Saturday, September 17, 2011

DAglat presents: TEE LA OK part 4


“Let me help you carrying your bag.” offer ni Gabby kay Harold.

“Kaya ko na to.” nakangiting sagot ni Harold.

“I said let me help you.” pamimilit ni Gabby saka hinablot ang bag na dala ni Harold.

“Para backpack lang na may ilang laman.” reklamo ni Harold.

“Ayaw kasi kitang nahihirapan, so it is my responsibility to make your life at ease.” tugon ni Gabby na may simpatikong ngiti.

“Hay!” napabuntong-hininga si Harold. “Ikaw talaga.” dagdag pa nito saka tapon ng matamis na ngiti.

“Kanina pa kayo?” tanong ni Sean na kararating lang.

“Isn’t obvious?” sarkastikong turan ni Gabby.

Tinitigan naman ni Harold si Gabby at sumagot ng maayos sa tanong ni Sean. “Hindi naman, mga 15minutes siguro.” sagot pa nito.

Kibit-balikat lang si Gabby sa sitwasyon nilang tatlo ngayon.

“Sorry kung na-late ako. Mahirap kasing magpaalam sa bahay.” paumanhin naman ni Sean.

“Dapat hindi ka na sumunod. Do your home responsibilities and I am sure your parents need you more to help them or maybe your organization needs you today.” saad naman ni Gabby.

“Let’s go?” suhestiyon ni Sean na tila hindi pansin ang presensya

“Gabby tara na!” aya naman ni Harold kay Gabby.

“Talaga bang isasama natin iyan?” tanong ni Gabby dito.

“Naririto na di ba?” balik na tanong ni Harold saka sumakay sa kotse katabi ni Gabby.

“Tara na dito sa likod!” aya ni Sean kay Harold.

“Hindi!” pigil ni Gabby. “Sa harap si Harold. Ano akala mo sa akin, back seat driver?” sarkastikong turan pa ng binata.

“Malungkot mag-isa kaya sa harap na din ako.” sagot ni Sean saka tinabihan si Harold sa harap.

“Hay!” inis na napabuntong-hininga si Gabby.

“Malamang matagal ka ng nahihirapan sa sitwasyon mo.” simula ni Sean sa usapan.

“Honestly, Harold loves our situation.” singit ni Gabby.

“Alam mo, namiss talaga namin iyong totoong Harold!” wika ulit ni Sean na hindi pinapansin si Gabby na may diin sa salitang “totoong.”

“Sorry buddy kung hindi ko talaga nasabi sa inyo. Baka kasi isipin mong luko-loko na ako eh.” paumanhin ni Harold.

“Ayos lang iyon. Pero sana sinabi mo na din, kasi iyong Harold na humarap sa amin, mayabang, maarte, maluho, maangas, mahangin saka self-centered.” wika ni Sean na tila hindi kaharap si Gabby.

“That’s not true!” kontra ni Gabby na nasa katawan ni Harold dahil ramdam niyang siya ang pinapatamaan nito.

“Parang may nagsasalita.” pang-iinis pa ni Sean kay Gabby.

Napangiti lang si Harold na nasa katawan pa din ni Gabby.

“Mamaya, maayos na ang lahat.” paninigurado ni Sean. “Matutulungan na kayo ni Tito Ronnie sa sitwasyon ninyo.” habol pa ng binata.

“Sana nga.” maikling tugon ni Harold.

“Basta, nakakamiss.” sagot ni Sean. “May problema ka ba?” tanong pa nito.

“Kasi nakaka-conscious makipag-usap sa’yo. Feeling ko dapat pa ding mag-ingat kasi mabibisto mo ako.” sagot ni Harold.

“Don’t worry buddy! Mamaya makakapag-usap na tayo ng matino.” sabi ulit ni Sean saka inakbayan si Harold.

“Please keep quiet. I can’t concentrate in driving.” inis na sabi pa ni Gabby.

“Tulog na lang tayo.” suhestiyon ni Harold.

“That’s right.” sagot ni Gabby.

Okay!” tugon ni Sean.

Ilang oras din ang byahe at sa pangatlong pagkakataon ay binagtas nila ang parehong daan at iisang patutunguhan. Pagkababa ng kotse –

“Where are you going?” tanong ni Gabby kay Harold saka ito hinabol.

“Sabi ko na nga ba, very strange and unusual.” sabi ni Harold na nasa katawan ni Gabby. “See Gabby! Sabi ko sa’yo hindi maganda ang feeling ko sa bahay na iyon.” sabi ulit ni Harold saka turo sa isang bakanteng lupa.

“It’s just a vacant lot.” nagtatakang wika ni Gabby.

“Di ba may bahay dito last time na pumunta tayo dito.” pagpapaalala ni Harold.

“Anung ginagawa ninyo dito?” tanong ni Sean na bagong habol lang sa dalawa.

“Please excuse us first.” sabi ni Gabby kay Sean.

“Hindi ka kasi nakinig sa akin dati.” may himig nang paninisi kay Harold.

“Di ba nag-sorry na ako sa’yo?” may pagka-inis nang sagot ni Gabby.

“Sana last time tumuloy na tayo kay Tito Ronnie para hindi na tayo nagka-switch.” sabi pa ni Harold.

“Think of it, kung hindi ba tayo nagka-switch magiging tayo ba?” bulong ni Gabby kay Harold.

Natigilan si Harold sa narinig niyang iyon mula kay Gabby. Naging isang palaisipan sa kanya na kung hindi ba sila nagka-switch ngayon ay magiging sila ba?

Lumakad pabalik si Gabby sa kotse at saka ito ipinark sa kung saan pwede.

“Ayos ka lang Rold?” tanong ni Sean kay Harold.

“Yeah, ayos lang ako.” sagot ni Harold saka sumunod kay Gabby.

Pagkalapit kay Gabby matapos nitong makapag-park.

“Sorry na Gabby.” paumanhin ni Harold.

“Ayos lang iyon, dahil mahal kita pinapatawad na kita.” saad ni Gabby.

“Talaga?” tanong ni Harold.

“Oo!” sagot ni Gabby na may simpatikong ngiti saka kinalabit ang ilong ng binata.

Habang paakyat –

“Buddy gusto mo bang tulungan kita?” tanong ni Sean kay Harold.

“Hindi buddy, kayo ko to.” sagot ni Harold.

“Akin na nga iyang bag mo.” sabi naman ni Gabby saka kinuha ang bag na dala ni Harold.

“Akin na yan. Baka mapagod ka lang.” tutol ni Harold.

“Ako na lang!” sabi ni Gabby saka patiunang lumakad.

“Hayaan mo na iyon.” sabi naman ni Sean saka hinawakan sa kamay si Harold na nasa katawan ni Gabby.

“Hindi ka ba naiilang?” tanong ni Harold.

“Saaan?” nauumid na tanong ni Sean.

“Na ang kaharap mo ay si Gabby?” tanong ni Harold.

“Iyon lang pala.” gumaan ang pakiramdam na sabi ni Sean. “Sa una hindi ako makatingin ng maayos sa’yo, pero mas kilala ng puso ko kung sino ang taong kaharap ko hindi base sa pisikal na anyo.” nakangiting tugon ni Sean.

“So, nakakapagsalita pala ang puso?” tanong ni Harold.

“Oo naman!” sagot ni Sean. “At sinisigaw pa ang pangalan mo.” sabi pa ni Sean sa sarili.

“Hoy!” sigaw ni Gabby na nasa katawan ni Harold. “Bilisan ninyo.” utos pa nito.

“Bilisan na nga natin, masyadong maligalig si Gabby.” nakangiting aya ni Harold kay Sean.

“Sabi mo!” sang-ayon ni Sean saka inakbayan si Harold. “Excited na din akong bumalik ka sa dati.” saad pa ng binata.

“I said hurry up!” sigaw pa ulit ni Gabby na may pigil na panggigigil.

“Excited ka na bang bumalik sa dati?” tanong ni Sean kay Gabby pagkalapit nito sa binata.

“It’s none of your business!” sagot ni Gabby saka hinatak sa gawi niya si Harold at nilagay sa beywang nito ang kamay niya.

“Tara na Harold!” sabi pa ni Gabby kay Harold saka patiunang naglakad.

Pagkarating nila sa bahay ni Tito Ronnie.

“Tao po!” si Sean na ang tumawag para sa kanila.

“Sean, ikaw pala!” masayang bati ng Tita Inday. “Harold!” bati pa nito.

“Nasa loob po ba ang Tito Ronnie?” tanong ni Sean.

“Buti at naabutan mo.” sagot ni Tita Inday. “Aakyat ulit ang Tito Ronnie ninyo sa tuktok ngayong araw.” sabi pa nito.

“Kakausapin po sana namin.” nakangiting wika pa ni Sean.

“Pasok kayo.” anyaya ni Tita Inday.

Isang payak na kubo lamang ang tirahan ng Tito Ronnie kung tawagin nila Sean at Harold. Tito Ronnie kung tawagin nila ni Sean, Kenneth at Harold ang albularyo dahil ito ang tumulong sa kanila ng mahulog sa bangin si Harold at magkaruon ng malalang injury at mawala sila sa bundok Banahaw ng minsang umakyat sila duon. Pinatuloy sila at inalagaan nang halod isang lingo at mahigit kaya naman naging malapit sila dito at sa asawa nitong mangagamot din.

Pagkapasok sa loob ay kitang-kita mo na ang nakatira duon ay isang mangagamot. Madaming mga kahoy na nakasabit, iba’t-ibang botelya na may lamang kung ano, mga anting-anting, mga imahe ni Kristo at kung anu-ano pa.

“Nung huling pumunta dito si Harold parang may kakaiba sa kanya.” komento ulit ni Tita Inday nila pagkapasok nila sa loob.

“Harold at Sean!” simulang bati ni Tito Ronnie sa kanila. Isang may katabaang lalaki na mahaba ang buhok at balbas ang itsura ng Tito Ronnie. Aakalin mo ding NPA dahil sa bikas at anyo nito.

“Magandang hapon po!” bati ni Gabby na nasa katawan ni Harold.

“Anung pangalan mo?” tanong ng Tito Ronnie nila.

“Si Harold po.” sagot ni Gabby.

“Huwag ka nang umarte Gabby!” singit ni Harold na nasa katawan ni Gabby.

“Katawan iyan ni Harold pero ibang ispiritu ang namamataan ko kaya hindi ikaw si Harold.” paliwanag pa ng Tito Ronnie.

Napahanga naman si Gabby ni Tito Ronnie dahil sinabi nito.

“Tito, siya po si Gabby.” pakilala ni Harold na nasa katawan ni Gabby. “Siya po ang may-ari nitong katawan na’to.” habol pa ng binata.

“Hijo! Ilang beses kong dapat sabihin na hindi mo pagmamay-ari ang katawang-lupa mo. Nakikigamit ka lang dahil pagmamay-ari iyan ng Diyos.” paliwanag pa ni Tito Ronnie.

“Sorry po Tito!” napakamot sa ulong saad ni Harold.

“Kaya po sila nandito para makabalik na sila sa dati.” singit naman ni Sean.

“Sige, bago ako pumanhik paitaas ay susuriin ko muna kung ano ang naging sanhi nang pagpapalit-katawan ninyo.” sabi ni Tito Ronnie.

“Salamat po!” sumiglang halos sabay na nawika nila Harold at Gabby.

“Isalaysay muna ninyo kung papaano kayo nagkapalit.” tanong pa ni Tito Ronnie.

Ikinuwento nga ni Harold at Sean ang nagyari sa kanila at hindi nila pinalampas ang bawat detalye. Pati na din ang mga teoryang naisip nila sa tuwing magkakapalit sila at ang lahat ng sitwasyong naisip nila. Pagkatapos niyon ay kumuha ng isang kahoy si Tito Ronnie at tubig. Inilubog niya sa tubig ang kahoy at mula duon ang malinaw na tubig ay magkaroon ng kulay kayumangging kulay.

“Hindi iyan sumpa, kulam o parusa ng isang lamang-lupa o engkanto.” simula sa pagpapaliwanag ni Tito Ronnie.

“Ano po?” tanong ni Harold.

“Ang nangyayaring pagpapalit-katawan ninyo ay paraan na inilaan ng isang tao na malapit kay Gabby para matuto ng mga aral na nasa buhay mo Harold.” paliwanag ni Tito Ronnie.

“What do you mean?” tanong ni Gabby.

“Bakit ako?” tanong naman ni Harold

“Isang tao na malapit kay Gabby ang nagnanais na mabago ng binata ang kapalaran niyang matulad siya sa lolo nito.” sagot ni Tito Ronnie. “At ikaw Harold, dahil malapit na malapit ka din sa taong ito at ikaw ang nakikita niyang susi para mabuksan mo ang bagong kabanata sa pag-iisip ni Gabby.” sagot naman nito sa tanong ni Harold.

“Hindi lang basta sa tilaok nang manok nakabatay ang pagpapalit-katawan ninyo. Kahit na walang manok sa paligid, basta marinig ninyo ang tilaok nito sa umaga, siguradong magkakapalit kayo. Kahit sa panaginip lang may tumilaok, basta’t magkasama kayong matulog at sa iisang higaan, asahan na ninyo ang pagpapalit ninyo.” sabi pa ni Tito Ronnie.

“I woke up hearing clucks the last time we switched.” sabi pa ni Gabby.

“Napanaginipan ko nga ding may manok at tumilaok.” saad naman ni Harold.

“Hindi lang iyon, may dalawang bagay pa, bukod sa tilaok, ano pa ang mayroon o magkakamukha na bagay sa tuwing magkakapalit kayo sa umaga?” tanong pa ni Tito Ronnie.

Isang mahabang pag-iisip ang nangyari sa kanila –

“As far as I remember the old man gave us food and offered us one blanket to use and we shared it. The old lady gave us slippers, soup and blanket and the last time, it is very typical.” sagot ni Gabby.

“Tama!” naibulalas ni Harold. “Si lolo nagpahiram ng blue na kumot, at si lola isa ding blue na kumot at ang kumot mo sa bahay ay blue din. Parehong nag-share lang tayo that time.” naliwanagang sagot ni Harold.

“Do you really think it is because of the blue blanket?” ayaw pakumbinsing kontra ni Gabby.

“May kahulugan ang kulay, at ang kulay asul ay nangangahulugang pagpapayapa. Kumbinsido akong ang kulay asul na kumot ay isa sa dahilan ng pagpapalit ninyo.” sang-ayon ni Tito Ronnie. “Isang bagay na lang ang kailangan nating alamin.” habol pa ni Tito Ronnie.

“Why do we need to know?” tanong ni Gabby.

“Kailangan kasing mayroon nang mga bagay na iyon para maisagawa ang tuluyang pagpapawalang-bisa ng leksyon para sa’yo.” sagot ni Tito Ronnie.

“The last thing na naiisip kong present sa tatlong sitwasyon na iyon ay…” sabi ni Harold saka inilabas ang kwintas na suot ni Gabby na nasa katawan niya. “Itong family pendant namin.” sagot ni Harold.

“Yeah, I didn’t remove it. Iyan lang kasi ang alahas na mayroon si Harold and my day is incomplete without any accessory.” sabi ni Gabby. “But me, I can’t remember any. Everyday I am use to wear new ones or I assure to use things once a year.” sabi pa nito.

“Yabang!” bulong ni Sean kay Harold.

“Yaan mo na.” sagot ni Harold.

“Mahihirapan tayong ibalik kayo sa dati hangga’t hindi natin nalalaman ang huling bagay na mayroon kayo pareho sa tuwing magkakapalit kayo.” paliwanag ni Tito Ronnie saka tumayo.

“Akala ko ba tatlong bagay lang?” tanong ni Gabby. “Pang-apat na iyong hinihingi mo sa amin.” saad pa ni Gabby.

“Unang bagay ay simbolo na kahit magkakaiba man sitwasyon at maaring pare-pareho lang ang dahilan ngunit iba-iba ang kahulugan at antas. Ang unang bagay na ito ay may malalim na kahulugang, pare-pareho man ng itsura, subalit may kakaibang katangiang tanging ang puso ang makakapagsabi kung ano ang pinagkaiba. Dahil ang malinis na puso ay may kakayahang kumilatis ng malinis at wagas na damdamin. Ang unang bagay din ay simbolo na iba-iba man ng katangian, subalit sa isang parehong bagay ay nagkakatulad. Dahil ang may mabuting kalooban, iba-iba man ng katangian ay kayang kilatisin kung saan bagay nagkakatulad.” paliwanag ng Tito Ronnie. “Sa kaso ninyo, ang asul na kumot ang unang bagay.” habol pa nito.

“Ang ikalawang bagay naman ay simbolo naman ay taglay ninyong dalawa, magkaiba man ang mga ito subalit pareho ng halaga at antas dala ng nakaraan. Ito ay dalawang bagay na taglay mo at ni Harold na hindi ninyo magagawang maisantabi o makalimutan dahil ang halaga nito para sa inyo ay isang kayamanang hindi material. Simbolo ito ng isang kayamanang ikaw lang at sarili mo lang ang may kakayahang magbigay halaga.” paliwanag nang matanda. “Sa pagkakataong ito, ito ang bagay na kulang at dapat nating hanapin.” sabi pa ni Tito Ronnie.

“Ikatlo ay ang bagay na ipinagkaloob ng naggawad ng aral. Ito ay bagay na tanging siya lang ang may alam at kung bakit ito at ipinagkaloob sa inyong tanda. Isang makahulugang bagay na tanging isang lihim na hindi maibubunyag.” sabi ulit ni Tito Ronnie. “Ang ikatlong bagay ay ang tilaok. Sa ordinaryong pagsasabuhay ang tilaok…” naputol na ang sasabihin ni Tito Ronnie nang biglang umeksena si Harold.

“Nandito iyon!” sabi ni Harold saka inilabas ang wallet ni Gabby.

“Ganid ka talaga sa pera!” komento ni Sean kay Gabby.

“Don’t make accusations if you’re not ready to prove them!” sagot ni Gabby na nasa katawan ni Harold.

“Pansin ko kasing laging nasa wallet ni Gabby itong sulat na’to na nasa loob ng supot. Sa tuwing matutulog kami laging isinasabit niya at ginagawang kwintas.” lahad ni Harold saka labas sa supot na sinasabi.

“Isang basura lang naman iyan!” tutol ni Gabby sa sinabi ni Harold.

“Sige, maaari na tayong magsimula.” sabi ni Tito Ronnie pagkakuha sa supot na iyon.

Inilagay sa isang kulay itim na lalagyan ang mga bagay na nakuha niya sa dalawa. Matapos niyon ay kumuha ng tubig na dumampi sa mga bagay na iyon saka nilagyan at binabaran ng kahoy. Lumabas ang hugi ng krus sa gitna ng kahoy saka ito pina-inom sa dalawa.

“Are you sure it’s safe to drink?” alangang uminom na tanong ni Gabby.

“Nasa katawan kita kaya safe iyan!” anas ni Harold.

Dahan-dahan at medyo asiwang uminom si Gabby.

“Ang arte naman!” insulto ni Sean kay Gabby.

Pinahiga ang dalawa at pinapikit –

“Sabay na maglalakbay ang inyong diwa at duon ninyo makukuha ang ikatlong bagay. Sa oras na marinig ninyo iyon ay nangangahulugang tapos na ang aral at leksyong ipinatupad.” sabi ni Tito Ronnie.

Ilang sandali din ang pinalipas at bumilang na si Tito Ronnie –

“Isa…” simula ng bilang.

“Dalawa…” kasunod na bilang.

“Tatlo…” ang huling bilang.

Samantalang tila isang mabilis na rewind and nagaganap kina Harold at Gabby hanggang sa umabot sila sa –

“Hoy Gabby!” tawag ni Harold kay Gabby.

“Bakit mahal?” nakangiting tugon ni Gabby. “We’re on our own body na!” pahayag pa nito.

“Sira! Flashback ng ka-engotan mo oh.” nakangising pang-aasar pa nito.

“For you information, this is not stupidity. Actually, I am thankful because I found a reason para mahalin ka.” tugon ni Gabby.

“Ako pa ang mamahalin. Para sabihin ko sa’yo, ikaw ang naghahabol sa akin.” ganti ni Harold.

“Yeah! Ako nga ang naghahabol kasi ikaw ang pakipot.” tugon ni Gabby. “Well, it’s not our problem kung sino ang naghahabol o kung sino ang humahabol, ang importante naging tayo na.” dugtong pa nito.

“Asus!” tugon ni Harold. “Tara na, hanapin na natin iyong bahay ni lolo.” aya pa ng binata.

“Huwag na!” kontra ni Gabby. “Dito na lang tayo.” dagdag pa nito.

“Saan tayo papalipas ng gabi? Saan tayo matutulog?” tanong ni Harold.

“Eh di yayakapin na lang kita buong gabi!” nakangiting turan ni Gabby.

“Korni mo!” tutol ni Harold. “Nagugutom na din kaya ako!” sabi pa nito.

“Bubusugin na lang kita sa pagmamahal ko!” sagot naman ni Gabby.

“Alam mo ganitong-ganito iyong linya mo nung time na’to.” sabi pa ni Harold saka lumakad papunta sa bahay ni lolo.

“Hey Harold!” awat ni Gabby.

“May ilaw dun oh! Ayun na iyong bahay na hinahanap natin.” sabi pa ni Harold saka tinakbo ang sinabing ilaw na nakita.

“Hintayin mo ako!” sabi pa ni Gabby.

“Ah lolo!” bati ni Harold sa matandang naabutan niya sa labas ng bahay.

“Ano iyon hijo?” tanong ni Harold.

“Lolo, naliligaw po kasi kami eh.” simula ni Harold. “Saka maginaw sa labas, maari po ba kaming makituloy muna sa inyo?” magalang na tanong ng binata.

“Ayos lang iyon! Natutuwa nga ako at nagkabisita ulit ako.” sabi pa ng matanda.

“Salamat po lolo!” pasasalamat ni Harold.

Hindi tulad nuong una nilang bisita, tinanggihan ng dalawa ang alok sa kanilang pagkain ng matanda. Sa silid na nilaan para sa kanilang dalawa –

“Nakakagutom ah! Bakit ba tinanggihan mo pa iyong pagkain ni lolo?” tanong ni Gabby.

“Loko ka ba! Malay mo may orasyon iyon para sa’yo!” sagot ni Harold.

“Hay! Nakakaasar ka talaga!” sagot ni Gabby. “You should do me a reward for not eating.” sagot ni Gabby na may nakakalokong ngiti.

“Hay! Umayos ka Gabby! Kakalbuhin kita pagbalik natin!” sagot ni Harold.

“Mga hijo!” katok ng matanda sa dalawa.

“Ano po iyon lolo?” tanong ni Harold.

“Pagpasensyahan na ninyo, isa lang kasi ang kumot kong natatago.” sabi ng matanda saka abot sa kumot.

“Salamat po lolo, pero ayos na po kami sa ganito.” sagot ni Harold.

“Malamig na panahon saka baka magkasakit kayo kung titiisin ninyo ang lamig.” pamimilit pa ng matanda.

“Sanay po kami sa ganuon!” nakangiting turan ni Harold.

“Thank you lolo!” sabi ni Gabby saka kinuha ang kumot. “Actually, it is really cold here. This will really help us.” sabi pa nito.

“Ano ba Gabby!” asar at nanlalaking matang turan ni Harold.

“Ano?” tanong ni Harold.

“Nakakahiya! Magtiis na lang tayo.” dugtong pa ng binata.

“Actually, I’m not doing this in my common life. I always see to it that I will have anything I wanted. But as you said, and what I learned from your life, simplicity is the best. Nagagawa mong makapagtyaga sa kung ano ang available even it means sacrifice.” tugon ni Gabby saka ibinalik ang kumot sa matanda. “Lo, you will need this more than we need it.” sabi pa ni Gabby saka bumaling sa matanda.

“Salamat hijo! Sa edad kong ito at sa lamig ng panahon kulang na ang isang kumot para hindi ako ginawin.” sagot ng matanda na may hindi mapantayang ngiti sa mga labi.

“Welcome po lolo!” sagot ni Gabby. “Harold taught me about that because he is offering his self thinking the good of the many.” tugon ni Gabby.

“Sige na, pahinga na kayo!” tugon ng matanda.

Pagkaalis ng matanda –

“Why are you smiling?” tanong ni Gabby kay Harold.

“Wala lang!” sagot ni Harold. “Natutuwa lang ako sa mahal ko, kasi nagbago ka na nga.” sagot pa nito.

“Rhetoric! I badly need it now.” sagot ni Gabby.

“Lokohin mo lelang mo.” kontra ni Harold. “Eh bakit gusto mong kuhanin iyong kumot? Alam ko namang hindi ka slow para kuhanin iyon.” tanong pa ni Harold.

“You know what,” simula ni Gabby saka tumingin sa mga mata ni Harold at buong sinseridad niyang sinabi na, “natatakot ako na sa paggising natin, hindi mo na ako mahal. Na baka paggising natin at bumalik na tayo sa dati ay mabago din ang pagtingin mo sa akin. Ayokong nang dahil sa tilaok ng manok mabago ang lahat ng mayroon tayo, mabago na mahal mo ako. Natatakot akong hindi mo na ako mahal pag-tumilaok ang manok at mabago itong tagpo na’to sa buhay natin.” sagot ni Gabby.

Namula naman ang pisngi ni Harold nang mga sandaling iyon. “Nag-iinarte ka na naman!” pilit na sagot ni Harold.

“Minsan na nga lang ako managalog just to be romantic, then you will answer me, nag-iinarte na naman ako.” turan ni Gabby.

Sumeryoso bigla ang anyo ni Harold. “Alam mo, hindi na mababago nito ang pagmamahal ko sa’yo, kasi bago pa man tayo magkapalit ng katuhan ay may damdamin na ako para sa’yo.” sagot ni Harold saka niyakap si Gabby.

“I love you!” wika ni Gabby saka hinalikan sa noo si Harold.

“I love you more!” sagot ni Harold.

Sabay nilang ipinikit ang mga mata at may narinig silang bilang… isa… dalawa… tatlo at…

“Tiktilaok!” isang malakas na pagyanig saka sabay na dumilat ang dalawa.

“Harold!” puno ng pag-aalalang tawag ni Sean kay Harold.

“Sean.” sagot ni Harold.

“Harold!” sigaw ni Sean saka niyakap ang nakahiga pang si Harold. “I miss you Harold! Welcome back!” saad pa ng binata.

“I miss you too buddy!” sagot ni Harold saka niyakap din si Sean.

“Totoo na ba talaga?” tanong ni Sean.

“Ikaw ang nakakakita!” sagot ni Harold. “Si Gabby!” nag-aalalang tanong ni Harold.

“Harold!” wika ni Gabby saka niyakap si Harold.

“Gabby!” napaluha pang sabi ni Harold.

We’re back!” sabi pa ni Gabby.

Sapat na ang katahimikan para ipahayag nila ang damdamin para sa isa’t-isa.

“Maari na kayong bumangon at tandaan ninyo na anumang oras maaring balikan kayo ng nagbigay sa inyo ng leksyon.” sabi ni Ka Ronnie.

“Salamat Tito Ronnie.” pasasalamat ni Harold.

“Thank you Sir!” pasasalamat pa ni Gabby.

“Ayos lang iyon! Para ko nang tunay na anak si Harold.” sabi pa nito. “Sapat nang alagaan mo iyang batang iyan para sa amin.” makahulugang saad pa nito.

Isang napakatamis na ngiti lang ang sinagot ni Gabby sa paalalang iyon ng Tito Ronnie nila Harold.

Walang pagsidlan nang kasiyahan ang tatlo dahil sa wakas ay babalik na normal ang buhay nilang lahat. Hinatid na muna nila si Sean sa tapat ng eskwelahan dahil may kakatagpuin pa ang binata.

Sa Maynila, matapos ang isang mahabang biyahe ay dumiretso naman sa bahay ng Tito Caretaker sina Harold at Gabby na nasa kanilang sarili nang mga katawan -

“Tito Caretaker, pwede po bang dito na muna ulit matulog si Gabby?” tanong ni Harold sa Tito Caretaker niya.

“Kung kahapon nga pinayagan ko, bakit hindi naman pwede ngayon.” nakangiting tugon nito.

“Thank you Sir!” sagot ni Gabby.

“Basta huwag lang mawiwili.” sagot ni Tito Caretaker.

Napangiti lang si Gabby at si Harold naman –

“Opo naman Tito! May sariling bahay naman po si topak.” saad ni Harold.

“Kumain na muna tayo ng hapunan at magsabay-sabay na tayo.” anyaya pa ng matanda sa dalawa.

Nagpa-deliver na din si Gabby nang pagkain sa isang fastfood chain para pandagdag sa kakainin nilang lahat sa bahay na iyon. Pagkakain ay nag-shower na muna sina Harold at Gabby at humiga na pagkatuyo ng buhok.

“Bakit ka nakatitig sa akin?” tanong ni Harold kay Gabby.

“Coz I want your face to be in my dreams. Kaya kinakabisado ko na lahat ng anggulo.” sagot ni Gabby.

“Hanggang ngayon hindi mo pa kabisado eh mahigit isang linggo mo na ngang ikaw ang nasa katawan ko.” sagot ni Harold.

“It’s really different when I’m looking at the mirror and seeing you close to me. I love you not because of your physicals but because of who you are. Iba na nakikita kita sa harapan ko sa nakikita ko sa salamin ang mukha mo.” sagot ni Gabby.

“Sige, kunwari naniniwala ako.” nakangiting sagot ni Harold.

“Hay! Ako na nga itong nagpapanggap na sweet gumaganyan ka pa.” inis na tugon ni Gabby. “If you only knew how much I really love you.” sabi pa ng binata.

Isang malalim na katahimikan at titigan ang namagitan sa dalawa.

“Ang gandang tingnan ng dimple mo.” pansin ni Gabby kay Harold. “Sa tuwing tititigan ko ang mukha mo lagi na lang akong may napapansing maganda sa’yo. Bukas kaya, ano naman ang makikita ko?” dugtong pa ng binata.

“Tumigil ka na nga sa pambobola mo!” tugon ni Harold saka inilapit kay Gabby ang mukha.

“No! I’m not!” kontra ni Gabby. “In fact, I am telling the truth. Nakakawili na ngang titigan ang mukha mo. I found my newest hobby and if I will be given a chance, I want to spend my lifetime just looking at you.” dugtong pa ulit nito.

Isang ngiti lang ang sagot ni Harold sa tinurang iyon ni Gabby saka pumikit.

“Tulog na tayo!” aya pa ni Harold dito.

“Ayoko pa! Masarap ka kayang titigan.” tutol ni Gabby.

“Sige na! Please!” pakiusap ni Harold saka niyakap si Gabby.

“Sige na pagbigyan mo na ako.” tutol ni Gabby.

“Gusto na kitang mayakap ulit.” sagot naman ni Harold saka inihiga ang ulo sa balikat ni Gabby.

“Hay naman kasi!” sabi ni Gabby.

“Tandaan mo, hindi mo ako pinagbigyan ngayong araw na’to.” sabi ni Harold na may himig pagtatampo saka tumalikod.

“As you wish!” sagot ni Gabby. “Patampo-tampo pa oh!” sabi pa nito saka tumayo pinatay ang ilaw.

Niyakap ni Gabby si Harold pagkahiga at ang mukha niya ay idinikit sa batok nito habang ang kanyang mga kamay naman ay nakayakap sa binata at isiniksik ang isang paa sa pagitan ng binti ni Harold.

Kinabukasan –

“Good morning!” panimulang bati ni Gabby saka hinalikan sa noo si Harold.

“Magandang umaga.” nakangiting ganti ni Harold.

“Uuwi muna ako sa bahay bago pumasok sa opisina.” balita pa ni Gabby.

“Akala ko ba isang lingo kang hindi papasok?” tanong ni Harold.

“Nakakahiya kasi sa Tito Caretaker mo kung papalipas pa ako ng maghapon dito. Saka may guato kong makapag-pahinga ka ng maayos.” sabi pa nito.

“Hay! Ikaw talaga!” sabi ni Harold saka pinisil ang ilong ni Gabby.

“Para saan naman iyong pisil na yun?” tanong naman ni Gabby.

“Para maalala mo ako paghindi mo na ako kasama.” sagot ni Harold.

“What is the connection huh?” tanong ni Gabby.

“Ilong lang ang walang kapartner na parts ng mukha mo at ang sentro. Sa ilong ka din humihinga at nakakamoy.” sagot ni Harold.

“Then?” tanong ni Gabby.

“Sa tuwing mahahawakan mo ang ilong mo, maalala mong may naghihntay na ako na nag-iisa at walang kapartner. Dapat ako din ang maging sentro ng inspirasyon mo at ng araw mo, na mapapangiti ka sa tuwing maaalala mo ako. Gusto ko ding maging hangin na pumasok sa loob mo para masiguradong buhay mo.” sagot ni Harold.

“So illogical at invalid argument. Pero palalampasin ko na sa ngayon.” sagot ni Gabby.

“Bangon na.” utos naman ni Harold.

“Ayoko pa, gusto ko pang yakapin ka.” tutol ni Gabby.

“May next time naman di ba?” tanong ni Harold.

“Kaso baka matagalan pa.” sagot ni Gabby.

“Hindi iyan.” paninigurado ni Harold.

“Hay! Ayoko pa nga.” tutol ni Gabby.

“Nakakahiya kay Tito, malapit na kayang magtanghalian.” sabi pa ni Harold.

“Hay!” sagot ni Gabby saka naiinis na bumangon. “Ayan na!” sabi pa nito.

“Huwag ka ngang gumanyan! Hindi bagay sa’yo.” natatawang turan ni Harold.

Dumaan na nga muna si Gabby sa bahay niya bago pumasok sa opisina.

“What are you doing here ma?” tanong ni Gabby sa ina.

“Kagabi pa akong nandito ang I am waiting for you.” tugon ng ginang. “Are you with Harold?” tanong pa nito.

“What brings you here?” tanong pa ni Gabby. “Yeah, I’m with him.” sagot naman ng binata.

“I told you to get rid of that Harold!” madiing wika nang ginang. “You’re not listening to me, narito at kadikit ka na naman ng baklang hampas-lupang iyon.” nanggigil pa nitong dagdag.

“Ma! I said please, pabayaan na po ninyo kami ni Harold. We love each other.” sagot ni Gabby.

“He doesn’t love you! He loves your money!” sabi pa ng ginang. “He loves your money at isa lang siya sa madmaing oportunistang patay-gutom na painan mo ng pera ar bibgay.” paratang pa nito.

“Harold is not like what you think ma!” kontra ni Gabby. “Give time to know him better and I am very sure, you’ll love his personality.” paliwanag pa nito.

“Find a girl that is right for you. I have many friends and they have daughters’ of well-educated, brilliant, smart, decent, socialite, very nice and very charming.” paliwanag pa ng ginang.

“Ma! Hindi naman nalulugi ang kumpanya natin to do such action.” kontra ni Gabby. “Plus, Harold may not be as rich as us, but he is well-educated, brilliant and smart. In fact he is a summa cum laude candidate. He is very decent and holds his principles and ideologies very tight. He’s the nicest and most charming person I ever met! He may not be a socialite but his simplicity is the biggest factor I love about him.” paliwanag ni Gabby.

“I don’t have time to listen with your stupidity!” pigil nang ginang sa susunod pang sasabihin ni Gabby. “I want you to attend my party this evening!” sabi pa nito. “Marami akong ipapakilala sa’yo na babagay sa’yo.” saad pa nito.

“Kahit na anung mangyari ma, hindi ko ipapagpalit si Harold.” sabi pa ni Gabby.

“This is for your own good!” paliwanag pa ng ginang. “Whether you like it or not, you will attend my party!” madiing utos pa nito.

“But ma!” tutol ni Gabby sa papalabas na ina.

“No more buts and whys!” sabi ng ginang.

Napabuntong-hininga na lang si Gabby at tinawagan si Harold -

“Hey Gabby!” sagot ni Harold sa kabilang linya.

“Rold! I want to see you now.” sagot ni Gabby.

“Ano?” tanong ni Harold.

“Please be in FabConCom before 2pm.” pakiusap ni Gabby.

“Pasalamt ka, miss na kita!” sagot ni Harold. “Sige, I’ll be there.”

“Thanks!” sagot ni Gabby saka pinindot ang end call.

“May topak na naman si topak!” nangingiting pahayag ni Harold pagkababa ng tawag.

Samatalang si Gabby naman ay nahulog sa isang malalim na pag-iisip tungkol sa kalagayan nila ni Harold.

d

Friday, September 16, 2011

DAglat presents: E TEE NA NEEM



SA IKATLONG PAGHAHANDOG NG DAGLAT: E TEE NA NEEM

“Case closed! This court found that Fulgencio Macalino is guilty of murder. This court ordered life sentence and one hundred thousand pesos for casualties.” sabi ng tagapagbasa ng hukom.

“Congrats Shawn!” bati ni Sean saka niyakap si Shawn.

“Salamat Sean!” pasasalamat ni Shawn na bakas pa din ang saya ngunit mababanaag pa rin ang lungkot sa mga mata.

“Congrats Shawn!” bati naman ni Tyrus kay Shawn sabay abot sa kamay nito. “Pero huwag kang magsaya, dadalin namin ito sa korte suprema.” pagbabanta pa nito.

“Huwag kang mag-aalala, sisiguraduhin kong ako ulit ang mananalo.” sagot ni Shawn saka nagbigay nang mapait na ngiti kay Tyrus.

“Shawn!” nag-aalalang wika ni Sean.

“Don’t worry Sean!” sagot ni Shawn na alam ang nais ipahiwatig ni Sean.

“Hindi ka pa ba titigil? Tapos na ang laban.” pahayag ni Sean.

“Kalagitnaan pa lang ako Sean! Mahaba pa ang tatakbuhin ng laban ko.” wika ni Shawn saka nagbigay ng isang matipid na ngiti sa kaibigan.

“Shawn.” tanging nasabi ni Sean at nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga.

ABANGAN....................

Musmos [16]

by Jeffrey Paloma

"Christopher Dexter Ronald Alvarez Chua... hindi mo ba ipapakilala sa akin ang iyong panauhin?..." ang malambing na boses na kumausap kay Ron. Hindi ako makapaniwala sa aking nadinig.

Thursday, September 15, 2011

Musmos [15]

by Jeffrey Paloma

Nakapambahay ang driver ng kotseng tinititigan namin ni Alex. Pamilyar na likod, tikas, at ayos ng buhok ang nagpakilala sa aking si Ron pala ang driver ng VIOS.

First BOL Awards...

BOLA has now begun. The 1st Bi Out Loud Awards is now officially open. Let us recognize the tremendous work, passion, support and talents of our dearest writers who contributed to the BOL community through this event and WIN surprising prizes. We hope you have already prepared your nominations.

Let's make this event as participatory as much as possible as you, the readers, fans, supporters and writers, will decide who is the best for the Awards. We'll gather nominations until October 30, 2011 then open it up for voting on November 3, 2011. So make sure  to send your nominations.

If you would like to nominate an individual or story please do so by clicking the picture below and after doing so, leave you comments below and tell us who and what story did you nominate and tell us why.

And thank you very much for your participation. Just remember, share this to everyone so they can send their nominations also.


Vote by Clicking the picture below. 


Let The BOLA begins!





Wednesday, September 14, 2011

Musmos [14]

by Jeffrey Paloma

Nang ipapasok ko na ang aking telepono pabalik sa aking bulsa. Bigla nanamn itong nagring. Nakita ko sa caller ID ang pangalan ni Kevin. Kinansela ko ang kanyang tawag at agad na pinatay ang aking telepono. Ayoko nang makipag-usap sa taong gusto akong saktan ng paulit-ulit. Pagod na talaga ako. Tinrato nila akong parang madaling makuha lang sa ganoon.

Minahal ni Bestfriend (part 11)

             Sa lahat po ng pinaghintay ko sa chapter na ito.. sobrang pasensya na po talaga dahil super busy ako ngayon sa work.. Pero ayan! Nilaan ko po talaga na today ko ito ipost kasabay ng aking birthday!! Hahahaha!! Happy bday sakin!! Eto po ang mumunting regalo ko sa inyo.. Medyo hinabaan ko ng konti.. hahahaha

             Maraming salamat po kaila Sir Mike, Mama Dalisay, Rovi Yuno, *TOL* dhenxo, Archie, Jojie(Pare ko!!), at sa hubby nyang c chack!! J , Emray08, Rich, ace.vince.raven(BUNSOOOOO!!! J), 07, JhayCie, Jaro, John, Arl, Rue, Jack, Roan, o_0mack^2, nick.aclinen, Jhay L, dada, Cyrus Perez, Mars, Zekie!! J, wastedpup, wisdom, jex, -SLUSHE_LOVE-, pisceskid06, Ernes aka Jun, ZILJIAN, Dave17, Ako si 3rd, pink 5ive, ram,  alex tecala, J.C, , Jay, Erion, DM, Ace, russ, Jay, Jayfinpa, X, JV, my fb friends na naghihintay din..  at lalo na po kay “JEH”, sa bago kong kumapre na si “yos” (pare ko!! Apir!!!!),  “Jayfinpa”, “Brent Lex” na lageng naghihintay at walang sawang nagcocomment ng ilang beses sa bawat chapter.. At sa mga Anonymous at silent readers ng story thanks po talga sa inyo.. Maraming maraming salamat po talaga.

             Gusto ko din po magpasalamat sa aking “bembem” na walang sawang sumusuporta at nagbibigay pagmamahal sa akin. Salamat sa lahat ng tiwala na binigay mo sa akin. Alam ko andyan ka for me plagi.. And for that, I;m very very thankful. J Love lots!! J

   COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED!!!!

            ENJOY!!!!!!!!!!!!!!!!! :)))))))))))))))))))))







            “Philip..”, yan ang huling nasambit ko bago ako tuluyan nilamon ng kadiliman. Hanggang sa aking huling pagkamalay ay ramdam ko ang sakit ng mga nangyari.

Namulat ako sa sahig ng kwarto ko, pagkadilat ko ay ramdam ko ang sakit ng ulo at pamamanhid ang buong katawan. Ramdam ko din ang panghihina at dehydration dala ng sobrang iyak. Kahit pa kakagising lang ay nararamdaman ko pa rin ang sakit ng nangyari. Agad akong tumayo sa kinahihigaan at pumunta ng cr. Nang mapatingin nmn ako sa salamin at nakita ang sariling reflection ay unti unti ko nnmng nararamdaman na namumuo ang mga luha sa mata ko. Naawa ako sa sarili ko. Nang makita ko uli ang mga pasa ko sa mukha, unti unti bumalik ang mga alaala ng nangyari. Uli, I cried my heart out. Hindi ko alam na ganto pala kasakit ang magiging resulta ng ginawa nya sa akin…….


Back to school na. Final quarterly exams week na. Pagkatapos noon ay summer break na. Lahat ay excited, pero ako? Wala. Mas nararamdaman ko pa din ang sakit ng mga nangyari. Sinubukan ko maging normal ang lahat. Lahat ng pain na nararamdaman ko, dinivert ko lahat sa pag aaral ko. Mas nagpursige ako sa pagrereview para sa final exams. Umiwas muna ko sa kahit anong distractions kasi yun ang pinaka huling kailangan ko ngayon.

            Hindi naman nakatakas ito sa mata ng aking mga kaibigan. Gusto nilang malaman kung anong saloobin ko. Pero I chose to keep it muna to myself. Lagi kong sinasabi, this is not the right time. After ng school days, ay pwde ko nang iopen up sakanila, pero as of now, sana pagbigyan muna nila ko. Though alam ko, sina Art at Jenny, may ideya na sila sa kinikilos ko. At inintindi at nirespeto na lamang ang desisyon ko.

            Tuwing break, ay si Art na lang ang pinapakiusapan ko na bumili ng pagkain sa cafeteria, sinasabayan nya na lang ako kumain sa room. Alam nya cguro na ayaw ko muna lumabas dahil ayaw ko mag krus ang landas namin ni Philip. Twing break naman ay pilit akong pinasisigla ni Art. Trying hard na talaga sya para man lang mapatawa ako. Kitang kita ko ang effort nya, kahit pa alam ko na mahirap din yun para saknya dahil kahit sya mismo, may mga issues pa na di nareresolve, tulad na lang ng pagkamatay ng kaniyang ama recently at ang pagsisi sa sarili sa mga nangyari. Tuwing uwian naman ay maaga ako umaalis ng school kasama si Art. Agad kaming dumidirecho sa pinagtatambayan naming café shop na malapit sa school. Dun na lamang sumusunod ang tropa para dun ko sila makabonding.

            Natapos na ang final exams. Last day na. Masaya kaming nag ayos ng gamit na naiwan sa mga locker naming para iuwi. Lahat ay excited dahil bakasyon na sa wakas. Dalawang bwan din ang magiging pahinga namin sa skwelahan. Kaya dun pa lang ay masaya na ang lahat.

            As usual, pagkatapos na pagkatapos ng klase ay direcho ang lahat para pumunta sa bahay at magcelebrate ng last day of school. Simpleng inuman lang naman. Alam nyo ang nakakatawa? Lagi na lang may inuman sa bahay, pero I barely drink. Bihirang bihira ako iinom talaga. May mga okasyon pa nga na nagiinuman sila, e di ako nakiki inom. Ayoko naman kasi maging hobby ang pag inom. Pero since last day of school naman, at ang dami kong dinadalang problema, naginum ako that particular day.

            Nasa gitna kami ng inuman, pansamantala kong nakalimutan ang problema. Lahat kami ay nagkakatuwaan. Isa, dalawa, tatlo, lima, sampu, ang dami, di ko na nabilang. Ang dami ko ng nainom. Nararamdaman ko na ang konting pagkahilo. Pero di pa ko lasing. Ewan ko, pero di pa ko tinatamaan ng pagkalasing. Sige, inom pa. Inom. Lagok. Ayan, nararamdaman ko na. Sumasapi na.. pero hindi ang ispirito ng alak.. Ang tama na nagdadala sakin ng matinding kalungkutan. Nararamdaman ko ngayon ng mas matindi ang sakit. Shit, di ako pwede umiyak sa harap nila. Kaya pinasya ko muna magtungo sa aking kwarto. Lingid sa aking kaalaman, sinundan pala ako ni Jenny.

            “Bes, baka gsto mo na magshare”

            “You know what happened, Jenny..”

            “Oo, alam ko. Pero what I don’t know is what you feel.”

            “Alam mo Jenny, honestly, di ko na rin alam ang nararamdaman ko ngayon. O ang dapat maramdaman. Masyadong magulo. Sa umpisa ng pagkakaibigan namin, hindi ko alam na magiging ganto ang aming sitwasyon. Never in my dreams ko inakala ang lahat ng ito. Oo, aaminin ko sayo, may mga napansin akong mga kilos at emosyon na namamagitan samin, pero pilit kong di pinansin. Magulo din kasi yun para sakin. Tapos, nung gabing kinausap at pinrangka mo ko, unti unti ng nagiging malinaw sakin lahat. Higit pa sa pagkakaibigan ang mga nangyari.”

            “Finally! Di ko naman kasi alam sayo bat parang ikaw nalang ang hindi nakakapansin ee. Marami na samin ang nakakapansin sa ibang attention na binibigay sayo ni Philip. Pero is it worth para maglasing ka ng ganyan?”

            “I dunno Jenny.. Alam mo ba yung pakiramdam na you wanted to fix and patch things up, yet mas nagulo pa ang lahat? Hindi ko na alam san ako lulugar. I tried to be the friend that they wanted me to be.”

            “Hhmmm. I feel you Jerry. Well, kung feeling mo, you’ve done enough.. I mean the changes and everything.. Bat di mo subukan na maging ikaw naman. I mean ipakita mo nlng kung sino ka. The real you. Hindi na yung kailangan mo maging iba para sakanila.”

            “Siguro nga Jenny. Dahil sa nangyari, I don’t even know myself anymore.. Nakakapagod..”

            “I know.. Sana maging okay na ang lahat.”

            “Okay lang ako Jenny. I need just need time to heal myself. Yun lang”

            “Ocge, pero wag mo kakalimutan na andito kami para sayo.”

            “I know Jenny. Im thankful to have met you.. Youre a wonderful person.”




           
            Nang bakasyon na yun ay wala akong inatupag kundi gumimik. Minsan kasama ang tropa, minsan si Art lang, pero madalas ako lang mag isa. Umiiwas ako sa lahat. Ayoko na maging sobrang close pa kahit kanino. Kahit pa kay Art. Ayoko na ulit makaramdam ng ganito. Kaya dapat wala ng mga special attachments to friends. Let them all be just plain friends.

            Napadalas ang pag inom ko. Natuto ako manigarilyo dahil sa mga kung sino sinong nakahalubilo ko. Halos gabi gabi umuuwi akong lasing. O kaya naman ay nagkukulong ako sa kwarto. Oo, nagpapakita pa rin ako sa mga kaibigan ko, pero hindi na tulad ng dati. Nakakatanggap man ako ng txt mula sa kanila ay dinededma ko lang ito. Gusto ko mapag isa.

           Sa lahat ng kagaguhan na nangyayari sakin, hindi ako iniwan ni Art. Kahit pa sinasadya kong maging cold sakanya minsan, hindi sya umalis sa tabi ko. Kahit pa alam nyang nagsisinungaling ako saknya sa twing nagpapasama sya sakin lumabas. Ang dami kong rason na binibigay. Pero di nya ko iniwan.





Si Art..


            Prom night na. Excited talaga ako. Pero masama ang katawan ko. Malamig ang aking mga pawis. Pero baka dahil lamang sa excited ako. Naligo na rin ako at agad nag ayos para sa prom night. Kailangan maging gwapo ang ichura ko ng mapansin ako.. Sana nga.. mapansin nya ko……

            Pagdating ko sa hotel ay wala pa ang pinakahihintay ko. Nakita ko lamang sila Ben, Leah at Jenny na magkakasama. Agad ko silang nilapitan. Kapansin pansin na mas lalong gumanda sila Jenny at Leah. Pero ang tagal naman ng hinihintay ko talaga. Naiinip ako. Di ko tuloy maiwasan ang paglingon lingon. Hinahanap ko yung isang tao na rason bat ako nagpagwapo ng todo. Nagulat na lang ako ng biglang nagsalita si Jenny.
            “Darating din yun. Eto naman. Di mapakali”, may pagka sarkastiko nyang sinabi.

            “Sino? Wala naman akong hinihintay.”

            “Susme, another one in denial. O sya, wala na kung wala. Oo nlng ha. Art, alam ko na noh.”, bigla kong hinila si Jenny.

            “Anong alam mo na?!”

            “Sus Art! Magkakilala tayo bata pa lang tayo noh! Sa akin ka pa ba makakaligtas? Kilala kita. Alam kong hinihintay mo si Jerry.”

            Nabigla ako. Bakit alam ni Jenny?! Shit!

            “Don’t worry Art. You can trust me, remember?! Pero hinay hinay lang. Youre too obvious! Hahaha.”

            Medyo napahiya ako sa sinabi ni Jenny. Buti na lang at walang nakarinig samin. Buti kaming dalawa lang.

            “Wag ka maingay kahit kanino Jenny ha..”

            “Ofcourse! Ano ko, shungaelya?! Wag ka lang masyado obvious noh!”

            “Ha.. Ah, eh.. Ganun ba ko ka obvious?”

            Nagulat na lang ako ng may narinig akong boses sa aking likuran.

            “Oo kaya. Relax ka lang. Sige ka, mabubuko ka.”, shit! Boses yun ni Ben ah!

            “Alam na namin Art. We have been talking about you guys. Hello! Ang tagal na nating magkakakilala noh. Alam na natin ang pasikut sikot ng bituka ng bawat isa.”, sabi ni Jenny.

            “Pre, kaibigan tayo diba? Sana man lang sinabi mo sa amin ng natulungan ka namin. Tanggap naman namin e.”, nakangiting sabi ni Ben.

            “Okay, I have 1 good news and 1 bad news for you. First, good news!! Alam na namin ang sikreto mo at wala ka na dapat ikabahala! Yehey!! BUT!! The bad news is… You have competition.”, sabi ni Jenny.

            By competition, I know Jenny meant Philip. Simula pa lang ay alam kong magiging kumpetisyon  ko na sya. Naamoy ko na noon pa na iba ang pagtingin nya kay Jerry. Kaya nga ba malayo ang loob ko sakanya umpisa pa lang eh. Pero I wont lose to someone like him. NEVER!

            Nasa ganun akong pagiisip ng biglang dumating na ang pinakahihintay ko. Si Jerry! Taena! Mas gwapo sya ngaun ah! Kahit kalian talaga ay napakagaling pumorma at magdala ng sarili ni Jerry. Kaya naman ang dami ding nagkakagusto sakanya. Pero pinilit ko maging kalmado. Ayaw ko ipahalata sakanya ang aking nararamdaman.

            Una nyang binati sila Jenny. Pero totoo naman talaga, ang ganda nga talaga nila Jenny ngaun. Nagulat nalang ako ng biglang tumingin sakin si Jerry at nakangiti.

            “Wow Art. Poging pogi ka ha. Nice.”, sabay bitiw ng isang matamis na ngiti.

            LABDAB! LABDAB! Ang bilis ng pintig ng puso ko. Ang saya. Di lang masaya, sobrang saya! SHIT! SUCCESS! NAPANSIN AKO! Syempre masaya ako! Napansin nya ako! Yun naman talaga ang plano ko simula’t sapul. Gumanti lamang ako ng ngiti at sinabing, “You look good too pare.”

            Sabay sabay kaming pumasok sa loob para magparegister na. Pagtapos ay tinungo na naming ang hall kung saan gaganapin an gamin J.S prom. Pagpasok naming ay namangha kami dahil lahat ay talagang naghanda para sa okasyong ito. Kahit pa ang mga parang baduy manumit sa school ay biglang nagtransform at naging pagkaganda ganda.

            Magsisimula na ang program at medyo sumama lalo ang pakiramdam ko. Mabigat ang mga mata ko at malamig ang mga pawis ko. “Baka sa aircon lang to.”, sabi ko sa aking sarili. Nagpaalam sakin si Jerry na mag ccr daw muna sya. Sasamahan ko sana ngunit nakita kong sumenyas sakin si Jenny. Wag nga pala dapat obvious kaya hinayaan ko na lang sya umalis mag isa. At isa pa ay medyo nahihilo rin ako.

            Ilang minute bago mag umpisa ang program ay bumalik na si Jerry. Ngunit parang nag iba ang aura nito. Hindi ko alam kung ano, pero kapansin pansin na parang mainit ang ulo nito at parang may naka away. Paglingon ko sa pinto, ay nakita ko si Philip na kakapasok lang din ng hall.” Di kaya nagkasalubong sila on the way sa cr? Or baka sa loob ng cr?”, yun ang aking naging suspecha.

            Nagsimula na ang programa at nagsalita na an gaming principal. Sinabi na kami daw ay kakain muna bago magkaron ng sayawan at kung ano ano pang seremonyas. Biglang naglabas ng camera si Jenny at sabing picture picture daw muna bago kumain total mahaba pa ang pila. Napansin ko din na tinawag nya si Philip. Kahit alam kong labag sa loob ni Philip yun, wala naman itong nagawa dahil si Jenny ang nagyaya sa kanya. Tumabi talaga ako kay Jerry at napansin kong napatingin si Philip sa aming direksyon. Pagtapos ay nagkainan na nga lahat. Hindi ako masyado makakain ng maayos dahil nga medyo masama ang aking pakiramdam. Medyo nabuhayan lang ako ng magpatugtog ng disco ang dj. Lahat kami ay nagiindakan. Hala! Cge! Sayaw! Ganto pala kasaya ang prom! Pero natigil ang indakan ng biglang nagpatugtog  ng love songs. Agad kong hinanap si Jerry. Nakita ko sya na bumalik sa kinauupuan namin. Wala nga rin pala syang partner. At ako ay wala din. Kaya nagdecide ako na bumalik na lang sa aming kinauupuan.

            Nang makabalik ako ay agad akong umupo sa tabi nya. Medyo naiilang ako. Lalo na pagtitig sya at ngingiti. Hindi ko alam, pero sa mga ngiting yun, alam kong lalong nahuhulog ang loob ko sakanya. Hindi ko man ito masabi ng direchahan, pero lage ako gumaganti ng ngiti sakanya. Sya naman kasi ang rason ng bawat pag ngiti ko.

            “Ok ka lang? Mukhang matamlay ka ha.”, tanong sakin ni Jerry.

            “Ah, hindi, medyo napagod lang ako sa pagsasayaw. Ang likot kasi ng lahat!”

            “Enjoy tong prom na to. Lalo na at andyan ka.”, nakangiting sabi nya sakin.

            Halos mamatay na ko sa kilig sa narinig ko sakanya. Pero im still trying to keep my cool. Hindi ko pwede ipahalata na kinikilig ako. Di pa panahon para malaman ni Jerry.

            “Ang sarap nila tingnan noh?”, sambit ko kay Jerry.

            “Oo nga ee.. nakakainggit”,

            “Bat hindi ka kasi pumili? Ang dami naman pwede.”

            “Magsalita ka naman. E ikaw nga wala din.”, yan ang tangin naitugon ako. (Pero sa totoo lang, ang gusto ko sana sabihin sayo Jerry, Ikaw tlga ang gusto ko isayaw. Pero im scared on how you will react. L)

            “Meron ha.. Hindi ko lang nasabi.”, pahabol kong binulong. Hindi ko alam kung narinig nya. Pero masama ba mangarap? Ayan kami at magkatabi. Hindi man kami magkasayaw dalawa ay heto kami at magkasama. Sa bawat kumpas ng tugtog ay sumasayaw naman ang damdamin ko para kay Jerry. I hope one day masabi ko to sayo Jerry.. I hope…..

            Nasa state of kilig factory ako ng biglang umeksena si Jenny.

            “Peram naman si Jerry”, sarkastikong ngiti at sabi nito.

            “Sure.”, sabi ko nalang.

            Badtrip naman to si Jenny oh! Ang ganda tumayming! Kilig na ee! Pero sino nga ba ko para solohin si Jerry? Hinayaan ko na lang sya at sinundan sila ng tingin.

            Sa pagsasayaw nilang dalawa sa mga love songs ay napansin kong sa iba nakatingin si Jerry. “Kanino ba sya nakatingin?”, tanong ko sa aking sarili. Nang makita ko kung sino ba ang tinitingnan nya ay halos madurog ako sa aking kinauupuan. Di ko alam pero para kong biglang tinarak sa dibdib. Nakakaramdam ako ng selos. “Shit, si Philip” hindi ko maiwasan na hindi magselos. Bat sya nakatingin kay Philip. Ang buong akala ko ay napansin nya na ko ng tuluyan. Pero di nya si Philip pa rin ang nakikita nya. Pilit kong nakipag kompitensya sa mga gngawa sakanya ni Philip, pero di nya pa rin makita ito. Lalong sumama ang pakiramdam ko. Nawalan na ko ng gana buong gabi.

            Pagtapos ng prom ay di natuloy ang plano na magmamalate kami ng tropa, dahil ang iba sakanila ay wala daw budget. Dun nalang daw sa bahay nila Jerry. Pabor naman ako ditto dahil mas makakapagpahinga ako doon. Nilalagnat na kasi yata ako. Medyo mainit na ako. Gusto ko na sana umuwi, pero gusto ko pang makasama si Jerry.

            Pagdating kaila Jerry ay agad nag inuman. Sinubukan ko uminom dahil baka mawala ang aking lagnat. Nakaupo ako sa sofa ng makita kong tinawag ni Jenny si Jerry at niyaya sa labas. Medyo kinabahan ako dahil baka ibuko ako ni Jenny, pero di naman cguro. Kilala ko si Jenny.

            Pagbalik nila sa loob ay biglang nagulat ako ng lumapit sakin si Jerry. Shit! Baka nga sinabi ni Jenny ang nararamdaman ko. Lagot!!!

            Nagulat nalang ako ng biglang hinawakan ni Jerry ang noo ko. Damn! Nabuko nyang nilalagnat ako! Sunod ko nang naalala ay bigla nya akong tinayo at sinabit nya ang aking braso sa balikat nya habang ang isang kamay nya ay nakahawak sa aking bewang. Mas tumindi ata ang lagnat ko dahil sa init na nararamdan sa pagkakahawak nya sa akin. Naramdaman ko nalang na tinatahak namin ang hagdan papunta sa kwarto nya. Nang mahiga nya ako sa kaniyang kamay ay may sumunod na may dala ng bimpo at plangganang may tubig. Sinimulan akong punasan ni Jerry. Nakita ko rin si Jenny na may dalang tubig at gamut na agad nyang pinainom sakin.

            Sobrang touched talaga ako sa ginagawa sakin ni Jerry. Ang pag aalala nya, ang pagbuhat nya sakin, at ang pagaalaga nya sakin ngayong may sakit ako. Lalo tuloy nahuhulog ang loob ko sakanya. Pinaalis ko na ito at sinabing bumalik na sya sa mga nagiinuman at okay na ko dahil nakahiga na naman ako.

            “Hindi pwede Art. Nangako ako kay Tito Lance at tska sa sarili ko na di kita papabayaan.”, nakangiti nyang sinabi sakin.

            Kinilig ako ng sinabi sakin ni Jerry na di nya ko papabayaan dahil sa pinanganko nya daw ito sa aking ama at sa kaniyang sarili. Naramdaman ko ang tunay na pagmamalasakit galing sakanya. Hindi ko rin makalimutan ang mga tingin nyang yun, ang mga ngiting yun. Shit, Jerry, lalo ako nahuhulog sayo…..

Napagdesisyunan ko na rin magpahinga at matulog na. Alam ko rin kasi na di aalis si Jerry sa tabi ko hanggat gising ako. Ayoko naman ispoil ang gabi nya sa pagaalaga sakin. Hanggang sa nakatuluyan na kong nakatulog.

            Kinaumagahan ay nagising ako na katabi si Jerry. Medyo bumuti na rin ang pakiramdam ko kahit papano. May lagnat pa rin, pero kaya ko ng tumayo. Nang bumangon ako ay napansin ko ang ilang pasa at gasgas sa katawan ni Jerry. Laking pagtataka ko dahil sa nakita ko. Gustuhin ko man sya gisingin at tanungin ay halatang pagod ito. Kaya minabuti na lang na wag muna sya tanungin.

            Tumayo ako at naghilamos. Pagkatapos ay lumabas ng kwarto. Gusto ko malaman kung sino ang naiwan sa bahay nila Jerry. Paglabas ko ng kwarto ay naabutan ko na sina Jenny, Ben at Leah na lang ang tao. Nakauwi na ang iba. Naabutan ko sila sa sala at nagaayos pauwi. Agad kong pinuntahan si Jenny para itanong kung may nalalaman sya. At doon, isiniwalat nya na sakin ang lahat ng nangyari. Sobrang naschock ako at naguilty dahil sa akin pala nagsimula ang lahat ng gulo. Alam kong iisipin yun ni Jenny kaya pinangunahan nya na ko. Naramdaman ko ang luha na umaagos sa aking mga mata..

            “Don’t blame yourself sa nangyari, Its not ur fault and I Know Jerry doesn’t blame you too. Ngayon na ang chance mo para ma win si Jerry. Ikaw na ang bahala sakanya.”, sabay punas sa aking mga luha.

            “Jenny, how can I not blame myself? Nakita ko na ang daming pasa, gasgas, at sugat kay Jerry.”

            “Art, kung ano man ang nangyari, hindi mo kasalanan yun. Wag mo isipin yun.”

            At doon, nagpaalam na nga sila para umuwi. Tahimik akong nahiga at nagiiyak sa sofa. Binuksan ko rin ang tv para di marinig ni Jerry na umiiyak ako incase na bumaba ako. Ngunit hinaan ko lang ang tv para marinig ko kung bumaba na si Jerry.

            Nang mahimasmasan ay napansin kong tanghali na pala at malamang, pag gising ni Jerry ay gutom na ito. Sinubukan kong tumayo at pumunta sa kusina para maghanap ng maluluto ng naalala ko, di nga pla ako marunong magluto. Badtrip! Kaya napagpasyahan ko nalang magpadeliver ng fastfood. Pagtapos tumawag ay bumalik na ko sa kinahihigaan at nanood ng tv. Sakto, narinig kong bumababa na si Jerry.

            Nang makababa sya ay umusog ako para makaupo sya. Pero nung umupo sya, ay agad akong humiga sa kandungan nya. Hindi ko alam kung bakit, pero gusto ko sya icomfort dahil sa mga nangyari. Tatayo sana ito para magluto ngunit nagpabigat ako at sinabing nagpadeliver na lang.

            Bago pa man din kami kumain ay nginitian ako ni Jerry. Ngunit di ako makangiti. Naguguilty kasi ako. Kaya nalungkot nanaman ako. Doon, sinabi ko na sakanya na alam ko na ang lahat ng nangyari. Nilabas ko ang saloobin ko sa nangyari at sinabing naguiguilty ako. Pero tulad ng sabi ni Jenny, ay di ako sinisisi nito. Dun ko na rin balak isakatuparan ang sinabi ni Jenny. I will try to win him over.

            Hinipo ko ang mga pasa, gasgas at sugat ni Jerry. Partly, alam ko na ako ang dahilan ng mga yun. If Philip didn’t see us sa ganung kalagayan, none of these would’ve happened. Awang awa ako sa ichura ni Jerry. Hindi kaya tanggapin ng kalooban ko ang nakita. Unti unti, naramdaman ko ang galit. Ang galit para kay Philip.

            Pagtapos naming kumain ay tahimik lang si Jerry. Hanggang sa hinatid nya ko at nakasakay kami sa taxi at nakababa ako sa tapat namin ay tahimik lang sya. Gusto ko man syang kausapin ay di ko din alam ang sasabihin. Alam ko din na hindi ito ang panahon. Masakit sa aking kalooban, pero kailangan ko respetuhin ang decision nya. Kung gusto nya muna tumahimik, rerespetuhin ko yun.

Nang makarating sa tapat ng bahay namin ay hindi ko na sya pinababa ng taxi at pinauwi ko na sya para makapagpahinga. Hindi pa panahon para magusap kami kaya hinayaan ko muna sya. Bago pa man din bumaba ay hinalikan ko si Jerry sa kanyang pisngi.

“Jerry, Im so sorry for everything. Huwag ka magalala, hindi ako mawawala sayo. Hindi din kita pababayaan.”

Tumungo lang at nginitian ako ng bahagya ni Jerry. For now, okay na muna ako dun.. Ito rin lang naman ang magagawa ko sa ngayon….

            Bago tuluyan pumasok ng bahay ay tinanaw ko ang taxi na sinasakyan ni Jerry papalayo sa aming bahay at sinigaw ko sa utak ang mga salitang..

“Jerry.. wag kang magalala. Huling pagkakataon na ito na sasaktan ka nya.. Hindi na ko makakapayag na masaktan ka pa nya uli…. Hayaan mong ako ang magalaga sayo. Hihigitan ko sya.. Pangako…………”

            Pagpasok na pagpasok ko ay binitbit ko ang prinsipyong kahit anong mangyari ay ipaglalaban ko na ang nararamdaman ko para kay Jerry. Mas lalaksan ko na ang loob ko. Hindi na ko papaya na masaktan pa sya muli. Hindi na rin ako papatalo ngayon pang nakumpirma kong kakumpetensya ko nga si Philip sa puso ni Jerry.

            Nang makatuloy na ko sa bahay ay naabutan ko si Kuya George na gamit ang laptop nya sa may sofa. Nginitian ko lamang ito.

            “Bro, kamusta prom kagabi?”

            “Ok naman kuya. Di ko lang masyado naenjoy kasi nilagnat ako pagtapos. Buti nalang at sa bahay na lang nila Jerry ginanap ung after party. Wala din kasing budget yung iba pang malate. Pagdating dun, nakatulog na rin ako.”

            “Ah.. Kaya pala wala ka..”

            Nagulat ako sa sinabi ni Kuya, ano ang ibig sabihin nya?

            “Wala saan?”

            “Ah, wala.. Diba may lagnat ka kamo? Magpahinga ka na dun. Papaakyat ako kay yaya ng gamut para sayo.”

            Nagtataka pa rin ako sa sinagot ni kuya, pero dali dali akong umakyat sa kwarto ko dahil medyo nahihilo pa rin ako.




            Balik iskwela na, final exams. Pagtapos nito ay bakasyon na. Kaya naman nagisip ako ng maaring puntahan para mabawasan ang stress na nararamdaman ni Jerry. Ngunit pagpasok pa lang ay naramdaman ko ang pagbabago sa ugali ni Jerry. Naging mailap to sa lahat, hindi tulad dati na akala mo kakandidato tuwing break dahil sa dami ng kaibigan. Di na rin sya bumababa sa cafeteria para kumain. Sa halip ay pinakikiusapan na lang ako para ibili sya ng pagkain. Pabor naman din sakin dahil masosolo ko sya kahit man lang sa pagkain. Napagkasunduan na rin nmin nila Jenny na wag muna tanungin si Jerry sa mga nagyari dahil sa hiling na rin nito. Pagtapos na lang daw ng exams. Ayaw daw nya daw muna magi sip ng kng ano ano at gusto nya muna na mag concentrate sa exams. Kaya inintindi na lamang sya dito.

            Natapos na ang final exams at nagpasya ang lahat ng tropa na magtungo uli sa bahay nila Jerry para mag party. Sumama kaming lahat. Ako, sumama ako para di talaga magi nom, kung di para makasama at mabantayan si Jerry. Alam kong kailangan niya ng labis na pagiintindi sa ngayon. At yun din ang balak kong ibigay sakanya.

            Inuman na. Lahat ay nagsasaya dahil sa wakas, pahinga muna kami sa skwela. Wala munang mga project o exams. Masaya din ako dahil nakikita ko si Jerry na nakikihalubilo sa mga kaibigan namin. Pakiramdam ko ay bumabalik na muli ito sa dati. Ngunit parang mali ata ako. Dahil naging sunod sunod ang paginom nya. Medyo naninibago ako dahil kadalasan ay chill lang ito sa inuman. Ngayon ay parang uhaw na uhaw sya sa alak. Minsan pa’y nang aagaw ng tagay ng iba. Shit! Sinasadya nya pala. Nang di na ko mapakali ay pinuntahan ko agad si Jenny.

            “Jenny.. si Jer..”

            “I know, kanina ko pa yan napapansin. At napipikon na rin ako. Pero di ko sya pwede sabayan ng init ng ulo. Kailangan nya ngayon ng labis na pagiintindi. Di ko ba naman kasi malaman sa inu, ang dami dami dami nung eksena sa buhay. Nakakaloka! Well, ako ng bahala sakanya for now.”

            Bumalik na lamang ako sa pag iinom. Nang medyo napaparami na ang inom, napansin ko na umakyat si Jerry patungo sa kaniyang kwarto. Nakita ko rin na sumunod si Jenny. Medyo gumaan ang loob ko. Alam kong maguusap sila, alam ko rin naman makikinig si Jerry sa kung ano mang sasabihin ni Jenny.

            Natapos ang inuman at nagsiuwian na kaming lahat. Gusto ko sanang kausapin muna si Jerry bago ako umuwi, pero pinigilan ako ni Jenny.. Mas makakabuti daw munang iwan muna naming sya magisa. Kami na lang daw muna ang mag uusap at ikkwento nya lang daw sakin sa daan ang pinag usapan nila. Nalungkot naman ako, dahil akala ko ay pagkatapos nila mag usap ni Jenny ay magbabalik na uli ang dating sya. Ngunit mukhang mahihirapan kami.

            Nakalipas ang mga araw pa, ngunit walang pagbabago kay Jerry. Mas naging malala pa ata ito sa ngayon. Hindi na naming sya makausap ng maayos. Bihira na rin sya pumunta sa bahay. Kung pupunta man sya ay magpapasama sya para gumimik at magi nom. Labag man sa loob ko ang kaniyang ginagawa ay hinayaan ko na lang muna sya. Pinagbigyan ko ang lahat ng gusto nya. Minsan pa ay pag nagpapasama ako sa kanya pag gusto ko lumabas o kaya sa summer training ko ay nagbibigay sya ng kung ano anong rason, minsan pay nagsisinungaling sya. Alam kong alam nyang nagsisinungaling sya, pero pilit ko iniintindi.. Kahit ang totoo.. Ang sakit. Ang sakit sakit na.. :(