Tuesday, February 7, 2012

The Proposal

Photobucket

“PLEASE let me go, Jarel. Walang patutunguhang maganda ang relasyong ito,” ang nagmamaka-awang pakiusap ni Bianca sa nobyo.

Malungkot na tinitigan siya ng katipan. “You know I can’t do that. Patawarin mo ako, pero ito lang ang paraan para hindi mo ako iwan.”

Katulad ng dati ay walang nagawa si Bianca kundi ang mapasandal sa dingding ng silid na iyon. 

Naroroon sila sa kwarto ng kasintahan. Hindi naman siya nito kinidnap o kung anupaman. Ngunit sana nga ay ganoon lang ang sitwasyon para makaalis na siya sa lugar na iyon. Mas masahol pa kasi sa abduction ang ginagawa nito sa kanya.

Hinda siya dapat naroroon. Walang kamalay-malay ang mga magulang niya sa pangyayari. Walang kahit na sino, kabilang na ang pamilya ni Jarel sa mga nagaganap sa loob ng silid na iyon.

“Para mo ng awa, Jarel,” aniya sa nauupos na tinig. Halos dalawang lingo na siyang nakikiusap dito na palayain siya.

Nilapitan siya nito at niyakap. Hindi naman siya tuminag. Damang-dama niya ang pagmamahal na kalakip ng yakap nito. Ngunit sa isang banda ay nararamdaman din niya ang sakit na pinagdadaanan nito.

“Bianca…”

“Shh… Tahan na. Alam kong masakit. But w-we cannot do anything about it now. Y-you j-just have to let g-go. Y-you should start to move on without me.” Napuno ng sakit ang dibdib niya sa mga binitiwang salita.

Mas masakit para sa kanya ang makitang nahihirapan si Jarel. Ngunit kailangan niyang gawin iyon.

Kailangan.

Nagsimula nang umagos ang luha sa kanyang mga mata.

“A-alam mong h-hindi ko k-kaya…” naiiyak na rin nitong sabi.

Itinaas niya ang kamay para haplusin ang ulo ni Jarel. “I know you can. Y-you’re strong. It’s j-just a matter of t-time.”

Tinitigan niya ang katipan. Nakasalamin sa mga mata nito ang sakit na nararamdaman din niya nang mga oras na iyon. Kung sana lang ay nag-iba ang pagkakataon. Nilunod niya ang sarili sa yakap at titig nito. At nang bumaba ang mukha nito para siliin siya ng halik ay nagpaubaya siya, kasabay ng pagbabalik tanaw niya, tatlong lingo na ang nakalilipas.

THREE WEEKS AGO…

“Come on, Jarel. Kanina pa naghihintay sila Mommy sa restaurant. Tayo na lang ang wala roon!” Nagmamadaling wika ni Bianca habang papunta siya sa garahe.

“Sandali lang naman, babe. Hindi ko kasi makita yung wallet ko eh.” Reklamo ng nobyo sa kanya na kasalukuyang natuturete kakahanap sa pitaka.

“Nasa jeans mo na nakasabit sa likod ng pinto!” sigaw niya sa may pintuan ng bahay.

Ilang saglit pa ay nagmamadaling isinara na ni Jarel ang pinto ng silid nila. Nagpatiuna naman siya sa sasakyan na nasa garahe.

“I’m driving.” Nakangisi niyang sabi sa nobyo.

Natatawang nagtaas na lang ito ng kamay ng makitang nasa kamay na niya ang susi ng Revo. Nang nasa daan na sila ay napansin ni Bianca na nananahimik ang nobyo. Mukhang atubili nitong hindi mawari.

“Babe?”

Hindi siya nilingon nito. Dahil doon ay tumibay ang hinala niya na may bumabagabag dito. Kilala na niya ang ugali nito kaya alam niya kung may pinoproblema ito. Sa totoo lang, ilang araw na niyang napapansin na mukhang agitated ang nobyo. Napabuga siya.

“Babe? What’s wrong? Ilang araw ka nang ganyan,”aniyang may ngiti sa labi. Ayaw niyang dagdagan ang pag-aalala nito sa kung anumang bagay sa pamamagitan ng pagpapakita ng pag-aalala para dito.

Hindi maipaliwanag ang ekspresyon ng mukha ni Jarel ng lingunin siya nito. Parang nagulat na ewan. “H-ha? Ah… wa-wala ito, Babe. Promise. May iniisip lang ako.”

“Okay?” Kibit-balikat niyang tugon saka nag-concentrate sa pagmamaneho.

Wala naman siyang nakapang kakaiba sa inaasal nito kaya nanahimik na lang si Bianca. Hindi niya alam kung bakit kampante siya pero nasa nobyo niya na ang lahat ng katangian na hinahanap niya sa isang lalaki.

Faithful. Sweet. Caring. Thoughtful. At higit sa lahat, minamahal siya ng tunay. Jarel was a man of action. Kaya naman kahit maraming umaaligid dito na nagpapakita ng interes ay dedma lang siya. Alam niya ang katayuan niya sa buhay at puso ng nobyo. Kundi ba naman ay papayag ba siyang makipaglive-in dito?

Isang taon na silang nagsasama at awa naman ng Diyos ay maayos ang kanilang set-up. Hindi rin siya nag-aalala na hanggang doon lang sila. Nang tanungin siya ng mga magulang kung bakit siya pumayag na makipaglive-in dito ay gusto niyang makilala pa ang lalaki.

Ayos lang naman sa mga ito ang pagsasama nila ni Jarel dahil laki sa ibang bansa ang mga ito. Nagsettle lang sila ng mga magulang dito sa bansa gawa ng economic depression noong mga nakaraang taon.

Nang makarating sa restaurant ay natanaw kaagad ni Bianca ang mga magulang. Ngunit napakunot-noo siya ng matanawan din ang mga magulang ni Jarel. Hindi lang iyon, naroroon din ang ilang malapit nilang kaibigan, katrabaho at mga dating kaklase. Nilingon niya ang kasintahan na hindi katulad kanina na parang may pinoproblema lang. Ngayon ay mas nag-aalala ang hitsura nito at mas lalong nagmukhang kinakabahan.

Pinigil ni Bianca ang magusisa sa nobyo hanggang sa makaparada. Nais niyang malaman ang tunay na dahilan ng pagtitipong iyon kaya naman nanahimik muna siya, bagaman ay may kaunting kaba at hinala na siya sa kung ano ang magaganap maya-maya.

Nang makapasok sila ay sinalubong sila ng mainit na pagtanggap ng kani-kanilang mga magulang. Isa sa mga pagbating nagpatibay ng hinala niya bago pa pumasok ay ang huling salitang binitiwan ng kanyang ina.

“It’s about time, hija…” anito bago nangingiting binalingan si Jarel na hindi pa rin maayos ang hitsura. Pasimple niya itong hinila.

“What is going on? Why is everybody here?”aniya sa kontroladong boses habang itinatago sa likod ng kanyang mga ngiti ang pagkairita. “I thought this was a dinner with my family?”

“Ah… eh… oo nga. Kaso with my parents din, and with m-my co-workers, a-and yours too…” natataranta nitong wika.

Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito at bago pa siya makapagbitiw ng panibagong katanungan ay mabilis na sumampa sa maliit na entablado si Jarel at kinakabahang hinawakan ang mikropono.

Unti-unti ng luminaw sa kanya ang mga kaganapan kaya naman ganoon na lang ang kaba niya. Hindi pwedeng mangyari ito! This was not even in her plans, yet!

Nais man niyang sigawan ang kasintahan ay hindi niya magawa. Lalo pa siyang nataranta ng magsimulang magsalita si Jarel.

“Ahm… G-good Evening!” Nanginginig ang labi at kamay na wika ng katipan. Napapikit na lang siya sa kinatatayuan at hinintay na sabihin nito ang mga dapat sabihin.

She heard him cleared his throat na ikinatawa ng ilang naroroon. Yung iba naman ay nagtsi-cheer para lumakas pa ang loob nito. Alam na ni Bianca ang mangyayari.

Jarel will propose to her and she’s going to say no. Not that she doesn’t loved him. But she wasn’t ready yet. Kaya nga siya pumayag makipaglive-in dito eh. She just can’t handle marriage yet. That was something big for her.

“Thank you for coming tonight. Alam ko naistorbo ko yung ilan sa inyo but I want to share something important with you guys and I want you to witness it. So here goes,” Nakangiting hinarap siya ni Jarel. Iyon ang nabungaran niya ng muli siyang magdilat ng mata. “Bianca… babe… I think may idea ka na of what’s been happening around you. I tried to keep it from you for days and I think I did well…”

***

HINDI alam ni Jarel na hindi rumirehistro ang lahat ng sinasabi niya sa nobya. For Bianca was there but her mind was already numb. Walang kahit na anong naiintindihan ang dalaga sa mga binibitiwan niyang salita. Nagulat pa siya nang makita niyang may tumulong luha sa mata nito.
“Bianca?” nag-aalala niyang sabi.

Matagal niyang pinaghandaan ang pagpo-propose sa nobya kaya naman hindi niya inaasahan ang reaksiyon nito.

Para kasi itong namatayan habang nagsasalita siya at takot na takot. Taliwas sa ine-expect niyang ekspresiyon mula rito.

“Bianca?” muli niyang tanong rito. Pati ang mga bisita at kamag-anak nila ay nagtatakang nilingon rin ang dalaga na walang katinag-tinag sa pagkakatayo.

“Bianca, babe? What’s wrong?” Aniya pagkatapos bitiwan ang mikropono at nagtangkang bumaba.

Ngunit laking-gulat ng lahat ng naroroon nang biglang tumakbo si Bianca palabas ng restaurant. Mabilis siyang sumunod dito para alamin kung bakit ito nagkakaganoon.

“Bianca, wait!”

Subalit ang sumunod na mga pangyayari ay gumunaw sa lahat ng pangarap ni Jarel para sa gabing iyon. Kitang-kita niya ng banggain ng isang sasakyan ang katawan ng katipan bago iyon tumilapon patungo sa hanay ng mga sasakyang nakaparada sa harap ng restaurant.

Halos mayanig ang mundo niya ng makita ang duguang katawan ni Bianca. Wala itong kagalaw-galaw habang nakahandusay sa kalsada. Kinuyog naman ng mga kamag-anak niya ang driver ng sasakyan habang siya ay nakaluhod lamang malapit sa nobya. Hindi siya makakilos ng tama. Hindi niya alam ang gagawin. At nang magkaroon siya ng pagkakataon na mahagilap ang tila nawalang boses ay ubod lakas siyang sumigaw.

“Bianca!!!”

Pumailanlang ang tinig na iyon ni Jarel sa paligid at kasabay ng kanyang luhang kusang bumalong sa kanyang mga mata ay ang pagpatak ng ulan at ang ingay ng sirena ng ambulansiyang paparating.

PRESENT TIME

“K-Kuya? Kumain ka na raw sabi ni Mommy.”

Tinig iyon ng nakababatang kapatid ni Jarel na si Maida. Mabilis niyang inilibot ang paningin. Wala na roon si Bianca.

Ibinaling niya ang paningin sa isang panig ng kanilang silid. Iyon mismo ang kwartong tinutulugan nilang magkasintahan sa bahay na binili niya para dito. Partikular na dumapo ang kanyang mata sa altar na may litrato ni Bianca.

Kaiba ang altar na iyon dahil may nakaguhit sa ibabaw niyon na mga imahe at salitang latin. Iba rin ang kulay ng kandilang ginagamit niya. Itim. Hindi kakailanganing maging henyo para malaman ang kaniyang ginagawa. It was a séance. A ghost-summoning ritual.

Natutunan niya ang tungkol doon isang linggo pangkatapos ilibing si Bianca. She was dead on arrival that fateful night. Sinisisi niya ang sarili sa pagkamatay nito. Kung di siya nagpadalos-dalos sa pagpo-propose dito ay malamang na buhay pa ito ngayon.

He knew she was not ready yet but he continued with his plan. Had he known that Bianca will die because of his action, he might’ve considered cancelling the whole thing. He only thought about his own happiness.

Napakurap-kurap siya ng marinig ulit ang tinig ng kanyang kapatid.

“Kuya…”

Dinampot niya ang figurine na malapit sa kanya at ipinukol iyon sa pinto senyales na wala siyang interes na kumain o kung anupaman. Mabilis namang lumayo ang kapatid niya base sa mga yabag nitong papalayo.

Muli niyang tinunghayan ang altar at hinawakan ang litrato ni Bianca. Inusal niyang muli ang mga katagang kailangan upang makita ito at mahawakan.

Hindi nagtagal ay binalot ng kakaibang lamig ang silid nila. Paglingon niya ay naroroon na si Bianca. Mabilis siyang lumapit dito at niyakap ito. Napakalamig ng kanyang katipan ngunit okay lang sa kanya. Wala siyang mapagpipilian kundi magtiyaga sa kakaunting mayroon siya.

“Babe…” impit na daing ni Jarel sa nobya.

“You have to let me go, Jarel.” Matigas ang tinig na sabi ni Bianca.

“Babe…” natitilihan niyang turan. Mabilis siyang kumalas para tingnan ito.

Halos hindi makayanan ni Jarel ang sumunod na eksena. Lumuluha si Bianca at parang pagod na pagod na ang hitsura. Nakabalatay din ang sakit sa mga mata nito na para namang punyal na tumutusok sa kanyang puso ng mga oras na iyon.

“Jarel…” anang basag na tinig nito. “Mahal na mahal kita, Babe. But please, you have to let me go. Don’t you have any idea of what you’re doing to me?”

Nagtataka siyang sumagot. “What?”

“You’re breaking my heart, babe. Please let me go. I forgive you, so please forgive yourself. I’ll never stop loving you…”

Tila binuhusan ng malamig na tubig si Jarel ng mga sandaling iyon. Kasabay ng malayang agos ng kanyang luha ay ang reyalisasyon. Hinipan niya ang mga kandila at itinumba ang altar.

Isang nakangiting Bianca ang unti-unting naglalaho sa kanyang paningin habang umuusal ng mga katagang… “Salamat.”

Jarel was left devastated and crying while holding Bianca’s picture in his hand. He knew it’s only a matter of time before he can heal. But for now, let him grieve.

END

8 comments:

Lawfer said...

d q masisisi si jarel, he loves bianca so much.. :(

thanks ms.D for ths touching story of letting go :)

vash said...

ang sad naman ng story! di ko napigilang maluha.. :'c

DALISAY said...

Thanks Rue and Vash... :)

russ said...

ang sad nga talga

Anonymous said...

Sad but exceptionally written. Congrats!

DALISAY said...

Thanks Russ and Mr. Anonymous.

Brye Servi said...

ang hirap pakawalan ng taong mahal na mahal mo lalo na sa ganitong paraan pa kayo nagkahiwalay. ang lungkot. napakalungkot. :(

DALISAY said...

Thanks Brye...