Friday, August 19, 2011

Musmos - Prologue


by: Jeffrey Paloma
email: jeffrey.paloma@gmail.com

Prologue

Si Jeremy Alvarez ay may kaibigang matalik na tinuring siyang nakababatang kapatid na lalake na nagngangalang Dexter Chua ngunit kahit minsan ay hindi pa niya ito nakikita. Matagal niyang inasam ang pagkakataong sila'y magkita ngunit nanatiling hanggang sa pagiging textmates lang ang kanilang pagkakaibigan at kapatirang turingan.

Sa kanyang pagnanasang makilalang personal ang kanyang misteryosong kaibigan ay kinailangan niya rin pagdaanan ang lahat ng hirap ng buhay at ang katotohanan sa kanyang sarili na hindi niya unang akalain.

Tunghayan kung ano ang pagdaraanan ng isang adik sa paglalaro ng computer at kung paano niya tatanggapin ang mga bagay sa kanyang buhay.

MyFreeCopyright.com Registered & Protected









1 comment:

Erwin F. said...

Musmos just invaded Ms. Dalisay's blog!

isa sa mga favorite na story ko.

^_^