A compilation of my thoughts, dreams and fantasies. Stories that describes best my simple wishes in life. In addition to that, I asked friends to contribute their talents in this site where reality and fantasy are as one. Welcome to my site. Welcome to my heart. I am Dalisay.
Sunday, October 17, 2010
GWAPITO'S BY NIGHT 7
Matteo
Ipinarada ko ang aking CRV sa harap mismo ng RezDente Bar, tiniganan ko ito mula sa sasakyan ko, isang normal na gabi, maraming mga kabataan na kuntodo porma ang pumipila sa labas ng bar, waiting to be admitted perhaps, may mga magtrotropa na naghahanap ng good time at may mga grupo din na naghahanap lang ng magandang lugar na magigimikan.
Inabot ko ang isang kaha ng sigarilyo malapit sa may kambyo, naglabas ng isang stick ng sigarilyo at sinindihan ito. Bumalik ako sa aking pagmamasid. May mga paisa isa lang na nadating, may mga tumatambay muna sa labas at magtetext, naghihintay siguro ng kaibigan na makakasabay na papasok, may mga lumalabas din ng bar na kahit maaga pa ay parang wasted na wasted na at groggy pa. Maganda ang tugtug sa loob ng bar na hanggang sa parking lot na kinalalagyan ng sasakyan ko ay dinig.
"Just get me to the airport put me on a plane
Hurry, hurry, hurry before I go insane
I can't control my fingers, I can't control my brain
Oh no, oh, oh, oh, oh"
"Twenty, twenty, twenty four hours to go I wanna be sedated. Nothin' to do, no where to go, oh, I wanna be sedated."
Huli na ng mapansin kong parang napupuno ng usok ang sasakyan ko. “tang ina di ko pala nabuksan ang bintana!”
Agad agad akong lumabas ng sasakyan, at kumaway ng kumaway para lumabas ang usok mula sa loob ng sasakyan. May isang lalaking nakatingin sakin, lumabas muna siguro siya ng bar para magpahangin o magintay sa mga kaibigan niya. Naiiling sabay natatawa ang lalaki sa nakita niyang ginagawa ko. Nakita ko ng malapitan ang mukha ng lalaking ito, si Eljo Achilles o mas kilala sa tawag na EA.
“Great! Now the famous EA knows how stupid Iam.” sabi ko sa sarili ko, sabay pasok ulit sa loob ng sasakyan at binuksan lahat ng bintana nito. Tinignan ko ang sarili ko sa rearview mirror, kinuwa ko ang leather jacket sa back seat. “Its time to throw the dice!” sabi ko sa sarili ko. Naglakad na ako papunta sa bungad ng Rez Dente bar. May pailan ilang tao ang napapatingin sakin, pero dahil nasa paligid lang din si EA mas konti ito kesa sa usual na natatanggap ko.
“Nice jacket dude.” bati sakin ng isang jejemon sa tabi ko, tinignan ko lang ito at nginitian, “sige magshades ka sa kalagitnaan ng gabi.” sabi sa sarili kong pangungutya sa jejemon. May mga grupo ng babae na nagsisibulungan at animo'y kinikilig nung dumaan ako. I'm waiting to be admitted sa bar, madami nang tao sa loob kaya wala rin akong choice kung di ang pumila at magintay para makapasok. Madami ang sa mga napapadaan ang napapatingin sakin. Tinignan ko ang sarili, “may mahalay ba sa suot ko?” tanong ko sa sarili ko.
Dumaan si EA sa mga nakapila, ang ilan sa mga babaeng nandoon ay napatili, ang ilan namang mga lalaki ay di napigilang humanga, bago pumasok ng bar ay bumulong ito sa Bouncer, at tuloy tuloy ng pumasok. Naglakad lakad ang bouncer at lumapit sa isang grupo ng mga babae, naghiyawan naman ang mga ito at pinapasok na sa bar, sunod na pumunta sa tapat ko ang bouncer at sinabing makakapasok narin daw ako.
“kampi ata ang kapalaran sakin ngayong gabing ito. Sana magtuloytuloy na.” sabi ko sa sarili ko. bago pa man ako tumuloy sa bar para kumuwa ng drinks, dumaan muna ako sa CR, tinignan ko ang sarili ko sa salamin, at tinignan kung may mahalay ba sa aking itsura. Ayos naman ang aking buhok, wala naman akong dumi sa mukha, ayos naman ang pananamit ko, leather jacket and fitted black shirt saka faded jeans and fine kicks from nike. “wala namang mali ah? Bakit ako pinagtitinginan?” bulong ko sa sarili ko. huminga ako ng malalim at lumabas sa CR.
Loud music was being played, the dancefloor is full with people, the baristas are busy mixing drinks. “this will be fun.” bulong ko ulit sa sarili ko. mula sa kinatatayuan ko, ay kitang kita ang buong bar, nakita ko ulit si EA na parang may iniintay, at nakatingin siya sa direksyon ko. napatingin ako sa kaliwa at kanan ko, karamihan nakatingin din sakin babae, lalaki, bisexual, bakla at pati ang mga tomboy. Itinuloy ko ang pagtahak papuntang bar para umorder ng maiinom. Di ko nakitang may isa papala akong step na hindi naapakan, ang resulta?
KABLAGGG!
“I'm ok, I'm ok.” sabi ko sa mga taong umaalalay sakin, iniikot ko ang tingin ko, may ilang natatawa, ang ilan pinipigil pa ang tawa at nangingiti at may ilang deadma lang, pero ang mas ikinagulat ko ay ang reaksyon ng isang lalaking kanina pa ako nahuhuli sa mga kapalpakan ko, si EA, umiiling ito at natatawa. Taas noo parin akong naglakad papuntang bar, may ilan sa mga nadadaanan ko ang nagpapapansin, pero iisa lang ang goal ko ngayong gabing ito, at doon hindi ako pwedeng pumalpak.
“one patron tequilla.” sabi ko sa barista, muli kong iginala ang aking mata habang inaayos ng barista ang aking inumin. Marami ang nakipagkilala, marami ang nakikipag flirt, pero ni isa sa kanila ay wala akong nagustuhan. Nagulat ako sa kakaibang pagtanggap sakin ng crowd pagkatapos ng aking grand entrance.
“care to dance?” tanong sakin ng isa.
“sorry, I don't dance.” sabi ko sa isang lalaking ang pangalan ata ay Jack.
“boss, isa pang tequilla rose.” sabi ko sa barista, sabay abot ng baso at credit card. Naisip ko kasing mahabahabang gabi pa ito.
“boss, ok na. Compliments of sir EA.” sabi ng barista, nagulat ako. Iniikot ko ang aking paningin, nahuli kong nakatingin sakin si EA, kasama na niya ang ilan sa mga kaibigan niya galing backstage. Ang kilabot ng Brgy. Gwapito. Nginitian ko ito at itinaas ang baso ko bilang pasasalamat, nang narandman kong may natulong malamig na bagay sa polo shirt ko.
“great!” bulalas ko sa sarili ko habang pinupunasan ng tissue ang natapong drinks sa polo shirt ko, napatingin ulit ako kay EA, humahagikgik ito na kala mo aliw na aliw sa kapalpakang ginawa ko, napatingin naman ako sa katabi niyang si Jethro, nakakunot noo ito habang ipinababalikbalik ang tingin sakin saka kay EA.
“damn! Ang gwapo ni EA! Galing pang kumanta!” sabi ng isang babae sa kasama niyang kalalapit lang sa bar para umorder ng drinks.
“Mga mukhang dyos na bumaba sa langit.” yan ang karaniwang description na naririnig ko, pertaining to the six demi gods of Brgy. Gwapito. May kanya kanyang dating, pang artista ang mag itsura. Pero kung ako ang tatanungin, pinaka mas maydating sakin si Jethro, yun ang mga tipo ko, tall, dark and handsome, samahan mo pa ng medyo pagka mysterious at bad boy ang dating.
Kumanta na si EA at pumasok para sa second set. Inikot ko muli ang aking tingin, napansin ko namang nakatingin pala sakin ang babaeng kanina lang ay pumupuri kay EA. Nginitian ako nito. Di na bago sakin ang ganito, maaring sabihing attracted ako sa babae, maari ring sa lalaki at pasok sa panlasa ko ang babaeng ito.
“I'm Matteo.” pagpapakilala ko sa babae.
“Ivy.” matipid na sabi nito, saby ngiti.
“boss, isang margarita for this cute seniorita.” sabi ko sa barista sabay pagpapacute kay Ivy.
“want to dance?” walang paligoy ligoy kong tanong kay Ivy.
“Sure.” matipid niyang sagot.
Inubos namin ang aming drinks at tumuloy na sa dancefloor. Depende sa ritmo ng kanta ang aming pagsasayaw. Paminsan minsan nakikita ako ang ilan sa mga guest ng Rez Dente bar ang nanonood ng sayaw namin ni Ivy.
“lets show the audience how well you dance honey.” bulong ko kay Ivy. Pinaikot ko siya na parang turumpo, sa aktong sasaluhin ko siya, napansin kong nakatingin sakin si EA from the stage at kinindatan ako nito. And Ivy's hand slipped from mine.
KABBBLAGGGG! At ilang tao ang napasigaw, ang ilan naman ay nashock.
“palpak nanaman.” isipisip ko. agad kong pinuntahan si Ivy, malayolayo rin pala ang inihagis niya.
“Sorry Ivy. Nasaktan ka ba?” tanong ko sa kaniya.
“ok lang ako, medyo nahilo lang ng konti.” nangingiting sagot ni Ivy, groggy na ata ito. Natapos ang second set at bumalik nanaman ang magkakaibigan sa VIP lounge. Imbis naman na layuan na ako ng tao lalong dumami ang nakikipagkilala, babae, lalaki, bakla at tomboy. Minsan naaanyayahan ng ilang grupo na makisama sa table nila, ilang complimentary drinks narin ang binibigay sakin, ilang imbitasyong magsayaw at ilan din namang imbitasyon para umuwi kasama sila at nangangapal narin ang back pocket ko dahil sa mga calling cards na isinisiksik doon. Pasimple muna akong umalis sa table ng mga nakikipaglandiang bisexuals at pumunta sa CR.
“hello Mr. Show stopper.” sabi ng isang lalaki sa likod ko habang nagbabawas ako ng laman ng pantog. Napanganga ako sa taong kaharap ko nagyon. Walang iba kungdi si Jethro, ang taong pinapangarap kong makilala noon pa.
“you can close your mouth now and uhhmmm can you stop peeing on me?”
“oh shoot, sorry. Sorry.” sabay kuwa ng tissue sa may wash area at punas sa sapatos niyang nabasa.
Biglang bumukas ang pinto, at iniluwa nito si EA, naabuutan niya akong nakaluhod sa harap ni Jethro. Kumunot ang noo nito at lumabas ulit ng CR.
“great!” sabi ko ulit sa isip ko. pagkatapos kong punasan yung sapatos ni Jethro ay pumunata na ito sa hanay ng mga urinals at umihi, ako naman ay naghugas ng kamay at inayos ang sarili sa salamin. Pagkatapos umihi ni Jethro ay tumabi ito sakin sa harap ng salamin at naghugas din ng kamay.
“I'm Jethro.” sabi nito sabay abot ng kamay para makipagshakehands.
“Matteo.” sabi ko sabay abot ko sa kamay niya.
“Nice to meet you.” sabi niya sakin sabay ngiti.
“same here.” sagot ko naman.
“sige, see you later.”
“ok.” sabi ko naman, na may halong pagpapacute.
“and... you might wanna zip your fly first before you leave.” sabi ni Jethro, sabay turo nito sa aking zipper, sa sobrang pagkapahiya ay tumalikod ako at isinara ito.
“I just peeid on my prince charming.” sabi ko sa sarili ko, umiling iling ako. “and did he just saw my...?!” naisip ko naman, umiiling iling akong lumabas ng CR. Saktong paglabas ko ng Cr ang pagtapos ng third set ni EA. “Si EA, nakita niya kami kanina ni Jethro, ano kayang iniisip niya ngayon?” tanong ko sasarili ko. Nagkakasiyahan na, karamihan medyo nakainom na, ang iba high pa ata, maging ang mga nasa VIP area ay bumababa na at nakihalubilo sa mga nagkakasiyahan sa dance floor.
“time for another shot.” sabi ko sa sarili ko. tumawid ako sa dancefloor para madaling makapunta sa bar. Pero hindi ko na ito narating dahil may humarang na sakin.
“kamusta naman ang performance ng kaibigan ko?” malisyosong tanong sakin ni EA, na may halong nanglalait na tingin.
“mali ang iniisip mo, naihian ko kasi yung sapatos niya, kaya pinunasan ko ng tissue.” pagpapaliwanag ko.
“ah ganun ba?” halatang di kumbinsido si kumag.
“if you don't believe me, ok lang.” ngiti ko sabay talikod sa kaniya. Pagdating sa bar ay tinawag ko ang barista at humingi ulit ng drinks.
“make it two vodka on the rocks.” habol ni EA, sabay upo sa bakanteng high stool sa aking tabi.
“sorry kung naoffend ka sa sinabi ko.” sabi ni EA.
“ok lang.” mahinang sagot ko.
“ngayon lang kita nakita dito.”
“that is because ngayon lang ako nagpunta dito.” sagot ko sabay ngiti.
“ganyan ka ba talaga makipagusap?” tanong sakin ni EA.
“paano?” tanong ko naman. Napatawa siya, alam kong walang patutunguhan ang usapan namin.
“sorry ah, ganito lang talaga ako. Ako nga pala si Matteo.” pagpapakilala ko kay EA.
“EA.” sabi niya sabay abot ng kamay para makipagkilala.
“sorry kung medyo wala akong kwentang kausap. Ganito na ako simula pa noong pagkabata saka talagang hari na ako ng sablay maski noon pa.” sabi ko. biglang may kumalabit kay EA naka napsack ito
“EA, hinahanap ka nung manager mo.” sabay tingin sakin ni Goji na parang may ipinahihiwatig.
“what? Wala akong manage... oh yeah!” di na natuloy ni EA ang sasabihin kasi hinampas siya ni Goji sa likod.
“I'm sorry, Goji this is Matteo, Matteo- Goji.” pagpapakilala samin ni EA. Nakipagkamay si Goji sakin with matching pisil pisil pa.
“ahmmm Goji?? Matteo and I are talking here. Kung gusto mo, magwala ka muna dun sa dancefloor.” tinignan ng masama ni Goji si EA sa sinabi niyang yun, sabay tingin sakin at ngumiti.
“nice meeting you Matteo.” sabi ni Goji sabay bumeso sakin.
“looks like Goji's hitting on you, Matteo.” sabi ni EA na animoy tuwang tuwa sa nakita.
“nah, he didin't hit me.” sagot ko naman kay EA, napaisip ito ng saglit. At tumawa ng malakas.
“what I meant was, mukhang nakikipagflirt sayo si Goji.” pagpapaintindi sakin ni EA. Sabay tawa ulit.
“ah ok, linawin mo kasi.” sabay tawa din.
Simula nung bata pa ako ganyan na ako ka-slow, may ibang natatawa, pero ang karamihan naiinis, laking tuwa ko dahil isa si EA sa mukhang natutuwa sa pagiging slow at hari ng sablay ko. Habang lumalalim ang gabi, isa isa kong nakikilala ang magbabarkada. Marami parin ang nagaayang makipagsayaw, ayaw ko mang iwanan si EA, ayaw ko namang maging snob.
Di naman kailangang itago ang aking sexual preference, maraming nagsasabing “sayang.”, pero ito ang gusto ko, at bakit kailangang magpadala ako sa mga sasabihin ng iba. Kaya nang pumayag akong makipagsayaw sa isang lalaki, nagtaasan ang kilay ng iba, pero wala akong pakielam. Biglang nagiba ang music may tumapik sa likod ko. Si EA pala, inabutan niya ako ng isang bote ng Manila beer at inaya akong makipagsayaw sa kaniya, naechepwera na ang lalaking kanina lang ay kasayaw ko.
“yun naman si Franco at Aerel.” turo ni EA sakin habang nakalingkis ang isang kamay sa bewang ko.
“they don't say much, but I think there's something going on between them.” napatingin ako sa dalawang lalaking naguusap malapit sa bar.
“but why hide your feelings? Kung ayaw sayo edi wag, kung gusto naman edi maganda.” pangangatwiran ko.
“I don't know kung bakit wiling wili akong makipagusap sayo gayung laging nauuwi ang usapan sa pagiging nonsense.” at ngumiti ng pagkatamis tamis si EA. “halika ipakilala kita sa kanila.” at hinatak niya ako palapit kila Aerel at Franco.
“guys, this is Matteo, Matteo meet Aerel and Franco.” nakipagkamay ako sa kanila, si Aerel nang tignan ko ay halatang mama's boy samantalang si Franco naman ay seryosong seryoso.
“si Franco ang teacher ng barkada ito namang si Aerel ang culinary student.” panimula ni EA.
“wow Aerel di halatang mahilig ka sa pagkain ah.” biro ko kay Aerel at natawa naman ito kasama si EA.
“ito namang si Franco...”
“don't tell me, huhulaan ko. Teacher ka franco no?” pagbibiro ko ulit.
“Oo, kasasabi lang ni EA.” seryosong sagot ni Franco.
“gusto ko lang kasing bigyan ng emphasis ang pagiging seryoso mo. Lahat ba ng teachers ganyang ka seryoso?” at natawa pareho si Aerel at EA, binigyan naman ng masamang tingin ni Franco si Aerel.
“What? The guy is funny.” pagdedepensa ni Aerel.
“I'm not being funny, I just say what I percieve.” sabay tapon ng nakakalokong ngiti kay Franco.
“Hi guys!” bati ng isang mama.
"Hey Dyne!” bati naman ni EA, saka ni Aerel.
“Matteo, I would like you to meet Dyne. Dyne this is Matteo.” pagpapakilala samin ni EA.
“Matteo, ito nga pala, in case na kailangan mo ng full body massage tawagan mo lang ako.” sabi sakin ni Dyne, sabay abot ng calling card.
“Touch me not spa.” pagbasa ko sa calling card at nginitian ako ni Dyne na akala mo nangaakit. Di pa nagkasya dun, kinuwa niya ang aking kamay at minasahe ang aking palad.
“Okay, teka, masyado ka na atang nagiging touchy Dyne.” saway ni EA.
Nagkakasiyahan na ulit ang magkakaibigan sa pagkwekwentuhan nang bigla akong hatakin ni EA papuntang dancefloor. “Lasing na ata ang isang to.” isip isip ko, medyo nagiging wild na siya sa dancefloor. Iginala ko ulit ang aking mata at nakita ko si Jethro na nakikipagsayaw sa isang bading na nakapang damit babae pa, nagulat ako ng nakita kong nasa loob ng pantalon ni Jethro ang kanang kamay nito. Marahil napansin ni EA ang pagtingin ko kay Jethro kaya't iniharap niya ang mukha ko sa kaniya at inilapat ang kanyang mga labi sa labi ko. Nakita ko na lang na dumaan si Jethro sa likod ni EA na animoy may susugurin na kaaway. Pinagpatuloy lang namin ni EA ang pagsasayaw may inabot siya sa kaniyang pitaka at naglabas ng calling card.
“Call me.” bulong nito sakin sabay kagat sa tenga ko. inaya na siyang umalis ng barkada niya. Umaga narin kasi. Sumunod narin ako sa labas ng bar at nagpasyang umuwi narin. Kinuwa ko ang telepono sa aking bulsa at dinial ang numerong alam na alam ko na.
“The game is on.” sabi ko sa kausap ko. Sumagot ito at pinutol ko na ang linya sabay tawa ng malakas.
“What game?” sabi ni Jethro na biglang sumulpot sa likuran ko.
Itutuloy...
Labels:
Gwapito's By Night
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
kawawang ivy hahahahaha
anyway!!!
si matteo is the hari ng sablay ng barkada , nice! hahaha
update..... 8 8 8 8 8 XD
Post a Comment