Twitter:@roviyuno
Author:Rovi Yuno / Unbroken
Blog: http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com/
FR
froze for a moment. He was dumbfounded on how Daniel pinched his
cheeks. Hindi nya alam kung bakit he instantly felt warmth the moment
Daniel touched him. He blushed. Daniel looked so hyper, para bang
nagpapacute pa ito lalo sa kanya.
FR felt his heart beating two times
faster.
“D-Daniel. O-okay ka lang?”
“Oo naman!” sabi ni Daniel na hindi
pa rin binibitiwan ang pisngi ni FR
“D-Daniel. Masakit na. Bitiwan mo na
yung pisngi ko.”
Daniel was shocked. Hindi nya alam kung
bakit nya ginawa yon. Para bang biglang kumilos yung kamay nya dahil
sa ligalig nang muli nyang makita si FR. He too, blushed. Dahan-dahan
nyang binaba ang kanyang kamay. Pinisil na naman nito ang kanyang
ilong. Natataranta si Daniel. FR looked at him innocently.
“So-sorry FR.” nahihiyang sabi ni
Daniel
“Na-nabigla lang ako.” dagdag pa
nito
FR smiled. He loved how Daniel
apologized. Kahit di ito kalakihang issue, he felt sincerity. Lalo na
sa kanyang may issue sa pagpapatawad. He took a deep breath. Daniel
was watching his every move. He then again, smiled.
“Okay lang yun Daniel.”
Biglang umakbay sa kanya si Daniel.
“Kamusta ang trabaho? Mukha kang
pagod ah?” malambing na sabi nito.
“Okay naman. Medyo pagod lang sa
byahe. Galing pa ng Baguio diba?”
“Sige, tara order na tayo.”
Napahinto si FR. Naisip nya na sakto
lang ang pera nyang dala. Hindi sya nagdadala ng pera dahil ayaw
nyang gumastos ng husto at isa pa, wala din naman talaga syang perang
madadala. Wala pa syang sahod sa lounge at may pinaglalaanan pa sya
nito. He couldn't afford to spend. Ganoon sya kadisiplinado sa pera.
“Ha?”
“Sabi ko oorder na tayo.”
“Busog pa ako. Kumain kami sa lounge
kanina.”
Inarko ni Daniel ang kanyang kaliwang
kilay.
“Sige na FR. Minsan lang naman to
eh.”
Naramdaman ni FR ang pagkalam ng
kanyang sikmura. Alam nyang kumain sya pero kaunti lang ito. Nakisubo
lang sya at nakikagat sa buffalo wings na inorder na kanilang
manager. Kaya pa naman nyang tiisin at sa bahay nalang sya kakain.
“Hindi talaga. Sige sasamahan nalang
kita kumain. Di talaga ako gutom.”
“Okay. Sige.”
At magkaakbay silang lumapit sa
counter.
“Hi po! Ano pong order nila?”
masiglang bati ng crew sa kanila
“Hmmm. Give me 2 Big Mac.”
“I-large na po natin ang fries and
drinks?” butt-in ng crew.
“Pakiconvert yung drinks sa float.”
sagot nya
“Ah okay po. Yung dalawang drink na
po? Gagawing float?”
“Yep.”
“Anything to add sir?”
“2 caramel sundae.”
Nagmamasid lang si FR at nakikinig.
Napuna nya ang confidence ni Daniel sa pagsasalita. Palibhasa'y anak
mayaman at sanay sa sosyalan. Kahit na ganon, napakahumble nito at
tingin naman nya ay marunong makibagay.
Nakakaamaze lang sya. Parang ang
galing lang nya. FR thought
“Yun
lang po Sir?”
“Oo.
Yun lang.”
Narealize ni FR na
dalawang order pala ang kinuha ni Daniel. Napahawak sya sa sikmura
nyang kanina pa nagwawala. Nagugutom man ay mas lumamang pa rin sa
kanya ang pagtataka.
“Daniel.
Ganon ka ba kagutom?”
“Ha?
Hindi naman. Bakit?”
“Wala
lang. Kasi ang dami mong inorder.”
“Ahhh.”
Dumukot si Daniel
sa kanyang bulsa at nilabas ang kanyang leather na wallet. Nakita ni
FR na makapal ito at maraming bills. Mabilis nyang inalis ang tingin
nya dito dahil ayaw nyang isipin nito na interesado sya sa pera.
Kumuha si Daniel ng 500 at inabot sa crew. Bago isara ni Daniel ang
wallet ay napatingin sya muli dito. Nakita nya ang larawan ni Daniel
kasama ang isang babae. Kahit saglit lang ay sa tantya nya ay maganda
ito. At tingin nya ay bagay sila.
For some strange
reasons, FR felt sad.
Sya ay
napabuntong-hininga.
“What's
wrong FR?”
Napuna pala ni
Daniel ang kanyang reaksyon.
“Nothing.”
“Yung
picture ba?”
“Ha?”
nagulat na sabi ni FR
Ang bilis ng mata nitong mokong na
to. Nakita pala akong nakatingin. Sabi
ni FR sa sarili
“Wala
yun FR. GF ko yan ngayon. Pero makikipaghiwalay na ako.”
FR couldn't believe
what he was hearing. Bakit nagoopen si Daniel sa kanya ng mga
ganitong bagay? At bakit parang matagal na silang magkakilala kung
itrato sya nito?
“Ahh
I see.” mahinang sabi ni FR
Kinuha nila ang
order at binuhat ni Daniel ang tray papunta sa kanilang upuan.
“FR,
ayan ah? Honest at Open ako sayo. Sana ikaw din.” sabi nito habang
nakatitig sya sa mga mata nito
FR blushed.
“O-oo.
Sige.”
Hindi nya alam kung
bakit nya nasabi yon. Parang lumabas nalang kusa sa bibig nya. He
doesn't know why he's acting strange now. Hindi nya mapaliwanag.
“Game!”
Daniel happily said
“Ha?”
“Kain
na tayo!”
“Sige
nga di ako gutom Daniel.”
“FR.
I know gutom ka. Halata sayo. Kanina ka pa hawak ng hawak sa tyan mo.
Ayan na, inorder na kita. Pareho na tayo ng order para masaya.”
Natahimik si FR.
Daniel smiled. Hindi nya alam pero nakakahawa ang ngiti nito. The
next thing they know, they were both giggling.
“Okay.
Sige kakain na ako.”
Kumain na sila at
nagkwentuhan. Habang lumilipas ang mga minuto, pakiramdam nila pareho
ay mas nakikilala nila ang isa't-isa. Naeenjoy ni Daniel ang mga
kwento ni FR about sa kanyang school at sa kanyang part-time work.
Natutuwa naman si FR kung paano makinig si Daniel sa kanyang mga
sinasabi. They complement each other. They both smiled.
Kakatapos
lang ng gimik. Maraming nagalok na maghatid sa kanya dahil na rin sa
taglay nyang ganda pero di sya easy-to-get. Yes, she's a tease and
she knows how to play, but she's dangerous. She knows how to make you
feel special. She knows how to break your heart. Bilang isang
kaibigan, she's one of the bests.
She's definitely a
headturner. Mababali ang leeg mo kakatingin sa kanya. She walks
gracefully with her high heels. She's a star.
Pumara sya ng taxi
sa may SM Annex. Uuwi na sya.
“Manong,
Valenzuela tayo.”
“Sige
po Ma'aam.”
Patuloy ang
pagpapaandar ng driver nang biglang may naisip syang kainin.
Gusto ko ng matamis. I want to have
nung ano.. Caramel Sundae.
“Manong,
may madaanan ba tayo na McDo?”
“Ayyy,
Ma'am. Kakalagpas po natin ng McDo sa Munoz.”
“Hmmmm.”
Ilang segundo pa.
“Manong,
may McDo sa MCU Monumento. Doon mo nalang ako ibaba.”
The driver nodded.
She looked at
herself in the front mirror.
Gosh. Bakit ang ganda ko diba?
She smiled.
Makalipas ang ilang
minuto, nakarating na siya ng McDo sa MCU. Nakita nya ang mga kalat
sa paligid nito. Natanaw din nya ang nagtitinda ng balot at lugaw sa
gilid. Sa may itaas naman ng overpass ay tanaw ang mga naglalako ng
murang pantalon na 50pesos lang at mga dvd na porn. She smiled.
Monumento na nga.
“Ma'am,
97pesos po ang metro.”
“Manong
90 nalang. Kulang ako ng 7 pesos eh.” pambabarat nito
“Naku
Ma'am. Pasensya na po, nagtatrabaho lang po tayo. Kailangan din po
natin ng pera.” paliwanag ng driver na nasa 30's.
Humarap ito sa
kanya at nakita ang sinadya nyang ipakitang cleavage. Nakita nya ang
paglunok ng driver. Sya ang napangisi. Nakita nya ang pagbubutil ng
pawis sa noo ng driver.
Iba talaga ang alindog ko. Cleavage
palang pawis na agad. Paano kung pechay ko pa? Winner!
“Kuya,
baka pwedeng 90 nalang?” sabi nya sabay dikit ng kanyang dibdib sa
likod ng driver
Halata ang gulat sa
driver. Muli, napalunok ito.
“Ahhh,
Ahh, Si-sige po Ma'am.” natatarantang sabi nito
Ngumisi siya. Alam
nya na may pagkapilya sya.
Dumukot sya sa
kanyang bulsa at nakita nyang 50php nalang ang kanyang smallest
amount. Napapalatak sya. Muling gumana ang kanyang utak.
“Kuya,
baka pwedeng 50pesos nalang kasi yun nalang yung barya ko eh.
Please?” sabi nitong nangaakit
“Ahh
Ma'am pasensya na po. Pe-pero---”
Biglang dumampi ang
kamay nya sa hita ng taxi driver. Kita nya ang pagpikit nito.
“Sige
na manong please?”
“Si-sige
po Ma'am.” Deliryosong sabi ng driver
Pinatong nya ang
50pesos sa crotch ng driver. Pinisili nya ito. Sya ay ngumisi.
“Kuya,
ang tigas na ah.”
Bago pa man
makapagsalita ang driver, agad na syang nakababa at tumakbo papaloob
sa McDonalds.
Ganun dapat pag bet mong kumuha ng
discount? Davah?
Pumasok sya sa McDo at agad na tinungo
ang counter. Pangatlo sya sa pila at naiirita na sya dahil sa bagal
ng service crew dito. Lumingon sya sa paligid at nanlaki ang kanyang
mata sa nakita.
Oh my God? Sino ang kasama ni FR na
otoko?In all fairness. Cuteness! At teka, bakit magkasama sila ng
ganitong oras? At isa pa? Bakit parang ang saya nila? Sino ang papa
na itey? Sino sya?
Sya ay napangiti.
Hindi na sya umorder. Mabilis syang lumabas ng McDonald's.
I T U T U L O Y.
. . . .
No comments:
Post a Comment