Monday, July 4, 2011

Songs We Used to Sing - Promise me

Sixteen

Akda ni Jubal Leon Saltshaker

“When i go away i’ll miss you. And i will be thinking of you every night and day.”-Beverly Craven


NANLAKI ang aking mga mata sa kanyang sinabi at agad na lamang akong tumayo upang makalapit dito.

“Oo naman.”

Nangingiti kong tugon sa kanya.
Nakatayo lamang kami sa harapan ng isat-isa at hindi ko alam ang aking dapat gawin. Kasalukuyang tumutunog ang radyo sa aming paligid na trumpeta at pyano ang pinakakawalang musika. Naramdaman ko na lamang na kinuha nya ang aking mga kamay at pinapatong nya ito sa kanyang mga balikat. 

“Okay ka lang?…pagdikitin mo yung mga kamay mo…”

Mahina nyang sinambit sa akin.

“Oo.”

Sinunod ko ang kanyang sinabi at sa pagsunod dito ay naramdaman ko ang kanyang mainit na batok. Sinimulan nya namang ilagay ang kanyang mga kamay sa aking baywang at dahan-dahang ipinatong ang kanyang ulo sa aking kanang balikat.

“Angelo…”

Narinig kong ibinulong nito sa akin bago kami magsimulang maglakad-lakad sa kanyang kwarto sa ganito paring posisyon.

“Hmm…Ano yun?”

Nang hindi ito sumagot ay nagpatuloy lamang ako sa pagsasalita at hinayaan syang patuloy akong isayaw.

“Salamat ha’…hindi ko malilimutan ang gabing ‘to. Lubos mo akong pina-sasaya.”

Madilim pa rin ang buong paligid kahit na malaki na ang liwanag na ibinibigay ng maliit na gasera ni Viktor. Tila ba isa itong araw na itinago upang hindi tuluyang maka-pagsaboy ng kanyang liwanag upang tuluyan namin syang hanap-hanapin sa madilim na paligid.
Ganoon pa man, kasama ng tunog na pinakawawalan ng radyo at ng kadiliman ay lalo naming pansin ang isa’t-isa, at sa bawat-isa lamang nakatuon ang aming mga sarili. Napansin ko na lamang na unti-unting nababasa ang aking kanang balikat at dito’y napansin kong umiiyak si Viktor. Nagsimula itong magpakawala ng mahihinang panaghoy. Gaya ng ginawa nya sa akin noong gabing muli kaming magkita ay hinimas-himas ko rin ang kanyang likod at saka ito tinanong.

“Huy’…ayoko na ng may iiyak sa atin. tTama na yan ha’?…may problema ba?...”

Naramdaman kong umiling lamang ito hanggang sa wala ng magsalita sa amin. Nakaramdam akong muli ng kalungkutan dito bagamat kapiling at yakap-yakap namin ang isa’t-isa. Siguro dahil sa harapan kong nasasaksihang umiiyak si Viktor na ngayon ko lamang nakita.

Ilang sandali pa ang nakalipas at patuloy lamang kaming magka-yakap. Tuloy-tuloy pa rin sa aming dahang-dahang pag-galaw na tila ba inaanod ng tubig sa malawak na karagatan an gaming mga katawan ng mapansin kong ako na lamang pala ang nag-dadala sa amin. 




Narinig ko na namang muli ang tilaok ng mga manok ng kapit-bahay na syang tuluyang gumising sa akin. Nang mapansin kong nakayakap pa ako kay Viktor ay hindi ko muna tinangkang alisin ang aking mga kamay sa kanyang balikat at pinagmasdan muna ng mabuti ang kanyang mukha. Humihinga ito ng malalim at pikit na pikit ang mga mata. Hinimas-himas ko ang noo nito dahil napansin kong naka-kunot ito na para bang gising at mayroong malalim na iniisip. Nang bumalik na ito sa dati ay hinawakan ko naman ang kanyang mga kilay. Paalis na ako mamaya at hindi ko alam kung kailan ko pa ito muling magagawa. Dahan-dahan akong kumilos upang hindi ko ito magising dahil gusto kong sa oras na magising na sya ay nakahanda na ang kanyang agahan. Gusto ko syang pagsilbihan bago man lang sana ako umalis.

Tumayo ako sa harap ng kanyang papag at muli itong pinagmasdan.
Binalak ko ng tuluyang bumaba ngunit lumingon akong muli upang masigurong natutulog nga ito at hindi pa nagigising. Nang masiguro kong muli na hindi ko sya naistorbo sa mahimbing nyang pagtulog ay agad na akong bumaba. Nakita ko pa itong umunat at bumalik na rin sa dati nyang posisyon bago ako tuluyang makaalis sa silid. 

Alas-nuebe na ng umaga ng matapos kaming makakain ng agahan ng kanyang mga kapatid. Pero hindi pa rin sya bumababa kaya’t sinabi ko na lamang kay Valeria na iaakyat ko na lang ang agahan ni Viktor. Tulog pa rin si Viktor ng ako ay maka-akyat, dala ko ang isang baso ng pineapple juice, karne norte at itlog kasama ang niluto kong sinangag mula sa kaning hindi naubos kagabi.

Kinuha ko ang kanyang maliit na mesa at dito ipinatong ang dala kong mga pagkain. 
Inilagay ko ang mga ito sa harapan ng kanyang papag upang kakain na lamang ito sa oras na sya ay magising. Ilang sandali pa ay iminulat na nito ang kanyang mga mata na tila ba mayroon itong hinahanap. Agad naman akong umupo at nag indian sit sa tapat ng lamesita upang mapansin nya ang agahang aking inihanda para sa kanya.

“Angelo…”

Tawag nito sa aking pangalan habang nagsisimulang bumangon mula sa kanyang pagkakahiga at sinisimulang iupo ang kanyang sarili.

“Magandang Umaga, Viktor.”

Ngumiti ito sa akin na para bang nahihiya pa na makita sya ng bagong gising.

“Magandang umaga din Anghel…”

Pakiwari ko sa kanyang sinabi. Kinusot-kusot nito ang kanyang mukha at saka nito napansin ang pagkaing kanyang nasa harapan.

“’Nu yan?...”

“Agahan mo…pinagluto kita.”

“Salamat ha’.”

“Walang anuman…ikaw’ ha…tinulugan mo ako kagabi. Hehe.”

“E’ pasensya na.”

“O’ sya kumain ka na. Bon Appetit…Hehe. Marunong ka nga palang mag-french ano? Naalala ko lang last time.”

“Merci’. Hindi naman masyado hehe…kaunti lang. First love ko kasi ang language na yun e’.”

“Mahilig ka ba sa…teka Spanish bread pala yun! Haha!”

“Si Mama kasi pangarap nya na maibili ako noon ng isang buong set ng Encyclopedia para daw may mabasa ako…kaya lang di nya nagawa…tapos noong minsang makakita sya ng isang lumang libro sa bayan…akala nya e’ isang volume…yun pala french language and culture ang libro…tapos buong bakasyon ng highschool aside sa kailangan kong aralin e’ yun lang ang binabasa ko…”

“Ah’…napansin ko sa mga books mo, karamihan e’ fiction books…”

“Op-oo…Hehe. About feminism ang mga gusto ko’ng basahin…women empowerment…domestic violence coping.”

“Bakit ganun?...Haha. Bubugbugin ba kita?”

“Wala lang naman, syempre ganito ako kaya wala akong masyadong alam sa kanila…”

“Ganito na?”

“Alam mo na naman yun...”

“Ganyan-ganyan ka mamaya malaman ko bigla kang magka-girlfriend…”

“Hindi naman…”

“Talaga?...”

“Oo…ikaw nga nagka-girlfriend na…mamaya makipag-balikan ka sa kanila…”

“Gusto mo ba?”

“Tsk. Syempre ayaw ko.”

“O’, galawin mo na yang pagkain mo…lamig na o’…”

“Ikaw e’. Dinaldal mo ko.”

Nang magsimula na syang kumain ay napansin ko naman ng bigla ang kanyang kanang binti. Hinawakan ko ang tuhod nito at saka nagsalita.

“Musta na palang binti mo?...eto’ yung nabagsakan diba?...”

“Huwag…nakikiliti ako.”

Sambit nya at dito ay bahagyang iniwas ang binti.

“Yan nga…Magaling na yan, matagal na kaya…Hehe.”

Dagdag ni Viktor.

Matapos nyang makakain ay naligo na ako upang magayos na paalis.
Mag-aalas dose na din kasi ng tanghali at alam kong bibilis na ang oras pagsapit ng tanghalian. Naghahain ng muli si Valeria ng ako ay makalabas sa kanilang banyo at sinabi nitong mauna na daw kaming kumain.

Hindi ko namalayan na labakara lamang pala ang aking nadala kaya gamit kong muli ang pinahiram ni Viktor na tuwalya sa akin. Nakatapis ako ng pumasok sa kanyang kwarto at nakita ko itong nakadungaw sa kanyang bintana. Kinuha ko sa maliit niyang mesa ang ipinatong kong salamin sa mata. Nang maisuot ko itong muli ay napansin kong nagbabasa din pala siya. Nagbihis na ako ng aking pantalon at ang plinantyang puting sando ni Valeria. Matapos kong makapag-suot ng aking medyas ay nilapitan ko na si Viktor. Alam kong alam nya na ako ay kanyang nasa likuran ngunit hindi ito nagsasalita at kumikibo. 

“Aalis na ako maya-maya…”

Sambit ko sa kanyang likuran ngunit hindi pa rin ito umiimik.
Ipinatong ko ang aking kamay sa kanyang mga balikat at maya-maya pa ay humarap na sya sa akin. Tumayo ito mula sa kanyang pagkakaupo kaya naman umatras ako ng bahagya dito. Bigla nya akong niyakap at agad ko din naman syang sinalubong ng mahigpit. Hindi ko alam kung ano ang pumapasok sa kanyang isip ng mga sandaling iyon ngunit wala ni isa man sa amin ang nagsalita. Tila ba nagkasundo
lamang ang aming mga isipan at agad na kaming nagtungo sa kanyang higaan upang makapiling muli namin ang bawat isa. Hindi na kami nakababa pa noong tanghali upang makakain.

Nakatulog kaming muli ng magkayap at namalayan ko na lang na alas-tres na pala ng hapon. Bumangon na ako habang nakatitig pa rin sa natutulog na si Viktor. Kinuha ko ang aking Polo sa likod ng pintuan ng kwarto kung saan ko ito isinabit at agad na itong isinuot. Naupo akong muli sa tabi ni Viktor at dito ko lamang namalayan na kanina pa ito gising at nakamasid lamang sa akin.

“Paalis na ako…”

“Oo nga…”

“Pangako…babalik ako a-…”

Naputol ang aking gustong sabihin ng sumenyas si Viktor upang ako ay awatin.
Umiling lamang ito na tila ba hindi sumasangayon sa aking gagawin.

“Kahit bukas, makakabalik ka kung nais mo.”

Nakangiti nyang binanggit sa akin.
At dahil hindi ko naman alam ang isasagot sa kanya ay nanahimik na lamang ako.

“O’ nga pala…hindi na kita ihahatid ha’…”

Nakatingin sya sa akin habang sinasambit ito ngunit para bang iniiwasan nitong magtama ang aming mga tingin.

“Huh?...”

“Oo’, sasama lamang akong maghatid sa’yo…kung kasama kitang pabalik ng Maynila.”

“Viktor…bakit ganyan?...pinahihirapan natin ang ating mga sarili?”

Nakayuko kong paliwanag sa kanya.

“Hindi ko kasi kayang aalis ka…tapos maiiwan naman ako…hindi ako kasama…kung ikaw din naman ang matitira, sasama ka ba sa akin?”

Bahagya kong naintindihan ang kanyang mga sinabi kaya tumango na lamang ako dito.

“Maintindihan mo sana ako Angelo…”

“Oo naman.”

“Paglabas mo ng pintuan ko, hindi na ako bababa…”

“Ano?...”

“Sige alis ka na…”

“Yan ba ang gusto mo? …”

“Oo…kasi.”

“Kasi ano?...”

“Sige na…”

Pagpupursigi nito sa akin. Tinapik-tapik pa nito ang aking mga braso sa kilos na pinaaalis nya na ako.

“Uy’…huwag ka namang ganyan sa akin…”

“Gusto mo ba akong makitang umiiyak?...”

“Hindi syempre…bakit ka nga pala umiyak kagabi?...”

“Sige na, sige na…”

“Viktor.”

Tumayo ito mula sa kanyang papag at nagtungo sa aking mga bagahe. Kinuha nya ang mga ito at ng muli ng makalapit ay agad na itong iniabot sa akin. 
Kinuha ko naman ito sa kanya at nagpalipas lamang ng ilang sandali bago ko naisipang sambitin ang laman ng aking isipan.

“Paalam na Viktor…hanggang sa muli nating pagkikita.”

Ngumiti lamang ito sa akin at pumunta na ito sa kanyang pintuan upang kanyang buksan. Lumabas na ako at hindi na lumingon pa. Agad na akong nagpatuloy sa pagbaba at pilit kong tinitiis na muli syang masilayan.. Narinig ko na lamang ang pagsara ng kanyang pintuan na naghudyat sa akin na bilisan na ang paglakad. Ilang hakbang na lamang bago ko marating ang unang palapag ng kanilang bahay ng marinig kong muling bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto.
Bahagya akong natigil sa pagbaba dahil dito.

“Huwag kang lilingon…”

Narinig kong sinambit nya mula sa pinaka-taas ng hagdanan. 
Sumunod nga ako sa kanyang sinabi at narinig ko namang mabilis itong bumababa patungo sa akin. 

“Huwag ka din’g magsasalita at huwag kang gagalaw…“

Malapitan ko itong naririnig kaya alam kong isang hakbang lamang ang layo nya mula sa akin. Naramdaman ko ng bigla nya akong yakapin at ang ginawa nyang pagpapatong ng kanyang ulo sa aking kaliwang balikat at matapos nito ay niyakap ako ni Viktor ng mahigpit. Idiniin nya ng husto ang kanyang mga pisngi sa akin na tila ba hindi na kami magkikitang muli kaya nya ginagawa ang mga ito. Gusto ko ring gawin ang mga ito sa kanya ngunit ayoko namang suwayin ang kanyang mga gustong mangyari.

Muli nya akong niyakap ng mahigpit mula sa aking likuran at matapos nito ay bigla ng tinanggal ang kanyang pagkakakapit at mabilis ng umakyat muli sa taas.
At dahil sa hindi ko mapigilan ang aking sarili ay agad ko syang nilingon ngunit hindi ko na sya nakita. At tanging ang tunog na lamang ng isinarang pinto ang aking narinig at nasaksihan.

Earl and the Grumpy Flirt named Ronnie - Finale

Photobucket
To my readers...




Chapter 11 (Happily Ever After)

Tinatangay ng malakas na hangin ang buhok ni Earl habang nakatayo siya sa itaas na bahagi ng bleachers sa football field ng San Bartolome. Isa iyon sa mga lugar na pinagdadalhan sa kanya ni Ronnie sa durasyon ng pagbabantay nito sa kanya mula kay Russ. Ang sarap sana sa pakiramdam ang ganoong aktwasyon pero hindi niya makuhang maging masaya ng lubos dahil ang alam niya ay nagpapanggap pa rin sila at umaakto lang ito ng ganoon dahil ayaw nitong masaling ang gabundok nitong ego.

Naalala niya nung huling narooon sila. Gabi rin noon, madilim at malamig ang hangin. Tila naririnig pa niya ang kwentuhan nila at ang panakanakang advances na ginagawa niya katawan nito na mukhang dinededma lang naman nito.

"Ano sa tingin mo ang kahihinatnan mo ten years from now?" tanong ni Ronnie sa kanya.

"I'd probably be a spinster," nakangisi niyang sagot na umani ng mahinang batok mula rito.

"Ouch..." pa-drama effect niya.

"Halika nga rito." ani Ronnie sabay hila sa kanya. Hindi naman sila totally magkalayo pero nabigla pa rin siya dahil hindi niya inaasahang hihilahin siya nito palapit. Naramdaman niya kaagad ang pamilyar na reaksiyon ng katawan niya kapag napapalapit rito. It was wonderful. And he was at a loss for words.

"Sagutin mo ng maayos ang tanong ko, how do you see yourself ten years from now?" mahinang bulong ni Ronnie malapit sa kanyang tainga. Earl felt goosebumps all over. Hindi tuloy siya makaapuhap ng tamang sasabihin.

"T-ten years fr...from now?" napapalunok siya nakaliliyong sensasyon na dulot ng marahan nitong paghaplos  sa buhok niya. Hindi rin siya maka-concentrate sa mabining pagdampi ng mainit nitong hininga sa kanyang batok. If only time stood still, he would savor every hour, every minute and every second  of it.

"...I'd probably be a head nurse of a private hospital. May sariling sasakyan. May sarili ng mansiyon. All in all, masaya ang buhay kasama si nanay." pagpapatuloy niya.

"That's too much in just a span of ten years. Maliban na lang kung pakakasalan mo ako." Ronnie teased. 

Mag-aangat sana siya ng protesta mula sa pagkakayuko niya sa dibdib nito pero hindi siya pinayagan nito. Nandoon lang siya and he felt that it was somewhat, romantic. Nakasandig siya sa dibdib nito at naririnig ang tibok ng puso ng lalaking minamahal niya.

"Be still... Hindi ka na makakawala diyan Earl. You belong there. You belong to me. You belong to my heart."

Naramdaman niya ang paghapdi ng sulok ng kanyang mata. Kay sarap sanang pakinggan. Kay sarap sanang asahan. Pero alam niyang sinasabi lang iyon ni Ronnie dahil iyon ang inaasahan nitong gusto niyang marinig. It was too good to be true. But the fool he was, umaasa siya. Nangangarap siya.

Pinili niyang huwag patulan ang sinabi nito at bagkus ay tinanong rin ng kaparehong tanong. "Ikaw? How do you see yourself ten years from now, Ronnie?" 

"Ako? I'll be running one of our companies. I'll be wearing a business suit which I abhor..." 

He laughed.

"Silly. Hindi pa ako tapos. Gusto kong pag-uwi ko ng bahay mula sa napaka-boring na opisina ay makikita kita doon. Nagluluto ng hapunan natin. And you would make love to me afterwards..." Ronnie said huskily.

Napangiti siya ng mapakla sa narinig. Another dream again coming from Ronnie's mouth. Bakit ba kung kailang naririnig niya yung mga bagay na gusto niyang paniwalaan ay hindi niya makuhang maging masaya? Siguro kasi ay alam niyang matatapos rin ang lahat ng iyon. Pulos pangarap lang naman kasi ang epekto sa kanya kapag kasama niya si Ronnie.

"Maganda nga iyon..." Earl said almost in a whisper.

"It is... In ten years, asawa na kita. Hahanap tayo ng surrogate mother ng mga magiging anak natin. We will have a girl and a boy. And we are very, very happy together."

His eyes turned misty at the memory. Kung totoo lang sana ang lahat ng mga sinabing iyon ni Ronnie, e di sana hindi siya lumuluha ngayon. Hindi siya nasasaktan ngayon. Gaga rin kasi siya. Sumubok pa siayng mahalin ito kahit alam niyang wala namang katumbas ang pagmamahal niya sa panig nito.

All that there is to their so-called relationship was a lie. Maaaring magkatotoo ang ilan sa mga pangarap nila after ten years but kung ano iyong pinakaaasam niya ay iyon ang hindi matutupad. Hindi sila ikakasal. Hindi sila magkakaroon ng anak sa mga surrogate mothers at hindi sila magiging masayang magkasama.

Tila nakikisama ang malamig na simoy ng hangin at umihip iyon ng bahagyang may lakas. Naramdaman niya ang ginaw hanggang sa kaloob-looban niya. Naalala niya ang bisig ni Ronnie. Ang matipunong dibdib nito. Hindi siya nakakaramdam ng ginaw kapag nasa loob siya ng mga bisig nito. Hindi siya nagkukulang sa kinakailangang init kapag nakasandig siya sa dibdib nito. Pero wala siya ng mga iyon ngayon. Wala si Ronnie sa tabi niya ngayon. 

"Earl..." 

Nanigas ang buong katawan niya pagkarinig sa tinig na iyon. Hindi niya alam kung lilingon sa nagsalita o mananatili na lang sa pagkakatayo ng nakatalikod rito.

"Earl..."

"Diyan ka lang Ronnie." nagpasalamat siya at hindi siya nag-stammer sa pagsasalita. He face him and he was greeted by his handsome face. Earl felt a strong thug on his chest just by seeing Ronnie. Ang hirap palang harapin ang taong mahal mo kapag magpapa-alam ka na.

"Salamat at dumating ka." aniya.

"Bakit mo ako pinapunta rito Earl?"

"Remember this place?"

Nagtaka ito sa sinabi niya pero hindi nagsalita. Inilibot lang nito ang tingin sa lugar na mismong inupuan nila noong mga nakaraang araw. Hindi na siya nagulat ng mapangiti ito ng bahagya.

"Of course. Dito kita dinadala para iwasan si Russel." ani Ronnie.

"Yes. At dito rin tayo humabi ng mga pangarap. Mga pangarap na hindi naman magkakaroon ng katuparan."

Napatingin ito sa kanya. "What are you trying to say Earl?"

"I quit Ronnie. At sana ay huwag mo akong pigilan. Hayaan mo naman akong maging masaya."

"Is that what you think I'm doing? Pinipigilan kitang maging masaya?"

Napakagat-labi siya. It's now or never. Kailangan niya ng tapusin ang panaginip niya.

"I'm tired Ronnie. Hindi na kaya ng puso ko ang patuloy kang mahalin. Napapagod na akong umasa. Mangarap. Oras na para magbalik naman ako sa reyalidad." hindi na niya napigilang umiyak.

Lumambot ang mukha ni Ronnie sa nakita. Dagli siya nitong niyakap bago pa man siya tuluyang humagulgol. "Hush now baby... I'm sorry kung ganoon ang nagiging interpretasyon mo sa mga ipinapakita ko. But you have to know. Hindi ako marunong manligaw. Hindi ko alam kung paano ko i-pe-persuade ang isang tulad mo dahil lahat ng mga nakarelasyon ko noon puro instant lang. Sinubukan ko lang noon kay Monty pero sumablay ako kasi hindi ako ang gusto niya kundi ang pinsan ko. Tapos nariyan ka very obvious ang attraction sa akin kaya naman napilitan akong patulan ka as part of my coping mechanism. I'm sorry Earl. I never meant to hurt you."

Natulala lang siya sa sinabi nito.

"I'm sorry babe. Hindi ko mapagbibigyan ang hiling mong pakawlan ka. Kasi mahal na kita. Hindi ka dapat mapagod na patuloy akong mahalin kasi mahal din kita. Ewan ko kung kailan o kung paano naganap pero ikaw na ang mahal ko. Ikaw lang. Walang iba.."

Speechless pa rin siya.

"Babe. Say something. Huwag kang tumunganga lang diyan." Masungit na naman nitong sabi.

Mapakla siyang napatawa sa puntong iyon.

"Sige. Pagtawanan mo lang ako. Ito ba ang ganti mo sa akin?"

"No Ronnie. Huwag mo na akong paasahin. Hindi mo kailangang magsalita ng kung anu-ano para makumbinsi ako. Ganoon ba kababaw ang tingin mo sa akin ha? Na porke't mahal kita ay maniniwala agad ako kapag sinabi mong mahal mo rin ako? Ganoon ba ako ka-gullible sa mga mata mo?" naniningkit ang matang sabi niya sabay tulak rito. .

"That's not true Earl.."

"Totoo ang lahat ng iyon Ronnie! Ganoon ang tingin mo sa akin kaya ayaw mo akong pakawalan! How dare you! Maawa ka naman sa akin. Pagod na pagod na ako. Ayoko ng maging puppet mo na sa isang galaw mo lang ay susunod sa gusto mo. Ayoko na Ronnie! Ayoko na!"

"Hindi pwede Earl. Mahal kita. Maniwala ka sa akin."

"Hindi totoo yan Ronnie. Sarili mo lang ang mahal mo."

"Anong gusto mong gawin ko para lang maniwala kang mahal kita?"

Napa-ismid siya sa sinabi nito. "Kung totoo ang lahat ng iyan ay pakawalan mo ako Ronnie. Kung totoong mahal mo ako ay umalis ka na rito at huwag ka ng magpapakita sa akin. Huwag ka ng lalapit sa akin." naiiyak na namang sabi niya.

Laylay ang balikat na tumalikod ito. Hindi rin niya kayang makita na umalis ito kaya tumalikod rin siya at kumuha ng balanse sa railings ng bleachers.

Narinig niya ang mararahang hakbang nito palayo kaya lalo siyang napaiyak. Bakit kung kailan nasabi na niyang ayaw na niya ay lalo siyang nasasaktan? Hindi ba at iyon ang gusto niya?

Nakarinig siya ng isang tikhim. Laking gualt niya ng malingunan si Monty, Orly, Dalisay, Jay, Freia at Russ.

"A-anong ginagawa niyo rito?"

"What happened sweetie?" tanong ni Monty.

Mabilis siyang nagpahid ng pisngi. Nilapitan naman siya ng mga kaibigan.

"W-wala naman. Napuwing lang ako." pagdadahilan niya.

"Tse. Palusot dot com. Huwag nga kami ang echosin mo nak. Iba na lang." sabad ni Dalisay.

"What happened here friend? Nag-uusap lang kayo ni Ronnie kanina rito di ba?"

Napatango siya. There's no use hiding his feeling to his friends. Napa-atungal siyang bigla.

"Tahan na friend." ani Jay. "Anong sinabi sayo ni Ronnie."

Sa pagitan ng paghikbi ay sumagot siya. "He said he love me."

"At anong sabi mo?" si Monty.

"Hindi ako naniwala."

"Fool." si Dalisay

"Tanga." si Orly.

"Shunga-shunga." sabay na panambit ni Freia at Jay.

"Sorry naman no? E di sana kayo na ang sumagot sa kanya ng I love you too." napipikon niyang sabi.

"Silly. The man loves you Earl. Kung hindi ba naman ay malaking effort para sa kanya ang ginawa niyang pagtatapat. Ronnie is a man of few words kaya iyong mapagtapat mo siya ay minsan lang niyang gagawin iyon. Mahirap pakisamahan ang pinsan kong iyon." natatawang paliwanag ni Orly.

"Yesterday once more," si Dalisay. "At isa pa, hindi ka kagandahan gurl para mag-inarte ka ng ganyan kay Ronnie. Hindi ka girl katulad ko."

"Nahiya naman ako sa'yo."

"Dapat lang. But enough of me. Habulin mo si Ronnie dahil mahal ka ng taong iyon. Kung ayaw mong magkaroon ng happy ending ang story ninyo ay tumunganga ka lang diyan bruha ka."

"Oh my God! Totoo ba ang sinasabi niyo?"

"Oo naman friend. Nagtapat muna siya sa amin bago sa'yo. Pinapunta niya talaga kami rito para suportahan siya kung sakaling mag-inarte ka nga raw." si Jay.

"Close na kayo?" nagtatakang tanong niya rito.

"Oo naman no." naka-irap nitong tugon.

"Go na girl. Habulin mo na ang Papa Ronnie mo." Si Freia.

"Saan ko siya pupuntahan?"

"To the left Earl. He took the left stairs," sabi sa kanya ni Russel.

Niyakap muna niya ang lahat ng ito bago tinunton ang dinaanan ni Ronnie. Inabutan na niya ito sa likod ng football field.

"Ronnie! Ronnie wait!" sigaw niya.

Tumigil naman ito at hinintay siyang makalapit. Hingal kabayo pa siya ng maabutan ito.

"Bakit ka tumatakbo Earl?"

"To-totoo b-ba ang sinabi m-mo kanina?" hinihingal niyang sabi.

"Oo naman Earl."

"You love me?"

"Yes. With all my heart."

"I'm sorry kung hindi agad ako naniwala. Hindi ko kasi mapaniwalaan na yung bagay na matagal ko ng pinapangarap na sabihin mo ay magkakatotoo. When you finally said it, I refuse to believe it." naiiyak niyang sabi.

Niyakap siya nito. "Oh I'm sorry to for putting up with my grumpiness. I know I've been a jerk."

"A handsome jerk for that matter," natatawang sabi niya. "Don't make me cry again Ronnie. Baka hindi ko na kayanin."

"Never babe," then he kissed him hungrily.

Earl returned his kisses with equal fervor. Matay man niyang isipin, hindi pa rin siya makapniwalang kanya na si Ronnie ngayon. All of his heart. All of his soul. Mukhang happy ending rin ang inabot niya sa kamay ng grumpy flirt na ito.

Hinihingal pa silang naglayo. "Bakit ang bagal ng lakad mo kanina?" natatawang tanong niya.

"I was expecting you'd follow me soon. Hindi nga ako nagkamali. I have to thank those guys for helping me convince you. Alam ko naman kasing di ka maniniwala. Are you sure? You're taking all of me? The brute that I am?" insecure na sabi ni Ronnie.

"Oo naman no. Wala ka ng kawala sa akin ngayon. Pinangarap yata kita!"

"Ikaw rin. Wala ka ng kawala. Sa akin ka lang." Ronnie said while grinning mischievously.

"Pilyo ka."

Natawa ito ng malakas. Then kissed him afterwards. Narinig pa nila ang palakpakan ng mga kaibigan nila pero dedma lang sila. Patuloy lang silang naghalikan sa harap ng mga ito. Tila binabawi ang lahat ng panahong nagpapanggap at naglalaro lang sila.

"Get a room, you two!"



THE END


Hope you enjoyed this story. Next stop ng Flirt series ay sa August na. Paka-abangan si Russel at Freia sa The Six Feet Flirt and the Tiny Actress. :-) Lovelots...

Dalisay 

Sunday, July 3, 2011

Coffee Belle

Enjoy reading guys. Totoo po lahat ng events dito sadya ko nga lang tinago ang pangalan nung iba. :DD


--------------------------------------------------------------------------------------------


I am with friends last Saturday night sa Trinoma. Kamustahan, nag-updates sa mga events sa kanya-kanyang buhay, kwentuhang brownout (pahiram daddy Migs huh!) lang at syempre chibugan. Dumaan din saglit si Robo para makipagkamustahan at umalis din dahil sa may trabaho pa siya. Then around 9pm nang maisipan naming umalis ng Superbowl dahil na rin sa nabadtrip si Rovi sa “incompetence” nang isang waitress doon. So, lakad lakad lang sa Trinoma hanggang sa umabot kami sa SM North.

Nakakatuwa na ang tagal na pala naming hindi nakakapag-usap ng ganoon and first time ko ring ma-meet si Gab a.k.a. Whitepal ng MSOB.

“Baka gusto niyong humanap ng tatambayan?” sabi ni Rovi.

“Dyan o pwedeng umupo.” Sabay turo ko sa gutter.

“Eweness! You expect me to sit there?” si Rovi.

Natawa kami ni Gab sa reaction ni Rovi habang busy si Alex and Eban na nag-uusap sa likuran namin.

“Hey guys, gusto niyo na bang pumunta sa coffee shop?” tanong niya ulit.

“Maaga pa. Mamaya na lang ng konti.” Sagot ko.

“Kuya sa Jollibee na lang muna tayo.” Si Gab.

“Right. Pwede naman tayong magpalate dun eh since late din sila nagsasara.”

At hayun na nga. Nilakad na namin ang way papuntang Jollibee sa Mindanao Ave. Grabe, imagine ang distance ng SM North sa Mindanao Ave. compare mo sa pagpapawis ko. Bongga! Nakakaloka!

Pagkadating naming lima sa fastfood, dumiretso na agad kami sa second floor. Pahinga muna kami saglit at nag-iisip ng ma-oorder. Nang makapili na kami nang kakainin habang nagpapalipas ng oras, inaya ko si Alex na um-order.

“Huy Alex, ‘Not Available’ yung swirly bitch ni Rovi.” Sabi ko.

“Asan?”

“Ayun oh.”

“Hala, oo nga. Teka akyat ako sabihin ko lang.”

Pagbalik ni Alex ay kasama na niya si Rovi.

“Rov, not available swirly bitch mo.”

“Nakakaloka naman. o sige yung Very Rocky Brownies (tama ba to? Sorry di ko maalala) na lang.”

“Copy.”

“O siya balik na ako baka kung ano na ginagawa nung mga bata sa itaas.” Sabi ni Rovi with a grin smile.

“Ah miss, 3 chocolate sundae please and coke float and very rocky brownies (hindi talaga ako sure). Alex, dagdagan mo naman ng 28 tong pera ko.”

Matapos magbayad at umakyat ay agad naming nilantakan ang mga desserts. Kuwentuhan ulit ng bongga hanggang sa maisipan na naming lumipat na sa coffee shop.

Lulan ng jeep, binaybay namin ang daan papuntang West Ave. Hindi ako maka-move on sa lalaking katabi ko. Ang luwang ng space pero kung makagitgit kala mo sikip na sikip. At eto pa ang matindi, hindi man lang nagdalawang isip si kuya na ilabas ang kanyang mamahaling cellphone sa loob. (Matakot ka sa holdap manong!)

“Para po.” Biglang sabi ni Rovi.

Pagkababa namin ay nag-optical inspection muna ako. Mukha namang cozy ang place. Kokonti lang ang tao pero ang umagaw sa atensyon namin nila Alex at Eban ay ang grupo nang mga kalalakihan sa may corner ng shop.

Gaya nang nakagawian, tambay muna saglit bago um-order. Kulitang walang humpay nang dumating sila Ford at ang kanyang mga pamangkin. (Nga pala, lumipat kami nang puwesto nang mabakante yung katabi naming table para mas maganda ang view.)

Mga bandang 2am nang tumahimik ako sa kulitan namin nila Alex and Eban. Umayos ako nang upo na tipong pahiga na. Di kasi maiwasang manumbalik sa akin ang nakaraan matapos kong titigan yung si cute guy dahil hawig siya dun sa dati kong minahal.



---

“Dhen, punta ka mamaya sa practice ng cheer dance huh? Puntahan natin si Leo.” Sabi nang barkada ko.

“Sumali ba siya dun?” tanong ko.

“Oo kaya sumama ka na.”

Pagdating namin sa venue ay may umagaw ng pansin ko. Isang tsinitong lalaki na matamang nagmamasid sa mga sumasayaw. Biglang bumilis tibok ng puso ko nang lumingon ito sa amin at ngumiti.

“Happy birthday Nick!” Sabi nung kasama niyang chubby guy pero cute din.

“Salamat!” tugon nito.

“Huy ano yan?” sabay turo sa cp ko.

Nakita niya kasi na kakaiba yung cellphone ko (N-Gage QD kasi ang unit ng phone ko before). Hiniram niya at naglaro siya doon. Nang isinoli niya sa akin yung cp ko, may nakalagay na number sa screen nito.

“Kuya Nick, number mo to?”

Tumango lang ito sabay sabing “Save mo na lang.”

Dyan nagsimula ang lahat sa amin ni Nick (siyempre hindi totoong pangalan). Siya kasi ang president ng org naming mga nursing students at nagkataon naman na isa ako sa mga active leaders sa year level namin.

Gabi-gabi kaming magkasama ni kuya Nick simula nang makalipas ang isang lingo mula nung birthday niya at nagkapalitan kami nang number. Sa paanong paraan?

Sabay kumain, sabay na lalakad, inseparable talaga. Ang hindi ko kinaya ay ang katotohanang super sweet siya sa akin.

Dumating pa sa puntong may tawagan na kami sa isa’t isa. Siya si mister at ako si donut dahil bilugan ako. May mga instances na pag pagod na siya kakabantay sa mga dancers ay lalapit iyan sa akin at bigla na lang hihiga sa lap ko. Wala siyang pakialam kahit na makita kami nang ibang tao.

Minsan may nangyaring hindi maganda sa venue. Nag-away si Nick at si Peter (yung chubby guy na cute) dahil sa nabadtrip si Peter gawa nang nabasa yung bag niyang punung-puno nang mga important documents sa ulan.

Rinig naming lahat na nanduduon ang sigawan ng dalawa hanggang sa mag-walkout si kuya Nick. Gusto kong lapitan siya pero nakita kong lumapit sa kanya yung mga kaibigan nilang pareho at walang kasama si kuya Peter kaya hindi ko siya pinuntahan.

“Kuya Peter, sorry huh di ko naiwasang hindi makinig sa pag-aaway niyo.”

Tumingin lang ito sa akin.

“Wala yun tsaka na-badtrip lang talaga ako kasi nabasa yung bag ko at wala man lang nakaisip na mag-alis nun dun.”

Tinamaan ako kasi kung tutuusin malapit lang yung pwesto ko sa bag niya bago umulan.

“Sorry ulit kuya kasi malapit ako dun kanina bago umulan.”

Tumingin lang siya ulit at ngumiti.

“Huwag kang mag-alala wala akong sinisisi.” Sabay tayo at sukbit ng bag niya.

“Kuya saan ka pupunta?”

“Uuwi na ako.”

“Delikado na kuya. Hatinggabi na.”

“Hindi yan.”

“Di ka na ba papapigil?”

“Hindi.”

“Sige ihahatid na lang kita hanggang sa inyo para makampante ako.” Walang anu-anong sabi ko.

“Hindi mo na kailangang gawin yan. Kaya ko sarili ko and besides ayoko na madagdagan pa ang gulo sa amin ni Nick.”

Napalingon ako bigla kay kuya Nick at nakita kong nakatingin ito sa amin at nanlilisik ang mga titig. Bumawi ako agad.

“Sorry kuya ulit pero hindi talaga kita hahayaang umuwi nang mag-isa.”

“Huwag ng makulit, okay?”

“Last bargain, hatid na lang kita kahit hanggang kanto na lang.”

“Hay, ang kulit talaga.”

“Payag ka na kuya?”

“May magagawa pa ba ako?”

“O tara na.”

Umakbay ako kay kuya Peter at sinamahan siyang maglakad. Sa totoo lang nakaramdam ako nang takot ng maisip ko na maglalakad ako pabalik sa madilim na lugar na ito. Ang tataas ng mga damo. Pilit ko naman na iwinawaksi ang nararamdaman ko habang nakikipagkuwentuhan kay kuya.

Nang makapara na kami nang tricycle eh tumalikod na ako para maglakad pabalik. Gumapang ulit ang takot sa katauhan ko dahil hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari sa akin. Buti na lang at wala naman hanggang makita ko yung ilaw sa community center.

Kinabahan akong bigla nang makakita ako nang anino na nakatayo sa may daanan papasok ng center. Dinukot ko cp ko at akmang itetext si kuya Nick ng may text message pala ako galing sa kanya.

At siya pa talaga ang nilapitan mo at hindi ako!

Binasa ko pa ang isa.

Tinamaan na! Mas mahal mo ba siya kesa sa akin???

Yan ang mga texts na bumagabag sa akin. Hindi ko namalayan ang pagdaan ng tricycle sa tabi ko at ang ilaw nito ay tumama sa taong wari’y nag-aabang sa akin. Nagulantang ako lalo nang makilalang si kuya Nick pala iyon.

Bigla naman itong naglakad pabalik. Hahabulin ko sana pero nanaig sa akin ang takot na baka mag-away kami.

Tahimik lang ako sa may pinakasulok ng center. Ayoko makipag-usap kahit kanino lalo na sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin ko pag nagkataon na magkadaupang palad kami. Natilihan ako nang makitang papalapit si kuya Nick sa kinauupuan ko.

Pinilit kong maging kalmado pero lalo akong kinabahan ng makitang titig na titig siya sa akin. Nang makalapit na siya ay walang anu-anong humiga sa mga hita ko. Dahil sa pagkabigla ay hindi ako nakaayos kaya nang makabawi ay inayos ko ang pagkakahiga niya.

“Bakit hindi mo ako nilapitan?” Bigla niyang sabi kahit nakapikit.

Hindi ako sumagot at tumingin sa malayo.

“Bakit si Peter?”

Tahimik pa rin ako.

“Mas mahal mo ba siya kesa sa akin?”

“Mas mahal kita kuya siyempre.”

“Bakit hindi mo ako nilapitan kanina nung nag-away kami at mas pinili mo siya?”

“Wala kasing kasama si kuya Peter tsaka nakita ko naman na andaming pumunta sayo para aluin ka samantalang siya wala.”

“Alam mo bang mas nagalit ako dahil sa ginawa mo?”

Hindi na naman ako nakaimik.

“Nakita kong umalis kayo kanina and sa tingin ko ihahatid mo siya. Tama ako di ba?”

Tumango ako. Ewan ko kung nakita niya.

“Magsasakripisyo ka nang ganun para sa kanya?”

“Kuya, may kasalanan ako sa kanya. Bumabawi lang ako.”

“Hindi mo kasalanan na umulan kanina kaya wala kang dahilan para bumawi.”

Natameme na naman ako.

“Pero mas nanaig ang concern ko sayo na maglalakad kang pabalik mag-isa.”

Nang sipatin ko siya ay nakatingin na siya sa akin.

“Tinext ako ni Peter na naiwan ka raw sa sakayan ng tricycle kaya naman inabangan kita sa labas at nagdasal na wala sanang mangyaring masama sayo.”

Na-touch ako sa sinabi niya. Hindi ko naiwasang mapaluha. Pinahid niya ang luha ko.

“Hindi kita pinapaiyak Dhen.”

“Kasi kuya eh.”

“Wala na yun. Kalimutan mo na lahat ng hindi magagandang nagyari ngayong gabi.”

Pilit kong ibinabalik ang sigla ko hanggang sa mag-uwian. Nagkaayos na kami ni kuya Nick.

“Guys, pack up na. Alas tres na nang madaling araw.” Sabi niya sa mga dancers and choreographers.

Lulan ng iisang tricycle, nagkaroon kami nang moment ni kuya Nick ng kaming dalawa na lang ang naiwan. Tahimik siya na waring may iniisip nang bigla siyang magsalita.

“Donut, akin ka muna huh.”

“Kuya talaga.”

“Bakit?”

“Anong bakit kuya?”

“Bakit hindi mo ako tinawag na mister?” may pagtatampo sa tinig nito.

“Sorry po mister.”

“Hayan. Ulitin ko. Donut, akin ka muna huh.”

“Opo mister ko.” Kinikilig na sabi ko.

Tuwang tuwa naman si kuya Nick at niyakap ako. Ganun ang sitwasyon naming dalawa bago siya bumaba nang tricycle.

Marami pang mga nangyaring ka-sweetan sa amin ni kuya Nick hanggang sa point na nasaktan ako.

Minahal ko na nang higit pa sa kaibigan si kuya Nick at alam kong ganuon din siya sa akin ngunit sadya lang talagang hindi kami itinadhana.

Birthday nun ng bestfriend ko na kaibigan niya rin. Imbitado kaming magbabarkada at mga kasamahan ni bestfriend sa org sa celebration niya. Kasalukuyan akong nasa labas nun ng dumating yung kabarkada naming beauty queen.

Pumasok siya sa loob para bumati at lumabas din na may dala nang plato. Usap-usap lang kami nang pakialaman ko cp niya. Tiningnan ko mga pics niya at gandang-ganda talaga ako sa kanya. Bigla kong naisip na magkalugar si kuya Nick at yung isang nakalaban nung barkada ko sa beauty pageant.

Pumasok ako at pinakita kay kuya Nick yung picture. Nagulat ako nang iabot niya yung cp kay kuya Peter at nakita kong naluha siya sa nakita. Doon ko nalaman na ex pala ni kuya Peter yung girl. Habang inaalo ko si kuya Peter ay patuloy naman ang pagkalikot ni kuya Nick sa cp nung barkada ko.

Pagsilip ko sa ginagawa niya ay pinapasa nap ala niya yung mga pics nung barkada ko sa cp niya. Nakaramdam ako nang inis sa ginawa niya kaya naman lumapit ako sa bestfriend ko at agad na nagpaalam. Sabi ko may emergency sa bahay.

Hindi na ako nagpaalam pa sa ibang mga bisita lalo na sa kanya at tuluyan na akong lumabas ng bahay. Wala akong karapatang magalit dahil unang una ay hindi naman kami. Masakit lang talaga yung nasaksihan ko.

Nakaraceive ako nang mga text messages galing sa kanya pagdating ko sa bahay pero hindi ko na pinansin pa. pinatay ko na ang cellphone ko dahil ayoko siyang kausapin.

Tumagal pa nang ilang linggo ang pag-iwas ko sa kanya hanggang sa ma-corner niya ako.

“Donut, ilang linggo ka nang umiiwas sa akin. May problema ba tayo?”

“Wala kuya. Naisip ko lang na siguro time na para maghanap na rin ako nang kaligayahan ko.”

“Hindi ka ba masaya sa akin?”

“Masaya ako kuya pero hindi na ako maligaya.”

“Ang labo nun Dhen.”

“Malabo na sa malabo kuya pero yun ang nararamdaman ko eh.”

“Nasaktan ba kita?”

“Ewan.”

“Kung anoman nagawa ko sorry na please! Hindi ko kaya yung ganito. Nasasaktan din ako.” Pagmamakaawa niya.

Nanlambot ako agad at hindi napigilang umiyak. Niyakap niya ako. Nang ma-pacify niya ako, tinanggap ko na rin ang sorry niya.

Lumipas ang mga araw na nagbalik na kami sa dati. Akala ko okay na lahat pero nagkamali na naman ako.

“Dhen, nakita mo ba si Nick?” tanong nung babaeng barkada ko.

“Hindi eh. Bakit mo siya hinahanap?”

“Sabay kasi kaming magla-lunch eh anong oras na.”

Lunch? Silang dalawa?

“Kayo ba?” di ko maiwasang itanong.

“Oo eh.”

Nasaktan ako at nadismaya sa nangyari. Hindi ko alam kung naitago ko ba yung nararamdaman ko pero ang nasagot ko na lang eh “itext mo na lang siya. Sige una na ako.”

Simula nung nalaman kong sila na pala, dun ko pinagtibay sa sarili ko na tapos na ang kung ano man ang namagitan sa amin ni kuya Nick. Ang sakit sakit. Nagtetext siya pero hindi ko na madalas sagutin. Ayoko naman na ako maging dahilan ng break-up nila.

Kahit nasaktan ako, ayoko manira nang relasyon. Pag nagkakasalubong kami, isang simpleng hi na lang ang ibinibigay ko. Ayoko na kasing makipag-usap sa kanya.

Nang minsang magkasama kami sa isang event, kinumpronta niya ako.

“Ano bang problema mo Dhen?”

“Wala akong problema.”

“Anong wala? Nagsimula ka na namang hindi ako pansinin. Dinededma mo na ako tapos sasabihin mong walang problema? Tangina Dhen, hindi ako tanga para hindi maramdaman na may mali sa atin.”

“Walang ‘atin’ at walang ‘tayo’ kuya. Kung anoman ang nangyayari sa akin ay wala kang kinalaman.”

“Hindi ako naniniwala.”

“Eh di wag.” Sabay talikod.

“Hindi na kita kilala.”

“Hindi na rin kita kilala kuya Nick. Sabagay, nagbabago nga naman ang mga tao. May mga panahong papasayahin ka yun pala sa dulo pinaasa ka sa wala. Alam mo kuya, sana sinabi mo sakin sa umpisa pa lang kung ano ang lagay natin para hindi ako umasa sa mga pinapakita mo.”

Natigilan siya.

“Oo kuya, minahal kita nang higit pa dahil nahulog ako sa mga paglalambing mo pero kita mo nga naman iiyak din pala ako dahil sayo.”

“I’m sorry.”

“You should be kaya kuya please lang hayaan mo na ako. Pakawalan mo na ako. Sawa na kasi ako eh.”

---

“Insan, pagamit naman ng phone mo.”

Naputol bigla pagmumuni-muni ko nang kausapin ako ni Eban. Agad ko naman in-activate yung wifi nang phone ko at inabot sa kanya.

Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi ko akalain na babalik sa akin ang alaalang iyon. Ang matindi pa, history repeats itself.

The Letters 2

NOTE:Sinulat ng aking kaibigan/kapatid na si Dhenxo Lopez. Enjoy.

Ang name ng kanyang character ay George.

ANG AMING MGA BLOGELYA (Please Follow)

Unbroken:http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com/
Dhenxo:http://angbuhaynidhenxo.blogspot.com/



Ang pagkakapareho ng mga pangalan at pangyayari ay parang conincidental lamang.








March 16, 2009

Dear mister lappy,


What a day! Sobrang hectic ng araw na ito. I’m so tired pero bakit ganun? Parang masaya ako na nakilala at nakita siya? This can’t be! Ayoko! I’m over with this!

Ha! Ha! Ha! You’re wondering who’s I’m referring right, lappy? Joy? Nope! Just a guy, tama, a guy na magiging kasama ko sa bago kong work. I think he’s nice kasi I saw it in his eyes. I loved how he blushed while staring at me. I don't know why pero kinikilig ako.

Effin’yeah right! Gaya nga nang sabi ko, this can’t be. I’m in love with Joy and ayoko siyang saktan. She’s my life! Life? Letse kang other half ko, tumigil ka. Chris isn’t my type! Chris isn’t my type! Ha! Ha! Ha! Panggagaya nang buwisit kong ego.


* * *




“See you later babe!” Paalam ko kay Joy.

“God bless sa orientation babe!”

“Thanks and I love you so much!” At ginawaran ko siya nang halik bago ako tuluyang sumakay ng bus papuntang Ortigas.



* * *



Kinakabahan ako sa puwedeng mangyari pero I’m excited na rin. I don’t know kung bakit pero parang may magandang mangyayari today.

Di naglaon ay nasa tapat na ako nang building ng magiging bagong tahanan ko. Pumasok na ako. Tinanong ako ng guard kung saan daw ang lakad ko, sinabi ko naman na for orientation ako. Oo nga pala, natanggap kasi ako na maging ESL Teacher ng mga Korean students.

Pinatuloy naman niya ako. Habang naglalakad sa pasilyo ay heto na naman si lintik na kaba. Hindi ako mapakali. Nakarating ako sa area na ganun pa rin ang nararamdaman ko. Ano ba! Compose yourself! Umaarte ka na naman. Kung di ka titigil, magha-hyperventilate ka niyan. Mas nakakahiya iyon. Saway ko sa sarili ko at nagpakawala na lang ng isang malalim na buntong hininga.

Nagsimula nang mag-orient yung naka-assign samin. TL, yan ang madalas nilang sabihin kapag kinakausap siya nang mga nakaharap sa computer. Di ko maiwasang hindi mag-sight-seeing. Madaming magaganda ang nagtatrabaho doon. Madami ring gwapo! Sinaway ko ang sarili sa naisip na iyon.

Parang tumigil ang mundo ko pansamantala nang tumapat kami sa isang lalaking nakatalikod sa amin na tipong walang pakialam sa ginagawa ng TL niya. Nagta-type ito at mukhang seryoso pero para itong may magnet na hinihila ako sa kanya.

“Uhhmmm. Teacher Chris.” tawag nito bilang pagkuha sa atensyon nito.

So Chris pala ang name niya. Malamya siya kumilos at magsalita pero it didn’t stop me na pakinggan ang pagsasalita niya.

Chris has a good complexion. Maputi ito. Maganda rin at broad ang kanyang mga balikat. Makinis ang mukha nito at nakatayo ang kanyang nakawax na buhok. Sa pagkakatanda ko ay parang light brown ang sabog ng kulay sa kanyang buhok na bumagay naman sa kanya.Kita din ang medium sized na nunal sa bandang ilalim ng kanyang kaliwang ilong. I must admit that he looks good. And his body frame is just so adorable. I'm uncertain if he goes to the gym.

“Yes TL?” nagigiliw giliwan nitong sabi.

“Uhhmm.” sabi nito sabay hawi ng buhok papunta sa kanyang tenga.

“Uhmm,we have a new member for the team.” dugtong nito.

Napantastikuhan naman ako sa itsura nito na waring hindi interesado sa ginagawa namin. Bukod pa nun, bakit parang natameme si TL na hindi rin nakalagpas sa kanya.

“Uhhhm,Yes. Uhhm. Yes. This is Teacher George.” sabi ni TL sa kanya.

Ngumiti ako bilang respeto at pagpapacute na rin. Papacute? Letse tumigil ka! Muling bumanat si TL.

“Ahhh Teacher Chris,he'll be sitting here.” sabay turo sa bakanteng upuan sa kanan nito.

“Ahh okay. Sure sure.” sabi nito sabay ngiti.

“Nice meeting you Chris.” sabi ko sa kanya.

Nagtaka ako sa inasal ko. Usually tama na ang pagpapakilala sa sarili pero this time nag-initiate ako nang handshake. Iba ito. Mas lalo pang nakakagulo dahil nakatitig ako sa kanya at ganun din siya sa akin.

“Teacher Chris?” sabi ni TL.

“Uhh yes? “

Saka lang siya bumalik sa reality. Nakita niyang nakaumang ang kamay ko kaya naman ay inabot niya ito. Uh-oh! Bakit may spark? Lagot!

“Teacher Chris,are you okay? Namumula ka.” concerned na sabi ni TL.

“I'm okay TL. Thanks.” sagot niya matapos magsalamin.

“Okay. Teacher Chris,iiwan ko muna dyan sa tabi mo si Teacher George. Kindly assist him if he has questions ha? Be kind.” sabi ni TL.

“Yes TL.”

At tumabi na ako sa kanya. Para lang akong tanga na nakatutok sa computer pero hindi naman magawang i-orient ang sarili sa functions ng applications. Mas pinagtuunan ko ng pansin ang usapan ni Chris at yung kaibigan nitong babae.

Bakit ganun? Hindi na bago sa akin ang magkagusto sa isang lalaki pero kakaiba ito lalo pa at may gf ako. I mean, I’m no longer used to it. Matagal nang hindi ako nagkaganito. Siguro na-attract lang ako kasi . . . OMG! Wala akong maisip na dahilan.

Napatingin ako sa kanya. Busy pa rin siya sa pakikipagdaldalan sa katabi niya. Natutuwa ako sa paraan niya nang pagtawa at yung mismong tawa niya. Uh-oh, I’m freaking out. Dali-dali akong tumayo at nagpaalam na magsi-cr lang.

Binilisan kong lumakad at nang makapasok sa isa sa mga cubicle ay muntanga lang na sapo ang dibdib. My heart’s racing. Lagot! Nilabas ko ang cellphone ko at agad tinawagan si Joy.

“Hi babe!”

“Wala lang, I missed you lang.”

“Yeah, okay naman yung orientation. Mababait rin sila rito.”

“Yup, don’t worry makakasabay din ako sa kanila.”

“Anyway, I’ll fetch you later okay?”

“I love you so much babe! See you soon!”

Pagkababa ko sa linya ay agad akong nakaramdam ng guilt. Patay don! Naghilamos ako agad baka sakaling mawala yung nararamdaman ko. Bumalik na ako agad sa cubicle ko at inumpisahan ng mag-orient.

Buong pagtatrabaho ko ay nakikiramdam ako sa mga ginagawa niya kaya minsan ay hindi ko namamalayan na nagtatanong na pala yung mga students ko.

All in all, my day turned out fine but I got tired. Naihatid ko na rin si Joy sa bahay nila. Yeah we kissed! I love her. Eh siya? You love him na ba? Letse ka! Tumahimik ka!

Hay naku. So see you around mr. lappy!



Till next time,
George

Saturday, July 2, 2011

Kagaya ng Dati ..... Full Story

magandang araw po sa lahat ng followers ng blog na ito,
matagal ko ng natapos isulat ang kwentong ito at matagal na ring nakapost sa Bi Out Loud ang link kung saan pwedeng i-download ang PDF file,

ngayon po ay ipo-post ko ulit ang link sa blog na ito at sana may bago pang readers na mag-download ng kwento, eto po ang link (paki-copy/paste na lang po):


http://pdfcast.org/pdf/kagaya-ng-dati

http://www.scribd.com/doc/59315549/Kagaya-Ng-Dati-by-BX

maraming salamat po,,,,,