PROLOGUE
“Hindi ko kayang tumawid Kuya!!!!.” Maarteng sigaw ng kapatid niyang si Ara. “Hindi ko talaga kaya, please Kuya, huwag na tayong tumawid sa hanging bridge na ‘yan.” Dagdag pa nito sa kanyang pag-kairita. “Paano mong kakayanin ang lahat ng bagay kung sa tuwina’y gusto mong lagging may naka-alalay sa’yo. Paano ka matututo?”. Sigaw niya rito na sinagot lang nito ng matinis na tili.
Ganoon palagi ang eksena sa pagitan nilang magkapatid sa loob ng mahabang panahon. Lagi siyang ang taga-alalay rito kapag sinusumpong ng kaartehan. Palibhasa at bunso ito at malaki ang agwat ng kanilang edad.
Noong bata pa sila, ang kinatatakutan naman nito ay multo. Kaya lagi na lang may dala-dala itong bendita at rosaryo sa pagtulog. Ilang ulit na nilang ipinaliwanag rito ng kanilang Tatay Ben na walang multo at hindi totoo ang mga iyon. Ngunit kahit anong pagpipilit nila ay hindi nila napahinayon ito sa kaisipang iyon. Pero, lahat ng iyon ay sa nakaraan na lang niya aalahanin…
“Hanapin mo siya Ito. Gusto kong hanapin mo ang gumawa nito sa kapatid mo.” Vindictive ang mga salitang iyon ng kaniyang Tatay Ben. Hindi kailanman ito nagging ganoon sa tanang panahon na kasa-kasama nila ito. Tuwina’y lagi itong mahinahon at may nakahandang ngiti sa mga labi.
Dati itong pari, ngunit ito’y nagbitiw sa serbisyo ng makilala ang kanyang ina. Sampung taong gulang na siya noon. Nauunawaan niya ang tsismis na maaring ikabit sa kanilang pamilya ng dahil sa pagkaka-igihang iyon ng kanyang ina at Tatay Ben.
Ngunit nagplanong magpakasal ang dalawa. Isang taon ng preparasyon ang hinintay ng mga ito na hindi nagkaroon ng katuparan sa biglaang pagka-aksidente ng kanyang ina ng minsang lumuwas ito ng Maynila.
Bigla ay nagging ulilang lubos siya. Dinamdam niya ng husto ang pagkamatay ng ina. Hindi niya kilala ang kanyang ama. Iniwan lang nito ang kanyang ina at hindi niya alam kung nalaman nito na nabuntis nito ang kanyang ina.
Kinupkop siya ni Tatay Ben at hindi na ito muli pang nagkaroon relasyon sa iba. Hindi rin naman ito makababalik pa sa pagkapari. Tatlong-taon ang lumipas ng iwanan sa harapan ng kanilang tahanan ang isang sanggol na babae at pinangalanan nilang Ara.
Anak ito ng isang belays na naki-usap sa kanyang Tatay Ben na alagaan ang bata pagkapanganak nito dito. May nakalakip na sulat at pagkakakilanlan ang sanggol ng iwan ito sa kanila na nagkumpirma sa balaking iyon ng ina nito.
Inalagaan nila ang sanggol. Binantayang maigi at pinrotektahan sa abot ng kanilang makakaya bilang dalawang lalaki sa pamilya.
Spoiled it okay Tatay Ben at tanging siya lang ang sumasawata rito paminsan-minsan. Natuwa sila na lumaki itong magandang dalaga bagama’t natakot rin ng tumuntong ito sa edad na labing-lima ay nagging lapitin ng manliligaw. Ngunit mukhang hindi naging ang lahat ng pag-iingat na ginawa nila para rito.
Sinulyapan niya ang magarang kabaong na kinalalagayan ng kapatid. Hindi pa rin siya makapaniwalang ang laman niyon ay ang pinakamamahal nilang bunso. Nasa estado pa rin siyang gusting tanggihan ang ideya na kapag sinulyapan niya iyon ay ang hapis na loob ng kanyang kapatid ang makikita at makikita niya roon. Hindi niya nailarawang-diwa na maaring mangyari ang ganoon ditto. God!! She was only sixteen!
Tatlong araw na ang nakalipas ng makatanggap sila ng tawag sa kaibigan ni Ara na nasa isang klinika ito sa kabilang bayan. Hindi niya maisip kung bakit ito naroroon bagam’t may naka-ambang kaba sa kanyang dibdib tungkol sa kalagayan nito.
Hindi niya halos mapaniwalaang ang kapatid na nagsabing magpupunta lang sa kaibigan sa Maynila ay iyon at walang malay na nakahimlay sa isang higaan sa loob ng klinikang iyon at naliligo sa masaganang dugo. Ito ay isang abortion clinic sa kanyang pagkabigla.
Itinawag niya sa pulis ang pangyayari habang kinukwestiyon ang kaibigan nitong nakilala niya sa pangalang Samantha. Itinali rin niya ang aborsyonista para hindi makawala. Sa pagdating ng mga pulis, inatake ang aborsyonista habang dinarakip na naging sanhi para ikamatay nito.
DOA ang kanyang kapatid sa ospital. Masyadong maraming dugo na ang nawala rito. Panay naman ang paliwanag ng umiiyak na kaibigan nito sa kanya. “ I tried to stop her Kuya, pero she won’t listen. Mas mahalaga sa kanya ang desisyon ng lalaking iyon kaysa sa sarili niyang buhay. I’m telling her to stop this nonsense at umuwi na kami but Elric was here too. He told me to shut up. Tapos he threw us money. Napakawalang-hiya niya Kuya!!!”
Ang talipandas na lalaking iyon. Hindi na nga nakuhang panagutan ang kapatid niya ay nagawa pang ipapatay ang sariling anak. Anong klaseng tao ito? Hindi siya makapaniwalang ganun-ganun lang nito tinrato ang kanyang kapatid. Bente-mil tapos wala na? Paalam na? Nag-iwan pa ito ng salita sa kapatid niya na “This is all you’re getting from me Ara. Pagkatapos nito ayoko ng makita pa ang mukha mo kahit kalian. Get rid of that child. I don’t want complications dahil ikakasal na ako.” Sabay hagis daw nito ng salapi sa kapatid niya.
Ikakasal na pala ang hayup na lalaking iyon ay pinakai-alaman pa si Ara. Ipinagtanong niya ang tunay na pangalan nito sa iba pang kaibigan ng kapatid ngunit sa kasamaang palad ay sa pangalang Elric lang ito nakikilala. Mukhang napaghandaan ito ng tinamaan ng magaling.
Mali rin ang address na ibinigay nito sa kapatid sa Quezon City ng puntahan niya ito doon. Naipagtanong-tanong na rin niya kung may litrato itong naiwan kasama ang kapatid niya ngunit mukhang naitapon na ito ng kapatid niya ng minsang mag-away ang mga ito. Ngunit ngayon lang iyon. Sisiguraduhin niyang hindi magtatagal ang pagtatago nito.
Muli niyang sinulyapan ang ataul ng kanyang kapatid. Hindi niya matagalan ang pagtitig doon. Hinawakan niya sa balikat si Tatay Ben. Lumingon ito at nagsabing, “Ipangako mo Ito. Ipangako mo.” Puno ng lambong ang mga mata nito at sumulyap ulit sa kabaong na nasa harapan nila.
“Ipinapangako ko. Magbabayad ang gumawa nito sa iyo Ara. Magbabayad ang hangal na tumapos sa mga pangarap naming para sa iyo at umagaw ng kabataan mo. Ipinapangako ko.” Tiim-bagang na wika niya sa kawalan….
1 comment:
comment and rate guys..
Post a Comment