A compilation of my thoughts, dreams and fantasies. Stories that describes best my simple wishes in life. In addition to that, I asked friends to contribute their talents in this site where reality and fantasy are as one. Welcome to my site. Welcome to my heart. I am Dalisay.
Sunday, October 17, 2010
GWAPITO'S BY NIGHT 6
"Franco."
“Mayaman ka kasi kaya hindi mo na kailangang gawin yung mga bagay na hindi mo naman gusto.”
“Bakit ba kasi gumaganyan ka? Ano na naman ba ang problema? Alam mo nagrereachout ako sa'yo pero lagi mo kong sinusungitan Franco eh. Hindi ko alam minsan kung saan ako lulugar.” malungkot na sabi nito.
“Rovi,just let me be. Sorry. Pagod lang ako.” mahina kong sabi.
“Alam mo naman kung gaano kita kamahal diba? Wala kang dapat ipagworry kahit pera or what,kasi I never asked you naman diba? Please.” nakikiusap na sabi nito.
“Kalimutan nalang natin yung ginawa mo. Intindihin mo ang pagmamaneho mo. Baka bumangga pa tayo.” sarkastiko kong sagot.
“Please naman Franco oh,sorry na please.” At nakita ko ang pagpatak ng luha sa mata nito.
Hindi ako mapakali. Hindi ko kayang nakikitang umiiyak si Rovi. Kahit na may pagkagago ako at lagi ko syang inaaway kahit sa mga simpleng bagay ay sobrang attached na ako sa kanya. Hindi ko lang pinapahalata na mahal na mahal ko sya dahil ayokong isipin nya na di ko kayang wala sya. Napabuntong hininga ako,hindi ko matiis na makitang humihikbi na parang bata ang aking prinsipe,singkit,makinis ang mukha,matangos ang ilong at makinis ang mukha. Parang kung anong batobalani,agad na dumikit ang kamay ko sa pisngi nito para pahirin ang kanyang mga luha.
Tumingin ito sa akin,naninimbang,kinuha ang kamay ko ang hinalikan. Umayos ako ng pwesto at ginamit ko ang aking kanang kamay para mapahid ang kanyang luha sa kaliwang pisngi. Ngumiti ito ng pagkatamis tamis.
“Oo na. Sige na. Bati na tayo.” mahina kong sabi.
“Talaga Franco?” parang batang sabi nito.
“Oo na nga. Ayaw mo ba?” sabi ko sabay tingin sa kanya. Nagpapahard to get.
“Syempre gusto.” nakangiting sabi nito.
“Yun naman pala eh. Ano pang problema?” tanong ko.
“Wala. Salamat at bati na tayo Mr.Sunget.” pabiro nitong sabi.
“Adik. Hindi ako masungit.”
“Hindi daw. Sus.”
“Oo nga. Hindi nga ako masungit. Sobrang bait ko pa nyan.” pabiro kong sabi.
“Sus. Franco,mahal na mahal kita.” sinserong sabi nito.
Hindi ko gustong ipakita na sobra akong kinikilig pero hindi ko maiwasang hindi mamula. Dali dali nyang kinuha ang kamay ko at hinawakan ito habang patuloy sya sa pagmamaneho. Sa ganitong set-up ay nakakaramdam ako ng kapayapaan. Kahit na magkasama lang kami ni Rovi at walang ginagawa o hindi kami naguusap,nakakaramdam ako ng contentment at peace of mind. Malayo sa stress na dala ng mga grading sheet na dapat kong tapusin kada semester,malayo sa pressure na dala ng mga bullshit na estudyanteng walang alam kundi gamitin ang pera para makapasa sa mga subjects sa halip na magaral.
“Mahal din kita Rovi.” sabi ko.
Nagpula ang stoplight sa underpass may Edsa Shrine,asar na trapik. Tumingin sa akin si Rovi na parang may kalokohan na naiisip. Agad nitong hinila ang mukha ko at ginawaran ng isang matamis na halik. Nabigla ako at namula na sya naman kinatuwa nito.
“Ano ba yan Franco? Hanggang ngayon ba naman namumula ka pa din pag hinahalikan kita,patay na patay ka talaga sa akin. Gwapo ko ba naman eh.” sabi nito sabay tawa.
“Adik. Paanong hindi ako mamumula eh hatakin mo ba naman yung mukha ko ng walang kaabog-abog eh. Gwapo ka nga,ang kapal naman ng mukha mo. Sus me. Uminom ka ng kape minsan Rovi ha? Ng tablan ka naman ng kaba kahit paano.” sabi kong nangiinis.
“Sus. Nagkukunwari ka pa eh. Alam ko naman na patay na patay ka sa akin eh. Aminin mo na na mahal na mahal mo ko. Dali na Franco,hindi ako magagalit. Hahaha.” pangaasar nito.
“Sus,sinong patay na patay sa atin? Ha? Eh ikaw nga may paiyak iyak ka pa eh,hahaha,at sino ba sa atin ang nanligaw? Ang nanligaw ang patay na patay sa niligawan no. Kapal mo.” Banat ko sa kanya.
Nakita kong namula ang mokong.
“Oh? Kita mo namumula ka na Rovi? Hahaha. Ibig sabihin ako ang mahal na mahal mo. Dali na,umamin ka na,hindi ako magagalit. Hahaha.”sabi ko sabay dila.
“Wehh?” sabi nito,halatang wala nang masabi.
“See? Speechless ka na. Wala ka nang masabi no? See. Mahal na mahal mo ko.” nangaasar kong sabi.
“Yabang nito.” sumusuko nitong sabi.
“Ako ba nagumpisa Rovi?” nangiinis kong tanong.
“Hmp!”
“Asar talo ka singkit. Hahaha.”
“I love you Franco.”
“I love you more Rovi.”
✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖
“Ano ba yang pinainom nyo sa akin? Nahihilo na ko.” sabi ni Franco
“Ha? Nalasing ka na? Eh pangalawang shot palang yan ah?” pangiinis ni EA
“Timang,mahina ako sa ganyan.” sagot ulit ni Franco
“Namumula ka na Franco,tisoy na tisoy ka te.” sabat ni Dyne.
“Uy baka magblow si Franco,wag mo nang lasingin” nagaalalang sabi ni Jethro
“Blow ng? Blowjob ba to?”sabi ni Goji
“Adik,Franco,blowjob daw oh.” sabat ni Aerel.
“Ano to Groupsex? Kabababoy nyo. Nahihilo na ko.”mahinang sambit ni Franco
“Ang sarap lasingin ni Franco,dumadaldal sya. Hahaha.” si EA
“Eto na yun,interrogate na natin.” demonyong sabi ni Dyne.
“Wag nyo namang pagtulungan ang lasing.” depensa ni Aerel.
“Gusto mo sya Aerel?”walang kaabog abog na tanong ni Goji.
Natahimik bigla si Aerel at nagkatitigan ang grupo,samantalang ang kawawang si Franco ay nakapikit na at lupaypay sa 2 shot ng Chivas na pinilit ipainom ni EA. Nakahilig lang ang ulo nito sa balikat ni EA at para namang santong pinupunasan ng panyo ni Goji ang pawis na noo nito. Ilang segundo pa ay napagdiskitahan muli ng grupo ang di makaimik na si Aerel.
“Gusto mo si Franco Aerel no?” Sabi ni Jethro sa tonong parang batang nanunukso ng kalaro.
“Hala? Hindi ah.” sabi ni Aerel na nagbablush.
“Oh? Bakit ka nagbablush?”Pangaasar ni EA
“Ako nagbablush? Hindi ah.” depensa ni Aerel sa sarili.
“Te? Sa kulay na yan ni Aerel pag nagblush pa yan kulay maroon na” pangaasar ni Dyne.
“Sama mo! Ikaw na maputi!” pabirong sabi ni Aerel.
Tawanan ang grupo. Patuloy pa ang gaguhan nila hanggang mapagod ang mga bunganga nila sa kakatawa. Si Franco ay nanatiling natutulog sa upuan habang patuloy na pinagtritripan sila ni Aerel ng grupo. Nagtatawanan ang lahat ng nakita nilang dumilat si Franco. Natahimik bigla ang mga ito at nagantay ng susunod na salitang lalabas sa bibig ng lasing na kaibigan.
“Alak pa?”sabi nitong susuray suray.
“Gusto mo pa ng alak?” tanong ni Aerel
“Oo. Malungkot ako.”seryosong tono nito.
“Oh bakit naman? Kwento ka naman. Tahimik ka lagi eh.” sagot ni EA.
“Anong ikekwento ko?” tanong ni Franco sabay kuha ng baso na may alak sa mesa.
Lagok. Kuha ng onion rings. Lagok. Buntong hininga.
“Kahit ano,basta may malaman lang kami sayo. Tahimik ka kasi,dakilang indianero,tapos nakapamoody.” sabi ni Dyne.
“Oo nga. Pag iniinvite kita sa mga party di ka naman laging sumisipot eh.” sabi ni Aerel.
“Bakit?” balik ni Franco.
“Anong bakit Franco? Sagutin mo kaya. Timang ka. Oh inom ka pa.” sabi ni EA sabay abot ng baso ng Chivas kay Franco.
Hindi umiimik si Franco.
“Franco,ano na?” pangungulit ni Goji.
“Lasing ako.” maiksing tugon ni Franco.
“Bakit nga lagi kang parang KJ?” tanong ni Aerel.
“Hindi naman kasi lahat ng bagay na inaalok sayo tatanggapin mo. Siguro kasi nasanay na ako sa ganun. Hindi ako madalas na sumasama sa inyo kasi pakiramdam ko di ako bagay. May mga kaya kayo pero ako simple lang. Kung tutuusin gusto ko din yung mga ginagawa nyo na party party pero nahihiya ako. Napakasimple ko lang kumpara sa inyo. Parang hindi bagay. Ewan ko ba.” mahabang sagot nito sabay lagok ng natitirang laman ng baso.
“Ang tagal na nating magkakaibigan pero ganyan pa rin? I mean ganyan pa rin? Parang hindi ka pa din kampante na kasama mo kami?” tanong ni Jethro.
“Oo.”maiksing sagot ni Franco sa mga barkada.
Nagtinginan ang grupo sa sinagot ni Franco. Mababakas sa kanilang mga mukha ang pagkagulat at lungkot.
“You mean hindi ka masaya ngayong kasama mo kami?” tanong ni Goji
“Masaya. Ano ba yang mga tanong nyo? Wag nyo nalang akong intindihin. I just hate dramas. Blah blah blah. Mahalaga kayo sa akin. Intindihin nyo nalang ako. Weird ako. Seriously. Hindi ko alam kung anong gusto ko. Hindi ko alam kung sasaya pa ba ako. Hindi ko din alam kung may direksyon pa ang buhay ko. Pero salamat sa companionship at friendship na binibigay nyo.” sagot ni Franco.
Natahimik ang grupo sa narinig. Napagtanto nila na may pinagdaraanan ang English teacher na kanilang barkada. Walang naglakas loob magtanong. Naramdaman nila na may tinatago si Franco sa kanila,kung ano man iyon,hindi nila alam,hindi din nila alam kung malalaman pa nila ito.
Nahiga si Franco sa balikat ni EA. Tinamaan sa ininom na Chivas. Natulog ulit. Tuloy ang kwento ng barkada. Puzzled kay Franco. Lalo na si Aerel.
✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖
“Oh my Gawd. Nasan si Franco my cousin dear. Wait,I will call him na. Oh Gosh,Wititititit answer. Nasan ang beki? May nakapasak ba kaya di sumasagot? Ano na be? Homaygawd talaga.”
Nasan si Franco? Knows mo ba friendship? Baka kasama ang mga sisterette nyang beki din. Wait fly ako dun.
✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖
La La La La La.
“Nasan si Franco? Nakita mo ba beki?”
Hindi ko na alam kung saan ko hahagilapin yung baklitang yun,magpapaturo pa naman ako ng English. May interview ako bukas,excited na ako,pero at the same time nervous talaga. Wala sya sa bahay nila kaya go go go ako kila Aerel,the little mermaid.
Ayyy te,kabog ang national housing authority nila Aerel,the little mermaid,ang laki at ang garbo. Naririnig ko na mula sa labas ang tugtog,feeling ko party party to. Buti nalang may dala akong bag at may plastic container na pwedeng lagyan ng pagkain. Go go go.
So mega katok ako. Ilang minuto at nakaramdam ako na inuugat na ako. Wala atang nakakarinig sa akin. Uwi nalang ako. Just when I'm about to go home ay nagopen sesame ang very big gate. At ako'y napanganga sa nakita.
“Uyyyyy! EA! Andito ka na pala,kailan ka pa dumating? Bakit ikaw nagbukas? SG ka na te?”tanong ko.
“Adik, Hindi. Napadaan ka? Hinahanap mo si Franco?”tanong ni EA.
“Yes! Nandyan ba si Franco? Teka may party sa loob?” tanong ko.
“Yup. Tara pasok ka.” aya ni EA.
“Ha? Naku,wait. Hindi ako prepared.”
Kinuha ko agad ang blush on sa bag at nagaaply nito sa mukha ko. Naglagay ng konting pabango,lipstick at pabango. Nakatulala si EA sa ginagawa ko,halatang manghang mangha. Natapos ako sa pagreretouch at nakatitig pa rin sya.
“Te? Blush on? Gusto mo?”
“Adik ka Pixel. Hindi ka pa ready nyan ha?”
“Oo naman te. Di ako ready. Konting make up kit lang nabitbit ko. Hindi ko naman alam na may party eh.”
Tamang kwentuhan hanggang mapadpad na kami sa kinaroonan ng barkada. Nagulat sila ng makita nila ko. Ganda ko ba naman eh.
“Uyyyy! Ate Pixel! Kumusta ka na?” tanong ni Dyne.
“Uyyy Dyne,eto bakla pa rin, Ikaw? Straight ka na ba?”
Tawanan ang grupo.
“Ate Pixel,kamusta yung crush kong si FR?” tanong ni Jethro.
“Ay? Beki ka,may crush ka don kay best ko? Ayun,malapit na ata sila maging magjowa ni Papa Carlos.
“Ay,sa wakas,nagbunga din yung paghihirap nung tao.” epal ni Goji.
“True not false! Teka? Nasan ang pinsan ko?” tanong ko.
“Ate Pixel,lasing si Franco.” sabi ni Aerel.
“Howmaygawd! Lasing sya? Naku kayo. Uy Aerel,the little mermaid,ang itim mo pa din. Bentahan kita gluta 1,700 lang kada bote,60 caps na yun. Bet?” tanong ko sa kanya.
“Naku naman ate. Kainis.”sagot nito.
Bigla akong napalingon kay Franco,ang pula pula ng mukha nito. Halatang lasing. Ang weird sa pakiramdam. The last time I saw na ganyan ay nung nawala si Rovi,ngayon ko nalang ulit sya nakitang ganoon kamiserable. Ilang taon na din ang lumipas,marahil di pa din nakakamove on si Franco. Ako'y napabuntong-hininga.
“Ate? May problema ba? Bakit parang natahimik ka?”tanong ni Jethro.
“Naku wala naman Girl. Uy Aerel,may food ka ba dyan? Gutom na ako. Bilisan mo kuha mo na ko.” sabi ko Kay Aerel.
“Ate talaga,di pa din nagbabago.” nakangiting sabi nito.
Dali dali kong kinuha ang tatlong plastic sa loob ng aking bag at inabot ito kay Aerel na papunta ng kusina para kumuha ng pagkain,nagtaka ito at tumingin sa akin.
“Ano ka ba Aerel,the little mermaid,ipagbalot mo na din ako. Okay?” malambing kong sabi.
Humagalpak silang lahat sa kakatawa.
“The best ka talaga ate Pixel.” sabi ni EA.
“Naman. Ako pa. Naku kayong mga bata kayo,bakit nilasing nyo si Franco? Hala kayo,hindi naman ba ngumalngal yan?”tanong ko sa mge beki.
“Hindi naman ate,may pagkaweird nga lang talaga tong pinsan mo. Kwento ka nga about sa kanya.” sabat ni EA
“Ano ba gusto nyong malaman?” tanong ko.
“Bakit ganyan sya? I mean,bakit parang aloof sya at parang galit sa mundo? Sorry for the term ha? Gusto lang kasi din namin syang tulungan eh.” concerned na tanong ni Aerel na hindi pa umaalis.
“Naku little mermaid,ikuha mo muna ko ng pagkain bago ako magkuwento. Hunger strike na talaga.”sagot ko.
Agad na kumuha si Aerel ng pagkain at bumalik sa kumpulan.
“Oh ayan na si Aerel Ate Pixel. Kwento ka na.”sabi ni Dyne.
“Hay,wag nyo kong susumbong ha?”
“Oo naman ate.” sabay sabay nitong sabi.
“Nagkabf na ba yan si Franco ate?”tanong ni Jethro.
“Yes! Sabi nya una at huli na daw nya si Rovi.”sagot ko.
“Sino si Rovi?”tanong ni Aerel.
“Hay. Omg. Yari ako pag nalaman ni Franco to. Ganito yan boys,I mean beks,nagkabf yan si Franco before,as in bonggang bonggang minahal nya yun.”
“Ano nangyari ate?”sabat ni Goji.
“Pwede wait? Di pa tapos oh. Kaloka. As in alam mo na against all odds sila,laban kung laban basta maisalba ang relationship nila. Sobrang saya nila at alam kong sobrang saya nyan ni Franco,pero sabi nga nila shit happens.”mahaba kong sabi, Umeemote.
“Ano nangayari ate?”sabat nila Dyne,Goji,Jethro.
“Ayy bet ko yan. Speech choir! Ganito,pagkagaling nila ng Madrid ni Franco para sa kanyang 2nd year anniversary,nakauwi na sila diba? Tapos week from now,nakita ko nalang na umiiyak ng bongga si Franco,so mega ask ako kung sino gumangbang sa kanya. So quiet lang si beki,tapos biglang walk out si Bakla. Ayun.”
“Ano nga ate,bitin ka naman kung bitin.”sabi nila sabay sabay.
“Pagkauwi namin ni Rovi mula Madrid ay tumawag sa akin ang nanay nya,telling me that Rovi just died because of a car accident.” sabi ni Franco na gising pala.
Tumingin lahat ng mga beki sa kanya. Maging ako,sobra kaming nabigla na gising pala sya. Lagot ako nito.
“Rovi died because of a car accident. Hindi ko alam kung ano nang mangyayari sa buhay ko nung nalaman kong wala na si Rovi. Umikot mundo ko sa kanya. Kaya naging mahirap sa akin,nagalit ako sa mundo. I feel empty,yes,up to now,I'm hurting. Everytime I realize na wala na sya,mas nagagalit ako sa mundo. Someone more useless could have died kesa sa kanya. Pwede namang yung mga walang kwentang tao nalang yung kinuha bakit sya pa. I feel so alone. I feel so fucking alone. I feel so fucking alone.” mahabang sabi ng umiiyak na si Franco.
“Pinsan,sorry.” nahihiya kong sabi.
Tumingin ito sa akin na lumuluha ang mga mata. Nakaramdam ako ng matinding awa.
“Up to now,hindi ko pa matanggap na wala na sya.sobrang sakit. Tagos hanggang buto.”sabi pa nito.
Natahimik ang lahat sa narinig. Maging ako ay natameme. Nagbuntong-hininga ako. Ganoon din ang natulalang mga beki.
“Hanggang ngayon,inaantay ko pa rin sya. Hinihantay ko pa rin sya kahit alam kong hindi na nya ko babalikan. Hanggang ngayon mahal ko pa sya at nasasaktan pa din ako.” sabi pa nito.
Nakita kong tumayo si Franco na nagpapahid ng luha sa mga mata. Maging ang mga beki ay naluha rin sa narinig. Lalo naman ako,pinsan ko kaya yun. Kahit di na nya kaya maglakad ay lumakad ito papalabas ng pinto. Ang kaninang masayang aura ng inuman ay napalitan ng depresyon. Narinig nalang namin ang pagbukas ng gate nila Aerel. Hindi namin alam kung saan na pumunta si Franco.
ITUTULOY....
Labels:
Gwapito's By Night
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment