Tuesday, September 6, 2011

Minahal ni Bestfriend (part 10)

             Una po sa alhat, ay gusto ko munang magpasalamat sa inyong lahat sa mainit na pagtanggap sakin at sa aking kwento.. Nagpapasalamat akong lubos sa inyong lahat. Ahm, gusto ko rin po magsorry sa lahat kung medyo na disappoint po kayo sa prom scene. I tried to make it as realistic as it can be po kasi. And the actual scenes po rin n ngyri.. Ahm, it really would be lovely kung mas sweet pa sana ang prom scene. Pero dahil highschool po ang setting, usually, sa highschool ay di pa ganun kaopen about sexuality lalo na sa 3rd sex. Usually kasi, tapunan din yun ng kutya lalo na sa highschool. Im not saying na lahat po, pero most cases ay ganun po..

             Pasensya na rin po kung natagalan itong part na to kasi ako po ay nilagnat at medyo busy din po sa work.. well, anyways, sana mag enjoy po kayo!!

              Gusto ko po magpasalamat kaila Sir Mike, Mama Dalisay, Rovi Yuno, Archie, Jojie(Pare ko!!), at sa hubby nyang c chack!! J , Emray08, Rich, ace.vince.raven(BUNSOOOOO!!! J), 07, JhayCie, Jaro, John, Arl, Rue, Jack, Roan, o_0mack^2, nick.aclinen, Jhay L, dada, Mars, Jayfinpa, Zekie!! J, wastedpup, wisdom,  Ako si 3rd, pink 5ive, Brent Lex, ram,  alex tecala, J.C, , Jay, Erion, DM, Ace, russ, Jay, Jayfinpa, X, JV, my fb friends na naghihintay din..  at lalo na po kay “JEH” na lageng naghihintay at walang sawang nagcocomment ng ilang beses sa bawat chapter.. thanks po talga sayo.. Maraming maraming salamat po talaga.
 
               COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED!!! ENJOY!!!










“WHAT?! Ano nangyari?! Taena, BAKIT?.”, nataranta kong sinabi sa kausap ko. Lahat naman ay mistulang tulala at naghihintay sa sasabihin ko. Lahat sila ay clueless sa mga nangyayari. Lahat sila ay nagtatanong kung sino ba ang kausap ko at bat ganun nalang ako mag react.

“Ha.. O sige….”, utal utal kong sinagot sa kausap ko bago tuluyan ibaba ang cellphone at inabot kay Ben.

Pagka abot ko ng cellphone ni Ben ay napaupo ako muli sa aking kinauupuan. Tulala at di mawari ang sinabi ng kausap sa telepono. Lahat naman sila ay nangungulit at inuusisa ako sa anong nangyari sa aming usapan ng lalake sa telepono.

            “Si James yun, yung kakambal ni Philip. Nasa isang bar daw sila nila Philip at lasing na lasing, nagwawala.. At..”

            “AT ANO?!!!”, tanong ng lahat.

            Tulala pa rin ako. Di ko alam pano sasabihin. Ni hindi ko nga maexplain sa sarili kung anong nangyayari o kung totoo ba yung tawag na natanggap ko just now. Parang nablock ang utak ko.

            “Hinahanap…. daw ako…?”, tanging sagot ko lang. Nathimik ang lahat. Medyo curious ang mukha. Nagtataka din sila bigla sa turn of events. Bigla akong nilapitan ni Jenny.

            “Go. He needs you.”

            “Bakit? Ano naman matutul..”

            “Hay nako Jerry! Just go! I know its hard for you. Nakakalito, kahit ako nagulat noh! Pero cge, I’ll go with you. Kung di mo kaya talaga mag isa, I’ll go with you. Erwin, you stay here. This is something a little personal kaya ako nalang sasama. Guys, kayo na bahala muna dito at kay Art.”, matigas na sabi ni Jenny. Iba talaga ang lakas ng personality ni Jenny. Lahat ay napatango nalang bilang pangsang ayon at wala nang sinabi pa. At dali dali na kaming lumabas at sumakay ng taxi.

            Kasalukuyan kaming nasa taxi at nagiisip pa rin kung sa ano bang nangyayari.. Hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit naglasing at nagwawala si Philip sa loob ng isang bar at bglang hahanapin ako. “Bat nya ko hinahanap? Narealiza nya na kaya ang mali nya? Magkakaayos na rin kaya kami sa wakas?”, yan ang mga tanong na naglalaro sa isip ko. Pero kahit anong isip gawin ko, hindi pa rin ako makuntento. May halong kaba at excitement akong nararamdaman sa pagpunta at muli naming pagkikita ni Philip.

Habang nasa taxi naman ay nagsalita si Jenny. Halong inis at pagaalala ang maririnig mo sa tono ng kaniyang pananalita.

            “You still don’t get it, do you? I don’t think you realize what’s happening here.”

            At tama sya. Clueless pa rin ako talaga. Wala akong ka ideideya sa mga nangyayari. Naguguluhan na rin ako. Kasi teka ha, recall muna. Una, inaway away nya ko, tapos ngayon maglalasing sya, magwawala at hahanapin ako? WEIRD!!!! Kaya sumagot ako sa sinabi ni Jenny na medyo may inis din sa tono ko.

            “What’s to realize Jenny?! Im clueless. And yeah! I DON’T GET IT!!”

            “Magusap nga tayo ng masinsinan! Gawd!!!! kailangan ba ako talaga magparealize sayo nito?! Okay.. Whew!!!! HELLO!!!! Excuse me lang Mr. Jerry cruz ha! Why would some guy be over affected dahil galit saknya ang isang lalake? Bakit din halos pagsukluban ka ng langit sa galit ng makita ka niyang kayakap si Art? Bakit halos magtunawan kayo sa pagtitinginan kung TUNAY na mga lalake kayo?! And bakit naman magiinom, magpapakalasing, magwawala at hahanap hanapin ka ng isang lalake, eh, lalake ka din?! Okay, your friends and all that, pero do regular friends do that??!! Cmon Jerry!!!! Matalino ka!! YOU know what im talking about! Sa tingin mo ano nga ba talaga mga personality nyo?! Wake up girl!”

            Medyo nagpintig ang tenga ko sa narinig ko. Lalo na ung..

            “Girl?! Jenny lalake ako! Ano bang pinagsasabi mo?! Pati ba naman ikaw?!”

            “Okay, I know that Jerry. Nagka girlfriend ka and girls interest you. Pero Jerry, look ha.. Boys don’t do stuff like you guys do. At sabi ko nga, malakas ang pang amoy ko noh! I know one when I see one. At tsaka sa tingin mo ba, oo, magbestfriends tayo, pero ung mga gngwa nyo ba, gngwa nyo samin?! Masyado kayong duwag aminin mga nararamdaman nyo. At ano ang ending?! Edi kayo kayo ang nagkakasakitan imbis na get over your stupidty and just do what you have to do! Gawd! Think about what I’ve said and PLEASE magisip ka tlga ng mabuti. ”

            Natameme ako. Di ko alam ang sasabihin. Ramdam kong tagos sa buto at kaluluwa ang mga sinabi ni Jenny. Sinubukan ko magisip, ngunit di ko na rin alam ang iisipin. Tangina, ano ba! Hindi na ko magkanda uga uga sa kinauupuan ko, at eto, may iniwan pang palaisipan sakin si Jenny. Lalo akong naguguluhan. Asar!

            At doon, muli nanaman nagkakaron ng konting linaw sa utak ko.. Unti unting nasasagot ang mga katanungan ko sa isip. Nagkakaron ng kahit konting linaaw ang mga damdaming hindi ko noon maintindihan.

            Nang makababa na kami ng taxi ay agad agad kaming pumasok ni Jenny. Pagpasok na pagpasok ay nakita ko agad ang grupo nila Philip. Nang naglalakad ako palapit ay nakakapit sa braso ko si Jenny. Halatang kabado din ito. Pero kahit ako ay kabado. Hindi ko maiwasan na hindi pagpawisan. Ang init init ng mukha. Ramdam ko ang init na lumalabas sa bawat butas sa balat ko. Napalunok at napahinga ako ng malalim.

            Ngunit sa di inaasahang pagkakataon, nang makalapit ako at makita ako ni Philip ay isang malakas na suntok ang naramdaman kong bumaon sa mukha ko. At sa sobrang lakas ng impact ay na out of balance ako at natumba sa sahig. Ramdam ko na biglang may tumutulo sa ilong ko. Pakiramdam at hula ko, dugo iyon. Nang tingnan ko ay nakumpirma kong dugo nga ito. Dahil sa lakas ng kanyang suntok ay nagdugo ang aking ilong. Nagdilim ang aking paningin. Hindi na ako nakapagpigil. Lahat ng galit na namumuo sa loob ko ay gusto ko na rin ilabas! Tumayo ako agad at binigyan sya ng isang suntok, dalawa, sunod sunod. Hindi ko na madetalye ang mga nangyari. Ramdam ko nalang ang mga kamao at tadyak na tumatama sa ibat ibang parte ng aking katawan. BLAGAG! Bumagsak nanaman ako. Susugod na sana ako uli ng maramdaman kong may mga brasong nagbitbit samin palabas.  Agad agad din naglabasan ang mga kasamahan ni Philip at halata ang pagtataka sakanila. Maski si Jenny ay lumbas at agad na lumapit sakin.

            “Taena mo Philip! Ako, masyado na kong nagtitimpi sayo!! Ano bang ginawa ko sayo?!! Bat ganto na lang kalaki ang galit mo sakin?!!”, galit at duguan kong sinabi saknya. Tinitigan ko sya mata sa mata. Bakas at ramdam ko ang galit sa kanyang mga mata. Maski ako ay nararamdaman ko ang init ng katawan ko sa sobrang galit na nararamdaman. Nakita ko syang duguan din ang mukha. Pero walang awa ang dumaloy sakin. “Masyado na kong nagtitimpi sayo Philip!”, sa loob loob ko.

            “Gago kang bakla ka! BAKLA! Kinaibigan kita pero wala, hindi ko alam na isa ka palang AHAS and worst ay isa ka palang BAKLA!”

            “Ahas?! Bakla?! E gago ka pala eh! Ano bang pinagsasabi mo jan! Ngayon mo ilabas lahat ng sama ng loob mo! Hindi ko na talaga maintindihan kasi! Ipaintindi mo nga yang mga paratang mo! Ako pagod na pagod na ko kakaisip sa mga drama nyo! Hindi ba pwede na kausapin nyo nalang ako ng matino?! Madali naman akong kausap ha! Kinaibigan kitang totoo Philip!! Lahat ng mga gusto nyo, sinunod ko! Wala akong pinakita sayong hindi maganda!”, ng biglang makatakas sa mga kamay ng umaawat samin ay dali dali kong nilapitan si Philip at hinarap ito. Binitawan na rin sya ng mga umaawat sakanya.

            “Hindi mo alam?! Nakakatawa ka!! HA! HA! HA! E ano yung nakita kong magkayakap kayo ni Art?! Taena, e ang sweet sweet nyo pa ngang dalawa!! Yan ba ang sasabihin mong hindi BAKLA?!”

            “Alam mo! Kung hayaan mo sana akong magpaliwanag muna!! Hindi yung basta basta kang nagkakaganyan!! Kung kaibigan mo man lang ako, sana binigyan mo ko ng pagkakataon magpaliwanag. At tsaka, ano bang kinagagalit mo ha?!”, matigas na tugon ko.

            “Ano pang dapat mo ipaliwanag?! Kitang kita na ng dalawang mata ko ang lahat. Kung pano nakayakap sayo yang taenang Art na yan na isa din palang BAKLA!! Alam mo, hindi ko alam kung bakit ka nga pumayag na yakapin ka!! Pero malamang, ginusto mo rin yun! Kasi Bakla ka din!!”

            Magsasalita na sana ako ng biglang umagaw eksena si Jenny. Nabigla ang lahat ng biglang nagpakawala ito ng isang malakas na sampal. Sinampal nito si Philip.

            PPAAAKKKKK!

            “Tumigil na nga kayong dalawa! Ikaw Philip!! Ikaw! e gago ka pala eh! Nagtanong ka ba kung anong nangyari?! You know what Philip, YOU are so SELFISH! Nakakapanggigil yang katangahan mo!!! GEEZ!!!! Just so you know ha, at pwede, luwagan mo muna yang utak mo dahil nanggigil na ko!!  kinocomfort nya po si Art! Ang gago mo! Hindi mo ba naisip na NAMATAYAN YUNG TAO?! BESTFRIEND DIN PO SYA NI ART!! And magisip ka nga Philip, I’m sure, if you were in Art’s place he would’ve done the same for you! I know because I would! Pero naging makitid yang utak mo!! Hindi mo man lang ba naisip kung ano pinagdadaanan ni Art?! Alam mo, ang tindi ng pride mo!! Nilapitan ka na ni Jerry before, pero anong ginawa mo?! Pinagtabuyan mo at minaliit mo sya dba?! Pano mo ngayon sasabihan na kaibigan ka! At tsaka teka nga ha!!! E ano naman ngayon kung niyakap nya si Art?! Mind you, Bestfriend KA LANG PO!! Bakit ka ba masyadong affected sa nakita mo?! Ano bang meron kung bakla nga si Jerry?! What are you so angry about?! Psss, cge nga! TELL US! Ngayon mo sabihin saming lahat kung ano bang kinagagalit mo sa nakita mo!”, galit at matigas na sinabi ni Jenny kay Philip. Halata naman ang pamumutla at biglaang pagkalma ni Philip. Mukhang natauhan ito at biglang nagiba ang aura nito.

            Lahat ay tahimik, pati ang mga tao sa paligid ay tahimik. Lahat ay tila naghihintay sa magiging susunod na hakbang ni Philip. Maya maya ay humakbang ito at akmang hawakan at kausapin ako ng biglang umeksena nanaman si Jenny at biglang nilayo ang kamay ni Philip at nilayo ako.

            “Alam mo, before you say something again! Pagisipan mo muna mabuti! Kasi alam mo, nung nagsabog ng katangahan, sinalo mo na lahat, nang agaw ka pa!  Let this be an eye opener to you! Hanggang hindi mo naamin sa sarili mo at na reresolve ang issues mo, wag na wag mo kaming lalapitan! I’m tired of giving advices to you! Ang tagal na din kitang sinasabihan! Pero it seems di ka rin nakikinig! Para sakin, ive said enough! Ikaw na bahala sa susunod mong hakbang! You’ve screwed everything up!”, sabay hila sakin at naglakad kami palayo sa bar.

            Pero bago kami tuluyang umalis, ay hindi na din ako nakapagpigil ng sarili. Gusto ko ng sabihin sakanya ang tunay kong nararamdaman. Nararamdaman ko ang mga luha na unti unti nanamang namumuo sa mga mata ko. Masakit. Hindi ang mga pasa o sugat na natamo ko mula sa away naming dalawa, pero ang tunay na masakit ay ang kirot sa puso ko. Yung tipong ang bigat bigat at hindi ka makahinga. Yung nararamdaman mo na unti unti kang hinihiwa, sabay pagkahiwa e bubulatlatin ang sugat gamit ang mga kamay. Masakit na masakit na.. Kailangan ko na ito ilabas.

            “Una sa lahat, hindi ako ang lumapit sayo para makipagkaibigan. But I’m thankful that you did. Hindi rin ako ang nagclaim na bestfriend kita. Pero I’m thankful pa rin ako na you did. Pero ako ngayon ang lumalapit sayo, I came here with the intention na malaman kung okay ba. Tumawag sakin ang kambal mo to tell me what’s happening here. Oo, At first, I was hesitant, pero nung papunta na kami d2, I was hoping na magkaayos na tayo. Meron sa loob ko na masaya kasi we can spend time together uli. Hindi mo alam kung gano kita namis. Hindi mo alam kung gano ako nalulungkot at nasasaktan ng panahong di tayo okay. Akala ko ay magiging okay na tayo. Pero hindi ko inexpect na ito ang aabutan ko dito. Hindi ko narealize na ganyan pla kababa ang tingin mo sakin. Philip, I cared for you. Nung una mo kong pinahiya sa sarili ko nung sinubukan kong makipag ayos sayo, tiniis ko yun, hindi mo alam kung gaano naging kaliit ang tingin ko sa sarili ko. You don’t know how much pain I was in. Pero ngayon, pinahiya mo ko for the second time, sa harap pa ng maraming tao. Masaya ka na…..?! Masaya ka ng ipagsigawan sa lahat na nagpakatanga ko sa pakikipagkaibigan sayo?!”,

Hindi ko namalayan na habang sinasabi ko yun ay tumutulo at dumadalay na pala ang mga luha sa aking mata. Malamang dahil sa sobrang sakit na rin ng nararamdaman ko. Umiyak na ko ng tuluyan. Nasabi ko na ang iba kong gustong sabihin, lahat ng kalungkutan na nadarama ko ay nasabi ko na. But then, naramdaman ko na ang galit.

            “Alam mo Philip, Putang ina mo!! Kaibigan kitang tinuring!! Nung sinabi mo sakin na wag kita iwan, ginawa ko naman ah!! Kahit pa ngayon na ganto ang inabot ko sayo!! Pero ikaw, ikaw na gago ka!! IKAW ang nangiwan!! Wag na wag mo isisi sakin to, dahil kung nagkamali man ako, yun ay pilit kang intindihin. Hindi ko gusto na tapusin ang pagkakaibigan natin sa ganto. But then again, Im thankful that you did.  Im thankful na pinakita mo sakin kung sino ka. Screw you!”

            Tuloy tuloy na akong naglakad at sumunod si Jenny at kumapit sa mga kamay ko. Mahigpit ang hawak nya sakin. Alam kong natatakot sya dahil ngayon nya lang nakita ang side ko na galit.

 Pagpasok ng taxi ay di ko na maiwasan ang hindi pa rin umiyak. Nakita ko rin si Jenny na umiiyak. Napansin ko nalang na niyakap niya ko. Habang yakap niya ko ay hinihimas naman nya ang aking likuran.

            “Jerry, I’m so sorry for what happened. Aaminin ko, Ive been talking to Philip for quite some time now. Nagbibigay ako sakanya ng advices and updates about you. Lagi ka kasi nyang tinatanong sakin. I know things Jerry. Pero ayoko manggaling sakin. I know this is not easy for you. Ganun din sakin. Pero I promise you, bilang bestfriend nyo ay gagawin ko ang lahat para maayos to.”

            Hanggang sa makarating kami ng bahay ay tahimik pa rin ako. Bago pa kami tuluyang bumaba ay nag ayos muna ko ng sarili para di mahalata ng iba na umiyak ako. Alam kong may mga galos at pasa ako. Pero wala na kong pakialam. Basta kahit papano ay presentable pa rin ang ichura ko na haharap sa mga kaibigan upang d naman din sila magalala sakin. Pagdating namin ay tapos na maginuman ang lahat. Yung iba pa ay nakatulog na rin sa pagkalasing. Ang iba naman ay di na nakapaghintay at umuwi na. Lahat ay gusto magtanong pero umiling lang si Jenny. Kaya nanahimik na rin muna sila. Ako naman ay agad agad na pumasok sa kwarto at pinuntahan si Art na noo’y nilalagnat pa rin. Naramdaman ko nalang na tumahimik na sa bahay.

            Nagpunta ako ng banyo upang maligo. Gusto kong makapaglinis ng katawan. Gusto kong iligo lahat ng dumi na nararamdaman ko sa katawan. Sinabay ko ang pagtulo ng mga luha ko sa agos ng tubig na lumalabas sa shower. Gustuhin ko mang humagulgol ng malakas ay di ko magawa dahil magtaka ang mga kasama ko sa labas, o kaya ay baka magising si Art. Kaya pilit na pilit ang hindi ko paggawa ng ingay habang umiiyak. Ramdam ko na mas malamig ang tubig na dumadaloy sa aking katawan. Pilit kong hinuhugasan ang mga dugong natuyo sa ibang parte ng katawan ko at umaasa na sa bawat pagtanggal ko ng mancha ng dugo ay mawala na rin ang sakit na nararamdaman ko. Pero hindi, mas masakit ang lahat dahil sat wing ginagawa ko yun ay mas naaalala ko ang lahat kay Philip. Kung gaano kami naging mabuting kaibigan. Lahat ng happy memories. Ang pagkain naming sa mcdo, ang paghintay nya sakin sa babaan ng jeep, ang sabay naming paguwi, at ang iba pang magagandang alaala na meron kami. Nasasaktan akong isipin na lahat ngayon ay tnapos nya na ngayong gabi.

            Nararamdaman ko na ang pangungulubot ng aking balat dahil sa sobrang pagkababad sa tubig kaya nagdesisyon na kong ihinto muna ang pagiyak at magkunwaring normal. Mahirap man ay sinubukan ko.
            Mag uumaga na ngunit di pa rin ako nakakatulog. Pilit kong iniisip ang mga nangyayari. Simula sa pagkakakita ni Philip samin ni Art na magkayakap, pagtatalo naming ng sinubukan ko makipag ayos, ang nanguari samin ni Art,ang pagtingin sakin ni Philip sa hallway sa school, ang mga sulyap na ginawa namin sa prom, ang mga sinabi sakin ni Jenny sa taxi hanggang sa pagtatalo namin kanina. Lahat ay naging palaisipan sakin.

            Nang bumaba ako para kumuha ng tubig para sa gamot at pampunas ni Art ay kinuha ko sa bulsa ang cellphone ko at nakita ang sangkaterbang txt at miscalls. Galing ang iba sa mga kaibigan, at kay Philip. Di ko na nagawa pang magreply sakanila at umakyat na ko. Pagka akyat ay agad kong pinunasan uli si Art. Habang ginagawa ko yun ay napaisip ako sa mga sinabi sakin ni Jenny.

            “Bat nga ba ko ganto ka apektado?Bakit nga ba nangungulila ako kay Philip? Bakit hinahayaan ko rin na yakap yakapin ako ni Art? Bakit nga din ba naglasing sya ng dahil sakin? Bat ba ganto ang nararamdaman ko? Hindi ko na maintindihan kung ano nagyayari pero alam kong may mali. Bakit iba ang nararamdamn ko? Sino at Ano nga ba ako?!”, paulit ulit na tinanong ko sa sarili.

            Pagkatapos magpunas ay pinainom ko naman ng gamot si Art. Maya maya ay tumabi na rin ako upang magpahinga. Pagkahiga ko ay di pa rin mawala sa isip ko ang lahat ng mga nangyayari. Pilit kong kinakalimutan ang mga nangyari ngunit naaalala ko lamang ulit ang lahat ng ito. Naramdaman ko nalang ang biglaang pagpatak ng luha mula sa aking mga mata. Matinding kalungkutan ang bumalot sakin. Hindi ko nalang napansin na nakatulog nalang pala ako.

            Nang magising ako ay hapon na. Pagkamulat ko ay wala na sa Art sa tabi ko. Nung umupo ako ay ramdam ko matingding sakit ng ulo. Dahil ata to sa pinaghalo halong hang over sa alak, pagkakasuntok at problemang iniisip. Pagkatayo ay agad akong nagpunta ng banyo. Pagtingin ko sa salamin ay halata ang pagkahagard ko. Namamaga ang aking mga mata at may mga pasa sa aking katawan. Mukhang napuruhan din ako.

            Nang matapos makapaghilamos at sipilyo ay agad na kong lumabas ng kwarto para bumaba.

            Pagkababa ay nadatnan kong nakahiga si Art sa sofa at nanonood ng tv. Agad ko naman syang nilapitan. Nang makalapit ay umusog si Art upang makaupo ako. Pagka upo ko naman ay bigla namang inunan ni Art ang ulo nya sa lap ko. Napatingin nalang ako saknya ng bigla nya kong binati ng “Good Morning”, sabay ngiti. Medyo nawala ang problema ko ng makita ang mga ngiting yun. Napagaan sa pakiramdam pag nakikita ko ang mga ngiting yun.

            “Bakit ka nanonood ng tv? May lagnat ka pa ha?”

            “Ang tagal mo kasi magising. Halatang pagod ka kaya di na kita ginising muna. Uminom na rin naman ako ng gamot.”

            “Nako Art, pasensya ka na ha. Medyo pagod kasi nga ako talaga. Teka, magluluto na ko ng makakain tayo.”, akmang tatayo na ko sa kinauupuan pero nagpabigat ito.

            “Huwag ka na muna magluto. Umorder na ko ng pagkain sa fastfood. Parating na yun.”

            “Hala! Sawa ka na sa luto ko noh? Hahaha! Gumastos ka pa tuloy. Ikaw talaga.”

            “Hindi ah! Gusto ko lang bumawi sa pag aalaga mo sakin at di mo pagiwan sakin.”

            “Wala yun.”, sabay ngiti sakanya.

            Pero hindi ito ngumiti tulad ng inaasahan. Alam kong nakita nya ang mga pasa sa mukha ko, pero di sya nagtatanong.

            Maya maya ay dumating na ang pagkain. Mcdo. Shit! Naalala ko nanaman si Philip. Hindi ko naiwasan malungkot. Ngunit pilit ko itong tinago para di mapansin ni Art.     

            Bago pa kumain ay nginitian ko si Art. Ngunit di sya ngumiti tulad ng inaasahan ko. Sa halip ay sumimangot ito.

           “You can stop pretending now. I know what happened last night. Jenny told me all about it.”, maluha luha nitong sambit sakin sabay tungo. Iniangat ko naman ang ulo ang ulo nya at tiningnan ko sya sa mata at sinabing..
   
         “Alam mo.. It’s not your fault. And I’m not pretending. Masaya ako na andyan para sayo. Kung ano man ang nangyari, it has nothing to do with you..”

           “I know its partly my fault..”

          “Hindi noh. How will it be your fault? Walang may gusto sa mga nangyari. And even if it was your fault, nangyari na. So, don’t put too much thought about it. Kung pinipili nyang tapusin ang pagkakaibigan namin, wala na ko magagawa.”
      
           Tumingin sakin si Art ng taimtim. Hinawakan nya ang mukha ko. Ang labi ko na may sugat dahil sa pumutok ito sa suntok. Ang pasa ko sa kilay, sa braso, at ang mga gasgas ko sa siko.

            “Ang dami mong pasa.”

            “Pasa lang yan. Gagaling yan. Pero ung ginawa nya? Mas masakit yun.”

            Sa ideyang yun ay di ko na maiwasan malungkot. Ayaw ko sana ipakita kay Art na sobra akong apektado pero di ko na naitago. Kaya tahimik na ako simula nun. Simula ng kumain kami at matapos, hindi na ko uli nagsalita. Pagkatapos naman naming kumain ay hinatid ko na si Art pabalik sakanila. Naging tahimik pa rin kami sa loob ng taxi. Hanggang sa naihatid ko na sya at nakauwi na uli ako sa bahay ay di ako nagsalita.

            Nang makauwi  ako ay dumirecho na ko sa kwarto. Pagkasara na pagkasara ko palang ng pinto, dumaloy na ang mga luha ko. Lahat ng pinipigil kong emosyon ay lumabas na. Hindi na ako umiyak, kundi humagugol ako ng sobra. Ung tipong batang inagawan mo ng kung ano, or maybe, mas grabe pa dun. I was literally crying my heart out. Hinayaan kong kumawala ang lahat ng sakit na kagabi ko pa pinipigil. Matagal akong humahagulgol hanggang sa naupo ako sa sahig dahil naramdaman ko ang panlalambot ng mga tuhod ko. Napakasakit.. Nakakapanghina.. Nkakapanglumo..  Paikot ikot ang lahat ng eksena sa utak ko. Pati na rin ang kinukubli kong pagkalito sa nararamdaman ko para kay Philip. Sa pagiiyak ko, sinasambit ko pa rin ang pangalan na sanhi ng lahat ng sakit na nararamdaman ko.. Hanggang sa di ko na namalayan na nakatulog nlng ako sa sahig ng kwarto ko..

            “Philip…………”


Monday, September 5, 2011

Musmos [8]

by Jeffrey Paloma

Nagkamalay na lang akong nakahiga sa sahig sa tarangkahan ng aming tahanan... Parang naalog ang utak ko at may umaalingawngaw sa tenga ko... Sumasakit ang kaliwang bahagi ng aking noo kung saan unang tumama ang kanto ng bagay na tumama sa akin. Kinapa ko ang sumasakit na bahagi ng aking noo at napansin kong ito ay dumudugo na pala. Tinignan ko kung ano yung bagay na tumama sa akin at nalamang yung makapal at malaking bibliya pala namin ito na may metal plating na ornaments sa mga kanto nito.

Hiram Lamang - Part 2

Tumayo rin ako. Nagkaharap kami. At nakiramdam sa bawat isa. Naririnig ko ang pagtibok ng kanyang puso. At hindi ko napigilan ang aking sarili na yakapin siya. Iniangat ko ang aking mukha at kusang lumapit ang kanyang labi sa labi ko. Mainit, nakakapaso ang kanyang hininga at dulot nito ang kahinaan ng aking pagkatao

Hiram Lamang
Sa Panulat ni JonDmur 

The Letters 10

WRITER:Dhenxo Lopez

Unbroken's Blog:http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com/
Dhenxo's Blog:http://angbuhaynidhenxo.blogspot.com/



Ang pagkakapareho ng mga pangalan at pangyayari ay pawang conincidental lamang.







September 17, 2009


Hi there mister lappy,


How long have I been able to talk to you? Days? Weeks? Months? Sorry kung di na kita napapansin lately. Masyadong sabog ang schedule ko plus the fact of what had happened with my relationship my long-time girlfriend. Haist!

So am I! I’m back! Hurray! Ge, magpakasaya ka lang dyan. I’m so tired of arguing with you, with her, with . . . myself.

Ha! Ha! Ha! What a very nice intro eh mister lappy. Emote kaagad ang pasalubong ko sa’yo. Can’t help it lalo pa at lately lang yun nangyari. Here we go again! This is how I deal with it. Ang alalahanin ang mga nagdaan para mas madaling maka-move on.

Anyway, it is really weird. I had a break up and yet I can feel inside me that something is happy with it. Could it be you stupid? Of course! Of course it is me kasi finally mabibigyan na nang katuparan ang story niyo ni Chris! I should’ve known. *sigh

When I woke up this morning, there’s this awkwardness in the room, maybe because of ‘that’ lost. Usual routines, after waking up titimpla nang coffee with creamer, maliligo, magbibihis then papasok.

While bathing, naisip ko ang sinabi nang baklang ako. Could she – Yeeeeeeeeeessssssss! – be right? Is it about time na bigyan ko ng chance si Chris? Pero what if rebound ang kalabasan? He would be hurt. Di ko ata kaya yun. Pinagpatuloy ko ang paliligo na si Chris pa rin ang laman ng isip ko.

Ilang saglit pa ang binuno ko sa loob ng banyo at tuluyan na akong lumabas with that angry look on my face. Naalala ko kasing bigla yung pang-iiwan niya sa amin kagabi.

“Hello” siya.

“Chris nasaan ka?” sagot ko.

“Nasa bahay bakit?”

“Bakit di ka sumabay samin papalabas ng building? Ha?”

“Ang tagal nyo eh. Inaantok na ako.”

“Baka naman may katagpo ka?” hindi ko alam pero affected ako sa nasabi ko but I have to stand on my ground. Naiinis kasi ako.

“Ha? Sino naman katagpo ko ha?”

“Aba! Ewan ko sayo!”

“Ano problema George? Nahihilo ako kagabi at ang tagal nyo pang bumaba. Kaya nauna na ako. Sorry kung di man lang ako nakapagpaalam.”

Natameme ako after knowing na may problema pala siya kagabi without even me noticing it.

“Ganoon ba?” biglang nagbago ang tono ko. “Kamusta na pakiramdam mo?”

“Okay na ako. Antok lang siguro yun.” sagot niya.

“Good.”

“Yep.”

“Ingat ka. See you later sa work.”

“Bye.”

“Bye.”

Then I disconnected the line.

* * *

Habang nasa byahe papuntang office, nag-aapuhap pa rin ako nang sasabihin sa kanya. Oo mali ako dahil nag-isip agad ako na may katagpo siya kagabi kaya niya kami iniwan. Teka nga. Geez George! You’re jealous that he might be dating someone else. Hindi matanggap ng ego mo na may nakauna sa’yo! “Shut up!” Napahinto bigla si manong driver dahil sa sinabi ko with that who-the-hell-is-he-talking-with look. “Pasensya na po manong. Practice lang para sa play namin.” At itinuloy naman niya ang pagdadrive habang natatawa ako na ewan sa inasta ko.

Pagkadating sa office ay wala pa si Chris pero nung dumating na ito ay saka naman ako nagpapaka-busy. Still, I’m looking for the right words to say sa kanya for opening up a conversation. Tahimik. Tahimik pa rin. Tahimik ulit.

Sinapo ko ang ulo ko kasi parang di ko na kakayanin pa ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hello! Paanong hindi eh oras ng trabaho. Umayos ka nga dyan George baka di ako makapagtimpi at masabunutan kita dyan. That’s the snap when I checked the time. Bingo!

“Chris kain na tayo.” Pag-aya ko sa kanya. Finally, may lumabas ding salita mula sa akin.

“Sure.”

Bumaba na kami para maghanap ng pagkakainan. Nakakailang kasi there’s this silence na namamayani sa amin. This is not us. Hindi ko alam kung paano magbubukas ng usapan. Am I lost for words? Until I felt the need to open up dahil sa nangyari samin ni Joy.

“Chris.” Pero hindi ako makatingin sa kanya.

“Bakit George?”

“Wala na kami ni Joy.” Sabi ko without hesitating.

Tiningnan ko siya at hindi nakaligtas sa akin yung reaction ng mata niya after hearing my revelation sa gulat niyang expression. May kung anong kumislap dito. Parang masaya sa nangyari.

“Ahhh.”

Napabuntung-hininga ako. Hindi kasi yun yung ine-expect kong sasabihin niya sa akin.

“I know you're in deep sadness. If you feel like talking about it sa grupo sabihin mo lang. Makikinig naman kami.” sabi niya.

Honestly, I’m disappointed dun sa huli niyang sinabi. I gave out another sigh. Why am I expecting too much from Chris. We’re friends. Friends na may lihim na pagtatangi.

“Salamat Chris.”

“No worries.”

That’s the cue para tingnan siya. Parang na-hypnotized ako sa mga tingin niyang iyon. Kakaiba. I felt instant security sa tingin niyang iyon. Uh-oh, this is it! Shut up please. Just for now. Let me have this moment.

“Chris.”

Nangiti akong bigla dahil sa pagkagulat niya. Malalim siguro iniisip niya kaya ganun na lang reaction niya.

“Oh?” Pagbabago niya sa composure niya.

“Salamat sa lahat.”

“Ha?”
“Thanks for always being there for me. Paano ba ako makakabawi?”

“Wala yun George. Kaibigan mo ko.”

Ouch! Kaibigan lang pala turing niya sa’yo George.

“Oo nga Chris. Salamat.”

He smiled and I too.

Bumalik na kami nang building after eating and waited for the lift. Nakakapagtaka bakit ang layo niya sa akin. Di naman kami magkagalit ah.

“Chris?”

“Oh?”

“Bakit ang layo mo? Tara nga rito.” Sabi ko ngunit naramdaman kong wala siyang drive para tumabi sa akin.

I grabbed his hand at kinabig palapit sa akin. Inakbayan ko siya trying to tell him na hindi ko siya sasaktan.

“Bakit natahimik ka?”

“Ha?”

“Nanahimik ka Chris.” Hindi pa rin siya umimik. “Haaay. Ayoko na magmahal. Lagi nalang akong nasasaktan.” Bigla-bigla ko na lang sabi.

“Di mo naman kailangang masaktan. Nandito lang naman ako,ayaw mo lang sakin.”

I looked at him. Is he telling me the truth or he just wanted to make me feel loved at the moment? Naguguluhan ako. Masaya ako knowing na na-confirm ko na may gusto siya sa akin and I know din na may puwang na siya sa akin pero parang natatakot ako.

Ayokong mailang siya kaya hinigpitan ko ang pag-akbay sa kanya. I want to seize the moment. Ang sarap sa pakiramdam.

“Chris? Ano yung sinabi mo? Pakiulit?”

“Wala George. Wala.”

“Gusto mo ba ko Chris?”

“Ha?”

At bumukas ang elevator. Letse! Mukhang natakasan ako ah. Pangiti-ngiti akong lumabas ng elevator hanggang sa makabalik sa station ko.

I can’t help it. Gusto ko siyang tingnan. Kung pwede nga lang na magkaharap kami nang station eh hihilingin ko. Nahuhuli ko siyag tumitingin din sa akin pero agad ding binabawi.

“Chris? Bakit ganyan ka? What's wrong?”

“Ha? Wala naman George. Di lang maganda pakiramdam ko.” pagpapalusot niya.

“Chris. Di mo naman kailangang magpalusot eh. Narinig ko. Gusto ko lang marinig ulit.”

“Ha?” Caught off-guard.

“Chris,let's talk after shift. Let's have coffee.”

“Ha? George kkaa..siii..”

“I won't take no for an answer.”

At umalis na ako.

* * *

No choice na siya kaya naman after work eh sumama na rin siya sa akin to sip some coffee.

“Chris.”

“Hmm.”

“Do you mean it?”

“Alin?” Nakita kong para siyang nabulunan.

“Di mo naman kailangang masaktan. Nandito lang naman ako,ayaw mo lang sakin.” Panggagaya ko sa sinabi niya. Pinamulahan siya.

“Th-that’s not what I mean. Ano yun, ah . . .”

“Yes or no lang naman ang sagot Chris eh masyado kang defensive.”

“Defensive ka dyan. Ano lang yun.”

“You don’t have to explain, nakuha ko na.” Natahimik ka. Marahil nahihiya ka kasi obvious na totoo yung nasabi mo.

“Masaya ako.” Tumingin sya sa akin. “You know what, simula nung una tayong magkausap naramdaman na kita.”

“Huh?”

“I mean, ramdam ko na crush mo ako.” Sabay tawa. “Joke lang. Honestly, ramdam ko na magiging close tayo, like this: having quality time talking, having fun and everything. Masaya rin ako na despite sa nangyari samin eh may isang tao pa rin na nagmamahal sa akin.”

Tahimik pa rin si Chris.

“Chris, uulitin ko. A big thanks for being there for me always. . .“ niyakap ko siya, “ and a hug for loving me.”

Nag-usap pa kami saglit bago kami tuluyang nagpaalaman at umuwi na may ngiti sa aming mga labi.


Until next time lappy. See you around.

George

Torn Between Two Lovers? xii

Thank you mom sa pagpayag mong ipost ko rito stories ko. Heheh. I love you so much! :D

-----------------------------------------------------------------------------------

“Hey kuya!”

Rinig ko ang pagtawag na iyon ng isang pamilyar na boses sa may likuran ko. Hinarap ko ito.

“Oh Francis.”

“Hi! Kamusta ka?”

“I’m looking good naman sa tingin ko. Hindi ba ako ganun sa tingin mo?” Seryoso kong tugon.

“Loko ka kuya. Medyo may katagalan na rin kasi nung last time na nagkasama tayo kaya gusto kong mag-catch up tayo sa isa’t isa.” Halos matawa sa sagot ko.

“Matagal na ba ang three days?”

Tumango lang ito.

“Really?”

“So let’s hang out after ng meeting.”

“Meeting? Teka anong meeting yan?” Naguguluhan kong tanong.

“Hindi ka ba na-inform? Nagpatawag si gov ng meeting mamayang 5:30pm sa may second floor ng nursing office.”

“Talaga? Bakit hindi ako in-inform?” May tampong usal ko.

“Huwag na magtampo kay gov. Busy yun tsaka nasabihan naman na kita di ba kaya smile na dyan.”

Hindi pa rin ako mangiti. Trip lang.

“Pag hindi ka ngumiti, hahalikan kita.”

Bigla akong natilihan kaya naman ngumiti na ako. Ayokong ma-issue ulit in public. Tama na yung isang beses. Napalis ang ngiti ko agad at napalitan ng walang emosyong maskara ang pagkatao ko nang masilayan ang paglapit ng kontrabida.

Umakbay ito kay Francis sabay salita.

“Dude, don’t forget yung lakad natin mamaya after class huh.” Pagpapaalala nito kay Francis.

“Mamaya na ba iyon? Naku naman, pwede pass muna?”

Tumingin muna nang matalim sa akin si Jie bago sumagot.

“Pass na naman? Naku, lagi na lang ganyan. Nakakatampo ka na sobra.”

“Hindi naman dude. Nagpatawag kasi si gov ng urgent meeting kaya hindi ako makakasama mamaya sa’yo.”

“Lagi naman eh. Ako na lang lagi ang last priority.” At nag-walkout na ito nang tuluyan.

Naku naman, ako na naman ang sisisihin nung gagong iyon. Ano ba naman iyan. Ako na lang lagi ang may mali. Nakakainis na sobra.

“Huy kuya!”

“Oh?”

“Natulala ka dyan.”

“Hindi kaya. O siya sige na, una na ako sa’yo at may klase pa ako.”

“Sige kuya. See you later.”

Tumango na lang ako.

Lukot ang mukha ko habang binabagtas ang pasilyo papunta sa room. Iniisip kung bakit sa dinami-rami nang taong pwedeng dapuan ng malas eh ako pa talaga. Maya-maya pa ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti nang maalala ko yung nangyari sa pagitan naming dalawa ni Arnel nung nakaraang gabi.

“Dhen, I have to tell you something.”

“Sige ano iyon?”

“Break na kami ni Jessa.”

Nagulat ako sa sinabi niya. Agad ko naman iyon binawi dahil baka drawing lang yung sinabi niya. Mahirap ng umasa. Sabi nga nila, never expect never assume.

“What’s with that look?” Tanong niya.

“Why?”

“Ginawa ko lang yung alam kong tama.”

“Mali ka. Alam ko kung gaano mo kamahal si Jessa. Huwag na sana tayong maggaguhan.”

“Maniwala ka naman sa akin, kahit ngayon lang.” May tinig ng pagsusumamo na sambit niya.

“Nabartik kan (Lasing ka na).” Pag-iwas ko sa usapan.

“Haan pay (Hindi pa).”

“Oo kaya. Namumula ka na.”

“Hindi kaya.”

“Wen (oo).”

“Madi (Hindi).”

“Tumigil na nga kayong dalawa dyan. Baka gusto niyong pag-untugin ko kayo.” Pagsaway ni Xyza.

“Tumigil ka na raw.” Sabi ko rito.

Ngumiti na lang ito.

“Anyway, let’s play.” Pag-aya ni Febbie.

“Anong laro yan?” Tanong ko.

“Jungle book.”

“Wala na bang mas luma pa dyan? Gusto ko yung teks na lang meron pa ako dyan.” Sarkastiko kong banat..

“Dali na huwag ng maarte.”

“Teka, lagyan natin ng twist.” Suggestion ni Xyza. “Instead na sabihin natin yung mga crush natin eh magtatanong tayo nang kung anu-ano sa natalo. What do you think?”

“Pwede yan. Gusto ko iyan. Ikaw ba Dhen ayos lang sa’yo?”

“Ayos lang sa akin.” Sumagot agad si Arnel.

Ramdam ko na nakatuon na naman sa akin ang atensyon nila kaya naman labas sa ilong akong sumagot.

“May magagawa pa ba ako?”

Napangiti naman ang tatlo sa sagot ko.

Sa umpisa nang game eh medyo mga pa-tweetums pa ang mga tanong pero nung lumaon ay medyo seryoso na at kumplikado.

Sadyang mapang-asar ang pagkakataon dahil madalas na sa akin tumapat ang huling letra. Wala kasing iwasan ng kamay gaya nang nakasanayan.

“Nakailang talo ka na Dhen? Baka gusto mong magbigay sa amin?” Pang-aalaska ni Xyza.

“Dali na, dami pang satsat.” Sabi ko.

“Sige ako una magtatanong.” Si Febbie.

“Okay. Bilisan mo lang huh.”

“Sige eto na.” Tumigil saglit sa pagsasalita si Febbie. May pa-bitin effect pang nalalaman. “Mahal mo ba si Francis?”

Putakti! Heto na, bumanat na ang bunganga nang isang tsismosa. Kita ko naman ang pagkagitla sa mukha ni Arnel.

“Next question please.” Paiwas kong sagot.

“Andaya, walang ganun. Ang usapan ay usapan.”

“Fine.” Bumuntong-hininga muna ako bago nagpatuloy. “ Gusto ko si Francis.” Pa-safe kong sagot.

Bumakas sa mukha ni Arnel ang lungkot at sakit. Bagama’t ramdam ko na gusto niyang itanong sa akin kung bakit pero nanatili siyang tahimik. Hindi ko naman gusto na magpaliwanag pa dahil kalabisan na iyon. Isang tanong isang sagot lang.

“Bakit?” Follow-up question ni Febbie.

“Ooopps, one question lang per tao.” Pagpapaalala ko sa kanila.

“Ah ganun pala huh, sige ako magtatanong nun. Bakit ‘gusto’ mo lang siya at hindi mahal?” SI Xyza.

Tumingin muna ako sa ngayo’y blangko nang itsura ni Arnel. Sinisipat kong maigi kung dapat ko ba itong sagutin o hindi. “Kasi ayokong masaktan ulit at magmahal ng may sabit. Mas safe nang sabihin ang gusto kesa mahal para iwas disgrasya.”

Nakita ko siyang bumuntong-hininga.

“Kaya mo ako binitiwan.” Malungkot na sabi nito.

“Oo.”

Nanaig ang katahimikan sa aming apat. Hindi naman nakatiis yung dalawa kaya naman inalis nila yung awkwardness sa paligid.

“O siya, tuloy na natin yung laro.”

Naghawak-hawak na kami ulit ng mga kamay at nagpatuloy sa laro. This time, hindi ko na mahawakan ng maigi yung kamay ni Arnel. Nahihiya? Hindi naman siguro. Tama lang yung ginawa ko. Nagi-guilty? Hindi ko alam. Natigil lang ako sa kakaisip ng nagsalita si Xyza.

“Naku, paano ba yan Arnel ikaw na ang nasa hot seat pasensyahan na lang huh.”

Tumango lang ito.

“Bakit kayo nag-break ni Jessa?” Hindi napigilan ni Xyza na maitanong.

“Dahil kay Dhen.”

Patay na! Ayoko nang ganito.

“Anong bakit kay Dhen?”Wala sa sariling pag-follow up niya.

“Gusto ko na kasing palayain yung sarili ko. Hirap na akong magpanggap.”

“Magpanggap?” Si Xyza ulit. Dumadami na tanong nito ah.

“Oo. Magpanggap na lubos akong masaya sa piling ni Jessa kahit na alam kong mas sasaya ako sa piling ng iba.”

“At si Dhen yung tinutukoy mong iba?” Tanong pa ulit ni Xyza.

Tumango lang si Arnel.

“Dhen, masuwerte ka. Ang dami naghahabol sa’yo. Ano bang meron ka?”

“A-aba malay ko. Huwag mo akong tanungin wala akong alam dyan.” Depensa ko.

“Hindi ako nagsisisi sa desisyon ko dahil sa ginawa ko lang kung ano yung alam kong tama.”

“Ano naman iyon?” Umatake na naman pagiging slow ni Febbie.

“Sinasabi kasi nang puso ko na makipaghiwalay na kay Jessa para bigyang daan yung taong matagal ko nang mahal.”

Hindi ko alam kung anong mararamdaman that time pero iisa lang ang sigurado ako, may saya akong naramdaman sa sinabi niyang iyon.

“Eh di…” Magtatanong pa sana si Febbie pero pinigilan ko na.

“Huy, nakakarami na kayo nang tanong ah. Isa-isa lang di ba?” Pagsaway ko sa dalawa.

Napaismid naman sila.

“Huwag kang magpadala sa sinasabi nang puso mo, i-workout mo relationship niyo ni Jessa dahil iyon ang tama sa maraming bagay.” Biglang litanya ko na ikinagulat nila maging ako.

“Anyway, turn ko na magtanong di ba? Hmmmm. How do you see yourself 5years from now?” Sa tingin ko safe ako sa tanong na iyon kasi I’m referring sa career niya pero nagkamali ata ako.

“5years from now, I’ll be happy with someone I’ve loved since we became best friends.”


“Earth calling Dhen! Earth calling Dhen! Mayday! Mayday!” Parang ewan na bungad sa akin ni Xyza.

“Huy, andyan pala kayo.”

“Wala, espiritu lang itong nakikita mo.” Pambabara ni Xyza. Napatawa na lang ako.

“Hay naku, hanggang ngayon ba naman girl di ka pa rin nakakamove-on? Matagal pa ang 5years.” Pang-aalaska ni Febbie.

“Ewan ko sa inyo! Kung anu-ano mga pinagsasasabi niyo.” Hindi pa rin maalis-alis sa mga labi ko ang ngiti.

“Hay naku, bakit kasi kailangan pang i-deny yung totoo ehh kitang kita naman ang ebidensiya sa mga ngiti mo. Blooming ka kaya girl.” Si Xyza.

“Oo nga.”

“Weh di nga?” Sagot ko. “Hay naku, gutom lang iyan.”

“Hindi rin girl. Teka nga, nakita ko nag-usap kayo ni Francis sa may baba kanina. Anong meron?” Usisa ni Xyza.

“Wala naman. Sinabi lang niya na may meeting kaming mga officers mamaya.”

“Ay, so hindi ka makakasama sa session namin?” Si Febbie.

“Mukhang ganun na nga.”

“Sayang, tatambay pa naman kami sa McDo.”

“Re-sched niyo yan mga hayup kayo!”

“Bahala na.” Sabay pa nilang sabi.

At tuluyan na kaming pumasok sa classroom.

5:15pm. Time check. Mukhang walang balak tong prof namin na magpauwi ah. Dapat hanggang 5pm lang kami sa kanya pero ginanahan ata na magturo. Sabagay wala naman kaming magawa kasi major subject namin iyon kaya sapilitang makinig na lang.

Mukhang napansin naman niya na drained na kami kaya naman dinismiss niya na kami pero nag-iwan pa nang lintik na assignment. Walastik lang eh. Walang patawad. Maya-maya pa ay biglang nag-vibrate phone ko. Pagtingin ko ay nag-alarm yung note ko.

Dali-dali na akong nag-ayos ng gamit at pumunta na sa meeting namin. Ilang lakad lang ay nasa office na ako. Wala pang masyadong tao pero ine-expect ko na sunud-sunod ng dadating yung mga iyon. Hindi nga ako nagkamali. Nag-reserve ako nang upuan para kay Francis kasi 6pm pa out nun sa class eh

Hindi ko namalayan yung oras at 6:30pm na pala. Tiningnan ko phone ko kung may text si Francis pero wala, ni miscall wala rin. Tinext ko siya kung nasaan siya, pero lumipas ang ilang minuto ay wala pa rin siyang reply. Medyo nabadtrip ako.

Kahit na sabihin kong sinusubukan kong mag-focus eh hindi ko iyon magawa nang ganap. Lumilipad kasi isip ko. Hindi man lang siya nagtext na hindi pala siya makakarating. Eksaktong 7pm ng tapusin na ni gov yung meeting. Isa-isa na kaming lumabas ng office. Nagpahuli ako dahil ayokong kausapin si gov. Baka kung anu-ano na naman ang mapag-usapan namin.

Pagbaba ko ay may humila sa kamay ko. Sa sobrang gulat ko ay nasuntok ko siya.

“Aray!” Daing niya. “Bakit mo ako sinuntok?”

“Gago ka pala eh! Bakit ka kasi nanggugulat?”

“Sorry! Hinintay kasi kita eh.”

“Huh?”

“Huwag bingi-bingihan Dhen. Mamaya matuluyan ka dyan.”

“Ewan ko sa’yo. Teka bakit ka pa nandito? Kanina pa tapos klase mo huh?”

“Eh hinintay nga kita di ba?”

“Bakit mo ako hinihintay?”

“Gusto ko kasi ayain kang mag-dinner.”

“Dinner? Anong meron?”

“Wala naman.”

“Ewan ko sa’yo. “

“Tara na.”

Wala na akong nagawa pa dahil hawak-hawak niya kamay ko. Sa sobrang higpit ay mahihiya ang katawan kong hindi sumama. Kahit na medyo naiinis pa rin ako sa hindi pagsipot ni Francis, unti-unti naman iyong pinapalis ni Arnel.

“Hop in.” Pag-imbita niya.

Umangkas na ako sa motor niya. Banayad ang takbo namin sa highway dahil sa may mga itinatanong si Arnel sa akin. Napag-alaman ko rin na nasabi pala nung dalawa kong kaibigan kung nasaan ako nang mga oras na iyon kaya pala nandun siya.

“Saan ba kasi tayo pupunta?” Tanong ko.

“McDo.”

“Wow, ang romantic mo huh.”

“Romantic pala huh. Sige kapit ka.” At pinasibad niya agad yung motor niya.

Binagtas namin ang daan papuntang simbahan. Nagtaka ako.

“Bakit dito?”

“Basta, huwag ka nang magtanong.”

Akala ko sa simbahan talaga kami tutuloy pero nilagpasan namin iyon. Ilang metro lang ang layo nang huminto na kami.

Ngayon ko lang nakita tong lugar na ito.

“Kelan pa ito rito?”

“Matagal na.”

“Bakit hindi ko alam.”

“Paano mong malalaman eh school-bahay-McDo ka lang naman.”

Nagandahan ako sa ambience nung lugar. Napaka-cozy. Coffee shop siya pero pwede na ring maging lover’s nest. Medyo may kalayuan ang distansya nang mga tables kaya naman malayang makakapag-usap ang mga couples o groups na pupunta rito.

“Teka, bakit dito mo ako dinala?”

“Don’t worry, may tea sila rito and warm white chocolate drink.”

“Aba, siguro madalas kayo rito mag-date ni Jessa ano kaya alam mo.” Biglang nagbago expression ni Arnel.

Me and my big mouth. Natahimik na lang ako. Para makabawi eh ako na ang naghanap ng table. Umakyat ako sa second floor. Pinili ko yung pwestong malapit sa may bintana. Kahit papaano kasi magandang pagmasdan ang mga view sa labas.

Ilang sandali pa ay papalapit na si Arnel dala ang tray ng order niya. Nang mailapag niya ito sa mesa ay laking gulat ko sa nakita ko.

“Paano mo nalaman na paborito ko ang blueberry muffin?” Nitong college ko na lang kasi nagustuhan yung pagkain na iyon.

“Ano pa at naging best friend mo ako kung hindi ko malalaman iyan.” May pagmamayabang sa tono nito.

“Ang sabihin mo, tinanong mo sila Febbie about dyan.”

Napangiti na lang siya.

“Alam mo, hindi ka pa rin nagbabago. Maparaan ka pa rin sa mga bagay na gusto mong malaman.”

“Siyempre naman. Sabi nga nila kung gusto maraming paraan…”

“Kung ayaw maraming dahilan.” Pagsabat ko sa kasabihan niya.

“Dhen?”

“Hmmm.”

Bago siya muling nagsalita ay hinawakan na nito ang kamay ko.

“Ngayong libre na ako at sa tingin ko ay libre ka rin, may pag-asa na bang maging tayo?”

Natameme ako sa tanong niya. Hindi ako makahagilap ng maisasagot.

“Ah, eh. Ahm.”

“Sige hindi kita mamadaliin. Gusto ko makilala mo ako hindi bilang best friend mo kundi bilang isang taong magmamahal sa’yo higit pa sa pagiging best friend.”

Natahimik ako. Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko. Sa sobrang tahimik naming dalawa ay rinig na rinig namin ang tawanan ng mga taong papaakyat sa hagdan.

Napalingon ako sa kanila na siyang pagkakamali ko. Muling nabuhay yung inis na akala ko’y naiwaglit ko na sa isip ko. Naramdaman ko na lang ang pagdiin ng pagkakahawak ni Arnel sa kamay ko kasabay nun ang biglaang pagtahimik nung mga bagong dating.

“Lipat tayo nang ibang shop.” Nasabi na lang nung isa.

Hindi siya nagpatinag sa paanyaya nang kasama niya.

“Kuya?” May pag-aalala sa tono nito.

Pinilit kong itinago ang totoong saloobin ko pagkakita sa kanya. “Yes?” Sabay bitaw ng pilit na ngiti.

“I’m so…”

“You don’t have to. Malaki ka na. May sarili ka nang isip at marunong ka na rin magdesisyon para sa sarili mo kaya huwag kang humingi nang tawad sa akin kung iyon man ang balak mong gawin.”

“Alam ko may mali ako kuya. Ni hindi man lang ako nakapagtext to inform you na hindi na ako makaka-attend sa meeting.”

“It’s fine.” Nagpalabas ako nang isang malalim na hininga bago muling nagsalita. “Arnel tara na.”

Tumayo na ako ganun din si Arnel. Naramdaman kong hindi agad ito sumunod sa akin kaya tiningnan ko ito.

“Walang patutunguhan yan.” Kita ko ang pagkuyom ng palad ni Arnel. Nagbabadya nang isang gulo. Buti na lang napigilan ko.

Pagkababa ay dumiretso na ako sa may motor niya at sumakay. Agad naman niya itong in-start at lumakbay na kami pauwi.

“Antayin mo ako rito. Saglit lang ako.” Paalam ko sa kanya pagkababa ko.

Dumiretso na ako sa kuwarto at nag-impake nang ilang mga gamit. Balak ko kasing magpalipas ng gabi kila Arnel. Kilala ko na si Francis. Gagawa iyon ng paraan para makapag-usap kami ngayong gabi at hindi ko hahayaang mangyari yun ngayon.

“Ma, mag-overnight ako kila Arnel.”

“Hindi ka na nahiya. Mang-iistorbo ka pa.” Sagot ni mama.

“I love you ma!”

“Kayo talagang mga bata kayo. Kung ano maisipan agad ginagawa. O siya, heto kunin mo para may panggastos ka.”

Inabot ko naman agad yung perang bigay ni mama. Dali-dali na akong lumabas.

“O, anong ibig sabihin niyan?” Gulat na tanong niya.

“Dun ako makikitulog sa inyo tonight. Trip lang.”

Alam ko hindi siya kumbinsido sa rason ko pero hindi rin siya tumutol.

Habang nasa daan ay panay ang vibrate ng phone ko. Pagsilip ko, si Francis. Gaya nga nang nasabi ko, hindi ko siyay bibigyan ng pagkakataon para magpaliwanag.

“Hindi mo ba sasagutin yung tumatawag sa iyo?”

“Mag-drive ka na lang diyan. Huwag ka nang makialam pa.” At iginapos ko ang mga bisig ko sa katawan niya.

Malamig ang hangin na dumadampi sa mga pisngi ko pero tila ba walang tatalo sa lamig na nararamdaman ko kay Francis. Kung tutuusin, mababaw lang ang dahilan pero pilit kong pinapalaki.


(itutuloy...)

Sunday, September 4, 2011

Musmos [7]

by Jeffrey Paloma

Bakas na sa aking mukha ang matinding takot sa isang malaking kaganapang magaganap sa aking buhay. Kung anu-anong mapapait na pwedeng mangyari sa akin ay isa-isang nagsisulputan sa aking guniguni. Nakalimutan kong magkakasama pala kami nila Kevin at Ron sa Starbucks.

Hiram Lamang - Part One

Napamulat ako nang maramdaman ko ang bigat ng kanyang katawan. At doon ko natuklasan na pareho naming ginusto ang lahat. Walang namilit, walang pinilit hanggang sa kaming dalawa ay naging isa.


Hiram Lamang
Sa Panulat ni JonDmur

Saturday, September 3, 2011

Musmos [6]

by Jeffrey Paloma

Sa aking kalasingan ay di ko naiwasang makatulog na rin. Hinayaan na lang ko na lang na nakayap ng mahigpit sa akin si Kevin. Nanatili ang mga katanungan sa isip ko ngunit may malakas akong kutob na si Kevin at si Dexter ay magkaibang tao dahil sinubukan kong tawagan si Dexter noong si Kevin ay naghihintay sa labasng bahay noon bibigyan ko siya ng chocolate na padala sa akin ni Dexter.

DAglat presents: TEE LA OK II part 2

pavisit naman po ng mga blog na'to: theannexmatters.wordpress.com and annexb.wordpress.com


Ikalawang Bahagi: /ee-ka-la-wang/ - /ba-ha-gee/
Number 2

Pagkatapos ng graduation –

“Harold!” turan ni Gabby saka hinawakan sa mga kamay si Harold.

“Huh?!” sagot ni Harold.

“Gusto na kita! Sa sobrang pagkagusto ko sa’yo, guto na kitang iuwi at ariin, sa sobrang pagkagusto ko sa’yo gusto na kitang ipagdamot sa mundo, gusto na kitang angkinin, gusto ko nang mapasaakin ka.” sabi pa ng binata saka tinitigan si Harold sa mga mata.

Nakaramdam nang kaba si Harold. Oo, gusto din niya si Gabby ngunit iyon ang mga bagay na ayaw niyang marinig mula dito. Magulo? Oo, sobrang magulo ang damdamin ni Harold. Sa sobrang kaguluhan ay ayaw nang mag-process ng utak niya, ayaw nang gumana ng matino at maayos. Sa sobrang gulo ay nais niyang patahimikin na lang ang mundo.

“Aano bba iiiyang sssinasssabi mo?” putol-putol na tugon ni Harold.

“Huwag kang tanga!” sabi ni Gabby. “Nanagalog na nga ako para romantic papakatanga ka pa.” inis na dugtong pa nito.

“I love you Harold! Ikaw lang ang nakagawang magparamdam sa akin ng ganito.” sabi pa ulit ni Gabby saka hinalikan sa kamay si Harold. “Please say you love me too!” saad pa nito.

“Pero…” katwiran pa sana ni Harold.

“Please say you do love me!” puno ng pagsusumamo ang mga mata ni Gabby. “Please be my Cinderella and let us make our own fairytale.” dugtong pa ng binata.

Walang sagot mula kay Harold bagkus ay bumitiw ito sa titig at hawak ni Gabby at tumalikod.

“Bakit?” tanong ni Gabby. “Ayaw mo ba sa akin?” nalungkot na tanong pa nito.

Nasa kalagitnaan sila ng gabi at tanging ang mga bituin at buwan ang piping saksi sa nagaganap sa pagitan nila. Ang malamig na simoy ng sariwang hangin, ang mga kuliglig, at ang lagaslas ng tubig na mula sa ilog na malapit sa kanila.

“Naniniwala ka sa fairytale?” tanong ni Harold. “Hindi totoo ang fairytale Gabby.” malungkot na habol pa nito.

“Totoo ang fairytale Harold at tayo ang isa sa tutupad nun!” sagot ni Gabby.

“Siguro nga, totoo ang fairytale sa mga katulad ninyong mayayaman na nakahiga sa ginto, pero sa katulad kong anak ng pawis at putik…” biting turan ni Harold. “Malabo!” habol pa nito.

“Kaya nga be my Cinderella!” sagot ni Gabby.

“Hindi totoo si Cinderella Gabby!” wika ng naluluhang si Harold saka lumingon kay Gabby. “Panaginip lang si Cinderella, dahil wala sa totoong buhay na Cinderella! Pangarap lang si Cinderella.” sabi pa ng binata.

“No! She is real! She is you! And I am going to be your prince charming!” sinserong tutol ni Gabby.

“Ayokong maging si Cinderella at ayokong makibagay o pumasok sa mundo mo!” tutol ni Harold.

“Pero mahal mo ako di ba?” tanong ni Gabby.

“Hindi kita mahal!” madiing sagot ni Harold.

“Tell me, straight to my eyes na hindi mo ako mahal!” sabi ni Gabby saka hinawakan sa balikat si Harold.

“Hindi kita mahal!” buo ang loob na sinabi ni Harold saka tumingin kay Gabby.

“It’s a joke! Your traitor eyes said it’s not true! You’re not good at lying Harold! It’s obvious na ipinagkanulo ka ng mga mata mo!” nakangiting saad ni Gabby.

Natahimik ang pagitan ng dalawa –

“How about your mom?” tanong ni Harold kay Gabby. “Sa kwento ni Cinderella, hindi tumutol ang parents ng prinsipe kay Cinderella.” sabi pa nito.

“She’ll sooner accept you!” sagot ni Gabby. “Don’t worry, pumayag ka lang na maging si Cinderella ko ako na ang bahalang gumawa ng paraan.” pangangako pa ng binata.

“Si Cinderella, isang aristocrat, isang elite, isang mayaman bago mamatay ang tatay niya at alilain ng stepmom niya!” sabi ulit ni Harold. “Ako? Mula pagkasilang hanggang ngayon ay isang mahirap na probinsyanong walang mga magulang o kamag-anak.” dugtong pa nito.

“It does not matter for me!” sagot ni Gabby.

“Please Gabby! Humanap ka na lang ng iba!” pakiusap ni Harold. “Huwag na lang ako.” dugtong pa nito saka lumakad palayo.

“Harold!” habol ni Gabby kay Harold.

“Bakit ba?” galit na tanong ni Harold kay Gabby nang mahawakan siya nito sa braso.

“Hindi ako titigil Harold!” detrerminadong sambit ni Gabby saka binitiwan si Harold at lumakad palayo.

Dahil nga sa nasunog ang dormitoryo nila Harold ay kinupkop na nang matandang caretaker si Harold at sa kanilang bahay na muna pinapatuloy. Kasama ni Harold ang buong pamilya ng matanda. Pagkauwi sa bahay ay agad nang nahiga si Harold at saka pinilit na matulog. Kahit na nga ba ipinaghanda siya ng pamilya ng kanyang Tito Caretaker ay pinili na lang niyang magpahinga. Pagkahiga –

“Shit na Gabby! Gusto pa akong maging tulad ni Cinderella! Oo nga, nag-gate crash ako nung first naming nagkita like Cinderella, isang party animal na party crasher din, pero hindi naman self-interest ang habol ko nun.” simula ni Harold sa laman ng isip niya. “Cinderella and I are both alone, iyong nga lang may stepmom and sisters siya na inggitera and animal friends, ako wala man akong ganun, may kaibigan naman akong kasamang nakikibaka. Higit sa lahat, ayokong umangat ng estado dahil sa makakapag-asawa ako ng isang prinsipe.” kasunod ang isang malalim na buntong-hininga. “Cinderella’s fortune will never be like mine! I don’t want to be Cinderella in that way!” sabi ni Harold.

Samantalang si Gabby –

“Harold! Napakaarte mo, ikaw na nga itong nilalapitan ng gwapong ako ikaw pa ang tumatanggi!” bulong ni Gabby sa sarili. “If you think I will stop, better change your mind! No one can stop me! Kaya prepare yourself sa mas matindi-tinding laban!” napapangiting turan ng isip ni Gabby.

“If you walk away, expect me to follow
If you run away, expect me running behind
If you ask stop loving, expect me to continue
If you tell me I cannot be the one for you,
I will tell you you’re wrong!
Because my future is heading to the place,
following the trail of your love.
Though sadness may come, yet I know
happy endings are true to exist.” tugmang muling naglalaro sa isipan ni Gabby.

Kinabukasan –

“Joel! Go to this address and look for Harold Aguilar and by any means, bring him here!” utos ni Gabby kay Joel.

“Sir?!” naguguluhang pahayag ni Joel.

“Why?” tanong ni Gabby.

“Bakit po?” tanong ni Joel.

“When is the time I allowed you to question my order?” tanong naman ng medyo asar nang si Gabby dahil gusto na niyang makita si Harold.

“Sorry Sir!” paumanhin ni Joel saka mabilis na sinunod ang utos ni Gabby.

“Harold! Wala ka ng kawala but to say yes and agree with my plans.” nakangising dikta ng isipan ni Gabby.

Samantalang sa bahay naman ni Tito Caretaker ay nakahanda na si Harold para makauwi ng Tarlac at makapagpahinga at maasikaso ang business na naiwan sa kanya ng mga magulang. Matagal-tagal na din siyang hindi nakakauwi ng Tarlac at tanging ang katiwala niya ang umaasikaso ng lahat.

“Good Morning! I’m Mr. Gabby Fabregas’s secretary and I want to talk with Mr. Harold Aguilar.” simula ni Joel nang pagbuksan siya ng pinto ng matanda.

“Ay hijo! Pilipit ang dila mo, huwag ka ng mag-english!” sabi naman ng matanda.

“Sorry po!” napahiyang sabi ni Joel.

“Harold! May humahanap sa’yo.” sabi ng matanda kay Harold.

“Sandali lang po tito!” sagot ni Harold saka maya-maya nga ay bumaba na.

“Harold!” sabi ni Joel.

“Anung ginagawa mo dito?” tanong ni Harold.

“Ayos pala at nakabihis ka na! Tara na!” aya pa ni Joel.

“Anung tara na?” nagtatakang turan ni Harold.

“Tara na, pinapasundo ka ni Sir Gabby.” sagot ni Joel.

“Pasabi, hindi ako pupunta.” sagot ni Harold.

“Akong malalagot nito eh.” sabi ni Joel saka hinatak si Harold palabas.

“Ang kulit! Okay, sabihin mo nakauwi na ako ng probinsya.” sagot pa ni Harold.

“Hindi pwede iyon! Parang hindi mo naman kilala si Sir Gabby! Papasundan ka nun sa probinsya mo.” sagot ni Joel.

“Ayoko! Bahala kang mapagalitan.” sabi ni Harold.

“Sige na naman!” pamimilit pa ni Joel.

“Ayoko nga!” sabi ni Harold.

“Ayaw mo talaga?” tanong ni Joel.

“Oo!” sagot ni Harold.

“Nick!” tawag ni Joel kay Nick. “You know what to do!” sabi pa nito.

“Potek!” nasabi ni Harold na ngayon nga ay pinagtutulungan na siya ni Joel at Nick para maisakay ng kotse.

“Sid! Tulungan mo nga iyong dalawa para maisakay si Harold sa kotse.” utos ni Tito Caretaker sa anak.

“Sige po.” agad naman sinunod nito ang ama.

Pagkasakay ng kotse –

“Akin na iyong panali!” hingi ni Joel kay Nick bago pa man patakbuhin ang sasakyan.

“Anung gagawin mo?” tanong ni Harold.

“I-aabduct ka!” nakangising tugon ni Joel. “Alam mo naman by any means dapat madala kita sa harap ng hari namin!” habol pa nito habang pinagtutulungan nila ni Nick ang pagtatali kay Harold.

“Please naman! Alam mo bang pwede kitang kasuhan ng kidnapping!” pananakot ni Harold.

“Oo naman! Pero bahala na si Sir Gabby sa amin.” sagot pa ni Joel.

“Lagot talaga kayo! Hindi ko palalagpasin ito!” sabi pa ulit ni Harold.

“Madaldal ka pala!” sabi ni Joel saka tinalian din ang bibig nito.

Pagkarating sa FabConCom –

“Hey! Tulungan naman ninyo kaming bitbitin ito kay Sir Gabby.” sabi ni Joel pagkababa ng kotse.

Tila baboy na binuhat nila si Harold paakyat sa opisina ni Gabby. May tali sa kamay at paa at may busal sa bibig. Agaw atensyon siyempre si Harold habang buhat-buhat nila Joel.

“Sir Gabby!” hingal na hingal na turan ni Joel saka pumasok.

“Where’s Harold?” tanong ni Gabby.

“Nick, dalin na ninyo sa loob si Harold.” utos ni Joel na agad namang sinunod at ipinasok sa loob si Harold na patuloy pa din sa pagwawala.

“Damn!” sigaw ni Gabby. “Are you using your head?” galit na wika ni Gabby saka pinuntahan si Harold at kinalag ang tali sa bibig. “Ano kayo? Kidnappers?”

“Kasi Sir…” paliwanag sana ni Joel.

“Get out!” madiing utos ni Gabby.

“Sorry Sir!” sabi ni Joel saka inaya lahat ng tumulong sa kanya palabas.

“I’m sorry Harold!” sabi ni Gabby saka inangkin ang mga labi nito pagkaalis ng tali.

Huminto ang mundo ni Harold dahil muli niyang natikman ang matamis na halik ni Gabby. Batid niyang puno iyon nang pagmamahal at pananabik.

“Sorry!” ulit na wika ni Gabby saka kinalag ang tali ni Harold sa kamay at sinunod sa paa.

Niyakap niya ng mahigpit si Harold, yakap na tila ayaw na niya itong pakawalan pa.

“Gabby!” nasabi rin sa wakas ni Harold pagkabitaw ni Gabby sa yakap.

Ilang minuto nang katahimikan nang may biglang pumasok sa loob ng opisina ni Gabby.

“So, it is true!” galit na galit na sinabi ng mama ni Gabby pagkapasok.

“Ma!” sambit ni Gabby. “What are you doing here?” tanong ni Gabby.

“I told you to throw that stupid man away in your life.” Nanggigigil na wika ng ginang.

“But ma! I love him!” katwiran ni Gabby.

“You’re heaven and he’s earth!” sabi ng ginang. “Ginagamit ka lang niyan para umangat sa buhay!” giit pa nito.

“He’s not like that!” tutol ni Gabby.

“Lahat ng hampus-lupa gagawa ng paraan para maka-angat sa buhay!” madiing paratang ng ginang. “Kahit na ang manggamit ng ibang tao, ang manloko ng kapwa, ang mang-uto para sa sariling kapakanan!” sabi pa nito.

“Ma!” tanggi pa ni Gabby. “Harold is different from them!” sabi pa ni Harold.

“He’s not a saint and I am sure he is not a good person either.” kontra ng ginang. “If he shouts in the streets definitely ang habol lang niyan manggulo ng buhay. Ano ba naman siya para pakawalan ka pa, eh kaya mong ibigay sa kanya ang malambot na higaan na matagal na niyang inaasam. Tulad lang din iyan ng mga patay-gutom na mga nakalawit ang dila para sa mga itatapon natin.” sabi ulit nito.

“Stop it ma!” awat ni Gabby sa ina.

“I won’t Gabby!” madiing turan ng ginang saka lumapit kay Harold. “Humanap ka ng bagay sa’yo Gabby!”

Labis ang pagpipigil at kaba ni Harold ng mga sandaling iyon. Pinipigil niya ang sariling makagawa ng hindi tama dahil sa maling paratang at pagtingin sa kanya ng ina ni Gabby.

“Alam ba ng mga walang-silbi mong magulang ang ginagawa mo?” simulang tanong ng ginang kay Harold. “O baka naman sinusulsulan ka na nila para manghuthot? Well, hindi ako magtataka kung ganuon nga ang gawin nila, dahil ang mga hampas-lupa at patay-gutom na gaya ninyo ay iyon lang ang iniisip. I am sure, mga basura din ang mga magulang mo kagaya mo.” madiing wika pa nito saka inilapit ang mukhang sinabi kay Harold.

“You don’t know my parents!” pigil na sabi ni Harold na may pagpipigil para maiyak. “They are not like what you think! Mararangal sila, ginagalang at nirerespeto. Oo, mahirap kami, dukha, hampas-lupa, patay-gutom, pero hindi kami katulad ng iniisip ninyo! May dangal kami at prinsipyo.” sabi ni Harold.

“Wala ng prinsipyo pag pera na ang usapan!” giit ng matanda.

“Shut up Madam!” sabi ni Harold.

“Harold tama na!” awat ni Gabby kay Harold.

“Wala kang galang!” sabi pa ng ginang.

“Ang galang at respeto kasi sa akin hindi binibili ng pera! Parang ang mga magulang ko, hindi na nila kailangang mamili ng respeto, hindi ninyo kagaya na may katumbas na halaga lahat ng bagay. Wala kang karapatang magsalita ng hindi maganda sa mga magulang ko, dahil sila itinuturing nilang tao ang lahat ng tao, hindi mo katulad na animal at hayop ang tingin ninyo sa mga mahihirap na kagaya ko. Ang tao lang para sa inyo ay mga kagaya ninyong matapobre at mukhang pera. Hindi kami ang basura! Ang kagaya ninyo ang basura!” nanggigigil na sabi ni Harold. “Wala kang alam kaya manahimik ka na lang madam!” sabi ulit ni Harold.

“Tigil na Harold!” awat pa ni Gabby kay Harold saka hinawakan sa balikat.

Walang anu-ano ay isang malutong na sampal ang dumampi sa mukha ni Harold.

“Walang-hiya ka! Walang modo!” galit na galit na sinabi ng ginang.

“Kulang pa!” sabi ni Harold saka iniharap ang kabilang psingi. “Masakit ba? Wait, papaano ka masasaktan, wala ka namang puso at kaluluwa! Pera lang ang meron ka!” sabi ulit ni Harold saka nagbigay ng mapanghamon at matalim na titig sa ina ni Gabby.

“I said shut up!” sigaw ni Gabby kay Harold.

“You don’t have any rights madam! Sabi ko sa’yo, maghintay ka lang at magsasawa din ang anak mong habulin ako. Kasalanan ko bang hinahabol at nagkakandarapa sa akin si Gabby?” sabi ni Harold saka lumakad palabas ng opisina ni Gabby.

“Sorry Harold!” awat ni Gabby kay Harold saka akmang hahabulin.

“Stay here Gabby!” madiing utos ng ginang kay Gabby.

Tila walang narinig si Gabby at tuloy lang sa paglakad.

“Harold! Wait!” sigaw ni Gabby.

Pagkalabas ng pinto ng opisina –

“Anung tinitingin ninyo?” tanong ni Gabby. “Back to work!” madiin pa nitong utos saka muling hinabol si Harold.

Hindi na inabutan ni Gabby si Harold dahil naging mabilis ang kilos nito. Hindi na din nagpatumpik-tumpik pa ang binata at dali-dali niyang pinuntahan si Harold sa bahay ng Tito Caretaker nito.

Si Harold naman ay walang sinayang na sandali para mabilis na makauwi sa bahay ng Tito Caretaker niya para kuhanin ang mga gamit at makauwi na sa probinsya.

“Good day Harold!” nakangiting pambungad sa kanya ni Gabby pagkapasok ng pintuan.

Wari bang walang nakita si Harold at patuloy lang ito sa paglakad. Agad na tinahak ang hagdan papunta sa silid na inilaan sa kanya.

“Sige Harold, huwag mo akong pansinin.” nakangising saad ni Gabby.

“Tito, nasaan na po iyong mga gamit ko?” tanong ni Harold pagkalabas sa kwarto.

“Alin? Di ba pinalulan mo na kay Gabby?” tanong nang matanda.

“Tito!” tila reklamo ni Harold dito.

“Hay naku, ang sabi niya ihahatid ka na daw niya.” sabi pa ng matanda. “Maloko pa lang talaga iyang si Gabby.” wika pa nito saka kumindat kay Gabby.

“Sige po tito! Sa akin na po si Harold.” saad ni Gabby saka nagbitiw ng isang kakaibang ngiti.

“Ingatan mo iyang bunso namin ah.” paalala pa ng matanda. “Ihatid mo ng maayos sa Tarlac.”

“Tito!” muling reklamo ni Harold nang maramdamang ipinagkakanulo na siya ng tinuring niyang ama sa loob ng apat na taon.

“Sige na Gabby! Ihatid mo na pabalik sa kanila.” sabi naman ni Sid.

“Ako na po ang bahala.” sagot ni Gabby saka ipinulupot sa baywang ni Harold ang kamay niya.

“Ano ba iyang ginagawa mo.” saad ni Harold.

“Ayusin natin ang gulo.” bulong ni Gabby kay Harold saka inakay papunta sa kotse ng binata.

Wala ng lakas pa si Harold para lumaban dahil tupok na ang tapang na mayroon siya. Masyadong emosyon na ang naibigay niya para ipagtanggol ang mga magulang laban sa nanay ng taong kasama kaya naman ang alam na muna niya ngayon ay magparaya magpatianod na muna sa pwedeng mangyari.

Mahabang oras din ang byahe nilang dalawa, pa-norte din ang daang tinumbok nila.

“Saan mo ba ako balak dalin?” tanong ni Harold kay Gabby na ipinikit na lang ang mga mata at dinama ang hangin na nagmumula sa bukas na bintana.

“Sa langit!” nakangiting tugon ni Gabby.

“Letse! Saan nga.” tanong ni Harold.

“You’ll like the place. So far, we need to solve the problems between us.” sagot ni Gabby.

“Gabby! Masakit pa, sariwa pa, huwag mo munang dagdagan lahat ng sakit at paghihirap ko.” sabi ng diwa ni Harold.

Inabot ng dilim ang byahe ng dalawa, at sa wakas nga ay narating nila ang lugar na sinasabi ni Gabby. Isa iyong private resort na pagmamay-ari ni Gabby, bunga nang kanyang pagtatrabaho ay lihim niyang naipatayo ang resort na iyon. Isang perpektong bahay bakasyunan na akmang-akma para magpagaan sa mga damdaming nabibigatan.

“Aren’t you afraid na baka magka-switching na naman tayo.” tanong ni Harold.

“There’s no rooster here to wake us early in the morning.” nakangiting sagot ni Gabby.

“Anung connection ng rooster sa switching natin?” tanong ni Harold na ayaw magpagan ng utak para sa logic.

“Remember the first time we switched? Di ba we heard clucks, and the day we switched back, clucks woke us.” sagot ni Gabby. “Saka tapos na ang sumpa, kulam or whatsoever, so there’s no reason to worry.” sagot pa nito.

“How sure are you?” tanong ni Harold.

“Hundred percent.” sagot ni Gabby.

“Come what may.” sagot ni Harold na wala pa din sa kundisyon para makipag-usap.

“We also slept together twice, with no rooster or any clucks but nothing happened, no switching.” paliwanag pa ni Gabby.

Matapos makakain ay nagpasya na ang dalawa para matulog. Kahit na malaki ang resthouse ay iginiit ni Gabby na tabi silang matulog ni Harold. Dahil nga sa wala pa sa kundisyon para magsimula ng away si Harold ay tiniyaga na niyang makasama ito sa silid.

“Gabby! Kung ikaw ang nasa kalagayan ko at alam mo kung gaano kasakit at kung gaano ako nahihirapan, hindi mo na malamang gugustuhin na makita ang sarili mo. Kung nararamdaman mo lang ang kirot at pait, malamang isinumpa mo nang nagustuhan mo ang sarili mo. Kung ikaw lang sana ang nasa katayuan ko, malamang hindi mo na gagawin itong kahangalan na ito. Gabby! Nahihirapan na akong huminga, nawawalan na ako ng hangin, natupok na ako ng panlalait at pangmamaliit mula sa nanay mo.” saad ng diwa ni Harold saka unti-unting tumulo ang luha.

Samantalang si Gabby –

“The road we travel wasn’t easy,
There are challenges that are messy,
Rewards are few and sometimes busy,
And striking light is passing so lazy.” tugmang pinagmumunihan ni Gabby habang nakatitig sa nakatalikod na si Harold.

“You are my life Harold! Ngayon pa ba kita susukuan kung kailan sigurado na akong ikaw ang missing piece? Why would I give in if I can still take the pain and continue loving? I know, roads are getting rougher, but I swear, hindi ako titigil hanggang hindi ka pumapayag na makasama ko sa habang-buhay. I can face any challenges out there in nowhere but make sure you will be mine and I will be yours forever.” saad ni Gabby saka iniyakap ang kamay sa natutulog nang si Harold.

“You are my song,
Playing so softly in my heart
I reach for you
Though you’re near, yet so far” himig na pinaglalaro ni Gabby habang nahihimbing si Harold.

Friday, September 2, 2011

Musmos [5]

by Jeffrey Paloma

Napuno nang ligaya ang aking umaga kahit namamaga nang sobra ang aking mga mata. Akala ko ay magpapatuloy pa rin ang buong araw kong kahapon na puno ng pananaghoy. Agad akong naghanda ng sarili para lumuwas upang tangapin ang anyaya ni Dexter na sa akin ay makipagkita na.

Minahal ni Bestfriend (part 9)


           Nagpapasalamat po ako sa lahat ng  tumatangkilik ng storyang ito. Ako po ay labis na natutuwa sa mga positive feedbacks and comments from all the readers of this story. At dahil sa sobrang tuwa ko ay sinubukan ko pong tapusin ito agad. Maraming salamat po.

           Nais ko pong magpasalamat ng lubos kaila Sir Mike, Mama Dalisay, Rovi Yuno, Archie, Jojie(Pare ko!!), at sa hubby nyang c chack!! J , Rich, ace.vince.raven(BUNSOOOOO!!! J), 07,John, Arl, Rue, Jack, Roan, o_0mack^2, nick.aclinen, Jhay L, dada, Mars, Jayfinpa, Zekie!! J, wastedpup, wisdom,  Ako si 3rd, pink 5ive, Brent Lex, ram,  alex tecala, J.C, Ace, russ, Jay, X at syempre kay “J.V” at lalo na po kay “JEH” at sa mga Anonymous at silent readers..

          COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED!!

          ENJOY!!!!!!!!!!!! :)))))))))))))))))))






            Kahit mejo late pa ito ganapin ay excited talaga kaming lahat. Palapit na ng palapit ang prom night. Ang bawat isa ay may kanya kanyang partner para sa prom. Wala akong partner that time pati si Art. Si Ben ay partner si Leah, At si Jenny naman ay may bago na ring boyfriend, si Erwin. Ang ex ko namang si Grace ay nabalitaan kong wala talagang tumatagal na relasyon. Dun ko narealize na wala pala sakin ang problema.

            Naging mabilis ang dumaang araw at malapit na ang prom, gayun din ang mga sunod sunod na tests na lalo ng mas mahirap dahil palapit na rin ang final exams. And soon, bakasyon na naman na. Kaya naging puspusan ang paghahanda ng bawat isa. Pero para sakin, mas prioridad ko ang pag aaral tlga. Kahit pa excited ako sa dadating na prom ay hindi ko pa rin pinabayaan ang aking pagaaral.




            Gabi na ng prom, lahat ay talagang excited para mamaya. Maski ako ay hindi na rin mapakali. First time ko din kasi ito. Dati sa tv o kaya sa mga kwento ko lang naririnig ang prom, pero ngaun, mararanasan ko na ito. Mamayang 7pm ang start ng program at matatapos nmn ng 12am. Pagkatapos ng prom ay napagkasunduan ng tropa na pupunta kami ng malate at dun itutuloy ang kasiyahan.

            Halos hindi rin ako nakatulog dahil sa excitement na nadadama. Kahit pa walang partner ay ok lang. Andyan naman ang mga kaibigan ko. May mga babae din naman dyan na pwede isayaw. Marami man sakanila ang nagbibigay ng motibo ay di ko muna pinapatulan. Hindi sa dahil hindi sila pasado sa standards ko, pero as of now, di ko muna focus ang lovelife. Gusto ko lang ienjoy ang sandali ng buhay ko na pagiging single.

            Nagpasya muna ko pumunta ng mall dahil naiinip pa rin ako sa bahay. Pamatay oras ba. Mamaya pa naman ako dapat mag ayos at mahaba pa ang oras.

            Pagpasok ko ng mall ay nagpunta agad ako sa may bandang sinehan, naghahanap ng magandang palabas, pero wala, di ko gaano trip ang mga palabas kaya nagpasya nalang ako magikot ikot.

            Sa pagiikot ko ay napadaan ako sa arcade. Nagpasya bumili ng ilang tokens kahit hindi sure kung gusto ko maglaro. Hindi naman kasi talaga ako mahilig sa games. Pero dahil sobrang bored, at minsan lang naman, why not?

            Pagtapos maglaro ay nakaramdam ako ng gutom. Nagaalburuto na ang mga bulate ko sa tyan kaya nagpasya akong humanap ng makakainan. Nakakatawa dahil sa dinami dami ng pwedeng kainan, eto, bumagsak ako sa pinakapinagsasawaan ko, MCDO! Amff. Hindi ko alam kung bakit dun ako kumain pero parang may humihila sa akin na dun kumain.

            Pagka order ay agad agad akong kumain. Kasalukuyan kong ineenjoy ang aking french fries ng mapatigil ako sa nakita. Kitang kita ko na dumaan si Philip at umupo sa table sa harap ko. Alam kong nakita nya ko dahil sinadya nya talagang umupo sa opposite na upuan. Kaya ayan, magkaharap kami, magkaiba nga lang ang table. Nang mga oras nay un ay tumigil ang oras. Naalala ko yung mga panahong okay kami, yung hinihintay ko sya matapos sa training nya at sabay kami kakain sa mcdo. Yung magkaharap kami sa table at nagkukulitan. Pinaguusapan ang mga nakakatawang nangyari sa maghapon. Pero eto ngayon, kaharap ko rin sya, pero animo’y di kami magkakilala dahil sa agwat na nasa pagitan namin.

            Sinubukan kong kumalma, dahil ang totoo, kahit pa nararamdaman ko ang pananabik sakanya ay di ko makalimutan ang mga masakit na salitang binitawan nya sakin.

“Why should I care? Sino nga ba ko sa inaakala ko?! Sus, he said it himself.”, nasabi ko sa sarili ko.

Pero di ko pa rin maiwasan hindi tumingin sakanya, pero yung sulyap sulyap lang, ayaw ko naman kasing ipahalata na tinitingnan ko sya. Kunwari, dedma dedmahan. Pero sa twing susulyap ako saknya ay nakikita ko itong nakatingin sakin. Di ko makakalimutan ang mga tingin nay un. Yung tingin na tumatagos sa kaluluwa ko at parang nangungusap. Pabilis ng pabilis ang pintig at pagkabog ng dibdib ko. Di ako dapat paapekto, pero ayun, nanlalambot ako. Alam kong may gusto syang sabihin pero nagmatigas ako. Nanaig pa din kasi ang pride at galit na nararamdaman ko. Binilisan ko nalang ang kain at dali dali tumayo. Lumabas at naglakad.. Dire-direcho. Ayaw ko lumingon, kahit pa nararamdaman kong nakatingin sya sakin at feeling ko sinundan nya ko. “Ayaw ko. Tama na ang disappointment. Lakad lan, direcho ang tingin. Wag kang lilingon. Umuwi ka na.”, sinisigaw ko sa utak ko.

            Nang makarating na sa labas ay agad akong pumara ng taxi at dali daling sumakay. Hindi pa rin lumilingon. Kahit halos nararamdaman ko ng gusto kong bumaba at makipag usap sakanya at tanungin kung bakit ganun ang mga nasabi nya sakin. Ang daming tanong sa isip ko. Ayaw ko na rin umiyak, pagod na ko iyakan sila. Baka nga bakla na ko kasi iyak na ko ng iyak. Mali. Lalake ako.

            Pagkauwi ay pinilit ko na hindi ko na isipin ang pagkikita namin ni Philip sa mall. Nagpahinga muna ako sandali at umidlip. Tama na ang pagiisip, kailangan fresh ako mamayang prom. Buti na lang at agad din ako nakaidlip.

            Pagka gising ko ay ala singko na ng hapon, agad agad akong naligo at nag gayak. Ramdam ko na talaga ang excitement. Pagtapos masiguradong gwapo na ako ay lumarga na ko papunta sa hotel na pagdadausan ng aming prom. 

            Pagdating ko sa hotel, di ko maitago ang excitement ng nakita ko ang tropa ko na naka abang sa labas. Aba! Ang mga mokong, ang ggwapo at ang gaganda! Sari saring coat at polo ang nakita ko sa mga lalake. At pabonggahan nmn ng dress, makeup at hairstyle sa mga babae. Sunod kong nakita ay si Art, medyo bumalik na ang dati nyang postura at malinis na sya uli tingnan. Mas gwapo lalo ngayon at mas lumabas ang pagkagandang lalaki nya sa suot nito. Nginitian ko sya sabay binati ang pagkagwapo nya. Pero teka, syempre, ako pa, di ako papatalo noh! Ako pa ba! Hahaha!

            Pagkatapos makapag register ay dumirecho na kami sa hall. Dun nakita ko ang lahat ng mga 3rd year at 4th year na ang garbo ng mga ichura. Di rin pahuhuli ang mga teachers. Magsisimula na ang program kaya naisipan ko muna dumaan ng cr. Lumabas ako sa hall at tinungo ang cr.

            Pagpasok ng cr ay wala halos tao, agad ako nagpunta sa isang urinal at dun umihi. Pgatapos umihi ay naghugas na ko ng kamay at nanalamin. Sinisigurong gwapo pa rin ang ichura ko.

            Palabas na ko ng cr ng may pumasok sa loob. Halatang parehas kami nagulat. “Sa dami dami ba naman ng makakasalubong ko, eto pa.”, sa loob loob ko. Napansin kong nakatingin sakin ung nakatayong lalake.. si Philip. Nang makita ko sya sa posturang yun, kahit anong laki ng galit at sama ng loob ko sakanya ay nakuha ko pa rin mapansin na ang gwapo nya talaga. Lalo na ngayon sa suot nya na formal coat. Gusto ko syang kausapin pero umiral ang pride ko. Lalabas na ko ng cr ng bigla nyang hinawakan ang kamay ko. Magsasalita sana sya ngunit buong lakas kong hinila ang kamay ko at bago pa tuluyang makalabas ay akmang susundan ako nito. ngunit pinigalan at sinabihan ko sya ng isang matigas na, “Don’t”.

            Bumalik na ko sa loob ng hall. Agad ako pumunta sa table namin at tumabi kay Art. Hindi ko alam kung nahalata nya ang biglang pagpalit ko ng mood. Ayaw ko ipahalata. Peron g mapatingin ako sa pintuan ay nakita ko sya na papasok, di ko mapigilan hindi mangalaiti. Pero I tried to stay calm.

            Nang magsimula ang program ay nagbigay muna ng konting mensahe ang principal naming at sinabihan kami na kakain daw muna kami. Katabi ko sa kanan ko  sila Jenny sa upuan at sa kaliwa ko naman ay si Art. Bago pa kami kumain ay naglabas si Jenny ng camera at picture picture daw muna kaming magbebestfriend. Nakita kong hinila nya papalapit si Philip. Napilitan na magpapicture samin ni Philip kahit di pa din kami kinakausap ni Art. After all, they’ve been friends for a long time. Sino ba naman ako para pagbawalan sila. Picture lang din naman so wala namang problema sakin. Tumabi sakin si Art at mas lalo kong gusto asarin si Philip kaya inakbayan ko pa ito at niyakap ng mahigpit. Alam ko kasing titingin sya. Mas gusto ko sya asarin.

            Sayawan na! tugs! tugs! tugs! tugs! Lahat ay napapaindak sa bawat music na tumutogtog! Lahat kami ay naaliw sa mga sayawan na nagaganap. Yung iba pa ay pasiklaban sa pagsasayaw. Napakasaya nung panahon na yun. Maya maya nung medyo bumaba na ang tension ay love songs na ang pinatugtog. Bigla kong naalala ang eksena nung victory party. Yun din yung araw na hiniwalayan ako ni Grace. Pero ngayon iba na ang eksena. Hindi na ako uuwi at maglalakad sa daan dahil sa kalungkutan sa pag iwan sakin. Ngayon, masaya ako. Napkasaya. Wala naman akong partner kaya napagpasyahan kong umupo muna. Pumwesto ako katabi si Art sa mga lamesa since wala kaming mga partners.

Nakaupo lang kaming dalawa ni Art at nagkatinginan. Minsan, nag uusap ng onti. Pero parang may ilangan kaming dalawa. Parang kaming nagliligawan. Parehas kaming nakangiti sa isat isa.

Mistulang naging mas tahimik ang kapaligiran. Mas nakakakilig ang music. Parang sa bawat music love song na tumutugtog ay tumatama ito sa amin. Nakatingin lang ako kay Art. Nagtititigan kaming dalawa. Kahit sa simpleng tinginan naming habang nakaupo ay parang nagsasayaw ang aming mga damdamin. Hindi ko alam kung ano ito, pero masarap at magaan sa pakiramdam. Titingin tingin ako sakanya habang nakangiti. At minsan napapataas ang dalawang kilay at magbibigay ng malokong ngiti. Mas lumapit sa akin si Art. Inusog nya ang kanyang upuan sa tabi ko. Ang sarap ng feeling. Tinitingnan namin ang mga sumasayaw at karamihan sa kanila ay mga couples.

“Ang sarap nila tingnan noh?”, banggit ko kay Art.

“Oo nga ee.. Nakakainggit.”

 “Bat di ka kasi hindi pumili. Ang dami naman pwede.”

“Magsalita ka naman. E ikaw wala nga din.”

“Meron ha.. Hindi ko lang nasabi.”, mahina nyang sinabi. Pero narinig ko pa rin. Hindi lang ako nagpahalata.

“Ang ganda at nakakaaliw silang tingnan noh.”, ngiti kong sinabi kay Art. Bigla akong napatingin sakanya at nagulat ako na sa akin pala sya nakatingin.

Sa mga tingin nya sa akin ay bumilis ang tibok at kabog ng dibdib ko. Hindi naman ako kinakabahan pero ang bilis talaga ng pintig nito. Ibang saya at sensasyon ang nararamdaman ko.

“Oo.. Lalo na ikaw..”, sinabi nya ng nakatingin sakin. Isang tingin na di ko makakalimutan. Isang nangungusap at nakakalusaw na tingin.

Nang biglang umeksena si Jenny.

            “Peram naman si Jerry”, sambit ni Jenny.

            “Sure”, sabi ni Art.

            At dun, nagsayaw na kami ni Jenny.

            “Ahem. Nakasira ata ako sa moment nyo kanina.”

            “Hah? Hindi ah..”

            “Wushu. Hindi daw. Oo n lang ha.”

            “Ok nga lang.”

            “Bes, ang gwapo gwapo mo naman ngayon.”

            “Oo, ngayon lang yan bes, pagsawaan mo na. Bukas wala na yan. Hahaha!”

            “Bes, thanks for being a good friend ha.”

            “Bes, prom ngayon, hindi retreat. Hahaha!”

            “Tse! Kala mo jan! Hahaha!”

            “Pero hindi, kahit ako, thankful dahil naging kaibigan kita. Masaya ako at nagkakilala tayo.”

            “Hindi ka ba nalulungkot? I mean, ok, cge, tayo tayo, okay tayo, pero kayo kayo? I mean, wala ka na bang planong makipag ayos kay Philip? Malapit na kaya magbakasyon.”

            Ngunit isang ngiti lang ang tinugon ko saknya.

            Kasalukuyan kong kasayaw si Jenny ng mapansin kong nakatingin sakin si Philip habang kasayaw nya ang isang babae. Nung una ay di ako sure kung sakin ba nakatingin. Pero nung tumagal ay di nya inaalis ang tingin sakin.  Habang kasayaw ko si Jenny ay di ko rin maiwasan na sulyap sulyapin sya.

            “Shit! Taenang buhay naman to! Bakit ba ganto nararamadaman ko! Kahit galit ang nararamdaman ko para sakanya, bat di ko maiwasan di tumingin sakanya? Bakit hinahanap hanap ko pa rin sya? Eh gago yan eh! Taena bat ba ganto nararamdaman ko? Bakit nangungulila ko sayo Philip? Hindi dapat ganto.. ”, ito ang sinisigaw ng aking utak. Hirap na hirap na ko.. Hindi ko na maintindihan ang nangyayari.

            Nang matapos ang prom night ay napagkasunduan naming tropa na pupunta na sa malate tulad ng napag usapan. Pero yung iba ay nagyaya nalang na  pumunta sa bahay imbis na mag malate, mas malaki kasi ang matitipid at ang iba naming kasamahan ay wala ring budget. Pumayag naman din ako. Ang boring naman kasi at malungkot kung hindi kami kumpletong tropa. Nalaman ko rin na niyaya ni Jenny si Philip sumama ngunit tumanggi ito at sumama sa ibang grupo. Kinumbinsi man ito ni Jenny ng maigi, ngunit nagmatigas si Philip.

            Nakarating kami agad sa bahay at nagsimula na kaming uminom magbabarkada. Habang nagiinom kami ay tinawag ako ni Jenny habang may pilyang ngiti naman ito sa kanyang mukha. Tinawag nya ko palabas sa gate.

            “Oh, Jenny, bakit?”

            “Nako, basang basa na ng lahat dito, ikaw nlng ata ang di nakakagets”

            “Huh? Ng ano?”

            “Sa mga nagyayari sa paligid mo! Hanurpaber!”

            “Ano bang nangyari?!”

            “Nakita ko kayo kanina ni Philip na nagkakatinginan habang nagsasayawan. Ang arte nyo kasi, ayaw nu pa mag ayos dalawa!”

            “Wala sakin ang deperensya Jenny, alam mo kung anon..”

            “Ssshh.. I know what happened. Ilang beses mo na kaya kinwento. Nakakasawa na noh.. Hay nako! Ewan ko ba kasi sa inung mga “lalake”, ang dami nyong eksena sa buhay! Nakakawindang!”, pag emphasize nya sa LALAKE.

            “Eksena?”

            “Oo, nako bes, malakas ako maka amoy noh. Pero don’t worry, kung ano pa man ang pagkatao nyo ay tanggap ko. Pero geez! Pakatotoo naman kau pwede?”

            “Jenny, what are you talking about?”

            “Ang lakas mo maka tanga ha. Nakakaloka ka na. Ano ba toh?! Ewan ko sayo! I don’t know kung dedma ka ba or just playing plain stupid. Hhmmm.. Pero hukei, don’t worry bes, I’ll do what every beautiful bestfriend has to do”
.
At yun na nga, umalis ito at nag iwan lang ng isang pilyang ngiti. Hindi ko naman nagets kung ano ba tlgang ibig sabihin nito ni Jenny. Nakakawindang. Ano bang pinagsasabi nitong babaeng to?!

Pag pasok na pagpasok ko ay nabaling ang tingin ko kay Art at napansin kong medyo namumutla at matamlay ito. Nang pinuntahan ko ito ay labis ako nabigla.

“Shit! Taena Art, ang taas ng lagnat mo, bat ka pa ba naginom? Dun na nga tayo sa kwarto.”, napasigaw kong sinabi na ikina alarma naman ng lahat. Agad naming dinala si Art sa kwarto upang mapaghinga. Nagdala rin sila ng bimpo at tubig para mapunasan ko si Art ng bumaba naman kahit kaunti ang kanyang lagnat. Maya maya pa’y pumasok din si Jenny na may dalang gamot at tubig na agad nyang pinainom nya kay Art. Halata at bakas sa lahat ang pagaalala.

“Pahinga ka na Art. Ikaw talaga, nilalagnat ka pala, di mo man lang sinabi sakin. Tsk tsk tsk.. Ikaw talaga…”

“Okay lang ako Jerry. Kaya ko.”

“Hindi pwede Art. Nangako ako kay Tito Lance at tska sa sarili ko na di kita papabayaan.”

“Sige na, bumalik ka na dun. Ok lang ako. Ayoko masayang ang oras mo ditto, magpapahinga ako dito.”

“Art, ano ka ba.”, sablay haplos sa buhok nya, “Hindi saying ang oras ko lalo na pag ikaw ang kasama ko. Kaya pahinga ka na dyan para maka gala na uli tayo.”

Nginitian lan ako ni Art at pumikit na ito at nagpahinga.

Nang nakatulog na si Art ay nagpatuloy na kami mag inuman.

Kahit pa nagiinom ay binabalik balikan ko si Art sa kwarto para icheck sya kung ok sya. Napansin ko din si Jenny na iiling iling sabay tatawa ng bahagya.

“Youre so predicatable.”, patawang sabi ni Jenny. Di ko nalang pinansin.

Maya maya ay may tumawag sa cellphone ni Ben. Nung una ay di namin pinansin pero ng magbago ang reaksyon sa mukha ni Ben ay napatutok kami dito. Mas nagulat nalang ako ng biglang inabot sakin ni Ben ang kanyang cellphone. May gusto daw kumausap sakin. Lalo naman ako nagtaka kaya agad agad kong kinuha ang kanyang cellphone at nakipagusap.

“H-hello? Si Jerry to. Sino to?”

Lalake ang sumagot.

“Jerry, si Philip…….”


(Itutuloy...)


           
            

Thursday, September 1, 2011

Musmos [4]

by Jeffrey Paloma

Medyo burado na ang ibang nakasulat dahil yung ink na ginamit niya ay nagblot na sa envelope na parang napatakan ng tubig. Agad kong tinext si Dexter para malaman niyang nakuha ko na ito. Nagreply naman siyang "Nalate yan dapat kahapon pa dineliver yan eh". Excited akong binuksan ito at nalamang isang CD at box ng chocolates ang laman nito. Binuksan ko ang aking laptop at nagmamadaling isinaksak ang CD. Baka kasi dumating na si Kevin. May isang mp3 file lang na laman ang CD at isang word document na lyrics ng kanta lang ang laman. Inuna kong patugtugin ang mp3 file na ang filename lang ay "To my bunso: I dedicate this song to you.." nalaman kong ang tugtog nito ay "Isn't There Someone" ni Luther Vandross ngunit si iba ang kumanata.. pakiwari ko ay si Dexter ang may ari ng boses.