Monday, January 27, 2014

Unbroken 2.7


FB:iheytmahex632@gmail.com
Twitter:@roviyuno
Author:Rovi Yuno / Unbroken
Blog: http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com/




Mabilis na nakauwi si FR sa kanilang bahay. He got home worried with what happened. Hindi nya alam ang nararamdaman nya. He wants Daniel to realize that he's right when he told him he's a brat. On the contrary, nakakaramdam sya ng matinding sadness nang makita nyang umiyak si Daniel.

He put his bag sa kanyang upuan at mabilis syang nagpalit ng pantulog. Patuloy na nagfaflashback sa kanya ang mga nangyari ngayong araw na ito. Ang pagkikita nila ni Daniel, ang pagpasok nya sa theater, ang biglaang midnight snack nila ni Daniel sa McDo, ang mga away at sigawan nila. Siya ay napabuntong-hininga.

Mabilis syang humiga matapos punasan ang basang mukha dala ng kanyang paghihilamos. Nagpagulong-gulong sya sa kama dahil kahit sobrang pagod na ang kanyang katawan at isip, hindi pa rin sya makatulog.

He looked at his phone and saw missed calls. Tinignan nya kung sino, hindi nga sya nagkamali, si Daniel. Napangiwi sya sa hindi malamang dahilan. Nakita din nya ang mga messages. Lahat ng text messages ay galing pa rin dito.

“FR, I'm sorry.”

“FR, Nasaan ka na? I'll send you home. Babawi ako.”

“FR?”

“FR, reply ka naman. Di ako makakatulog ng di tayo nagkakabati.”

“FR? Pag di ka magrereply ngayon, gagawan ko ng paraan para makita kita kahit di ko alam ang bahay mo. Wag mo kong susubukan.”

Napabuntong-hininga si FR. Biglang pumasok sa isip nya ang kanyang nobyang si Cindy. Hindi nya alam pero naisip nya na kaya nyang iwanan si Cindy para kay Daniel. Bakit pumasok sa isip nya, hindi din nya alam. Hindi nya alam, pero parang droga ang dating ni Daniel sa kanya. His eyes, his lips, his face, could it get any better? Napangiti sya. Ilang segundo pa, bigla syang natulala. Hindi alam ni FR ang nangyayari sa kanya.

Hindi na sya nagreply kay Daniel. Pumikit sya pinilit na magconcentrate matulog.

He succeeded. Kinain na ng dilim ang kanyang katawang lupa.



Mabilis na pinaharurot ni Daniel ang kanyang kotse nang makitang sumakay na nga ng bus si FR. Nanlumo syang bigla. Alam nyang may pagkasutil sya pero hindi nya matanggap na brat sya. Para sa kanya, hindi sya brat. At hindi nya matatanggap na brat sya.

I'm not a brat.

Nagbuntong-hininga sya. Aminado syang mali nga sya sa pagsigaw kay FR pero alam naman ni FR na ayaw nya na tingin sa kanya ay brat. Mabilis nyang dinaanan ang norteng parte ng EDSA. Wala pang 30 minutes ay nakarating na sya sa pad na binili ng kanyang magulang sa Gilmore.

He looked at his unit. Kakabili lang nito months ago. He makes sure na laging napapalinis ang kanyang unit once a week. Ayaw nya ng mabaho. Ayaw nya din ng makalat at madiwara sa gamit. Feeling so low dahil sa nangyari, ibinagsak nya nalang ang kanyang patang katawan sa navy blue na sofa set. He covered his face with his hands. Seconds after, sya ay nagbuntong-hininga.

He grabbed his phone at tinext nya si FR.

Nairita sya dahil hindi man lang sumasagot ni FR. Naisipan nyang tawagan ito, but to his dismay, wala ding sagot.

He flooded FR's inbox by sending a lot of messages. FR never answered, even his phone calls. Daniel felt despair. He has to make it up with him. He has to. Kung hindi, hindi nalang nya alam.

Dinampot nya ang remote control ng kanyang TV at ibinukas ito. Wala syang mapanuod na matino. Pinanuod nalang nya sa HBO ang Mean Girls na ilang beses narin naman nya napanuod. He laughed at some parts of the movie pero he's still bothered with what happened sa kanila ni FR. Sya ay nagbuntong-hininga.

Naramdaman ni Daniel ang pagbigat ng kaniyang talukap. Maya-maya pa, sya ay nakatulog.





Maingay ang klase noong araw na iyon dahil sa isang debate patungkol sa isang paksa sa klase ni Mrs. Trinidad. It's their Philosophy class at pagibig ang kanilang paksa. Mrs.Trinidad asked the kids if they are still willing to take a risk with someone kahit alam nilang iiwan din sila nito. The students divided themselves at magkakampi sila ngayon sa kanilang debate.

Franco.”

Yes Ma'am.” nagulat na sabi ni FR sa kanyang propesora

Umpisahan mo.”

Ang?” nagtatakang tanong nito

Gaga. Yung topic. Umpisahan mo na ng discussion.” sabat nito kay FR

Hmm.” FR cleared his throat

For me, I would surely take a risk kahit na alam kong iiwanan din ako.”

His professor smiled.

Would you mind elaborating why Mr.Gamboa?”

FR took a deep breath.

Go FR!” pabulong na sabi nito sa kanya

Manahimik ka nga Pixel.”

Chusera.”

Mr.Gamboa, I'm waiting.” naiinip na sabat ng kanyang propesora

Ahh. So-sorry. Let's put it this way. I have always believed that relationships are transitory.”

Transitory?” his professor butt-in.

Yep. Relationships are transitory, they are all good, but not the permanent one.”

I see.” nakangiting sabi ng kanyang propesora

Having said that, whenever we enter a relationship, we should be open-minded enough to know or even anticipate it's end. Kahit anong gawin natin, kahit gaano pa man natin pigilan, lahat ng bagay, kahit gaano pa ito kaganda, may katapusan. Ang mahalaga ay natuto tayo. At iapply natin ang mga bagay na natutunan natin sa relasyon na yon sa mga dadating pa sa atin.”

His professor looked impressed with his answer.

How about the other team? Paano nyo tatapatan ang sinabi ni Mr.Gamboa?”

One of his classmates stood up.

Staying in a relationship na inaanticipate mo ang end is just a plain hypocrisy.”

Pixel smiled with what she has heard.

Bakit ka pa papasok sa isang relasyon na alam mo din naman na masasaktan ka? Who doesn't long for someone to hold and knows how to love you without being told? Who doesn't long for someone who would offer us unconditional love and someone who would assure us a lifetime of happiness?”

The professor nodded.

Anyone from the other group who wants to butt-in?”

Pixel. Ikaw na. Dali.”

Nagiisip pa ako FR, wait lang.”

Ma'am si Patricia Elise daw po.”

The professor smiled.

Yes, Patricia, anything to add?”

Napangisi si FR. Namutla si Pixel.

Uhhhmmm.”

Yes Patricia?”

Can I call a friend? Ang hirap naman ma'am.”

Tawanan ang buong klase.

Pasimpleng kinurot ni Pixel si FR sa likod.

Araaay!”

Yes Mr.Gamboa?” pagpuna ng kanilang professor

Po?”

I heard you're saying something?”

Na-nothing ma'am.”

Okay. It's your turn now Patricia.”

Oh my God. Okay.”

Pixel took a deep breath.

Para sa bayan to.”

May I ask something to the one who said that it's plain hypocrisy to be with someone who's about to say goodbye?”

That member of the team stood up.

Yes, Pat. Ano yun?”

Bakit mo nasabi yon? I mean bakit mo nasabi na hypocrisy?”

“Kasi alam nating masasaktan lang tayo.”

Must I assume that you are actually afraid of getting hurt?” balik ni Pixel

Who wants pain by the way?” sagot nito.

So you are afraid?”

Yes.” Mahinang sagot nito.

Pixel looked at the other team.

Let me quote a Spanish proverb. It says “A life lived with fear is a life half-lived.”

The professor smiled.

What does that have to do with the discussion, Patricia?”

If lagi tayong matatakot na sumubok, hindi tayo magiging masaya.”

Napatango si FR.

Masyadong shallow kung sasabihin natin na natatakot tayong magcommit or hindi na tayo makikipagcommit kasi alam nating iiwanan lang tayo. Paano kung yung taong yun pala yung magtuturo sa atin ng mga bagay na hindi natin malalaman sa ibang tao? Paano kung yun pala yung taong magbibigay tunay na kahulugan at magmamaximize ng existence natin dito sa mundo? Paano kung sya pala? Dahil sa takot, we won't be able to experience and learn. The one that got away.”

The class remained silent. She saw some of them murmuring.

Goodbyes are essential. Pain is essential too. Kahit naman sa isang relasyon na matagal na, I'm pretty sure that there would be a certain point in a relationship na magkakasakitan sila eh, it's on how you understand and forgive. It's on how you love. It's on how you give the unconditional love that each one of us deserves. So to say that committing to someone who's about to leave is not hypocrisy at all, those people, who believe that, are.”

Pixel beamed a triumphant smile.

Pak na pak!” usal nito na kinatawa ng mga kaklase maging ng propesora. She sat down.

Saan mo napulot yun Pixel?” FR teased her

Nabasa ko sa LRT kanina tangi.”

They both giggled.

Natapos ang klase at naging mas makabuluhan pa ang kanilang discussion. Halatang impressed ang kanilang professor sa debateng naganap. The moment their professor waved goodbye, mabilis nagtayuan ang mga estudyante at mabilis na lumabas ng silid para umuwi.

Sabay na naglalakad pababa ng building sila Pixel at FR.

Kamusta kayo ni Cindy?”

Okay naman ata.”

Ata? Bakit? May iba ba?” balik ni Pixel

The question caught FR off-guard.

Wa-wala. Adik ka Pixel.”

Hmmmmm.”

He looked at her.

Ano na namang iniisip mo Pixel?”

Wala. Basta.”

Ano naman yung basta Patricia?”

Pixel nga. Ang jologs ng Patricia.”

Sya,sya. Ano nga Pixel?”

Sino yung kasama mo kagabi sa McDo MCU kagabi?”

Nagulantang si FR sa narinig. Nanlaki ang kanyang mata at namutla.

Pa-paano mo nalaman?”

Gwapo pakshet. In fairness.”

H-ha?” natatarantang tanong ni FR.

Sino nga yun? Ireto mo nga ako sa barkada mo na yun FR. Gago ka kasi, iiwan-iwanan mo pa ako. Kaya ihanap mo ko.”

Nagpawis ang noo ni FR. Tila ba sya's madudumi. Paano nalaman ni Pixel? Paano nya nakita?

I-isang kaibigan.”

Single ba yun?”

Hi-hindi. May GF. 3-taon na sila.”

Mabilis nilang narating ang ground floor. Kinuha ni FR ang kanyang panyo at pinunasan ang namuong malamig na pawis sa kanyang noo.

Ha? Paano na kami? Gawan mo kami ng paraan FR!” panguurat ni Pixel

Tahimik si FR.

Te-teka nga FR. Kanina ka pa tahimik. Natetense ka ba?”

Ha? Hi-hindi ah.” pagkukubli nito

Dali na kasi gawan mo ng paraan!”

Niyugyog ni Pixel si FR sa gitna ng hallway.

FR!”

Dali na kasi!”

Nagulat si FR. Nasaktan sa pagyugyog sa kanya ng kanyang best friend.

Pixel masakit!”

Huminto si Pixel. May tinignan mula sa lamayo. Napatigil si FR.

Achieve! Ang gwapo naman nitong otokong to. Laman-tyan din.”

Napakunot ng noo si FR.

Sino ang tinutukoy mo Pixel?”

Ayun oh! Yung kasama mo kagabi sa McDo.” sabi ni Pixel sabay ngiti ng nakakaloko

Dahan-dahang nilingon ni FR ang lalaki. Nanlaki ang kanyang mata.

Daniel was there.

Standing.

Wearing that same smile.

I T U T U L O Y. . . .



Thursday, January 9, 2014

Unbroken 2.6


FB:iheytmahex632@gmail.com
Twitter:@roviyuno
Author:Rovi Yuno / Unbroken
Blog: http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com/
 


Naging matiwasay ang late midnight snack nila FR at Daniel sa McDonald's.They talked like they have known each other for years. Magaan ang pakiramdam ni Daniel kay FR. FR finds Daniel interesting. They both couldn't believe na isang araw palang silang magkakilala.

Daniel looked at FR. FR smiled. Nakaramdam ng kakaiba si Daniel.

“FR, ang ganda ng mata mo.”

FR blushed. He kept his mouth shut. Ayaw nyang magcomment sa sinabi ni Daniel. Nginitian nya lang ito.

“Oo nga FR, ayaw maniwala. Maganda nga mata. Yun nga lang, para laging kang malungkot. Pababa kasi yung mata mo, kaya parang laging umiiyak.” sabi pa nito

Tumango lang si FR.

“Oo nga. Malungkot daw talaga mata ko.”

“Pero di ka naman malungkot diba, FR?”

“Hmmm. Minsan, malungkot. Natural naman sa tao na malungkot minsan. Bakit? Ikaw? Di ka ba nalulungkot?””

Daniel touched his nose. He leaned on his chair and placed his arm on FR's left shoulder.

“I do. I do get sad.”

“A rich kid like you gets sad. I wonder why.”

“Being rich doesn't equate to you being happy.” sabi ni Daniel

“Well. Got a point there. Pero in comparison sa iba, you must be happier. Nakukuha mo gusto mo ng walang kahirap-hirap. Nabibili mo lahat. At hindi mo kailangang gawin ang mga bagay na di mo gusto dahil may pera ka.”

Daniel sighed.

“In comparison, yes. Sabihin na nating kaya kong bilhin tong McDo Branch na to. Kaya kong bilhin lahat ng paninda ng mga nagtitinda ng gulay dyan sa labas. Kaya kong bilhin lahat ng balut nung lalaking nakacap. May pera ako. Pero somehow, malungkot pa rin naman.”

FR looked at him.

“Aren't you happy with the relationship you have with your girl?”

Daniel looked back.

“Well... Siguro.”

FR smiled.

“Di na masaya? Eh di hiwalayan na.”

Daniel chuckled.

“Sana ganoon kadali.”

“I know it's not.”

Daniel smirked.

“If breaking up is as easy as ABC, matagal ko ng tinapos ang relasyon namin ni Carly.”

Tumitig sa kanya si FR.

“Well, madali lang naman siguro. Nasa sa'yo lang talaga yan kung gaano ka ba kawilling iwanan yung tao.”

“Mukhang expert ka sa pagpapaiyak ah?” pabirong sabi ni Daniel

“Nahh. I've had my fair share and I am really no saint. But I assure you that I'm a good guy.” sabi ni FR

“I know. I know. But where did that come from?”

Napaisip si FR. Daniel is deep. Alam nyang lagi syang mapapaisip pag ito ang lagi nyang kasama.

“Where did what come from?” taas-kilay na tanong ni FR

“I mean, your thoughts.”

“I don't know. Siguro sa kakapanuod ko ng drama sa gabi.”

Daniel smirked.

“So dapat manuod din ako ng drama sa gabi para lumalim ang pananaw ko sa buhay?” He asked

“It's not like that. Sabihin nalang natin na I live in a world that deals with the harsh reality kaya opinionated ako sa mga bagay-bagay.”

“Your point is?” there's danger in Daniel's tone.

Napangiwi si FR. Alam nyang isang maling salitang gagamitin nya ay magaaway na naman silang dalawa.

“Nothing. Let's put it this way, I know how to deal with different kinds of people. Sa bawat taong makikita ko, I make sure I engage in a good conversation. That way, natututo ako.”

Nagiba ang timpla ng mukha ni Daniel. Napalunok si FR.

“You don't have to make me feel different. I know I'm rich. I know I'm rich. I know I'm rich at hindi mo na dapat sakin iparamdam yon!”

Nanlaki ang mata ni FR. Second time sya sinigawan ni Daniel ngayong araw na to. Hindi nya malaman kung bakit pero ramdam nya ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata.

“Anong problema mo Daniel?”

“Ikaw!”

“Anong ako?”

“You're making me feel different!”

“Anong ginawa ko?”

Natahimik si Daniel. He laid his eyes on FR. He saw that he's crying. Nanlambot ang kanyang tuhod. He doesn't want to see him cry. Mabilis nyang pinahid ang luha nito.

“Sorry.” mahinang sabi ni Daniel

“I didn't mean to shout.” dagdag pa nito

“For the second time?” humihikbing sabi ni FR

“Am sorry.”

“Let's stop this.” sagot ni FR

Nataranta si Daniel. He held FR's hand. He was trying to caress him.

“Naoffend lang ako, FR. Sorry.”

“There's nothing offensive sa mga sinabi ko. Hindi grounds yun para sigawan mo ako, for the second time.” malamig na sabi ni FR

FR composed himself. He grabbed his things and put it in his bag. Inayos nya rin ang kanyang damit na nalukot mula sa pagkakaupo nila ni Daniel. He removed Daniel's hand in his.

“Kasi iba yung dating eh.”

“Paanong iba?”

“It felt like you're pushing me away.”

“I'm not, Daniel. Nagtanong ka, so obviously, sumagot ako.”

“Pero yung sagot mo kasi. Pakiramdam ko nilalayo mo masyado yung sarili mo sakin porket mayaman ako.”

Napabalikwas si FR sa sinabing iyon ni Daniel.

“It's not like that.”

“That's how I felt.”

“Hindi ko na problema yun Daniel.”

“FR, kung di mo sinabi yun di kita masisigawan.”

“Daniel, hindi ko alam kung bakit ganun yung perception mo sa mga prinsipyo ko sa buhay. Matuto kang tumanggap na magkakaiba tayo ng buhay.”

“Para kasing sinasabi mo na I don't know how to deal with different people.”

“Wala akong sinasabing ganyan.”

Napabuntong-hininga si Daniel. Nakatitig lang sa kanya si FR. FR sensed how brat he could get. Naguumpisa na syang mainis.

Bakit ba pag mayaman, karamihan, eh brat? Tapos lagi pang pinipilit ang gusto? FR thought

Eh anong gusto mong palabasin FR?”

Mas naging matigas ang pananalita ni Daniel. FR was breathing irregularly. He then looked at his old wrist watch at nakita ang oras. Kinuha nya ang kanyang mga gamit at tumayo.

Wala. I'm going.” naiinis na sabat nito

Mabilis na naglakad papalabas sa entrance ng McDonalds si FR. Iritang-irita sya sa inasal ni Daniel. He was very pissed on how childish he acted. Naiinis sya dahil napakasimpleng bagay lang eh pinapalaki. Hindi nya alam pero he felt his blood rushing to his face. Nagpupuyos ang damdamin syang lumabas sa McDonalds. Naibukas na nya ang pinto ng maramdaman nya ang paghatak sa kanya.

Putangina. Ano ba?” Singhal ni FR

Daniel was shocked after hearing FR's bad mouth. Nanlaki ang kanyang mata. Hindi nya alam kung ano ang sasabihin. Alam nyang mali ang kanyang ginawa pero enough na ba yun para murahin sya ni FR? Hindi pa rin sya makapagsalita.

Le-let me go.” natauhang sabi ni FR

Dahan-dahang binitawan ni Daniel ang braso ni FR.

I-I'm sorry. Iritang-irita lang ako.”

Bakit?” natamemeng sabi ni Daniel

I don't know.”

Impossibleng di mo alam. Impossible.”

Do you want me to be sarcastically honest?”

Natahimik si Daniel. Napalunok.

Ye-yes.”

It's very difficult to deal with a brat.” bitaw ni FR

Tinantya nya muna ang reaksyon ni Daniel. Nanatili lang itong nakatitig sa kanya.

“Shall I go?” dagdag pa nito

“Am not a brat.” nanginginig na sabi ni Daniel

“You are.” maiksing sagot ni FR

Hindi nya na hinintay ang sagot ni Daniel. Mabilis na syang sumakay sa bus na dumaan.

Napatingin si FR sa kinatatayuan ni Daniel. He saw him wiping his eyes. Umiiyak kaya si Daniel?

Napabuntong hininga si FR.

I T U T U L O Y . . . .


Thursday, January 2, 2014

Unbroken 2.5

FB:iheytmahex632@gmail.com
Twitter:@roviyuno
Author:Rovi Yuno / Unbroken
Blog: http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com/




FR froze for a moment. He was dumbfounded on how Daniel pinched his cheeks. Hindi nya alam kung bakit he instantly felt warmth the moment Daniel touched him. He blushed. Daniel looked so hyper, para bang nagpapacute pa ito lalo sa kanya.

FR felt his heart beating two times faster.

“D-Daniel. O-okay ka lang?”

“Oo naman!” sabi ni Daniel na hindi pa rin binibitiwan ang pisngi ni FR

“D-Daniel. Masakit na. Bitiwan mo na yung pisngi ko.”

Daniel was shocked. Hindi nya alam kung bakit nya ginawa yon. Para bang biglang kumilos yung kamay nya dahil sa ligalig nang muli nyang makita si FR. He too, blushed. Dahan-dahan nyang binaba ang kanyang kamay. Pinisil na naman nito ang kanyang ilong. Natataranta si Daniel. FR looked at him innocently.

“So-sorry FR.” nahihiyang sabi ni Daniel

“Na-nabigla lang ako.” dagdag pa nito

FR smiled. He loved how Daniel apologized. Kahit di ito kalakihang issue, he felt sincerity. Lalo na sa kanyang may issue sa pagpapatawad. He took a deep breath. Daniel was watching his every move. He then again, smiled.

“Okay lang yun Daniel.”

Biglang umakbay sa kanya si Daniel.

“Kamusta ang trabaho? Mukha kang pagod ah?” malambing na sabi nito.

“Okay naman. Medyo pagod lang sa byahe. Galing pa ng Baguio diba?”

“Sige, tara order na tayo.”

Napahinto si FR. Naisip nya na sakto lang ang pera nyang dala. Hindi sya nagdadala ng pera dahil ayaw nyang gumastos ng husto at isa pa, wala din naman talaga syang perang madadala. Wala pa syang sahod sa lounge at may pinaglalaanan pa sya nito. He couldn't afford to spend. Ganoon sya kadisiplinado sa pera.

“Ha?”

“Sabi ko oorder na tayo.”

“Busog pa ako. Kumain kami sa lounge kanina.”

Inarko ni Daniel ang kanyang kaliwang kilay.

“Sige na FR. Minsan lang naman to eh.”

Naramdaman ni FR ang pagkalam ng kanyang sikmura. Alam nyang kumain sya pero kaunti lang ito. Nakisubo lang sya at nakikagat sa buffalo wings na inorder na kanilang manager. Kaya pa naman nyang tiisin at sa bahay nalang sya kakain.

“Hindi talaga. Sige sasamahan nalang kita kumain. Di talaga ako gutom.”

“Okay. Sige.”

At magkaakbay silang lumapit sa counter.

“Hi po! Ano pong order nila?” masiglang bati ng crew sa kanila

“Hmmm. Give me 2 Big Mac.”

“I-large na po natin ang fries and drinks?” butt-in ng crew.

“Pakiconvert yung drinks sa float.” sagot nya

“Ah okay po. Yung dalawang drink na po? Gagawing float?”

“Yep.”

“Anything to add sir?”

“2 caramel sundae.”

Nagmamasid lang si FR at nakikinig. Napuna nya ang confidence ni Daniel sa pagsasalita. Palibhasa'y anak mayaman at sanay sa sosyalan. Kahit na ganon, napakahumble nito at tingin naman nya ay marunong makibagay.

Nakakaamaze lang sya. Parang ang galing lang nya. FR thought

Yun lang po Sir?”

Oo. Yun lang.”

Narealize ni FR na dalawang order pala ang kinuha ni Daniel. Napahawak sya sa sikmura nyang kanina pa nagwawala. Nagugutom man ay mas lumamang pa rin sa kanya ang pagtataka.

Daniel. Ganon ka ba kagutom?”

Ha? Hindi naman. Bakit?”

Wala lang. Kasi ang dami mong inorder.”

Ahhh.”

Dumukot si Daniel sa kanyang bulsa at nilabas ang kanyang leather na wallet. Nakita ni FR na makapal ito at maraming bills. Mabilis nyang inalis ang tingin nya dito dahil ayaw nyang isipin nito na interesado sya sa pera. Kumuha si Daniel ng 500 at inabot sa crew. Bago isara ni Daniel ang wallet ay napatingin sya muli dito. Nakita nya ang larawan ni Daniel kasama ang isang babae. Kahit saglit lang ay sa tantya nya ay maganda ito. At tingin nya ay bagay sila.

For some strange reasons, FR felt sad.

Sya ay napabuntong-hininga.

What's wrong FR?”

Napuna pala ni Daniel ang kanyang reaksyon.

Nothing.”

Yung picture ba?”

Ha?” nagulat na sabi ni FR

Ang bilis ng mata nitong mokong na to. Nakita pala akong nakatingin. Sabi ni FR sa sarili

Wala yun FR. GF ko yan ngayon. Pero makikipaghiwalay na ako.”

FR couldn't believe what he was hearing. Bakit nagoopen si Daniel sa kanya ng mga ganitong bagay? At bakit parang matagal na silang magkakilala kung itrato sya nito?

Ahh I see.” mahinang sabi ni FR

Kinuha nila ang order at binuhat ni Daniel ang tray papunta sa kanilang upuan.

FR, ayan ah? Honest at Open ako sayo. Sana ikaw din.” sabi nito habang nakatitig sya sa mga mata nito

FR blushed.

O-oo. Sige.”

Hindi nya alam kung bakit nya nasabi yon. Parang lumabas nalang kusa sa bibig nya. He doesn't know why he's acting strange now. Hindi nya mapaliwanag.

Game!” Daniel happily said

Ha?”

Kain na tayo!”

Sige nga di ako gutom Daniel.”

FR. I know gutom ka. Halata sayo. Kanina ka pa hawak ng hawak sa tyan mo. Ayan na, inorder na kita. Pareho na tayo ng order para masaya.”

Natahimik si FR. Daniel smiled. Hindi nya alam pero nakakahawa ang ngiti nito. The next thing they know, they were both giggling.

Okay. Sige kakain na ako.”

Kumain na sila at nagkwentuhan. Habang lumilipas ang mga minuto, pakiramdam nila pareho ay mas nakikilala nila ang isa't-isa. Naeenjoy ni Daniel ang mga kwento ni FR about sa kanyang school at sa kanyang part-time work. Natutuwa naman si FR kung paano makinig si Daniel sa kanyang mga sinasabi. They complement each other. They both smiled.






Kakatapos lang ng gimik. Maraming nagalok na maghatid sa kanya dahil na rin sa taglay nyang ganda pero di sya easy-to-get. Yes, she's a tease and she knows how to play, but she's dangerous. She knows how to make you feel special. She knows how to break your heart. Bilang isang kaibigan, she's one of the bests.

She's definitely a headturner. Mababali ang leeg mo kakatingin sa kanya. She walks gracefully with her high heels. She's a star.

Pumara sya ng taxi sa may SM Annex. Uuwi na sya.

Manong, Valenzuela tayo.”

Sige po Ma'aam.”

Patuloy ang pagpapaandar ng driver nang biglang may naisip syang kainin.

Gusto ko ng matamis. I want to have nung ano.. Caramel Sundae.

Manong, may madaanan ba tayo na McDo?”

Ayyy, Ma'am. Kakalagpas po natin ng McDo sa Munoz.”

Hmmmm.”

Ilang segundo pa.

Manong, may McDo sa MCU Monumento. Doon mo nalang ako ibaba.”

The driver nodded.

She looked at herself in the front mirror.

Gosh. Bakit ang ganda ko diba?

She smiled.

Makalipas ang ilang minuto, nakarating na siya ng McDo sa MCU. Nakita nya ang mga kalat sa paligid nito. Natanaw din nya ang nagtitinda ng balot at lugaw sa gilid. Sa may itaas naman ng overpass ay tanaw ang mga naglalako ng murang pantalon na 50pesos lang at mga dvd na porn. She smiled. Monumento na nga.

Ma'am, 97pesos po ang metro.”

Manong 90 nalang. Kulang ako ng 7 pesos eh.” pambabarat nito

Naku Ma'am. Pasensya na po, nagtatrabaho lang po tayo. Kailangan din po natin ng pera.” paliwanag ng driver na nasa 30's.

Humarap ito sa kanya at nakita ang sinadya nyang ipakitang cleavage. Nakita nya ang paglunok ng driver. Sya ang napangisi. Nakita nya ang pagbubutil ng pawis sa noo ng driver.

Iba talaga ang alindog ko. Cleavage palang pawis na agad. Paano kung pechay ko pa? Winner!

Kuya, baka pwedeng 90 nalang?” sabi nya sabay dikit ng kanyang dibdib sa likod ng driver

Halata ang gulat sa driver. Muli, napalunok ito.

Ahhh, Ahh, Si-sige po Ma'am.” natatarantang sabi nito

Ngumisi siya. Alam nya na may pagkapilya sya.

Dumukot sya sa kanyang bulsa at nakita nyang 50php nalang ang kanyang smallest amount. Napapalatak sya. Muling gumana ang kanyang utak.

Kuya, baka pwedeng 50pesos nalang kasi yun nalang yung barya ko eh. Please?” sabi nitong nangaakit

Ahh Ma'am pasensya na po. Pe-pero---”

Biglang dumampi ang kamay nya sa hita ng taxi driver. Kita nya ang pagpikit nito.

Sige na manong please?”

Si-sige po Ma'am.” Deliryosong sabi ng driver

Pinatong nya ang 50pesos sa crotch ng driver. Pinisili nya ito. Sya ay ngumisi.

Kuya, ang tigas na ah.”

Bago pa man makapagsalita ang driver, agad na syang nakababa at tumakbo papaloob sa McDonalds.

Ganun dapat pag bet mong kumuha ng discount? Davah?

Pumasok sya sa McDo at agad na tinungo ang counter. Pangatlo sya sa pila at naiirita na sya dahil sa bagal ng service crew dito. Lumingon sya sa paligid at nanlaki ang kanyang mata sa nakita.

Oh my God? Sino ang kasama ni FR na otoko?In all fairness. Cuteness! At teka, bakit magkasama sila ng ganitong oras? At isa pa? Bakit parang ang saya nila? Sino ang papa na itey? Sino sya?

Sya ay napangiti. Hindi na sya umorder. Mabilis syang lumabas ng McDonald's.


I T U T U L O Y. . . . .