This chapter is dedicated to my friend from Qatar. Erwin Tapalla, ingat ka dya kapatid. Huwag masyadong manlalaki. Baka maubos ang salapi at wala na namang maiuwi.
Of course ang inyong lingkod ay naturete naman at tinamad magsulat. Ang lamig ng paligid at nakakatamad gumalaw.
Salamat sa sumusubaybay sa kwentong ito. Wala nga lang masyadong ka-elyahan dito mga kababayan pero ito ang chapter na nagpadugo sa utak ko. Andito ang ilang rebelasyong tiyak kong ikagugulat ninyo.
To zach, salamat pa rin sa iyo.
Enjoy reading guys...
NP: Far Away
________________________________________________________________________________
Ninais magwala ni Pancho pagkatapos ng eksenang iyon sa pagitan nilang dalawa ni Gboi sa likod-bahay. Hindi siya makapaniwalang naapektuhan siya sa ginawa niyang paghalik dito. Walang-wala iyon sa hinagap niya na maaari siyang makaramdam ng atraksiyon sa paglalapat ng kanilang mga labi.
He could still taste his lips. Naaalala pa rin niya ang pakiramdam ng pagkakahugpong na iyon ng kanilang mga dila. It was divine! Divine?! What in the world was that? Anong nangyayari sa kanya?
Hindi kaya siya ang nababakla sa kanilang dalawa ni Gboi. Sigurado siyang lalaki siya. Hindi na rin mabilang ang naikama niyang babae. At lahat ng iyon ay siniguro niyang masasatisfy sa kanilang mga pagtatalik. So ano itong nangyayaring kakaiba sa kanyang damdamin? Isa itong malaking kalokohan!
Kalokohan nga ba? Kung ganoon nga, why in the world would he thought about Gboi's lips as sweetest and the softest pairs he ever tasted. There's nothing soft and sweet with the man in the first place dahil hindi mo aakalaing may nadarama itong atraksiyon sa kapwa lalaki. Nagawa na niyang pumatol sa mga katulad nito ng dahil lamang sa tawag ng pangangailangan at kuryosidad.
Hindi siya kailanman nagkaroon ng damdamin na ganoon kasidhi sa kapwa niya anak ni Adan kahit gaano pa kagaling ang mga ito na magpaligaya sa kanya. All of his male to male sexual encounters are for his benefit.
Hindi pa kagandahan ang buhay nila noon dahil hindi pa siya nakokontak ng kanyang ama. Nang magpangyaring nakita na siya ng ama na nasa Japan ay itinigil na rin niya ang pagpatol sa kapwa lalaki. There's no need for that anymore.
So what's with the erection? He could not believe how hard he was while kissing Gboi. He actually made him aware of that. Nagamit pa tuloy nito ang nalaman sa kanya. Mabuti na lang at napigilan niya ang sarili. Kung hindi, malamang na kung saan sila humantong. Mabuti na rin siguro ang ganoon.
Tinungo niya ang hardin kung saan nagaganap ang kasiyahan. All of the people there are the richest of the society. Kahit pa ilagay niya ang posisyon na dapat ay naroon din siya at nakikihalubilo sa mga ito, ay hindi niya magawa. Not that he is not allowed to do so, he could just not bring himself to.
Masyado kasi siyang nabababawan sa takbo ng usapan na naririnig niys sa madalas na pagpunta niya sa mga ganoong pagtitipon noon. Sinubukan naman niya na makihalubilo sa mga mayayaman. May kaya na rin naman siya kung tutuusin. Hindi nga lang talaga siya uubra sa mga ito dahil napakababaw ng kagustuhan ng mga may-kayang tao.
He let out a deep sigh. Hinamig niya ang sarili. Tigib pa rin ng pagnanasa ang ibabang bahagi ng kanyang katawan. Ipinuwesto niya ang jacket na dala sa harapan para takpan ang eskandalosong bukol sa harap niya. Kumuha siya ng alak na isine-serve ng mga arkiladong waiter na lumilibot. He needed that to calm his nerves.
Napansin ni Pancho ang amo niyang si Elric. Ito ang dahilan kung bakit siya naroroon ngayon. Kailangan niyang mag-isip ngayon ng paraan kung paano ito higit na magagantihan.
Minsan gusto na lang niyang hamunin ito ng suntukan at lamugin ang katawan nito sa bugbog. Ngunit talo siya doon. Kahit anong gulpi niya rito ay walang binatbat iyon sa ginawa nito kay Ara. The pig needs to feel the pain of losing something.
Inayos niya ang pagkakatayo. Nag-isip siyang mabuti. Pinag-aralan ang sitwasyon. Ngayong si Gboi na ang presidente ng kumpanya ay lalong nawalan ng tsansa ang pabagsakin niya si Elric.
Ngunit naisip rin niyang kung sakaling hindi na bumalik si Gboi at ang huli ang naging presidente, it would take time bago niya masakatuparan ang plano laban dito. At mukhang hindi iyon sapat para sa kanya. Kahit na alam na alam niyang matagal ng minimithi nito ang pamahalaan ang kumpanya ng amain.
Nakita niyang lumapit si Elric kay Katrina. Isang napaka-gandang babae. Kung ito lang ang pakakasalan ng una ay gagawin niya ang lahat para maagaw ang babaeng ito ng mapagbayaran na ng hayup na si Elric ang kawalanghiyaan nito. Tumatawang hinampas pa ni Katrina sa dibdib ang kapatid ng mapapangasawa. Itinaas nito ang kamay at ipinakita ang diamond ring na inilagay doon ni Gboi kani-kanina lang.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan, lumapit siya ng kaunti sa dalawang nag-uusap. Itinago niyang bahagya ang sarili sa mga ito sa pamamagitan ng pagtayo sa halamanan sa likod ng mga ito. Keeping a tolerable distance enough for him to eavesdrop. Hindi ugali iyon ni Pancho pero sa pagkakataong iyon ay naku-curious siya sa maaaring pag-usapan ng mga ito.
"Look at this ring Elric. Napakaganda! Mukhang gumastos ng malaki ang kapatid mo rito." buong ning-ning at kasiyahan na pahayag ni Katrina sa kausap. Itinaas pa ng bahagya ang mga kamay na may suot ng sing-sing. Hinawakan ng kanyang amo ang kamay ng huli. Nakita niyang sumeryoso ito at bahagya lang sinulyapan ang ipinagmamalaking sing-sing dito ng kasama.
"Maganda nga siya Kat. Siguradong ang Tito Armand ang bumili niyan para sa iyo. Pero Kat, are you sure about this marriage?" puno ng panibughong wika ni Elric dito. Hmm.. Nagiging interesante ang kanyang mga naririnig. Napansin rin niya ang bahagyang pagbadya ng pag-aalinlangan sa mga mata ni Katrina. Ngunit sandali lamang iyon. She pouted her lips beautifully and replied.
"Hay naku. Ayan ka na naman sa pag-porma mo Elric. Hindi na tayo pwede. I'm already your brother's fiancee. Para namang hindi mo narinig at alam iyon." Sa ibang pagkakataon, matatawa si Pancho sa kanyang narinig at nakitang reaksiyon naman ng amo. Nalukot ang mukha nito at hinila ng bahagya ang braso ng kausap.
"Don't give me that crap Kat. At hindi ko siya "kapatid". Stepbrother ko lang siya. Namin ni Jorge. Alam kong alam mo iyan. At hindi ba, nauna naman ako sa kanya sa iyo. We were doing fine baby. Ibalik natin iyon. Choose me Kat. Please. Ditch Gboi on your wedding day. I know you know that I know the reason behind this marriage. It's only for the merger right? I'm the one who makes you happy, baby. I'm good in bed, aren't I? So why choose him when I'm better than that bastard stepbrother of mine." bakas na bakas ang desperasyon sa tinig na iyon ni Elric.
Napailing na lamang si Pancho sa naririnig at nakikita. Hindi siya makapaniwala sa mga nalalaman niya ngayon. This is indeed a revelation. Bahagyang ipiniglas ni Katrina ang braso mula sa pagkakahawak ng kausap. She hissed and moved her face an inch closer to Elric's face and spoke in a controlled voice.
"How dare you say that here! Kapag narinig ng lahat ang mga sinasabi mong iyan ay isang malaking kahihiyan ang aabutin ng mga pamilya natin. I don't think your mother and Tito Armand would be happy about it. At anong sinasabi mo? You're way better than Gboi? Oh! Maybe you're fucking right about that, but you know what? Gboi's way much better than you, you jerk! Kung sinasabi mong ikaw ang nauna ay bakit hindi mo agad sinabi sa Tito Armand na tayo ang may relasyon ng ipakilala ako ng mga magulang ko kay Gboi. At least Gboi had the decency to woo me and court me like you never did. Kung maka-asta ka ay parang inagawan kang batang inagawan ng candy, when you didn't have the balls to tell them the truth about us. Some nerve you got!"
Mahabang turan ni Katrina. Nakakabigla talaga ang mga nalalaman niya ngayon. Halatang sadyang hinihinaan nga lang ng mga ito ang mga boses at itinatago ang mga damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita habang nakangiti. Sa malayo ay iisipin mong nagkakasayahan lamang ang mga ito.
He discreetly moved closer to the bushes behind them. He can't afford to be seen. Marami pa siyang gustong marinig. Bahagyang humalakhak si Elric. Muling hinawakan sa braso si Katrina at bahagya lang isinandal sa halamanan sa likod nito.
"I could have done that a long time ago baby. Alam mo iyan. Had it not been too obvious on your part to show interest when Gboi came in the picture. Alam mong dati pa ay ayaw na ng mga magulang mo sa akin dahil hindi ako tunay na anak ng Tito Armand. At baka nakakalimot ka? Hindi ba at ikaw ang unang kumalas sa relasyon natin ng magpahayag sa interes sa iyo ang magaling kong kapatid? Please don't do this Kat. I love you, you know that." desperadong pahayag ni Elric sa kausap.
Disimuladong pinakawalan ni Katrina ang sarili sa kamay ni Elric. Ngayon ay malinaw na nakikita niya ang pag-aagam-agam sa mga mata nito. Ibinuka nito ang mga labi. Ngunit muling isinara ang mga iyon and opted not to say something. Sa halip ay puno ng kalituhan na tumalilis ito sa bahaging iyon ng hardin at tumungo papasok ng mansiyon.
Naiwang desperado ang hitsura ng kanyang amo. He should be! Naisip niya. Ngali-ngaling humalakhak si Pancho sa pagkakataong iyon. Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Nang sa tingin niya ay wala ng pag-asa para makaganti rito, there came an idea na maaari niyang gamitin.
Muling niyang tinanaw ang umalis na babae. Sa mga sandaling iyon ay nakita niyang sinasalubong ito ni Gboi na papalabas naman ng pintuan. Nagyakap ang dalawa. That's it! Sigaw ng isipan ni Pancho. He could make use of the two as his collateral damage. An evil plan suddenly popped-up his brilliant mind.
Bibigyan niya ng pagkakataon si Elric na muling makasama si Katrina. That could be arranged. Kung paano niyang gagawin iyon ay siya na ang bahala. Ang mahalaga ay mabigyan niya ang una ng false hope na maaari nitong makuhang muli ang huli.
Alam niyang ang iniisip ng amo ay maagaw si Katrina kay Gboi and ask her to give the presidency to him as well kapag nakapag-merge na ang mga kumpanya ng mga ito. Of course, as for Gboi, aakitin niya ito. Kapg hulog na sa kanya ang loob nito ay ibubulgar niya sa madla ang kabadingan nito sa tulong ni Elric.
Susugalan niya ang eksena na maaring kalabasan niyon. Iyon ay ang akalain ni Elric na ibibigay dito ni Don Armando ang pamamahala sa kumpanya. He knew that the old man did not trust his boss. That because Elric is good for nothing SOB.
He could handle the department he's in sa kumpanya ng mga ito pero natitiyak niyang hindi ipagkakatiwala ng Don ang kumpanya rito. The Don believed in old school tradition. Only his son is the sole heir of his company.
Duon niya susulsulan ang amo na kumbinsihin ang amain na dito ipasa ang pagka-pangulo ng kumpanya kapag naisiwalat na niyang bading si Gboi. Siyempre, wala ng kasalang magaganap. Pero sigurado siyang si Gboi pa rin ang presidente.
Iyon ang tatayaan niya. Ang tsansa na patunayan na blood is still thicker than water. Maaring magalit ang Don pero ito lang ang anak niya.
A sly smile came formed his lips. Napapahalakhak na siya sa isip niya. This could work. Nakikita na niya ang pagbagsak ni Elric. Pasensiyahan na lang sa mga madadamay. Hindi talaga maiiwasan iyon. Oh boy! He would be the devil personified.
Itutuloy....
A compilation of my thoughts, dreams and fantasies. Stories that describes best my simple wishes in life. In addition to that, I asked friends to contribute their talents in this site where reality and fantasy are as one. Welcome to my site. Welcome to my heart. I am Dalisay.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
comment and rate guys...
Post a Comment