Monday, December 23, 2013

Unbroken 2.4


FB:iheytmahex632@gmail.com
Twitter:@roviyuno
Author:Rovi Yuno / Unbroken
Blog: http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com/






FR kept on smiling sa t'wing naiisip nya ang mga nangyari kanina. Para syang timang na ngumingiti sa t'wing naaalala nya yung amoy ng pabango ni Daniel. Tila ba nageemote sya sa saliw ng isang longing na kanta sa t'wing naaalala nya kung gaano kabigat ang braso ni Daniel noong inakbayan sya nito. Patuloy din ang himas ng kanyang mukha, he was trying to imagine how soft Daniel's hand was. He beamed a smile.

“Franco, anong nangyari? Parang kinikilig ka na ewan.” wika ni Mr.Mercado na amo ng kanyang ina

“Ha? Kuya,wala lang po.”

“Batang to. Unahin muna ang pagaaral. Pagkagraduate ka na mangbabae.”

Babae? FR thought

Opo naman Kuya. Kayo talaga.”

Si Mr.Mercado ay isang mautak na businessman. Kilala nya na ito ng ilang taon dahil doon nga namamasukan ang nanay nya bilang isang mayordoma. Mabait si Mr.Mercado sa kanilang mag-ina. May mga panahong ito ang nagbibigay ng kanyang allowance at pangtuition. Lagi din silang sinasama nito sa t'wing sila ay magsisimba sa Manaoag.

Franco. Bakit di ka pa tumigil sa pagtatrabaho? Magfocus ka nalang muna sa pagaaral mo. Tutal kaya naman ng nanay mo ang tuition mo at di din naman umaabot ito ng libo.”

Kuya ayoko. Paano nalang kung may mga projects ako? Syempre di agad makakapagbigay si Mama. At syempre alam mo naman ang kabataan ngayon, maluho. Syempre dapat may nightlife ako.”

Napatawa si Mr.Mercado.

Ikaw talagang bata ka. So dapat talaga laging may gimik? Eh gimikan na nga yung pinagtatrabahuan mo. Gusto mo pa laging gumimik.”

Kuya, you've been there, you've done that.”

Napangiti ito sa kanyang tinuran.

I know. Fine, I understand.”

Ngumiti si FR.

Ilang oras na din silang nagbabyahe. Nakaramdam na ng pagkangawit si FR. Patuloy ang kwentuhan nila ni Mr.Mercado tungkol sa mga bagay-bagay. Tinuturuan sya ni Mr.Mercado kung paano dumiskarte sa mga businesses. Marami syang natututunan dito. Marami rin itong kalokohang taglay. Mr.Mercado, at 50, ay malupit pa rin sa pangbababae. May mga pagkakataon na tatawagan nito si FR at magpapasama sa mga clubs.

Pumatak ang 11:00 ng gabi. Malapit na rin sila sa kanilang nayon. Magpapalit lang si FR ng damit at agad na luluwas para naman sa kanyang trabaho sa lounge. Kahit nakakaramdam na ng matinding pagod dahil sa byahe, kailangan pa rin nyang kumayod sa ngalan ng pera.

Matatapos din ito. Makakagraduate din ako at magiging okay din ang lahat.

Nakarating sila ng matiwasay sa kanilang mga bahay. Binaba sya ni Mr.Mercado sa kanto at nagmadali na syang tumakbo papasok sa kanilang bahay. Dinukot nya ang cellphone sa kanyang bulsa at nakita nyang wala na itong battery. He charged his phone and ate a light snack. Nagmadali na syang naghilamos at nagbihis. Nagpaalam sya sa kanyang inang nanunuod ng TV at sya ay umalis na sa kanilang bahay.




Daniel felt sad nang makitang papalayo ang sasakyang kinalululanan ni FR. Sa loob ng kulang isang oras nilang pagsasama ay pakiramdam nya ay masyado na syang naattach dito. Alam nya sa sarili nya na napakachallenging na tao ni FR. He had an insight that FR is a difficult guy. Naramdaman nya na dapat nya yong mapatunayan.

Sa sandaling panahong kanilang pinagsamahan, naging masaya sya at nakalimutan nya ang tampong nararamdaman nya sa kanyang nobya.

Sumakay sya ng kotse at nagmaneho patungo sa pinakamalapit na bar.

Wala pa masyadong tao dahil naguumpisa palang ang gabi. He took a bottle of beer at yun na. Ayaw nyang umuwing lasing dahil magmamaneho pa sya. Mahirap ng madisgrasya.

The bar was just fine. Daniel found it a bit okay. Sakto lang ang mga ilaw, okay naman ang mga upuan at medyo mabilis naman ang service. Mabilis na naabot sa kanya ng lalaking nakapula ang beer na inorder nya at ang chicharong bulaklak na paborito nya.

Nasaan na kaya si FR? Sana makauwi sila ng maayos.

He grabbed his phone and dialled FR's number. Nagriring ito pero di ito sumasagot. Daniel sighed. Ayaw nyang magisip ng kung anu-ano kaya pinilit nya nalang na siniksik sa kanyang isip na baka tulog si FR sa byahe.

He took the first sip of his beer. It was bitter. He felt a bit different. He then realized na hindi pa pala sya kumakain kaya parang humahapdi ang sikmura nya. He waved at the waiter, asked for his bill, paid, then went out.

Fuck.

He went to his car and drove his way home.





Natapos ang gabi ni FR. He received a big round of applause after delivering a good rendition of “Someone to watch over me”. He felt euphoria hearing the roars and cheers of the crowd. Alam nya sa sarili nya na ito talaga ang hilig nya. Gusto nyang sumikat pero alam nyang mailap ang kasikatan sa mga baguhan. Masaya na syang may nakakaappreciate ng ginagawa nya. As long as he did his best, okay na sya nun. No regrets.

FR hurriedly picked his things up and decided to go home. Tapos na rin naman ang trabaho nya at gusto nya ng magpahinga sa bahay. Papalabas na sya ng lounge nang tapikin sya ng isa sa kanyang mga katrabaho.

Franco!”

Uyy! Kuya!”

Isa sya sa mga pinakabata kaya Kuya at Ate ang tawag nya sa mga ito.

Nice performace!”

Salamat po.” Nahihiyang sabi nito

Uuwi ka na ba? Sumabay ka na sa akin. Dala ko yung auto ko.”

Napaisip si FR.

Game na to. Libre eh.

Sige kuya. Saan mo ako ibababa?”

Paano bang way mo? EDSA kami eh.”

EDSA? Tapos saan kayo papunta?”

Hmmmm. Letre ako.”

Ahh sige. Mag-Rizal Avenue nalang tayo Kuya, para di ka na iikot ng malayo.”

Ahh Oo! Pwede!”

Baba mo nalang ako ng Monumento.”

Mabilis ang naging usapan. Wala pang limang minuto ay nakasakay na si FR sa pulang Altis ng kanyang katrabaho. Napagkwentuhan nila ang ilang mga bagay na di nila napaguusapan. Masaya at matured ang kanyang kasabay. Nagmistula syang sponge na sumisipsip sa lahat ng ideolohiyang pwede nyang marinig on how to live life.

Naging masaya ang kanilang diskusyon. Yan ang gusto ng tao kay FR, despite his very young age, he knows how to listen and he speaks with sense. Marami syang napepeke sa edad nya. Napakamatured nyang magsalita.

Mabilis ang pagpapatakbo nito ng kotse. Wala pang 45 minutes ay nautas na nila ang kahabaan ng Rizal Avenue. Naibaba na si FR sa Monumento at doon sya nagabang ng bus pauwi ng kanilang lugar.

Lumipas ang limang minuto ngunit wala pa ding bus na dumadaan. Nababato na sya. He took his cellphone at nagulat sya nang makita ang isang unregistered number na maraming missed call. He texted the number at ilang segundo pa, tumawag ito.

Hello?”

Hello?” FR was trying to recognize the voice.

FR! Nasaan ka?”

Sino to?” nagtatakang tanong nito

Daniel.”

Namula si FR.

Ahh D-Daniel. Pauwi palang ako galing ng lounge. Bakit?”

Ahhh. Malapit na akong lumabas ng expressway. Saan ka na banda?”

Ahh nasa MCU Monumento ako.”

Ha? Sige. Antayin mo ako sa McDo, FR. Andyan na ako.”

Ha? Wa-wag----”

Naputol ang tawag. Pumasok si FR sa loob ng McDonals. Nagantay. Nagabang. Naexcite.

Naramdaman ni FR ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Hindi sya mapakali. Pumasok sya sa comfort room ng McDonald's at agad na inayos ang sarili. Naging conscious sya sa amoy nya. Ilang ulit syang naghilamos. Hindi talaga sya mapakali.

Whew. Ano ba to. Bakit ba ganito?

He sighed one last time and got out of the comfort room.

Pabalik na sa inuupuan nya nang makita si Daniel na papasok. Nagtama agad ang kanilang mata at muli nyang nasilayan ang magandang ngiti ni Daniel.

Upon seeing FR again, Daniel felt very happy. He saw how simple FR was. He was stunned on how he carries himself kahit na White T-shirt at shorts lang ang suot nito. Kahit bakas sa mukha ni FR ang pagod, he was still amazed dahil nakita nya pa rin ang ngiting iyon.

Daniel drew himself closer to FR. Inches away, he extended his hands and pinched both cheeks of FR.

Ang cute cute mo!” he exclaimed

Nagtinginan sa kanila ang tao sa McDonald's.

Pinanlakihan sya ng mata ni FR.

I T U T U L O Y . . .


Monday, December 16, 2013

Unbroken 2.3


FB:iheytmahex632@gmail.com
Twitter:@roviyuno
Author:Rovi Yuno / Unbroken
Blog: http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com/






Parang biglang nawala sa sarili si FR sa nangyari. Hindi nya maalis sa isip yung tagpong iyon. Iba yung dating sa kanya ng ginawa ni Daniel.

Bakit nya hinawakan yung kamay ko? Bakit ganoon? Bakit parang ewan? Bakit?

Binukas ni Daniel ang pinto sa likod at sumakay si FR. Wala pang ilang segundo, mabilis ng pinaharurot ni Daniel ang sasakyan. Tahimik sila. Parang walang gustong magsalita.

Daniel felt different after having FR's hands locked in his. Hindi nya alam kung bakit nya ginawa yun at hindi din nya alam kung bakit nagawa nya ang mga nagawa nya. Hindi nya alam kung naiilang ba sya or what. Hindi nya masabi kung ano ba talaga yung meaning nung ginawa nyang iyon.

Bakit naging ganun? Sino ba sya? Bakit parang iba ang trato ko sa kanya? Daniel thought

Tahimik. No one wants to speak. They felt na mas kailangan muna nilang manahimik. Both of them are confused. Both of them do not know what happened.

Daniel sighed.

FR. I'm sorry.”

Daniel sounded so sincere. FR felt guilty dahil sa pagiinarte nya kanina. He must admit that he was touched with the gesture and the deed, pero hindi nya alam kung bakit nga nya nagawa iyon.

So-sorry din.” FR said

FR, sorry for shouting.”

Sorry din sa pagkuha ng ID mo.”

Daniel looked at the front mirror and saw FR's face. Napabuntong-hininga sya nang makitang malungkot si FR. Hindi nya alam kung bakit, but he felt a stab in his heart.

Oh. Sorry na FR. Wag ka ng malungkot oh.”

I'm okay Daniel. Sorry din.”

Will you please smile for me FR?” malambing na sabi ni Daniel

Hindi alam ni FR pero napangiti nalang sya after hearing that from Daniel. Nakita ni Daniel ang ngipin ni FR. Malaki ang 2 front teeth nya pero pantay-pantay pa rin ito, walang nakausli, walang sungki. Napuna rin nya ang magandang linyang gumuhit when FR smiled.

May nakapagsabi sayo na maganda ka ngumiti FR?”

FR just looked at front mirror. Their eyes met.

Tigilan mo nga ako Daniel. Kung anu-anong pambobola na yan.”

Nagsasabi lang ako ng totoo.”

FR felt himself blushing but he tried to hide it from Daniel.

So ano FR? Bati na tayo? Please?”

Oo na po.”

Daniel felt very happy. Sobrang iba ng feeling na bati na sila ni FR. Hindi nya alam pero masayang-masaya sya after hearing na okay na sila at pareho na silang nakangiti.

FR,where do you want to go?”

Napatingin si FR sa kanyang relo.

Da-daniel. Sorry. Anong oras na, baka hinahanap na ako nung amo ng nanay ko.”

Huh?” Eh wala pa nga tayong isang oras magkasama eh.” angal ni Daniel

Wala pang isang oras pero nalilito na ako sayo. FR thought

Next time nalang siguro.” sagot ni FR

Ganito nalang. Kakausapin ko nalang tapos ako ang maghahatid sayo pauwi?”

Sana naman pumayag, gusto pa kitang makasama ng matagal. Daniel thought

Ha? Naku. Hindi pwede. May trabaho din ako mamayang gabi sa Lounge eh.”

Ha? Trabaho? Akala ko nagaaral ka?”

Working student po.”

Natahimik si Daniel. He started having an idea on what kind of person FR is.

I see. Mind me asking, saan ka nagaaral?” tanong nito

Sa Manila ako nagaaral. Sa isang State University. Di ko kasi afford magprivate.”

There's nothing wrong with that. PUP?”

Napaangat ng ulo si FR.

How did you know?” nagtatakang tanong nito

A wild guess.” sabi ni Daniel sabay tawa

Napatawa nalang din si FR.

Yep. PUP student ako. I wonder how did you know. Wala naman akong ID.”

Nothing. I've got friends from that University too. Mukha ka namang matalino, tapos state university pa. Mahirap makapasok sa ganon. So PUP nga.” paliwanag ni Daniel

Hmmm. Yep.”

And yung sa lounge? Anong work mo don? Mind me asking.”

Ahh don ba? Kumakanta ako don. Commonly American Standards.”

I see. Impressive. Mapuntahan ka nga minsan.”

Wag na. Cheap yung lugar. Di mo din magugustuhan.”

Anong akala mo sakin sobrang yaman? Di no. Simple lang ako.”

FR was amazed on how Daniel carries himself. Mukha itong mayaman pero napakasimple. Walang kaere-ere sa katawan. Pero kahit ganun pa man, nahihiya syang pumunta ito sa lounge. Hindi naman dahil sa ayaw nya, pero nahihiya syang makita sya nitong kumakanta.”

Uyyy. Basta ha? Puntahan kita sa Lounge minsan. Saang lugar yun?”

Ha? Wag na. Parang ewan to.”

Saan nga FR?”

“Basta. Sasabihin ko sayo soon.”

Hmmm. Okay.”

Daniel turned left at mabilis na pinaandar ang sasakyan pabalik sa hotel na kanilang pinanggalingan. Wala pang 10 minutes ay nandun na silang dalawa. Nakita ni FR ang dala nilang sasakyan sa parking. Wala pa din ang amo ng kanyang nanay.

Bumaba si FR sa kotse. Sumunod si Daniel.

Ayan oh. Wala pang tao eh. Dapat pala kumain muna tayo FR.”

Hayaan mo na. Kesa naman hanapin pa ako nun paglabas nila ng hotel.”

Tahimik. They both don't know what to say. Sumusulyap-sulyap lang sila sa isa't-isa na parang mga gago. May mga gusto silang sabihin pero di nila alam kung ano yun.

FR.”

Po?”

Wala lang.” nahihiyang sabi ni Daniel

Ano nga yun?”

Ka-kasi, ano. Uhmmm.”

Natutuwa si FR sa gestures ni Daniel. Hawak ito ng hawak sa ilong, naisip ni FR na ganun sya magrelease kapag kinakabahan. Cute na cute pa rin kahit nangangatal magsalita.

Kasi po ano?”

Yung number mo.”

Pagkasabi nito ay biglang namula si Daniel. Nanlaki ang mata ni FR.

Anong yung number ko Daniel?” nagtatakang tanong ni FR

Daniel blushed. He wants to get FR's number. For some unexplainable reason, he wants to keep him and know him better.

Pu-pwede ko bang makuha yung number mo?” nangangatal na sabi ni Daniel

Ahhh yun ba? Sure sure.” FR exclaimed.

Kinuha ni Daniel ang number ni FR. Kahit na nalilito si FR sa mga pinaggagawa ni Daniel, masaya pa rin syang nakita nya ito dito accidentally. They gave warm smiles to each other.

Salamat FR.”

You're welcome.”

Nakita na ni FR na papalabas ang amo ng kanyang nanay. Marahil ay tapos na ang convention. Nagkukulay orange na rin ang langit, malapit ng sumapit ang gabi. Napatingin sila ni Daniel sa napakagandang paglubog ng araw. Ito ang unang takipsilim na pinagsaluhan nila. Bakas ang ngiti sa kanilang mga labi. Ito ang simula ng kanilang pagkakaibigan.

FR tara na! Pasensya na at ginabi tayo. Aabot ka pa ba sa lounge?” sigaw ng amo ng kanyang nanay mula sa malayo

Nabigla si FR at agad na dumistansya kay Daniel.

Naku oo nga po tito. Sana po umabot pa po ako. Mabilis ka namang magmaneho.”

Oo. Sige hijo. Sakay na.”

Naunang sumakay ang amo ng kanyang nanay sa kotse. Umupo ito sa driver's seat. Pinaandar na nito ang makina. Nakatitig lang si Daniel sa galaw nila FR. Tumingin si FR dito.

Ingat ka.”

Salamat FR. Kayo din. Ingat kayo.” pabulong na sabi nito.

Sumakay na si FR sa loob ng kotse. Umandar ito. Nakita nyang parang batang kumakaway si Daniel mula sa malayo. Sya ay napangiti.

I T U T U L O Y . . .

Monday, December 9, 2013

Unbroken 2.2


FB:iheytmahex632@gmail.com
Twitter:@roviyuno
Author:Rovi Yuno / Unbroken
Blog: http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com
 





Daniel saw the guy gazed at him. He was really thinking of something else that time but he sensed that someone was observing him. Alas! Tama sya, he saw his stares in his peripheral vision.

FR was amazed on how this guy in longsleeves looks. Alam nyang hindi ito mahirap dahil sa kinis ng balat na meron ito. Tinignan nyang mabuti ang physique ng isang ito, may kapayatan, oo, pero hindi maipagkakaila ang kakisigang taglay nya. Kitang-kita rin ang matangos na ilong nito dahil ito nga ay patagilid na nakasandal sa pinto ng kotse.

Daniel smelled his own scent nang biglaang napalakas ang hangin. Napangiti sya nang maamoy pa din ang Fahrenheit na pabangong gamit nya na binigay sa kanya ng kanyang kaibigan si Miguel noong kanyang birthday.

Humarap si Daniel sa lalaking kanina pa nakatingin sa kanya.

Daniel felt that the guy seems to be interested pero di nya mawari kung bakit. Their eyes met. Nakita nya sa malayo kung gaano kaganda ang mata ng isang ito. Kung sa kanya ay maliit at matalim, iba ang mata ng isang ito, malaki, bilugan at napakaamo. He was thinking if the guy has almond eyes or a down turned one. He smiled. Unconsciously, naramdaman nalang nyang lumalakad ang kanyang paa sa kinalalagyan ng estranghero.

Nakita ni FR ang pagngiti ng lalaki. Hindi nya maiwasang magtaka kung bakit parang natutuwa sya nang masilayan ang ngiti nito. Bumalik na naman kaya ang pagkagusto nya sa mga lalaki? Is he actually attracted to this guy? Thoughts ran to his mind. Sya ay napabuntong hininga. Nagpakawala sya ng isang ngiti na hindi nya alam kung bakit at para saan.

Nagulat si FR nang makaramdam ng bigat sa kanyang balikat. Nakita nyang may nakaakbay sa kanya. Sinundan nya ng tingin ang braso, tinunton ang mukha, nagitla sya nang makitang ang lalaking nakalongsleeves ito.

Gustong kumawala ni FR pero di nya alam kung bakit ayaw sumunod ng katawan nya. He froze there in silence. Hindi din alam ni Daniel ang sasabihin, he must admit na weird ang pakiramdam ng umakbay sa isang lalaking hindi mo kakilala pero for some strange reasons, parang naeenjoy nya ito.

Ang bango naman nitong isang to. FR thought

Natahimik silang pareho. Hindi inaalis ni Daniel ang pagkakaakbay kay FR. Si FR naman ay walang imik at nakayuko. Iisipin ng lahat ng makakakita na may relasyon ang dalawang ito. Hindi man sila at hindi man sila magkakilala eh parang magnobyo sila dahil sa akbay na iyon.

Hmmm. Mabigat po braso mo.” mahina at nahihiyang sabi ni FR

Napangiti si Daniel. Tumitig ito kay FR. Kahit nahihiya, dahan-dahang inangat ni FR ang kanyang mukha at nasilayan kung gaano kagwapo ng lalaking ito sa malapitan.

Jesus Christ!

Daniel.” sabi nito sabay abot ng kamay kay FR

Nagaalangan, pero kinuha ni FR ang kamay nito. Nahawakan nya, pangmayaman, malambot.

FR.”

They both smiled.

A-anong ginagawa mo dito?”

Ha? Ah inaantay ko yung amo ng nanay ko. Nasa loob kasi sya ng hotel.” mahinang sabi ni FR

I see. Gusto mong gumala muna?”

Nagulat si Daniel sa sinabi nya. Hindi sya ganoon. Kahit di sya nanghuhusga ng tao base sa looks at features nito, di sya nagaaya sa mga taong di nya kilala. At sino ba naman ang matinong taong gagawa non?

Nagulat si FR sa narinig.

Ga-gala? Saan?”

Dyan lang sa may market sa taas. Maganda don. Gusto mo?”

Shit. What's with my tongue today? Ano ang nangyayari? Why am I asking a guy I do not know who? Sabi ni Daniel sa sarili

Bago pa man bumuka ang bibig ni FR para magsalita, naunahan na sya ni Daniel.

And I won't take no for an answer.” sabi nito sabay ngiti

Nakita ni FR kung gaano kapula ang labi nito. Maging ang mga ngipin ay pantay-pantay. Mabango pa. Ano pa ba ang hihingiin nito sa kanya? Ano pa ba?

Ha? Baka lumabas na yung Amo ng nanay ko eh. Hahanapin ako non.”

Daniel didn't say anything at all. Hinatak nalang nya si FR at sapilitan nya itong pinasok sa kanyang itim na kotse. FR felt surprised at di sya makapaniwalang sumama sya sa isang estranghero. Having said that, weird at di sya nakaramdam ng takot o pagdududa sa motibo ni Daniel. Naisip nya na marahil ay gusto nya din ang mga nangyayari.

Agad na pinaandar ni Daniel ang kotse at nagmaneho.

Nakita ni FR ang loob ng kotse ni Daniel. Mabango ito, malinis. Halatang masinop ang isang ito sa gamit. May mga tissue din sa mga drawers at maayos na nakasalansan ang mga ito.

Daniel noticed that FR was looking at his things. He smiled.

Ahh? Yan bang mga yan? Wala lang yan. Mahilig kasi akong kumuha ng tissue kapag kumakain kami sa mga fastfood. Nilalagay ko sa kotse tapos gagamitin ko pag kailangan talaga. Pero kadalasan pinanglilinis ko lang ng sapatos lalo na pag maputik.”

Tumango lang si FR.

Naamaze si FR on how economic Daniel is. Siguro ay may pagka-OC din ito dahil wala ka nga talagang makikitang dumi sa loob ng sasakyan nito.

Ang tahimik naman nito. Bakit parang nahihiya sya? Sabi pa ni Daniel sa sarili

Hey. Bakit ang tahimik mo?”

Namula si FR. Nagsimula na nyang pagalawin ang kanyang tuhod, senyales na nahihiya sya at kinakabahan.

Ha? Wa-wala.”

Ano nga?”

Wala lang po.”

Po ka dyan ng po. Baka nga magkaedad lang tayo eh.”

Wala nga lang po.”

Hmmm. Sige na nga para di ka mahiya, ako muna ang dadaldal ng dadaldal. Tapos magsalita ka na rin ha?”

Nakulitan si FR sa gesture na yun ni Daniel. Parang ang lambing na di nya malaman. Napangiti sya.

Hmmm ano ba? Daniel Matilla. Nagaaral ako ng Fine Arts ngayon sa isang university sa Manila.”

La Salle, I suppose.” biglang sabi ni FR

Nagulat at napangiti si Daniel.

How did you know that?”

Napangiti si FR. Nakita nya kasi ang ID ni Daniel na nakasabit sa may front mirror ng kotse.

A wild guess.” sabi nitong nakangiti

Ohh. I wasn't convinced.” Daniel pouted his lips

Tumawa si FR. He finds Daniel cute lalo pa't napakarare sa isang lalaki ang magpout ng lips.

Nice lips. Nice lips. I don't know why I'm wishing na sana madampi sa akin yan. FR thought

Nakita ko sa ID mo.” sagot ni FR

Shit. You saw my ID? Where?” natatarantang sagot ni Daniel

Daniel looked and see his ID hanging on the front mirror of his car. He instantly grabbed it and hid it between his lap. FR kept on giggling.

What's the point of hiding your own Identification card when you have formally introduced yourself?” pangaasar nito kay Daniel

Errr.”

See? No need to hide your ID na. Kasi nagpakilala ka naman sakin ng maayos. Unless...” pambibitin ni FR

Unless ano?”

Hmmm. Unless you faked some information.”

Daniel stared at FR's eyes. He looked in disbelief. Kumunot ang noo nito.

Hindi ahh.” pagdedepensa nito sa sarili

Oh? Eh bakit ayaw mong makita ko yung ID mo? Eh nakita ko na naman yung Logo ng La Salle?” sagot ni FR

Ka-kasi...”

Bago pa man makapagsalita si Daniel ay mabilis na dinukot ni FR ang ID nya sa pagitan ng kanyang mga hita. Bakas kay Daniel ang pagkataranta at mabilis na napreno ang sasakyan. Mabuti nalang walang kasunod na kotse. Para silang mga batang nagaagawan ng laruan. Todo-iwas si FR sa t'wing kinukuha ni Daniel ang ID, todo-kuha naman si Daniel pero magaling si FR.

After few minutes, they felt tired and stupid of what they are doing. Kita mo ang pagkahingal sa kanilang paghinga. Daniel looked so pissed, FR looked so happy with the way Daniel looks.

Ano ba!” pasigaw na sabi ni Daniel

Nagulat si FR. Di sya sanay ng sinisigawan sya. Lalo pa't di nya kilala at di nya kaclose.

Anong ano ba?” Balik na sigaw nito

Akin na nga yang ID ko!” sigaw ni Daniel

Lalong nag-init ang ulo ni FR.

Mahirap bang intindihin na ayaw kong ipakita ang ID ko sayo? Ha!” sigaw pa ni Daniel

Huminga si FR. Ramdam nya ang matinding pagkainis.

Inabot nya ang ID kay Daniel. Tahimik.

Ayoko sa lahat ng sinasagawan ako. Kung ang nanay ko nga di ako sinisigawan, ikaw pa. Sino ka ba? Sabagay, anak-mayaman.” mahina at seryosong sabi ni FR

Naalarma si Daniel. Di nya alam pero bigla syang natakot na baka magalit si FR sa kanya. He tried to compose himself by fixing the collar of his longsleeves and took a deep breath.

Salamat sa ride. Bababa na ako.” mahinang sabi ni FR

Mabilis na lumabas ng kotse si FR at binagsak ang pinto ng kotse.

Alam nyang malayo-layo ang kanyang lalakarin. Tanaw pa nya kung gaano kalayo ang kotseng kanyang iniwanan nang hatakin sya ni Daniel papasok. Mabilis syang naglakad, nakatikom ang mga kamao, senyales na naiinis talaga sya sa nangyari.

Sabagay Anak mayaman. Kaya marunong manigaw. Kupal sya. Ang angas!

Lakad-takbo syang lumayo sa kotse. He never looked back.

Kala nya. Makikita nya. Pag yumaman ako babalikan ko sya!

Nangangalahati na sya sa paglalakad nang mapansin nyang sinusundan sya ng kotse. Pero dedma. Inis sya at di sya makikipagusap dito.

Narinig nya ang pagbusina nito sa kanya. Hindi nya pa rin pinansin.

Beep!

Beep! Beep!

Beep! Beep! Beep!

Dedma.

Nakita nyang nilagpasan sya ng kotse biglang nagmaneobra at hinarangan ang kalsadang kanyang lalakaran.

Anong gusto nito? Away?

Sorry na FR. Please?”

Nanatili syang nakatayo. Di nya pinapansin si Daniel.

Dali na FR. Please?”

Nakita nya ang mga paparating na kotse.

Kung hindi sya aalis, magtatraffic.

FR. Please? Sorry na?”

Daniel feels so worried sa nagawa nya kay FR. Hindi nya alam kung bakit, pero parang ayaw nya na magalit ito sa kanya. Alam nyang mali sya sa pagsigaw kay FR, pero nainis din naman sya na ayaw ibigay ni FR ang ID nya. Hindi nya alam kung paano nya susuyuin ang isang to.

FR! Sorry na please!”

Daniel kept on shouting. The cars started accumulating. Naguumpisa ng magtraffic dahil sa nakaharang na sasakyan ni Daniel. Naiirita na ang mga drivers at patuloy na ang kanilang pagbusina na lalong ikinarindi ni FR.

Daniel got out of his car and went near FR.

Sorry na please? Tara na, nagtatraffic na”

Adik ka pala eh! Tama ba namang iharang mo ang kotse mo sa daan?” bakas sa boses ni FR ang sarcasm

Wala akong pakialam.” sagot ni Daniel

Nagulat si FR sa narinig.

Hindi ako aalis dito at dadami lalo ang sasakyan dyan kung di ka sasakay sa kotse ko.” seryoso ang tono ni Daniel

Dumami lalo ang sasakyan. Mas naging maingay ang busina. Natataranta si FR.

Wala akong pakialam kung gumawa tayo ng eksena dito. Wala akong pakialam kung magalit yang mga drivers na yan. Basta ang gusto ko magkabati tayo. At sumakay ka sa kotse ko.” sabi ni Daniel

Nakita ni FR ang gigil sa mata ni Daniel. Nakaramdam sya ng takot.

Sasakay ka ba o hindi?”

FR.”

Tinitigan sya nito sa mata. Gustong malusaw ni FR. Namumula sya at nahihiya sa mga nangyayari.

Bago pa sya makapagsalita, kinuha ni Daniel ang kamay nya at hinawakan ito. Magkasabay silang naglakad pabalik sa kotse.

I T U T U L O Y...






Monday, December 2, 2013

Unbroken 2.1


FB:iheytmahex632@gmail.com
Twitter:@roviyuno
Author:Rovi Yuno / Unbroken
Blog: http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com/


* * *

Comments are welcome pala ha? Hehehehe

* * *


Spoiled brat. Isang tipikal na anak-mayaman. Chinito. He has the proper mix of sophistication and arrogance for he's the only son of Randell Chua-Madrid, isang stockholder ng ilan sa mga bigating multi-corporation internationally.

Lumaking mariwasa at di nakakaramdam ng hirap. Hindi alam kung paano ang magcommute, laging nakakotse sa t'wing papasok ng eskwela. Baon nya sa isang araw ang tuition sa school ng ibang estudyante. Kahit anong ituro nya sa mall, regardless of the price, agad nyang makukuha. That's how he was raised. It's not his fault that he's born with a silver spoon.

He can be sociable, he can be snob. He's totally unpredictable.

He and his father always fight. May pagkarebelde sya. He follows his heart kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao. He goes for what his heart feels. His father wants him to take Medicine, he took Fine Arts. Lagi silang nagaaway, his father wants him to be like him. Pero ayaw nya, for him, businesses are like shit. Mahalaga sa kanya ang kanyang passion sa pagpipinta, maging sa musika. He likes composing songs, he likes singing, he likes performing, pero para sa kanyang ama, walang papatunguhan ang buhay nya kung ito ang kanyang landas na tatahakin.

He likes to surround himself with people that share the same passion with him, regardless of their financial statements. Kahit na may pagkaspoiled at maluho, he knows how and when to be humble. Though he's very vocal with what he feels and drops it in front of you.

He's very private. No one knows his affairs and his flings. No one knew he's got an understanding with his bestfriend Miguel.

He's in a relationship with a girl named Carly, an Irish-girl that has lived in the Philippines for a few years now. He thought they share the best relationship until one day, he saw her cheating. He felt devastated. He became bitter. He doesn't want to love again. Until one day, bumalik si Carly sa kanya.

“Please. Let me in again. Please. I'm wrong and I'm sorry. I won't do it again.”

“Please.”

He saw her shed tears. Being the merciful and the kind-hearted guy he is, binigyan nya ito ng pagkakataon. Naging sila ulit. At first, naging aloof sya at si Carly ang patuloy na nanunuyo, pero ng maglaon, nasanay na siya with Carly around, again. He felt that he has already forgiven her, but he's uncertain kung nakalimutan nya na ang mga ginawa nito sa kanya. They have continued their relationship.

On their 3rd year anniversary, he planned to surprise Carly. He arranged a dinner for 2 sa paboritong restaurant ni Carly. He called her several times pero unattended ang phone. Lumipas ang araw pero walang paramdam mula sa nobya. Kinabukasan, agad nyang sinilip ang phone to see if Carly messaged him, sa kasamaang palad, wala kahit isa. Feeling so depressed, he grabbed his favorite Black Long Sleeves, faded jeans at ang kanyang Salvatore Mann na leather shoes. He has to go to his comfort place. He has to go to Baguio.

He drove alone to that place. He drove alone to Baguio. Para makalimot. Para kahit papaano ay marelax.

His name is John Daniel Chua-Madrid.





Palaban. He's the kind of guy that gets what he wants and fights for what he wishes to have. Isang tipikal na iskolar na galit sa kahirapan. Naranasan nyang kumain ng NFA rice once at pinangako nya sa sarili nya na hindi na ulit sya makakakain nun. Kahit hirap na hirap, pinilit nyang pagsabayin ang pagaaral sa kolehiyo at ang pagteteatro. Main stay din sya ng isang lounge sa Pasay kung saan kumakanta sya ng American Standards.

Nakita nya kung gaano kalaki ang Maynila. Naaral nya kung paano gumalaw at magisip ang mga tao sa syudad. Naging mas bukas ang kanyang isip sa panganib at kagandahan ng Maynila. Nasanay syang makibagay sa lahat ng uri ng tao. He garnered a lot of friends

Isa syang ambisyosong tao. Lagi nyang iniisip kung paano nya maiaalis ang kanyang nanay sa kanilang apartment na inuupuhan sa loob ng 19 na taon. Kung rent to own nga ito ay malamang matagal na itong sa kanila.

Galing sya sa isang broken family, di nya kasundo ang kanyang nakatatandang kapatid na lalaki at tanging ang nanay lang nila ang nagtaguyod sa kanilang magkapatid. Alam nya ang hirap nito, alam nya na dapat nyang iprioritize ang kanyang pamilya. Dapat nyang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang ina. Dapat.

Mula nang sya'y pinanganak, alam nya na sa sarili nya na iba sya. Hindi sya tulad ng ibang lalaki. Alam nya sa sarili nya na may kakaiba sa kanyang kaloob-looban. He still plays with boys. He does games na pisikal. Lagi syang napapaaway nung bata pa sya at nakikipagsuntukan sya. Ganunpaman, alam nyang may atraksyon syang nararamdaman para sa kapwa nya lalaki.

Tulad ng ibang kabataang dumadaan sa tinatawag nating identity crisis, nilabanan nya ito. Pinilit nyang itama ang kanyang mga nararamdaman. Alam nyang mali at natatakot sya sa magiging reaction ng mga tao sa paligid nya. He decided to go in a relationship with a girl named Patricia Elise or Pixel. Ilang buwan lang silang nagtagal at naghiwalay din sila. After months, naging close friends sila ulit. Naging parang wala na lang ang nakaraan sa kanila. Mahalaga sa kanila ang ngayon. Magkaibigan sila, matalik na magkaibigan.

Dumating ang ilan pang mga buwan, nagkaroon sya ng bagong nobya, si Cindy. Laking tuwa nya dahil naramdaman nya talaga na tinatangi nya ito. Ramdam nya na mahal nya ito at mahal sya nito. Maganda din si Cindy, maputi at makinis. Parang biglang nawala sa isip nya ang atraksyon sa kapwa-lalaking meron sya noon.

Naging mas masaya pa sila ni Cindy, nagplano sila para sa kanilang bukas. Inisip nila kung ilang supling ang gagawin nila at kung saan sila titira. They planned for their future. They planned for their family. They planned to build a home.

One time, sinama sya ng amo ng kanyang nanay sa Baguio to attend a convention. Nagaantay sya sa labas ng hotel nang makita nya ang isang lalaking nakasuot ng black long sleeves. Nakasandal ito sa kanyang itim na kotse at mukhang malalim ang iniisip. He couldn't take his eyes off of him. Napuna ng lalaking nakaitim na nakatitig sya rito, tumingin ito. Halata ang gulat sa kanyang mukha, ito ay biglang napangiti. Kita nyang ang pantay-pantay na ngipin nito. Bumilis ang kabog ng kanyang puso. Nakaramdam sya ng kakaiba. Ang alam nalang nya ay nakaakbay sa kanya ang lalaking nakaitim na long sleeve.

He is Franco Rovino Gamboa o FR.


I T U T U L O Y . . .

Tuesday, November 26, 2013

Unbroken 2.0 Prologue

FB:iheytmahex632@gmail.com
Twitter:@roviyuno
Author:Rovi Yuno / Unbroken
Blog: http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com/


* * *


Salamat sa mga nagbasa ng ARA. Ngayon ay itutuloy ko na ang isa sa aking mga dati pang naudlot na gawa, ang Unbroken 2.0.


* * *


This is a Re-Run of Unbroken 2.0. Please feel free to still read as we finish to story of Daniel and FR. Nakapagsulat na ako ng next chapters so tuloy-tuloy na to. :)


* * *


P R O L O G U E

Nanatiling nakahiga si Daniel sa mga bisig ni FR. Patuloy ang pagtangis ng huli dahil sa pagkawala ng minamahal. Naging saksi ang mga langay-langayan na malayang bumabagtas sa payapa at umaawit na langit sa mga hiyaw at panaghoy ni FR. He then remembered that it was Christmas day. Tumingala sya sa langit, pumasok sa isip nya na sisihin ang Diyos sa nangyari, sya ay lumuha.

Salamat sa binigay nyong pagkakataon na makasama ko pa si Daniel kahit sa mga huling araw nya dito sa lupa. Maraming salamat sa pagkakataon na binigay nyo sa amin para maiyos ang lahat. Salamat sa lahat lahat. Ngayong kasama nyo na sya sa langit,ako naman po ang gabayan nyo. Nabuhay ako dati, hindi ko sya kilala. Pinagtagpo nyo kami at pinaramdam nyo samin kung paano ba talaga magmahal ng walang hinihinging kapalit.Ngayon hindi ko po alam kung paano ako magsisimula ulit. Masakit,pero alam kong gagabayan nyo ako. Tulungan nyo po ako, Tulungan nyo po ako.

He felt the morning wind hugging him. Even the ripples were there to kiss his feet. He felt nostalgia. At muling lumuha si FR.

Parang mga asong nakakita ng buto,agad na nagtakbuhan ang mga personnel ng beach resort nang marinig ang iyak ni FR. Tumawag ng ambulansya,agad na sinakay ang dalawa,pinaharurot. Umaasang marerevive pa ang wala na.

Agad tinawagan ni FR ang mga tao sa kanilang bahay.

“Ma,wala na po si Daniel.”

Narinig nalang nya ang pagluha ng ina sa kabilang linya.

“Best,nasaan ka? Wala na si Daniel.”

“Puki mong may granules. Oh my Jesus! Nasaan kayo? Lilipad ako.” si Pixel.

“Sa pinakamalapit na ospital sa Subic. Hindi ko alam.”

She heard Pixel sigh. A sigh that has no exasperation,a sigh that has a lot of sympathy.

“Antayin mo ako. Pagdating ko pwede ka ng umiyak. Hold it.”

He wiped the tears with his checkered hanky. Nagmamadali pa din ang driver ng ambulansya.

“Ivy. Wala na ang kuya mo.”

Di na sumagot si Ivy. Panay iyak nalang ang narinig sa kabilang linya.

The number you dialled is unattended or out of coverage area. Please try your call later.

Nasaan si Carlos? Ngayon sya kailangan ni FR. FR put his phone inside his pocket. He then saw mists all over the ambulance. He felt his eyes were being cloudy again. For the nth time,umiyak na naman sya.




Madaling narating ang hospital. Agad na sinugod sa E.R si Daniel. Nanatiling nakaupo si FR sa isa sa mga bench doon sa ospital. Isang oras ang nakalipas dumating si Pixel na nakacocktail dress. Kahit ospital dapat nakagayak pa ang talipandas. Tumakbo itong parang trumpong kangkarot papalapit kay FR. Inangat ni FR ang kanyang ulo,banaag ang luha sa mga mata,Pixel gave her a tight hug. That was what he needed that time.

Lumabas si Carlos sa E.R. Rumehistro ang gulat sa mukha ni FR at Pixel. Kita ang malaking disappointment sa mukha ni Carlos. Dahan-dahan itong lumapit sa dalawa. Nanatiling tahimik ang magbestfriend. Tumitig si Carlos kay FR,mata sa mata,pinahid ni Carlos ang mga luha dito.

Ilang segundo pa ay umiling si Carlos. Di na nakapagpigil si Pixel,umiyak na parang walang bukas. Niyakap ni Carlos ng mahigpit si FR. Slowly,kinain na ng dilim ang lalaking nagdadalamhati sa pagkamatay ng kanyang pinakamamahal.



Huling gabi na ng lamay ni Daniel. Nanatili pa ring tahimik si FR. Di masyadong makausap at ngingiti lang ng malungkot sa bawat makikiramay. Dumating ang mga kaibigan,kaklase,colleagues at kung sino pang related sa pamilya at sa kanilang dalawa. Nagmistulang malaking reunion, nagkaroon muli ng communication ang mga dating wala na. Masaya ang lahat sa mini-reunion na naganap pero batid sa lahat ang panghihinayang at kalungkutan sa pagkawala ni John Daniel Madrid.

Kumatok si Pixel sa kwartong tinutuluyan ni FR sa mansion ng mga Madrid. Walang sagot,naisipan na nyang pumasok sa loob. Madilim ang kwarto,liwanag lang ng laptop ang makikita. Parang humihikbing bata si FR sa isang blog na binabasa. Lumapit si Pixel.

“Ano yang binabasa mo?”

“Online Diary ni Daniel.”

“Bongga.”

“Nakadetalye dito lahat ng nangyayari samin. Naiiyak ako twing binabasa ko. Nararamdaman ko kung gaano nya ako minahal.”

“Alam naman ng lahat na mahal ka ni Daniel.”

“Oo nga.”

“Iiwan na muna kita para asikasuhin yung mga batchmates nating ginawang restaurant ang lamay. Magprepare ka na. In an hour,start na ng sharing at ng final mass.”

“Okay.”

Pixel hugged FR.



Nakalipas ang isang oras at dumating na ang paring magbibigay ng huling basbas sa labi ni Daniel. The mass went on at umabot na sa punto ng sharing. Ang mga magulang ni Daniel ang nauna,sinundan ng mga kapatid nitong lalaki. Sumunod si Ivy.

“Si Kuya Daniel ang isa sa mga taong hindi ko inaasahang darating sa buhay ko.”

“Nung kinakailangan ko ng karamay sa lahat-lahat,nandyan sya. Kahit na nung mga panahong hirap na hirap na sya sa chemotherapy eh inuuna pa nya ako dahil buntis nga ako. Naaalala ko yung pagtitimpla nya ng gatas para sa akin everynight. Naalala ko yung mga panahon na sasamahan nya ako sa OB ko tapos pagkakamalan kaming magasawa ng mga tao. Naalala ko kung paano sya tumawa sa t'wing pinapahawak ko ang tyan ko sa kanya pag sumisipa ang baby ko. The simplest thoughts count. Kung nasaan ka man ngayon Kuya Daniel.tandaan mo na naging napakasaya ko para makasama ka sa buhay ko. Ikaw ang pinakamabuting kapatid na meron ako. Mahal na mahal kita Kuya.”

Tumingin si Ivy sa crowd at nakita nya ang mga namumugtong mga mata nito. Nagpakawala sya ng isang buntong-hininga,pinahid ang mga luha,ngumiti. Bumaba ng platform at nakatanggap ng yakap mula kay Pixel.

Oras na ng babaeng bakla para magsalita. Tinantya nito ang crowd at nagbuntong-hininga.

“Akala ko nga nung una straight yang bwisit na yan.” banat nito.

Nangingiti ang mga tao sa mga pinagsasabi ng babaeng bakla.

“Pero kiki mong may granules. Lalaki pala ang gusto. Naloka ako. Akala ko talaga nung una, ako ang type nya. Pero malalaman laman ko nalang na kaya pala nya ko kinoclose dahil kay FR. Imagine? Inisip ko talaga nung High School pa ako na magkakaroon kami ng mga cute na anak ni Daniel, ang ganda ko ba naman eh.” kitang kita dito ang pagpipigil ng luha,dinadaan sa joke ang gustong iparating.

Kita ang ngiti sa mga labi ng mga tao.

“Daniel is really a sweetheart.” naging seryoso ang tono nito.

“Lagi syang may something new to offer. Di ka mabobore. Si Daniel yung taong akala mo ampao,pero pag nakausap mo buchi pala. May laman ang utak,di puro hangin. Si Daniel yung taong akala mo sa una maldito,oo nga may pagkamaldito pero napakabuting tao nya sa lahat ng mga kaibigan nya.”

Lumuha ang babaeng bakla.

“Sorry kung umiiyak ako. Di ko lang talaga matake na makita sya dyan sa kabaong na yan. Pero infairness nga palong-palo ang kabaong ha? Gold in fairness. Tae naman oh. Naiiyak ako. Wala na akong masabing matino. Daniel,kung naririnig mo ako,muntik na kitang minahal okay? Mamimiss kita. Mamimiss kita ng sobra.”

Bumaba si Pixel sa platform. Si FR na ang susunod. Nagyakap ang dalawa.

“Best.”

Tumingin lang si FR bilang sagot.

“Big girls don't cry.”

Ngiti ang sinagot nito.

Tinantya ni FR ang tao sa mansion. Madami din. Inadjust nya ang mic ng naayon sa pwesto nya. Bago sya magsalita,nagpakawal sya ng isang buntong-hininga. Tilang may anghel na dumaan, natahimik lahat ng tao. Tumingin lahat kay FR at napalunok ito.

“Una sa lahat,gusto kong magpasalamat sa inyo sa pagpunta at pakikiramay sa akin maging sa pamilya ni Daniel. Ang laking suporta nyan para sa amin na iniwan. Maraming salamat sa inyong lahat.”

Nagpakawala ito ng isang buntong-hininga.

“Daniel,mamimiss kita.”

Paunang statement palang ay nakaramdam na ng kakaiba ang mga nakikinig. Nakaramdam sila ng kilabot,ramdam na ramdam ang sinseridad. Isang malaking katahimikan.

“Mamimiss ko yung mga bagay na walang kwentang lagi nating ginagawa at pinagaawayan. Mamimiss ko kung paano natin pinagtatalunan kung paano kunin ang sagot sa mga Math problems about quadratic equations. Mamimiss ko yung mga tawag mo twing alanganing oras ng gabi. Mamimiss ko yung mga surprise visits mo sa bahay. Mamimiss ko yung pagbuhos mo sakin ng juice as a wake up call. Mamimiss ko lahat ng mga simpleng bagay na ginagawa natin. Mahal na mahal kita.”

May mangilan-ngilan ng napapahikbi.

“Daniel,alam kong kasama ka na ng Diyos ngayon sa langit. Alam kong masaya ka na dyan. Favor naman oh? Pwede bang tulungan mo din kaming tanggapin na wala ka na? Pwede ba yun? I have more favors to ask actually, Would you mind? Daniel,pwede bang wag mo kong kalimutan? Wag mo kong kakalimutan kasi di ko alam kung makakalimutan kita. Pwede ba minsan pag payagan ka dalawin mo naman ako? Para lang makita kita? The thought of thinking you're gone is killing me. Please. Wag mo kong kakalimutan. Mahal na mahal kita.”

Rinig ang crack sa boses ni FR. Umiiyak na ang ilang sa mga malalapit nilang kaibigan.

“Daniel. Mahal kita at di ako magsasawang sabihin yan sa kanila. Mula sa dulong strand ng buhok ko hanggang sa dulong kuko ko sa paa,ramdam ko sa puso ko na ikaw lang ang laman nito. Mula pa noon,noong una kitang nakita,hanggang ngayon,ikaw pa rin ang nagiisa dito.Mahirap,masakit at nakakapanibago,pero asahan mong kakayanin ko para sayo.Makakaasa ka na magiging okay ako kahit parang pakiramdam ko ayaw ko ng maging okay. Makakaasa ka na patuloy akong magdadasal para magkita tayo ulit. Makakaasa kang di kita kakalimutan. Makakaasa kang mamahalin kita kahit wala ka na. At kung mabibigyan ng pangalawang pagkakataon, kahit sa ating ikalawang buhay, ikaw at ikaw pa rin ang mamahalin ko.”

Kitang-kita ng mga tao sa lamay kung paano humugot ng isang malalim na buntong hininga si FR. They saw how FR wiped the tears coming from his left eye. They all symphatized with him. Muli, he sighed.


“Pero siguro di pa talaga tayo magkikita ulit. Alam ng Diyos na marami pa akong dapat ayusin. Sana pag napadpad ako sa langit,kung sa langit nga ako mapunta makita kita. At sana tanda mo pa ako noon,sana pwede nating ituloy ang kabaklaan natin sa langit, Sana pwede tayong magmahalan dun gaya ng pagmamahalan natin dito sa lupa. Aasahan kong hihintayin mo ako dyan,kung nasaan ka man. Ayokong maging malungkot lalo kaya di ako nagsasabi ng kung anu-ano. Daniel ayoko na baka umiyak ako. Daniel please? Daniel? Mahal na mahal kita. Mahal na mahal kita.”

Tumahimik ang mga mata. Waring may dumaang anghel sa kanilang mga harapan.

Ngumiti si FR. Tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Bumaba sya ng platform at agad na dumeretso sa kwarto. Sinara nya ang pinto at agad na umiyak na parang bata. Nakaramdam ng yakap si FR mula sa dilim. Pamilyar ang amoy na yon,ang init ng kanyang katawan . Ramdam nya ang yakap ni Carlos mula sa kadiliman ng kwarto.

Then there's a deafening silence.

Nilamon na ng dilim si FR. Pahigpit ng pahigpit ang mga yakap ni Carlos.






Saturday, November 23, 2013

A R A - Epilogue


FB:iheytmahex632@gmail.com
Twitter:@roviyuno
Author:Rovi Yuno / Unbroken
Blog: http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com/


Maraming salamat sa mga nagbasa at nagcomment sa series ko na to. :)

Unbroken 2.0 will be next. Para sa mga nagaabang. Re-run then all new chapters na tayo. :)


* * *



E P I L O G U E

How long has it been? Her heart pounding fast. Full of excitement, full of anticipation.

They sat quietly. They cleared their mind. They are coming home.

“I wonder how it feels like to be back,” said M, who's now in his mid-20's.

She smiled at him.

“I wonder if our house still look the same,” said E, who's in his puberty.

“Maybe, things have changed. Or maybe, things are still the same,' she said.

Please fasten your seatbelt. We are going to experience some turbulence and everyone is expected to be in their seats. Please wait till the seatbelt signal has been turned off.

She checked her kids and saw euphoria on their faces. M and E, on the other side are enjoying their snack. She was comfortable flying but when she checked the girl on her side, it was nervous.

“Althea, why are you pale?”

The girl looked at her.

“Mommy, I'm afraid. Aren't we near yet?”

She smiled.

“We're almost here, Althea. Don't worry about it. Atleast, you have conquered your fear of flying,” she said softly.

“Althea, we're going to a beautiful place. Just be mindful because it's really hot in there,” M said, while chewing his crackers.

Althea smiled at her brother.

“Mommy, how is he like?”

“Who, Althea?”

Her eyes met hers.

“Him,” she answered.

“He's a fine man. You'd love him for sure,” she replied.

She looked at her daughter and got reminded of him. Her brown, puppy eyes, her caramel skin that has a stunning radiance, her poise and wit. Everything.

“I just don't know what to expect, Mommy.”

“Set no expectations, Althea. Don't worry. You'd be fine. And i'm going to be there with you. Even your brothers. So you are safe.”

The turbulence has stopped. E stood and went to the lavatory.

“I just don't know how to feel. It's going to be my first time. First time, i'd be seeing him, touch him, hug him, kiss him. I have always wanted to see him, Mommy.”

She gave Althea a kiss on the forehead.

“I know baby, I know.”

Hours have passed. The kids already went to sleep while she's still wide awake. She's still thinking about him. There were miles between them and she could still feel his touch. There was no day that she didn't think or even dream of him. It has always been him. After all. She closed her eyes.

* * *

Finally, they're home. E and M giddily get their bags on the overhead cabin. Althea was just calm and composed. The crew assisted Ara as she try to get their stuff.

“Finally, we're home,” M said.

They lined and waited for their turn to alight. They were euphoric. Althea was still quiet. They walked out of the establishment and saw a car parked waiting for them. Ara stopped.

“Althea, this is it.”

M and E are looking at Althea's expression.

“I'm nervous.”

“Don't be, Althea. You've waited for years for this to happen. Now is your chance, no matter what, we'd be happy for you,' said E.

M pulled E and althea and the three had a group hug. Ara was left staring at the car.

“Mommy, aren't you joing our group hug?”

“Ye-yeah.”

The hug felt tight and true. It hit home.

She saw him get off that black car. He's never changed. Years have passed yet he still managed to maintain that built. Though some lines have appeared on his face, that same look pierced her.

He started walking towards them. M and E are eyeing him.

“Is he, Mommy?” asked M.

Ara nodded.

“Althea, go near your dad.”

Althea nodded and slowly walked towards his direction. They are all waiting for them to recognize each other.

“Is he Althea's dad, mom?” E asked.

“Yes, E. He's Yari,” she answered.

Althea saw her male version. Some lines have appeared on his face still, Althea felt that sudden rush. He was now looking at her. He was amazed on how she looked like him. There's no way they could hide it but she's his daughter.

“Are you my daughter?” he said, in tears.

“Y-yes. I'm Althea,” she answered.

They were both quiet. Althea was shaking. Yari was sobbing. Ara watched them for a distance. M and E were silently staring at them.

“Can I hug you?” he said.

She nodded.

The next thing they knew is that they were hugging each other tightly. They were crying. They were happy. Ara couldn't hide her tears upon seeing the two of them finally meeting each other. M touched her shoulders. E handed her his hanky.

“Mommy, can I ask you something?” E.

“Sure,” she said.

“Do you love him, still?”

The cold wind brushed her face. M and E are looking at her. She smiled.

“I love you guys, more,” she answered.

“Mommy, do you love him still?” M repeated the question.

She took a deep breath.

“Yes, I still do,” she said.

“Then that's it. Go and get him, Mommy. You have done enough for us and we now wish for your own happiness. We are just here to support whatever decision you do. That's how we love you.”

She was in tears upon hearing that.

“Go Mommy. Go near him. Don't let go,” M said, smiling.

She started walking near Althea and Yari. Both of them are crying. The cold wind continued to brush her face. He saw her. She saw him. The world stopped rotating. Yari let go of the hug and went near Ara.

The wind got stronger. It sent cold on their bodies but the fire that their hearts were feeling could not be tamed.

“Ara,” he said.

“Yes, Yari..”

“I missed you so much.”

Their hands locked as the sunset painted the skies orange in the busy city.