Wednesday, September 29, 2010

Task Force Enigma: Rovi Yuno 10

By: Dalisay
E-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com
Blog: http://dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
Other details: I was taken by the most amazing man in the world. Kenneth Nicdao.





Hello sa inyong lahat!

Haha... Ang chapter na ito ay aking sorpresa sa aking kasamahan sa Gwapito's na si Jaime. MIA pa ang drama niya at busy sa Adoninsis Baklito's niya. Haha...

Allow me those who commented sa Chpater 9. Salamat ng marami sa inyo na sumusuporta sa seryeng ito. Ito ay ikakatuwa ninyo, PROMISE!

CHINITOAKO: Ang cute mong "BATA" ka! Nakakaloka ang naging impact mo sa akin. Bago ka lang ba rito at ngayon lang kita napagkikita. Ikaw ba talaga ang nasa picture? Sana di ka poser kasi mahilig ako sa chinito. HahaHaha

JOSHUA: Hello sa iyo. Naiyak ka ba last time? Dito tatawa ka. :p

ROAN: na maluha-luha raw sa nakaraang chapter. Tawa ka naman dito.

KEARSE: na Tinamaan daw sa love story nila ALLAN at ROVI. Minsan ganoon talaga ang buhay dear. :(

WOODY: na isini-secret pa rin si MIDNIGHT SHOULDER mula sa akin.

ADIK_NGARAG: na nangangampanya ng BOBBY-ROVI MOMENTS. Darating din tayo doon dear. :)

VINCESAAVEDRA: Hello sa iyo, ang cute ng name mo. Salamat sa pagbabasa.

BX: Na takot kalabanin ang tulad kong diyosa kasi baka gawin ko siyang kamukha ni John Pratts.

ALEXANDER: na kilala na namin ang BIHON. Hahaha...

DHENXO: na di raw makakaluwas. HMP!

UNBROKEN: Na makiki-agaw pa sa bagong crush ko! LOLZ

MIGS: na pinakaba at pina-iyak ko raw, pasensiya na mahal kong Kuya. Ganoon talaga si Ate Dalisay.

JAIME: Para sa iyo ang chapter na ito. Nabati na kita sa taas alam ko kaya huwag ka ng epal. Hahaha

HONEYBUN: Love you anak. Haharass-in kita ulit na basahin ito.

GABRIEL: na author ng SBLS na OFFICIAL new crush ko ngayon. Hahaha... Syet!!! Water Water ako!

ECHO: crush lang iyon. Ikaw ang mahal ko at wala ng iba. Side trip lang iyong iba. Hahaha... CHOZ!!!

Enjoy 

Chapter 10


"MAGKAKAROON ng sikretong drug shipment sa parking lot na ito. Isa sa mga sasakyang diyan ang lalapitan ng bago nilang courier. Ilalagay lang daw iyon sa trunk ng kotse at aalis na. Ang tanging tip na nakuha natin ay isang luxury car ang mode of transport nila, so look-out for a suspicious expensive vehicle. I-under surveillance na rin ninyo ang buong area as early as two days kung sino-sino ang nagpa-park doon. Are we clear?" mahabang wika ni Rick sa mga kasamahan nila.

"Yes Sir!"

"Pare, what do you mean? We have to tail all of the luxury vehicles na lalabas sa parking-lot na iyan?" tanong ni Rovi sa team-leader nilang si Rick.

"Yes. Then afterwards, i-tse-check natin ang sasakyan by giving them a surprise check. May search warrant tayo para sa gagawin natin so don't worry. Makiki-coordinate rin ang police sa paligid with regard to this. Remember, this is top secret. Kapag lumabas ang bagay na ito ay malilintikan tayo sa taas. Kailangang mahuli natin ang lahat ng tao ni Park Gyul Ho." paalala ni Rick.

"Sure Pare. Kailan ba tayo nagkaroon ng hit na pumalpak?" sabi ni Cody na nakaupo sa isang sulok at kinukutkot ang kuko. Binato ito ng bote ng mineral ni Rick na agad nitong naiwasan.

"Ang yabang mo Unabia. Eh mag-aabang ka lang naman ng isang magmamadaling sasakyan at aasintahin ang gulong nito." sabi ni Rick dito.

"Ungas ka. Ang hirap kayang mamaril ng gumagalaw na target. Kahit itanong mo kay B1." tumatawang sabi ni Cody.

"Anong kinalaman ko diyan B2? Nananahimik ako dito." sagot ni Rovi sa kaibigan.

"Timang. Ikaw lang karugtong at ka-wavelength ng utak ko rito kaya makisama ka!" natatawang sagot nito sabay bato ng dinampot na bote ng mineral.

Sinalo niya iyon at iinukol ulit dito. " Baliw, di butas ang utak ko kagaya mo."

"Nagpanggap ka pa. Umain ka na Sarhento Pulpol!"

"Kumpara naman sa'yo Doktor Quack Quack! Haha!"

Nagpatuloy ang tuksuhan nila at palitan ng pagbato ng mineral water botle sa isa't-isa kaya hindi nila namalayang nakalapit na sila Perse at Rick sa kanila at binigyan sila ng tag-isang kutos.

"Aray!" magkapanabay pa nilang sambit ni Cody.

"Kayo talaga. Nagmimiting tayo ng matino rito hahaluan ninyo ng mga kagaguhan." sabi ni Rick sa kanila. Nangati yata ang anit niya sa kutos na iyon. Nagpipigil na ngiting nakinig ulit sila sa iba pang commands na ibibigay nito.

"Okay. Since nagprisinta ka na Rovi, ikaw na ang mag-scout sa area na iyon for three days." pagpapatuloy ni Rick.

Napatayo siya sa sinabi nito. "Teka? Kailan ako nag-volunteer?" takang tanong niya.

"Ngayon. May reklamo ka?" sabi nito.

"Ah wala naman. Sabi ko nga." walang magawang sabi niya. Madali lang naman ang ipinapagawa nito.

"Oo nga pala team, kailangan nating gawin ng maayos ito dahil ayoko ng mangyari ang nangyari noon sa pag-raid natin sa club ni Gyul Ho. Sa ngayon, tayong lima lang ang nakaka-alam. Si Jerick ang bahala sa information ng bawat papasok na sasakyan. Yun ang gagawin niya. Si Perse at ako sa pursuit team. Ikaw na sa pagti-tip ng mga aalis na sasakyan. Poposte kami oras na mag-tip ka ng may papa-alis." paliwanag ulit ni Rick.

"Roger pare." sabi nilang lahat.

"All right! Move team. Perse, maiwan ka. May meeting tayo with Gen. Mariano."

"Sige Pare." ayon ni Perse.

"Paano mga tol? Aalis na kami. Iinom pa kami." sabi ni Cody.

"Sige, basta siguraduhin niyo bukas na maayos ang mga utak niyo." paalala nito.

Nagtanguan na lang sila at lumabas na doon para dumiretso sa isang bar. Si Jerick na kanina pa tahimik naman ang inasar nila ni Cody.


"NAMPUTSA!"

Nababagot na sabi ni Rovi sa sarili. Kanina pa siya nakatambay doon sa parking lot na iyon. Nakakailang yosi na rin siya. May mga upuan sa paligid niyon dahil may mga establisyimento na nakatayo doon. May kalakihan ang parking lot at kitang-kita ang lahat mula sa pwesto niya. Nakaupo siya sa isang bench sa harap ng botika.

May nakita siyang binatilyo na papalapit at mukhang bibili sa botika. Halos malunok niya ang usok ng hinitihit na sigarilyo ng marinig na bumili ito ng condom. Dadaan ito sa harap niya kaya nabistahan niyang may hitsura ang binatilyong bumili ng condom.

Sa peripheral vision niya ay nakita niyang may nakamasid ditong isang binatilyo rin na halos kasing-laki rin nito. Nakita niyang sinundan nito ang binatilyong bumili ng condom na mukhang binabasa ang label hanggang sa lingunin nito ang likuran.

"La-lando?" may kalakasang sabi ng sumusunod sa may dala-dalang condom.

"Bu-bugoy?" sagot naman nito sa nalingunan.

Hmm... Mukha namang magkakilala. Kaso parang may mali. May naaamoy akong malansa. sabi ng isip niya.

Kanina pa kasi siya roon at mukhang wala pa namang nangyayaring kakaiba. Ito pa lang kung sakali.

"Uy Lando!" sabi nung tinawag na Bugoy.

"Ah... Mabuti naman." parang natatarantang sabi ni Lando.

Nagiging interesante ito. Itinuon na niya ang pansin sa dalawang ito.

"Sorry ah,... Wala na pala kami ni Jessa." Sabi ni Bugoy.

"Ah, ganun ba?.. I'm sorry to hear that." salat sa emosyon na sabi ni Lando sa kausap.

"Okay lang. Sinunod ko lang payo mo nung... Alam mo na yun." alanganin ang ngiting binitiwan nito.

"Yeah, Kalimutan mo na yun. Sige una na 'ko." nagmamadaling sabi ni Lando.

Nakita niyang nagbaba ng tingin yung Bugoy at biglang nagdilim ang mukha ng makita ang hawak ng kausap.

"Teka, ano yan?" sabi nito.

"Saan?" nagmamaang-maangan na sabi nung Lando.

"Ayan oh. Ibigay mo sa akin yan. Kanino mo gagamitin iyan?" galit na sabi nung Bugoy saka pilit na inagaw ang condom sa kausap hanggang sa magpagulong-gulong ang dalawang binatilyo.

Natatawang tumayo siya para lumapit subalit naunahan siya ng isang lalaki at isang babae na mukhang mag-boyfriend. Hinawakan ng lalaki si Lando sabay hugot mula sa pagkakakapit dito ni Bugoy. Pinigilan naman ng babae ang huli. Natigilan siya sa paglapit.

"Hey! Hey!" sabi ng lalaki. Gwapo in fairness.

"Teka, dito pa kayo nagre-wrestling! Anong school ba kayo?" pasigaw na tanong ng babaeng maganda sana kaso parang amasona kung pumigil ng nag-aaway. Galit na galit ito. Scared!

Muntik na siyang matawa ng malakas gayundin ang lalaking kasama ng babaeng amasona ng lumuhod ang dalawang estudyante.

"Parang awa niyo na po. Nagkakatuwaan lang po kami dito, promise.. diba tol?" nandidilat na sabi nung Bugoy kay Lando.

"Ha?" sagot nito.

"DIBA?!!!!!" sabay batok sa kasama.

"Ah opo.. opo.. Nagkakatuwaan lng kami, bestpren ko po yan eh.." sabi nung Lando sabay pilit na tumawa.

"Teka anu ba mga pangalan niyo" tanong ng gwapong lalaki.

"Brent po, Bugoy nalang" sabay kamot sa ulo.

"Lando po, Lance na lang para pogi." sabay muwestra ng kamay sa ilalim ng baba habang tumatawa.

"Hay naku ewan ko sa inyo, tara na nga Baby Jai, hoy!!! 'Wag na kayo mag aaway ah, papakulong ko kayo" sabay tawa ng malutong ng babaeng amasona pagkayaya sa kasama at binitawan ang si Bugoy.

"Sige, una na kami. Magjowa kayo noh?" sabay tawa ng malakas na lalaki at tumalikod na sa dalawang binatilyo.

Naaaliw na binalikan niya ang pwesto at nagsindi ng panibagong sigarilyo habang nag-uusap pa rin ang dalawang binatilyo.

maya-maya ay napansin niyang may magandang babaeng mula sa kalsada ang patungo sa parking lot. Nahagip ng paningin niya ang pag-alis nila Bugoy at Lando saka niya ibinalik iyon sa babaeng may dalang sports bag.

Hindi bagay sa outfit na heels at haltered mini-dress. Naka-shades ito ng malaki. Pinindot nito ang remote at umingay ang isang vintage cadillac sedan. 1947 Series 75 na model. Napapalatak siya ng maisip ang presyo ng lumang sasakyan na iyon.

Lumapit ang babae at sinusian ang trunk. Kinutuban siya. Lalo na ng umalis ang babae pagkatapos noon at umalis ng parking lot. Maya-maya umandar ang sasakyan kahit wala siyang nakitang pumasok doon. Dali-dali niyang inalerto sila Rick mula sa mic niya.

"Eagle 1 this is Delta 1, Eagle 1 this is Delta 1 do you copy? mahinang sabi niya.
Diniinan ang ear-piece na nakakabit sa tenga.

"Narinig niya ang static pagkatapos ang boses ni Rick. "Copy. This is Delta 1. Anong meron?" excited na tanong nito.

"May papa-alis na cadillac. Vintage type. May inilagay na sportsbag sa likod ng sasakyan. Yung babae susundan ko. Kayo na bahala sa sasakyan. Confirmed ang sinabi ng asset natin." mabilis na sabi niya saka tinakbo ang nilikuan ng babae.

Nakita niyang nagmamadaling naglalakad ito sa pathway. Mabilis siyang sumunod at pasimpleng ibinaba ang sumbrelong suot saka mabilis na bumili ng diyaryo sa bangketa at ipinagpatuloy ang pagsunod.

Tumigil ito sa isang waiting shed at pumara ng taxi. Mabilis siyang tumakbo na sakto sa pagbukas nito ng pintuan ay hinawakan ito sa braso saka mabilis na ipinasok sa sasakyan. Tumili ito sa pagkagulat. Mabilis siyang sumunod dito saka isinara ang pinto. Ini-lock din niya ang nasa panig nito.

"Manong andar! Pulis ako!" sabay pakita ng badge dito.

"Ano ba? Bakit ka ba nanunulak? Sino ka? Nang-aagaw ka ng taxi!" sunod-sunod na tanong nito. Hinubad nito ang shades at nagulat siya ng tumambad ang mukha nito.

"A-apple?" gulat na sabi niya.

Namutla ito pagkarinig ng pangalang sinabi niya.

Itutuloy...

GWAPITO'S BY NIGHT 5

Photobucket

CHAPTER 5

“Mom, punta lang po ako sa RezDente. Jamming po with Franco and the guys.” Paalam ko kay mommy.

Ni hindi man lang siya natinag sa panonood nang teleseryeng kinababaliwan niya. Lagi naman siyang ganun. Palabas na ako nang bahay when she finally opened her mouth and talked.

“It’s already 10 in the evening. Why do you have to ‘bond’ with your friends late?” Parang bagets na nagmuwestra nang quote sign sa word na bond.

“Mom, look at me. I’m already a gentleman, a guy and I am no longer a kid. Can’t you see these muscles on my arm? They’re already big o.” Sabay pakita nito sa kanya.

Nagulat ako sa reaction ni mommy. Bigla siyang umiyak na parang bata at nagdrama.

“Oo nga tama ka. I guess I have to live with reality. My son, my only baby, is no longer a kid. Malaki na siya and hindi na niya kailangan ang isang mommy na kagaya ko. This is life, this is reality. Hirap harapin ang katotohanan.”

Biglang nag-roll ang eyes ko dahil sa ginawa niya. Mukhang mahabang paliwanagan na naman ito. It’s already 10:20pm when I checked my watch and for sure kung makakapunta man ako nang bar eh late na. Nilapitan ko si mom and lend her my kerchief.

“Mom, that’s not what I mean. Hindi ko sinabing hindi na kita kailangan. It’s just that kailangan ko ding makalaya and have fun with my guy friends.”

Nakita ko sa labas si Franco dahil sinabi kong sunduin ako. Pero dahil sa eksena ni mom sinabi kong mauna na siya dun at susunod ako. Naintindihan na niya agad ang ibig kong sabihin.

“Makalaya? Bakit nakakulong ka ba sa bahay na ito? Aren’t you happy with me?”

Shit! Wrong term ata ako. Lalo lang tuloy siyang umiyak at ngayon hagulgol na. Kahit ganito kadrama ang mom ko sobrang mahal ko ito dahil simula nung iwan kami ni daddy ako na ang palagi nitong kasa-kasama.

“Sorry mom, hindi ko sinasadya. Listen.” Hinawakan ko ang mukha niya at iniharap sa akin.

“When dad died in that stupid crash, I made a vow before him na hinding hindi kita iiwan at hinding hindi kita papabayaan. Lalaki akong isang asset sa society at hindi magiging pabigat sa’yo. I will continue dad’s business, I’ll continue his legacy. I’ll give you bulilits to look for when I’m out for business.”

Moment of silence.

“Mom, I am Aerel, your son. I am nothing without you. You are the air that I breathe, the wind beneath my wings, my shoulder to cry on, and my knight in shining armor. You’re the reason why I am here, the reason kung bakit patuloy akong nabubuhay. Pero mom gusto kong maintindihan mo na minsan kailangan kong makipag-socialize at mag-enjoy with my friends bago ko tuluyang i-submerge ang sarili ko sa isang seryosong mundo. Let me have fun in the mean time. Sayang naman pagiging binata ko at pagiging cute kung dito lang ako sa bahay. Baka wala akong mapangasawa niyan.”

Geeez, tama ba sinabi ko? Mapapangasawa? Kinilabutan akong bigla.

Umayos nang upo si mommy at nagpahid nang mga luha niya.

“You’re right my baby. Binata ka na. Kailangan mong i-enjoy kabataan mo dahil once lang yan sa buhay natin.”

Suminga siya sa tissue at bumanat.

“Hay naku, ayan napapala ko sa mga napapanood kong teleserye. Ang drama ko na tuloy. Wait, antayin mo ako.”

Tumayo siya at pumasok nang kuwarto. Maya-maya bumalik siya. Natawa ako sa dala-dala niya.

“Mom naman eh. Hindi na ako bata, I don’t need that.” Natatawa kong sabi pero at the same time nahihiya.

“Hindi pwede! Kailangan mo tong dalhin kahit saan ka pupunta. This is your comfort zone kapag hindi mo ako kasama.” Nag-iinsist pa siya.

Haist, wala akong nagawa kundi kunin ang panyo ni Voltes V. Shit kakahiya talaga to. Bahala na.

“O siya, lumakad ka na at baka lalo kang gabihin.”

“Bukas na ako uuwi mom huh. Bar iyon kaya expect that the party will start at 12 midnight.” Sabay ngisi.

Isang ngiti ang sagot niya tanda nang pag sang-ayon nito.

“Don’t forget to bring your keys and lock the gate after.”

Itinaas ko na lang ang kamay ko habang papalabas nang pinto.

Sa wakas nakaalis din. Laging ganun ang scene pag lalabas ako with my friends kahit nung high school pa.

Siya nga pala, I am Aeral Santillero, 23, 5’9”, medium built hindi ako buff like my other friends. Maputi and makinis dahil na rin sa lahi ni mommy na Chinese at ni daddy na Spanish. I got my mom’s eyes but I got the looks of a Santillero. Head-turner sabi nila pero mas gusto kong tawaging cute kesa gwapo slash pogi.

Sa grupo namin, tinuturing nila akong bunso dahil una nag-aaral pa din ako nang culinary at pangalawa dahil sa katotohanang mama’s boy ako. Well, I’m the only heir ng Santillero’s sa nasira kong daddy kaya ganun ako. Well, so much for that.

Dati kapag pupunta ako sa tambayan, I’m always on my wheels with Franco pero iba ngayon. Trip kong maglakad sa ilalim nang buwan.

Napaka-romantic kung tutuusin ang gabing ito. Napakaliwanag nang buwan. Napakatahimik. Medyo may kalayuan ang RezDente sa bahay namin kaya may sapat na oras ako para i-enjoy ang gabi.

Wala din namang napapabalitang crimes sa lugar namin kaya kampante ako. If ever man na may mang-harass sa akin dito, I can take them over with my ultramagnetic top and laser sword. Ha ha ha ha. Seriously, kakayanin ko sila. Nag-undergo ako nang training about self defense.

Malayo pa lang ako pero rinig ko na ang boses ni EA at ang kanyang band. Parang gusto kong magmadali na para maka-join na sila pero pinigil ko ang sarili ko. Baka bigla akong pagpawisan at hindi ko maiwasang hindi mailabas ang panyo ni Voltes V. maging sentro pa ako nang asaran. Mahirap na.

Sa labas nang bar kitang kita ko ang mga kabataang sabik at mahilig sa night life. Nagsasayawan kahit nasa labas. Iba din kasi ang hatak ni EA.

Pagdating ko, hindi ko din maiwasang mag-create nang crowd. Andaming biglang lumapit sa akin at gustong maka-iskor. Pero oooopppsss, off limits. Mamaya na ako makikipagharutan.

“Hello guys!” Sabay flash nang ngiti.

Hindi ko alam kung anong meron sa ngiti ko at may sumigaw na mga girls sa tabi ko. Kumindat pa ako dun sa isa at nakita kong parang hihimatayin ito.

Natatawa ako sa reaction nila pero wala akong magagawa. Dito kasi sa RezDente kami ang inaabangan. Apple of the eye. Center of attraction.

Asa labas pa lang ako pero kita ko na halos maluha na si EA sa pagkanta.

Bakit kaya siya naiiyak? Nag-isip pa ako saglit kung anong possible cause nang reaction ni EA. SHIT!

Naalala ko na. Sixth year anniversary ngayon nang pagkakakilala naming anim mula sa tragedy sa bus at dahil dun muling nabuhay ang sakit sa dibdib ni EA. I feel sorry for him, dahil sa trahedya nawalan siya nang taong minamahal.

Tinapos ko ang kanta pero hindi pa din ako lumapit sa kanila. Nakita kong nag-uusap ang mga ungas at umakyat na sa taas. Ibig sabihin, umpisa na ang session namin.

Dahan-dahan akong dumaan sa gilid at iniwasang makanakaw nang pansin. Umakyat ako sa hagdan at parang tanga na nakikinig sa usapan nila.

Natawa ako sa pagiging insensitive ni Goji. Bumanat daw ba nang happy anniversary ayan tuloy nakaani nang batok mula sa apat.

"Aray naman! Ano na naman ang ginawa ko?" Nagmamaktol kuno na sabi nito habang tinutuktok pataas ang baba para daw bumalik ang talino.

"Hindi na nga namin ipinaalala eh, talagang binati mo pa yung tao." sabi ni Dyne.

"Oo nga pare. Bagama't nagpapasalamat ako na nakaligtas tayo nun, alam mo naman ang nangyari kay EA noon di ba?" si Franco na alanganing bumaling sa akin at tinapik ako sa balikat.

"Ay oo nga pala. Pasensiya ka na EA. Nakalimutan ko." hinging-paumanhin ni Goji.

"Okay lang iyon 'tol. Nangyari na iyon. Naka-move on na ako." sagot ko sabay pilit na ngumiti.

Di na ako nakatiis at lumabas na ako sa lungga ko.

"Asus! Kaya pala maluha-luha ka kaninang last song mo!" Banat ko sa kanya.

"Hanep ang timing mo pare. Nakatakas ka ba kay Tita?" si Franco ang sumalubong sakin. Paglapit nito ay inulan ito ng kutos. Tatawa-tawa naman si Goji na tuwang-tuwa sa pagkakaganti niya.

"Shit! Ang lakas ng kutos mo Goji ha. Eh kung bote kaya ipalo ko sa ulo mo?" Nagbibiro kong sabi at tinapik din ang baba para ibalik ang talino.

"Seriously mga pare, parang celebration din ito ng nangyari six years ago. Kung hindi naman dahil doon eh hindi tayo magkakakilala eh." sabi ni EA.

"Amen to that." sagot ni Franco.

At ayun nga pinagsaluhan naming anim ang gabi nang pagkakakilala namin.

Ang dami naming mga pinaggagagawa, nariyan iyong i-hot seat namin si Jethro at tanungin nang kung ano-ano, makipag-gaguhan sa isa’t isa at ang hindi mawawala sa session namin – ang makipagharutan sa mga customers nang bar.

Mag-uumaga na nang mapagpasiyahan naming magsiuwian. Magkalapit lang ang bahay namin ni Franco kaya sabay na kaming naglakad pabalik.

Hindi maiwasang hindi kami tuksuhin dahil sa ibang closeness namin. Hindi naman maiiwasan sa isang grupo na may namumukod tanging magiging kasa-kasama mo. Isang confidant na maituturing. Hindi naman sa hindi ko kayang sabihin sa kanila or hindi sila pinagkakatiwalaan. Iba kasi pag meron talagang isang tao na napagsasabihan eh.

Sa totoo lang, bukod sa pagiging magkapitbahay, wala akong ibang maisip na dahilan kung bakit close kami di Franco. Tahimik siya, seryoso, moody at sensitive. May pagka-misteryoso pa nga siya kung tutuusin eh kabaligtaran nang pagiging masayahin ko, kengkoy at insensitive. May mga pagkakataong nagkakatampuhan pero naaayos din naman naming dalawa yun.

“Franco, hatid na kita sa inyo.” Sabi ko.

“You’re making me laugh Aerel. Eh talaga namang mauuna yung bahay namin kesa sa inyo.” Pabiro pero seryoso nitong tugon.

Tumawa na lang ako sa sinabi niya. Alam ko naman na una ang bahay nila eh at ilang bahay lang din yung pagitan sa bahay namin.

“Siya nga pala sa makalawa may simpleng salu-salo sa bahay. Death anniversary ni daddy kaya plano namin ni mom na maghanda kahit papaano. Close relatives and friends lang ang expected guests dun. Wag kang mawawala dun huh sige ka magtatampo ako sa’yo.”

Huminto siya saglit. Tiningnan ko siya. Parang may kung ano siyang problema. Pero naisip ko din, lagi siyang ganito eh.

“Titingnan ko. Susubukan kong makapunta.” Maikli niyang tugon.

“Sabi ko na nga ba at yan sasabihin mo eh. So, dating gawi na lang?”

Hindi na siya sumagot.

Tuloy lang kami sa paglakad. Walang imikan. Walang gustong magbukas nang topic.

Iniisip ko kung anong gagawin niya sa araw na yun at susubukan daw niyang makapunta. Ilang invitations na din ang ginawa ko para mapapunta siya sa bahay. Laging ‘susubukan ko’, ‘titingnan ko’ o kaya naman ay ‘bahala na’. Yan ang lines niya. Ni isa ay hindi siya nakarating. Ewan ko ba kung anong dahilan.

Hindi ko naman siya pinipilit pag ganun kasi alam kong pag ginawa ko yun, iinit agad ulo nun at biglang magagalit. Ayaw niya sa ugali kong makulit kaya pag magkasama kami, sinusubukan kong magseryoso. Ang hirap kaya.

“Dito na ako.” Siya na ang nagbasag nang katahimikan.

“Ah, sige. Una na din ako at baka nag-aalala na si mommy. Sige Franco, see yah!” Sabay lakad na pauwi.

Ni hindi ko na siya nilingon.

Tahimik kong tinatahak ang daan pauwi. Malalim na nag-iisip.

Natauhan na lang ako na nasa labas ako nang gate namin. Tiningnan ko ito mula sa labas.

Okay naman ang bahay namin. Sabihin na nating maganda ito pero sapat na para sa aming pamilya.

Parang may kung anong espiritung pumasok sa akin at bigla nitong ibinalik ang kahapon – kasama si daddy at buhay na buhay, masayang-masaya.

Di ko naiwasang magpakita nang kahinaan at napaluha. Miss ko na ang daddy ko.

Kung nasaan ka man dad, please guide me and mom. Na-mimiss ka na namin nang sobra lalo na ako.

At biglang may malamig na hangin na yumakap sa akin. Alam kong siya yun kaya naman nangiti ako at hindi kami iniiwan ni dad. Pinunasan ko ang luha ko gamit si Voltes V at pumasok na.

Binuksan ko na ang gate at pumasok sa loob.

Time check! 5:50 am.

Tulog pa si mommy. Bilang owner nang isang restaurant, kahit anong araw ay kailangang dumalaw ni mom dun para i-check kung may problema. So para mabawasan ang workload niya, naisipan kong magprepare nang breakfast.

Dumiretso ako sa kusina to check some stuffs.

Perfect! Sabi ko sa sarili.

Inilabas ko na ang mga ingredients at sinimulan na ang pagluluto. Ibang Aerel ang makikita pag asa kusina ako. Seryoso ako pagdating doon. Masyado akong OC sa lasa at texture nang mga pagkain kaya super meticulous ako sa preparations. Ayoko nang anumang istorbo. Kung may gusto kang sabihin kahit importante pa yan, sabihin mo na lang pagkatapos nang ginagawa ko kung ayaw mong mabulyawan.

Yan si Aerel sa loob nang kusina.

Time check! 6:40 am.

Dala-dala ang tray, kinatok ko ang room niya. Hindi siya sumagot kaya naman pumasok na ako.

Ayun at himbing na himbing pa ang mommy ko. Ang ganda niya talaga. Buti na lang at siya ang naging mom ko. So lucky.

Ibinaba ko ang tray sa may side table at umupo sa tabi niya. Hinawakan ko ang kamay at bahagyang tinapik.

Nagmulat naman siya at napangiti. Pag nakikita kong ngumingiti siya, sobrang saya ko lalo na pag kagaya nito.

“Good morning your highness!” Sabi ko sa kanya. Lalo siyang nangiti.

“Good morning too baby!” Sabay hug sa akin.

“Breakfast in bed.” Dun niya lang napansin yung hinanda ko para sa kanya.

Napaluha siya nang makita kung anong inihanda ko sa kanya.

Ang paborito nila ni daddy na home made clubhouse, tuna omelet at Crème flavored coffee. Pinunasan ko ang luha niya at talagang inasikaso ko siya.

“Thank you baby for everything.” Sabi niya. Isang halik sa pisngi ang tugon ko.

“Get up now mom, Santi’s needs you.”

Santi’s ang name nang resto namin sunod sa apelyido ni daddy.

Dumiretso na ako sa kuwarto at ibinagsak ang katawan sa bed at tuluyan nang nakatulog.

Lumipas ang mga araw at kasabay nun ang paglagas nang mga araw sa kalendaryo. Papalapit na nang papalapit ang celebration.

Busy ako sa dishes na kailangan kong ihanda. Ginusto kong maging busy at hindi na pagalawin pa si mom dahil ayoko siyang mapagod.

I called some of the chefs sa Santi’s to help me decide which stuffs ang dapat iluto.

Hindi naman ako nagkamali sa pagkuha sa kanila dahil talaga namang mga de-kalidad na cook ang nakuha ko. Some of them eh naggraduate pa sa isang international culinary school sa France.

We decided to have two different sets for the event: Sun – Dried Tomato and Mozzarella Kebabs, Broccoli Florets with Meyer Lemon Oil, Parmesan – Crusted Pork Chops, Chocolate Chip Cookies with Hazelnuts and Berry – Guava Lemonade for the kids and kids at heart while Limoncello Spritzers, Turkey with Herbes de Provence and Citrus, Ciabatta Stuffing with Chestnuts and Pancetta, Butternut Squash Lasagna, Holiday Salad, Nectarine and Blueberry Crisp with Amaretti Cooking Topping and Sweet Tea Mojito for the oldies.

Mukhang marami ang dishes. Pero ire-review pa namin lahat nang mga yun lalo pa at ayaw naming mapahiya sa mga bisita ni mommy na mostly ay members nang alta sosyedad.

My cousins, titos and titas are low-profiled kaya anything na nakahain sa table eh inuupakan, of course with manners. Ha ha ha ha.

---
Nga pala, I am a culinary student sa may Makati kaya almost everyday akong bumibyahe para um-attend nang classes. Minsan wala akong maintindihan sa mga sinasabi nilang technique sa ganito, principles nang ganyan, rule of thumb sa ganun. Pwe! Basta magluluto ako the way mom taught me.
---

At heto na, the day has arrived. Maaga pa lang gising na ako and called my team na maghanda na. Hinati namin for the meantime ang grupo. Ang mga chefs ay natoka sa pagbili nang mga kakailanganin para sa mga food at ang iba namang kasamahan sa resto ay napunta sa table setting.

Ang bibilis nila kumilos. Well, sabagay dahil sanay na sila. Sa may back garden namin piniling gawin ang celebration. All the tables are set pati na din ang iba pang decorations kaya naman dumiretso na ako sa kusina para tumulong.

Hindi pa ako ganun kagaling magluto nang mga dishes kaya naman inalalayan nila ako. Willing akong matuto dahil sa mahal ko yung ginagawa ko. Pinapayagan ko silang pagalitan ako pag nagkakamali ako pero hindi nila iyon ginawa. Siguro dahil sa boss nila ako.

Nagpe-plating na ako nang mga naluto nang food nang pumasok si mama sa loob.

“Baby, the guests are waiting for you outside. Gusto ka nilang makita.” Sabi niya.

“Sige mom. I’m coming.” Tinanggal ko ang toque and apron at lumabas na.

Ganito ba kadami ang mga bisita? Parang may engagement party na ewan sa dami nila. Reaction ko pagbungad ko.

I am seeing group of padrinos on the side, kids roaming around, ladies talking near the tree, grandies laughing. Then I saw tito with his son, they’re laughing, they’re having fun.

Sigh. I miss you dad!

“Welcome everyone!” Yan ang bungad ni mommy sa mga guests namin. Beso-beso with her friends. Ngayon kasi ang oras nang mga bisita niya plus our relatives.

Missing my friends? Nope! Iba ang celebration naming anim.

Walang sawang kwentuhan at kamustahan ang nangyari sa maghapon na iyon. Nakipaglaro naman ako sa mga pinsan ko. Palibhasa isip bata kaya kung anong laro nila ay nakikisali ako. Enjoy akong kasama ang mga pinsan kong makukulit. Siyempre hindi mawawala ang kainan.

I’m hearing different reactions sa mga foods sa table. Masyado daw enggrande ang handaan na tipong may isang malaking homecoming or celebration na nangyayari.

I chuckled. Oo nga naman ang daming pagkain. Well it’s been 10 years already.

Unti-unti nang lumulubog ang araw. Napapagod na din ang mga kasama namin sa kakaserve. Hanggang sa isa-isa na silang nagsi-alisan.

“Musta mom?” Sabi ko after lumabas ng huling guest sa bahay.

“Happy and contented. Dinalaw ako ni Enrico kagabi and he was happy na hindi natin siya kinakalimutan.” Niyakap ko si mama.

Sobrang saya ko din dahil masaya siya. Wala akong ibang hinangad kundi ang makitang lagging nakangiti ang mommy ko. She’s my most precious treasure on earth.

Papasok na ako sa loob nun nang bigla kong natabig ang isang goblet. Bumagsak ito sa sahig at nabasag. Kinabahan akong bigla. Hindi ko alam kung anong meron at kabado ako.

Napamulagat ako nang makita ko ang isang familiar na tao na sumalubong sa akin. Biglang nag-flashback ang memory ko at ibinalik nun ang sakit na pilit kong iwinawaksi sa katauhan ko. Napatakbo akong bigla palabas nang bahay.

Takbong walang humpay. Tuliro. Hindi alam kung saan pupunta. Namalayan ko na lang na nasa harap ako nang RezDente. Sarado pa ito nang mga oras na iyon.

Naupo ako sa may harapan nun at walang sabi-sabing umiyak. Humagulgol. Naglabas nang sama nang loob. Naghinagpis.

Matapos kong mailabas ang dapat ilabas, nahimasmasan ako. Nakita ako nung may-ari nung bar, tulala. Tinapik niya ako sa balikat na nagpabalik sa katinuan ko. Tumayo ako at agad humingi nang dispensa.

Time check! 7:00pm

Naisipan ko nang bumalik nang bahay dahil baka nag-aalala na si mommy.

“Where have you been?” Tanong agad nito sa akin.

“Mom, nagpahangin lang po ako saglit sa labas. Medyo na-exhaust lang kasi ako dito sa loob and I felt the need for fresh air.” Palusot ko.

“Ah ganun ba? Nga pala, we have a visitor. Pwede mo ba siyang asikasuhin muna at mag-shower lang ako.”

Pilit na tango lang ang naisagot ko. Hindi ko kayang humindi kay mommy. Mabigat ang mga paa kong tinungo ang kinalalagyan niya.

Mag-isa siyang nakaupo. Umiinom nang mojito. Gusto ko na siyang sugurin at sapakin pero pinili kong maging tao.

Tumingin siya sa akin at ngumiti. Same old fake smiles. It made me shiver. Parang nagbabadya nang isang kapangahasan.

“Hi!” Sabi niya.

Hindi ko siya sinagot. I just gave him my poker face.

“It’s been 7 years. I couldn’t imagine how time went so fast. Binata ka na and you looked like an Adonis.”

Poker face.

“Siguro, dami mo nang pinaiyak na mga babae.” And gave me that devilish grin.

For God’s sake, ayokong makapatay nang tao.

Tumayo siya at naglakad papunta sa direksyon ko. I stood still. Lumapit siya sa akin. Inilapit ang mukha niya sa akin. Akala ko hahalikan ako pero nagkamali ako.

“And siguro mas lalo kang sumarap ngayon.” Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa sinabi niyang yun.

I pushed him hard at sinugod. Kwinelyuhan. Nakangisi lang siya.

“Don’t dare touch nor get near me you son of a bitch or you’ll regret it! Hindi mo ako kilala. Kayang kaya kitang patayin ora mismo.”

Tumawa siya. “Where did you get that courage of yours? You’ve really grown a lot.”

“Yeah, tama ka. I’ve grown a lot and hindi mo alam that I am seriously waiting for this day!” Nanggagalaiti na ako sa galit.

“Wow, you’re waiting for me? I knew you wanted it like I did. I’m willing to do it again later. Are you?”

Isang suntok sa mukha ang isinagot ko sa kanya.

“Fuck you! Hayop ka!” Susugurin ko pa sana siya kaso may pumigil sa akin.

“Aerel tama na yan! This is not the right time para mag-away kayo nang bisita mo.” Si EA.

“Oo nga naman pare! Dapat nagse-celebrate kayo hindi nag-aaway.” Si Jethro habang tinutulungan siyang tumayo.

Dumating na pala silang dalawa. Kumalas ako sa hawak ni EA sa akin at tumuloy sa may garden.

Dinampot ko yung tequila na nakita ko sa lamesa at agad na tinungga. Gumuhit sa lalamunan ko ang init galing dito. Masakit iyon pero walang kasing sakit yung ginawa niya.

Umupo ako sa may kubo na tambayan namin at mag-isang uminom. Tutungga na sana ako ulit nang agawin sakin iyon ni Dyne.

“Ano bang problema mo Aerel at pati yung bisita mo eh inupakan mo at wala ka atang pakialam kahit mapatay mo yung tao.” Sabi nito pagkaagaw sa bote.

Sigh.

“Oo nga naman. Kung hindi pa kami dumating dito agad, malamang patay na yun talaga. Sobra ang galit na nakita ko sa iyo kanina. Ibang-iba ka sa Aerel na kilala namin.” Sabi ni EA na may tono nang pag-aalala.

“Wala yun guys. Naglalaro lang kami nang suntuk-suntukan. Cherishing the old times!” Sabi ko nang may pagka-sarcastic.

Namumula pa din ako sa galit at gawa na din ng nainom ko. Naramdaman nilang ayaw kong magsalita kaya naman agad silang kumuha nang maiinom sa loob at pulutan na din.

Maya-maya pa ay bumalik na sina Dyne at Goji bitbit ang mga inumin at pagkain.

“Nagtext ba sa inyo si Franco kung anong oras siya dadating?” Tanong ko sa kanila.

“Parang hindi ka na nasanay dun sa tao. Ilang invitations mo na din ba ang dinedma niya? Kung bibilangin hindi na ata kakasya sa mga kamay ko.” Sabi ni Jethro.

“Jethro’s right. Huwag na nating antayin pa si Franco dahil di natin alam kung sisipot pa ba siya dito o hindi na.” Si Dyne ulit.

“Teka sino ba yung muntik mong mapatay huh Aerel?” At nagsalita na din si Goji.

Gusto talaga nilang malaman ang totoo pero hindi pa ako handa. Pinili kong magbigay na lang nang konting information sa kanya to feed their curiousity.

“Siya si Kuya Dom. Dati naming kasamahan sa bahay.” Bungad ko.

“O bakit ganun ka na lang kung makaasta kanina eh dati niyo pa lang kasamahan yung tao?” Tanong ni Jethro.

“Gaya nang sabi ko kanina, suntuk-suntukan lang iyon. Just a sign of warm welcome. Ano ba kayo guys! Tigil na natin yung topic about sa kanya and let’s get this party started. Come on!” Sabi ko sabay pilit na baguhin ang mood.

Wala din silang nagawa kungdi sumang-ayon sa akin. Wala din kasing mangyayari kung pipilitin nila akong umamin. I played disco musics on the stereo and we all danced.

Kahit papaano, unti-unting nawala ang sakit na nararamdaman ko. This is the company I really wanted. Masaya, walang problema.

Nag-party kami hanggang umaga. Pero kahit na masaya ako, hindi ko pa din maiwasang hindi magtaka kung bakit ilang beses nang dinedma ni Franco mga invitations ko. Hindi ba niya ako itinuturing na kaibigan?

Maya-maya pa isa-isa na ding nakatulog ang mga mokong. Kanya-kanya sila nang puwesto sa kubo. Nakakatawa silang tingnan.

Time check! 5:05am

Parang wala sa akin ang alak at hindi man lang ako nalasing. Tama sila, ibang Aerel ang kasama nila kanina. Bigla akong nahiya sa nagawa ko sa kanila.

Dumiretso ako sa may ref at kumuha nang tubig nang may biglang yumakap sakin.

“You’re making me horny honey. Can we do it again one more time?”

Susuntukin ko sana kaso madali siyang nakailag dahil nasa likod ko siya. Pinilit kong kumawala sa kanya pero malakas siya. Hindi ko siya kaya.

“Kala ko ba malakas ka na? Kala mo ba kaya mo na ako? Nagkakamali ka. You’re just the same old toy I used to play with.” And he started caressing me.

Nandidiri ako.

“Stop it! Papatayin kita pag nakawala ako dito!”

“No chance!” At patuloy pa din niya akong hinahalikan.

Unti-unti na din niyang tinatanggal ang pagkakabutones nang pants ko. Nagawa niyang tanggalin iyon at ibaba ang zipper. Para akong kandilang nauupos at walang magawa. Umaagos na parang gripo ang mga luha ko.

“Kuya, ano yang ginagawa mo?” Nahihintakutan kong sabi.

“Wag ka nang pumalag Aerel. Masasarapan ka din.” At tuluyan niya akong hinubaran.

Wala nun ang mom at dad kaya malakas ang loob niyang gawin yun sakin.

“Kuya wag po please. Maawa ka sakin. Ayoko po!” Umiiyak kong sabi pero wala siyang narinig at nagpatuloy sa ginagawa niya sakin.

Pilit niyang ipinapasubo sakin ang organ niya. Nasusuka ako. Nababastusan ako pero wala akong magawa. Takot ang bumalot sa pagkatao ko. Hanggang sa tuluyan na niyang naangkin ang pagkatao ko.

Tuloy-tuloy lang ang pagluha ko nang bigla na lang akong na-out of balance at bumagsak sa floor. May narinig akong kaunting ingay na parang may nag-aaway. Awa at pandidiri ang nararamdaman ko sa sarili ko ngayon.

BLAG! Tunog nang pintuan na ubod lakas na isinara.

Maya-maya pa nakaramdam ako nang kamay na humawak sa akin. Para naman akong isang paranoid na biglang bumangon at isiniksik ang sarili sa may sulok. Umiiyak. Wasak na wasak ang pagkatao.

“Aerel, si Franco to. You’re safe now.” Sabay akap niya sakin.

Hindi ko napigilan ang sarili kong umiyak at yumakap sa kanya. Sa tikas nang katawan kong iyon, hindi man lang ako nakalaban. Nakakahiya pero nangyari na.

“Shhhh, tahan na Aerel. Andito na ako.” Habang hinahaplos niya ang likod ko.

Nakaramdam ako nang sense of security habang akap-akap ako ni Franco. For the first time, dun ko lang naramdaman na kaibigan ang turing niya sa akin. For the first time din, nagawa niyang pumunta sa bahay kahit na late na.

“S-salamat f-for c-coming. S-salamat f-for s-saving me.”

At naikuwento ko kay Franco ang lahat-lahat.

I was seven nang unang mangyari ang lahat. Natutulog ako nun nang bigla akong atakihin nang nightmare. Hinahabol daw ako ni boogeyman. Papatayin niya ako.

Sumigaw ako at nagising. Napatakbo si Kuya Dom mula sa kuwarto niya papunta sakin. Sabi niya na tatabihan na lang niya ako para hindi na daw ako matakot. Pumayag ako at natulog ulit.

Akala ko may nightmare na naman at iba ang pakiramdam ko. Nagmulat ako nang masilip na si Kuya Dom nakahubad at nakapatong sa akin. Nagulat ako at nagtaka kaya tinanong ko siya pero ungol ang sagot niya.

Hindi ko siya maintindihan pero may nagsasabi sa aking mali iyong ginagawa niya at nakakadiri. Bigla niya akong hinalikan at pilit na ipinapasok yung dila niya sa bunganga ko. Sobrang nangilabot ako. Bumulong siya na isubo ko daw siya sabay tutok nang ari niya sa bunganga ko.

Ayaw kong gawin dahil madumi iyon dahil nilalabasan nang ihi pero mapilit siya at sinabing hindi na niya ako tatabihan pag nagising ako sa nightmare. Dahil na din sa takot baka totohanin niya, binuka ko bibig ko at hinayaan siya. Maluha-luha ako sa ginagawa niyang kahalayan sakin.

Akala ko hanggang dun lang pero gusto niya din akong tirahin. Natakot ako sa balak niya kaya tumakbo ako sa may pintuan pero nahablot niya kamay ko at hinila pabalik sa kama. Nakita ko ang isang Kuya Dom na ibang iba. Para siyang manyakis, mas magandang sabihing rapist. Hinawakan niya ang mga kamay ko, binusalan ang bunganga ko para hindi makasigaw at pinunit ang pajama at brief ko.

Dumura siya at inilagay sa puwit ko at agad na pinasok. Hindi ako makasigaw. Sobrang sakit. Parang pinunit ang buong pagkatao ko. Ni hindi niya iyon pinansin. Para siyang baliw na puro ungol hanggang sa pabilis na siya nang pabilis at biglang tumigil.

Tumayo siya binitiwan mga kamay ko. Nagsuot ng brief at tuluyan nang lumabas nang kuwarto ko. Wala akong nagawa kundi ang umiyak nang umiyak lalo pa nang makita ko ang mga dugo sa kumot ko.

Simula nun lagi na niyang ginagawa sakin yun basta may pagkakataon siya.

Hindi maiwasang hindi manlumo ni Franco sa nalaman niya tungkol sa akin kaya naman mas lalo niyang pinaramdam na safe ako sa kanya. Hindi ko namalayan na naktulog na pala ako.

Nagising ako sa mahinang tawanan. Pagmulat ko, nakita ko sina EA, Jethro, Dyne at Goji na nagtatawanan habang nakatingin saming dalawa ni Franco. Napansin kong nakahiga ako sa lap niya.

“Ang sweet niyo namang dalawa. Nainggit naman akong bigla.” Banat ni Goji.

Sa halip na mabadtrip, natawa ako sa inasta nila.

“Gago!”

Inaya ko na silang kumain nang agahan bago sila umuwi. Ginising ko na din si Franco para sumabay na samin.

Konting kwentuhan pa habang kumakain. Nang makatapos ay isa-isa na silang nagpaalam. Lumapit sa akin si Franco.

“Aerel, simula ngayon babawi ako sa’yo.” Tango lang sagot ko. Masaya ako dahil di ko akalain na magiging knight in shining armor ko siya.

Hinatid ko sila sa labas. Konting kulitan pa at tuluyan na silang lumarga. Ako naman pumasok na sa loob at tuluyan nang isinara ang pinto.

Tuesday, September 28, 2010

THE MARTYR, THE STUPID AND THE FLIRT 4

Here is the Fourth installment guys. Hindi ako naglagay ng gay-linggo masyado. Marami ang nagrereklamo sa barangay na hindi raw nila naiintindihan. Lolz. Salamat sa patuloy na pagbabasa ng mga ginagawa kong akda rito. This time ay special bati mode so go na ako agad doon para makapagbasa agad kayo.

Bati mode:

Unbroken: Salamat sa pagpapagamit ng pangalan sa TFE. Welcome sa "Terrified" mo, it's good. Naintindihan ko na finally. Haha...

Migs: Welcome sa Gwapito's. Guys and Gals na readers dito sa BOL, let's welcome the newest addition sa Gwapito's By Night Authors. Si Migs ng Love At Its Best. Clap! Clap! Interesting po ang character niya. Abangan.

Bx: Aabangan ko rin yung bago mo. Pagkatapos ba iyon ng Chapter 70 ng Untitled? LOLZ

Dhenxo: Kabog ang pagbabalik mo Anak. Yung part 5 ng Gwapito's ay i-post mo na.

Alexander: Sorry kung nabuking na namin kung sino si BIHON ha? Although hindi talaga kami sorry. hahaha...

Jaime: Naloka ako sa title ng bago mong story. Scientific name ng Bading ba yan? Haha

Half: Ang taray ng Now Playing mo. Keep it up.

Earl of Dubai: Thanks sa pagbabasa dear kahit alam kong medyo busy ka palagi. Take time to read din ng TFE. Hindi kita nakikita doon. Hahaha... Mag-demand daw ba?

Woody: Nahawa ka na kay Kearse? Naku, anong sakit yun? Choz! Mabuting impluwensiya iyang si Kearse, kapag tulog. Hahaha Peace!

Kearse: Ikaw lang yata naka-intindi ng gay-linggo dito. Haha...

Shadow: First time kitang nakita sa comments kaya, hello sa'yo!

Jsecretlover: Ikaw rin hijo, ngayon ko lang nakita sa comments para sa story ko. Hello!

Mr.Brickwall: Maswerte talaga ang friend ko. Iyon lang ang masasabi ko. :)

Adik_ngarag: Si Rapunzel nga yata ang friend kong si Monty na hanggang Edsa ang buhok sa ganda. Hahaha

Honeybun: Pagpasensiyahan mo na si mama ha... Manghaharass talaga ako ng kamag-anak para basahin ito. Hahaha LOLZ. I hate you! Hmp! :p

Emray08: Heto na po. Pasensiya na kung dinugo ka sa nakaraang chapter. Hahaha

Ayan at mahaba na ito! Maraming salamat sa suporta guys. Hope you enjoy this chapter as much I enjoyed writing it. Mahal ko po kayong lahat.

Echo: Mas mahal kita. ;)

CHAPTER 4 (Burger Steak)


"O-orly?"

Ang tanging nasabi niya pagkatapos ng ilang segundo ring paglalapat ng kanilang mga labi. Nanlalaki ang mga mata niya sa sobrang pagkagulat. Mabilis pa rin ang pagtahip ng kanyang dibdib. Hindi pa rin makapaniwala sa kagaganap lang. AT alam niya, kahit hindi niya nakikita, namumula siya mula ulo hanggang paa! At naghihiyawan pa ang mga nakapaligid sa kanila sa pangunguna ng kaibigan niya.

"O-orly?" naguguluhang tawag niya rito.

"Yes Pet?" amused na tanong nito. Nakisubo sa burger steak na in-order ni Jordan.

"Orly!" malakas na sabi niya sabay hampas sa braso nito. Finally, bumalik na ang boses niyang nawalan ng lakas ng dahil sa kagagawan ng lalaking ito. Tumigil na rin kasi ang hiyawan sa paligid.

"Aray! Bakit ba?" natatawang sabi nito habang umaarte ring nasaktan ang braso.

"Bakit mo ginawa iyon?"

"Ha? Did what?" maang na tanong nito.

"Yung kanina?!" frustrated na sabi niya.

"OA ka girl." si Jordan.

"Shut up, friend!" angil niya rito.

"You shut-up! Maka-emote ka diyan. Virgin?" nanlalaki ang matang sabi nito sa kanya.

Hindi siya naka-imik doon. Bakit nga ba siya umaarte ng ganoon? Hindi rin niya alam sa totoo lang. Hindi rin niya alam why is he feeling so damn... frustrated?

"Yeah, what are you fussing over with Pet?" nangingiting tanong ni Orly habang ngumunguya. Amusement all over his eyes. Parang gusto nitong tumbokin niya mismo ang tinutukoy niya.

Naiinis na nagbugha siya ng hangin at inagaw ang tinidor na hawak ni Orly saka dinampot ang kutsara para kumain. Alam niyang namumula pa rin siya. Di na yata matatanggal yun.

Nagsimula siyang sumubo ng pagkain ng maramdaman ang mata ni Orly na nakatitig sa kanya. Nailang na naman siya. Nginuya niya ng mabilis ang pagkain saka ibinaba ang kubyertos para harapin ito.

He was welcomed by the brown of his eyes. As if mesmerizing the hell out of him. Bahagyang naumid ang kanyang dila sa ginawa nitong pagtitig sa kanya.

"S-stop it Orly." he said stammering.

"Stop what?" seryosong sabi nito. Ngayon niya lang napansing nawala na pala ang ngiti sa labi nito.

"You're staring. Stop it." naiilang na sabi niya.

Juice ko naman itong lalaking ito. Kung makapagpakilig sa kanya eh ganun-ganun na lang. Paano na kung may sakit siya sa puso?

E di namatay kang happy! May ngiti sa labi.

Damn!

"I can't Pet."

"What?" nalilitong sabi ni Monty.

"I said, I can't. I can't help but stare. Kasalanan mo."

"Teka, teka! Bakit kasalanan ko?" umatras siyang konti dito.

"Oo. Kasalanan mo. Nakanguso ka na naman. Remember what I told you?"

Rumehistro ang mga salitang iyon at nakalkal ang isang linggo ng nakalipas na alaala na nakapagpakilig sa kanya ng husto.

"Ang cute mo kasi kapag naka-nguso kang ganyan..."

"Huwag kang magpa-pout ng ganoon at baka mahalikan kitang bigla..."

"Did I pout?" naguguluhang tanong niya.

Tumango ito. Saka inabot ang gilid ng labi niya. Umatras siyang bahagya pero nakalapat na ang daliri nito sa gilid ng lips niya at may pinahid na kung ano doon.

"Gravy." matter-of-factly na sabi nito.

Isang impit na tili ang narinig niya mula kay Jordan saka sumunod ang mahinang tawanan sa paligid. Nahihiyang tiningnan niya ang kaibigan.

"Shit friend! Para akong nanonood ng shooting nila Dina Bonevie at Alfie Anido. Langya, wala ka na bang kapatid Orly? Bigay mo nga sa akin." namimilipit sa kilig talaga na sabi nito.

"Wala eh. Pinsan meron." sabi ni Orly na hindi tumitingin sa kaibigan niya.

"Ahhh!!! Ayoko na! Hindi ko na kaya!" Tili nito sabay tayo at kuha sa mga gamit. "Diyan na kayo! Nang-iinggit lang kayo! Ah!!!" sabi pa ni Jordan habang papalayo at kumekendeng na naglalakad. "Monty na bukas ang pangalan ko! Magpapalit na ako ng namesung!" pahabol pa nito.

Nagtawanan ang mga nasa paligid. "Dalisay, ako na lang magmamahal sa'yo para di ka maiinggit!" sigaw ng isang boses na nagpatigil sa hitad na kaibigan niya. Nilingon nito ang nagsalita saka ngumiti ng pagkatamis-tamis.

"Talaga? Ang sweet mo naman." anang kaibigan niya.

"Oo Naman. Ano tayo na ba?" mayabang na sabi ng kausap nito.

"Oo sige, tayo na. Kapag di ka na mukhang-aso, Hayup ka!" nanggigigil na sabi nito. Saka nagmamartsang lumayo.

"Shutang 'to. Aso umiibig sa diyosa? Kabahan kang animal ka!" sigaw pa ng kaibigan niya.

Bumalik ang atensiyon niya sa lalaking katabi at sa ginagawa nito sa sistema niya. Nilingon niya ito ang found him staring again.

"I-it's impolite to s-stare Orly."

"Says who?"

"Says me."

"Then blame yourself for being so cute."

Ha? Ano raw? Ano ba itong lalaking ito? Naka-drugs?

"Ibang klase pala ang sense of humor mo Orly." natatawang sabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Yung sinabi mo. I'm cute?"

"Yes. You are cute!" mariing sabi nito.

"Well, thank you." he said demurely.

"You think I'm just teasing you or I'm making fun of you?" tanong ni Orly sa kanya.

"No."

"But you don't believe me?"

"Yes."

"But its the truth." protesta nito.

"I said thank you." sabi niya. "And besides I didn't think you're just teasing me Orly, I know you're teasing me." diretsong sabi niya rito.

Natigilan ito. Nangunot ang magandang noo. Senyales na hindi nagustuhan ang sinabi niya.

"What do you mean, "you know"?"

"There's a world of difference between know and think Orly. I'm sure you'll be able to understand it." matabang na wika niya. Ang sama pala sa pakiramdam kapag alam mong niloloko ka lang ng taong gusto mo. Nag-alsahan pa naman ang lahat ng pag-asa niya kanina sa ginawa nito kanina. Buti na lang, nagawa niyang mag-isip. Salamat sa eksena kanina ni Jordan. Mabilhan nga ng Mango Shake ang hitad.

"I know what you mean Pet, but what I don't understand is how you can think of me that way. I'm not making fun or teasing you. Ang hirap sa'yo, sobrang talino mo. Lahat ng nangyayari sa'yo ina-analyze mo na parang isang equation na dapat hanapan agad ng solusyon. Did it ever occur to you that I might like you? That I might want to be closer you?" mahaba at may kalakasang sabi nito.

Nayanig siya sa naging pagtatapat nito. Hindi lang siya, maging ang nasa paligid nila ay natahimik. Namumula ang mukha ni Orly sa pigil na inis at walang pakundangan at walang paki-alam na nakatitig pa rin sa kanya.

"O-orly..."

"What?"

"You l-like me?"

"Yes."

"W-why?"

"Kailangan ba may reason kapag gusto mo ang isang tao?"

"W-wala."

"Buti alam mo."

"Orly..."

"What?" naiirita na sabi nito sa kanya.

"I'm not good in Math."

"Ano?"

"Hindi ako magaling sa equation."

"Anong connect?"

"Na hindi ko pinag-aaralan ang lahat ng nangyayari sa akin."

"Eh ano ngayon?"

"Na hindi lang ako makapaniwala na gusto mo rin ako."

"Yeah right...Ano ulit sinabi mo?"

"Alin?" nalilitong sabi ni Monty.

"Yung hindi ka makapaniwala-something."

"Na hindi ako mkapaniwala na gusto mo rin ako?" nagtatakang tanong niya.

"That's more like it." biglang sumilay ang magandang ngiti sa labi nito.

Nagpalakpakan ang mga miron sa paligid nila. May sumipol pa habang ang ilan ay nagtaas ng kilay at bitter na nagsalita. "Yuck! Bading pala ang gusto ni Orly. Nakaka-turn off." maarteng sabi ng isang estudyanteng babae.

"Inggitera ka teh. Compare to lugaw oh. Nakakaloka ka!" sabi ng baklang nanonood na nakilala niyang kasamahan nila sa teatro. Kinindatan siya nito.

Bigla siya nitong kinabig at inakbayan. Kinuha nito ang kubyertos at kinain ang burger steak meal niya na malamig na ngayon.

"Ewe!" sabi ni Monty.

"Masarap naman kahit malamig na." natatawang sabi ni Orly.

"Masarap ka diyan. Ang sagwa ng lasa."

"Sige, pa-order tayo." sabi ni Orly.

"Self-service dito oy!"

"Akong bahala." sumipol ito at may lumapit na estudyante. Inutusan nito na bumili ng panibagong pagkain para sa kanila. Nag-check siya ng oras. 30 minutes na lang pala ang natitira at may klase na siya.

"Orly, sabihin mo paki-bilisan. May klase pa ako."

"Sure Pet. O narinig mo Pet ko ha? Pakibilisan bro." sabay tapik nito sa estudyante na tumango lang at umalis na para bumili.

"Anong Pet?" tanong niya.

"Ikaw. You're my pet."

"Haha... Ano ako? Aso?" natatawang sabi niya.

"Bahala ka, basta ako, I love to cuddle my pet. Lika nga rito." bigla siya nitong hinila paupo sa kandungan nito sabay baon ng mukha sa batok niya.

He felt goosebumps all-over. Nanigas ang katawan niya sa ginawa nito. Sobrang tensiyon ang pumaloob sa kanyang sistema. Nakatuon ang buong-atensiyon niya sa mainit na hininga na dumadampi sa kanyang batok. Hindi magmaliw ang kilig niya.

"Orly. Ano ka ba?" kumalas siya rito at bumalik sa kinauupuan.

"Bakit ka umalis? Okay lang naman yun ah?" natatawang sabi nito.

Of course, okay lang sa SBU ang ganoong bagay. Ang gay rights sa kanilang kolehiyo ay talagang napa-praktis at ipinaglalaban ng ilang estudyante kaya nagkaroon ng agreement ang kolehiyo nila sa mga grupong kinabibilangan ng ikatlong-lahi. Walang kukondena sa ginawa ni Orly.

"That's not the point." nahihiyang sabi niya.

"Then what is it?" nakakalokong sabi nito.

Huminga muna siya ng malalim. "This is not a lovers lane. Umayos ka nga."

"Sure." Umayos nga ito ng upo, pero nakatitig naman sa kanya. Napa-iling na lang siya at inayos ang gamit. Dumating din agad ang express order nila ng lunch. Habang kumakain ay kinukuhaan nito ang ulam niya, at ito naman ay tutusok sa ulam nito saka siya susubuan.

Ninamnam na lang ni Monty ang lahat ng nagaganap. Kailangan niya sigurong tanggapin na maaari ngang may gusto sa kanya si Orly, gaano man iyon ka-weird tanggapin at pakinggan. Habang kumakain ay hindi sinasadyang nahagip niya ng tingin ang isang malungkot na pigura sa may kalayuan. Nakatayo sa labas ng bintana ng canteen. Malungkot ang mukhang nakatanaw sa kanila ni Orly.

Walang iba kung hindi si Ronnie.


Itutuloy...

Sunday, September 26, 2010

Task Force Enigma: Rovi Yuno 9

By: Dalisay
E-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com
Blog: http://dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
Other details: I was taken by the most amazing man in the world. Kenneth Nicdao.





Hay!!! Good Morning Sa'yo! Hahaha... Yan ang paborito kong line ngayon. Kung baga sa kanta, LSS ako diyan. Feeling ko talaga magka-kambal kami ni Carla Abellana. Hep! Hep! Walang kokontra. Ang kumontra, magkakapigsa! LOLZ

Bati mode:

Kay James Wood aka WOODY, ayan may pitak ka na sa bati mode ko. Haha Hindi ako si Dally! Mukha ba akong dolphin? Kaloka to! Sino ba si Midnight Shoulder ha?

To Earl ng Dubai, dear salamat sa pointers tungkol sa Post-mortem care.

To Enso, cool ka lang nak. Ang init ng ulo mo haha...

To Jaime, na kagagaling lang sa sore-eyes. Pagaling ka pa Jai-jai.

To Bx, issue yang kilig na yan Attorney. Bigla kang nagkaroon ng Dally at Woody. haha

To Levi Cyr, na bago kong "anak". Salamat sa pag-add. Nagulat talaga ako. :)

To Echo, hope your fine daddy. You have my prayers and love kahit saan ka man pumunta. Minsan tinanong mo ako kung ano ang mga bagay na ayoko sa'yo. Well, I can name all of the things that I don't like about you but still, I'll stay with you. Okay lang yun. Kahit dumami pa ang mga bagay na ayoko sa'yo. Kasi Mahal Kita. :)


Try following my blogspot na hindi kagandahan. :p

dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
FB: Type niyo lang po Dalisay Diaz. Yung naka-hood na green na super ganda. Ako yun. Haha...


Enjoy...

CHAPTER 9

Nagulantang si Rovi mula sa pagkakahimbing ng maramdaman ang malilit na halik na iyon sa kanyang mukha. Maang na tiningnan niya si Allan na kampanteng nakatunghay sa kanya mula sa kinauupuan nito.

"Buti naman at nagising ka na. Nandito na tayo." nakangiting sabi nito sa kanya.

"Huh? N-nasaan na tayo?" disoriented pang tanong niya.

"Nasa harap na tayo ng bahay niyo." anito na may pinipigilang ngiti sa labi.

"M-may ginawa ka ba h-habang natu-natulog ako?" nagkakandautal niyang sabi rito.

Mahinang tawa ang sinagot nito saka siya tinusok sa tagiliran ng hintuturo. "Ano naman ang gagawin ko sa'yo?" nanunukso ang tinig nito.

"H-hindi ko alam." nahihiyang sabi niya. Tiningnan niya ang mata nito at nakita na naman niya ang pag-guhit ng amusement sa mga ito. Naiinis na tinanggal niya ang seatbelt at lumabas.

"Teka, hoy. Rovi. Bakit ka nainis?" nagtatakang tanong nito.

"Hindi ako naiinis Allan. Wala akong kinaiinisan." sabi niya. Plastic! Piping-sigaw naman ng isip niya.

"Hindi nga? Eh bakit nakasimangot ka paglabas mo ng kotse?" pangungulit pa rin nito sa kanya.

"Hindi nga ako naiinis. Pero kapag di ka tumigil sa pangungulit, baka. Matutuluyan itong inis ko. Promise!" medyo bulyaw niya rito.

"O kita mo. Naiinis ka nga. Ano bang ginawa ko? Wala naman akong ginagawa kanina ah?" puno ng pagtatakang sabi nito.

Wala? Bakit mo ko hinalikan kanina habang tulog ako? Gusto niya sanang isigaw iyon dito ngunit hindi pwede. Magigising ang tatay at nanay niya na natutulog lang sa may bungad na kwarto.

Napabuntong-hininga siya. "Pasensiya na. Pagod lang siguro ito. Huwag ka na lang makulit okay?" paalala niya rito pagkatapos humingi ng dispensa.

"Okay lang yun. Maaksiyon naman kasi ang ginawa natin kanina?" sabi ni Allan na nagtaas-baba pa ang kilay. Sa pakiwari pa niya ay may ibig itong ipahiwatig sa sinabi nito. Parang naging mapanghibo ang dating ng boses nito.

Ikiniling niya ang ulo. Hindi pwedeng pasukan ng kung anu-ano ang utak niya ngayon. Nakakahiya rito. Mukha nga itong hindi apektado sa mga ginagawa nitong "biro" sa kanya, so bakit siya magpapakaloko sa kaiisip kung bakit nito ginagawa iyon. Nabibigyan niya lang siguro ng maling interpretasyon dahil sa unang pagkakataon ay may lalaking nanggugulo ng sistema niya.

"Marahil nga." sang-ayon niya sa sinabi nito.

"Pumasok na tayo Allan." paanyaya niya kapagkuwan.

"Sige. Gutom na rin ako eh. Este, antok na rin pala." anito saka pasimpleng tumawa at ngumiti. A boyish grin that affected his whole sytem like chaos. Naiiling na tinawanan niya ang simpleng pahaging nito ng pagkagutom.

Kumatok siya at tinawag ang kaniyang ina. Mga retiradong pulis ang mga ito. Ang kanyang ama ay naging hepe ng distrito nila habang ang kanyang ina ay isang kabo sa Maynila. Nagkahulihan ang loob ng mga ito ng minsang mag-krus ang landas para sa iisang misyon. Dalawa sila na naging supling nito. Ang bunso niyang kapatid ay nasa probinsiya at nag-aaral ng Edukasyon. Kilala rin ng mga ito si Allan bilang partner niya.

Bumukas ang pinto at bumungad ang kanyang ina na si Helen. "Mano po inay." pagbibigay galang niya.

"Kaawaan ka ng Diyos." sabi nito saka tumingin kay Allan.

"Ginabi ka yata ng uwi Rovi, Allan?" tanong ng kanyang ina na nagpalipat-lipat ang mata sa kanila.

"Ah, may inasikaso po kasi kaming operation kanina. Pasensiya na po kung naistorbo po namin kayo." si Allan ang sumagot sa tanong ng kanyang ina.

"Ah ganun ba? O siya, tumuloy na kayo sa loob. Kumain na ba kayo?"

"Hindi pa po Inay, katunayan gutom na yung isang tao diyan at nagpaparinig na kanina ng pagkagutom." pang-aasar niya kay Allan.

Namula agad ang mokong at natatawang gumanti ng banat.

"Nagutom po kasi ako Inay sa pag-asikaso ng iyakin niyong anak ng makita yung biktima kanina." nakangisi nitong baling sa kanya.

"Siyanga? Umiyak ka kanina?" naaaliw na sabi ng kanyang ina.

"Hindi po Nay. Nagsuka ako kasi nandiri ako. Hindi ako umiyak." defensive na sagot niya.

"Eh ang sabi nitong partner mo eh nag-iiiyak ka raw." nasa himig ng kanyang ina ang panunukso. Mapagbiro rin kasi ito. At ang mga ganoong usapan pagkatapos ng operations ay normal na para mawala ang trauma na maaaring sinapit ng isang pulis.

"Naniwala naman kayo sa ugok na iyan." natatawang sabi niya.

"Hoy partner, kung alam mo lang yung hirap na dinanas ko habang nagkakandagulapay ka sa pagsuka!" exaggerated na bigkas nito.

"Ungas!"

"Rovi!" reprimanding na wika ng nanay niya. Ayaw nito na makarinig ng kahit na anong uri ng mura.

"Sorry po Nay." nakayukong sabi niya. Tiningnan niya ng pailalim si Allan na nagpipigil ng tawa.

"Maupo na kayo at maghahain lang ako." sabi ng kanyang ina sabay tungo sa kusina.

"Sige po Nay."

Naiwan silang nakatayo sa may sala. Nilingon niya ang pahamak na si Allan kung bakit siya nasaway ng kanyang ina.

"Sorry po Nay." he echoed his lines earlier in a very tiny voice. Mimicking the sound of an eight-year old girl.

"Ah ganoon? Eh kung sa labas ka kaya matulog?" pananakot niya rito.

"Sorry na. Ito naman di na mabiro."

"Ewan. Napagalitan pa ako ni Inay ng dahil sa'yo." naggalit-galitan niyang sabi.

"Ikaw. Para kang timang. Sa labas mo ko patutulugin? Seryoso ka?"

"Oo. Inaasar mo ko eh."

"Asus. Para ka namang misis niyan. Hindi pa nga tayo kasal ina-under mo na ako. Outside the kulambo agad." sabi nito.

Kahit alam niyang biro lang iyon ay may matindi iyong impact sa kanyang pakiramdam. Bakit ba kasi ang lakas mang-asar nito. At ang mga banat, out of this world. Kinikilig tuloy ako ng husto kahit ayaw ko. Pasaway ka Allan!

"Ulol." sabi niya sa mahinang tinig. "Magbihis ka nga muna. Para sakto naka-hain na si Inay pagkatapos natin magbihis." pagpapatuloy niya.

"Sige na nga. Ang sungit mo talaga partner." anitong nakatawa.

"Larga na. Ang daming daldal."

"Yes Sir!" natatawang sabi ni Allan saka pumasok sa kwarto niya. Ilang beses na itong nakapunta roon kaya alam na nito ang pasikot-sikot sa loob ng bahay nila. Para ngang nakakita ng isa pang anak ang tatay niya sa katauhan nito. Pangarap kasi ng kanayang ama na magkaroon ng maraming anak ngunit hindi na pinalad na makabuo ulit ito at ang kanyang ina.

Napa-upo siya sa kahoy na sofa. Magmumuni sana siya kung hindi lang bumukas ang pintuan ng silid ng kanyang mga magulang at lumabas ang ama. Mabilis siyang tumayo at sumaludo rito saka nagmano.

"Kamusta po kayo Itay?"

"Mabuti naman anak. Kauuwi mo lang ba?"

"Opo. Kasama ko si Allan, di raw po muna matutulog at masikip sa bahay nila." pagpapaalam na rin niya.

"Aba ay ayos lang sa akin. Nasaan ba ang kunehong iyon?" naaaliw na sabi nito. Parang sakto sa timing na lumabas si Allan ng silid niya na naka-suot na ng shorts at sando na pag-aari niya. Ang preskong tingnan ng hinayupak at lalong tumingkad ang kagwapuhan at lumitaw ang kakisigan.

Kung gaano kasarap itong tingnan kapag naka-umiporme ay mas masarap itong tingnan ng naka-sando at short lang. Dati pa niya nakikita itong nakasuot ng ganoon kapag natutulog. Hindi nga lang siya sanay pa hanggang sa ngayon. Sinaway niya ang sarili. Muntik na siyang maglaway rito sa harap pa ng tatay niya. Baka kunin nitong bigla ang baril niya sa beywang kung ginawa niya iyon.

"Uy Tay." bati ni Allan sa ama niya.

"Allan-boy! Kamusta ka na? Mukhang kumikisig ka bata?" bati rito ng ama.

"Hiyang lang sa ehersisyo Tay." nahihiyang sabi nito sabay kamot sa batok.

Nakaka-aliw itong tingnan kapag umaaktong nahihiya. Parang hindi bagay rito. Naalala niya ang pagtawag nito sa mga magulang niya. Tay at Nay rin. Hindi tuloy niya maiwasang isipin na para silang mag-asawa sa ganoong sitwasyon. Nakiki-tatay at nanay rin kasi ito sa kanyang mga magulang.

Asa ka!

Naiiling na nagpaalam siya sa ama at tinungo ang kwarto. nagtaas lang ito ng kamay at naging busy na sa pakikipag-usap sa partner niya. Ang silid niya ay nasa bandang dulo ng pasilyo ng kanilang bungalow-style na bahay. Isinusuot na niya ang kanyang t-shirt na pantulog na makarinig ng malakas na paghinto ng sasakyan sa labas ng kanilang bahay at ang pagsigaw ng kung sino sa pangalan ng ama.

Hindi naglipat ng sandali at umulan agad ng bala sa buong kabahayan nila at niratrat ang bawat bahagi noon. Mabilis siyang dumapa at kinuha ang baril bago padapang ginapang ang sala. Nakita niyang nakadapa rin ang kayang kasamahan na si Allan habang ang kanyang ina ay ganoon din na nasa may pintuan ng kusina.

"Allan!" sigaw niya.

Lumingon ito. May pag-aalala sa mata. Ayos lang ako partner. Huwag ka munang gumalaw. Mukhang marami silang bala!" babala nito sa kanya.

Lumipas ang isang minuto marahil ng pagpapaulan ng bala sa kanila at tumigil iyon. Narinig niya ang pag-arangkada ng sasakyan na ginamit ng mga ito habang tumatakbo siya papunta sa labas hawak ang baril.

Hindi pa nakakalayo ang mga ito masyado ng makalabas siya kaya nagpaputok siya. Ngunit sa kamalasan, wala siyang natamaan. Nanghihinang mapapaupo sana siya sa kalsada na sinisimulan ng dagsain ng mga tao ng maalala ang mga naiwan sa loob ng bahay.

Dali-dali siyang pumasok at nakita niya ang kanyang ina na nakatayo at hindik na nakatitig sa kanyang ama na nakalugmok sa tabi ni Allan na nakadapa naman. Nilapitan niya ang ina at tinanong.

"Inay, okay ka lang ba?"

"Ha? O-oo! A-ang tatay mo! Ang tatay mo Rovi!" hysterical na sabi nito.

"Shit!" Ini-upo niya ito sa upuan at dali-aling dinaluhan ang ama. Kalat na ang dugo sa sahig. May tama ito sa tiyan at sa tagiliran. Inangat niya ang pulsuhan nito at sa kanyang panggigilalas ay wala siyang makapa.

"Itay? Itay!" aniyang tumatangis. Unti-unting nababasa ng luha ang pisngi.

"R-rovi." tinig iyon ni Allan.

"Partner!" baling niya rito.

"A-yos ka lang b-ba? tanong nito sa kanya.

Nagimbal siya ng makita ang hitsura ni Allan ng itinihaya niya ang katawan nito. Ang puting-puti na sando niya ay pulang-pula na dahil sa dugo.

Umaagos pa ang dugo sa labi nito na hindi niya agad nakit dahil nakadapa ito kanina.

"Ayos lang ako partner. Huwag ka na munang magsalita. Parating na ang mga ambulansiya." naiiyak na sabi niya.

"N-nakatawag k-ka n-na ba?" tanong nito na sinamahan ng matamlay na ngiti. Showing his perfect teeth now drenched in blood.

"Shit! Oo nga!" inabot niya ang cordless sa lamesita at nag-dial. Ng makahingi ng tulong ay saka niya iyon ibinaba.

"B-bawal magmura P-partner! Ma-maga-galit si I-inay." pagbibiro pa nito.

"Ang kulit mo! Manahimik ka na muna diyan. Tutuluyan kita, makita mo."

"S-sira... Ma-matutulu--yan na a-ako." sabi nito saka tumawa dahilan para maubo sa pagkasinghot ng sariling dugo.

"Umayos ka Allan. Sasapakin kita." naiiyak na talaga siya.

"A-ang su-sungit mo t-talaga R-rovi. Ka-kaya naman gus-gusto kita eh."

Natigilan siya sa sinabi nito.

"Ano bang kalokohan iyan Allan?" Naguguluhang tanong niya.

"I-ikaw ta-talaga... ang ma-manhid manhi--d mo..."

"Huwag ka na ngang magbiro ng ganyan. Delikado ka na, ganyan pa ang pinagsasasabi mo." bagama't natutuwa ay hindi niya iyon mailubos ng dahil sa kalagayan nito.

"P-partner... Ma-mamat-ay na lang ako. A-ayaw mo pa-pa akong pani-wala-an. G-gusto Ki-kita!" nahihirapan ng sabi nito. Panay na rin ang suka nito ng dugo.

"Mamaya mo na ako biruin. Kapag nagamot ka na. Saka na ha?" naiiyak pa ring sabi niya. Natatakot na siya sa kalagayan nito. Hindi pwedeng mawala ito ng ganoon na lang. Hinwakan niya ang isang kamay nito.

Hinaplos nito ang kamay niya na nakahawak sa kamay nito."H-huwag ka ng ma-mag-e-effort... Pa-patawirin na ako. G-gusto ko l-lang na m-malaman mong gusto kita. H-hindi ko alam kung p-paanong nangyari. B-basta a-ang alam ko. Gustong-gusto kita."
Diretso ang huling salita nito. Lalo siyang napahagulgol sa narinig.

"Gustong-gusto rin kita Partner. Sa totoo lang mahal na nga yata kita." naiiyak niyang turan.

"Sa-salamat at narinig ko iyan. Ba-babauin ko i-iyan sa pag-alis ko." sabi nitong lumuluha na rin. Humalo na ang luha nito sa dugo. Siya naman, kanina pa walang patid ang pag-iyak.

Narinig niya ang sirena ng ambulansiya. Nabuhayan siya ng loob.

"Partner, andyan na ang ambulansiya. Matutulungan ka na. Huwag kang sumunod agad kay Itay. Kukutusan kita!" pinilit niyang magbiro.

"H-hindi ko na ka-kaya Partner."

"Kaya mo. Ang daldal mo pa nga kanina eh. Basta. Kayanin mo." lunod sa luhang sambit niya.

Tumawa ito ng mahina. "Mapilit ka t-talaga Rovi. A-alagaan mo ang s-sarili mo." at lumaylay ang ulo nito sa bisig niya.

"Allan! Allan! Huwag kang magbibiro ng ganyan! Allan!" niyugyog niya ang katawan nito. Dinama niya ang pulso nito na mahinang-mahina na.

"Tulungan niyo kami!" sigaw niya sa kawalan. Nakita niya ang ina na nakatulala. Basang-basa ang mukha ng luha.

Bumukas ang pinto at iniluwa ang mga paramedics at mga pulis na kasamahan. Mabilis na dinaluhan ng mga ito ang ama at si Allan.

"Sir, amin na po ang biktima." sabi nito sa kanya.

"Tulungan niyo siya. Please! Nagmamaka-awa ako!" nagsisisigaw na sabi niya.

"Opo sir." saka nito pinagtulungang malapatan ng lunas si Allan at mabilis pero maingat na mailagay sa stretcher. Ganoon din ang kanyang ama.

Dinaluhan niya ang ina at niyakap. Inilabas sila ng ilang pulis at dinala sa isang sasakyan para maupo saglit. Sasama sana siya sa ospital na pagdadalhan kay Allan kung hindi lang dahil sa ina na wala na yata sa sariling katinuan. Nanalanging na lang siya para sa kaligtasan nito.

Isang malakas na tapik sa balikat ang nagpabalik sa diwa ni Rovi.

"Bakit umiiyak ka?" si Rick.

"Ha?" kinapa niya ang pisngi saka mabilisan iyong pinunasan.

"Bakit ka umiiyak?" nagtatakang tanong nito.

"Wala ito. May naalala lang." umiiwas ang mata na sabi niya.

"Si Allan?"

Natigilan siya. Ang pamilyar na kirot sa pagka-alala ng pangalang iyon ay nanumbalik.

"Saka ka na magpaka-nostalgic. Ayon kay Perse, ready na ang warrant. Pwede na nating sugurin ang club ni Park Gyul Ho. Pwede na ring hulihin si Kring kasi positive na siya ang itinuturo nila Bobby at nung driver na pinatulog ni Cody. Naipadala na ang mga video statement sa pulisya." pigil nito sa pagbalik uli ng mapapait na ala-ala.

"Ha? Ang bilis naman?" takang tanong niya.

"Dati na tayong ganito kumilos pare-koy! Huwag kang ungas!" naiiritang sabi nito.

"Paano nakakuha ng warrant? Eh di ba dapat pag-aralan pa iyon ng mabuti ng fiscal kung may probabale cause nga according sa mga ebidensiya bago mag-file na kaso? Parang ang bilis yata?" aniyang nagtataka talaga.

"Rovi. Naka-drugs ka ba? TFE tayo pare. Walang imposible sa bilis ng galamay natin. Kilos na. Lalakad tayo mamaya." sabi nito sa kanya.

"Sige." napapahiyang sabi niya. Dahil lang sa saglit na pagka-alala ng nakaraan niya eh nawala na rin siya sa hulog. Importante pa naman ang kasong iyon. Naisip niya, mas mabilis na matatapos iyon, mas mabilis na makakalayo siya kay Bobby. With that in mind, napabilis ang lakad niya patungo sa safehouse.

Itutuloy...

Saturday, September 25, 2010

THE MARTYR, THE STUPID AND THE FLIRT 3

Happy Birthday to my friend Arjhay Chica. Natutuwa ako sa reception ninyo sa seryeng ito. Nakakaengganyo tuloy na magsulat pa ako. As for those who inquired if its a true story, Yes. For the Nth time I will say it. YES.

This is the love story of my two dear friends. Ang lugar at ang ilang mga tauhan ay sinadya kong palitan. I was with them, almost all of the time. Paalala lang, I'm writing this story from a writer's perspective. No need to explain. Alam na ninyo ang ibig sabihin nun. :)

Bati mode:

Sa lahat lang ng tumututok dito, keep on reading this guys. I promise, mas marami pang kilig moments sila "Orly at Monty" at "Monty and Ronnie". Kaya nga ngayon pa lang, papahulain ko na kayo kung sino sa tingin mo ang nakatuluyan ng friend ko. For sure, may mga bet na kayo. Sa paglipas ng mga kabanata nito. Malalaman na ninyo ang kasagutan sa munting katanungan ko.

To Zach. Salamat

To the lord above. Maraming maraming salamat.

To Echo. I'm just a "girl" who is in love with the most amazing, cutest, funniest, nicest, and completely perfect guy in the world. :))


CHAPTER 3 (Ang Mahabang Buhok ni Monty)
Hindi mapakali si Monty ng dumating ang vacant nila. Sakto iyon sa oras ng lunch break. Kanina pa niya iniisip kung ano ang mangyayari o maaaring mangyari kapag nagkita sila sa canteen ni Ronnie. For sure, wala lang magawa yun kaya napagkatuwaan siya. Sa loob ng ilang oras ay halos kilala na niya ito. Thanks to Almighty Jordan.

Ang mga nakalap nitong impormasyon ay mabilis na naibahagi nito sa kanya. Ganun katindi ang lawak ng koneksiyon nito sa campus. Nang tanungin niya ito kung paano nito nagawa iyon, isang simpleng ngiti lang at kibit ng balikat ang ginawa nito. Napapantastikuhan man sa ginawa ng kaibigan ay nagpapasalamat pa rin siya.

Natapos ang mahabang bell na naging hudyat kanina para sa patatapos ng kanilang klase. Nakita niya na tumayo si Jordan sa kinauupuan nito na may kalayuan sa kanya.

"Halika na Claudia." yaya nito sa kanya.

"Claudia ka diyan! Luka-luka!" natatawa niyang sabi. Umagay pa siya sa paglalakad nito.

"O sige, ikaw na lang si Katrina." nakangising sabi nito.

"Halili?" tanong niya.

"Ambisyosa!" sagot ni Jordan.

"Inggitera!"

"Ilusyunada!"

"Eklatera!"

"Kemedora!"

"Tutchangera!" sabay tawa niya dahil hindi agad nakasagot ang kaibigan. Namula agad ito sa narinig.

Lumingon ito sa paligid. Pulang-pula ang mukha. "Walanghiya ka talaga! Buti na lang walang may knowing-galore sa hanashi mez! Wit ganun friend. Below the belt yun." arte nito sabay bulanghit ng tawa.

"Eh bakit? Totoo naman na tutchangera ka ng mga survivor philippines sa atin. Mind you, alam ko ang tsismis ng mga serbisyong totoo sa paligid tungkol sa'yo." his lips etched a devious smile.

"Hoy! Anong chismis yan? Anekwaboom?" curious na tanong nito. Tinatalunton na nila ang hagdanan pababa.

"Bet mo daw mang-tutchang ng mang-tutchang. Eh iyong isa raw na survivor philippines na wititit nagpa-keme sayotik, ang nag-information dissemination sa pandaigdigang merkado."

"Sobra!!! Witititchina-bambambini cologne summer fresh sa pagka-truli bells yan teh. Trudis na yung tutchang, pero wiz si wata nag-Pilita Corrales sa nyoyaw ng tutchang." naiinis na sabi nito sa kanya.

"Nakakadiri ka bakla!" exaggerated pa siyang sumimangot.

"Well my friend, you don't exactly smell like a rose. Hawaan mo nga ako ng linis mo ng magkasing-linis na ang mga pagkatao natin." nakangusong sabi nito.

"Alam mo Jordan, hindi ako nagmamalinis. Makinis pwede pa." sabi ni Monty na dinugtungan pa ng malakas na tawa.

Nagkakatuwaan pa rin silang magkaibigan ng makarating sila sa canteen. Dahil lunch time, jam-packed ang mga estudyante. May mga maiingay. May mga tahimik na kumakain. May nagsusulat. May nakatambay. At kung anu-ano pang eksena na maaaring makita sa isang canteen ng mga estudyante.

"Friend, mukhang marami na masyadong tao rito, ayoko namang magsigawan tayo habang nag-uusap diba?" sabi niya sa kaibigan na ini-scan ang paligid.

"Hoy!" untag niya rito ng tila hindi nito marinig ang sinabi niya.

"Ha, o bakit? Ano yun?" tila nagulat na sambit nito.

"Sabi ko, masyado ng crowded dito. Lipat na lang tayo sa Wendy's."

"Ha? How about yung lunch date nino ni Ronnie? Huwag mong sabihin na iindiyanin mo yung tao?" naka-kunot noong tanong nito.

"Haller. Malay ko ba kung totoo yun o hindi. Saka isa pa, feeling ko nangloloko lang yun eh. Or baka sabog. Di ba sabi mo na rin, hindi ganoon kaganda ang reputasyon niya?" nagtatakang tanong niya rito.

"OA ka teh. Ang sabi ko rin sa'yo kanina, ayun yun sa tsismis. Saka ano bang masama sa lunch date? Its just a date mare, its not as if you're marrying him or something!" mas OA naman nitong sagot sa kanya.

Hindi naman din nakasagot agad si Monty sa sinabi ng kaibigan. Napag-isip pa nga siya. Bakit nga ba siya nagre-react ng ganun? Di bale kung girl talaga siya. May tinatawag na "women's privilege" at kasama na roon ang pag-iinarte sa mga paanyayang dates.

"Oh, ayun na siya." kinikilig na sabi nito.

"Sino?"

"Si Ronnie." nangingiting sabi nito. Sinundan niya ng direksiyon ang tingin nito. Mula sa kulumpon ng mga estudyante ay parang hinawi ng malakas na alon awtomatikong nagsitabihan ang mga ito. From his swagger moves at hindi maipagkaka-ilang sex appeal na halos magpatigil sa pagkain ng ilang kababaihan, kabaklaan at kapamintahan sa buong sankinabartolomehan. At sa kanya lang ito nakatingin.

Monty felt like they were the only person in the world. Bakit? Sino bang hindi hahaba ang buhok bigla-bigla na pwedeng maging dahilan ng matinding pagkakatrapik sa kabuuan ng edsa sa pagkakatingin na iyon ni Ronnie sa kanya. Nararamdaman niya ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Feeling niya, lalabas na iyon sa ribcage niya anumang oras.

Finally, nakalapit na ito.

"Hey. You ready?" maiksing bati nito. Tinanguan lang nito si Jordan na nakatanga naman dito with obvious admiration in his face.

"Hello din sa'yo Mister." sarcastic niyang tugon sa pagbati nito. He heard him chuckled.

"Halika na, nagugutom na ako eh." preskong sabi nito sabay hawak sa kamay niya. Natigilan na naman siya. Pagkatapos lang ng isang linggo ay heto na naman at may nakahawak na namang lalaki sa kamay niya. As devastatingly handsome as Ronnie. Hindi mapuknat ang pangigilalas at pagkagulat na nadarama niya ng mga oras na iyon.

"Ah friend. Sige kita na lang tayo mamaya." sigaw iyon ni Jordan na nagpanumbalik sa huwisyo niya.

Mabilis na bumitaw siya sa kamay nito. Nangungunot ang noong tiningnan naman siya ni Ronnie.

"Saan mo ko dadalhin?" tanong niya.

"Sa lugar kung saan pwede tayong kumain." tinatamad halos na sabi nito.

"In case you forgot, we're in a place called "canteen". This is where students of SBU eat." Monty said sarcastically.

"C'mon, don't I know that? Estudyante rin ako rito." naiinis na sabi nito.

"Weh, di nga? Akala ko kasi member ka ng sindikato sa hitsura mo." matabil na sabi niya.

Nakita niya ang pagdilim ng mukha ni Ronnie. He suddenly felt guilty. His words actually hit home. Isa sa mga sinabing impormasyon ni Jordan kanya ay muntik ng mapatalsik ito noon sa unibersidad nila for allegedly using weed and actually selling it. Natigil lang ang issue dahil isa sa founder ng eskwelahan ang ama nito. Napakagat siya ng labi sa nasabi.

Oh my God! Me and my big mouth.

He saw him clenched his fist in control anger.

Oh my God! He's gonna make suntok of me na!

Napapikit na lang siya sa kinatatayuan. Hinihintay na dumapo ang kamao nito sa kung saan mang bahagi ng katawan niya. Huwag naman sana sa fez! Hindi kasi siya makakilos sa hindi niya maipaliwanag na dahilan.

Ang hinihintay na pagdapo ng kamao nito ay hindi nangyari. Bagkus, nagsalita ito sa isang napakalamig na paraan.

"I'm only inviting you for lunch Monty. There's no need for your insults." His face blank. As if he was never there. Pero malinaw niyang narinig ang sinabi nito. At nakita rin niya ang bahagyang lungkot na gumuhit sa mga mata nito.

He felt remorse eating his system. Bakit ba kasi naipasok niya pa ang isyung yun. Pero teka? Kung hindi siya guilty sa kasalanang yun, bakit siya nagalit at nainsulto? Ibig sabihin totoo yun? Mga katanungan na pilit na nagrarason sa nagawa niya.

Ronnie turned his back on him. Dahil doon, mabilis niyang tinawid ang espasyo sa pagitan nila at hinawakan ito sa braso.

"R-ronnie. Wait."

"Wait for what Monty?" sabi nito.

"Ah eh. I'm sorry. I didn't mean to say those words." guilty niyang sabi.

"Its okay. Stigma ko na iyan dito. Sanay na ako." Ronnie said then turne his back again.

"Ronnie, wait."

"What?"

"I'd like to make it up to you." sabi niya saka ngumiti ng alanganin.

"How?" his face passive.

"I don't know. But I'm taking back my words earlier. I know its uncalled for." he said.

"Ten dates with me."

"Huh?"

"I said have ten dates with me." sabi nito ulit. In a much louder voice. Natutureteng lumingon siya sa paligid and found a few students with their curious eyes on them. Some even smiled.

"What do you mean?" nagtatanga-tangahan niyang sagot. Siyempre alam niya ang ibig sabihin nun. Hindi lang siya makapaniwala.

Ronnie's eyes met his. Nakakapanlambot ng tuhod ang titig nito. Parang feeling niya ay mawawala siya sa sarili anumang sandali.

"I'm sure na alam mo iyon. Sige na Monty, I'm okay. Kumain na kayo ni Dalisay. I'll keep in touch." iyon lang at mabilis na itong tumalilis sa gitna ng mga estudyante.

"Pero Ronnie." hindi na niya ito naabutan.

"Ano ba yan mare, ano bang nangyari? Bakit mukhang nagtampo si Papa Ronnie?" sabi ni Jordan na nakalapit na pala sa kanya.

"I told him na mukha siyang sindikato or something." nakayukong sabi niya.

"Ha? Eh gaga ka pala ng isang-libo't isang beses eh. Bakla, hindi mo ba alam na ang dami palang nagkakandarapa mapansin lang ni Papa Ronnie? Kahit ganun ang reputasyon niya, kiber na ang mga babae at buong kabadingan dito sa San Bartolome sa mga ganoong bagay. Tapos ikaw, iinsultuhin mo lang yung tao. You really have some nerve my friend!" mahabang sermon nito sa kanya.

"Pwes! Hindi ako ang mga taong iyon. At ikaw, mukha namang atat ka sa kanya, e di ikaw na lang ang makipaglunch-date sa kanya." he said furiously to his friend.

"Hoy. Hindi ako ang kaaway mo. Hindi rin kita inaaway. Sinasabi ko lang kung anong ginawa mo. Kahit saang anggulo, mali ka. At alam mong hindi ako kunsintidor na kaibigan." naiinis na rin na sabi nito sa kanya.

Natigilan siya sa sinabi nito. Muling naghari ang guilt feelings sa kanya. "Pasensiya na friend. Hindi na mauulit." he smiled at him.

"Hay naku. Pasensiya, biskwit yun. Pasalamat ka at friendship talaga tayo. Kung hindi, naranasan mo na ang pakiramdam ng persona-non-grata sa pagtalak mo sa akin kanina." natatawang sabi nito.

They hugged and searched for a table to eat when they heard their stomach grumbled. Nagatatawanan silang naupo sa napiling mesa. Nagpasya si Jordan na siya na ang o-order ng pagkain nila. Nang maka-alis ito ay kinuha niya ang cellphone at nag-check ng messages. Bihira pa alng ang may cellphone ng panahon na iyon. Only the rich and able lang. At kasali siya sa bracket ng "able".

Nang matapos mag-check ay kinuha niya ang notes para sa Sociology nila. Hindi niya pa kasi napapag-aralan ulit iyon at may quiz sila mamaya. Busy with his notes, he felt a hand in his shoulder. Nagulat siya ng mapagtanto kung sino iyon.

It was Orly.

His masculine scent assaulted his nose. Bahagya siyang napapikit para samyuin iyon. Pagdilat niya, isang nakangiti pa ring Orly ang nakabungad sa kanya, with mischief in his eyes.

"O-orly." he stammered.

He bent his head closer to his. Akala niya hahalikan siya nito. Napapikit talaga siya. Then he heard him say, "Sabi ko sa'yo huwag kang masyadong halata na crush mo ko." he said whispering.

He felt all flushed with embarrassment. Kahit wala pang nakarinig sa sinabi nito, feeling niya ay lalamunin na siya ng lupa anumang sandali.

Orly chuckled then claimed the seat next to his. Hindi pa rin siya makapagsalita.

"Hoy! Joke lang yun. Huminga ka naman diyan." biro pa nito sa kanya.

"Heh!" aniya ng makabawi.

"Sorry!" he said while laughing.

"Hindi ka magpaparamdam ng isang linggo tapos kung anu-ano sasabihin mo pagkakita sa akin." nakaingos niyang sabi. Then napakagat-labi. Hindi talaga siya nag-iisip. Baka isipin nitong na-miss niya ito.

Nilingon niya ito ng unti-unti. Then he saw him smiling widely. With a glint of amusement in his beautiful eyes. Naramdaman na naman niya ang hiya kaya nagbawi siya ng tingin.

"Na-miss mo ko no?" sabi nito.

Patay!

"Hindi ah." hindi tumitingin na sabi niya.

"Na-miss mo ko eh." pangungulit nito.

"Hindi nga. Kalimutan mo na yung sinabi ko. Wala lang akong tulog." pagsisinungaling niya.

"Ako kasi na-miss kita." bulong nito sa kanya. His warm breath sent different feelings to his senses. Nalilitong nilingon niya ito na isang pagkakamali. Muntik ng magdaiti ang mga labi nila sa ginawa niya.

Oh my God for the third time around! Ilayo mo po ako sa tukso!

Nanuyo ang labi at lalamunan niya sa posisyon nila. At ang kumag, mukhang aliw na aliw sa discomfort na nakikita sa kanya. Hindi niya alam kung aatras ba siya or mag-i-stay. OR! I-smack niya kaya ito? How would he take it? I-smack down kaya siya nito? Huwag naman sana.

With a lot of things going on in his mind ng mga sandaling iyon. Laking pasalamat niya ng tumili ang isang taong kilalang-kilala niya.

"Ahhh!! Ahhh!!! Monty Labrador na rin ang pangalan ko bukas! Ahh!!! Ah!!!" nakakalokong emote pa nito ahbang dala-dala ang tray nila ng pagkain. Natatawang umayos siya ng pagkaka-upo at sinaway ito na patuloy pa rin sa pagtili.

"Bakla ka! Manahimik ka nga!"

"Sorry naman." nakangising sabi nito na parang balewalang tumungo sa lamesa nila at inismiran ang mga naistorbong kumakain.

"Ang haba ng hair mo girl! Hi Orly." malanding bati naman nito kay sa lalaki.

"Hello Dalisay." hinawakan pa nito ang kamay ng kaibigan niya at hinalikan ang likod ng palad nito.

"Oh my god! I wanna dead na! As in now na!" nag-eemote na sabi nito. Natatawang binalingan niya ito at itinama.

"I wanna die. Baklang to."

"Ikaw na si Webster! Emote lang yun no?" naiinis na sabi nito.

"How are you Orly? tanong niya rito.

"I'm fine. But first, let's give that kiss a try." then he pressed his lips with his. With all the students around them and with Jordan who almost fainted when the kiss happened.

As for him. He almost stopped breathing.


Itutuloy...

Thursday, September 23, 2010

GWAPITO'S BY NIGHT 4

Photobucket



Maraming-marami pong salamat sa mga sumubaybay sa aking Inihaw na Pag-ibig!
Lubos po akong nagpapasalamat sa inyong lahat!
I thank you from the depths of my soul!
Muchas gracias!
Hehehe.
And I so love you all!

Isang nagbabagang CONGRATULATIONS kay unbroken para sa kaniyang “Unbroken” na humataw ng todo-todo!
Isang namang naglalagablab na HAPPY MONTHSARY kay jai-jai at sa kaniyang irog!!!

Special mention kay ENSO. Bagama’t di kita nabati sa INP, binabati kita ngayon! ;) You made me smile!
Kay ALLEN din! Salamat sa pag-quote ng lines mula sa INP! You made my day!

Nawa’y tangkilikin at subaybayan ninyo po itong ang aming collaboration!
Papugay din kay Kuya Zach, at sa mga moderators at naggagalingang mga manunulat ng BOL. CHEERS! ;)

I LOVE YOU BIHON KO!!! Hugs and kisses and ... Hehehe.


Enjoy everyone. This is Gwapito’s By Night 4. (Idol dhenxo, you're NEXT. Apir!)

* * * * * * *

Pabalik na ko sa terrace namin nang mag-ring ang phone ko. Isang text message ang natanggap ko mula sa isang di-kilalang number.

Text Message: "LALO LANG MALALAMAN NG LAHAT KUNG PAGTATAGUAN MO AKO."

Napabuntong-hininga na lang ako ...

PAGLALAHAD NI DYNE ...

“If only you could hear me shout your name.

If only you could feel my heart again.

The stars in the sky will never be the same.

If only you were here.

If only you were here ...” LSS na naman ako. Stars. Callalily.

Haaay ...

Pag-ibig nga naman ... parang isaw lang. Buset.

Nami-miss ko siya.

“Nami-miss kita, Zen ...” pagbulong ko sa hangin.

Nasa kasalukuyan akong pagmumuni-muni nang maramdaman kong may mga nagmamasid sa akin.

Malakas pa naman ang pansalat ... este pandama ko. Hehehe.

Ah. Kayo pala!

Allow me to introduce myself ...

The name’s Dyne. I’m 21 years old. Height’s 5’11” and weight’s 160lbs. Waistline’s 33” and body’s buff, hard, and toned.

Hair’s black. Eyes’re deep black. Fair-skinned. Balbon. Nose and jawlines’re well defined. Lips’re blood-red and damn kissable.

Ahm ... safe to say na ako’y gwapo. At sexy, siyempre. Hahaha.

Occupation: Masahista ng Touch-Me-Not spa. Pero may isa pa akong trabaho ... dati.

Callboy.

Yeah. You heard it right. Naging callboy ako. Lalakeng-bayaran. Lalakeng puta. At walang may alam ng nakaraan kong ‘to—kahit sila Aerel, E.A., Franco, at Jethro—maliban lang kay Goji. Sa kanilang lima, kay Goji ako pinaka-close. Hindi ko alam, kahit magkakapatid ang turingan naming anim ay nagaalangan akong sabihin sa apat ang nakaraan ko. Baka pandirihan nila ako eh. Oo, anim na taon na kaming magkakaibigan. Subalit may mga bagay na sadyang hindi ko masabi nang basta-basta. Hindi dahil wala akong tiwala sa kanila kundi natatakot akong mawala sila kasama ng pinagsamahan namin. Masakit kaya mawalan ng kaibigan. Lalo na kapag nagmahalan kayo. Lalo na ... pag nagmahalan kayo.

Wala rin naman akong balak sabihin kay Goji na naging callboy ako eh. Pero sa kaniya lang kasi ako kampante mag-open tungkol sa parte ng buhay kong ‘to. Bagatma’t safe sex naman ang policy ko, natakot pa rin ako dahil baka nakakuha ako ng viral disease o HIV sa pakikipag-sex sa mga gumamit sa katawan ko noon. At dahil nurse din si Goji eh sa kaniya ko na sinabi ang past ko.

Awa ng Diyos ay HIV negative pa rin ako hanggang ngayon.

Marahil ay nagtataka kayo kung bakit ako pumasok at tumigil sa pagiging callboy.

Kaya ako tinutukso ni E.A. na pinakamisteryoso eh—na siyang sinasangayunan naman nila Jethro, Goji, Franco, at Aerel.

Hindi na bago kay Goji ang dahilan kung bakit ako nag-callboy.

Lumaki kasi ako ng ulila na sa ina at ama. Wala rin akong mga kapatid. Ang mga kamag-anak ko naman eh hindi nagmalasakit sa akin kahit kaunti, kaya natuto akong tumayo sa sariling mga paa.

Nakapagtapos ako sa elementarya at hayskul buhat ng scholarship at awa ng Diyos. Teka, hindi ako relihiyoso ha. Sa katunayan nga eh wala akong relihiyon. Agnostic sabi ng iba. Whatever.

I’m only faithful.

Hindi pa sapat para sa akin ang makapagtapos ng elementarya at hayskul lang. Sinikap kong magkaroon ng trabaho. Pero hindi talaga kaya eh. Siguro kung hindi ko iintindihin ang mga gastusin sa renta, koryente, tubig, at pagkain eh malamang kasya na ang kikitahin ng isang service crew sa fastfood. Pero kulang talaga. Mahirap mabuhay on your own.

Sinubukan kong kumuha ng scholarship sa University of the Philippines Manila. Doon kasi ako nagre-rent. Pinalad naman ako. Pero toxic ang buhay scholar. At ayoko non. Simple lang ang prinsipyo ko: di lahat ng bagay ay kailangang ipasok sa kukote. Masyadong mabangis ang mga tao sa UP. Grade conscious at mga halimaw magaral. Pero ayoko ng ganon. Nagaaral ako para matuto hindi para mag-memorize ng mga impormasyon. Kaya talo talaga ako pagdating sa mga memorization ek ek. Nahirapan akong i-maintain ang scholarship.

Noong isang beses na pauwi ako, may lalakeng nagabot sa akin ng isang maliit na papel. Job offer. Pinuntahan ko agad.

Malapit ang UP Manila sa Malate. Madaming bar don.

Noong nakarating na ako sa “HR” office ng nasabing bar, pinag exam nila ako. Wag niyo nang tanungin.

Ang masasabi ko lang ay pwede na palang sabihin na exam ang paghuhubad.

Natanggap ako bilang macho dancer.

Pinatos ko na. Gusto ko kasing makatapos.

Sayang naman. Ganda pa naman ng course ko eh.

Physical Therapy.

Ayos naman ang kinikita ng macho dancer.

Laki kasi ng mga tips eh. Pero may iba pa palang paraan para kumita nang mas malaki, nang mas mabilis.

And the rest was history.

Callboy for girls. Callboy for boys.

I screwed girls. I screwed boys.

All in the name of education.

Tangina kung sino man ang magsabing nasasarapan din naman ako sa trabaho ko.

Tangina talaga.

Hindi niya lang alam kung ano ang pakiramdam ng pagpuputa.

Once a prosti, always a prosti.

Hindi ko na mabubura yon.

Kaya kung ganon man kasaklap ang tinahak ko, sinigurado kong ginawa ko yon para sa isang matinong bagay.

Nakapagtapos ako. Sa awa ng Diyos.

Pero hindi pa rin ako tumigil sa pagko-callboy. Mailap sa akin ang trabaho.

Di rin porket UP grad ka eh sure win na agad sa work.

Nagpatuloy pa rin ako sa pagpuputa, lingid sa kaalaman ng aking mga kaibigan.

Nagbago ang lahat ng makilala ko si Zen.

At walang nakakaalam sa kanilang lima tungkol dito ...

2 YEARS AGO...

“Magkano pag nilabas ko siya,” tanong ng isang lalake sa manager ko.

“Tatlong libo. Iba pa ang service charge niya,” sagot ng manager ko.

“Magkano service charge mo,” tanong sakin ng lalake.

“Dalawa’t kalahating libo. Tatlong oras,” matipid kong sagot.

“Heto ang sampung libo oh. Keep the change miss,” sabay abot ng nasabing halaga sa aking manager.

* * * * * * *

“Hindi ako nagpapatira.”

“Hindi naman kita nilabas para tirahin eh,” sagot ng lalake. May sayad yata siya. O sadyang mayaman lang para pagaksayahan ng sampung libo ang kagaya ko.

“So anong trip mo?” singhal ko sa kaniya.

“Gusto ko lang magpamasahe,” maamo niyang sagot. Napahiya ako. Siya nga pala ang nagbayad sa akin, siya pa itong sininghalan ko.

Kung tutuusin, petiks lang ang pinagagawa niya. Marunong ako magmasahe. Physical therapist ako eh.

“Ah yun lang ba. Bakit hindi ka sa massage parlor nagpunta? Alam mo namang callboy ako at hindi masahista.”

“Kasi gusto sana kitang makasama, kahit sandali lang.”

Nabingi ako sa narinig ko. Ewan. May dinulot na kung anong kiliti sa pandinig and pakiramdam ko ang sinabi niya.

“O ... okay.” Akmang huhubarin ko na ang mga damit ko nang magsalita siya.

“Hindi mo na kailangang gawin yan.”

Sa halip, siya ang naghubad.

“I hope you don’t mind kung boxers na lang ang itira ko.”

“I don’t mind. I’ve been seeing dicks and pussies for the past years anyway, so no big deal.” Bakit ba ang weird ng mga pinagsasagot ko?

Ngumiti lang siya, at humiga na sa kama.

“Be gentle ha. Ayoko ng madiin,” paalala niya sa akin.

At minasahe ko na siya.

Hinagod ang ulo niya para sa isang Indian head massage.

Tahimik lang kami ... walang imikan.

Alam kong gising siya, pero pinili na lang niya sigurong ipikit ang mga mata at damhin ang masahe ko.

Dry Thai massage naman ang ginawa ko sa kanyang katawan.

Nang matapos ako sa kaniyang likuran ay pinatihaya ko na siya.

“I’m sorry,” sabi niya, mapupungay ang mga mata.

“For what?” pagtataka ko.

“I’m kinda stiff.”

“Stressed ka lang siguro sir.”

Ngumiti siya at tumihaya. Na-gets ko na ang pinagtatanto niya.

“Sorry,” wika niya ulit.

“I don’t mind.”

Alam ko namang natural lang yon eh. Ang hindi natural ay ang reaksiyon ko sa nakita ko. Bakit ako nakaramdam ng ganon?

Ipinagpatuloy ko ang pagmamasahe sa kanya.

Nang nasa dakong hita na niya ako eh hinawakan niya ang kamay ko.

Alam ko na ang gusto niyang mangyari.

“Look, you don’t have to do this. It’s enough. I’m okay.”

Nagkamali ako. Langya ka Dyne. Pagisipan daw ba ng masama yung tao. Salbahe ka.

Inayos niya ang sarili. Tumayo na siya para magbihis.

Dumukot siya sa wallet ng pera. Iniabot niya sa akin yon.

“Thanks. You could rest if you want. Twenty-four hours naman ang rate na kinuha ko dito sa hotel. I have to go,” wika niya.

Papalabas na siya sa pintuan nang hindi ko mapigilang hindi magsalita.

“Sir.”

“Ano yon?”

“Salamat po.”

Isang matamis na ngiti ang itinugon niya sa akin.

Umalis na siya.

Ako naman ay naiwan, nagtataka, naguguluhan.

Sampung libo para sa wala pang isang oras na masahe?

Iwanan ba naman ng isang customer na tila ako ang ginawang customer.

Ilabas ba naman sa putahan at hindi man lang pinagsamantalahan.

Unang beses na nakakita ako ng taong nagparamdam sa akin ng respeto.

At tila unang beses din na nakakita ako ng taong tila napusuan ko agad.

Hindi ko alam. Hindi ko maintindihan.

Unang beses ko rin palang nagpasalamat sa isang taong umarkila sa akin.

* * * * * * *

Sa naipon ko at sa ibinigay ng taong yon ay naglakas-loob na akong magtrabaho.

Hindi na ako muling nag-callboy simula noong isang mahiwagang gabi sa buhay ko.

Pinagpala ako ng Diyos na makahanap ng trabaho sa isang massage parlor.

Ang Touch-Me-Not spa.

Madali akong natanggap dahil swak na swak ang qualifications ko.

Naka-bonus pa sila sa looks ko hehehe.

Isang gabi tinawag ako ni Ms. Rachelle, ang manager ng TMN.

“Dyne, may special call ka. Pinapatawag ka ng may-ari.”

“Po? Bakit naman ma’am. Sabihin niyong hindi ako matatanggal sa trabaho ha?” pagaalala ko.

“Ano ka ba. Hindi noh. Hala, sige at puntahan mo na si sir! Hahaha,” aliw na aliw na sagot sakin ni Ms. Rachelle.

“Kaya mo yan Dyne. Hinga ng malalim ... haaay.”

Narating ko na ang special room na tinatawag sa TMN. Reserved ito para lamang sa may-ari.

Malawak ito at napakaganda kahit na mga ilaw lamang ng kandila ang nagsisilbing ilaw.

Bilugan ang kuwarto, at may malaking-malaking kama sa gitna.

Napakabango ng aromatic oil. Hindi ko mawari pero siguradong may halo itong menthol.

Mabango sa pang-amoy, malamig sa baga.

Nakaka-relax talaga.

Mayroon ding classical na musikang umaalingawngaw.

Pakiramdam ko eh makakatulog na ako.

Natigil ako sa tuluyang pag-relax nang maalala kong ipinatawag nga pala ako ng may-ari ng TMN.

Nasa kama siya.

Nakadapa, at tanging tuwalya na lamang ang nakatakip mula baywang hanggang lagpas ng puwitan niya.

“Please lock the door,” maamo nitong pakiusap.

Nililinlang lang siguro ako ng pandinig ko. Marahil eh pati mga tainga ko eh pinasukan ng aromatic oil.

Hindi ko alam kung bakit parang nag-dry ang aking lalamunan.

“Come here.”

Napalunok ako.

Nilapitan ko siya, ang may-ari.

Tila mata ko rin yata ay nabuhusan ng langis na pang masahe.

“Nililinlang niyo lang ako,” sabi ko sa sarili ko, tila kinakausap ang mga sense organs. Adik. Hahaha.

“Istorbohin lang kita sa trabaho mo ha. Pakimasahe naman ako. Masakit kasi talaga ang katawan ko eh.”

Sa pagdampi ng mga kamay ko sa likod ng taong ‘to eh nakaramdam akong muli ng kakaibang pakiramdam. Mainit na parang hinahalukay ang tiyan. Ewan. Dragonflies and butterflies in my stomach, again.

Minasahe ko siya. Thai massage with oil. My specialty.

Habang minamasahe ko siya ay bumalik ang mga ala-ala ng huling gabi ko bilang callboy.

“Hindi naman kita nilabas para tirahin eh.”

“Gusto ko lang magpamasahe.”

“Kasi gusto sana kitang makasama, kahit sandali lang.”

“Hindi mo na kailangang gawin yan.”

“I hope you don’t mind kung boxers na lang ang itira ko.”

“Be gentle ha. Ayoko ng madiin.”

“I’m sorry.”

“I’m kinda stiff.”

“Sorry.”

“Look, you don’t have to do this. It’s enough. I’m okay.”

“Thanks. You could rest if you want. Twenty-four hours naman ang rate na kinuha ko dito sa hotel. I have to go,” wika niya.

“Ano yon?”

Matamis na ngiti.

“Anything wrong?”

Hindi ko napansin na huminto pala ako sa pagmasahe kay sir.

“N ... none sir. You just ... you just remind me of someone.” Potek uutal-utal pa ako. Nakakahiya.

“You know ... the way you massage me ...”

Ambilis nang kabog ng dibdib ko.

Ay bakit ka ba nagkakaganyan Dyne!

“You remind me of a callboy I once met. Until now ... I still think of him. I think I left my heart with him.”

Nagitla ako. Natameme. Sapul. Heart pa talaga ha? Tadhana, ikaw ba yan?

“Sorry. I hope you didn’t mind my mumbling.”

Hindi pa rin ako nakasagot.

The next thing I knew eh hinawakan niya ang kamay ko.

And I could still remember how he first touched my hand.

Dahan-dahan siyang tumihaya, revealing the man who caught my heart and the man who’s the apple of my eyes.

“Well ... hi.”

“Ahm ... hi.”

Speechless.

That night was the night when the Earth stood still.

Ngayon ko lang napansin ang kaniyang mukha.

If people say na I’m damn fuckin sizzling sexy and smexy, what more can I say sa taong nasa harapan ko ngayon?

His brown eyes, clean-cut hair, chinito eyes and gorgeously young but masculine appeal hit me like a 30-wheeler truck.

“I’m Zen.”

“I’m ... I’m Dyne.”

Para kaming dalawang magnet.

Ako ang North pole. Siya naman ang South.

Nananabik magdikit.

Palapit nang palapit ...

At naglapat ang aming mga labi.

Nagaalab.

We were like two stars colliding.

Two hot bodies burning.

All in the name of love.

Buti na lang naka-lock ang pinto.

Pasaway na may-ari.

Unang-una pa man din sa rules and regulations ng TMN ang “NO SEXUAL FAVORS SHOULD TRANSPIRE WITHIN THE PREMISES AT ALL COSTS.”

But love is one hell of a payment. All rules are broken because love remained, remains, and will remain, “unbroken,” ika nga.

At sabi pa nga ng mga matatanda, “One moment of love ... even eternal damnation.”

“Dyne.”

“Yeah?”

“I love you.”

“I love you too, Zen.”

Heaven.

And stars. Lots of them. But he’s the only star I’ll see even when I turn blind.

PRESENT TIME...

Haaay.

See how I miss Zen?

Kaya kayo, pag nagmahal kayo ... all out dapat.

You’ll never know how long you can spend time with your loved ones.

I miss him. I miss him so much, that it hurts.

“Weh ... kausapin daw ba yung mga stars. Wahehe.” Si Goji pala.

(Pano, gotta go with my friends ha. Keep what you know about me a secret, okay? Oh, and Goji’s right. All of you. You’re the stars! Hindi kompleto araw namin pag wala kayo na mga tagasubaybay. Hehe.)

“Haha. Wala. May nami-miss lang ako.”

“Nakanang. Hala sige at umakyat na tayo. Nami-miss ka rin namin. Emotero.”

“Emotero pala ha. Kiss ko?”

“Eto oh ... mmm ...”

“Wag na baka magselos pa stalker mo. Hahaha!”

* * * * * * *

“Saang lupalop ka ba napadpad ha, Dyne?” tanong ni Franco.

“Napadpad? Napadpad lang naman po ako ... sa puso niyo. Hahaha!”

“Banatero ka talaga,” gatong ni Jethro.

“Oy Sideline King, alam ko namang mas magaling kang bumanat kaysa sa akin eh. Hehehe.”

“Di nga, san ka ba napadpad?” tanong ni Aerel.

“We’ve been having a good time and you’re missing a lot,” pangongonsensiya ni E.A..

“Huh? Tell me, ano na ba usapan niyo?”

“Guess what,” tuloy ni E.A..

“What?” Pagtataka ko pa rin.

“Si Aerel, nakaano ...” mahinang sabi ni Jethro.

“Nakaano?” Potek ayoko pa naman sa lahat ay ang binibitin.

“Nakaano ...” nagaalangang tuloy ni Franco.

“Nakaano nga kasi?! Naknampating naman oh!” Iratado ko nang tanong.

May binulong sa akin si Goji.

“Oh. My. God. AEREL?!”

(Itutuloy ...)