Tuesday, May 10, 2011

Earl and the Grumpy Flirt named Ronnie - Chapter 8

Photobucket

Hello there... Hindi na ako magpapaliwanag sa barangay pero kung may naghintay ng istoryang ito, well and good. Iisa lang ang paliwanag ko, BUSY ako at ngayon lang nag-edit. Salamat sa malamig na panahon. I love you guys. And I love you John Eric Ang.



Chapter 8 (Tug-O-War)


Isang malakas na kamay ang humila sa kanya mula sa ginagawang pakikipaghalikan kay Russ. Nagmistula tuloy siyang isang papel na hinila nito mula sa pad paper na nananahimik sa isang tabi. Halos literal siyang mapasigaw sa sakit. Naiinis na nilingon niya ang "istorbo" sa kissing scene niya.


"What is your problem?" sigaw niya kay Ronnie. Itinulak pa niya ito ng ganap siyang mabitiwan nito.


But Earl felt that he was pushing a solid wall.


Hinihingal sa galit na tinitigan niya ito. Mamamatay muna siya bago niya pakawalan ang pagkakataon na mapamukhaan ito. Tutal naman, umaarte na rin lang siya, lulubos-lubosin na niya. 


"Sino ka ba ha? Bakit ka ba nanghihila?!" aniyang pilit pina-iiral ang galit sa puso para dito.


Pero tila nanlamig siya ng mapagmasdan siya ng mga mata ni Ronnie.


Alam niya kung gaano ito kasuplado, kasungit at kung anu-ano pa, pero walang nakapagprepara sa kanya para sa nakakapangilabot na titig nito. Ronnie was raving mad. Literal na nakikita niya ang panggigigil na ginagawa nito at ang pagpipigil ng galit. At lahat ng iyon ay intended para sa kanya.


Napalunok siya sa takot pero hindi nagpahalata.


"I-i a-asked you a q-question." tapang-tapangan niyang sambit.


Naglapat ng isang linya ang labi ni Ronnie. Tila tinitimbang kung ano ang mga dapat na sabihin. Punong-puno naman ng antisipasyon ang sistema niya.


"Hanggang kailan mo pangangatawanan ang ginagawa mong iyan, Earl?"


Tila siya pinompiyang ng ilang libong beses sa tenga dahil sa sobrang kaba. Ibang-iba ang aura ni Ronnie sa paningin niya. Hindi siya makapaniwalang kaharap niya ito at hindi naniniwalang wala siyang naaalala tungkol dito or ito mismo.


"H-ha?" Parang engot lang na sabi niya.


"Stop this Earl. And don't you dare take me for a fool." dumadagundong na sabi pa ni Ronnie.


"I-i d-don't understand w-what you're s-saying..."


Damn! Paano maniniwala ito kung nag-i-stutter ka sa harap niya?


"I know what you're doing Earl. Hindi iyan bebenta sa akin." anito saka siya mahigpit na hinawakan nito sa balikat.


Pumiksi siya. "A-ano ba?"


"Pare, bitiwan mo siya." anang isang matatag na boses.


Si Russ!


"And who are you?" maaskad na sabi ni Ronnie sa nagsalita.


Nilingon niya ang kanina'y kahalikang si Russ na ngayon ay prenteng nakapamulsa pa habang nakatayo sa harapan nilang dalawa. Cool and suave. Pero naroon ang alertness sa mata. 


Napatingin siya kay Ronnie. Mas mataas ito kay Russ pero mga isang pulgada lang. Mas bulky ang katawan ni Ronnie pero hindi rin papahuli ang built ng simpatikong si Russ. Sa pagitan ng dalawang gwapong nilalang, nagmistula siyang unano dahil sobrang tatangkad ng mga tinamaan ng magaling.


Charing! Nakuha mo na ngang i-assess ang built ng dalawa, ngayon ka pa nagkaroon ng time para mangamba para sa kaligtasan mo?


"I'm the guy who's kissing him a while ago. Ikaw? Sino ka?" cool na cool pang sabi nito.


Naramdaman niya ang mas humigpit na kamay ni Ronnie sa balikat niya.


Oh no! Please! Huwag ka ng sumagot pa Russ. Ako ng bahala rito. Piping sigaw niya sa isip. Ipinahatid na lang niya sa pamamagitan ng tingin ang warning na iyon kay Russ pero mukhang desidido na ang damuho na inisin ang galit ng si Ronnie.


"Ako lang naman ang boyfriend ni Earl. At hindi kayo naghahalikan kanina. Wala akong nakita. Huwag kang sinungaling pare. Halika na." mahabang sabi ni Ronnie sabay hila ulit sa kanya. This time, sa kamay na.


"A-aray!" nangingiwing sambit niya.


"Let go of Earl, pare. Nasasaktan siya o. Huwag ka ngang insensitive. Ganyang klaseng boyfriend ka ba?" singit na naman ni Russ.


"Russ please..." pagmamakaawa na niya rito para tumigil lang ito.


Tiningnan siya ni Russ, pero sa kamalas-malasan ng taon ay ngumiti lang ito sa kanya. As if assuring him everything will be fine.


Napabugha na lang siya ng hangin sa desperasyon.


"Huwag kang makulit pare. Baka masaktan ka lang." banta na ni Ronnie.


"Matatakot na ba ako?" si Russ.


"Hinahamon mo talaga ako no?"


"Halata na ba pare?"


"Aba't..."


Akmang susugod na si Ronnie kay Russ ng pigilan niya ang dalawang ito. Pumagitna pa talaga siya at ginamit ang buong lakas para mapigilan ng husto ang paggigirian ng dalawang takaw-away na gwapito ng San Bartolome.


"Tama na!" sigaw niya.


Napatigil naman ang mga siga sa ginawa niya. Gigil na hinarap niya si Ronnie.


"Ikaw. Kung hindi ka titigil sa panggugulo sa akin ay tatamaan ka na talaga sa aking sira-ulo ka. Ano bang ipinagpuputok ng butse mo ah? Nagpapangap na nga akong hindi ka kilala, hindi ka naaalala, pero ikaw pa itong lapit ng lapit. Di ba sabi mo, ayaw mo na akong makita? You specifically asked me not to disturb you anymore, eh bakit ka nanggugulo ngayon dito?" mahabang histerya niya with matching pupok pa ng dibdib nito na tila hindi naman nito iniinda. 


Bagkus, nahuli pa niya ang pagtaas ng sulok ng labi nito na tila ba isang pigil na ngiti.


Ngiti? I must be hallucinating.


"See? Alam kong nagpapanggap ka lang. Halika na. Umalis na tayo dito." wika ni Ronnie sabay hila ulit sa kamay niya.


Para naman siyang binuhusan ng malamig na tubig ng dahil doon. Iyon lang iyon? Para patunayan lang na nagpapanggap siya? Kaya ito nanggugulo? 


Dahil sa naisip ay kumulo na naman ang dugo niya at hindi na napigilang hampasin ito ng bag na dala.


"Walang-hiya ka!"


"Aray!" sabi lang ni Ronnie saka hinimas ang nasaktang ulo na tinamaan niya.


"Bagay lang sa'yo yan. Ano ngayon ang gusto mong palabasin? Na sobrang gwapo mo dahil napatunayan mong nagawa kong magpanggap na walang naaalala or hindi ka nakikilala para lang maiwasan ka? O ano masaya ka na?" nananakit ang mata at lalamunang sabi niya.


"Ano? Dagdag na naman sa napakalaki mong ego na may isang taong kayang pagmukhaing tanga ang sarili sa paghabol at pag-iwas sa'yo? Masaya ka na Ronnie? Ang b-babaw mo!" 


Napapiyok na siya sa huling sinabi niya. Hinayaan ng tumulo ang pinipigilang luha.


"Sana masaya ka na Ronnie. Kasi ako, pagod na. Pagod na pagod na kakaisip ng paraan para makuha yung atensiyon mo nitong nakalipas na mga araw. Tapos ngayong nakapagdesisyon akong huwag ka ng gambalain, saka ka e-entra na naman. Ano bang gusto mo? Eh halos ilubog ko na nga ang sarili ko putik ng kahihiyan ng dahil sa'yo. Huwag ka namang sadista. Wala naman akong kasalanan sa'yong malaki eh. Tama na please."


Tuluyan na siyang humagulgol. Lahat ng naipon na sakit ng nakalipas na panahon, mula sa paghabol niya rito hanggang sa araw na ito na iniiwasan niya ito ay tila dam na nabuksan. Hindi na kinaya ng puso niya ang magtimpi para hindi ito sumbatan. Napa-upo pa siya sa lupa at dedma sa uniporme niyang marurumihan ng dahil doon.


"Huwag ka ng umiyak."


Tiningnan niya ang nagsalitang si Ronnie. Wala siyang makitang emosyon sa mukha nito kundi kalamigan. He tiptoed and leveled his face to his. Naramdaman niya ang masuyong paghawi ng kamay nito sa kanyang buhok na tumabing sa kanyang mukha.


"I said don't cry."


Napaismid siya. Kapal ng face nitong magsalita ng ganoon. Nasasaktan na siya ng husto ayaw pa nitong umiyak siya? Kaloka.


"Don't cry Earl, lalo pa kung ng dahil sa akin."


Natigilan siya.


"R-ronnie..."


"Huwag na huwag mong hahayaan na saktan ka ng taong mahal mo. Kasi masasanay sila. Kapag nasanay sila, hindi na nila alam i-break iyon. Kaya saktan mo rin ako Earl. Para quits na tayo. Pagkatapos nun, hindi na kita guguluhin. I'm sorry for the trouble I caused."


Nanlamig siya ng husto sa sinabi nito. Gusto nitong saktan rin niya ito para lang quits na sila. Ganoon na lang ba iyon? Kapag nasaktan ka, gumanti ka lang? That way ba makakamit mo yung ginhawa na pwede mong makuha kasi nasaktan ka? He looked at him incredulously.


"I don't get you Ronnie Alfonso." aniya.


"You don't have to." 


Tumayo na ito. Hindi na siya pinag-abalahang itayo.


"Ganoon lang iyon? Pagkatapos mo siyang saktan, saka mo siya iiwanan?" boses ni Russ na naroroon pa pala at malamang ay nasaksihan ang outburst niya bilang drama princess.


Gosh!


"I don't need your opinion Russ."


Hala? Magkakilala sila?


Russ smirked from Ronnie's answer. "So very you Ronnie. Nakaka-iritang kaya mong gawan ng the repeat ang isang eksenang nagawa mo na two years ago."


Gosh! Magkakilala nga silang dalawa. At mukhang may ibang eksenang nagaganap. 


Napatayo siya.


"M-magkakilala kayo?"


Nilinga siya ni Russ. "Yes Earl. Ronnie's my son-of-a-bith-Ex."


"And you are my ever-bitter-ex Russ."


"Na nararanasan mo na ngayon Ronnie. Kay Monty, right?" mas may asin na balik ni Russ dito.


OMG! Grabeng revelation na ito. Pero bakit nagtanungan pa ang mga ito ng kung sino ang mga ito kanina. Ano yun? Trip lang?


"T-teka. Pa-paanong nangyari iyon kung di naman kayo magkakilala kanina?"


Tumawa ng pagak si Russ. "Drama lang. I guess, pare-parehas tayong umaarte kanina. Galing no?"


Naaasar na nagwalk-out siya. Akala niya pa naman, seryoso ang angilan kanina, iyon pala, may kakaibang trip din ang mga ito. Para siyang napaglaruan ng husto. Ni Ronnie, ni Russ at ng mundo. Sobra na. Di na niya kaya.


"Mga baliw! Maka-alis na nga rito." asar na sabi niya.


Pero bago pa siya maka-alis ay nahila na siya ni Russ sa kamay.


"Halika na, alis na tayo Earl."


Napapantastikuhan siyang tumingin dito. Talaga palang malakas ang trip nito eh.


"Ayos ka lang Russ?" naiiritang sabi niya.


"I'm fine baby. Since you kissed me." 


Napipilan naman siya. Oo nga pala, kahalikan niya ito kanina.


"What are you doing? Bitiwan mo ang kamay ni Earl." kunot-noo namang sabi ni Ronnie sabay hila sa kabilang kamay niya.


Hay! Kailan ba matatapos ito?


"Aalis na kami rito, mabaho na kasi ang hangin dito." pang-aasar ni Russ.


"Kami din ni Earl. Kaya bitiwan mo na siya. Babaho ang kamay niya." balik-asar ni Ronnie rito.


"Ano ba kayong dalawa?" nalolokang sabi ni Earl.


"Oo nga. Ano ba kayong dalawa ni Earl ha?" si Russ kay Ronnie.


"Boyfriend niya ako." tumataginting na sabi ng huli.


"You're not my boyfriend." gigil na sambit ni Earl kay Ronnie.


Hindi niya inaasahan ang ikinilos ni Russ. Humarang ito at pinigilan sa dibdib si Ronnie ng magtangka itong lumapit ng husto sa kanya.


"Earl said that you're not his boyfriend so leave him alone."


Kinabahan siya sa tensiyon. Ronnie looked at Russ's hand before turning his attention to his defender. Natatarantang nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa. Seryoso ang mukha ng dalawa bagama't nakangiti si Russ ng muling magsalita.


"I'll court Earl, Ronnie. And I will never make him cry like you did." deklara nito. "At wala kang magagawa."


"Let's see." mapanganib na sagot ni Ronnie.


"Talaga. So just back off. Huwag mong pag-initin ang ulo ko." si Russ.


"Huwag mo ring pag-initin ang ulo ko." gigil na sabi ni Ronnie. Malapit na itong humulagpos.


Tension was very obvious between the two men. Kaya naman naki-alam na siya. "Teka, teka. Bitiwan niyo nga muna ako. Nahihirapan na ako rito eh."


"O, bitiw daw Ronnie." nang-aasar pa rin na sabi ni Russ.


"Ikaw ang bumitiw Russ. Epal ka lang dito."


Pero walang nagbigay sa mga ito. Sa halip, lalo pang naghigpitan ang mga kamay ng mga ito sa mga braso niya. Russ looked very determined not to let him go. Ronnie looked very pissed off.


"Know what guys? Kahit pa gusto kong i-enjoy ang eksena rito at mag-feeling prinsesa na pinag-aagawan eh nagsisimula na akong mairita ng husto." asar niyang sabi. Sinubukan niya ulit na kumawala pero wala talagang gustong magbigay sa mga ito. "Fine, sige. Ganito na lang tayo maghapon ha? Pero pakainin niyo ako at paupuin niyo rin kasi nangangawit na ako eh. Ano? Bet? Ayan, pagsawaan niyo ang mga braso ko."


"What's happening here?"


Napalingon siya sa baritonong boses na kay Orly Diamond pala. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa pagta-tug-o-war nila Russ at Ronnie sa kanyang braso.


"Earl?" 


Napabugha siya ng hangin pagkakita sa Captain Ball ng Football Team. "Hindi ko rin alam ang problema ng mga ito. Hindi rin naman sila nakikinig kapag sinasabi kong pakawalan ako eh, kaya hayan, pinababayaan ko na sila."


Nagpalipat-lipat ang tingin ni Orly sa dalawang lalaki. Kapagkuwan ay napabuntong-hininga ito. "Okay, let's go Russ. Hayaan mo na silang dalawa."


"Pero liligawan ko si Earl."


"Liligawan? Paano si Freia?"


"Sinong Freia?"


Biglang lumabas sa kung saan ang kaibigan niyang si Freia na umuusok ang ilong sa galit. "Hoy Russel Punzalan! Akala mo siguro eh matatakasan mo ako no? Kahit saan ka pumunta hindi ka makakaligtas sa akin. Hindi ka makakalusot sa akin, unggoy ka! Walang-hiya kang lalaki ka. Pinaghintay mo ako ng matagal sa canteen yun pala nandito ka lang at nakikipagbnong-braso sa kung si-... Earl? Ronnie?" natitigilang sabi nito.


"H-hi friend!" nahihiyang sabi niya.


"What's going on here? Bitiwan mo siya." tinampal nito ang kamay ni Russ.


"Shoo! Go away! Sino ka ba?"


Sasagutin sana niya ang kaibigan na okay lang siya ng bigla nitong hilahin sa tenga si Russ dahilan para mapabitiw ito sa kanya at tuluyang napalayo sa kanya. Napahinga na lang siya ng maluwag. Isa na alng ang problema niya. Si Ronnie.


"Get off me." piksi niya. 


Akala niya ay mahihirapan pa siya na maki-usap dito pero binitiwan na siya nito agad para lang mapasinghap lang ng malakas dahil hinawakan ulit nito ang mga braso niyang namumula na agad.


"R-ronnie..."


"Okay lang ba ito? Namumula na oh." anitong tsine-check ang braso niya.


Napatango lang siya.


"Good. Huwag kang magpapaligaw kay Russ. Babaho ang kamay mo." 


Napataas ang kilay niya. "What? At bakit naman kita susundin? Wala naman tayong relasyon ah?"


"Meron." Sabi nito sabay pisil pa sa pisngi niya.


"Aherm!" si Orly. "Batsi na ako insan." saka ito umalis ng mabilis.


"May usapan tayo Earl. I'm your pretend boyfriend. I hope you won't forget that."


"O-of course not!" he said stammering. What the hell? This isn't good! Bakit ba kasi may papisil-pisil pa itong nalalaman. Kinikilig tuloy ako. Lumayo siya ng bahagya dito. "But I thought..." Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil lumapit ito.


"You thought what?"


"I-i t-thought.." kandabulol pa rin siya. "I-i... a-anong ginagawa mo?"


"Anong ginagawa ko?" Ronnie parroted.


His face was only inches away. Hindi siya makahinga sa sobrang kaba. Naaamoy ni Earl ang napakabangong hininga ni Ronnie that he could almost breathe into it. Nabibingi na siya sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya na hindi na niya ipagtataka kung marinig man nito iyon.


Napatikhim siya. Kailangan niyang gumawa ng distraction kung hindi ay mawawala na naman siya sa sarili. Pilit niyang ipinapaalala sa sarili ang mga sakit na naranasan niya rito. Because the moment na mahalikan siya ulit nito, siguradong lahat ng iyon ay mawawala na sa isip niya. Ganoon siya kasigurado na maitatapon lang sa hangin lahat ng tampo niya rito.


Pero hindi siya pinakingan ng langit. The moment na napakurap siya, that's when Ronnie claimed his mouth and held captive not only his lips, but also his heart and soul. 


You're a dead man Earl!


Itutuloy...

Tuesday, May 3, 2011

Terrified 6

Author:Rovi/Unbroken
FB:Iheytmahex632@gmail.com
BLOG:http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com/







“Raaafffff!!!!”

Napabalikwas ako sa kama. Agad kong inangat ang aking ulo at accidentally na tumama ang aking ulo sa bakal ng double deck. Ang sakit lang. Nagising ako sa paghampas ng ulo ko sa lintik na bakal na yan. Muli kong ibinagsak ang aking katawan sa malambot na foam ng double deck at naramdaman ng ulo ko ang malambot at mabango kong unan.

Nanaginip na naman ako. Ano na naman ang ibig sabihin non?

Ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib ko. Ang lamig din ng butil-butil na pawis sa aking noo. Napanaginipan ko na naman ang sementeryo at kung anu-ano pa. Nakita ko rin ang upuang lagi naming pinepwestuhan sa t'wing magagawi kami sa parke na yon. Hinahalukay na naman ako ng nakaraan. Bumabalik na naman si Raf sa aking mga panaginip. Pero nasaan ba talaga sya?

Buntong-hininga. Isang malalim na buntong-hininga.

Mahigit limang taon na ang nakakalipas ng huli ko syang makita. Iniisip ko pa rin talaga sya. Di ko lang alam kung if he's still the same. Iniisip nya pa din ba ako? Ganoon pa din ba ang itsura nya? Moreno pa din ba sya at toned pa rin ang katawan? Does he still wear the same old perfume? Does he still wear the same old smile? Ayoko ng ganito. Ang dami kong iniisip na mga bagay na nagpapalungkot sa akin. Sa t'wing hindi ko naman sya iniisip ay kung anu-ano ang nangyayari.

“Jared anak. Magaalmusal na tayo.” pagtawag sa akin ni Mama mula sa labas ng aking kwarto.

Hindi ako sumagot. Tumayo ako at inayos ang aking sarili. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Kitang-kita ko ang aking reflection. Ako pa rin to,nagbago lang ng kaunti. Naiisip ko na naman si Raf. Dati,t'wing nasa bahay kami ay lagi kaming sabay na tumitingin sa salamin. Tapos pag nasa tapat kami ng salamin ay bigla nya kong yayakapin mula sa likod at hahalikan nya ang aking leeg.

Isang malalim na buntong-hininga.

“Anak. Paparating na si Kath. Sasama ata sa office mo para madiscuss na din ang ibang mga bagay para sa kasal nyo.”

Patuloy na pagsabi pa ni Mama mula sa labas ng kwarto.

Napakamot ako ng ulo. Ikakasal na pala kami ni Kath ilang buwan mula ngayon. Handa na ba talaga ako? Mali,ang tanong eh,gusto ko ba talagang magpakasal kay Kath? Di ko alam. Kath has been with me kahit noong mga panahon na nasa kadiliman pa ako. Mahal ko sya pero di ko alam kung bakit ako nagdadalawang isip sa pagpapakasal. Wedding jitters lang ba to o talagang naguguluhan na ako?

“Oo mama. Lalabas na ako.”

“Sige sige. Nakahanda na ang pagkain sa mesa.”

“Okay.”

Mabilis akong kumilos. Naligo agad ako at nagbihis. After ng breakfast ay dederecho agad ako sa opisina. Inayos ko ang aking sarili,nagformal attire at nagwax ng buhok. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga bago ako lumabas ng kwarto.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang isang pupungas-pungas na Victor. Nagtama ang aming mga mata,agad akong umiwas.

“Good Morning Jared anak.” sabi nito.

Tumingin lang ako sa kanya at nagtaas ng kilay.

Mabilis akong tumungo ng mesa kung saan nakaupo na si mama.

“Anak ang gwapo mo ngayon.”

Ngiti lang ang isinagot ko.

“Anak bakit di mo ata pinansin ang Tito Victor mo?”

“Ha? Hindi Ma. Ngumiti ako sa kanya.”

Ilang segundo pa ay nakaupo na sa harap ko si Victor. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Naiinis ako na di mawari. I just really can't stand it. Ayokong nakikita sa hapag-kainan ang mga taong ayaw ko. Pinipilit kong di mairita dahil makakahalata si Mama at isa pa ay masamang magaway sa harap ng pagkain.

“Anak kailan ang kasal nyo ni Kath?”

Napaisip ako.

“Wala pang date. Tentative pa. Pero target namin eh months from now.”

“Anak parang ilang beses na naurong ng naurong ang kasal nyo. Gusto mo bang maging hands on na kami ng Tito Victor mo para mas di kayo mahirapan? Ilang taon ng napupurnada yan eh.”

Napatingin ako sa nanay ko. Ramdam ko ang concern sa kanyang mga salita. Alam kong gusto nyang mapadali ang kasal at atat na rin kasi talaga syang magkaapo. Pero di ko alam sa sarili ko. Kahit si Kath ay nagaapura na din,ako lang talaga ang may mga problema sa sarili ko.

“Baka naman di pa ready si Jared magpakasal Ma?” sabat ni Victor.

I threw him an odd stare.

“I mean,after lahat ng mga pinagdaanan nya, I think he needs more time.”

“Dad,ang tagal ng nagaantay ni Kath para sa kasalan na yan. Don't you think it's just time for them to settle? Isa pa ang tagal na nila diba?”

“It's not like that Mom. If they're going to commit sa marriage na to na halfhearted ang isa, I don't think na magwowork ang kasalan.”

Nakikinig lang ako sa mga pinaguusapan nila. Di ko alam pero pakiramdam ko ay unti-unting binubuksan ni Victor ang utak ni mama para maramdaman nitong di pa nga din ako handang magpakasal. Siguro nga ay hindi pa din talaga ako handang magpakasal. Nagpatuloy ang diskusyon nila about sa kasalan. I feel obliged. Ang punto ni Mama matagal na kami ni Kath at wala na akong makikitang ganoong babae. Ang punto naman ni Victor ay pakiramdam nya ay di pa ako handa kaya hindi rin magwowork. Tama sila pareho. Di ko alam sa sarili ko kung ano ba talagang plano ko.

Natapos ang breakfast,hindi nagpakita si Kath. Nakakapagtaka.

I instantly called her. Ang tagal sumagot.

“Hon? Bakit di ka nakapunta? I thought breakfast tayo?”

“Hon,sorry. Ang sakit talaga ng puson ko. Babawi ako next time. Love you.”

“Okay lang. Take your medicine. Punta ko dyan pag di busy, Love you too.”

Disconnected.

* * *

Maaliwalas kong narating ang opisina. Magiliw ang mga tao just like last time.

“Sir Jared. Pag may kailangan po kayo tawagan nyo lang po ako sa phone.”

“Sure Lily.”

“Sige Sir. Back to work na po ako.”

Akmang tatalikod na ito nang may naalala ako.

“Lily?”

“Ahh Yes Sir?”

“Ikaw ba ang naglagay ng kape sa mesa ko kahapon?”

“Sir?” may pagtataka sa tono nito.

“Kape. Nilagyan mo ng kape ang mesa ko kahapon?”

“Sir hindi po. Bakit?”

“May kape kasi sa mesa ko.”

“Sir. Di po ako. Alam kong ayaw nyo ng kape.”

“Oo nga Lily. Hayaan na natin.”

“Ang weird nun Sir.”

“Oo nga. O sya cge. Later ha?”

At bumalik na ako sa loob ng aking opisina. Hanggang ngayon iniisip ko kung sino pa rin talaga ang naglagay ng kape sa aking lamesa. Nakaramdam ako ng kakaiba. Raf. Nasaan ka ba?


* * *


6pm. Same overtime work. Nagpaalam na si Lily para umuwi kasama ang iba pang mga tao sa office. Naiwan na ako sa loob pero nasa labas ang aming maintenance personnel na si Ron. Patuloy ako sa pagtapos ng mga natambak na reports ng biglang nagflicker ang ilaw. Hinayaan ko lang. Patuloy ako sa pagtapos ng mga reports ko ng nagflicker muli ito. Kasabay ng pagkurap ng ilaw ay ang malamig na dampi ng hangin sa aking balat.

Bakit ang lamig? Hindi naman nakatodo ang aircon.

Binalewala ko ang mga nangyayari. Marahil nagloloko lang ang ilaw maging ang aircon. Ilang segundo pa,huminto ang ilaw sa pagflicker. Bumalik rin ang normal na temperature ng kwarto. Inaayos ko na ang mga kontrata para sa mga bagong papasok na empleyado sa kumpanya. Makalipas ang wala pang labinlimang minuto,nagsimula na naman ang pagkurap ng ilaw.

“Punyeta!” bulalas ko

Parang Christmas light ang pagkurap ng ilaw. Naiirita na ako. Di ko matatapos ang mga ginagawa ko ng ganyan. Naramdaman ko ang pagkunot ng aking noo. Pumikit ako at nagpractice ng rhythmic breathing. Magiinhale ka ng malalim for 4 seconds then ihohold mo sya ng another 4 seconds at irerelease mo sya ng ganun din. Pinaulit-ulit ko ito hanggang sa naramdaman ko ang pagkalma ng aking sistema.

Naramdaman ko na ang pagkalma ng aking mga nerves. Binuksan ko ang aking mga mata. Patuloy pa rin ang pagflicker ng ilaw. Nakaamoy na naman ako ng kakaiba- amoy na naman ng kape. Nagsisimula na naman akong kabahan dahil naamoy ko na naman ang kape na iyon. Susubukan kong di pansinin.

Tumitig ako sa ilaw ng ilang segundo. Patuloy ito sa pagflicker. Naiirita na ako.

“Ron!”

“Ron!”

Mabilis na dumating ang isa sa mga kasama namin sa opisina.

“Bakit Sir?”

“Ron. Bakit nagpapatay-sindi ang ilaw?” Sabay turo sa aking taas.

Napatulala ako sa taas nang mapansin kong walang kagalaw-galaw ang ilaw. Maliwanag ito at stable. Nakita ko rin ang pagkamot ni Ron ng kanyang ulo dala na rin ng pagkayamot. Napabuntong hininga din ito.

“Sir. Okay naman po ang ilaw ah?”

“Nagfiflicker yan kanina!”

“Sir ayan nga po walang kagalaw galaw oh!” sabi nito sabay turo sa ilaw.

Tumingala ako at nakita kong okay ang ilaw. Hindi pundido. Pero nakita ko ang nakita ko. Iginiit ko talaga ang nakita ko. Mukhang tinatamad lang kumilos si Ron.

“Nakita ko ang nakita ko Ron. Ano bang problema?”

“Sir hindi nga po pundido!” Pasigaw nitong sabi.

“Sinisigawan mo ako?” there's authority sa aking boses.

“Haaa.? Hi-hin-di po.” nagbago ang tono sa boses nito.

“Baka gusto mong ipaalala ko sayo kung sino ang kausap mo Ron at kung ano ka lang sa kumpanyang ito? Kung tinatamad kang magtrabaho,magresign ka! Hindi yung pinapakitaan mo ng incompetence ang isa sa mga amo mo!” pagsigaw ko sa kanya

Natahimik sya at nanatiling nakaupo. Sa sobrang irita ko ay agad kong naayos ang aking mga gamit at agad akong lumabas ng kwarto. Bago ako lumisan,tinignan ko sya at nagwika.

“You don't have to file your resignation Ron.”

“Sir?” nangangatal nitong sabi.

“You're fired!”

I slammed the door then hurriedly left the office.


* * *

Masaya akong sinalubong ni Mikey pagbaba ko ng office. Nagyakap kami at nagngitian. Ang laki ng pinagbago ng aking nakababatang kapatid. Kitang-kita ngayon lalo ang kanyang kakisigan. Dati ay tototoy-totoy sya pero ngayon ay napakatikas na ng kanyang pangangatawan. Mahirap na ngang sabihin na magkapatid kami dahil pakiramdam ko ay ang layo na ng mukha namin eh. Aminado akong mas gwapo si Mikey sa akin.

Sabay kaming nagyosi sa may ibaba ng building. Ako na nagpapaalis tension,sya na nagaalis ng boredom. Napagusapan namin ang kung anu-ano pang mga bagay ukol sa kanyang mga pinagkakaabalahan. Napagalaman kong aside from working out,nagenroll din sya sa isang Pole Dancing Class para mailabas nya ang kanyang lakas pati na rin sa pagdevelop ng kanyang muscles.
Sa loob ng ilang minuto naming pagyoyosi at pagkekwentuhan,naramdaman kong somehow,nabawi ang ilang taong di kami magkasama.

Inakbayan ako ni Jared habang naglalakad kami papunta sa kanyang sasakyan. Ang sarap lang ng feeling ng mayroong kapatid na magiging kakampi mo sa lahat. Sana di to matapos. Patuloy kami sa paglakad nang marinig ko ang pagbuntong-hininga ng aking kapatid.

“Oh? Anong problema?”

“Wala naman Kuya, Iniisip ko lang kung paano kung di pinakasalan ni Mommy si Victor. Siguro masaya tayong tatlo.”

“Mikey,siguro nga. Pero kahit papaano,yung ginawang pagpapakasal ni Mommy ay nakagawa ng paraan para mas mapabuti tayo in our own little ways. Tignan mo lang sayo,naging independent ka at mas okay ang finances mo ngayon. Tingin mo ba kung di nangyari ang mga nangyari magiging ganyan ka katatag?”

“May punto ka dyan Kuya. Siguro kung di nangyari ang mga iyon, I wouldn't be in this state now. Siguro mas simple ako at nakadepende pa rin kay Mommy. Siguro mas masaya tayo. At siguro,kung di nangyari ang mga nangyari, malamang walang galit sa puso ko ngayon.”

“Naiintindihan ko lahat Mikey. Alam ko ang pinagdadaanan mo.”

“Salamat Kuya.”

Sumakay kami sa kotse. He drove to the nearest coffee shop,Mikey is such a good driver. Napakasmooth nya lalo na kapag sya ay magtetake over. He assures the safety of his passengers.
We got in to the coffee shop after he parked his car.

“Kuya,kape?”

“I don't drink coffee Mikey. Kahit Green Tea nalang.”

“At bakit di ka na nagkakape? Dati naman nagkakape ka?”

“Blast from the past. I just don't want to be reminded.”

“Sino to?”

“Basta.”

“Mind me asking. Siguro ka na ba talaga sa kasalan?”

Napahinto ako sa tanong.

“Actually,hindi.”

“Then stop the wedding.”

“I know. Kaya nga inuudlot ng inuudlot. Kanina nga,pinagtanggol ako ni Victor. Ang sabi ay baka di pa ako handa sa kasal kaya wag daw ako pilitin. Ewan ko ba don kung bakit.”

“Baka naman type ka kuya?”

Napatitig ako kay Mikey. Nakaramdam ako ng guilt. Sasabihin ko ba sa kapatid ko na maging ako ay naabuso ni Victor? O itatago ko nalang? Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Ang daming mga bagay ang nagsasabay sabay sa utak ko ngayon. Pakiramdam ko any moment ay sasabog ito.

“Kuya? Anything wrong?”

“Ha..? Wa-wala.”

“Okay.”

“Sorry Mikey. Preoccupied.”

“Ayos lang.”

Tahimik.

“Kuya,gaganti ako.”

“Ha? Paanong gaganti at kanino?”

“Kay Victor.”

“Paano? Anong gagawin mo?”

“Basta.”

Nakaramdam ako ng kakaiba sa mga sinabi ni Mikey. Alam kong mabait syang bata pero di ko alam kung anong pwede nyang gawin dahil sa galit nya kay Victor. Lagi naman tayong nakakagawa ng mga bagay na hindi dapat kapag galit tayo or kapag pinangungunahan tayo ng emosyon. Sana lang ay gabayan ng Diyos si Mikey sa mga bagay na pwede nyang gawin. Sana tulungan sya ng Diyos na magpatawad. Alam kong mahirap pero alam kong kinakailangan.

Bumalik na kami sa sasakyan. Tahimik si Mikey,halatang may iniisip. Hindi ko alam kung ano yun, hinayaan ko nalang sya. Nagmaneho sya at wala pang 30 minutes ay naihatid na nya ako sa subdivision. Tahimik pa rin ang aking kapatid,nakakapagtaka.

“Bakit Mikey?”

“Iniisip kita Kuya.”

“Bakit?”

“Wag ka ng magpakasal kay Kath. Please?”

Napatingin ako sa aking bunsong kapatid. Kita ang sinseridad sa mga mata nito. Alam kong iniisip nya na di ako sasaya kay Kath at alam kong concerned sya sa akin. Pero dapat ko pa rin talagang pagisipan ang magiging desisyon ko. Mahirap din masaktan at makasakit. Ngumiti ako kay Jared.

“Pagiisipan ko bunso.”

Ngumiti sya sa akin. Kinuha ang aking kamay at pinisil ito. Ginawaran ko sya ng isang halik sa noo at bumaba ako ng kotse. It really feels good to have a younger brother. Mabilis akong lumakad pabalik ng bahay at nakita ng aking peripheral vision ang pagatras ng kotse ni Mikey. Ilang segundo pa ay nawala na sya.

Malamig pa rin ang dampi ng hangin sa aking balat.

“Jared!”

Isang tawag na nakakuha ng aking atensyon.

Napalingon ako sa aking likod. Walang tao. Dumerecho ako sa paglakad.

“Jared sandali lang!”

Muli akong lumingon sa aking likod. Walang tao. Kinabahan ako. Nagmadali akong tumakbo sa gate. Nang bubuksan ko na ang pinto,nakaramdam ako ng yakap mula sa aking likuran. Mainit ang kanyang katawan.

“Jared. Bakit di mo ko pinapansin?”

Natameme ako. Pamilyar ang boses na yon. Maging ang init ng kanyang katawan. Pati na rin ang kanyang hininga. Maging ang kanyang pabango. Sya nga. Naramdaman ko ang pagtulo ng aking luha,mas naramdaman ko ang higpit ng kanyang mga yakap.

“Raf. Nagbalik ka.”

“Oo Jared. Nagbalik ako.”

“Raf.”

“Namiss kita Jared.”

At tumulo ang aking luha.

I T U T U L O Y . . .

Sunday, May 1, 2011

Tres Adonis 4

videokeman mp3
Pangako – Kindred Garden Song Lyrics








Nanlamig ang buo kong katawan dahil sa di inaasahang naganap. Isang bagay lang ang pumasok sa isip ko. Yun ay ang sugurin ang dahilan kung bakit nasa lugar na iyon ako, imbis na nasa opisina at nagttrabaho.


AKO: "Elwood, excuse me lang ah" sabay talikod at tinungo ko ang kinaroroonan ng halimaw.


BRANDON: "Oh gayboy, di mo ba matiis ang gutom mo kaya ka naparito?" sabay ngiti ng painsulto


AKO: "Hinatid ko lang mga pinamili ninyo SIR!!! saka na po ulit tayo MAGLARO!! Kasi may mahalagang bagay akong aayusin" sabay talikod palayo.


Di ko na nakita ang naging reaction ni Brandon at wala na akong pakialam kung anu pa iyon. Mahalaga sa akin ay makapagpaliwanag ako sa kuya ko.


TInungo ko si Elwood, sabay hila ng kamay niya.


AKO: "Tara, I need your help on this. Kilala mo naman siguro si kuya"


ELWOOD: "Pero....."


AKO: "Shut up! maya kana magsalita Elwood please"


Derecho kami sakay ng taxi ni Elwood. Alam ko kasi kung saan tutungo si kuya sa mga gantong sitwasyon na nasasaktan siya.


Tama nga ang naging hula ko. Nasa bahay at nagmumokmo, yakap yakap ang mahiwagang vase niya. Tahimik akong lumapit at umupo sa harap niya.


KUYA GRER: "Tarantado ka cadreck!!" sabay gawad ng sapak sa pisngi ko at kwenelyuhan ako. "Ba't Mo nagawa sakin to!! kapatid kita baka nakakalimutan mo!!!"


AKO: "Kuya.. mali ka sa nakita mo, makinig ka muna please"


KUYA GREG: "Anu? nakaisip na kayo ng pagdadahilan?, nasaktan na ko tol" napa iyak na si kuya


AKO: "Alam mong di kita pagsisinungalingan kuya, kaya makinig ka naman sakin oh"


KUYA GREG: "Magsama kayo!!!"


Mukhang di na nakatiis si Elwood sa mga nasaksihan niya.


ELWOOD: "Naririnig mo ba lahat ng mga sinsabi mo Greg ah? I don't think kailangan naming mag explain sayo kasi wala naman talaga kaming ginagawang masama. Besides, anung karapatan mong magalit?"

Tila naman parang napako sa kinatatayuan niya si Greg. Animoy may sapi na biglang natauhan.


AKO: "Kuya totoo sinasabi niya, di sinasadya pagkikita namin sa mall. Yung mga dala dala ko kanina, sa anak ng Boss ko yun, nasa loob siya ng resto kumakain kaya di mo siya nakita. paniwalaan mo naman ako kuya"


Elwood: "I think I'm just wasting my time here. See you around Cadrick. Hayaan mo siya kung ayaw niya maniwala" sabay talikod palabas



KUYA GREG: "Elwood..."


Pero di na siya nilingon nito, sa halip any derechong lumakad palabas ng bahay.


AKO: "ku..kuya, naniniwala kanaba?"


KUYA GREG: "I'm sorry, nagulat lang kasi ako sa nakita ko. patawarin moko. Nakalimutan kong ako ang totoong may kasalanan sa lahat lahat ng nangyayari" malungkot nitong pahayag


AKO: "ok na yun kuya" sabay yakap. "Siguro dapat mag isip ka ng paraan para kausapin ka ni Elwood, di ba mahal mo pa siya?"


KUYA GREG: "natatakot ako tol, natatakot akong madinig na hindi na niya ako mahal" bakas ang pag dilim ng mukha ni kuya.


AKO: "Kahit anu madinig mo mula sa kanya atleast, alam mo kung may aasahan ko o wala, stop wasting your time, that vase na lagi mong hinahawakan won't help you. No matter how you rub that thing, walang lalabas na Genie jan para tuparin ang mga wish mo" sabay ngiti at saktong nagring ang phone ko.


Nung tiningnan ko ay number ni halimaw ang nakaregister. Muli ay nanumbalik ang kilabot sa buo kong katawan.


AKO: "AHHHHHHH!!!!!!! Shhhit!!!!!!!!!!!! Shhhit!!!!!!!!!" sabay takbo sa kwarto at dun ko sinagot ang tawag niya.


BRANDON: "Tapos na ba yang mahalagang bagay na sinasabi mo?" PUNTAHAN MO NA KO DITO KUNG SAAN MO AKO INIWAN!! I'M WARNING YOU HINDI AKO AALIS DITO!!!!!!!!!!"


AKO: "ah eh ...sir"


BRANDON: "Sir your face gayboy. Napakalaki na ng kasalanan mo sakin" sabay patay ng phone.


Paglabas ko ng kwarto ay saktong papunta sa direction ko si Papa.


PAPA: "Kanina pa ko nakakadinig na sigawan nag away ba kayo ng kuya mo?" di napansin ni papa na galing dun si Elwood


AKO: "Di po papa, si kuya nalang tanbungin niyo.. " mangiyak ngiyak kong sambit sabay patakbong lumabas ng bahay para puntahan si Brandon.


Nung tiningnan ko si kuya ay mukhang malalim ang iniisip. Parang di nadidinig ang usapan namin ni papa.

Pagdating ko sa kinaroroonan ni Brandon ay nakita ko itong naka upo padin doon sa mesang pinakainan niya at animoy relax na relax lang naghihintay, pero ng maaninag ako ay biglang nagdilim ang mukha.


Pinilit kong magmukhang palaban habang papalapit sa kanya.


AKO: "Nandito na ko sir, kukunin ko lang mga pinamili niyo. Hintayin ko kayo sa labas" sabay pulot at talikod papalabas.


Kakaibang tuwa naman ang nadama ko dahil di ko siya nabigyan ng pagkakataong magsalita. Basag siya ngayon.


Pero tila nakabawi ito nung nasa parking lot na kami.


BRANDON: "Ayoko makita yang pagmumukha mo sa loob ng sasakyan ko. Find your own way kung paano mo maihahatid sa bahay yang mga dala mo." sabay pasok sa sasakyan at walang pag aalinlangan akong iniwan doon.


AKO: "(sa isip ko) Hindi na ko natutuwa sa pinag gagagawa ng gagong to."


Dali dali akong humanap ng taxi. Pagdating ko sa bahay nila ay saktong iniabot ko lang sa guard ang mga pinamili niya. Aktong lalabas na ko ay muli kong nadinig ang Boses niya.


BRANDON: "ikaw magpasok niya dito" may himig galit


AKO: "Kunin mo kung gusto mo" sabay talikod


BARNDON: "Ginagalit mo ba ako?!!!!!!!!! Don't dare me"


AKO: "Yeah I'm daring you!! Tang ina mo!!!! Kahit mawalan ako ng trabaho habangbuhay ayos lang sakin!!!! abuso ka na ah? kung susumahin wala naman akong contribution jan sa pagkapilay mo. Baka gusto mo pilayin ko yang leeg mo nang magkaroon ka ng rason na alila-in ako" sabay patakbong umalis sa lugar na iyon.


Alam kong wala na akong trabahong babalikan kinabukasan. Pero mabuti na iyon kesa sakyan ko ang laro ng taong yun. Sabi nga nila. sa aming tatlo, ako lang nagmana sa katapangan ng Daddy namin.


GUARD: "Sir! sir! hintay po! nalaglag po tong wallet niyo don" hinabol pala ako ng guard ng di ko namamalayan


AKO: "Salamat ah.. kung nagkataon, maglalakad ako pauei.." sabay ngiti


GUARD: "Galing niyo sir! Kayo ang kauna unahang taong nakapagtaas ng boses kay sir Brandon" nakangising sambit nito.


AKO: "ah ganun ba? Try mo, masarap kaya.." pabiro kong sambit


GUARD: "Di na dir, tama ng nakita ko kung panu niyo sa pinako sa kinatatayuan niya, parang naka ganti nadin ako sa masungit na yun. Cge po sir baka mawalan pa ko ng work"


AKO: "Cge ingat"


Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ng mga panahing iyon.Alam ko at nararamdaman kong hindi natatapos doon ang problema ko kay Brandon. Mabigat ang loob kong umuwi sa bahay namin. Papasok na ko sa gate nang makita ko ang isa pang kuto sa buhay. si Allen.


AKO: "oh? ba't andito ka? para kang pulubing namamalimos jan sa pwesto mo"


ALLEN: "ah eh Cadreck, anjan kaya si Tristan?" nahihiyang pahayag nito.


AKO: "Malay ko, galing din ako sa labas. Pero one thing is sure at 100 percent sure ako. Ayaw ka makita ni Tristan"


ALLEN: "Pero mag........."


AKO: "Ooopppssss, wag mo sa akin sabihin yan. saka na pag ready na makinig sayo si Bunso, better yet umuwi kana muna. Babalitaan nalang kita about sa kapatid ko" sabay pasok sa bahay.


PAPA: "Oh napaaga ata umwi mo?"


DADDY: "Alam mo naman yang anak natin, mana sakin sa kasipagan, maaga siguro natapos ang tarabaho"


AKO: "wala na po akong trabaho.. natanggal ako"


PAPA: "Anu?!!! Mana ka nga talaga sa Daddy mo. explain this to us iho panung?"


DADDY: "calm down.. alam kong may valid reason ba't nangyari to"


AKO: "Dad, Papa, ayoko na po kasi sa trabaho ko. wala lang ayoko na" pinili kong magsinungaling kesa sugurin ni daddy si Brandon at bugbogin.



DADDY: "Hmmmmm ok.. that's good enough for me. tara meryenda muna tayo"



PAPA: "hey hey? anung klase kang ama? diyos ko naman, kaya lumalaking ganyan yan si Cadreck kasi lagi kang ganyan pag may nagagawang kalokohan yan"



DADDY: "Aysus naman itong asawa ko. hayaan mo na ang bata. Let him explore the world of grown ups. Matututo din yan sa sarili niya" sabay yakap at kiss kay Papa.



AKO: "Weh ang korney ng gestures niyo"



PAPA: "uy! Cadreck ah? mag uusap pa tayo. halika na muna at magmeryenda ka dito, nag bake ako ng cake kanina"


DADDY at AKO: "woooohhooooo CAKE!!!!!!!!!!!"


PAPA: "Magtatay nga kayo"


DADDY: "Oo naman!!!!!!"


PAPA: "Sandali lang at tatawagin ko si Tristan, sabi magbibhis lang daw siya, kanina pa yun"



AKO: "ahh kanina pa ba siya umuwi papa?" (Alam kaya niyang nanjan si Allen?")sa isip ko naman. Nkaramdam ulit ako ng habag para sa kapatid ko.



DADDY: "Oo kanina pa" si daddy na sumagot, nakaakyat na kasi si papa.



PAPA: "TRISTAAAAAAAN!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"



Patakbo kaming tinungo ni papa.



PAPA: "Si tristan!!!!!!!!! dali tulungan niyo ako!!!!!!!!!!!!!"











Itututloy............................

Torn Between Two Lovers? vi

So I'm back! Ahahah...

I love mom (Dalisay) and dad so much! :DD Heheh

-------------------------------------------------------------------------------------

“Dhen, salamat huh.” Pambungad niya pagkapasok namin sa bahay nila.

“Para saan?” Tanong ko.

“Kasi pinili mong makasama ako ngayong gabi.” Sinsero niyang sabi sakin.

“Adik ka Len alam mo ba?” Pagbibiro ko.

“Kaw talaga. Basag trip ka lagi. Magseryoso ka naman, seryoso kaya ako oh.”

“Oo na seseryoso na po.” Sabay ngiti.

“Ayan ka na naman eh. Niloloko mo na naman ako.”

“Batukan kita dyan eh, seryoso na ako oh. Ewan ko sa’yo bahala ka nga.” At tumalikod na ako sa kanya bitbit ang bag ko kunwari nagtatampo.

“Dhen, sorry na. Naglalambing lang naman ako eh di mo man lang nasakyan.” Hinarap niya ako sa kanya. Yumuko naman ako. “Huy, tumingin ka naman sakin. Di ko na yun uulitin promise.”

“Di bagay sa’yo magseryoso Len. Natatawa ako sa hitsura mo, umayos ka nga.” At napabunghalit na ako.

Dahil sa sinabi ko ay nakatikim ako sa kanya nang napakaraming kiliti. Hindi ko napigilan ang sarili na mapatumba. Hindi pa siya nakuntento at ang mokong di ako tinigilan.

Tawa kami nang tawa. Nang mapagod ay sinuntok ko siya sa braso niya. Mahina lang iyon.

“Walastik ka! Napaniwala mo ako dun huh. Akala ko totoo na, sa susunod di na ako maniniwala sa’yo.” Sabi niyang nakangiti.

Naging pormal mukha ko sa sinabi niya. “Umalis ka na diyan sa ibabaw ko. Nahihirapan na akong huminga.”

“Ah eh sorry.” Tumayo na siya at inabot ang kamay niya sa akin pero hindi ko tinanggap.

“Nasaan ba ang banyo niyo dito? Magsa-shower lang ako.” At binuksan ang bag para maglabas ng maisusuot.

“Doon sa labas may makikita kang palikuran. Teka mag-iigib muna ako nang tubig mo.”

“Huwag na ako na lang tsaka hindi naman ako lumpo para hindi magawa yun.” Pormal kong tugon.

Hindi na siya sumagot at ramdam kong ramdam niya ang biglaang paglamig ko sa kanya. Kinuha ko ang timba at tumungo na sa poso.

Binatak ko ang manggas ng t-shirt ko. Natawa ako sa inasal ko dahil akala mo naman mabigat na trabaho ang gagawin ko.

Kasalukuyan akong nag-bobomba nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Pansamantala ko muna itinigil ang ginagawa at asikasuhin muna iyong tumatawag.

‘Hello ate! Napatawag ka?’

‘Asan ka?’ Tanong ng ate ko.

‘Bakit?’ Balik tanong ko sa kanya.

‘May pumunta dito kani-kanina lang hinahanap ka. Mukhang pupunta sa party.’

“’Bakit daw niya ako hinahanap?’

‘Wala namang sinabi.’

‘Natanong mo ba pangalan niya?’

‘Francis daw eh.’

‘Ah okay.’

‘Teka sabi ni mama pupunta ka sa party? Andyan ka na ba?’

‘Oo andito na ako. Ako nang bahala dun sa nagpunta dyan pag nakita ko.’ Pagsisinungaling ko.

‘O sige na.’

At pinutol na namin ang linya. Hindi na nakakapagtaka ang iginawi niya. May kasalanan ako sa kanya pero hindi ko naman magawang sisihin ang sarili ko. Sa tingin ko pa nga tama ang ginawa ko eh. Kitang-kita ko na may pagtingin si Jie sa kanya. Tsaka marami na silang pinagsamahan. Tsaka…

“Ano ba yan, maka-shower na nga at ang init.”

Matapos maglinis ng katawan at makapagbihis ay muli kong tiningnan ang cellphone ko. Wala ni isang miscall or text. Nag-eexpect ba ako? Oo.

Nakadama ako nang disappointment kaya napagpasyahan kong matulog na lang. Nakita ko si Arnel na nakahiga na kaya tumabi na ako.

Kahit nakalapat na ang katawan ko sa kama ay hindi ako dalawin ng antok. Pilit kong binabalik-balikan ang nangyari kanina sa party. Ngayon na lang ako inatake nang hiya sa nagawa ko.

Pabiling-biling ako sa higaan. Hindi ako mapakali kakaisip.

“Namamahay ka ba?” Tanong niya.

“Hindi.” Simpleng tugon ko.

“Ganun ba?” Naramdaman kong bumangon siya.

“Saan ka pupunta?”

“Lilipat ng higa.”

“Bakit?”

“Baka kasi hindi ka sanay na may katabi pag matutulog eh.”

Nainsulto ako. Gusto kong mag-walk out ulit pero saan naman ako pupunta. Pinakalma ko ang sarili ko. Masyado nang madaming tension ang namamahay sa loob ko.

“Len, huwag ka nang umalis. Tabi na tayo.” Sabi ko pero ang tingin ay nasa kisame.

“Sigurado ka ba na okay lang?” Tumango lang ako.

“Galit ka ba sa akin?” Umiling lang ako.

“Bakit di mo ako kinakausap?”

“Pasensya na may iniisip kasi ako eh.”

Humarap siya nang higa sa akin.

“Hindi kaya matunaw ako?” Pagbibiro ko. Napangiti siya.

“Sarap mo kasing tingnan eh.”

“Tse! Tumigil ka.”

“Dhen.” Lumapit siya.

“Kung ano man ang binabalak mo huwag mo nang ituloy.”

Pero hindi siya nagpapigil. Isinandig niya ang ulo niya sa balikat ko at idinantay ang kamay niya sa dibdib ko.

“Can I stay this way?” Hindi ako sumagot and he took it as a yes.

Ramdam ko ang init na nagmumula sa kanya.

“Len?”

“Hmmm?”

“Bakit ako?”

“Dahil ikaw lang.”

“Ang alin?”

“Ang gusto ko.”

“Bakit nga?”

“Masaya akong kapiling ka. Hindi ka maalis sa isip ko. Hinahanap-hanap kita. Sa’yo lang naman ako nagkaganito eh.” Sunud-sunod na paliwanag nito.

“Eh si Jessa?” Hindi siya nakaimik.

“Sulitin natin kung anong meron tayo ngayon Dhen.”

Alam ko umiwas siya sa tanong ko kaya di na ako nagpumilit pa sa halip napabuntung-hininga na lang ako.

Ilang minuto matapos ang pag-uusap namin, sinilip ko kung tulog na siya. Nagulat pa ako nang makitang nakatingin siya sa akin. Parang nahipnotismo ako sa titig niya. Dahan-dahan niyang nilapit yung mukha niya sakin. Hindi na ako nakaiwas pa.

For the first time ay naghalikan kami na para bang wala nang bukas. Isinantabi ko muna ang katotohanan tungkol kay Jessa. I want the moment to last. Mula sa simpleng paghahalikan, nagsimula nang maglakbay ang mga kamay namin sa katawan ng isa’t isa.

Nang makaramdam ako nang boner mula sa kanya, para akong binuhusan ng malamig na yelo. Tumigil ako sa ginagawa ko. Nagtataka siyang napadilat.

“Sorry, hindi pa ako handa sa ganito.” Sabay iwas ng tingin.

“Sorry Dhen, masyado akong naging mabilis. Hindi ko sinasadya, hindi ko na kasi napigilan eh.” Binatukan ko siya.

“Loko ka, pinagnanasaan mo pala ako.” Natawa siya. “Kelan pa?”

“Aba secret siyempre. Hindi ko pwedeng sabihin sa taong mukhang puwet.” Pang-aasar niya.

“Mukhang puwet pala huh.” At inilapit ko pa ang mukha ko sa kanya.

Kunwari naman siyang umiiwas pero sa tingin ko nag-eenjoy siya. Hinayaan ko na lang na makaramdam siya nang ganun. Nang mapagod sa kakatawa, naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Likas talagang hindi sanay ang bestfriend ko na tahimik ako kaya naman siya na ang nagkusang bumasag sa katahimikan.

“Dhen.”

“Hmmm?”

“Pwede isa pa?”

“Isa pa ang alin?”

At ngumuso siya sa akin.

“Ano ba yan ang hilig. Teka don’t tell me naaadik ka na sa mga halik ko. OMG!” Pinanlakihan ko pa siya kunwari nang mata.

“Ulol ka.” At tumawa siya. “Sige na Dhen.” Binigay ko na din ang hiling niya. Sobrang nag-eenjoy na akong kahalikan siya.

Naalala ko pa nuong high school kami na pilit kong itinatago sa kanya ang pagkatao ko. Na sa bawat tanong niya sa aking pagkalalaki ay laging ang isinasagot ko ay hindi.

Sa bawat pagtataas ng kilay ng mga kaklase at schoolmates namin dahil sa kakaibang closeness namin noon, siya ang laging nagtatanggol sa akin. Laging magkatabi sa upuan, sabay umuwi, magkatabi sa higaan pag may sleepover at minsan ay nagsusubuan pa.

Kami ang sentro lagi nang tuksuhan sa grupo namin. Ang tawag nga nila samin eh lovebirds. Kinikilig ako sa tuwing magkasama kami at sweet sa isa’t isa. Nakakatawa ngang isipin na minsan ako pa rin ang priority niya kahit na ba may girlfriend siya. Ako pa rin ang punu’t dulo nang alitan nila kaya naman ako na ang kusang umiwas sa kanya.

Naging malungkutin na siya simula noon. Naalala ko pa nga kung paano ako kinausap nung isa sa mga naging girlfriend niya. Halos mangiyak-ngiyak na yung babae dahil sa biglaang panlalamig sa kanya nang bestfriend ko. Hindi niya daw kakayanin na mawala ito sa kanya kaya siya nakikiusap sa akin.

“Arnel, pwede ba tayong mag-usap mamayang uwian sa kubo?” Seryoso kong sabi sa kanya.

“Bakit?” Malamig niyang tugon.

“May mga bagay tayong kailangang ayusin sa pagitan nating dalawa.”

“Okay.” At bumalik na ako sa nilipatan kong upuan.

Nang sumapit na ang oras, andudun na siya sa kubo. Seryoso siyang nakatingin sa malayo. Umupo ako sa harap niya. Ilang minutong katahimikan. Nag-iipon muna ako nang lakas ng loob bago magsalita.

“May mga bagay na kailangang isakripisyo para maging matagumpay ang isang bagay at kasama na dun ang turingan natin.”

Tumingin siya sa akin at bakas ang lungkot. Hindi ko kaya na nakikita ang taong mahal ko na ganun pero kailangan kong maging firm at realistic.

“Arnel, ayoko mang gawin ang pag-iwas sa’yo pero kailangan.”

“Bakit kailangan mong umiwas?” Hindi na niya napigilan ang pangingilid ng luha niya.

“Dahil may mga taong nasasaktan sa pagkakaibigan natin.”

“Si Nikki ba yang taong yan?”

“Hindi na mahalaga kung sino pa iyon pero gusto kong ipaintindi sa’yo na…”

“Na ano? Na nahihirapan ka? Na nasasaktan ka sa sitwasyong pinasok ko?” Nag-break down na siya nang tuluyan.

“Nasasaktan? Oo nasasaktan ako pag ang mga babae mo lumalapit sa akin at humihingi nang payo kung anong gagawin nila pag nararamdaman nilang nanlalamig ka sa kanila. Na sa tuwing umiiyak sila, ang laging bukambibig ay kung may iba ba na nagpapasaya sa’yo. Nakaramdam ako nang guilt alam mo ba yun?”

“Kung nasasaktan ka sa paglapit nila sa’yo bakit hindi ako ang kausapin nila?” Iritado niyang tanong.

“Dahil ayaw nilang marinig mula sa bibig mo mismo ang isang kasinungalingan na walang nagpapasaya sa’yong iba gayong iba ang pakikitungo mo sa kanila.” Hindi ko naiwasang medyo tumaas ang boses ko.

“Bakit nga hindi ako ang kausapin nila? Bakit ikaw?”

“Dahil ako ang BESTFRIEND mo!”

“Ang labo mo. Kung bestfriend nga talaga kita dapat nakikita ko ang pagsuporta galing sa’yo at hindi ang pag-iwas na ginagawa mo ngayon. Alam mo bang ang sakit sa dibdib na hindi na tayo gaya nang dati?”

“Hindi na nga tayo gaya nang dati dahil iba na ang sitwasyon natin ngayon. Pilit mo mang itanggi sa sarili mo pero iyon ang dapat.”

“Hindi iyon ang nararapat Dhen. Sa araw-araw na ginawa nang Diyos simula nung magka-girlfriend ako, nagbago ka na at nasasaktan ako sa pagbabago mong iyon. Alam mo, I missed my bestfriend! At alam mo kung ano ang mas masakit pa doon , I lost him!” At umalis na siya na lumuluha.


Hindi ko maiwasang mapaluha nang maalala ko ang malungkot na bahagi na iyon ng nakaraan namin. Nang muli ko siyang silipin ay mahimbing na siyang natutulog. Muli ko siyang hinagkan.

----------------------------------------------------------------------------------


“Good morning!” Bungad niya sakin ng imulat ko ang mga mata ko.

Tinakpan ko ang bunganga ko at bumati sa kanya. Natawa siya sa inasal ko. Napatakbo akong bigla sa banyo nang maramdaman kong sasabog na ang pantog ko. Nang mai-release ko na ang tension ay nakaramdam ako nang ginhawa.

“Halika na, kaen na tayo.”

Dumulog na ako sa hapag at dinaluhan siyang kumain. Parang bumalik ang mga masasayang araw naming dalawa. Nagsusubuan kami nang pagkain at ine-enjoy ang moment.

“Ano Dhen, sabay tayong maligo?” Aya niya sa akin.

“NO WAY!” Pagsalag ko sa alok niya. Tumawa naman siya.

“Andaya mo, hindi ko pa nakikita yang katawan mo samantalang ako ilang beses mo nang nakita. Unfair ito.”

“Unfair ka dyan. Tse! Hala sige, mauna ka nang maligo dali at ako ang susunod.”

Matapos maligo at makapagbihis ay naghanda na akong umuwi. Bitbit pa rin ang bag ko, umangkas na ako sa motor niya. Inutusan niya akong humawak ng mabuti at sumunod naman ako.

Ilang minuto ang nakalipas at nakarating na kami sa bahay namin. Agad kaming sinalubong ni mama. Bagama’t may kakaiba sa pagsalubong niya ay dineadma ko muna at inayang pumasok muna si Arnel. Naramdaman niya din ang ibang aura ni mama kaya hindi na siya tumuloy at nagpaalam ng umuwi. Hindi ko na siya pinigilan.

“Nasan ka kagabi?” Sumunod pala si mama sa kuwarto ko.

“Sa party.”

“Party? Bakit andito si Francis kagabi sabi ni ate mo at hinahanap ka eh magkasabay naman kayong umalis dito.” Hindi ako umimik.

“May ginagawa ka bang kalokohan?”

“Wala ma.” Depensa ko.

“Kung ganon, nasan ka kagabi?”

“Pumunta ako kila Arnel nagpasundo ako.”

“Nagpasundo? Bakit?”

“Eh nahihiya akong makitulog dun ma eh.”

“Bakit nung nagpunta dito si Francis malungkot siya? Anak, nag-away ba kayo?”

Umiling lang ako.

“O siya, grounded ka ngyong araw na ito.”

“Ma? Ang tanda ko na para ma-grounded.”

“Parusa mo yan sa pagsisinungaling mo.” At tuluyan na akong iniwan ni mama sa loob.

Ilang buntong-hininga din ang pinakawalan ko bago ko unti-unting pinilit na tanggapin ang kaparusahan ko. Sa totoo lang, wala din naman akong magagawa pag nagdesisyon na si mama. Siya kasi ang batas sa bahay.

Wala akong ibang ginawa sa maghapon kundi ang kumain, magluto, maghugas ng pinggan at maglinis ng bahay. Napaka-domestic ng araw kong ito. Lalo pa akong nabagot ng wala man lang nagtext ni isa. Kaka-badtrip talaga.

Pinili ko na lang na mag-stay sa kuwarto ko. Isip-isip ng kung anu-ano.

“May bisita ka.” Si mama.

“Sino daw?” Pero walang tugon akong narinig kay mama kaya naman napilitan akng bumangon para harapin yung bisita ko. Nag-ayos muna ako nang gulo-gulo kong buhok bago tuluyang lumabas.

Ngiti ang sumalubong sa akin. Bagama’t may konting sakit pa rin akong nararamdaman sa puso ko, unti-unti naman itong tinatalo nang katotohanang nag-eeffort siya na puntahan ako rito sa bahay. Nagpaka-pormal ako.

“Hi!” Bati ko.

“Hello kuya. Kamusta ka na?”

“Hmmm, okay lang naman ako. Ikaw ba?” Pilit niyang itinago yung lungkot niya pero hindi niya napigilan.

“Kuya, sorry.”

“Ma, pwede ba kaming mag-usap sa kuwarto?” Sumagot naman agad ito. “Tara dun tayo mag-usap.”

“Sige po.” Tumayo siya at sumunod sa akin.

“Nga pala, juice or coke?” Tannong ko sa kanya.

Umiling siya.

“Water or coffee?”

Umiling ulit.

“Wala ka talagang gusto?”

“Meron.”

“Ano para maihanda ko muna bago tayo mag-usap.”

“Ikaw.”

Waaaaaaahhhhhh, natameme ako. Napatakbo ako bigla palabas. Tumungo ako sa kusina para magtimpla nang iced tea at makaiwas sa sinabi niya. Shet! Kinilig ako. (Hanglande lang!)

“Hala nakalimutan kong magdala nang pambara.” Pagpasok ko na pilit ibinabalik ang composure.

“Huwag na kuya gusto lang kitang makausap.”

“Ah okay, sabi mo eh.” Nate-tense ako. Ano ba yan. Para naman akong dalaga nito na nililigawan.

“Kuya…” hinawakan niya kamay ko. “…patawad sa nagawa ko kagabi.”

“Ikaw naman, lagi kang nagso-sorry kahit na hindi naman ikaw may kasalanan.”

“Mahal kita.”

“Alam ko.” Napatingin siya sa akin at namilog ang mga mata. “Ah, eh, nasabi mo kagabi.” Sabay bawi nang tingin.

“Wala ba akong pag-asa sa’yo kuya?”

“Hala, ibig sabihin ba nito…?”

“Oo kuya, nanliligaw na ako sa’yo.” Toinks, confirmed. Dalaga nga ako.

“Di ko alam paano magre-react Francis. First time ko.” Natawa siya sa huling sinabi ko.

“Huwag mong madaliin ang sarili mo kuya. Willing akong maghintay ng sagot mo.”

“Aaminin ko, gusto din kita. Gusto pa kitang makilala. Ilang beses na akong nasaktan sa mga nalaman at nakita ko sa’yo kaya naman siguro mas dapat na kilalanin muna nating maigi ang isa’t isa.” Sa wakas muli ko na namang nasilayan ang mga ngiting bumighani sa akin.

“Talaga kuya?” Napatayo siya at niyakap ako.

“Whoa Francis! Baka masanay ako at hanap-hanapin ko ito.” Sabay kalas sa yakap niya.

“Walastik ka kuya eh kung hahanap-hanapin mo yakap ko eh di text mo lang ako at yayakapin kita.”

“Palabiro ka talaga.”

“Ang saya ko, okay na tayo ulit.” Niyakap niya ako ulit. Hindi ko na siya sinaway pa. “Nga pala kuya, nagpaalam na ako kay tita na dito ako matutulog ngayon.”

“Wala na akong sinabi.”

At tumawa na siya ulit.

“Mukhang nagkakasiyahan na kayong dalawa diyan ah.” Saway ni mama sa kabila nang pinto.

“Hindi naman ma. May nasabi lang kasi siyang nakakatawa kaya kami tumawa.”

Loko-loko talaga tong taong to. Sana makilala ko pa talaga siya. Napahiga siya sa pagod gayundin ako. Nang makalapat na ang mga katawan namin sa kama, hindi ko maiwasang hindi maghikab.

“Aga pa kuya inaantok ka na.”

“Hindi naman.” Nang tiningnan ko siya ay nakatingin lang siya sa kisame.

Pinagmasdan ko ang kabuuan ng mukha niya. Napaka-gwapo niya sa kabila nang mga pimples na nag-trespass dito. Ang lips niya, hmmmm. Shet! Ang sarap halikan. Di ko napigilan ang sarili kong humanga sa parte na iyon ng mukha niya.

Namalayan ko na lang ang mga impit na ungol niya. Oo. Nilalapastangan ko ang mga mapang-akit na mga labi niyang iyon. Hindi naman siya gumawa nang anumang move para pigilan ako. Ang sarap ng feeling na hinahalikan siya.

“Francis.”

“Kuya.”

Tumingin ako sa mga mata niya at muling dinama ang ligayang dulot ng mga labi niyang iyon sa pagkatao ko. Gusto ko talaga si Francis, hindi naman siguro malayong mahalin ko na din siya. Mabait siya, guwapo, matalino, active sa school, may kaya sa buhay. Ano pa bang hahanapin ko sa kanya? All-in-one na nga siya eh kumbaga kumpletos rekados.

Ngunit…

(itutuloy)