Friday, July 29, 2011

STRATA presents: Bulong ng Kahapon 3

STRATA presents

BULONG NG KAHAPON


PART 3 – Ang Gitna

“Bakit malungkot ka na naman?” tanong ni Arman kay Mercedes.

“Sa tingin mo ba ay ganuong kadali kalimutan ang lahat?” balik na tanong ni Mercedes sa kaibigan.

“Mercedes.” tugon ni Arman na muling binagabag nang kanyang kunsensya.

“Arman! Hanggang ngayon ay nanunuot sa aking kaibuturan ang sakit. Sa bawat umaga ay hindi ko mapigiling pumatak ang aking luha dahil naaalala ko ang apat tatlong taong pinagsamahan namin ni Phillip.” tugon ni Mercedes.

“Ngunit Mercedes, isang buwan na ang lumilipas nang magkahiwalay kayo ni Phillip. Pinabayaan mo na ang iyong sarili, dapat ay isipin mo naman ang kapakanan mo, ang makakabuti sa iyo.” pagpapayo pa ni Arman. “Pumanhin Mercedes, dahil sa akin ay nararanasan mo ito.” bulong ni Arman sa sarili.

“Mahirap kalimutan Arman! Madali lang sa iyo ang sabihin iyan dahil hindi mo nararamdaman ang sakit na mayroon ako. Madali lang sa iyon iyan dahil hindi ikaw ang iniwan. Papaano ko kakalimutan ang lahat kung sa loob ng tatlong taon ay sa kanya ko inilaan ang buhay ko? Kung si Phillip na ang aking naging buhay?” sagot ni Mercedes. “Alam mo bang maging si itay ay nalulungkot dahil sa kinahinatnan nang pagsinta ko kay Phillip? Patuloy nila akong tinatanong kung anung dahilan daw.” dagdag pa ng dalaga.

“Mercedes, lalo akong inuusig nang aking kunsensya. Lalo mo akong pinapahirapan, higit mong pinapabigat ang aking nararamdaman. Hindi ko magawang maging masaya dahil sa wakas ay kasama ko na si Phillip at dahil binigiyan mo ako ng dahilan para makadama nang pagkabalisa.” bulong ni Arman sa sarili. “Ngunit Mercedes, alalahanin mong mayroon ka ding sariling buhay bago dumating sa piling mo si Phillip.” paliwanag ni Arman.

“Batid ko ang nais mong ipahiwatig Arman!” sagot ni Mercedes. “Hindi ganuon kadaling kalimutan ang lahat.”

“Mercedes…” nabanggit ni Arman. “Patawarin mo ako Mercedes nang dahil sa akin ikaw ay nagbabata ng hirap.” pahayag ng damdamin ni Arman.

“Sige na! Ako’y mauuna na!” wika ni Mercedes saka tumayo.

“Sandali!” awat ni Arman.

“Ano ang iyong dahilan?” tanong ni Mercedes.

“Matagal ko nang nais ibigay sa iyo ito.” wika ni Arman saka may kinuha sa kanyang lamesa.

“Ano ito?” tanong ni Mercedes.

“Plaka iyan na binubuo ng mga paborito nating awitin sa probinsya.” nakangiti nitong tugon. “Dalawang taon ko na iyang nabili sa may Quiapo at nais ibigay sa iyo subalit lagi kong nakakalimutan dahil lagi kang nagmamadaling umalis.” paliwanag pa ng binata.

“Naririto ba ang paboriton kong kanta sa opera?” tanong ni Mercedes.

“Oo!” sagot ni Arman. “Kasama diyan ang paborito mong Granada at O Sole Mio na una mong napakinggan sa mga nagtatanghal nuong unang beses tayong tumuntong ng Maynila.” saad pa nito.

“Salamat Arman!” pasasalamat ni Mercedes saka niyakap ang binata. “Hindi ka pa din nagbabago.” wika pa ng dalaga.

Totoo naman, dalawang taon na iyong nakatago sa kanyang lamesa hindi dahil nakakaligtaan niya, bagkus ay nahihiya siyang iabot sa dalaga. May lihim kasi siyang pagtingin dito mula pa nuong pumasok sila sa mataas na paaralan ngunit hindi niya magawang ipagtapat dala ng karuwagan. Hindi din niya nagawang ibigay iyon kay Mercedes dahil nuong araw na binili niya iyon ay ang parehong araw na nagtapat sa kanya si Phillip nang tunay nitong damdamin para sa kanya. Alam niya sa puso niya na may pagtangi din siya sa lalaking iyon subalit dala nang mas mabigat na takot ay ayaw niyang ipaalam kahit na kanino.

Sa buong akala kasi ni Arman ay hanggang kaibigan lang ang pagtingin sa kanya ni Phillip ngunit nang minsang magkayayaang uminom sila ng serbesang gawa sa kopra ay duon naibulalas ni Phillip ang lahat. Humahanap lang pala ng tamang tyempo ang binata para ipaalam sa kanya ang tunay nitong saloobin.

“Alam mo Arman, may nais sana akong sabihin sa iyon.” simula ni Phillip.

“Ano iyon?” tanong ni Arman.

“Alam mo ba iyong salitang mi amor?” tanong ni Phillip.

“Malamang dahil pinag-aaralan natin iyon.” sagot ni Arman. “My love pa nga ang pagsasalin niyon sa Ingles at aking mahal sa tagalong.” paliwanag pa nito.

“Mainam kung magkagayon.” sagot ni Phillip na may kakaibang ngiti. “Hindi ka na mahihirapang unawain ang sasabihin ko.” dugtong pa nito.

“Ano ba ang nais mong sabihin?” tanong ni Arman. “Ustedes amor Senyora Mercedes?” dugtong pa nito.

“No!”mariing tutol ni Phillip. “Vuestras mi amor!” walang prenong turan ni Phillip.

Biglang natigilan sa pag-inom ng serbesa si Arman at biglang naitapon ang laman nang kanyang bibig.

“Isang nakakatuwang biro.” pahayag pa niya.

“Iyon ay katotohanan.” tutol ni Phillip. “Mahal kita ng higit pa kay Mercedes at nauna pa kay Mercedes.” simula naman ng binata sa pagpapaliwanag.

“Papaanong?” tanong ni Arman.

“Sa simula pa lang ay napapintig mo na ang aking puso ngunit dala nang aking takot ay pinili kong ilihim at makipaglapit sa iyo bilang kaibigan. Nabihag din ako ni Mercedes, minamahal ko ang binibini at pinilit ko ding ibaling lahat sa kanya ang aking pagtingin subalit labis akong nahihirapan dahil kahit anung gawin ko ay pangalawa lamang si Mercedes sa puso ko.” kwento ni Phillip. “Alam mo bang kahit na anung supil ang aking gawin ay pilit na ikaw pa din ang sumisiksik? Ganuon pala kalalim ang pagtingin ko sa iyo.”

“Ngunit Phillip…” may himig nang pagtutil kay Arman.

“Hindi ko naman ninanais na suklian mo ang nararamdaman ko para sa iyo, ang ibig ko lamang ay ipabatid sa iyo ang tunay kong damdamin nang sa ganuon ay makahinga na ako nang maluwag.” saad ni Phillip. “Kung ako’y iyong lalayuan may buong giliw kong tatanggapin dahil iyon ang kapalit ng aking kahangalan, subalit ipangako mo sa aking hindi mo papabayaan ang iyong sarili." pakiusap pa ni Phillip.

“Alam mo Phillip, alam mong hindi tama! Bakit pinili mo pa na ako ang iyong mahalin?” tanong ni Arman.

“Dahil ang puso ko ang namimili sa taong kanyang iibigin. Ang puso ko na hindi nakakakita subalit nakakadama ang may kayang mamili kung kanino ito titibok. ang puso kong walang utak ang siyang namili nang aking iibigin. Marahil ay tanga nga ang puso, subalit ang puso lamang ang nakakabatid kung ano ang tama at mali sa pag-ibig.” sagot ni Phillip.

“Phillip! Hindi pa huli ang lahat, sabihin mong nagbibiro ka, na lasing ka lang.” pamimilit ni Arman.

“Oo lasing ako kaya may lakas ako ng loob para sabihin sa’yo kung gaano kita minamahal, tinatangi at iniibig.” lahad ni Phillip. “Sabihin mo sa akin Arman, ano ba ang nadarama mo para sa akin?” tanong pa ng binata saka tinitigan si Arman.

“Kaibigan!” sagot ni Arman na hindi magawang makipaglaban sa titig na iyon ni Phillip.

“Kaibigan?” pag-uulit ni Phillip. “Kaibigan lang?” tanong pa nito.

“Oo!” sagot ni Arman.

“Hindi na hihigit pa duon?” tanong pa ni Phillip.

“Oo Phillip! May pagtangi din ako sa iyo, at may pagmamahal ngunit batid kong mali ang damdamin ko, mali ang dikta nang puso ko.” sagot ni Arman.

Walang anu-ano ay inangkin na ni Phillip ang mga labi ni Arman.

“Sabihin mo ngayong nagkakamali pa din ang puso mo.” wika ni Phillip.

“Phillip, natatakot ako!” sagot ni Arman.

“Wala kang dapat katakutan Arman! Wala dahil ako na mismo ang nagsasabi sa iyo na habang kaya nating panindigan, lagi tayong nasa tama.” sagot ni Phillip.

“Pero Phillip, alam kong mali…” tutol pa sana ni Arman.

“Pag tinanggap mo nang mali ay magiging mali na talaga!” sagot ni Phillip.

“Hindi mo maiaalis sa akin ang pag-aagam-agam” turan ni Arman.

“Ngayon ay simulan mo na at asahan mong tutulungan kita.” pahayag ni Phillip.

Itong pangyayari na ito ang nasa isipan ni Arman nang katukin siya ni Phillip sa kanyang silid.

“Arman! Halika na at baybayin natin ang kahabaan ng Lawa ng Maynila.” aya ni Phillip kay Arman.

“Bakit naman sa malayo pa tayo mamamasyal?” tanong ni Arman.

“Balita kasi na may bagong bukas duon na pasyalan at kainan. Gusto kong puntahan kasama ka.” sagot ni Phillip.

“Anung pasyalan na naman iyan? Ikaw Phillip, kung maglabas ka nang salapi ay akal mo ganuon na lang kadali magkaruon niyon.” puna ni Arman.

“Pinagsisikapan ko namang makuha ito mula sa pagtulong ko kay Papa sa kanyang negosyo, sa pakikipagkalakal niya sa mga dayong nagnanais nagtayo ng pagkakakitaan.” tugon ni Phillip.

“Kung iyan ba naman ay iyong iniimpok, malamang na madami ka nang salapi ngayon.” sagot ni Arman.

“Ayos lang iyon. Nakikita ko naman kung saan napupunta ang bawat paggasta ko.” may ngiting tugon ni Phillip.

Habang binabaybay nila ang kahabaan ng Lawa ng Maynila –

“Alam mo Phillip, labis pa din akong binabagabag nang aking nagawa kay Mercedes.” turan ni Arman.

“Nandirito tayo upang magsaya at hindi upang muling pag-usapan si Mercedes.” mariing tutol ni Phillip.

“Ngunit hindi mo maiaalis sa akin ang ganito ang maramdaman dahil araw-araw kaming nagkikita at araw-araw kong nakikita ang kapanglawan nang kanyang mga mata.” sagot ni Arman.

“Arman! Patatagin mo ang loob mo dahil ako’y nangangamba na iyan ang maging kahinaan mo para ipagpatuloy ang pagsasama natin.” pahayag ni Phillip.

“Pinipilit ko namang maging matatag at matibay, ngunit hindi mo kayang alisin sa akin ang ganuong damdamin.” turan ni Arman.

“Basta! Huwag kang bibitiw!” pakiusap ni Phillip kay Arman saka nito tinitigan ang binata sa mga mata.

Dama ni Arman ang sinseridad ni Phillip kaya naman ay napatango na lang din siya para sang-ayunan ang sinabi ni Phillip.

Thursday, July 28, 2011

Task Force Enigma : Perse Verance 1

Photobucket

Sa lahat ng nagmamahal sa Task Force Enigma Boys. I love you all guys, from the bottom of my beautiful heart. :)


Chapter 1

“Sir, lahat ng report tungkol sa nangyaring shootout sa Guilty Island ay nariyan na pong lahat, Sir.” anang isang tauhan ni Perse sa kanya. 

It was a regular Monday at alas-nueve pa lang ng umaga ay naiinip na siya. Bilang head ng Homicide Department, dapat ay umaatikabong imbestigasyon at pagre-run ng mga di pa natatapos na kaso ang inaatupag niya but he doesn’t feel like doing anything today.

“Good. Dismissed,” tinatamad niyang sabi.

Walang partikular na dahilan kung bakit siya nagkakaganoon ngayon. In fact, ang sinabing report ay inayudahan ng kanyang kaibigan na si Cody sa kabila ng busy ito sa trabaho at may iniintindi na rin itong love-life.

Yes, they’re cold-blooded doctor-assassin turned out to be a loving boyfriend to Kearse Allen Concepcion. Isang contemporary writer sa Bi Out Loud Publishing na sinuwerteng napatino ang baluktot na utak ng kanyang kaibigan.

Nagsalita ang straight… ang utak.

Naiiling niyang tinampal ang noo. 

Sa kawalan niya halos ng tulog ay kung anu-ano na ang pinag-iisip niya. Nakikipag-usap na siya sa sarili at tinatampal ng wala sa loob ang sariling noo. Malala na talaga siya.

Tiningnan niya ang report. Guilty Island Shootout. Nagsimula iyon sa isang babaeng natagpuang patay sa dumpster ng establisyimento. Brenda David. Anak ng kilalang druglord sa buong Asya na si Francisco David. Nang imbestigahan ang may-ari ng bar na si Larry Salazar ay itinanggi nito ang pagkakakilanlan ng babae. Ngunit ng makakuha ng surveillance video ng pag-uusap ng biktima at ni Larry ang kanyang magaling na tauhang si SPO4 Aries Morallos ay nalaman nilang magkarelasyon ang mga ito.

Ngunit ang pagkamatay ng babae ay hindi sa bar nangyari kundi sa bahay ng isa pa nitong boyfriend na si Alfie Quinita. Sumisinghot ito ng inaakalang cocaine na nagkataong pesticide pala. Nag-collapse ito at tumama ang ulo sa fishbowl. Sinubukan itong iligtas ng nobyo sa pamamagitan ng pagsasalin ng sariling dugo, na isang pagkakamali. 

Ang biktima ay type O habang si Alfie Quinita ay A. Ang maling blood transfusion ang kumitil sa buhay ng anak ng druglord. Itinapon ang katawan ng biktima sa dumpster ng Guilty Island na pag-aari ni Salazar para ito ang pagbintangan. Ang mga sumunod na pangyayari ay hindi nila inaasahan. 

Nagbarilan ang dalawang nobyo ng biktima ngunit hindi sila ang tumapos sa isa’t-isa kundi mga hindi nakikilalang salarin. Malamang ay mga tauhan ng ama ng biktima. Naroroon sana si Cody para tirahin ang mga ito ng tranquilizer gun ngunit naunahan ito ng mga totoong sniper.

Nagsara ang kaso dahil wala ng suspect na maaaring idiin sa krimen. Sa ngayon ay iniimbistegahan nila kung saan maaaring nanggaling ang mga baling kumitl sa dalawang nobyo ni Brenda David.

Patamad niyang inihagis pabalik sa lamesa ang report ni SPO4 Morallos. Nabo-bore talaga siya sa mga oras na iyon. Wala namang malaking kaso ang dapat na asikasuhin sa ngayon kaya di niya alam ang gagawin niya.

Kailan ka pa nawalan ng gagawin Perse?

Naiinis na naihilamos niya ang kamay sa mukha. Oo nga. Kailan pa siya nawalan ng gawain? Kung minsan nga siya pa ang kumukontak kay Rick para lang magkaroon ng gagawin. Wait! Speaking of that sob.

Inilabas niya ang cellphone at idinial ang pribadong numero ng kanilang team leader sa TFE. Kaagad naman itong sumagot pagkatapos ng ikalawang ring.

“Tolentino…” narinig pa niya ang paghikab nito sa linya.

“Ungas ka. Gising ka na ba?” naiiling niyang sabi.

“Good Morning to you too…” sarcastic naman nitong sagot.

“Tumayo ka na Rick at may itatanong ako sa’yo.”

“Kanina pa nakatayo.”

“Ulol. Ang aga-aga may agiw na yang utak mo.”

“Ikaw ang may agiw ang utak. Kinulang lang ako ng salita ang dami mo ng naisip. Marumi kasi ang utak mo Major.”

Napa-ismid siya. “Ikaw na ang malinis. 

“Ano bang kailangan mo?”

Napabuga siya. “I need a breather. Tinatamad ako rito sa office.”

Narinig niya ang impit na pagtawa ni Rick. Hindi talaga ito marunong maglabas ng emosyon basta-basta. Halos katulad lang niya ito sa maraming bagay, except for one thing. Mas malala ito sa kanya.

“Huwag mo akong pagtawanan gunggong ka.” Asik niya rito.

Kumalma naman ang boses nito pero nai-imagine na niyang nakangising-aso ito sa kabilang linya. “Tsk! Malala na yan parekoy. Ano naman klaseng breather ang gusto mo?”

Sa pagitan nilang mga nasa TFE, kapag binabagot sila ay breather ang tawag nila sa mga assignment nila. Kapag ganoon kasi ay tumataas ang adrenaline nila at ang kanilang boredom ay automatic na nawawala. 

“Iyong maaaliw naman ako.”

“Sure. Meron ako ritong assignment na mukhang bagay na bagay sa iyo. Kaya lang medyo malayo ito.”

Na-curious siya sa tono ni Rick. Mukhang may alam ito na ayaw sabihin sa kanya.

“Sa Jolo ba iyan? Okay lang.” tinatamad niyang sagot.

“Hindi. Luzon lang ito. Pero four letters din.” Nang-iinis pa nitong sabi.

“Di ako manghuhula Rick, c’mon, spill it.”

“Alam mo ang lugar na ito Ayhian Nelson Flores.” Seryoso na nitong sambit.

Natigilan siya. Nanlamig ang katawan. “Putang…”

“Chill, pare. Siguro naman ay alam mo na kung ano ang ibig kong sabihin?” ito naman ang tila tinatamad ang boses.

“A-all this t-time… y-you knew…?” halos di humihingang sabi niya.

“Of course, pare. Wala kayong pwedeng itago sa akin.”

“Walanghiya ka Ricardo!” galit na sabi niya. 

“So ano? Ipapadala ko na lang ang file.” Balewalang-sabi nito.

“No…” ngunit nabitin na lang sa hangin ang sasabihin niya. “…way.” Tila nauupos na sambit niya.

Naloloka siya sa nalaman. Matagal na palang alam ni Rick ang tungkol sa totoo niyang pagkatao pero wala itong sinasabi sa kanya. All this time ay kampante siyang si Cody lang ang may nalalaman at aksidente pa nitong natuklasan ang tunay niyang pagkatao.

Shit ka Rick!

But then again, that was not Rick kung hindi nito malalaman ang bagay na iyon. Pero pagkakataon lang ba o talagang nag-imbestiga ito? Unknown ang inilagay niya sa profile niya noong pumasok siya ng TFE. At si General Mariano mismo ang nagbigay ng go signal para payagan iyon.

Naiinis na sinabunutan niya ang sarili. 

Maya-maya ay ginulantang siya ng tunog ng kanyang cellphone. File received. Ibig sabihin, ibibigay talaga sa kanya ni Rick ang assignment na iyon. By hook or by crook. At wala siyang choice.

Kinopya niya ang file sa computer. Hindi na siya nagulat ng makita ang ang pangalan ng lugar na nasa report. Isa iyon sa mga bagay na ibinaon na niya sa kahapon. Kasama ng pagpapalit niya ng pangalan labing-apat na taon na ang nakalilipas. Pilit niyang kinalma ang sarili habang pinapasadahan ng tingin ang nasabing report nang tumambad sa paningin niya ang isang pangalan na nagpatigas lalo ng kanyang mukha.

Nangalit ang kanyang mga bagang. 

Nagpasya siyang umalis muna.

Itinabi niya ang file sa isang sikretong folder at tumayo. Wala siyang ganang mag-isip maghapon sa opisina kaya lalabas na lang siya. Mukhang ang multo ng kahapon ay hindi siya pagbibigyan sa kanyang kahilingan na huwag na siayng habulin nito.

Nanlulumo niyang tinungo ang pinto palabas. Hindi na niya pinansin ang mga nagbigay galang na tauhan. Wala siyang paki-alam sa kahit na ano ng mga oras na iyon. Ang importante sa kanya ay makalanghap ng hangin kahit hindi pa iyon sariwa. 

Nang makalabas ay mabilis niyang tinungo ang sasakyan. Pagkapasok sa kotse ay hindi niya iyon agad pinaandar. Sa halip muli niyang sinulyapan ang pangalan sa cellphone na matagal na niyang kinalimutan.
Alexander Cruz.

Napangiti siya ng mapait. “It’s payback time.”

Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang isang taong mula sa kanyang nakaraan na siyang tanging nakaka-alam kung sino at ano siya ngayon.

“Hello. Ako ito. Meet me at twelve o’clock. Same place,” iyon lang at dagli na niyang nilisan ang lugar na iyon.


KAKAGISING lang ni Alex nang umagang iyon ng bulabugin siya ng nakasisindak na sigaw ng kanyang ama. Kung sa iba ay isa iyong panibagong araw ng pag-asa ay hindi para sakanya. Isa iyong panibagong araw ng kanyang kalbaryo.

Ang kanyang ama na isang napaka-impluwensiyang tao noon ay isa na ngayong baliw. Oo. Nagkaroon ito ng mild depression ng matalo ito ng subukan nitong kumandidato siyam na taon na ang nakararaan.

Hindi niya inakalang matatalo ito sapagkat napakalakas ng kanyang ama sa kanilang lugar. Ngunit isang bagay ang nagpangyari para hindi ito manalo. May ipinakalat na balita ang nakalaban nito tungkol sa pagiging mangangamkam ng kanyang ama. 

Dinadaan daw nito sa dahas ang mga gustong kunin ang lupain at kung hindi papaya ay maaaring mauwi sa patayan. Sinabi pa na ito ang dahilan ng pagkamatay ng patriyarka at matriyarka ng mga Flores na siyang katiwala nila.

Sa pagkaalala nun ay sumingit bigla sa isip niya ang isang pangalan at mukha. 

Ayhian…

Napalis ang ngiting sana’y sisilay sa kanyang labi ng muling makarinig ng sigaw. Mabigat ang katawang bumangon siya. Mabagal na iniligpit ang higaan at saka naghilamos at nagbihis.

Pagbaba niya ng kanilang datingmasiglang mansiyon ay lalo siyang nanlupaypay ng makitang binubuhat ang kaniyang am ang dalawang elderly habang sinu-supervise ng kanyang kaibigan at kababatang si Jocelyn na isang registered nurse.

“Good Morning, Alex.” Bati nito sa kanya.

Napangiwi siya. “What is good in this morning kung ganito palagia ng sasalubong sa akin Jocelyn?”

“Ikaw naman. Hindi ka na nasanay. Magkakaroon din ng development ang Daddy mo.”

Napabuga siya. “Kailan pa?”

“Just pray. Pray harder.” Anitong pinisil pa ang kamay niya.

Isang tipid na ngiti ang pinakawalan niya. Ito ang nurse ng kanyang ama ng ma-depress ito. Kakapasa lang nito ng board noon at hanggang sa matuluyang mabaliw ang kanyang magulang ay ito na ang kinuha niya. Mabuti ng kilala niya ang nag-aalaga sa kanyang ama.

“Siyanga pala, Alex. Aalis muna ako. May nag-text kasing pinsan ko sa Maynila. Nagpapasundo yata yung nanay niya.

“Ikaw naman. Bakit nagpapa-alam ka pa. Pamilya na tayo rito Jocelyn.”

“Sus, alam mo namang hindi ko kinasanayan iyan. Mabuti ng alam ko ang pagitan nating dalawa.”

Ewan niya pero kahit nakangiti it habang nagsasalita ay may pakiramdam siyang may pinaghuhugutan ang sinasabi nito.

“Ikaw ang bahala.” Kibit-balikat niyang sabi.

“Salamat.” At nagpaalam na ito.

Tinungo niya ang silid ng kanyang ama. Sinenyasan niya ang mga nagbabantay na elderly na lumabas ng saglit. Tinitigan niya ang ama na ngayon ay tulog na.

Araw-araw na ginawa ng Diyos ay hinihiling niyang sana ay gumaling na ito o magpakita ng positibong development. Ngunit sa mga nakalipas na taon ay nakailang espesyalista na sila ngunit iisa lang ang diagnosis. Malala na ang kanyang ama.

Nilapitan niya ito at hinaplos ang numinipis ng buhok. Ang laki ng itinanda ng kanyang ama. Wala na ang dating gilas nito na kinatatakutan at kinaiinggitan ng marami noon.

“Daddy… please tell me what to do. Nahihirapan na ako…” aniya sa mahinang tinig.

Naninikip ang dibdib niya sa nakikitang sitwasyon ng kanyang ama. Wala siyang alam na maaaring makatulong sa kanya ngayon kundi ang kanyang sarili. At hirap na hirap na siya.

Awa ng Diyos, simula ng magkaganoon ang kanyang ama ay siya na ang napilitang magpatakbo ng hacienda. Afterall nakapangalan na iyon sa kanya. Sa murang edad na bente-uno ay kinailangan niyang pag-aralan ang pagpapatakbo ng malawak nilang lupain.

Thank God he made it. 

At sa tulong ng mga mapagkakatiwalaang tao ay maayos ang takbo ng kanilang negosyo. Iyon nga lang, hindi na ganoon ang tingin ng mga tao sa kanila. Nangingilag ang mga ito na tila anumang oras ay mapapatiran din siya ng matinong pag-iisip.

Napasinghot siya. Hindi niya namalayang tumulo nap ala ang luha niya. Mabilis niya iyong pinahid. “Dad, I’m going to work now. Please take good care and behave yourself,” pinisil niya ang kamay nito.

Sa gulat niya ay pinisil iyon pabalik ng kanyang ama. Mahina lang pero hindi niya maitatangging naramdaman niya ang pagtugon nito. Nabigyan siya ng kaunting pag-asa. Sa mga ganoong moments of lucidity ng kanyang ama ay nakakaramdam siya na nauunawaan siya nito sa kabila ng kapansanan sa pag-iisip.


“MAGPAPANGGAP ka bilang isang pulis Maynila na nadestino sa Bayan ng Suyo. Pero ang tunay mong misyon ay ang manmanan ang isang hinihinalang drug den. Pag-igihan mo ang stake-out pare. Malaking grupo ang nasa likod nito.”

Blangko ang ekspresyon na tiningnan lang ni Perse ang nagsasalitang si Rick. Pero sa loob-loob niya ay gusto na niya itong daluhungin at bigwasan subalit nagtimpi siya. Magkakasakitan lang sila ng magaling na tinyente.

“Alam ko na ang gagawin Tolentino. Hindi mo na ako kailangang i-brief ng husto.” Asar niyang sabi.

“E di i-panty mo na lang siya.” Ani Cody sabay hagikgik.

Nakatikim ito ng kutos mula kay Rick na nasa likuran lang nito.

“Aray naman. Isusumbong ko kayo sa asawa ko.” Parang batang sabi nito.

“As if may magagawa ang chubby mong mister, este, misis.” Naiiritang sabi ng nuknukan ng supladong Tiyente.

“Inggit ka lang Rick-toy, wala ka kasing love life. Meron ka lang life.” Nang-iinis pang sabi ng tinamaan na magaling na doctor. 

Binato nila ito ng mineral water bottle ni Rick na parehas nitong naiwasan.

“Kayo talaga. Masyado kayong mga pikon. Mga walang urbanidad!” ani Cody na pakwela na namang tumakbo palayo sa kanila ng ambahan nila ng suntok.

“Tama na nga yan. Para kayong mga timang,” ani Jerick. “Ang importante, maplano natin ng maayos kung paano ba-back-up-an si Perse. Afterall matagal na siyang di nakakapunta sa baying iyon.” 

Napa-angat ang tingin niya sa Sarhentong may nakakabit yatang laptop sa katawan.

“Paano mo nalaman…”

“Alam naming lahat. Sinabi na ni Rick.” Putol ni Rovi sa sasabihin niya.

“Anak ng pating…” mura niya.

“Relax Perse, kung hindi namin malalaman ay hindi ka naming matutulungan. Malay mo, makita natin ang pumatay sa magulang mo doon?” si Cody na nagseryoso na.

“Ako na ang bahala sa kanya.” Tiim-bagang na sabi niya.

“Anyway, kami na ang bahala sa back-up. What we need you to do is to ifiltrate that house and plant some bug. Hindi ko na kukwestiyonin ang kakayahan mong gawin ang mga bagay na iyan.” Bale-walang sabi ni Rick sa pagkainis niya.

“Move.” Sabi pa nito.

“Yes Sir!” kunwari pang saludo ng mga kumag sa Lieutenant Colonel na tahimik lang na tumango.
Nilapitan siya ni Jerick ng matapos ang meeting. 

“Pare.”

Tinitigan lang niya ito.

May inabot ito sa kanya. “Kunin mo.”

Patamad niyang kinuha ang maliit na bagay na tila hikaw.

“Ano ito?” 

Ngumit lang si Jerick. “Transmitter and receiver. Gusto mong magpabutas ng tenga?”

Naiiling na tumalima lang siya sa paanyaya nito.

Itutuloy…

FRESH START - A Friend From the Past

Photobucket

BLOG: gabrielfads.blogspot.com
FB: gabifad@yahoo.com

Akda ni K.G. Fadriquella



Chapter 6


Alam na alam ko kung kaninong kotse yun, alam ko talaga fucking XRH 136, alam ko na sa kanya yun, after 4 months? After 4 months ngayon ko lang ulit sya makikita, and bakit andito sya, ano pakay nya sa Subic? Ang layo ng pinaggalingan nya ah, o baka naman nandito sya para mamili lang ng something, tapos punta sya samin (asa!) basta! Nagulat ako nandun nalang sya. I was waiting na lumabas yung tao na nasa loob ng kotse at laking gulat ko ng nakita ko ang lumabas sa kotse nay un. What? Alam ko kotse ni Arvin yun ah, bakit iba yung lumabas, pagkalayo ng lalaki na papunta sa Lighthouse hotel, agad akong nagpaalam kay Ivan na titignan ko lang yun kotse, and paglapit ko, tumpak! Kay Arvin nga, pero bakit iba yung may gamit? Eh only child si Arvin, parents nya nasa ibang bansa? Hala, sino yung lalaking yun, hindi ko sya nakita ng malapitan kasi medyo malayo and naka shades (imagine gabi naka shades diba? Pero pamilyar, yun lang) hala, pero hindi si Arvin, yun, kahit magiba ng buhok si Arvin, mag salamin, mag makapal na prostetics, kilala ko yung ex-lover ko na yun, kahit kuko o dulo lang ng buhok ipakita mo, kilala ko si Arvin. Basta, basta alam ko na kotse ni Arvin yun


“Ivan, sorry ah, pero can we get out of here?” pakiusap ko sakanya


“Bakit?” tanong nya


“Basta, I’ll tell you later” sabi ko


Nag drive kami palayo ni Ivan sa Baywatch at hindi parin mawala sa isip ko kung bakit nandun yung kotse ni Arvin at hindi naman sya ang nakasakay, eh sino yung lumabas sa kotse nya? Ahhhm some theories were built on my mind that time, siguro bagong BF ni Arvin tapos may binili lang, tapos bumalik din na kotse nya gamit tapos naka check in sila sa lighthouse? O pwede ding barkada lang, o pwedeng pinalit nya sakin na nakigamit ng kotse nya kahit nasa Q.C. sya! Ano? Ano? Puta! I was looking puzzled sa loob ng kotse at alam ko kung ano ang itsura ko habang palingon lingon si Ivan sakin


“Ex mo?” tanong sakin ni Ivan


Huwat!? Ex ko? Bakit? Ano to? Alam mo bi ako? Ganun?


“Huh?” nagtataka kong tanong


“Kung ex mo yung lumabas sa kotse kanina?” tanong nya


“Huh? Bakit mo naman nasabi?” sagot ko “Hindi noh” sagot ko


“Ahhhh, sorry, kala ko lang, sorry talaga” sabi nya


“Hindi okay lang yun” sabi ko “Sa…. Ex ko yung kotse pero yung taong lumabas kanina hindi” sabi ko


“Ahhh, so baka bagong BF ng ex mo” sabi nya


“Shet! Sana hindi” sabi ko


“Bakit naman, ayaw mo maging masaya sya?” tanong ni Ivan


“Hindi naman sa hindi pero, yung totoo, umaasa parin ako, na sabihin nya na ako nalang, ako nalang ulet” pabiro kong hirit


“Adik! One more chance ka pa! pero seriously, umaasa ka pa ba?” tanong nya


“Oo, mahal ko yun eh” sabi ko


“Gago talaga yung pagibig no?” sabi niya


We just decided to go home para dun nalang mag tuloy ng 3 pang natitirang bote, naisip ko na may yelo kami sa bahay, yuck na kasi yung lasa, hindi malamig, kaya pagdating naming sa bahay, sakto din na pagdating ng Mom at Dad ko. Lumabas ako ng kotse at sinalubong sila


“Ma!” tawag k okay Mama ko


“Oh Anak, andito ka na pala! Kagagaling mo lang ng Manila?” tanong ni Mama ko


“Hindi po Ma, galing po SBMA, kasama ko po si Ivan, tropa” sagot ko


“Ahhh, oh sige anak, una na kami sa loob ni Daddy mo, pagod na kasi, matulog na kami ikaw nalang mag lock ng pinto okay?” paalala ni Mama


Andun lang kami sa bahay, nag iinuman, still can’t forget yung nangyari kanina sa may Baywatch, talagang shit ano ba yun. Putangina naman! Habang nagiinuman kami ay lumabas si kuya ko at umupo samay tabi ko at nagpaalam na makipag kwentuhan samin.


“Ano course mo?” tanong ng kuya ko kay Ivan


“Speech pathology po” sagot nito


“Ahhh! San ka nagaaral?” tanong ni kuya PJ


“Sa UP manila po” sagot ni Ivan


“Wow! Sabi ni kuya, iskolar ng bayan din” sabi ni kuya… Oo na sige na si kuya na matalino, UP grad din! Sige na kayo na magkasundo hahaha


“Tahimik ka Gab!” tanong ni kuya sakin


“Wala!” sagot ko


“Si Arvin nanaman?” tanong nya. Napalaki yung dilat ng mata ko sakanya, SHET! Ano? Adik ba sya? Ano iisipin ni Ivan pag narinig nya yun? Ahhhh! Fuck naman!


“Sinong Arvin?” tanong ni Ivan “Ex mo?”


Shet! Puta! Di ako makasagot sakanya, magsisinungaleng ako? Shet!


“Hindi, barkada lang, medyo nagka away lang” sagot ko sakanya


“Ahhh, kala ko pareho pa pangalan ng ex natin” sabi nya


HUUUWAAAT!!!!? Isip ko lang, may Arvin bang pangalan na babae? So ano? Bi ka? Ganun? Shet! Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o mag make-face! Ahhhh! Shet! Hindi nya inisip nab aka straight si kuya ko, na baka anu isipin, basta! Ano bay un


“Ahhh Arvin din ex mo?” tanong ni kuya ko sakanya


“Oo eh, pero John tawag sakanya, John Arvin kasi full name nya, ako lang tumatawag sakanya ng Arvin, para maiba” sabi pa nya


“Buti, kumportable ka sabihin yung mga ganyan” sabi ni kuya ko


“Ahhh, oo naman! Kailangan ko pa ba magtago? Eh masaya naman ako na ganito ako” sagot nya kay kuya


“Parepareho lang pala tayo dito eh” sabi ni kuya ko


“Po? Kayo din po? Pati si Gab?” tanong niya


“Oo! Bakit! Masaya din ako sa ganito eh, ayan si Gab di alam nila Mama, si Arvin! Oo ex nya yun, ayan nag eemo yung tropa mo! Di makalimutan” sabi ni kuya ko


“Sorry Ivan ah” bigla kong angat ng ulo ko at nanghingi ng paumanhin sakanya


“Bakit naman?” sabi ni Ivan


“Kasi hindi ko agad sinabi” sabi ko pa


“Okay lang yun, actually akala ko kahapon nung nakatabi kita sa bus, bi ka nga, pero nung nakasama kita tonight, sabi ko Malabo, pero I’m glad to know pareho pala tayo” sabi nya “At least ngayon, makukwento mo na sakin yung kay Arvin” sabi pa nya


“Wag mo na isipin yun, wag mo din alamin, baka pati ikaw mag emo na!” sagot ko sakanya


“Basta, sabi mo nga diba, madaming nagmamahal sa’yo! Oh! Ayan nadagdagan pa ng isa” sabi nya


PUTA! Hahaha, nawala bigla sa isip ko yung nangyari kanina sa Subic, yung kotse ni Arvin, bigla ako na tulala sa ngiti nya sakin, and sa sinabi nya na nadagdagan yung nagmamahal sakin, oh ayan nanaman ako! Oi! Gab.. umayos ka nga! Wag ka ganyan! Baka halikan mo yan! TAMA NA! pigil! Pigil


“ayyiiiiii!”sabi ni kuya PJ… si kuya ko nang ulol pa! lintek, hindi ko tuloy napigilan ngumiti “ayyyiiii napangiti mo kapatid ko Ivan! Boto na ko sa’yo, wag mo sasaktan yan ah” pabirong sabi ni kuya


“Haha! Hindi po! Barkada ko si Gab, and as a friend, responsibility ko na pangitiin yan, at lagi dapat masaya! Para di ka naiistress” sabi ni Ivan


Pagkatapos ng ilang mga kwentuhan at inuman, nagpaalam na si Ivan at sabing uuwi na sya para makapagpahinga nadin. Awww mamimiss ko sya!, fuck! Habang palabas sya ng gate namin, I can’t help but smile and to say goodbye ng ilang beses, basta! This night was awesome kahit mga side things na nangyari katulad nung kotse ni Arvin, basta at least, alam nya na na bi ako, alam ko na pareho kaming ganun, basta mas comfortable, at specially, alam ko na may pagasa ako! (haha ganun? May balak? May balak) hahahaha


“Ivan!” tawag ko sakanya bago pa sya makasakay sa kotse nya


“Oh?” sabay lingon sa likuran para tignan ako


“Ingat!” isang mala biogesic na paalam ko sakanya “At tsaka thank you sa trip ah, it really made me forget about my problem, sssss” sabay diin ko sa “S” paano, hindi lang isang problema ko yung naisantabi ko kahit papano, madami! Promise, and ibang saya yung ibinigay sakin ni Ivan this night


“No prob. Bye Gab” paalam nya…. Siyet!


Nakatulog na din ako dahil medyo tipsy nadin (mejo lang) at pagod din syempre, galing byahe, tapos gumala pa, tapos naginom pa!


I woke up 11 in the morning, huh? Aga naman, I have 9 messages that day when I woke up, quotes galing sa mga tropa, Gudmorning (ehem special mension si Ivan) at aba! Ang aga rin nagising nito, naunahan pa ako. Pero ang ipinagtataka ko ay ang isang unknown na number ang nagtext and ang mas weird dun is yung laman ng message nya


“Please, let’s meet up exactly 2:00 in the afternoon sa Meat Plus sa Subic, We just need to talk” ang sabi sa message, Shit! Parang alam ko kung sino nagtext nito! Hala! Si Arvin yata! Si Arvin nga ba? Basta, kinakabahan ako pumunta, feeling ko mag breakdown lang ako pag nagkita kami. Naisip ko na magpasama kay Ivan, I just think kailangan ko ng kasama, kung pwede lang si kuya, sasama ko to eh, pero hindi may trabaho pa ang loko. Kaya I texted Ivan kung pwede nya ako samahan ng 2 pm sa meatplus, pero this time ako na magdadala ng ride, hiramin ko nalang yung kay ate ko, para hindi naman nakakahiya kay Ivan. Wala namang tanong tanong na pumayag si Ivan, siguro akala nya mag lunch lang kami, pero hindi ko nalang sinabi sakanya na magkikita kami ni Arvin dun.


PAKSHET! Kinakabahan talaga ako na magkita kami, haha, tapos sobrang kaba ko nato hindi naman pala si Arvin yung nagtext, pero malakas kutob ko na sya talaga yun, yung clues kasi nandyan na lahat, katulad nung kotse nya sa may Subic kagabi, tapos alam ko nagpalait sya ng number after naming mag break kasi hindi ko na macontact yung dati nyang number and basta! Alam ko na sya yung nagtext.


Habang kumakain kami ng luch kasabay ang buong pamilya except kay Kuyaat ate na pumasok sa trabaho, at 2 anak ni ate ko na nasa school. Si CJ, ako, si Mama, si Dade, yung bunsong anak ni ate ay sabay sabay kumakain sa table. Casual lang, kinakamusta ako ni Dade, yung pagaaral, mga normal na tanong.


After eating lunch, iba parin yung kabang nararamdaman ko, iniisip ko kung ano sasbihin ko pag nagkita kami ni Arvin, ano yung gagawin ko, ngingitian ko sya, o seryoso, o ano? Ewan! Fuck! Ala una na and I texted Ivan kung ready na sya, after 5 minutes or so nagreply sya na okay na nga sya.


Sinundo ko sya samay plaza at ewan ko andun parin yung kilig everytime na makikita ko sya kahit kakikita lang namin kaninang madaling araw. His nice smile, ewan! Basta total package. Even just in his plain white fitted shirt, naka fitted na jeans, fitted chucks, haha lahat fitted, parang ako fit na fit sa puso nya. Ahahaha, ilusyon! Wag ganyan, wag ka mag day dream Gab. Naalala mo yung sabi ni Ivan kanina


“Hindi! Gab’s my Friend! And responsibility ko na pangitiin sya!” si kuya ko na nag pupumilit, bandang huli friend lang pala gusto nya! Oh edi friends lang! hindi naman ako naghahangad. O hindi ba? Hahaha


“Gab” bati nya sakin


“Musta?” tanong ko


“Parang hindi nagkita kanina ah” pabiro nyang sabi


“Naglunch ka na ba?” tanong ko


“Hindi pa! mag lunch tayo sa Meat Plus right?” tanong nya


“Eh, actually, nakikipagkita sakin yung ex ko eh” sabi ko


“Si Arvin?” tanong nya


“Oo, ayun feeling ko lang, di ko kaya pag ako mag-isa… sesya ka na naabala ko araw mo ah” paumnhin ko sakanya


“Ahhh edi nice, sige lang, ikaw pa, eh lakas mo sakin!” sabi nya with matching killer smile. Shet! Mag endorse ka nan g toothpaste please! Ang gwapo mo ina mo! Hahaha Shet!


We drove over to Subic and habang nasa byahe, kaba… kaba… kaba…. Walang ibang laman ang dibdib ko kung hindi kaba! Sobrang kaba. Ayan na! malapit na kami…. Malapit na…. ahhhh…. Ahhhh….. hahaha.. parang lalabasan lang! haha… pero as we get closer sa Meat Plus parang gusto ko na ibangga yung kotse para may eksena, joke! Hahaha hindi basta sa sobrang kaba.


Park… ayan… park muna ng kotse at pagkatapos, I was hesitating to go out of the car, ewan basta!


“Uy Gab, tara na!” aya ni Ivan


“Parang ayoko sya Makita” sabi ko sakanya


“Ai! Parang ewan to! Tara na! I got you’re back” sabi pa nya. Awww sweet naman


“Eh basta, kinakabahan lang ako eh” sabi ko sakanya


“O sige, hindi ako sasama sa table nyo babantayan lang kita” sabi niya


“Hindi! I want you to be there, ayoko sya kausapin ng mag-isa, hindi ko kaya” sabi ko sakanya


Lumabas kaming dalawa, dahan dahan akong lumakad papunta sa entrance ng restaurant, habang papalapit ay tinitignan ko na ang mga tao sa loob, and parang hindi ko Makita si Arvin sa loob, o baka kaya hindi ko sya Makita, wala pa! ewan! O dahil kinakabahan ako, nabubulag ako sa mga tunay na dapat nakikita ko. Ay ano ba? Sige bahala na papasok na kami.


As we approach the entrance, napansin ko ang isang lalaking nakatalikod di kalayuan sa entrance ng meat plus, sobrang pamilyar. I know this guy sa isip isip ko. Pero hindi sya si Arvin. O nagkataon na etong lalaking pamilyar sakin ay nandito rin, pero dadating din si Arvin, o basta ewan. Dahan dahan akong lumapit sa lalaking nakatalikod para I check narin kung siya nga yun. Habang papalapit ako ay agad namang lumingon ang lalaki at laking gulat ko kung sino ang nakita ko.


“Ui! Anong ginagawa mo dito?” exited kong bati sakanya


Dadating pa ba si Arvin? O sya lang talaga yung nagtext sakin. Para maklaro. Sige! Let the game begin!


(to be continued...)