano ba naman kasi ang nagawa ko? Pinapakain nya ako ng salitang hindi ko naman talaga katangian. Bago matapos noon ang madaling araw ay tumigil na rin ako sa pagsesend ng message sa kanya. Nakakapagod din naman magmukmok kung wala ka ng lakas o emosyon para gawin pa ito. Nagpapaawa na lang yata ako sa sarili ko noon kaya ako umiiyak pa. Para akong nagpipiga ng kalamansi ng todo kahit alam kong wala na akong mapipiga pa. Bukang liwayway na ng makatulog ako, paga ang mata at pagaw ang boses kahit na sa text lang naman ako dumaldal ng dumaldal. Binalak kong tumawag noong una pero pinapatay nya lang ang celphone.
Naka-move on na rin naman ako matapos na hindi magparamdam sa kanya ng limang buwan. Nalulungkot pa rin ako na hindi na sya nagtetext. Well kahit kamusta lang? Siguro ayaw nya na talaga sa akin. Siguro hindi nya talaga ako nami-miss. Hindi lang siguro ako makamove-on na nakamove-on na sya sa akin. Oo, sapul ako nung kanta.
Kung kailan ko nasabi sa sarili ko na naka-move on na ako ay saka naman ako kinukutya ng pagkakataon. Iniinis ako ng tadhana. Lalaitin ako ng mga pangyayari. Sinusubukan kung ano ba ang aking gagawin, kung ano ang aking hahawakan. Kung ano ang aking bibitiwan.
Nakita ko si John sa mall minsan. Ako magsolo. Si John yung boyfriend ko. Hindi ko mabanggit ang kanyang pangalan dahil sa masyado ito pangkaraniwan. Kung saan-saan ko nakikita ang kanyang pangalan, kung saan-saan ko naririnig at sa tuwing mangyayari ito ay nasasaktan ako.Naiiyak, nalulungkot.
 Kasama nya yung mga katrabaho nya. Masaya sila at nagtatawanan. Mag-isa ako noon at nagpanggap na hindi ko sya nakikita kahit na gustong-gusto kong mapansin nya ako. Mabuti, maayos at presentable ako ng mga oras na yun, gusto kong makita nya ako para maisip nya kung ano ang kanyang pinakawalan. Ang lalaking nakaalpas. Gusto kong makita din nya na masaya ako, hindi ko alam kung papaano ko yun ginawa kahit na mukha akong tanga na dinala pa yung half-drink kong juice mula sa fastfood na kinainan ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko ng makita kong nakamasid sya sa akin. Oo, nagpapa-cute ako sa pag-emphasize ng gestures ko, para mapansin nya ako. Ginagalaw galaw ko yung nguso ko para mapansin nya. Habang ginagawa ko ito, napansin ko na nakaalis na sila ng grupo nya. Talo na naman ako. Katangahan pero naiiyak pa rin ako nung oras na yun. Akala ko ba busy sya? Pero ngayon at gumagala kasama ang mga kasamahan sa trabaho na animo’y hawak nila ang kanilang oras.
“Baby ko patingin naman ng butas ng puwit mo...”
Sambit ko sa kanya minsan sa isa sa bilang na pagpunta ko sa kanyang boarding house.
“Ano?!”
“Dali na...”
“Eeee.”
“Please?...”
“Ang kulit mo. Bakit ba?”
“Syempre tayo. Gusto ko makita yung pribadong parte mo...”
“Ano ba yan. Sira ka talaga.”
Nakahiga kami noon sa kama nya. Nakatingin sa kisame. Nasisilaw na ako sa ilaw kaya tumayo na rin ako.
“Dali.”
Matapos kong makatayo ay pumatong ako sa kanyang likuran. Nakadapa naman ito kaya hindi na rin sya tumanggi pa.
“Ha ha ha! Nakikiliti ako!”
Tumawa lamang ito ng tanggalin ko ang suot nyang short at brief upang makita ko sa unang pagkakataon ang parte ng katawan nyang iyon. Hinawakan ko ito na para bang nagmamasa lamang ng harina upang gawing tinapay.
“Aray!”
Sambit nya.
“Bakit mo kinagat?
Habang nakadapa ay nakita kong tumalikod sya upang makaharap sa akin. Ginawa nya ito ng mapansin nyang wala na akong ginagawa at biglang nanahimik.
“O’...bakit ka umiiyak?”
Ang kanyang sinambit ng makita nya ang aking mukha.
“Mahal na mahal kita...”
Hindi ko talaga maiwasang balikan ang nakaraan. Kaya ayoko ng walang pasok e’. Naiisip ko sya sa tuwing wala akong ginagawa...

Itutuloy...

Dalisay's Note:

Sa kagustuhan po ng author na si Jubal Leon Saltshaker, pinuputol ko po ang inyong pagbabasa ng maikling kwento na ito. Sa mga nakabasa na, maswerte kayo, sa mga inabutan na ang pagkakaputol nito, pasensiya na po. Mababasa nyo po ang karugtong ng istoryang ito sa nalalapit namin na Book Anthology. Kaya naman ang masasabi ko lang, ABANGAN... :)

Monday, August 27, 2012

3 Minahal ni Bestfriend : Memories part 5




             Kamusta sa lahat? ^_^

            Una po ay maraming salamat po sa lahat ng umaantabay at sumusuporta sa aking munting akda. Sa inyong lahat ay lubos po akong nagpapasalamat.

           Pangalawa po ay gusto ko pasalamatan ang Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay MIMI RAGE na syang gumawa ng cover, Kay Jojie, Zeke, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee, Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy, ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil, jae.jae, RGEEE, Jim of Pangasinan, xheanne, eric sioson, Cloyd, LEI, Moon Sung-Min, meloh, _june_, JD Javra, d^,^b camotes \m/hunk, nam, itsmethirdy, =jess=, Marcanthony, knight_in_shining_armor(hehehe), nam, Danielle, alejojohn, _unspoken_words_, akosijames, Nicholadia, Enrique, lloydie, LemLem, Jayar, Nico, Unknown, Aldrin, , _alelojohn, Dada Marcelo, cris bautista, Malachimark, -erickboi-, Yoshi, Karl rickson, online via ginno, Nikko Ramos, toffer lopez, Prince Pao, ALex, ja, kris, ramzter, Jm_virgin2009, Marlone, edrich of cebu, Archivald, russ, Mars, foxriver, Burj of Abu Dhabi, maybe, pd, mykel22, ampugeh, mark5337, ALDRIN, Al, brenthotz18, toffer lopez, Prince Pao, MarcAnthony, - marcus -, Nikko Ramos, Rands of QC, harry, alex, .paisano, jay.19.bi, Pancookie, cris bautista, Bri, Alexis Gacayan, Paolo Escaba, tj, nikk, eric sioson, -rom-, shingha, Mr.handsome, Mac, nivz, MP of Pasig, ilyrars, erik, .lordsun pogie, Enzo12, Tnito Schrugs, aeigh27 of binan laguna, cris bautista, JC SHIN, marlboro, monty, cazlhers@yahoo.com, fixboy, jay Tagaro, kris, Keanu Reeves, Marky, -rom-, foxriver, diumar, P.Y.S.H, edrich of cebu, bon-bon, Gerald, dhenxo (UTOL!!), kira, Uri_KiDo, Arnold Lachica, iamfree, chadie, IgnorantengFrog, ericka, em_bie24, , arvin of Taiwan, nikk, A L P O, rain, shingha, pein_kyoya, Gian, Enzo12, MIMI RAGE, Brent Angelo, Lawfer, Levin, Ramm, razhly, luilao, kajiki_anton, Jerwin Caraang, slushe.love, Jamespott, pein_kyoya, monja, paul ni joseph ponce, iamdarkdreamer, trutsofme, 12334, Paopi Lopez, dyasper dyokson, Rj, Bequillo, jhexter vhon, Redrockerz, Jamespott, cheryllee, Kimpoy Feliciano, Yrec, Karl Ricson, kierlynez, jon888, archerangel, Cholo Sevilla, ramzter, cy, ian of k.s.a, krisluv, dro, allen mark, manuel, franklin alviola, sora cesar aloner, justine of QATAR, cap, vash18, ramy from qatar, hot_andrew_21, derek ramsey, Jm Fab, ARSTEVE, edward_cavite, g, jhayc, jaycee mejica, kiero143, MorLuck, Tagadxb, Charo Santos, Choy Sevilla, Chris Evans, PauuulFabian, Pao, Ayen, Lee, Toffer(charmedboy09), anita baker, -kiss-, lm_rix, jhay ar tabz, Saykz, at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :) At syempre po sa mga friends natin sa fb.

          Pwede nyo po pala ako macontacts sa mga sumusunod. Favor na rin pala. Hehehehe ^_^

           Fb Add- http://www.facebook.com/kenji.bem.oya
            Fb Fanpage Like - http://www.facebook.com/minahalnibestfriend
           Blogsite - darkkenstories.blogspot.com


         COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED


Wednesday, August 22, 2012

3 Minahal ni Bestfriend : Memories part 4 (SPECIAL)





             Kamusta po sa inyong lahat? ^_^

             Una po sa lahat, ay nagpapasalamat ako sa lahat lahat pa rin ng taong sumusuporta sa aking munting akda. Kungdi rin dahil sa inyo ay di ako magkakaganang isulat ito.. Kaya muli, maraming salamat po :)

             Pangalawa, ay gusto ko po muli pasalamatan ang Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay MIMI RAGE na syang gumawa ng cover, Kay Zeke, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee, Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy, ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil, jae.jae, RGEEE, Jim of Pangasinan, xheanne, eric sioson, Cloyd, LEI, Moon Sung-Min, meloh, _june_, JD Javra, d^,^b camotes \m/hunk, nam, itsmethirdy, =jess=, Marcanthony, knight_in_shining_armor(hehehe), nam, Danielle, alejojohn, _unspoken_words_, akosijames, Nicholadia, Enrique, lloydie, LemLem, Jayar, Nico, Unknown, Aldrin, , _alelojohn, Dada Marcelo, cris bautista, Malachimark, -erickboi-, Yoshi, Karl rickson, online via ginno, Nikko Ramos, toffer lopez, Prince Pao, ALex, ja, kris, ramzter, Jm_virgin2009, Marlone, edrich of cebu, Archivald, russ, Mars, foxriver, Burj of Abu Dhabi, maybe, pd, mykel22, ampugeh, mark5337, ALDRIN, Al, brenthotz18, toffer lopez, Prince Pao, MarcAnthony, - marcus -, Nikko Ramos, Rands of QC, harry, alex, .paisano, jay.19.bi, Pancookie, cris bautista, Bri, Alexis Gacayan, Paolo Escaba, tj, nikk, eric sioson, -rom-, shingha, Mr.handsome, Mac, nivz, MP of Pasig, ilyrars, erik, .lordsun pogie, Enzo12, Tnito Schrugs, aeigh27 of binan laguna, cris bautista, JC SHIN, marlboro, monty, cazlhers@yahoo.com, fixboy, jay Tagaro, kris, Keanu Reeves, Marky, -rom-, foxriver, diumar, P.Y.S.H, edrich of cebu, bon-bon, Gerald, dhenxo (UTOL!!), kira, Uri_KiDo, Arnold Lachica, iamfree, chadie, IgnorantengFrog, ericka, em_bie24, , arvin of Taiwan, nikk, A L P O, rain, shingha, pein_kyoya, Gian, Enzo12, MIMI RAGE, Brent Angelo, Lawfer, Levin, Ramm, razhly, luilao, kajiki_anton, Jerwin Caraang, slushe.love, Jamespott, pein_kyoya, monja, paul ni joseph ponce, iamdarkdreamer, trutsofme, 12334, Paopi Lopez, dyasper dyokson, Rj, Bequillo, jhexter vhon, Redrockerz, Jamespott, cheryllee, Kimpoy Feliciano, Yrec, Karl Ricson, kierlynez, jon888, archerangel, Cholo Sevilla, ramzter, cy, ian of k.s.a, krisluv, dro, allen mark, manuel, franklin alviola, sora cesar aloner, justine of QATAR, cap, vash18, ramy from qatar, hot_andrew_21, derek ramsey, Jm Fab, ARSTEVE, edward_cavite, g, jhayc, jaycee mejica, kiero143, MorLuck, Tagadxb, Charo Santos, at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :) At syempre po sa mga friends natin sa fb.

             Pangatlo, ay magiging seriuos po muna ako. Gusto ko pasalamatan si A L P O for his post. Natouch ako sa artwork na ginawa nya :) Kaya A L P O, maraming salamat po. And wag mo lang intindihin ang mga taong mapanira. Just keep on writing, you have my support :) Anyway po, can you email me? May aask lang po ako. -dizzy18ocho@yahoo.com

            Guys, let's talk!! ^_^

            Fb Add- http://www.facebook.com/kenji.bem.oya
            Fb Fanpage Like - http://www.facebook.com/minahalnibestfriend
           Blogsite - darkkenstories.blogspot.com

             Ok, eto na po ang story!! ^_^

             COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED.


The One Who Could Not be Taken - Chapter 10

Photobucket

I did it! Haha... Finally, malapit ng matapos ang nobelang ito na napakatagal ng inabot na panahon para mabuo. :P

Sa lahat ng mga sumusubaybay na katulad nila Chii-Choi, Erwin, Kapatid at Hardhat. Maraming Salamat. Pati na sa 70+ viewers ng Chapter 9. Patunay lang na marami-rami ang hindi nakakalimot sa akin. That made my day. 

Here's the next chapter. Enjoy reading.

P.S. I dedicate this to Rovi. Yu'll find yourself dear. Promise. 

Chapter 10

Galit na galit na nilisan ni Dalisay ang kasiyahan. Ni hindi na niya nakuhang magpalam ng maayos kay Mikey at sa iba pang naroroon. Nagpupuyos ang kalooban niya sa nakakairitang ending ng halikan nila ni Gabriel. Akala niya kanina ay may magandang patutunguhan ang tagpong iyon. Hindi kasi niya akalaing magugustuhan niya ng husto ang halik nito.

Ang arte mo na 'teh.



Napailing-iling siya. Kinokontra na naman siya ng malanding bahagi ng isip niya.


Oo na. Maarte na kung maarte. Pero tama bang siya pa ang pag-isipin nito kung ano ang kahulugan ng mainit na tagpong iyon?

Bilang "mananakop" ng kanyang hindi masyadong eksperyensyadong mga labi. Hindi ba at ito ang dapat na sumagot sa tanong niya? Bakit ipinapasa nito sa kanya ang responsibilidad na pakahulugan iyon?

'Teh, it was nothing but a kiss. No harm done. Dapat bang bigyan kaagad ng kahulugan ang bagay na iyon?



Napasimangot siya sa sinabi ng isang bahagi ng isip niya.


Binilisan niya ang lakad patungo sa elevator.

Iyon na nga ba ang sinasabi niya. Kaya nga ayaw niyang may umaaligid na lalaki sa buhay niya dahil iyon ang problema. Hindi niya hinahanap ang kanyang Prince Charming, but it doesn't mean na ang unang lalaking magpapakita ng interes sa kanya ay susunggaban na niya kaagad.

Not even if it's the hunky Kirby Gabriel Fadriquella?



"Yes," mahinang anas niya sa pagitan ng frustration at confusion na nararamdaman ng mga sandaling iyon.


Echozera!



"No!" Napapalakas niyang sabi.


Ikaw na yan.



Napabuga siya. Kahit kailan talaga, kontrabida ang isang bahagi ng isip niya sa mga desisyon niya. Kung may nakakarinig lang sa kanya sa mga oras na iyon malamang ay pinagtatawanan na siya. With that in mind, ipinasya niyang lumingon and he got the shock of his life to see that there were two teen-age girls behind him, suppressing their smile.


"What are you smiling for?" Mataray niyang tanong.

Tinaasan naman siya ng kilay ng isang dalagita bago sinagot ang pagtataray niya.

"We are not smiling, Mister."

Marahan niyang hinarap ang mga ito saka muling nagsalita. "Oh really?" Putting his arms akimbo he continued. "If you think that I don't know what your smile is for, you have another think coming. Bakit? Ngayon lang ba kayo nakakita ng taong nagsasalita ng mag-isa? Hindi ba ninyo alam na pribilehiyo naming mga nagbabayad ng napakalaking tax ng gobyerno na kausapin ang sarili kapag may sandamakmak kaming mga problema? Alam niyo ba 'yun? Hindi. Kasi hindi pa kayo nagbabayad ng tax. Wala pa kayong mga silbi sa bayang ito. Kaya wag niyo akong lolokohin na hindi ako ang pinagtatawanan ninyo dahil ako lang naman ang mag-isang nagsasalita dito kanina pa!"

"That's enough!" Malakas na sabi ng isang tinig na nagpatigil sa kanyang pagbubusa.

It was Gabriel.

"Let's go. Mukhang nababaliw na talaga siya," anang isa sa mga dalagita na pinagagalitan niya.

Napahugot siya ng malalim na paghinga ng makilala ang nagmamay-ari ng boses na sumaway sa kanya. Nasa boiling point na talaga siya kanina pa at dumagdag na naman ang pasaway na lalaking ito. Nakita pa niya ng lampasan ito ng mga dalagitang kumakaripas ng takbo mula sa mga rantings niya.

"Kawawa naman iyong mga bata," bungad nito sa kanya.

Ipinasya niyang huwag itong tingnan.

"Kung galit ka sa akin, huwag kang mandamay ng mga inosente," patuloy pa nito.

Dedma pa rin siya sa sinasabi nito.

"You know, I didn't expect you to be like this."

Nanatili siyang kunwari ay walang naririnig kahit pa na-curious siya sa sasabihin nito.

"I thought you were intelligent enough to know that a simple kiss might mean nothing. Hindi ko akalain na kapag nahalikan ka pala, nagiging clingy ka na. It's just a kiss, you know," patuloy ni Gabriel.

Napataas ang kilay niya.

Clingy? Siya? No way, Hussein!

But he remained silent. Waiting for the damn elevator to open. Bakit ba parang dekada na ang nakalipas bago ito tuluyang makababa?

He heard Gabriel sigh.

"Okay. Kung talagang ayaw mo akong kausapin, then don't. I won't talk to you anymore. Hindi ko hahayaan na pagmukhain akong tanga ng isang tao dahil lang sa isang halik na alam ko namang nagustuhan rin niya. You're such a hypocrite, Dalisay. I'm beginning to dislike you."

The words hit home. Sasagot sana siya ng mag-ingay ang pesteng elevator.

Ting!



Napigil ang lahat ng sasabihi niya ng magsimulang lumabas ang mga taong sakay niyon. Tiningnan niya si Gabriel. Nakabalatay ang inis sa mga mukha nito ngunit halatang gwapo pa rin. Nagulat pa siya ng makitang nakasakay na ito sa elevator.


"Going up?"

Doon lang niya na-realize na kanina pa niya ito tinitingnan. And to make matters worst. He actually liked it. Masarap itong tingnan. Magaan sa pakiramdam.

"Aakyat ka ba?" Tanong ulit nito.

"Y-yes." Natataranta niyang sabi saka maliksing pumasok.

Nakakabingi ang katahimikan na namayani pagkasara ng pinto. Kapwa sila nagpapakiramdaman ni Gabriel. Dama niya ang tensyon sa paligid. Alam niya iyon sapagkat ilang beses na niyang naisulat ang mga ganoong tagpo sa mga nobela niya.

Dumako ang tingin niya sa mga pindutan ng elevator. Naka-ilaw ang floor kung saan naroroon ang silid niya. Napatingin siya rito.

"Kukunin ko lang ang mga gamit ko sa itaas. And by the way, nasa sasakyan ko si Eneru. Paki-kuha na lang dahil aalis na ako pagkakuha ko ng bag ko," animo ay mind reader na sabi nito.

Napangiti siya.

Napakunot-noo naman ito ng tingnan siya.

"What's funny?" Tanong ni Gabriel.

"Nothing," aniyang nagpipigil ng ngiti.

"You're weird. Don't you know that?"

"So I was told. And I don't care," nakangiti pa rin niyang sabi.

"You really are a work of art."

Napangiti siyang muli ng marinig ang sarcastic remark nito sa kanya.

"Thank you." Sagot pa niya.

"Stop mocking me, Dalisay. Or you'll be sorry." Mapanganib na ang tono ni Gabriel ngunit nakakapagtakang hindi siya natatakot.

"I want to push my luck, Gabriel. I know you won't hurt me," lakas-loob niyang sabi.

Napapikit lang ito ng mariin saka nagbuga ng malakas na hangin.

Napangiti ulit siya. Hanggang sa magbukas ang elevator sa floor nila ay nakangiti pa rin siya. Ewan niya kung bakit ngunit may isang bagay ang pilit na naghahari sa kalooban niya. And he liked it. Call him crazy but he was actually starting to like Gabriel.

Kaya siya kanina biglang napangiti.

He liked it when he was angry because he looked so damn cute. He liked it when he was confused because he was so adorable. He like his eyes. His nose. His lips. At lahat ng realization na iyan ay ngayon lang bumubuhos lahat! To think na nakipaghalikan na siya dito. Not just once, but twice!

Pagdating sa pintuan ng kanyang silid ay tinipon niya ang lahat ng lakas ng loob na mayroon siya at hinarap ito.

"I like you, Gabriel."

Tila itinulos naman ito sa kinatatayuan sa narinig.

"I like you. I really do."

Still no response from Gabriel. His face devoid of any emotion.

"But I don't think that we should continue what we are doing right now. Even if we both like each other, it is not enough for us to be bonded. I think we should go on our separate ways," pagpapatuloy niya.

Doon tutluyang nagdilim ang paningin ni Gabriel at mabilis na hinaklit ang braso niya.

"Are you making fun of me? Ang galing mo ring magpaikot 'no? Anong tingin mo sa akin? Bata?" Galit na galit na sabi nito.

"Hear me out first," kalmado niyang sabi. Kahit pa napakamapanganib na ang hitsura ni Gabriel ay hindi siya nakakadama ng takot. Masakit ang bahagi ng braso niya na hawak nito ngunit nanatiling kalmante ang pakiramdam niya.

"Kung maghihiwalay tayo ng landas ngayon at magpapanggap na mga estranghero sa isa't-isa sa muli nating pagkikita, I think, and I'm sure, we have a better chance on working our situation out."

Natigilan ito.

"Ang hirap kasi ng ganito, Gabriel. We both like each other but we started out in a wrong foot. Mananatiling nakatatak iyon sa isip ko dahil iyon na ang impression ko sa'yo. Manloloko. At ako naman ang ipokrito ayon sa bokabularyo mo. So I thought na mas magandang maghiwalay tayo ng landas ngayon, then, if by chance, magkita tayo ulit. Let's treat each other like strangers and start anew." Mahabang paliwanag niya.

Unti-unti ay lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanyang braso. Nakahinga naman siya ng maluwag. Kanina pa pala siya nagpipigil ng paghinga, hindi lang niya nahalata.

"So magpapa-alam tayo sa isa't-isa then bahala na kung anong mangyayari kapag nagkita tayong muli. Ganoon ba?" Finally ay nagsalita ito.

Tumango siya.

"Paano kung sadyain kong magkita tayo ulit?" tanong ni Gabriel.

Kinilig siya ngunit hindi nagpahalata.

"That won't count. Siguraduhin mo lang na di ko malalamang sinadya mo," malandi niyang sabi.

"I will make sure you won't." sagot nito sabay kindat.

His heart made a triple somersault.

"Get your bag now. Bago pa magbago ang isip ko, Mr. Fadriquella."

Natatawang kinuha nito ang susi mula sa kanya saka binuksan ang pinto. Pagkakuha ng bag ay sinamahan niya ito as parking area para kunin si Eneru at papasukin sa sariling sasakyan.

He waved goodbye to the man who easily captured his heart.

Lahat ng standard na isi-net niya at ginawang panuntunan ay itinapon na niya sa hangin. He was now willing to take a risk. Bahala na ang tadhana. Bahala na si Batman. I-e-enjoy niya lang muna kung ano man ang kahihinatnan ng mga bagay-bagay na mangyayari sa paligid niya. Sa pagitan nila ni Gabriel. At sa hinaharap.


Itutuloy...


DISCLAIMER: All the characters in this story have no existence whatsoever outside the imagination of the author, or have no relation to anyone having the same name or names. They are just distantly inspired by any individual known to the author, and all the incidents are merely invention.

Tuesday, August 21, 2012

ATTENTION READERS!!!

CALLING THE ATTENTION OF MY FANS (KUNG MERON MAN) OUT THERE!!! :P

Ang inyong lingkod ay naimbitahan na maging isa sa mga mapapalad na manunulat para sa isang book anthology. Ito ay pagsasama-samahan ng mga manunulat na naging magkaibigan na rin naman. Ang akin pong entry ay may titulong IRREVERSIBLE na isang suspense-erotica. Nasa pagpapatuloy ng post na ito ang mensahe ng aking kaibigang si Michael Juha at sana... kung hindi niyo mamasamain. Sana'y suportahan niyo po kami.

Maraming Salamat,


Dalisay

*****

PANAWAGAN SA MGA GUSTONG MAG-SPONSOR SA AMING PROJECT: MSOB BOOK ANTHOLOGY:

Kauna-unahang book anthology poject po ito ng MSOB at para po sa mga mga supporters, fans and followers na nagnanais makatulong sa ating minamahal na mga amateur writers upang magkaroon sila ng book upang mas maengganyo pa silang magsulat, nais ko pong manawagan para sa inyong donation or sposnsorship sa para sa pagpublis
h po namin sa aming nasabing Book Anthology. Kahit magkaanong halaga ay taos-puso naming tatanggapin. Ang aming target na bubuuin ay ang halagang Php 30,000 po para sa publication and printing.

Ang aming treasurer po ay sina Rovi at Dalisay.

I-acknowledge po namin ang inyong tulong sa pamamagitan ng paglagay ng inyong pangalan (or pseudonyms) sa libro at bibigyan din po namin kayo ng libreng book/s na may signature ng lahat ng mga authors.

Mga authors na kasali:
1) Mikejuha,
2) Dalisay
3) Rovi
4) Patrice (Jubal Leon Saltshaker)
5) Lui
6) Dhenxo
7) Kenji
8) Benedict
9) Gab
10) Guest Writer


Illustrators:
1) Justyn Shawn
2) Patrice
3) Marlon
4) Erwin
5) Jake

Targets:

Aug 23: Editing/proofreading, illustrators’ drawings
Sep 20: Final editing proofreading of manuscripts by individual writers
Oct 18: Submission of final manuscript to publisher
Oct 25: Proofreading of blueprint by writers
Oct 30: Return to publisher to proceed final printing
Nov 7-14: Release of book

Para po sa mga nais magdonate, please contact Mikejuha through this email: getmybox@hotmail.com

Maraming salamat po!

-Mikejuha and MSOB Anthology Writers-

Saturday, August 18, 2012

3 Minahal ni Bestfriend : Memories part 3




             Kamusta po sa lahat? ^_^ Namis ko kayo!! ^_^

             Una, gusto ko pong pasalamatan kayong lahat lahat sa patuloy nyong pagsuporta sa aking munting obra. Kahit madalas ay late ang pagpopost ko. Maraming maraming salamat po.

              Pangalawa, ay gusto ko po pasalamatan ang Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay MIMI RAGE na syang gumawa ng cover, Kay Zeke, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee, Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy, ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil, jae.jae, RGEEE, Jim of Pangasinan, xheanne, eric sioson, Cloyd, LEI, Moon Sung-Min, meloh, _june_, JD Javra, d^,^b camotes \m/hunk, nam, itsmethirdy, =jess=, Marcanthony, knight_in_shining_armor(hehehe), nam, Danielle, alejojohn, _unspoken_words_, akosijames, Nicholadia, Enrique, lloydie, LemLem, Jayar, Nico, Unknown, Aldrin, , _alelojohn, Dada Marcelo, cris bautista, Malachimark, -erickboi-, Yoshi, Karl rickson, online via ginno, Nikko Ramos, toffer lopez, Prince Pao, ALex, ja, kris, ramzter, Jm_virgin2009, Marlone, edrich of cebu, Archivald, russ, Mars, foxriver, Burj of Abu Dhabi, maybe, pd, mykel22, ampugeh, mark5337, ALDRIN, Al, brenthotz18, toffer lopez, Prince Pao, MarcAnthony, - marcus -, Nikko Ramos, Rands of QC, harry, alex, .paisano, jay.19.bi, Pancookie, cris bautista, Bri, Alexis Gacayan, Paolo Escaba, tj, nikk, eric sioson, -rom-, shingha, Mr.handsome, Mac, nivz, MP of Pasig, ilyrars, erik, .lordsun pogie, Enzo12, Tnito Schrugs, aeigh27 of binan laguna, cris bautista, JC SHIN, marlboro, monty, cazlhers@yahoo.com, fixboy, jay Tagaro, kris, Keanu Reeves, Marky, -rom-, foxriver, diumar, P.Y.S.H, edrich of cebu, bon-bon, Gerald, dhenxo (UTOL!!), kira, Uri_KiDo, Arnold Lachica, iamfree, chadie, IgnorantengFrog, ericka, em_bie24, , arvin of Taiwan, nikk, A L P O, rain, shingha, pein_kyoya, Gian, Enzo12, MIMI RAGE, Brent Angelo, Lawfer, Levin, Ramm, razhly, luilao, kajiki_anton, Jerwin Caraang, slushe.love, Jamespott, pein_kyoya, monja, paul ni joseph ponce, iamdarkdreamer, trutsofme, 12334, Paopi Lopez, dyasper dyokson, Rj, Bequillo, jhexter vhon, Redrockerz, Jamespott, cheryllee, Kimpoy Feliciano, Yrec, Karl Ricson, kierlynez, jon888, archerangel, Cholo Sevilla, ramzter, cy, ian of k.s.a, krisluv, dro, allen mark, manuel, franklin alviola, sora cesar aloner, justine of QATAR, cap, vash18, ramy from qatar, hot_andrew_21, derek ramsey, Jm Fab, ARSTEVE, edward_cavite, g, jhayc, jaycee mejica, kiero143, MorLuck, Tagadxb, Charo Santos, at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :) At syempre po sa mga friends natin sa fb.

            Last, ay gusto ko lang po humingi ng kaunting pabor. Please...? ^_^

            FB Add: http://www.facebook.com/kenji.bem.oya -PAKIUSAP lang po iwan kau ng message pag add nyo po.

            FB fanpage like: http://www.facebook.com/minahalnibestfriend

            Twitter Follow: https://twitter.com/dark_ken_MNB

            Blog follow: darkkenstories.blogspot.com

            Ayan!! Pasensya na po ha. Andami kong request. Pero sana pagbigyan nyo ako ^_^

            COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED.




Wednesday, August 15, 2012

The One Who Could Not Be Taken- Chapter 9

Photobucket



SOOOOBRANG TAGAL NG UPDATE KO! :P
Sa mga naghintay ng kasunod nito. I want you to know that I lost inspiration in writing nitong mga nakaraan araw katulad ng sinabi ko sa year-end message ko. But hey! Now I'm back and I do hope that tuloy-tuloy na ito.

This is for all the people who waited, loved and cherished this novel. Thank you all.










Chapter 9

Malakas ang tawanan sa parteng iyon ng Clubhouse. 

Magarbo ang pagkaka-set ng buffet at mayroon ding iba't-ibang klase ng alak ang makikita sa isang lamesa na isini-serve ng mga unipormadong waiters. Inilibot niya ang mga mata sa paligid upang hanapin ang partikular na taong nagpapa-tuliro ngayon sa isip niya.

And he saw him.

Looking so sweet yet witty in his simple shorts and t-shirt. Napaka-plain kung tutuusin ng hitsura ngunit hindi maipagkakailang that this man is more than what meets the eye.

He sighed.

Wala siyang makapang lakas ng loob para lapitan ito sa ngayon. Parang nakukuntento na lang siya na panoorin ang pakikipagtawanan nito sa mga kaibigan. Hinuha niya, mga manunulat rin ang mga ito. They all share the same aura.

Sweet but witty.

Unconventional na combination yet so obvious with the way they moved and talked. Halatang hindi paloloko ang mga ito sa mga katulad niyang itinuturing na alam na ang lahat.

Lalakad na sana paalis si Gabriel sa lugar na iyon ng may tumawag ng kanyang pansin.

"Gabriel?"

Nilingon niya ang may-ari ng boses. It was Mikey.

"Saan ka nanggaling? Kanina ka pa namin hinahanap kay Dalisay but he said that you were sleeping. Come on. Join us." Anito sabay hatak sa kanyang braso. Ni hindi na siya nakapagsalita sa bilis ng pangyayari.

"Guys... Here come's loverboy. Siya yung sinasabi ko sa inyo na boyfriend ni Miss D," pagpapakilala sa kanya ni Mikey sa grupo.

He was welcomed with "ahh's and ohh's" but he ignored them. Nakatuon lamang ang pansin niya sa iisang tao. Kay Dalisay na nakamatyag lang din sa kanya. Giving him an intense look. A look that he knew so well sa loob lamang ng maiklig panahon na nakasama niya ito. He was shouting from his eyes the words "Play this game that you started, you freak!"

And so he smiled. And greeted everyone in front of him.

"Hi guys! I'm Gabriel." Aniyang inilahad ang kamay sa unang tao sa harap niya.

"His name's Dhenxo." Came from the sweetest voice he's ever heard. Napalingon siya rito. Tinaasan naman siya nito ng kilay. Pasimple nga lang.

"Nakakatakot ka naman Mama," said Dhenxo then shook hands with him.

"Oo nga. Makapagbigay ng reprimanding look sa jowa eh ganun na lang," anang isa naman.

"Hi, I'm Rovi." sabi ng huling nagsalita.

"Hi." Gabriel replied with a grin. Dinededma ang naiinis na tingin ni Dalisay.

"That's MM, Puti, and Ford," pagpapatuloy pa ni Rovi.

"It was nice knowing you guys." Taos-pusong sabi ni Gabriel. Which left him wondering. Why? Bakit ang gaan ng pakiramdam niya ngayong nakilala niya ang mga tao na nakapaligid kay Dalisay.

"Likewise, Gabriel." said Mikey na may iniabot sa kanya.

"Toast tayo. Para sa MSOB at sa ating lahat." anito na ikinatuwa ng lahat.

Pagkatapos ng toast ay nilapitan niya ang nagsusungit-sungitan na si Dalisay. Nagulat siya sa naramdaman habang papalapit dito. It was getting intense as he step further. Then, finally, he was a foot closer to him. Nakipagtitiga lang siya dito. He tried to stay and look calm as much as he could muster.

"Hi." Gabriel said with a smile.

The proud chin of this sinfully talented man raised a notch higher. Giving him access to the brown of his eyes. It was blank. Then all of a sudden, it glinted like a star came across his eyesight.

"Hi yourself, handsome." sagot nito.

Para siyang tinadyakan ng kabayo sa dibdib ng ngumiti ito sa kanya.

Hush dude! Have some shame.

Huminga muna siya ng malalim bago muling nagsalita.

"Galit ka pa ba?" he said with uncertainty.

Umiling ito. "No."

"Peace na tayo?"

"Yes."

"Sure ka?" may pag-aalinlangan pa rin niyang sabi.

"Gabriel, I'm not mad. I'm just a little shocked."

Natigilan siya sa sagot ni Dalisay. Kung direktor lang siya ng pelikula, bibilihin niya ang arte nito ngayon. Mukha nga itong na-shock sa hitsura nito.

"Sorry kung nabigla kita." aniya ng makaapuhap ng sasabihin.

"It's okay. Baka akalain mo naman napaka-prude ko." Dalisay smiled shyly.

He was rendered speechless once again. Ano ba itong pinapalabas nito ngayon. Shy and coy? Hindi ba ito mauubusan ng gimik? Then he realized, they were actually there for a show!

He left out a sigh.

"Okay. Let's talk." sabi niya rito.

Dalisay suddenly got confused. "But we are talking now."

"I mean... let's go somewhere quiet."

"Ahh... okay." Hesitant nitong sambit.

Hahawakan na sana niya sa kamay si Dalisay ng magsalita ang isa sa kasamahan nila. Come to think of it. He was actually oblivious of the people they are with. Anong nangyayari sa kanya?

"Hep, hep! Bailing out already? Maaga pa para maglaho kayong dalawa. Halos kararating lang ninyo pareho."

It was Rovi.

"We're just going to talk, anak. We'll be back soon." Sagot rito ni Dalisay.

"Go. Talk. Ayusin niyo kung anumang problema mayroon kayo. Hindi iyong nagpapanggap kayong okay sa harp namin." said Rovi na ikinagulat niya.

Natawa lang si Dalisay sa isinagot nito. "Later, 'nak."

Naglakad sila palayo sa mga ito. Nang makarating sila sa bahaging hindi inaabot ng maingay na musika at sapat na para magkarinigan sila ay nagsalita siya.

"Did you say something to them?"

Dalisay looked at him straight in the eye.

"I did not."

"Eh bakit parang may alam si Rovi tungkol sa totoong sitwasyon natin?"

Napabungtong-hininga si Dalisay saka parang frustrated na nagsalita.

"First of all, walang "natin" Gabriel. Mabilis lang makadama ang isang iyon kung may problema sa paligid. Partikular na sa akin. Expect him to do that kapag nagkakilala kayo ng personal. Second, isn't it about time to unveil our masks. Napapagod na ako sa pagpapanggap at pagtatakip sa totoong meron sa pagitan natin. Kapag nalaman nila ang totoo, sino sa tingin mo ang mapapahiya ng husto? Ikaw ba? You don't know them personally at kahit na maiintindihan pa nila ako ay tatatak pa rin sa kanila ito. They're not a bunch of idiots and shallow persons but I have my pride to save in the first place. And lastly..."

"Stop. Just stop." pigil niya sa mga sasabihin pa nito.

Dalisay's mouth formed an "O", probably to say something but decided not to.

"Let me talk, okay?" medyo desperado na niyang sabi.

Nang hindi ito magsalita ay nagpatuloy siya.

"Hindi ko intensiyon na pahabain pa ang sinasabi mong pagpapanggap or pahiyain ka kung sakali sa mga kaibigan mo. But come to think of it. Ikaw pa ang nagpapalawig ng kung anuma ang totoong meron sa ating dalawa. Ikaw ang nagpapakumplikado ng lahat."

Magsasalita sana ito ng awatin niya ulit. "Hindi pa ako tapos. Hindi ba at pwede mo namang sabihin sa kanila na isa lang akong pesteng lalaki na nagpanggap na reporter na nabuko mo at nakagat pa ng aso mo para lang makalapit sa'yo? Simple lang naman yun diba? At totoo naman. So bakit hindi mo ginawa? Kasi..."

"Kasi ano?" naiinis na sabi ni Dalisay.

"You started to care for me already. At hindi mo maitatanggi yun." Kumpiyansang sabi ni Gabriel.

Napanganga lang si Dalisay sa sinabi niya. And he took advantage of it.

He lowered his head fast and claimed Dalisay's lips. Akala niya ay papalag ito but to his delight he was welcomed by his mouth with equal desire and hunger na kanina pa niya nararamdaman.

He savored the kiss. It was sweet. Like lemonade. And the feeling that he was feeling right now is so good. As if a swift yet soft wind was carrying him into the depths of the world. Wala siyang magawa kundi saluhin ang batok nito at palalimin pa ang halik na pinagsasaluhan.

It was like an eternity when the kiss ended. Pareho pa silang pinangangapusan ng hininga ng matapos sila. He looked into Dalisay's eyes and found out that his own emotions were reflected into his lovely eyes.

"That was... that was..." anitong hindi makaapuhap ng sasabihin.

"Good?" Nngingiting sabi ni Gabriel.

"No..." Lito nitong sabi.

Nangunot ang noo niya. Mukhang sisirain pa nito ang magandang pangyayari sa pagitan nila kani-kanina lang.

"That was... perfect." Kagat-labi pa nitong sabi.

His laughter echoed the place. Nakarinig rin siya ng palakpakan mula sa di kalayuan. It was Dalisay's friend. Napuno ng pagmamalaki ang puso niya. Ibig sabihin lang niyon, nakamit na rin niya ang planetang hindi pa nadidiskubre ng mga dalubhasa. Ang taong hindi pwedeng makamit nino man according to Charlie is now close to being his. He felt triumphant at the moment.

"You creep. Tuwang-tuwa ka siguro ngayon?" namumulang sabi ni Dalisay.

"Yes. Sobra. Hindi ko maipaliwanag." Tapat niyang sabi.

"So? Anong ibig sabihin ng kiss na iyon?" Dalisay asked.

A glow sparked in his eyes. Finally, ang mga knowing questions na naririnig niya sa ibang nakarelasyon na niya ay naririnig na niya ngayon kay Dalisay.

"Depende sa'yo. Ano bang pakahulugan mo sa halik na iyon?" sabi niya. It was a guided question. To lure Dalisay out of his comfort zone and make him an ordinary Joe looking for a relationship.

"Nothing."

Shock was evident on his face when he heard him answer.

"W-what? You can't be serious?"

He looked at him mockingly. "Try me?"

He was again speechless at parang itinulos sa kinatatayuan ng marinig ang sumunod nitong sinabi.

"I don't kiss anyone just for the heck of it, Mr. Fadriquella. Given na yung pagiging magaling mo humalik, ngunit yung ibigay mo pa sa akin ang responsibilidad na pakahulugan ang halik na pinagsaluhan natin kanina ay ibang punto na. Ikaw ang nanghalik kaya ikaw ang magbigay ng kahulugan doon. I don't play with people's minds. I say what I want to say and for me that kiss is nothing since you yourself cannot tell me what exactly that kiss meant to you."

Iyon lang at binirahan na siya nito ng alis. Naiwan siyang nakatulala at tuliro all at the same time.

Itutuloy...




DISCLAIMER: All the characters in this story have no existence whatsoever outside the imagination of the author, or have no relation to anyone having the same name or names. They are just distantly inspired by any individual known to the author, and all the incidents are merely invention.