"Young Master."
"Young Master." iyon ang paulit-ulit na bulong na kanina ko pa iniiwasang lingunin. Nag-eenjoy kasi ako sa tanawin na nakikita ko sa labas ng bus. Kung may makakakita nga sa akin ay siguradong matatawa sa mga pagkakataong manglalaki ang mga mata ko sa pagkamangha sa iba't-ibang bagay na natatanaw niya sa kanilang dinaraanan.
"Young Master. Saan po ba sa Baguio ang balak ninyong tuluyan? I can make some arrangements with the best hotels na mayroon doon. Please decide where you wanted to stay para maisa-ayos ko na."
Napabuntong-hininga ako sa kulit na iyon ng aking kasamang si Elton. Siya ang aking personal assistant/driver/bodyguard. Matanda lang ito sa akin ng limang taon pero ang laki nitong tao. Sa tangkad kong five eleven ay nakatingala pa ako kapag kakausapin ko ang kumag na ito.
Nilingon ko ito at ang lahat ng tao sa paligid ng bus na iyon bago nagsalita ng makatiyak na walang makaririnig ng sasabihin ko sa makulit kong assistant.
"Alam mo Elton, sa lahat ng naglayas, ako ang nagbitbit ng excess baggage. So please, give me this new found liberty of travelling, not exactly on my own, on a bus, without your usual whining." I said hissing.
Ayokong may makarinig ng mga sinabi ko kasi baka, well, dalawa lang iyan-- May mga intrigerong magtataas ng kilay sa maririnig nila, or, iisipin nilang nababaliw na kami dahil para kaming mayaman umasta samantalang nakasakay kami sa isang pampublikong aircon bus.-- lalo na at naka-suot kami ng mga bagay na ang mga taong nagdi-disguise lang ang nagsusuot.
Ako nga pala si ELJO ACHILLES,-- E.A. na lang for short-- 18 years old. Anak ng isang Duke sa Inglatera at ng dating Beauty Queen na si Mayumi Diaz. Dual-citizen ako sa parehas na bansa ng aking mga magulang.
Kitang-kita sa complexion ko ang namana kong features ng aking gwapong ama at ang malalagong pilik-mata at magandang labi ng aking ina. Sa madaling salita, mukha akong foreigner. At isang dahilan iyon para umani ako ng instant admirers sa populasyon ng mga kapwa ko teenager na babae at pati na rin sa mga bakla mula pa noong trese ako ng dalhin ako rito ng Mama.
May mga pagkakataon na nagagamit ko iyon sa aking bentahe, pero siyempre, kung mabenta ako sa ilan. May mga mangilan-ngilan ding hindi natutuwa sa aking presensiya. Suki ko sa rambulan at habulan ang mga bully sa school. Di ko man sadya, ay nagkaroon ng instant paksiyon ang mga gustong sumikat sa eskwalahan na pinasukan ko ang ilan sa mga hindi pansinin. Ang mga di naman natutuwa ay sobra ang galit sa akin kahit di ko naman inaano.
Mabalik tayo, nagsasalita kasi ulit si Elton. Makulit talaga. "Pero Young Master, mamari ngang naglayas tayo, pero siguradong hindi papayag ang mga magulang mo na sa isang mumurahing lugar ka mag-i-stay. Ginagawa ko lang ang trabaho." madamdamin pa nitong sagot sa akin.
"Hay naku! When will you ever listen? Sinabi ko ng ako ang bahalang dumiskarte rito. Nakikinig ka ba, Elton?" naiinis kong sabi sa kanya.
"Opo, Young Master. So saan tayo tutuloy pagdating natin sa Baguio?" tanong pa nito.
"Drop the title, Elton. Nakaka-ilang. Mamaya ay may makarinig pa sa iyo, sabihin pang ambisyoso tayo." naiirita ko ng sabi sa kanya sa mahina pa ring boses.
"Hindi maaari Young Master. Makakagalitan ako." mariing tanggi pa ng tinamaan ng magaling na ubod ng pagkamasunurin kong assistant. Nasa akin ang loyalty nito, napatunayan ko na, pero alam kong takot ito kina Papa at Mama.
"Just for today, please. Kung hini ay hindi na kita kakausapin talaga. Or even worst, tatakasan kita." Banta ko sa kanya pagkatapos ng maiksing paki-usap.
Bumugha pa ito ng hangin tanda ng pagsuko. Itinaas ang shades sa ulo na may suot na makapal na wig saka tumingin sa akin at ngumiti ng masuyo. "Sige na nga. Just for this day, Okay?" saka nito ginulo ang buhok kong mayroon ding wig.
"Hey! Stop it! Don't mess my do!" natatawa kong sabi. Elton has been my constant companion since I was transferred here in the Philippines. Noong una ay reluctant ako sa pakikipag-kaibigan niya at pagsama-sama sa akin pero no choice ako. Sa loob ng limang taong pagbuntot-buntot nito sa akin ay nakuha rin nito ang kiliti ko at ngayon nga ay siya ang aking confidante at kuya.
Nawala ang ngiti ko sa labi ng maalala ko si Kuya. Speaking of Kuya, my half-brother popped out of nowhere inside my mind. Isa itong alagad ng batas. Anak ng aking ama sa dating labandera na nabuntis nito ng bago nagpakasal sa ina. I didn't get to know him well dahil sa ayaw ng aking matapobreng ina. Kamusta na kaya ito?
"Nalungkot ka na naman Achi. Naisip mo na naman si Chadrick?" tanong iyon ni Elton na
nagpalingon sa akin sa kanya. Kilala na talaga ako ng kumag na ito. Alam niya ang down moments ko. "Ik mis mijn broer zo veel, Elton." wika ko sa kinalakihang salita sa mahinang tinig.
"Zijn goed om hem missen. Zijn uw enige broer, Achi." sagot niya sa sinabi kong pagka-miss sa aking nag-iisang Kuya. Okay lang daw na ma-miss ko ito dahil ito lang ang kapatid ko. Nag-aral din kasi ito ng lengguwahe niya bago ibinigay sa kanya bilang personal assistant. Her mother was not a hands-on mom. She would always tell me that my father was raise that way so I might as well experience the same luxury as the son of a Duke. Our house was also run by a butler. My mother believed that butlers should run the house and not the wives.
Lingid sa kaalaman ng aking mga magulang ay nagkaka-usap kami ng aking Kuya Chadrick. Minsan ay dinadalaw ako nito ng palihim sa eskwelahan. Minsan ay sa Hacienda namin na napakalawak para libutin ng isang araw ay nagtatagpo kami sa hidden waterfalls na parte ng aming lupain. Doon ay magbababad kami sa falls habang nagku-kwentuhan.
"Uy, sabi na nga ba foreigner yang mga iyan eh. Balikbayan siguro?" namamanghang tanong iyon na narinig ko sa bandang likuran namin. Isinuot ko ang shades at tiningnan ang nasa likuran namin. Isa iyong magandang dalaga na may kasamang gwapong lalaki.
Disimulado akong ngumiti sa nagsalita at bumati. "Hello din sa iyo." wika ng babae sa akin. Naka-elevate ang upuan ng mga ito dahil nasa pinaka-dulo ang upuan ng mga ito. Bahagya akong nakatingala sa kanila. "I'm Pixel and this is FR. Balikbayan ka ba?" malakas ang boses nitong tanong sa akin. Inabot nito ang kamay sa akin. Ganoon din ang lalaki.
"Ah eh... Hindi naman." nahihiya kong sagot. Hindi dahil sa maganda ito kung hindi dahil nasira ang pagpapakalow-profile na inaasam ko. "Ganoon ba? Narinig ko kasi ang usapan niyo. Sorry ha. I didn't mean to eavesdrop." nangingiti pa nitong sabi sa akin.
"That's okay." tipid kong ngiti at ibinalik na ang atensiyon sa bintana. "Ang ingay mo talagang babae ka. Mukhang nahiya tuloy ang bata sa ginawa mo." narinig kong saway ni FR kay Pixel. "Eh, curious lang naman ako noh! Haller! Nagsalita kasi ng out of this world. Kesa naman tumambling ako dito sa bus eh, magtatanong na lang ako. Like duh!" maarte at mahabang paliwanag ito in defense sa ginawa nitong pagtatanong sa akin kanina.
"Whatever!" sagot ni FR.
Inignora ko na lang ang lahat ng naririnig ko at sinenyasan si Elton na manahimik na lang. Naka-set na ako sa pag-eemote, este! pagmumuni-muni habang nakaharap sa salamin na bintana ng bus ng may lumitaw na ulo mula sa harap na upuan. Bahagya akong nagulat sa biglaang pagsulpot noon. Buti na lang at maganda rin kung hindi baka nasapak ko ng wala sa oras.
"Hello there!" nakangiti nitong bati sa akin. "Ay, saan galing iyan?" tanong iyon ni Pixel mula sa likuran na ng bahagya kong lingunin ay tinatakpan na ni FR ang matabil na bibig ng babae. Ibinalik ko ang tingin sa babaeng nakalitaw ang ulo mula sa kabilang upuan na bumati sa akin. Mukhang dedma lang ito sa pasaring ni Pixel.
"Hi po!" magalang kong bati. "Gosh, you really did know how to speak tagalog." naghihisterya halos na sabi ng babaeng ito sa akin. Ang OA naman nito. Natural, five years na kaya ako dito.
"Cha, Nag-po lang siya. OA ka talagang babae ka. Saka kanina pa natin sila naririnig diba? Kailangan talagang magka-ganyan ka?" tinig iyon ng isang lalaki na ng lumitaw rin mula sa kinauupuan ay nagpatulala sa akin ng bahagya tulad ni FR.
Lingid kasi sa kaalaman ng lahat, kahit ng kuya ko ay mas malakas ang atraksiyon sa akin ng mga gwapong lalaki. Kahit pa may nagkaroon na ako ng string of girlfriends ay suma-sideline ako ng pagtingin sa mga cute na lalaki sa paligid. Pero never pa akong nag-cross sa ganoong relationship. I just don't have the guts to do it.
"Sobra ka naman Migs, di naman ako OA. Exaggerated lang pero di OA." napapahiyang sabi ng babaeng tinawag na Cha nung Migs. "Like duh." muli si Pixel sa likuran na umani ng matalim na tingin mula kay Cha. "Ako nga pala si..." inagaw ko ang sasabihin sana niya. "Cha. Ako naman po si E.A. at ito si Elton." nakangiti kong sabi sabay abot ng kamay dito.
"Oh my goodness, you know my name? How!" nanlalaki ang matang sabi nito sa mataas pang boses. Nahihiyang nagyuko ako ng ulo at nagpigil ng tawa. Narinig ko ang impit na pagtili ni Cha na ng tingnan ko uli ay wala na. Marahil ay tulad ni Pixel ay hinila na rin kasamang si Migs.
"Narinig niyang tinawag kita sa pangalan mo. Nakakahiya ka talaga." natatawang saway nito sa kasama. Narinig ko pa ang impit na pagtatawanan ng ilang pasahero. Nang mapalingon ako sa kaliwa namin ay nakita kong may magkatabing dalawang lalaki na parehong gwapo. Pang-dalawahan lang ang lahat ng upuan doon kaya conducive iyon sa mga partners. At sa tingin ko ay may kakaiba sa dalawang ito. Something akin to romance.
"Aren't you gonna ask if I am a Balikbayan too?" tanong ko sa dalawang ito na parehong may naaaliw na ekspresyon sa mukha bagaman mukhang sinusupil iyon ng lalaking nasa dulo.
"No kiddo. Not a chance." nangingiting sabi ng mas malapit sa amin. "Ah okay. Know what? You're actually familiar to me. Have I met you before?" tanong ko sa kaniya. Hindi naman ako nagsisinungaling pero talagang parang kilala ko ang dalawang ito.
"I'm afraid not kid. Never met you before." nakangiti pa rin nitong sabi sa akin. "My Gawd! Best mukhang naaamoy kong kauri mo itong batang ito." bulong iyon ni Pixel na sana ay hindi na lang ibinulong dahil narinig ko rin naman. Namumula ang mukhang nagyuko ako ng ulo at bahagyang nag-isip.
"Naaamoy kong kauri mo itong batang ito..." What in the world is that? Magka-uri? No way! Muli kong tinapunan ng tingin si FR na sa pagkakataong iyon ay nakatingin din sa dalawang lalaking nag-uusap ng pagkasweet-sweet.
"Parang kilala ko iyang mga iyan." Bulong ni FR kay Pixel.
"Talaga best?"
"Oo. I think nakita ko na sila dati." nangangamot babang sabi ni FR.
"Huh? Baka naman artista ang mga iyan. Wait pa-autograph tayo. Mga sir!" tawag ni Pixel sa dalawang kausap ko kanina.
"Yes Miss." Humarap yung nasa malapit sa amin ni Elton at nabistahan ko ng husto ang mukha nito. Gwapo talaga kahit anong anggulo.
"Artista ba kayo?" tanong ni Pixel. Nilingon tuloy ng ibang pasahero ang likuran. May narinig pa siyang, "Uy! Artista? Nasaan? Baby Jai! May artista raw." malakas na sabi sa may bandang harapan. "Manahimik ka ngang babae ka. Ang ingay mo. Wala naman eh." Saway ng gwapong lalaking tumayo rin upang tingnan ang likuran na bahagi ng bus.
Bakit puro gwapo kaya ang laman nitong bus na ito? Napapantastikuhan kong naisip. Binalikan niya ang dalawang lalaking katapat nila ng upuan. Hinihintay pa niya ang sagot ng isa sa mga ito.
"Nope. We're not." naaaliw na sabi nito kay Pixel.
"Ay ganoon? Sayang. Pero cute po kayo." hirit pa ng babaeng parang walang kahihiyan sa katawan.
"Thanks!" napansin kong naiilang sa atensyon at mas tahimik ang nasa dulo ng upuan. Parehas nga itong gwapo. Nagulat siya ng mag-holding hands itong bigla at mag-tinginan ng parang may sariling mundo ang mga ito. "I'm okay. You don't have to ask me." sabi ng nasa dulo. "I'm not saying anything Pancho. I'm just holding you're hand." sabi naman ng nasa malapit sa kanila.
"That's it." mahinang bulong ni FR sa likod na ikinalingon ko. "They're the infamous couple Carmencito "Pancho" Vergara and Gboi Dela-Cruz Arpon. The most celebrated male couple dito sa Pilipinas." paliwanag ni FR sa kasama.
Nagliwanag ang mukha ko sa rekognisyon ng mga taong ito. Kaya pala familiar sa akin. Nabasa ko iyong mga clips tungkol sa mga ito dati. Talagang inantabayanan ng mga tao ang love story ng mga ito na nagsimula raw ng minsang umuwi dito ang huli.
"Hey, Sir Gboi. Sir Pancho, are you two going to Baguio too?" agaw ko sa atensiyon ng mga ito. Nilingon naman nila ako ng nakangiti. "What can we do for you kid?" tanong sa akin ni Gboi. "Ahm. I'm E.A. short for Eljo Achilles. Nice to meet you po." bigla akong nahiya sa inasal ko. Feeling close yata ako masyao. Gusto ko sanang i-abot ang kamay ko sa kanila kaso ay naunahan na ako ng hiya.
"Likewise kiddo!" friendly na balik sa akin ni Gboi.
"Are you related to the Beauty Queen Mayumi Diaz?" suddenly a question from Pancho. Hindi ko alam kung sasagutin ko ang tanong na iyon. "Did you ran away from home?" dugtong pa nito. Kinabahan tuloy akong bigla.
"No sir." si Elton.
"You sure?" si Pancho.
"Yes." sagot ni Elton.
"That's not what I heard a while ago?" Pagpipilit pa rin ni Pancho.
"Maybe you have misheard it." sabi ni Elton dito.
"Yeah. Baka nga na-misheard niyo na lang po." panggagatong ko na lang.
May sasabihin pa yata ito pero piniling manahimik na lang. Sa halip ay kinuha nito ang cellphone at may kinausap pagkatapos mag-dial.
Ibinalik ko ang tingin sa labas ng bus. Sometimes, nahiling ko talagang hindi kami mayaman. That I was not a son of a Duke. That my mother was not a beauty queen. That they are not famous. Sure it had its perks but sometimes it was the very inconvenience and disadvantage for me.
Napabugha siya ng hangin. Naramdaman niya ang paghagod ni Elton sa likod niya. I felt good. "Ik wist niet dat de passegiers hier zou je herkent, Achi." natawa ako sa sinabi nito.
"Oo nga. Kahit na naka-disguise ako ay nakilala pa rin ako ng isang yun." sagot ko sa kanya sa Dutch. Nagtawanan kami dahil doon. Natigil ang tawanan namin ng biglang tumayo ang limang lalaki na nakaupo sa may bandang harapan at mag-deklara ng hold-up!
"Huwag kayong kikilos ng masama. Mga gamit niyo lang ang kailangan namin." Sabi ng isang lalaking nakatayo sa may unahan. Mukhang ito ang lider ng mga hoodlum. Bigla akong kinabahan para sa safety namin ni Elton. Alam ko kasing kahit anong mangyari ay ipagtatanggol siya nito.
Nagsimulang lumapit ang mga ito sa mga pasahero. Nag-iiyakan na yung ibang babaeng pasahero. Bumulong sa akin si Elton. "Maak je geen zorgen." na ibig sabihin ay don't worry. "Ibigay na lang natin ang mga gamit natin kaysa magmatigas. Please." sabi ko sa kanya. Napipilitang tumango ito.
"Kayo! Mga nag-iingles pa kayo rito kanina. Asaan ang mga gamit ninyo?" maaskad na sabi nitong hold-upper sa amin.
"Bakit kayo nanghohold-up? Ang lalaki ng katawan ninyo ah?" nanlalaki ang matang sabi ni Pixel.
"Ah ganoon? Eh kung pasabugin kong bunganga mo diyan?" ang hold-upper.
"Ay huwag po. Okay lang kami. Kunin mo na ang lahat dali! Ilayo mo lang iyan sa amin." pagmamaka-awa ni Pixel.
"Oo nga Manong. Ito na po yung gamit namin. Sana ngatan ninyo." sabi ng binatilyong ka-edad niya yata na kahilera nila FR. May kasama itong babae na kahawig nito na hinuha niya ay nanay nito.
"Bitawan mo ang kamay ko!" sigaw iyon ng isa sa mga hold-upper sa unahan na ikinalingon naming lahat.
Nakita nila ang isang binatilyong nakikipag-hilahan sa hoodlum ng mga gamit nito. Inaawat ito ng kasamang lalaki. "Dyne, anak! Pabayaan mo na iyan!" ngunit ayaw nitong paawat. Hanggang sa pinalo ito ng armalite sa ulo ng kaagawang masamang lalaki. Nahilo ito at agad nawalan ng malay.
"Kuya Ethan, huwag mo ng balakin pa. Ibigay mo na lang sa kanila ng maayos iyang mga wallet natin at cellphone." sabi ng isang lalaki sa harap nila Pancho.
"Oo, Jethro. Wala akong planong i-byudo ang Kuya Bry mo." sabi ng tinawag na Ethan.
"Grabe, ang dami niyo na talaga Migs." boses iyon ni Cha.
"Letse ka. Kung anu-ano pa napapansin mong babae ka." si Migs.
"Baby Jai! Give them the wallet na an the cellphone and the laptop and the i-pod! Bilis!" malakas na sabi ng isa sa harapan.
"Sira-ulo, wala kang dalang laptop!" sagot ng tinawag na Jai.
"Ganoon ba? Eh di yung i-pod na lang." maarteng sagot ng babae.
"Wala ka ring i-pod Ate Noims." sagot ng isang lalaking kasama.
"Papansin ka rin eh, noh, Goji!" naiinis na wika ng babae sa tinawag na Goji.
"Hoy, itigil na ninyo ang kulitan diyan. Amin na ang mga gamit niyo." maaskad na wika ng sira-ulong hold-upper sa mga ito.
Lumayo ng bahagya ang isa sa mga masasamang-loob sa amin at bumalik sa gitna. Naibigay na namin ang mga gamit namin. Mukhang simpleng hol-up lang naman ito. Malaki siguro ang pangangailangan ng mga ito.
"Best, di ko napapansin iyong pinsan kong si Franco. Asaan ba sila naka-upo ng Mommy niya?" si Pixel sa mahina-hinang boses.
"Andun sila sa harap. Sa may kinatatayuan ng lider yata." si FR.
"Naku. Sana okay lang sila." yun lang at nag-antanda na ng krus si Pixel.
Iginala ko pang muli ang paningin ko at nakita ko ang isang lalaki na ka-edad ko rin siguro na tumayo at naki-usap sa mga hold-upper. "Please, help my mom. Nawalan siya ng malay. Kuya Lex. Tell them to help my mom." halos hysterical na sabi nito sa kasama.
"It's okay Aerel, Tita just fainted. Na-check ko na siya. No need to worry." sabi nito sa umiiyak na kasama.
"Ganoon ba? Will she really be okay?" parang paslit itong pinunasan ang mukha.
"Yup. So hush now Aerel. Okay?" sabi ulit ng kasama.
Pina-ayos ako ng upo ni Elton na nakita kong nakikipag-senyasan sa dalawang kahilera namin. Kina Gboi at Pancho. May sinenyasan rin si Pancho mula sa gitna at harapan.
"What are you doing?" takang tanong ko sa kanya.
"Don't worry. An don't ask." bulong niya sa akin.
May kinapa ito sa may binti nito. Alam ko iyon. Iyon ang holster ng .22 caliber nito. Nailabas nito ng lihim iyon pero pinigilan ko siya ng akmang tatayo na ito. "Why?" tanong ni Elton sa akin.
"Huwag mo ng balakin. Marami sila." pagpapa-alala ko sa kanya.
"May katulong tayo." hinawakan niya ang aking kamay to assure me that everything will be all right.
Napipilitan akong tumango. Sinenyasan na ito nila Pancho at Gboi. Somebody made a commotion sa harapang bahagi ng bus habang patuloy naman ang mga masasamang-loob sa pagsamsam ng mga gamit at ang bus sa pagtakbo nito.
In a swift move, naihagis na nila Gboi at Pancho ang mga punyal na dala ng mga ito sa mga hold-upper. Tatlo ang tinamaan sa kamay na may hawak na baril. Dinamba naman agad ito ng mga lalaking nakita niya kanina.
"Kuya Ethan!"
"Kuya Lex!" magkapanabay na sigaw ng mga kasama nitong binatilyo.
Si Elton ay binaril ang mga natirang nakatayo na nagulat sa pangyayari. Bagsak ang kumuha sa kanilang gamit dahil sa ulo ito tinamaan samantalang ang lider ng grupo ay sa may right collarbone ang tama na ikinasadlak nito sa harapan.
Nakatanggap ito ng sipa sa nasa harapang pasahero. "That's what you deserve! Asshole!" galit na sigaw nito at dinampot ang baril para itutok naman dito. "Franco! Thank God you're safe!" si Pixel.
"Yes Ate." sagot nito at ngiti. Huminto ang bus bigla. Dahilan para mapasubsob yung Franco sa harapan kung saan naroon yung lider na may tama ng baril. Nabitawan yata ni Franco ang baril dahil nakita kong may iniumang ang pinaka-lider sa direksiyon ni Elton.
Napatayo ako sabay sigaw. "Elton. Watch out. 12 o'clock!" warning ko sa kanya. Ngunit sadyang mas mabilis yata ang bala ng kriminal dahil sa sabay nilang pagpapaputok ay tinamaan si Elton sa kaliwang dibdib. Habang ito ay tinagusan ng bala mula kay Elton sa mata.
Bumagsak si Elton sa tabi ko. Dinaluhan ko siya agad. Agad-agad din ang pagtulo ng luha ko. It wouldn't have happened kung hindi dahil sa kapabayaan ko. Hindi sana kami nadamay sa hold-up na iyon. It was all my fault. Elton don't deserve to die in a place like this. Not without telling him that he meant the world to me. That I love him!
"Elton! Don't you die on me Elton." hysterical kong sabi.
"I-i'm afraid I can't, A-achi." napaiyak akong lalo sa ginamit niyang endearment. The only nickname I love.
"Kaya mo iyan Elton! You said you won't ever leave me." naiiyak talaga ako ng sobra.
"H-het spijt me, A-achi. I-ik hou v-van je en ik z-zal altijd i-in je hart, i-in je g-geheugen." came his last words at lumaylay na ang ulo niya mula sa pagkakayakap ko sa kanya.
"Elton?! Elton! E-elton!" niyugyog ko siya.
"Somebody. Call for help! May nurse ba diyan? Doctor?! I need help Damn it!" hysterical na talaga ako. "Nagmamaka-awa po ako!"
"Eltoooooooooooooooon!!!!"
Itutuloy....
A compilation of my thoughts, dreams and fantasies. Stories that describes best my simple wishes in life. In addition to that, I asked friends to contribute their talents in this site where reality and fantasy are as one. Welcome to my site. Welcome to my heart. I am Dalisay.
Monday, September 6, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
oh my god di ako matutulog!! tatapusin ko to!! XD hahahahaha
Post a Comment